pasyon ng bayan

56
PA SYON N G BAY AN (181 3-2013 )[*] David Mi chael M. San Ju an  “Kaya, o mga kababayan, ating idilat ang bulag na kaisipan at kusang igugol sa kagalingan ang ating lakas sa tunay at lubos na pag -asa na magtagumpay sa nila layong kagi nhawahan ng bayang tinubuan!” - Andres Bo nifacio (“Ang Da pat Mabati d ng Mga T agalog”)  Panalangin O Diyos sa kalangitan Hari nitong ka saysay an Di nggin, sinisintan g bayan Hinirang na kalupaan Dalhin mo sa katubu san  Salaysay na tinutu os Kamay Mo ang siyang tulos Sa b awat inaping bun gkos Pag-asa Ka ng gin apos Hikahos ay matatapos  Panulat na makabayan Sana’y walang malimutan Landasin ay ‘Yong ilawan Dilim nawa’y malarawan Liwanag ay nang makamtan  Bawat sigwa at balangaw Bawat awit at balaraw Bawat taksil, mang-aagaw Bawat kamay na naghinaw

Upload: david-michael-san-juan

Post on 12-Apr-2018

384 views

Category:

Documents


2 download

TRANSCRIPT

Page 1: Pasyon ng Bayan

7/21/2019 Pasyon ng Bayan

http://slidepdf.com/reader/full/pasyon-ng-bayan 1/56

PASYON NG BAYAN (1813-2013)[*]

David Michael M. San Juan

 

“Kaya, o mga kababayan, ating idilat ang bulag na kaisipan at kusang igugol sa kagalingan ang ating lakas sa tunay at lubos na pag-asa na magtagumpay sa nilalayong kaginhawahan ng 

bayang tinubuan!” 

- Andres Bonifacio (“Ang Dapat Mabatid ng Mga Tagalog”)

 

Panalangin

O Diyos sa kalangitan

Hari nitong kasaysayan

Dinggin, sinisintang bayan

Hinirang na kalupaan

Dalhin mo sa katubusan

 

Salaysay na tinutuos

Kamay Mo ang siyang tulos

Sa bawat inaping bungkos

Pag-asa Ka ng ginapos

Hikahos ay matatapos

 

Panulat na makabayan

Sana’y walang malimutan

Landasin ay ‘Yong ilawan

Dilim nawa’y malarawan

Liwanag ay nang makamtan

 

Bawat sigwa at balangaw

Bawat awit at balaraw

Bawat taksil, mang-aagaw

Bawat kamay na naghinaw

Page 2: Pasyon ng Bayan

7/21/2019 Pasyon ng Bayan

http://slidepdf.com/reader/full/pasyon-ng-bayan 2/56

Bawat puring paimbabaw

 

Bawat puno ngang marangal

Bawat angal at atungal

Bawat kidlat, gintong aral

Bawat linta, dangal-sugal

Bawat taong nagpapagal

 

Bawat ningning at tagumpay

Bawat pakpak na kinampay

Bawat buhay na inalay

Bawat aming pagsalimbay

Sa kaylupit: hamo’t lumbay

 

Lahat-lahat, isiwalat

Upang sugat ay maghilab

Kanser pa ring nagnanaknak

Pupuksaing walang habag

Tiraniya’y nang matibag

 

Kulaba sa aming mata

Harinawa’y pawiin na

Ephphatha o makakita

Maranatha, halika na

Sa bayan Mo’y sumanib Ka

 

Simula

 Ang alpha ay sa Tondo

Page 3: Pasyon ng Bayan

7/21/2019 Pasyon ng Bayan

http://slidepdf.com/reader/full/pasyon-ng-bayan 3/56

Sinilangan ng Supremo

Bodegerong proletaryo

Sa libro ay edukado

Bayaning si Bonifacio

 

Kasibulan yaong buhay

Sarili ay inialay

Sa pamilya niya’y gabay

Handog: lakas na may malay

Pati na sa bayang lumbay

 

Sa panahon ng karimlan

Kapulua’y bilangguan

De-kahon ang kaisipan

Bawal yaong lumalaban

Bawal lalong manindigan

 

Repormistang pahayagan

Kahit maka-Espanya man

Kandado kung mabalingan

Niyong matang nabulagan

Sensura ng kamangmangan

 

Garote ang s’yang hantungan

O kwartel ng kalupitan

Ng erehe sa Simbahan

Mala-Elias na huwaran

Page 4: Pasyon ng Bayan

7/21/2019 Pasyon ng Bayan

http://slidepdf.com/reader/full/pasyon-ng-bayan 4/56

Nang hindi nga pamarisan

 

Dami rin ng pinatapon

Naglayag sa mga alon

Bayang hindi natutunton

Lungkot doon ay sambunton

Walang hanggan ang panahon

 

Buhay man ay waring patay

Sa pamilya ay nawalay

Malusog ay nananamlay

Inaasam ang mahimlay

Sa sariling bayang lantay

 

Dambuhalang kabukiran

Tila isang kaharian

Nitong frailes na gahaman

Magsasaka’y alipin man

Hanap din ay katubusan

 

Kulubot na ang katawan

Luyang paa’y ‘yong hawakan

 Araw man din ay kalaban

Tingni itong karukhaan

Hustisya ang karampatan

 

Pagbubuo

May bagyo man at may dilim

 Anang isang matulain

Liwanag ay sisibol din

Page 5: Pasyon ng Bayan

7/21/2019 Pasyon ng Bayan

http://slidepdf.com/reader/full/pasyon-ng-bayan 5/56

Sigwa nga ay lulupigin

Ng araw na masintahin

 

 Alitaptap na iilan

Sa pusikit na karimlan

Nagtatag sa Katipunan

Ibabangon itong bayan

Kakamtin ang kalayaan

 

Yaong buong kapuluan

Tumugon sa panawagan

Laksa-laksang anakbayan

Kahit madla’y kahimbingan

Sa lihim ay may bulungan

 

Kunwa ay may inuman lang

Frente nila’y karaniwan

O tipikal na sosyalan

 Asembliya’y may kanlungan

Silid sa may kasulukan

 

Nakarating sa arabal

Dami na ring umaangal

Sa pag-unlad na mabagal

 At buwis sa nagpapagal

Himagsik nang inaaral

 

Humigit na dal’wang daan

Page 6: Pasyon ng Bayan

7/21/2019 Pasyon ng Bayan

http://slidepdf.com/reader/full/pasyon-ng-bayan 6/56

 Ang nabigo ngang aklasan

Trahedya ay sanrekwa man

May aral na natutuhan

Tiyakin ang kahandaan

 

Pati nga ang kamalayan

Niyong buong sambayanan

Maitaas ang kailangan

Ipaunawang mainam

Himagsik ang katubusan

 

