pagtupad ng aking tungkulin sa diyos

114
Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos Para sa mga Mayhawak ng Aaronic Priesthood

Upload: trinhthien

Post on 17-Dec-2016

298 views

Category:

Documents


2 download

TRANSCRIPT

Page 1: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

Pagtupad ng Aking

Tungkulin sa Diyos

Para sa mga Mayhawak ng Aaronic Priesthood

Page 2: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

Pagtupad ng Aking

Tungkulin sa Diyos

Para sa mga Mayhawak ng Aaronic Priesthood

Inilathala ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw Salt Lake City, Utah

© 2010 ng Intellectual Reserve, Inc. Lahat ng karapatan ay nakalaanInilimbag sa Estados Unidos ng Amerika

Pagsang-ayon sa Ingles: 1/08. Pagsang-ayon sa pagsasalin: 1/08Pagsasalin ng Fulfilling My Duty to God: For Aaronic Priesthood Holders

Tagalog 06746 893

Page 3: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

Aking retrato

Ang aklat na ito ay pag-aari ni: 

DeAcon

Petsa nang ako ay naordenan: 

Ang taong nag-orden sa akin: 

TeAcher

Petsa nang ako ay naordenan: 

Ang taong nag-orden sa akin: 

PriesT

Petsa nang ako ay naordenan: 

Ang taong nag-orden sa akin: 

MelchizeDek PriesThooD

Petsa nang matanggap ko ang Melchizedek Priesthood: 

Ang taong nag-orden sa akin bilang elder: 

Page 4: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

Mga nilalamanMensahe mula sa Unang Panguluhan . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 5Ang iyong Tungkulin sa Diyos . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 7Deacon espirituwal na lakas . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 13 Mga Tungkulin sa Priesthood . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 22 Para sa lakas ng mga kabataan: kalusugan ng katawan . . . . . . . . 31Teacher espirituwal na lakas . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 37 Mga Tungkulin sa Priesthood . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 46 Para sa lakas ng mga kabataan: edukasyon . . . . . . . . . . . . . . . . . . 55Priest espirituwal na lakas . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 61 Mga Tungkulin sa Priesthood . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 70 Para sa lakas ng mga kabataan: Mag-anak at mga kaibigan . . . . . . . .79 Paghahanda sa Pagtanggap ng Melchizedek Priesthood . . . . . . . . . . . . . . 84sa mga Quorum President . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 90sa mga Quorum Adviser at mga Magulang . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 93Apendiks Mga ordenansa ng Aaronic Priesthood . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 103 Ang Buhay na cristo: Ang Patotoo ng mga Apostol . . . . . . . . . . . 106 Ang Mag-anak: isang Pagpapahayag sa Mundo . . . . . . . . . . . . . . 107 Mga Tala . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 108

Page 5: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

4

Page 6: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

5

Mensahe mula sa Unang Panguluhanikaw ay nabubuhay sa panahon na puno ng mga oportunidad at hamon—ang panahon kung kailan naipanumbalik ang priesthood . ikaw ay may awtoridad na pangasiwaan ang mga ordenansa ng Aaronic Priesthood . kapag iyong ginamit nang may panalangin at nang karapat-dapat ang awtoridad na iyan, makatutulong ka nang malaki sa buhay ng mga nasa paligid mo .

Tutulungan ka ng aklat na ito, at ng mga banal na kasulatan at ng Para sa Lakas ng mga Kabataan, na gampanan ang iyong mga tungkulin .

Malaki ang tiwala ng Ama sa langit sa iyo at may mahalagang mis-yong ipagagawa sa iyo . Tutulungan ka niya kapag nananalangin ka sa kanya, nakikinig sa mga panghihikayat ng espiritu, sumusunod sa mga kautusan, at tumutupad sa mga tipang iyong ginawa . Madarama mo ang malaking tagumpay sa pagganap mo ng iyong mga tungku-lin, at magiging handa kang tanggapin ang Melchizedek Priesthood, tanggapin ang mga tipan at ordenansa ng templo, maglingkod nang karapat-dapat sa full-time mission, at magiging mabuting asawa at ama . nawa patuloy kang pagpalain ng Panginoon sa mga gawaing ito .

Ang Unang Panguluhan

Page 7: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

6

Page 8: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

7

Ang iyong Tungkulin sa Diyosikaw ay anak na lalaki ng Diyos . ipinanumbalik niya ang kanyang priesthood sa ating panahon, at ipinagkatiwala niya sa iyo ang priest-hood na iyan . Ang layunin ng aklat na ito ay tulungan ka na:

Palakasin ang iyong patotoo at pakikipag-ugnayan sa Diyos .▪▪▪

Matutuhan at magampanan ang iyong mga tungkulin sa priesthood .▪▪▪

ipamuhay ang mga pamantayan mula sa ▪▪▪ Para sa Lakas ng mga Kabataan.

nangangako ang Panginoon na kapag ginampanan mo ang iyong mga tungkulin sa priesthood, ikaw ay pababana-lin ng espiritu, ikaw ay magiging hinirang ng Diyos, at sa huli ay tatanggap ng lahat ng mayroon ang Ama (tingnan sa D at T 84:33–38) . Ang iyong paglilingkod bilang mayhawak ng priesthood ay magdudulot ng malalaking pagpapala sa mga taong pinagli-lingkuran mo .

“Masdan, ikaw ay aking anak; . . . at ako ay may

gawain para sa iyo” (Moises 1:4, 6).

Page 9: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

8

Ang Iyong Tungkulin sa Diyos

Pagtuunan ng Pansin ang iYOng KahihinatnanAng pagtupad sa iyong tungkulin sa Diyos ay habambuhay na gawain . huwag akalaing ang aklat na ito ay isang listahan ng mga gagawin na kailangan mong tapusin kaagad upang makamit ang isang gantimpala . sa halip, pagtuunan ng pansin kung paanong ang pinili mong mga aktibidad ay makatutulong sa iyo na mapaunlad ang mga espirituwal na katangian at maging ang uri ng mayhawak ng priesthood na nais ng Ama sa langit para sa iyo .

Ang pagkumpleto sa mga aktibidad sa aklat na ito ay hindi kailangan sa pagsulong sa iba pang katungkulan sa priesthood . Ang layunin ng mga aktibidad ay tulungan ka na maghanda para sa paglilingkod ng priesthood .

MatutO, KuMilOs, Magbahagiiniutos ng Panginoon, “Ang bawat tao ngayon ay matuto ng kanyang tungkulin, at kumilos sa katungkulang itinalaga sa kanya, nang buong sigasig” (D at T 107:99) .

kapag masigasig mong tinatapos ang mga aktibidad sa aklat na ito, magkakaroon ka ng mga pagkakataon na matutuhan ang iyong mga tungkulin, makagawa ng sarili mong mga plano para maisakatuparan ang mga ito, at maibahagi ang iyong mga karanasan sa iyong mga magulang at sa mga miyembro ng korum . Gumawa ng mga plano na akma sa iyong mga interes at pangangailangan . Gawin itong hamon sa kakayahan nila pero gawin itong nakatutuwa rin . Pagtuunan ng pansin ang mga paraang magagamit mo ang priesthood sa paglilingkod sa iba . sa paggawa at pagtupad ng sarili mong mga plano, ikaw ang mananagot sa iyong sariling espirituwal na pag-unlad .

Page 10: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

9

Ang Iyong Tungkulin sa Diyos

sa ilang mga aktibidad sa pagkatuto, ipapasulat sa iyo ang mga naiisip at nadarama mo tungkol sa iyong pinag-aaralan . Pag-isipang isulat ang mga bagay na ito sa isang notebook o journal .

PagtanggaP ng tulOngAng mga planong ginagawa mo sa aklat na ito ay personal, ngunit maaaring tumulong ang iyong mga magulang, mga miyembro ng korum, quorum president, at iba pang mga lider ng simbahan . halimbawa, maaaring:

Magpatulong sa kanila habang pinag-aaralan mo ang iyong mga ▪▪▪tungkulin at ginagawa ang iyong mga plano . Ang iyong quorum president, halimbawa, ang mayhawak ng mga susi ng priesthood sa inyong korum, at responsibilidad niyang tulungan ka na matutuhan at gampanan ang iyong mga tungkulin sa priesthood .

ibahagi ang iyong mga karanasan sa kanila sa mga interbyu, miting ▪▪▪at aktibidad ng korum, at di-pormal na pag-uusap . Tutulong ito na makita mo ang iyong pag-unlad at magkaroon ng tiwala sa sarili sa pagsasalita tungkol sa ebanghelyo . Ang mga bagay na iyong ibina-bahagi ay makapagpapalakas din ng patotoo ng iba .

Anyayahan ang iyong mga magulang o miyembro sa korum na ▪▪▪magplano rin, at sama-samang gawin ang inyong mga plano . kapag ginagawa mo ang iyong mga plano kasama ang iba, sinusuportahan at hinihikayat ninyo ang isa’t isa .

Page 11: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

10

Ang Iyong Tungkulin sa Diyos

PaanO nabuO ang aKlat na itOMatututo ka ng mga alituntunin at makapagpaplano sa sumusunod na bahagi:

▪▪▪ Espirituwal na Lakas. Ang pagsasabuhay ng mga natututuhan mo sa bahaging ito ay tutulong sa iyo na magkaroon ng espirituwal na lakas na kailangan mo para manatili sa landas ng kabutihan . Maka-kagawian mo ang palagiang pagdarasal at pag-aaral ng mga banal na kasulatan, na kinabibilangan ng pag-aaral ng mga salita ng mga buhay na propeta . Matututuhan mo at maituturo ang mga doktrina ng ebanghelyo ni Jesucristo . Matututuhan mo rin at maipamumuhay ang mga alituntunin na tutulong sa iyo na maging karapat-dapat na mayhawak ng priesthood .

▪▪▪ Mga Tungkulin sa Priesthood. Ang pagsasabuhay ng iyong mga natututuhan sa bahaging ito ay tutulong sa iyo na mas mapalapit sa Tagapagligtas kapag ginagamit mo ang kanyang priesthood . Ang iyong pagmamahal sa iba ay mag-iibayo habang kinakatawan mo ang Tagapagligtas sa paglilingkod sa kanila . Matututuhan mo kung paano pangasiwaan ang mga ordenansa ng priesthood, paglingku-ran ang iba, at anyayahan ang lahat na lumapit kay cristo .

▪▪▪ Para sa Lakas ng mga Kabataan. sa bahaging ito matututuhan mo ang tungkol sa at maipamumuhay ang ilan sa mga pamantayan mula sa Para sa Lakas ng mga Kabataan, kabilang ang mga bahaging may pamagat na “kalusugan ng katawan,” “edukasyon,” “Mag-anak,” at “Mga kaibigan .” sa pagsasabuhay ng mga pamantayang ito ay mas epektibo kang makapaglilingkod sa Panginoon at mas makapaghahanda para sa iyong kinabukasan .

Page 12: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

11

Ang Iyong Tungkulin sa Diyos

▪▪▪ Paghahanda sa Pagtanggap ng Melchizedek Priesthood. lahat ng planong ginagawa mo sa aklat na ito ay tutulong sa iyo na maghanda sa pagtanggap ng Melchizedek Priesthood at maging karapat-dapat na maglingkod sa full-time mission . Bilang priest, magkakaroon ka ng pagkakataong makalikha ng proyekto na magbibigay sa iyo ng karagdagang paghahanda . Matututuhan mo ang tungkol sa mga tipan na iyong ginawa kapag natanggap mo ang Melchizedek Priesthood at ang mga katangian na nagpapahusay sa mga misyonero .

Mga sertiPiKO ng tungKulin sa DiYOsPagkatapos mong maisagawa ang iyong mga plano bilang deacon at teacher, tatanggap ka ng mga sertipiko na kumikilala sa nagawa mong pag-unlad sa pagtupad mo ng iyong tungkulin sa Diyos . Matapos mong isagawa ang iyong mga plano bilang priest, pati ang iyong proyekto sa paghahanda na matanggap ang Melchizedek Priesthood, tatanggap ka ng sertipiko na kumikilala sa iyong nagawa sa lahat ng mga taon mo bilang mayhawak ng Aaronic Priesthood .

Page 13: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

12

Deacon

Page 14: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

13

Deacon

espirituwal na lakasipinayo ng Panginoon sa mga mayhawak ng priesthood, “Maging ma-linis kayo” (D at T 38:42) . sa bahaging ito matututuhan mo kung paano nauugnay ang pagiging karapat-dapat ng sarili sa kapangyarihan ng priesthood (tingnan sa D at T 121:34–46) . Gagawa ka rin ng mga plano para masimulan o lalo pang makagawian ang palagiang pagdarasal at pag-aaral ng mga banal na kasulatan, na kinabibilangan ng pag-aaral ng mga salita ng mga buhay na propeta .

Ang bahaging ito ay binuo sa mga sumusunod:

Manalangin at Pag-aralan ang mga Banal na kasulatan .▪▪▪

Mamuhay nang karapat-dapat▪▪▪

Unawain ang Doktrina▪▪▪

Page 15: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

14

Manalangin at Pag-aralan ang Mga banal na Kasulatan

MatutoPag-aralang mabuti ang Josue 1:8; ▪▪▪1 nephi 15:23–24; 2 nephi 32:3; Alma 17:2–3; at D at T 21:4–6 . sa iyong pag-aaral, gumawa ng listahan ng mga salita at parirala na naglalarawan:

1 . kung paano mo pag-aaralan ang mga banal na kasulatan at salita ng mga buhay na propeta .

2 . Mga pagpapalang darating sa pag-aaral mo ng mga banal na kasulatan at ng salita ng mga buhay na propeta .

ibahagi ang listahan sa iyong mga magulang, lider ng priesthood, o iba pang mga miyembro ng korum . Talakayin ang partikular na mga pagpapalang natanggap mo sa pagsunod sa payo ng Pangino-on na ibinigay sa mga banal na kasulatan at sa pamamagitan ng mga buhay na propeta .

sa susunod na pahina, isulat ang iyong mga plano para masimulan ▪▪▪o lalong makaugalian ang palagiang pagdarasal at pag-aaral ng mga banal na kasulatan . halimbawa, maipaplano mong pag-aralan ang Aklat ni Mormon sa isang partikular na oras sa bawat araw . Ang iyong pag-aaral ng mga banal na kasulatan ay maaring kabilangan ng mga salita ng mga buhay na propeta sa mga isyu ng kumperen-sya sa Liahona.

“Magpakabusog kayo sa mga salita ni Cristo” (2 Nephi 32:3).

Page 16: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

15

Deacon

KumilosAng aking plano na gawing palagian ang pagdarasal at pag-aaral ng mga banal na kasulatan:

Magbahagiibahagi ang natututuhan mo sa iyong ▪▪▪pag-aaral ng mga banal na kasulatan . halimbawa, makapagbabahagi ka sa iyong pamilya, mga kaibigan, o sa mga miting ng korum . Palalakasin nito ang iyong patotoo tungkol sa natututuhan mo at tutulungan kang matutong ituro ang ebanghelyo . Palalakasin din nito ang patotoo ng iba .

Ang iyong plano sa pag-aaral ng mga banal

na kasulatan ay maaaring kapalooban ng pagsulat

ng mga kaalamang nabatid mo. Tuwing

pag-aaralan mo ang mga banal na kasulatan,

manalangin sa Ama sa Langit na tulungan kang

maunawaan ang iyong binasa.

Page 17: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

16

MaMuhaY nang KaraPat-DaPat

MatutoBasahin ang bahaging may pamagat na ▪▪▪“Pagsisisi” sa Para sa Lakas ng mga Kabataan, at isulat ang iyong mga sagot sa sumusu-nod na mga tanong sa notebook o journal:

1 . Ano ang natutuhan mo tungkol sa Pagbabayad-sala at pagsisisi mula sa bahaging ito?

2 . Paano tumutulong ang pagsisisi sa iyong espirituwal na pag-unlad?

3 . Ano ang kaugnayan ng pagsisisi, Pagbabayad-sala, at pagiging karapat-dapat?

Talakayin ang iyong mga sagot sa iyong mga magulang o miyembro ng korum . Talakayin kung paano makatutulong sa iyo ang pagsisisi sa paghahandang makapasok sa templo at makibahagi sa mga sagradong ordenansa .

Pumili ng kahit tatlong iba pang bahagi mula sa ▪▪▪ Para sa Lakas ng mga Kabataan na tutulong sa iyo na mamuhay nang karapat-dapat . Pag-aralan ang mga pamantayan sa mga bahaging ito, at isulat kung ano ang gagawin mo para maipamuhay ang mga pamantayang ito at matulungan ang iba na gawin din ito .

