published in october 2003 byfaspselib.denr.gov.ph/sites/default/files... · ang armm ba ay bahagi...

40

Upload: others

Post on 25-Jan-2021

3 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

  • Qs and As on RA 9054

    Produced by the Department of Environment and Natural Resources-United States Agency for International Development’s(DENR-USAID) Philippine Environmental Governance (EcoGov) Project through the assistance of the USAID under USAIDPCE-1-00-99-00002-00 EcoGov Project No. 4105505-006. The views expressed and opinions contained in this publicationare those of the authors and are not intended as statements of policy of USAID or the authors’ parent organization.

    Published in October 2003 by:The Philippine Environmental Governance Program,Department of Environment and Natural Resources, ManilaDepartment of Environment and Natural Resources, ARMM

    in cooperation with:The ARMM Regional Legislative Assembly

    with technical and production support from:The Philippine Environmental Governance Project

  • Qs and As on RA 9054 i

    Republic of the PhilippinesAutonomous Region in Muslim MindanaoREGIONAL LEGISLATIVE ASSEMBLY

    Cotabato City

    Message

    Assalamu Alaykum Warahmatullahi Wabarakatuh!

    I would like to congratulate the Regional LegislativeAseembly’s Committee on Environment and Natural Resourcesand the Department of Environment and Natural Resources-Autonomous Region in Muslim Mindanao (DENR-ARMM) for theproduction of this pamphlet, Questions and Answers on NaturalResources Management and Other Pertinent Provisions of theRepublic Act No. 9054.

    This will be an invaluable reading material to everyone whowants to know the roles and responsibilities of the people of theAutonomous Region with regards to the management of the naturalresources. The Regional Legislative Assembly believes that theenvironment should be protected and managed for our futuregeneration.

    We also welcome the support initiated under the PhilippineEnvironmental Governance Program of the DENR with technicalassistance from the Philippine Environmental Governance Project.

    Wassalam!

    HON. ISMAEL B. ABUBAKAR, JR.Speaker, Regional Legislative AssemblyAssemblyman, Lone District of Tawi-Tawi

  • Qs and As on RA 9054ii

    Republic of the PhilippinesAutonomous Region in Muslim MindanaoREGIONAL LEGISLATIVE ASSEMBLY

    Cotabato City

    Message

    Assalamu Alaykum Warahmatullahi Wabarakatuh!

    This pamphlet is a good initial reading material for thosewho want to know about the legal mandate of the RegionalGovernment in the management of our natural resources as definedin Republic Act No. 9054, otherwise known as the “ExpandedOrganic Act for the Autonomous Region in Muslim Mindanao.”

    It presents specific provisions describing the powers of theLegislative, Executive and Judicial Departments, as well as sourcesand sharing of revenues and authority of the Regional Governmentover the natural resources located within the autonomous region’sjurisdiction.

    The Regional Legislative Assembly’s Committee onEnvironmental and Natural Resources would also like to extend itsthanks to the DENR of the Autonomous Region in Muslim Mindanao(DENR-ARMM) and the Philippine Environmental GovernanceProject for their assistance in the production of this document.

    SUHARTO S. MIDTIMBANGAssemblyman, 2nd District of

    MaguindanaoSpeaker Pro-Tempore

    Chair, Committee on Enviroment andNatural Resources

  • Qs and As on RA 9054

    Republic of the PhilippinesAutonomous Region in Muslim Mindanao

    Department of Environment and Natural ResourcesOffice of the Regional SecretaryARMM Compound, Cotabato City

    Message

    Assalamu Alaykum Warahmatullahi Wabarakatuh!

    This primer presents some important provisions of RepublicAct No. 9054 in a question-and-answer form pertaining to themanagement of the Autonomous Region’s environment and naturalresources.

    Also included are a number of information regarding thepowers, authority and responsibilities of the Executive, Legislativeand Judicial branches of the Autonomous Regional Government.

    With this primer, we hope the readers will better appreciatethe role of the Regional Government in the protection andrehabilitation of the patrimony of the region.

    Mabuhay ang Autonomous Region.

    Wassalam.

    KABUNTALAN P. EMBLAWA, Al-HajRegional Secretary

    iii

  • Qs and As on RA 9054iv

  • Qs and As on RA 9054 1

    1. Mga Pangkalahatang Probisyon

    Ano ang Batas ng Republika (Republic Act o RA) Blg.9054?

    Ito ang pinatibay at pinalawak na Aktang Organiko para saRehiyong Awtonomo sa Muslim Mindanao (Organic Act forthe Autonomous Region in Muslim Mindanao). Inamiyen-dahan nito ang Batas Republika (RA) Blg. 6734 napinamagatang “Aktang Nagtatatag ng Rehiyong Awtonomosa Muslim Mindanao (ARMM).”

    Ang ARMM ba ay bahagi ng Republika ng Pilipinas?

    Oo. Ang ARMM ay nanatiling isang mahalaga at ‘di-maihihiwalay na bahagi ng pambansang teritoryo ngRepublika ng Pilipinas. (Art. III, Sek. 1)

    Paano pamumunuan at pamamahalaan ang ARMM?

    Ang ARMM ay pamumunuan at pamamahalaan ayon sa:

    1. Mga batas na pinagtibay ng Pangrehiyong Kapulu-ngang Pambatasan (Regional Legislative Assembly);at

    2. RA Blg. 9054. (Art. III, Sek. 1)

    QQQQQ

    AAAAA

    QQQQQAAAAA

    QQQQQAAAAA

  • 2 Qs and As on RA 9054

    Anu-ano ang mga kapangyarihan at katungkulan ngPamahalaang Pangrehiyon?

    Gagampanan ng Pamahalaang Pangrehiyon ang mgakapangyarihan at katungkulan na tahasang ibinigay sakanya ng RA 9054, o ang kinakailangan para sa, o maykaugnayan sa, tamang pamamahala at pagpapaunlad nglahat ng bumubuo sa rehiyong awtonomo. (Art. IV, Sek. 1)

    Ano ang mga limitasyon sa pagpapatupad ng mgakapangyarihan at katungkulan ng PamahalaangPangrehiyon??

