makabayan first.docx

Upload: jennifer-cabales-garcia

Post on 01-Nov-2015

281 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Sibika at Kultura 10:00-11:00

I.Layunin Nakikilala ang mga PilipinoPagpapahalaga: Pagmamalaki na siya ay Pilipino

II.PaksaPagkilala sa mga Pilipino Sanggunian:PELC A.1 p.56B.A., Pagsibol ng Lahing Pilipino, p.2-3 Kagamitan:Mga larawan ng ibat ibang Pilipino, mapa ng Pilipinas.

III.Pamamaraan: A.PaghahandaPag-usapan ang naging karanasan ng mga bata bago nagbukas ang klase. B.Pagganyak Ipapakita ng guro ang ibat ibang larawan ng mga Pilipino. C.Panlinang na GawainIpakita ang mapa ng Pilipinas.Patnubayan ang mga bata na masabi na ang Pilipinas ang bansa ng mga Pilipino.Ipakilala ang ibat- ibang Pilipino sabihin sa mga bata ang pangalan ng lalawigan na tinitirhan ng bawat pangkat.

IV.Pagsubok o Pagtatataya:Sagutin:1.Ikaw ba ay Pilipino?2.Sinu-sino pang Pilipino ang kilala mo?

V.Takdang-aralin:Magdala ng larawan ng ibat-ibang Pilipino.

Sibika at Kultura 10:00-11:00

I. Layunin: Nasasabi na siya ay Pilipino Pagpapahalaga: Pagmamalaki na siya ay Pilipino

II.Paksa:Pagkilala sa mga Pilipino Sanggunian:PELC A.1.1 p.56 B. A., Pagsibol ng Lahing Pilipino, p.2-3 Kagamitan:Mga larawan ng ibat ibang Pilipino, mapa ng Pilipinas, tape ng Ako ay Pilipino

III.Pamamaraan: A.Paghahanda1. Muling pag-usapan ang ibat ibang Pilipino.2. Pagganyak Ipapakita ng guro ang ibat ibang larawan ng mga Pilipino. B.Panlinang na GawainIparinig ang awitingAko ay Pilipino. Pag-usapan kung sino ang binabanggit sa awitin.Ipakita muli ang mapa ng Pilipinas. Ituro sa mga bata ang bahagi ng mapa na kinalalagyan ng pook baying kanilang tinitirhan.Bigyan ng pagkakataon ang bawat isa na magpakilala.

IV.PagtatayaIpaawit nang sabay-sabay ang awiting Ako ay Pilipino.

V.Takdang AralinMagdala ng sariling larawan at alamin kung kailan kayo isinilang.

Sibika at Kultura 10:00-11:00

I. Layunin: Nasasabi na ang kanyang ama at ina ay mga Pilipino. Pagpapahalaga: Pagmamalaki na siya ay Pilipino

II.Paksa:Pagkilala sa mga Pilipino Sanggunian:PELC A.1.2 p.56B.A., Pagsibol ng Lahing Pilipino, p.2-3 Kagamitan: Mga larawan ng ibat ibang Pilipino, mapa ng Pilipinas, tape ng Ako ay Pilipino

III.Pamamaraan: A.Paghahanda Ipaawit muli ang awiting Ako ay Pilipino B.Panlinang na GawainPag-usapan kung kailan isinilang ang bawat mag-aaral.Isa-isang magkukuwento ang mga bata tungkol sa kaniyang sarili sa tulong ng dala nilang larawan. C.Pangwakas na GawainBasahin sa mga bata ang Batayang aklat sa pahina4-5.Linangin ang salitang dayuhan.

IV.Pagsubok o Pagtatataya: Hayaang magpakilala ang bawat bata.Ako ay si ______________________.Ang ama ko ay si __________________.Si ___________________.Pilipino sila.Pilipino rin ako.

V.Takdang-aralin: Isulat ang titik ng tamang sagot.Si Edna ay isinilang sa Pampanga. Ang kanyang ama at ina ay mga Pampagueno. Siya ay ____________.AmerikanoHaponesPilipinoChina

Sibika at Kultura 10:00-11:00

I. Layunin: Nailalarawan ang katangiang pisikal ng mga Pilipino. Pagpapahalaga: Pagmamalaki sa pagiging Pilipino.

II.Paksa: Ibat-ibang anyo ng Pilipino Sanggunian:PELC A.3 p.56 B.A., Pagsibol ng Lahing Pilipino, p.8 Kagamitan: Mga larawan ng ibat ibang Pilipino, malaking salaming pangmukha.

