pag-aalaga ng broiler chicken

12
Pag-aalaga ng Broiler Chicken

Upload: mark-louis-magracia

Post on 26-Dec-2015

961 views

Category:

Documents


50 download

DESCRIPTION

epp 5pag-aalaga ng broiler chickenelementary agricultureea

TRANSCRIPT

Page 1: Pag-Aalaga Ng Broiler Chicken

Pag-aalaga ng Broiler Chicken

Page 2: Pag-Aalaga Ng Broiler Chicken

Ang pag- aalaga ng manok na broiler ay mainam na pagkakakitaan ng sinuman dahil ito'y madaling alagaan at maaring maipagbili agad sa loob ng 6 hanggang 7 linggo lamang.

Para sa mahusay na pamamaraan ng pag- aalaga ng manok na broiler, sundin ang mga wastong paraan ng mabuting lahi, pamamahala at pagpapakain, paggawa ng kulungan, at pangangalaga laban sa sakit, peste, at parasito na tinatalakay sa babasahing ito.

Page 3: Pag-Aalaga Ng Broiler Chicken

Ang Aalagaang Lahi

Bilihin ang sisiw sa establisado o may pangalan papisaan ( hatchery) o mapagkakatiwalaang tindahan.

1. Piliin ang malulusog, mabilis lumaki at masisiglang sisiw2. Ang bawat sisiw ay dapat na tumimbang ng 33 gramo sa edad na isang araw.

Page 4: Pag-Aalaga Ng Broiler Chicken

Mga Rekomendadong lahi ng Broiler

Arbor Acres, Cobb Clor Sex Broiler Chicks, Goto White Rock broiler Chicks, Indian River Broiler Chicks, Lohman, Peterson, Piltch - Dekalb Broliler Chicks, and Starbro 15

Page 5: Pag-Aalaga Ng Broiler Chicken

Ang Kulungan

1. Piliin ang lugar na buhaghag ang lupa, medyo nakahilig at di tinitigilan ng tubig.2. Mainam din ang lugar na mayroong punong makipagbibigay lilim sa kulungan lalo na sa tag- araw. Kailangang may lagusan ng sariwang hangin sa kulunagan upang hindi ito mag amoy umido.3. Gumamit ng lokal at hindi mamahaling materyales sa paggawa ng kulungan katulad ng kawayan, nipa, buho, punong niyog at yantok.4. Kailangang may wastong laki ang kulungan para sa dami ng aalagaang manok upang madaling masugpo ang sakit, peste, at parasito. Kapag masikip ang kulungan, magtutukaan ang mag sisiw, hindi makakakain ng husto ang mahihinang sisiw.

Page 6: Pag-Aalaga Ng Broiler Chicken

4.1 Kinakailangang luwang na dapat ipataan para sa bawa't sisiw:a. Isang araw haggang 4 na linggong gulang na sisiw, 15 sentimetrong

parisukat para sa bawa't sisiw.b. Apat hanggang 7 linggong gulang, 20 sentimetrong parisukat sa

bawat sisiw.

5. Pangalagaan ang mga manok laban sa labis na lamig at init. Gawaan ng pansamantalang kurtina (sako) bilang panangga sa malakas na hangin at matinding sikat ng araw.

6. Mga kagamitan sa Kulungan6.1 Patukaan - Maglagay ng patukaan sa loob o harap ng kulungan ayon sa uri ng pabahay. Maaaring gumawa ng patukaan na tabla, yero, o kawayan na biyak pahaba. Dapat ito'y husto sa sukat at apat na pulgadang lalim upang hindi matapunan ng anumang pagkain na ilalagay.6.2 Painuman - Mag- lagay ng sapat na dami ng painuman sa kulungan. Tiyaking hindi ito nakasayad o nakalapag sa lupa. Panatiliin itong malinis

Page 7: Pag-Aalaga Ng Broiler Chicken

7. Maglagay ng ilaw sa kulungan upang mapanatili ang angkop na temperatura para sa bawa't sisiw. Ikabit ito ng may 25 sentimetro ang taan mula sa sahig ng kulungan ay may isang metro ang lahi kada ilaw.

