pagpapakain sa sanggol

19
Pag-aalaga ng Sanggol I.Subject Name:EPP-VI(H.E.) II.Lesson Reference No.:4 III.Lesson Title:Pamamaraan sa pag-aalaga ng Sanggol IV.Lesson Description: Ang araling ito ay tunkol sa mga pamamaraan sa pag-aalaga ng sanggol V.Learning Outcome: Sa katapusan ng aralin,ang mga bata ay inaasahang: *matutuhan ang mga pamamaraan sa pag-aalaga ng sanggol *maisagawa ang mga pamamaraan sa pag-aalaga ng sanggol VI.Learning Presentation: Tingnan ang larawan sa ibaba:

Upload: mark-louis-magracia

Post on 27-Dec-2015

1.778 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

E.P.PH.E.Home Economics

TRANSCRIPT

Page 1: Pagpapakain Sa Sanggol

Pag-aalaga ng Sanggol

I.Subject Name:EPP-VI(H.E.)II.Lesson Reference No.:4III.Lesson Title:Pamamaraan sa pag-aalaga ng SanggolIV.Lesson Description:Ang araling ito ay tunkol sa mga pamamaraan sa pag-aalaga ng sanggolV.Learning Outcome:Sa katapusan ng aralin,ang mga bata ay inaasahang:*matutuhan ang mga pamamaraan sa pag-aalaga ng sanggol*maisagawa ang mga pamamaraan sa pag-aalaga ng sanggolVI.Learning Presentation:Tingnan ang larawan sa ibaba:

Page 2: Pagpapakain Sa Sanggol

A.Basahin ang mga impormasyon sa link na ito.http://www.fnri.dost.gov.ph/wp/sanggolpagkain.htm

http://ronibats.com/images/blog/sanggol.jpg

B .Basahin ang sumusunod na mahahalagang impormasyon:Mga pamamaraan sa Pag-alaga ng Sanggol1.Pagpapakain(basahin sa link na nasa itaas)2.Pagpapatulog - ang bagong silang na sanggol ay halos natutulog lamang sa buong araw.Gumigising lamang siya kapag pakakainin(pasususuhin),paliliguan at bibihisa.Kailangan ng sanggol ng isang lugar na mahangin,malinis,tuyo at may magandang bentilasyon upang makatulog siya ng mahimbing.Maaari siyang patulugin sa isang kuna o kolong-kolong ngunit tiyakin na ito at malinis,lapat ang higaan o may kutson upang maginhawahan siya sa pagtulog.Huwag siyang gigisingin o gagambalain sa kanyang pagtulog.Kapag siya ay nagising na at hindi naman umiiyak huwag siyang kargahin upang hindi mamihasa.3.Pagbibihis at pagpapalit ng lampin - Kailangan ng sanggol ang damit na payak,madaling isuot at tanggalin.Puti ang karaniwang damit na isinusuot natin sa sanggol upang malaman kaagad kung ito ay madumi na.Iwasang suotan ang sanggol ng susun suson o patung patong.Palitan kaagad ang lampin kung ito ay basa na upang maiwasan ang pamumula ng puwitan at pagkakaroon ng diaper rash.Hugasan ng maligamgam na tubig at sabon ang puwitan ng sanggol,tuyuin ng bulak at lagyan ng langis o pulbos saka palitan ng diaper.4.Pakikipaglaro-Mahalaga ang paglalaro sa sanggol sapagkat ito ay nagsisilbing ehersisyo na makatutulong sa kanya upang lumaki siyang malakas at malusog.Ang paggalaw,pagtaas at pagbaba ng kanyang mga kamay at paa ay isang laro na para sa sanggol.Kailangan ng sanggol ang laruan na may matitingkad na kulay,tumutunog,gumagalaw upang mahasa ang kanyang paningin at pandinig.Iwasan ang pagbibigay ng laruan na matutulis at makasasakit sa kanya.Kapag ang sanggol ay marunong nang gumapang hayaan siyang maglaro sa sahig ngunit tiyakin lamang ito ay malinis at ligtas ang sanggol.Kapag isang taon na ang bata hayaan siyang maglaro sa labas ng bahay upang makasagap siya ng sariwang hangin at sikat ng araw.

MGA DAPAT TANDAAN NG MAHUSAY NA TAGAPAG-ALAGA1.Tiyaking malinis ang mga kamay bago hawakan ang sanggol o bago gumawa ng anumang bagay para sa sanggol.2.Iwasang dalhin ang sanggol sa lugar na masisikip at maraming tao kung saan makakasagap siya ng sakit at mikrobyo.3.Iwasang painumin ang sanggol ng kape, tsaa o anumang inuming may halong alkohol.Iwasan

Page 3: Pagpapakain Sa Sanggol

din ang pagbibigay ng kendi at tsokolate upang mapangalagaan ang kanyang mga ngipin.4.Bigyan ng sapat na oras para matulog ang sanggol.Patulugin siya sa lugar na malinis at may magandang bentilasyon.5.Iwasan ang pagkarga sa bata tuwing siya ay umiiyak upang hindi mamihasa.6.Painumin ang sanggol ng pinakuluang tubig o katas ng kalamansi kapag nauuhaw.Mainam itong gawin sa umaga pagkatapos maligo ang sanggol.7.Laging bantayan ang sanggol na marunong nang gumapang upang matiyak na lagi siyang ligtas.

