ni catherine ascutia

4
5 HATID RAW NG BALIKATAN Exercises ang mga sagot sa mga hinaing ng mamamayan: tulong medikal, serbisyong panlipunan at batayang pangangailangan ng naghihikahos na mga pamilyang Bikolano. Pero para sa mga residente ng Barangay Balanac, wala nang lalayo pa sa katotohanan. Imbes na biyaya, bala ang pinaulan ng mga militar. Imbes na bigyan, buhay at kabuhayan pa ang kinuha. Naging makulimlim ang Pebrero 18 dahil sa perwisyong sumalanta sa barangay. Duguan na tumakbo sa ospital sina Jocelyn Polborido at ang umiiyak niyang mga anak. Naging abo naman ang simple ngunit pinaghirapang tahanan ni Eufemia Polborido na tinuluyan ng mag-iina. Binawian ng buhay ang isang taong gulang na sanggol - si Rafaela. Lahat ng kalunos- lunos na pangyayaring ito ay idinulot ng walang habas na pagpapaputok ng baril at pagpapalipad ng granada. Ayon kay Jocelyn, bandang alas onse ng umaga nang bigla silang nakarinig ng tatlong paisa-isang putok. Agad na kinuha ni Jocelyn ang mga anak na sina Daisy, Ina at Rafaela na naglalaro sa labas ng bahay. Sa takot na baka tamaan silang mag- anak, nagpasiyang lumikas ang mag-iina sa bahay ni Gloria Polborido, biyenan ni Jocelyn na may 100 metrong layo sa kinalalagyan nila. “Naisip ko, gasino man ang bahay na ito. Kung raratratin kami dito, wala kaming matataguan. Kaya umalis kami,” paliwanag ni Jocelyn. Nang makita ng kapitbahay nilang si Eufemia sina Jocelyn na nagmamadaling tumakbo, hinikayat niya itong pumasok muna sa loob ng bahay dahil sa naririnig pa niyang mga putok. Sabay na sana silang pupunta sa kanilang biyenan upang makisilong sa sementadong bahay nito. Ngunit wala pang isang minuto ng kanilang pagkapasok sa kusina, laking gulat ng magkakaanak ng biglang may sumabog sa bubong ng bahay at pinaliguan sila ng shrapnel. “Duguan na si Ate Jocelyn habang karga niya ang bunsong anak. Yung pangalawang anak niya, gumagapang binalikan ni Eufemia ang kaniyang bahay sa takot na masunog ito dahil sa bombang inihagis dito. “Yun na nga ang nangyari, lumiliyab na ang bahay ng nadatnan ko,” ani ni Eufemia. Pagkatapos bigyan ang mga duguang biktima ng mga tuwalya, agad-agaran silang pumunta sa mga kagawad ng barangay at humingi ng saklolo. Tanghali na nang madala sila sa Ligao District Hospital. Ayon sa nagluluksang ina, kahit na lumaban si Rafaela, kinabukasa’y pumanaw rin ito. “Maputla na talaga siya. Pero di nga siya umiyak. Para siyang manok na naghihingalo na. Sige na lang ang piling-piling niya. Maputlang maputla na talaga siya. Awang awa ako sa anak ko,” kwento ni Jocelyn. Hindi lamang ang pamilyang Polborido ang naging biktima sa nangyari. Saksi ang kapitbahay na si Rose Dalma sa pagdaan ng mga militar sa nasabing erya. Dalawang oras pagkatapos niyang makita ang mga sundalo, saka nila narinig ang sunod-sunod na putukan. Nahimatay ang limang taong gulang niyang anak na si Roderick at umiyak naman ang bunsong babae sa sobrang takot. Napilitan silang magtago sa butas na nilulutuan ng kopra upang huwag matamaan ng bala. Isinaad ng ulat ng KARAPATAN – Bikol na tinatayang aabot sa 200 libong piso ang halaga ng ari-ariang natupok at tatlong libong pisong salapi ang natupok ng apoy. Mas matindi pa sa perang nasayang ay ang kamatayan ni Rafaela at ang takot na idinulot ng pangyayari sa mga biktima at sa buong barangay. Itinanggi ng mga militar na ang naging dagok sa pamilyang Polborido ay epekto ng kanilang clearing operations para sa pinagsanib na pagsasanay-militar. Iginiit ng 901st Infantry Brigade na nagkaroon raw ng engkwentro sa pagitan ng militar at New People’s Army (NPA). Pero ayon kay Jocelyn, walang NPA na dumaan sa kanilang lugar. “Ang alam ko lang, militar. Nandyan lang kina Victor Pedres.” Inilahad ni Kagawad Jeaneth Pedres, na. Grabeng dugo. Ganundin yung isa. Lahat kami may tama,” hikbi ni Eufemia habang ikinukwento ang nangyari. “Tapos naramdaman ko may dumadaloy na medyo mainit sa aking mukha. Dugo na pala yun.” “Di ko naramdaman ang mga tama ko dahil ang iniisip ko yung mga anak ko,” ani ni Jocelyn. Duguan na nga ang mga anak niya nang lumingon siya pagkatapos bumagsak ang granada. Dali-daling pinuntahan nina Eufemia ang bahay ng biyenan. Habang tinutulungan ni Gloria sina Jocelyn, Sundan sa pahina 5 ni Catherine Ascutia

