kung paano magiging isang mabuting ama

16
!"#2 MARSO 2013 Kung Paano Magiging Isang Mabuting Ama

Upload: others

Post on 04-Oct-2021

25 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Kung Paano Magiging Isang Mabuting Ama

!"#2 MARSO 2013

Kung Paano Magiging IsangMabuting Ama

Page 2: Kung Paano Magiging Isang Mabuting Ama

Gusto mo ba ng higit pang impormasyon olibreng pag-aaral ng Bibliya sa iyong tahanan?

Bisitahin ang www.jw.org/tl o ipadala angiyong request sa isa sa mga adres sa ibaba.

JEHOVAH’S WITNESSES: PHILIPPINES: PO Box 2044,1060 Manila. UNITED STATES: 25 Columbia Heights,Brooklyn, NY 11201-2483. Para sa adres sa iba pangmga bansa, tingnan ang www.jw.org/contact.

Hindi ipinagbibili ang publikasyong ito. Inilaan ito bilang bahagi ng pambuong-daigdig na pagtuturo sa Bibliyana tinutustusan ng kusang-loob na mga donasyon. Malibang iba ang ipinakikita, ang mga pagsipi sa Kasulatanay mula sa makabagong-wikang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan.Publishers: Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.� 2013 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania. All rights reserved. Printed in Japan.

!"#2SA ISYUNG ITO

TA

MP

OK

NA

PA

KS

A

Kung Paano Magiging IsangMabuting AmaPAHINA 4-7

3 PAGMAMASID SA DAIGDIG

8 MAIILAP NA HAYOPAng Moose—Pambihirang Higanteng Kagubatan

10 ANG PANGMALAS NG BIBLIYAPornograpya

12 TULONG PARA SA PAMILYAPagtatakda ng mga PatakaranPara sa Anak na Tin-edyer

14 SULYAP SA NAKARAANRobert Boyle

16 MAY NAGDISENYO BA NITO?Ang Malabong Paningin ng Jumping Spider

s TINGNAN ONLINEwww.jw.org/tl

T I N - E D Y E R

TANONG NG MGA KABATAANPAANO KO MAIIWASAN ANGPAGPAPALIBAN-LIBAN?

Lagi ka na lang bang naghahabol ngoras para tapusin ang mga gawain sabahay at sa iskul dahil ipinagpapalibanmo ang mga ito? Kailangan mo nangmagbago! Ang artikulong ito aytutulong sa iyo kahit parangnapakahirap para sa iyo ng isanggawain, hindi ka interesadong gawiniyon, o marami ka nang ginagawa.

(Tingnan sa TURO NG BIBLIYA/TIN-EDYER)

M G A B ATA

Basahin ang isinalarawang mgakuwento sa Bibliya. Gamitin angmga activity para tulungan angiyong mga anak na madagdaganang kanilang kaalaman sa mgakarakter at mga pamantayangmoral ng Bibliya.

(Tingnan sa TURO NG BIBLIYA/MGA BATA)

Vol. 94, No. 3 / Monthly / TAGALOG

Limbag sa Bawat Isyu: 43,524,000 sa 98 Wika

r

r

Page 3: Kung Paano Magiging Isang Mabuting Ama

P A G M A M A S I D S A D A I G D I G

DAIGDIG

Hindi basta produksiyon ng pagkain angsagot sa problema sa gutom. Sa nga-yon, tinataya na may sapat na produksi-yon ng pagkain para sa 12 bilyon katao—mas mataas ng 5 bilyon kaysa sa po-pulasyon ngayon ng daigdig. Ang proble-ma ay pangunahin nang may kaugnayansa ekonomiya, pamamahagi ng pagkain,at pagtatapon nito.

ARGENTINA

Sa Argentina, 3 sa ba-wat 5 guro ang nagpa-file ng bakasyon dahil sastress o karahasan saiskul.

CHINA

Ipinapalagay na dalawang-katlo ng mgalunsod sa China ang hindi makaaabot sastandard ng gobyerno para sa malinis nahangin na ipatutupad sa ta

´ong 2016.

Bukod diyan, karamihan ng tubig nanakukuha sa ilalim ng lupa ay sinasabing“marumi o napakarumi.”

BRITAIN AT ESTADOS UNIDOS

Halos sangkapat (24 na porsiyento) ng mga pro-pesyonal mula sa pinansiyal na sektor ang nani-niwala na “baka kailangan nilang mandaya ogumawa ng ilegal na transaksiyon para magta-gumpay.” Inamin naman ng 16 na porsiyento nalalabag sila sa batas “kung hindi sila mahuhuli.”

SOUTH KOREA

Malapit nang du-mating ang panahonna magiging pang-karaniwan na langsa mga taga-SouthKorea ang mamuhaynang mag-isa.

Top

:�

Fern

an

do

Mole

res/P

an

os

Pic

ture

s;

bott

om

:�

Nata

lie

Beh

rin

g/P

an

os

Pic

ture

s

3

Page 4: Kung Paano Magiging Isang Mabuting Ama

“Saan ako nagkamali?” Iyan ang tanong na bumabagabag kay Michael,� nataga-South Africa. Nagsikap siya nang husto para maging isang mabutingama, pero sa tuwing maaalala niya ang kaniyang 19-anyos na anak nalalaki na nagrebelde sa kaniya, naiisip niya kung talaga bang nagingmabuti siyang ama.

