naglahong parang bula

14
Naglahong Parang Bula ni Jann Marione Lagusay Hunyo 3, 1962 ng ipinanganak ang isang bata sa Zamboanga, Sibugay. Siya ang tanging hinihintay ng kanyang mga magulang. Siya ay si Bogart na anak ng dalawang guro sa kanilang lugar. Si Bogart ay labis na biyaya sa kanilang pamilya at mahal na mahal din ng mga kaanak niya. Binigyan siya lahat ng mga panganailangan at hindi hinayaang lumaki na hindi kompleto ang mga gusto nito. Nang nagging abala ang mga magulang niya sa trabaho, nagsimula nang lumaki si Bogart na mag-isa. Siya ay labing isang taong gulang nang naramdaman niyang palagi nalang siyang mag-isa. Nahihirapan nga siyang magkaroon ng mga kaibigan sa skwelahan dahil palagi nalang siyang nasa tabi at mag-isa. Masunurin naman si

Upload: miraflor07

Post on 31-Mar-2015

105 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Naglahong Parang Bula

Naglahong Parang Bulani Jann Marione Lagusay

Hunyo 3, 1962 ng ipinanganak ang isang bata sa Zamboanga,

Sibugay. Siya ang tanging hinihintay ng kanyang mga magulang. Siya ay si

Bogart na anak ng dalawang guro sa kanilang lugar. Si Bogart ay labis na

biyaya sa kanilang pamilya at mahal na mahal din ng mga kaanak niya.

Binigyan siya lahat ng mga panganailangan at hindi hinayaang lumaki na

hindi kompleto ang mga gusto nito.

Nang nagging abala ang mga magulang niya sa trabaho,

nagsimula nang lumaki si Bogart na mag-isa. Siya ay labing isang taong

gulang nang naramdaman niyang palagi nalang siyang mag-isa. Nahihirapan

nga siyang magkaroon ng mga kaibigan sa skwelahan dahil palagi nalang

siyang nasa tabi at mag-isa. Masunurin naman si Bogart sa mga guro at

nakakakuha ng matataas na grado kaya nga lang ay tampulan siya ng tukso

dahil walang mga kaibigan. Hindi nalang siya pumapatol at hinahayaan

nalang ang mga ito. “Hindi ko nalang sila pinapansin noon kasi wala naman

akong mapapala. Basta alam ko wala akong ginagawa sa kanila. Baka sila

mayroon. Ganoon talaga kasi ako noon. Palaging mag-isa. Ewan ko basta

Page 2: Naglahong Parang Bula

hindi ko talaga trip na makipag kaibigan. Mas gusto ko pang mag-isa”, wika

ni Bogart.

Noong nag kolehiyo si Bogart, mas lalo niyang naramdaman na mag-

isa nalang siya. Naging sobrang abala ang kanyang mga magulang kaya

hindi na talaga siya nabigyan ng sapat na aruga at pagmamahal. Aminado si

Bogart na hindi talaga siya nakontento sa pagmamahal na binigay ng mga

magulang niya. Pakiramdam niya ay mas importante pa ang mga trabaho

nito kaysa sa kanya na kanilang anak. Nagpapasalamat pa rin si Bogart dahil

wala talaga siyang kwestiyon sa pinansyal na supporta ng kanyang

magulang. Lahat ng material na bagay na natanggap na niya. Ang kulang na

nga lang ay hindi pinansyal kung hindi ay emosyonal.

Lumaki si Bogart sa isang magulong lugar kung saan palaging

may gera at patayan. Natatandaan pa nga niya noong minsang nagkagulo sa

lugar nila at kinailangan niyang magtago sa isang liblib na lugar para hindi

madamay sa mga pangyayari. Hinding-hindi niya makakalimutan ang

pangyayaring iyon sa buhay niya. Dumating ang araw na namatay ang ama

niya dahil nadamay ito sa kaguluhan ng lugar nila. Hindi niya halos

matanggap ang pangyayari pero wala na siyang magawa dahil tapos na.

