mga turo ng mga buhay na propeta manwal ng titser · mga buhay na propeta. umaasa ako na mauunawaan...

64

Upload: others

Post on 24-Oct-2019

23 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert
Page 2: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert
Page 3: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

Mga Turo ng mga Buhay na PropetaManwal ng TitserReligion 333

Inilathala ngAng Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling ArawSalt Lake City, Utah

Page 4: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

Ang mga komentaryo at pagwawasto ay pasasalamatan. Mangyaring ipadala ang mga ito, pati na ang mgapagkakamali, sa:

Seminaries and Institutes of Religion Curriculum Services50 E North Temple Street

Salt Lake City, Utah 84150-0008USA

Email: [email protected] lamang ang iyong buong pangalan, address, ward, at stake.

Tiyaking tukuyin ang pamagat ng manwal kapag ibinigay mo ang iyong mga komentaryo.

© 2010, 2016 ng Intellectual Reserve, Inc.Lahat ng karapatan ay nakalaan.

Inilimbag sa Estados Unidos ng AmerikaVersion 2, 12/16

Pagsang-ayon sa Ingles: 10/16Pagsang-ayon sa pagsasalin: 10/16

Pagsasalin ng Teachings of the Living Prophets Teacher ManualTagalog

14420 893

Page 5: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

1234567

Mga NilalamanPambungad . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . v

Kailangan Natin ang mga Buhay na Propeta . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 1Ang Buhay na Propeta: Ang Pangulo ng Simbahan . . . . . . . . . . . . . . . . 9Paghalili sa Panguluhan . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 15Ang Korum ng Unang Panguluhan . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 21Ang Korum ng Labindalawang Apostol . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 28Pangkalahatang Kumperensya . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 32Pag-aaral ng mga Mensahe sa Pangkalahatang Kumperensya . . . . . . . . 38

Page 6: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert
Page 7: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

PambungadItinuro ni Elder Robert D. Hales ng Korum ng Labindalawang Apostol:

“Ang mga buhay na propeta ang namamahala sa simbahang ito ngayon. Angpinakamalaking seguridad ng mga miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ngmga Banal sa mga Huling Araw ay nagmumula sa pagkatutong pakinggan atsundin ang mga salita at kautusan na ibinigay ng Panginoon sa pamamagitan ngmga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo angkahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert D.

Hales, “Hear the Prophet’s Voice and Obey,” Ensign, Mayo 1995, 17).

Bilang titser para sa kursong ito, may pagkakataon kang tulungan ang iyong mgaestudyante na makita ang pagpapala na mabuhay sa panahong ito na narito sa lupaang mga buhay na propeta. Matutulungan mo sila na malaman na ang Ama saLangit ay nangungusap ngayon tulad ng ginawa Niya noon sa lahat ngdispensasyon. Kapag ang mga buhay na propeta ay nagsasalita nang mayawtoridad sa mga miyembro ng Simbahan, sinasabi nila ang “kaisipan ngPanginoon, … tinig ng Panginoon, at ang kapangyarihan ng Diyos tungo sakaligtasan” (D at T 68:4).

Pag-aralan nang may panalangin ang mga banal na kasulatan at ang mga mensahesa pangkalahatang kumperensya. Hangarin ang Espiritu Santo sa pagpili mo ngmga aktibidad sa pag-aaral na makatutulong sa mga estudyante na umunlad saespirituwal. Tulungan ang mga estudyante na matuklasan, maunawaan, atmaipamuhay ang mga katotohanan na inilahad sa mga kumperensya ngSimbahan.

Ang manwal na ito ay makatutulong sa iyong paghahanda dahil nagbibigay ito ngpanimulang impormasyon sa mga kabanata, tinutukoy ang mga banal na kasulatanat mga alituntunin ng ebanghelyo, at nagmumungkahi ng mga paraan upangmatulungan mo ang mga estudyante na maunawaan ang doktrina at maipamuhaynila ito.

Paano Nabuo ang Manwal na ItoAng Religion 333 ay nilayong ituro sa isang semestre. Ang manwal na ito aynaglalaman ng pitong kabanata:

1. Kailangan Natin ang mga Buhay na Propeta

2. Ang Buhay na Propeta: Ang Pangulo ng Simbahan

3. Paghalili sa Panguluhan

4. Ang Korum ng Unang Panguluhan

5. Ang Korum ng Labindalawang Apostol

6. Pangkalahatang Kumperensya

7. Pag-aaral ng mga Mensahe sa Pangkalahatang Kumperensya

v

Page 8: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

Kabilang sa unang anim na kabanata ang nilalaman at mga ideya na magagamitmo bilang resource o sanggunian habang itinuturo mo ang mga saligang doktrinapara sa klaseng ito. Bilang titser maaari mong ituro ang mga lesson na ito sa unanganim na class period ng semestre o kaya ay ituro ang mga ito sa hindi sunud-sunodna araw sa buong semestre. Ang Kabanata 7 ay naglalaan ng mga ideya para saiba’t ibang pamamaraan sa pagtuturo ng mga salita ng mga General Authoritymula sa pinakahuling isyu ng kumperensya ng magasing Ensign o Liahona. Dapatituro sa natitirang mga class period ang mga mensahe mula sa kumperensya.

Ang mga lesson sa manwal na ito ay ituturo sa loob ng 50 minuto. Kung dalawangbeses sa isang linggo ang klase ninyo, ang bawat lesson ay dapat ituro ng mga 50minuto. Kung minsan lang sa isang linggo ang klase ninyo, ang bawat lesson aydapat ituro ng mga 90 minuto. Para sa 90-minutong klase maaari mong ituro angisa sa mga lesson mula sa manwal na ito gayundin ang materyal o mensahe mulasa Ensign o Liahona. Kailangan mong iakma ang materyal ng kurso sa bawatpagtuturo mo. Sa isang karaniwang semestre, ang pagtuturo mula sa Ensign oLiahona ay gugugol ng mga 75 porsiyento ng oras ng klase.

Bawat kabanata sa manwal na ito ay may tatlong bahagi:

• Pambungad

• Ilang Doktrina at mga Alituntunin

• Mga Ideya sa Pagtuturo

PambungadTampok sa bahaging “Pambungad” ang mga pangkalahatang tema na nakapaloobsa kabanata at tutulungan ka nito na makita kaagad at malaman angkabuuang paksa.

Ilang Doktrina at mga AlituntuninAng bahaging tinatawag na “Ilang Doktrina at mga Alituntunin” ay naglalaman nglistahan ng mga pangunahing doktrina at alituntunin na may kaugnayan sa paksang lesson. Bukod sa mga doktrina at alituntuning tinukoy sa manwal, maaaringmakakita ka ng iba pang mahahalagang katotohanan sa mga banal na kasulatan osa mga isyu ng kumperensya ng Ensign o Liahona na sa palagay mo ay tutugon samga pangangailangan ng iyong mga estudyante. Karapatan mo ito bilang titser.Gayunman, maaari mong i-survey o tingnan ang iba pang mga kabanata samanwal bago ituro ang mga karagdagang alituntunin. Kung ang isang alituntunino doktrina ay hindi tinalakay sa ituturong lesson, ito ay maaaring naroon sa ibapang kabanata na mas lubos na sumusuporta sa paksa.

Mga Ideya sa PagtuturoAng bahaging “Mga Ideya sa Pagtuturo” ay nagbibigay ng mga partikular na ideyasa pagtuturo para sa bawat item na tinukoy sa ilalim ng “Ilang Doktrina at mgaAlituntunin.” Ang bahaging ito ay maaaring maglaman din ng mga mungkahi sapagtuturo ng mahahalagang ideya na hindi nakalista sa ilalim ng “Ilang Doktrina atmga Alituntunin.” Ang “Mga Ideya sa Pagtuturo” ay makatutulong sa iyo namaghanda ng lesson at mga aktibidad sa pag-aaral. Iakma ang mga mungkahi salesson para umangkop sa klase, sa mga pangangailangan ng estudyante, at sa oras.

PAMBUNGAD

vi

Page 9: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

Iba Pang mga Tulong sa PagtuturoKomentaryo sa manwal ng estudyante. Ang Mga Turo ng mga Buhay na PropetaManwal ng Estudyante (Religion 333) ay naglalaman ng mahalagang komentaryo ngmga General Authority at Pangkalahatang Pinuno ng Simbahan. Imumungkahi saiyo ng ilang ideya sa pagtuturo sa manwal ng titser na gamitin mo ang komentaryona matatagpuan sa manwal ng estudyante. Hikayatin ang mga estudyante nagamitin ang materyal o sangguniang ito sa loob at sa labas ng klase. Bukod pa rito,ang bawat kabanata sa manwal ng estudyante ay nagtatapos sa bahaging“Mahahalagang Bagay na Pag-iisipan” at “Mga Iminungkahing Assignment.” Angmga tanong na nasa ilalim ng “Mahahalagang Bagay na Pag-iisipan” at ang mgaaktibidad sa “Mga Iminungkahing Assignment” ay tumutulong sa mga estudyantena pag-isipan pang mabuti ang mga karagdagang babasahin. Marami sa mgatanong at aktibidad na ito ang maaari ding iangkop sa mga ideya sa pagtuturo nagagamitin sa klase.

Mga salita ng mga buhay na propeta, mga General Authority, atPangkalahatang Pinuno ng Simbahan. Habang pinag-aaralan mo angkasalukuyang mga mensaheng ibinigay sa pangkalahatang kumperensya at angmga artikulo sa mga magasin ng Simbahan, maghanap ng karagdagang materyalna maaaring idagdag sa mga lesson sa manwal na ito.

Website ng Seminaries and Institute of Religion. Ang Seminaries and Institutesof Religion ay may website din, institute.lds.org, na may maraming resources osanggunian na makatutulong sa iyo.

Paano Gamitin ang Manwal na ItoGamiting mabuti ang mga mensahe ng Unang Panguluhan at ng Korum ngLabindalawang Apostol sa pangkalahatang kumperensya bilang suplemento samanwal na ito habang naghahanda ka ng mga lesson at naglalahad ngimpormasyon sa klase. Ang mga mensahe ng mga miyembro ng UnangPanguluhan at ng Korum ng Labindalawang Apostol na matatagpuan sa mgamagasin ng Simbahan, mga mensaheng ibinigay sa iba pang pagkakataon, o mgaopisyal na komunikasyon na paminsan-minsang ipinalalabas ng mga Kapatid aymaaari ding gamitin.

Ang manwal ay magagamit sa ilang paraan, kabilang ang sumusunod:

1. Maaari mong piliing sunding mabuti ang mga mungkahi sa pagtuturo tulad ngnakasaad.

2. Maaari mong gamitin ang manwal na ito bilang gabay sa pag-aaral upangmatukoy ang mga alituntunin at tema na nais mong matalakay sa iyong lesson.

Magpasiya Kung Ano ang Ituturo MoPumili ng mga doktrina, alituntunin, pangyayari, at aplikasyon napinakamahalagang malaman at gawin ng iyong mga estudyante. Karamihan saituturo mo ay magmumula sa manwal na ito at sa manwal ng estudyante;gayunman, tiyaking gamitin ang mga banal na kasulatan para maragdagan angmga alituntunin mula sa mga manwal. Hayaang gabayan ka ng mga panghihikayatng Espiritu Santo at ng pangangailangan ng iyong mga estudyante sa pagpapasiya

PAMBUNGAD

vii

Page 10: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

kung ano ang ituturo. (Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kung ano angituturo, tingnan sa Gospel Teaching and Learning: A Handbook for Teachers and Leadersin Seminaries and Institutes of Religion [2012], bahagi 4.3.3.)

Hindi ka obligadong ituro ang lahat ng mga iminungkahing doktrina at alituntuninsa bawat kabanata, at malamang na makita mo na kulang ang iyong oras paragawin ito. Ipinayo ni Elder Richard G. Scott (1928–2015) ng Korum ngLabindalawang Apostol:

“Tandaan, ang pinakaunang priyoridad ninyo ay hindi para ituro ang lahat ngmateryal kung hindi naman ito mauunawaan [ng mga estudyante]. Gawin anglahat ng makakaya ninyo nang may pag-unawa at sapat na kaalaman” (RichardG. Scott, “To Understand and Live Truth” [mensahe sa CES religious educators,Peb. 4, 2005], 2).

Magpasiya Kung Paano Ka MagtuturoAlalahanin ang mga responsibilidad ng estudyante habang pumipili ka ng iba’tibang pamamaraan sa pagtuturo ng lesson. Sa pagsasalita sa mga tagapagturo ngrelihiyon, sinabi ni Pangulong J. Reuben Clark Jr. (1871–1961) na, “Hindi mokailangang palihim na pumunta sa likod ng kabataang ito na marami nangespirituwal na karanasan at ibulong ang relihiyon sa kanyang mga tainga” (“TheCharted Course of the Church in Education” [mensahe sa mga lider sa seminaryand institute of religion, Ago. 8, 1938], 6). Maaasahan mo ang kahustuhan ngisipan ng mga estudyante sa mga bagay na espirituwal at gagawin nila nang mabutiang kanilang mga responsibilidad. Kapag naghahanda ka ng iyong lesson,tulungan ang iyong mga estudyante na maging responsable sa kanilang pag-aaral.Ang mga sumusunod na mungkahi ay maaaring makatulong:

• Hikayatin ang mga estudyante na basahin ang mga bahagi sa manwal ngestudyante o mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya at ang mgakaukulang banal na kasulatan na ipinababasa sa kanila bago simulan angbawat lesson.

• Bigyan ang mga estudyante ng pagkakataong magtanong at sagutin ang mgatanong. Ang magagandang tanong ay mahalaga sa pagtulong sa mgaestudyante na maging responsable sa kanilang pag-aaral. Maaari mong sabihinpaminsan-minsan sa mga estudyante na isulat ang kanilang mga tanong bagomagpunta sa klase. Tulungan ang mga estudyante na makita na ang kanilangmga tanong sa klase ay maaaring maging mas mahalaga sa proseso ngpag-aaral kaysa sa mga tanong ng titser. Habang pinag-aaralan nila ang mgaturo ng mga buhay na propeta, hikayatin ang mga estudyante na tukuyin angmga alituntunin, ipaliwanag ang mga kahulugan, magbahagi ng mga ideya, atmagpatotoo sa mga katotohanang nalaman nila. Ihanda ang klase paramadama ng mga estudyante ang Espiritu ng Panginoon at magkaroon ngpribilehiyo at responsibilidad na makinig at magsalita upang patatagin ang isa’tisa (tingnan sa D at T 88:122).

• Maghanap ng mga pagkakataon na magamit ang mahahalagang scripturepassage bilang pangalawa at pangatlong patunay na totoo ang mga

PAMBUNGAD

viii

Page 11: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

alituntuning itinuturo mo mula sa kurikulum. Bigyan ng oras ang mgaestudyante na matukoy ang mga talata ng banal na kasulatan na nagdaragdagng ideya o patotoo sa mga alituntuning itinuro.

• Iwasang palaging gamitin ang pagle-lecture sa pagtuturo. Sa halip, hayaangtuklasin ng mga estudyante ang mga katotohanan sa pamamagitan ngpaggabay sa kanila patungo sa mga katotohanang nalaman mo at ng ibang tao.Itinuro ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol natinutulungan ng mahuhusay na titser ang mga estudyante na mahanap angmga sagot para sa kanilang sarili:

“Napansin ko ang isang karaniwang [katangian ng] mga guro na nagkaroonng malaking impluwensya sa buhay ko. Tinulungan nila akong [maghangadna] matuto sa pamamagitan ng pananampalataya. Tumanggi sila na bigyanako ng madadaling kasagutan sa mahihirap na tanong. Sa katunayan, hindinila ako binigyan ng anumang kasagutan. Sa halip, itinuturo nila ang daan attinulungan ako na gawin ang mga hakbang para makita ko ang aking mga

kasagutan. Totoo na hindi ko madalas nagugustuhan ang pamamaraang ito, pero batay sakaranasan natulungan ako na maunawaan na ang kasagutang ibinigay ng ibang tao aykaraniwang hindi matatandaan sa matagal na panahon. Ngunit ang kasagutan nanatuklasan natin o nakamtan sa tulong ng pananampalataya, ay karaniwang naaalala sabuong buhay” (David A. Bednar, “Maghangad na Matuto sa Pamamagitan ngPananampalataya,” Liahona, Set. 2007, 23).

Sa halip na ituro ang impormasyon sa pamamagitan ng lecture lamang,maghanap ng mga pamamaraan sa pagtuturo na tutulong sa mga estudyantena maging mas aktibo sa pag-aaral at talakayan sa klase. (Para sa karagdagangimpormasyon kung paano magturo, tingnan sa Gospel Teaching and Learning: AHandbook for Teachers and Leaders in Seminaries and Institutes of Religion [2012],bahagi 4.3.4.)

• Hikayatin ang mga estudyante na ipamuhay ang payo ng mga propeta.Tulungan silang maging mga disipulo ni Jesucristo at hindi lamang mga iskolarng ebanghelyo. Ipinayo pa sa atin ni Elder David A. Bednar na tulungan natinang mga estudyante na matuto nang “higit pa sa kung ano ang nauunawaan ngisipan at pagtanda at pagsasaulo ng impormasyon” upang matulungan sila na“hubarin ang likas na tao (tingnan sa Mosias 3:19), baguhin ang [kanilang]puso (tingnan sa Mosias 5:2)” (“Maghangad na Matuto sa Pamamagitan ngPananampalataya,” 20).

Pag-aangkop ng Manwal sa mga Taong may KapansananKapag nagtuturo ng mga estudyanteng may mga kapansanan, iakma ang mgalesson upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Halimbawa,kailangan sa maraming lesson na magbasa ang mga estudyante nang malakas otahimik at isulat ang mga sagot sa papel. Para maiakma sa mga estudyante na hindimakapagbasa, maaari kang magbasa nang malakas, pabasahin ang mga kapwaestudyante, o gumamit ng mga prerecorded material para maisalaysay ang mgabanal na kasulatan (tulad ng audiotape, CD, o mp3). Kapag nakasaad sa mga

PAMBUNGAD

ix

Page 12: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

lesson na isulat ang mga sagot, maaari mong hikayatin ang mga estudyante nasabihin na lang ang kanilang mga sagot.

Para sa mga karagdagang ideya at resources, magpunta sa disabilities.lds.org at sabahaging Seminaries and Institutes of Religion Policy Manual sa “Adapting Classesand Programs for Students with Disabilities.”

PAMBUNGAD

x

Page 13: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

Ang Unang Pangitain

KABANATA 1

Kailangan Natin ang mgaBuhay na Propeta

PambungadNabubuhay tayo sa panahon na napakaraming oportunidad,mga pagsubok, at tukso. Kahit malaki ang naitutulong ngmga salita ng mga nagdaang propeta, kailangan natin angpatuloy na patnubay ng Panginoon na akma sa mgakalagayan o pangyayari sa ating panahon. Itinuro niPangulong John Taylor (1808–87):

“Nangangailangan tayo ng buhay na puno—buhay nabukal—buhay na katalinuhan, na nagmumula sa buhay napriesthood sa langit, mula sa buhay na priesthood sa mundo.… Nangailangan ang mga ito ng bagong paghahayag, naangkop sa partikular na kalagayan ng simbahan o ngindibiduwal sa panahong iyon.

“Hindi ipinahayag kay Adan na tagubilinan si Noe nagumawa ng arko; o ipinahayag kay Noe na sabihin kay Lot nalisanin ang Sodom; o nagsalita ang isa sa kanila tungkol sapaglisan ng mga anak ng Israel mula sa Egipto. Ang mga itoay nakatanggap ng paghahayag para sa kanilang sarili. … Atgayon din tayo” (Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan:John Taylor [2002], 189–90).

Ang layunin ng kabanatang ito ay tulungan ang iyong mgaestudyante na maunawaan na kailangan nila ang mga buhayna propeta at ang mga pagpapalang natatanggap natin sapagsunod sa kanilang payo.

Ilang Doktrina at mgaAlituntunin• Inihahayag ng Panginoon ang

Kanyang kalooban sa mga buhay napropeta ngayon tulad ng ginawaNiya noon.

• Ang Simbahan ng Panginoon aynakasalig sa pundasyon ng mgapropeta at apostol.

• Ang mga miyembro ng UnangPanguluhan at ng Korum ngLabindalawang Apostol ay mgapropeta, tagakita, at tagapaghayag.

• Tinutulungan tayo ng mga propetana magkaroon ng pananampalatayakay Jesucristo.

• Ang kaligtasan ay nagmumula sapagkakaroon ng kaalaman at pagsunod sa mga turo ng mga buhay na propeta.

