me so pot a mia

10

Click here to load reader

Upload: ysabel-juachon

Post on 30-Nov-2014

757 views

Category:

Documents


5 download

TRANSCRIPT

Page 1: Me So Pot a Mia

Ang Mesopotamia ay ang sinasabing "First Cradle of Civilization" dahil dito nagsimula ang pag-usbong ng mga tao. Tinatawag ang Mesopotamia na "Land Between Two Rivers", dahil pinapaligiran nito ng dalawang malalaking ilog na Tigris at Euphrates. Ang klima sa Mesopotamia ay maiinit, ngunit madalas bumabaha dito dahil sa pag-"overflow" ng tubig sa dalawang ilog. 

Ang Mesopotamia ay isang lugar na may malaki at magandang lupa, kaya maraming imperyo ang naitatayo dito. Nahahati ang mga imperyong ito sa tatlo: ang mga sinaunang imperyo ng Mesopotamia, ang mga kalapit na kabihasnan ng Mesopotamia, at ang mga dayuhang imperyo ng Mesopotamia.

Sinaunang Imperyo ng Mesopotamia

1) Akkadian    - sinimulan ni Sargon I    - magkahiwalay na estado at relihiyon    - organisadong sistema ng kalakalan    - walang natural na depensa

2) Babylonian    - pinakakilalang lider ay si Hammurhabi, na gumawa ng sobrang kilalang batas na tinatawag na Code of Hammurhabi    - unang nasakop ng mga Amorites    - nang namatay si Hammurhabi, nasakop ng mga Hittites

3) Assyrian    - pinuno ay si Haring Ashrunarsipal II    - grupong etniko sa hilagang Mesopotamia    - gumagamit ng mga mercenary    - napabagsak ng Nineveh

4) Chaldean    - pinamumunuan ni Nebuchadnezzar    - itinayo ulit ang Babylonia, kung saan nagtayo siya ng Hanging Gardens of Babylon

Mga Kalapit na Kabihasnan sa Mesopotamia

1) Armean    - nagmula sa Palestine-Syria    - kilala dahil sa wikang Aramaic

2) Lydian    - nagmula sa Hilagang Anatolia, na ngayon ay tinatawag na Turkey    - nagsimula sa paggamit ng barya sa pakikipagkalakalan

Page 2: Me So Pot a Mia

3) Phoenician    - nagmula sa Phoenicia, na ngayon ay tinatawag na Lebanon    - kilala sa kanilang kontribusyon na alpabeto    - kilala sa paggawa ng mga bagay yari sa clear glass

4) Hebrew    - nagmula sa Palestine    - nakilala dahil sa Monotheism    - kilala bilang "Chosen People of God"    - nagpasimula ng Judaism

5) Hittites    - nagmula sa hilagang-silangan ng Black Sea, lumipat sa Hilagang Anatolia (Turkey)    - nakilala dahil sa paggamit ng iron ore

Dayuhang Imperyo sa Mesopotamia

1) Persian    - matatagpuan sa talampas ng Persia, na ngayon ay tinatawag na Iran    - maraming mga kilalang lider, kagaya nina Cyrus the Great, Darius the Great at Xerxes

Ang Mesopotamya (Griyego: Μεσοποταμία, isinalin mula sa Sinaunang Persiko na Miyanrudan "ang

Lupain sa pagitan ng mga Ilog"; sa pangalang Aramaic na Beth-Nahrain "Bahay sa Dalawang Ilog"), ay

isang lugar sa Timog-kanlurang Asya.Ito ang Iraq at kanlurang Syria sa kasalukuyan. Sa isang mahigpit

na pananalita, ito ang kapatagang alluvial na matatagpuan sa pagitan ng mga ilog ng Tigris at Euphrates,

binubuo ng mga bahagi ng Iraqat Syria. Sa mas pangkaraniwang gamit, kabilang sa termino ang mga ilog

kapatagan nito sa kabuuan at kasama din ang mga napapaligirang teritoryo ng Disyerto ng Arabia sa

kanluran at timog, ang Gulpo Persiko sa timog-silangan, ang mga Bundok ng Zagros sa silangan at mga

bundok ng Caucasus sa hilaga. Kilala ang Mesopotamya bilang ang lugar ng ilang sa mga

pinakamakasaysayang kabihasnan o sibilisasyon sa daigdig.

Ang mga kasulutan mula sa Mesopotamya (Uruk, makabagong Warka) ay ilan sa mga kilalang

pinakaunang kasulutan sa daigidig, nagbibigay sa Mesopotomya ng isang reputasyon sa pagiging "Duyan

ng Sibilisasyon". Kapantay ng mga kasulutang Sumeryong ito ang mga hieroglyph ng Ehipto, at ilan sa

mga mas matandang kilalang sulat, marahil itinituring bilang pagsusulat na proto (Porma ng sulat ng

Sinaunang Europeo, Naqada .