‘Pagkat libo mang soldados

 At daan pang asesinos

Kulang pa rin niyong dulos

Na huhukay at tatapos

Titiyak sa huling ulos

 

Mensaheng di ano lamang

Uod dapat na gumapang

Hanggang mga kabayanan

Nang imperyo’y mawakasan

Dyaryo’y lubhang kailangan

 

Pahayagang Kalayaan

Lihim yaong palimbagan

Tila kidlat sa kawalan

Page 7: Pasyon ng Bayan

7/21/2019 Pasyon ng Bayan

http://slidepdf.com/reader/full/pasyon-ng-bayan 7/56

Narating ang bawat bayan

Sa buo ngang kapuluan

 

Laksa-laksa ang balangay

Kilusa’y di na mabuay

Yaong ningas ay nabuhay

Sa martir at mga bangkay

Na nalibing nga sa hukay

 

Balintuna

Ngunit sadyang balintuna

Sa ‘yong lakas, hihina ka

 Ang marami’y tunay nga ba

Baka naman lantad ka na

Sa mata ng palamara

 

 Ang araw ng himagsikan

Hindi pa man kabuwanan

Itong lihim, natuklasan

May traydor sa kumpisalan

Umaksyon ang tampalasan

 

Laksa-laksa’y arestado

Sinuman ay insurekto

Kahit walang mandamiento

Peryodikong subersibo

Maging libro’y kumpiskado

 

Titis

Bago pa man mangalagas

Page 8: Pasyon ng Bayan

7/21/2019 Pasyon ng Bayan

http://slidepdf.com/reader/full/pasyon-ng-bayan 8/56

Page 9: Pasyon ng Bayan

7/21/2019 Pasyon ng Bayan

http://slidepdf.com/reader/full/pasyon-ng-bayan 9/56

Kaibayo ng mayaman

 

Itong masa na umalsa

Taksil yaong lebadura

Urong-sulong: elitista

Tendensiyang repormista

Sa ulo ay umakyat na

 

Wala pa man ang victoria

Trono nga ay inagaw na

Nariyan pa ang Kastila

Katipuna’y pinagiba

Sa halalang mayro’ng daya

 

 Ang mumunti ngang konseho

Kinatawan daw ng indio

Kakaunting delegado

Hindi naman deputado

Sa pwesto ay asintado

 

Hudas saka butangero

Nang-uk-ok sa liderato

Poder, dangal ng Supremo

Inagaw ng mga lilo

Sa taktika ay eksperto

 

Kalihim lang ng interyor 

Page 10: Pasyon ng Bayan

7/21/2019 Pasyon ng Bayan

http://slidepdf.com/reader/full/pasyon-ng-bayan 10/56

Puwesto nga ay inperyor 

Kwinestyon pa niyong traydor 

 Ang inupo’y emperador 

Kay Emilio pumapabor 

 

Binaligtad pa ang mundo

Pinabaril ang Supremo

Paratang ay subersibo

Sa gobyernong Pilipino

Na siya nga ang primero

 

Sumpa

Bundok Buntis ay nagluksa

Isinumpa ang kuhila

Isinakdal itong madla

Lagi’t laging may luluha

Bayang laging hampaslupa

 

Hanggang bayan ay ibigin

Hanggang verdad ay aralin

Hanggang huwad ay buwagin

Hanggang ngalan ay linisin

Hanggang landas ay tuwirin

 

Iikot lang itong bayan

Masasadlak sa putikan

Laksa-laksang kataksilan

Lumunod sa kalayaan

Naglubog sa kahirapan

 

Page 11: Pasyon ng Bayan

7/21/2019 Pasyon ng Bayan

http://slidepdf.com/reader/full/pasyon-ng-bayan 11/56

Kaya nga ang dapat gawin

Pahina ay ‘yong basahin

Salaysayin at ulitin

Upang bulag ay gumaling

Mula noon at ngayon din

 

Tayo na nga at ituloy

Pelikulang dumadaloy

Sukdang ating ikaluoy

Mayro’ng limos na abuloy

Sa antuki’y isasaboy

 

 Armistisya

Dahil bugbog ang Espanya

 Alok nila’y armistisya

Sa indio na nakibaka

Pera, kwartang ibubulsa

Panilaw sa lider nila

 

Mestiso na doble-kara

Namagitan sa dalawa

Sa papel ay naimarka

 Ang kanilang mga pirma

Kondisyon ay nakalista

 

Destiyero ang gobyerno

Republikang Pilipino

Page 12: Pasyon ng Bayan

7/21/2019 Pasyon ng Bayan

http://slidepdf.com/reader/full/pasyon-ng-bayan 12/56

Sa Hong Kong ay mayro’ng plano

Kasabwat ang Amer’kano

Ipuslit si Aguinaldo

 

 Alingasaw, sumingaw rin

Kalansing na pampadilim

Ibang puno ay umangkin

Sa Kastila ngang pakimkim

Nais nga ay paghatiin

 

 Ang Junta de la Patria

Ngalan ay pantasmagorya

Isip pala’y pera-pera

Bayan, tila nilimot na

Pobre ito ngang historia

 

Maskara

Malala pang suliranin

Mga Yankee ay salarin

Lagi’t laging kabilanin

Timyas-wika kung suriin

May maskara pala mandin

 

Nang pangulo ay tulungan

Na bumalik sa ‘ ting bayan

Lihim nila’y iningatan

Kapalit ay kalayaan

Niyong buong kapuluan

 

Page 13: Pasyon ng Bayan

7/21/2019 Pasyon ng Bayan

http://slidepdf.com/reader/full/pasyon-ng-bayan 13/56

 

Ngunit itong si Emilio

Nagtiwala ngang totoo

Kahit pa ang balatkayo

Niyong mga Amer’kano

Kaylinaw kung makita mo

 

Si Luna at Mabini nga

Nagkaisang kuro’t diwa

 Amerika ay kuhila

Di dapat ang magtiwala

Mapagbanta sa ‘ting laya

 

Independencia

Sumandaling natabunan

Internal na tunggalian

Inihayag, kalayaan

Deklarasyo’y Kastila man

Nagdiwang din yaong bayan

 

Malao’y may republika

Unang-una sa may Asya

Sa Malolos, kabisera

Kongreso ma’y elitista

Pwedeng maging demokrasya

 

Hukbo ay may rayadilyo

Milisya ay asintado

Kahit hindi man armado

Niyong gamit na moderno

Page 14: Pasyon ng Bayan

7/21/2019 Pasyon ng Bayan

http://slidepdf.com/reader/full/pasyon-ng-bayan 14/56

Buo yaon ngang prinsipyo

 

Gulantang ma’y preparado

Sa “amigong enemigo”

May bago nang gera rito

Nang sumapit ang Pebrero

Magpapalit na ang siglo

 