Upload: others

Post on 31-Oct-2021

0 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: ni Catherine Ascutia

5

Hatid raw ng Balikatan Exercises ang mga sagot sa mga hinaing ng mamamayan: tulong medikal, serbisyong panlipunan at batayang pangangailangan ng naghihikahos na mga pamilyang Bikolano. Pero para sa mga residente ng Barangay Balanac, wala nang lalayo pa sa katotohanan. imbes na biyaya, bala ang pinaulan ng mga militar. imbes na bigyan, buhay at kabuhayan pa ang kinuha.

naging makulimlim ang Pebrero 18 dahil sa perwisyong sumalanta sa barangay. duguan na tumakbo sa ospital sina Jocelyn Polborido at ang umiiyak niyang mga anak. naging abo naman ang simple ngunit pinaghirapang tahanan ni Eufemia Polborido na tinuluyan ng mag-iina. Binawian ng buhay ang isang taong gulang na sanggol - si rafaela. lahat ng kalunos-lunos na pangyayaring ito ay idinulot ng walang habas na pagpapaputok ng baril at pagpapalipad ng granada.

ayon kay Jocelyn, bandang alas onse ng umaga nang bigla silang nakarinig ng tatlong paisa-isang putok. agad na kinuha ni Jocelyn ang mga anak na sina daisy, ina at rafaela na naglalaro sa labas ng bahay.

Sa takot na baka tamaan silang mag-anak, nagpasiyang lumikas ang mag-iina sa bahay ni gloria Polborido, biyenan ni Jocelyn na may 100 metrong layo sa kinalalagyan nila.

“naisip ko, gasino man ang bahay na ito. kung raratratin kami dito, wala kaming matataguan. kaya umalis kami,” paliwanag ni Jocelyn.

nang makita ng kapitbahay nilang si Eufemia sina Jocelyn na nagmamadaling tumakbo, hinikayat niya itong pumasok muna sa loob ng bahay dahil sa naririnig pa niyang mga putok. Sabay na sana silang pupunta sa kanilang biyenan upang makisilong sa sementadong bahay nito. ngunit wala pang isang minuto ng kanilang pagkapasok sa kusina, laking gulat ng magkakaanak ng biglang may sumabog sa bubong ng bahay at pinaliguan sila ng shrapnel.

“duguan na si ate Jocelyn habang karga niya ang bunsong anak. Yung pangalawang anak niya, gumagapang

binalikan ni Eufemia ang kaniyang bahay sa takot na masunog ito dahil sa bombang inihagis dito.

“Yun na nga ang nangyari, lumiliyab na ang bahay ng nadatnan ko,” ani ni Eufemia.

Pagkatapos bigyan ang mga duguang biktima ng mga tuwalya, agad-agaran silang pumunta sa mga kagawad ng barangay at humingi ng saklolo. tanghali na nang madala sila sa ligao district Hospital. ayon sa nagluluksang ina, kahit na lumaban si rafaela, kinabukasa’y pumanaw rin ito.

