opinyong legal august 31

9
JP: Kayo po ay nakikinig pa rin sa DWAL-FM 95.9 Radyo Totoo sa Batangas. Muli po ay sumasainyo ang programang Opinyong Legal, kapiling pa rin po ninyo ang inyong mga katiwala mula sa University of Batangas College of Law. Makakasama po ninyo ngayong hapon ang inyong lingkod, Katiwalang JP at ang ating Katiwalang Tala. Magandang hapon, Tala. Tala: Magandang hapon din naman sa iyo, Katiwalang JP. Magandang hapon sa lahat ng ating mga taga-pakinig. JP: Tala, sa hapong ito ay patuloy pa rin nating tatalakayin ang mga batas at isyu na tumutungkol sa ating mga kapatid na manggagawa. At partikular nga, nais nating talakayin ngayon ang mga karapatan ng ating mga OFW, lalong-lalo na ang napaka-init na isyu tungkol sa mga balik-bayan boxes. Tala: Tama ka dyan Katiwalang JP, talaga ngang napa-kontrobesyal at napapanahon ang isyu tungkol diyan sa mga balik-bayan boxes na iyan. Nagkalat nga sa mga balita, lalong-lalo na sa social media ang mga hinaing ng ating mga kababayang OFW tungkol sa diumanoy pangbubulat-lat at pag-nanakaw ng mga laman ng mga padala ng mga taga-Bureau of Customs JP: Dagdag pa nga sa isyung iyan ay ang di-umanoy pagpapataw ng buwis sa mga laman ng mga balikbayan boxes na talagang lalong nagpatindi ng galit ng mga OFWs at ng kanilang mga kamag-anak. Kaya nga ngayon ay tatalakayin natin kung ano ba talaga ang prosesong dapat daanan ng mga balik-bayan boxes bago sila makarating mula sa ibang bansa hanggang sa kamay ng mga nangungulilang kamag-anak ng mga OFW dito sa Pilipinas. Tala: Bukod diyan ay tatalakayin din natin ang napapabalitang pagpapataw ng 35% na buwis sa mga remittances ng mgakababayan nating OFW. Pero, Katiwalang JP, sa aking palagay ay dapat unahin nating talakayin ang tungkol sa pag-papataw ng buwis sa mga padala. Bali-balita na papatawan ng buwis ang mga laman ng mga balik-bayan boxes at na ang pasimuno nito ay ang Bureau of Customs.

Upload: juan-paolo-ramos-datinguinoo

Post on 13-Dec-2015

234 views

Category:

Documents


10 download

TRANSCRIPT

Page 1: Opinyong Legal August 31

JP: Kayo po ay nakikinig pa rin sa DWAL-FM 95.9 Radyo Totoo sa Batangas. Muli po ay sumasainyo ang programang Opinyong Legal, kapiling pa rin po ninyo ang inyong mga katiwala mula sa University of Batangas College of Law. Makakasama po ninyo ngayong hapon ang inyong lingkod, Katiwalang JP at ang ating Katiwalang Tala. Magandang hapon, Tala.

Tala: Magandang hapon din naman sa iyo, Katiwalang JP. Magandang hapon sa lahat ng ating mga taga-pakinig.

JP: Tala, sa hapong ito ay patuloy pa rin nating tatalakayin ang mga batas at isyu na tumutungkol sa ating mga kapatid na manggagawa. At partikular nga, nais nating talakayin ngayon ang mga karapatan ng ating mga OFW, lalong-lalo na ang napaka-init na isyu tungkol sa mga balik-bayan boxes.

Tala: Tama ka dyan Katiwalang JP, talaga ngang napa-kontrobesyal at napapanahon ang isyu tungkol diyan sa mga balik-bayan boxes na iyan. Nagkalat nga sa mga balita, lalong-lalo na sa social media ang mga hinaing ng ating mga kababayang OFW tungkol sa diumanoy pangbubulat-lat at pag-nanakaw ng mga laman ng mga padala ng mga taga-Bureau of Customs

JP: Dagdag pa nga sa isyung iyan ay ang di-umanoy pagpapataw ng buwis sa mga laman ng mga balikbayan boxes na talagang lalong nagpatindi ng galit ng mga OFWs at ng kanilang mga kamag-anak. Kaya nga ngayon ay tatalakayin natin kung ano ba talaga ang prosesong dapat daanan ng mga balik-bayan boxes bago sila makarating mula sa ibang bansa hanggang sa kamay ng mga nangungulilang kamag-anak ng mga OFW dito sa Pilipinas.

