pagbabakuna para sa panapanahong trangkaso

12
1 Pagbabakuna para sa Panapanahong trangkaso Virus ng Trangkaso Paggawa ng bakuna sa trangkaso Madalas na pag update sa mga Katangian ng Bakuna Mga Pagpipiliang Bakuna Pagbabakuna: Sino at Kailan? Mga Pag-iingat at Epekto ng Bakuna para sa Panapanahong Trangkaso Pangkalahatang Payo Pakikipag usap sa inyong Doktor Hitsura at Uri ng Bakuna para sa Panapanahong Trangkaso Pag-iimbak at Tagal ng Buhay Virus ng Trangkaso Ang Trangkaso ay malalang sakit na nakakahawa na sanhi ng pamilya ng virus na Orthomyxoviridae. Ang biglang paglitaw ng trangkaso ay nangyayari sa buong mundo; at ang sakit ay kumakalat sa pamamagitan ng respiratory droplets. Ang mga pasyente ay maaaring makaramdam ng mga sintomas tulad ng panghihina ng katawan, pagkakaroon ng lagnat, sipon, ubo, pananakit ng ulo, pananakit ng katawan at lalamunan; ang mga malalang kaso ay maaaring mauwi sa hirap sa paghinga o kaya ay kamatayan. Mayroong tatlong pangunahing uri ng virus ang trangkaso: A, B, at C. Ang Type A at B na trangkaso ay ang dahilan ng karamihan na impeksyon. Sa mas maraming taon, ang biglang paglitaw ng trangkaso ay kadalasang naiuugnay sa type A na virus; habang ang type B virus na epidemya ay kadalasang lumilitaw sa pagitan ng mga ilang taon. Ang type C na trangkaso ay sanhi ng banayad na impeksyon at kinokonsiderang hindi makapagdudulot ng epidemya. Sa Hong Kong, ang trangkaso ay pangkaraniwan sa panahon ng taglamig (Enero hanggang Marso) at tag init (Hulyo hanggang Agosto). Ang virus na H3N2 at ang virus na H1N1 (parehong type A na virus ng trangkaso) mga epidemya na nagdulot ng alalahanin at pasanin sa komunidad; habang ang type B na virus ng trangkaso ay patuloy na nagbibigay alarma. Ang Sistema ng pagpapangalan at pag-uuri para sa virus ng trangkaso ay ayon sa talaan ng Pangdaigdigang Organisasyon ng Kalusugan (WHO). Para sa type A na virus ng

Upload: others

Post on 09-Nov-2021

9 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Pagbabakuna para sa Panapanahong trangkaso

1

Pagbabakuna para sa Panapanahong trangkaso

Virus ng Trangkaso

Paggawa ng bakuna sa trangkaso

Madalas na pag update sa mga Katangian ng Bakuna

Mga Pagpipiliang Bakuna

Pagbabakuna: Sino at Kailan?

Mga Pag-iingat at Epekto ng Bakuna para sa Panapanahong Trangkaso

Pangkalahatang Payo

Pakikipag usap sa inyong Doktor

Hitsura at Uri ng Bakuna para sa Panapanahong Trangkaso

Pag-iimbak at Tagal ng Buhay

Virus ng Trangkaso

Ang Trangkaso ay malalang sakit na nakakahawa na sanhi ng pamilya ng virus na

Orthomyxoviridae. Ang biglang paglitaw ng trangkaso ay nangyayari sa buong mundo;

at ang sakit ay kumakalat sa pamamagitan ng respiratory droplets. Ang mga pasyente

ay maaaring makaramdam ng mga sintomas tulad ng panghihina ng katawan,

pagkakaroon ng lagnat, sipon, ubo, pananakit ng ulo, pananakit ng katawan at

lalamunan; ang mga malalang kaso ay maaaring mauwi sa hirap sa paghinga o kaya ay

kamatayan.