Si Terry naman na taga-Spain ay tila matagumpay sa pagpapalaking anak. Ganito ang sinabi ng anak niyang si Andrew: “Naaalala ko noongbata ako, binabasahan ako ni Daddy, naglalaro kami, at ipinapasyal niyaako para magkas

´ama kaming dalawa. Dahil sa kaniya, nag-enjoy akong

matuto ng mga bagay-bagay.”

Totoo, hindi madaling maging mabuting ama. Pero may mga saligangsimulain na makatutulong. Nakita ng maraming ama na nakikinabang silaat ang kanilang pamilya kapag sinusunod nila ang karunungang nasaBibliya. Tingnan natin ang ilang praktikal na payo ng Bibliya namakatutulong sa mga ama.

� Binago ang ilang pangalan sa artikulong ito.

TA

MP

OK

NA

PA

KS

A

Kung Paano Magiging IsangMabuting Ama

Page 5: Kung Paano Magiging Isang Mabuting Ama

1. Magkaroon ng Panahonsa Pamilya

Bilang isang ama, paano mo ipinakikita saiyong mga anak na mahalaga sila sa iyo? Ti-yak na marami kang ginagawa para sa iyongmga anak, kasali na ang iyong mga pagsa-sakripisyo para paglaanan sila ng pagkainat maayos na tirahan. Hindi mo gagawinang mga iyan kung hindi sila mahalaga saiyo. Pero kung wala ka namang sapat na pa-nahon para sa kanila, maaari nilang isipinna mas mahalaga sa iyo ang ibang mga ba-gay, gaya ng iyong trabaho, mga kaibigan, olibangan.

Kailan dapat magsimulang magbigayng panahon ang isang ama sa kaniyangmga anak? Ang isang ina ay nakabubuo nang ugnayan sa kaniyang anak habang nasasinapupunan pa ito. Mga 16 na linggo mata-pos maipaglihi, puwede nang makarinig angisang sanggol. Sa panahong ito, kahit angama ay puwede na ring bumuo ng ugnayansa kaniyang di-pa-naisisilang na anak. Pu-wede niyang pakinggan ang tibok ng pusonito, damhin ang pagsipa nito, kausapin ito,at kantahan ito.

Simulain ng Bibliya: Noong panahonng Bibliya, ang mga ama ay nagtuturo sa ka-nilang mga anak. Hinihimok ang mga amana laging magbigay ng panahon sa kanilangmga anak, gaya ng ipinakikita ng Bibliya saDeuteronomio 6:6, 7: “Ang mga salitang itona iniuutos ko sa iyo ngayon ay mapapasai-yong puso; at ikikintal mo iyon sa iyonganak at sasalitain mo iyon kapag nakaupoka sa iyong bahay at kapag naglalakad kasa daan at kapag nakahiga ka at kapag bu-mabangon ka.”

2. Maging MabutingTagapakinig

Para maging mahusay sa pakikipag-usap saiyong mga anak, dapat marunong kang ma-kinig. Kailangan mong matutuhang makinignang hindi nagagalit agad.

Kung iniisip ng mga anak mo na magaga-lit ka agad at manghuhusga, hindi sila mag-kakalakas ng loob na sabihin ang kanilangniloloob. Pero kung pakikinggan mo silanang mahinahon, maipakikita mong tala-gang may malasakit ka sa kanila. At masmalamang na magkuwento sila sa iyo ng ka-nilang iniisip at nadarama.

Simulain ng Bibliya: Ang praktikal na ka-runungan mula sa Bibliya ay napatunayangkapaki-pakinabang sa iba’t ibang aspektong buhay. Halimbawa, sinasabi ng Bibliya:“Ang bawat tao ay dapat na maging matulinsa pakikinig, mabagal sa pagsasalita, ma-bagal sa pagkapoot.” (Santiago 1:19) Kapagsinusunod ng mga ama ang simulaing ito ngBibliya, nagiging mas mahusay sila sa paki-kipag-usap sa kanilang mga anak.

Makinig nang mahinahon at huwag manghuhusga

Gumising! Marso 2013 5

Page 6: Kung Paano Magiging Isang Mabuting Ama

3. Magbigay ng MaibigingDisiplina at Komendasyon

Kahit nadidismaya ka o nagagalit, kailanganpa ring madama ng anak mo mahal mo siyaat gusto mo siyang mapabuti kaya mo siyadinidisiplina. Kasali sa disiplina ang pagpa-payo, pagtutuwid, pagtuturo, at pagpaparu-sa kung kailangan.

Bukod diyan, mas epektibo ang disiplinakapag laging pinapupurihan ng ama ang ka-niyang mga anak. Ayon sa isang kawikaan:“Gaya ng mga mansanas na ginto sa mgainukit na pilak ang salitang binigkas sa ta-mang panahon.” (Kawikaan 25:11) Ang pag-bibigay ng komendasyon ay tumutulong saanak na makapaglinang ng mabuting perso-nalidad. Nagkakaroon ng kumpiyansa sa sa-rili ang mga anak kapag pinahahalagahansila. Kapag ang ama ay humahanap ng mgapagkakataon para magbigay ng komenda-syon, tutulong ito sa mga anak na magkaro-on ng kumpiyansa at magsikap na gawinlagi kung ano ang tama.

Simulain ng Bibliya: “Kayong mga ama,huwag ninyong yamutin ang inyong mgaanak, upang hindi sila masiraan ng loob.”—Colosas 3:21.