Nang matapos na si Bogart sa pag-aaral ay lumipat siya sa

Cebu. Dito ay nakilala niya si Lorna. Si Lorna ay isang maganda at

Page 3: Naglahong Parang Bula

matalinong babae. Nagkasalubong lang sila nang minsang mapadaan siya

sa inuupahang bahay ni Bogart. Siyempre, dahil talagang likas na tahimik at

mahiyain si Bogart, si Lorna ang unang nakipagkilala sa kanya. “Nahiya

talaga ako noon. Si Lorna pa talaga kasi ang unang gumawa ng paraan. Ako

naman noon ay natuwa nalang at doon na nagsimula ang aming magandang

pagkakaibigan”, wika ni Bogart.

Naglilinis si Bogart ng bahay noon nang may kumatok sa

pintuan niya. Si Lorna pala iyon. DInalhan siya ni Lorna ng makakain dahil

pansin niyang abala ito sa paglilinis at nakakalimutan na yatang kumain.

Sabay silang kumain at nagkuwentohan. Di kalaunan ay nahulog nalang

silang dalawa sa isa’t isa. Nagkalakas si Bogart ng loob para ipahayag ang

nararamdaman para kay Lorna. “Kinabahan talaga ako noon. Akala ko kasi

sadyang mabait lang siya pero buti nalang gusto pala talaga niya ako.

Niligawan ko siya at sinagot naman niya ako. Ako na yata ang

pinakamasayang tao sa mundo”.

Dalawang taong nagging mag nobyo sina Bogart at Lorna.

Mahal na mahal nila ang isa’t isa. Siyempre, nagkaroon ng kaunting mga

hindi pagkakaunawaan pero naging maayos naman ang takbo ng kanilang

relasyon. Di nagtagal ay nag desisyon silang magpakasal. Si Bogart na

ngayon ang humingi ng kamay ni Lorna sa mga magulang nito. “Buti nalang

Page 4: Naglahong Parang Bula

at tinanggap siya ng mga magulang ko. Nabaitan naman kasi sila kay Bogart

kaya walang mga naging problema. Ang papa ko ang nagboluntaryong

gagastos ng kain sa kasal naming kaya mas sumaya ang lahat lalo”, wika ni

Lorna.

Hindi nagtagal ay nagpakasal sina Lorna at Bogart sa

simbahan. Napakabongga ng kanilang kasal dahil iyon ang pangarap ni

Bogart para kay Lorna. Sa wakas ay nagkaroon na rin siya ng kasama sa

panghabambuhay. Hindi niya lubos akalain na may taong magmamahal sa

kanya ng lubos sa kabila ng tahimik niyang pagkatao. Imbitado lahat ng mga

kamag-anak nila at mga kaibigan. Napakasaya ng dalawa sa araw na

pinakahihintay nila. Ito na marahil ang hindi makakalimutang sandal nina

Lorna at Bogart.

Makalipas ang isang taon ay nabuntis si Lorna sa una nilang

anak. Napakasaya ng mag-asawa dahil sa wakas ay magkaka-anak na sila.

Sa sobrang excited ni Bogart ay bumili siya ng lahat ng pangangailangn ng

bata kahit hindi pa niya alam kung ito ay babae o lalake. “Tuwang tuwa kasi

ako noon eh. Hindi ko talaga maipaliwanag ang kasiyahan na naramdaman

ko noong nalaman kong magkakaanak na kami”.

Page 5: Naglahong Parang Bula

Nagsikap ng mabuti si Bogart. Doble ang paghahanap niya ng

trabaho para may maipakain sa kanyang anak. Sa kagandahng palad ay

nakapag trabaho siya sa isang malaking kompanya bilang Assistant

Manager. Malaki ang sahod dito lalo na at nakapagtapos siya. Tuwang-tuwa

siya at pinangako sa sarili na gagawin ang lahat para sa kanyang pamilya.

Araw-araw nananalangin siya na sana ay makapanganak ng maayos ang

asawa niya.

Dumating na nga ang pinakahihintay na araw nina Bogart at Lorna.

Alas dos ng hapon nang sumakit ang tiyan ni Lorna. Buti nalang at nasa

bahay pa si Bogart kaya agad niya itong nadala sa ospital. Pagdating nila

doon ay sabi ng doktor na malapit na ngang manganak si misis. Matapos

ang ilang oras na paghihintay ay isinilang ni Lorna ang isang batang lalake.

