makabagong panghagot mula sa zhanjiang,...

4
MAKABAGONG PANGHAGOT MULA SA ZHANJIANG, GUANGDONG ,CHINA MICCOP FORUM , 40th ANNUAL NATCCO GENERAL ASSEMBLY, 15th COOP LEADERS CONGRESS. Si GM Mario M. Espeso ng LPMPC ay inanyayahan ng Yingli Eastern Agricultural Machinery Factory, pagmamay-ari ng Audrey Trading Co. Ltd. na bumisita sa kanilang planta kaugnay sa “Learning Exchange, Technology Transfer, Machine Operations and Testing and Maintenance” sa Zhanjiang, Guangdong, China noong ika-28- 31 ng Mayo, 2017. Ang nag sponsor sa kanyang muling pagbyahe ay ang TRIAS. Ang Naonal Confederaon of Cooperaves (NATCCO Network) ay isa sa malaking pederasyon ng mga kooperaba sa Pilipinas. Ito ay may kasaping 840 kooperaba, kasama na ang LPMPC . Nagdiwang ang NATCCO Network ng MICCOP FORUM at ika-40th ANNUAL GENERAL ASSEMBLY at 15th COOP LEADERS CONGRESS. Ang Microfinance Innovaons in Cooperaves (MICOOP) ng Naonal Confederaon of Cooperaves (NATCCO Network) ay inatatag noong 2006 upang magbigay ng kaukulang tulong sa mga kooperabang nais magtayo ng karagdagang sangay sa mga lugar na walang bangko. Ang Nauna nang binisita ni GM Espeso ang Weida Machinery Industrial Co., Ltd sa Zhanjiang upang tingnan ang automated decorticating machine para sa dahon ng pinya noong ika- 19-25 ng Septyembre, 2016. Sa pagbabalik na ito ni GM Espeso, tiniyak niya na bisitahing muli ang Weida. Kasama sina Bruno Penanster at Sandy Chen ng Ananas Anam, ay pinuntahan nila ang modelo ng Audrey Trading Co. Ltd at ng Weida Machinery Industrial Co., Ltd. Ang kinatawan ng Audrey Trading Co. Ltd. ay sina Audrey Yang, James at Rai-Kun habang sina Jack Lei, Mary at Jacy Lee ang mga kinatawan ng Weida Machinery Industrial Co., Ltd. Dahil sa hindi maiwasang kompromiso, hindi nakasama si Engr. James Macaranas ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) na pumalit sa dating Bureau of Postharvest Research and Extension (BPRE) sa bisa ng government rationalization program o ang Executive Order 366. Ang PhilMech ang sangay ng pamahalaan na nagbibigay ng katunayan sa tamang kalidad ng isang makinarya at gamit nito. Nangako ang Ananas Annam na handa silang tumulong sa pagbili ng makinang panghagot alin man ang mapili ng LPMPC. (Weida Machinery Industrial Co., Ltd Automated Deco Machine) (Audrey Trading Co. Ltd Automated Deco Machine) sangay ng Jose Panganiban (LPAN) sa ilalim ng MICOOP ay naitatag noong 2009 habang ang sangay ng Capalonga (LCAP) ay noong 2011. Ang ika-10 Annual MICCOP FORUM noong ika-22-24 ng Mayo ay dinaluhan ng mga kinatawan ng LPMPC: sina Gg. Erwin Nano, BM ng LPAN at Gg. Rachel Acunin, BM at si Sherill Paredes ng LCAP. Ang tema ng Forum ay “Transforming Cooperaves, Empowering People” dinaluhan ng 220 kasapi. Si Ms. Mary Ann L. Ebona ang Forum Coordinator. Samantala, ang 15th COOP LEADERS CONGRESS at 40th General Assembly (GA) ay isinagawa noong ika-25-27 ng Mayo , 2017 sa Crowne Hotel, Pasig City. Ito ay dinaluhan ng 2, 228 na kasapi kasama na si Chairperson Fe V. de Mesa at GM Mario M. Espeso na kumakatawan sa LPMPC.

Upload: dodung

Post on 29-Aug-2019

235 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

MAKABAGONG PANGHAGOT MULA SA ZHANJIANG, GUANGDONG ,CHINA

MICCOP FORUM , 40th ANNUAL NATCCO GENERAL ASSEMBLY,15th COOP LEADERS CONGRESS.