Sundot 

 Amerikanong hunyango

Sa ‘sang tulay ay tumungo

Nag-astang hari ng mundo

Tinawid yaong blokeyo

Ng ating mga sundalo

 

Barila’y di naiwasan

‘Pagkat dangal nitong bayan

Pinagtanggol, inilaban

Ng hukbo ng mamamayan

Sandigan ng kalayaan

 

 At ang liderato naman

Sa digmaa’y napilitan

 Ayaw man ang gerang laban

Doon sa Yankeeng mayabang

Wala nang mapagpilian

 

Yaong punong nagulantang

Page 15: Pasyon ng Bayan

7/21/2019 Pasyon ng Bayan

http://slidepdf.com/reader/full/pasyon-ng-bayan 15/56

Di natuto sa nagdaan

Kaaway at ang kaibigan

Iisa sa kasaysayan

‘Pag pera-perang usapan

 

Bakit kasi di nagising

Nobenta’y otsong kalansing

Biniling parang alipin

Bente milyones nga mandin

Paris, kasunduang lihim

 

Bulgar nga ay lihim pa rin

Etsepwerang tinig natin

Bawal ang s’ya’y papasukin

Kahit isa lang ang hiling

Laya nati’y kilalanin

 

Dapat, doon pa nga lamang

Napagsino yaong hunghang

 Amerikanong gahaman

Pandarambong, panlilinlang

 Agad sanang napigilan

 

Ngunit aral ay masaklap

Langib ay dapat matuklap

Upang pait ay malasap

 At ginhawa’y maapuhap

Dugo’y ibubo ang dapat

 

Page 16: Pasyon ng Bayan

7/21/2019 Pasyon ng Bayan

http://slidepdf.com/reader/full/pasyon-ng-bayan 16/56

 

Trahedya

Habang digma’y kumakalat

Himagsika’y inaalat

Sa pagkakaisa’y salat

Mayroon pang nang-uupat

Paksyon-paksyon yaong lahat

 

Sa intrigang walang wawa

Si Luna ay s’yang kawawa

 Ang dugo n’ya ay naglawa

Nang paslanging walang awa

Ng taksil na walang bawa

 

Pati ang bunying bayani

Yaong lumpong si Mabini

Palibhasa’y kontra-Yankee

 At hindi mapangumbinsi

Inetsepwera ng imbi

 

Gerilya

Kahiman at may paksyunan

Tuloy itong himagsikan

Gerilyang nakipaglaban

 Ang madlang may katapangan

Nagkanlong sa kagubatan

 

Sa umaga’y pagsasaka

Page 17: Pasyon ng Bayan

7/21/2019 Pasyon ng Bayan

http://slidepdf.com/reader/full/pasyon-ng-bayan 17/56

Sa gabi ay pambobomba

 Aksyong kontra-Amerika

 Ang inaatupag nila

Dayuha’y bingi’t bulag pa

 

Sintibay ng kabundukan

Matatag na kawayanan

 Ang Sangkapilipinuhan

Walang labang uurungan

Nagkaisang manindigan

 

Lupit 

Ngunit ang Yankee’y malupit

Latigo‘y pinalaginit

Hampas nila’y masasakit

 Ang hirap ay di maisip

Impyerno at di nga langit

 

Nilulunod nga sa tubig

Bawat rebeldeng mabingwit

Hangin ay ipagkakait

Hanggang sikretong inipit

Sa berdugo’y ipagsulit

 

 At ang bayang siyang dagat

Ng gerilyang isda’y tulad

Tinuyo sa pagsisilab

Ng bukid at maging baklad

Pati bahay, ‘alang tawad

Page 18: Pasyon ng Bayan

7/21/2019 Pasyon ng Bayan

http://slidepdf.com/reader/full/pasyon-ng-bayan 18/56

 

Sa isa ngang bayan naman

Sa dakong Kabisayaan

Bata ay pinagpapaslang

Niyong mga tampalasan

Puting mga nandayuhan

 

Yaong malungkot na bayan

Nangatira ay iilan

Hanggang naging isang ilang

Disyerto na walang laman

Liban sa piping karimlan

 

Paglamlam

Dakuan ang ibang panig

Ng kapuluang nilupig

Palahaw ay maririnig

Hustisya ang siyang ibig

Makibaka! anang tinig 

Damdamin ma’y nagniningas

 Ang imperyo’y may panggulat

Bundok ng balang masaklap

Kanyon, riple, bombang lahat

Kampong kaaway may imbak

 

Dinatnan ng kapaguran

Walang humpay na digmaan

 Ang ningas nga ay lumamlam

Sumuko ang karamihan

Si Tasyo ay pinakinggan

Page 19: Pasyon ng Bayan

7/21/2019 Pasyon ng Bayan

http://slidepdf.com/reader/full/pasyon-ng-bayan 19/56

 

 Anang sa aklat ay pantas

Sa nobelang hindi hamak

Yumuko ay siyang dapat

Kung punglo ay sandamakmak

Sarili’t baya’y iligtas

 

Hindi ito karuwagan

Kundi mandi’y katapangan

Kaysa buhay, mawakasan

 At di na makabangon man

Para ituloy ang laban

 

Traydor 

Ngunit sa nangagsisuko

Palamara ay bilanggo

Niyong gintong pinangako

Dili iba’t tagatango

Kahit pango, utak-Kano

 

Sila’y hunghang na talaga

Hangad lang ay managana

Bayan ma’y lugmok sa dusa

Sa eleksyo’y elitista

Naglalaway sa ganansya

 

Sa Baliwag, unang huwad

Page 20: Pasyon ng Bayan

7/21/2019 Pasyon ng Bayan

http://slidepdf.com/reader/full/pasyon-ng-bayan 20/56

Halalang sa ‘ti’y ginawad

Yaong mga kulang-palad

Itinuring na s’yang latak

Sa demokrasya ngang hungkag

 

 Ang mga walang lupain

Di edukado’y no good din

Mayoryang siyang alipin

Tinig nila ay sinupil

Sa botohan ay pinigil

 

Cacique

Demokrasyang Bapor Tabo

Watak-watak, walang puso

Peke at sadyang malabo

Sa ibabaw, Inglesero

Sa i lalim, yaong indio

 

Haciendang para sa bayan

Pamana ng himagsikan

Sininop ng Katipunan

Inagaw niyong iilan

Sa bago ngang sapakatan

 

Sistema niyong titulo

Inutos ng Amer’kano

Upang yaong edukado

Kasabwat nila at lilo

Page 21: Pasyon ng Bayan

7/21/2019 Pasyon ng Bayan

http://slidepdf.com/reader/full/pasyon-ng-bayan 21/56

 Agad ay may benepisyo

 