Mayroong tatlong pangunahing uri ng virus ang trangkaso: A, B, at C. Ang Type A at B

na trangkaso ay ang dahilan ng karamihan na impeksyon. Sa mas maraming taon, ang

biglang paglitaw ng trangkaso ay kadalasang naiuugnay sa type A na virus; habang ang

type B virus na epidemya ay kadalasang lumilitaw sa pagitan ng mga ilang taon. Ang

type C na trangkaso ay sanhi ng banayad na impeksyon at kinokonsiderang hindi

makapagdudulot ng epidemya.

Sa Hong Kong, ang trangkaso ay pangkaraniwan sa panahon ng taglamig (Enero

hanggang Marso) at tag init (Hulyo hanggang Agosto). Ang virus na H3N2 at ang virus

na H1N1 (parehong type A na virus ng trangkaso) mga epidemya na nagdulot ng

alalahanin at pasanin sa komunidad; habang ang type B na virus ng trangkaso ay

patuloy na nagbibigay alarma.

Ang Sistema ng pagpapangalan at pag-uuri para sa virus ng trangkaso ay ayon sa talaan

ng Pangdaigdigang Organisasyon ng Kalusugan (WHO). Para sa type A na virus ng

Page 2: Pagbabakuna para sa Panapanahong trangkaso

2

trangkaso, nahahati ito ayon sa uri ng dalawang antigens na lilitaw sa virus:

haemagglutinin (H) at neuraminidase (N); at ito ay kung saan ang nanggaling ang “H”

at “N” sa H3N2 at H1N1. Para sa type B, hindi ito nahahati sa “H” at “N”, subalit may

dalawang mahalagang paghahati kung saan ay patuloy na kumakalat na sanhi ng

epidemya; Ang angkan ng B/Yamagata at B/Victoria.

Ang virus sa Trangkaso ay patuloy na nagbabago. Sa bawat taon, ang WHO ay patuloy

na tatalakayin ang mga rekomendasyon para sa pagbuo ng bakuna para sa trangkaso

sa susunod na panahon ng taon. Subalit ang oras ng pag aanunsyo mula sa WHO ay

magkaiba para sa Hilaga at Timog na bahagi ng mundo dahil sa pagkakaiba sa tiyempo

ng panahon ng trangkaso sa pagitan ng dalawang pangunahing rehiyon. Mag aanunsyo

ang WHO ng mga imumungkahing katangian ng bakuna para sa trangkaso na gagamitin

para sa Hilagang bahagi ng mundo para sa susunod na panahon ng trangkaso,

karaniwang sa Pebrero/ Marso ng taon upang ang mga bakuna ay magiging hand ana

sa susunod na panahon ng trangkaso sa taglamig na kadalasang lumilitaw sa katapusan

ng kaparehong taon o sa mga unang araw ng susunod na taon . Gayundin, ang WHO

ay mag aanunsyo ng imumungkahing katangian ng bakuna para sa trangkaso na

gagamitin sa Timog na bahagi ng mundo sa Setyembre ng nakaraang taon upang ang

bakuna ay maging handa para sa panahon ng taglamig ng susunod na taon (ang

panahon ng taglamig ay sa bandang Hunyo/ Hulyo sa Timog na bahagi ng mundo.)

Ang karaniwang rekomendasyon ng WHO sa panapanahong trangkaso ay kasama ang

katangian para sa Trivalent vaccine at katangian para sa Quadrivalent vaccine. Para sa

Trivalent vaccine, ang rekomendasyon ay kadalasang naglalaman ng dalawang

katangian ng virus na Influenza A, isa ang klase ng H1N1 at isa ang H3N2, at ang

katangian ng virus ng influenza B. Para sa Quadrivalent vaccine, ang karagdagang

katangian ng virus ng influenza B ay idadagdag. Ang taunang rekomendasyon ng WHO

ay base sa patuloy na sistema ng pagmamanman at pagbabantay sa buong mundo

para sa katangian ng virus ng trangkaso na kumakalat sa mga tao sa iba’t ibang sona at

komunidad, at sa pag aanalisa ng pagiging epektibo ng mga bakuna ng nakaraang taon.