    Ang pagpapatupad ng mga kapangyarihan at katungkulanng Pamahalaang Pangrehiyon ay dapat:

    1. Sumasailalim sa mga itinatadhana ng Saligang Batas;at

    2. Naaayon sa alituntunin hinggil sa pangrehiyon at lokalna awtonomiya at disentralisasyon. (Art. IV. Sek. 1)

    2. Sangay Tagapagbatas

    Saan ipinasailalim ang kapangyarihang makapag-akdang batas sa ARMM?

    Ang kapangyarihang makapag-akda ng batas ayipinasailalim sa Pangrehiyong Kapulungang Pambatasan(Regional Legislative Assembly). Di saklaw nito ang mga

    QQQQQ

    AAAAA

    QQQQQ

    AAAAA

    QQQQQ

    AAAAA

  • Qs and As on RA 9054 3

    kapangyarihang ibinigay na sa mga mamamayan ayon samga probisyon hinggil sa inisyatiba at reperendum nanaaayon sa batas. (Art. VI, Sek.1)

    Ang ARMM ba ay maaring gumawa ng sarili nitongKodigong Administratibong Pangrehiyon atPangrehiyong Kodigopara sa Pampamahalaang Lokal?

    Oo. Subali’t, ayon sa RA 9054:

    1. Ang mga kodigong ito ay dapat naaayon sa SaligangBatas; at

    2. Ang mga kapangyarihan at katungkulang nasa kamayna ng pamahalaang lokal (tulad ng lalawigan, lungsod,munisipalidad at barangay) at ang kanilang kabahagio parte sa mga pambansang buwis sa ilalim ng BatasRepublika 7160, na kilala bilang Kodigong Pampama-halaang Lokal ng 1991, ay hindi mababawasan. (Art.IV, Sek. 1)

    Ano ang saklaw ng kapangyarihan sa paggawa ngbatas ng Panrehiyong Kapulungang Pambatasan?

    Sa pangkalahatan, ang Pangrehiyong KapulungangPambatasan ay maaring gumamit ng kapangyarihan sapaggawa ng batas sa rehiyong awtonomo para sakapakinabangan ng mga mamamayan nito at sapagpapaunlad ng rehiyon. (Art. IV, Sek. 3).

    QQQQQ

    AAAAA

    QQQQQ

    AAAAA

  • 4 Qs and As on RA 9054

    Maari bang gamitin ng Pangrehiyong KapulungangPambatasan ang kanyang kapangyarihan sa paggawang batas sa mga usaping may kinalaman sa kalikasanat likas-yaman sa rehiyong awtonomo?

    Oo.

    Ano ang hanggahan sa kapangyarihan sa paggawa ngbatas ng Panrehiyong Kapulungang Pambatasan?

    Ang Panrehiyong Kapulungang Pambatasan ay hindimaaring gumawa ng batas ukol sa mga sumusunod:

    1. Ugnayang panlabas;2. Tanggulang bansa at kaligtasan;3. Lingkurang pang-koreo;4. Paggawa ng salapi metal at mga patakarang piskal at

    pananalapi;5. Paggawad ng katarungan; subali’t, maari itong

    magsagawa ng batas sa mga bagay na saklaw ngShari’ah. Ang Shari’ah ay para lamang sa mga Muslim.Ang aplikasyon nito ay nililimita ng mga alituntunin ngSaligang Batas, lalo na ang pagbabawal sa malupit at‘di-karaniwang pagpaparusa, at ng mga bataspambansa na nagtataguyod ng karapatang pantao atmga panuntunang pambatas na tanggap sa lahat ngdako.

    6. Kuwarentenas;7. Adwana at taripa;8. Pagkamamamayan;9. Naturalisasyon, imigrasyon, at deportasyon;10. Panlahatang awdit;11. Pambansang halalan;

    QQQQQ

    AAAAA

    QQQQQ

    AAAAA

  • Qs and As on RA 9054 5

    12. Maritima, transportasyong panlupa at panghimpapawid,at komunikasyon. Subali’t, ang pamahalaang awtonomoay maaring magtaglay ng kapangyarihang magkaloobng mga prangkisa, lisensya at pahintulot satransportasyong panlupa, pandagat, atpanghimpapawid na nagpaparoo’t- parito sa mgadaanan sa mga lalawigan at lungsod sa loob ng rehiyon,at mga kagamitang pang-komunikasyon na ang mgafrequency at punong tanggapan ay nasa loob lamangng rehiyong awtonomo;

    13. Mga patente, tatak-kalakal, ngalang-kalakal, at mgakarapatang mag-akda; at

    14. Kalakalang panlabas.

    3. Sangay Tagapagpaganap(oEhekutibo)

    Saan nakapasailalim ang kapangyarihangtagapagpaganap ng pamahalaang awtonomo?

    Ang kapangyarihang tagapagpaganap ay nasa kamay ngPunong Pangrehiyon (Regional Governor). Siya ay ihahalalng mga kwalipikadong botante ng rehiyong awtonomo. (Art.VII, Sek. 1)

    QQQQQ

    AAAAA

  • 6 Qs and As on RA 9054

    Sino ang punong tagapagpaganap ng PamahalaangPangrehiyon?

    Ang Punong Pangrehiyon ang punong tagapagpaganap ngPamahalaang Pangrehiyon. Siya ay tutulungan ng isangkabineteng bubuuin ng hindi hihigit sa sampung kasapi.Sa mga kasaping ito, ‘di naman bababa sa anim ang dapatay magmumula sa mga pamayanang katutubo. (Art. VII,Sek. 2)

    Itinadhana ba ng RA 9054 ang paghirang ng mgaKawaksing Punong Pangrehiyon (Deputy RegionalGovernors)?

    Oo. Ang Punong Pangrehiyon ay maghihirang ng tatlongkawaksi na kumakatawan sa mga Kristiyano, mgapamayanang katutubo, at mga Muslim sa rehiyon. (Art. VII,Sek. 6)

    Itinatadhana ba ng RA 9054 ang pagbuo ng konsehongtagapagpaganap para sa ARMM?

    Oo. (Art. VII, Sek. 6)

    Sino ang bubuo sa konsehong tagapagpaganap?