Yaong mga kampesino

Tunay, rebolusyunaryo

Kakampi niyong Supremo

Gerilyang hindi bandido

Ngayo’y pulubing totoo

 

Mga cacique ang hari

 Anghel-anghel na kunwari

Masahol sa prayleng pari

‘Pagkat lahat ay inari

Lupain na sari-sari

 

Kumbaga sa kagubatan

Si Tales ang s’yang naghawan

Nagsuyod sa tinaniman

Ngunit sa dakong anihan

Tagumpay ay may nangamkam

 

Lubhang kamalas-malasan

Elias, Simoun ngayo’y nasa’n

Matanglawi’y kapaguran

Banig na hinihigaan

Inang Baya’y nalagasan

 

Kamatayan

Hampas nitong kalangitan

Lubhang kasakit-sakitan

Bayani’y nagkaubusan

Page 22: Pasyon ng Bayan

7/21/2019 Pasyon ng Bayan

http://slidepdf.com/reader/full/pasyon-ng-bayan 22/56

Si Mabining anakbayan

Kinuha ni Kamatayan

 

Maikli man itong buhay

Ng bayaning mayro’ng alay

Di mawawaglit sa malay

Tayo nga’y magbulay-bulay

 Aral-buhay, sumisilay

 

Nang madakip sa Kuyapo

Si Mabining lumpong henyo

Sa Guam pinadestiyero

Ipinatapong totoo

Sa takot ng Amer’kano

 

Kaiba sa mga taksil

Utak niya’y di mapigil

Malayo ma’y nagsulat din

Yaong sa bayang hilahil

Sa mundo’y ipinarating

 

Palibhasa ay bihasa

Sa Ingles at sa Kastila

Diwa ng laya ang pwersa

Kinatakutang talaga

Ng mga imperyalista

 

Page 23: Pasyon ng Bayan

7/21/2019 Pasyon ng Bayan

http://slidepdf.com/reader/full/pasyon-ng-bayan 23/56

 Argumento ay kayhusay

Hinangaan ng kaaway

Panulat niya na lantay

Layuni’y layang dalisay

Sa bayang nakahandusay

 

Di lang polemikong lintik

 Ang kanyang isinatitik

Yaong kay Kiko ngang hibik

Isinulat na mabilis

Munti man ay di nagmintis

 

Mula sa kaibuturan

Niyong pusong makabayan

Yaong obra’y mahaba man

Para lamang patunayan

May sariling panitikan

 

Nang kanya ngang maramdaman

Nalalapit na hantungan

Saka lamang pinirmahan

Panunumpa sa dayuhan

Nang makabalik sa bayan

 

Sa lubos na kalungkutan

Tagal nawalay sa bayan

Page 24: Pasyon ng Bayan

7/21/2019 Pasyon ng Bayan

http://slidepdf.com/reader/full/pasyon-ng-bayan 24/56

Sandali lang nahalikan

Lupang kanyang tinubuan

Pumanaw sa karamdaman

 

Pagpapatuloy 

May lumbay man bawat ulap

Tuloy yaong pag-apuhap

Lunas sa pait at hirap

Na mariing pinalasap

Sa bayang kulang ng palad

 

Marami man at makapal

Napaslang, bayaning mahal

Tuloy ang taguyod-dangal

Putok sa bundok nagtagal

Sa imperyo’y sagot-angal

 

Nadakip man sa Palanan

Pangulo ng kapuluan

Tuloy ang Katagalugan

Si Sakay ang haring-bayan

Sa Sierra Madreng kanlungan

 

Republika ang tinatag

Saklaw ang gubat at patagHangad ay ang paglalansag

Sa dayuhang lumalabag

Sa layang di natitinag

 

Hanggang sa Kabisayaan

Umalin awn aw an laban

Page 25: Pasyon ng Bayan

7/21/2019 Pasyon ng Bayan

http://slidepdf.com/reader/full/pasyon-ng-bayan 25/56

 

Pulahanes nanindigan

Bagong kaaway ay saktan

Ubusin kung makayanan

 

Doon naman sa Mindanaw

Sa mga Moro’y malinaw

Libu-libo ma’y pumanaw

Itatarak ang balaraw

Upang laya’y di magalaw

 

Dugo’y binubong talaga

Baha ang siyang kapara

Sa Bud Bagsak, inapula

Liyab ng Morong nag-alsa

Daan-daa’y pinaslang nga

Di mabilang pang labanan

Laksa-laksang sagupaan

Pilipino’y natalo man

 Alab ng puso’y nariyan

Titis na di mawakasan

 

Mersenaryo

Ngunit yaong kalungkutan

Di lamang sa nalagasan

Matindi ang kataksilan

Baril na tutok sa bayan

Page 26: Pasyon ng Bayan

7/21/2019 Pasyon ng Bayan

http://slidepdf.com/reader/full/pasyon-ng-bayan 26/56

Galing sa mga bayaran

 

Konstabularyong panggapi

Sa indiong di maamuki

Buong burukrasyang hari

Mamamayang di nagsuri

Galamay na walang puri

 

Sa payak na salitaan

Magkakabaya’y naglaban

Habang ang mga dayuhan

Halakhak at kasiyahan

Regalo sa mga hunghang

 

Teatro

May lumbay man at may hapis

Himagsik man ay nagmintis

Itong bayan kong naamis

May tanghalang mang-iinis

Sa kaaway ay panglingkis

 

Bawal man yaong bandila

Bawal man awit ng bansa

Bawal man isip na kusa

Bawal man ang layang diwa

Lahat ay pwede sa dula 

 Ang mga himig ng bayan

 Awit niyong himagsikan

Page 27: Pasyon ng Bayan

7/21/2019 Pasyon ng Bayan

http://slidepdf.com/reader/full/pasyon-ng-bayan 27/56

Kulay niyong kalayaan

Simbolo ng kabansaan

Gunita ang s’yang kanlungan

 

Sedisyoso man ang sulat

Kayraming nangagsikalat

Pahayagang pawang mulat

Kahit na nga inaalat

Totoo ang siniwalat

 

Kaya nga ang mandaragit

 Amerikang manggigipit

Kalayaang munti’t tipid

Malao’y ibinilibid

‘Pagkat wika ay matuwid

 

El Renacimientong hirang

Na nagtanggol nga sa bayan

Kinandado’t binawalan

‘Pagkat tutol sa dayuhan

Na tiwali at kawatan

 

Kaya’t yaong “kalayaan”

 At anila’y “kabihasnan”

Hatid ng dayong “kaibigan”

Kaipala’t taksil naman

Teatrong huwad ang larawan

 

Nilubos yaong lansihan

Nagtayo ng paaralan

Page 28: Pasyon ng Bayan

7/21/2019 Pasyon ng Bayan

http://slidepdf.com/reader/full/pasyon-ng-bayan 28/56

Inang wika’y bawal naman

Kultura niyong Kanluran

 Ang laman ng talakayan

 