Dami ng sisiw Klaseng Ilaw Bilang ng Ilaw 25 25 watts na bombilya 1 50 50 wats na bombilya 1 100 50 watts na bombilya 3100 lampara 3

Maaaring alisin ang ilaw pagkatapos ng apat ng linggo

Page 8: Pag-Aalaga Ng Broiler Chicken

Pagpapakain at Pamamahala ng Manok

Bigyan ng mahusay na pagkain ang mga sisiw ng mga protina, karbohaydreyts, bitamina at mineral. Sundin ang sumusunod na dami - angkop sa 25 na manok

Edad ng Manok Klase ng Patuka Dami

Isang linggo Chicks Booster 1 tasa Dalawang linggo Broiler Starter 3 tasa Ikatlong linggo Broiler Starter 4.5 tasa Ikaapat na linggo Broiler Starter 7 tasa Ikalimang linggo Broiler Finisher 9 tasa Ikaanim na linggo Broiler Finisher 10.5 tasa Ikapitong na linggo Broiler Finisher 12 tasa

Maaring ipakain ng tuyo o basa nag patuka. Pakainin ng tatlo hanggang apat na beses sa isang araw ang mga manok.

Page 9: Pag-Aalaga Ng Broiler Chicken

Pagkontrol sa mga Parasito, Peste at Sakit

1. Gawin ang pagdidisimpekta ng kulungan at gamit sa tuwing matapos itong linisin. Kung may lumalaganap na peste o sakit, gawing madalas ang pagdidisimpekta.1.a. Kung gagamit ng komersyal na pang -disimpekta, sundin ang tagubuilin sa etiketa.1.b. Maari ding gumamit ng 3 porsiyento ng solusyon ng lihiya. Ihalo ang dalawang onsang lihiya sa 5 galong mainit na tubig. Isaboy sa kulungan at mga gamit upang mamatay ang mga mikrobyo.

2. Kuto sa Manok - puksain ang mga ito sa pamamagitan ng komersyal na "sodium floride". Maari itong ipulbos sa manok o kaya'y ihalo sa tubig at ipaligo sa mga manok.

3. Hanip sa mga Manok - Bombahin ng " carbolineum" o pinaghalong langis, krudo at gaas ang loob ng kulungan. Ilagay sa tubig ang tira at ipaligo sa mga manok.

Page 10: Pag-Aalaga Ng Broiler Chicken

4. Bulate sa Manok - purgahin ang mga manok. Gumamit ng komersyal na gamot katulad ng Latigo FS Powder, Latigo Tablet, Loxon Premix, Piperex Power, PPT Tablet, Ridol Powder, Robirox Concentrate Powder, at Uvilon. Sundin ang tagubilin sa etiketa.

Karaniwang Sakit ng Manok

1. Avian Pest - Sanhi ng malakas makahawang virus na ikinamamatay ng mga manok. Hanggang ngayon ay wala pang natutuklasang mabisang gamot na makapagpapagaling sa sakit na ito.

2. Pegion Fox - Malakas makahawang sakit na kalimitang dumadapo sa mga bata pang manok. Marami ang namamatay dito.

3. Coccidiosis - Sanhi ng mikrobyong makikita lamang sa mikroskopyo na matatagpuan sa bituka na nagiging dahilan ng pagkukurso ng manok na wala pang 2 buwan ang gulang.

Page 11: Pag-Aalaga Ng Broiler Chicken

4. Roup of Infectious coryza (sipon) - Sakit sa baga na malakas makahawa dala ng hangin o kuntamonadong pagkain o inumin. Ihiwalay kaagad ang mga may sakit at panatiliing malinis ang kulungan. Bigyan sila ng " broad spectrum antibiotics" at "sulfa preparation".

5. Fowl Cholera - malakas na makahawang sakit na pagkukurso. Bigla ang pagkamatay ng mga manok dahil wala itong palatandaan sa simula.

6.Avian Leuokosis - Sanhi ng virus at kalimitang dumadayo sa mga maitluging manok lalo na sa mag purong lahi o yaong mga galing sa ibang bansa. Namamaga ang mga lamang- loob ng manok.

7. Botulism o Limber Neck - Pagkalason ng mga manok dahil sa pagkain ng bulok na lamang ng patay na hayop, bulok na gulay, at pagkaing de-lata.

Page 12: Pag-Aalaga Ng Broiler Chicken

Talaan ng Pagbabakuna na Itinatagubilin ng Kawanihan ng Paghahayupan (BAI)

Avian Pest Vaccine( Intranasal Drop Method) - Isang araw hanggang isang linggong gulang na sisiw.

Pegion Fox Vaccine - Isang buwang gulang

Roup Vaccine - Dalawang buwang gulang