4. Ibigin at Igalang ang AsawaAng pakikitungo ng ama sa kaniyang asawaay tiyak na may epekto sa mga anak. Ganitoang sabi ng isang grupo ng mga ekspertotungkol sa pagpapalaki ng mga anak: “Ang isasa pinakamagandang magagawa ng amapara sa kaniyang mga anak ay ang igalangang kanilang ina. . . . Kung may paggalang saisa’t isa ang ama at ina at nakikita ito ngmga anak, nagiging maligaya at panatag angmga anak.”—The Importance of Fathers in theHealthy Development of Children.�

Simulain ng Bibliya: “Mga asawang lalaki,patuloy na ibigin ang inyu-inyong asawang ba-bae . . . Ibigin din ng bawat isa sa inyo angkani-kaniyang asawang babae gaya ng ginaga-wa niya sa kaniyang sarili.”—Efeso 5:25, 33.

� Kahit hindi na asawa ng ama ang ina ng kaniyangmga anak, makabubuti sa relasyon ng mga anak sa kanilangina kung pakikitunguhan siya ng ama nang may paggalang atdignidad.

Si Sylvan, na tubong Barbados, ay isang drayber ng bus sa NewYork City at may asawa at tatlong tin-edyer na anak na lalaki. Hindibiru-biro ang iskedyul ni Sylvan. Bumibiyahe siya nang bandang haponhanggang alas tres o alas kuwatro ng madaling-araw. Wala siyang pa-sok ng Huwebes at Biyernes, pero may trabaho siya ng Sabado at Ling-go ng gabi. Sa kabila nito, lagi pa rin siyang may panahon para sa mgaanak niya.

“Mahirap, pero nagsisikap ako,” ang sabi ni Sylvan. “Ang bawat anakko ay nangangailangan ng panahon ko. Iniskedyul ko ang Huwebes nghapon para makasama ang panganay kong anak pagkagaling niyang eskuwela. Biyernes naman ang iskedyul ko para sa pangalawa konganak. At Linggo ng umaga ang para sa bunso ko.”

Ang Mabuting Ama ay May Panahon sa Pamilya

Page 7: Kung Paano Magiging Isang Mabuting Ama

5. Sundin ang mga Payong Bibliya

Ang mga ama na may taimtim na pag-ibigsa Diyos ay makapagbibigay ng napakahala-gang pamana sa kanilang mga anak—isangmalap

´ıt na kaugnayan sa kanilang makala-

ngit na Ama.

Matapos ang ilang dekada ng pagpapa-gal para mapalaki ang anim na anak, naka-tanggap si Antonio, na isang Saksi ni Jeho-va, ng isang maikling liham mula sa isaniyang anak na babae: “Mahal kong Daddy,gusto ko po kayong pasalamatan dahil tinu-ruan n’yo akong mahalin ang Diyos na Jeho-va, ang aking kapuwa, at ang sarili ko—oo,maging isang mabuting tao. Ipinakita n’yopo sa akin na mahal n’yo si Jehova at natalagang nagmamalasakit kayo sa akin. Sa-lamat, Daddy, dahil pangunahin si Jehovasa iyong buhay at itinuturing mo kamingmga anak mo na regalo mula sa Diyos!”

Simulain ng Bibliya: “Iibigin mo si Je-hova na iyong Diyos nang iyong buong pusoat nang iyong buong kaluluwa at nang iyongbuong lakas. At ang mga salitang ito na ini-uutos ko sa iyo ngayon ay mapapasaiyongpuso.”—Deuteronomio 6:5, 6.

Bukod sa limang puntong nabanggit, ti-yak na higit pa ang nasasangkot sa pagigingisang ama. At ang totoo, kahit na ginagawamo ang buong makakaya mo para magingisang mabuting ama, hindi ka pa rin magi-ging perpektong ama. Pero hangga’t sinusu-nod mo ang mga simulaing ito nang maypag-ibig at pagkamakatuwiran, maaari kangmaging isang mabuting ama.� ˛

� Para sa higit pang payo tungkol sa buhay pampamilya,tingnan ang aklat na Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya,na makikita sa Web site na www.jw.org/tl.

“Nakikipaglaro siya sa akin at binabasahan niya ako sa gabi.”—Sierra, 5 ta

´ong gulang.

“May mga panahong laro kami nang laro. Tapos, sasabihin niya,‘Okey tama na, magligpit na tayo.’ May mga pagkakataon naman,pagkatapos naming magtrabaho, hihinto siya at sasabihin, ‘Laronaman tayo!’ ”—Michael, 10 ta

´ong gulang.

“Kahit may trabaho o sariling libangan ang tatay ko, tumutulongsiya kay Nanay sa mga gawaing-bahay. At kahit lumipas na ang ma-raming taon, tumutulong pa rin siya sa pagluluto, paghuhugas ngpinggan, paglilinis ng bahay, at mapagmahal siya at malambing kayNanay.”—Andrew, 32 ta

´ong gulang.

Ang Gustung-gusto ng mga Anak sa Kanilang Ama

Gumising! Marso 2013 7

Page 8: Kung Paano Magiging Isang Mabuting Ama

“PANGIT ang hitsura at kakatwang tingnanang moose. Bakit ang taas ng balikat

nito? Bakit ang haba ng ulo nito?” Iyan angsinabi ng manunulat ng ika-19 na siglo na siHenry David Thoreau, at hindi lang siya angnagsabi ng ganiyan tungkol sa moose. Inii-sip ng ilan na ang moose ay kakatwang ku-milos at hindi matalino dahil nakakatawaang hitsura nito, malimit itong nag-iisa sakagubatan, at bihira itong makita ng mgatao. Totoo ba ito? Marami nang natuklasanang mga mananaliksik sa Hilagang Amerikaat Eurasia tungkol sa kakaibang hayop naito.