“Siya na nagsisi ng kanyang mga kasalanan, ay siya ring patatawarin, at ako, ang Panginoon, ay hindi na naaalaala ang mga ito” (D at T 58:42).

Page 18: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

17

Deacon

KumilosMga bahagi mula sa Para sa Lakas ng mga Kabataan na pag-aaralan ko:

Mga partikular na bagay na gagawin ko upang ipamuhay ang mga pamantayang ito at tulungan ang iba na gawin din ito:

MagbahagiMatapos pag-aralan at ipamuhay ang mga ▪▪▪pamantayang ito, ibahagi sa iyong mga magulang o miyembro ng korum ang iyong natututuhan, paano ito nakaiimpluwensya sa iyong buhay, at ano ang nagiging uri ng iyong pagkatao .

Pag-isipang pag-aralan at ipamuhay ang

“Pananamit at Kaanyuan,” “Libangan

at ang Media,” o “Pananalita” sa Para sa

Lakas ng mga Kabataan.

Page 19: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

18

unawain ang DOKtrina

MatutoBasahin ang Doktrina at mga Tipan 11:21 . ▪▪▪Anong mga pangako ang ibinibigay ng Panginoon sa mga taong nag-aaral ng kanyang salita? kakailanganin mo ang pagkaunawa at patotoo sa mga katotoha-nan ng ebanghelyo upang magampanan ang iyong mga tungkulin ngayon bilang

mayhawak ng priesthood at sa hinaharap bilang full-time mission-ary at bilang asawa at ama .

Tingnan ang listahan ng mga paksa ng doktrina sa pahina 20, at ▪▪▪pumili ng apat o mahigit pa na gusto mong matutuhan . isa rito ay dapat na “Ang Priesthood at mga susi ng Priesthood .” Magagamit mo ang mga banal na kasulatan (pati na ang Gabay sa mga Banal na kasulatan), Tapat sa Pananampalataya, Mangaral ng Aking Ebanghelyo, at mga salita ng mga propeta sa mga huling araw para pag-aralan ang tungkol sa mga paksang ito .

sa bawat paksang iyong pag-aaralan, gumawa ng simpleng outline . ▪▪▪Maaaring kabilang dito ang: (1) kahulugan ng paksa, (2) mga turo at halimbawa mula sa mga banal na kasulatan at sa iyong sariling buhay, at (3) ang nasasaisip at nadarama mo kung bakit mahalaga ang paksang ito . Para sa mga halimbawa ng mga outline, tingnan sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo (mga kabanata 2 at 3) .

“At binibigyan ko kayo ng kautusan na turuan ninyo ang isa’t isa ng doktrina ng kaharian. D at T 88:77

Page 20: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

19

Deacon

KumilosMga paksa ng doktrina na aking pag-aaralan:

MagbahagiGamit ang mga outline na inihanda mo, ▪▪▪ituro sa iba ang tungkol sa mga paksang ito ng doktrina . kausapin ang iyong mga magulang at lider ng korum para malaman kung kailan mo ito magagawa .

kailan ko ituturo ang mga paksang ito:

Sa iyong pag-aaral tungkol sa priesthood, pag-isipang pag-aralan

ang D at T 4; 13; 20:46–60; 84:18–27;

107:1–21; 121:34–46; 124:142–43. Pag-isipan ding pag-aralan ang iba

pang mga talata na nakatala sa Ang Gabay sa mga Banal na Kasulatan.

Page 21: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

20

Deacon

Mga Paksa ng DoktrinaAng Panguluhang Diyos▪▪▪

Ang Plano ng kaligtasan▪▪▪

Ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo▪▪▪

Mga Propeta▪▪▪

Ang Apostasiya at ang Pagpapanumbalik ng ebanghelyo▪▪▪

Ang Pagpapanumbalik ng Priesthood▪▪▪

Ang Priesthood at mga susi ng Priesthood▪▪▪

Paglilingkod▪▪▪

Mga Tipan at ordenansa▪▪▪

Pananampalataya▪▪▪

Pagsisisi▪▪▪

Binyag▪▪▪

Ang kaloob na espiritu santo▪▪▪

Panalangin at Pansariling Paghahayag▪▪▪

kalayaan▪▪▪

Mga Templo▪▪▪

Walang hanggang mga Pamilya at Gawain sa Family history▪▪▪

Ang Batas ng kalinisang-Puri▪▪▪

Ang Word of Wisdom▪▪▪

ikapu▪▪▪

Page 22: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

21

Deacon

rePasuhinkapag malapit nang matapos ang iyong mga taon bilang deacon, kau-sapin ang iyong mga magulang o lider sa priesthood tungkol sa iyong mga karanasan sa pagsasagawa ng iyong mga plano na manalangin at pag-aralan ang mga banal na kasulatan, mamuhay nang karapat- dapat, at unawain ang doktrina . Talakayin kung paanong ang paggawa ng mga bagay na ito ay nakatutulong sa iyo na palakasin ang iyong patotoo at ang iyong pakikipag-ugnayan sa Ama sa langit .

Ang Aking lAgdA PetsA

lAgdA ng mAgulAng o lider PetsA

Page 23: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

22

Deacon

Mga Tungkulin sa Priesthood

Page 24: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

23

Deacon

sinabi ng Panginoon na bawat mayhawak ng priesthood ay dapat “matuto sa kanyang tungkulin” at “kumilos . . . nang buong sigasig” (D at T 107:99) . Ang bahaging ito ay tutulong sa iyo na matutuhan at gampanan ang iyong mga tungkulin bilang deacon, na nakasaad sa Doktrina at mga Tipan 20:57, 59; 84:111 . Ang iyong mga tungkulin ay maaaring buuin sa tatlong grupo:

Pangasiwaan ang mga ordenansa ng Priesthood▪▪▪Ang mga deacon ang nagpapasa ng sacrament .

Paglingkuran ang iba▪▪▪Ang mga deacon ay tumutulong sa bishop sa “pangangasiwa ng . . . bagay na temporal” (D at T 107:68) . Maaaring kapalooban ito ng pagkolekta ng mga handog-ayuno, pangangalaga sa mga maralita at nangangailangan, pangangalaga sa meetinghouse at bakuran nito, pagsisilbing mensahero ng bishop sa mga miting sa simbahan, at pagganap sa iba pang mga atas mula sa quorum president .

Anyayahan ang lahat na lumapit kay cristo▪▪▪Ang mga deacon ay “pangangalagaan ang simbahan [at mga] tumatayong mangangaral sa simbahan” (D at T 84:111) . sila ay “magbababala, magpapaliwanag, manghihikayat, at magtuturo, at mag-aanyaya sa lahat na lumapit kay cristo” (D at T 20:59) . kabi-lang dito ang pagpapakita ng mabuting halimbawa, pakikipagkaibi-gan sa mga miyembro ng korum at iba pa, pagbibigay-alam sa mga miyembro tungkol sa mga miting ng simbahan, pagsasalita sa mga miting, pagbabahagi ng ebanghelyo, at pagpapatotoo .

Page 25: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

24

Pangasiwaan ang Mga OrDenansa ng PriesthOOD

MatutoBasahin ang Doktrina at mga Tipan ▪▪▪20:76–79 . Ano ang isinisimbolo ng tinapay at tubig sa sacrament? Basahin ang lucas 22:19–20 at 3 nephi 18:1–11 . sino ang kinakatawan mo kapag nagpapasa ka ng sacrament?

itanong sa iyong mga magulang o lider ▪▪▪ng iyong korum ang mga sumusunod na tanong, at isulat ang kanilang mga sagot:

1 . Ano ang kahulugan sa inyo ng ordenansa ng sacrament?

2 . Ano ang magagawa ko bilang deacon para matulungan kayo na magkaroon ng makabuluhang karanasan sa sacrament?

Matapos makausap ang iyong korum, isulat sa kasunod na pahina ▪▪▪ang gagawin mo para maipasa ang sacrament sa paraang nagpa-pakita ng pagpipitagan sa Tagapagligtas at sa kanyang Pagba-bayad-sala at naghihikayat sa iba na magpakita ng gayon ding pagpipitagan . isulat din kung ano ang gagawin mo upang maging makabuluhang karanasan ang pakikibahagi mo ng sacrament .

“Ito ay lagi ninyong gagawin, maging katulad ng aking ginawa, maging katulad ng pagputul-putol ko ng tinapay at binasbasan ito at ibinigay ito sa inyo” (3 Nephi 18:6).

Page 26: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

25

Deacon

Kumilosilang mga bagay na gagawin ko para ipakita ang pagpipitagan kapag ipinapasa ko ang sacrament at hikayatin ang iba na magpakita ng gayunding pagpipitagan:

Ano ang gagawin ko upang maging mas makabuluhang karanasan ang pakikibahagi ko sa sacrament .

MagbahagiMatapos gawin ang iyong plano, talaka-▪▪▪yin sa mga miyembro ng iyong korum kung paano nakatulong sa iyo ang iyong mga karanasan sa sacrament na maging lalong mapitagan .

Sa iyong pagpaplano, pag-isipan ang mga

bagay tulad ng iyong pananamit, pag-iisip, at

pag-uugali bago at habang isinasagawa

ang ordenansa.

Page 27: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

26

PaglingKuran ang iba

Matutoisulat ang mga natututuhan mo tungkol ▪▪▪sa paglilingkod sa iba mula sa sumusunod na mga banal na kasulatan: santiago 1:27, Mosias 2:17, at Mosias 18:8–10 . kausapin ang magulang o lider ng korum tungkol sa kaugnayan ng paghawak ng priesthood at paglilingkod sa iba .

Talakayin sa mga miyembro ng iyong ▪▪▪korum ang mga pagkakataon mong pag-

lingkuran ang iba (hingin ang ideya ng iyong bishop o mga lider ng korum) . Bilang mayhawak ng Aaronic Priesthood, pinaglilingkuran mo ang iba sa pamamagitan ng pagtulong sa iyong bishop o branch president sa “pangangasiwa ng . . . bagay na temporal” (D at T 107:68) . Maaaring kabilang dito ang pangangalaga sa mga maralita at nangangailangan, pangangalaga sa meetinghouse at bakuran nito, pagkolekta ng mga handog-ayuno, at pagtupad sa mga atas mula sa iyong quorum president . Maaaring kasama rin dito ang proyektong paglilingkod na ipinasiya mong gawing mag-isa .

Maglista ng ilang partikular na bagay na gagawin ng inyong korum ▪▪▪para makapaglingkod . Magplano rin ng ilang bagay na gagawin mong mag-isa para makapaglingkod, pati na ang paglilingkod sa iyong mga kapamilya .

“Kapag kayo ay nasa paglilingkod ng inyong kapwa-tao, kayo ay nasa paglilingkod lamang ng inyong Diyos” (Mosias 2:17).

Page 28: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

27

Deacon

KumilosAng plano ng aking korum sa paglilingkod:

Ang sarili kong plano sa paglilingkod:

Magbahagiibahagi sa magulang o mga miyembro ng ▪▪▪korum ang ilan sa iyong mga karanasan sa paglilingkod sa iba . halimbawa, maaari mong ikuwento kung paano nakaapekto sa iyo at sa mga taong iyong pinaglingku-ran ang iyong paglilingkod .

Anyayahan ang iyong mga magulang na sumama sa iyo na maglingkod. Ito ay

magandang paraan para mapatibay ang kaugnayan

mo sa kanila at mapahusay ang kalidad

ng iyong paglilingkod.

Page 29: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

28

anYaYahan ang lahat na luMaPit KaY CristO

MatutoBasahin ang Doktrina at mga Tipan 20:59 . ▪▪▪Ano ang kahulugan sa iyo ng mga salitang “lumapit kay cristo?” ibahagi ang iyong naiisip at nadarama sa lider ng iyong ko-rum o sa iyong mga magulang, at itanong kung ano ang kahulugan sa kanila ng katagang iyon .

Paghambingin ang mga kuwento ng pagmimisyon nina Ammon ▪▪▪(Alma 17–19) at corianton (Alma 39:1–11) . Ano ang naging epekto ng kanilang mga ginawa sa mga taong tinuruan nila? Pag-isipan ang mga paraan na makapagpapakita ka ng mabuting halimbawa na makatutulong sa mga tao na lumapit kay cristo .

isipin ang mga kapamilya at kaibigan na maaari mong anyayahan ▪▪▪na lumapit kay cristo . isulat ang kanilang mga pangalan at ang ga-gawin mo para tulungan sila (tulad ng pag-imbita sa kanila sa isang aktibidad ng simbahan o pagbibigay sa kanila ng kopya ng Aklat ni Mormon o magasin ng simbahan) .

“Ikaw ay maging uliran ng mga nagsisisampala-taya, sa pananalita, sa pamumuhay, sa pagibig, sa pananampa-lataya, sa kalinisan” (I Kay Timoteo 4:12).

Page 30: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

29

Deacon

KumilosMga paraan na magpapakita ako ng mabuting halimbawa sa iba:

Pangalan ng mga tao at paano ko sila tutulungang lumapit kay cristo:

Magbahagiisulat sa journal o notebook ang mga kara-▪▪▪nasan mo sa pag-anyaya sa iba na lumapit kay cristo . isulat din ang mga paraan na sa palagay mo ay nagiging mas mabuti kang misyonero . Pag-isipang ibahagi sa iba ang iyong mga karanasan .

Maaari kang maging misyonero bago ka pa

man matawag na maglingkod sa full-time

mission. Mag-isip ng mga paraan na

magagawa mo ito sa tahanan, sa paaralan, at

kasama ng iyong mga kaibigan.

Page 31: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

30

Deacon

rePasuhinkapag malapit nang matapos ang iyong mga taon bilang deacon, kausapin ang iyong mga magulang o lider ng priesthood tungkol sa iyong mga karanasan sa pagsasakatuparan ng iyong mga plano na pa-ngasiwaan ang mga ordenansa ng priesthood, paglingkuran ang iba, at anyayahan ang lahat na lumapit kay cristo . Talakayin ang mga paraan na natulungan mo ang iba sa pamamagitan ng paglilingkod ng priest-hood . isalaysay kung paano nakatutulong ang iyong mga karanasan para ikaw ay maging matapat na lingkod ng priesthood .

Ang Aking lAgdA PetsA

lAgdA ng mAgulAng o lider PetsA

Page 32: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

31

Deacon

PArA sA lAkAs nG MGA kABATAAn

kalusugan ng katawanMatapos mong simulang gawin ang iyong mga plano sa “espirituwal na lakas ” at “Mga Tungkulin sa Priesthood,” lumikha ng isang pro-yekto batay sa mga pamantayan sa bahaging “kalusugan ng katawan” ng Para sa Lakas ng mga Kabataan. Gamitin ang mga hakbang sa kasu-nod na mga pahina bilang gabay . Ang iyong proyekto ay dapat humamon sa iyong ka-kayahan at dapat sapat ang oras na ibibigay rito . Dapat akma ito sa iyong sariling mga pangangailangan at interes . Dapat makapag-bigay ito sa iyo ng gawi na tutulong sa iyo na mapatibay at mapanatili ang kalusugan ng katawan sa buong buhay mo .

haKbang 1: MatutOBasahin ang “kalusugan ng katawan” sa Para sa Lakas ng mga Kabataan, at pag-ara-lan ang sumusunod na mga banal na kasula-tan: Doktrina at mga Tipan 88:124, Doktrina at mga Tipan 89, at i Mga Taga corinto 3:16–17 . Tukuyin ang mga alituntunin na may kinalaman sa kalusugan ng katawan . isulat

Maaari mong gawin ang hakbang 1 kasama ang

iyong korum. Pag-isipan din na gawin ang iyong

proyekto kasama ang iba, tulad ng miyembro ng

iyong korum, magulang, o lider. Sa ganitong

paraan, masusuportahan ninyo at mapapalakas

ang isa’t isa.

Page 33: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

32

ang mga sagot sa sumusunod na mga tanong, at ibahagi ang mga ito sa magulang, lider ng priesthood, o mga miyembro ng korum .

1 . Bakit mahalaga na maging malusog ang katawan? Paano makatutulong ang malusog ng pangangatawan upang magampanan mo ang iyong mga tung-kulin sa priesthood (bilang misyonero, ama, at sa iyong paglilingkod sa iba)?