Ngunit may balitang hatid ang doktor kay Bogart. May sakit sa baga ang bata

kaya nahihirapan itong huminga ay mahina lang ang iyak. Kinakailangan

muna itong manatili sa ospital para sa obserbasyon at intensibong gamutan

para gumaling agad.

Dahil sa pangyayaring iyon ay lubos na nalungkot ang mag-

asawa lalo na si Bogart. Hindi niya matanggap na sa murang edad palang ay

may sakit na ang kanyang anak. Hindi naman nawalan ng pag-asa si Bogart

na gagaling din ang anak nila kaya nagsikap siyang mabuti para may

Page 6: Naglahong Parang Bula

ipanggamot sa anak nila. Di bale na daw mabaon siya sa utang basta

gumaling lang ang kanilang anak. Makaraan lang ng apat na araw ay

namatay ang anak nila dahil hindi daw nakayanan ng bata ang mga gamot

na tinitira sa kanya ng mga doktor. Mahina na raw masyado ang resistensya

ng bata kaya nahirapan silang buhayin ito.

“Hindi ko matanggap ang pangyayaring iyon. Napakahirap

tanggapin na sa kabila ng lahat ng pagsisikap ko ay ito ang aking mapapala.

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganoon ang nangyari. Ginawa ko

ang lahat. Wala din namang akong ginawang masama sa asawa ko pero

bakit pinarusahan ako ng Diyos”, wika ni Bogart.

Sobra ding nalungkot si Lorna sa kinsapitan ng anak nila ni

Bogart. Dahil sa lubos na kalungkotan ay ilang araw ding hindi nagsasalita si

Lorna. Hindi niya matanggap ang nangyari sa anak at sinisisi ang sarili sa

nangyari. Kahit anong gawin ng iba ay nalulungkot pa rin si Lorna at halos

hindi na kumakain. Dahil sa nangyari ay nagkasakit na rin si Lorna sa

sobrang depresyon. Patong patong na ang nararamdam ni Bogart at halos

hindi na alam ang gagawin. Naiintindihan niya ang nararamdaman ng

kanyang asawa lalo na at siya ang nag luwal dito.

Page 7: Naglahong Parang Bula

Pinayagan na ng doktor na lumabas si Lorna sa ospital pero

pinag-iingat si Bogart na bantayang mabuti ang asawa dahil kapapanganak

lang nito. Delikado daw para kay Lorna ang masyadong malungkot at hindi

kumain dahil makakasama ito sa kanyang kalusugan at pag-iisip. Naging

matigas ang ulo ni Lorna. Hindi talaga niya natanggap ang pangyayari kaya

hindi siya kumakaing mabuti. Palagi nalang umiiyak at hindi na halos

natutulog sa gabi. Nakatulala nalang ito palagi sa isang tabi. Nag-aala si

Bogart baka anong mangyari sa kanyang asawa kaya kumuha nalang siya

ng katulong para may makasama si Lorna sa bahay habang siya ay nasa

trabaho.

Isang araw, pag-uwi ni Bogart sa kanila ay napansin nalang

niyang nagsasalita si Lorna ng mag-isa. Palagi nitong binabanggit ang

kanilang anak at para bang kinakausap niya ito. Kinabahan si Bogart sa

narinig kaya nilapitan niya si Lorna. Laking gulat niya nang makita niay si

Lorna na may bitbit na unan at yinuyogyog na parang bata. Pinahinto niya si

Lorna sa ginagawa ngunit nagalit ito sa kanya. Bigla siyang tinulak ng

napakalakas ni Lorna at hinalbot ang kanyang buhok. Nagalit ito ng husto sa

kanya nang kunin niya ang unan. Kinabukasan ay pilit niyang dinala si Lorna

sa doktor para patignan ito kung ano ang nangyayari sa asawa. Labis na

nagulat at nalungkot si Bogart sa nalaman.