Page 3: Me So Pot a Mia

Kontribusyon ng Mesopotamya

Ang mga kontribusyon ng Mesopotamya ay may kinalaman sa paraan ng

pagsulat, transportasyon at kalakalan, matematika,astronomiya, relihiyon, batas, at iba pa.

Pagsulat

Ang mga manunulat o tagapagtala na Sumeryo ay lumikha ng sistema ng pagsulat na tinatawag

na cuneiform. Ito ang tinatayang pinakaunang pamamaraan ng pagsulat. Matulis na stylus ang ginagamit

na panulat. Sa isang parisukat na tapyas ng malambot na luad ay umuukit sila ng larawan na sumasagisag

sa mga kaisipan.

Pagkatapos, pinatutuyo ang mga ito at itinatago. Nakatala ang kasaysayan sa mga tapyas na mga batong

ito (cuneiform tablet). Gumagamit ang mga mangangalakal ng tatak (seal) ng namimili, nagbebenta, at

saksi. Ang mga selyo ng lagda (signature seal) na ginawa sa hugis cylinder ay inuukit sa bato at isinusuot

ng may-ari na parang kwintas.

Matematika at astronomiya

Sa matematika, ang mga taga-Mesopotamya ang nagpakilala ng talaang multiplikasyon at dibisyon.

Ipinapalagay na sila rin ang nagturo ng pagkalkula sa pamamagitan ng sugkisan o dyometri at pinagmulan

ng kaisipang may 360 digri ang isang bilog at 60 minuto sa isang oras.

Isa sa pinaka matandang ulat ng astronomiya ay ginawa rin sa Mesopotamya. Itinala nila ang paiba-ibang

posisyon ng mga planeta at iba-ibang yugto ng pag-ikot ng buwan. Hinati nila ang isang taon sa

12 buwan. At ang isang buwan sa 30 araw.

Transportasyon

Sa paggamit nila ng gulong, napadali ang pagdadala ng mga produkto sa ibang lugar. Maging ang

paggamit ng layag sa paglalakbay-dagat ay pinangunahan din ng mga taga-Mesopotamya. Nakatulong ito

sa kanilang kalakalan sa malayong lugar.

Relihiyon

Naniniwalang ang mga Sumeryo sa maraming diyos---tinatawag itong politeismo. Bawat lungsod-estado

ay itinuturing na pag-aari ng bawat diyos. Pinaniniwalaan nilang ang diyos ang pumipili ng pinuno at

nangangalaga sa mga lungsod. Ang mga diyos ang nagdadala ng pagpapala at kalamidad tulad ng baha,

taggutom, at iba pa. Ang mga Sumeryo ay nagsasagawang mga ritwal tulad ng pag-aalay at pasasalamat.

Ang mga ito ay nangangailangan ng dasal o pista. Si An o Anu ay diyos ng langit. Si Ki ang

tagapagtanggol ng daigdig, at si Enlil ang nagdadala ng malalakas na hangin at ulan.

Sina Inanna at Dumuzi ang pinagkalooban ng fertilidad.

Page 4: Me So Pot a Mia

Pinag-aralan naman ng mga pari ang ibig ipakahulugan ng mga panaginip at galaw ng mga bituin. Ayon

sa kanila, ang mga ito ay may pahiwatig na galing sa diyos.

Naniniwala rin ang mga taga-Mesopotamya na may lugar sa ilalim ng lupa. Sa Epiko ng Gilgamesh,

inilarawan ito bilang madilim na kweba kung saan alikabok at luad ang pagkain.

Sining

Ang mga Sumeryo ay mahilig sa magagandang bagay. Ang mga manggagawaang may kasanayang

gumawa ng alahas, kasangkapan sa bahay, at dekorasyon.

Ang musika ay isang kakayahan na kanilang napalawak at napaunlad. Ang mga instrumentong tulad

ng harpa at lira ay ilan sa nagawa nila. Ang mga Sumeryo ay mayroon ding mga pipa, plauta, at pati na

rin tamburin.

Ang pinakakilalang panitikan ng Sumeryo ay ang tulang epiko na Gilgamesh. Si Gilgamesh ay isang hari

sa Uruk.

Batas

Sa larangan ng batas, kinilala ang Kodigo ni Hammurabi. Sa bato na may taas na 2.44 na metro nakaukit

ang batas ng kaharian. Si Hammurabi, pinuno ng Babilonya noong 1792–1750 BCE, ang nagpagawa ng

mga batas. Naglalaman ito ng 285 na konstitusyon.