2 . Ano ang espirituwal na kapakinaba-ngan ng malusog na pangangatawan? Ano ang mga espirituwal na ibubunga ng maling pangangalaga ng ating pisikal na katawan?

haKbang 2: luMiKha ng isang PrOYeKtOlumikha ng isang proyekto na tutulong sa iyo na ipamuhay ang iyong natutuhan tungkol sa kalusugan ng katawan . Dapat itong kapalooban ng dalawang bahagi: (1) regular na pag-eehersisyo at (2) nutrisyon . Paaprubahan sa magulang o lider ang iyong proyekto bago simulang gawin ito . narito ang ilang halimbawa ng mga bagay na maisasama mo sa bawat bahagi ng iyong proyekto:

Mga halimbawa—regular na Pag-eehersisyolumikha ng buwanang tsart para sa pag-eehersisyo . isama ang iba’t ▪▪▪ibang ehersisyo na tumutulong sa iyo na maging mas malusog, tu-lad ng pagtakbo, pagbibisekleta, o pagsasanay para sa isang isport .

“Ang templo ng Dios ay banal, na ang templong ito ay kayo” (I Mga Taga Corinto 3:17).

Page 34: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

33

Deacon

Pag-aralan ang isang laro at sumali dito▪▪▪

Dagdagan ang iyong kakayahan sa pisikal na aktibidad na nilalahu-▪▪▪kan mo na .

Mga halimbawa—nutrisyonMangakong ipamuhay ang Word of Wisdom . isama sa iyong panga-▪▪▪ko: (a) paano mo iiwasan ang mga sitwasyon kung saan matutukso kang labagin ang pangakong ito at (b) paano ka tutugon sa mga tukso (halimbawa, mga paraan na maipapaliwanag mo sa iba kung bakit mo sinusunod ang Word of Wisdom) .

Pag-aralan ang mga alituntunin ng wastong nutrisyon mula sa Dok-▪▪▪trina at mga Tipan 89 at mula sa mga aklat, internet, o iba pang ma-pagkukunan . ituro sa iyong pamilya o korum ang iyong natuklasan . Magkaroon ng talaan ng iyong kinakain sa loob ng isang buwan, at pagkatapos ay baguhin ang pagkain batay sa natutuhan mo tungkol sa nutrisyon .

Pag-aralan kung paano maghanda ng tatlong pagkain na balanse ▪▪▪ang nutrisyon . ihanda ang mga ito sa iyong pamilya .

Page 35: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

34

Deacon

ang aking Proyektoregular na Pag-eehersisyo

nutrisyon

PAgsAng-Ayon ng mAgulAng o lider

tinAtAyAng PetsA ng PAgkumPleto

Ang Aking lAgdA PetsA ng PAgkumPleto

Page 36: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

35

Deacon

haKbang 3: iulat ang iYOng Mga Karanasansa patlang sa ibaba, isulat ang natutuhan mo sa pagkumpleto ng iyong proyekto at paano mo ito isasagawa sa buong buhay mo . iulat ang iyong mga karanasan sa iyong pamilya o mga miyembro ng iyong korum .

Page 37: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

36

Teacher

Page 38: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

37

Teacher

espirituwal na lakasipinayo ng Panginoon sa mga mayhawak ng priesthood, “Maging ma-linis kayo” (D at T 38:42) . sa bahaging ito mapalalalim mo ang iyong pang-unawa sa kaugnayan ng pagiging karapat-dapat at kapangya-rihan ng priesthood (tingnan sa D at T 121:34–46) . Gagawa ka rin ng mga plano upang mapag-ibayo ang iyong palagiang pagdarasal at pag-aaral ng mga banal na kasulatan, na kinabibilangan ng pag-aaral ng mga salita ng mga buhay na propeta .

Ang bahaging ito ay binuo sa mga sumusunod:

Manalangin at Pag-aralan ang mga Banal na kasulatan .▪▪▪

Mamuhay nang karapat-dapat▪▪▪

Unawain ang Doktrina▪▪▪

Page 39: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

38

Manalangin at Pag-aralan ang Mga banal na Kasulatan

MatutoPag-isipan ang iyong sariling mga panala-▪▪▪ngin . Gaano ka kadalas manalangin? Ano ang nadarama mo kapag nananalangin ka? Pag-aralan ang santiago 1:5–6; Alma 34:17–28; 3 nephi 18:15–21; at Moroni 10:3–5 . Tukuyin ang mga alituntunin

na makatutulong upang maging mas makabuluhan ang iyong mga panalangin at ang mga biyayang darating sa “[pananalangin mo sa] tuwina .”

Pag-aralang mabuti ang helaman 3:29–30 at Doktrina at mga Tipan ▪▪▪18:33–36; 84:85 . sa iyong pag-aaral, maghanap ng mga salita at parirala na naglalarawan ng:

1 . kung paano mo pag-aaralan ang mga banal na kasulatan at salita ng mga buhay na propeta .

2 . Mga pagpapalang darating sa pag-aaral mo ng mga banal na kasulatan at salita ng mga buhay na propeta .

sa kasunod ng pahina, isulat ang iyong plano na pagbutihin pa ang ▪▪▪iyong mga personal na panalangin at pag-aaral ng mga banal na kasulatan sa iyong mga taon bilang teacher . Ang iyong pag-aaral ng mga banal na kasulatan ay maaaring kapalooban ng mga salita ng mga buhay na propeta sa mga isyu ng kumperensya sa Liahona.

“Manalangin tuwina, nang ikaw ay magtagum-pay; oo, nang iyong mapagtagumpayan si Satanas” (D at T 10:5).

Page 40: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

39

Teacher

Kumilos Ang aking plano para mapag-ibayo ang palagian kong pagdarasal at pag-aaral ng mga banal na kasulatan:

Magbahagi ibahagi ang natututuhan mo mula sa iyong pag-aaral ng mga banal ▪▪▪na kasulatan . halimbawa, maaari kang magbahagi sa iyong pamil-ya, mga kaibigan, sa seminary, o sa mga miting ng korum . sikaping makasanayang ibahagi ang iyong natutuhan . Palalakasin nito ang iyong patotoo at tutulungan kang matutong ituro ang ebanghelyo . Palalaka-sin din nito ang patotoo ng iba .

Pag-isipang iugnay ang iyong plano sa pag-aaral ng mga banal na kasula-

tan sa pinag-aaralan mo sa seminary,

Sunday School, o sa inyong pamilya.

Page 41: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

40

MaMuhaY nang KaraPat-DaPat

Matutosaliksikin ang Doktrina at mga Tipan ▪▪▪121:41–45, at isulat ang mga alituntu-nin na pinagbabatayan ng paggamit ng priesthood . Pagkatapos ay gawin ang sumusunod (humingi ng tulong sa magu-lang o lider ng priesthood kung maaari):

1 . hanapin ang kahulugan ng anumang di pamilyar na mga salita .

2 . Mag-isip ng mga halimbawa kung paano ipamumuhay ang mga alituntuning ito .

saliksikin ang mga talata 45 at 46, at tukuyin ang mga pagpapalang dumarating mula sa pamumuhay ng mga alituntuning ito . Ulitin ang mga hakbang 1 at 2 na nasa itaas para sa bawat pagpapalang ito .

Pag-aralan ang Doktrina at mga Tipan 63:16 at tukuyin ang mga ▪▪▪ibubunga ng pagkakaroon ng maruming kaisipan . ihambing ang mga babalang ito sa mga pagpapala ng pagtutulot na “[mapuspos] ng kabanalan ang iyong mga iniisip nang walang humpay” (D at T 121:45) . Pumili ng di-kukulangin sa apat na bahagi mula sa Para sa Lakas ng mga Kabataan na pag-aaralan; pag-isipang pagtuunan ang mga bahaging tutulong sa iyo na magkaroon ng mabuting pag-iisip . Pag-isipang mabuti lalo na ang magagawa mo para maiwasan ang mga panganib na inilarawan sa Doktrina at mga Tipan 63:16 .

“Lahat ng iyong nasasaisip ay ituon sa Panginoon” (Alma 37:36).

Page 42: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

41

Teacher

KumilosMga bahagi mula sa Para sa Lakas ng mga Kabataan na aking pag-aaralan:

Mga partikular na bagay na gagawin ko upang ipamuhay ang mga pamantayang ito at tulungan ang iba na gawin din ito:

MagbahagiIbahagi sa magulang o lider ng korum ▪▪▪kung paanong ang pamumuhay sa mga pamantayang ito ay nakaapekto sa iyo at nakaimpluwensya sa mga nakapaligid sa iyo. Sa iyong pagbabahagi, isalaysay ang nagiging uri ng iyong pagkatao.

Pag-isipang gamitin ang mga pamantayan sa Para

sa Lakas ng mga Kabataan para masuri

ang musikang pinakikinggan mo at

pelikulang pinanonood mo. Gumawa ng mga pagbabago

kung kinakailangan.

Page 43: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

42

Unawain ang DoKtrina

MatutoIsulat ang ilang tanong na maaaring itina-▪▪▪tanong ng mga di miyembro ng Simbahan tungkol sa mga paniniwala ng Simbahan. Anong mga paksa ng doktrina ang mapag-aaralan mo na makatutulong sa pagsagot sa mga tanong na ito?

Rebyuhin ang listahan ng mga paksa ▪▪▪ng doktrina na pinag-aralan mo bilang

deacon (tingnan sa pahina 19). Batay sa iyong mga karanasan at karagdagang pag-aaral, iakma ang iyong outline sa “Ang Priest-hood at mga Susi ng Priesthood.” Pumili ng apat o higit pang mga karagdagang paksa na gusto mong pag-aralan at ituro (tingnan sa pahina 44), at isulat ang iyong mga napili sa kasunod na pahina. Magagamit mo ang mga banal na kasulatan (pati na Ang Gabay sa mga Banal na Kasulatan), Tapat sa Pananampalataya, Mangaral ng Aking Ebanghelyo, at mga salita ng mga propeta sa mga huling araw para pag-aralan ang tungkol sa mga paksang ito.

Sa bawat paksang iyong pag-aaralan, gumawa ng simpleng outline. ▪▪▪Maaaring kabilang dito ang: (1) kahulugan ng paksa, (2) mga turo at halimbawa mula sa mga banal na kasulatan at sa iyong sariling buhay, at (3) ang nasasaisip at nadarama mo kung bakit mahalaga ang paksang ito. Para sa mga halimbawa ng mga outline, tingnan sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo (mga kabanata 2 at 3).

“Ang mga elder, saserdote at guro ng simbahang ito ay magtuturo ng mga alituntunin ng aking ebanghelyo” (D at T 42:12).

Page 44: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

43

Teacher

KumilosMga paksa ng doktrina na aking pag-aaralan:

MagbahagiGamit ang mga outline na iyong inihanda, ituro sa iba ang tungkol ▪▪▪sa mga paksang ito ng doktrina. Maaaring ito ay sa pormal na pagtuturo (family home evening, miting ng korum, seminary, sacrament meeting, o mga opening exercise sa Mutual), o maaaring sa pakikipag-usap sa isang kaibigan.

Kailan ko ituturo ang tungkol sa mga paksang ito:

Pag-isipang tanungin ang iyong guro sa seminary para sa

pagkakataong ibahagi sa klase ang natututuhan

mo tungkol sa mga doktrinang ito.

Page 45: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

44

Teacher

Mga Paksa ng DoktrinaAng Panguluhang Diyos▪▪▪

Ang Plano ng Kaligtasan▪▪▪

Ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo▪▪▪

Mga Propeta▪▪▪

Ang Apostasiya at ang Pagpapanumbalik ng Ebanghelyo▪▪▪

Ang Pagpapanumbalik ng Priesthood▪▪▪

Ang Priesthood at mga Susi ng Priesthood▪▪▪

Paglilingkod▪▪▪

Mga Tipan at Ordenansa▪▪▪

Pananampalataya▪▪▪

Pagsisisi▪▪▪

Binyag▪▪▪

Ang Kaloob na Espiritu Santo▪▪▪

Panalangin at Pansariling Paghahayag▪▪▪

Kalayaan▪▪▪

Mga Templo▪▪▪

Walang Hanggang mga Pamilya at Gawain sa Family History▪▪▪

Ang Batas ng Kalinisang-Puri▪▪▪

Ang Word of Wisdom▪▪▪

Ikapu▪▪▪

Page 46: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

45

Teacher

rePasUhinKapag malapit nang matapos ang iyong mga taon bilang teacher, kausapin ang iyong mga magulang o lider ng priesthood tungkol sa iyong mga karanasan sa pagsasakatuparan ng iyong mga plano na manalangin at pag-aralan ang mga banal na kasulatan, mamuhay nang karapat-dapat, at unawain ang doktrina. Talakayin kung paanong ang paggawa ng mga bagay na ito ay nakatutulong sa iyo na palakasin ang iyong patotoo at pakikipag-ugnayan sa Ama sa Langit.

Ang Aking lAgdA PetsA

lAgdA ng mAgulAng o lider PetsA

Page 47: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

46

Teacher

Mga Tungkulin sa Priesthood

Sinabi ng Panginoon na bawat mayhawak ng priesthood ay dapat “matuto sa kanyang tungkulin” at “kumilos . . . nang buong sigasig” (D at T 107:99). Ang bahaging ito ay tutulong sa iyo na matutuhan at magampanan ang iyong mga tungkulin bilang teacher, na nakasaad sa Doktrina at mga Tipan 20:53–59; 84:111 at kinapapalooban ng lahat ng tungkulin ng deacon (tingnan sa pahina 23). Ang iyong mga tungkulin ay maaaring buuin sa tatlong grupo:

Page 48: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

47

Teacher

Pangasiwaan ang mga Ordenansa ng Priesthood▪▪▪Ang mga teacher ang naghahanda at nagpapasa ng sacrament.

Paglingkuran ang Iba▪▪▪Ang mga teacher ay tumutulong sa bishop sa “pangangasiwa ng . . . bagay na temporal” (D at T 107:68). Maaaring kabilang dito ang pagkolekta ng mga handog-ayuno, pangangalaga sa mga maralita at nangangailangan, pangangalaga sa meetinghouse at bakuran nito, pagsisilbing mensahero ng bishop sa mga miting sa Simbahan, at pagtupad sa iba pang mga atas mula sa quorum president.

Anyayahan ang Lahat na Lumapit Kay Cristo▪▪▪Ang tungkulin ng mga teacher ay “pangalagaan ang simbahan tuwi-na, at makapiling at palakasin sila” (D at T 20:53). Ang isang paraan para magawa ito ay maglingkod bilang home teacher. Tungkulin din ng mga teacher na “tiyakin na walang kasamaan sa simbahan, ni samaan ng loob sa bawat isa, ni pagsisinungaling, paninirang-puri, ni pagsasalita ng masama; at tiyakin na ang simbahan ay madalas na sama-samang nagtitipon” (D at T 20:54–55). Kabilang sa responsi-bilidad na ito ang pagiging tagapamayapa, pagiging halimbawa ng katapatan at kabanalan, at pag-anyaya sa iba na magsimba.

Sila ay patuloy na “magbababala, magpapaliwanag, manghi-hikayat, at magtuturo, at mag-aanyaya sa lahat na lumapit kay Cristo” (D at T 20:59). Kabilang dito ang pagpapakita ng mabuting halimbawa, pakikipagkaibigan sa mga miyembro ng korum at sa iba, pagsasalita sa mga miting ng Simbahan, pagbabahagi ng ebanghelyo, at pagpapatotoo.

Page 49: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

48

Pangasiwaan ang Mga orDenansa ng PriesthooD

MatutoBasahin ang Doktrina at mga Tipan 38:42. ▪▪▪Ang utos na “Maging malinis kayo na nagtataglay ng sisidlan ng Panginoon” ay may espesyal na kahulugan sa pagtupad mo ng iyong tungkulin na ihanda ang sacrament. Noong unang panahon ang grupo ng mga saserdote ay nagdadala ng

mga sisidlan—mga mangkok o palanggana—na gagamitin sa tem-plo (tingnan sa Ezra 1:5–11). Ngayon hawak mo ang mga sisidlan na naglalaman ng tinapay at tubig para sa sacrament sa pag-alaala sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo.

Basahin ang Mateo 26:26–28. Sa kasunod na pahina, isulat ang iyong ▪▪▪mga sagot sa mga tanong na ito:

1. Ano ang maaari mong gawin para maihanda ang sacrament sa isang paraang mapitagan at marangal (kahit karamihan sa mga tao ay hindi nakikitang isinasagawa mo ang tungkuling ito)?

2. Paano ka makapagpapakita ng mabuting halimbawa para sa mga deacon kapag nahilingan kang magpasa ng sacrament?

“Kinuha niya ang tinapay at pinagputul-putol at binasbasan ito; at kanyang ibinigay sa mga disipulo at iniutos na sila ay kumain” (3 Nephi 18:3).