1

Page 14: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

Mga Ideya sa PagtuturoInihahayag ng Panginoon ang Kanyang Kalooban sa mga Buhay na PropetaNgayon Tulad ng Ginawa Niya NoonIbahagi sa iyong klase ang pahayag ni Pangulong Hugh B. Brown (1883–1975) ngUnang Panguluhan tungkol sa pangangailangan sa mga buhay na propeta mula sabahagi 1.1 ng Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Estudyante.

Ipabasa sa buong klase ang Amos 3:7 at itanong:

• Paano pinagtitibay ng Amos 3:7 ang itinuro ni Pangulong Brown?

Isulat sa pisara ang sumusunod na mga reperensya: 1 Nephi 2:1–3; Exodo 3:3–4,15–18. Sabihin sa mga estudyante na basahin ang isa sa mga reperensya at tukuyinkung ano ang ipinagagawa ng Panginoon sa mga tao at sino ang nakatanggap ngpaghahayag. Maikling talakayin ang nalaman nila.

Ipabasa sa isang estudyante ang pahayag ni Pangulong John Taylor (1808–87) sabahagi 2.4 ng manwal ng estudyante. Pagkatapos ay talakayin ang ibinigay na mgadahilan ni Pangulong Taylor kung bakit kailangan ang mga buhay na propeta.

Para bigyang-diin na inihahayag ng Panginoon sa mga buhay na propeta ang payoat tagubilin na kailangan natin sa ating panahon, isulat ang salitang pornograpiya sapisara. Ibahagi sa mga estudyante na ang unang pagkakataon na ginamit angsalitang pornograpiya sa pangkalahatang kumperensya ay noong Oktubre 1959.Nang sumunod na 10 taon, mula 1959 hanggang 1969, binanggit ito nang 8 besessa kumperensya. Gayunman, sa loob ng 10 taon mula 1999 hanggang 2009binanggit ito o pinag-usapan nang 81 ulit sa pangkalahatang kumperensya.Itanong sa mga estudyante ang mga sumusunod:

• Sa palagay ninyo. bakit nagkaroon ng malaking pagbabago sa bilang ngpagbanggit ng mga Kapatid sa pornograpiya? (Maging maingat upang hindi itomauwi sa detalyadong talakayan tungkol sa pornograpiya; isang halimbawalang ito na kailangan ang mga buhay na propeta dahil sa pagbabago ngkalagayan.)

• Ano ang iba pang mga halimbawa ng mahahalagang katotohanan o payo nanatanggap sa ating panahon sa pamamagitan ng mga buhay na propeta namaaaring hindi masyadong nabigyang-diin ng mga propeta noon? (Isulat angmga sagot ng mga estudyante sa pisara para matalakay kalaunan sa lesson.Maaaring kabilang sa mga sagot ang family home evening o mga babala laban sapagkalulong sa droga, aborsyon, at homoseksuwalidad.)

Ibahagi ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Henry B. Eyring ng UnangPanguluhan:

“Dumating [kay Pangulong Thomas S. Monson] ang paghahayag at inspirasyonsa harapan ko. … Isa akong saksi” (Henry B. Eyring, “Ang Totoo at Buhay naSimbahan,” Ensign o Liahona, Mayo 2008, 24).

KABANATA 1

2

Page 15: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

Itanong:

• Bakit mahalagang malaman na patuloy na inihahayag ng Panginoon angKanyang isipan at kalooban sa pamamagitan ng mga buhay na propeta?

Patotohanan na kailangan ang mga buhay na propeta sa mundo ngayon at patuloyna inihahayag ng Panginoon ang Kanyang isipan at kalooban sa pamamagitan ngKanyang mga piling propeta.

Ang Simbahan ng Panginoon ay Nakasalig sa Pundasyon ng mga Propetaat ApostolIdrowing ang kasamang diagram sapisara at itanong ito sa mga estudyante:

• Batid ang kahalagahan ng matibayna pundasyon, anong kaibhan angnagagawa ng uri ng materyal naginagamit sa pagtatayo ngpundasyon?

Ipabasa sa mga estudyante ang Mateo7:24–27.

Ibahagi ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Russell M. Nelson ng Korumng Labindalawang Apostol:

“Halos dalawang dekada na ang nakararaan noong itatayo pa lang ang templosa Mexico City, naharap ang mga arkitekto sa isang malaking hamon. Dahil angMexico City ay nasa lupaing nasa ibabaw ng daluyan ng tubig, ang pundasyonng ilan sa mga gusali nito ay nagagalaw at tumatagilid sa paglipas ng panahon.Ang pagtatayo ng templo roon ay nangailangan ng espesyal na pundasyon.Dalawang daan at dalawampu’t isang malalaki at pinatibay na haliging semento

[bawat haligi ay 18 pulgada ang diametro] ang ibinaon nang mahigit 100 talampakan na lalimsa lupa. … Sa hindi nakikita ngunit tiyak na pundasyong ito, ang templo ngayon ay nakatayongmatibay at tuwid.

“Ang matibay na pundasyon ay kailangan para sa alinmang gusali, institusyon, o indibiduwalpara tumagal ito. Dahil diyan, isipin natin ang pundasyon ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mgaBanal sa mga Huling Araw. Pagkatapos ay tingnan natin kung paano sinusuportahan ng matibayna pundasyon ng Simbahan ang pundasyon ng ating pananampalataya bilang mga miyembro ngSimbahan” (Russell M. Nelson, “How Firm Our Foundation,” Ensign, Mayo 2002, 75).

Basahin nang malakas ang Mga Taga Efeso 2:19–21 sa klase at gamitin ang mgasumusunod na tanong upang tulungan ang mga estudyante na ikumpara angpundasyon ng Mexico City Temple sa pundasyon ng Simbahan na binubuo ng mgapropeta at apostol:

• Sa paanong paraan ang pundasyon ng mga propeta at apostol ay tulad ngmalalaking haliging ginamit para maging matibay ang Mexico City Temple?

• Ano ang magagawa ng isang tao upang matiyak na siya ay nagtatayo ngmatibay na pundasyon?

KABANATA 1

3

Page 16: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

Ipaliwanag na nagbigay si Apostol Pablo ng ilang dahilan kung bakit kailangan angpundasyon ng mga propeta at apostol. Ipabasa nang malakas sa isang estudyanteang Mga Taga Efeso 4:11–14. Sabihin sa mga estudyante na alamin ang mgadahilan kung bakit ibinigay ng Panginoon ang mga propeta at apostol bilang atingpundasyon. Talakayin ang mga nalaman ng mga estudyante.

Ipabasa sa isang estudyante ang pahayag ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ngLabindalawang Apostol mula sa bahagi 1.4 ng manwal ng estudyante. Itanong samga estudyante ang mga sumusunod:

• Ayon kay Elder Holland, bakit napakahalaga ngayon ng pundasyon na mgapropeta at apostol?

• Ano ang isang halimbawa ng turo ng isa sa mga propeta at apostol mula sapinakahuling pangkalahatang kumperensya na nakatulong para palakasin anginyong saligan o pundasyon ng pananampalataya?

• Paano makatutulong ang pagsunod sa turong iyon o sa iba pang mga turo nanaaalala ninyo mula sa kumperensya para hindi kayo “napapahapay dito’t doon… ng lahat na hangin ng aral” (Mga Taga Efeso 4:14) sa mundo ngayon?

Ang mga Miyembro ng Unang Panguluhan at ng Korum ng LabindalawangApostol ay mga Propeta, Tagakita, at TagapaghayagIpakita ang larawan ng kasalukuyang Pangulo ng Simbahan.

Ipaalala sa mga estudyante na sa mga kumperensya ng ating ward at stake, at sapangkalahatang kumperensya ay itinataas natin ang ating kanang kamay upangpatunayan na sinasang-ayunan natin ang mga General Authority. Itanong sa mgaestudyante ang mga sumusunod:

• Ano ang ginagamit na salita kapag sinasang-ayunan natin ang Pangulo ngSimbahan? (Propeta, tagakita, at tagapaghayag.)

• May iba pa ba tayong sinasang-ayunan sa gayon ding pananalita?

• Ano ang kapakinabangan ng pagkakaroon ng mahigit sa isang tao na mayganyang awtoridad?

Ipabasa sa isang estudyante ang pahayag ni Pangulong Harold B. Lee (1899–1973)sa bahagi 1.5 ng manwal ng estudyante. Itanong:

• Kapag namatay ang propeta, sino ang may awtoridad na maglingkod bilangkasunod na Pangulo ng Simbahan?

Isulat ang salitang propeta sa pisara. Sabihin sa mga estudyante na basahin angnakasulat sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan para sa salitang propeta. Pagkataposay sabihing makipagtulungan sila sa isa pang tao sa klase para makabuo ngmaikling depinisyon ng salita. Ipabahagi sa ilang estudyante ang kanilang mgadepinisyon.

Sabihin sa mga estudyante na buklatin ang bahagi 1.6 ng manwal ng estudyante atbasahin ang impormasyon sa ilalim ng subheading na “Propeta” (bahagi 1.6.1).Sabihin sa mga estudyante na tukuyin ang anumang partikular na salita o pariralana nagpapaliwanag pa kung ano ang propeta at ano ang mga ginagawa niya.

KABANATA 1

4

Page 17: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

Hatiin ang klase sa dalawang grupo, at sabihin na hayaan nilang nakabukas angkanilang manwal sa bahagi 1.6. Sabihin sa isang grupo na rebyuhin angimpormasyon sa ilalim ng subheading na “Tagakita” (bahagi 1.6.2) at iparebyu saisa pang grupo ang impormasyon sa ilalim ng subheading na “Tagapaghayag”(bahagi 1.6.3).

Pagkatapos bigyan ng sapat na oras para marebyu at mapag-aralan ito, sabihin sabawat grupo na pumili ng isang tagapagsalita. Sabihin sa tagapagsalita na ito naituro sa klase kung paanong naiiba ang tagakita o tagapaghayag sa isang propeta.Hikayatin silang ibahagi ang kanilang damdamin at patotoo tungkol sa dahilankung bakit mahalaga ngayon ang mga tagakita at tagapaghayag. Kung may mgaestudyanteng personal nang nakita ang isang Apostol (propeta, tagakita attagapaghayag) o dumalo sa isang pulong kung saan nagsalita mismo ang isangApostol, hikayatin silang ikuwento ang karanasan at nadama nila.

Tinutulungan Tayo ng mga Propeta na Magkaroon ng Pananampalataya kayJesucristoBasahin ang Doktrina at mga Tipan 1:17 sa iyong klase at itanong:

• Ano ang dahilan na binanggit ng Panginoon sa pagtawag kay PropetangJoseph Smith?

Basahin ang Doktrina at mga Tipan 1:21 sa iyong klase at itanong:

• Anong karagdagang dahilan ang binanggit ng Panginoon kung bakit kailangansi Joseph Smith sa mga huling araw?

• Paano naragdagan ng inyong kaalaman tungkol sa buhay at mga turo ni JosephSmith ang inyong pananampalataya?

• Paano naragdagan ng inyong kaalaman tungkol sa buhay at mga turo ng ibapang mga propeta ng Simbahan ang inyong pananampalataya?

Ang Kaligtasan ay Nagmumula sa Pagkakaroon ng Kaalaman at Pagsunod samga Turo ng mga Buhay na Propeta

Para matulungan ang mga estudyante na isipin kung paano dumarating angkaligtasan sa pamamagitan ng pakikinig at pagsunod sa mga buhay na

propeta, maaari mong ipalabas sa mga estudyante ang video na “Watchman on theTower [Bantay sa Tore]” (4:17), na matatagpuan sa Doctrine and Covenants andChurch History Visual Resource DVDs at sa LDS.org. Ang video na ito ay tumatalakaykung paano dumarating ang kaligtasan sa pamamagitan ng pakikinig at pagsunodsa mga buhay na propeta.

Magdala ng lalagyan ng likidong panlinis (o anumang bagay na may babala salabel) at basahin sa klase ang babala na nasa label. Itanong:

• Ano ang maaaring mangyari kung walang nakalagay na babala sa lalagyan okung hindi pinakinggan ng tao ang babala na nasa label?

• Anong mga pagkakatulad ang nakikita ninyo sa label na nasa boteng maykemikal na panlinis at sa mga turo ng propeta?

Ipaliwanag na maaaring magamit ng ilang tao ang likidong panlinis sa malingparaan at mapahamak sila dahil hindi nila alam ang tungkol sa babala,

KABANATA 1

5

Page 18: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

samantalang ang iba na nakaaalam tungkol sa babala ngunit hindi ginamit angkaalamang iyon ay daranas ng gayon ding kapahamakan.

• Paano maiaangkop sa ating mga propeta ngayon ang nabanggit na sitwasyonng maling paggamit ng likidong panlinis?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 1:2–4.Sabihin sa iyong mga estudyante na tukuyin kung paano tayo bibigyan ngPanginoon ng babala sa mga huling araw. Pagkatapos ay itanong ang mgasumusunod:

• Sino ang “mga disipulo” ng Panginoon sa ating panahon?

• Paano maikukumpara ang babalang ito sa babala na nasa likidong panlinis?

Ipabasa sa isang estudyante ang pahayag ni Pangulong Harold B. Lee (1899–1973)sa bahagi 1.10 ng manwal ng estudyante. Itanong:

• Ayon kay Pangulong Lee, ano ang susi upang maging ligtas sa kabila ng mgahamon ng buhay?

• Ano ang magagawa natin upang matiyak na nakikita natin ang mga “babala salabel” na ibinigay ng mga Apostol sa mga huling araw ukol sa mga hamon ngbuhay ngayon?

Basahin sa iyong mga estudyante ang sumusunod na pahayag ni PangulongHenry B. Eyring ng Unang Panguluhan:

“Dahil mabait ang Panginoon, tumatawag Siya ng mga tagapaglingkod parabalaan ang mga tao tungkol sa panganib. Ang tungkuling iyan na magbabala aylalo pang pinaigting at binigyang-halaga ng katotohanan na angpinakamahahalagang babala ay tungkol sa mga panganib na hindi pa iniisip ngmga tao na totoo” (Henry B. Eyring, “A Voice of Warning,” Ensign, Nob.1998, 32).

Itanong sa mga estudyante:

• Paano nahihiwatigan ng mga propeta ang mga panganib na hindinahihiwatigan ng iba? (Kung hindi babanggitin ng mga estudyante, maaaringito ang angkop na pagkakataon para magpatotoo tungkol sa tungkulin ng mgatagakita—nakikita nila ang mga bagay sa pamamagitan ng paghahayag nahindi nakikita ng iba.)

Basahin ang sumusunod na pahayag ni Elder M. Russell Ballard ng Korum ngLabindalawang Apostol:

“Kapag naririnig natin ang payo ng Panginoon na ipinahahayag sa pamamagitanng mga salita ng Pangulo ng Simbahan, dapat positibo at kaagad tayongtumugon at sumunod. Makikita sa kasaysayan na mayroong kaligtasan,kapayapaan, kaunlaran, at kaligayahan sa pagsunod sa payo ng propeta”(M. Russell Ballard, “His Word Ye Shall Receive,” Ensign, Mayo 2001, 65).

KABANATA 1

6

Page 19: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

Itanong sa mga estudyante ang mga sumusunod:

• Ano ang mga dahilan ng ilang tao sa pagbalewala sa mga babala nanatatanggap natin mula sa mga Kapatid?

• Anong kaibhan ang magagawa ng pagsunod sa mga babala at payo ng mgapropeta at apostol sa paraang inilarawan ni Elder Ballard?

Sabihin sa mga estudyante na tingnan ang listahan sa pisara na ginawa kanina ngklase tungkol sa mahahalagang katotohanang inihayag ng ating mga buhay napropeta. Ang mga Kapatid ay nag-uukol ng maraming oras, pagsisikap, at perapara maidaos ang pangkalahatang kumperensya; ang kanilang layunin aymatulungan tayo ng mga mensahe, panalangin, at musika upang mas mapagbutipa ang ating buhay. Itanong sa klase:

• Ano ang dapat gawin ng mga Kapatid para matiyak na mangyayari ito?(Maaaring kabilang sa mga sagot ang paghahandang mabuti, pagiging inspiradotungkol sa paksang tatalakayin, at pagsasalita sa ilalim ng impluwensya ng EspirituSanto.)

• Ano ang responsibilidad ko sa prosesong ito? (Maaaring kabilang sa mga sagotang pakikinig, pagdarasal para sa mga Kapatid na nagsasalita, pagdarasal namadaling tumanggap, pagtatala, hindi pagkaabala sa panahon ng kumperensya, atpagiging naaayon sa Espiritu Santo.)

Bigyan ng sapat na oras ang mga estudyante para pag-isipan ang kanilang isasagotat gumawa ng ilang mithiin.

Pagpartnerin ang mga estudyante. Ipaaral sa bawat magkapartner ang Doktrina atmga Tipan 21:4–6 at pagkatapos ay talakayin ang mga sumusunod na tanong(maaari mong isulat sa pisara ang mga tanong bago magklase):

• Anong doktrina ang itinuturo sa mga talatang ito?

• Bakit kung minsan ay kailangan ng pananampalataya at pagtitiyaga paramasunod ang payo ng isang propeta?

• Ano ang mga ipinangako sa mga sumusunod sa mga salita at utos ng propeta?

Basahin sa iyong klase ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Henry B. Eyringng Unang Panguluhan:

“Ang paghahanap sa landas tungo sa kaligtasan sa payo ng mga propeta aymakabuluhan sa mga taong may malakas na pananampalataya. Kapagnagsasalita ang propeta, maaaring isipin ng mga taong kaunti lang angpananampalataya na ang naririnig nila ay isang matalinong tao lamang nanagbibigay ng magandang payo. …

“… Ngunit ang pagpiling huwag pakinggan ang payo ng propeta aynagpapabago sa landas na tinatahak natin. Ito ay nagiging mas mapanganib. Ang hindi

KABANATA 1

7

Page 20: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

pagsunod sa payo ng propeta ay nagpapahina sa kakayahan nating sundin ang inspiradong payosa hinaharap” (Henry B. Eyring, “Finding Safety in Counsel,” Ensign, Mayo 1997, 25).

Itanong sa mga estudyante ang mga sumusunod:

• Bakit nagiging “mas mapanganib” ang “landas na tinatahak natin” kapagsinusuway natin ang payo ng propeta?

• Ano ang ilang halimbawa ng payo ng propeta na ibinigay sa inyong panahon nanauukol sa mga problema sa makabagong panahon? (Ilista sa pisara ang mgasagot ng mga estudyante. Maaaring kabilang sa mga sagot ang pornograpiya,pagsusugal, diborsyo, pagpapatawad sa iba, kapalaluan, pagbabasa ng Aklat niMormon, o iba pang payo.)

Bigyan ng papel ang bawat estudyante. Sabihin sa kanila na pumili ng isa sa mgasagot na nakalista sa pisara at sumulat ng isang talatang naglalarawan kungpaanong ang pagsunod sa payong ito ay magdudulot ng espirituwal na kaligtasanat “itataboy ang mga kapangyarihan ng kadiliman” (D at T 21:6) sa kanilang buhay.Ipabahagi sa ilang estudyante ang kanilang isinulat. Para sa mga estudyante namagbabahagi ng kanilang sagot, sunod na itanong sa kanila ang mga sumusunod:

• Kailan ninyo nadama ang katotohanan ng turong ito sa inyong buhay?

• Paano ninyo ituturo at patototohanan ang alituntuning ito sa isang kapamilya okaibigan?

Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na kapag nalaman natin angkahalagahan ng mga buhay na propeta sa ating buhay, kailangang tiyakin natin nakikilos tayo upang ipamuhay ang kanilang mga turo. Ang Panginoon ay nagsugong mga propeta para tulungan tayong manatiling ligtas sa espirituwal.

KABANATA 1

8

Page 21: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

Pangulong Gordon B. Hinckley (kaliwa),Pangulong Ezra Taft Benson (gitna), atPangulong Thomas S. Monson (kanan)

KABANATA 2

Ang Buhay na Propeta: AngPangulo ng Simbahan

PambungadAng mga susing ginagamit ng Pangulo ng Simbahan sakanyang tungkulin bilang propeta, tagakita, at tagapaghayagang dahilan kaya wala siyang katulad sa lupa. Anginspiradong payo ng propeta ay mananatiling nakaayon samga walang-hanggang katotohanan at nakatuon sa mgapangangailangan at kalagayan sa kanyang panahon. Angpagsunod sa kanyang payo ay may epekto sakawalang-hanggan. Tulungan ang iyong mga estudyante namalaman na kapag may kumpiyansa at nagtitiwala sila sapayo ng buhay na propeta, sila ay papatnubayan sa mgalandas ng kaligtasan. Habang naglilingkod bilang miyembrong Korum ng Labindalawang Apostol, sinabi ni Pangulong

Gordon B. Hinckley (1910–2008):

“Naniniwala ako na ang kapayapaan at pag-unlad atkasaganaan ng mga taong ito ay nakasalalay sa pagsunod sakalooban ng Panginoon ayon sa malinaw na pagkakahayag[ng Pangulo ng Simbahan] sa kaloobang iyan. Kung hindinatin susundin ang kanyang payo, hindi natin tinatanggapang kanyang sagradong tungkulin. Kung susunod tayo sakanyang payo, tayo ay pagpapalain” (Gordon B. Hinckley,“We Thank Thee, O God, for a Prophet,” Ensign, Ene.1974, 125).