    Ang Punong Pangrehiyon, ang Pangalawang PunongPangrehiyon, at ang tatlong Kawaksing PunongPangrehiyon ang bubuo sa konsehong tagapagpaganapng pamahalaang awtonomo. (Art. VII, Sek. 6)

    QQQQQ

    AAAAA

    QQQQQ

    AAAAA

    QQQQQ

    AAAAA

    QQQQQAAAAA

  • Qs and As on RA 9054 7

    Anu-ano ang mga kapangyarihan at katungkulan ngkonsehong tagapagpaganap?

    Ang konsehong tagapagpaganap ang siyang magpapayosa Punong Pangrehiyon hinggil sa mga usapin sapamamahala ng rehiyong awtonomo. Ang PunongPangrehiyon ay maaring magtalaga ng mga kapangyarihanat katungkulan sa konsehong tagapagpaganap upangitaguyod ang panlahatang kagalingan ng mga mamamayanng rehiyong awtonomo alinsunod sa mga batas napinagtibay ng Pangrehiyong Kapulungang Pambatasan.(Art. VII, Sek. 6)

    Anong ugnayang pampamahalaan ang umiiral sapagitan ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas at ngPunong Pangrehiyon?

    Tungkulin ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas na tiyakinna ang mga pagkilos ng Punong Pangrehiyon ay naayonsa batas at saklaw pa ng kanyang mga kapangyarihan atkatungkulan. (Art. V, Sek. 1)

    QQQQQ

    AAAAA

    QQQQQ

    AAAAA

  • 8 Qs and As on RA 9054

    4. Paggawad ng Katarungan

    Saan nakapasailalim ang mga kapangyarihangpanghukuman?

    Ang mga kapangyarihang panghukuman ay ipinasailalimsa Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas at sa mga masmababang hukumang itinatag o itatatag ng batas, kabilangang mga Hukumang Shari’ah. (Art, 8, Sek. 1)

    Sa paanong paraan maitatatag ang mga HukumangShari’ah?

    Ang Pangrehiyong Kapulungang Pambatasan ang siyangmagbibigay daan upang maitatag ang mga HukumangShari’ah. Ang mga Hukumang Shari’ah na umiiral na sapetsa nang pagtibayin ang RA 9054 ay patuloy nagagampanan ang kanilang mga tungkulin. (Art. VIII, Sek.5)

    Sino ang babalangkas ng sistemang pambatas ngShari’ah?

    Ang Pangrehiyong Kapulungang Pambatasan, sapakikipag-sangunian sa Kataastaasang Hukuman atalinsunod sa Saligang Batas, ay maaring bumalangkas ngsistemang pambatas ng Shari’ah, kasama ang mga kasongkriminal. (Art. III, Sec.5)

    QQQQQ

    AAAAA

    QQQQQ

    AAAAA

    QQQQQ

    AAAAA

  • Qs and As on RA 9054 9

    Saan iiral ang sistemang pambatas ng Shari’ah?

    Ang sistemang pambatas ng Shari’ah ay iiral sa ARMM.(Art. III, Sek. 5)

    Kanino patutungkol ang sistemang pambatas ngShari’ah?

    Ang sistemang pambatas ng Shari’ah ay patutungkollamang sa mga Muslim o sa mga nagpapahayag ngpaniniwala sa Islam. (Art. III, Sek. 5)

    Ano ang saklaw ng mga Hukumang Shari’ah?

    Ang mga Hukumang Shari’ah ay sasaklaw sa mga kasongmay kaugnayan sa mga bagay na personal, pampamilyaat ari-arian, at sa mga transaksyong pang-kalakalan, bukodpa sa mga kasong kriminal na kinasasangkutan ng mgaMuslim. Ang Pangrehiyong Kapulungang Pambatasan, sapakikipagsanggunian sa Kataas-taasang Hukuman, aymagtatakda ng bilang at detalye ng saklaw ng mgaHukumang Shari’ah. (Art. III, Sek. 5)

    QQQQQ

    AAAAA

    QQQQQAAAAA

    QQQQQAAAAA

  • 10 Qs and As on RA 9054

    Ang RA 9054 ba ay nagbibigay daan para sapagkakatatag ng isang Tanggapan ng Tulong Pang-madla ng Shari’ah?

    Oo. Itinatatag ng batas ang Tanggapan ng Tulong Pang-madla ng Shari’ah. Bukod pa rito, itinatadhana rin ng batasang pagtatatag ng tanggapang ito sa bawat distritongpanghukuman ng Shari’ah. (Art. VIII, Sek. 6)

    Ano ang tungkulin ng Tanggapan ng Tulong Pang-madla ng Shari’ah?

    Tungkulin nito ang magbigay ng libreng tulong sa mgamahihirap na may-usapin sa batas.

    Itinatatag ba ng RA 9054 ang Hukumang Shari’ah saPag-aapila?

    Oo. (Art. VIII, Sek. 7)

    Ano ang saklaw ng Hukumang Shari’ah sa Pag-aapila?

    Ang Hukumang Shariah sa Pag-aapila ay:

    1. Didinig sa mga petisyon para sa certiorari, pagbabawal,at mandamus, habeas corpus, at iba pang proseso nasaklaw nito.

    2. May eksklusibong saklaw sa mga inaapilang kaso nanilitis sa mga Hukumang Pang-purok ng Shari’ah, ayonsa itinadhana ng batas. (Art. VIII, Sek. 9)

    QQQQQAAAAA

    QQQQQ

    AAAAA

    QQQQQ

    AAAAA

    QQQQQ

    AAAAA

  • Qs and As on RA 9054 11

    Ano ang katangian ng mga hatol ng mga HukumangShari’ah sa Pag-aapila?

    Ang mga hatol ng Hukumang Shari’ah sa Pag-aapila aypinal at maari nang ipatupad. Subali’t, ang Kataas-taasangHukuman, ayon sa Saligang Batas, ay maari pa ring pag-aralan ang nasabing hatol upang ito ay ipatotoo, baguhin,o baliktarin kaya. (Art. VIII, Sek. 10)

    Itinatatag ba ng RA 9054 ang mga Hukumang Pang-tribo?

    Oo. Itinatadhana ng batas ang isang sistema ng mgaHukumang Pang-tribo na maaring kabilangan ng isangPang-tribong Hukuman sa Pag-aapila. (Art. VIII, Sek. 19).

    Para kanino itinatag ang mga Hukumang Pang-tribo?