VII.Learning Activity:A.Ilarawan ang sanggol na inyong nakita.Ano ang masasabi ninyo sa larawan?

B.Isulat sa inyong kwaderno ang mahahalagang impormasyon na inyong nabasa sa tungkol sapag-aalaga ng sanggol

VIII.Learning Evaluation:Sagutan ang maikling pagsusulit sa www.prongo.comIX.Assignment:Anu-ano ang mga gawaing inyong ginagampanan sa inyong tahanan?

Mahinang Kumain is Baby

OTHER PUBLICATIONS

Written by Elsie R. Navarro, NCS-RUMD Ayon sa "Nutritional Guidelines for Filipinos", ang sanggol ay dapat na pasusuhin ng gatas ng ina lamang, simula pagkasilang hanggang sa ika-anim na buwan. Pagkaraan ng anim na buwan, dapat ay bigyan na siya ng mga karagdagang pagkain upang sanayin siya sa mga bagong lasa na siyang kailangan ng kanyang katawan upang siya'y lumaking maayos at malusog.

Mga paraan ng pagpapakain kay baby:

* Subukan si baby kung siya ay handa na sa pagtanggap ng bagong pagkain sa pamamagitan ng paglalagay ng kutsarita sa kanyang bibig.

- kung isinara ni baby ang kanyang bibig o patuloy naitinutulak ang kutsarita, siya ay hindi pa handa; huwag pilitin.- kung si baby ay magpakita naman ng pagtanggap ng pagkain sa pamamagitan ng paggamit ng kutsarita, simulan na siyang dulutan ng malabnaw na lugaw. Gawing malapot ito, kung siya'y sanay nang kumain. Unti-unting idagdag ang linigis, hinimay at hiniwang maliliit na pagkain habang lumalaki

Page 4: Pagpapakain Sa Sanggol

si baby.

* Pasimulan ang pagdudulot ng bagong pagkain ng kaunti kaysa itinatagubilin, at unti-unting dagdagan hanggang matamo ang daming kinakailangan habang nasasanay sa lasa.

* Bigyan ng pagkaing tinadtad ng pino sa simulang magka-ngipin ang sanggol. Ang biskotso o malutong na tinustang tinapay ay mainam ibigay sapagkat tumutulong itong maging malusog ang gilagid, at maayos na paglabas ng ngipin.

* Bigyan siya ng mga pagkaing may iba't-ibang hugis at kulay, tulad ng mga tinadtad na berdeng dahon at iba pang dilaw na gulay.

* Sanayin muna ang sanggol ng 3 hanggang 4 na araw bawat bagong pagkain, bago pasimulang muli ng ibang pagkain.

* Iwasan ang pagdudulot ng sabay ng dalawang bagong pagkain.

* Iwasan din ang mga sumusunod:

- ang maaalat na pagkain na makapipinsala sa kanyang bato- ang mga pagkaing matatamis na magiging sanhi ng labis na timbang o pagkasira ng ngipin

* Ipakita ang inyong kasiyahan habang pinakakain ang sanggol, upang siya ay mawili at masiyahan ding kumain ng iba't-ibang pagkain.

Sa ganitong mga paraan, si baby ay lalaking malusog at maganang kumain.

anging Gatas ng Ina - Sapat sa Unang 6 na Buwan

WP - Jan-Dec 2003

Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, Department of Science and Technology (FNRI-DOST), ang gatas ng ina ay sapat nang makatutugon sa pagkain at likidong kailangan

Page 5: Pagpapakain Sa Sanggol

ng sanggol mula pagkasilang hanggang anim (6) na buwan.

Ang ika-lawang mensahe ayon sa Gabay sa Wastong Nutrisyon Para sa Pilipino ay "Pasusuhin ang sanggol ng gatas ng ina lamang mula pagkasilang hanggang 6 na buwan at saka bigyan ng mga angkop na pagkain habang pinapasuso pa."

Ang gatas ng ina ang pinaka angkop na gatas para sa sanggol. Ito ay nagtataglay ng lahat ng sustansyang kinakailangan ng sanggol sa tamang uri at sukat. Ang likidong kailangan ng sanggol ay makukuha rin sa gatas ng ina kaya ang pagbibigay ng tubig, tubig na may asukal o katas ng prutas bago mag-anim na buwan ang sanggol ay hindi pa minumungkahi.

Isang dahilan dito ay, hindi pa handa ang digestive system ng sanggol upang tanggapin ang ibang pagkain maliban sa gatas ng ina. Dagdag pa rito, kung ang bote at tsupon o dili kaya ang tubig na gagamitin ay hindi malinis, ito ay puwedeng mauwi sa pagtatae ng sanggol.