Pagkatapos ng pag aanunsyo ng rekomendasyon sa katangian, ang pagawaan ay

maaari nang magsimula ng paghahanda para sa paggawa ng bakuna para sa dadating

na panahon ng trangkaso. Ang rekomendasyon mula sa WHO ay mahalagang gabay

dahil ito ay magiging epektibo pagkatapos ng deliberasyon ng mga eksperto mula

buong mundo sa pagdetermina ng mga nangingibabaw na virus strain na maaaring

kumalat sa parating na panahon.

Page 3: Pagbabakuna para sa Panapanahong trangkaso

3

Ang Paggawa ng bakuna Para sa Trangkaso

Sa kasalukuyan, ang proseso sa paggawa ng bakuna ay karaniwang umaabot ng lima

hanggang anim na buwan bago maging handa sa pamilihan, lalo na kung saan ang

bagong strain ng influenza virus ay nakilala. Ang mga paghahanda na napapabilang sa

paggamot ng bagong katanginan ng virus ng trangkaso upang maging “virus sa bakuna”

na mas hindi delikado at mas madaling tumubo sa mga itlog ng manok. Karagdagan pa,

kabilang sa mga paghahanda ay ang pagbuo ng mga reagents upang masuri ang

bakuna na maaaring tumagal ng mahigit na tatlong buwan.

Sa pagawaan ng bakuna, ang mga katangian ng “virus sa bakuna” ay pinatutubo sa

ilalim ng ibat ibang kondisyon ng pagsusuri upang makita ang pinaka mainam na

kondisyon ng pagpapatubo sa itlog. Ang itlog ay ginagamit sa karamihang ng mga

ginagawang bakuna, sila ay pinatabang itlog ng manok mula sa kawan sa ilalim ng

mahigpit na pagkontrol ng kalinisan at biosecurity na tumutugon sa mga naangkop na

pangangailangan.

Sa panahon ng paggawa, ang isang katangian ng “virus sa bakuna” na nirerekomenda

ng WHO ay isasaksak sa itlog at lilimliman ng hanggang 72 oras pagkatapos kung saan

ang virus ay dumami sa itlog ito ay aanihin.

Ang virus molecules ay ihinihiwalay mula sa puti ng itlog gamit ang proseso na ang

tawag ay ultracentrifugation. Ang kabilang sa paggawa ng mga bakuna na inactivated

influenza ang pagpatay/pagpapatigil sa mga virus gamit ang mga kemikal, at

pagkatapos ay lilinisin. Depende kung ang trivalent vaccine (naglalaman ng tatlong

sangkap) o ang Quadrivalent vaccine (naglalaman ng apat na sangkap) ang dapat

gawin,ang paglilimlim ng virus gamit ang itlog ay kinakailangang gawin ng 3 o 4 na

beses upang makuha ang kinakailangang sangkap ng bakuna sa trangkaso. Karamihan

sa ng 3 o 4 na ibat ibang strain ng flu virus ay pagsasamasamahin na isang buo at

susuriin para sa lakas, sterility, at kalinisan. Ang bulto nito ay ibababad upang makuha

ang ninanais na walang halong antigens na maaring ilagay sa maliit na bote ng gamut

o hiringgilya at iempake.

Pagkatapos masuri ayon sa napag-usapang lakas, sterility, at mga panuntunan sa pag

iingat, ang approval ng regulasyon ay kailangang makuha bago ilabas ang bakuna sa

pamilihan.

Ang iba pang paraan ng paggawa ng bakuna para sa panapanahong trangkaso ay

Page 4: Pagbabakuna para sa Panapanahong trangkaso

4

maaaring gumamit ng cultured mammalian cells o ang recombinant technology.

Manufacture Flow of Seasonal Influenza Vaccines Daloy ng Paggawa ng Bakuna para sa Panapanahong

Trangkaso

WHO Recommendation of Strains & Verification Mga rekomendasyon ng WHO sa mga Katangian at

Beripikasyon

Vaccine Virus Strain from the Laboratory (suitable of culture

& non-virulent)

Mga Katangian ng Virus sa Bakuna mula sa Laboratoryo

(angkop sa culture & non-virulent)

Research: specific testing regent for the virus Pananaliksik: tiyak na testing regent para sa virus

Validated Vaccine Seed handed over to the Manufacturer Napatunayang binhi ng bakuna na ibinigay sa Gagawa

