leonardo da vinci.docx

Upload: aphze-bautista

Post on 18-Oct-2015

81 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Leonardo da Vinci

Si Leonardo da Vinci (Vinci, Italya, Abril 15, 1452 Mayo 2, 1519, Cloux, Pransya) ay isang Italyanong Renasimyentong polimata: isang arkitekto, musikero, anatomista, imbentor, inhinyero, eskultor, heometro, at pintor. Sinasalarawan siya bilang arketipo ng "Renasimyentong tao" at unibersal na henyo, isang tao na mausisa at maimbento. Tinuturing din siya bilang pinakadakilang pintor na nabuhay.Sa kanyang buong buhay, si Leonardo hindi alam ang kanyang apelyido, "mula sa Vinci" ang ibig sabihin ng "da Vinci" naging isang inhinyero, pintor, anatomista, pisiyolohista at iba pa. Ang kanyang buong pangalan "Leonardo di ser Piero da Vinci", nangangahulugang "Leonardo, ng ser Piero mula sa Vinci". Tanyag si Leonardo sa kanyang mga pintura, katulad ng Mona Lisa at The Last Supper, gayon din ang mga maimpluwensyang guhit katulad ng Vitruvian Man. Nagdisenyo siya ng mga imbensyon na pinangunahan ang makabagong teknolohiya, katulad ng helikopter, tangke, gamit ng solar power, at calculator, atbp., bagaman ilan lamang sa mga disenyo ang naisagawa sa kanyang buong buhay. Karagdagan pa nito, pinasulong niya ang pag-aaral sa anatomiya, astronomiya, at inhinyeriyang sibil. Sa kanyang mga gawa, iilan lamang ang nanatiling mga pintura niya, kasama ang mga sulatin (nakakalat sa kanyang mga iba't ibang mga koleksyon) na may mga guhit, siyantipikong pagsasalarawan at mga tanda.

Galileo GalileiGalileo Galilei

Si Galileo Galilei[1] (Pebrero 15, 1564 Enero 8, 1642) ay isang Italyanong pisiko, astronomo, pilosopo at siyentipiko[2] na malapit na inuugnay sa rebolusyong maka-agham. Kabilang sa mga nagawa niya ang pagbuti ng teleskopyo, iba't ibang mga astronomikal na pagmamasid, ang una at ikalawang mga batas ng paggalaw (motion), at epektibong pagsuporta para sa paniniwala ni Nicolaus Copernicus. Madalas na tinutukoy siya bilang "ama ng makabagong astronomiya", bilang ang "ama ng makabagong pisika", at bilang "ama ng agham". Tinuturing ang kanyang gawang eksperimental bilang komplementaryo sa mga sulat ni Francis Bacon sa pagtatag ng makabagong kaparaanang maka-agham. Sumabay ang karera ni Galileo kay Johannes Kepler. Sa mga gawain din ni Galileo nagsimula ang mga gawi sa makabagong pananaliksik.[1]Si Galileo ang unang makabago o modernong siyentipiko at ang unang dakilang siyentipiko nagpa-usad sa agham pagkaraan muling matuklasan ang dating nawalang mga mahahalagang pagkakatuklas na nagawa sa sinaunang Gresya (nawala ang mga ito noong Mga Panahong Madilim at Gitnang mga Kapanahunan).[2] Tinuturing na isang mahalagang pagkakataon ang mga gawa ni Galileo mula ng kay Aristotle. Karagdagan pa nito, tinatanggap ang kanyang pagsalungat sa Simbahang Katoliko Romano bilang isang pangunahing unang halimbawa ng pagsalungat sa awtoridad at kalayaan ng pag-iisip, partikular sa agham, sa Kanlurang Lipunan.Si Galileo ang unang taong gumamit ng teleskopyo sa larangan ng astronomiya. Siya ang unang nakatuklas sa apat na mga buwang umiikot sa planetang Jupiter.[2] Ang obserbasyong ito ang nagtulak kay Galileo na baliin ang halos 1,800 taong paniniwalang ang mundo ang sentro o gitna ng Kalawakan. Pinagbawalan si Galileo ng sinaunang Simbahang Katoliko na isa-publiko ang kanyang natuklasan.Si Galileo man ang nakatagpo kung paano gumagalaw ang mga bagay kapag bumabagsak ang mga ito, sa pamamagitan ng pagsukat ng panahon ng pagkilos ng mga bolang gumugulong mula sa isang dalisdis o gulod. Si Galileo ang naglaan ng mga prinsipyo ng metodong eksperimental o pamamaraan ng pagsubok na ginagamit ng makabagong mga siyentipiko sa pagtuklas.[2]