Hindi maipagkakailang isang higante angmoose. Bagaman nagmumukha itong ma-buway dahil sa kaniyang mahahabang binti,kayang itaboy ng mga binting ito ang isanggrupo ng mga lobo. Mga ilang araw pagkasi-lang ng moose, natututo na itong lumangoy,at nakalalangoy ito ng maraming kilometroat nakasisisid sa lalim na halos anim na me-tro para manginain ng mga halaman!

Kahit hindi lumingon ang moose, nai-gagalaw niya ang kaniyang mga mata atnapapansin ang paggalaw ng mga bagay nahalos nasa likuran niya. Malaking tulong dinang kaniyang ilong. Sinasabi ng mga mana-naliksik na dahil magkalayo ang mga butasng ilong nito, may pambihirang kakayahanito na matukoy ang eksaktong lokasyon ngisang bagay. Mahusay rin ang pandinig niya.Naigagalaw niya ang kaniyang mga taingasa lahat ng direksiyon, at kaya nitong mari-

ANG MOOSEPAMBIHIRANGHIGANTE NGKAGUBATAN

ILANG DETALYE

Uri: Mamalya

Pagkain: Sanga, dahon, mgahalamang nabubuhay sa tubig

Bilis ng Takbo: Hanggang55 kilometro bawat oras

Taas: Mula 1.5 hanggang2 metro, mula paa hanggangbalikat

Timbang: Hanggang 816 na kilo

Bu

llm

oose:

�A

laska

Sto

ck/age

foto

sto

ck

Page 9: Kung Paano Magiging Isang Mabuting Ama

Gumising! Marso 2013 9

nig ang ibang moose kahit sa layong tatlongkilometro!

Ayon sa isang manunulat, ang mga ba-tang moose, na tinatawag na mga guya, ay“napaka-cute,” anupat mausyoso at malikot.Inaalagaan silang mabuti ng kanilang na-nay, na tinatawag namang baka. Talagangnilalabanan ng mga nanay na moose ang si-numang gustong manila sa kanilang mgaguya, gaya ng mga lobo, oso, at pati tao.Pagkatapos, kapag ang batang moose aymga isang taon na, at buntis na uli ang na-nay nito, ipagtatabuyan na siya ng kaniyangina para mabuhay nang mag-isa.

NABUBUHAY SA HILAGA

Kung puro halaman lang ang pagkainng mga moose, paano sila nakatatagal samatinding taglamig? Nakatutulong sa kani-la ang pagkain nang marami kapag tag-init.Umaabot sa 23 kilo ang nakakain ng moosearaw-araw, ito man ay mga halamang tat-long metro ang taas sa lupa o nabubuhaysa ilalim ng tubig. Tinutunaw niya ito sa ka-niyang tiyan na may apat na seksiyon parakunin ang kailangang sustansiya at ipuninang taba. Pero napapaharap din ang moosesa iba pang panganib.

Nasusubok ang tibay ng moose kapag na-pakatindi ng lamig at makapal ang yelo. Hin-di siya masyadong naggagagalaw para ma-panatili ang init sa kaniyang katawangbal

´ot ng balahibo. Isa pa, napakahirap

para sa mga moose na takasan ang mgalobo kapag nagyeyelo. Pero kadalasan, masnanganganib sila mula sa mga tao, lalo nasa mga mangangaso at drayber ng sasak-yan.

Gustung-gustong kainin ng moose angasin na isinasaboy sa mga kalsada para tu-nawin ang yelo. Pero dahil maitim ang bala-hibo ng moose at kadalasa’y tumatawid silang kalsada pagkalubog ng araw, nabubun-dol sila ng mga drayber dahil hindi sila agadnakikita. Nagiging sanhi tuloy ito ng kamata-yan ng mga tao at moose.

MAHILIG MAGLARO

Naobserbahan na ang moose ay mahiligmaglaro ng alon sa dagat at siyang-siya itosa paliligo sa maiinit na bukal. Sa panahonng pagpaparami, magiliw sa isa’t isa angmga babae at lalaking moose, at talagangkahanga-hanga ang pagiging mapag-arugang nanay na moose sa kaniyang guya. Angmga guyang inalagaan ng tao ay nagigingmaamo sa mga nag-aalaga sa kanila. Gani-to ang obserbasyon ni Dr. Valerius Geist:“Ang pambihirang hayop na ito na kakatwaang hitsura ay matalino, maamo, at napaka-loyal.”

Pero isang paalala: Ang moose ay isangmailap na hayop na napakalakas. Kapagnakakita ka nito sa kagubatan, irespeto itoat huwag lapitan, lalo na kung may maliliitsiyang anak sa tabi niya. Pero kahit mula samalayo mo ito pagmasdan, mapapahangaka sa pambihirang higanteng ito ng kaguba-tan. ˛

Ang mga batang moose aymausyoso at malikot

Page 10: Kung Paano Magiging Isang Mabuting Ama

KUNG BAKIT ITO MAHALAGANG ISAALANG-ALANG Sa ngayon, na-pakalaganap ng pornograpya at makakakita ka nito kahit saan. Kunggusto mong palugdan ang Diyos at maging mas maligaya, dapatmong malaman kung ano ang pangmalas ng Diyos sa pornograpya.