Marami sa mga ina ang nangangamba na baka hindi sapat ang daloy ng kanilang gatas. Narito ang ilang mga praktikal na palatandaan na makapagbibigay hudyat na nakakakuha ng sapat na gatas si baby.

Dalas ng breast-feeding - iminumungkahi na pasusuhin ang sanggol kapagdaka napanganak. Ang ina ay maaaring magpasuso makalipas ang 30 minuto pagkapanganak. Kadalasan ang sanggol ay sumususo ng 2 hangang 4 na beses sa unang dalawang araw. Pagdating ng tatlong araw dumadalas ang pagsuso ng sangol sa 10 beses o higit pa. Sa kalaunan nagiging regular ang paghingi ng gatas ni baby tuwing lilipas ang 3 o 4 na oras.Mahimbing na pagtulog - ang sanggol na nakasuso ng sapat na gatas ay nakakatulog ng mahimbing. Minsan nakakatulog ang sanggol habang sumususo, Ingatan lamang ang pag-awat sa bibig ng sanggol upang hindi magising.

Dami ng ihi - ang nakakasuso ng tamang gatas ay umiihi at dumudumi ng normal. Hindi bababa sa anim na beses sa isang araw ang pag-ihi ng sanggol, at manilawnilaw ang kulay nito. Normal din na dumumi ang sanggol pagkatapos sumuso. Sa kalaunan nagiging regular sa isa hangang dalawang beses sa isang araw ang pagdumi ng sanggol. Timbang - ang timbang ang pinaka mabisang tanda kung ang sanggol ay nakakasuso ng sapat na gatas ng ina. Sinasabi ng mga dalubhasa na ang birth weight ng sanggol ay dapat dumoble makalipas ang anim na buwan, at ito naman ay dapat maging triple makalipas ang isang taon. Ang Food and Nutrition Research Institute (FNRI) ay sumusunod ang pamantayan ng International Reference Standard (IRS) upang ihambing at masubaybayan ang tamang paglaki ng mga bata.

Breastfeeding Tatalakayin sa FNRI

WP - Jan-Dec 2003

Page 6: Pagpapakain Sa Sanggol

Naniniwala ang mga mambabatas ng Pilipinas na ang gatas ng ina ang pinakamainam para sa sanggol. Kung kaya ipinagtibay ng kongreso ng Pilipinas ang batas na Republic Act (RA) 7600 "The Rooming-In and Breast-feeding Act of 1992", mahigit ng isang dekada ang nakalilipas.

Ang rooming-in ay ang pagsasama ng ina at sangol sa isang silid sa halip na ilagak ang sanggol sa nursery room. Layunin ng rooming-in na mapasuso ni nanay ang kanyang sangol sa sandaling mangailangan ng gatas si baby.

Naniniwala tayo na karapatan ng bawat ina na pasusuhin ang kanyang sanggol at karapatan din ni baby na masuso ang gatas ng kanyang ina. Ang unang daloy ng gatas ng ina ay tinatawag na colostrum. Manilaw-nilaw ang kulay nito, mayaman sa bitamina at antibodies na panlaban sa mikrobyo. Iminumungkahi ng Food and Nutrition Research Institute, Department of Science and Technology (FNRI-DOST) na "Pasusuhin ang sanggol ng gatas ng ina lamang mula pagkasilang hanggang 6 na buwan at saka bigyan ng mga angkop na pagkain habang pinapasuso pa".

Napagalaman na ang gatas ng ina ay nagtataglay ng lahat ng sustansya na kailangan ng sanggol sa tamang kombinasyon sa unang anim na buwan.

Sapat din ang likido ng gatas ng ina upang matugunan ang pangangailangan ni baby kaya ang pagpapasuso ng tubig o pagbibigay ng tubig na may asukal at fruit juice ng mas maaga kaysa anim na buwan ay hindi iminumungkahi.

Tatlong palatandaan upang makasiguro na sapat ang gatas ng ina;

- Ang sanggol ay sumususo ng 15-20 minuto at nakakatulog ng mahimbing pagkatapos sumuso;

- Ang sangol ay umiihi ng hindi bababa ng 6 na beses sa isang araw;at

- Patuloy na tumataas ang timbang ng sanggol. Napag-alaman na dumodoble ang birth weight ng sanggol makaraan ang anim na buwan at nagiging triple naman ito makalipas ang isang taon.

Page 7: Pagpapakain Sa Sanggol

Alamin ang Wastong Pagkain Para sa Inyong Sanggol

WP - Jan-Dec 2004

Written by Ma. Idelia G. Glorioso, RUMD Alam nating lahat na ang gatas ng ina o "mother's milk" ang pinakamabuti at pinakamahusay na pagkain para sa inyong sanggol sa unang anim na buwan. Ito ay para sa kanyang mabilis na paglusog at paglaki. Subali't pagsapit ng ika-anim na buwan ng sanggol, ang gatas ng ina ay hindi na sapat sa kanyang pangangailangan kaya kailangan na niya ng complementary foods.

