respondents, interpretation, recomendation, conclusion

6

Click here to load reader

Upload: lady-lee

Post on 23-Jun-2015

282 views

Category:

Documents


3 download

TRANSCRIPT

Page 1: Respondents, interpretation, recomendation, conclusion

Saloobin ng mga Mag-aaral sa Kanilang mga Kaklaseng Koreano

Ang aming grupo ay nagsagawa ng isang pagsusuri sa limapung (50) estudyante ng Bulacan State University upang alamin ang pangkalahatang saloobin ng mga mag-aaral na Pilipino sa kanilang mga kaklaseng Koreano. Sa pamamagitan ng Likert Type questionnaire, aming binigyan ng kahulugan ang bawat koda:

LS-------- ( Lubos na sumasang-ayon)S---------- ( Sumasang-ayon)BS-------- ( Bahagyang sumasang-ayon)HS------- ( Hindi sumasang-ayon)LHS------ (Lubos na hnidi sumasang-ayon)

Frequency Distribution at Descriptive Measures ng Saloobin ng mga Mag-aaral sa Kanilang mga Kaklaseng Koreano.

(50 Respondents)

Baryabol LS S BS HS LHS MeanBerbal na Interpretasyon

1. Masaya ako dahil mayroon akong mga Koreanong kaklaseng nakakasama sa loob ng aming silid-aralan. 17 26 7 0 0 4.18 PPA

2. Nangangamba ako sa pagdami ng mga Koreano naming kaklase sapagkat nalalamangan nila ako sa akademiks. 0 6 11 17 16 2.14 NPA3. Natatakot ako na balang araw ay karamihan sa mga Koreanong nakapagtapos ng pag-aaral sa ating bansa ay kunin ng mga kumpanya upang magtrabaho kaysa sa mga Pilipino. 24 13 3 2 8 3.86 PPA4. Natutuwa ako sapagkat madali kong naging kaibigan ang mga kaklase kong Koreano. 18 8 15 9 0 3.7 BPA

5. Nababagabag ako sa aking grado sa English sapagkat mas pinagtutuunan ng 7 11 13 10 9 2.94 BPA

Page 2: Respondents, interpretation, recomendation, conclusion

pansin ng aming guro ang aming mga kaklaseng koreano.6. Nakakaramdam ako ng pagkailang kapag kausap ko ang aking mga Koreanong kaklase. 8 10 20 10 2 3.24 BPA7. Natutuwa ako dahil may natututunan ako tungkol sa kultura ng aking mga kaklaseng Koreano. 21 10 17 2 0 4 PPA8. Natutuwa ako sa pagkakaroon ng mga kaklaseng Koreano dahil nagsisilbi silang hamon upang ako ay maging masigasig sa pag-aaral. 23 12 12 3 0 4.1 PPAKabuuang Mean 3.52 BPA

Legend:

1.0 -1.59 NNPA - Napakanegatibong Pagsang-ayon1.60 -2.59 NPA - Negatibong Pagsang-ayon2.60 -3.59 BPA - Bahagyang Pagsang-ayon3.60 -4.59 PPA - Positibong Pagsang-ayon4.60 -5.0 NPPA - Napakapositibong Pagsang-ayon

Interpretasyon:

Balanseng mga katanungan ang aming ginawa kung saan nakasaad ang apat na positibo at apat na negatibong tanong. Sa pamamagitan ng pagsisiyasat, aming natunghayan ang resulta ng bawat katanungan na nagsasaad ng mga saloobin. Sa unang katanungan, nakakuha ito ng mean na 4.18 at ang lumabas na berbal na interpretasyon nito ay ang Positibong Pagsang-ayon. Lumabas na maraming mga estudyanteng Pilipino ang sumasang-ayon na sila ay masaya sa pagkakaroon ng mga kaklaseng Koreano na nakakasama at nakakasalamuha nila sa loob ng silid-aralan. Nakasaad naman sa ikalawang tanong na may mean na 2.14 at berbal na interpretasyong Negatibong Pagsang-ayon na, iilan lang o kakaunti lamang ang nangangamba sa pagdami ng mga Koreanong mag-aaral, sapagkat hindi sila nangangamba na malamangan sila ng mga Koreano sa kanilang mga akademiks. Lumabas naman sa ikatlong baryabol ang mean na 3.86 na may berbal na interpretasyong Positibong Pagsang-ayon. Resulta ito ng pagkatakot ng mga mag-aaral na sa pagdating ng panahon ay mahirapan silang makakuha ng trabaho, sa kadahilanang karamihan sa mga Koreanong nakapagtapos ng pag-aaral sa ating bansa ay kunin ng mga kumpanya upang magtrabaho. Nakakuha naman ng mean na 3.7 ang ikaapat na baryabol na may berbal na interpretasyong Bahagyang Pagsang-ayon. Ipinakita dito na bahagya lamang ang sumasang-ayon na sila ay natutuwa sapagkat madali nilang nagiging kaibigan ang mga kaklase nilang Koreano.