 Ang radyo at telebisyon

Iisa lang din ang misyon

Ikalat ang Kanong bisyon

Coke, Colgate pawang “solusyon”

Sa galit ng aping nasyon

 

Natulog sa kalasingan

Sa kultura ng dayuhan

Itong sinisintang bayan

Sarili ay nalimutan

Muling napasa-karimlan

 

Komonwelt 

Upang yaong mamamayan

Manatiling kahimbingan

Pinamarali’y halalan

Kaunting pinamilian

Tatlo lamang sa listahan

 

Si Quezon ang kandidato

Niyong mga Amer’kano

Nakisali si Emilio

Page 29: Pasyon ng Bayan

7/21/2019 Pasyon ng Bayan

http://slidepdf.com/reader/full/pasyon-ng-bayan 29/56

 Ang unang naging pangulo

 Anang iba ay panggulo

 

Wala mang perang totoo

Yaong butihing Obispo

Pari at Katipunero

 Ang ngalan n’ya ay Gregorio

Tinig niyong simpleng tao

 

 Aglipay ang apelyido

Sa kasaysaya’y markado

Pro Deo ang kanyang motto

Et Patria, idagdag mo

Sa D’yos at Baya’y serbisyo

 

Plataporma ay radikal

Kampana ay dinupikal

Lupa nga sa tagabungkal

Manggagawang nagpapagal

Dito gawin ang kalakal

 

 Agad na independensya

Republikang sosyalista

Diwa ay nasyunalista

Kaya natalo man siya

Panalo ang militansya

 

Page 30: Pasyon ng Bayan

7/21/2019 Pasyon ng Bayan

http://slidepdf.com/reader/full/pasyon-ng-bayan 30/56

Binhi 

 Ang obispo’y di mag-isa

Sa kanyang pakikibaka

Unyon at mga welgista

Panay tagasuporta n’ya

Libu-libong sosyalista

 

Si Don Belong ang katuwang

Komonwelt ay wala pa man

 Anarkistang kaisipan

Sosyalistang kamalayan

Sa Espanya’y natutuhan

 

Himagsikang Katipunan

Noon nga ay kasagsagan

Daming mga mamamayan

Deportasyo’y kahatulan

May Don Belong sa listahan

 

Sa karsel ng monarkiya

Republikano’y kakosa

Radikal na anarkista

Mayroon ding sosyalista

 At ilan nga’y komunista

 

 Araw-gabing talakayan

Matinding balitaktakan

Unyon, welgang matimtiman

Kapitalistang gahaman

Marxismo ang kasagutan

Page 31: Pasyon ng Bayan

7/21/2019 Pasyon ng Bayan

http://slidepdf.com/reader/full/pasyon-ng-bayan 31/56

 

Balikbayan nang malaon

Si Don Belong ay may baon

Laksa-laksa yaong bunton

Librong politikang tuon

Liyab sa kanyang panahon

 

Samu’t saring babasahin

Sa wikang ati’y sinalin

Kaya nga’t nang lumaon din

Kaisipan ay tumining

Bayan ay mapapagaling

 

Unyonismo ay sumibol

Sa bayang napaparool

Sulirani’y buhul-buhol

Kalayaa’y binubundol

Ng Imperyong nagtatambol

 

Batid niyong mamamayan

Unyon ay kulang na kulang

Kung hindi nga manindigan

Sa usaping panlipunan

Kaya partido’y kailangan

 

Komunista

Bukod-tangi ngang lapian

Page 32: Pasyon ng Bayan

7/21/2019 Pasyon ng Bayan

http://slidepdf.com/reader/full/pasyon-ng-bayan 32/56

Sumulpot sa kapuluan

Sovietista ang huwaran

Tagumpay sa ibang bayan

Hangad ay ang masubukan

 

Dekada trenta tinatag

 Ang partidong di malansag

Komunista ay ang bansag

 Adhika nila’y mabasag

 Ang kapitalismong linsad

 

 Ang Internasyunale nga

 Awitin ng manggagawa

Isang mundo, isang diwa

Bigkis ng pagkaunawa

Inawit na walang sawa

 

Itong bagong Katipunan

Hangad, paglaya ng bayan

PeKaPe ang isang ngalan

Ibang bansa’y may ugnayan

Sabay-sabay yaong laban

 

Nang dumaming kasapian

Niyong kanilang lapian

Gobyerno ay kinabahan

Baka sila’y mag-aklasan

Page 33: Pasyon ng Bayan

7/21/2019 Pasyon ng Bayan

http://slidepdf.com/reader/full/pasyon-ng-bayan 33/56

 At tuparin, kalayaan

 

Kung manggagawa nga naman

Doon sa may kalunsuran

Bumuo niyong bukluran

Magnetong kapangyarihan

Sa magsasaka ngang hirang

 

Reaksyon

Upang yaong magbubukid

Di mabulid sa himagsik

Gobyerno ay nanlilisik

Hampas na kalupit-lupit

PeKaPe ay ipiniit

 

Huwad na laya’y nalantad

Balatkayo ay nahubad

 Amerikang mang-uupat

Punong cacique’y kasabwat

Layang bibig ay sinikwat

 

Tuloy ang laban sa lihim

May liwanag nga sa dilim

May unyon nga at welga rin

Buhay yaong ‘sang layunin

 Ang lipunan ay baguhin

 

 Aral sa mga tirano

 Ang ugat at puno’t dulo

Ng ismo-ismo sa mundo

Page 34: Pasyon ng Bayan

7/21/2019 Pasyon ng Bayan

http://slidepdf.com/reader/full/pasyon-ng-bayan 34/56

 Ay di radikal na ulo

Kundi “gutom” niyong tao

 

Sa Bilibid man itambak

Lider niyong anak-hirap

Bagong dugo ay tatambad

 Ang bayan nga ay di tunggak

Lalaban sa mga uslak

 

Kaya naman hanggang ngayon

May komunista sa nayonWakas-hirap s’ya ring layonMagbubukid saka piyon

Kontra sa gahamang leon

 

Sibol 

 At noon sa kanayunan

Mga bukid na luntian

Sa kabyawan at tubuhan

Sa palayan at maisan

Mayroon ding nanindigan

 

Don Perico Abad Santos

Kamulatan ay nilubos

Kampesino’y isang bugkos

Sosyalismo ang tutubos

Sa ganid ay s’yang uubos

 

Page 35: Pasyon ng Bayan

7/21/2019 Pasyon ng Bayan

http://slidepdf.com/reader/full/pasyon-ng-bayan 35/56

Partido Sosyalista nga

Ngalan ng lapian nila

Tinipong talapagobra

Rizal at Marx ang ideya

Katipunan ang s’yang diwa

 