Ang pagbibigay ng complementary foods ay dapat napapanahon, sapat, ligtas at angkop. Napapanahon ang karagdagang pagkain bukod sa gatas ng ina pagkatapos ng anim na buwan at pataas. Sapat ito kung nasa tamang dami . Ligtas ang pagkain ng sanggol kung ito ay malinis at walang nilalaman na maaaring magbigay ng sakit. Angkop ito kung nasa tamang consistency o lapot o labnaw.

Ang mga sumusunod ay mga tagubilin tungkol sa wastong pagdulot ng pagkain sa inyong sanggol:

1) Karaniwan, pagkatapos sa ika-anim na buwan, ang sanggol ay handa na sa karagdagang pagkain, Subukan kung siya ay handa na sa pagtanggap ng bagong pagkain sa pamamagitan ng paglalagay ng kutsarita sa kanyang bibig:a) Kung isinasara ng sanggol ang kanyang bibig o patuloy na itinutulak ang kutsarita, ang sanggol ay hindi pa handa. Huwag na munang pilitin ang sanggol.

b) Kung ang sanggol ay magpakita naman ng pagtanggap ng pagkain sa pamamagitan ng kutsarita, simulan dulutan ng malabnaw na lugaw. Gawing malapot kung sanay na. Unti-unting idagdag ang linigis, hinimay at hiniwang maliliit na pagkain habang lumalaki ang sanggol.

2) Pasimulan ang pagdudulot ng bagong pagkain na mas kaunti kaysa sa itinatagubiling dami. Ang mga sumusunod ay inirerekomendang daming pagkain: Unti-unting dagdagan hanggang matamo ang daming kinakailangan habang nasasanay sa bagong lasa.

Karagdagang PagkainGulang ng

Sanggol (Buwan)

Dami o Sukat

Lugaw o Oatmeal

6 10-12 ½ tasa malabnaw na lugaw2 kutsarang linigis na lamang-ugat

8 ¾ tasa malapot na lugaw1 tasa malambot na kanin

10-12 1 piraso tinapay o biscuitPrutas 6 2 1/2 kutsarang hinog na saging, papaya o mangga

8 3 kutsarang hiniwa-hiwang malambot na prutas

Page 8: Pagpapakain Sa Sanggol

10-12 4 kutsarang hiniwa-hiwang kahit na anong prutas

Gulay7

1 kutsarang karot, sayote, abitsuwelas, patatas, talbos ng kamote, kangkong, petsay at dahon ng malunggay, niluto ng malambot at linigis.

8 1 kutsara, lahat ng gulay10-12 1 kutsara, lahat ng gulay, niluto at tinadtad

Karne at kauriItlog

Karne /Isda/Manok

7 ½ piraso, pula na itlog, luto11 ½ piraso, buong itlog, luto

6-11 1 1/3 serving* ng tinadtad na karne, isda o manok10-12 1 ½ tasa niligis na munggo, tatlong beses sa isang

linggo12 2 tasang gatas

Ibang pagkain 8 1 kutsarita, custard, pudding, gulaman o jelloTaba (mantika, margarina, mantikilya)**

6-11 4 kutsaritan margarina o mantika

Asukal 6-11 3 kutsaritang asukal* 1 serving ng lutong karne = 30 gramo karne , 2 piraso katamtamang laki ng isda** Ang taba o mantika ay maaaring isama sa lugaw o linigis na gulay o ginisa o piniritong lutuin.

3) Iwasan ang pagdudulot ng sabay nang dalawang bagong/uring pagkain. Sanayin muna ang sanggol ng 2-3 araw sa bawa't pagkain. Halimbawa, dulutan ang inyong sanggol ng papaya. Sanayin muna ang inyong sanggol sa papaya sa loob ng 2-3 araw bago dulutan uli ng ibang uri ng prutas tulad ng saging, o mangga.

4) Ipakita ang inyong kasiyahan habang kumakain ang sanggol upang mawili siyang kumain ng iba't-ibang pagkain.

5) Painumin ang sanggol ng tubig sa pagitan ng pagpapakain para sa mahusay na panunaw.

6) Sa ika-pitong buwan, turuan ang sanggol na uminom ng tubig at ibang likido mula sa tasa.

7) Bigyan ng pagkaing tinadtad nang pino sa simulang magkangipin ang bata. Ang biskotso o malutong na tinapay ay mainam ibigay.

8) Iwasan ang pagbibigay ng mga maalat na pagkain na makapipinsala sa kanyang bato at mga pagkaing matatamis na magiging sanhi ng labis na timbang at pagkasira ng ngipin.

9) Tanging bagong lutong pagkain o bagong talop na prutas lang ang ipakakain sa sanggol. Iwasan ang pagbibigay ng mga tirang pagkain sa sanggol.

Tandaan na kahit ang inyong sanggol ay tumatanggap ng ibang pagkain kailangan pa ring ipagpatuloy

Page 9: Pagpapakain Sa Sanggol

ang pagbibigay ng gatas ng ina. Sa wastong pagkain, higit na lulusog at sisigla ang inyong sanggol.