ANG SABI NG BIBLIYA Hindi espesipikong binabanggit ng Bibliyaang salitang pornograpya. Pero hindi ito kaayon ng maraming simula-in sa Bibliya.

Halimbawa, malinaw na nagbababala ang Bibliya na kapag ang isanglalaking may asawa ay “patuloy na tumitingin sa isang babae” nahindi niya asawa, anupat nagnanasang makipagtalik sa kaniya, maa-ari itong mauwi sa pangangalunya. Ang simulain dito ay kapit sa sinu-man, may asawa man o wala, na “patuloy na tumitingin” sa malalas-wang larawan taglay ang pagnanasang gumawa ng seksuwal naimoralidad. Ang ganitong paggawi ay kasuklam-suklam sa Diyos.

A N G P A N G M A L A S N G B I B L I Y A � P O R N O G R A P Y A

P O R N O G R A P Y A

Hinahatulan ba ng Bibliya ang pornograpya?

“Ang bawat isa na patuloy

na tumitingin sa isang

babae upang magkaro-

on ng masidhing pagna-

nasa sa kaniya ay na-

ngalunya na sa kaniya

sa kaniyang puso.”

—Mateo 5:28.

r Alamin ang sagot sa iba pang mga tanong tungkol sa Bibliya sa www.jw.org/tl

Page 11: Kung Paano Magiging Isang Mabuting Ama

ANG SINASABI NG MGA TAO Nag-aalinlangan ang mga manana-liksik kung talaga bang magkaugnay ang pornograpya at ang aktuwalna malalaswang seksuwal na paggawi. Ang pagtingin ba sa pornogra-pya ay maituturing nang imoral na paggawi?

ANG SABI NG BIBLIYA Sinasabi ng Bibliya na ang “malaswangpagbibiro” ay hindi kalugud-lugod sa Diyos. (Efeso 5:3, 4) Kaya paanomagiging katanggap-tanggap ang pornograpya? Sa ngayon, karani-wan nang kasama sa pornograpya ang pagbi-video ng aktuwal na pa-ngangalunya, imoral na paggawi ng mga bakla o tomboy, at ibapang anyo ng pakikiapid. Tiyak na ang panonood ng gayong malalas-wang imoral na paggawi ay mas kasuklam-suklam sa Diyos kaysa samalalaswang pananalita.

Pinagtatalunan pa rin ng mga mananaliksik kung posible ba talagangisagawa ng mga tao ang mga pantasyang nalikha sa kanila ng porno-grapya. Pero malinaw na ipinakikita ng Bibliya na ang pagtingin pa langsa pornograpya ay nakasisira na sa espirituwalidad ng isa at talagangkasuklam-suklam sa Diyos. Ganito ang babala ng Bibliya: “Patayin nin-yo, kung gayon, ang mga sangkap ng inyong katawan . . . may kinala-man sa pakikiapid [at] pita sa sekso.” (Colosas 3:5) Mismong kaba-ligtaran nito ang ginagawa ng mga tumitingin sa pornograpya—sa halipna patayin ang gayong mga pagnanasa, pinasisidhi nila ito.

ANG SABI NG BIBLIYA May binabanggit ang Bibliya na mgataong mahilig sa seksuwal na imoralidad, lasenggo, at magnanakaw,na huminto sa kanilang masamang paggawi. (1 Corinto 6:9-11) Paa-no nila nagawa iyon? Sa pagsunod sa karunungang itinuturo ng Sali-ta ng Diyos, natutuhan nilang kamuhian ang masama.

Posibleng matutuhang kamuhian ang pornograpya sa pamamagitanng pagbubulay-bulay sa napakasamang resulta ng nakapipinsalangbisyong ito. Isang pag-aaral kamakailan na inilathala ng Utah StateUniversity ang nagpapakita na ang ilang tumitingin sa pornograpyaay “nadedepres, gustong laging mapag-isa, nasisira ang kaugnayansa iba,” at dumaranas ng iba pang problema. At dahil ang pagtinginsa pornograpya ay kasuklam-suklam sa Diyos, gaya ng ipinaliwanagkanina, may mas masaklap pa itong resulta. Sinisira nito ang kaugna-yan ng mga tao sa kanilang Maylalang.

Makatutulong sa atin ang Bibliya para matutuhan nating ibigin ang ma-buti. Miyentras binabasa natin ang Bibliya, mas lumalalim ang pag-ibignatin sa mga moral na pamantayan nito. Ang pag-ibig na iyan ang tutu-long sa atin na umiwas sa pornograpya at madama ang gaya ng nada-ma ng salmista na sumulat: “Hindi ako maglalagay sa harap ng akingmga mata ng anumang walang-kabuluhang bagay.”—Awit 101:3. ˛

Masama pa rin ba ang pornograpya kung hindi naman itohahantong sa pakikiapid?

“Patayin ninyo, kung gayon,

ang mga sangkap ng

inyong katawan . . . may

kinalaman sa pakikiapid,

karumihan, pita sa sekso,

nakasasakit na pagnanasa,

at kaimbutan.”

—Colosas 3:5.

Ano ang makatutulong sa iyo na umiwas sa pornograpya?

“Hanapin ninyo ang kabuti-

han, at hindi ang kasama-

an . . . Kapootan ninyo ang

kasamaan, at ibigin ang

kabutihan.”