Page 50: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

49

Teacher

KumilosAng aking plano na ihanda ang sacrament sa paraang mapitagan at marangal:

Ang aking plano na magpakita ng mabuting halimbawa para sa mga deacon kapag nahilingan akong magpasa ng sacrament:

MagbahagiMatapos isagawa ang iyong plano, tala-▪▪▪kayin sa mga miyembro ng iyong korum kung paano nakaapekto ang iyong mga karanasan sa iyong nadarama tungkol sa sacrament at sa Tagapagligtas.

Pag-isipan kung paano ka tutugon sa mga

pagkakataong tulungan ang mga deacon sa

pagpasa ng sacrament.

Page 51: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

50

PaglingKUran ang iba

MatutoIhambing ang ugali ni Nephi kina Laman ▪▪▪at Lemuel sa pagtugon nila sa mga iniatas sa kanila (tingnan sa 1 Nephi 2:16–18; 3:1–7, 28–31; 4:1–2; 17:7–19, 50–51; 18:1–4). Sa patlang sa ibaba, sumulat ng ilang mga kataga mula sa iyong pag-aaral na nagla-larawan sa ugali na dapat nating taglayin kapag gumaganap sa mga responsibilidad. Pag-isipang ibahagi ang iyong listahan sa mga miyembro ng iyong korum.

Halimbawa: “Tayo ay maging matapat” (1 Nephi 4:1)

Talakayin sa inyong korum ang mga pagkakataon ninyo na pagling-▪▪▪kuran ang iba (hingin ang mga ideya ng iyong bishop o mga lider ng korum). Maglista ng ilang partikular na mga bagay na gagawin ng iyong korum para makapaglingkod. Magplano rin ng ilang paglilingkod na gagawin mong mag-isa, kabilang ang paglilingkod sa iyong mga kapamilya.

“Magbigay ang bawat isa, . . . huwag mabigat sa loob . . . sapagka’t iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya” (II Mga Taga Corinto 9:7).

Page 52: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

51

Teacher

KumilosAng plano ng aking korum sa paglilingkod:

Ang sarili kong plano sa paglilingkod:

MagbahagiIbahagi sa magulang, lider, o mga ▪▪▪miyembro ng korum ang ilan sa iyong mga karanasan sa paglilingkod sa iba. Halimbawa, maaari mong ikuwento kung paano nakaapekto ang iyong paglilingkod sa iyong mga pinaglingkuran at paano nakaapekto ang iyong pag-uugali sa iyong mga karanasan. Maaari mo ring ikuwento kung paano nakatulong sa iyo ang mga karanasang ito na makapaglingkod kay Jesucristo (tingnan sa Mateo 25:35–40) at maging higit na katulad Niya.

Anyayahan ang iyong mga magulang na

samahan ka sa pagkumpleto ng aktibidad sa pagkatuto. Idagdag sa

iyong listahan ang mga katagang nakita nila.

Page 53: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

52

anyayahan ang lahat na lUMaPit Kay Cristo

MatutoBasahin ang Doktrina at mga Tipan 20:53. ▪▪▪Bilang bahagi ng iyong tungkulin na “pa-ngalagaan ang simbahan tuwina, at maka-piling at palakasin sila” magkakaroon ka ngayon ng pagkakataon na maglingkod bilang home teacher. Talakayin sa iyong quorum president, mga magulang, o kom-panyon sa home teaching ang magagawa mo para maging mabuting home teacher.

Basahin ang Alma 17:2–3, 9, at isulat ▪▪▪ang ginawang paghahanda sa sarili ng mga anak ni Mosias para sa paglilingkod bilang misyonero. Pag-isipan ang mga paraan na masusundan mo ang kanilang halimbawa.

Ipagpatuloy ang iyong pagsisikap na ibahagi ang ebanghelyo. ▪▪▪Isipin mo ang mga kapamilya at kaibigan na maaari mong anyaya-hang lumapit kay Cristo. Isulat ang kanilang mga pangalan at ang gagawin mo para tulungan sila (tulad ng pag-iimbita sa kanila sa isang aktibidad ng Simbahan o pagbibigay sa kanila ng kopya ng Aklat ni Mormon o magasin ng Simbahan).

“Itinuon nila ang kanilang sarili sa maraming panalangin, at pag-aayuno; . . . at kapag sila ay nagturo, sila ay nagtuturo nang may kapangyarihan at karapatan ng Diyos” (Alma 17:3).

Page 54: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

53

Teacher

KumilosAng aking plano na maging mabuting home teacher:

Pangalan ng mga tao at paano ko sila tutulungang lumapit kay Cristo:

MagbahagiMatapos maisagawa ang iyong mga ▪▪▪plano, ibahagi sa magulang o mga lider ng korum ang mga naranasan mo sa paglilingkod bilang home teacher at sa pagbabahagi ng ebanghelyo. Isalaysay kung paano tumutulong ang mga karana-sang ito sa iyong paghahanda na maging full-time missionary.

Ang iyong plano na maging mabuting home

teacher ay maaaring kabilangan ng pag-alam

sa mga pangangailangan at interes ng mga pamil-

yang iyong binibisita.

Page 55: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

54

Teacher

rePasUhinKapag malapit nang matapos ang iyong mga taon bilang teacher, kausapin ang iyong mga magulang o lider ng priesthood tungkol sa iyong mga karanasan sa pagsasakatuparan ng iyong mga plano na pangasiwaan ang mga ordenansa ng priesthood, paglingkuran ang iba, at anyayahan ang lahat na lumapit kay Cristo. Talakayin ang mga paraan na natulungan mo ang iba sa pamamagitan ng iyong pagliling-kod sa priesthood. Isalaysay kung paano nakatutulong ang iyong mga karanasan para ikaw ay maging matapat na lingkod ng priesthood.

Ang Aking lAgdA PetsA

lAgdA ng mAgulAng o lider PetsA

Page 56: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

55

Teacher

PARA SA LAKAS NG MGA KABATAAN:

EdukasyonMatapos mong simulang gawin ang iyong mga plano sa “Espirituwal na Lakas ” at “Mga Tungkulin sa Priesthood,” lumikha ng isang pro-yekto batay sa mga pamantayan sa bahaging “Edukasyon” ng Para sa Lakas ng mga Kabataan. Gamitin ang mga hakbang sa kasunod na mga pahina bilang gabay. Ang iyong proyekto ay dapat humamon sa iyong kakayahan at dapat sapat ang oras na ibibigay rito. Dapat akma rin ito sa iyong sariling mga pangangailangan at interes. Dapat matulungan ka nito na makagawiang mag-aral nang habambuhay.

haKbang 1: MatUtoUpang matutuhan ang kahalagahan ng pagta-tamo ng kaalaman, pag-aralan ang bahaging “Edukasyon” sa Para sa Lakas ng mga Kabataan at Doktrina at mga Tipan 88:77–80, 118. Tu-kuyin mula sa mga talatang ito kung (a) ano ang nais ng Panginoon na matutuhan mo, (b) bakit gusto Niyang matuto ka, at (c) paano ang gusto Niyang gawin mong pag-aaral.

Basahin “Ang Mag-anak: Isang Pagpapaha-yag sa Mundo,” at tukuyin ang iyong papel bilang asawa at ama sa hinaharap (tingnan sa pahina 107 ng aklat na ito).

Ilan sa mga aspeto ng iyong proyekto ay

magagawa bilang mga aktibidad ng korum (tulad

ng pagpunta sa isang opisina o pagawaan o

pagdalaw sa employment resource center).

Page 57: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

56

Isulat ang iyong mga sagot sa umusunod na mga tanong, at talakayin ang mga ito sa iyong mga magulang o miyembro ng korum:

1. Ano ang mga kapakinabangan ng pagtatamo ng edukasyon?

2. Paano makatutulong ang pagtatamo ng edukasyon sa pagganap mo sa iyong mga tungkulin sa priesthood (kasama ang pagiging misyonero, ama, at iyong paglilingkod sa iba)?

haKbang 2: lUMiKha ng isang ProyeKtoLumikha ng isang proyekto na tutulong sa iyo na ipamuhay ang iyong natutuhan tung-

kol sa pagtatamo ng edukasyon. Dapat itong kapalooban ng dalawang bahagi: (1) mga plano upang magtamo ng edukasyon at (2) mga plano na maghanap ng magiging trabaho. Paaprubahan sa magulang o lider ang iyong proyekto bago mo simulang gawin ito. Narito ang ilang halimbawa ng mga bagay na maaari mong isama sa bawat bahagi ng iyong proyekto:

Mga halimbawa—edukasyonIlista ang mga bagay na mahusay mong nagagawa sa paaralan. ▪▪▪Pagkatapos ay ilista ang mga bagay na magagawa mo upang mas magtagumpay sa paaralan. Gawin ang mga bagay na iyon, at pansi-nin ang magagawang kaibhan nito sa iyong pag-aaral, pag-uugali sa paaralan, at iba pa.

“Maghanap kayo sa mga pinakamabubuting aklat ng mga salita ng karunungan; maghangad na matuto, maging sa pamamagitan ng pag-aaral at gayon din sa pamamagitan ng pananampalataya” (D at T 88:118).

Page 58: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

57

Teacher

Magplano na makapag-aral o makapag-training. Pag-isipang isama ▪▪▪sa iyong plano kung anong paaralan ang iyong papasukan o anong training ang gusto mong matanggap. Isama rin ang dapat mong gawin upang makapasok sa napiling paaralan o training program at ano ang mga opsiyon para matustusan ang pag-aaral na ito.

Pumili ng paksa na gusto mong pag-aralan na hindi mo pa natu-▪▪▪tutuhan sa paaralan, at saliksikin ang paksang iyan. Ibahagi ang natutuhan mo sa pamamagitan ng paglalahad o pagsusulat.

Mga halimbawa—trabahoPag-aralan ang tungkol sa mga trabaho o karerang gusto mo. Ma-▪▪▪aaring kabilang dito ang paglilibot sa mga pagawaan o opisina at pag-iinterbyu sa mga taong nagtatrabaho doon.

Bisitahin ang isang lokal na LDS employment resource center, at ▪▪▪kausapin ang isang empleyado doon tungkol sa ilang mga traba-ho o karerang pinag-iisipan mo. Itanong sa kanya kung ano ang kailangan mong gawin para makakuha ng trabaho sa mga larangang iyon. Ibahagi ang natutuhan mo sa isang miting ng korum o aktibi-dad sa Mutual.

Kung kumikita ka na, magkaroon ng at sundin ang plano sa pagti-▪▪▪tipid at paggastos. Dapat kasama rito ang pagbabayad ng ikapu at pag-iipon para sa misyon. Ibahagi ang iyong plano sa iyong mga magulang o miyembro ng korum.

Page 59: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

58

Teacher

ang aking ProyektoEdukasyon

Trabaho

PAgsAng-Ayon ng mAgulAng o lider

tinAtAyAng PetsA ng PAgkumPleto

Ang Aking lAgdA PetsA ng PAgkumPleto

Page 60: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

59

Teacher

haKbang 3: iUlat ang iyong Mga KaranasanSa patlang sa ibaba, isulat ang iyong natutuhan mula sa pagkumpleto ng iyong proyekto at paano ka nito naihanda sa mga responsibilidad mo sa hinaharap. Iulat ang iyong mga karanasan sa iyong pamilya o mga miyembro ng korum.

Page 61: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

60

Priest

Page 62: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

61

Priest

Espirituwal na LakasIpinayo ng Panginoon sa mga mayhawak ng priesthood, “Maging malinis kayo” (D at T 38:42). Sa bahaging ito mapalalalim mo ang iyong pang-unawa sa kaugnayan ng pagiging karapat-dapat ng sarili at kapangyarihan ng priesthood (tingnan sa D at T 121:34–46). Gagawa ka rin ng mga plano na mas maisagawa ang iyong palagiang pagda-rasal at pag-aaral ng mga banal na kasulatan, na kinabibilangan ng pag-aaral ng mga salita ng mga buhay na propeta.

Ang bahaging ito ay binuo sa mga sumusunod:

Manalangin at Pag-aralan ang mga Banal na Kasulatan▪▪▪

Mamuhay nang Karapat-dapat▪▪▪

Unawain ang Doktrina▪▪▪

Page 63: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

62

Manalangin at Pag-aralan ang Mga banal na KasUlatan

MatutoPag-isipang mabuti ang sumusunod na ▪▪▪mga tanong, at pag-isipang isulat ang iyong mga sagot sa notebook o journal:

1. Ano ang epekto ng palagiang pagdara-sal at pag-aaral ng mga banal na kasu-latan sa (a) iyong kakayahan na sundin ang mga utos? (b) sa pakikipag-ugnayan

mo sa iyong pamilya? (c) sa pakikipag-ugnayan mo sa Diyos?

2. Anong mga talata sa mga banal na kasulatan ang lalong makabu-luhan sa iyo? Bakit?

3. Anong mga partikular na bagay ang natutuhan mo mula sa mga buhay na propeta nitong huling pangkalahatang kumperensya? Paano ka pinagpala ng pagsunod sa payong ito?

Sa kasunod na pahina, isulat ang iyong mga plano sa makabulu-▪▪▪hang pananalangin at pag-aaral ng banal na kasulatan sa mga taon mo bilang priest. Ang iyong pag-aaral ng mga banal na kasulatan ay kabibilangan ng mga salita ng mga buhay na propeta sa kumperen-sya sa mga isyu ng Liahona.

“Sila’y mga lalaking may malinaw na pang-unawa at sinaliksik nila nang masigasig ang mga banal na kasulatan upang malaman nila ang salita ng Diyos” (Alma 17:2).

Page 64: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

63

Priest

KumilosAng aking plano para mapag-ibayo ang palagian kong pagdarasal at pag-aaral ng mga banal na kasulatan:

MagbahagiIbahagi ang natututuhan mo mula sa pag-aaral ng mga banal na ▪▪▪kasulatan. Halimbawa, maibabahagi mo ito sa iyong pamilya, mga kaibigan, sa seminary, o sa mga miting ng korum. Gawing palagian ang pagbabahagi ng iyong natutuhan. Palalakasin nito ang iyong patotoo at tutulungan kang matu-tuhang ituro ang ebanghelyo. Palalakasin din nito ang patotoo ng iba.

Tuwing mag-aaral ka, manalangin muna para mabigyang-inspirasyon

ng Espiritu Santo. Pag-isipang isulat ang

mga impresyong natatanggap mo.

Page 65: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

64

MaMUhay nang KaraPat-DaPat

MatutoBasahin ang Doktrina at mga Tipan ▪▪▪121:34–40 at tukuyin ang epekto ng ka-salanan sa kapangyarihan ng priesthood. Paghambingin ang mga halimbawa nina Jose at David na matatagpuan sa Genesis 39, 41 at II Samuel 11–12. Pag-isipang ma-buti kung paano nakaapekto ang kanilang mga ginawa sa kanilang espirituwal na

lakas, at ibahagi ang iyong mga ideya sa iyong magulang o lider ng korum. Talakayin kung ano ang dapat ginawa ni David para maiwasan ang trahedya na nangyari sa kanyang buhay.

Maghanda ng isang lesson o mensahe kung paano tayo ▪▪▪ matutulungan ng pagsisisi at Pagbabayad-sala na manatiling karapat-dapat bilang mga mayhawak ng priesthood. Pag-isipang gamitin ang Mangaral ng Aking Ebanghelyo, mga pahina 56–57; Tapat sa Pananampalataya, mga pahina 111–118; o “ang Buhay na Cristo” (tingnan sa pahina 106 ng aklat na ito). Kasama ang iyong mga magulang o lider ng priesthood, magpasiya kung kailan o saan mo maaaring ibigay ang iyong mensahe o lesson, at isulat ang iyong plano sa kasunod na pahina.

Pumili ng di kukulangin sa apat na bahagi mula sa ▪▪▪ Para sa Lakas ng mga Kabataan na iyong pag-aaralan at ipamumuhay; pumili ng mga bahaging tutulong sa iyo na mamuhay nang karapat-dapat para makapasok sa templo at makibahagi sa sagradong mga ordenansa.

“Kung gayon, maging anong uri ng mga tao ba nararapat kayo? Katotohanang sinasabi ko sa inyo, maging katulad ko” (3 Nephi 27:27).