Ilang Doktrina at mgaAlituntunin• Ang Pangulo ng Simbahan ang

nagtataglay at namamahala sapaggamit ng lahat ng susi ngpriesthood.

• Ang mga turo at tagubilin ng buhayna propeta ay mangingibabaw kaysasa sinabi ng mga naunang propeta.

• Hindi kailanman pahihintulutan ngPanginoon na iligaw ng buhay napropeta ang Simbahan.

Mga Ideya sa PagtuturoAng Pangulo ng Simbahan angNagtataglay at Namamahala saPaggamit ng Lahat ng Susi ngPriesthoodIpabuklat sa isang estudyante ang bahagi 2.1 ng Mga Turo ng mga Buhay na PropetaManwal ng Estudyante, at ipabasa sa kanya ang unang apat na talata (hanggang sa“ginagamit namin ang mga ito araw-araw”) ng pahayag ni Pangulong Boyd K.Packer (1924–2015) ng Korum ng Labindalawang Apostol.

Pagkatapos ay pag-aralan ang Mateo 16:15–19; 18:18 kasama ang iyong mgaestudyante. Itanong:

9

Page 22: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

• Ano ang sinabi ng Tagapagligtas na ibibigay Niya kay Pedro?

• Ano ang magagawa ni Pedro gamit ang mga susing ito?

• Sino pa ang nakatanggap ng mga susing ito? (Tingnan sa Mateo 18:18; pansininna nakasaad sa Mateo 18:1 na sinabi ni Jesus ang mga salitang ito sa KanyangLabindalawang Apostol.)

• Sino ang mga binigyan ng mga susi ring ito sa ngayon?

Sabihin sa isang estudyante na tapusin ang pagbabasa ng kuwento ni PangulongPacker na nasa bahagi 2.1 ng manwal ng estudyante. Pagkatapos ay itanong:

• Ano ang ibig sabihin ng katagang mga susi ng priesthood?

Ibahagi ang sumusunod na pahayag ni Elder Bruce R. McConkie (1915–85) ngKorum ng Labindalawang Apostol:

“Ang mga susi ng priesthood ang karapatan at kapangyarihan ng panguluhan.Ang mga ito ang kapangyarihan sa pangangasiwa, pamamahala, at pamumuno.Ang mga nagtataglay nito ay binibigyan ng karapatang pamahalaan angpamamaraan ng paggamit ng iba ng kanilang priesthood” (Bruce R. McConkie, ANew Witness for the Articles of Faith [1985], 309).

Sabihin sa mga estudyante na ibuod, sa kanilang sariling mga salita, angdepinisyon ni Elder McConkie sa mga susi ng priesthood.

Basahin ang sumusunod na mga banal na kasulatan sa iyong klase at sabihin samga estudyante na ilista sa pisara ang mga susi ng priesthood na tinukoy sabawat talata:

• Doktrina at mga Tipan 13:1 (Paglilingkod ng mga anghel, ebanghelyo ngpagsisisi, binyag)

• Doktrina at mga Tipan 84:18–22 (Mga hiwaga ng kaharian, kaalamantungkol sa Diyos)

• Doktrina at mga Tipan 110:11–16 (Pagtitipon ng Israel, dispensasyon ngebanghelyo ni Abraham, kapangyarihang magbuklod)

• Doktrina at mga Tipan 112:16, 30–32; 124:128 (Mga susi ng kaharian, mgasusi upang mabuksan ang ebanghelyo sa buong mundo)

Itanong sa klase:

• Paano naaapektuhan ng mga susing ito ang bawat miyembro ng Simbahan?(Lahat ng mga ordenansa ng ebanghelyo ay pinamamahalaan at isinasagawang mga taong may hawak ng mga susing iyon.)

• Paano ginagamit ng Pangulo ng Simbahan ang mga susing ito para pamahalaanang gawain ng Panginoon sa lupa? (Binubuksan ang mga bansa sa ebanghelyo,

KABANATA 2

10

Page 23: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

nagbibigay pahintulot sa pribilheyong mabuklod, nagtatayo ng mga templo,ipinaliliwanag ang mga hiwaga ng ebanghelyo.)

Tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang pagkakaiba ng susi at ngawtoridad sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga sumusunod na halimbawa:

Ang priest ay may awtoridad ng priesthood na magbinyag (tingnan sa D at T20:46), ngunit ang kanyang bishop—na may hawak ng mga susi para mamuno saward (tingnan sa D at T 107:13–15)—ay kailangan munang magbigay ng pahintulotna magsagawa ng binyag at sabihin sa priest kung kailan, paano, saan, at sino angbibinyagan.

Ang mga miyembro ng Unang Panguluhan ng Simbahan ang may hawak ng mgasusi ng kapangyarihang magbuklod ng priesthood. Tinatawag nila at isine-set apartang iba pang mga karapat-dapat na maytaglay ng priesthood, at binibigyan sila ngawtoridad na magbuklod para magsagawa ng mga pagbubuklod sa templo.

Ibahagi ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Gordon B. Hinckley(1910–2008):

“Kapag inordenan ang isang tao sa pagkaapostol at itinalaga bilang miyembrong Kapulungan ng Labindalawa, ibibigay sa kanya ang mga susi ng priesthoodng Diyos. Bawat isa sa labinlimang buhay na kalalakihang inorden ay may hawakng mga susing ito. Gayunman, tanging ang Pangulo ng Simbahan ang maykarapatang gamitin ang mga ito sa kabuuan nito. Maaari niyang italaga angpaggamit ng ilan sa mga ito sa isa o mahigit pa sa kanyang mga Kapatid. Bawat

isa ay may mga susi ngunit magagamit lamang ito ayon sa antas na ipinagkaloob sa kanya ngpropeta ng Panginoon” (Gordon B. Hinckley, “The Church Is on Course,” Ensign, Nob. 1992, 54).

Itanong sa mga estudyante:

• Paano pinamamahalaan ng Pangulo ng Simbahan ang paggamit ng mga susi ngpriesthood ng Korum ng Labindalawang Apostol?

• Bakit kailangang hawak ng mga Apostol ang mga susing hawak din ng Pangulong Simbahan?

Magpatotoo na bawat isa sa mga Pangulo ng Simbahan ay may hawak ng lahat ngsusi ng priesthood. Dahil sa mga susing ito, makakamtan ng lahat ang mgapagpapala ng kaligtasan sa pamamagitan ng mga ordenansa ng ebanghelyo.

Ang mga Turo at Tagubilin ng Buhay na Propeta ay Mangingibabaw Kaysa saSinabi ng mga Naunang PropetaSabihin sa mga estudyante na magbigay ng mga halimbawa ng mga gawain saSimbahan na nagbago o nagsimula sa paglipas ng mga taon. Kung walang maisipang mga estudyante, maaari mong imungkahi ang ilan sa mga sumusunod:

1. Iskedyul sa pulong sa araw ng Linggo (isang tatlong-oras na magkakasunod napulong o three-hour block sa halip na magkakahiwalay na miting sa umagaat gabi)

KABANATA 2

11

Page 24: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

2. Ang pondo ng ikapu ang pinagkukunan ng karamihan sa mgapangangailangan sa badyet ng ward (dati-rati ang mga ward ay kailangangmagtipon ng sarili nilang pera para sa kanilang badyet)

3. Standard na mga talakayan ng missionary (ilang beses na binago sa nakalipasna 30 taon, ang pinakahuli ay sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo [2004])

4. Mas maliliit na templo (natutugunan ng mas maliliit na templo ang mgapangangailangan sa mas maliliit na lugar)

5. Perpetual Education Fund (ibinalita noong Abril 2001)

6. Mga Korum ng Pitumpu (may pagkakataon noon na bawat stake ay may korumng mga pitumpu; pagkatapos ay nagkaroon na lang ng isang korum sapangkalahatan; ngayon ay marami tayong korum)

Itanong sa mga estudyante:

• Sa paanong paraan maaantala ang Simbahan kung ginawa natin ang lahatkagaya noong naunang mga henerasyon?

• Paano nakatulong ang mga pagbabagong ito sa paglago ng Simbahan sabuong mundo?

Ipaliwanag na bukod sa pamamahala sa mga gawain at patakaran sa Simbahan,nililinaw at pinalalawak din ng mga propeta ang ating pag-unawa sa doktrina ngSimbahan. Isulat sa kalahating panig ng pisara ang mga sumusunod na tanong:

• Gaano kadalas sinabi ni Pangulong Spencer W. Kimball na nakatatanggapang mga propeta ng paghahayag mula noong 1820?

• Paano kadalasang dumarating ang mga paghahayag sa mga buhay napropeta?

• Anong babala ang ibinigay sa atin ni Pangulong Kimball?

Hatiin ang klase sa dalawang grupo at ipabasa sa unang grupo ang pahayag niPangulong Spencer W. Kimball (1895–1985) sa bahagi 2.3 ng manwal ngestudyante. Ipahanap sa kanila ang mga sagot sa mga tanong na nasa isang panigng pisara habang nagbabasa sila.

Sa kalahati naman ng pisara, isulat ang mga sumusunod na tanong:

• Bakit mas gusto ni Pangulong Brigham Young ang mga salita ng buhay napropeta kaysa sa mga banal na kasulatan?

• Ano ang ibig sabihin ni Pangulong Ezra Taft Benson nang sabihin niya na angpropeta ay may “kapangyarihang gaya ng sa TNT (uri ng bomba)”?

• Ano ang iminungkahi ni Pangulong Benson na pinakamahalagangbasahin natin?

KABANATA 2

12

Page 25: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

• Ano ang babalang ibinigay sa atin ni Pangulong Benson na dapat natingpag-ingatan?

Ipabasa naman sa isa pang grupo ang pangalawa at pangatlong “pangunahingtuntunin” mula sa mensahe ni Pangulong Ezra Taft Benson (1899–1994) na nasa“Enrichment Material” sa dulo ng kabanata 2 ng manwal ng estudyante. (Ang mgaito ay bahagi ng isang mensahe na pinamagatang “Fourteen Fundamentals inFollowing the Prophet.”) Ipahanap sa kanila ang mga sagot sa mga tanong na nasaisang panig ng pisara habang nagbabasa sila.

Matapos ang sapat na oras na mabasa at mapag-isipang mabuti ng mga estudyanteang materyal at masagot nila ang mga tanong, hikayatin silang ibahagi sa klase angkanilang mga sagot at ideya. Sabihin sa ilang estudyante na ibahagi ang kanilangpatotoo tungkol sa buhay na propeta at sa mga pagpapalang natamo nila sapagsunod sa payo ng propeta.

Hindi Kailanman Pahihintulutan ng Panginoon na Iligaw ng Buhay na Propetaang SimbahanIpabasa sa isang estudyante ang Mga Bilang 12:6–8 at sa isa pang estudyante angExodo 33:11 sa klase. Talakayin kung ano ang nagbibigay-kakayahan sa propetapara malaman kung paano mamuno sa atin.

Hatiin ang iyong klase sa maliliit na grupo. Ipabasa sa bawat grupo ang mgapahayag na nasa bahagi 2.5 ng manwal ng estudyante. Ipatalakay sa mga grupoang mga sumusunod na tanong habang nag-aaral sila (maaari mong isulat angmga tanong sa pisara o gawin itong handout at ibigay sa kanila):

• Ano ang sinabi ni Pangulong Wilford Woodruff na hindi kailanmanmangyayari?

• Ano ang sinabi niyang gagawin ng Panginoon bago pa mangyari iyon?

• Ano ang ibig sabihin ng “ituon ang inyong paningin” sa propeta? Sa paanongparaan natin epektibong magagawa iyan?

• Ano ang sinabi ni Pangulong Gordon B. Hinckley na tanging hangarin ng mgalider ng Simbahan?

• Paano niya sinabing ginagawa ang mahahalagang desisyon ng Simbahan?

• Sa paanong paraan naaapektuhan ng pagkaunawa sa mga alituntuning itoang ating pananampalataya sa Simbahan at sa buhay na propeta?

• Basahin ang Deuteronomio 18:18–22. Paano sinusuportahan ng mga salitangito ni Moises ang ideya na hindi kailanman pahihintulutan ng Panginoon nailigaw ng buhay na propeta ang Simbahan?

KABANATA 2

13

Page 26: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

Sabihin sa mga estudyante na ibahagi sa klase ang ilan sa mga tinalakay nila sakanilang mga grupo.

KABANATA 2

14

Page 27: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

Ang kapita-pitagang kapulungan sapagbubukas ng sesyon ng pangkalahatangkumperensya noong Oktubre 1972. Sa pulongna ito, sinang-ayunan ng mga miyembro ngSimbahan ang bagong Unang Panguluhan nabinubuo nina Harold B. Lee (Pangulo),Marion G. Romney (Unang Tagapayo), atN. Eldon Tanner (Pangalawang Tagapayo).

KABANATA 3

Paghalili sa PanguluhanPambungadAng Pangulo ng Simbahan ay inorden noon pa man sapremortal na buhay at tinatawag sa buhay na ito mataposang mahaba at tapat na paglilingkod sa Korum ngLabindalawang Apostol. Siya ay itinatalaga upang gamitinang mga susi ng kaharian ng langit sa lupa at pormal nasinasang-ayunan ng mga miyembro ng Simbahan.

Tulungan ang iyong mga estudyante na maunawaan kunggaano kahalaga ang paghahayag mula sa Panginoon saKanyang propeta sa proseso ng pagtawag ng mga Apostol.Sa pagpapatibay ng Espiritu sa banal na orden ng paghalili,magpatotoo at anyayahan ang iyong mga estudyante na

magpatotoo tungkol sa awtoridad at kasimplihan ng prosesong paghalili.

Dahil may ilang sipi o quotation na iminungkahi sakabanatang ito, maaari kang gumawa ng handout para saiyong mga estudyante na kasama ang lahat ng mga sipi oquotation na plano mong gamitin. Maaari mo ringpag-aralan ang kasaysayan ng paghalili sa Panguluhan ngSimbahan mula pa noong panahon ni Joseph Smith. Angkasaysayang ito ay nakabuod sa kabanata 3 ng Mga Turo ngmga Buhay na Propeta Manwal ng Estudyante sa bahaging3.1, 3.2, at 3.3.

Ilang Doktrina at mgaAlituntunin• Itinatag ng Panginoon ang paraan

ng paghalili sa Panguluhan ngSimbahan.

• Ang Korum ng LabindalawangApostol ang nangungulo saSimbahan sa pagpanaw ng Pangulo.

• Ang seniority o tagal ngpanunungkulan sa Korum ngLabindalawang Apostol ang batayankung sino ang mamumuno.

• Sinasang-ayunan ng mga miyembrong Simbahan ang bagong tawag naPangulo ng Simbahan.

Mga Ideya sa PagtuturoItinatag ng Panginoon ang Paraanng Paghalili sa Panguluhan ngSimbahanSabihin sa mga estudyante na talakayinkung paano pinipili ang mga lider opangulo sa iba’t ibang organisasyon.Halimbawa:

• Paano pinipili ang pangulo ng isang kumpanya?

• Paano pinipili ang bagong lider sa isang demokratikong pamahalaan?

15

Page 28: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

• Paano pinipili ang bagong lider sa isang monarkiyang pamahalaan?

• Paano nagiging Pangulo ng Simbahan ang isang tao? Paano naiiba angprosesong ito sa paraan ng pagpili ng mga lider sa ibang mga organisasyon?

Ipaalam sa mga estudyante na ang Panginoon mismo ang nagpapasiya kung sinoang mamumuno sa Simbahan. Sa tagubilin ng Diyos, ang pinaka-senior naApostol (ang pinakamatagal nang Apostol) ang nagiging namumunong mataas nasaserdote ng Simbahan. Ang mga miyembro ng Simbahan ay maaaring lubusangmanampalataya na siya ang taong nais ng Panginoon at inilalagay sa posisyon namaging Pangulo ng Simbahan (tingnan sa item 3 sa bahagi 3.4 ng manwal ngestudyante). Dahil dito, ang paraan ng paghalili sa Pangulo ng Ang Simbahan niJesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay kakaiba.

Basahin ang pahayag ni Pangulong Spencer W. Kimball (1895–1985) sa bahagi3.5 ng manwal ng estudyante. Sabihin sa mga estudyante na talakayin ang mgasumusunod na tanong:

• Paano inaalis ng huwaran o paraan sa paghalili sa Pangulo ng Simbahan angmga pagkakamali, kaguluhan, ambisyon, at makasariling mga hangarin?

• Paano pinatatatag ang inyong pananampalataya at patotoo ng kaalaman ninyona ang bagong Pangulo ng Simbahan ay tinawag ng Diyos sa kanyangtungkulin, sa halip na alinsunod sa mga sistema ng mundo?

Hatiin ang klase sa tatlong grupo. Isulat sa pisara ang mga sumusunod na scripturereference: Jeremias 1:5; Abraham 3:22–23; Doktrina at mga Tipan 138:53–56; Alma13:1–9. Sabihin sa bawat grupo na pag-aralan ang isa sa unang tatlong scripturereference pati na rin ang Alma 13:1–9. Bigyan ang bawat grupo ng kopya ngsumusunod na pahayag ni Propetang Joseph Smith (1805–44):

“Bawat lalaki na may tungkuling maglingkod sa mga tao sa daigdig ayinordenan sa mismong layuning iyon sa Malaking Kapulungan sa langit bagonilikha ang daigdig na ito. Sa palagay ko ay inordenan ako sa mismongkatungkulang ito sa Malaking Kapulungang iyon” (Mga Turo ng mga Pangulo ngSimbahan: Joseph Smith [2007], 598).

Ipahanap sa mga grupo ang mga sagot sa mga sumusunod na tanong habangpinag-aaralan nila ang kanilang mga scripture passage at ang sipi o quotation:

• Kailan pinili ng Panginoon ang mga tao na magiging mga Pangulo, propeta, atlider ng Simbahan?

• Paano namukod-tangi ang mga propeta sa premortal na daigdig?

• Maliban sa mga propeta, sino pa ang ibang inordenan noon pa sa premortalna buhay?

• Paano naaapektuhan ng kaalamang ito ang pagtitiwala ninyo sa taong pinipiling Panginoon na maging propeta?

KABANATA 3

16

Page 29: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

Pumili ng tagapagsalita mula sa bawat grupo. Sabihin sa tagapagsalita na ibahagisa klase ang mga sagot ng kanyang grupo sa mga tanong at ang iba pang mgaideya nila.

Ang Korum ng Labindalawang Apostol ang Nangungulo sa Simbahan saPagpanaw ng PanguloIsulat ang equation na 3 = 12 sa pisara. Ipabasa sa mga estudyante ang Doktrina atmga Tipan 107:23–24 at ipaliwanag kung paano naging tama ang equation na ito.(Sa aspetong ang Korum ng Unang Panguluhan at ang Korum ng LabindalawangApostol ay pantay sa awtoridad.)

Ibahagi ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Joseph Fielding Smith(1876–1972):

“Sa aking palagay kailangang tanggapin na hindi maaaring kapantay ng apostolsa awtoridad ang Panguluhan kapag ang Unang Panguluhan ay naorganisa nangbuo at wasto. Hindi maaaring magkaroon ng dalawang pinuno—o tatlongpinuno—na magkapantay ang awtoridad nang magkasabay, sapagka’t ito aymaaaring humantong sa pagkalito. Kaya ang mga apostol ay pantay-pantay,tulad ng ipinahayag, sa aspetong may kapangyarihan silang pamahalaan ang

mga gawain ng Simbahan kapag walang Panguluhan dahil sa pagpanaw ng Pangulo” (JosephFielding Smith, Doctrines of Salvation, comp. Bruce R. McConkie, 3 tomo [1954–56], 1:255).

• Ayon kay Pangulong Smith, kailan “magkapantay sa awtoridad atkapangyarihan” ang Korum ng Labindalawang Apostol at ang UnangPanguluhan?

• Bakit angkop ang pariralang “kapantay ngunit nasa ilalim ng pamumuno” sapaglalarawan ng ugnayan ng Korum ng Labindalawang Apostol at ng UnangPanguluhan?