Tala: Bukod diyan ay tatalakayin din natin ang napapabalitang pagpapataw ng 35% na buwis sa mga remittances ng mgakababayan nating OFW. Pero, Katiwalang JP, sa aking palagay ay dapat unahin nating talakayin ang tungkol sa pag-papataw ng buwis sa mga padala. Bali-balita na papatawan ng buwis ang mga laman ng mga balik-bayan boxes at na ang pasimuno nito ay ang Bureau of Customs.

JP: Siya nga Katiwalang Tala. Una po, mahal naming mga taga-pakining, hindi po totoo ang balitang itataas ng Customs ang buwis dahil ang pag se-set po ng kung gaanong rate ng buwis ang babayaran ng may ari ng imported items galing sa ibang bansa ay trabaho ng Kongreso. Ang trabaho lang po ng Customs ay magkwenta at mangolekta ng buwis.

Tala: Tama ka riyan Katiwalang JP, at nais kong idagdag na sa katotohan nga, lahat ng mga rates ng buwis ng mga imported items ay ibinababa na ng gobyerno alinsunod sa ating commitment dito sa tinatawag na ASEAN Integration. Ang talagang gustong gawin ng mga taga-Customs ay mangolekta ng tamang buwis na siyang nakasaad sa batas. Kasi nga Katiwalang JP, batay sa pahayag ng Customs, hindi nila nakokolekta ng maayos ang narararapat ng buwis mula sa mga padala ng ating mga kababayan sa kadahilanang hindi maayos na naiideklara ng mga nagpapadala kung ano ang mga laman ng mga balikbayan boxes.

Page 2: Opinyong Legal August 31

JP: Hmm. Mahalaga talaga yang mai-deklara ng maayos ang mga lamang mga padala at higit sa lahat pati na rin kung magkano ang halaga ng mga laman ng kahon.

Tala: Naku, napaka-halaga talaga JP. Ganito kasi sa Customs, meron silang tinatawag na ASEAN Harmonized Tariff Nomenclature. Ito yung libro na siyang listahan ng kung anong mga item na posibleng ipadala at kung magkano ang karampatan nyang rate of duty. Kaya bawat isang uri ng gamit na ipinapadala may kanyang buwis. Hindi sya gaya ng VAT halimbawa ng “Oh, lahat ng bibilhin mo papatawan nating ng 12% tax”, sa tax sa imported items, iba’t-iba. Kaya kailangang-kailangang ilista ng maayos ng mga nagpapadala kung anong laman ng kahon, kasi kapag nga napiling i-random check ng Customs ang isang padala, tapos may nakita silang gamit na hindi naman kasali sa listahan ng mga laman, ito ay talagang kukuhanin ng taga-customs dahil ituturing nila itong smuggled item.

JP: Ah, ganoon pala. Pero Katiwalang Tala, hindi ba’t ang atin namang mga OFW eh may tinatawag na exemption from payment of duty.

Tala: Tama ka rin naman Katiwalang JP.

JP: Di ba lahat ng balikbayan box, hangga’t ang value ng kanyang laman ay $500 o mas mababa pa, hindi kailangang magbayad ng buwis ng nagpadala.

Tala: Tama, tama.

JP: Pero po, nais nating ipaalala sa ating mga kababayan na bukod sa value, kailangan din tandaan na kung magpapadala ng mga gamit, dapat tig-kakaunti lamang o ang tinatawag ng taga-Customs na “not in commercial quantity”. Ang pinapayagan lang po, ayon sa batas ay tig-lalabing dalawang piraso kada uri ng gamit. Halimbawa, 12 na de lata, 12 na toothpaste, 12 na sabon, 12 na shampoo at 12 na lotion.