Page 66: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

65

Priest

KumilosAng aking plano na magbigay ng isang mensahe o lesson tungkol sa pagsisisi at Pagbabayad-sala:

Mga bahaging mula sa Para sa Lakas ng mga Kabataan na aking pag-aaralan:

Mga partikular na bagay na gagawin ko upang ipamuhay ang mga pamantayang ito at tulungan ang iba na gawin din ito:

MagbahagiIbahagi sa iba kung paanong ang pamumu-▪▪▪hay ng mga pamantayan sa Para sa Lakas ng mga Kabataan ay nakaapekto sa iyo at nakaimpluwensya sa mga nakapaligid sa iyo. Maibabahagi mo ito sa iyong pamilya, sa simbahan, o sa seminary.

Pag-isipang pag- aralan ang “Pananalita,” “Seksuwal na Kadalisa-

yan,” “Katapatan,” o “Mga Ikapu at Handog”

sa Para sa Lakas ng mga Kabataan.

Page 67: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

66

Unawain ang DoKtrina

MatutoBasahin ang Doktrina at mga Tipan 20:68. ▪▪▪Bahagi ng iyong tungkulin bilang isang priest ang “ipaliwanag ang lahat ng bagay hinggil sa simbahan ni Cristo.” Pag- aralang muli ang mga listahan ng mga paksa ng doktrina na pinag-aralan mo noon bilang deacon at teacher (tingnan sa mga pahina 19 at 43). Pagkatapos ay mag-sulat sa kasunod na pahina ng apat o higit

pang karagdagang paksa na pag-aaralan mo at ituturo sa susunod na dalawang taon (tingnan sa pahina 68).

Sa bawat paksang pag-aaralan mo, maghanda ng mga lesson outline ▪▪▪batay sa mga alituntunin at pamamaraang inilarawan sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo (tingnan sa mga kabanata 2 at 3).

Pag-aralan muli ang mga banal na kasulatan na nakatala sa pahina ▪▪▪19. Pag-isipan ang iyong mga karanasan at iakma ang iyong outline tungkol sa “Ang Priesthood at mga Susi ng Priesthood” (tingnan sa pahina 18). Isulat kung paano nabago ang iyong pagkaunawa at pagpapahalaga sa priesthood.

Sa paghahanda na maging full-time missionary, ilista ang mga ▪▪▪maaaring itanong ng isang tao tungkol sa mga paksang pinag-aralan mo, at talakayin ang mga tanong na ito sa iyong magulang o lider ng priesthood.

“Huwag hangaring ipahayag ang aking salita, kundi hangarin munang matamo ang aking salita, at pagkatapos ay kakalagan ang iyong dila” (D at T 11:21).

Page 68: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

67

Priest

KumilosMga paksa ng doktrina na aking pag-aaralan:

MagbahagiGamit ang mga outline na iyong inihanda, ituro sa iba ang tungkol ▪▪▪sa mga paksang ito ng doktrina. Magagawa mo ito sa family home evening, sa miting ng korum, home teaching, seminary, o sa pag-kakataong makapagturo kasama ng mga full-time missionary.

Kailan ko ituturo ang tungkol sa mga paksang ito:

Sa paghahanda mo ng mga outline ng iyong lesson, maaari kang

humingi ng payo mula sa isang full-time missionary

o sa isang misyonerong kauuwi pa lamang.

Page 69: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

68

Priest

Mga Paksa ng DoktrinaAng Panguluhang Diyos▪▪▪

Ang Plano ng Kaligtasan▪▪▪

Ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo▪▪▪

Mga Propeta▪▪▪

Ang Apostasiya at ang Pagpapanumbalik ng Ebanghelyo▪▪▪

Ang Pagpapanumbalik ng Priesthood▪▪▪

Ang Priesthood at mga Susi ng Priesthood▪▪▪

Paglilingkod▪▪▪

Mga Tipan at Ordenansa▪▪▪

Pananampalataya▪▪▪

Pagsisisi▪▪▪

Binyag▪▪▪

Ang Kaloob na Espiritu Santo▪▪▪

Panalangin at Pansariling Paghahayag▪▪▪

Kalayaan▪▪▪

Mga Templo▪▪▪

Walang Hanggang mga Pamilya at Gawain sa Family History▪▪▪

Ang Batas ng Kalinisang-Puri▪▪▪

Ang Word of Wisdom▪▪▪

Ikapu▪▪▪

Page 70: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

69

Priest

rePasUhinKapag malapit nang matapos ang iyong mga taon bilang isang priest, kausapin ang iyong mga magulang o lider ng priesthood tungkol sa iyong mga karanasan sa pagsasakatuparan ng iyong mga plano na manalangin at pag-aralan ang mga banal na kasulatan, mamuhay nang karapat-dapat, at unawain ang doktrina. Talakayin kung paanong ang paggawa ng mga bagay na ito ay nakatutulong sa iyo na mapalakas ang iyong patotoo at pakikipag-ugnayan sa Ama sa Langit.

Ang Aking lAgdA PetsA

lAgdA ng mAgulAng o lider PetsA

Page 71: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

70

Priest

Mga Tungkulin sa Priesthood

Sinabi ng Panginoon na bawat mayhawak ng priesthood ay dapat “matuto sa kanyang tungkulin” at “kumilos . . . nang buong sigasig” (D at T 107:99). Ang bahaging ito ay tutulong sa iyo na matutuhan at maisakatuparan ang iyong mga tungkulin bilang priest, na nakasaad sa Doktrina at mga Tipan 20:46–52, 75–79 at kinapapalooban ng lahat ng tungkulin ng deacon at teacher (tingnan sa mga pahina 23 at 46–47). Ang iyong mga tungkulin ay maaaring buuin sa tatlong grupo:

Page 72: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

71

Priest

Pangasiwaan ang mga Ordenansa ng Priesthood▪▪▪Ang mga priest ang nangangasiwa sa mesa ng sacrament at nag-aalay ng mga panalangin sa sacrament. Maaari silang maghanda at magpasa ng sacrament. Maaari din silang magbinyag, magkaloob ng Aaronic Priesthood, at mag-orden ng mga deacon, teacher, at iba pang mga priest.

Paglingkuran ang Iba▪▪▪Ang mga priest ay tumutulong sa bishop sa “pangangasiwa ng . . . bagay na temporal” (D at T 107:68). Maaaring kabilang dito ang pagkolekta ng mga handog-ayuno, pangangalaga sa mga maralita at nangangailangan, pangangalaga sa meetinghouse at bakuran nito, pagsisilbing mensahero para sa bishop, at pagtupad ng iba pang mga atas mula sa bishop.

Anyayahan ang Lahat na Lumapit Kay Cristo▪▪▪Tungkulin ng mga priest ang “mangaral, magturo, magpaliwanag, manghikayat, . . . at dumalaw sa bahay ng bawat kasapi, at hikayatin silang manalangin nang malakas at nang lihim at isagawa ang lahat ng tungkulin na pang mag-anak” (D at T 20:46–47). Ang isang para-an para magawa ito ay maglingkod bilang home teacher. Tungkulin din ng mga priest na patuloy na “tiyakin na walang kasamaan sa simbahan, ni samaan ng loob sa bawat isa, ni pagsisinungaling, paninirang-puri, ni pagsasalita ng masama” (D at T 20:54). Kabilang sa responsibilidad na ito ang pagiging tagapamayapa at pagiging halimbawa ng katapatan at kabanalan.

Sila ay patuloy na “magbababala, magpapaliwanag, manghi-hikayat, at magtuturo, at mag-aanyaya sa lahat na lumapit kay Cristo” (D at T 20:59). Kabilang dito ang pagpapakita ng mabuting halimbawa, pakikipagkaibigan sa mga miyembro ng korum at sa iba, pagsasalita sa mga miting ng Simbahan, pagbabahagi ng ebanghelyo, at pagpapatotoo.

Page 73: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

72

Pangasiwaan ang Mga orDenansa ng PriesthooD

MatutoBasahin ang 3 Nephi 18:1–11 at Mateo ▪▪▪26:26–28. Ano ang natutuhan mo mula sa mga talatang ito tungkol sa iyong tungku-lin na pangasiwaan ang sacrament?

Taimtim na basahin ang mga panalangin sa ▪▪▪sacrament (tingnan sa D at T 20:77, 79). Isu-lat ang iyong mga iniisip tungkol sa kahu-

lugan ng mga tipan at sagradong mga salita sa mga panalanging ito.

Sa kasunod na pahina, isulat ang iyong mga sagot sa mga tanong ▪▪▪na ito:

1. Kapag ikaw ang nangangasiwa sa mesa ng sacrament, ano ang maaari mong gawin para magpakita ng mabuting halimbawa sa iba pang mga mayhawak ng Aaronic Priesthood?

2. Anong tulong ang magagawa mo para maging higit na makabuluhang karanasan ang sacrament para sa mga miyembro ng kongregasyon?

Dumalo sa isang binyag, at ibahagi sa magulang o lider ng korum ▪▪▪ang natutuhan mo tungkol sa ordenansa ng binyag.

“Sa kanya ibibigay ko ang kapangyarihang pagputul-putulin ang tinapay at basbasan ito at ibigay ito sa mga tao ng aking simbahan” (3 Nephi 18:5).

Page 74: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

73

Priest

KumilosAng aking plano na magpakita ng mabuting halimbawa sa iba pang mga mayhawak ng Aaronic Priesthood kapag nagbabasbas ako ng sacrament:

Ang aking plano na tumulong upang maging higit na makabuluhang karanasan ang sacrament para sa mga miyembro ng kongregasyon:

MagbahagiMatapos maisagawa ang iyong mga plano, ▪▪▪talakayin sa mga miyembro ng iyong korum kung paano nakaimpluwensya ang iyong mga karanasan sa iyong nadarama tungkol sa sacrament at sa Tagapagligtas.

Ituturing ka ng mas nakababatang mga

mayhawak ng Aaronic Priesthood bilang isang halimbawa. Sa paggawa

mo ng mga plano, pag-isipan ang maaaring maging impluwensya ng iyong pananamit, anyo,

at kilos sa kanila.

Page 75: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

74

PaglingKUran ang iba

MatutoPag-isipan ang paglilingkod na isinagawa ▪▪▪mo sa iyong mga taon bilang deacon at teacher, at sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Paano nakaapekto ang iyong pag-uugali sa iyong paglilingkod? (Repa-suhin ang mga parirala o katagang isinulat mo sa pahina 50.)

2. Paano nakatutulong sa iyo ang paglilingkod upang hindi mo gaanong isipin ang sarili mo at mas tumuon sa mga pangangai-langan ng iba?

3. Paano naapektuhan ng iyong paglilingkod ang mga taong pinag-lingkuran mo?

4. Ano ang maaari mong gawin bilang priest para mas epektibong makapaglingkod?

Basahin ang Mateo 22:36–40, Juan 13:34–35, at Mosias 2:17, na hina-▪▪▪hanap ang mga dahilan kung bakit natin pinaglilingkuran ang iba. Talakayin sa iyong korum ang mga pagkakataon mo na mapagling-kuran ang iba (hingan ng mga ideya ang iyong bishop o mga lider ng korum). Maglista ng ilang partikular na mga bagay na gagawin ng iyong korum para makapaglingkod. Magplano rin ng ilang pag-lilingkod na gagawin mong mag-isa para paglingkuran ang iyong pamilya at ang iba.

“Sa ganito’y mangakiki-lala ng lahat ng mga tao na kayo ay aking mga alagad, kung kayo’y may pagibig sa isa’t isa” (Juan 13:35).

Page 76: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

75

Priest

KumilosAng plano ng aking korum sa paglilingkod:

Ang sarili kong plano sa paglilingkod:

MagbahagiIbahagi sa magulang o mga miyembro ng ▪▪▪korum ang ilan sa iyong mga karanasan sa paglilingkod sa iba. Halimbawa, maaari mong ikuwento kung paano nakaapekto ang iyong paglilingkod sa mga taong pinaglingkuran mo at paano naapektuhan ng iyong pag-uugali ang iyong mga kara-nasan. Isalaysay kung paano nakatutulong ang mga karanasang ito sa iyo na maging higit na katulad ni Cristo.

Sa paggawa mo ng iyong sariling plano, pag-isipan

ang mga paraan na mapaglilingkuran mo

ang iyong pamilya, mga kaibigan, o komunidad.

Page 77: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

76

anyayahan ang lahat na lUMaPit Kay Cristo

MatutoRepasuhin ang planong ginawa mo upang ▪▪▪maging mabuting home teacher (tingnan sa pahina 53). Sa pag-alaala sa iyong mga pagsisikap sa home teaching, ano sa palagay mo ang nagawa mong mabuti? Sa kasunod na pahina, isulat ang ilang paraang gusto mong paghusayin pa.

Isulat ang iyong mga sagot sa sumusunod ▪▪▪na mga tanong, at talakayin ang mga ito sa iyong mga magulang o miyembro ng korum:

1. Paano naaapektuhan ng iyong halimbawa ang kakayahan mong ituro ang ebanghelyo sa iba?

2. Ano ang magagawa mo bilang priest upang maituro ang ebang-helyo sa pamamagitan ng iyong mga kilos gayundin ng iyong mga salita?

Ipagpatuloy ang iyong pagsisikap na ibahagi ang ebanghelyo. Isipin ▪▪▪ang mga kapamilya at kaibigan na maaari mong anyayahan na lumapit kay Cristo. Isulat ang kanilang mga pangalan at kung ano ang gagawin mo para matulungan sila. Isama ang pangalan ng mga mayhawak ng Aaronic Priesthood na hindi na aktibong nakikilahok sa Simbahan.

“O ikaw na humaharap sa paglilingkod sa Diyos, tiyaking pinaglilingkuran mo siya nang buong puso, kakayahan, pag-iisip at lakas” (D at T 4:2).

Page 78: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

77

Priest

KumilosAng aking plano na maging mahusay na home teacher:

Pangalan ng mga tao at paano ko sila tutulungang lumapit kay Cristo:

MagbahagiIbahagi sa iyong mga magulang o lider ▪▪▪ng priesthood ang mga karanasan mo sa pagtulong sa iba na lumapit kay Cristo. Talakayin kung paano nakatutulong ito sa iyo na maghanda sa full-time mission at maging misyonero habambuhay.

Matutulungan mo ang mga tao na lumapit kay Cristo sa pamamagitan

ng pag-anyaya sa kanila na pumunta sa simbahan

o makipag-usap sila sa mga misyonero o sa pagbibigay sa

kanila ng kopya ng Aklat ni Mormon.

Page 79: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

78

Priest

rePasUhinKapag malapit nang matapos ang iyong mga taon bilang priest, kau-sapin ang iyong mga magulang o lider sa priesthood tungkol sa iyong mga karanasan sa pagsasagawa ng iyong mga plano na pangasiwaan ang mga ordenansa ng priesthood, paglingkuran ang iba, at anyayahan ang lahat na lumapit kay Cristo. Talakayin ang mga paraan na natulu-ngan mo ang iba sa pamamagitan ng iyong paglilingkod sa priesthood. Isalaysay kung paano nakatutulong ang iyong mga karanasan para ikaw ay maging matapat na lingkod ng priesthood.

Ang Aking lAgdA PetsA

lAgdA ng mAgulAng o lider PetsA

Page 80: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

79

Priest

PARA SA LAKAS NG MGA KABATAAN:

Mag-anak at mga KaibiganMatapos mong simulang gawin ang iyong mga plano sa “Espiritu-wal na Lakas ” at “Mga Tungkulin sa Priesthood,” lumikha ng isang proyekto batay sa mga pamantayan sa bahaging “Mag-anak” at “Mga Kaibigan” ng Para sa Lakas ng mga Kabataan. Gamitin ang mga hakbang sa kasunod na mga pahina bilang gabay. Ang iyong proyekto ay dapat humamon sa iyong kakayahan at dapat sapat ang oras na ibibigay. Dapat akma rin ito sa iyong sariling mga pangangailangan at interes. Dapat nakatuon ito sa matalinong pagpili ng mga kaibigan at pagka-tuto kung paano makitungo sa iba, lalo na sa iyong mga kapamilya, sa paraang katulad ng kay Cristo.

haKbang 1: MatUtoPag-aralan ang Mateo 5–7 o 3 Nephi 12–14 at gumawa ng listahan ng mga itinuro ng Tagapagligtas kung paano makitungo sa iba. Pagka-tapos ay maghanap ng mga halimbawa sa mga banal na kasulatan kung saan ipinakita ni Cristo o ng iba pa ang ilan sa mga alituntuning ito. Basahin ang “Mag-anak” at “Mga Kaibigan” sa Para sa Lakas ng mga Kabataan, at hanapin ang mga katagang nagpapahayag sa mga alituntuning ito.