—Amos 5:14, 15.

Gumising! Marso 2013 11

Page 12: Kung Paano Magiging Isang Mabuting Ama

KUNG BAKIT ITO NANGYAYARI

Maling akala: Ang lahat ng tin-edyer ay sumusuway sa mgapatakaran; bahagi ito ng pagiging tin-edyer.

Ang totoo: Malayong magrebelde ang isang tin-edyer kungang mga magulang ay magtatakda ng makatuwirang mgapatakaran at ipakikipag-usap ang mga ito sa kaniya.

Bagaman may ilang dahilan kung bakit nagrerebelde anganak, baka masisisi rin ang magulang kapag ang mga pata-karang ibinibigay nila ay hindi makatuwiran o hindi na ang-kop sa edad ng kanilang anak. Isaalang-alang ang sumusu-nod:

Hindi makatuwiran. Kapag basta na lang gumagawa ngpatakaran ang mga magulang nang hindi ito ipinakikipag-usap sa anak, ang mga patakaran ay nagiging paghihigpitsa halip na proteksiyon. Ang resulta? Baka palihim siyanggumawa ng mga bagay na ipinagbabawal ng kaniyang mgamagulang.

Hindi na angkop sa edad. Sa isang bata, sapat naang sabihing “dahil ’yon ang sinabi ko,” pero ang mga ka-bataan ay humihingi na ng paliwanag. Tutal, darating angpanahon na ang anak mong tin-edyer ay magsasarili at ga-gawa ng mabibigat na desisyon. Mabuting ngayon pa lang,habang nasa poder mo pa siya, ay matuto na siyang maki-pagkatuwiranan at magpasiya nang tama.

Pero ano ang gagawin mo kung lagi na lang naiinis angiyong anak na tin-edyer sa mga patakarang ibinibigay mo?

T U L O N G P A R A S A P A M I LY A � P A G P A P A L A K I N G M G A A N A K

Pagtatakdang mgaPatakaranPara sa Anakna Tin-edyer

ANG HAMON

Ang sabi ng anak mongtin-edyer, napakaistrikto mo.Pero para sa iyo, pinoprotek-tahan mo lang siya. ‘Kunghindi ako maghihigpit,’ angnaiisip mo, ‘mapapahamaklang siya!’

Puwede kang magtakdang makatuwirang mga pata-karan para sa iyong anakna tin-edyer. Pero kailanganmo munang maunawaankung bakit siya naiinis samga patakarang ginawamo.

r Higit pang tulong para sa pamilya ang makikita sa www.jw.org/tl

Page 13: Kung Paano Magiging Isang Mabuting Ama

Gumising! Marso 2013 13

ANG PUWEDE MONG GAWIN

Una, tandaan na kailangan ng mga tin-edyer ng limitasyon,at gusto nila iyon, hindi man nila aminin. Kaya magtakdang mga patakaran, at tiyaking naiintindihan iyon nganak mong tin-edyer. “Kapag malinaw sa mga kabataanang ibinigay na limitasyon at alam nilang kailangan nila ngpatnubay ng magulang, mas malamang na hindi sila gaga-wa ng mali,” ang sabi ng aklat na Letting Go With Love andConfidence. Pero kapag walang itinatakdang patakaranang mga magulang, iisipin ng mga anak na wala silang ma-lasakit. Kung ganiyan ang sitwasyon, tiyak na magrerebeldeang mga anak.—Simulain ng Bibliya: Kawikaan 29:15.

Kung gayon, paano mo maipakikita na makatuwiranka? Hayaan mong sabihin ng iyong anak na tin-edyer angnadarama niya tungkol sa ginawa mong patakaran. Halim-bawa, kung hilingin niya sa iyo na i-adjust ang kaniyang cur-few, makinig habang sinasabi niya sa iyo ang kaniyang da-hilan. Kapag nadarama ng isang tin-edyer na pinakikinggansiya, mas malamang na igalang niya at sundin ang gina-wa mong patakaran—kahit pa nga hindi siya sang-ayon dito.—Simulain ng Bibliya: Santiago 1:19.

Pero bago ipatupad ang isang patakaran, tandaan ito: Kungang gusto ng mga tin-edyer ay higit na kalayaan, mas gustonaman ng mga magulang na maghigpit. Kaya pag-isipangmabuti ang hinihiling ng iyong anak. Naipakita na ba niyasa iyo na responsable siya? Puwede mo bang i-adjust angiyong patakaran? Magpakita ng konsiderasyon kung puwe-de naman.—Simulain ng Bibliya: Genesis 19:17-22.

Bukod sa pagsasaalang-alang sa kaniyang damdamin, tiya-kin ding sabihin sa iyong anak na tin-edyer ang iyong iki-nababahala. Matuturuan mo siyang isaalang-alang hindilang ang mga kagustuhan niya kundi pati ang nadarama ngiba.—Simulain ng Bibliya: 1 Corinto 10:24.

Panghuli, magdesisyon at ipaliwanag kung bakitiyon ang naging pasiya mo. Kahit hindi ikatuwa ng iyonganak ang ginawa mong pasiya, matutuwa naman siyangmagkaroon ng mga magulang na nakikinig sa kaniya atinteresado sa nadarama niya. Tandaan, tinuturuan moang iyong anak na tin-edyer na kumilos gaya ng isang adul-to. Kapag nagtatakda ka ng makatuwirang mga pataka-ran at ipinakikipag-usap ito sa kaniya, tinutulungan mosiyang maging isang responsableng adulto.—Simulain ngBibliya: Kawikaan 22:6. ˛

M G A S U S I N G T E K S TO

“Makilala nawa . . . ang inyongpagkamakatuwiran.”—Filipos 4:5.