III.Pamamaraan: A.Paghahanda1.Balik aralMagbalik-aral sa mga konseptong tinatalakay.Pag-usapan ang tungkol sa pagiging Pilipino.2.PagganyakMaglaro, isa isang patingnan sa bata ang sarili sa salamin habang umaawit ang Ako ay Pilipino. Ilalarawan ng guro ang batang nasa tapat ng salamin kapag huminto ang pag-awit.

B.Panlinang na Gawain1.Bigyan ng pagkakataon ang mga batang masuri at mailarawan ang mga katangiang pisikal ng kanilang kamag-aral.2.Ipasabi na ang mga katangiang ito ay maaaring makita sa isang batang Pilipino.Ilahad ang tugmang Ako ay Pilipino3.Magkaroon ng pangkatang Gawain.

IV.Pagsubok o Pagtatataya:

Iguhit ang kung tama at kung mali.

___________1. Maitim ang buhok ng karamihang Pilipino.___________2. Ang mapuputi ay hindi Pilipino.

V.Takdang-aralin:Ipaguhit sa mga bata ang kanilang sarili na may kumpletong bahagi ng katawan.Pakulayan ang iginuhit.

Sibika at Kultura 10:00-11:00

I. Layunin:Naipakikita ang kamalayan sa katangiang pisikal ng mga Pilipino.Pagpapahalaga:Pagmamalaki sa pagiging Pilipino.II. Paksa:Ibat ibang Anyo ng PilipinoSanggunian:BEC prototype p. 6-7B.A., Pagsibol ng Lahing Pilipino, p.8-9, mga tula at iba pa.Kagamitan:Mga larawan ng ibat ibang PilipinoIII. Pamamaraan:A. Paghahanda1. Papuntahin sa harapan ang malulusog at malilinis na bata.2. Bigyan sila ng kard ng paghanga na ginawa mula sa kartolina at art paper na may hugis ng bituin. Pagbigyang pansin ang malilinis na bahagi ng kanilang katawan.B. Panlinang na Gawain1. Ipaunawa ang kahalagahan ng mga mata, ilong, kamay, paa at iba pang bahagi ng katawan upang maunawaan ang kahalagahan ng paglilinis ng mga ito.2. Ilahad ang tugmang Kilala mo ba Ako?3. Sabihin na dapat ipagpasalamat sa Diyos ang anumang anyo nila.IV. Pagsubok o Pagtatataya: Ipahambing sa mga bata ang mga anyo ng Pilipino.V. Takdang-aralin: Gumuhit ng sarili mong larawan at idikit sa iyong kwaderno. Ilarawan ang iyong sarili.

Sibika at Kultura 10:00-11:00

I. Layunin:Nakabubuo ng konklusyong tungkol sa katangiang pisikal ng mga Pilipino.Pagpapahalaga:Pagmamalaki na siya ay PilipinoII. Paksa:Ibat ibang Anyo ng PilipinoSanggunian:PELC A.4 p. 56B.A., Pagsibol ng Lahing Pilipino, p.8-11Kagamitan:Mga larawan ng ibat ibang PilipinoIII. PamamaraanA. Paghahanda1. Ipaawit nang may kilos ang awiting Paa. Tuhod at Sampung mga Daliri sa mga bata.2. Pagganyak Patingnan sa mga bata ang kanilang katabi.Itanong: Magkakamukha ba sina Evelyn, Helen, Jane, Lydia at Edith? Ipapansin ang pagkakaiba-iba ng anyo ng mga bata. Ipaalala na lahat sila ay Pilipino, magkakaiba man ang anyo nila.B. Panlinang na Gawain1. Ganyakin ang mga bata na ipakita ang maaari nilang gawin sa pamamagitan ng kumpletong bahagi ng katawan.2. Magbigay ng ibat ibang kalagayan o kuwento tungkol sa ibat ibang katangian ng mga bata.Itanong: Dapat ba silang pagtawanan.