Isulat ang iyong mga sagot sa sumusunod na mga tanong, at ibahagi ang mga ito sa iyong mga magulang o mga miyembro ng korum:

Page 81: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

80

1. Paano naiiba ang paglilingkod ng priesthood kapag mahal mo ang iyong pinaglilingkuran?

2. Ano ang naging mga karanasan mo tungkol sa pagpapakita ng isang tao ng pagmamahal sa iyo na tulad ng kay Cristo?

3. Paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa iyong mga kapamilya at sa iba?

haKbang 2: lUMiKha ng isang ProyeKtoLumikha ng isang proyekto na tutulong sa iyo na ipamuhay ang natutuhan mo tungkol sa pagmamahal sa kapwa. Dapat itong kapa-looban ng dalawang bahagi: (1) mga plano na pag-ibayuhin ang iyong pakikipag-ugnayan sa iyong pamilya at (2) mga plano na maging mas mabuting kaibigan. Paaprubahan sa magulang o lider ang iyong proyekto bago mo simulang gawin ito. Narito ang ilang halimbawa ng mga bagay na maisasama mo sa bawat bahagi ng iyong proyekto:

Mga halimbawa—Mag-anakGumawa ng listahan ng mga paraan na makatutulong ka sa pagbu-▪▪▪buo ng isang masayang tahanan. Ibatay ang iyong listahan sa mga pamantayan na nasa bahaging “Mag-anak” ng Para sa Lakas ng mga Kabataan (halimbawa, maging masayahin, matulungin, at mapagbi-gay; maging tagapamayapa; at igalang ang iyong mga magulang). Gawin ang mga bagay na iyon, at itala ang kaibhang nagawa nito sa iyong tahanan.

“Lahat ng bagay na nais ninyong gawin ng mga tao sa inyo, gayon ang gawin ninyo sa kanila” (3 Nephi 14:12).

Page 82: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

81

Priest

Magplano ng aktibidad kasama ang isang kapamilya na nais mong ▪▪▪mas mapalapit pa sa iyo. Halimbawa, maging interesado sa kanyang mga libangan, maghanap ng lugar para makapag-usap, o magkasa-ma kayong maglaro.

Mga Halimbawa—Mga KaibiganGumawa ng listahan ng mga bagay na maaari mong gawin para ▪▪▪maging mas mabuting kaibigan. Para sa mga halimbawa, tingnan ang bahaging “Mga Kaibigan” ng Para sa Lakas ng mga Kabataan. Gawin ang mga bagay na iyon, at itala ang kaibhang nagagawa nito sa iyong mga pakikitungo. Kung nararapat, pangalan ng partikular na mga tao ang isama sa iyong listahan.

Mag-interbyu ng isang ina, lola, kapatid na babae, o ibang babae ▪▪▪para matutuhan kung paano magpakita ng wastong paggalang sa kababaihan. Gumawa ng plano na ipamuhay ang iyong natututu-han. Pansinin kung paano napagbubuti ng pagsasagawa ng iyong plano ang iyong pakikitungo sa kababaihan. Narito ang ilan sa maaari mong itanong:

1. Paano maipapakita ng anak na lalaki ang wastong paggalang sa kanyang ina?

2. Paano maipapakita ng mayhawak ng Aaronic Priesthood ang wastong paggalang sa mga dalagita?

3. Paano maipapakita ng isang binata ang wastong paggalang sa kanyang magiging asawa bago at pagkatapos silang ikasal?

Anyayahan ang isang bagong miyembro, isang kaibigan na iba ang ▪▪▪relihiyon, o isang hindi gaanong aktibong miyembro na dumalo sa aktibidad ng Simbahan kasama mo. Tulungang madama niya na siya ay tinatanggap at kabilang.

Page 83: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

82

Priest

Ang Aking ProyektoMag-anak

Mga Kaibigan

Pagsang-ayon ng magulang o lider

TinaTayang PeTsa ng PagkumPleTo

ang aking lagda PeTsa ng PagkumPleTo

Page 84: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

83

Priest

HAKbAng 3: IulAt Ang Iyong MgA KArAnAsAnSa patlang sa ibaba, isulat ang iyong natutuhan mula sa pagkumpleto ng iyong proyekto at paano ito nakatulong sa iyo na maging mas ma-buting disipulo ni Jesucristo. Iulat ang natutuhan mo sa iyong pamilya o sa mga miyembro ng korum.

Page 85: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

84

Priest

Paghahanda sa Pagtanggap ng Melchizedek PriesthoodSa iyong mga taon bilang priest, gamitin ang mga hakbang sa kasunod na mga pahina para makalikha ng isang proyekto na tutulong sa iyo na maghanda sa pagtanggap ng Melchizedek Priesthood at maglingkod sa full-time mission. Ang proyektong ito ay batay sa nagawa mo sa iyong mga taon bilang mayhawak ng Aaronic Priesthood. Dapat maging hamon ito sa kakayahan at dapat sapat ang oras na ibibigay rito. Dapat batay rin ito sa iyong sariling mga pangangailangan at interes.

HAKbAng 1: MAtutoKapag natanggap mo na ang Melchizedek Priesthood, pumapasok ka sa sumpa at tipan ng priesthood. Upang malaman ang tungkol sa sumpa at tipang ito, basahin ang Doktrina at mga Tipan 84:33–44 at “Melchizedek Priesthood” sa Tapat sa Pananampalataya (mga pahina 76–77). Pagkatapos, sa tulong ng iyong bishop o ng iyong mga magu-lang, planuhin kung kailan mo maituturo sa iba ang iyong mga natu-tuhan (halimbawa, sa miting ng priests quorum, sacrament meeting, o family home evening).

Page 86: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

85

Priest

Ang isang mahalagang tungkulin ng Melchizedek Priesthood ay ang ipangaral ang ebanghelyo (tingnan sa D at T 53:3). Upang mapaghan-daan ang tungkuling ito, alamin kung ano ang kailangan mong gawin kapag naglingkod ka sa full-time mission. Pag-isipan ang sumusunod:

1. Pagiging karapat-dapat ng sarili at patotoo.

2. Kaalaman sa ebanghelyo.

3. Mga katangiang tulad ng kay Cristo.

4. Mga ugali sa paggawa at kalusugan ng katawan.

Upang malaman ang tungkol sa mga kinakailangan para sa pagliling-kod bilang misyonero, gamitin ang sumusunod na mga mapagkuku-nan: ang iyong mga magulang, bishop, nakauwing mga misyonero, ang Hanbuk ng Misyonero, Mangaral ng Aking Ebanghelyo, at mga mensa-he ng mga General Authority. Isulat ang natututuhan mo.

HAKbAng 2: luMIKHA ng IsAng ProyeKtoLumikha ng isang proyekto na tutulong sa iyo na maipamuhay ang iyong natutuhan. Dapat itong kapalooban ng dalawang bahagi: (1) pag-hahanda sa pagtanggap ng Melchizedek Priesthood at (2) paghahanda para sa full-time mission. Pasang-ayunan sa magulang o lider ang iyong proyekto bago mo simulang gawin ito. Narito ang ilang mga halimbawa ng mga bagay na maisasama mo sa bawat bahagi ng iyong proyekto:

Page 87: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

86

Mga Halimbawa—Melchizedek Priesthood

Basahin ang buong Aklat ni Mormon. Sa ▪▪▪iyong journal, isulat ang mga natututuhan mo sa iyong pag-aaral at ang partikular na mga halimbawa mula sa iyong buhay na nagpapakita kung paanong ang palagiang pag-aaral ng mga banal na kasulatan ay nagbibigay sa iyo ng lakas na paglabanan ang tukso.

Mag-interbyu ng tatlong mayhawak ng ▪▪▪Melchizedek Priesthood (tulad ng iyong ama o elders quorum president sa iyong ward). Itanong sa kanila ang mga sumusu-nod, at isulat ang kanilang mga sagot:

1. Ano po ang mga tungkulin ng elder?

2. Ano po ang kaibhan ng pagkakaroon ng awtoridad ng priesthood at ng paghawak ng mga susi ng priesthood?

3. Ano po ang inyong mairerekomenda na gawin ko para maunawaan at mapaghandaan ang pagtanggap ng Melchizedek Priesthood?

4. Ano po ang mga naging karanasan ninyo sa paglilingkod sa iba gamit ang Melchizedek Priesthood?

5. Paano po pinagpala ng paghawak ng Melchizedek Priesthood ang inyong buhay?

6. Paano po ninyo isinasagawa ang mga ordenansa ng Melchizedek Priesthood (tulad ng paglalaan ng langis, pagbabasbas sa maysa-kit, at pagkakaloob ng Espiritu Santo)?

“Tanggapin mo ang ordinasyon ko, maging ang pagiging isang elder, upang mangaral ng pananampalataya at pagsisisi at kapatawaran ng mga kasalanan, alinsunod sa aking salita” (D at T 53:3).

Page 88: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

87

Priest

Mga Halimbawa—Full-time MissionMaghanap ng mga halimbawa ng mga misyonero sa mga banal na ▪▪▪kasulatan (tulad ng Tagapagligtas, nina Enoc, Ammon, at ni Samuel ang Lamanita). Tukuyin ang dahilan kung bakit sila naging epektibo, ang mga pangakong natanggap nila, at ang epekto ng kanilang gina-wa sa mga taong pinaglingkuran nila. Ilista ang iyong mga natukla-san. Ibahagi ang iyong listahan sa isang nakauwi nang misyonero. Hilingan siya na magbahagi ng kanyang mga karanasan sa kanyang misyon na nagpapakita ng mga alituntunin at katangiang ito.

Magsanay na ituro ang ilan sa mga lesson sa kabanata 3 ng ▪▪▪ Mangaral ng Aking Ebanghelyo. Mag-iskedyul ng oras na makasama sa pagtutu-ro ng mga full-time missionary sa inyong lugar, at maging handa na tulungan ang mga misyonero sa pagtuturo.

Mag-interbyu ng tatlong misyonerong nakauwi na. Itanong sa kanila ▪▪▪ang mga sumusunod, at isulat ang kanilang mga sagot:

1. Ano ang maimumungkahi ninyong gawin ko para makapaghan-da sa full-time mission?

2. Anong mga katangian ang nagpapahusay sa isang misyo-nero, at ano ang maaari kong gawin para taglayin ang mga katangiang iyon?

3. Paano naiiba ngayon ang inyong buhay dahil nagmisyon kayo?

Tingnan ang isinulat mo tungkol sa mga kinakailangan para sa ▪▪▪paglilingkod ng misyonero (tingnan sa pahina 85), at planuhing pagbutihin pa ang bawat aspeto (pagiging karapat-dapat ng sarili at patotoo, kaalaman sa ebanghelyo, mga katangiang tulad ng kay Cristo, at ugali sa paggawa at kalusugan ng katawan).

Page 89: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

88

Priest

Ang Aking ProyektoMelchizedek Priesthood

Full-Time Mission

Pagsang-ayon ng magulang o lider

TinaTayang PeTsa ng PagkumPleTo

ang aking lagda PeTsa ng PagkumPleTo

Page 90: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

89

Priest

HAKbAng 3: IulAt Ang Iyong MgA KArAnAsAnSa patlang sa ibaba, isulat ang iyong natutuhan mula sa pagkumpleto ng iyong proyekto at paano ito nakatulong sa iyo na maghanda para sa Melchizedek Priesthood. Ilahad ang mga natutuhan mo sa iyong pamilya o mga miyembro ng korum.

Page 91: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

90

Introduction

Sa mga Quorum President

Page 92: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

91

Sa mga Quorum President

Ipinagkatiwala sa inyo ng Panginoon ang mga susi ng priesthood para sa inyong korum (tingnan sa D at T 124:142–43 ). Bahagi ng inyong responsibilidad, kapag pinamamahalaan ninyo ang gawain sa inyong korum, na “ituro [sa mga miyembro ng korum] ang kanilang tungku-lin” (tingnan sa D at T 107:85–87 ).

Ang aklat na ito ay maaaring maging epektibong kasangkapan upang tulungan kayong maituro sa mga miyembro ng korum ang kanilang mga tungkulin sa priesthood at mahikayat sila na palakasin ang ka-nilang patotoo at ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Ama sa Langit. Pag-isipan ang sumusunod sa pagtulong ninyo sa kanila na gawin at isakatuparan ang kanilang mga plano:

Pagkatapos na mapabilang sa inyong korum ang isang binatilyo, agad ▪▪▪siyang bisitahin sa kanyang tahanan at tiyaking may kopya siya ng aklat na ito. Gamitin ang aklat para maibigay sa kanya ang buod ng kanyang mga tungkulin sa priesthood. Ipakita sa kanya ang ilan sa inyong mga plano at ikuwento sa kanya ang mga nararanasan ninyo.

Magpakita ng mabuting halimbawa sa paggawa at pagsasakatupa-▪▪▪ran ng sarili ninyong mga plano. Ibahagi ang inyong mga karanasan sa mga miyembro ng korum.

Anyayahan ang mga miyembro ng korum na ibahagi ang kanilang ▪▪▪mga karanasan sa mga miting ng korum, at hikayatin silang ibahagi ang mga ito sa kanilang pamilya. Halimbawa, sa unang ilang minuto ng miting ng korum maaari ninyo silang anyayahan na ibahagi ang mga natututuhan nila sa pagsunod sa kanilang mga plano na pag-aralan ang mga banal na kasulatan o paglingkuran ang iba.

Kapag nagpaplano kayo ng mga miting at aktibidad ng korum, ▪▪▪maghanap ng mga paraan na maisama ang mga plano na ginawa ng mga miyembro ng inyong korum. Halimbawa, maaari ninyong anyayahan ang isang miyembro ng korum na magturo sa miting ng

Page 93: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

92

Introduction

korum ng lesson tungkol sa isa sa mga doktrinang pinag-aaralan niya (tingnan sa mga pahina 19, 43, at 67).

Sa paggamit ninyo ng mga susi sa priest-hood para tulungan ang mga miyembro ng korum na matutuhan at magampanan ang kanilang mga tungkulin, titibay ang inyong pakikipag-ugnayan sa kanila. Kapag ang mga miyembro ng korum ay nagtutulungan nang husto, tinutulungan nila ang isa’t isa na manatiling malakas sa ebanghelyo at magka-isa bilang isang korum.

“Ang bawat tao ngayon ay matuto ng kanyang tungkulin, at kumilos sa katungkulang itinalaga sa kanya, nang buong sigasig” (D at T 107:99).

Page 94: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

93

Sa mga Quorum Adviser at mga Magulang

Page 95: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

94

Ang programang Tungkulin sa Diyos ay isang kasangkapan upang tulungan ang mga mayhawak ng Aaronic Priesthood na:

Palakasin ang kanilang patotoo at kanilang pakikipag-ugnayan sa ▪▪▪Ama sa Langit.

Matutuhan at gampanan ang kanilang mga tungkulin sa priesthood.▪▪▪

Ipamuhay ang mga pamantayang mula sa ▪▪▪ Para sa Lakas ng mga Kabataan.

Nakasaad sa mga tagubilin sa bahaging ito ang inyong papel sa pagtu-long sa mga kabataang lalaki na isagawa ang mga layuning ito.

PAgtuunAn ng PAnsIn Ang KAnIlAng KAHIHInAtnAnAng pagtupad ng ating tungkulin sa Diyos ay isang habambuhay na gawain. Dahil dito, ang aklat na Tungkulin sa Diyos at hindi dapat ituring na isang talaan ng mga gawaing dapat tapusin kaagad ng mga kabataang lalaki para makatanggap ng gantimpala. Sa halip tulungan ang mga kabataang lalaki na pagtuunan ng pansin kung paano maka-tutulong sa kanila ang ginawa nilang mga plano na mapaunlad ang mga espirituwal na katangian at maging ang uri ng mga mayhawak ng priesthood na nais ng Diyos na marating nila.

tulungAn Ang MgA KAbAtAAng lAlAKI

MatutoAng layunin ng bahaging “Matuto.” Ang bawat bahagi ng aklat na ito ay nagsisimula sa isang aktibidad sa pagkatuto na tumutulong sa mga kabataang lalaki na malaman ang nais ipagawa sa kanila ng Ama sa

Sa mga Quorum Adviser at mga Magulang

Page 96: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

95

Sa mga Quorum Adviser at mga Magulang

Langit at kung bakit ito mahalaga. Kapag nalaman ng isang binatilyo ang “layunin” sa likod ng kanyang mga tungkulin sa priesthood, bibigyang-inspirasyon siya ng Espiritu Santo na kumilos, at ang kanyang pagkilos ay makapagpapalakas ng kanyang pananampalataya at patotoo.