    Ang mga Hukumang Pang-tribo ay itinatag para sa mgapamayanang katutubo sa rehiyong awtonomo. (Art. VIII,Sek. 19)

    Ano ang saklaw ng mga Hukumang Pang-tribo?

    Ang mga Hukumang Pang-tribo ay magtatakda,magsasaayos at magpapasiya sa mga problemangkinapapalooban ng kontrobersiya at magpapatupad ng mgakapasiyahang may kaugnayan sa personal, pampamilya

    QQQQQ

    AAAAA

    QQQQQ

    AAAAA

    QQQQQAAAAA

    QQQQQAAAAA

  • 12 Qs and As on RA 9054

    at mga karapatan ukol sa ari-arian ng mga kasapi ngpamayanang katutubo alinsunod sa mga kodigong pang-tribo ng mga nasabing komunidad. (Art. VIII, Sek. 19)

    Ang mga Hukumang Pang-tribo ay sumasaklaw ba samga kasong kriminal?

    Oo. Ang mga Hukumang Pang-tribo ay may eksklusibongsaklaw sa mga krimeng ginawa ng mga kasapi ngpamayanang katutubo. Kabilang dito ang mga kasalanangang kaparusahan ay pagkabilanggong hindi hihigit sa animna taon o/at multa na hindi hihigit sa P50,000, at kung saanang napinsala o mga napinsala ay kasapi rin ng nasabingpamayanang katutubo. (Art. VIII, Sek. 19).

    Nagbibigay daan ba ang RA 9054 para sa pagkokodipikang mga kinaugaliang batas?

    Oo. Ang Pangrehiyong Kapulungang Pambatasan aymagbibigay daan para sa pagkokodipika nga mga bataskatutubo at pagtatala ng mga kinaugaliang batas ng mgaMuslim at ng pamayanang katutubo sa rehiyong awtonomo.(Art. VIII, Sek. 21)

    Kanino patutungkol ang mga itinatadhana ng kodigongMuslim?

    Ang mga itinatadhana ng kodigong Muslim ay mauukollamang sa mga Muslim. (Art. VIII, Sek. 22)

    QQQQQ

    AAAAA

    QQQQQ

    AAAAA

    QQQQQ

    AAAAA

  • Qs and As on RA 9054 13

    Kanino patutungkol ang mga itinatadhana ng kodigongkatutubo?

    Ang mga itinatadhana ng kodigong katutubo ay mauukollamang sa mga kasapi ng pamayanang katutubo.

    Kapag nagkasalungat ang kodigong Muslim atkodigong katutubo, anong batas ang iiral?

    Ang batas pambansa ang siyang iiral. (Art. VIII, Sek. 22)

    Kapag nagkasalungat ang kodigong Muslim o angkodigong katutubo, sa isang panig, at ang bataspambansa naman sa kabila, anong batas angmananaig?

    Ang batas pambansa ang siyang mananaig. (Art. VIII, Sek.22)

    5. Mga Pagkukunan ng Kita

    Ang Pamahalaang Pangrehiyon ay may kapangyarihanbang lumikha ng sariling kita at magpataw ng buwis,singil at kabayaran?

    Oo. (Art. IX, Sek. 1)

    QQQQQ

    AAAAA

    QQQQQ

    AAAAA

    QQQQQ

    AAAAA

    QQQQQ

    AAAAA

  • 14 Qs and As on RA 9054

    May limitasyon ba ang kapangyarihang ito?

    Oo. Ang kapangyarihang ito ay napasasailalim sa mgaitinatadhana ng Saligang Batas at ng RA 9054. Ang ibigsabihin nito, ang kapangyarihang ito ay hindi maaaringgamitin sa mga bagay o sitwasyon na ipinagbabawal ngSaligang Batas at ng RA 9054. (Art. IX, Sek. 1)

    Anu-ano ang mga maaring pagkunan ng kita ngPamahalaang Pangrehiyon?

    Ang mga maaring pagkunan ng kita ng PamahalaangPangrehiyon ay:

    1. Mga buwis, maliban sa mga buwis sa kita o income tax;2. Mga singil at kabayarang ipinataw ng Pamahalaang

    Pangrehiyon;3. Mga buwis, singil, at kabayaran para sa pagtatala ng

    mga sasakyang may motor at para sa pagbibigay nglahat ng uri ng mga lisensya o pahintulot para sapagpapatakbo ng mga ito, maliban sa mga traysikel naipatatala sa lungsod o munisipyo kung saan silatumatakbo;

    4. Mga kabahagi at kita na nagmumula sa pagpapatakbong mga kagamitang pambayan sa loob ng rehiyongawtonomo;

    5. Mga laang-gugulin, kabahagi sa mga buwis sa panloobna kita, mga kaloob at ibang naibahaging laang-gugulinna galing sa Pamahalaang Sentral o PamahalaangPambansa; at

    QQQQQAAAAA

    QQQQQ

    AAAAA

  • Qs and As on RA 9054 15

    6. Mga kaloob na mula sa mga kasundunangpang-ekomiya o kumbensyon na pinasok o pinahintulutanng Pangrehiyong Kapulungang Pambatasan, mgadonasyon, kaloob, tulong mula sa ibang bansa, at ibapang uri ng tulong ayon sa mga alituntunin ng SaligangBatas. (Art. IX, Sek. 8)

    Sa paanong paraan ipamamahagi ang mga nasingilmula sa buwis sa pambansang panloob na kita, mgasingil at kabayaran, at mga buwis na ipinataw sa likas-yaman ng isang lalawigan o lungsod sa loob ng ARMM?

    Ganito ang pagbabahagi ng mga nabanggit:

    1. Tatlumpu’t limang bahagdan para sa lalawigan olungsod;

    2. Tatlumpu’t limang bahagdan para sa PamahalaangPangrehiyon; at

    3. Tatlumpung bahagdan para sa PamahalaangPambansa. (Art. IX, Sek. 9)

    Sa paanong paraan hahatiin ang kabahagi nglalawigan?

    Ang kabahagi ng lalawigan ay hahatiin sa ganitong paraan:

    1. Apatnapu’t limang bahagdan para sa lalawigan;2. Talumpu’t limang bahagdan para sa munisipyo; at3. Dalawampung bahagdann para sa barangay. (Art. IX,

    Sek. 9)

    QQQQQ

    AAAAA

    QQQQQ

    AAAAA

  • 16 Qs and As on RA 9054

    Sa paanong paraan ipamamahagi ang kabahagi nglungsod?

