pananaw

3
Ang Aking Pananaw Sa Pagsapi sa Fraternity Nakakatulong nga ba o nakakasama ang pagsapi sa fraternity? May mga fraternity na nakakatulong sa ating komunidad, sa paaralan man o sa ating barangay. Subalit sa paglipas ng panahon ang pananaw ng tao ukol dito ay naging negatibo. Ito daw ay nagiging ugat ng gulo o rambol lalo na sa panig ng kabataan. Marami ang nahihikayat sumapi dito dahil ang pakiramdam ng mga kasapi nito ay protektado sila sa pang-aapi ng iba dahil may grupong magtatanggol sa kanila. Sa aking palagay, ito ay mali. Sa hangarin ng ibang maprotektahan sila sa pang- aabuso ng iba, nagiging daan ito upang abusuhin naman nila ang iba. Tinatakot nila ang mga kabataang higit na maliit sa kanila at kung sila ay gagantihan ay maari silang tulungan ng kanilang mga ka-brad. Bilang isang estudyante, kailangan piliin ang sasalihang fraternity. Dapat ay positibo ang layunin sa pagsali dito. Kung ang layunin ng isang kasapi nito ay maging sandalan sa oras ng gulo, ito ay di mabuti. Dapat ipakilala na ang fraternity ay isang kapatiran para tumulong hindi lamang sa mga tao kundi lalo at hight ay sa ikapapayapa n gating komunidad. Ang Aking Pananaw Sa Tamang Paraan sa Pagplano ng Pamilya Ang pagpaplano ng pamilya ay ang paraan upang limitahan kung ilang anak ang kaya nilang sustentuhan upang mabigyan ng mabuting kinabukasan. Maraming paraan ukol dito, ngunit ang mahigpit na tinututulan ng relihiyong Katoliko ay ang artipisyal na pamamaraan. BIlang mga responsableng mga magulang, tungkulin ng bawat magulang na palakihin ng tama ang kanilang mga anak. Maibigay ang mga pagunahing pangangailangan. Kung ang anak ay marami at ang kinikita ay kakaunti, naapektuhan ang pagkain, pag-aaral at maging ang pansariling pangangailangan. Kung ang anak ay sapat lamang, mas nabibigyang pansin ang kanilang mga pang araw-araw na pangngailangan.

Upload: elalusinyahoocom

Post on 21-Jan-2016

3.407 views

Category:

Documents


1 download

TRANSCRIPT

Page 1: Pananaw

Ang Aking Pananaw Sa Pagsapi sa Fraternity

Nakakatulong nga ba o nakakasama ang pagsapi sa fraternity?

May mga fraternity na nakakatulong sa ating komunidad, sa paaralan man o sa ating barangay. Subalit sa paglipas ng panahon ang pananaw ng tao ukol dito ay naging negatibo. Ito daw ay nagiging ugat ng gulo o rambol lalo na sa panig ng kabataan. Marami ang nahihikayat sumapi dito dahil ang pakiramdam ng mga kasapi nito ay protektado sila sa pang-aapi ng iba dahil may grupong magtatanggol sa kanila. Sa aking palagay, ito ay mali. Sa hangarin ng ibang maprotektahan sila sa pang-aabuso ng iba, nagiging daan ito upang abusuhin naman nila ang iba. Tinatakot nila ang mga kabataang higit na maliit sa kanila at kung sila ay gagantihan ay maari silang tulungan ng kanilang mga ka-brad.

Bilang isang estudyante, kailangan piliin ang sasalihang fraternity. Dapat ay positibo ang layunin sa pagsali dito. Kung ang layunin ng isang kasapi nito ay maging sandalan sa oras ng gulo, ito ay di mabuti. Dapat ipakilala na ang fraternity ay isang kapatiran para tumulong hindi lamang sa mga tao kundi lalo at hight ay sa ikapapayapa n gating komunidad.

Ang Aking Pananaw Sa Tamang Paraan sa Pagplano ng Pamilya

Ang pagpaplano ng pamilya ay ang paraan upang limitahan kung ilang anak ang kaya nilang sustentuhan upang mabigyan ng mabuting kinabukasan. Maraming paraan ukol dito, ngunit ang mahigpit na tinututulan ng relihiyong Katoliko ay ang artipisyal na pamamaraan.

BIlang mga responsableng mga magulang, tungkulin ng bawat magulang na palakihin ng tama ang kanilang mga anak. Maibigay ang mga pagunahing pangangailangan. Kung ang anak ay marami at ang kinikita ay kakaunti, naapektuhan ang pagkain, pag-aaral at maging ang pansariling pangangailangan. Kung ang anak ay sapat lamang, mas nabibigyang pansin ang kanilang mga pang araw-araw na pangngailangan.

Sa ating bansa ang malaking populasyon ang kalimitang nagiging sanhi ng kahirapan at mga suliraning pangkabuhayan. Para sa akin, kailangan ang pagpaplano ng pamilya upang maiseguro ang mabuting kinabukasan ng mga anak. Ang isang pamilyang naiplanong maigi ay mapayapa, Masaya at matatag.

Page 2: Pananaw

Ang Kahalagahan ng Pagkakaroon ng Pananampalataya sa Buhay ng Tao

Ang pananampalataya ay ang paniniwala ukol sa mga bagay na hindi nakikita. Sumasampalataya tayo na may Diyos kahit hindi natin siya nakikita. Sinasampalatayanan din natin ang mga bagay na maari niyang ibigay sa atin kung tayo ay ay susunod sa Kaniyang mga utos.

Ang pagdarasal ay isang uri ng pagpapahayag ng ating pananampalataya. Sa pamamagitan ng dasal, hinihiling natin sa panginoong Diyos ang ating mga pangangailangan. Humihiling tayo ng biyaya sa araw-araw at pagkakaroon ng kapayapaan sa ating bansa. Ang iba naman ay humihiling ng kagalingan sa kanilang mga sakit. Tunay na ang pananampalataya ay tumutulong sa atin na mging malait sa Diyos.

Sa mga nagdaang kalamidad at kaguluhan sa ating bansa, mas lalo tayong naging matatag dahil sumasampalataya tayo na ang Diyos ang siyang tumulong sa atin upang malampasan ang lahat ng ito. Ang pananampalataya din ang siyang nagbibigay ng lakas at tatag sa bawat isa sa atin na mabuhay sa araw-araw tungo sa isang mas magandang bukas.