Kailan tutulungan ang mga kabataang lalaki sa mga aktibidad sa pagkatuto. Dapat matutuhan kaagad ng mga kabataang lalaki ang kanilang mga tungkulin sa priesthood matapos silang maordenan sa katungkulan sa priesthood.

Mga adviser, pag-isipang mag-ukol ng oras para magawa ng mga kabataang lalaki ang mga aktibidad sa pagkatuto bilang isang korum. Halimbawa, magagawa ninyo ito sa miting ng korum o Mutual. Maaari ninyong atasan ang mga kabataang lalaki na gawing mag-isa ang isang aktibidad sa pagkatuto at mag-ulat tungkol dito sa miting ng korum. Ang pag-uusap-usap bilang isang korum tungkol sa mga tungkulin sa priesthood, espirituwal na lakas, at mga pamantayan ng Panginoon ay magdudulot ng pagkakaisa ng korum.

Mga magulang, pag-isipang samahan ang inyong anak sa paggawa ng mga aktibidad sa pagkatuto matapos siyang maordenan sa isang katungkulan ng priesthood. Hilingin sa inyong anak na ibahagi sa inyo ang kanyang natututuhan tungkol sa pagganap sa kanyang tungkulin sa Diyos.

KumilosAng layunin ng bahaging “Kumilos.” Matapos makumpleto ang mga aktibidad sa pagkatuto, ang mga kabataang lalaki ay hinihikayat na gumawa ng mga plano upang magampan ang kanilang mga tungkulin sa priesthood at madagdagan ang kanilang espirituwal na lakas. Ang paggawa ng sarili nilang plano ay nagtutulot sa mga kabataang lalaki na:

Page 97: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

96

Gamitin ang kanilang kalayaan.▪▪▪

Iangkop ang mga aktibidad sa kani-kanyang kalagayan.▪▪▪

Magkaroon ng pag-asa sa sariling espirituwal na kakayahan.▪▪▪

Kailan tutulungan ang mga kabataang lalaki sa paggawa ng kanilang mga plano. Ang ilan sa mga kabataang lalaki ay maaaring mangailangan ng patnubay sa paggawa ng kanilang mga plano. Mga adviser, pag-isipang mag-ukol ng oras para makapag-usap ang mga kabataang lalaki bilang isang korum habang isinusulat nila ang kani-kanilang mga plano. Halimbawa, magagawa ninyo ito sa miting ng korum o Mutual. O maaari ninyong anyayahan ang mga kabataang lalaki na isulat ang kanilang mga plano nang mag-isa o kasama ang kanilang mga magulang at ibahagi ang kanilang mga plano sa miting ng korum. Alinman dito, hikayatin sila na ibahagi ang kanilang mga plano sa kanilang mga magulang.

Kapag ang mga kabataang lalaki ay nag-uusap bilang isang korum tungkol sa kanilang mga plano, binibigyan nila ng mga ideya at suporta ang isa’t isa. Gayundin, ang mga magulang ay makapagbibigay ng mga ideya at suporta sa kanilang mga anak sa paggawa nila ng kanilang mga plano. Sa pagbabahagi ng kanilang mga plano sa mga miyem-bro ng korum at sa mga magulang, tumitibay ang pangako ng mga kabataang lalaki na isagawa ang mga planong iyon. Ang ilang plano ay maaaring gawin at isakatuparan bilang isang korum o isang pamilya.

MagbahagiAng layunin ng bahaging “Magbahagi.” Kapag isinagawa na ng mga kabataang lalaki ang kanilang mga plano sa loob ng ilang panahon, hinihikayat silang isalaysay sa iba ang kanilang mga karanasan. Ang pagbabahagi ng kanilang mga karanasan ay:

Sa mga Quorum Adviser at mga Magulang

Page 98: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

97

Sa mga Quorum Adviser at mga Magulang

Magpapalakas ng kanilang mga patotoo at pang-unawa ▪▪▪sa ebanghelyo.

Magpapakita sa kanila ng nagagawa nilang pag-unlad.▪▪▪

Magpapalakas ng kanilang tiwala sa sarili at kakayahang talakayin ▪▪▪ang mga katotohanan ng ebanghelyo.

Maaaring hindi maging komportable sa una ang mga kabataang lalaki sa pagbabahagi, ngunit kapag marami silang pagkakataon na gawin ito, mas magiging komportable sila.

Kailan tutulungan ang mga kabataang lalaki sa pagbabahagi ng kanilang mga karanasan. Mga adviser, pag-isipang mag-ukol ng oras para maibahagi ng mga kabataang lalaki sa mga miyembro ng korum ang mga nararanasan nila sa pagsasagawa ng kanilang mga plano. Halimbawa, sa unang ilang minuto ng miting ng korum ay maaaring ipasalaysay ng quorum president sa mga kabataang lalaki ang natututuhan nila habang isinasagawa nila ang kanilang plano na palagiang pag-aralan ang mga ba-nal na kasulatan (tingnan sa mga pahina 15, 39, at 63). O maaari niyang ipabahagi sa ka-nila ang isang karanasan nila sa paglilingkod sa iba (tingnan sa mga pahina 27, 51, at 75). Ang pagkarinig tungkol sa mga karanasan ng kanilang kamiyembro sa korum ay nag-papaalala sa mga kabataang lalaki tungkol sa kanilang sariling mga plano at hihikayat sa kanila na magkaroon ng sarili nilang mga karanasan. Hikayatin ang mga kabataang la-laki na talakayin din ang kanilang mga plano at karanasan sa kanilang mga magulang.

Ang mga mayhawak ng Aaronic Priesthood ay

“magbababala, magpapaliwanag, manghihikayat, at

magtuturo, at mag-aanyaya sa lahat na lumapit kay Cristo”

(D at T 20:59).

Page 99: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

98

Mga magulang, ipatalakay sa inyong anak ang natututuhan at mga nararanasan niya. Makatutulong ito sa kanya na makita ang nagiging pag-unlad niya.

Pag-uusap nang madalas. Madalas na mas maraming natututuhan ang mga kabataang lalaki mula sa pag-uusap tungkol sa ebang-helyo kaysa pakikinig sa mga lektyur tungkol sa ebanghelyo. Samantalahin ang lahat ng pagkakataon na hayaang ikuwento ng mga kabataang lalaki ang kanilang mga karana-

san. Ang pagbabahagi ay hindi isang bagay na minsan lang gagawin ng mga kabataang lalaki, at hindi ito nagsasaad na natapos na

ang kanilang plano. Hindi ito kailangang gawin sa klase o sa pormal na paraan; magiging pinakaepektibo ito sa mga di-pormal na pag-uusap sa mga aktibidad ng korum, sa mga kaibigan, at mga kapamilya.

Para sa lakas ng mga KabataanMatapos masimulan ng mga kabataang lalaki ang kanilang mga plano sa “Espirituwal na Lakas” at “Mga Tungkulin sa Priesthood,” may pagkakataon silang makalikha ng isang proyekto batay sa ilan sa mga pamantayan sa Para sa Lakas ng mga Kabataan. Ang mga priest ay inaanyayahan na lumikha ng karagdagang proyekto upang tulungan silang maghanda sa pagtanggap ng Melchizedek Priesthood at mag-lingkod sa full-time mission. Dapat sang-ayunan ng magulang o lider ang proyekto ng mga kabataang lalaki bago nila simulan ito. Matutu-lungan ninyo sila sa paglikha ng proyekto na hahamon sa kakayahan nila ngunit batay rin sa kanilang mga pangangailangan at interes.

Ang di-pormal na pag-uusap tungkol sa ebanghelyo ay magpapatibay sa inyong pakikipag-ugnayan sa mga kabataang lalaki at magpapalakas sa kanilang patotoo sa ipinanumbalik na ebanghelyo.

Page 100: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

99

Sa mga Quorum Adviser at mga Magulang

subAybAyAn Ang KAnIlAng PAg-unlAdAng pinakamainam na paraan para matulungan ang isang kabataang lalaki na makita ang kanyang pag-unlad ay ang kausapin siya nang madalas tungkol sa kanyang mga plano at karanasan.

Kahit isa lang sa mga pag-uusap na ito ay dapat mangyari habang papalapit na sa tamang edad ang kabataang lalaki para maordenan sa isang katungkulan sa priesthood. Sa pag-uusap na ito, iparepaso sa kanya ang ginawa niyang mga plano noon bilang deacon, teacher, o priest. Pag-usapan kung paano nakatulong sa kanya ang pagsasagawa ng mga planong iyon na maghanda sa pagtanggap niya ng karagda-gang mga tungkulin sa priesthood. Ito ang pagkakataon upang tulu-ngan ang kabataang lalaki na pag-isipan kung anong uri ng mayhawak ng priesthood siya nagiging. Sa hulihan ng bawat bahaging “Espiri-tuwal na Lakas” at “Mga Tungkulin sa Priesthood” ay ang pahinang “Repasuhin.” Dito ay maipapakita ninyo at ng binatilyo na nag-usap kayo tungkol dito sa pamamagitan ng inyong mga lagda.

Ang pagkumpleto sa mga aktibidad sa aklat na ito ay hindi kinaka-ilangan o hinihingi sa pagsulong sa katungkulan sa priesthood. Ang layunin ng mga aktibidad ay tulungan ang mga kabataang lalaki na maghanda para sa paglilingkod sa priesthood.

MgA sertIPIKo ng tungKulIn sA dIyosMatapos mong makumpleto ang mga bahaging “Repasuhin,” at kapag nakumpleto na ng binatilyo ang kanyang proyekto sa “Para sa Lakas ng mga Kabataan,” karapat-dapat na siyang tumanggap ng sertipiko ng Tungkulin sa Diyos. Mayroong tatlong sertipiko na makukuha: isa

Page 101: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

100

para sa bawat deacon (item number 08686 893), teacher (08687 893), at priest (08688 893). Ang mga sertipikong ito ay kumikilala sa naga-gawang pag-unlad ng kabataang lalaki sa pagtupad ng kanyang tungkulin sa Diyos. Para matanggap ang sertipiko ng priest, kaila-ngang makumpleto rin ng kabataang lalaki ang kanyang proyekto sa bahaging pinamagatang “Paghahanda sa Pagtanggap ng Melchizedek Priesthood.” Hindi niya kailangang matanggap ang sertipiko ng dea-con at teacher para matanggap ang sertipiko ng priest.

Ang mga sertipiko ay ipinagkakaloob sa ilalim ng pamamahala ng bishop. Mayroon ding plake na paglalagyan ng sertipiko ng priest, kung gugustuhin (08694).

gAMItIn Ang ProgrAMAng tungKulIn sA dIyos PArA PAlAKAsIn Ang KoruMPinalalakas ng programang Tungkulin sa Diyos ang korum sa pamamagitan ng:

▪▪▪ Pagtulong sa mga miyembro ng korum na maunawaan ang ka-nilang tungkulin sa Diyos. Halimbawa, matutulungan ninyo ang mga miyembro ng korum na maunawaan ang kanilang mga tung-kulin sa pagpapakumpleto sa kanila bilang isang korum ng mga aktibidad sa pagkatuto na nasa aklat na ito. Ang pag-uusap-usap tungkol sa mga tungkulin sa priesthood at espirituwal na pag-unlad ay magpapalawak sa kanilang pang-unawa at magbibigay-inspiras-yon sa kanila na kumilos.

▪▪▪ Pagbibigay ng mga pagkakataon sa mga miyembro ng korum na magtulungan sa pagganap sa mga tungkulin sa priesthood. Sa ilang sitwasyon, maaaring mag-usap-usap ang mga miyembro ng

Sa mga Quorum Adviser at mga Magulang

Page 102: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

101

Sa mga Quorum Adviser at mga Magulang

korum sa paggawa ng kanilang mga plano, at maaari nilang sama-samang isakatuparan ang kanilang mga plano. Ang paggawa nito ay nagtutulot sa kanila na suportahan at hikayatin ang isa’t isa.

▪▪▪ Paghihikayat sa mga miyembro ng korum na ibahagi ang kanilang mga ideya at karanasan. Maaaring mahirapan ang ilan sa mga nakababatang miyembro ng korum sa pag-iisip ng mga plano; ang pagbabahagi ng mga ideya bilang isang korum ay makatutulong sa pagkakaroon ng mas maraming ideya. Ang pagbabahagi ng mga karanasan sa mga miyembro ng korum ay makatutulong sa pagkakaroon ng pananampalataya, patotoo, at kapatiran sa korum. Pag-isipang gawin ito palagi sa mga miting at aktibidad ng korum.

▪▪▪ Pagbibigay ng pagkakataon sa quorum president na mamuno sa pamamagitan ng halimbawa. Kapag kasapi na ng korum ang isang kabataang lalaki, magagamit ng quorum president ang aklat na Tungkulin sa Diyos para tulungan ang bagong miyembro ng korum na maunawaan ang kanyang mga tungkulin. Maaari ding ibahagi ng quorum president sa korum ang mga ginawa niyang plano sa sarili niyang aklat at ikuwento ang kanyang mga karanasan sa pagsasaga-wa ng mga planong iyon.

▪▪▪ Pagtulong sa mga miyembro ng korum na malaman ang kaha-lagahan ng mga susi ng priesthood. Ang quorum president ang mayhawak ng mga susi ng panguluhan para sa kanyang korum (tingnan sa D at T 124:142–43). Dapat bigyan siya ng pagkakataon ng mga quorum adviser na gamitin ang mga susing iyon. Kapag ang mga kabataang lalaki ay magkakasamang naglilingkod sa ilalim ng pamamahala ng quorum president, lalawak ang kanilang pang-unawa kung paano kumikilos ang Panginoon sa pamamagitan ng mga lider ng priesthood. Makikita nila na ang korum ay organisas-yong itinalaga ng Diyos na nagbibigay sa kanila ng pagkakataong

Page 103: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

102

matutuhan ang kanilang mga tungkulin sa priesthood, magbigay ng paglilingkod ng priesthood, at umunlad sa espirituwal.

gAMItIn Ang ProgrAMAng tungKulIn sA dIyos PArA PAlAKAsIn Ang sAMAHAnKapag matibay ang samahan ninyo ng iyong anak o ng mga kabataang lalaki sa iyong korum, malamang na mas lumalim ang pagbabalik-loob nila sa ebanghelyo at manatiling tapat. Ang mga aktibidad sa aklat na Tungkulin sa Diyos ay nagbibigay ng napakagandang pagkakataon upang mapatibay ang mga ugnayang ito. Halimbawa, ang paggawa ng sarili mong mga plano at pagsasagawa ng mga ito kasama ang iyong anak o isang miyembro ng korum ay magbibigay sa inyo ng pagka-kataon upang magkasama kayo sa mga makabuluhang aktibidad. Ang pagbabahagi ng mga karanasan sa isa’t isa ay nagbibigay sa inyo ng pagkakataong magpatotoo at espirituwal na mapalakas ang bawat isa.

Sa mga Quorum Adviser at mga Magulang

Page 104: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

103

ApendiksMgA ordenAnsA ng AAronIc PrIestHood

Pagbabasbas ng sacramentBinabasbasan ng mga priest ang tinapay sa sacrament gamit ang mga salitang ito: “O Diyos, ang Amang Walang Hanggan, kami ay humihiling sa inyo sa pangalan ng inyong Anak, na si Jesucristo, na basbasan at gawing banal ang tinapay na ito sa mga kaluluwa ng lahat nila na kakain nito, nang sila ay makakain bilang pag-alaala sa katawan ng inyong Anak, at patunayan sa inyo, O Diyos, ang Amang Walang Hanggan, na sila ay pumapayag na taglayin sa kanilang sarili ang pangalan ng inyong Anak, at lagi siyang alalahanin at susundin ang kanyang mga kautusan na ibinigay niya sa kanila; nang sa tuwina ay mapasakanila ang kanyang Espiritu upang makasama nila. Amen” (D at T 20:77).

Binabasbasan nila ang tubig gamit ang mga salitang ito: “O Diyos, ang Amang Walang Hanggan, kami ay humihiling sa inyo sa pangalan ng inyong Anak, na si Jesucristo, na basbasan at gawing banal ang [tubig] na ito sa mga kaluluwa ng lahat nila na iinom nito, nang ito ay kanilang magawa bilang pag-alaala sa dugo ng inyong Anak, na nabuhos alang-alang sa kanila; nang kanilang mapatunayan sa inyo, O Diyos, ang Amang Walang Hanggan, na sila sa tuwina ay aalalahanin siya, nang mapasakanila ang kanyang Espiritu upang makasama nila. Amen” (D at T 20:79).