IV. Pagsubok o Pagtatataya: Ipalarawan ang sarili ng pasalita. Hayaang sabihin nila ang kulay ng kanilang buhok, hugis ng mata at ilong, taas ng tindig at kulay ng balat.V. Takdang-aralin: Gumawa ng finger puppet na gawa sa supot at gamitin sa paglalarawan ng sarili.

Sibika at Kultura 10:00-11:00

I. Layunin:Naipakikita ang kamalayan sa pagiging Pilipino sa pamamagitan ng pagsasabi nang may pagmamalaki na Ako ay Pilipino.Pagpapahalaga:Pagmamalaki sa pagiging Pilipino.II. Paksa:Ibat ibang Anyo ng PilipinoSanggunian:PELC A.5 p. 56B.A., Pagsibol ng Lahing Pilipino, p.8-11Kagamitan:Finger puppetIII. Pamamaraan:A. PaghahandaIpagamit ang finger puppet na kanilang ginawa habang inilalarawan ang kanilang sarili.B. Panlinang na Gawain1. Linangin ang pagbibigay ng pantay na pagtingin sa mga bata. Itanim sa isipan nila ang pagmamahal sa kapwa Pilipino, iba-iba sila ng anyo.2. Ipapahayag sa mga bata ang kanilang pagmamalaking sila ay Pilipino.C. Pangwakas na Gawain1. Paano mo ilalarawan sa isang taga ibang bansa ang anyo ng isang Pilipino.2. Dapat ba nating ikahiya na kayumanggi ang likas na kulay nating mga Pilipino.3. Anu-anong katangian ng Pilipino ang maipagmamalaki mo sa mga dayuhan o banyaga?IV. Pagsubok o Pagtatataya: Iguhit sa sagutang papel ang kung tama ang pangungusap at kung mali.______ 1. Magkakaiba ang hugis ng mga mata nating mga Pilipino.______ 2. May ilan sa mga Pilipino ang matatangkad.V. Takdang-aralin: Sumulat ng limang katangian ng mga Pilipino.

Sibika at Kultura 10:00-11:00

I. Layunin:Nasasabi na ang Pilipinas ay bahagi ng mundo.Pagpapahalaga:Pagkilala sa Pilipinas bilang bahagi ng mundo.II. Paksa:Pilipinas, bansa ng mga Pilipino sa mundo.Sanggunian:PELC B.1 p.57B.A., Pagsibol ng Lahing Pilipino, p.12-13Kagamitan:globoIII. Pamamaraan:A. Paghahanda1. Balik aralTumango kung ang sinasabi ay dapat ipagmalaki sa pagiging Pilipino.a. Ibig kong maging maputi tulad ng mga Amerikano.b. Ipinagmamalaki ko ang kulay at hugis ng aking mga mata.2. Pagganyak Ipakita ang isang globo. Ipalarawan sa mga bata ang globoItanong: Anu-ano ang nakikita ninyo sa globo.B. Panlinang na Gawain1. Ganyaking ang mga bata na matukoy kung ano ang kinakatawan ng globo.2. Ipasabi sa mga bata ang mga bagay-bagay na makikita sag lobo. Subukin kung may makapagtuturo sa kinaroroonan ng Pilipinas sag lobo.C. Pangwakas na GawainAno ang makikita sag lobo.Makikita ba ang Pilipinas sag lobo?IV. Pagsubok o Pagtatataya: Ano ang tawag sa bilog na modelo ng mundo?V. Takdang-aralin: Gumuhit ng isang globo sa inyong kwaderno.

Sibika at Kultura 10:00-11:00

I. Layunin: Naipahahayag na Pilipinas ang kanyang bansa. Nasasabi na ang Pilipinas ang bansa ng mga Pilipino.Pagpapahalaga:Pagmamalaki sa Pilipinas bilang sariling bansa.II. Paksa:Pilipinas, bansa ng mga Pilipino sa mundo.Sanggunian:PELC B.2 p.57B.A., Pagsibol ng Lahing Pilipino, p.12-14Kagamitan:Mapa ng PilipinasIII. Pamamaraan:A. Paghahanda1. Balik aral tungkol sag lobo.2. PagganyakIturo ang galaw sa awiting Umawit at MagsayawB. Panlinang na Gawain1. Ipakita ang mapa ng Pilipinas. Sabihin na ito ang bansa ng mga Pilipino.2. Ipahambing sa mga bata ang globo at ang mapa ng Pilipinas.IV. Pagsubok o Pagtatataya: Sagutin ang mga sumusunod:1. Ang Pilipinas ay bansa ng mga ____________.2. Saang bansa ka nakatira?V. Takdang-aralin: Iguhit ang mapa ng Pilipinas.