“Huwag ninyong yamutin anginyong mga anak, upang hindisila masiraan ng loob.”—Colosas 3:21.

PARA SA MGA TIN-EDYER

Ipagpalagay na may “isang ta-ong umutang sa bangko. Kunghindi siya pumapalya sa obliga-syon niyang magbayad sa tak-dang panahon, magtitiwala sakaniya ang bangko at baka ma-kautang pa nga siya nang masmalaki sa hinaharap. Ganiyandin sa bahay. Obligasyon mongsumunod sa iyong mga magu-lang. Kung ipinapakita mongresponsable ka—kahit sa maliliitna bagay—malamang na higitka nilang pagtiwalaan. Perokung lagi mong binibigo angiyong mga magulang, huwagkang magtaka kung mabawa-san o tuluyan nang mawala angtiwala sa iyo ng mga magulangmo.”—Mula sa Ang mga Tanongng mga Kabataan—Mga Sagotna Lumulutas, Tomo 2, na inilat-hala ng mga Saksi ni Jehova.

Page 14: Kung Paano Magiging Isang Mabuting Ama

ISINILANG si Boyle sa isang mayamang pamilya sa Lis-more Castle, sa Ireland, noong 1627. Halos magsisimula

noon ang tinatawag ng mga istoryador na panahon ng katuwi-ran, kung saan sinisikap ng palaisip na mga tao na mapalayaang marami sa pagkapanatiko na ilang siglo nang nagpapahi-rap sa lipunan. Iyan din ang adhikain ni Boyle. Sa isinulat ni-yang talambuhay ng kaniyang kabataan, tinawag niya ang sa-rili na Philaretus, ibig sabihin, “Umiibig sa Katuwiran.”

Kung paanong gusto ni Boyle na malaman ang katoto-hanan, gustung-gusto rin niyang ibahagi sa iba ang mga natu-tuhan niya. Siya ay naging isang mahusay na manunulat, anu-pat ang kaniyang mga isinulat ay nakaapekto nang malaki sakaniyang mga kapanahon, kabilang na ang kilal

´ang siyentipi-

ko na si Sir Isaac Newton. Noong 1660, si Boyle ay isa sa mganaging tagapagtatag ng Royal Society, isang institusyon parasa siyensiya na matatagpuan pa rin sa London, England.

ISANG SIYENTIPIKO

Si Boyle ay itinuturing na ama ng kemistri. Ibang-ibaang pananaw niya kumpara sa pananaw ng mga alchemistnoong panahon niya. Inililihim nila ang kanilang mga tuklaso kaya’y isinusulat nila ito gamit ang mga salitang hindimaiintindihan ng publiko. Samantalang si Boyle, inilathalaniya ang lahat ng detalye ng kaniyang mga tuklas. At sahalip na basta tanggapin ang matatagal-nang-pinaniniwala-ang mga teoriya, isinulong niya ang paggamit ng mga kontro-ladong eksperimento para mapatunayan ang mga bagay-bagay.

S U LY A P S A N A K A R A A N � R O B E R T B O Y L E

ROBERT BOYLE

MAIKLINGIMPORMASYON:

( Isinilang sa Ireland noong 1627.

( Tinatawag na ama ng kemistri.

( Unang kilal´ang siyentipiko

na naglathala ng detalyadongpaglalarawan ng mga kontroladongeksperimento na ginawa niya.

( Ang mga isinulat niya aynakaimpluwensiya nang malakikay Sir Isaac Newton, isangnakababatang kontemporaryo.

( Sinuportahan ang pagsasalin ngBibliya sa maraming wika.

( Namatay sa England noong1691 sa edad na 64.

Para sa mga mahilig sa kasaysayan, ang pangalang

Robert Boyle ay maiuugnay nila sa pormulang Boyle’s

law—isang batas ng kalikasan tungkol sa kaugnayan

ng pressure at volume ng gas. Ang napakahalagang

tuklas na ito ni Boyle ay naging basehan ng

maraming pagsulong sa siyensiya. Pero hindi lang

siya basta isang kilal´ang siyentipiko. Kilala rin siya

bilang isang tao na may malaking pananampalataya

sa Diyos at sa Kaniyang Salita, ang Bibliya.

Port

rait

:�

Pic

tori

alP

ress

Ltd

/A

lam

y

Page 15: Kung Paano Magiging Isang Mabuting Ama

Sinuportahan ng mga eksperimento ni Boyle ang ideya naang materya ay binubuo ng tinatawag niyang mga korpusku-lo, mga partikula na nagsasama sa iba’t ibang paraan paramakabuo ng sari-saring substansiya.

Ang pananaw ni Boyle tungkol sa makasiyentipikong pa-nanaliksik ay makikita sa kaniyang kilal

´ang aklat na The

Sceptical Chymist. Doon, iminumungkahi niya sa mga siyen-tipiko na huwag maging arogante o dogmatiko kundi maginghandang tumanggap ng pagkakamali. Naniniwala si Boylena yaong mga naggigiit ng sariling opinyon ay dapat na naka-titiyak sa pagkakaiba ng mga bagay na alam nilang totoo atng mga bagay na inaakala nilang totoo.