Ang batas ni Hammurabi ay may kaugnayan sa lahat na makaaapekto sa pamayanan, kasama na ang

relihiyon, pamilya, kabuhayan, at krimen. Ang mga sumusunod na pahayag ay nakuha sa Kodigo ni

Hammurabi:

"Kapag ang isang tao ay nagnakaw ng kapong baka (ox), tupa, baboy, o kambing na pag-aari

ng estado, dapat bayaran niya ito ng 30 beses sa tunay na halaga nito. Kung ito naman ay pag-aari ng

pribadong mamamayan, dapat bayaran niya ito ng 10 beses sa tunay nitong halaga. Kung ang

nagnanakaw naman ay hindi kayang magbayad, parurusahan siya ng kamatayan…"

"Kapag ang isang tao ay masyadong tamad sa pag-aayos ng dike ng kanyang lupain, at pinabayaan

niyang umagos ang tubig sa taniman o sa palayan na pag-aari ng ibang tao, dapat makalikha siya ng

ani para sa mga naapektuhan niyang taniman…"

"Kapag nasira ng isang tao ang mata ng isang kasapi ng aristokrata, sisirain din ang kanyang mata…"

"Kapag tinanggal ng isang tao ang ngipin ng kapwa o kauri niya, tatanggalan din siya ng ngipin."

Sa paglalahat ng kodigo, ito ay pagpapahiwatig ng pagsunod sa batas o pagtanggap ng parusang nauukol

sa paglabag.

Page 5: Me So Pot a Mia

“Mesopotamia”

Intruduksyon1. Kahulugan ng Mesopotamia.

- Nangaling sa kahulugan ng wikang Greyego na Lupa sa pagitan ng Dalawang Ilog sa kadahilanan na rin sa ito ay napapagitnaan ng Ilog Tigris at ilog Euphrates na sa kasalukuyan ay sakop ng modernong Iraq, Hilagang-Silangang Syria, Timog-Silangang Turkiya at sa Timog-Kanluran ng Probinsya ng Khūzestān ng Iran (Persia).

2. Mga Imperyo sa Mesopotamia.- Ang Mesopotamia ay nagkaroon ng maraming Emperyo ilan na ditto ang ASSUR, AKKAD, SUMMER, BABILON, UR, ELAM, LAGASH, at ERIDU.

Kasaysayan ng Mesopotamia

- Ang kasaysayan ng Mesopotamia ay nagsimula sa pag sasama-sama ng mga maliliit na kumunidad sa may tabing ilog. - Ilan sa mga makasaysayang siyudad ng Mesopotamia ay ang Babylon, Uruk, Nippur, Nineveh, tulad ng mga pangunahing kaharian ang Kaharian ng Akkadian, Ang Ikatlong Dinastiya ng Ur, at ang Emperyo ng Assyria. - Ilan rin sa mga makasaysayang hari o pinunu ng mga ang Mesopotamia ay sina Ur-Nammu (hari ng Ur), Sargon (ang nag tatag ng kaharian ng Akkad), Hammurabi (ang nagtatag ng lumag Babilonya) at si Tiglath-Pileser (na nag tatag ng kaharian ng Assyria).

- Ang Mesopotamia ay nabuo nuong halos Ika-6 na melenyo bago si kristo at nabuwag kasabay ng pag angat ng Achaemenid Persians noong Ika-6 dantaon bago si Kristo.

Ang Mesopotamia ay nahahati sa 8 panahon.

Pre-Pottery Neolithic:o Jarmo (ca. 7000 BC-? BC) Pottery Neolithic:o Hassuna (ca. 6000 BC-? BC), Samarra (ca. 5500 BC-4800 BC) and Halaf (ca. 6000 BC-5300 BC)

"cultures" Chalcolithic:o Ubaid period (ca. 5900 BC–4000 BC)o Uruk period (ca. 4000 BC–3100 BC)o Jemdet Nasr period (ca. 3100 BC–2900 BC) Early Bronze Ageo Early Dynastic Sumerian city-states (ca. 2900 BC–2350 BC)o Akkadian Empire (ca. 2350 BC–2193 BC).o Third dynasty of Ur ("Sumerian Renaissance" or "Neo-Sumerian Period") (ca. 2119 BC–2004 BC) Middle Bronze Age