Para mailarawan na ang Korum ng Labindalawang Apostol ang nagkakaisangpamunuan ng Simbahan at ang Simbahan ay hindi mawawalan kailanman ng mgapinunong tinawag ng Diyos, ipabasa sa isang estudyante ang pahayag niPangulong Spencer W. Kimball (1895–1985) sa bahagi 3.7 ng manwal ngestudyante.

Basahin ang pahayag ni Pangulong Gordon B. Hinckley (1910–2008) sa bahagi3.6 ng manwal ng estudyante. Pagkatapos ay itanong:

• Kailan natatanggap ng Pangulo ng Simbahan ang mga susi ng kanyangkatungkulan?

• Ano ang pagkakaiba sa paraan ng paghawak ng mga miyembro ng Korum ngLabindalawang Apostol ng lahat ng susi ng priesthood at sa paraan ngpaghawak ng Pangulo ng Simbahan ng mga susi ring iyon?

• Kailan nabibigyan ng karapatan ang senior na miyembro ng Korum ngLabindalawang Apostol na gamitin ang mga susi ng priesthood naipinagkaloob sa kanya?

KABANATA 3

17

Page 30: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

Ipaliwanag sa mga estudyante na pagkamatay ni Propetang Joseph Smith, siPangulong Brigham Young ang namuno sa Simbahan bilang Pangulo ng Korum ngLabindalawang Apostol nang mahigit tatlong taon bago muling inorganisa angUnang Panguluhan noong Disyembre 1847. Itanong:

• Sa anong karapatan pinamunuan ni Pangulong Brigham Young ang Simbahanmatapos ang pagpaslang kay Propetang Joseph?

Ipaunawa sa iyong mga estudyante na may karapatan ang senior na Apostol namagpasiya kung kailan ioorganisa ang Korum ng Unang Panguluhan at ang seniorna Apostol ang maaaring mangulo sa buong Simbahan bilang Pangulo ngLabindalawa hanggang sa madama niya na kailangan nang iorganisa ang UnangPanguluhan. Pagkatapos ay sasang-ayunan ng iba pang miyembro ng Korum ngLabindalawang Apostol ang kanyang desisyon.

Ang Seniority o Tagal ng Panunungkulan sa Korum ng LabindalawangApostol ang Batayan Kung Sino ang MamumunoPaunang paghahanda: Bago magklase, maaari mong ilista sa pisara o sa isanghandout ang mga pangalan ng Unang Panguluhan at ng Korum ng LabindalawangApostol nang hindi magkakasunod, o maaari mong idispley sa pisara ang kanilangmga letrato (kung mayroon) nang hindi magkakasunod. Gamitin angpinakabagong isyu ng kumperensya ng Ensign o Liahona bilang reperensya.

Rebyuhin ang alituntunin na kapag pumanaw ang Pangulo ng Simbahan,nabubuwag ang Korum ng Unang Panguluhan at ang mga tagapayo sa UnangPanguluhan ay bumabalik sa kanilang puwesto batay sa seniority sa Korum ngLabindalawang Apostol. Itanong:

• Ano ang seniority ng kasalukuyang mga tagapayo sa Unang Panguluhan bilangapostol?

Ipakita sa mga estudyante ang listahan ng mga pangalan, o ipakita ang mga letrato,ng mga miyembro ng Unang Panguluhan at ng Korum ng Labindalawang Apostolnang hindi magkakasunod. Sabihin sa klase na ayusin ang mga pangalan o letratosa tamang pagkakasunud-sunod ng seniority. Pagkaraan ng ilang sandali, tulungansilang makumpleto nang wasto ang aktibidad.

Hikayatin ang mga estudyante na isaulo ang mga pangalan ng mga miyembro ngUnang Panguluhan at ng Korum ng Labindalawang Apostol nang magkakasunodayon sa kanilang seniority.

Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na ang mga miyembro ng Korum ngLabindalawang Apostol ay laging magkakasunod ayon sa seniority. Noong unangitatag ang Korum ng Labindalawang Apostol sa dispensasyong ito, ang seniority aynakabatay sa edad (tingnan sa History of the Church, 2:219–20). Simula noon, angseniority ay ibinatay ayon sa petsa ng ordinasyon ng bawat miyembro sa Korum ngLabindalawang Apostol. Ang seniority na ito ay hindi lamang batayan sa paghalilisa Panguluhan kundi batayan din ito ng pamumuno sa korum. Ipinaliwanag niPangulong Russell M. Nelson ng Korum ng Labindalawang Apostol:

KABANATA 3

18

Page 31: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

“Iginagalang ang seniority sa inordenan na mga Apostol—kahit sa pagpasok opaglabas sa isang silid. …

“Ang paggalang na iyon ng isang junior na Apostol sa isang senior na Apostol aynakatala sa Bagong Tipan. Nang magpunta sina Simon Pedro at Juan angPinakamamahal para alamin ang balita na may kumuha sa katawan ng kanilangPanginoon na ipinako sa krus mula sa libingan, si Juan, na mas bata at mas

mabilis, ang unang nakarating, subalit hindi siya pumasok. Nagbigay-galang siya sa senior naApostol, na siyang naunang pumasok sa libingan. (Tingnan sa Juan 20:2–6.)” (Russell M.Nelson, “Honoring the Priesthood,” Ensign, Mayo 1993, 40).

Paunawa: Kung may oras pa, maaari mong ipabasa sa mga estudyante ang pahayagni Pangulong N. Eldon Tanner (1898–1982) ng Unang Panguluhan sa bahagi 3.8ng manwal ng estudyante. Inilalarawan nito ang itinugon at ginawa ni PangulongMarion G. Romney ng Unang Panguluhan at ni Pangulong Spencer W. Kimball,Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol, sa balita na pumanaw na siPangulong Harold B. Lee, na siyang Pangulo ng Simbahan noon.

Ibahagi ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Boyd K. Packer (1924–2015) ngKorum ng Labindalawang Apostol, na ipinapaliwanag ang kagandahan nghalimbawa ng senior leadership o pamumuno ayon sa tagal ng panunungkulan:

“Inisip na ba ninyo kung bakit itinatag ng Panginoon ang Unang Panguluhan atang Korum ng Labindalawang Apostol nang sa gayon ang pinakamataas napamunuan ng Simbahan ay laging matatanda? Pinahahalagahan ng huwarangito ang karunungan at karanasan kaysa sa kabataan at pisikal na [lakas]” (BoydK. Packer, “Ang mga Ginintuang Taon,” Ensign o Liahona, Mayo 2003, 84).

Itanong sa mga estudyante:

• Sa palagay ninyo bakit mas mahalaga ang karunungan at karanasan sapamunuan ng Simbahan kaysa sa kabataan at pisikal na lakas?

Sinasang-ayunan ng mga Miyembro ng Simbahan ang Bagong Tawag naPangulo ng SimbahanPaunawa: Kung hindi nauunawaan ng iyong mga estudyante ang ibig sabihin ng“kapita-pitagang kapulungan,” patingnan sa kanila ang impormasyon sa bahagi3.9 ng manwal ng estudyante.

Ipaliwanag sa iyong mga estudyante na isa sa mga pinakasagradong miting saSimbahan ay ang kapita-pitagang kapulungan, kung saan sinasang-ayunan ngmga miyembro ng Simbahan ang bagong tawag na Pangulo ng Simbahan. Angmga miyembro ng Simbahan sa buong mundo ay hinihikayat na makibahagi, nangpersonal o sa pamamagitan ng radyo, telebisyon, satellite, o internet. Ang mgakorum at organisasyon ng Simbahan ay may kani-kaniyang pagpapasiya atbumoboto para sang-ayunan ang Pangulo ng Simbahan.

KABANATA 3

19

Page 32: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

Ipabasa sa isang estudyante ang pahayag ni Elder David B. Haight (1906–2004)ng Korum ng Labindalawang Apostol sa bahagi 3.9 ng manwal ng estudyante.Ipinaliliwanag ng pahayag na ito ang protokol ng kapita-pitagang kapulungan.

Itanong sa mga estudyante:

• Sa palagay ninyo, bakit sinusunod ng Simbahan ang gayong pormal na paraansa pagsang-ayon sa bagong tawag na Pangulo ng Simbahan?

• Anong mga pribilehiyo ang ibinibigay sa mga miyembro ng Simbahan sapamamagitan ng pormal na paghaharap sa bagong Pangulo ng Simbahan?

• Ano ang mga responsibilidad ng mga miyembro ng Simbahan matapos nilangsang-ayunan ang bagong Pangulo?

Itanong sa mga estudyante kung mayroon sa kanila na nagkaroon na ngpagkakataong dumalo sa isang kapita-pitagang kapulungan at nakibahagi sapagsang-ayon sa bagong propeta. Sabihin sa ilang estudyante na ibahagi angnadama nila habang dumadalo at nakikibahagi sa sagradong pulong na ito.

Ipaalala sa iyong mga estudyante na sa bawat kumperensya ng Simbahan, ang mgamiyembro ay inaanyayahang sang-ayunan ang Unang Panguluhan at ang Korumng Labindalawang Apostol. Ang ibig sabihin ng pagsang-ayon sa mga lider ngSimbahan ay “mangakong itaguyod sila na mga naglilingkod sa pangkalahatan atlokal na [katungkulan sa] Simbahan” (Gabay sa mga Banal na Kasulatan,“Pagtataguyod sa mga Pinuno ng Simbahan,” scriptures.lds.org; tingnan din saMga Hebreo 13:17; 3 Nephi 12:1; D at T 1:38; 112:20).

Ipabasa sa mga estudyante ang Doktrina at mga Tipan 107:22; pagkatapos ayitanong ang mga sumusunod:

• Ayon sa talatang ito, paano dapat sang-ayunan ng mga miyembro ng Simbahanang Unang Panguluhan?

• Ano ang ibig sabihin ng sang-ayunan natin ang Pangulo ng Simbahan nangmay pagtitiwala?

Hikayatin ang mga estudyante na sang-ayunan ang Pangulo ng Simbahan sapamamagitan ng pagtitiwala sa kanyang mga turo at pananampalataya sa kanyangpamumuno, pagdarasal para sa kanyang kapakanan, at pagsunod sa kanyang payo.

Magpatotoo na malaking pagpapala ang matatamo sa pagsang-ayon at pagtanggapng payo mula sa taong pinili ng Panginoon na maging Pangulo ng KanyangSimbahan.

KABANATA 3

20

Page 33: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

KABANATA 4

Ang Korum ng UnangPanguluhan

PambungadAng Unang Panguluhan ang may hawak ng “mga susi ngkaharian” at ito ang pinakamataas na namumunongkapulungan sa Simbahan (D at T 81:2; tingnan din sa buod osection summary ng D at T 81; 107:80–81). Ipinaaalam ngPanginoon ang Kanyang kalooban sa Unang Panguluhan.Bilang namumunong korum ng Simbahan, ang UnangPanguluhan ang pinakamataas na awtoridad sa lupa sadoktrina ng Simbahan. Ganito ang ipinangako ni PangulongJoseph Fielding Smith (1876–1972) sa mga taongsumusunod sa payo ng Unang Panguluhan:

“Palagay ko may isang bagay na dapat napakalinaw nanauunawaan natin sa ating isipan. Hindi kailanman ililigawng Pangulo ng Simbahan, ni ng Unang Panguluhan … angmga Banal o papayuhan ang sanlibutan nang salungat saisipan at kalooban ng Panginoon. …

“Pinatototohanan ko na kung igagalang natin ang UnangPanguluhan at susundin natin ang kanilang payo at utos,walang kapangyarihan sa lupa ang makahahadlang o

makapagpapabago sa ating tinatahak bilang simbahan, atbilang mga indibiduwal magkakaroon tayo ng kapayapaansa buhay na ito at magiging mga tagapagmana ngwalang-hanggang kaluwalhatian sa daigdig na darating”(Joseph Fielding Smith, “Eternal Keys and the Right toPreside,” Ensign, Hulyo 1972, 88).

Tulungan ang mga estudyante na maunawaan angkahalagahan ng pagsunod sa Unang Panguluhan. Rebyuhinang mga pangakong ibinigay sa mga sumusunod. Bilangbunga ng lesson na ito, dapat makadama ang mgaestudyante ng mas matinding hangaring sang-ayunan atmakiisa sa Unang Panguluhan. Dapat madama nila nasabihin, tulad ni Pangulong Boyd K. Packer ng Korum ngLabindalawang Apostol: “Salamat po Diyos para sapanguluhan. Tulad ng mga tuktok ng [bundok], walang ibangnakahihigit sa kanila kundi ang kalangitan” (“The SpiritBeareth Record,” Ensign, Hunyo 1971, 87).

21

Page 34: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

Ang Unang Panguluhan noong 1894:George Q. Cannon, Unang Tagapayo (kaliwa);Wilford Woodruff, Pangulo (gitna); atJoseph F. Smith, Pangalawang Tagapayo(kanan).

Ilang Doktrina at mgaAlituntunin• Inihayag ng Panginoon ang mga

tagubilin tungkol sa UnangPanguluhan kay PropetangJoseph Smith.

• Ang Unang Panguluhan ang mayhawak ng mga susi ng kaharian, nakinabibilangan ng awtoridad napamahalaan ang gawain ngPanginoon sa lupa.

• Kapag ang Pangulo ng Simbahan aysinang-ayunan ng kanyang mgatagapayo at ng mga miyembro ngSimbahan, ang buong Simbahan aypinagpapala.

Mga Ideya sa PagtuturoInihayag ng Panginoon ang mgaTagubilin Tungkol sa UnangPanguluhan kay PropetangJoseph SmithIlista sa pisara ang mga sumusunod na pangyayari, at hilingin sa mga estudyantena pagsunud-sunurin ang mga ito:

Pag-organisa ng Simbahan

Unang Pangitain ni Joseph Smith

Panunumbalik ng Melchizedek Priesthood

Panunumbalik ng Aaronic Priesthood

Sagot: (1) Unang Pangitain ni Joseph Smith; (2) panunumbalik ng AaronicPriesthood; (3) panunumbalik ng Melchizedek Priesthood; (4) pag-organisa ngSimbahan.

Itanong sa mga estudyante:

• Bakit sa palagay ninyo ganito ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayaringito? Bakit hindi nangyari ang mga ito sa ibang pagkakasunud-sunod?

Ipabasa sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 128:20–21. Pagkatapos ayitanong:

• Paano nakakatulong ang banal na kasulatang ito sa pagpapaliwanag ngpagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa Panunumbalik? (pansinin lalo naang huling bahagi ng talata 21).

KABANATA 4

22

Page 35: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

Ipaliwanag na inihayag din ng Panginoon ang organisasyon ng pamamahala saSimbahan nang taludtod sa taludtod, kabilang na ang mga tagubilin tungkol saKorum ng Unang Panguluhan. Nang unang itatag ang Simbahan, wala pangUnang Panguluhan gaya ng mayroon tayo ngayon.

Ipabasa sa mga estudyante ang tsart sa bahagi 4.2 ng Mga Turo ng mga Buhay naPropeta Manwal ng Estudyante. Pagkatapos ay itanong:

• Anong titulo ang ginamit sa katungkulan ni Joseph Smith nang unang itatagang Simbahan noong Abril 6, 1830?

• Gaano katagal naorganisa ang Unang Panguluhan matapos maitatag angSimbahan?

• Sa palagay ninyo, bakit hindi pa buo ang organisasyon ng pamunuan ngSimbahan noong unang itatag ang Simbahan?

Magpatotoo na mula noong panahon ni Propetang Joseph Smith hanggang sangayon, tinatagubilinan ng Panginoon ang Kanyang mga propeta tungkol sa kungpaano mag-organisa at mamuno sa Kanyang Simbahan, naghahayag ng kaalamankapag kailangan ito, nang taludtod sa taludtod (tingnan sa D at T 128:21). Nangdumating ang tamang panahon, inihayag ng Panginoon kay Joseph Smith angtungkol sa pag-oorganisa ng Unang Panguluhan.

Ang Unang Panguluhan ang May Hawak ng mga Susi ng Kaharian, naKinabibilangan ng Awtoridad na Pamahalaan ang Gawain ng Panginoonsa LupaSabihin sa mga estudyante na buklatin ang Doktrina at mga Tipan 90. Ipaliwanagna nakasaad sa section heading na “ang paghahayag na ito ay isang pagpapatuloyna hakbang sa pagtatatag ng Unang Panguluhan.” Ipabasa sa isang estudyante angDoktrina at mga Tipan 90:9. Ipaliwanag na ang katagang “iyong pangangasiwa” aytumutukoy sa Pangulo ng Simbahan at ang katagang “kanilang pangangasiwa” aytumutukoy sa mga tagapayo sa Unang Panguluhan. Itanong:

• Sa talatang ito, ano ang pagkakaiba ng tungkulin ng Pangulo at ng tungkulin ngkanyang mga tagapayo? (Ang Pangulo ang tumatanggap ng salita; ang mgatagapayo ang tumutulong upang maiparating ang salita sa mga dulong mundo.)

Isulat sa pisara: Ang Pangulo ang namamahala. (Maaari mong ipaliwanag na angtungkulin ng Pangulo na tumanggap ng mga paghahayag para sa buong Simbahanay binanggit din sa D at T 90:4.)

Ipabasa sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 90:6. Pagkatapos ayitanong:

• Sino ang binanggit ng Panginoon na magiging mga tagapayo kay PropetangJoseph Smith? (Sidney Rigdon at Frederick G. Williams.)

• Ayon sa talatang ito, sa paanong paraan kapantay ang mga tagapayo sa UnangPanguluhan ngunit nasa ilalim ng pamamahala ng Pangulo? (Sa paghawak ngmga susi.)

Isulat sa pisara: Ang mga tagapayo ay kapantay sa paghawak ng mga susi.

KABANATA 4

23

Page 36: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

Ipabasa sa isang estudyante ang komentaryo ni Elder John A. Widtsoe(1872–1952) ng Korum ng Labindalawang Apostol sa bahagi 4.4 ng manwal ngestudyante.

Sa pagtukoy sa dalawang alituntunin na isinulat mo sa pisara, ipaliwanag nakailangang maunawaan ang dalawang katotohanang ito upang maunawaan kungpaano kumikilos ang Unang Panguluhan sa pamumuno sa Simbahan.

Bilang halimbawa, ipabasa sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan102:9–11. Pagkatapos ay itanong:

• Kung hindi magagampanan ng Pangulo ng Simbahan ang kanyang tungkulindahil sa karamdaman o iba pang mga sitwasyon, ano ang paraang inilaan ngPanginoon para magpatuloy ang Kanyang gawain?

Paalala: Maaari mong ipabasa sa mga estudyante ang una sa dalawang pahayag niPangulong Gordon B. Hinckley (1910–2008) sa bahagi 4.7 ng manwal ngestudyante.

Isulat sa pisara ang sumusunod na listahan ng mga banal na kasulatan at sabihin samga grupo ng mga estudyante na basahin ang mga ito, at alamin ang mgatungkulin ng Unang Panguluhan. Bigyan ng oras ang mga estudyante namagsaliksik, at pagkatapos ay ipareport sa bawat grupo ang kanilang natuklasan atpagawin sila ng listahan ng mga tungkulin ng Unang Panguluhan sa pisara.

Mga Banal na Kasulatan Mga Tungkulin ng UnangPanguluhan

D at T 68:14–15

D at T 90:16

D at T 107:8–9

D at T 107:33

D at T 107:78–81

D at T 120 section heading attalata 1

D at T 124:126

Maaaring ganito ang hitsura ng ginawa ninyong listahan:

KABANATA 4

24

Page 37: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

Mga Banal naKasulatan

Mga Tungkulin ng Unang Panguluhan

D at T 68:14–15 Magtalaga ng mga bishop

D at T 90:16 Mamuno, isaayos ang lahat ng gawain ng Simbahan

D at T 107:8–9 Gumanap sa lahat ng katungkulan sa Simbahan

D at T 107:33 Pamahalaan ang gawain ng Korum ng LabindalawangApostol

D at T 107:78–81 Pagpasiyahan ang mahihirap na sitwasyon, ayusin angmga pagtatalo sa mga bagay na espirituwal

D at T 120 sectionheading at talata 1

Gumawa ng mga desisyon tungkol sa paggasta(paggamit) ng mga ikapu

D at T 124:126 Tumatanggap ng mga orakulo (paghahayag) para sabuong Simbahan

Sabihin sa bawat grupo na basahin ang isa sa mga sumusunod na sipi o quotationmula sa kabanata 4 ng manwal ng estudyante, at alamin ang mga karagdagangtungkulin ng Unang Panguluhan. (Sabihin sa mga estudyante na idagdag ang mganalaman nila sa listahan sa pisara.)

1. Pangulong James E. Faust (1920–2007) ng Unang Panguluhan (tingnan sabahagi 4.9 ng manwal ng estudyante).

2. Pangulong Joseph Fielding Smith (1876–1972) (tingnan ang pangalawa sadalawang pahayag ni Pangulong Smith sa bahagi 4.5 ng manwal ngestudyante).