Sibika at Kultura 10:00-11:00

I. Layunin:Naituturo ang Pilipinas sa g lobo o mapa.Pagpapahalaga:Pagmamalaki sa Pilipinas bilang sariling bansa.II. Paksa:Pilipinas, bansa ng mga Pilipino sa mundo.Sanggunian:PELC B.6 p.57B.A., Pagsibol ng Lahing Pilipino, p.13-15Kagamitan:Globo, mapa ng PilipinasIII. Pamamaraan:A. Paghahanda1. Muling magpakita ng mapa at globo.Ipalarawan sa mga bata ang mapa at globo.2. PagganyakMagdaos sa klase ng paligsahan sa pagbuo ng mapa ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagguhit, paggupit at pagdidikit ng iginuhit na larawan ng mapa.B. Panlinang na Gawain1. Subukin kung may makapagtuturo sa kinaroroonan ng Pilipinas sag lobo.IV. Pagsubok o Pagtatataya: Magdaos ng paligsahan sa paghahanap sa Pilipinas sag lobo.V. Takdang-aralin: Isulat ang T kung tama at M kung mali ang pangungusap.

______ 1. Ang Pilipinas lamang ang nasa globo.______ 2. Ang Pilipinas ay makikita sag lobo at mapa.

Sibika at Kultura 10:00-11:00

I. Layunin:Nakikilala ang ilan sa magagandang tanawin at pook pasyalan ng bansa/sariling pook.Pagpapahalaga: Pagmamalaki sa ating magagandang tanawin.II. Paksa:Magagandang tanawin at Pook pasyalan.Sanggunian:PELC B.8 p.57B.A., Pagsibol ng Lahing Pilipino, p.19-32Kagamitan:Mga larawan ng magagandang pookIII. Pamamaraan:A. Paghahanda1. PagganyakItanong sa mga bata kung alam nila ang awitingLeron, Leron Sinta. Kung alam nila, ipaawit ito. Ituro ang bagong bersyon ng Leron, Leron Sinta.a. Habang itoy inaawit magkakaroon tayo ng imaginary trip o paglalakbay sa mga pook na binabanggit sa awitin.b. Pagkatapos nito, tumawag ng ilang bata at ipalarawan ang mga pook na kanilang makikita sa paglalakbay isip.c. Ganyakin ang mga bata na magbigay ng kanilang palagay.d. Muling ipaawit ang Leron, Leron Sinta at ipabigay ang mga pook at magandang tanawin na binabanggit ditto. B.Panlinang na Gawain1. Bukod sa mga tanawin nabanggit sa awitin mayroon pa tayong ibat ibang magagandang tanawin at pook pasyalan na makikita sa ibat ibang parte ng Pilipinas.2. Magpakita ng mga larawan ng magagandang tanawin at pook pasyalan sa Pilipinas at magkaroon ng talakayan tungkol dito.C. Pangwakas na GawainPaglalapat Ituro muli ang mga larawan sa paskilan at itanong kung ano ang tawag sa mga ito at kung ano ang masasabi sa mga larawang ito.