“Maputla na talaga siya. Pero di nga siya umiyak. Para siyang manok na naghihingalo na. Sige na lang ang piling-piling niya. Maputlang maputla na talaga siya. awang awa ako sa anak ko,” kwento ni Jocelyn.

Hindi lamang ang pamilyang Polborido ang naging biktima sa nangyari. Saksi ang kapitbahay na si rose dalma sa pagdaan ng mga militar sa nasabing erya. dalawang oras pagkatapos niyang makita ang mga sundalo, saka nila narinig ang sunod-sunod na putukan. nahimatay ang limang taong gulang niyang anak na si roderick at umiyak naman ang bunsong babae sa sobrang takot. napilitan silang magtago sa butas na nilulutuan ng kopra upang huwag matamaan ng bala.

isinaad ng ulat ng karaPatan – Bikol na tinatayang aabot sa 200 libong piso ang halaga ng ari-ariang natupok at tatlong libong pisong salapi ang natupok ng apoy. Mas matindi pa sa perang nasayang ay ang kamatayan ni rafaela at ang takot na idinulot ng pangyayari sa mga biktima at sa buong barangay.

itinanggi ng mga militar na ang naging dagok sa pamilyang Polborido ay epekto ng kanilang clearing operations para sa pinagsanib na pagsasanay-militar. iginiit ng 901st infantry Brigade na nagkaroon raw ng engkwentro sa pagitan ng militar at new People’s army (nPa).

Pero ayon kay Jocelyn, walang nPa na dumaan sa kanilang lugar. “ang alam ko lang, militar. nandyan lang kina Victor Pedres.”

inilahad ni kagawad Jeaneth Pedres,

na. grabeng dugo. ganundin yung isa. lahat kami may tama,” hikbi ni Eufemia habang ikinukwento ang nangyari. “tapos naramdaman ko may dumadaloy na medyo mainit sa aking mukha. dugo na pala yun.”

“di ko naramdaman ang mga tama ko dahil ang iniisip ko yung mga anak ko,” ani ni Jocelyn. duguan na nga ang mga anak niya nang lumingon siya pagkatapos bumagsak ang granada.

dali-daling pinuntahan nina Eufemia ang bahay ng biyenan. Habang tinutulungan ni gloria sina Jocelyn,

Sundan sa pahina 5

ni Catherine Ascutia

Page 2: ni Catherine Ascutia

6

asawa ng nabanggit, na alas otso pa lang ng umagang iyon ay nakatambay na ang mga militar sa kanilang bakuran. Nakakuha ang fact-finding team ng karaPatan - Bikol ng mga basyo ng bala sa nasabing lugar.

ikinuwento ng kapitan ng barangay na si Marcelino Copian na pinaghihinalaan ng mga militar na nagkaroon daw ng pulong ng mga nPa sa bahay ni Henry Polborido, asawa ni Eufemia. ipinaliwanag niya naman na barangay officials sa kapilya ang nagpulong tungkol sa nalalapit na fiesta ngunit pinagbintangan pa siyang “pasmado” o nPa ng mga sundalo.

Sa mga panayam ng karaPatan - Bikol, lumabas na walang crossfire o engkwentro na nangyari. Malinaw sa mga pahayag ng mga biktima at saksi na mga militar ang mga salarin at wala silang nakitang miyembro ng new People’s army (nPa).

dagdag pa rito ang paghihigpit ng mga militar sa mga media. ayon kay Jocelyn, pinagsabihan sila ng apat na

lalaking kumukuha sa mga reseta at nagbibigay ng gamot na magpaalam muna sa kanila bago magbigay ng pahayag. Pinagalitan sila nito ng nalamang nakunan ng interbyu ang mga Polborido ng aBS-CBn at gMa.

ayon kay Bishop lucilo Quiambao, magkasalungat man ang mga militar sa mga biktima at residente, hindi maikakaila ang kamatayan at karahasan na sinapit ng barangay.

kung pagkakaila ang tinugon dito ng militar, tulong naman ang isinagot ng Children’s rehabilitation Center (CrC) at SirUngan. isang psychosocial therapy ang ginawa ng CrC sa mga batang na-trauma ng pangyayari. dito natuklasan ng CrC ang mga naging epektong sikolohikal na idinulot ng operasyong militar sa mga bata.

