pabula

3
Luha ng Buaya Noong unang panahon may isang buwayang nagngangalang Lacoste ang naninnirahan sa isang pampang ng Ilog Luha. Mabagsik, malakas kumain at ubod ng sama ng ugali ang buwaya. Kahit sinong hayop ang makita niya, ay kaniyang kinakain kung kaya’t hindi makalapit ang mga ito. Isang araw habang nagpapahinga ang buwaya, may dalawang kambing na nagngangalang Kiko at Miyo, ang naligaw malapit sa Ilog Luha. Gutom na gutom at uhaw na uhaw ang mga ito. “Miyo, nasaan na tayo? Mukhang naligaw tayo?” sabi ni Kiko. “Oo nga Kiko. Hindi ito ang daan pauwi sa ating tirahan, Gutom na gutom at uhaw na uhaw na ko.” sagot ni Miyo. “Ako din Miyo. May Ilog akong natatanaw. Halika puntahan natin.” sabi ni Kiko. Agad na nagpunta ang dalawa sa may Ilog. Uminom ng maraming tubig ang dalawa hanggang sa mapawi ang kanilang uhaw. Maya- maya’s lumabas at lumapit ang buwaya. “Sino kayo? Anong ginagawa niyo sa teritoryo ko? Wala kayong karapatan pumunta at uminom dito.”, galit na isinigaw ng buwaya.

Upload: shiean06

Post on 11-Apr-2016

128 views

Category:

Documents


1 download

DESCRIPTION

pabula

TRANSCRIPT

Page 1: Pabula

Luha ng Buaya

Noong unang panahon may isang buwayang nagngangalang Lacoste ang naninnirahan sa isang pampang ng Ilog Luha. Mabagsik, malakas kumain at ubod ng sama ng ugali ang buwaya. Kahit sinong hayop ang makita niya, ay kaniyang kinakain kung kaya’t hindi makalapit ang mga ito.

Isang araw habang nagpapahinga ang buwaya, may dalawang kambing na nagngangalang Kiko at Miyo, ang naligaw malapit sa Ilog Luha. Gutom na gutom at uhaw na uhaw ang mga ito.

“Miyo, nasaan na tayo? Mukhang naligaw tayo?” sabi ni Kiko.

“Oo nga Kiko. Hindi ito ang daan pauwi sa ating tirahan, Gutom na gutom at uhaw na uhaw na ko.” sagot ni Miyo.

“Ako din Miyo. May Ilog akong natatanaw. Halika puntahan natin.” sabi ni Kiko.

Agad na nagpunta ang dalawa sa may Ilog. Uminom ng maraming tubig ang dalawa hanggang sa mapawi ang kanilang uhaw. Maya-maya’s lumabas at lumapit ang buwaya.

“Sino kayo? Anong ginagawa niyo sa teritoryo ko? Wala kayong karapatan pumunta at uminom dito.”, galit na isinigaw ng buwaya.

Pasensiya ka na buwaya, hindi namin nais guluhin ka. Kami ay naligaw. Nais lang namin uminom ng tubig dahil kanina pa kaming uhaw na uhaw. Maaari bang makahingi kahit kakaunting pagkain lamang?”, pagmamakaawa ng dalawang kambing.

“Hindi maaari. Umalis na kayo kung ayaw niyong kainin ko kayo!” sigaw ng buwaya.

“Maawa ka na buwaya, gutom at uhaw na kami.” Sabi ni Kiko.

Page 2: Pabula

Hindi tinulungan ng buwaya ang dalawang kambing bagkus sila’y kaniyang kinain. Kahit na dalawang kambing na ang kaniyang nakain, tila ito’y gutom pa rin.

Noong araw din iyon , may isang ibong nagngangalang Sina ang napadpad sa Ilog Luha. Lingid sa kaalaman ni Lacoste, na nakita pala ni Sina ang kaniyang ginawa. Awang-awa ang ibon sa dalawang kambing.

Dahil sa takot ng ibon na siya ay kainin, kinausap niya ito habang siya ay nasa itaas.

“Ikaw na buwaya, bakit mo kinain ang dalawang kambing? Hindi mo ba alam na masama ang iyong ginawa? Mahigpit na ipinagbabawal ang pagkain ng kapwa-hayop? Isusumbong kita sa kina-uukulan para ikaw ay maparusahan!, “ sigaw ng ibon.

“Naku, ibong Sina, maawa ka sa akin. Ipinapangako ko, hindi ko na uulitin. Nagsisisi na ako sa aking ginawa. Simula ngayon ay magpapakabait na ko. Hindi na ako magiging mabagsik at malupit sa kahit na sino,” pagsusumamo ng buwaya na may kasamang pag-iyak.

“Ano ang kailangan kong gawin para ikaw ay maniwala?” dagdag ni Lacoste.

“Tamang tamang Lacoste, ako ay napagod sa paglipad. Kung totoong nagsisisi ka, bigyan mo ako ng pagkain at hayaan mo akong makainom ng tubig.” Wika ng ibon.

“Halika, heto ang pagkain at tubig.” Sabi ng buwaya.

Ngunit hindi alam ng ibon na nagkukunwari lang ang buwaya. Sinabi lang niya ito para lumapit ang ibon at ito’y kaniyang makain. Agad lumapit ang ibon sa pag-aakalang totoo ang sinasabi ng buwaya.

Nang lumapit ang ibon ay muntik na siyang makain. Mabilis na nakalipad ang ibon at ito’y nagsumbong sa kinauukulan. Pinarusahan ang buwaya sa kaniyang ginawa. Simula noon ay nagpakabait na ang buwaya at totoong nagsisisi sa kaniyang mga nagawa.

Aral:

Page 3: Pabula

Huwag basta basta magtitiwala sa kapwa lalong lalo na kung ibabatay sa panlabas na kaanyuan ng isang tao. Ang panloloko at ang pagiging sakim ay kasalanan sa Diyos kaya’t huwag g gawin ito kung ayaw mong magsisi sa bandang huli. Matuto tayong magbigay sa kapwa at laging tandaan na ang kasalanan na pinagsisihan ay may kaakibat na kaparusahan.