Vaccine Manufacturer Gagawa ng Bakuna

Virus Inactivation (if applicable) Virus Inactivation (kung naangkop)

Manufacturer vaccine virus Gagawa ng Virus sa Bakuna

Egg Incubation for the Virus Antigen Paglilimlim sa Itlog para sa Virus Antigen

Antigen Harvest & Isolation Pag-ani ng Antigen & Pagbubukod

Purification Paglilinis

Quality Testing (specific reagent) Pagsusuri sa kalidad (tukoy na reagent)

Formulation further Mixing and Blending Pagbabalangkas karagdagang Pagsasama-sama at Paghahalo

Final Container of the Vaccine Pinal na Lalagyan ng Bakuna

Manufacturer Batch Release Paglabas ng batch ng Gumawa

Vetting by the Health Authority Pagberipika ng Awtoridad ng Kalusugan

Timeline: Manufacturing Process usually takes 5-6 months Talaan ng Oras: Proseso ng Paggawa ay adalasang umaabot

ng 5-6 na buwan

Page 5: Pagbabakuna para sa Panapanahong trangkaso

5

Madalas na pag update sa Katangian ng Bakuna

Ang virus ng trangkaso ay mabilis na nagbabago. Ang mga antigens ay nasa ibabaw ng

mga virus; para silang mga “bakas ng daliri” sa ating katawan upang makilala at

malabanan ang sumasalakay na kalaban. Ang mga antigens ay mahalaga para sa

pagkilala sa katangian ng virus.

Sa kalikasan, ang prinsipyo ng virus antigen ay madaling magkaron ng mga pagbabago

na magreresulta sa isang bagong “uri” ng virus na makakaapekto sa komunidad.

Kadalasan, mayroon lamang mga maliliit na pagbabago sa antigen (nakikilala sa

katawagang antigen drift), ang pandemya sa trangkaso (pandaigdigang biglaang

paglitaw) ay maaaring mangyari. Ito ang dahilan kung bakit kinakailangan ng palagiang

pag update ng katangian ng virus sa bakuna para sa trangkaso.

Ang pag iwas ay mas mabuti kaysa paggamot. Ang pag atake ng virus ay kadalasang

biglaan at agresibo. Ang ating katawan ay kailangang gumawa ng sapat na antibodies

(tulad ng mga sundalo) upang lumaban sa pag atake ng virus. Ang pagbabakuna ay

paunang hakbang upang tulungan ang katawan na dumipensa laban sa maraming uri

ng mga virus. Kung kaya naman, makabubuting magpabakuna taon taon para sa

trangkaso. Ang pagbabakuna ay makakapag bigay ng kinakailangang proteksyon; at

mapababa ang posibilidad ng isang seryosong kumplikasyon at kamatayang dala ng

tunay na impeksyon.

Mga pagpipiliang bakuna

Mayroong dalawang uri ng Bakuna para sa Trangkaso:

(a) hindi aktibong bakuna sa trangkaso (abbreviated:IIV) na injection; at

(b) live-attenuated influenza na bakuna (abbreviated:LAIV) spray para sa ilong

Ang IIV na injection (kilala din bilang “shot”) ay binuo mula sa mga virus na hindi aktibo

(pinatay) sa panahon ng pagagawa; habang ang LAIV na spray sa ilong ay naglalaman

ng mga virus na may buhay pa subalit binawasan ang lakas (i.e. pinahina/pinaamo)

mula sa umpisa ng paggawa. Ang pinahinang mga virus ay napatunayan ng mga

medikal na siyensya na pinipigilan nito ang paglago sa katawan at hindi kayang

maparami ang kanilang sarili upang maging tunay na sakit.

Kabaligtaran sa IIV, ang LAIV ay tumutulad sa mga natural na impeksyon sa

pamamagitan ng ilong, at maaring magpasimula ng mas malakas at mas matagal na

proteksyon. Ngunit sa kabilang banda, dahil sa mas malaking epekto nito sa immune

Page 6: Pagbabakuna para sa Panapanahong trangkaso

6

response, maaari itong magkaroon ng mas maraming epekto tulad ng sipon.