Talinduwa at takipan

Sanlang-bili ’t takalanan

Samu’t saring kahunghangan

Ng asenderong gahaman

Nilinaw at nilabanan

 

Pasyon, kanilang sinulat

Upang madla ay imulat

Sa dahas nga at sa sindak

Kapitalismo’y hinamak

Libertad ang itinatak

 

Pasion ding Talapagobra

Inaawit sa Pampanga

Hanggang sa may Nueva Ecija

Bundok, burol narating na

Hanggang ngayo’y may bisa pa

 

‘Pagkat api pa rin naman

Gutom itong ating bayan

Habang yaon ngang iilan

Page 36: Pasyon ng Bayan

7/21/2019 Pasyon ng Bayan

http://slidepdf.com/reader/full/pasyon-ng-bayan 36/56

Mga pamilyang kawatan

Naninibasib sa yaman

 

Buti pa sa nakaraan

Yaon si Quezong mayaman

Nagmalasakit sa bayan

Ugat ay naunawaan

Patas dapat ang lipunan

 

Kahit na may kapintasan

Sapagkat tao nga lamang

Kahit iba ang paraan

Reporma ay sinubukan

Baya’y di man nasapatan

 

Hustisya sosyal ang bando

Sa maralita ngang indio

Wikang pambansa’y binuo

Upang Ingles ay igupo

Binigkis ang mga pulo

 

Malaon din pinawalan

Yaong mga makabayan

Sa Komonwelt ay katuwang

 Anti-pasistang lalaban

 Anti-Hapon: kaisahan

 

Sumandali ay nilimot

Tunggaliang umiikot

Militante’y nagsalikop

Page 37: Pasyon ng Bayan

7/21/2019 Pasyon ng Bayan

http://slidepdf.com/reader/full/pasyon-ng-bayan 37/56

Sa isang payong sumukob

Kontra bagong mananakop

 

Ngunit ang pagkakaisa

Totoong pansamantala

Komonwelt ay lumisan na

 Ang bayan ang naiwan nga

Sa Hapon ay s’yang sasangga

 

Ligalig 

Hapones na mapagpanggap

Ilang kabaya’y nabihag

Ng salitang masasarap

“Asya ay sa ating lahat

Basta’t Hapon, una dapat”

 

Ito namang Amerika

Walang planong idepensa

Mga Pilipinong masa

Sa Bataan, kawal nila

 Armas, suplay ay kulang na

 

Di naglaon ang panahon

Sumuko ngang mahinahon

USAFFE sa mga Hapon

Daming bihag na nilamon

Page 38: Pasyon ng Bayan

7/21/2019 Pasyon ng Bayan

http://slidepdf.com/reader/full/pasyon-ng-bayan 38/56

Martsang Kamatayan noon

 

 Ang pangakong babalikan

 Ang kawawang kapuluan

Matagal pang katuparan

Kayrami nang mapapaslang

Kaylangang may manindigan

 

Kaya nga’t ang buong bayan

Kumukulo ang kalamnan

Sasabog na tila bulkan

 Ayaw na sa kaapihan

Sawa nang mapangakuan

 

Gera

Sa Sierra Madreng paanan

Nagtipon ang taumbayan

Hukbalahap ang sandigan

Bagong pwersa na panlaban

Sa huwad na kaibigan

 

 At ang Makapili naman

Espiya niyong kalaban

Traydor sa mga kabayan

Nakabayong sa ulunan

Walang pagkakakilanlan

 

 Ang Kempeitai na marahas

Page 39: Pasyon ng Bayan

7/21/2019 Pasyon ng Bayan

http://slidepdf.com/reader/full/pasyon-ng-bayan 39/56

Berdugo at talipandas

Pumapaslang, walang habas

Kahit buntis, tinatagpas

Sinuman ay hinahampas

 

Kaya lamang nabawasan

Yaong dahas ng dayuhan

Si Laurel na lider-bayan

Hapon, pinakitunguhan

Republika ma’y basahan

 

Masa

 Ang banderang pula naman

Tumindig sa lalawigan

Yaong mga kabukiran

Iniwan ng mayayaman

Binungkal nga niyong bayan

 

May aral na natutuhan

Sa digmaa’y makilaban

Palakasin ang bukluran

Imulat na yaong bayan

Kanilang kapangyarihan

 

Kung wala nga ang gahaman

Lahat ay magbahaginan

Lupaing napakayaman

May biyayang aasahan

Mamamayan na sinuman

 

Page 40: Pasyon ng Bayan

7/21/2019 Pasyon ng Bayan

http://slidepdf.com/reader/full/pasyon-ng-bayan 40/56

Nagliyab ang kapuluan

Gerilya ang sambayanan

Binulag yaong kalaban

Palihim ang pulong-bayan

Lubog-litaw, pahayagan

 

Sa angkin ngang kagitingan

Niyong mga makabayan

Dinanas ma’y kahirapan

 Ang digma’y napagwagian

Itong Hapon ay talunan

 

Pagbabalik 

Nang isang pitik na lamang

Binansagang mga “sakang”

Bumalik ang Kanong dupang

Sinalubong sila naman

Niyong Pilipinong hibang

 

Nagbunyi pa yaong bayan

Nang dumating sa daungan

Mga kaibigang nang-iwan

Nang-agaw sa kalayaan

Sagad yaong katusuhan

 

Nang labanan, wala naman

Sa tagumpay, nagsulputan

Page 41: Pasyon ng Bayan

7/21/2019 Pasyon ng Bayan

http://slidepdf.com/reader/full/pasyon-ng-bayan 41/56

Kabute sa kaparangan

Hawig nila’t kahambingan

Lobong laging nag-aabang

 

Mga Huk ay pinasuko

Hindi lahat ay yumuko

Batid, alam may malabo

May lihim ang Kanong tuko

May lason na isusubo

 

Ibinaon nga sa hukay

Yaong armas na matibay

Sila nga ay nangaghintay

Wastong panahon na tunay

Kasaysayan ay s’yang gabay

 

 Atake

Di sukat na akalain

Baya’y muling nagupiling

Kapayapaang hiniling

May taksil pala mandin

Digma ay nagpatuloy rin

 

Sa Malolos, sa Bulacan

Hukbalahap ay pinaslang

Higit nga sa isandaan

Masaker sa walang laban

Kano ang may kagagawan

 

Page 42: Pasyon ng Bayan

7/21/2019 Pasyon ng Bayan

http://slidepdf.com/reader/full/pasyon-ng-bayan 42/56

 

Mga lider ng Huk naman

Lumahok sa ‘sang halalan

 Aanim lang na kongresman

Panalo rin itong bayan

Reporma ang inilaban

 

Parity rights, tinutulan

Niyong anim, makabayan

Kaya talsik agad naman

Bago pa nga pagbotohan

Yaong isyung nilabanan

 