Kalusugan at pangangalaga ng bagong silang

◎Pangangalaga sa bagong panganak na sanggolAng mga sanggol ay lumalaki sa ibang kapaligiran na kakaiba mula sa katawan ng ina pagkatapos nilang maisilang. Ang yugto ng bagong panganak (neonatal), isang buwan pagkatapos silang maisilang, ay mahalaga para sa kanila na makibagay sa bagong kapaligiran. Maghahandog tayo ng mga pangangalaga dahil maaaring may ilang mga physiological na problema.[Katahimikan]Ang mga bagong panganak na sanggol ay kadalasang gumugugol ng panahon sa pagtulog maliban sa pagpapasuso. Pagkatapos, ang silid ng sanggol ay dapat panatilihing maayos at tahimik. Kahit na, hindi kailangang sadyang iwasan ang lahat ng tunog dahil ang wastong tunog na kailangan para sa pagpapahusay ng pakikinig ay siyang magiging dahilan na magawa nilang makibagay.

[Preserbasyon sa init]Ang thermoregulation na kapasidad ng mga bagong panganak ay mas masama. Dapat alagaan ng mga magulang ang temperatura ng kanilang katawan, panatilihin ang temperatura ng silid ng sanggol na nasa mga 25-28℃, at mas pagbutihin ang pagiging mahangin ng loob.

[Mga damit]Magmungkahi ng magaan, malambot, komportable, hindi kumukupas na mga damit, at iwasan ang mga telang nylon na madaling masunog. Ang mga cotton na pang-ilalim, sumisipsip ng pawis at hindi nagbibigay iritasyon, ay ang pinaka-akma. Ang estilo ng mga damit ay dapat simple, hindi masyadong masikip o masyadong maluwag na makapigil sa galaw ng sanggol.

[Pagpapalit ng diaper]Palitan kaagad ang mga diaper sa sitwasyon ng pag-ihi at pagdumi, hugasan ang puwit ng mainit-init na tubig, at saka banayad na patuyuin gamit ang tuwalya na cotton.[Paliligo]Paliguan araw-araw ang mga sanggol, kung saan mapapanatili silang malinis at komportable, mapapansin natin kung may mga abnormalidad ng katawan tulad ng erythema, ecchymosis at trauma, at saka nagpapaalab din ito sa relasyon ng magulang -anak. Imungkahi ang pagligo kalahating oras bago ang pagpapasuso, o isang oras pagkatapos magpakain upang maiwasan ang pagsuka ng gatas, sa panahon na ang temperatura ay napakataas sa araw (mga 10:00 A.M.~02:00 P.M.). Panatilihin ang mainit-init na temperatura sa loob (mga 26-29℃) at wastong temperatura ng tubig, at ipaagos muna ang malamig na tubig bago ang mainit(37.5-39℃), gamitin ang panloob ng iyong pulso upang subukan kung ang tubig ay mainit at hindi

Page 10: Pagpapakain Sa Sanggol

bumubukal. Kung gayon, maligo mga 5-10 minuto, mas mabuti. Iwasan ang pag-agos ng tubig papunta sa mga tainga dahil sa takot ng otitis media o pamamaga ng tainga, linisin ang panlabas na bahagi ng mga tainga ng malinis na bulak, at iwasan ang pagsuksok sa bulak nang malalim sa loob ng tainga at ilong. *Huwag iwanan ang mga sanggol nang hiwalay sa bathtub upang maiwasan ang mga aksidente habang naliligo.

[Pangangalaga sa umbilical cord]Layunin: Iwasan ang impeksiyon sa umbilical cord (mahabang bahagi ng pusod). Patuyuin ang umbilical cord at madali itong matanggal. Obserbahan kung nagdurugo ito o di-normal. Karaniwang natatanggal ito 7-14 araw pagkatapos maisilang ang mga sanggol. Bago iyan, dapat tayong mangalaga sa umbilical cord bawat pagkakataon kada matapos maligo. Kung ito ay basa o nangangamoy, dapat tayong higit na mangalaga at panatilihin itong tuyo. Makipagkita sa doktor para sa diyagnosis kung ang bahagi sa paligid ng umbilical cord ay namumula, ang pusod ay nagdurugo, may granulasyon at amoy kapag natatanggal ang pusod, hindi gumagaling ang sugat. Pamatay-mikrobyo para sa umbilical cord: 75% ethanol at 95% ethanol.Mga paraan ng pagpuksa sa mikrobyo: Patuyuin ang tubig ng pusod sa pamamagitan ng bulak pagkatapos maligo, ibabad ang bulak sa kemikal na pamuksa ng mirobyo, idiin ang bahagi sa paligid ng pusod sa pamamagitan ng hinlalaki at hintuturo upang ilantad ang lupi (ruffle), at saka mag-disinfect mula sa loob ng pusod papunta sa labas nang 1-2 beses.*Itakip ang diaper sa umbilical cord upang maiwasan ang impeksiyon mula sa ihi. Pangalagaan muli ang pusod kung basa ito sa pamamagitan ng ihi.