ISANG TAONG NANINIWALA SA DIYOS

Ganiyan din ang prinsipyo ni Boyle pagdating sa espirituwalna mga bagay. Ang natuklasan niya tungkol sa uniberso at sakamangha-manghang kayarian ng mga nabubuhay na nila-lang ay nakakumbinsi sa kaniya na talagang mayroong isangDisenyador at Maylalang. Kaya hindi siya sang-ayon sa ateis-mo, na nagiging popular sa mga intelektuwal noong panahonniya. Kung gagamitin lang ng sinuman ang kaniyang kaka-yahang mangatuwiran, ang sabi ni Boyle, tiyak na maniniwalasiyang may Diyos.

Pero hindi inisip ni Boyle na sapat na ang pangangatuwiranng tao para malaman ang tunay na kaliwanagan. Nakita niyana kailangan ang pagsisiwalat mula sa Diyos. Ang pagsisiwa-lat na iyan, ang sabi niya, ay ang Salita ng Diyos, ang Bibliya.

Ikinabahala ni Boyle na marami ang hindi pamilyar sa turong Bibliya at tila walang matibay na pundasyon para sa kani-lang relihiyosong paniniwala. Naitanong niya kung tama bangang relihiyosong paniniwala ng isang tao ay nakabase lang sapaniniwala ng mga magulang niya o sa nakagisnan niya. Gus-tung-gusto ni Boyle na matulungan ang mga tao na magkaro-on ng mas malalim na kaalaman sa Bibliya.

Sa layuning ito, nagbigay si Boyle ng pera para sa paglalat-hala ng Bibliya sa maraming wika. Kabilang dito ang ilangwika ng mga katutubo sa Hilagang Amerika, pati wikangArabic, Irish, Malay, at Turkish. Pinatunayan ni Robert Boylena hindi lang siya matalino kundi mapagpakumbaba rin, nahindi tumitigil sa pag-alam ng katotohanan sa lahat ng bagayat sa pagtulong sa iba na gayon din ang gawin. ˛

ANG BIBLIYA SAWIKANG IRISH

Alam ni Robert Boyle na noonpa mang 1573, isang grupo ngmga iskolar ang nagsimula nangmagsalin ng mga bahagi ng Bibliyasa wikang Irish. Noong 1602, inilat-hala nila sa Irish ang bahagi na ka-raniwang tinatawag na Bagong Ti-pan. Noong 1640 naman, nataposang pagsasalin sa Irish ng He-breong Kasulatan, na karaniwangtinatawag na Matandang Tipan.Pero naimprenta lang ito noong1685 nang magbigay si Boyle ngpinansiyal na suporta para sa pro-yektong ito. Kapansin-pansin, angmga aklat ng Apokripa ay isinalindin sa Irish. Ang Apokripa ay kolek-siyon ng di-Biblikal na mga akdana madalas na idinaragdag sa Bi-bliya at inilalathalang kasama nito.Pero dahil si Boyle ay umiibig sakatotohanan, hindi siya pumayagna mailathala ang huwad na mgaaklat na ito.

Naniniwala si Boyle na yaong mga naggigiit ng sarilingopinyon ay dapat na nakatitiyak sa pagkakaiba ngmga bagay na alam nilang totoo at ng mga bagayna inaakala nilang totoo

Cou

rtesy

of

the

Yale

Un

ivers

ity

Lib

rary

Gumising! Marso 2013 15

Page 16: Kung Paano Magiging Isang Mabuting Ama

ANG jumping spider ay may nata-tanging sistema ng paningin na

ginagamit niya para makalkula angeksaktong distansiya na kailanganniyang talunin. Paano niya ito naga-gawa?

Pag-isipan ito: Para masukat ngjumping spider ang distansiya niyasa isang bagay, ginagamit niya angpambihirang katangian ng kaniyangdalawang pangunahing mata, na ba-wat isa’y may retina na may apat nalayer. Ang berdeng liwanag ay mali-naw na nakikita ng isang layer, peromalabo naman ito sa isa pang layer.Miyentras mas malabo ang nakikitang layer na iyon, mas malapit angbagay na iyon sa mata ng gagamba.Dahil dito, nakakalkula ng gagambaang distansiyang kailangan niyangtalunin para mahuli ang kaniyangbiktima.

Ang teknik na ito ng jumpingspider ay gustong gayahin ng mgamananaliksik para makagawa ngmga kamerang 3-D at mga robotna makasusukat ng distansiyanito mula sa isang bagay. Ayon saScienceNOW, isang news site sa In-ternet, ang paningin ng jumpingspider ay “isang napakagandanghalimbawa kung paanong ang isangkalahating-sentimetrong hayop namay utak na mas maliit pa sa utakng langaw ay nakakakuha ng masa-limuot na impormasyon sa pamama-gitan ng kaniyang mata at nakakaki-los ayon dito.”

Ano sa palagay mo? Ang pag-gamit ba ng jumping spider sa ka-niyang malabong paningin ay resul-ta ng ebolusyon? O may nagdisenyonito? ˛

M A Y N A G D I S E N Y O B A N I T O ?

Ang Malabong Paninginng Jumping Spider

Cou

rtesy

Ru

nd

ste

dt

Rovillo

s

sLibreng download ngmagasing ito at ngnakaraang mga isyu

Mga artikulo at activitypara sa mga magulang,tin-edyer, at mga bata

Mababasa ang Bibliyaonline sa mga 50 wika

no

mq

p

g13 03-TG