Kaipala’y huwad naman

Demokrasyang pinagyabang

Nang matapos nang digmaan

Walang tinig, taumbayan

Gobyerno ay pangmayaman

 

Kasabwat pa ng dayuhan

Sa pagkamkam niyong yaman

Ginto, langis, kabukiran

Yamang-dagat, at anuman

Dayuhan, may karapatan

 

Nagsiklab ang sambayanan

Magsasaka ay lumaban

Manggagawa, nanindigan

Pilipinas na ‘ting bayan

Tayo dapat ang yumaman

Page 43: Pasyon ng Bayan

7/21/2019 Pasyon ng Bayan

http://slidepdf.com/reader/full/pasyon-ng-bayan 43/56

 

Ibinandong matimtiman

Yaong mga panawagan

Ng lider sa lalawigan

Sa bukid nga’y kaibigan

Niyong mga mamamayan

 

Kidlat na sadyang kaybilis

May punglo na di dumaplis

Juan Feleo’y naamis

Magsasaka’y nangahapis

Kapwa indio ang balawis

 

Balawis at malulupit

 Ahente ng mang-uumit

Hangad nila ay sumapit

Kaguluhang di kapurit

Baya’y lumakad sa siit

 

Kaya naman natutuhan

Ng masang anakbayan

Muling hanapin ang daan

Niyong ating kalayaan

Sa dawag at kagubatan

 

Tanggulan

Page 44: Pasyon ng Bayan

7/21/2019 Pasyon ng Bayan

http://slidepdf.com/reader/full/pasyon-ng-bayan 44/56

Nagtanggol sa kabundukan

 Ang pulahang nanindigan

Tuloy na ang himagsikanImperyalistang gahaman

 At gobyerno, s’yang kalaban

 

Sila ang pinanggalingan

H-M-B na hukbong bayan

Sa prinsipyo ay tumangan

Ngunit mayroon ding ilan

Naging bandido’t kawatan

 

Nalubos ang kagipitan

Niyong mga taumbayanMga unyon, binawalan

Sinikil ang karapatan

Magsasaka’y binusalan

 

Padron

Si Ka Amadong butihin

Makata’t unyonista rin

Bayan ay lalong nanimdim

Nang siya ay arestuhin

“Komunista” ay ang turing

 

Bintang na walang batayan

Wala siyang kasalanan

Malao’y napatunayan

Hangad lang ay paglingkuran

Bayan niya sa karimlan

 

Page 45: Pasyon ng Bayan

7/21/2019 Pasyon ng Bayan

http://slidepdf.com/reader/full/pasyon-ng-bayan 45/56

 

Nang makarsel siya naman

Nobela ay nagkalaman

Isang obrang panitikan

Inukit ang kasaysayan

Remedyo sa kahirapan

 

Sosyalismo’y kasagutan

Sa bayan ay katubusan

 Ang tunay na kalayaan

 Anakpawis, ang hahawan

Sa tuwid at tamang daan

 

Iyan ang paninindigan

Ni Ka Amadong maalam

Supremo ang tinularan

May tiwala nga sa bayan

Sa kanilang kapasyahan

 

 Ang noon ay umuulit

Kasaysaya’y inuugit

Yaong mga binibingwit

Niyong ibong mandaragit

Taong ayaw na pumikit

 

Kung sino ang makatwiran

 At s’yang may paninindigan

Destino ay bilangguan

O kaya ay hukay naman

Page 46: Pasyon ng Bayan

7/21/2019 Pasyon ng Bayan

http://slidepdf.com/reader/full/pasyon-ng-bayan 46/56

Na gawa ng mga hunghang

 

Diktadura

Gayon na nga ang naganap

Nang si Marcos ay humanap

Ng solusyong ihaharap

Para lutasin ang hirap

Hatid sa bayan ay saklap

 

Bugbog-kulatang katawan

Babae at kabataan

Kahit nga taong simbahan

Lahat ay pinagbintangan

“Komunista” na kalaban

 

Daan-daan ang pinaslang

Ng mga sunud-sunuran

Serpyenteng hari-harian

Hayok sa kapangyarihan

Masiba sa kayamanan

 

Daan-daan din ang bilang

Ng nawala’t sukat lamang

Desaparecidong hirang

Natagpuan ay madalang

Katarunga’y nakasalang

 

Page 47: Pasyon ng Bayan

7/21/2019 Pasyon ng Bayan

http://slidepdf.com/reader/full/pasyon-ng-bayan 47/56

Di lamang ang karapatan

Inumit sa taumbayan

Ng diktadurang kalaban

Baya’y binaon sa utang

Dahil sa katiwalian

 

Dinambong na nga ang yaman

Niyong buong kapuluan

Bawat kontratang mainam

Pati plantang nukleyar man

Sobra sa presyong gahaman

 

Korte Suprema mang hirang

Sa krimen ay nagulantangYaman ng ganid na angkan

Kumpiskahin na agaran

Malaon, s’yang kautusan

 

Tinig 

 Aral na sadyang kaylalim

 Ang daan ma’y malabangin

Sa paghahari ng dilim

Hindi lahat ay nahimbing

May tinig na nanggigising

 

Bago pa man nanindigan

 Ang bayan sa kalunsuran

Rebelde sa kabundukan

Martilyo ng sambayanan

Sa diktadura’y panlaban

 

Page 48: Pasyon ng Bayan

7/21/2019 Pasyon ng Bayan

http://slidepdf.com/reader/full/pasyon-ng-bayan 48/56

 

Bente anyos sa karimlan

Itong ating sintang bayan

People Power, katugunan

Niyong mga mamamayan

Sa ninakaw na halalan

 

Sa tangke ay nagsiharang

Pari, madre at sibilyan

Ordinaryong mamamayan

Nagdarasal, may awitan

Kapit-bisig sa martsahan

 

Sa Edsa ang s’yang tipanan

Niyong buong sambayanan

Kahit ilang araw lamang

Tagumpay nga ay kinamtan

Si Cory ang bagong-hirang

 

Siklo

Hindi naglaon ang bayan

Nalugmok sa kalungkutan

Tagumpay ay nabahiran

Walang pagbabago naman

Sa kanilang kalagayan

 

Nakadalawang sabak na

Sa dambuhalang protesta

Page 49: Pasyon ng Bayan

7/21/2019 Pasyon ng Bayan

http://slidepdf.com/reader/full/pasyon-ng-bayan 49/56

Edsa Dos at mayro’ng Tres pa

Inagaw ng aliktiya

 Ang bawat kamting victoria

 

Tuloy ang mga patayan

Bilanggo ang kalayaan

Mendiola, Maguindanao man

Pati na ang kadayaan

Madugo pa ang halalan

 