IV. Pagsubok o Pagtatataya: Bilugan ang titik ng tamang sagot.1. Ito ay tila tinumpok-tumpok na tsokolate.a. Chocolate Hillsb. Baguioc. Bulkang Mayond. Hagdang-hagdang Palayan

V. Takdang-aralin: Gumupit ng mga magagandang tanawin na makikita sa mga magazine at idikit sa kwaderno.

Sibika at Kultura 10:00-11:00

I. Layunin:Nailalarawan ang magagandang tanawin at pook-pasyalan ng bansa o sariling pook.Pagpapahalaga:Pagmamalaki sa ating magagandang tanawin.II. Paksa:Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan.Sanggunian:PELC B. 9 p.57B.A., Pagsibol ng Lahing Pilipino, p.19-32Kagamitan:Mga larawan ng mga magagandang tanawin at pook pasyalan.III. Pamamaraan:A. Paghahanda1. Balik-aral sa mga magagandang tanawin na napag-aralan na.2. Pagganyak Ganyakin ang mga bata sa pamamagitan ng awitin. Ituturo ng guro ang tamang himig nito.Tanawin at Pook Pasyalan (Himig: Sitsiritsit)B. Panlinang na Gawain1. Muling pag-awit sa awiting Tanawin at Pook-pasyalan nang sabay-sabay.2. Ipatukoy ang mga magagandang tanawin at pook-pasyalan na nabanggit sa awit.3. Bigyang pansin ang huling bahagi ng awit.4. Itanong sa mga bata kung dapat bang ipagmalaki ang mga ito.5. Ipasabi kung sa paanong paraan natin naipagmamalaki ang mga ito.C. Pang wakas na GawainPaglalapatIpagmamalaki mo ba ang magagandang tanawin at pook pasyalan n gating bansa? Bakit? Bakit Hindi?IV. Pagsubok o Pagtatataya:Sabihin kung saang hanay naaayon ang inyong sagot at bakit.OoMinsanHindiBakit

1. Ipinagmamalaki mo ba ang magagandang tanawin sa ating bansa?

2. Ipinagmamalaki mo ba ang inyong parkeng-pambayan?

3. Ikinukwento mo bas a ibang tao ang magagandang pook na ito.

V. Takdang-aralin: Ipasipi sa mga bata.Tandaan: Pinapangako ko na ipagmamalaki ko ang magagandang tanawin at pook pasyalan ng bansa saan man ako makarating.Isaulo at isa-puso ito.

Sibika at Kultura 10:00-11:00

I. Layunin: Naipakikita ng paghanga sa magagandang tanawin at pook-pasyalan sa pamamagitan ng pagsasabi ng ilang bagay tungkol sa kagandahang ng mga ito.Pagpapahalaga:Pagmamalaki sa ating magagandang tanawin.II. Paksa:Magagandang Tanawin at Pook-pasyalan.Sanggunian:BEC Prototype p. 17-19B.A., Pagsibol ng Lahing Pilipino, p.19-32Kagamitan:Mga larawan ng magagandang tanawin at pook pasyalan.III. Pamamaraan:A. Paghahanda1. Balik-aralIpakitang muli ang mga larawan ng mga magagandang tanawin at pook-pasyalan. Magtanong tungkol sa mga ito.B. Panlinang na Gawain1. Tumawag ng mga bata at ipapili ang gusting-gusto nilang larawan at hikayatin silang magsabi kung bakit iyon ang napili nila.2. Ipapahayag sa mga bata ang paghanga sa magagandang tanawin sa Pilipinas. Talakayin kung paano makatutulong ang mga bata sa pagpapanatili ng kagandahan ng mg pook-pasyalan ito.3. Magkaroon ng talakayan sa mga larawan ng magagandang tanawin at pook-pasyalan.C. Pangwakas na GawainPaglalapatTanungin ang mga bata kung mayroon pa silang mga lugar na hinahangaan maliban sa mga magagandang tanawin na mapag-aralan. Itanong kung bakit nila ito hinahangaan.IV. PagtatayaGumuhit ng isang hinahangaang pook-pasyalan o magandang tanawin. V. Takdang aralin:Magpagawa ng isang magandang tanawin na ibig nila sa pamamagitan ng finger paintings.