Si GM Mario M. Espeso ng LPMPC ay inanyayahan ng Yingli Eastern Agricultural Machinery Factory, pagmamay-ari ng Audrey Trading Co. Ltd. na bumisita sa kanilang planta kaugnay sa “Learning Exchange, Technology Transfer, Machine Operations and Testing and Maintenance” sa Zhanjiang, Guangdong, China noong ika-28-31 ng Mayo, 2017. Ang nag sponsor sa kanyang muling pagbyahe ay ang TRIAS.

Ang National Confederation of Cooperatives (NATCCO Network) ay isa sa malaking pederasyon ng mga kooperatiba sa Pilipinas. Ito ay may kasaping 840 kooperatiba, kasama na ang LPMPC . Nagdiwang ang NATCCO Network ng MICCOP FORUM at ika-40th ANNUAL GENERAL ASSEMBLY at 15th COOP LEADERS CONGRESS.

Ang Microfinance Innovations in Cooperatives (MICOOP) ng National Confederation of Cooperatives (NATCCO Network) ay itinatatag noong 2006 upang magbigay ng kaukulang tulong sa mga kooperatibang nais magtayo ng karagdagang sangay sa mga lugar na walang bangko. Ang

Nauna nang binisita ni GM Espeso ang Weida Machinery Industrial Co., Ltd sa Zhanjiang upang tingnan ang automated decorticating machine para sa dahon ng pinya noong ika- 19-25 ng Septyembre, 2016.

Sa pagbabalik na ito ni GM Espeso, tiniyak niya na bisitahing muli ang Weida. Kasama sina Bruno Penanster at Sandy Chen ng Ananas Anam, ay pinuntahan nila ang modelo ng Audrey Trading Co. Ltd

at ng Weida Machinery Industrial Co., Ltd. Ang kinatawan ng Audrey Trading Co. Ltd. ay sina Audrey Yang, James at Rai-Kun habang sina Jack Lei, Mary at Jacy Lee ang mga kinatawan ng Weida Machinery Industrial Co., Ltd.

Dahil sa hindi maiwasang kompromiso, hindi nakasama si Engr. James Macaranas ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) na pumalit sa dating

Bureau of Postharvest Research and Extension (BPRE) sa bisa ng government rationalization program o ang Executive Order 366. Ang PhilMech ang sangay ng pamahalaan na nagbibigay ng katunayan sa tamang kalidad ng isang makinarya at gamit nito.

Nangako ang Ananas Annam na handa silang tumulong sa pagbili ng makinang panghagot alin man ang mapili ng LPMPC.

(Weida Machinery Industrial Co., Ltd Automated Deco Machine)

(Audrey Trading Co. Ltd Automated Deco Machine)

sangay ng Jose Panganiban (LPAN) sa ilalim ng MICOOP ay naitatag noong 2009 habang ang sangay ng Capalonga (LCAP) ay noong 2011.

Ang ika-10 Annual MICCOP FORUM noong ika-22-24 ng Mayo ay dinaluhan ng mga kinatawan ng LPMPC: sina Gg. Erwin Nano, BM ng LPAN at Gg. Rachel Acunin, BM at si Sherill Paredes ng LCAP. Ang tema ng Forum ay “Transforming Cooperatives, Empowering People” dinaluhan ng 220 kasapi. Si Ms. Mary Ann L. Ebona ang Forum Coordinator.

Samantala, ang 15th COOP LEADERS CONGRESS at 40th General Assembly (GA) ay isinagawa noong ika-25-27 ng

Mayo , 2017 sa Crowne Hotel, Pasig City. Ito ay dinaluhan ng 2, 228 na kasapi kasama na si

Chairperson Fe V. de Mesa at GM Mario M. Espeso na kumakatawan sa LPMPC.

