pambansang badyet

10
PAMBANSANG BADYET PREPARED BY MR. FMN

Upload: fobzkishield91

Post on 26-Nov-2015

350 views

Category:

Documents


11 download

TRANSCRIPT

PAMBANSANG BADYET

PAMBANSANG BADYETPREPARED BY MR. FMN

Ano ang pambansang badyetIto ay isang paglalahad ng kitang gugugulin ng pamahalaan sa loob ng isang itinakdang panahon. Dumadaan sa mahabang proseso ang paghahanda ng badyet. Oktubre ika-20 o bago sumasapit ito taun-taon, isinusumite ng kalihim ng bawat kagawaran sa Department of Budget and Management ang tinatayang kita at pagkakagastahan para sa susunod ng taon ng kanyang tanggapan, gayundin ng mga kawanihan at ahensya na napailalim nito. DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENTIto ay may kapangayarihan ang DBM na siyasatin , baguhin, bawasan, at dagdagan ang panukalang badyet ng ibat ibang kagawaran, kawanihan at iba pang ahensya ng pamahalaan. Pagkatapos, pinalalagdaan ito sa pangulo na siyang magsusumite sa Kongreso sa loob ng 30 araw matapos magbukas ang regular na sesyon. PAMBANSANG BADYETAyon sa konstitusyon, gagawing batayan ng kongreso sa taunang laang- gugulin ng panukalang badyet na isinusumite ng pangulo. Nakasaad din dito na hindi maaring taasan ng kongreso ang badyet na ipinapanukala ng pangulo. Kung walang appropriation bill na maisasabatas sa pagtatapos ng taon, ang halaga ng dating badyet ang magiging badyet para sa susunod na taon. Pinagkakagastuhan ng pamahalaanSaan inilalaan ang pambansang badyet?Inilaan ang ating pambansang badyet sa apat na pangunahing sektor; panlipunang paglilingkod, paglilingkod at pang-ekonomiko, tanggulang pambansa at pangkalahatang pampublikong paglilingkod. PANLIPUNANG PAGLILINGKODIto ang may pinakamalaking paglalaan dahil napaloob dito ang paggasta sa edukasyon, pagpapa-unlad sa lakas-paggawa at panlipunang seguridad at kagalingan . Paglilingkod at pang-ekonomikoIto ang paggasta sa rehabilitasyon at muling pagbubuo ng mga programa kaunlarang pambansa ng pamahalaan. Kabilang dito ang repormang pansakahan, pagpapaunlad sa agrikultura, pagtataguyod ng kalakal, industriya at turismo; pangangalaga sa kapaligiran at likas-yaman at pagpapaunlad ng agham at teknolohiya. Pambansang tanggulanLayunin ng paggasta sa sektor na ito na matiyak ang seguridad ng panloob at kaayusan at kapayapaan bilang mga pangunahing salik sa sa pagtatag ng malakas at maunlad na ekonomiya. PANGKALAHATANG PAMPUBLIKONG PAGLILINGKODBinubuo nito ang paggasta sa pagpapatakbo ng pamahalaan, pangangasiwa sa patakarang piskal at pang-ekonomiko; pagpapatupad ng katarungan, pagpapanatili ng relasyong pandiplomatiko at operasyon ng mga lokal na pamahalaan. Takdang aralinNagagamit ba nang wasto ang salapi o pondo ng pamahalaan sa mga dapat paglaanan nito?Paano nakakalikom ng kita ang pamahalaan at paano ito ginagastos at ginagamit. Ipaliwanag ito sa pamamagitan ng graphic organizer.