Itanong sa mga estudyante:

• Paano naapektuhan ng mga tungkulin ng Unang Panguluhan anginyong buhay?

Kapag ang Pangulo ng Simbahan ay Sinang-ayunan ng Kanyang mgaTagapayo at ng mga Miyembro ng Simbahan, ang Buong Simbahan ayPinagpapalaRebyuhin ang listahan ng mga tungkulin ng Unang Panguluhan na nasa pisara atang mga tungkulin ng Pangulo ng Simbahan na pinag-aralan ninyo sa kabanata 2.

Ipabasa sa isang estudyante ang Exodo 17:8–13. Ituro na sina Aaron at Hur aykatulad ng mga tagapayo sa Unang Panguluhan. Pagkatapos ay talakayin ang mgasumusunod na tanong:

KABANATA 4

25

Page 38: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

• Sa huli, ano ang nangyari sa Israel dahil sa tinulungan nina Aaron at Hur siMoises sa pamamagitan ng paghawak sa kanyang mga kamay?

• Ano ang dapat natutuhan ng Israel noong araw na iyon habang minamasdannila ang pagtindi ng digmaan at nakita si Moises sa ibabaw ng burol?

• Anong mga aral ang matututuhan natin mula sa talang ito na angkop saatin ngayon?

Ipabasa sa isang estudyante ang pahayag ni Elder William R. Walker ng Pitumpusa bahagi 4.6 ng manwal ng estudyante. Itanong:

• Paano nakakatulong ang mga tagapayo sa Unang Panguluhan sa pagpasan sapasaning dinadala ng propeta ngayon?

Paalala: Maaari mo ring ibahagi ang pahayag ni Pangulong N. Eldon Tanner(1898–1982) ng Unang Panguluhan sa bahagi 4.8 ng manwal ng estudyante.Pagkatapos ay itanong:

• Sino pa, bukod sa kanyang mga tagapayo, ang tumutulong sa propeta sapagpasan sa pasaning iyon?

Ipabasa sa mga estudyante ang pahayag ni Pangulong Harold B. Lee (1899–1973)sa bahagi 4.11 ng manwal ng estudyante. Pagkatapos ay itanong:

• Ano ang magagawa natin ngayon bilang mga miyembro ng Simbahan paramatulungan at masuportahan ang Unang Panguluhan?

• Sa palagay ninyo, sa paanong paraan nakakatulong “ang pagtitiwala,pananampalataya at [mga] panalangin” (D at T 107:22) ng mga miyembro ngSimbahan sa pagpasan ng pasanin ng propeta at ng kanyang mga tagapayo?

Ipabasa sa mga estudyante ang Doktrina at mga Tipan 21:4–6, at alamin angmangyayari sa atin kapag sinasang-ayunan natin ang propeta at ang kanyang mgatagapayo. Pagkatapos ay itanong ang mga sumusunod:

• Ayon sa mga talatang ito, anong mga pagpapala ang dumarating sa mgamiyembro ng Simbahan kapag sinasang-ayunan natin ang propeta at angkanyang mga tagapayo?

• Paano ito katulad ng nangyari sa mga Israelita nang itaas nina Aaron at Hur angmga kamay ni Moises?

• Kailan ninyo nadama na pinalakas, pinrotektahan, o pinagpala kayo ngpagsang-ayon sa Pangulo ng Simbahan at sa kanyang mga tagapayo?

Ipabasa sa isang estudyante ang mga pahayag ni Propetang Joseph Smith(1805–1844) sa bahagi 4.12 ng manwal ng estudyante. Itanong:

• Sa paanong paraan naging pagpapala sa inyong buhay ang tagubilin na ibinigayng mga miyembro ng Unang Panguluhan?

Maaari mong ituon ang pansin ng mga estudyante sa polyetong Para sa Lakas ngmga Kabataan, na inihanda ng Unang Panguluhan para sa mga kabataan ngSimbahan. Maaari mong sabihin sa mga estudyante na ibahagi kung paano silanapagpala sa pamumuhay ng mga pamantayan ng Simbahan.

KABANATA 4

26

Page 39: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

Ipabasa sa isang estudyante ang pahayag ni Pangulong Joseph Fielding Smith(1876–1972) sa bahagi 4.13 ng manwal ng estudyante. Pagkatapos ay patotohananito at ang iba pang mga pagpapalang ipinangako sa mga taong sumusunod saUnang Panguluhan. Sabihin sa mga estudyante na sang-ayunan at sundin angUnang Panguluhan sa buong buhay nila.

KABANATA 4

27

Page 40: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

Ang Korum ng Labindalawang Apostol salabas ng Salt Lake Temple noong 1931.

KABANATA 5

Ang Korum ngLabindalawang Apostol

PambungadAng Simbahan ay nakatayo “sa ibabaw ng kinasasaligan ngmga apostol at ng mga propeta” (Mga Taga Efeso 2:20). Angkabanatang ito ay nagbibigay ng mga pagkakataongmatulungan ang mga estudyante na makita kung paanopinapatnubayan ng Korum ng Labindalawang Apostol angSimbahan sa pamamagitan ng inspiradong pamumuno atpatotoo. Tungkol sa pamumunong ito, si Elder Jeffrey R.Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol aynagpatotoo:

“Bilang pinakamaliit sa mga sinang-ayunan ninyo nasumasaksi nang personal sa patnubay ng Simbahang itomismo, sinasabi ko nang buong katapatan na kailanman, sa

personal o propesyonal kong buhay, hinding-hindi pa akonaging bahagi noon ng anumang grupo na maramingnalalaman sa nangyayari sa lipunan, maraming alam sa mgaproblemang kinakaharap natin, na matamang pinag-aaralanang nakaraan, handang tanggapin ang anumang bago, atpinag-iisipang mabuti, at nang may panalangin ang lahat ngiba pa” (Jeffrey R. Holland, “Mga Propetang Naritong Mulisa Lupa,” Ensign o Liahona, Nob. 2006, 105–6).

Sa pagtatapos ng lesson na ito, dapat maunawaan ng iyongmga estudyante na dahil sa mga sagradong susi ngawtoridad ng priesthood, naisusulong ng mga Apostol angkaharian ng Diyos sa buong mundo.

Ilang Doktrina at mgaAlituntunin• Ang mga Apostol ay mga

natatanging saksi ni Jesucristo sabuong mundo.

• Kumikilos ang mga apostol paraisulong ang kaharian ng Diyos.

• Ang Korum ng LabindalawangApostol ay nagkakaisa sa kanilangmga desisyon.

Mga Ideya sa PagtuturoPaunang paghahanda: Sakaling hindipamilyar ang iyong mga estudyante samga miyembro ng Korum ngLabindalawang Apostol, ang website ngSimbahan na newsroom.lds.org ay maymga materyal na nagbibigay ngmahalagang tulong. Maida-download mo ang mga larawan, maikling talambuhay,o mas detalyadong mga artikulo tungkol sa talambuhay para matulungan ang mgaestudyante na maging pamilyar sa ating kasalukuyang mga Apostol.

Ang mga Apostol ay mga Natatanging Saksi ni Jesucristo sa Buong MundoIpabasa sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 107:23 at sa isa pa ang MgaGawa 4:33. Pagkatapos ay itanong ang mga sumusunod:

28

Page 41: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

• Ayon sa mga talatang ito, ano ang tungkulin ng Korum ng LabindalawangApostol?

• Ano ang patototohanan nila?

• Saan ibibigay ng mga Apostol ang “natatanging” pagsaksing ito?

Basahin ang isinalaysay ni Pangulong Harold B. Lee (1899–1973) sa bahaging 5.2ng Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Estudyante. Tumigil sa bahagi ngsipi o quotation na may nakasaad na “Ano po ang isasagot namin?” Itanong samga estudyante:

• Paano ninyo papayuhang sumagot ang mga missionary?

Pagkatapos sumagot ng ilang estudyante, basahin ang nalalabi sa sipi o quotation.Pagkatapos ay itanong:

• Sa paanong paraan makikita sa sagot ni Pangulong Lee ang kanyang tungkulinna maging “natatanging saksi” ni Jesucristo?

Ibahagi ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Joseph Fielding Smith(1876–1972):

“Ito ay napakabigat na responsibilidad para sa [mga Apostol], ang malaman nasi Jesucristo ang talagang tunay na Bugtong na Anak ng Diyos, ang Manunubosng sanlibutan” (Joseph Fielding Smith, Seek Ye Earnestly [1970], 213).

Pagkatapos ay itanong:

• Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ni Pangulong Smith nang sabihin niyang“napakabigat na responsibilidad”?

Ibahagi sa iyong mga estudyante ang pahayag ni Pangulong Howard W. Hunter(1907–1995) sa bahagi 5.2 ng manwal ng estudyante. Pagkatapos ay itanong sa mgaestudyante ang mga sumusunod:

• Ano ang pinatotohanan ni Pangulong Hunter?

• Paano mapapalakas ang ating patotoo sa pakikinig sa patotoo ng isangApostol?

Sabihin sa mga estudyante na pagtuunan ng pansin ang patotoo ng Apostol satuwing maririnig o mababasa nila ito. Hikayatin ang mga estudyante na palakasinang kanilang patotoo tungkol sa mga katotohanan na pinatototohanan ng mgaApostol.

Kumikilos ang mga Apostol para Isulong ang Kaharian ng DiyosIbahagi sa mga estudyante ang una sa dalawang pahayag ni Pangulong Gordon B.Hinckley (1910–2008) sa bahagi 5.5 ng manwal ng estudyante. Sabihin sa mgaestudyante na pakinggan ang depinisyon ng isang Apostol. Pagkatapos ay itanong:

• Ano ang sinabi ni Pangulong Hinckley na ibig sabihin ng salitang Apostol?

KABANATA 5

29

Page 42: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

• Ano ang ibinigay na “awtoridad at responsibilidad” sa mga Apostol?

Basahin ang Mateo 28:16–20 at Doktrina at mga Tipan 65:5–6 sa inyong klase atitanong:

• Ano ang iniutos ni Jesucristo sa Kanyang mga Apostol sa mga talatang ito?

• Kung ang mga Apostol ang magtatatag ng kaharian ng Diyos sa buong mundo,ano ang kaharian ng Diyos? (Ang kaharian ng Diyos ay ang Simbahan samundo ngayon. Ang mga Apostol ay tumutulong sa pagtatayo ng kaharian ngDiyos—ang Simbahan—sa mundo ngayon upang ang kaharian ng langit—angSimbahan sa milenyo—ay dumating.)

Bilang paglalarawan kung paano maisasakatuparan ng mga buhay na Apostol anginiutos na ito ng Diyos, ibahagi ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Boyd K.Packer (1924–2015) ng Korum ng Labindalawang Apostol:

“Hindi ako naiiba sa mga Kapatid sa Labindalawa … kapag sinasabi ko sa inyona makikita sa rekord na ako ay nagpunta sa Mexico at sa Gitna at TimogAmerika nang mahigit 75 beses, sa Europa nang mahigit 50 beses, sa Canada 25beses, sa mga Isla ng Pasipiko 10 beses, sa Asia 10 beses, at Aprika 4 na beses;sa Tsina rin dalawang beses; sa Israel, Saudi Arabia, Bahrain, DominicanRepublic, India, Pakistan, Egipto, Indonesia, at sa napakarami pang lugar sa

mundo. Higit pa riyan ang nalakbay ng iba” (Boyd K. Packer, “Ang Labindalawa,” Ensign oLiahona, Mayo 2008, 86).

Pagkatapos ay itanong:

• Sa palagay ninyo, anong mga kaalaman ang natatamo ng mga Apostol mula sapaglalakbay na iyon sa iba’t ibang lugar?

Hatiin sa dalawang grupo ang klase at ipabasa sa unang grupo ang Doktrina atmga Tipan 107:33–35, 58 at ipabasa sa pangalawang grupo ang Doktrina at mgaTipan 18:27–32. Ipatukoy sa mga estudyante ang mga salita at pariralangnaglalarawan kung ano ang “isinugong” gawin ngayon ng mga Apostol. Sa pisara,isulat ang (o ipasulat sa isang estudyante) ang mga salita at parirala na matutukoyng mga estudyante. (Maaaring kabilang sa ilang salita at parirala ang gaganap, itayoang Simbahan, pamahalaan, buksan ang pintuan, ipangaral ang ebanghelyo, ordenan,isaayos, ipangaral sa bawat nilikha, magbinyag, at ipahayag ang ebanghelyo ayon saEspiritu Santo.) Pagkatapos ay itanong:

• Ano ang ilang paraan na ipinapangaral ng ating mga buhay na Apostol angebanghelyo at itinatayo ang Simbahan ngayon? (Nagsasalita sa pangkalahatangkumperensya, bumibisita sa lokal na mga kumperensya, naglilibot sa mgamission, iniinterbyu ang mga lokal na lider ng Simbahan, nagsasagawa ng mgabrodkast para sa pandaigdigang pagsasanay sa pamumuno, at maramipang iba.)

Ipabasa sa isang estudyante ang pangalawa sa dalawang pahayag ni PangulongGordon B. Hinckley sa bahagi 5.5 ng manwal ng estudyante (tingnan ang hulingtalata ng bahaging iyon). Pagkatapos ay itanong ang mga sumusunod:

KABANATA 5

30

Page 43: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

• Sa paanong paraan ninyo nakita o narinig ang tungkol sa paglilingkod ng mgaApostol sa paraan na inilarawan ni Pangulong Hinckley?

• Ano ang naging impluwensya ng mga Apostol sa inyo bilang indibiduwal?

Ang Korum ng Labindalawang Apostol ay Nagkakaisa sa Kanilang mgaDesisyonBasahin ang Doktrina at mga Tipan 107:27–31 at itanong:

• Anong mga alituntunin ang sinabi ng Panginoon na dapat sundin sa mgadesisyong ginagawa ng Labindalawa?

• Anong pangako ang ibinigay sa talata 31 kung ang mga desisyon ay ginagawaayon sa mga tagubilin na ibinigay sa talata 27 at 30? Ano sa palagay ninyo angibig sabihin ng pangakong iyon?

Ibahagi sa mga estudyante ang pahayag ni Pangulong Gordon B. Hinckley sakatapusan ng bahagi 5.7 ng manwal ng estudyante (sa huling talata, simula sa“Ngunit wala akong napansing …”). Pagkatapos ay itanong:

• Paano nadaragdagan ang inyong pananampalataya at tiwala sa mga desisyongiyon, batid na nagkakaisa ang mga Apostol sa mga desisyong iyon?

Ibahagi sa klase ang pahayag ni Pangulong James E. Faust (1920–2007) ng UnangPanguluhan sa bahagi 5.7 ng manwal ng estudyante. Hikayatin ang mga estudyantena pakinggan kung bakit nagkakaisa ang mga Kapatid. Pagkatapos ay itanong angmga sumusunod:

• Paano magsisilbing “pangkontrol” ang prosesong ito laban sa pansarilingkagustuhan o pansariling hangarin?

• Ano ang iminungkahi ni Pangulong Faust na kailangan para magkaisa sila?

Tapusin ang lesson sa pagbabahagi ng iyong patotoo tungkol sa katungkulan attungkulin ng Labindalawang Apostol. Hikayatin ang mga estudyante na lalo pangpagtuunan ng pansin ang patotoo ng Labindalawa at ang mga paksang pinipilinilang talakayin sa kanilang mga mensahe.

KABANATA 5

31

Page 44: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

Ang assembly hall ng Conference Center saisang sesyon ng pangkalahatangkumperensya.

KABANATA 6

PangkalahatangKumperensya

PambungadIpinaliwanag ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ngLabindalawang Apostol ang ilan sa mga layunin ngpangkalahatang kumperensya:

“Ang pangkalahatang kumperensya ng Simbahan aypaghahayag sa buong mundo na si Jesus ang Cristo, na Siyaat ang Kanyang Ama, ang Diyos at Ama nating lahat, aynagpakita sa batang propetang si Joseph Smith bilangkatuparan ng sinaunang pangakong iyon na mulingipanunumbalik ng nabuhay na mag-uling Jesus ng Nazaretang Kanyang Simbahan sa lupa. … [Ang mgakumperensyang ito ay nagpapahayag] sa bawat bansa, lahi,wika, at tao na nangako ang mapagmahal na Mesiyas naang ‘kaniyang kaawaan ay magpakailan man’ [Mga Awit136:1; I Mga Cronica 16:34]” (Jeffrey R. Holland, “MgaPropetang Naritong Muli sa Lupa,” Ensign o Liahona, Nob.2006, 106).

Ang pangkalahatang kumperensya ay nagbibigay ngpagkakataon sa mga miyembro ng Simbahan namapakinggan ang mga sinang-ayunan natin bilang mgapropeta, tagakita, at tagapaghayag at matuto sa kanila.Tulungan ang iyong mga estudyante na maunawaan angkahalagahan ng paghahanda para sa pangkalahatangkumperensya at pagsunod sa mga salita ng mga buhay napropeta. Bukod pa rito, tulungan silang maunawaan nakailangang regular na pag-aralan ang mga isyu ngkumperensya ng Ensign o Liahona. Madaragdagan anghangarin ng mga estudyante na sundin ang mga salita ngmga makabagong propeta kapag nauunawaan nila ang mgapagpapalang dumarating dahil sa pagsunod sa mga babalaat payo ng propeta. Hikayatin ang mga estudyante na alamindin ang mga turo ng mga buhay na propeta na nasa iba pangmga lathalain ng Simbahan o ibinigay sa iba pang mgapagkakataon bukod sa pangkalahatang kumperensya.

Ilang Doktrina at mgaAlituntunin• Ang pangkalahatang kumperensya

ay nagbibigay ng mga pagkakataonpara sa espirituwal napagpapanibago.

• Tayo ay nangangako na susundin atsusuportahan ang mgasinasang-ayunan natin sapangkalahatang kumperensya.

• Ang ating paghahanda aynakakaapekto sa natututuhan natinmula sa pangkalahatangkumperensya.

• Ang pagsunod sa mga turo ngpangkalahatang kumperensya aymagpapabuti ng ating buhay.

32

Page 45: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

Mga Mungkahi sa PagtuturoAng Pangkalahatang Kumperensya ay Nagbibigay ng mga Pagkakataon parasa Espirituwal na PagpapanibagoBago magklase, isulat sa pisara ang apat na “Mga Doktrina at Alituntunin” nanakalista sa itaas. Itanong:

• Anong mga salita sa mga pahayag na ito ang nagsasaad ng atingresponsibilidad?

• Bakit nagkakaroon ng higit na espirituwal na lakas ang ilang tao mula sa mgakaganapan ng pangkalahatang kumperensya kaysa sa iba?

• Ano ang magagawa ninyo para makinabang nang husto mula sapangkalahatang kumperensya?

Isulat sa pisara: Ang kumperensya ay panahon ng …

Itanong sa mga estudyante kung paano nila kukumpletuhin ang pariralang ito.Isulat sa pisara ang kanilang mga sagot. Ipabasa sa isang estudyante ang pahayagni Pangulong Howard W. Hunter (1907–1995) sa bahagi 6.2 ng Mga Turo ng mgaBuhay na Propeta Manwal ng Estudyante. Sabihin sa mga estudyante na pakinggankung paano kinumpleto ni Pangulong Hunter ang pariralang nakasulat sa pisara.Pagkatapos ay itanong:

• Paano ninyo naranasan ang katuparan ng pahayag ni Pangulong Hunter?

Ipabasa sa mga estudyante ang Doktrina at mga Tipan 43:8–9; 124:144 at sagutinang mga sumusunod na tanong:

• Ano ang ilan sa mga layunin ng pangkalahatang kumperensya?

• Ano ang ibig sabihin ng salitang patibayin?

Ibahagi ang sumusunod na depinisyon ng patibayin, na ibinigay ni Elder Robert L.Backman ng Pitumpu:

“Ang ibig sabihin ng patibayin ay patatagin, palakasin ang pananampalataya,pabutihin ang moralidad. Kapag iniisip ninyo ito, ito ang paraan ng pagtatayo ngPanginoon ng kanyang kaharian. Isipin na lang ninyo ang ibig sabihin ngmadama ang pakikipagkapatiran ni Jesucristo sa ating mga pagtitipon. ‘Dahildito, maging matapat; tumayo sa katungkulang aking itinalaga sa iyo; tulunganang mahihina, itaas ang mga kamay na nakababa, at palakasin ang tuhod na

mahihina.’ (D at T 81:5.)” (Robert L. Backman, sa “Giving Spiritual Nourishment to the LessActive: A Panel Discussion,” Ensign, Abr. 1987, 16).