[IPag-iwas ng impeksiyon]Dahil ang imunidad sa impeksiyon ng mga sanggol ay mababa, dapat nating hugasan ang ating mga kamay bago sila hawakan o maghahanda ng pagkain ng sanggol, ihiwalay sila mula sa mga taong may nakakahawang sakit, halimbawa, pagbawalan ang mga taong may sipon sa paghalik sa kanilang mga labi upang maiwasan ang impeksiyon.

[Kunin ang temperatura]Dahil ang sentro ng thermoregulation (pagpapanatili ng matatag na temperatura ng katawan) para sa mga bagong panganak na sanggol, ay hindi matatag, ang pagbabago nito ay madaling naaapektuhan ng panlabas na kapaligiran, mababa sa 36.1℃ at karaniwang mataas sa 37.7℃. Ang bahagi para sa pagkuha ng temperatura ay ang puwit ng sanggol, o ang kilikili sa kaso ng natatanging mga sitwasyon tulad ng pagtatae at polyp sa puwit. Dapat kunin ang temperatura bago ang paliligo kada araw, sa anumang panahon na namumula ang mukha ng sanggol, nanginginig ang mga braso at paa.

◎Pangangalaga ng ngipin – Pag-iwas sa pagkakaroon ng bulok ng ngipin sanhi ng bote ng dede*Makikita ng mga magulang ang palatandaan ng bulok ng ngipin na sanhi ng bote ng dede kapag ang bata ay mga isang taon at kalahating gulang. Ang bahagi sa harapang ngipin ng sanggol na malapit sa gilagid ay mawalan ng calcium sa puti, saka magiging mapusyaw na dilaw hanggang dahan-sahang maging matingkad na kayumanggi. Kung hindi mo iyan makokontrol, ang mga bulok sa ngipin ay madaling pupuno sa paligid ng ngipin. Pagkatapos, ang mga ngipin

Page 11: Pagpapakain Sa Sanggol

ay malamang na mabasag kung matumba ang mga bata (madalas sa mga maliliit na bata) at magpapasunggo sa ngipin. Ang hindi wastong paraan ng pagpapadede at oras ay nagpapadali sa pagkalat ng mga bulok sa bagang.*May apat na aspeto na idinadahilan sa pagkabulok ng ngipin sa mga bote ng dede” mikrobyo, fermentation carbohydrate, mga ngipin at panahon, walang maitatapon. Ang pansamantalang mga ngipin ay tumatanggap ng streptococcus mutans mula sa mga magulang o minder pagkatapos ng pagngingipin, ang fermentation carbohydrate ay nananatili nang mas matagal sa paligid ng ngipin sa pamamagitan ng hindi wastong mga paraan ng pagpapadede, ang lahat ay sanhi ng paglabas ng mga bulok sa ngipin.

◎Paano gamutin ang mga bulok sa ngipin sa pagpapadede?Ang mga bulok sa ngipin sa pagpapadede ay makapagdudulot ng sakit sa sukdulan, pupuno sa wormhole sa maliit na kaso, magdudulot ng pamamaga sa malubhang kaso, at maging sanhi pa ng pamamaga ng mukha, na kailangang tanggalin o gamutin sa pamamagitan ng root canal therapy. Ang malubhang bulok ng ngipin sa pagpapadede ay magdudulot ng kawalang-kaginhawaan sa pagkain, makakaapekto sa pagbigkas at sa pagkakaayos ng permanenteng ngipin. Mas higit na mahirap para sa dentista ng mga bagong panganak na sanggol ang paggamot sa mga nagtitiis ng mga bulok na ngipin sa pagpapadede na mas bata. Kaya, kung paano iwasan ang mga bulok sa ngipin sa pagpapadede ay mahalaga.

◎Paano iwsan ang mga bulok ng ngipin sanhi ng pagpapadede?Kargahin ang mga sanggol sa mga bisig para sa pagpapadede ng nakaboteng gatas o ng gatas ng ina pagkatapos silang maisilang, at imungkahi ang pagpapadede nang higit sa 20 minuto. Tanggalin ang nalalabing gatas mula sa cavity ng bibig sa pamamagitan ng mamasa-masang gasa o tuwalya kada matapos ang pagpapadede kahit na hindi pa nagngingipin. Samantala, maaari nating sipilyuhan ang kanilang ngipin ng malambot na sipilyo pagkatapos lumabas ang ngipin upang mabuo ang magandang kaugalian mula pagkabata. Hayaang uminom ang mga bata ng gatas sa baso nang dahan-dahan kapag sila ay 6-9 na buwan. Dalhin sila sa dentista kung ang pansamantalang ngipin ay paisa-isang lumabas kapag sila ay 6 na buwan~1 taong gulang.