    Ang kabahagi ng lungsod ay ipamamahagi sa ganitongparaan:

    1. Limampung bahagdan para sa lungsod; at2. Limampung bahagdan para sa kinauukulang barangay.

    (Art. IX, Sek. 9)

    6. Mga Probisyon hinggil saPamamahala ng Likas-yaman

    Ang Pamahalaang Pangrehiyon ba ay maykapangyarihan sa mga likas-yaman?

    Oo, ang Pamahalang Pangrehiyon ay may kapangyarihanat karapatan sa mga likas-yaman sa loob ng rehiyongawtonomo. (Art. III, Sek. 8)

    Ano ang saklaw ng kapangyarihan ng PamahalaangPangrehiyon sa mga likas-yaman?

    Ang kapangyarihan at karapatan ng PamahalaangPangrehiyon ay sumasaklaw sa:

    1. Eksplorasyon;2. Pagpapaunlad; at3. Paggamit. (Art. III, Sek. 8)

    QQQQQ

    AAAAA

    QQQQQ

    AAAAA

    QQQQQ

    AAAAA

  • Qs and As on RA 9054 17

    Ano ang kabilang sa mga likas-yaman?

    Kabilang dito ang mga sumusunod:

    1. Mga karapatan sa ibabaw at ilalim ng lupa;2. Mga katubigang panloob at baybaying dagat; at3. Mga napanunumbalik at ‘di-napanunumbalik na

    kayamanan. (Art. III, Sek. 8)

    Ano ang limitasyon sa kapangyarihan ng PamahalaangPangrehiyon ukol sa likas-yaman sa loob ng ARMM?

    Ang paggamit ng kapangyarihan at karapatan ngPamahalaang Pangrehiyon sa likas-yaman sa loob ngARMM ay dapat sang-ayon sa itinadhana ng Saligang Batasat ng RA 9054. (Art. III, Sek. 8)

    Sino ang may pangunahing karapatan sa likas-yamansa loob ng mga lupaing ninuno na nasa loob ng ARMM?

    Ang mga Muslim at iba pang pamayanang katutubo angmay pangunahing karapatan sa eksplorasyon, pagpa-paunlad, at paggamit ng mga likas-yaman sa mga pookna naitalaga bilang bahagi ng kanilang mga lupaing ninuno.(Art. III, Sek. 8)

    QQQQQAAAAA

    QQQQQ

    AAAAA

    QQQQQ

    AAAAA

  • 18 Qs and As on RA 9054

    Kinikilala ba ang karapatan ng mga mamamayan ngrehiyong awtonomo na masangguni sa mga usapingmay kaugnayan sa kanilang kapaligiran?

    Oo. (Art. III, Sek. 14)

    Paano tinatalakay sa RA 9054 ang pangangalaga sakapiligiran at likas-kayang pag-unlad?

    Itinatadhana ng RA 9054 na bigyan ng pangunahing pansinang pangangalaga, rehabilitasyon at likas-kayang pag-unladng mga kagubatan, mga kayamanan sa baybay-dagat atkaragatan, kasama na ang pagpapatibay ng mga programaat proyektong nagtitiyak ng pagpapanatili ng balansengekolohikal. (Art. III, Sek. 17)

    Ang Pamahalaang Pangrehiyon ba ay naatasangmangalaga ng lupaing ninuno at mga lupaing namanasa mga ninuno ng pamayanang katutubo?

    Oo. Ang Pamahalaang Pangrehiyon ay magsasagawa ngmga hakbang upang mapangalagaan ang lupaing ninunoat mga lupaing namana sa mga ninuno ng pamayanangkatutubo. Ang mga hakbang na isasagawa ay dapatnaaayon sa Saligang Batas at mga umiiral na batas nanauukol sa mga bagay na ito. (Art. X, Sek. 1)

    QQQQQ

    AAAAA

    QQQQQ

    AAAAA

    QQQQQ

    AAAAA

  • Qs and As on RA 9054 19

    Ano ang kabilang sa lupaing ninuno ng pamayanangkatutubo?

    Lahat ng lupain at likas-yaman sa rehiyong awtonomo naari na o tinatahanan ng pamayanang katutubo simula panoong unang panahon—maliban kung napigilan ngdigmaan, mga ‘di-mapaglabanang pamimilit, o iba panguri ng sapilitang pag-aangkin—ay magiging bahagi nglupaing ninuno. Ang lupaing ninuno ay kabibilangan ng mgalupang pastulan, pook sambahan, mga libingan, kagubatanat parang at mga yamang mineral. (Art. X, Sek. 1)

    Anong mga kayamanan ang hindi kabilang sa lupaingninuno ng pamayanang katutubo?

    Ang mga sumusunod ay hindi kabilang:

    1. Mga istratehikong mineral gaya ng uranyum, karbon,at petrolyo;

    2. Iba pang panggatong na mula sa mga labi (o fossil),mga langis mula sa mineral, at lahat ng maaringpagmulan ng magagamit na enerhiya;

    3. Mga lawa, ilog at dagat-dagatan;4. Mga pambansang reserba at liwasang dagatan; at5. Mga laang gubat at kanlungang-tubig. (Art. X, Sek. 1)

    QQQQQ

    AAAAA

    QQQQQ

    AAAAA

  • 20 Qs and As on RA 9054

    Ang mga laang gubat ba sa loob ng rehiyong awtonomoay maaring mapasailalim sa pagtotroso?

    Hindi. Ang mga proklamasyong ipinalabas ng PamahalaangPambansa na nagpapahayag na kasama ang mga luma olikas na kagubatan at lahat ng mga kanlungang-tubig saloob ng rehiyong awtonomo ay nakaproklama rin sa RA9054. Ang mga laang gubat ay hindi maaring mapasailalimsa anumang uri ng pagtotroso. (Art. X, Sek. 5).

    Ano ang epekto ng RA 9054 sa mga konsesyon sakagubatan, mga lisensya sa kahuyan, o ano mang uring kontrata o kasunduan sa mga laang gubat sa loobng rehiyong awtonomo na iginawad ng PamahalaangPambansa o ng Pamahalaang Pangrehiyon na abot sapetsa nang pagtibayin ang batas na ito?