2 Asenso Labo Progressive Multi-Purpose Cooperative Newsletter

7th BICOL REGIONAL COOPERATIVE CONGRESS

OWNERSHIP MEETING JOSE PANGANIBAN KWENTO NG TAGUMPAY NI G. MA. FE SALVACION

Ang Bicol Region Cooperative Development Council ( RCDC) , sa pakikipag-ugnayan sa Catanduanes Provincial Cooperative Development Council (Catanduanes PCDC) at sa Cooperative Union of Catanduanes (CUC), at pakikipagtulungan sa Cooperative Development Authority (CDA) ay nagkaroon ng pagtitipun-tipon ng mga kooperatiba sa Kabikulan na may temang “Kooperatibang Burugkos, Pag-asenso Padagos” noong ika 17-18 ng Mayo, 2017 sa Catanduanes State University Auditorium, Calatagan, Virac, Catanduanes. Ito ay dinaluhan ng 379 kinatawan ng 59 kooperatiba mula sa anim (6) na probinsya ng Kabikulan.

Sina Vice Chair Ariel F. Libria, BOD Constancia O. Labios at BOD Edmond S. Madera ang napiling kinatawan ng LPMPC na dumalo.

May tatlong (3) grupo ng aralin ang dinaluhan ng LPMPC BOD. Si Vice Chair Ariel F. Libria sa Credit Management, BOD Constancia O. Labios sa Financial Management at BOD Edmond S. Madera sa Risk Management.

1. Pamamahala ng Utang (Credit

Ang sangay ng Labo Progressive Multi- Purpose Cooperative (LPMPC) sa Jose Panganiban (LPAN) ay itinatatag noong ika- 31 ng Mayo, 2011.

Mahigit sa 100 kamay-ari ang dumalo sa isinagawang Ownership Meeting noong ika-29 ng Abril, 2017 sa LPAN. Ang layunin ng pagtitipon ay ipabatid sa mga kamay-ari ang kasalukuyang kalagayan ng LPMPC at palakasin ang kahulugan ng pagiging “kamay-ari” .

Tinalakay din ang mga nasusugang polisiya ng LPMPC noong nakaraang Taunang Pang-kalahatang Pag-pupulong, partikular na ang Programang Pagtutulungan sa Panahon ng Pangangailangan. (P4) na sinundan

“ Ako si Maria Fe Salvacion taga Brgy. Mambalite, Daet, Camarines Norte, bunso sa apat na magkakapatid. Nakaabot lang ako ng 2nd year high school pero nakatapos ng kursong Computer at nagtrabaho bilang sales assistant sa patahian ni Rusty Reyes at umalis nong hindi ako ginawang regular makalipas ang 3 taon.

Muli akong nag-aral ng Culinary Arts sa Philippine Women’s University (PWU) at sa Daet, Camarines Norte ng National Certificate Course II noong 2000. Naghanapbuhay ako sa Laguna bilang Quality Assurance sa isang Pharmaceutical Company at

Management): Ipinaliwanag ang 5 Cs ng magandang pautang: character, capital, capacity, conditions, collateral gayun din and 5 C’s ng masamang pautang complacency, carelessness, communications, contingencies, competition.

2. Pamamahala ng Pera (Financial Management)-Ang tamang pagpaplano, pagtatatag, pamamahala at pagkokontrol ng perang nakalaan sa iba’t-ibang serbisyo ng kooperatiba.

3. Pamamahala ng Panganib sa Pautang (Risk Management)- May apat (4) na klase ng risk:

• Strategic ay ang mga pangyayaringwala sa ating kontrol tulad ng lindol, baha at kalamidad.

• Operational ay patungkol sa atingpang-araw- araw na kalakaran o pamamalakad ng ating negosyo.

• Financialayangwalangkasiguruhanggalaw ng pera sa merkado na nakakaapekto sa mga presyo ng bilihin .

• Regulatoryaypatungkolsapagsunodna itinakda ng batas.

ng talakayan at paglilinaw sa pagitan ng mga kitatawan ng LPMPC at mga kamay-ari ng LPAN.

Isang pagsasanay sa “Capacity Based Lending” ang ibinigay na nagtalakay ng mga batayan sa pagpapautang ng LPMPC. Ipinaliwanag din ang dahilan ng multa sa mga pautang na hindi nabayaran ayon sa itinakdang panahon at ang epekto nito sa operasyon.

Ipinarating ng mga kamay-ari ang kanilang mungkahi at nangako ang kinatawan ng LPMPC na ipaparating ang mga ito sa pamunuan. Ang nasabing pagsasanay ay pinunduhan ng TRIAS, isa sa mga NGO partner ng LPMPC.

nakilala ko ang ama ng aking anak na sa kalaunan ay nagkahiwalay.