Sibika at Kultura 10:00-11:00

I. Layunin: Nakatutulong kung paano nakatutulong sa pagpapanatili ng kagandahan ng tanawin at pook-pasyalan tulad ng pagsunod sa mga babala at tuntunin sa kalinisan at kaayusan ng paligid.Pagpapahalaga:Pasasalamat sa Panginoon sa pagbibigay ng mga pook-pasyalan at magagandang tanawin.II. Paksa:Magagandang Tanawin at Pook-pasyalan.Sanggunian:PELC B.10 p. 57B.A., Pagsibol ng Lahing Pilipino, p.17-32Kagamitan:Mga larawan, mga plaskard na may nakasulat na babala.III. Pamamaraan:A. Paghahanda1. Balik-aralIpabigkas sa mga bata ang isinaulong pangako tungkol sa magagandang tanawin.2. PagganyakIturo ang bagong awitinLikas na Tanawin ( Himig: Ako ay may Lobo)B. Panlinang na Gawain1. Ipatukoy ang mga magagandang tanawin na nabanggit sa awitin.2. Ipaawit muli ang pangalawang saknong at bigyang pansin ang huling pangungusap. Itanong ang sinasabi ng huling pangungusap.3. Magpakita ng dalawang larawan ng mga pook-pasyalan. Ang isa ay nagpapakita ng kalinisan at kaayusan ng paligid, at ang isa ay nagpapakita ng magulong kapaligiran.4. Itanong sa mga bata kung:Ano ang pagkakaiba ng dalawang larawan?Alin sa dalawa ang gusto nilang puntahan?5. Ipakita ang mga plaskard ng mga babala at basahin ang mga ito sa mga bata at itanong kung saan nila ito nakikita.6. Itanong sa mga bata ang kahalagahan sa pagsunod sa mga babala.C. Pangwakas na GawainPaglalapatSabihin kung paano ka makatutulong upang mapanatili ang kalinisan at kagandahan sa mga pook-pasyalan.

IV. PagtatayaIguhit sa patlang ang dapat gawin hindi dapat gawin._______1. Magtapon ng basura sa parke._______2. Huwag pumitas ng mga bulaklak. V. Takdang aralin:Gumawa ng isang poster/slogan para sa kagandahan ng tanawin.

Sibika at Kultura 10:00-11:00I. Layunin:Nakikilala ang mga yamang lupa ng ating bansa.Pagpapahalaga: Nakikilala ang mga yamang-lupa at napahahalagahan ang mga ito.II. Paksa: Mga Yaman ng Bansa at Kahalagahan ng mga ito- Yamang LupaSanggunian:PELC B.11 p.57B.A., Pagsibol ng Lahing Pilipino Manual, p. 31-35, B.A. pp.33-34; Sibika at Kultura I B.A. p. 60Kagamitan:Larawan ng mga yamang lupaIII. Pamamaraan:A. Paghahanda1. Balik-aralPumalakpak ng isa kung tama ang gagawin at dalawa kung mali.a. Sulatan ang mga upuan sa parke.b. Huwag pipitasin ang mga bulaklak sa parke.2. Pagganyaka. Iparinig ang awiting Bahay Kubo.b. Tanungin ang mga bata kung anong awit ang kanilang narinigB. Panlinang na Gawain1. Pag-usapan ang mga bagay-bagay na makikita sa awiting Bahay Kubo.2. Tanungin ang mga bata kung saan nakukuha ang mga bagay na ito. (lupa)3. Ipakita ang mga larawan ng ibat ibang produktong nakukuha natin sa lupa.4. Ipatuloy ang mga pangalan ng nasa larawan.5. Sa kanilang pagkilala ng mga bagay na mula sa lupa. Pagbigayin ng mga halimbawa ang mga bata.6. Magtalakayan ukol sa halimbawang nabanggit.C. Pangwakas na GawainPaglalapatIpaisa-isa ang mga yamang lupa batay sa nabanggit nila at ipasabi rin ang kahalagahan ng bawat isa.

IV. Pagsubok o Pagtatataya: Sipiin ang yamang lupa sa papelpetsayhiponniyogisdakoralesabakatabakobayabasgintoV. Takdang-aralin: Ipaguhit sa mga bata ang kanilang tahanan. Ipakita sa kanilang ginuhit ang mga bagay-bagay na mahalaga sa kanila; gamit, kasangkapan, pagkain atbp na galing sa yamang lupa.