Page 3: Respondents, interpretation, recomendation, conclusion

Sa ika-limang baryabol naman, ito ay nakakuha ng mean na 2.94 na may berbal na interpretasyong Bahagyang Pagsang-ayon. Bahagya lamang ang nababagabag sa kanilang grado sa English bagama’t mas pinagtutuunan ng pansin ng kanilang guro ang kanilang mga Koreanong kaklase. Sa ika-anim na katanungan, ang mean nito ay 3.24 na may katumbas na interpretasyong Bahagyang Pagsang-ayon. Nakakaramdam ang mga mag-aaral ng bahagyang pagkailang kapag sila ay may mga Koreanong kausap. Sa ika-pitong katanungan naman, ang mean ay 4.0 at may katumbas na berbal na interpetasyong Positibong Pagsang-ayon. Marami sa mga Pilipinong mag-aaral ang natutuwa at sumasang-ayon na sila ay may natututunan sa kultura ng kanilang kaklaseng Koreano. May mean na 4.1 at interpretasyong Positibong Pagsang-ayon naman ang pinakahuling katanungan. Natutuwa ang maraming estudyante sa pagkakaroon ng mga kaklaseng Koreano dahil nagsisilbi silang hamon upang magsigasig sa pag-aaral.

Konklusyon

Napag-alaman ng aming grupo, batay na rin sa aming isinagawang surbey, na balanse lamang ang resultang lumabas sa pag-aaral. Ipinakita na nasa tama lang o balanse ang ipinapakitang saloobin ng bawat estudyante sa kanilang mga kamag-aral na Koreano.Ang saloobin ng bawat mag-aaral ay bumabatay rin sa saloobing ipinapakita sa kanila ng mga Koreanong mag-aaral sa loob ng departamento.

Karamihan din sa mga Pilipino ay nagkakaroon ng pakiramdam na sila ay nadidiskrimina dahil sa repleksyong ipinapakita ng mga Koreano sa kanila. Bagama’t sa pagiging magiliw sa bisita ng mga Pilipino, hindi rin maiiwasan ang pagkayamot kapag ipinupwera sila o tinatanggihan ng mga banyagang kamag-aral.

Sa paglipas ng panahon, maaring dumami pa ang mga Koreanong pumupunta dito sa Pilipinas upang mag-aaral lalo na ng salitang Ingles sa may mga kalidad na eskwelahan, pamantasan, o unibersidad. Hindi maiiwasan na mangamba lalo na ng mga Pilipinong mag-aaral ang patuloy na pagdagsa ng mga banyagang mag-aaral dito sa ating bansa. Gayunpaman, pakikibagay at pakikisalimuha ang magsisilbing gabay upang makasabay tayo at hindi mapag-iwanan sa mga akademiks o iba pang aspeto na patungkol sa pag-aaral, ng ating mga kaklaseng Koreano.

Rekomendasyon

Ang aming grupo ay nagkaisang gumawa ng mga payo o tagubilin upang magkaroon ng pantay at magandang samahan ang mga Pilipino sa mga Koreanong estudyante, at gayundin ang mga Koreano sa mga Pilipinong estudyante.

1. Mabuting pagtanggap at pakikitungo ay kailangan upang maging magiliw sa isa’t isa. Pagpaparamdam sa mga bisita na welcome sila di lang sa ating bansa kundi sa atin ding mga salu-salo, eskwelahan, barkada, at kaibigan.

2. Pagtutulungan sa isang bagay na hindi pa alam o hindi pa natutunan. May kusang loob na pagtulong sa mga taong nasa kanyang paligid.

Page 4: Respondents, interpretation, recomendation, conclusion

3. Paggalang sa kultura o relihiyon ay importante ng sa ganon igalang din ang paniniwalang taglay mo.

4. Pakikibagay. Dapat marunong tayong makibagay sa lahat ng tao. Dahil, dito nagsisimula ang positibong repleksyong gusto nating ibalik sa atin ng ating kapwa.

5. Huwag mag-isip ng negatibong bagay sa kapwa. Dahil, ang pag-iisip ng mali ang daan upang ang karamihan ay maniwala at pagsimulan ng hindi magandang samahan.

6. Higit sa lahat, ang pantay na pagtingin sa bawat isa ang kailangan upang mas maging maganda at masaya ang samahan.

Ang mga rekomendasyong aming binigay ay makakatulong sa mga Pilipinong mag-aaral, gayundin sa mga Koreano. Datapwat, ang lumabas na resulta sa aming pagsusuri ay Bahagyang Pagsang-ayon o nasa tamang lugar at aspeto ang saloobing ipinapakita ng mga Pilipino sa mga Koreanong mag-aaral kinakailangan pa rin ng tamang pag-uugali at mabuting asal ang taglayin dahil iba ang kinalakihan ng mga Koreano kaysa sa atin. Gayundin, maaring iyon din ang nasa isip ng mga Koreanong pansamantalang nananatili dito sa ating bansa.

Kinakailangang bukas pa rin ang ating isipan sa mga bagay o tao na ngayon lang natin nakasalamuha at suriin munang mabuti kung ang gawi o kilos na kanilang ipinapakita ay kinalakihan o parte ng kanilang kultura upang maiwasan ang di-kanais nais na pag-uugali.