Noong 2013, bumalik ako sa Mambalite na may isang layunin: palakihin si Ythan , ang aking anak. Sa puhunang Php 5,000 sinimulan ko ang maliit na karinderiya (rolling) at nagtinda ng spaghetti, pansit, bihon and ibat-ibang klase ng almusal.

Ginamit ko naman para sa isang sari-sari store ang natanggap ko sa SSS maternity reimbursement noong 2014. Paunti-unting lumalago ang akong kinikita at noong Setyembre 2014, bumili ako ng motorsiklo upang madala sa ibang pook ang aking paninda.

sa panulat ni: Kulot

Sundan sa pahina >>> 3

3AsensoLabo Progressive Multi-Purpose Cooperative Newsletter Labo Progressive Multi-Purpose Cooperative Newsletter

PAGTUTURO SA KABIHUG NG BARANGAY TANAUAN, CAPALONGA

MGA HAMON BILANG ISANG TAGATURO NG ALS PROGRAM

……KWENTO NG TAGUMPAY

“Personal kong adbokasiya ang makapaglingkod sa mga mga Kabihug o ibang pang uri ng mga Katutubo sa boung probinsya ng Camarines Norte. Ang misyon ng bawat Teacher ay magturo sa lahat ng uri ng mag-aaral.

Dati na akong ALS Instructional Manager (IM) simula noong 2007, at sa pamamagitan ng programa ng ALS ay natupad ang aking pangarap na makapagbibigay ng kaalaman sa mga Kabihug, na bata palang ako ay nakakasalamuha ko na.

Ang mga Kabihug, sa panahon ng aking mapasensyang

AlS – Elmer Delos Reyes ALS- Grace Berdon Teacher

pagtuturo sa kanila, ay unti-unting natutong sumulat, bumasa at magbilang . Naintindihan din nila ang kahalagahan ng Kalinisan ng Isang Tao (Basic Hygiene) at pakikisalamuha sa ibang Kabihug at buong mamamayan sa komunidad.

Sa kasalukuyan, nakakasulat na sila ng kanilang pangalan. Nakikita ko, na sa tamang panahon at sa walang sawang pagsuporta ng programang ALS sa mga Kabihug ng Brgy Tanauan, mapapaghusay at mapapabuti nila ang kanilang pagsusulat, pagbabasa at pag bibilang.”

“Nagtapos ako ng pagtuturo noong 2015 at nagsimula sa programa ng ALS noong July 2017 nang ako ay napiling magturo sa Brgy. Sta Elena, Jose Panganiban sa mga out-of school youth (OSY) sa nasabing distrito. Malaki ang naging hamon ko sa mga OSY na mag-aaral.

Matiyaga akong naghihintay sa kanilang pagdating- hindi ko alam kung may dadalo sa umaga’t hapon ng bawa’t araw. Bumibisita rin ako sa kanilang mga bahay (home visits) para sa mga hindi maaaring makapunta sa ALS classroom.

Sa tuwing nakikita ko ang mangisa-ngisang OSY na pumapasok at nagpapamalas ng kanilang unti-unting kahusayan sa pagbabasa, pagbibilang at pagsusulat, sobrang kasayahan ang aking nararamdaman- ito ay napakalaking katibayan na ang aking dedikasyon sa pagtuturo sa kanila ay matagumpay.

Ang napakalaking hamon sa akin ay kung papaano mahihikayat ang ibang OSY sa barangay na sumali sa programang ALS. Todo suporta ang pamunuan ng barangay; maayos , malaki at kumpleto sa gamit ang Senior Citizen’s Center , ang itinakdang lugar ng barangay. Karamihan sa

mg OSY ay pinili ang magkabod sa halip na mag-aral.

Ang pamunuan ng ALS sa probinsya ng Camarines Norte ay nagbigay ng kaukulang serye ng pagsasanay upang lalong madagdagan at mapahusay ang aking dating kaalaman sa pagtuturo ng mga OSY. Ang ilan sa mga pagsasanay na ito ay ang Division Refresher –workshop on Learners Assessment and Preparation of Instructional Materials, Training on Equivalency System and Basic Literacy Program at ICT Literacy Training at Basic Training-Workshop on ALS. Kung noon wala akong sapat na kaalaman sa pagtuturo ng aralin sa programang ALS at OSY, ngayon ay taas- noo kong masasabi na isa na akong magaling na tagapagturo.”