Page 8: Naglahong Parang Bula

Dahil sa sobrang depresyon dahil sa nangyari ay naapektohan na ang

pag-iisip ni Lorna. Malabo daw na mapigilan pa ang pag-lala nito kung

patuloy niyang maalala ang nangyari. Hindi lubos malaman ni Bogart ang

gagawin. Naaawa siya sa kanyang asawa at humantong pa sa ganoong

pangyayari. Kalilibing lang ng kanyang anak at ngayon naman ay ito pa ang

nangyari kay Lorna.

Hindi na alam ni Bogart ang gagawin kaya humingi siya ng tulong sa

mga magulang ni Lorna. Ang sabi ng mga magulang niya ay mas nararapat

na sa bahay muna ng kanyang mga magulang manatili si Lorna dahil baka

mas lalo niyang maisip ang anak na namatay sa bahay nila ni Bogart. Tingin

ni Bogart ay mas nararapat nga iyon kaya pumayag nalang siya. Nalulungkot

man siya pero alam niyang mas bubuti ang lagay ng asawa. Si Bogart

nalang ang naiwan sa bahay. Labis man ang kalungkutan pero dapat niyang

tibayan ang sarili para sa asawa. Naisip nalang niya na ibuhos ang lahat ng

panahon sa pagtratrabaho para malimutan ang problema.

Nasa trabaho siya nang tumawag bigla ang manugang niya at

sinabing isinugod si Lorna sa ospital dahil nag laslas ito sa kamay. Agad

namang pumunta si Bogart sa nasabing ospital at nakita doon ang kalagayan

ng asawa. Ang sabi ng doktor ay masyado daw maraming dugo ang nawala

sa kanyang asawa kaya kinakailangang maabonohan siya kaagad. Hindi na

Page 9: Naglahong Parang Bula

alam ni Bogart kung ano ang dapat gawin. Masyado ng marami ang

tumatakbo sa kanyang isipan ngayon. Humingi siay ng tulong ina niya at

pinayuhan siya na huwag magpadala masyado sa emosyon dahil baka siya

ay maospital din.

Pagkalipas ng dalawang araw ay hindi na talaga kinaya ni

Lorna at ito ang dahilan para siya ay bawian ng buhay. Nang mabalitaan ito

ni Bogart ay natulala siya sandali. Dobleng pasakit ang naranasan niya. Una

ang kanyang kawawang anak at ngayon naman ang kanyang

pinakamamahal niyang asawa. Sinisisi ni Bogart ang sarili kung bakit hindi

niya natutukan ang asawa. Dapat daw ay siya mismo ang nag-alaga rito.

Hindi na talaga alam ni Bogart kung ano ang mangyayari sa kanya matapos

ang pagkawala ng dalawang pinakaimportanteng tao sa buhay niya.

Pag-uwi ni Bogart sa bahay ay naalala niya lahat ng mga

pagsasama nila ni Lorna. Naalala niya lahat ng masasayang alaala nila at

pilit tinatapakan ang lungkot na nadarama. Pero hindi talaga kayang tabunan

ang kalungkotan ng kahit anong bagay. Naging aburido si Bogart kaya naisip

niyang wakasan ang kanyang sarili. Wala na daw siyang dapat ikabuhay at

hindi na siya kailangang mabuhay pa kung hindi rin lang kasama ang mga

taong mahal niya. “Para saan pa ang buhay at pagsisikap ko kung wala na

kayo! Hindi ko dapat patagalin pa ang buhay na ito. Hindi na”, wika ni Bogart.

Page 10: Naglahong Parang Bula

Kinuha ni Val ang kutsilyo sa kusina. Tiningnan niya itong

mabuti habang umiiyak. Di nagtagal ay ibinaon niya ito sa kanyang tiyan.

Sinaksak ni Bogart ang kutsilyo sa kanyang sarili at tinuluyan na ang buhay

niya. Walang agad na tulong na dumating dahil walang ibang tao sa bahay

nila. Makalipas na lamang ng dalawang araw bago nalaman na patay na

pala si Bogart.

Ang lahat ay hindi makapaniwala na sa isang pangyayari

nagsimula ang wakas ng buhay ng mag-asawa. Ang pamilya ni Bogart ay

naglahong bigla kabilang siya. Marami ang nalungkot pero wala nang

magawa. Ang pamilya ni Bogart ay mananatiling bangungot para sa lahat ng

taong mahal sila.