“tuwing nakakarinig sila ng putok o kahit makakita man lang ng baril na hawak ng mga sundalo, kinakabahan na at yung sobrang takot na, heto na naman,” ani Eilen Manano, treatment and rehabilitation Coordinator ng CrC.

noong ika-anim ng abril, pinangunahan ni Sr. ailyn Binco ng religious of the good Shepherd

ang aktibidad ng SirUngan na pagbibigay ng relief goods at psychosocial therapy intervention para sa mga pamilyang naapektuhan. ang SirUngan ay binuo upang suportahan ang mga biktima at mga pamilya ng pang-aabuso ng karapatang pantao. Hinikayat nila ang iba pang taong-simbahan at Bikolano na makiisa sa kanilang adhikain.

Bilang konklusyon, isinaad ng karaPatan-Bikol sa inilabas nitong ulat na naniniwala sila na malaking paglabag ang pangyayari sa Comprehensive agreement on respect for Human rights and international Humanitarian law (CarHriHl) at iba pang internasyunal na makataong batas.

nakakalungkot man isipin pero ang delubyong inihatid ng ehersisyo sa Mindanao ay humahagupit na rin sa rehiyong Bikol. Patuloy na nagiging mitsa ng buhay at kabuhayan ang militarisasyong dulot ng pinagsanib na pagsasanay-militar. isa na namang patunay ang kalunos-lunos na sinapit ng Brgy. Balanac sa epekto ng Balikatan Exercises: kapinsalan at hindi kaunlaran.

Kwento mula sa Balanac

mula pahina 5

mula pahina 4

ORAGON, BAN Balikatan nakiisa sa

Junk VFA Movement

nagpahayag ng suporta ang dating UP College of Law Dean na si Pacifico agabin at integrated Bar of the Phiippines President na si Feliciano Bautista. Sumama rin sa Junk VFa Movement ang mga kilalang abogado na sina Vicky arena, romeo Capulong, neri Colmenares,Harry roque at Evalyn Ursua.

“dapat lang na magalit ang sambayanang Pilipino sa tuluyang pagkawasak ng Estados Unidos at administrasyong arroyo sa ating justice system,” giit ni Colmenares.

kinundina rin ng BaYan ang naging posisyon sa isyu ni Barack Obama, presidente ng Estados Unidos.

“Hindi mababago ng naging suporta ni Obama sa VFa ang opinyon ng publiko na ito’y makaisang-panig. Mas hinahamon lang niya ang mga tumututol na ilantad ang tunay na adyenda ng Estados Unidos

sa VFa,” ani renato reyes, tagapagsalita ng BaYan.

noong Marso, pinangunahan ng BaYan – US at gabriela – USa ang isang petisyon kina Obama, Senate Foreign relations Chairman John kerry, House Foreign affairs Chaiman Howard Berman at House appropriations Chairman Barbara lee. nanawagan ang grupo na ibasura ang VFa, pauwiin ang mga tropang militar at itigil ang suportang militar ng Estados Unidos sa Pilipinas.

“Sa madaling panahon, maidadala na ang kampanya laban sa VFa sa white House at sa Capitol Hill. Magkakaisa ang mga Filipino-americans at anti-war groups para manawagan sa administrasyong Obama upang ibasura ang di-pantay na kasunduang ito at igalang ang soberanya ng Pilipinas,” diin ni reyes.

naglunsad din ang Youth StOP Balikatan ng mga talakayan sa mga eskwelahan at nakiisa sa mga kilos protesta. nagkaroon ng launching ang alyansa noong Pebrero 18. Sa launching, isang forum sa Camarines Sur Polytechnic Colleges - naga Campus, torch parade at protest concert sa Plaza Quezon ang ginanap. aktibong lumahok din ang mga kabataan sa mga kulturang programa na lumibot sa buong rehiyon.ang Youth StOP Balikatan ay binubuo ng ateneo de naga University – Supreme