Napag –alaman ko ang iba’t-ibang serbisyo ng Labo Progressive Multi- Purpose Cooperative (LPMPC) tulad ng pagpapa-utang sa mga may maliiit na negosyo sa aking kapit-bahay noong Oktubre 2014. Dumalo ako ng Pre Membership Education Seminar (PMES) upang maging myembro at nakapangutang sa unang pagkakataon ng Php 5,000 na pandagdag puhunan sa sari sari store at rolling karinderiya.

Noong Enero 2015, nag pokus ako sa tindahan sa dagdag na puhunang P5,000 at sa pagdami ng tao sa aming barangay ay sumabay ang paglaki ng aking tindahan. Ngayon ay isa na itong retail at wholesale na tindahan. Dahil sa aking maayos na pagbabayad sa aking utang,

maaaari na akong makapangutang hanggang Php 50,000

Ako ngayon ay 32 taong gulang, si Ythan ay 2 taong gulang na at nagmamay-ari ng 5 set ng piso net machine, 1 vending machine, 6 glass cabinet, 1 unit of tricycle, maliban sa aking tindahan. Ang puhunan ko sa tindahan ay Php 100,000.00 . Katulong ko sa pamamahala si Nanay at si ate Esperanza. Kumikita ako Php 10,000 sa isang araw.

Layunin ko na palaguin pa ito upang itaguyod ang aking anak, makapagpatayo ng isang silid na paupahan sa likod ng aking tindahan at panaderya sa bakanteng lupa ng aking nanay. Magagawa ko ang lahat ng ito kung patuloy akong pagkakatiwalaan ng LPMPC.”

Mula sa pahina <<< 2

4 Asenso Labo Progressive Multi-Purpose Cooperative Newsletter

Ligtas at Likas Kayang Pagsasaka Panawagan ng LPMPC!!!Go for Good Agricultural Practices! (GAP)

PAGDUDUGTONG NG HIBLA NA GALING SA DAHON NG PINYA : PROYEKTO SA PIITAN

Isa sa pangunahing itinataguyod na programa ng Labo Progressive Multi-Purpose Cooperative (LPMPC) ay ang mga proyektong may kaugnayan sa ligtas at likas kayang pagsasaka sa ilalim ng Good Agricultural Practices (GAP). Sa kaalaman ng lahat, ang LPMPC ay sumusunod sa pamantayan ng ligtas na pagsasaka na ipinatutupad ng Kagawaran ng Pagsasaka-Bureau of Plant and Industry (DA-BPI) at Bureau of Agriculture and Fisheries Standards (DA-BAFS) sa ilalim ng ating Accreditation Certificate # 2015-2015-00040 Registration # RO5-CNLB-00010 sa pagtatanim ng pinya. Ito rin ang ating pagtugon sa mandato ng batas alinsunod sa ipinatutupad ng Department of Environment and Natural Resources-Environmental Management Bureau (DENR-EMB) Certificate of Non-Coverage CNC-OL-RO5-2016-05-05723.

Sa panulat ni : Pagutpot

Sa panulat ni: Sanny A. AquinoSa hangaring makatulong sa ibat-ibang sektor ng komunidad (kasapi, lalung lalo na ang mga

magsasaka, kababaihan, kabataan, pamilya) na magkaroon ng karagdagang kita, binigyang-pansin ng pamunuan ng LPMPC ang ilang bilanggo sa Panlalawigang Piitan ng Camarines Norte sa Daet at sa piitan ng Labo District.

Ang LPMPC ay humingi ng pahintulot sa pamunuan ng 2 piitan. Ang jail warden ang nagsilbing daluyan ng komunikasyon: sa pagpili ng bilanggong magdudugtong , sa kinatawan ng LPMPC na magtuturo, sa pagdadala ng mga hiblang galing sa pinya, at sa pagkuha ng mga nakadugtong na hibla.

Ang proyekto ay sinimulan noong 2005 hanggang sa kasalukuyan. Ang nakadugtong na hiblang galing sa pinya na ginagawa ng mga bilanggo ay humigit kumulang na 3 kilo. Ang bawat kilo ay binabayaran ng LPMPC ng Php 4,500.