    Ang mga ito ay kanselado, at mapapawalang-bisa at saysayat hindi mapanunumbalik hanggang tatlumpung taonmakalipas ang pagpapatibay ng RA 9054. (Art. X, Sek. 5)

    Anong mga parusa ang maaring ipataw saPamahalaang Pangrehiyon kapag ang mga laang gubatay sumailalim sa pagtotroso o pagmimina sa pahintulot,o sa pagpapabaya, ng Pamahalaang Pangrehiyon?

    Ang mga pondong ibinigay ng Pamahalaang Pambansa,kabilang ang kabahagi ng Pamahalaang Pangrehiyon sakitang panloob ay maaring pigilin, bawasan, makansela, oisuko sa utos ng Pangulo. (Art. X, Sek. 5).

    QQQQQ

    AAAAA

    QQQQQ

    AAAAA

    QQQQQ

    AAAAA

  • Qs and As on RA 9054 21

    Itinatadhana ba ng RA 9054 ang paglalaan ng pondopara sa mga proyektong pagpapabalik-gubat at ibapang gawaing pangkapaligiran?

    Oo. Sampung bahagdan ng mga kabahagi sa buwis sakitang panloob ng Pamahalaang Pangrehiyon, ng mgalalawigan, mga lungsod, mga bayan at barangay ngrehiyong awtonomo at pati na rin ang mga inilaang gugulinng Pamahalaang Pambansa para sa pagpapaunlad ngrehiyon ay sadyang gagamitin sa mga proyektongpagpapabalik-gubat at iba pang proyektongpangkapaligiran upang mapagbuti ang pangangalaga atpagpapaunlad ng kapiligiran ng rehiyon. (Art. X, Sek. 5)

    Ano ang nararapat na pagkilos ang dapat isagawa ngPamahalaang Pangrehiyon ukol sa mga korporasyon,kumpanya at iba pang pangkat sa loob ng lupaingninuno na ang mga gawain ay nakasasama sabalanseng ekolohikal?

    Dapat ipag-utos ng Pamahalaang Pangrehiyon sa mgapangkat na ito na magsagawa ng mga kinakailangangaksyon upang mapangalagaan, mapanumbalik, mapagbuti,at mapanatili ang nabanggit na balanse. (Art. X, Sek. 5)

    Ang Pangrehiyong Kapulungang Pambatasan ba aymaaring magsagawa ng mga batas hinggil saekonomiya at mga ari-ariang mana sa mga ninuno(patrimonyo) ng rehiyon?

    Oo. (Art. XII, Sek. 1)

    QQQQQ

    AAAAA

    QQQQQ

    AAAAA

    QQQQQ

    AAAAA

  • 22 Qs and As on RA 9054

    Ano ang mga limitasyon sa kapangyarihangmagsagawa ng mga batas hinggil sa ekonomiya at mgaari-ariang mana sa mga ninuno ng rehiyon?

    Ang mga batas na ito ay dapat:

    1. Naaayon sa Saligang Batas ng Pilipinas at mga umiiralna batas;

    2. Tumutugon sa mga pangangailangan ng rehiyongawtonomo. (Art. XII, Sek. 1)

    Maaring bang pababaan ng Pamahalaang Pangrehiyonang mga panuntunan na ipinag-utos ng PamahalaangPambansa para sa pangangalaga, konserbasyon atpagpapabuti ng likas-yaman sa rehiyong awtonomo?

    Hindi. (Art. XII, Sek. 1)

    Saan nakasalalay ang pangangasiwa sa eksplorasyon,paggamit, pagpapaunlad, at pangangalaga ng mgaminahan at mineral at iba pang likas-yaman sa loob ngrehiyong awtonomo?

    Ito ay nakasalalay sa Pamahalaang Pangrehiyon alinsunodsa Saligang Batas at sa mga kaukulang tadhana ng RA9054. (Art. XII, Sek. 5)

    QQQQQ

    AAAAA

    QQQQQ

    AAAAA

    QQQQQ

    AAAAA

  • Qs and As on RA 9054 23

    Ano ang hindi sakop sa pangangasiwang ito?

    Ang hindi sakop ay ang mga:

    1. Istratehikong mineral gaya ng uranyum, karbon atpetrolyo;

    2. Iba pang panggatong na galing sa mga labi (o fossil),mga langis na mula sa mga mineral, at lahat ng maaringpagmulan ng magagamit na enerhiya;

    3. Mga pambansang reserba at liwasang pandagat;4. Mga laang gubat at kanlungang tubig na tiniyak na ang

    hanggahan sa ilalim ng kapangyarihan ng PambansangPamahalaan. (Art. XII, Sek. 5)

    Ano ang kabahagi ng Pamahalaang Pangrehiyon samga kita, buwis, at singil na hango sa paggamit atpagpapaunlad ng mga istratehikong mineral?

    Limampung bahagdan ng nabanggit na mga kita, buwis osingil ay para sa Pamahalaang Pangrehiyon; ang natitiranglimampung bahagdan ay para sa Pamahalaang Pambansa.(Art. XII, Sek. 5)

    Kailan dapat ipadala ang kabahaging ito saPamahalaang Pangrehiyon?

    Ang nasabing kabahagi ay ipadadala sa PamahalaangPangrehiyon sa loob ng 30 araw mula sa pagtatapos ngbawat sangkapat (o quarter) na bahagi ng isang taon. (Art.XII, Sek. 5)

    QQQQQ

    AAAAA

    QQQQQ

    AAAAA

    QQQQQAAAAA

  • 24 Qs and As on RA 9054

    Sa paanong paraan hahatiin ang kabahagi ngPamahalaang Pangrehiyon sa nasabing mga kita, buwisat singil?

    Ang kabahagi ng Pamahalaang Pangrehiyon sa nasabingmga kita, buwis at singil ay hahatiin sa ganitong paraan:

    a) Tatlumpung bahagdan para sa PamahalaangPangrehiyon;

    b) Dalawampung bahagdan sa lahat ng lalawigan;c) Labinlimang bahagdan sa lahat ng lungsod’d) Dalawampung bahagdan sa lahat ng bayan;e) Labinlimang bahagdan sa lahat ng barangay. (Art. XII,

    Sek. 5)

    Sino ang may kapangyarihang maggawad ng prangkisaat konsesyon sa mga lupang sakahan, kagubatan atminahan?