Para sa parehong IIV at LAIV, ang pagiging epektibo nito ay naka depende sa kung ang

katangian ng virus sa bakuna, ayon sa rekomendasyon ng WHO, ay katugma ng virus

strain na kumakalat sa komunidad.

Pagbabakuna: Sino at Kailan?

Sa katunayan, ang mga taong may edad mula sa 6 na buwan (i.e. kasama na ang mga

sanggol) ay pinapayuhang magpabakuna laban sa trangkaso, lalo na ang mga taong

may mataas na tyansa ng impeksyon at komplikasyon tulad ng mga matatanda,

kabataan, buntis, mga pasyente na may malalang sakit (tulad ng sa puso, baga, sakit

sa bato, metabolic disease, at yung mahina ang immune system), mga kawani ng

pangangalaga sa kalusugan, nagtatrabaho sa manukan, nag aalaga ng baboy at iba

pang tao na ang trabaho ay nagdadala ng malaking tyansa ng pagkakaron ng trangkaso.

Bukod pa rito, ang mga matatandang naninirahan sa mga tahanan para sa mga may

edad, mga naninirahan sa tirahan para sa mga may kapansanan at napakatabang tao

(matataba na ang Body Mass Index (BMI) ay >_30) ay dapat ding tumanggap ng bakuna

dahil sa mataas na posibilidad na magkaroon ng komplikasyon sa trangkaso.

Pinapayuhang magpabakuna bago dumating ang panahon ng trangkaso sa taglamig.

Maglaan rin ng sapat na oras para sa katawan upang mapalakas ang immunity para sa

virus ng trangkaso na kadalasang inaabot ng 2 linggo pagkatapos ng pagpapabakuna.

Para sa mga bata na may edad 9 na taon na tatanggap ng bakuna para sa trangkaso sa

unang pagkakataon, kinakailangan silang tumanggap ng ikalawang dosis; at ang doktor

ay magsasaayos ng nakalaang araw na 4 na linggo man lamang pagkatapos ng unang

dosis.

Hindi Aktibong Bakuna sa Trangkaso (IIV)

Ang IIV ay naayon sa mga taong may edad na 6 na buwan pataas.

Live attenuated influenza Vaccine (LAIV)

Ang LAIV ay isang pa sa mga pagpipilian para sa bakuna sa trangkaso; ito ay pwede sa

mga taong may edad na 2 hanggang 49 na taong gulang. Subalit, ang LAIV ay hindi

dapat ibigay sa mga tao, kung mayroon silang mga sumusunod na kondisyon:

(a) Concomitant aspirin o salicylate-containing therapy sa mga bata at matatanda;

Page 7: Pagbabakuna para sa Panapanahong trangkaso

7

(b) mga bata may edad na 2-4 na kasalukuyang may hika, o may kasaysayan ng

paghingal sa nakalipas na 12 buwan;

(c) Mga bata at matatanda na immunocompromised;

(d) nakakasalamuha at mga tagapangalaga ng mga malalang immunosuppressed na

tao na nangangailangan ng protektadong kapaligiran;

(e) Buntis; at

(f) Mga tumanggap ng antiviral na gamut para sa trangkaso sa nakalipas na 48 na

oras.

Mga Pag iingat at Epekto ng Bakuna sa Trangkaso

Ang mga taong may dating kasaysayan ng sobrang pagkasensitibo sa mga dosis ng

bakuna o ang mga sangkap nito ay hindi kwalipikado. Ang mga polyete ng produkto ay

naglilista ng mga sangkap ng nasabing bakuna.

