pakikipagkapwa bilang kayamanan ng bansa

1
PAKIKIPAGKAPWA BILANG KAYAMANAN NG BANSA CHAD PATRICK OSORIO “Ang tunay na kayamanang dapat pangalagaan ng sinumang tao ay ang kayamanan ng puso at diwa, kayamanan sa pakikisama, kayamanan sa wastong paggamit ng karunungan at karanasan, at ng kaalaman at kasanayan.” -Gob. Felicisimo T. San Luis Ito ang mga salitang turan ng nag-iisang Buhay na Alamat ng Laguna tungkol sa kayamanan: na hindi lamang pera at materyal na bagay ang maituturing na yaman; bagkus, ang bawat kasanayan at kaalaman na nakalakip sa ating mga puso at isipan ang dapat nating pagpahalagahan at paglinangin, dahil ang mga ito ang kayamanang hindi mananakaw sa atin. Ngunit para saan pa nga ba ang kayamanan kung hindi natin ito mapapakinabangan para sa ikabubuti ng lahat? Sa aking wari, ito ang tunay na layunin ng pakikipagkapwa. Mahalaga na hindi lamang tayo marunong makisama; ang pakikipagkapwa ay ang pakikiisa at pakikibahagi ng ating karunungan sa iba, upang tayo’y magtulung-tulungan at sama-samang umunlad. Sa tuwing naiisip ko ang Pakikipagkapwa ay naiisip ko ang aking Papa Menes. Tubong Lumban, sa Laguna siya lumaki at nagkamalay. Tumira siya sa Estados Unidos ng mahigit tatlong dekada, ngunit pagbalik niya sa Pilipinas ay pinili pa rin niyang manirahan dito sa aming bayan. Ngunit kahit malayo na ang kanyang narating ay isa lamang ang kanyang nais: ang makatulong sa mga taong bumangon mula sa kahirapan. Naalala ko pa dati ay naiinis ako, dahil imbes na ipambili ng mga bagong laruan para sa akin ay nagbibigay siya ng perang pambili ng mga libro para sa mga anak ng kanyang mga tauhan. Ang pangarap niya, bukod sa makatapos kaming magkakapatid, ay talagang makatulong sa mga tao ng walang hinihinging kapalit. Nang tumanda ako, saka ko pa lang nabatid ang dami ng mga taong natulungan at nagkaroon ng edukasyon dahil kay Papa. Ngayon ay nais ko nang gawing halimbawa ang Papa ko at sundan ang mga yapak niya, ang nagpapahalaga sa kapwa niya, dahil alam niyang hindi tayo uunlad bilang isang bansa kung hindi natin tutulungan ang isa’t isa. Noong nag-aaral pa ako ng kursong Sikolohiya, natutunan namin ang konsepto ng Kapwa, at ayon sa Sikolohiyang Pilipino, ang Pakikipagkapwa ay isang pagpapahalaga na kinakailangan upang maabot ang Kapayapaan ng isang pamayanan. Kalakip ng pakikipagkapwa ay ang katarungan, karangalan at kalayaan. Habang isinusulat ko ang sanaysay na ito ay napagmuni-muni ko na mahalaga ang Pakikipagkapwa hindi lamang sa karaniwa’t araw-araw na pamumuhay. Sa halip, ito ay may malaking bahaging ambag sa paglilinang ng ating kultura at pag-unlad ng ating bansa. Kailangan natin ng mga pinunong may katangiang taglay ng tulad ni Gob at ni Papa Menes, na marunong makisalamuha at makipagkapwa, upang kasihan ang ating mga mamamayang makiisa at magtulong-tulong para maabot ang rurok ng tagumpay.

Upload: chad-osorio

Post on 05-Sep-2015

70 views

Category:

Documents


20 download

DESCRIPTION

Pakikipagkapwa Bilang Kayamanan Ng Bansa

TRANSCRIPT

  • PAKIKIPAGKAPWA BILANG KAYAMANAN NG BANSA CHAD PATRICK OSORIO

    Ang tunay na kayamanang dapat pangalagaan ng sinumang tao ay ang

    kayamanan ng puso at diwa, kayamanan sa pakikisama, kayamanan sa wastong

    paggamit ng karunungan at karanasan, at ng kaalaman at kasanayan.

    -Gob. Felicisimo T. San Luis

    Ito ang mga salitang turan ng nag-iisang Buhay na Alamat ng Laguna tungkol sa kayamanan:

    na hindi lamang pera at materyal na bagay ang maituturing na yaman; bagkus, ang bawat kasanayan

    at kaalaman na nakalakip sa ating mga puso at isipan ang dapat nating pagpahalagahan at

    paglinangin, dahil ang mga ito ang kayamanang hindi mananakaw sa atin.

    Ngunit para saan pa nga ba ang kayamanan kung hindi natin ito mapapakinabangan para sa

    ikabubuti ng lahat? Sa aking wari, ito ang tunay na layunin ng pakikipagkapwa. Mahalaga na hindi

    lamang tayo marunong makisama; ang pakikipagkapwa ay ang pakikiisa at pakikibahagi ng ating

    karunungan sa iba, upang tayoy magtulung-tulungan at sama-samang umunlad.

    Sa tuwing naiisip ko ang Pakikipagkapwa ay naiisip ko ang aking Papa Menes. Tubong

    Lumban, sa Laguna siya lumaki at nagkamalay. Tumira siya sa Estados Unidos ng mahigit tatlong

    dekada, ngunit pagbalik niya sa Pilipinas ay pinili pa rin niyang manirahan dito sa aming bayan.

    Ngunit kahit malayo na ang kanyang narating ay isa lamang ang kanyang nais: ang makatulong sa

    mga taong bumangon mula sa kahirapan.

    Naalala ko pa dati ay naiinis ako, dahil imbes na ipambili ng mga bagong laruan para sa akin

    ay nagbibigay siya ng perang pambili ng mga libro para sa mga anak ng kanyang mga tauhan. Ang

    pangarap niya, bukod sa makatapos kaming magkakapatid, ay talagang makatulong sa mga tao ng

    walang hinihinging kapalit. Nang tumanda ako, saka ko pa lang nabatid ang dami ng mga taong

    natulungan at nagkaroon ng edukasyon dahil kay Papa. Ngayon ay nais ko nang gawing halimbawa

    ang Papa ko at sundan ang mga yapak niya, ang nagpapahalaga sa kapwa niya, dahil alam niyang

    hindi tayo uunlad bilang isang bansa kung hindi natin tutulungan ang isat isa.

    Noong nag-aaral pa ako ng kursong Sikolohiya, natutunan namin ang konsepto ng Kapwa, at

    ayon sa Sikolohiyang Pilipino, ang Pakikipagkapwa ay isang pagpapahalaga na kinakailangan upang

    maabot ang Kapayapaan ng isang pamayanan. Kalakip ng pakikipagkapwa ay ang katarungan,

    karangalan at kalayaan.

    Habang isinusulat ko ang sanaysay na ito ay napagmuni-muni ko na mahalaga ang

    Pakikipagkapwa hindi lamang sa karaniwat araw-araw na pamumuhay. Sa halip, ito ay may malaking

    bahaging ambag sa paglilinang ng ating kultura at pag-unlad ng ating bansa. Kailangan natin ng mga

    pinunong may katangiang taglay ng tulad ni Gob at ni Papa Menes, na marunong makisalamuha at

    makipagkapwa, upang kasihan ang ating mga mamamayang makiisa at magtulong-tulong para

    maabot ang rurok ng tagumpay.