Sibika at Kultura 10:00-11:00

I. Layunin:Nakikilala ang mga yamang tubig ng ating bansa.Nasasabi ang kahalagahan ng yamang-tubigPagpapahalaga: Nakikilala ang mga yamang-tubig at napahahalagahan ang mga ito.II. Paksa: Mga Yaman ng Bansa at Kahalagahan ng mga ito- Yamang TubigSanggunian:PELC B.11 p.57B.A., Pagsibol ng Lahing Pilipino Manual, p. 31-35, B.A. pp.33-34Kagamitan:Larawan ng mga yamang tubigIII. Pamamaraan:A. Paghahanda1. Balik-aralMagbigay ng mga bagay at pagkain na nagmumula o maaaring makuha sa yamang-lupa.2. Pagganyak1. Babasahin ng guro ang tula sa mga bata.Tubig2. Ulitin ang tula ng sabay-sabay.3. Itanong sa mga bata ang kahalagahan ng tubig ayon sa tula.4. Pag-usapan ang kahalagahan ng tubig sa bawat tao.B. Panlinang na Gawain1. Magpakita ng larawan at hayaang kilalanin ang bawat isa. Sa kanilang pagkilala ng bagay na mula sa tubig, papagbigayin ng mga halimbawa ang mga ito.2. Itanong sa mga bata kung saan nakukuha ang mga ito.3. Ipasabi ang kahalagahan ng bawat halimbawang nabanggit.4. Magkaroon ng talakayan ukol dito.C. Pangwakas na GawainPaglalapatAnu-ano ang mga yamang-tubig na nakukuha natin sa ating mga katubigan.IV. Pagsubok o Pagtatataya:Kilalanin ang bawat larawan. Kulayan ang mga yamang tubig sa mga larawan sa ibaba.

V. Takdang-aralin: Magpakwento sa mga bata kung paano nila pinahahalagahan ang ating yamang tubig. Ipasulat ito sa kanilang kwaderno sa tulong ng mga kasambahay.

Sibika at Kultura 10:00-11:00

I. Layunin:Nakakalahok sa mga gawaing may kinalaman sa wasto at matalinong paggamit ng yaman sa pamamagitan ng wastong paggamit ng lupa.Pagpapahalaga: Wastong paggamit sa mga yamang-lupa.II. Paksa:Pangangalaga sa mga yamang-lupa.Sanggunian:PELC B.14 p.57B.A., Pagsibol ng Lahing Pilipino Manual, p. 34-38Kagamitan:Larawan ng mga yamang lupaIII. Pamamaraan:A. Paghahanda1. Balik-aralTanungin ang mga bata tungkol sa nakaraang aralin. Ipakita ang mga larawan atIV. Pagsubok o Pagtatataya:

V. Takdang-aralin:

Sibika at Kultura 10:00-11:00

I. Layunin:Nakakalahok sa mga gawaing may kinalaman sa wasto at matalinong paggamit ng yaman sa pamamagitan ng: wastong paggamit ng tubig pagpapanatiling malinisPagpapahalaga: Wastong paggamit sa mga yamang-tubigII. Paksa: Pangangalaga sa mga yamang-tubigSanggunian:PELC B.14 p.57B.A., Pagsibol ng Lahing Pilipino, pp.45-47Kagamitan:Mga larawan, tape recorder, tape ng awitinIII. Pamamaraan:A. Paghahanda1. Balik-aralTanungin ang mga bata tungkol sa nakaraang aralin. (yamang- lupa)Magpakita na mga larawan at ipatutukoy kung saan nakukuha ang mga ito.2. PagganyakMuling iparirinig ang awiting Masdan Mo ang Kapaligiran. Bigyang-pansin ang mahahalagang bagay sa awit.B. Panlinang na Gawain1. Ano ang mensahe ng awitin?2. Talakayin ang mahahalagang bagay na binigyan-diin sa bagong aralin tungkol sa pangangalaga ng ating yamang-tubig.3. Magkukuwento ng mga karanasan tungkol sa mga taong nakatira sa tabi ng ilog o dagat.4. Pag-usapan ang mga dapat gawin sa pagpapanatiling malinis ang ating tubig.5. Pag-usapan ang kahalagahan ng pangangalaga sa anyong tubig na nagbibigay yaman at siyang tumutugon sa ating pangangailangan sa buhay.C. Pangwakas na GawainGumuhit ng mga bagay na nakukuha sa tubig.