Tala: Eh pano Katiwalang JP kapag ang de lata na gusto kong ipadala eh may corned beef, may meatloaf, tapos may Vienna sausage pa.

JP: Basta tig-12 lang kada uri.

Tala: Pano kung may sweet and spicy flavour, tapos may may smoked barbeque flavour.

JP: Basta tig-12 lang. Pero ito ang iniiwasan ng batas eh, yung mukhang ipagtitinda dito sa Pilipinas ang mga padala. Kasi dapat konti lang kasi dapat for personal consumption lamang ng mga pinadalhan.

Tala: At Katiwalang JP, iba ang treatment sa damit. Ito naman eh kada uri dapat eh 3 yards lang. At isa pa, sa mga electronics at appliances na ipadala sa pamamagitang ng balik-bayan boxes ay talagang bawal, mapwera ang nakapangalan na padadalhan eh etong mismong OFW.

JP: Anong ibig mong sabihin Katiwalang Tala

Page 3: Opinyong Legal August 31

Tala: Ibig sabihin po nito halimbawa ako eh OFW, nagpadala ako ng appliances, halimbawa ngayong araw na ito. Pwedeng ang nakapangalan sa kung sino ang pinapadalahan eh ako din. Mangyayari ito kung ako eh pauwi na rin sa Pilipinas. Kasi syempre, matagal ang byahe sa barko kesa sa eroplano, at isa pa ang mga barkong sinasakyan ng mga padala, kung saan-saan pa nadaung yan bago pa makarating dito kaya malimit, nauuna pang umuwi ang OFW kesa sa pinadala nila.

JP: Eh bakit hindi pa sa eroplano ipasakay para mabilis.

Tala: Malaking kamahalan Katiwalang JP.

JP: Hmm. Katiwalang Tala, nabanggit mo kanina na dapat ang value ng padala eh $ 500 and below, nalilito lang ako, ano pa itong sinasabing duty free exemption ng OFW kung ang value ng imported article eh P 10,000

Tala: Eto naman ay pribilehiyo para sa mga OFW na umuuwi mismo dito sa Pilipinas. Kapag may mga dala kang gamit na ginamit mo din nung nanirahan ka sa abroad, pagdating mo sa airport, bago ka bumaba ng eroplano ipapadeklara din ng mga taga-Customs kung anong mga dala-dala mo. Ngayon ang tawag naman dito eh personal and household effects. Dapat para di ka magbayad ng buwis, 10,000 ang declared value mo. Kapag lumabis dito, papatawan nang 50% tax yung halagang kalabisan sa 10,000.

Bukod dito, ang mga OFW ay pinapayagan ding magdala ng mga USED appliances. Pero isang piraso lang kada uri at dapat eh P 10,000 din lang ang value. Yung amount na labis sa P 10,000 eh papatawan ng karampatang buwis batay sa kung ano talagang rate of duty nung appliance sa Tariff Code.

JP: Ah ganoon pala. Sana ay naliwanagan din ang ating mga tagapakinig. Sa dako pong ito ay tayo ay magkakaroon muna ng maikling break. Sa pagbabalik po naming ay tatalakayin naman natin ang tungkol sa diumanoy buwis na ipapataw sa remittances ng mga OFW

Tala: Kung meron po kayong mga katanungan ay maari po kayong tumawag sa ating hotline sa 723 0911. Muli po kaming magbabalik

BREAK

JP: Ngayon naman po ay tatalakayin natin ang tungkol sa nababalitang pagpapataw ng buwis sa remittances ng mga OFWs

Tala: Kumakalat din nga Katiwalang JP sa social media sites na papatawan daw ng BIR ang mga padalang pera ng mga OFW sa kanilang mga pamilya ng halagang 35% ng padala.

JP: Bago pa man tayo lumayo eh ito po ay pinabulaanan ng ng Commissioner ng Bureau of Internal Revenue na si Commissioner Kim Henares. Wala pong ganitong polisiya o kahit balak man lang ang ating gobyerno.