Masamang epekto ng IIV

Pagkatapos tumanggap ng bakunang IIV, ang ibang tao ay maaaring makaranas ng mga

sumusunod na epekto:

Kalalaan Lugar Paglalarawan Kadalasan

Katamtaman

Lugar na

sinaksakan

kirot napaka

pangkaraniwan

pamumula, pamamaga, at

paninigas pangkaraniwan

pruritus Hindi

pangkaraniwan

pangkalahatan

pananakit ng kalamnan,

pagkapagod

napaka

pangkaraniwan

lagnat, sakit ng ulo, pagpapawis,

panginginig, pananakit ng kasu

kasuan, hirap sa pagdumi

(hal.pagkahilo, pagsusuka,

pagdudumi, pananakit ng tiyan)

pangkaraniwan

pagkahilo hindi

pangkaraniwan

Malala Pangkalahatan

Anaphylaxis,

Guillain-Barré Syndrome (GBS),

Oculo-respiratory Syndrome

madalang

Page 8: Pagbabakuna para sa Panapanahong trangkaso

8

(ORS)

Napaka Karaniwan (≥1/10 subjects)

Karaniwan (≥1/100 hanggang <1/10 subjects)

Hindi Pangkaraniwan (≥1/1,000 hanggang <1/100 subjects)

Madalang (≥1/10,000 hanggang <1/1,000 subjects)

Napakadalang (<1/10,000 subjects)

Para sa mga hindi pa nakakatanggap ng bakuna, tulad ng mga bata, maaari silang

makaranas ng lagnat, pananakit ng kalamnan, at pangkalahatang pagkabalisa.

Kadalasan itong nangyayari sa loob ng 6 hanggang 12 oras pagkatapos ng injection at

tatagal ng 1 hanggang 2 araw. Kung ang lagnat at pagkabalisa ay magpatuloy, maaaring

kumonsulta sa iyong doctor para sa follow up.

Ang mga bihira at malalang palatandaan (tulad ng pantal, pamamaga ng labi/dila at

hirap sa paghinga) ay mangangailangan ng agarang medikal na atensyon.

Malalang Epekto ng LAIV

Ang pangkaraniwang epekto pagkatapos tumanggap ng LAIV ay: sipon o pagbabara ng

ilong sa lahat ng edad ng tao; lagnat sa mga bata; at pananakit ng lalamunan sa

matatanda. Karaniwang mahina lamang ang mga ito at madali mawala.

Kalalaan Lugar Paglalarawan Kadalasan

Katamtaman

Lokal (ilong)

sipon o pagbabara ng ilong Napaka

Karaniwan

pagdurugo ng ilong Hindi

Pangkaraniwan

pangkalahatan

pagkawala ng gana kumain,

panghihina, pagkamagagalitin,

sakit ng ulo

Napaka

Karaniwan

lagnat, panankit ng lalamunan,

ubo, pananakit ng kalamnan,

panginginig

Karaniwan

pantal, allergy Hindi

Pangkaraniwan

Malala Pangkalahatan

Malalang reaksyon sa allery (hal.

pamamaga ng mukha at dila,

pangangapos ng paghinga),

Napakadalang

Page 9: Pagbabakuna para sa Panapanahong trangkaso

9

Guillain-Barre Syndrome

Napaka Karaniwan (≥1/10 subjects)

Karaniwan (≥1/100 hanggang <1/10 subjects)

Hindi Pangkaraniwan (≥1/1,000 hanggang <1/100 subjects)

Madalang (≥1/10,000 hanggang <1/1,000 subjects)

Napakadalang (<1/10,000 subjects)

Para sa LAIV, ang mga kabataan o matatandang may edad sa pagitan ng 2 at 17 taon

ay hindi dapat uminom ng kahit na anong gamot na may sangkap na aspirin o

salicylates, sa pinakamababang 4 na linggo pagkatapos ng pagbabakuna, dahil sa

peligro ng pagkakaroon ng malalang sakit sa utak na tinatawag na “Reye’s Syndrome”.

Reaksyon sa Allergy

Protina ng itlog (Ovalbumin): Ang paggawa ng bakuna sa trangkaso mula sa proseso

batay sa itlog ay matagal nang ginagawa sa mahigit ng 70 taon. Ang kapakinabangan

sa paggamit ng mga semilya ng itlog sa paggawa ng bakuna para sa napapanahong

trangkaso ay ang pagiingat at pagiging epektibo ng bakunang nagawa ngmahusay ay

matagal nang napatunayan. Subalit para sa may mga allergy sa itlog, ipinapayo na

makipag usap sa kanilang mga doktor bago ang pagbabakuna. May mababang lebel na

natitirang protina ng itlog ang maaari pa ring makita sa bakuna na maaaring makapag

bigay ng hypersensitivity. Gayunman, ang mga natitirang bilang ay sobrang baba at

madalas na hindi napapansin. Ipaalam sa doktor kung kayo ay mayroong allergy sa itlog.