Elite, cacique ang lamang

Sa bawat korte at laban

Hawak nila’y kayamanan

Bundok pati mga parang

Minahan at gusali man

 

May monopolyo sa poder 

 Ang matatayog na pader 

Hunghang at traydor na lider 

Pamantaya’y weder-weder 

Utak ay tuso at clever 

 

Kasapakat ng dayuhan

Yaong iilang mayaman

Sa bawat aring kinamkam

Gintong hinakot-hakot lang

Baha’t guho ang iniwan

Page 50: Pasyon ng Bayan

7/21/2019 Pasyon ng Bayan

http://slidepdf.com/reader/full/pasyon-ng-bayan 50/56

 

Kung sa mapa ay titingnan

 Ang dulong Kamindanawan

Kayumangging kalupaan

Patag na ang kabundukan

Kalbo yaong kagubatan

 

Paghahanay 

Samantalang si Mang Juan

 At si Aling Maryang hirang

Walang parte gamunti man

Sa yamang naglaho lamang

Sa kamay niyong iilan

 

Sikmura ay nanghahapdi

Bayan ay kumaing-dili

Manggagawa’y sawi lagi

Umento ay ganggamani

Kapitalista ang hari

 

Magsasakang kababayan

Lagi nang nasa lansangan

Hiling ay lupang taniman

Lumang pangakong nabalam

Daantaon na’y nasaan

 

Pati mga kaguruan

 ATM ay sa sanlaan

Loandon ang siyang pasyalan

Utang dito at doon man

Page 51: Pasyon ng Bayan

7/21/2019 Pasyon ng Bayan

http://slidepdf.com/reader/full/pasyon-ng-bayan 51/56

Pati sa Bumbay o Indyan

 

Pribado ang paaralan

Pati mga pagamutan

Tubig na inumin lamang

Nasalang na sa bentahan

Ginto’y hari sa ‘ting bayan

 

Gusali ma’y nagtaasan

 Ang baya’y pinagtabuyan

Sinunog ang kabahayan

Condominium, nagsulputan

Taumbayan ang nawalan

 

 At ang ating kabataan

Na noo’y tinatawagan

Ng paring may katuwiran

Sa El Fili sa hulihan

Tanong pa rin ay nasaan

 

Kaylinaw ng kasagutan

Naroon sa may lasingan

Patay-sindi at aliwan

Tamad na sa paaralan

Manhid, walang pakialam

 

Lubha rin ang kasaklapan

Page 52: Pasyon ng Bayan

7/21/2019 Pasyon ng Bayan

http://slidepdf.com/reader/full/pasyon-ng-bayan 52/56

Kalapati’y nagliparan

Mababa kung magkampayan

Babae o lalaki man

Sanla yaong kapurihan

 

 At kung sila’y mangarap man

Yumaman ang layon lamang

Luntiang mga pastulan

Hinanap sa ibang bayan

 Ang sarili’y nilayasan

 

Tindera sa Singapura

Kasambahay sa Europa

Buwis-buhay sa Arabya

O doktor sa Amerika

Mayroon din sa Aprika

 

Tigmak-dugong kasaysayan

Sa Sabah o sa Tsina man

Pilipino’y walang laban

Tila minsan iniiwan

Ng deputadong kabayan

 

Binomba at sukat lamang

Deportasyong kahunghangan

O binigti ng dayuhan

Page 53: Pasyon ng Bayan

7/21/2019 Pasyon ng Bayan

http://slidepdf.com/reader/full/pasyon-ng-bayan 53/56

Samu’t saring mga bintang

Kawawang bayan ni Juan

 

 At ang buong kapuluan

Palaruan ng dayuhan

Barkong dayo sa daungan

Ginawa pa ngang tambakan

Itong ating karagatan

 

Parang kanila ang atin

Pati pulong kakatiting

Isda’t itim na buhangin

Dayuhan ay nag-aangkin

Umid yaong bantay natin

 

Pagbangon

Kung bayaning nahihimlay

 Ay babangon, mabubuhay

Rizal, Bonifaciong tunayDi na magbubulay-bulay

Himagsik ang ilalatay

 

Gigisingin na ngang tunay

Pasyon nila’y isasaysay

Papag-alabing matibay

Yaong pusong nanamlay

Para sa mithing dalisay

 

Muli nilang susulatin

Makabayang babasahin

Kati una’ bubuuin

Page 54: Pasyon ng Bayan

7/21/2019 Pasyon ng Bayan

http://slidepdf.com/reader/full/pasyon-ng-bayan 54/56

 

Iisa ang adhikain

Bayan nga ay palayain

 

Pangwakas

Eksaktong dalawandaan

 Ang anyos ng Haring Bayan

Nagbangon sa karangalan

Ng buong Katagalugan

 Aming buong kapuluan

 

Kaya itong panalangin

O Diyos ay Iyong dinggin

Diwa ng lahing magiting

Muling isanib sa amin

Tapang ay nang di kulangin

 

Kanilang mga huwaran

Sa gunita, ‘Yong ilawan

 At nang aming matularan

 At ang mga kahinaan

 Ay amin nang maiwasan

 

Bukas mandi’y isang bayan

 Ang aming masisilayan

Bawat isang kababayan

Ngiti’y hanggang kalangitan

Paraiso’y matitikman

Page 55: Pasyon ng Bayan

7/21/2019 Pasyon ng Bayan

http://slidepdf.com/reader/full/pasyon-ng-bayan 55/56

 

Bawat butil na anihin

Siya naming kakainin

 Ang bakal na huhukayin

 At gintong dadalisayin

Sa bayan ay handog namin

 

Hindi na pagpapayaman

 Ang mithi ng mamamayan

Kundi yaong kapakanan

Ng buo nilang lipunan

Pati ang sangkatauhan

 

Tunay na lingkod ng bayan

Magwawagi sa halalan

Tinig niyong taumbayan

Mahusay at di kawatan

Tainga ang sambayanan

 

Walang sinumang tatahan

Sa kariton o lansangan

Batong matibay, sandigan

Lahat mayro’n nang tahanan

Pamilya’y may kasiyahan

 

Wala na ang mga sakim

Wala na ring mga taksil

Page 56: Pasyon ng Bayan

7/21/2019 Pasyon ng Bayan

http://slidepdf.com/reader/full/pasyon-ng-bayan 56/56

Wala na ang manunupil

Wala nang di masintahin

Bagong baya’y lilikhain

 

~ WAKAS ~

 

[*] Inspirado ng Pasiong Dapat Ipagalab nang Puso nang Tauong Baba sa Kalupitan nang Fraile ni Marcelo H. del Pilar (c.1885), Pasion ding Talapagobra, I Cristo Socialista Ya ni LinoGopez Dizon (c. 1930) at Bayang Malaya ni Amado V. Hernandez (1969).