kwento

5
Taguan Ni Rolando Bernales Nov 2, '07 11:22 PM for everyone LAYUNIN: Inaasahang makagagawa ng isang pagsusuri sa Maikling Kwentong pinamagatang “Taguan” ni Rolando Bernales. I. Pamagat Ang Pamagat ng Maikling Kwento ay Taguan. Nagwagi ito ng Ikatlong Gantimpala sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, 1995. Isinulat ang Maikling Kwento ni Rolando A. Bernales. II. Buod Ang kwentong Taguan ay tungkol sa karanasan ng dalawang magkapatid na sina Openg at Kristal. Sa simula ng kwento, naglalaro ng taguan ang dalawang magkapatid na sina Openg at Kristal. Sa mga panaginip ni Openg inilahad ang mga

Upload: richard-kelley

Post on 16-Apr-2015

5.211 views

Category:

Documents


130 download

DESCRIPTION

Magandang kwentong naisulat ni Rolando Bernales

TRANSCRIPT

Page 1: Kwento

Taguan Ni Rolando BernalesNov 2, '07 11:22 PMfor everyone

LAYUNIN: Inaasahang makagagawa ng isang pagsusuri sa Maikling Kwentong pinamagatang “Taguan” ni Rolando Bernales.

 

 

I.                    Pamagat

 

Ang Pamagat ng Maikling Kwento ay Taguan. Nagwagi ito ng

Ikatlong                                   Gantimpala sa Don Carlos Palanca Memorial Awards

for Literature, 1995.                           Isinulat ang Maikling Kwento ni Rolando A.

Bernales.

 

 

II.                  Buod

 

Ang kwentong Taguan ay tungkol sa karanasan ng dalawang magkapatid na

sina Openg at Kristal. Sa simula ng kwento, naglalaro ng taguan ang

dalawang magkapatid na sina Openg at Kristal. Sa mga panaginip ni Openg

inilahad ang mga karanasan nilang magkapatid sa buhay. Sa unang bahagi

ng kwento ipinahayag ang karanasan ni Openg sa kanyang ama, ina at

kapatid habang sa banding katapusan ng kwento naman inilahad ang kwento

ng karanasan ni Kristal. Sa katapusan ng kwento muli naglaro ng taguan ang

Page 2: Kwento

magkapatid.

 

 

III.                Paghihinuha / Paghuhula

 

Sa katapusan ng kwento, ipinakita na dadalawin nila Openg at Kristal ang

kanilanh ina. Maaaring ang naging katapusan ng kwento ay nakulong ang

nanay nila dahil sa pagkakapaslang sa tatay nila Openg at Kristal. Maaring

inakala la mang ni Openg na siya ang nakapaslang sa kaniyang ama pero sa

katotohanan ang kaniyang ina pala ang nagganti para sa kanila ni Kristal.  

 

IV.               Paglalahat / Kongklusyon

 

Nananagnip si Openg na naglalaro sila ng kanaynag kapatid na si Kristal ng

gisingin siya ng kanyang ina upang magtrabaho na. Walang maibigay nap era

si Openg sa kanyang nanay dahil sa kinuha ng kanyang tatay ang isang kaha

upang makumpleto ang puhunan niya sa pagtratrabaho. Nasalubong ni

Openg si Kristal na umiiyak dahil sa panunukoso ng kaibigan nitong si Milet.

Sinermonan ni Openg si Milet hanggang sa naabutan ni Aling Beth at ng

kanyang ama ang panenermon nit okay Milet. Matapos ang isang linggo,

nagtapat si Kristal kay Openg ukol sa pangaabuso ng kanilang ama sa kaniya

at isinalaysay ito ni Openg sa kanilang ina. Paguwi sa bahay, naabutan nila

magina ang pangaabuso ng kanyang ama kay Kristal at ipinaghiganti ito. Sa

Page 3: Kwento

katapusan, muling naglaro ng taguan ang magkapatid.

 

V.                 Pagtukoy sa Layunin

 

Ang layunin ng maikling kwentong Taguan ni Rolando A. Bernales ay ang

magbigay ng katotohanan sa mga pangyayari sa ating pang-araw-araw na

buhay at magpakilala ng kaugalian at kultura. Ang layuning pagbibigay ng

katotohanan ay makikita sa mga naging karanasan nila Openg, Kristal at

Milet sa kani kanilang mga buhay. Samantala ang Pagpapakilala ng

kaugalian at kultura ay makikita sa daloy ng maikling kwento tulad ng

paglalaro ng taguan.

 

VI.               Pagsusuri sa Teknik

 

Sa maikling kwento na Taguan ni Rolando A. Bernales, ang kwentista ay

gumamit ng pamamaraang flashback, daloy ng kamalayan, at uring nakatago

ang tunay na dula. Ang mga pangyayari sa panaginip ni Openg ay halimbawa

ng teknik na flaskbak. Ang halimbawa ng daloy ng kamalayan ay ang

pagsasalaysay ni Openg sa kaniyang ina ang karanasan ni Kristal.

Samantala ang uring nakatago ang tunay na dula ay makikita sa pagtatapos

ng maikling kwento.

 

 

Page 4: Kwento

VII.             Evaluweyt

 

Ang maikling kwento na taguan ay nagkaroon ng sapat na katibayan upang

sumang-ayon ang mga mambabasa sa kaniyang paninindigan. Masasabi din

na naging masaklaw ang pagtatalakay sa mga paksa. Para sa akin,

napapaniwala ako ng awtor  upang panigan ko ang may-akda. Naantig ang

damdamin ko sa pagbabasa ng mga karanasan ng mga batang ito. Hindi

nagbago ang paniniwala ko sa tunay na kulay at kalagayan ng mga

pangyayari sa kwento. Ikinagagalak kong ipahayag na nakilala ko ang

makatwirang katotohanan ng mga tagpo sa kwento. Naakit ang aking

kawilihan ngunit may mga panahon an nakadama ako ng pagkabagot habang

binabasa ang akda. Dahil din siguro ito sa lalim ng mga Filipinong salitang

ginamit ng may-akda. Sa kabuuan, naging makabuluhan ang pagbabasa ng

mambabasa sa maikling kwentong painamagatang Taguan ni Rolando A.

Bernales.