IV. Pagsubok o Pagtatataya:Lagyan ng () kung tama at (X) kung mali. _____ 1. Dapat linisin ang mga ilog at sapa._____ 2. Ang tubig ay di kailangang tipirin.

V. Takdang-aralin:Gumuhit ng mga paraan ng paggamit ng tubig.

Sibika at Kultura 10:00-11:00I. Layunin:Natutukoy ang mga nakapaligid sa Pilipinas.Pagpapahalaga: Pagmamahal sa Pilipinas bilang sariling bansa.II. PaksaPilipinas, bansa ng mga PilipinoSanggunian:PELC B.7 p. 57B.A., Pagsibol ng Lahing Pilipino, pp.12-15Kagamitan:Mapa ng Pilipinas, globoIII. Pamamaraan:A. Paghahanda1. Balik-aralIpakita muli ang mapa ng Pilipinas. Ipaturo ang mga panturong direksyong itaas. Ibaba, kaliwa at kanan.2. PagganyakMuling ipaawit ang awiting: Umawit at MagsayawB. Panlinang na Gawain1. Patnubayan ang mga bata na makilala ang mga nakapalibot na anyong tubig sa ating bansa.2. Bigyan ng pagkakataon ang mga bata na gamitin ang kanilang mapa. Ipahanap ang mahahalagang lugar na matatagpuan sa mapa tulad ng Luzon, Visayas at Mindanao.C. Pangwakas na GawainSa anong direksyon matatagpuan ang Lagusang Babuyan? Dagat Timog Tsina? Dagat Celebes? Karagatang Pasipiko?

IV. Pagsubok o Pagtatataya:Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang._______ 1. Nasa dakong ibaba ng Pilipinas.a. Dagat Celebesb. Dagat Suluc. Dagat Visayasd. Dagat Timog Tsina

V. Takdang-aralin:Itanong sa mga bata kung saan matatagpuan ang kanilang tahanan. Ipaguhit ito. Palagyan ng mga panturong direksyon.

Sibika at Kultura 10:00-11:00

I. Layunin: Natutukoy ang mga panturo ng direksyon tulad ng sa kanan, sa kaliwa, sa ibaba, sa itaas, sa gitna at iba pa. Nagagamit ang mga panturo ng direksyon tulad ng sa kanan, sa kaliwa, sa ibaba, sa itaas, sa gitna at iba pa.Pagpapahalaga: Nakikilala ang mga tamang direksyon at nagagamit sa pagtukoy ng lokasyon.II. Paksa: Mga Panturong DireksyonSanggunian:PELC B.3 p.57Sibika at Kultura Manual pp. 22-24; B.A. p. 40-48Kagamitan:Mga larawanIII. Pamamaraan:A. Paghahanda1. Balik-aralAnu-anong mga bansa ang malapit sa Pilipinas?2. PagganyakIturo ang galaw sa awiting ito. Umawit at MagsayawB. Panlinang na Gawain1. Maglagay ng isang bagay sa mesa at ipaisa-isa sa mga bata kung nasaan ang bawat bagay.2. Magpakita ng larawan at ipasabi ang mga bagay na nakikita sag awing kanan, kaliwa, itaas at ibaba.3. Gamitin ang silid aralan sa pamamagitan ng panturong kanan, kaliwa, itaas at ibaba. Ipaturo ang ibat ibang bagay na matatagpuan sa loob ng silid-aralan.C. Pangwakas na GawainPaglalapatIpagawa sa mga bata ang sumusunod:a. Lumakad pakaliwa. Lumakad pakanan.b. Ilagay ang bola sa harap ni ______. Ilagay ang bola sa likod ni _______.IV. Pagsubok o Pagtatataya:Gawin ang sinasabi ng mga pangungusap.1. Lagyan ng titik A ang parisukat sa gitna.

2. Kulayan ng pula ang parisukat sa dakong ibaba ng parisukat A.3. Kulayan ng berde ang nasa dakong itaas ng parisukat A.V. Takdang-aralin:Kopyahin sa papel ang mga hugis at sundin ang mga panuto.

1. Kulayan ng dilaw ang hugis na nasa gawing kaliwa2. Kulayan ng pula ang hugis na nasa gawing kanan.3. Kulayan ng lila ang hugis na nasa gitna.