Pagkatapos ay itanong:

• Paano “nakapagpapatibay” na karanasan para sa inyo ang pangkalahatangkumperensya?

Magpatotoo na ang pangkalahatang kumperensya, kung pagtutuunan natin itonang wastong pansin at saloobin, ay magpapanibago sa ating espiritu attutulungan tayo nitong magpakabuti at maging higit na katulad ng Tagapagligtas.

KABANATA 6

33

Page 46: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

Tayo ay Nangangako na Susundin at Susuportahan ang mgaSinasang-ayunan Natin sa Pangkalahatang KumperensyaHatiin sa dalawang grupo ang klase at ipabasa sa unang grupo ang pahayag niPangulong Gordon B. Hinckley (1910–2008) sa bahagi 6.5 ng manwal ngestudyante. Ipabasa naman sa pangalawang grupo ang pahayag ni Elder David B.Haight (1906–2004) ng Korum ng Labindalawang Apostol sa bahagi 6.5 ngmanwal ng estudyante. Kapag natapos sila, itanong ang mga sumusunod:

• Ano ang ibig sabihin kapag nagtataas tayo ng ating kamay para sang-ayunanang ating mga lider?

• Ano ang magagawa natin para maipakita na sinusuportahan natin ang atingmga lider?

Pagpartner-partnerin ang mga estudyante at bigyan ang bawat magkapartner ngisang papel. Ipabasa sa kanila ang mga sumusunod na banal na kasulatan. Sabihinsa magkakapartner na sumulat ng maikling pahayag na nagpapaliwanag sadoktrinang itinuturo sa bawat isa sa mga banal na kasulatan na ito:

II Mga Cronica 20:20

Mateo 10:41

Doktrina at mga Tipan 1:38

Doktrina at mga Tipan 107:22

Doktrina at mga Tipan 112:20

Pagkatapos ng sapat na oras, sabihin sa mga estudyante na ibahagi sa klase angilan sa isinulat nila.

Hatiin sa dalawang grupo ang klase at ipabasa sa unang grupo ang pahayag niPangulong Henry B. Eyring ng Unang Panguluhan mula sa bahagi 6.5 ng manwalng estudyante. Sabihin sa mga estudyante na maghandang talakayin ang mgasumusunod na tanong:

• Ano ang dapat nating gawin matapos nating itaas ang ating mga kamay sa botong pagsang-ayon sa pangkalahatang kumperensya?

• Ano ang magiging epekto ng ginawa natin sa ating mga lider?

• Ano ang magiging epekto sa atin ng ginawa natin?

Ipabasa sa pangalawang grupo ang pahayag ni Pangulong Joseph F. Smith(1838–1918) mula sa bahagi 6.5 ng manwal ng estudyante. Sabihin sa mgaestudyante na maghandang talakayin ang mga sumusunod na tanong:

• Ano ang naramdaman ni Joseph F. Smith tungkol kay Brigham Young?

• Ano ang naging epekto kay Pangulong Smith ng pagsunod sa pagtawag ngpropeta?

Sabihin sa mga estudyante na talakayin ang nalaman nila sa unang grupo.

Hikayatin ang mga estudyante na ikuwento ang mga pagpapalang natanggap nilao ng kanilang pamilya sa pagsunod at pagsuporta sa mga tagapaglingkod ng

KABANATA 6

34

Page 47: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

Panginoon. Ipahayag ang iyong damdamin tungkol sa pagsunod sa mgatagapaglingkod ng Panginoon.

Ang Ating Paghahanda ay Nakakaapekto sa Natututuhan Natin mula saPangkalahatang KumperensyaIpaliwanag sa mga estudyante na ang paraan nila ng paghahanda para sapangkalahatang kumperensya ay maaaring depende sa kung paano nilanatatanggap o napapakinggan ang mga mensahe. Tulungan ang mga estudyantena maunawaan na kahit magkakaiba ang sitwasyon ng pagtanggap at pakikinig sapangkalahatang kumperensya, ang paraan kung paano nila unahin at paghandaanang pangkalahatang kumperensya ang talagang nagpapasiya kung ano angmatututuhan nila mula rito. Itanong:

• Ano ang ilang araw-araw, linggu-linggo, at buwanang priyoridad sa inyongbuhay na binibigyan ninyo ng panahon upang mapaghandaan?

• Ano ang nakahihikayat sa inyo na mas unahing paghandaan ang isangpartikular na kaganapan kaysa sa ibang kaganapan? (Maaari mong isulat sapisara ang mga sagot ng mga estudyante.)

Ibahagi sa mga estudyante ang pahayag ni Pangulong Boyd K. Packer(1924–2015) ng Korum ng Labindalawang Apostol sa bahagi 6.6 ng manwal ngestudyante. Pagkatapos ay itanong sa mga estudyante:

• Sa inyong palagay, bakit ang kaalamang matatamo natin mula sa kumperensyaay mas nakasalalay sa ating paghahanda kaysa sa paghahanda ng mgatagapagsalita?

Ipabuklat sa mga estudyante ang bahagi 6.6 ng manwal ng estudyante at basahinang karanasan na isinalaysay ni Elder Paul V. Johnson ng Pitumpu. Pagkatapos ayitanong sa mga estudyante ang mga sumusunod:

• Paano kaya natin matututuhang mahalin ang mga salita ng mga propeta atapostol tulad ng ginawa ni Elder Johnson?

• Ano ang sinasabi ni Elder Johnson na dapat pagpasiyahan natin?

• Kapag ang pangkalahatang kumperensya ay priyoridad na sa ating buhay, anoang mga gagawin natin na makatutulong sa atin para mapaghandaan ang payona ibinigay roon?

Itanong sa mga estudyante kung ano ang nalaman nila na makatutulong sapaghahanda ng kanilang sarili para sa pangkalahatang kumperensya. Kapagnaibigay na ng mga estudyante ang kanilang mga ideya, maaari mong ipabasa saklase ang apat na ideya sa paghahanda na nasa bahagi 6.6 ng manwal ngestudyante.

Ipaliwanag sa mga estudyante na ang listahan na nasa manwal ng estudyante ayhindi talaga kinumpleto; nagbibigay lamang ito ng mga ideya at mungkahi.Matapos basahin ng mga estudyante ang listahan, sabihin sa kanila na magbahaging mga pagkakataon kung saan sinunod nila ang isang mungkahi at nakaranas ngmalaking pag-unlad sa sarili. Anyayahan ang mga estudyante na magpatotootungkol sa mga epektibong gawain na nakita nila.

KABANATA 6

35

Page 48: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

Magpatotoo sa iyong mga estudyante na kapag priyoridad natin sa buhay angpangkalahatang kumperensya, nadaragdagan ang hangarin nating maghanda paradito. Bukod dito, hikayatin ang mga estudyante na ibahagi sa kanilang pamilya atmga kaibigan ang kanilang iniisip at mga ideya kung paano maghahanda sapagtanggap ng salita ng Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang mgatagapaglingkod.

Ang Pagsunod sa mga Turo ng Pangkalahatang Kumperensya ayMagpapabuti ng Ating BuhayIkuwento ang sumusunod na salaysay ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ngLabindalawang Apostol:

“Si Pangulong Boyd K. Packer … ay may isang palaging itinatanong kapag mayinilalahad kami o nagtuturo kami sa isa’t isa sa Labindalawa. Tumitingala siya naparang nagsasabing, ‘Tapos ka na ba?’ At sinasabi niya sa nagsalita … , ‘Anongayon ang gagawin natin?’

“‘Ano ngayon ang gagawin natin?’ Palagay ko iyan ang sinasagot ngTagapagligtas sa araw-araw bilang isang hindi maihihiwalay na bahagi ng

Kanyang pagtuturo at pangangaral. … Ang mga sermon at panghihikayat na ito ay walangsaysay kung hindi magbabago ang buhay ng Kanyang mga disipulo” (Jeffrey R. Holland, “AnoNgayon ang Gagawin Natin?” [CES Conference on the New Testament, Ago. 8, 2000], 4–5).

Itanong ang mga sumusunod:

• Sa inyong palagay, bakit nagtanong si Pangulong Packer ng, “Ano Ngayon angGagawin Natin?”

• Sa anong paraan mababago ang ating buhay dahil sa nararanasan natin sapangkalahatang kumperensya?

Ipabasa sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 43:8–10. Pagkatapos ayitanong sa mga estudyante ang mga sumusunod:

• Ayon sa talata 8, ano kaya ang mga mithiin ng mga lider ng Simbahan kapagnaghahanda sila na magsalita sa mga Banal sa pangkalahatang kumperensya?

• Ayon sa talata 9, paano tayo dapat tumugon bilang mga miyembro ngSimbahan sa mga mensaheng naririnig natin mula sa ating mga lider sapangkalahatang kumperensya?

• Ayon sa talata 10, ano ang mga resulta ng pagsunod o hindi pagsunod sa mganaririnig natin sa pangkalahatang kumperensya?

Ipabasa sa mga estudyante ang dalawang pahayag ni Pangulong Spencer W.Kimball (1895–1985) sa bahagi 6.8 ng manwal ng estudyante. Pagkatapos ayitanong ang mga sumusunod:

• Gaanong pagpapahalaga ang ibinigay ni Pangulong Kimball sa isyu ngkumperensya na nasa magasing Ensign?

• Ano ang sinabi ni Pangulong Kimball na dapat nating gawin sa mga isyu ngkumperensya na nasa magasing Ensign?

KABANATA 6

36

Page 49: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

• Ano ang naisip ninyo nang marinig ninyo ang mga pahayag na ito ni PangulongKimball?

• Ano ang nadama ninyo na dapat ninyong gawin dahil sa pahayag na ito?

Sabihin sa dalawang estudyante na buklatin ang bahagi 6.8 ng manwal ngestudyante. Ipabasa sa isang estudyante ang pahayag ni Pangulong Ezra TaftBenson (1899–1994), at ipabasa sa isa pang estudyante ang pahayag ni PangulongGordon B. Hinckley (1910–2008). Pagkatapos ay talakayin ang mga sumusunodna tanong:

• Ano ang ilang paraan na magagabayan ng pangkalahatang kumperensya angating “ginagawa at sinasabi”?

• Anong “pagsubok” ang inilarawan ni Pangulong Hinckley para malaman kungmatagumpay ang pangkalahatang kumperensya?

• Paano natin masusukat ang magandang pagbabago sa ating buhay ayon kayPangulong Hinckley? (Ipasulat sa isang estudyante ang mga sagot sa tanong naito sa pisara.)

• Anong mga partikular na payo ang ibinigay ni Pangulong Hinckley na tutulongsa atin na masunod ang mga turo na natutuhan natin sa pangkalahatangkumperensya?

• Ano sa palagay ninyo ang mga pakinabang ng mga pamilya sa paggamit ngmga isyu ng kumperensya sa Ensign o Liahona sa kanilang mga family homeevening at sa kanilang pag-aaral ng mga banal na kasulatan bilang pamilya?

Kapag pinag-aralan nila ang mga mensahe sa kumperensya, hikayatin ang mgaestudyante na tukuyin at itala ang mga pagpapalang natatanggap nila. Bukod parito, maaari mong hikayatin ang iyong mga estudyante na isulat sa notebook,journal, o sa kanilang mga banal na kasulatan ang nakita nilang espirituwal napag-unlad sa kanilang buhay nang sundin nila ang mga turo ng mga buhay napropeta.

Tapusin ang lesson sa pagpapaliwanag na ang natitirang bahagi ng kursong ito aytutulong sa mga estudyante na mas maunawaang mabuti ang pinakahuling payona ibinigay ng mga propeta, tagakita, at tagapaghayag. Bukod dito, ipapakita nitokung paano nila lubos na ipamumuhay ang mga alituntuning itinuro sapangkalahatang kumperensya at paano ibabahagi ang mga ito sa iba. Ibahagi angiyong nadarama tungkol sa kahalagahan ng pangkalahatang kumperensya atmagpatotoo na ang kumperensya ay panahon kung kailan ang mga salita atkalooban ng Panginoon ay ipinababatid sa Kanyang mga anak sa pamamagitan ngKanyang mga tagapaglingkod na propeta.

KABANATA 6

37

Page 50: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

KABANATA 7

Pag-aaral ng mga Mensahesa PangkalahatangKumperensya

PambungadAng mga kabanata 1–6 ay nagbigay ng kaalaman sadoktrina ukol sa tungkulin ng mga buhay na propeta,tagakita, at tagapaghayag. Tinatalakay sa kabanata 7 angpagtuturo mula sa isyu ng kumperensya ng Ensign o Liahona.Tulad ng nakasaad sa pambungad ng kursong ito, hindinilayon na gamitin ng titser ang buong semestre para ituroang unang anim na kabanata. Sa halip, layunin ng kursongito na magamit ang karamihan sa oras ng klase sapagtalakay at pag-aaral ng pinakahuling pangkalahatangkumperensya. Maaaring gugulin ng titser ang oras ng klasesa pag-aaral ng buong mensahe o mga bahagi ng ilangmensahe.

Ang pangunahing mithiin ng kursong ito ay tulungan angmga estudyante na matuto mula sa mga salita ng mga buhayna propeta. Itinuro ni Elder David A. Bednar ng Korum ngLabindalawang Apostol sa mga tagapagturo ng relihiyon nakailangan nilang tulungan ang mga estudyante na magingself-reliant sa espirituwal:

“Lahat tayo ay pamilyar sa kasabihan na ang pagbibigay ngisda sa isang tao ay makapapawi ng gutom para sa isangkainan. Ang pagtuturo sa isang tao na mangisda, sa isangbanda, ay makapagbibigay sa kanya ng pagkainhabambuhay. Bilang mga [nagtuturo] ng ebanghelyo, kayo atako ay wala sa kalakalan na mamigay ng isda; sa halip, angating gawain ay tulungan ang mga tao na matutongmangisda at magkaroon ng espirituwal na pag-asa sa sarilingkakayahan. …

“Napansin ko ang isang karaniwang [katangian ng] mgaguro na nagkaroon ng malaking impluwensya sa buhay ko.

Tinulungan nila akong [maghangad na] matuto sapamamagitan ng pananampalataya. Tumanggi sila na bigyanako ng madadaling kasagutan sa mahihirap na tanong. Sakatunayan, hindi nila ako binigyan ng anumang kasagutan.Sa halip, itinuturo nila ang daan at tinulungan ako na gawinang mga hakbang para makita ko ang aking mga kasagutan.Totoo na hindi ko madalas nagugustuhan ang pamamaraangito, pero batay sa karanasan natulungan ako na maunawaanna ang kasagutang ibinigay ng ibang tao ay karaniwanghindi matatandaan sa matagal na panahon. Ngunit angkasagutan na natuklasan natin o nakamtan sa tulong ngpananampalataya, ay karaniwang naaalaala sa buong buhay.Ang mahahalagang aral na natutuhan sa buhay aynakakamtan ng sarili—hindi itinuro” (David A. Bednar,“Maghangad na Matuto sa Pamamagitan ngPananampalataya,” Liahona, Set. 2007, 23).

Paalala: Ang mga estudyante ay dapat hikayatin atkailangang magdala ng sariling kopya ng pinakahuling isyung kumperensya ng Ensign o Liahona sa tuwingmagkaklase kayo.

Paunang paghahanda: Kasama sa katapusan ng lesson na itoang dalawang kopya ng mensahe ni Pangulong Dieter F.Uchtdorf na “Kami’y Gumagawa ng Dakilang Gawain, naAnopa’t Hindi Kami Makababa” mula sa pangkalahatangkumperensya noong Abril 2009 (tingnan sa Ensign o Liahona,Mayo 2009, 59–62)—ang una ay para sa mga titser at angpangalawa ay para sa mga estudyante. Gumawa ng kopya ngmensahe at ibigay ito sa bawat isa sa iyong mga estudyante.

Mga Mungkahi sa PagtuturoMga Kasanayan sa Pag-aaral ng Banal na Kasulatan na Magagamit saPag-aaral ng mga Mensahe sa KumperensyaItanong sa iyong mga estudyante:

• Ano ang pagkakaiba ng pag-aaral at pagsasaliksik sa pagbabasa?

38

Page 51: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

Ipakita sa iyong mga estudyante ang isang textbook na gamit sa paaralan atitanong:

• Anong mga estratehiya ang ginagamit ninyo para mas maunawaang mabuti atmatandaan ang mga nakasulat sa mga textbook na gamit ninyo sa paaralan?(Ilista ang mga sagot ng mga estudyante sa pisara, tulad ng pagsasaulo,pagbasang muli, pagmamarka ng mahahalagang detalye, at pagtatala.)

Paalala: Hindi kailangang mag-ukol ng maraming oras para ipaliwanag ng mgaestudyante ang mga estratehiyang ito. Sapat na ang maiikli at simpleng sagot.

Ipakita ang isang kopya ng pinakahuling isyu ng kumperensya ng Ensign o Liahonaat itanong:

• Bukod sa mga nakasulat na mensahe sa kumperensya, ano ang iba pang bahaging magasin na makatutulong sa inyo para mas mapagbuti ninyo ang inyongpag-aaral? (Maaaring kabilang sa mga sagot ang “Mga Nilalaman” at “Indeksng mga Paksa” sa unang mga pahina ng magasin at “Nagsalita Sila sa Atin” at“Indeks ng mga Kuwento sa Kumperensya” sa huling mga pahina ng magasin.)

Ipaliwanag sa iyong klase na ang mga mensahe sa pangkalahatang kumperensyaay maaaring pag-aralan gamit ang maraming kasanayan na ginagamit din sapag-aaral ng mga textbook sa paaralan at, higit sa lahat, ang mga kasanayan naginagamit sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan. Itanong:

• Ano ang ilang kasanayan sa pag-aaral ng banal na kasulatan na ginamit ninyoupang mas maunawaan ang mga banal na kasulatan? (Idagdag ang sagot ngmga estudyante sa listahan sa pisara; maaaring kabilang dito ang panalangin,pagninilay, pagbabasa nang malakas, at cross-referencing.)

Sa pagsagot ng mga estudyante, hikayatin silang ipaliwanag nang maikli kungpaano nakatulong sa kanila ang kasanayang iyon sa pag-aaral ng mga banal nakasulatan para maunawaan ang kahulugan ng mga banal na kasulatan.

Ipabuklat sa mga estudyante angbahagi 7.2 ng Mga Turo ng mga Buhay naPropeta Manwal ng Estudyante. Hatiin samga estudyante ang listahan nabinubuo ng 17 kasanayan sa pag-aaralna inilarawan sa bahaging ito. Sabihinsa mga estudyante na mag-ukol ngdalawa o tatlong minuto parapag-aralan ang naka-assign sa kanilana mga kasanayan sa pag-aaral.Pagkaraan ng ilang minuto, sabihin samga estudyante na ipaliwanag sa klaseang mga kasanayang iyon sa pag-aaral.Habang nagpapaliwanag ang mgaestudyante, idagdag sa pisara anganumang kasanayan sa pag-aaral nahindi nabanggit.

KABANATA 7

39

Page 52: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

Bigyan ang bawat estudyante ng kopya ng mensaheng “Kami’y Gumagawa ngDakilang Gawain, na Anopa’t Hindi Kami Makababa” ni Pangulong Dieter F.Uchtdorf ng Unang Panguluhan (na nasa katapusan ng kabanatang ito). Hatiinang iyong klase sa apat na grupo. Sabihin sa bawat grupo na basahin at alamin angisa sa mga sumusunod:

• Mga cross-reference sa mga banal na kasulatan

• Mga panghihikayat o paanyaya

• Mga hindi malilimutang parirala

• Mga pag-uulit

Paalala: Isang hindi minarkahang kopya ng mensahe ni Pangulong Uchtdorf anginilaan para ipamigay sa mga estudyante, gayundin ang isa pang kopya para satitser kasama ang mga halimbawa ng apat na item na ito na naka-highlight (angmga kopya ng mensahe ay matatagpuan sa katapusan ng kabanatang ito—angkopya ng titser ang nauuna). Ang kopya ng titser ay nagpapakita ng ilan lamang samga item na inilarawan sa itaas. Sa pag-aaral nila ng mensahe, ang mgaestudyante ay maaaring makahanap ng iba pang mga halimbawa na wala sa kopyang titser.

Matapos bigyan ang mga estudyante ng sapat na oras para pag-aralan angmensahe, sabihin sa bawat grupo na ireport ang kanilang mga natuklasan onalaman at ipaliwanag kung paano nakatulong sa kanila ang paggamit ngkasanayang iyon sa pag-aaral para mas malinaw na maunawaan ang mensahe niPangulong Uchtdorf.