◎Pagsasanay sa pag-ihi at pagdumi*Oras ng pagsasanayAng anal sphincter ay nasa kontrol kapag ang mga sanggol ay 18-24 buwang gulang. Tungkol sa oras ng pagsasanay sa pag-ihi, ang pantog ng ihi ay maaaring mag-imbak ng ihi nang dalawang oras kapag sila ay 1 taon at tatlong buwang gulang o isa at kalahating taong gulang, ngunit hindi ito nangangahulugan na makapagkokontrol sila sa kanilang kagustuhan. Karaniwan, mas mabuti para sa pagsasanay kapag namulat sila sa pagbinat ng pantog sa 18-24 buwang gulang.*Mga hakbang ng pagsasanaySa panahon ng pagsasanay, dapat ang mga magulang ay may ugali na mabuti, relaks natural at hindi masyadong mahigpit na makahanap ng problema at maglalagay sa kanilang anak sa ilalim ng pamumuwersa. Bago nila matutunan ang ekspresyon, sasabihin natin sa kanila nang malinaw na 「ang sanggol ay umihi sa kama」, 「dumumi ang sanggol」kapag sila ay umihi o dumumi sa salawal. Samantalahin ang kilos na likas ng sanggol sa paggaya, hayaan ang mga sanggol na

Page 12: Pagpapakain Sa Sanggol

obserbahan kung paano ang mas malalaking bata o nasa hustong gulang pumunta sa palikuran, o magsagawa ng demonstrasyon sa pamamagitan ng mga manika. Habang nagsasanay, huwag gumamit ng mga diaper, hayaan silang magsuot ng mga salawal na madaling tanggalin at maghanda ng karagdagang mga salawal. Kung sasabihin nila sa mga magulang ang tungkol sa pag-ihi sa higaan, dalhin sila sa palikuran, at tulungan sila sa bedpan, at subukan silang kumilos nang sarili, bigyan sila ng lakas ng loob at papuri. Turuan sila nang paulit-ulit nang hindi sinisisi kung di-sinasadyang mabigo sila. Kung walang pag-unlad pagkatapos ng sampu o labinlimang araw ng pagsasanay, ibig sabihin na hindi pa hinog ang physiology ng mga sanggol, maaari tayong huminto sa pagsasanay pagkatapos ng ilang araw. Huwag ipakita ang iyong pakiramdam o pagkasuklam na ang dumi ng mga sanggol ay marumi. Hayaan silang matuto na gumamit ng iba’t ibang mga kasangkapan para sa pag-ihi o pagdumi sa iba’t ibang kapaligiran.

◎Karaniwang problema sa bagong panganak na sanggol*Pagsuka ng gatas at pagsusukaPag-iwas at paggamot:Iwasan na masipsip ng mga bagong panganak ang hangin, palabasin ang hangin pagkatapos ng pagpapadede upang maiwasan ang pagsuka ng gatas. Sa sitwasyon ng pagsusuka, dapat natin itong linisin, iangat ang kanilang mga ulo at likod, o hayaan silang humigang nakatagilid sa kanilang kanang bahagi.*JaundiceAng atay at apdo ng bagong panganak na sanggol ay hindi pa nagma-mature, hindi makatanggal ng mas napinsalang erythrocyte o pulang selyula ng dugo, mas dinagdagan ang problema sa heme metabolism, at saka nagpapalitaw sa jaundice. Ang jaundice ay karaniwang nagaganap sa ika-3 hanggang ika-4 na araw pagkatapos maisilang ang mga sanggol, dumating sa sukdulan sa 4-5 araw at dahan-dahang nawawala mga 7-10 araw pagkatapos. Ito ay normal at tinatawag na physiological jaundice.*Mga tatandaan:Kung hindi mawawala ang jaundice, painumin ang mga sanggol ng mas maraming tubig at ilabas ito sa ihi at dumi. Mapapansin pa rin natin ang kulay ng kanilang balat, galaw at gana sa pagkain pagkatapos sila mailabas mula sa ospital, kargahin sila sa mga bisig sa lugar na may sinag ng araw o sikat ng araw, at idiin ang noo, ilong at pisngi nang banayad gamit ang mga daliri upang tingnan kung ang balat ay mas mataas at mas mataas pa rin. Mangyaring makipagkita kaagad sa doktor kung ang jaundice ay tumatagal nang 10 araw nang hindi nawawala.*MiliumSanhi ng pagkabara ng sebaceous gland, ang milium ay nagaganap kapag isinilang ang mga sanggol, mas marami sa noo, tulad ng puti at maliliit na tigdas at nawawala sa iilang linggo nang hindi nangangailangan ng paggagamot.*Miliaria Ang tanging paraan ng pagpigil ay iwasan ang pamamawis. Upang matupad ang layunin, dapat pasuutin ang mga sanggol ng maluwang at sumisipsip ng pawis na mga damit, hindi napakaraming kasuutan, dapat panatilihin ang pagka-mahangin. *Namumulang balakangang namuulang balakang ay madaling naidudulot sa mga sanggol na may sensitibong Sanhi: Dahil ang mga balakang ay naiistimula ng maraming beses ng ihi at dumi, natatakpan ng mga