Student government (adnU-SSg), aquinas University Student Council, Bicol University Student Council, CSPC Student Council, Camarines Sur State agricultural College Student Council, Unibersidad de Sta. isabel (USi) Facade, ThePillarS Publication, Scientia, Budyong, appraizer, tindog atenista, gabriela Youth, Pro-gay, Jovenes anakbayan, irayana Cultural group, College Editors guild of the Philippines – Bikol at kabataan Partylist – Bikol.

kabataang Bikolanoaktibong lumahok sa mga pagkilos

Page 3: ni Catherine Ascutia

7

ang Balikatan ExErCiSES ay tila isang mabigat at nakakapinsalang krus na bitbit ng taumbayan. gamit ang sining ng pagtatanghal, ito ang mensaheng ipinaabot ng “kalbaryong Balikatan: Pasakit sa Banwaan” noong abril 1-7.

ang tradisyonal na pasyon o Via Cruxis ang nagsilbing inspirasyon para sa “kalbaryong Balikatan: Pasakit sa Banwaan”. tinalakay ng pagtatanghal ang mga hinaing ng mga Bikolano sa mga naging epekto ng Balikatan. ipinakita rin nito ang mga isyu ng kababaihan, kabataan, mangigisda, magsasaka at manggagawa sa Pilipinas na dapat mas binibigyang pansin ng gobyerno sa halip na militarisasyon.

nilahukan ang nasabing pagtatanghal ng kaBOrOnYOgan Cutural network, Youth and Students Opposing Balikatan (Youth StOP Balikatan) at Bicolano alliance for nationalism against Balikatan (Ban Balikatan).

Hindi inalintana ang init ng araw at tindi ng ulan ng mga artistang nagtanghal para sa kalbaryo. karamihan sa mga naging cast ay mga kabataan mula sa mga komunidad. dinala nila ang presentasyon sa Barangay Balatas at sa Plaza Quezon sa naga City; sa Barangay rawis at rizal sa legazpi City; sa mga palengke ng tabaco City, legazpi City, Juban at irosin

sa Sorsogon; at sa Freedom Park sa Sorsogon City. Sa huling araw ng presentasyon, nagtanghal ang grupo sa Pinaglabanan Monument. inilabas din dito ang isang art at photo exhibit sa kalsada.

“Malaki ang ginampanang papel ng pagtatanghal sa pagpukaw ng kamalayang pampulitika ng mga manonood. Sa pamamagitan ng sining, maraming mga Bikolano ang mas napalalim ang kaalaman patungkol sa Balikatan,” paliwanag ni James gabriel Hernandez, Bise Presidente para sa luzon ng

kabataan Partylist.ayon kay Hernandez, pinapakita

lamang ng kalbaryong Balikatan kung saan dapat inilalaan ng kabataan ang taglay na talino’t lakas. isa lamang ang naging pagtatanghal sa mga paraan na ginawa ng grupo upang maabot ang mga Bikolano laluna ang mga kabataan sa mga komunidad at eskwelahan.

namigay rin ang alyansa ng mga polyetong inilalarawan ang bawat istasyon ng pagtatanghal. naglabas naman ng bidyo ang Bikolxpress na nagsadokumento sa kalbaryo.

“dito sa pagtatanghal ipinakita ang mga naging epekto at maaring maging epekto ng ehersisyo. ang pinsalang dinulot ng Balikatan at clearing operations para dito katulad ng militarisyon, fishing ban, panunupil, sapilitang pagpapalikas at ang kaso ng Balanac ay tinampok dito,” ani ni Prof. Jocelyn a. Bisuña, tagapagsalita ng Ban Balikatan.

