reaksyion

4
Watawat Ang pelikulang “Watawat” ay tumatalakay sa kasaysayan ng kasarinlan at watawat ng Pilipinas. Ikinuwento dito ang panahong nililikha ang sagisag ng kalayaan para sa deklarasyon ng Unang Republika ng Pilipinas. Hiniling ni Heneral Emilio Aguinaldo na lumikha ng isang watawat na magsisilbing sagisag ng kalayaan ng ating bansa. Sa pagtutulungan nina Doña Marcela Agoncillo, at nang kaniyang mga anak na sina Enchang Agoncillo at Delfina Natividad nabuo ang watawat ng Pilipinas habang sila ay nasa Hongkong dulot ng pananakop ng bansang Espanya. Tumagal ng limang araw ang kanilang paghahabi sa watawat na ibinase sa mga kagustuhan at pagsasalarawan sa kanila ni Heneral Aguinaldo. Ang pambansang watawat ng Pilipinas ay isang pahalang na watawat na may dalawang magkasing sukat na banda ng bughaw at pula, at may puting pantay na tatsulok sa unahan; sa gitna ng tatsulok ay may isang gintong araw na may walong pangunahing sinag, na kumakatawan sa unang walong lalawigan ng Pilipinas na nagpasimula ng himagsikan noong 1896 laban sa Espanya; at sa bawat taluktok ng tatsulok ay may gintong bituin, na ang bawat isa ay kumakatawan sa tatlong pangunahing rehiyon - ang Luzon, Kabisayaan, at Mindanao. Maaari rin maging watawat pandigma ang watawat na ito kapag ibinaligtad Ang watawat na ito ay inihalintulad sa ebolusyon ng watawat na ginamit sa mga kilusan lalo na ang pag-aaklas na pinamunuan ng Katipunan. Ilan sa mga watawat na ito ay ang unang watawat ng

Upload: shiean06

Post on 08-Nov-2015

226 views

Category:

Documents


5 download

DESCRIPTION

watawat

TRANSCRIPT

WatawatAng pelikulang Watawat ay tumatalakay sa kasaysayan ng kasarinlan at watawat ng Pilipinas. Ikinuwento dito ang panahong nililikha ang sagisag ng kalayaan para sa deklarasyon ng Unang Republika ng Pilipinas. Hiniling ni Heneral Emilio Aguinaldo na lumikha ng isang watawat na magsisilbing sagisag ng kalayaan ng ating bansa. Sa pagtutulungan nina Doa Marcela Agoncillo, at nang kaniyang mga anak na sina Enchang Agoncillo at Delfina Natividad nabuo ang watawat ng Pilipinas habang sila ay nasa Hongkong dulot ng pananakop ng bansang Espanya. Tumagal ng limang araw ang kanilang paghahabi sa watawat na ibinase sa mga kagustuhan at pagsasalarawan sa kanila ni Heneral Aguinaldo. Ang pambansang watawat ng Pilipinas ay isang pahalang na watawat na may dalawang magkasing sukat na banda ng bughaw at pula, at may puting pantay na tatsulok sa unahan; sa gitna ng tatsulok ay may isang gintong araw na may walong pangunahing sinag, na kumakatawan sa unang walong lalawigan ng Pilipinas na nagpasimula ng himagsikan noong 1896 laban sa Espanya; at sa bawat taluktok ng tatsulok ay may gintong bituin, na ang bawat isa ay kumakatawan sa tatlong pangunahing rehiyon - ang Luzon, Kabisayaan, at Mindanao. Maaari rin maging watawat pandigma ang watawat na ito kapag ibinaligtadAng watawat na ito ay inihalintulad sa ebolusyon ng watawat na ginamit sa mga kilusan lalo na ang pag-aaklas na pinamunuan ng Katipunan. Ilan sa mga watawat na ito ay ang unang watawat ng Katipunan (KKK), ang watawat ni Pio Del Pilar at mas kilala sa tawag na Ang Bandila ng Matagumpay, watawat ni Hen. Mariano Llanera na kilala rin bilang Bungo ni Llanera (Llaneras Skull), ang watawat ni Andres Bonifacio (Magdiwang Council), ang watawat ni Hen. Emilio Aguinaldo (Magdalo Council), Gregorio Del Pilar na watawat na mayroong tatlong kulay(Pula, Asul na hango sa bandila ng Cuba, at Itim na mula sa bandila ni Hen.sa Llanera), at ang pinakhuli ay ang Sun of Liberty flag na unang ginamit sa rebolusyonaryong gobyerno ni Hen. Aguinaldo at kung saan hinango ang araw na may walong sinag. Ang walong sinag na ito ay kumakatawan sa walong probinsya na unang nag aklas sa pamahalaang Kastila. Ito ay ang Maynila, Tarlac, Batangas, Laguna, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, at Cavite. Maigting ang mga pag-aalsa ng mga Pilipino noon laban sa mga dayuhan. Naging pinuno ng pag-aalsa sina Dagohoy at Diego Silang hanggang sa binuo ni Andres Bonifacio (ang Katipunan. Sinang-ayunan din ni Aguinaldo ang Pakto ng Biak-na-Bato ng rebolusyong ito. Sa walong sinag ng araw ay sa walong lalawigan din naramdaman ang mga unang pag-aaklas.Noong Hunyo 12, 1898 naganap ang makasaysayang pagwagayway ng opisyal na watawat ng Unang Republika ng Pilipinas sa tirahan ni Heneral Emilio Aguinaldo. Ito ang unang araw ng kasarinlan subalit sinundan ito ng maraming rebolusyon laban sa mga Kastila, Amerikano at iba pang himagsikan mula nang pinapatay si Dr. Jose Rizal at ang Supremo. Ang watawat ang tunay at nag-iisang saksi sa mga rebolusyong ito at ang pinakamahalagang simbolo ng kalayaan ng bansang Pilipinas.Maraming katotohanan ang isinisiwalat ng kasaysayan at tumutulay ito sa kasalukuyan. Piping-saksi ang kapirasong tela sa mga tunay na pangyayari noon man at ngayon. Ang kislap ng watawat ay patuloy na magniningning habang may bayang magiliw ang patuloy na kikilala sa kahalagahan nito.Reaksiyon:

Para sa akin maganda at maayos ang pagkakalikha ng pelikula. Pinag-aralan ng buong produksyon ang kausotan, mga tagpuan, galaw at pananalita ng bawat karakter sa pelikula. Masasabi kong isang matinding pananaliksik at pag-aaral rin ng kasaysayan ang isinagawa ng mga manunulat ng pelikula para maibigay ang buong mensahe ng pelikula na makatutulong lalo na sa mga mag-aaral. Nakakatuwa rin ang paggamit ng wikang Filipino sa pelikula dahil pinagyayaman at binibigyang-alab nito ang damdamin ng bawat Pilipino na mahalin ang sariling wika. Sa kabila nito hindi naging kaayaya ang pagbabago o pagpapalitpalit ng bawat eksena dahil ito ay nagdudulot ng konting kalituhan. Sa tingin ko din ay napakasimple lamang ng mga naging tagpuan sa pelikula at ang mga pangyayari na nagaganap sa isang rebolusyon. Hindi nila masyadong binigyang detalye ang mga tagpo na kung saan ay nakikipagdigma na sila sa mga Kastila. Gayunpaman nais ko pa rin na mapanood ito ng tao lalong lalo na ang mga kabataang Pilipino dahil sa layunin, aral at tema na hatid ng pelikula.Laging tandaan at isapuso ang pagbibigay respeto, pagmamahal at pagpapahalaga sa ating sariling watawat sapagkat ito ay sumasagisag sa ating pagiging lahing Pilipino.