print

3
Lacson, Jossef Eleazar B. ika-8 ng Nobyembre 2010 BSA 1-2 1. Ano ang wika? Ang wika ay isang bahagi ng talastasan. Ito ay ang kalipunan ng mga simbolo, tunog, at mga batas kaugnay nito upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ang wika ay isang pamamaraang ginagamit sa pagpapa-abot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isang likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumikha ng tunog. Isang kabuuan ng mga sagisag sa paraang binibigkas na sa pamamagitan nito ay nagkakaugnay, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng tao. 2. Pinauunlad ng tao ang wika at pinauunlad ng wika ang tao. Isinasaad nito na sa paghubog at paglinang ng tao ng wika, magiging kaagapay rin ng tao sa pag-unlad ang nalinang na wika. Maihahalintulad ito sa isang makinarya na sa una’y pinapagtibay at hinahanapan ng mga parte na magpapabuti sa kalidad ng trabaho nito, at sa pagkalinang ng makinarya, susuklian nito ang tao ng mas mabilis at mas mahusay na gawain. Sa madaling sabi, isang aspeto ng pag-unlad ng tao ang wika at sa pagpapaunlad nito, umuunlad rin ang tao. Maihahambing rin ito sa agham at siyensya na sa pagkatuto at pagsasaliksik ay nagpap-unlad sa kabuuang pamumuhay ng tao. Pinauunlad ng tao ang siyensya at pina-uunlad naman ng siyensya ang tao. Parehong ideya ang isinasaad ng mga nasabing pahayag. 3. Kahalagahan ng wika. Kung wala ang wika, mawawalan ng saysay ang halos lahat ng gawain ng sangkatauhan, sapagkat nagagamit ito sa pakikipag-ugnayan katulad ng sa pakikipagkalakalan, sa diplomatikong pamamaraan ng bawat pamahalaan, at pakikipagpalitan ng mga kaalaman sa agham, teknolohiya at

Upload: alexis-reyes

Post on 22-Nov-2014

250 views

Category:

Documents


7 download

TRANSCRIPT

Page 1: Print

Lacson, Jossef Eleazar B. ika-8 ng Nobyembre 2010

BSA 1-2

1. Ano ang wika?Ang wika ay isang bahagi ng talastasan. Ito ay ang kalipunan ng

mga simbolo, tunog, at mga batas kaugnay nito upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.

Ang wika ay isang pamamaraang ginagamit sa pagpapa-abot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isang likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumikha ng tunog. Isang kabuuan ng mga sagisag sa paraang binibigkas na sa pamamagitan nito ay nagkakaugnay, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng tao.

2. Pinauunlad ng tao ang wika at pinauunlad ng wika ang tao.Isinasaad nito na sa paghubog at paglinang ng tao ng wika,

magiging kaagapay rin ng tao sa pag-unlad ang nalinang na wika. Maihahalintulad ito sa isang makinarya na sa una’y pinapagtibay at hinahanapan ng mga parte na magpapabuti sa kalidad ng trabaho nito, at sa pagkalinang ng makinarya, susuklian nito ang tao ng mas mabilis at mas mahusay na gawain. Sa madaling sabi, isang aspeto ng pag-unlad ng tao ang wika at sa pagpapaunlad nito, umuunlad rin ang tao. Maihahambing rin ito sa agham at siyensya na sa pagkatuto at pagsasaliksik ay nagpap-unlad sa kabuuang pamumuhay ng tao. Pinauunlad ng tao ang siyensya at pina-uunlad naman ng siyensya ang tao. Parehong ideya ang isinasaad ng mga nasabing pahayag.

3. Kahalagahan ng wika.Kung wala ang wika, mawawalan ng saysay ang halos lahat ng

gawain ng sangkatauhan, sapagkat nagagamit ito sa pakikipag-ugnayan katulad ng sa pakikipagkalakalan, sa diplomatikong pamamaraan ng bawat pamahalaan, at pakikipagpalitan ng mga kaalaman sa agham, teknolohiya at industriya. Mahalaga ang wika sa pakikipagtalasan maging sa pagtungo, paghahanapbuhay, at paninirahan sa ibang bansa. Ito din ay sumisimbolo na ang isang bansa ay malaya. Nagbibigay ito ng kaisahan sa kalinangan ng tao. Ito ay kasangkapan ng mga kuro-kuro sa lahat ng ispiritwal at materyal na pagkakakilanlan ng isang lahi. Ito rin ay naghuhudyat na ang isang bayan ay may sariling pag-iisip.

4. Ang pinagmulan ng wika.

Page 2: Print

Ayon sa antropologo:Kung mayroon mang wika ang mga kauna-unahang tao sa

mundo, ang naturang wika’y masasabing kauri ng wika ng mga hayop. Nakuha ng tao ang iba’t ibang tunog at himig ng kapaligiran at napaunlad sa kalaunan ang kaniyang sariling pagsasalita. Ang mga tunog ng hayop ay malaking bahagdan na nagbigay daan sa pagkakaroon ng tao ng wika. Ang mga likas na reaksyon din ay nag-ambag sa paglinang ng wika.

Ayon sa bibliya:Sinasabi ng paniniwalang batay sa relihiyon na

ipinagkaloob ng Diyos ang wikang ginagamit ng tao. Ayon sa Bibliya, naiintindihan pa ni Adam ang lahat ng wika ng mga tao, anghel at pati sa mga hayop. Siya rin ang nagbigay ng pangalan sa lahat ng mga hayop at halaman sa paligid niya. Ayon din dito, isa lamang ang wikang ginagamit sa buong mundo. Ang pagpapatayo ng tore ng Babel dahil ninais ng mga tao na abutin ang Diyos ang nagpagalit daw dito, at nagsabog siya ng maraming wika upang malito ang lahat ng mga tao at sila ay hindi magkaintindihan.

Ayon sa mga palaaral at mananaliksik:Teoryang Bow-wow – Sinasabi sa teoryang ito na

nagkaroon ng wika ang tao dahil noong umpisa’y ginagaya nila ang tunog na nililikha ng mga hayop gaya ng tahol ng aso, tilaok ng manok at huni ng ibon.

 Teoryang Ding-dong – Maliban sa tunog ng hayop, ginagaya naman daw ng tao ang tunog ng kalikasan at paligid gaya ng pagtunog ng kampana, patak ng ulan at langitngit ng kawayan.

Teoryang Pooh-pooh – Ang tao ay nakalilikha ng tunog sanhi ng bugso ng damdamin. Gamit ang bibig, napabubulalas ang mga tunog ng pagdaing na dala ng takot, lungkot, galit, saya at paglalaan ng lakas.

Teoryang Yo-he-ho – Isinasaad dito na nagsimula ang wika sa indayog ng himig-awitin ng mga taong sama-samang nagtatrabaho.

Teoryang Yum-yum – Sinasabi sa teoryang ito na ang wika ay nagmula sa pagkumpas ng maestro ng musika at sa bawat kumpas ay nagagawa niyang lumikha ng tunog mula sa kanyang labi.