rasyunal

2

Click here to load reader

Upload: annmendoza

Post on 22-Aug-2014

125 views

Category:

Documents


1 download

TRANSCRIPT

Page 1: RASYUNAL

Lalusis, Joan Venice M. at Gonzales, Jay Anthony

1A23

Rasyunal

Ang teknolohiya sa ating henerasyon ay masasabi nating nagpapatakbo sa

ating ekonomiya. Nariyan ang kompyuter na tumutulong sa atin na tumuklas ng mga

bagong kaalaman, Mga makinarya na ginagamit natin sa agrikultura, mga sasakyan

na ginagamit sa transportasyon at ang iba pang mga makabagong imbensyon na

tumutulong mapabilis ang ating mga trabaho. Nang matapos sumiklab ang

ikalawang digmaang pandaigdig ay nagsimula narin ang paglaganap ng teknolohiya

sa buong mundo. Nakatuklas ng mga bagong imbensyon ang mga akedemiko at dahil

sa mga ito ay unti unti nang umunlad ang ekonmiya.

Ang mga akademikong patuloy na nagsaliksik ng mga bagong kaalaman at

imbensyon sa tulong ng teknolohiya ay nagpatuloy pa at ang inobasyon ay nagdulot

ng pagkatuklas natin sa robotics o ang pag gamit ng mga robot upang gawin ang

trabaho ng tao at mapadali ang mga ito. Ang mga robot ay ginagamit na paggawa ng

iba’t ibang trabaho at pinanghahalili sa tao upang matugunan ang pangangailangan

pangekonomiya.

Sa mga bansang maunlad tulad ng Estados Unidos, Europa, at Japan ay

masagana sa pag gamit ng robot at iba pang teknolohiya upang gamitin sa

pagpapaunlad ng kanilang ekonomiya. Karamihan sa trabaho ng tao sa mga bansang

ito ay robot o kompyuter na ang gumagawa. Ang usaping teknolohiya ang tiyak nga

na malaki ang naidudulot sa ekonomiya ng isang bansa ngunit ito ay mayroong ding

adbentahe at mga disadbentahe na tatalakayin natin sa pag-aaral na ito.