    Ang Pangrehiyong Kapulungang Pambatasan ang siyangmay kapangyarihang maggawad ng mga prangkisa atkonsesyon sa mga lupang sakahan, kagubatan at minahan.(Art. XII, Sek. 5)

    Ang Punong Pangrehiyon ba ay may kapangyarihangmaggawad ng mga kasunduan sa pagpapaupa, mgapahintulot, prangkisa o konsesyon?

    Wala, maliban na lamang kung siya ay gagawaran ngganitong kapangyarihan ng Batas Pangrehiyon. (Art. XII,Sek. 5).

    QQQQQ

    AAAAA

    QQQQQ

    AAAAA

    QQQQQ

    AAAAA

  • Qs and As on RA 9054 25

    Ano ang limitasyon sa pagbibigay ng nabanggit na mgakasunduan sa pagpapaupa, mga pahintulot, prangkisao konsesyon?

    Ang mga ito ay hindi lalagpas sa mga hangganan olimitasyong pinapahintulutan ng Saligang Batas; hindi rinito dapat lumampas sa 25 taon. (Art.XII, Sek. 5)

    Ano pa ang kailangan para sa pagbibigay ng mgapahintulot, lisensya, prangkisa at konsesyon sa likas-yamang nasa loob ng mga hangganan ng isang lupaingninuno?

    Ang ganitong mga pahintulot, lisensiya, prangkisa atkonsesyon ay ibibigay ng Pangrehiyong KapulungangPambatasan matapos lamang na magsagawa ng mgapagsangguni sa mga kinauukulang pamayanang katutubo.(Art. XII, Sek. 5)

    Sino ang maaring gumamit at magpaunlad ng mgalikas-yaman sa rehiyong awtonomo?

    Ang eksplorasyon, pagpapaunlad at paggamit ng ganitongmga likas-yaman, maliban sa mga istratehikong mineral atiba pang nabanggit sa Sek. 5 ng Art. XII, ay ipauubaya salahat ng mga mamamayan at pribadong negosyo, kabilangang mga korporasyon, samahan, kooperatiba at iba pangkatulad na pangkat na kung saan ang 60 bahagdan ngkapital ay direktang pinanghahawakan o nasa pagmamay-ari ng mga mamamayan. (Art. XII, Sek. 6)

    QQQQQ

    AAAAA

    QQQQQ

    AAAAA

    QQQQQ

    AAAAA

  • 26 Qs and As on RA 9054

    Subali’t, ang mga mamamayan na naninirahan sa rehiyongawtonomo ay siyang may pangunahing karapatan,alinsunod sa itinatadhana ng RA 9054. (Art. XII, Sek. 7)

    Ano ang karapatan at pananagutan ng PangrehiyongKapulungang Pambatasan ukol sa eksplorasyon,paggamit, pagpapaunlad at pangangalaga ng mga likas-yaman, kasama na ang mga minahan at mineral,maliban na lamang sa mga istratehikong mineral natinutukoy sa RA 9054?

    Ipinag-uutos ng RA 9054 sa Pangrehiyong KapulungangPambatasan na isabatas ang mga regulasyong ukol saeksplorasyon, paggamit, pagpapaunlad at pangangalagang mga likas-yamang nabanggit. (Art. XII, Sek. 8)

    Ano ang pananagutan ng Pamahalaang Pangrehiyonukol sa nabanggit na eksplorasyon, paggamit,pagpapaunlad at pangangalaga?

    Sa sandaling maisabatas na ang mga regulasyon saeksplorasyon, paggamit, pagpapaunlad at pangangalaga,ang Pamahalaang Pangrehiyon ay magtatakda, alinsunodsa batas, ng mga alituntunin at patakaran at magpapatawng mga kaugnay na takdang singil. (Art. XII, Sek. 8)

    QQQQQ

    AAAAA

    QQQQQ

    AAAAA

  • Qs and As on RA 9054 27

    Ano ang epekto ng batas na ipinagtibay ngPangrehiyong Kapulungang Pambatasan at ang mgaalituntunin at patakarang itinakda ng PamahalaangPangrehiyon sa mga singil na ipinataw ngPamahalaang Pambansa sa eksplorasyon, paggamit,pagpapaunlad at pangangalaga ng likas na kayamanankasama ang mga minahan at mineral sa loob ngrehiyong awtonomo?

    Ang mga singil na ipinataw ng Pamahalaang Pangrehiyonalinsunod sa batas mga alituntunin at patakaran ay siyanghahalili sa mga singil na ipinataw ng PamahalaangPambansa. (Art. XII, Sek. 8).

    Sino ang may kapangyarihang mamahala sa maliitangpagmimina sa rehiyong awtonomo?

    Ang maliitang pagmimina ay pangangasiwaan ngPamahalaang Pangrehiyon upang mapangalagaan angbalanseng ekolohikal, kaligtasan at kalusugan, at mgainteres ng pamayanang katutubo, mga minero at mgamamamayang naninirahan sa pook na pinagmiminahan.(Art. XII, Sek. 9)

    QQQQQ

    AAAAA

    QQQQQ

    AAAAA

  • 28 Qs and As on RA 9054

    Ano ang tungkulin ng Pangrehiyong KapulungangPambatasan na may kaugnayan sa mga mamamayangnasugatan, nasaktan o napipinsala dahil sa paggamitng mga likas at mineral na yaman sa rehiyongawtonomo?

    Ang Pangrehiyong Kapulungang Pambatasan aymagsasagawa ng mga batas para sa kapakinabangan atkagalingan ng mga mamamayang ito. (Art. XII, Sek. 13)

    Anong mga alituntunin ang maaring maging bahagi ngmga batas na ito?

    Maaring kabilang ng mga batas na ito ang pagbabayad ngmakatarungang bayad-pinsala at paglilipat-tirahan ng mgamamamayan at rehabilitasyon ng mga pook na napinsalasa paggamit ng mga likas at mineral na yaman. AngPangrehiyong Kapulungang Pambatasan ay maari ringmag-utos na ang mga responsable sa mga pinsalangnabanggit ay managot sa kabuuan o bahagi lamang nghalaga ng bayad-pinsala, paglilipat-tirahan at rehabilitasyon.(Art. XII, Sek. 13)

    Ano ang pananagutan ng Pamahalaang Pangrehiyontungkol sa pagbabalik-kagubatan?