Thiomersal at Aluminum Salts

Ang Thiomersal ay isang kemikal sa pag-iimbak na nakabase sa mercury, na karaniwang

idinadagdag sa mga bakuna na may maraming dosis. Kinokonsidera ng WHO ang

patunay na mariing sumusuporta sa paggamit ng thiomersal sa bakuna at walang

katunayan na nagsasabing posibleng delikado sa kalusugan ang dami ng thiomersal na

kasalukuyang ginagamit sa bakuna. Gayunman, ang thiomersal ay hindi idinadagdag sa

bakuna na pang isahang gamit lamang, o sa live-attenuated na bakuna. Ang Aluminum

salts ay ginagamit bilang katulong sa ilang bakuna. Ang bakuna para sa pana panahong

trangkaso ay kasalukuyang ibinebenta sa Hong Kong para sa isang gamitan lamang

kung saan ay hindi naglalaman ng thiomersal at aluminium.

Pangkalahatang Payo

Sundin ang mga nakatalang ng araw para sa bakuna ayon sa payo ng doktor.

Ipinapayong tumanggap ng bakuna bago ang panahon ng trangkaso bawat taon.

Page 10: Pagbabakuna para sa Panapanahong trangkaso

10

Upang maiwasan ang trangkaso, bukod sa pagbabakuna, mabuti nang panatiliin ang

personal na kalinisan. Maghugas o maglinis ng mga kamay ng madalas, lalo na bago

hipuin ang bibig, ilong o mata; o pagkatapos humipo sa ibabaw ng mga pampublikong

kagamitan (tulad ng hawakan ng pintuan at handrails). Maghugas ng kamay gamit ang

sabon at tubig hangga’t maaari. Kung ang mga kamay ay hindi naman nadumihan ng

sobra, ang paglilinis gamit ang 70-80% alcohol ay isang mahusay na alternatibo.

Panatilihin ang magandang bentilasyon sa loob. Kung ang trangkaso ay laganap,

iwasang magpunta sa mga matatao o hindi magagandang bentilasyon ng mga

pampublikong lugar; ang mga taong may mataas ang tyansang mahawa ay maaaring

magsuot ng surgical mask habang nananatili sa lugar. Panatiliin ang balanseng pagkain,

regular na ehersisyo, sapat na pahinga, huwag manigarilyo at iwasan ang sobrang

stress.

Bilang konsiderasyon sa iba, takpan ang ilong at bibig kapag babahing o uubo at itapon

ang mga gamit ng tisyu ng maayos sa isang may takip na basurahan. Maglagay ng

surgical mask kung may namumuong mga sintomas ng sakit sa paghinga.

Bukod sa trangkaso, mayroon ding mga sakit na parang trangkaso (ILI) na naipapasa.

Tandaan na humingi ng payong medikal para sa tamang paggagamot. Ang mga

karagdagang detalye sa trangkaso at iba pang babasahin ay maaaring makita sa

website ng Centre for Health Protection.

Pakikipag usap sa inyong mga Doktor

Sabihin sa inyong mga doctor kung kayo ay may lagnat o may naging impeksyon. Para

dito, ipinapayong maghintay hanggang ikaw ay tuluyang gumaling sa iyong

karamdaman.

May mga kasong maaaring ikaw ay allergic sa ilang sangkap. Ipakita sa doktor ang

pangalan ng sangkap kung saan ka may allergy para malaman kung ikaw ay maaring

tumanggap ng bakuna o hindi.

Para sa IV injection, makipag usap sa doktor kung ikaw ay may problema sa pagdurugo

o umiinom ng gamot para sa pagpapanipis ng dugo dahil sa peligro ng pagdurugo sa

lugar ng injection sa laman.