Page 105: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

104

Apendiks

Pagsasagawa ng binyagSa ilalim ng tagubilin ng namumunong awtoridad, maaaring isagawa ng isang priest ang ordenansa ng binyag. Para gawin ito, siya ay:

1. Tumatayo sa tubig na kasama ang taong bibinyagan.

2. (Para sa kaginhawahan at kaligtasan) hinahawakan ang kanang pulso ng tao sa pamamagitan ng kanyang kaliwang kamay; hu-mahawak ang taong bibinyagan sa kaliwang pulso ng mayhawak ng priesthood sa pamamagitan ng kanyang kaliwang kamay.

3. Itinataas ang kanyang kanang kamay ng paparisukat.

4. Binabanggit ang buong pangalan ng tao at sinasabing, “Bilang naatasan ni Jesucristo, binibinyagan kita sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen” (D at T 20:73).

5. Pinahahawakan sa tao ang kanyang ilong sa pamamagitan ng kanang kamay nito (para sa kaginhawaan); pagkatapos ay inilala-gay ng mayhawak ng priesthood ang kanyang kanang kamay sa bandang itaas ng likod ng tao at buong-buong inilulubog ang tao, kasama ang kasuotan ng tao.

6. Tinutulungan ang tao na umahon mula sa tubig.

Page 106: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

105

Apendiks

Paggawad ng Aaronic Priesthood at Pag-oorden sa KatungkulanKapag pinahintulutan ng namumunong awtoridad, maaaring igawad ng isang priest ang Aaronic Priesthood at iorden ang isang tao sa isang katungkulan sa Aaronic Priesthood.

Upang maisagawa ang ordenasyon, isa o mas marami pang binigyang-karapatang mga mayhawak ng priesthood ang magaan na nagpa-patong ng kanilang mga kamay sa ulo ng tao. Pagkatapos ang taong nagsasagawa ng ordenasyon ay:

1. Tinatawag ang tao sa kanyang buong pangalan.

2. Sinasabi kung sa aling awtoridad isinasagawa ang ordenasyon (Aaronic o Melchizedek Priesthood).

3. Iginagawad ang Pagkasaserdoteng Aaron, maliban kung ito ay naigawad na.

4. Inoorden ang tao sa katungkulan sa Aaronic Priesthood (deacon, teacher, o priest) at ipinagkakaloob ang mga karapatan, kapang-yarihan, at awtoridad ng katungkulang iyon. (Ang mga susi ng priesthood ay hindi ipinagkakaloob sa paggagawad ng priest-hood o ordenasyon sa isa sa mga katungkulang ito.)

5. Nagbibigay ng basbas ayon sa patnubay ng Espiritu.

6. Nagtatapos sa pangalan ni Jesucristo.

Page 107: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

106

Habang ipinagdiriwang natin ang pagsilang ni Jesucristo dala-wang libong taon na ang nakararaan, iniaalay namin angaming patotoo tungkol sa katotohanan ng Kanyang hindi

mapapantayang buhay at ang walang hanggang kapangyarihan ngKanyang dakilang mapagbayad-salang sakripisyo. Walang sinumanang nakapagbigay ng gayong makahulugang impluwensiya sa lahat ngnabuhay na at sa lahat ng mabubuhay pa sa mundo.

Siya ang Dakilang Jehova ng Lumang Tipan, at ang Mesiyas ngBago. Sa ilalim ng pamamahala ng Kanyang Ama, Siya ang manlilik-ha ng daigdig. “Ang lahat ng mga bagay ay ginawa niya; at alin man salahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala siya” (Juan 1:3). Bagamansiya ay walang kasalanan, bininyagan siya upang gawin ang buongkatuwiran. Siya ay “naglilibot na gumagawa ng mabuti” (Ang mgaGawa 10:38), gayon pa man ay kinamuhian siya dahil dito. AngKanyang ebanghelyo ay mensahe ng kapayapaan at mabuting balita.Nakiusap Siya sa lahat na sumunod sa Kanyang halimbawa. Binagtasniya ang mga daan sa Palestina na nanggagamot ng maysakit, nagbi-bigay ng paningin sa bulag, at nagpapabangon ng patay. Itinuro Niyaang katotohanan tungkol sa kawalang-hanggan, at ang katotohanantungkol sa buhay natin bago tayo nabuhay sa mundo, ang layunin ngbuhay natin sa mundo, at ang potensiyal ng mga anak na lalaki atbabae ng Diyos sa buhay na darating.

Pinasimulan Niya ang sakramento bilang paalaala sa Kanyangdakilang mapagbayad-salang sakripisyo. Dinakip Siya at tinuligsabatay sa mga maling paratang, pinarusahan upang mabigyang-kasiya-han ang mga mandurumog, at hinatulan ng kamatayan sa krus ngKalbaryo. Inialay Niya ang Kanyang buhay para sa kasalanan ng lahatng sangkatauhan. Siya ang dakilang kaloob para sa lahat ng mabubu-hay sa ibabaw ng mundo.

Taimtim kaming nagpapatotoo na ang Kanyang buhay, na siyangtampulan ng buong kasaysayan ng sangkatauhan, ay hindi nagsimulasa Betlehem o nagtapos sa Kalbaryo. Siya ang Panganay ng Ama, angBugtong na Anak sa laman, ang Manunubos ng daigdig.

Nagbangon Siya sa libingan upang “maging pangunahing bungang nangatutulog” (I Mga Taga Corinto 15:20). Bilang Nabuhay naMag-uling Panginoon, dumalaw Siya sa mga taong minahal Niyanoong nabubuhay pa Siya sa lupa. Naglingkod din Siya sa Kanyang“ibang mga tupa” (Juan 10:16) sa sinaunang Amerika. Sa makaba-gong daigdig, Siya at ang Kanyang Ama ay nagpakita sa batang lala-king si Joseph Smith, upang pasimulan ang matagal nang ipinanga-kong “kaganapan ng mga panahon” (Mga Taga Efeso 1:10).

Tungkol sa Buhay na Cristo, isinulat ng Propetang Joseph: “Angkanyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy; ang buhok sa kanyangulo ay puti gaya ng busilak na niyebe; ang kanyang mukha ay nagni-ningning nang higit pa sa liwanag ng araw; at ang kanyang tinig aygaya ng lagaslas ng malalawak na tubig, maging ang tinig ni Jehova,na nagsasabing:

“Ako ang una at ang huli; ako ang siyang nabuhay, ako ang siyangpinaslang; ako ang inyong tagapamagitan sa Ama” (Doktrina at mgaTipan 110:3–4).

Tungkol sa Kanya ay ipinahayag rin ng Propeta: “At ngayon, mata-pos ang maraming patotoo na ibinigay hinggil sa kanya, ito angpatotoo, na pinakahuli sa lahat, na aming ibibigay tungkol sa kanya:Na siya ay buhay!

“Sapagkat siya ay aming nakita, maging sa kanang kamay ngDiyos; at aming narinig ang tinig na nagpapatotoo na siya angBugtong na Anak ng Ama—

“Na sa kanya, at sa pamamagitan niya, at mula sa kanya, ang mgadaigdig ay nililikha at nalikha, at ang mga naninirahan dito ay mgaisinilang na anak na lalaki at babae ng Diyos” (Doktrina at mgaTipan 76:22–24).

Ipinahahayag namin nang taimtim na ang Kanyang pagkasaser-dote at Kanyang Simbahan ay ipinanumbalik na sa mundo na—”iti-natayo sa ibabaw ng kinasasaligan ng mga apostol, at ng mga prope-ta, na si Cristo Jesus din ang pangulong bato na panulok” (Mga TagaEfeso 2:20).

Nagpapatotoo kami na darating ang panahon na babalik Siyangmuli sa mundo. “At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay mahahayag,at makikitang magkakasama ng lahat na tao” (Isaias 40:5).Mamamahala siya bilang Hari ng mga Hari at maghahari bilangPanginoon ng mga Panginoon, ang bawat tuhod ay luluhod at angbawat dila ay magpapahayag sa pagsamba sa Kanya. At bawat isa saatin ay tatayo upang hatulan Niya ayon sa ating mga gawa at naisinng ating mga puso.

Nagpapatotoo kami, bilang Kanyang marapat na inordenan namga Apostol—na si Jesus ang Buhay na Cristo, ang walang kamata-yang Anak ng Diyos. Siya ang dakilang Haring Emmanuel, na ngayonay nakatayo sa kanang kamay ng Kanyang Ama. Siya ang liwanag, angbuhay, at pag-asa ng mundo. Siya ang daan na naghahatid sa kaliga-yahan sa buhay na ito at buhay na walang hanggan sa daigdig na dara-ting. Salamat sa Diyos sa Kanyang walang kapantay na kaloob naKanyang banal na Anak.

ANG BUHAY NA CRISTOANG PATOTOO NG MGA APOSTOL

ANG SIMBAHAN NI JESUCRISTO NG MGA BANAL SA MGA HULING ARAW

ANG UNANG PANGULUHAN ANG KORUM NG LABINDALAWA

Ika-1 ng Enero, 2000

Page 108: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

107

Ang pagpapahayag na ito ay binasa ni Pangulong Gordon B. Hinckley bilang bahagi ng kanyang mensahe sa General Relief Society Meeting na ginanap noong Setyembre 23, 1995, sa Salt Lake City, Utah.

A�� U���� P��������� �� K��������� �� L������������ A������ �� A�� S������� �� J��������� �� ��� B���� �� ��� H����� A���

 KAMI, ANG UNANG PANGULUHAN at ang Kapulungan ng Labindalawang Apostol ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, ay taimtim na nagpa-pahayag na ang kasal sa pagitan ng isang lalaki at ng isang babae ay inorden ng Diyos at ang mag-anak ang sentro ng plano ng Tagapaglikha para sa walang hanggang tadhana ng Kanyang mga anak.

LAHAT NG TAO —lalaki at babae—ay nilalang sa larawan ng Diyos. Bawat isa ay minamahal na espiritung anak na lalaki o anak na babae ng mga magulang na nasa langit, at bilang gayon, bawat isa ay may katangian at tadhana na tulad ng sa Diyos. Ang kasarian ay mahalagang katangian ng pagkakakilanlan at layunin ng isang tao sa kanyang buhay bago pa ang buhay niya sa mundo, sa buhay niyang mortal, at sa walang hanggan.

SA BUHAY BAGO PA ANG BUHAY SA MUNDO, kilala at sinamba ng mga espiritung anak na lalaki at anak na babae ang Diyos bilang kanilang Amang Walang Hanggan at tinanggap ang Kanyang plano na naglaan sa Kanyang mga anak na mag-karoon ng pisikal na katawan at magtamo ng karanasan sa mun-do upang umunlad tungo sa kaganapan at sa huli ay makamtan ang kanilang banal na tadhana bilang tagapagmana ng buhay na walang hanggan. Ang plano ng kaligayahan ng Diyos ang nagpapahintulot sa mga ugnayan ng mag-anak na magpatuloy sa kabilang buhay. Ang mga banal na ordenansa at tipan na ma-kukuha sa mga banal na templo ang nagbibigay ng pagkakata-on sa mga tao na makabalik sa kinaroroonan ng Diyos at upang ang mga mag-anak ay magkasama-sama sa walang hanggan.

ANG UNANG KAUTUSAN na ibinigay ng Diyos kina Adan at Eva ay tungkol sa kanilang potensiyal na maging magulang bilang mag-asawa. Ipinapahayag namin na ang kautusan ng Diyos sa Kanyang mga anak na magpakarami at kalatan ang lupa ay nananatiling may bisa. Ipinapahayag din namin na ang banal na kapangyarihang lumikha ng bata ay nararapat lamang gawin ng lalaki at babae na ikinasal bilang mag-asa-wa ayon sa batas.

IPINAPAHAYAG NAMIN na ang paraan ng paglikha ng buhay na mortal ay itinakda ng Diyos. Pinagtitibay namin ang kabanalan ng buhay at ang kahalagahan nito sa walang hanggang plano ng Diyos.

ANG MAG-ASAWA ay may banal na tungkuling mahalin at kalingain ang bawat isa at ang kanilang mga anak. “Ang mga anak ay mana na mula sa Panginoon” ( Mga Awit 127:3 ).

Ang mga magulang ay may banal na tungkuling palakihin ang kanilang mga anak sa pagmamahal at kabutihan, maglaan para sa kanilang pisikal at espirituwal na mga pangangaila-ngan, turuan silang magmahalan at maglingkod sa isa’t isa, sundin ang mga kautusan ng Diyos, at maging masunurin sa batas saanman sila naninirahan. Ang mga mag-asawa—ang mga ama at ina—ay pananagutin sa harap ng Diyos sa kani-lang pagtupad sa mga tungkuling ito.

ANG MAG-ANAK ay inorden ng Diyos. Ang kasal sa pagitan ng lalaki at babae ay mahalaga sa Kanyang walang hanggang plano. Ang mga anak ay may karapatang isilang sa loob ng matrimonyo, at palakihin ng isang ama at isang ina na guma-galang nang buong katapatan sa pangakong kanilang ginawa nang sila ay ikasal. Ang kaligayahan sa buhay ng mag-anak ay lalong higit na makakamit kapag isinalig sa mga turo ng Pa-nginoong Jesucristo. Ang mga matagumpay na buhay mag-asa-wa at mag-anak ay itinatatag at pinananatili sa mga alituntunin ng pananampalataya, panalangin, pagsisisi, pagpapatawad, paggalang, pagmamahalan, awa, gawa, at kapaki-pakinabang na mga gawaing panlibangan. Sa plano ng Diyos, ang mga ama ang mangungulo sa kanilang mga mag-anak sa pagmamahal at kabutihan at ang may tungkuling maglaan para sa mga panga-ngailangan sa buhay at kaligtasan ng kanilang mga mag-anak. Ang mga ina ang may pangunahing tungkulin na mag-aruga sa kanilang mga anak. Sa mga banal na tungkuling ito, ang mga ama at ina ay may pananagutang magtulungan bilang magka-sama na may pantay na pananagutan. Ang pagkakaroon ng ka-pansanan, ang kamatayan, o iba pang kalagayan ay maaaring magpabago sa mga takdang tungkulin ng bawat isa sa pagkali-nga sa mag-anak. Ang mga kamag-anak ay dapat magbigay ng tulong kung kinakailangan.

KAMI AY NAGBABABALA na ang mga taong lumalabag sa mga tipan ng kalinisang-puri, nang-aabuso ng asawa o anak, o bigo sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin sa mag-anak ay mananagot balang-araw sa harap ng Diyos. At gayon din, kami ay nagbababala na ang pagkakawatak-watak ng mag-anak ay magdudulot sa mga tao, mga komunidad, at mga bansa ng mga kapahamakang sinabi na noon pa ng mga sina-una at makabagong propeta.

KAMI AY NANANAWAGAN sa mga responsableng mama-mayan at mga pinuno ng gobyerno sa lahat ng dako na mag-tatag ng mga pamamaraan upang mapanatili at mapalakas ang mag-anak bilang pangunahing yunit ng lipunan.

ANG MAG-ANAK ISANG PAGPAPAHAYAG

SA MUNDO

Page 109: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

108

MgA tAlA

Page 110: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

109

Page 111: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

110

Page 112: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

111

Page 113: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

112

Pahina 16: Imahe ni Cristo, ni Heinrich Hofmann, sa kagandahang-loob ng C. Harrison Conroy Co., Inc.

Pahina 19: Ang Panunumbalik ng Aaronic Priesthood, ni Del Parson, © 1984 IRI

Pahina 24: Bilang Pag-alaala sa Akin, ni Walter Rane, sa kagandahang-loob ng Church History Museum

Pahina 28: Ang Mabuting Samaritano, ni Joseph Brickey, © 2001 Joseph Brickey

Pahina 38: Humayo Ka, Satanas, ni Carl Heinrich Bloch, ginamit nang may pahintulot ng National Historic Museum at Frederiksborg sa Hillerød, Denmark

Pahina 48: Ang Huling Hapunan, ni Simon Dewey, © 2001 Simon Dewey

Pahina 64: Ang Panginoong Jesucristo, ni Del Parson, © 1983 IRI

Pahina 80: Ang Sermon sa Bundok, ni Carl Heinrich Bloch, ginamit nang may pahintulot ng National Historic Museum at Frederiksborg sa Hillerød, Denmark

Page 114: Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos

“Masdan, ikaw ay aking anak; . . . at ako ay may gawain para sa iyo” (Moises 1:4, 6).