Hikayatin ang mga estudyante sa nalalabing bahagi ng kurso na gamitin ang mgakasanayan sa pag-aaral na inilarawan sa kabanata 7 ng kanilang mga manwal paramas mapagbuti nila ang kanilang pag-aaral sa isyu ng kumperensya ng Ensign oLiahona. Ang mga kasanayang ito ay epektibo ring magagamit para pag-aralan angmga mensaheng ibinibigay ng mga Kapatid sa iba pang mga pagkakataon bukod sapangkalahatang kumperensya o para pag-aralan ang iba pang mga artikulo naisinulat nila para sa mga magasin ng Simbahan. Ibahagi sa iyong mga estudyantekung paano ka nakinabang sa paggamit ng ilan sa mga kasanayang ito sa iyongpag-aaral ng mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya.

Mga Paraan para Maituro ang mga Mensahe saPangkalahatang KumperensyaTiyakin na alam agad ng mga estudyante kung ano ang mensaheng tatalakayin saklase. Maaari kang magbigay ng outline sa klase na may listahan ng mgamensaheng tatalakayin sa bawat oras ng klase. Tiyakin na bawat estudyante ay maykopya ng mensahe, at hikayatin silang basahin at pag-aralan ang mga mensahebago magklase. Ito ay magbibigay ng pagkakataon sa mga estudyante na mas lubosna makibahagi sa talakayan sa klase.

Tulad sa alinmang kurso, ang paggamit ng iba’t ibang pamamaraan sa pagtuturo aynakakatulong para mapanatili ang interes ng isang estudyante at mapaunlad angkaalaman niya sa ebanghelyo. Narito ang ilang mungkahi sa pagtuturo ng mgamensahe sa pangkalahatang kumperensya:

KABANATA 7

40

Page 53: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

• Ipapanood ang ilang bahagi ng pangkalahatang kumperensya. Habang pinanonoodang video recording ng isang mensahe, sabihin sa mga estudyante na sundanito sa pamamagitan ng pagbabasa nang tahimik sa nakasulat na kopya ngmensahe. Sabihin sa mga estudyante na markahan ang mga bahagingnakaagaw ng kanilang pansin. Maaari mong hikayatin ang mga estudyante naitaas ang kanilang kamay kapag gusto nilang i-pause ang video at talakayin angbahaging ito ng mensahe. Maaari mong sabihin sa mga estudyante na hanapinang isang partikular na detalye o ang sagot sa tanong. Kung walang makuhangvideo clip, maaaring basahin sa klase ang mga mensahe sa kumperensya.

• Magpareport sa mga estudyante. Ang mga estudyante ay maaaring mag-sign up(o atasan) nang maaga na pangunahan ang talakayan sa isang partikular namensahe. Maaari ding ipaturo sa mga estudyante ang ilang impormasyontungkol sa buhay ng mga Kapatid.

• Magbahagi ng mga personal na kuwento. Ipapanood ang mga video clip tungkolsa mga Kapatid na nagbabahagi ng mga personal na karanasan. Kapag walangmakuhang mga video clip, ang mga karanasang ito ay maaaring basahinsa klase.

• Gamitin ang group work sa klase. Sabihin sa mga estudyante na pag-usapan,nang may kapartner o sa maliliit na grupo, ang ilang aspeto ng isang mensahe omga tanong na nauugnay rito. Sabihin sa mga grupo na ibahagi ang kanilangnapag-usapan sa buong klase.

• Gamitin ang assignment na “hanapin ang” para pag-aralan ang mga mensahe satahanan. Kapag pinag-aralan ng mga estudyante ang mga mensahe sakumperensya sa tahanan nila, ipahanap sa kanila ang mahahalagang doktrinaat alituntunin, mga suportang scripture passage, at mahahalagang parirala opangungusap. Maaari mong ipasulat sa kanila ang buod ng mga ideyangnalaman nila sa sarili nilang salita.

• Sabihin sa mga estudyante na patuloy silang gumamit ng study journal. Hikayatinang mga estudyante na itala ang mga espirituwal na impresyon bagomagsimula ang klase, o maglaan ng oras para dito sa katapusan ng klase.

• Pasulatin ang mga estudyante ng buod ng mga paksa. Sabihin sa mga estudyantena sumulat ng maiikling komposisyon na kinapapalooban ng mga turo ngmaraming tagapagsalita tungkol sa iisang paksa.

• Talakayin ang tugon ng mga Kapatid sa kasalukuyang mga pangyayari. Sabihin samga estudyante na isipin at talakayin kung paano tumutugon ang mga Kapatidsa mga nagaganap sa mundo ngayon sa pamamagitan ng kanilang mga turo sapangkalahatang kumperensya.

• Basahin ang mga mensahe sa klase. Maaari mong ipabasa sa mga estudyante angmga mensahe nang tahimik, malakas, nang may partner, o sa maliliit na grupo.Paminsan-minsan, maaari mo ring basahin ang bahagi ng isang mensahe saiyong klase kung nais mong bigyang-diin ang isang aral o doktrina oalituntunin.

• Magbahagi ng mga kuwento. Basahing muli ang mga kuwento na ibinahagi sapangkalahatang kumperensya mula sa “Indeks ng mga Kuwento sa

KABANATA 7

41

Page 54: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

Kumperensya” na nasa huling mga pahina ng bawat isyu ng kumperensya ngEnsign o Liahona. Maaari mong sabihin sa mga estudyante na ibahagi nila kungbakit ang partikular na kuwentong iyon ay makabuluhan sa kanila. Tulunganang mga estudyante na matukoy ang mga doktrina at alituntunin na nasa likodng kuwento at i-cross-reference ang bawat isa sa kanilang banal na kasulatan.

Talambuhay ng mga ApostolIpinayo ni Apostol Pablo na, “Ipinamamanhik namin sa inyo, mga kapatid, nainyong kilalanin ang mga nangagpapagal sa inyo, at nangamumuno sa inyo saPanginoon, at nangagpapaalaala sa inyo” (I Mga Taga Tesalonica 5:12).Matutulungan ninyong lumakas ang patotoo ng mga estudyante tungkol sa mgapropeta, tagakita, at tagapaghayag sa pagbabahagi ng maikling impormasyontungkol sa buhay nila. Makikita ninyo ang impormasyon tungkol sa buhay nila sanewsroom.lds.org at sa mga almanac ng Simbahan. Ang mga retrato ng mgaGeneral Authority, na mabibili sa distribution center, ay may kasamangimpormasyon tungkol sa buhay nila sa likod nito.

Kami’y Gumagawa ng Dakilang Gawain, na Anopa’tHindi Kami Makababa (Kopya ng Titser)Pangulong Dieter F. UchtdorfPangalawang Tagapayo sa Unang PanguluhanEnsign o Liahona, Mayo 2009, 59–62; idinagdag ang italics.

Mahal kong mga kapatid, ilang buwan ko nang alam ang mensaheng naiskong ibigay ngayon. Noon, naghanap ako ng kuwentong maglalarawan sagusto kong sabihin. Naghanap ako ng kuwento tungkol sa pagsasaka.Naghanap ako ng kuwento tungkol sa mga hayop. Bilang paggalang kay ElderScott, naghanap ako ng kuwento sa nuclear engineering, at bilang paggalangkay Pangulong Monson, sa pag-aalaga ng mga kalapati.

Sa huli, isang kuwento ang paulit-ulit kong naiisip—isang kuwentong matagalnang nakakintal sa isipan ko. Hindi tungkol sa pagsasaka, mga hayop, nuclear

engineering, o mga kalapati. Ito iyong maaring nahulaan na ninyo—tungkol sa pagpapalipad. Angtawag ko dito ay “Ang Kuwento ng Bombilya.”

Ang Kuwento ng Bombilya, o Paglimot sa Bagay na PinakamahalagaIsang madilim na gabi ng Disyembre, 36 na taon na ang nakalilipas, isang Lockheed 1011 jumbo jetang bumagsak sa Florida Everglades, na nag-iwan ng mahigit 100 kataong patay. Ang malubhangsakunang ito ang isa sa pinakagrabeng pagbagsak ng eroplano sa kasaysayan ng Estados Unidos.

Ang nakakapagtaka sa sakunang ito ay lahat ng mahahalagang bahagi at sistema sa eroplano ayumaandar nang maayos—madali sanang nakalapag nang ligtas ang eroplano sa Miami, mga 20milya lamang ang layo.

Nang malapit nang lumapag, napansin ng mga tauhan ang isang berdeng ilaw na hindisumindi—ilaw na nagsasabi kung bumukas o hindi ang landing gear sa harapan. Hindi itinuloy ngmga piloto ang paglapag, at paikot na pinalipad ang eroplano sa madilim na Everglades, at ibinalingang kanilang atensyon sa pag-iimbestiga sa problema.

KABANATA 7

42

Page 55: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

Masyado silang naging abala sa paghahanap kung kaya’t di nila napansin na unti-unti nangbumababa ang eroplano at palapit nang palapit sa madilim na putikan sa ibaba. Nang maymakapansin sa nangyayari, huli na ang lahat para maiwasan ang sakuna.

Pagkatapos ng aksidente, sinikap ng mga imbestigador na alamin ang dahilan. Ang landing gear aynakababa nang wasto. Nasa kondisyon ang makina ng eroplano. Lahat ay umaandar nangmaayos—lahat maliban sa isang bagay: isang pundidong bombilya. Ang munting bombilyangiyon—na mga 20 cents ang halaga—ang pinagmulan ng magkakarugtong na pangyayari na nauwisa malagim na kamatayan ng mahigit 100 katao.

Siyempre, hindi ang pundidong bombilya ang sanhi ng aksidente; nangyari ito dahil ang mga crew aynagtuon ng pansin sa isang bagay na tila mahalaga nang sandaling iyon at nalimutan ang bagay napinakamahalaga.

Bigyang Pansin ang mga Bagay na PinakamahalagaAng ugaling magtuon ng pansin sa di mahalaga at pabayaan ang pinakamahahalagang bagay aynangyayari hindi lamang sa mga piloto kundi sa lahat. [Hindi malilimutang parirala] Lahat tayoay nasa panganib. Ang drayber na nakatuon sa kalsada ay may mas malaking posibilidad namakarating nang ligtas sa patutunguhan kaysa sa drayber na abala sa pagte-text gamit ang kanyangcellphone.

Alam natin kung ano ang pinakamahalaga sa buhay—ang Liwanag ni Cristo ang nagtuturo nito salahat. Tayo bilang matatapat na mga Banal sa Huling Araw ay may Espiritu Santo na “kasamatuwina”1 upang ituro sa atin ang mga bagay na walang hanggan ang kahalagahan. Nakikinita ko naang sinumang mayhawak ng priesthood na nakikinig sa akin ngayon, kung pagsasalitain sa paksang“ano ang pinakamahalaga,” ay magagawa ito nang napakahusay. Ang kahinaan natin ay angkabiguang iayon ang ating mga kilos sa ating konsiyensya. [Hindi malilimutang parirala]

Tumigil sandali at suriin kung saan nakatuon ang inyong puso at isipan. Nakatuon ba kayo sa mgabagay na pinakamahalaga? Ang paraan ng paggugol ninyo ng oras ay maaaring batayan nito. Saannatutuon ang isip ninyo kapag tapos na ang mahigpitang mga deadline? Nakatuon ba ang isip atpuso ninyo sa mga bagay na panandalian at mahalaga lamang sa sandaling iyon, o sa mga bagay napinakamahalaga? [Paanyaya]

May kimkim ba kayong sama-ng-loob? Ano ba ang mga dahilan na pinanghahawakan ninyo at hindikayo ang uri ng asawa, ama, anak, at mayhawak ng priesthood na alam ninyong kayo ay nararapatna maging? Ano ang mga bagay na humahadlang sa inyong mga tungkulin o hadlang sa pagganapninyo sa katungkulan nang mas masigasig?

Iwasang MagambalaKung minsan ang mga bagay na nakaaabala sa atin ay hindi masama; madalas maganda angpakiramdam natin dito.

Pero maaaring sumobra din ang pagtutuon sa mabubuting bagay. [Hindi malilimutang parirala]Ang isang halimbawa ay makikita sa isang ama o lolo na nag-uukol ng maraming oras sapagsasaliksik ng kanyang mga ninuno o paglikha ng blog samantalang pinababayaan o iniiwasangmaglaan ng makabuluhang oras para sa sarili niyang mga anak at apo. Isa pang halimbawa aymaaaring ang hardinero na maghapong nagbubunot ng mga damo habang binabalewala angespirituwal na mga damong nagbabantang sumakal sa kanyang kaluluwa.

Kahit ang ilang programa ng Simbahan ay maaaring makasagabal kung sosobrahan natin ito atmangingibabaw sa ating panahon at atensyon kapalit ng mga bagay na pinakamahalaga. Kailangangbalanse ang buhay natin. [Hindi malilimutang parirala]

Kapag tunay na mahal natin ang Ama sa Langit at ang Kanyang mga anak, ipakikita natin angpagmamahal na iyon sa ating mga kilos. Pinapatawad natin ang bawat isa at hinahangad na

KABANATA 7

43

Page 56: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

gumawa ng mabuti, dahil ang “ating datihang [pagkatao] ay kalakip ni [Cristo] na napako sa krus.”2

[Cross-reference] Ating “dinadalaw ang mga ulila at mga babaeng bao sa kanilang kapighatian,”at pinagiingatang “walang bahid dungis ang ating mga sarili sa sanglibutan.”3 [Cross‑reference]

Mahal kong mga kapatid sa priesthood, nabubuhay tayo sa mga huling araw. Ang ebanghelyo niJesucristo ay naipanumbalik sa mundo. Ang mga susi ng priesthood ng Diyos ay muling ibinigay satao. Nabubuhay tayo sa panahon ng pag-asam at paghahanda, pinagkatiwalaan ng Diyos naihahanda ang ating sarili, ating pamilya, ating mundo para sa paparating na bukang-liwayway—angaraw na ang Anak ng Diyos ay “bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ngarkanghel, at may pakakak ng Dios”4 at pasisimulan ang Kanyang paghahari sa milenyo.

Ipinagkatiwala sa atin ang banal na priesthood at binigyan ng pananagutan, kapangyarihan, atkarapatang kumilos bilang mga kinatawan ng ating Hari sa Langit.

Ito ang mga bagay na pinakamahalaga. Ito ang mga bagay na may walang hanggang halaga nakailangan nating pagtuunan ng pansin.

Hindi natin dapat hayaan ang ating mga sarili na magambala sa ating sagradong tungkulin. Hindidapat mawala ang ating pansin sa mga bagay na pinakamahalaga. [Hindi malilimutang parirala]

NehemiasSi Nehemias ng Lumang Tipan ay isang dakilang halimbawa ng patuloy na pagtutuon at katapatan samahalagang gawain. Si Nehemias ay isang Israelita na itinapon sa Babilonia at naglingkod bilangtagahawak ng saro ng hari. Isang araw tinanong ng hari si Nehemias kung bakit tila nakapalungkotniya. Sagot ni Nehemias, “Bakit ang aking mukha ay hindi malulungkot, kung ang bayan, ang dakong [mga libingan] sa aking mga magulang ay giniba, at ang mga pintuang-bayan niyaon aynasupukan ng apoy?”5 [Cross-reference]

Nang marinig ito ng hari, lumambot ang kanyang puso, at binigyan niya si Nehemias ng karapatangmagbalik sa Jerusalem at muling itayo ang lungsod. Gayunman, hindi naging masaya ang lahat saplanong ito. Sa katunayan, ang ilang mga pinuno na nakatira malapit sa Jerusalem ay naghinagpis namabuti “sapagka’t may naparoong isang lalake upang hanapin ang ikagagaling ng mga anak niIsrael.”6 Ang kalalakihang ito ay “nagalit na mainam, at tinuya ang mga Judio.”7 [Cross-reference]

Dahil walang takot, hindi hinayaan ni Nehemias na gambalain siya ng kalaban. Sa halip, tinipon atinayos niya ang kanyang mga kagamitan at tauhan at sinimulang itayo muli ang lunsod, “sapagkatang bayan ay nagkaroon ng kaloobang gumawa.”8 [Cross-reference]

Subalit nang magsimulang tumaas ang mga pader ng lungsod, lalong tumindi ang oposisyon. Angmga kaaway ni Nehemias ay nagbanta, nagsabwatan, at nanlibak. Totoo ang kanilang mga banta, atlubha silang nakakatakot kaya sabi ni Nehemias, “Sinidlan nila kami ng takot.”9 [Cross-reference]Sa kabila ng panganib at banta ng paglusob, nagpatuloy ang paggawa. Mahirap ang panahong iyon,kaya’t bawat manggagawa ay “may kaniyang tabak na nakasabit sa kaniyang tagiliran, at gayongumagawa.”10 [Cross-reference]

Sa pagpapatuloy ng gawain, ang mga kalaban ni Nehemias ay lalong naging desperado. Apat nabeses nila siyang sinabihang umalis ng lungsod at makipagkita sa kanila at kunwari ay lulutasin angkaguluhan, ngunit alam ni Nehemias na balak nilang gawan siya ng masama. Sa tuwing sasabihannila siya, iisa lang ang sagot niya: “Ako’y gumagawa ng dakilang gawain, na anopa’t hindi akomakababa.”11 [cross-reference]

Napakagandang sagot! Sa malinaw at di nagbabagong layunin ng puso’t isipan, sa matindingdeterminasyon, ang mga pader ng Jerusalem ay nakamamanghang naitayong muli sa loob lamang ng52 araw.12

[Hindi hinayaan ni] Nehemias na mahadlangan siya ng mga panggagambala sa paggawa ngipinagagawa sa kanya ng Panginoon. [Cross-reference]

KABANATA 7

44

Page 57: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

Hindi Tayo BababaAko ay nahikayat at nabigyang-inspirasyon ng maraming matatapat na mayhawak ng priesthood saaraw na ito na iisa ang puso at isipan. Tulad ni Nehemias, mahal ninyo ang Panginoon at hangad nagampanang mabuti ang priesthood na inyong taglay. Mahal kayo ng Panginoon at alam Niya angkadalisayan ng inyong mga puso at determinasyon. Pinagpapala Niya kayo sa inyong katapatan,ginagabayan ang inyong landas, at ginagamit ang inyong mga kaloob at talento sa pagtatayo ngKanyang kaharian.

Gayunman, hindi lahat ay tulad ni Nehemias. Maaari pa nating pagbutihin ang ating sarili.

Iniisip ko, mahal kong mga kapatid sa priesthood, kung ano ang ating magagawa kung lahat tayo,tulad ng mga tao ni Nehemias, “ay may kaloobang gumawa.” Ano kaya ang magagawa kung “iiwanna natin ang mga bagay ng pagkabata”13 at ibubuhos ang ating sarili, puso at kaluluwa, sa pagigingmarapat na maytaglay ng priesthood, at tapat na mga kinatawan ng Panginoong Jesucristo.[Paanyaya]

Isipin sandali kung ano ang mangyayari sa ating sariling buhay, sa ating propesyon, sa ating pamilya,sa ating mga ward at branch. Isipin kung paano uunlad ang kaharian ng Diyos sa buong mundo.Isipin kung paano magbabago ang mundo para sa kabutihan kung bawat lalaking maytaglay ngpriesthood ng Diyos ay magbibigkis ng kanyang balakang at mamumuhay ayon sa kanyang tunay napotensiyal, tunay na magbabalik-loob, magiging tunay at tapat na lalaki ng priesthood, handangitayo ang kaharian ng Diyos. [Paanyaya]

Madali ang magambala—matuon sa isang pundidong bombilya o sa kawalang-galang ng dimababait na tao, anuman ang motibo nila. Ngunit isipin ang kapangyarihang tataglayin natin bilangmga indibiduwal at bilang grupo ng priesthood kung, bilang tugon sa bawat tukso na mawalan ngpokus o babaan ang ating mga pamantayan—ang mga pamantayan ng Diyos—ang sagot natin ay,“May ginagawa akong dakilang gawain, na anopa’t hindi ako makababa.” [Pag-uulit]

Ang panahon natin ay puno ng matitinding hamon at maraming oportunidad. Hangad ng Panginoonang mga tulad ni Nehemias—matatapat na kalalakihan na tumutupad sa sumpa at tipan ngpriesthood. Hanap Niya ay magigiting na kaluluwang masigasig na kikilos upang itayo ang kaharianng Diyos—mga tao na, kapag naharap sa oposisyon at tukso, ay sasabihin sa kanilang mga puso,“Ako’y gumagawa ng dakilang gawain, na anopa’t hindi ako makababa.” [Pag-uulit]

Kapag naharap sa pagsubok at kahirapan, ang sagot nila ay, “Ako’y gumagawa ng dakilang gawain,na anopa’t hindi ako makababa.” [Pag-uulit]

Kapag naharap sa panunuya at pagsansala, sasabihin nilang “Ako’y gumagawa ng dakilang gawain,na anopa’t hindi ako makababa.” [Pag-uulit]

Hanap ng ating Ama sa Langit ang mga taong hindi hahayaang humadlang ang mga bagay na digaanong mahalaga sa kanilang walang hanggang mithiin. Hanap Niya ang mga taong hindipapayagan ang kadalian o mga patibong ng kalaban na humadlang sa kanila sa paggawa ngipinagagawa Niya sa kanila. Hanap Niya ang mga taong ang kilos ay ayon sa kanilang sinasabi—angmatatapat na nagsasabing, “Ako’y gumagawa ng dakilang gawain, na anopa’t hindi ako makababa.”[Pag-uulit]

Isang Dakilang Gawaing IsasagawaTaimtim akong nagpapatotoo na ang Diyos ay buhay at nagmamalasakit sa bawat isa sa atin. IuunatNiya ang Kanyang kamay at tutulungan ang mga maninindigan at tataglayin ang priesthood nangmay paggalang, dahil sa mga huling araw na ito Siya ay may dakilang gawain na ipagagawa sa atin.