Page 4: Opinyong Legal August 31

Tala: Tama, at nakikiusap po ang BIR na huwag ng magpakalat ng ganitong mga balita sapagkat diumano ay ginagatungan lamang ng mga ganitong pahayag ang galit ng ating mga kababayan

JP: Sa atin pong mga tagapakinig, siguro po ay nagtataka po ang ilan sa inyo kung bakit minsan eh kulang na yung dumadating ng pera kumpara sa abiso ng inyong mga kamag-anak. Ang kaltas pong nawawala ay marahil binabawas ng bangko bilang kabayaran para sa bank charges. Ito po yung halagang nagsisilbing service charge para sa pag-gamit sa bangko bilang padalahan.

Tala: Pero kung papansinin natin, siguro may ilang magsasabi na, “Bakit parang ang daya naman? Bakit hindi magbabayad ng income tax ang mga OFW eh sila nga itong mga malalaki ang sweldo sa ibang bansa?”

JP: Alam mo Katiwalang Tala, sa totoo nyan ang atin mga kababayan ay nagbabayad naman ng buwis doon sa bansang kanilang pinagta-trabahuhan. Kaya sila hindi na sinisingilan ng buwis dito ay dahil kung sakaling sila ay sisingilan, magkakaroon ng tinatawag na double taxation at ito ay labag sa batas.

Tala: Tama naman nga. Kasi kaawa-awa naman sila kung sila ay mado-doblehan ng pagbabayad ng buwis. Para tuloy wala na silang ipinagtrabaho kundi ang gobyerno

JP: Kaya nga, para tuloy masasayang lamang ang pag-alis nila sa bansa kung ang sweldo naman nila ay di naman lamang nila matitikman.

Tala: Ngayon naman po ay dadako tayo sa mga katanungan ng ating mga tagapakinig.

JP: Una pong katanungan:

Hindi ga po dapat ay dun pa lang sa pinanggalingang bansa ay na-inspect na agad ang mga padala para hindi na kung kailang dumating ay saka bubulatlatin ng mga taga Customs?

Tala:

- Nais ko pong ipaliwanag na ang ganito kung paano ang ginagawa sa ating mga padala. Ganito po kasi yan, halimbawa si OFW A ay may padala, mayroon syang isang balikbayan box. Ito ay ipapadala nya gamit ang isang freight forwarder. Halimbawa nito yang FedEx, yang DHL, ganyan. Ngayon, lahat ng mga ipinapadalang balikbayan boxes, pinagsasama-sama yan nitong mga freight forwarder, ikino-consolidate ang tawag. At lahat sila ay isinasakay dito sa mga tinatwag na container, yung mga hila-hila ng mga truck. Itong mga container na ito ang isinasakay sa barko kasi hindi pwedeng isakay isa-isa at hiwa-hiwalay ang mga balik-bayan boxes kasi mababasa sila.

Pagdating po ngayon ng barko sa Pilipinas, kailangang idaan sila sa Customs para kolektahan ng buwis, kung sila ay dapat kolektahan, pero kung exempted naman talaga, makakalabas din sila ng pier na di nagbabayad ng buwis. Ngayong po, sa

Page 5: Opinyong Legal August 31

proseso ng pagpapalabas mula sa pier, idinadaan po ang mga container sa X-ray machines. Kapag may nakitang kakaiba pagdaan sa x-ray, dun lamang po bubuksan ang container at lahat ng lamang mga balikbayan boxes, 100% nung isang container na may findings ay kailangang buksan.

Kaya po, hanggang wala namang nakikitang kahina-hinala sa container, di naman yan bubuksan ng Customs.

Ang problema lang kapag minamalas na nakasuno ng padala mo ang mga ipagbabawal na articles. Talagang mapepending sa Customs ang padala at may posibilidad pang samsamin ang mga laman.

Kaya po, kahit maayos ang inspeksyon ng isang balik-bayan box bago isakay sa container, kung may masasamang report ang Customs pagdating dito, eexaminin pa din po iyan.

JP: Pangalawa pong katanungan:

Ako po ay may ipinadalang balik-bayan box, ilang buwan na po ang nakakaraan, hindi pa rin dumadating. Saan ako pwedeng mag-habol? Nakauwi na ako’t lahat dito sa Pilipinas, sabi ko sa mga anak ko ipina-una ko na ang pasalubong ay ang nangyari ay nauna pa akong makarating.