Page 13: Pagpapakain Sa Sanggol

diaper na hindi napapasukan ng likido, at pagkatapos balat.*Sintoma:May ekstensibong erythema, pamumula o kahit na mga vesicle fester sa puwit at perineum. Ang ilang mga bahaging magaspang tulad ng kraftpaper ay namumula at nagtatalupan, at iba pa.*Mga tatandaan:Palitan nang madalas ang mga diaper, linisin ang balat na naabot ng diaper at panatilihin itong tuyo pagkatapos ng pag-ihi at pagdumi. Habang naglalagay ng telang diaper, labhan ito gamit ang sabon sa halip ng washing power at pampaputi na tubig, ibilad ito sa araw para sa pagpapaalis ng mikrobyo at pagpapatuyo. Ibilad ang apektadong bahagi sa tuyong init, kaysa maglatag ng pampaligong pulbo sa bahagi dahil magdudulot ito ng mas maraming iritasyon. Makipagkita sa doktor para sa diyagnosis kung hindi bumuti ang mga sintoma.*EczemaMalamang na magdulot ito ng miliaria o hidradenitis kapag ang mga bagong panganak na sanggol ay nagsususot ng mas maraming damit, mga coating o namamawis sa mahalumigmig at mainit na klima. Ang katulad na eczema ay karaniwang nakatuon sa ulo, leeg, balakang at hilera ng buhok. May mga namumulang nodule na may iba’t ibang sukat o maliliit na tigdas sa malinaw na bagay, kumakati hanggang sa malubhang sukdulan. Kaya, mahalaga na panatilihin ang pagkatuyo, magsuot ng komportable, sumisipsip ng pawis at mahangin na mga damit. Makipagkita sa doktor para sa diyagnosis sa kaso ng pangangati. *ThrushAng thrush ay isang impeksiyon ng trace bacteria sa bibig, na may hitsura na katulad ng bloke ng gatas tingnan. Mahirap itong tanggalin, at makakaapekto sa dami ng gatas ng bagong panganak. Dapat nating panatilihin na malinis ang bibig para sa pag-iwas.

◎Pagsusuri para sa bagong panganak na sanggolAng pagsusuri sa bagong panganak na sanggol o neonatal screening ay ang daglat ng 「Neonatal inborn errors of metabolism screening」, na may layunin na hanapin nang mas maaga ang mga sanggol na nagtitiis mula sa mga inborn error (pagkakamaling dala ng pagkasilang) ng metabolismo pagkatapos silang maisilang, magbigay nang mas maagang paggamot, subukang lumaking normal ang mga nagtitiis, at mabawasan ang nakamit na mga kapansanan. Nagsimula mula Hulyo 1, 2006, ang mga item sa screening na idinagdag ng Kagawaran ng Edukasyon ng Asemblea ay hanggang 11. Karaniwan, ang dugo sa sakong ay kokolektahin para suriin pagkatapos ng 48 oras kapag ang sanggol ay naisilang at napakain, at ang resulta ay makukuha sa isang buwan. Kung hindi normal, ipapaalam sa iyo ng medikal na institusyon para sa ikalawang pagsusuri, kung normal, walang mga abiso.

TAMANG PAGPAPALIGO SA SANGGOL

Page 14: Pagpapakain Sa Sanggol

Ang pagpapaligo sa sanggol ay maaaring gawin isang beses sa isang araw ngunit ito lamangay limitado sa pagpupunas ng mukha at katawan ng sanggol at ang pagpapalit ng lampin(diaper). Bago simulan ang pagpapaligo, siguraduhin ang temperature ng paligid ay mainam para sasanggol; hindi masyadong malamig Dapat nakahanda ang mga gamit na kailangan para sa papapaligo ng sanggol gaya ng sabon,bimpo, twalya, suklay, palangganang may tubig, damit at diaper. Siguraduhing maligamgam ang tubig na gagamitin para sa pagpapaligo sa sanggol. Maaringgamitin ang siko para malaman kung katamtaman na ang temperatura ng tubig pampaligo. Magsimula muna sa mata at mukha, isunod ang katawan at ihuli ang pagpapalit ng diaper.Punasan ang mata ng sanggol simula sa loob papalabas gamit ang bimpo. Ang paghuhugassa mukha ay hindi ginagamitan ng sabon sapagkat ito ay nakakairita sa balat ng sanggol. Sa paghuhugas ng buhok ng bata, sabunin muna ang buhok ng sanggol habang ito aynakahiga sa palanggana. Banlawan at punasan ng mabuti ang buhok para maiwasang ginawinang sanggol Hugasan ang buong katawan gamit ang sabon. Banlawan ng mabuti upang walang maiwangsabon na nagdudulot ng panunuyo ng balat ng sanggol. Sa pagpapalit ng diaper, linisin muna ang pwet ng sanggol at punasan ito ng maigi paramaiwasan ang pagpapantal dulot ng diaper. Bihisan ng maayos ang sanggol para hindi ito lamigin.Mula sa: Maternal and Child health nursing (Pilliteri)Gawa ni: Katrine Belle M. Valdez, SN

Page 15: Pagpapakain Sa Sanggol