Ang ebanghelyong ito ay hindi mula sa tao. Ang doktrina ng Simbahan ay hindi napakagandang hulalamang ng isang tao tungkol sa sinaunang banal na kasulatan. Ito ang katotohanan ng langit na

KABANATA 7

45

Page 58: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

inihayag mismo ng Diyos. Pinatototohanan ko na nakita ni Joseph Smith ang sinasabi niyang nakitaniya. Talagang tumingala siya sa kalangitan at nakipag-usap sa Diyos Ama at sa Anak, at samga anghel.

Nagpapatotoo ako na ang Ama sa Langit ay nakikipag-usap sa mga dumudulog sa Kanya sa espirituat sa katotohanan. Nasaksihan ng mga mata ko at nagagalak akong magpatotoo na ngayon, angDiyos ay nakikipag-usap sa Kanyang propeta, tagakita, at tagapaghayag na si Thomas S. Monson.

Mga kapatid, tulad ni Nehemias, may gagawin tayong dakilang gawain. Narito tayo sa kasalukuyanna tinatanaw ang ating hinaharap. Taimtim kong dalangin na sa kabila ng mga tukso, hindi natinkailanman ibababa ang ating mga pamantayan; na sa kabila ng mga panggagambala, hindimawawala ang ating tuon sa mga bagay na pinakamahalaga; na mananatili tayong matatag atsama-sama, nagkakaisa, habang buong giting nating taglay ang bandila ng Panginoong Jesucristo.

Dalangin ko na maging marapat tayo sa banal na priesthood ng Makapangyarihang Diyos at, sa isangtao, iangat ang ating ulo at sa matatag na tinig ay ipahayag sa mundo, “Kami’y gumagawa ngdakilang gawain, na anopa’t hindi kami makababa.” [Repetition] Sa sagradong pangalan niJesucristo, amen.

Mga Tala1. Doktrina at mga Tipan 121:46.2. Mga Taga Roma 6:6.3. Joseph Smith Translation, James 1:27.4. I Mga Taga Tesalonica 4:16.5. Nehemias 2:3.6. Nehemias 2:10.7. Nehemias 4:1.8. Nehemias 4:6.9. Nehemias 6:9.

10. Nehemias 4:18.11. Nehemias 6:3.12. Tingnan sa Nehemias 6:15.13. I Mga Taga Corinto 13:11.

Kami’y Gumagawa ng Dakilang Gawain, na Anopa’tHindi Kami Makababa (Kopya ng Estudyante)Pangulong Dieter F. UchtdorfPangalawang Tagapayo sa Unang PanguluhanEnsign o Liahona, Mayo 2009, 59–62.

Mahal kong mga kapatid, ilang buwan ko nang alam ang mensaheng naiskong ibigay ngayon. Noon, naghanap ako ng kuwentong maglalarawan sagusto kong sabihin. Naghanap ako ng kuwento tungkol sa pagsasaka.Naghanap ako ng kuwento tungkol sa mga hayop. Bilang paggalang kay ElderScott, naghanap ako ng kuwento sa nuclear engineering, at bilang paggalangkay Pangulong Monson, sa pag-aalaga ng mga kalapati.

Sa huli, isang kuwento ang paulit-ulit kong naiisip—isang kuwentong matagalnang nakakintal sa isipan ko. Hindi tungkol sa pagsasaka, mga hayop, nuclear

KABANATA 7

46

Page 59: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

engineering, o mga kalapati. Ito iyong maaring nahulaan na ninyo—tungkol sa pagpapalipad. Angtawag ko dito ay “Ang Kuwento ng Bombilya.”

Ang Kuwento ng Bombilya, o Paglimot sa Bagay na PinakamahalagaIsang madilim na gabi ng Disyembre, 36 na taon na ang nakalilipas, isang Lockheed 1011 jumbo jetang bumagsak sa Florida Everglades, na nag-iwan ng mahigit 100 kataong patay. Ang malubhangsakunang ito ang isa sa pinakagrabeng pagbagsak ng eroplano sa kasaysayan ng Estados Unidos.

Ang nakakapagtaka sa sakunang ito ay lahat ng mahahalagang bahagi at sistema sa eroplano ayumaandar nang maayos—madali sanang nakalapag nang ligtas ang eroplano sa Miami, mga 20milya lamang ang layo.

Nang malapit nang lumapag, napansin ng mga tauhan ang isang berdeng ilaw na hindisumindi—ilaw na nagsasabi kung bumukas o hindi ang landing gear sa harapan. Hindi itinuloy ngmga piloto ang paglapag, at paikot na pinalipad ang eroplano sa madilim na Everglades, at ibinalingang kanilang atensyon sa pag-iimbestiga sa problema.

Masyado silang naging abala sa paghahanap kung kaya’t di nila napansin na unti-unti nangbumababa ang eroplano at palapit nang palapit sa madilim na putikan sa ibaba. Nang maymakapansin sa nangyayari, huli na ang lahat para maiwasan ang sakuna.

Pagkatapos ng aksidente, sinikap ng mga imbestigador na alamin ang dahilan. Ang landing gear aynakababa nang wasto. Nasa kondisyon ang makina ng eroplano. Lahat ay umaandar nangmaayos—lahat maliban sa isang bagay: isang pundidong bombilya. Ang munting bombilyangiyon—na mga 20 cents ang halaga—ang pinagmulan ng magkakarugtong na pangyayari na nauwisa malagim na kamatayan ng mahigit 100 katao.

Siyempre, hindi ang pundidong bombilya ang sanhi ng aksidente; nangyari ito dahil ang mga crew aynagtuon ng pansin sa isang bagay na tila mahalaga nang sandaling iyon at nalimutan ang bagay napinakamahalaga.

Bigyang Pansin ang mga Bagay na PinakamahalagaAng ugaling magtuon ng pansin sa di mahalaga at pabayaan ang pinakamahahalagang bagay aynangyayari hindi lamang sa mga piloto kundi sa lahat. Lahat tayo ay nasa panganib. Ang drayber nanakatuon sa kalsada ay may mas malaking posibilidad na makarating nang ligtas sa patutunguhankaysa sa drayber na abala sa pagte-text gamit ang kanyang cellphone.

Alam natin kung ano ang pinakamahalaga sa buhay—ang Liwanag ni Cristo ang nagtuturo nito salahat. Tayo bilang matatapat na mga Banal sa Huling Araw ay may Espiritu Santo na “kasamatuwina”1 upang ituro sa atin ang mga bagay na walang hanggan ang kahalagahan. Nakikinita ko naang sinumang mayhawak ng priesthood na nakikinig sa akin ngayon, kung pagsasalitain sa paksang“ano ang pinakamahalaga,” ay magagawa ito nang napakahusay. Ang kahinaan natin ay angkabiguang iayon ang ating mga kilos sa ating konsiyensya.

Tumigil sandali at suriin kung saan nakatuon ang inyong puso at isipan. Nakatuon ba kayo sa mgabagay na pinakamahalaga? Ang paraan ng paggugol ninyo ng oras ay maaaring batayan nito. Saannatutuon ang isip ninyo kapag tapos na ang mahigpitang mga deadline? Nakatuon ba ang isip atpuso ninyo sa mga bagay na panandalian at mahalaga lamang sa sandaling iyon, o sa mga bagay napinakamahalaga?

May kimkim ba kayong sama-ng-loob? Ano ba ang mga dahilan na pinanghahawakan ninyo at hindikayo ang uri ng asawa, ama, anak, at mayhawak ng priesthood na alam ninyong kayo ay nararapatna maging? Ano ang mga bagay na humahadlang sa inyong mga tungkulin o hadlang sa pagganapninyo sa katungkulan nang mas masigasig?

KABANATA 7

47

Page 60: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

Iwasang MagambalaKung minsan ang mga bagay na nakaaabala sa atin ay hindi masama; madalas maganda angpakiramdam natin dito.

Pero maaaring sumobra din ang pagtutuon sa mabubuting bagay. Ang isang halimbawa ay makikitasa isang ama o lolo na nag-uukol ng maraming oras sa pagsasaliksik ng kanyang mga ninuno opaglikha ng blog samantalang pinababayaan o iniiwasang maglaan ng makabuluhang oras para sasarili niyang mga anak at apo. Isa pang halimbawa ay maaaring ang hardinero na maghapongnagbubunot ng mga damo habang binabalewala ang espirituwal na mga damong nagbabantangsumakal sa kanyang kaluluwa.

Kahit ang ilang programa ng Simbahan ay maaaring makasagabal kung sosobrahan natin ito atmangingibabaw sa ating panahon at atensyon kapalit ng mga bagay na pinakamahalaga. Kailangangbalanse ang buhay natin.

Kapag tunay na mahal natin ang Ama sa Langit at ang Kanyang mga anak, ipakikita natin angpagmamahal na iyon sa ating mga kilos. Pinapatawad natin ang bawat isa at hinahangad nagumawa ng mabuti, dahil ang “ating datihang [pagkatao] ay kalakip ni [Cristo] na napako sa krus.”2

Ating “dinadalaw ang mga ulila at mga babaeng bao sa kanilang kapighatian,” at pinagiingatang“walang bahid dungis ang ating mga sarili sa sanglibutan.”3

Mahal kong mga kapatid sa priesthood, nabubuhay tayo sa mga huling araw. Ang ebanghelyo niJesucristo ay naipanumbalik sa mundo. Ang mga susi ng priesthood ng Diyos ay muling ibinigay satao. Nabubuhay tayo sa panahon ng pag-asam at paghahanda, pinagkatiwalaan ng Diyos naihahanda ang ating sarili, ating pamilya, ating mundo para sa paparating na bukang-liwayway—angaraw na ang Anak ng Diyos ay “bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ngarkanghel, at may pakakak ng Dios”4 at pasisimulan ang Kanyang paghahari sa milenyo.

Ipinagkatiwala sa atin ang banal na priesthood at binigyan ng pananagutan, kapangyarihan, atkarapatang kumilos bilang mga kinatawan ng ating Hari sa Langit.

Ito ang mga bagay na pinakamahalaga. Ito ang mga bagay na may walang hanggang halaga nakailangan nating pagtuunan ng pansin.

Hindi natin dapat hayaan ang ating mga sarili na magambala sa ating sagradong tungkulin. Hindidapat mawala ang ating pansin sa mga bagay na pinakamahalaga.

NehemiasSi Nehemias ng Lumang Tipan ay isang dakilang halimbawa ng patuloy na pagtutuon at katapatan samahalagang gawain. Si Nehemias ay isang Israelita na itinapon sa Babilonia at naglingkod bilangtagahawak ng saro ng hari. Isang araw tinanong ng hari si Nehemias kung bakit tila nakapalungkotniya. Sagot ni Nehemias, “Bakit ang aking mukha ay hindi malulungkot, kung ang bayan, ang dakong [mga libingan] sa aking mga magulang ay giniba, at ang mga pintuang-bayan niyaon aynasupukan ng apoy?”5

Nang marinig ito ng hari, lumambot ang kanyang puso, at binigyan niya si Nehemias ng karapatangmagbalik sa Jerusalem at muling itayo ang lungsod. Gayunman, hindi naging masaya ang lahat saplanong ito. Sa katunayan, ang ilang mga pinuno na nakatira malapit sa Jerusalem ay naghinagpis namabuti “sapagka’t may naparoong isang lalake upang hanapin ang ikagagaling ng mga anak niIsrael.”6 Ang kalalakihang ito ay “nagalit na mainam, at tinuya ang mga Judio.”7

Dahil walang takot, hindi hinayaan ni Nehemias na gambalain siya ng kalaban. Sa halip, tinipon atinayos niya ang kanyang mga kagamitan at tauhan at sinimulang itayo muli ang lunsod, “sapagka’tang bayan ay nagkaroon ng kaloobang gumawa.”8

KABANATA 7

48

Page 61: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

Subalit nang magsimulang tumaas ang mga pader ng lungsod, lalong tumindi ang oposisyon. Angmga kaaway ni Nehemias ay nagbanta, nagsabwatan, at nanlibak. Totoo ang kanilang mga banta, atlubha silang nakakatakot kaya sabi ni Nehemias, “Sinidlan nila kami ng takot.”9 Sa kabila ngpanganib at banta ng paglusob, nagpatuloy ang paggawa. Mahirap ang panahong iyon, kaya’t bawatmanggagawa ay “may kaniyang tabak na nakasabit sa kaniyang tagiliran, at gayon gumagawa.”10

Sa pagpapatuloy ng gawain, ang mga kalaban ni Nehemias ay lalong naging desperado. Apat nabeses nila siyang sinabihang umalis ng lungsod at makipagkita sa kanila at kunwari ay lulutasin angkaguluhan, ngunit alam ni Nehemias na balak nilang gawan siya ng masama. Sa tuwing sasabihannila siya, iisa lang ang sagot niya: “Ako’y gumagawa ng dakilang gawain, na anopa’t hindi akomakababa.”11

Napakagandang sagot! Sa malinaw at di nagbabagong layunin ng puso’t isipan, sa matindingdeterminasyon, ang mga pader ng Jerusalem ay nakamamanghang naitayong muli sa loob lamang ng52 araw.12

[Hindi hinayaan ni] Nehemias na mahadlangan siya ng mga panggagambala sa paggawa ngipinagagawa sa kanya ng Panginoon.

Hindi Tayo BababaAko ay nahikayat at nabigyang-inspirasyon ng maraming matatapat na mayhawak ng priesthood saaraw na ito na iisa ang puso at isipan. Tulad ni Nehemias, mahal ninyo ang Panginoon at hangad nagampanang mabuti ang priesthood na inyong taglay. Mahal kayo ng Panginoon at alam Niya angkadalisayan ng inyong mga puso at determinasyon. Pinagpapala Niya kayo sa inyong katapatan,ginagabayan ang inyong landas, at ginagamit ang inyong mga kaloob at talento sa pagtatayo ngKanyang kaharian.

Gayunman, hindi lahat ay tulad ni Nehemias. Maaari pa nating pagbutihin ang ating sarili.

Iniisip ko, mahal kong mga kapatid sa priesthood, kung ano ang ating magagawa kung lahat tayo,tulad ng mga tao ni Nehemias, “ay may kaloobang gumawa.” Ano kaya ang magagawa kung “iiwanna natin ang mga bagay ng pagkabata”13 at ibubuhos ang ating sarili, puso at kaluluwa, sa pagigingmarapat na maytaglay ng priesthood, at tapat na mga kinatawan ng Panginoong Jesucristo.

Isipin sandali kung ano ang mangyayari sa ating sariling buhay, sa ating propesyon, sa ating pamilya,sa ating mga ward at branch. Isipin kung paano uunlad ang kaharian ng Diyos sa buong mundo.Isipin kung paano magbabago ang mundo para sa kabutihan kung bawat lalaking maytaglay ngpriesthood ng Diyos ay magbibigkis ng kanyang balakang at mamumuhay ayon sa kanyang tunay napotensiyal, tunay na magbabalik-loob, magiging tunay at tapat na lalaki ng priesthood, handangitayo ang kaharian ng Diyos.

Madali ang magambala—matuon sa isang pundidong bombilya o sa kawalang-galang ng dimababait na tao, anuman ang motibo nila. Ngunit isipin ang kapangyarihang tataglayin natin bilangmga indibiduwal at bilang grupo ng priesthood kung, bilang tugon sa bawat tukso na mawalan ngpokus o babaan ang ating mga pamantayan—ang mga pamantayan ng Diyos—ang sagot natin ay,“May ginagawa akong dakilang gawain, na anopa’t hindi ako makababa.”

Ang panahon natin ay puno ng matitinding hamon at maraming oportunidad. Hangad ng Panginoonang mga tulad ni Nehemias—matatapat na kalalakihan na tumutupad sa sumpa at tipan ngpriesthood. Hanap Niya ay magigiting na kaluluwang masigasig na kikilos upang itayo ang kaharianng Diyos—mga tao na, kapag naharap sa oposisyon at tukso, ay sasabihin sa kanilang mga puso,“Ako’y gumagawa ng dakilang gawain, na anopa’t hindi ako makababa.”

Kapag naharap sa pagsubok at kahirapan, ang sagot nila ay, “Ako’y gumagawa ng dakilang gawain,na anopa’t hindi ako makababa.”

Kapag naharap sa panunuya at pagsansala, sasabihin nilang “Ako’y gumagawa ng dakilang gawain,na anopa’t hindi ako makababa.”

KABANATA 7

49

Page 62: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert

Hanap ng ating Ama sa Langit ang mga taong hindi hahayaang humadlang ang mga bagay na digaanong mahalaga sa kanilang walang hanggang mithiin. Hanap Niya ang mga taong hindipapayagan ang kadalian o mga patibong ng kalaban na humadlang sa kanila sa paggawa ngipinagagawa Niya sa kanila. Hanap Niya ang mga taong ang kilos ay ayon sa kanilang sinasabi—angmatatapat na nagsasabing, “Ako’y gumagawa ng dakilang gawain, na anopa’t hindi ako makababa.”

Isang Dakilang Gawaing IsasagawaTaimtim akong nagpapatotoo na ang Diyos ay buhay at nagmamalasakit sa bawat isa sa atin. IuunatNiya ang Kanyang kamay at tutulungan ang mga maninindigan at tataglayin ang priesthood nangmay paggalang, dahil sa mga huling araw na ito Siya ay may dakilang gawain na ipagagawa sa atin.

Ang ebanghelyong ito ay hindi mula sa tao. Ang doktrina ng Simbahan ay hindi napakagandang hulalamang ng isang tao tungkol sa sinaunang banal na kasulatan. Ito ang katotohanan ng langit nainihayag mismo ng Diyos. Pinatototohanan ko na nakita ni Joseph Smith ang sinasabi niyang nakitaniya. Talagang tumingala siya sa kalangitan at nakipag-usap sa Diyos Ama at sa Anak, at samga anghel.

Nagpapatotoo ako na ang Ama sa Langit ay nakikipag-usap sa mga dumudulog sa Kanya sa espirituat sa katotohanan. Nasaksihan ng mga mata ko at nagagalak akong magpatotoo na ngayon, angDiyos ay nakikipag-usap sa Kanyang propeta, tagakita, at tagapaghayag na si Thomas S. Monson.

Mga kapatid, tulad ni Nehemias, may gagawin tayong dakilang gawain. Narito tayo sa kasalukuyanna tinatanaw ang ating hinaharap. Taimtim kong dalangin na sa kabila ng mga tukso, hindi natinkailanman ibababa ang ating mga pamantayan; na sa kabila ng mga panggagambala, hindimawawala ang ating tuon sa mga bagay na pinakamahalaga; na mananatili tayong matatag atsama-sama, nagkakaisa, habang buong giting nating taglay ang bandila ng Panginoong Jesucristo.

Dalangin ko na maging marapat tayo sa banal na priesthood ng Makapangyarihang Diyos at, sa isangtao, iangat ang ating ulo at sa matatag na tinig ay ipahayag sa mundo, “Kami’y gumagawa ngdakilang gawain, na anopa’t hindi kami makababa.” Sa sagradong pangalan ni Jesucristo, amen.

Mga Tala1. Doktrina at mga Tipan 121:46.2. Mga Taga Roma 6:6.3. Joseph Smith Translation, James 1:27.4. I Mga Taga Tesalonica 4:16.5. Nehemias 2:3.6. Nehemias 2:10.7. Nehemias 4:1.8. Nehemias 4:6.9. Nehemias 6:9.

10. Nehemias 4:18.11. Nehemias 6:3.12. Tingnan sa Nehemias 6:15.13. I Mga Taga Corinto 13:11.

KABANATA 7

50

Page 63: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert
Page 64: Mga Turo ng mga Buhay na Propeta Manwal ng Titser · mga buhay na propeta. Umaasa ako na mauunawaan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na propeta sa lupa ngayon” (Robert