- Para po ma-trace ninyo kung nasaan na ang inyong padala, pwede nyong i-check ang website ng inyong forwarder, muli po, ito yung inyong pinagpadalahan. Para magamit ninyo ang serbisyo ng electronic tracking, may mga kakailanganin kayong detalye ng inyong pagpapadala, kalimitan po eh dun nyo yun makikita sa resibong ibinibigay sa taong nagpadala.

- Isa pa po, maaari din ninyong ma-check kung ano nang status ng inyong padala sa Customs sa pamamagitan ng website ng Bureau of Customs. Ang kailangan lamang pong impormasyon ay ang inyong Bill of Lading Number. Muli po, itong Bill of Lading ay dun din nanggagaling sa inyong forwarder

Tala: Para po sa huling katanungan

Hindi po ba parang napakababa naman ng exemption na binigay ng batas para sa mga OFWs. Saan na lang nakarating ang $ 500 o P 10,000

- Sa totoo lang po, itong isyung ito ay napansin na din naman ng ating mga mambabatas, at maging ng Customs. Ang batas po tungkol dito sa ngayon ay nasulat pa noong 1974 at 1990. Syempre nagkaroon na ng inflation, bumaba ang palitan ng piso sa dolyar kaya talagang napakaliit na kung tutuusin ng exemption

JP: Tama ka dyan Katiwalang Tala, sa ngayon, dahil nga sa matinding atensyon ukol sa usaping ito ilang mambabatas na natin ang nagpanukalang itaas ang exemption. Kabilang na jan si Senator Ralph Recto. Ang proposal nya ay gawing $ 2,000 dollars na

Page 6: Opinyong Legal August 31

ang ma-exempt sa padala. Samantalang eto namang si Senator Sonny Angara ay gusto namang maitaas yung P 10,000 exemption para sa mga bagaheng dala-dala ng mga OFW hanggang P 150,000.

Tala: Sana nga ay mai-push itong mga panukalang ito Katiwalang JP, bilang pagbibigay pugay na din natin sa mga kababayan nating lumalayo para sa kanilang mga mahal sa buhay. Kaya lamang, hiling ko lang eh sana kasabay ng pagtaas ng exemption ay maitaas din ng Customs ang antas ng security measures nila sa mga pier. Kasi di malayong magpatuloy pa rin ang mga pang-aabuso ng masasamang loob sa pag-gamit nitong mga balik-bayan boxes para sa mga modus operandi nila sa pag-smuggle ng mga kontrabando gaya ng mga bigas, asukal, baril, bomba, illegal drugs, mga fake na gamot, double dead na karne at kung ano-ano pa.

JP: Sya nga Katiwalang Tala, sana nga itong mga proyektong kagaya nito na di maiiwasang makasakit sa maliliit na mamamayan ay magbunga naman ng maganda para sa kabutihan ng karamihan. Sana ang pag-iistrikto ng Customs at maging ng BIR sa mga padala ng ating mga OFW ay magawa din nila sa pag-iistrikto duon sa mga “big fish” ika nga, mga malalaking smugglers at mga haragang tax evaders.

Siguro ay magandang tapusin na natin ngayon ang ating talakayan para sa hapon na ito. Sana po ay nakatulong kaming masagot ang inyong mga katanungan.

Tala: Bago kami tuluyang mamaalam, inaanyayahan po namin kayong lumahok sa Run for the Bar marathon ng UB College of Law na gaganapin sa October 5, 2015. Ang starting point po ng nasabing marathon ay sa UB Lipa Campus, 5 am. Ang mga tickets po ay nagkakahalaga ng P 350 para sa 3K, P 400 para sa 5K, at P 450 para sa 10K.

Kung kayo po ay interesado mangyari lang pong tumawag sa 723 1446 loc. 107

Muli po, ito ang Opinyong Legal, at ito ang inyong Katiwalang Crystal, hanggang sa muli po ninyong pakikinig.

JP: Sumainyo pong muli ang himpilan ng katotohanan, DWAL-FM 95.9 Radyo Totoo sa Batangas, ito po muli ang inyong Katiwalang JP. Magandang hapon po sa ating lahat