Page 6: Me So Pot a Mia

o Early Assyrian kingdom (20th to 18th c. BC)o First Babylonian Dynasty (18th to 17th c. BC) Late Bronze Ageo Kassite dynasty, Middle Assyrian period (16th to 12th c. BC)o Bronze Age collapse (12th to 11th c. BC) Iron Ageo Neo-Hittite or Syro-Hittite regional states (11th–7th c. BC)o Neo-Assyrian Empire (10th to 7th c. BC)o Neo-Babylonian Empire (7th to 6th c. BC) Classical Antiquityo Achaemenid Assyria (6th to 4th c. BC)o Seleucid Mesopotamia (4th to 1st c. BC)o Parthian Mesopotamia (3rd c. BC to 3rd c. AD) Roman Mesopotamia (2nd c. AD)o Sassanid Mesopotamia (3rd to 7th c. AD)o Islamic conquest of Persian Mesopotamia (7th c. AD)

Anyo ng Hanapbuhay

-Pangunahing hanap buhay ng pag tatanim ng pagtatanim ng mga pananim sa pamamagitan ng rain fed agriculture kung saan ay gumagawa sila ng mga irigasyon mula sa ilog ng Tigris at Euphrates. - Pag papastol ng mga tupa at kambing at sa huli pati na rin ang Camel.

Wika at Litiratura

-Bandang ika- 4 na melenyo bago si kristo ay nabuo ang cuneiform, isang uri ng pagsusulat sa panahon ng pamumuno ni Sargon.-Nag karoon ng mga Aklatan sa bawat bawat lalawigan at sa bawat Templo.-Natutong mag basa at mag sulat ang mga kababaihan tulad ng mga kalalakihan para sa Semitic Babylonians.

Pilosopiya

-Ang simula ng Pilosopiya maaaring nag simula sa Mesopotamia dahil sa kanilang mga nalikom na kaalaman nuong panahong iyon. HALIMBAWA:Dayalek, Sinaunag Tula, Hymno, Liriko, at Salawikain.

Page 7: Me So Pot a Mia

Agham at Teknolohiya

Astronomiya

- Naka likha sila ang kaunaunahang Kalendaryong may 12 buwan.

Matimatika-Gumamit sila ng sexagesimal na uri ng pag bilang.-natutu silang Sumukat ng Volume ng Cylinder base sa taas.-Natutu silang sumukat ng Pyramid( kaso di tama ang sukat)-Natutu rin silang sumukat ng eksaktong milya ng lugar.

Teknolohiya-Naka imbento sila ng wheel, metalworking, copper-working, pagawa ng salamin, paghabi ng tela, at irigasyon.

Kultura

-Ang mga lalake at kasama ng kanilang ama upang matuto sa pag hahanapbuhay.-Ang mga babae ay nasa tahanan lang kasama ang ina upang matuto ng mga gawaing bahay.Gobyerno

Naniniwala ang mga taga Mesopotamia na ang kanilang mga hari at reyna ay mga sugo ng panginoon.

Mga Dapat tandaan na mga hari ng Mesopotamia.

Sargon ng Akkad na sumakop sa halos kabuoan ng Mesopotamia at ginawang Emperyo.Hammurabi ang nag tatag ng Emperyo ng Babilonya.Tiglath- Pileser III ang bumuo ng AssyriaNebuchadnezzar ang pinaka makapangyarihang hari ng Babilonya na nag aakalang anak siya ng diyos na si Nubu.

Kapangyarihan- Nang lumakas ang Assyria at lumakas at nagging Emperyo ang maliliit nap arte ay ginawang probinsya.- Bawat probinsya ay meroong Gobernador na sumisiguradong lahat ay nag babayad ng buwis at sa pagpapadali ng pag hawak ng emperyo.

Batas- The Code of Hammurabi (ginawa noong ca. 1780 BK) ni Haring Hammurabi sa katungkulang Tagagawa ng Batas.- Ang Mesopotamia ay may halos 200 uri ng batas.Ziggurats

Page 8: Me So Pot a Mia

(Akkadian ziqquratu from the verb zaqāru ) isang uri ng templo upang maka takas ang pari sa pagtaas ng tubig o baha. 

Prefix: Symbol: Magnitude: Meaning (multiply by):

Hepa- H 1021 1 000 000 000 000 000 000 000

Exa- E 1018 1 000 000 000 000 000 000Peta- P 1015 1 000 000 000 000 000Tera- T 1012 1 000 000 000 000Giga- G 109 1 000 000 000Mega- M 106 1 000 000Kilo- K 103 1000hecto- h 102 100deka- da 10 10- - - -deci- d 10-1 0.1centi- c 10-2 0.01milli- m 10-3 0.001micro- µ (mu) 10-6 0.000 001nano- n 10-9 0.000 000 001pico- p 10-12 0.000 000 000 001femto- f 10-15 0.000 000 000 000 001atto- a 10-18 0.000 000 000 000 000 001

ento- e 10-21 0.000 000 000 000 000 000 001