Sa Camarines Sur, itinanghal naman ng irayana Cultural group ang isang araw na kultural karaban ng “kalbaryo kan namamanwaan” nitong april 8. Umikot ang 30-kataong cast sa mga bayan ng lagonoy, San Jose, goa, tigaon, Ocampo, Pili at naga City. [www.kalbaryongbalikatan.blogspot.com]

Hindi ligtas ang rehiyong Bikol sa mala-delubyong krisis pang-ekonomiya. kung tutuusin, ramdam na ramdam ng mga Bikolano ang paghihikahos na dulot ng kalbaryong ito. Sunod-sunod na mga kumpanya ang nagtanggal ng mga manggagawa. Maraming maliliit na negosyo ang nagsara. kawalan ng trabaho, kakarampot na sweldo, malawakang kontraktwalisasyon at sumisirit na presyo ng mga batayang bilihin --- lahat ng mga ito ay tila latigong humahagupit sa dati nang naghihirap na mamamayan.

Maiuugat ang krisis sa naging “boom and bust” na ekonomiya ng Estados Unidos. Sa kagustuhang makapagkamal ng sobra-sobrang tubo, sobra-sobrang pabahay ang itinayo ng mga negosyante. Hindi inalintana nito ang kawalan ng kakayahan ng mamamayan na mabayaran ang utang at renta sa pabahay. nagkapatong-patong ang utang na hindi na kayang bayaran. Marami ang sumugal, at marami rin ang natalo sa naging laro ng yaman.

inalis ng mga dayuhang kapitalista ang kanilang pamumuhunan sa ibang mga bansa upang maisalba ang kanilang ekonomiya. dahil sa matinding kapit ng nasabing imperyalistang bansa, maraming ekonomiya ang hinila rin nitong pababa.

Sa Pilipinas, iilan lamang ang Banco de Oro, development Bank of the Philippines at Standard Chartered Bank – Manila sa mga nalugi ng bilyon-bilyong dolyar. naging

naapektuhan ang ating bansa sa kasalukuyang delubyo. Mabababaw na lunas at patumpik-tumpik na “tulong” katulad ng taunang Balikatan Exercises ang nagiging sagot ng gobyerno sa malalim na sakit ng lipunan.

Hindi uunlad ang ating bansa kung hindi mawawala ang interbensyon ng Estados Unidos sa pulitika, militar at ekonomiya. Sa pakikipag-sabwatan ng makaisang-panig na gobyerno, parang lintang sinisipsip ng Estados Unidos

ang ating likas na yaman at lakas paggawa. ang paggigiit lamang sa ating soberanya at pagsusulong ng pambansang industriyalisasyon ang magtitiyak ng pangmatagalang ginhawa sa naghihirap na mamamayan.

napakalaking pinsala ang dinulot ng krisis hindi lamang sa pambansang ekonomiya kundi pati sa nagdarahop na kalagayan ng mga Pilipino. Bumagsak ang produksyon dahil sa pagbabawas ng order ng Estados Unidos sa mga hilaw na materyales. Bumulusok rin ang pinapasok na remitans ng mga Overseas Filipino worker (OFw). nagkaroon rin ng malawakang tanggalan ng trabaho. natatapakan din ng mga dambuhalang korporasyon ang mga naghihikahos ring maliliit na negosyo.

wala nang iba kung hindi ang masang anakpawis ang mas nakakaranas ng hagupit ng krisis na ito. Patuloy na napagsasamantalahan ang mga manggagawa dahil sa kontraktwalisasyon at di sapat na pasahod. Patuloy nang naisasantabi ang mga hinaing ng mga magsasaka para sa programang agraryo. Patuloy ding nagbubulag-bulagan ang gobyerno sa mga pahayag nitong hindi raw gaanong

ispekulasyon at pagka-gahaman ang nagsilbing mitsa sa mga dambuhalang negosyo katulad ng Meryll lynch, aig at lehman Brothers. Sa pagbagsak ng negosyong pabahay ng Estados Unidos, nalugi rin ang mga monopolyo-kapitalistang namuhunan dito. tila dominong nagpatumba ang pangyayaring ito ng mga dati-rati’y matatatag na kumpanya. tinatayang mas malubha ang kasalukuyang krisis kung ikukumpara sa great depression noong 1929.

Kalbaryong Balikatan:

Pasakit sa Banwaan

Hagupit ng

Krisis ni Marjorie Joy Alcozar

Page 4: ni Catherine Ascutia