Page 11: Pagbabakuna para sa Panapanahong trangkaso

11

Para sa LAIV na ini-spray sa ilong, sabihin sa doktor kung ikaw ay nakaramdam ng

pagkahingal kamakailan o mayroong karanasan sa hika; ipaalam rin sa doktor kung

ikaw ay may hindi gumagaling na sakit (tulad ng diabetes,sakit sa puso,o problema sa

baga; o may mahinang panganagatawan.)

Maging maingat kung ikaw kasalukuyang gumagamit ng ibang gamot (hal. aspirin,

salicylates, o iba pang antiviral na gamot). Sa mga bata (may edad sa pagitan ng 2 na

taon at 17 na taon) na gumagamit ng aspirin o salicylate-containing therapy habang

tumatanggap ng LAIV, maaaring magkaroong ng peligro sa kanila na magkaroon ng

seryosong sakit sa utak na tinatawag na Reye’s Syndrome. Sa kabilang banda, kung

ikaw o ang iyong anak (sa kahit na anong edad) ay umiinom ng antiviral drugs (hal.

oseltamivir at zanamivir) habang tumatanggap ng LAIV, ang pagiging epektibo ng ng

LAIV ay hihina; dahil ang mga antivirals ay maaaring kumilos laban sa attenuated

viruses sa inyong katawan sa pagsasanay para sa immune response. Samakatwid, bago

tumanggap ng bakuna, pinapayuhang makipag usap muna sa inyong mga doktor para

sa anumang gamot na kasalukuyang iniinom.

Sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay buntis dahil hindi ka kwalipikado para sa LAIV.

Anyo at Porma ng Bakuna para sa Trangkaso

Ang bakuna ay produkto ng parmasyutiko na kinakailangang irehistro bago pa nila

maibenta o maipamahagi sa Hong Kong. Ang bawat tatak ay kinakailangang mayroong

numero ng rehistrasyon sa Hong Kong (i.e. HK-XXXXX (limang numero) na maaaring

masuri laban sa mga talaan ng rehistrasyon sa website ng Tanggapan ng gamot

(www.drugoffice.gov.hk). Ang bakuna para sa trangkaso ay gamot na nirereseta

lamang.

Ang IIV injection at ang LAIV na ini spray sa ilong ay ang dalawang uri ng bakuna na

kasalukuyang nakarehistro sa Hong Kong.

Ang IIV ay ipinakilala bilang liquid suspension na ginagamit para sa intramuscular

at/subcutaneous administration; kadalasan itong naglalaman ng isang dosis ng

pinunong heringgilya. Para sa IIV, mayroong parehas na bakuna para sa ang Trivalent

(na may dalawang uri ng trangkaso A at dalawang uri ng trangkaso B virus) ay mayroon

Para sa LAIV, ito ay ipinakilala bilang likidong gamot para sa administrasyon sa ilong; at

ito ay nakalagay sa isang dosis na pinunong sprayer. Sa HongKong, ang Quadrivalent

Page 12: Pagbabakuna para sa Panapanahong trangkaso

12

ng LAIV lamang ang mayroon.

Pag iimbak at Tagal ng Buhay

Parehong ang IIV at ang LAIV ay kinakailangang maimbak at maipadala sa refrigerated

na lugar na may temperature sa pagitan ng 2oC at 8oC

Ang IIV ay kadalasang may tagal ng buhay na isang taon; samantalang ang LAIV ay

mayroong tagal ng buhay na apat na buwan. Ang anumang bakuna na naimbak nang

labas sa temperatura sa taas ay hindi na dapat gamitin. Huwag pagyeluhin ang

anumang IIV o LAIV. Itapon ang mga bakuna kung sila ay nag yelo. Ang hindi maayos

na pag iimbak ay makakasira sa lakas ng bakuna.

Pagkilala: Pinasasalamatan ng Tanggapan ng Gamot ang Sentro para Kalusugan at Proteksyon (CHP) at ang Propesyonal na Pagunlad at Pagtiyak sa Kalidad (PD&QA) sa kanilang mahalagang kontribusyon para sa preparasyon ng artikulong ito.

Tanggapan ng Gamot Kagawaran ng Kalusugan Pebrero 2019