    Ang Pamahalaang Pangrehiyon ay aktibong magsasagawang mga hakbang sa pagbabalik-kagubatan upang matiyakna hindi bababa sa 50 bahagdan ng ibabaw ng lupa ngrehiyong awtonomo ay matatamnan ng mga puno, unang-una na sa mga pook na kanlungang-tubig, mga pitak nglupa sa gilid ng mga ilog at batis at baybayin ng mga lawaat karagatan sa loob at hangganan ng rehiyong awtonomo.(Art. XII, Sek. 14)

    QQQQQ

    AAAAA

    QQQQQ

    AAAAA

    QQQQQ

    AAAAA

  • Qs and As on RA 9054 29

    Ano ang tungkulin ng Pamahalaang Pangrehiyontungkol sa mga nakalalason o mapanganib na mgamateryal?

    Ipagbabawal ng Pamahalaang Pangrehiyon ang paggamit,pag-aangkat, paglalagak, pagtatapon at pagtatambak ngmga nakalalason o mapanganib na materyal sa loob ngrehiyong awtonomo. (Art. XII, Sek. 15)

    Maari bang magsagawa ang PangrehiyongKapulungang Pambatasan ng mga kodigongpampangisdaan at pang-katubigan para sa rehiyongawtonomo?

    Oo. Ang Pangrehiyong Kapulungang Pambatasan aymaaring magsagawa ng mga kodigong pampangisdaanat pang-katubigan na magpapabuti, magpapaunlad,magpapanatili at mangangalaga sa mga yamang-dagat atkatubigan, maging sa mga karapatan ng mga maliliit namangingisda. Ang pangangalagang ito ay sasaklaw sadagat pangisdaan at lahat ng katubigang may layong 15kilometro mula sa baybayin ng rehiyong awtonomo. (Art.XII, Sek. 24)

    Sino ang may pangunahing karapatan sa paggamit,pagpapaunlad, pagpapanatili at pangangalaga ng mgapapalaot na pangisdaan?

    Ang mga lalawigan (kasama ang mga munisipalidad) atlungsod sa loob ng rehiyong awtonomo ang maypangunahing karapatan. (Art. XII, Sek. 24)

    QQQQQ

    AAAAA

    QQQQQ

    AAAAA

    QQQQQ

    AAAAA

  • 30 Qs and As on RA 9054

    Ano pang ibang batas ang iniaatas na pagtibayin ngPangrehiyong Kapulungang Pambatasan tungkol sayamang katubigan at pangisdaan?

    Ang Pangrehiyong Kapulungang Pambatasan aymagsasagawa ng:

    a.) Kagyat na pagbabatas upang matiyak na ang mgamanggagawang pangisdaan ay tatanggap ngkarampatang kabahagi mula sa kanilang paggawa sapaggamit, produksyon at pagpapaunlad ng yamang-dagat at pangisdaan;

    b.) Kagyat na pagbabatas upang paunlarin ang agham,teknolohiya at iba pang larangan para sa pangangalagaat pagpapanatili ng ekolohiya ng katubigan at karagatan;at

    c.) Batas na magtatatag ng Kawanihan sa Pagsasaka atPangisdaan para sa rehiyong awtonomo at magtatalagang kanyang komposisyon, mga kapangyarihan atkatungkulan.

    QQQQQ

    AAAAA

  • Qs and As on RA 9054 31

    Regional Legislative AseemblyAutonomous Region in Muslim Mindanao

    Cotabato City

    Committee on Environment and Ecology

    Chair: Hon. SUHARTO S. MIDTIMBANG 2nd District, Maguindanao

    Vice Chair: Hon. SAAYUDIN M. ALAUYA, JR 2nd District, Lanao del Sur

    Members:

    Hon. Jackson M. Bandila1st District, Maguindanao

    Hon. Alexander B. Menor2nd District, Lanao del Sur

    Hon. Umbrah A. Datumanong2nd District, Maguindanao

    Hon. Rajam M. AkbarLone District, Basilan

    Hon. Kabir E. HayudiniFirst District, Sulu

    Hon. Rouholla H. Abdurajak2nd District, Sulu

    Hon. Anuar J. Abubakar

    Lone District, Tawi-Tawi

    Ex- Officio Member

    Hon. Ismael B. Abubakar,Jr.Speaker

    Hon. Hatimil E. HassanMajority Floor Leader

    Hon.Paisalin P. TagoMinority Floor Leader

    Hon. Suharto S. MidtimbangSpeaker Pro-Tempore

  • 32 Qs and As on RA 9054

    Ex

    ec

    utiv

    e A

    ss

    ista

    nt

    SP

    O

    Assis

    tan

    t

    Reg

    ion

    al S

    ecre

    tary

    Eco

    Go

    vP

    PM

    S

    FM

    S

    PE

    NR

    O

    Lan

    ao

    del S

    ur

    PE

    NR

    O

    Mag

    uin

    dan

    ao

    PE

    NR

    O

    Su

    lu

    PE

    NR

    O

    Taw

    i-Taw

    i

    PE

    NR

    O

    Basila

    n

    CE

    NR

    O 1

    AC

    EN

    RO

    1B

    Mala

    bang

    Wao

    CE

    NR

    O 3

    BC

    EN

    RO

    4A

    CE

    NR

    O 4

    B

    Saguia

    ran

    Bubong

    CE

    NR

    O 3

    AC

    EN

    RO

    5A

    CE

    NR

    O 5

    Org

    aniza

    tional S

    tructu

    re

    AF

    MS

    LM

    SE

    MS

    PA

    WS

    MG

    SE

    RD

  • Qs and As on RA 9054 33

  • 34 Qs and As on RA 9054

    HomeExitAktang Organiko -ARMMMga Pangkalahatang ProbisyonSangay TagapagbatasSangay Tagapagpaganap (Ehekutibo)Paggawad ng KatarunganMga Pagkukunan ng KitaMga Probisyon hinggil sa Pamamahala ng Likas-yaman