Sa paglipas ng panahon, bumaba ang bilang na mga bilanggong nagdudugtong dahil na rin sa pagsapi ng iba’t –ibang samahan na nagkakaloob ng pagkakakitaang proyekto. Nagkaroon ng pagpipilian ang mga bilanggo: paraang madali at mabilis kumita. Ang pagdudugtong ng hiblang galing sa pinya ay hindi biro.

Labis ang pasasalamat ng LPMPC sa pamumuno ni Police Inspector Ramon A. Rafer ang Jail Warden ng Labo District Jail, at Police Inspector Reynaldo Pajarillo ng Provincial District sa matagumpay na pagsasamahan ng mga inmates at ng LPMPC .

EDITORIAL STAFFEditor in Chief

MERLIN S. ESPESOAsst. Editor in Chief

BEVERLY S. MEDRANOContributors

SANNY A. AQUINORECHELDA D. CAMPITA

REY ULYSSES L. DIMAANOJASLOR B. LAVIÑAAUBREY VALEROS

Layout Artist and DesignsJANICE B. PARDO

4 Asenso Labo Progressive Multi-Purpose Cooperative Newsletter

A.M.S. PRESSNAGA-DAET-LEGAZPI

Kaugnay nito, ang LPMPC ay isa sa binigyan ng pagkakataon ng Agricultural Training Institute (DA-ATI 5) na magbahagi ng ating natutunang teknolohiya sang-ayon sa pamantayan ng GAP.

Limang (5) pagsasanay na ang isinagawa ng lokal na pamahalaan ng ating lalawigan sa magkakahiwalay na pagkakataon. Ang nasabing pagsasanay ay matagumpay na naisagawa sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist-Crops Division, sa pamumuno ni Engr. Almirante A. Abad- Provincial Agriculturist, Gng. Marilyn Puatu-Supervising Agriculturist High Value Commercial Crops Division at Gng. Marilyn Dasallas-Senior Agriculturist CN Pineapple Coordinator , sa pakikipagtulungan sa ATI-RTC 5 sa pamumuno ni Gng Vivien V. Carable, OIC-Training Center Superintendent II.

Layunin ng pagsasanay na ito na ipabatid at ituro sa ating mga magsasaka ang kahalagahan ng ligtas at kalidad na pagsasaka : mula sa paghahanda ng taniman o sakahan hanggang sa ating hapag-kainan. Kaakibat nito ang kaligtasan at kagalingan ng direktang pagbubungkal na ating lupang sakahan, itaas ang antas at kalidad ng produktong bukid hanggang pagdadala sa pamilihan.

Hinihikayat din ang mga dumalo na mag-apply upang mabigyan ng akreditasyon, pinansyal, at teknikal na tulong ng

kagawaran. Ang mga pagsasanay ay isinagawa noong: Marso-22-23, 2017 (mga taga San Lorenzo Ruiz and Basud); Abril 9, 2017- ( taga Sta Elena) at Mayo 2-3, 2017-(Vegetable Growers Association of Camarines Norte (Tagalog and Bicol speaking municipalities).

LPMPC HIRING!! Be Part of Our Growing

Cooperative

DecorticatorsLeaves Harvester

Food TechBookkeepper

Please Contact(0998-5440119)

Refreshingly HealthyMade from fresh Queen Pineapple

Help Our Farmers.....Buy This Product!!!!!

LPMPC PROGRAMS AND SERVICESA- FINANCIAL SERVICES

1. SAVINGS AND TIME DEPOSIT SERVICES2. LOANS• Non -Agri Loans• Agricultural Loans

B. ECONOMIC SERVICES (AGRI-BUSINESS)• Pineapple Production• Pineapple Fruit Processing• Decorticated Pineapple Fiber Production• Handloom Weaving• Organic Fertilizer Production• Virgin Coconut Oil Production• HandMade Paper Production

C. SOCIAL SERVICES• Insurance (Coop Life Mutual

Benefit Services-CLIMBS)• Mutual Fund(Pagtutulungan sa

Panahon ng Pangangailangan) P4• Scholarship Program• Enterprise and Skill Development

Training• Impok Bahayan Program

D. OTHER SERVICES• Alternative Learning System (ALS)• Training Provider (MREDT)• SSS ALKANSYA BOX