kontrarepormasyon 130124050726-phpapp01

18
KONTRA REPORMASYON Isang malakas na kilusan na sinimulan ng mga tapat na Katoliko na naglalayong mapaunlad ang Simbahang Katoliko Pinamunuan ni Papa Gregory VII (mas kilala bilang Hildebrand) na naglunsad ng 3 pagbabago sa simbahan

Upload: reynaldo-san-juan

Post on 19-Jun-2015

118 views

Category:

Documents


7 download

TRANSCRIPT

  • 1. KONTRA REPORMASYON Isang malakas na kilusan na sinimulan ng mga tapatna Katoliko na naglalayong mapaunlad ang Simbahang Katoliko Pinamunuan ni Papa Gregory VII(mas kilala bilang Hildebrand)na naglunsad ng 3 pagbabago sa simbahan

2. TATLONG PAGBABAGO sa SIMBAHAN 1. Pagbabawal sa mga pari na mag-asawa upangmalayo sa suliranin ng pamilya at nang mailaan ang sarili sa buong paglilingkod saDiyos (Vow of Celibacy) 2. Pag-aalis ng simony 3. Pagbabawal sa mga tauhan na tumanggap ng pagtatalaga sa anumang tungkulin sa Simbahan sa kamay ng isang hari o pinuno 3. Ang KONSEHO ng TRENTitinuturing na malaking hakbang sa Repormasyong Katoliko naipinatawag ni Papa Pablo III noong 1545-1563.Binubuo ng mga mataas na pinuno ng Simbahan 4. Mga Nagawa: 1. Pagkilala sa Papa bilang hindi mapag-alinlangang pinuno ng Simbahang Katoliko2. Pagpapawalang-saysay sa paniniwala ng mga Protestante na ang Bibliya ang tanging patnubay sa kaligtasan ng tao 3. Muling pagpapatingkad sa kahalagahan ng misa,7 sakramento, pagbibigay-galang sa mga santo atiba pang mga doktrina ng mga Katoliko 5. 4. Pagpapataas ng pamantayan ng ugali at kilos ng mga tauhan saSimbahan 5. Pagpapalabas ng Papa ng Index, isang tala ng mgaipinagbabwal basahin ng mga Katoliko 6. INQUISITION itinuturing na isa sa mga madidilim nabahagi ng kasaysayan. itinatag ni Papa Pablo III ang Kongregasyonng Ingkisisyon (1542) Trabaho nitong magsiyasat o mag-espiyasa mga taong hindi Katoliko ang pananampalataya 7. Maraming Protestante angsinunog at pinarusahan dahilna rin sa ayaw nilang itakwil ang kanilang relihiyon. Napatigil ang RepormasyongProtestante sa Timog Europe 8. gumanti rin ang mgaProtestante sa mga Katolikong ayaw yumakap sa kanilang relihiyontulad ni Michael Servetus na noong 1553 ay sinunog pagkatapos tumangging itakwil ang kanyang relihiyon ayon sa kagustuhan nina Henry VIII at Elizabeth. 9. SAMAHAN ng mga HESWITA (SOCIETY of JESUS) itinatag ni St. Ignatius de Loyola na isang dating sundalong nagdesisyong magkingkod sa Diyos,nag-aral ng Teolohiya at Pilosopiya, at bumuo ng pangkat ng maltatapang at matatalinong lalaki, kasama na si St. Francis Xavier. 10. Itinatag nila ang Society of Jesusnoong August 15, 1514. Ang mga Heswita ay mapupusok na tauhan ng Simbahan: mga lalaking subok ang tapang, lakas ng karakter at talas ng pag-iisip. Sila ang nanguna sa mga gawain para sa Kontra Repormasyon. 11. nabawi ang Bohemia, Hungary, Poland at Timog Germany para sa Simbahang Katoliko. Nagtatag rin ang mga ito ng mga paaralan upang maituro ang aral ng Katolisismo at mapatatag ang simbahan. Ang mga Heswita ay naging tagapayo ngmga hari at reyna ng mga Katolikong Kaharian 12. MGA BUNGA NG REPORMASYON AT KONTRA REPORMASYON Ang repormasyon at ang Kontra Repomasyon na ipinantapat dito ay nagbunga ng mga sumusunod:1.Nagkawatak-watak ang mga dating nagkakaisang bayan sa Europa na may relihiyong Katoliko. Ang mga bayangito ngayon ay nahahati sa pagitan ng mga Katoliko at mga Protestante. 2.Pagkakaroon ng maliit na sekta ng Kristiyanismo gaya ng Presbyterians,Puritians at Protestante. 13. 3. Pagtatalaga ng mga pangunahing tuntunin sa simbahang Katoliko gaya ng pananatiling matapat sa Diyos, hindi pag-aasawa ng mga pari o vow of celibacy, pamumuhay ng payak ng mga ito o vow of poverty at pag-alis ng simony o pagbibili ng mga tanggapan ng simbahan at ng Estado upang maiwasan ang anumang katiwalian. 14. 4. Pagkakaroon ng maraming digmaang panrelihiyon. Ito ay sa pagitan ng mga Katoliko at mga Protestante sa Europa. Halimbawa nito ay ang Digmaang Schmalkaldic na naganap sa pagitan ni Archduke Ferdinand ng Austria at samahang Schmalkaldic o mga Prinsipeng Lutheran ng Alemanya. 15. IBA PANG MGA DIGMAAN SA PAGITAN NG MGA PROTESTANTE AT KATOLIKO1.Digmaan ng Huguenots (1562-1598)labanan sa pagitan ng mga Calvinistang Pranses (Huguenot) at ng mga Haring Katoliko gaya nina Charles IX, Henry III at Catherine de Medici.Ang mga Huguenot ay nagtagumpay sa labanang ito at pinahintulutan ni Henry IV na magpatuloy sa relihiyon.2.Digmaan ng Kalayaan ng Olandes (1568)labanan sa pagitan ng mga Olandes at ng mga Espanyol na pinamumunuan ni Philip II.Dahil sa ang Espanya ay isang Katolikong bansa, pinigilan ni Philip II ang paglaganap ng Protestantismo sa Netherlands na noon ay teritoryo ng Espanya. Ngunit sa pagpupumilit ng mga Olandes, nakamit nila ang kanilang kalayaan hindi lamang sa pananampalataya kundi maging ang kalayaan ng kanilang bansa. 16. 1.Dahil sa sinimulan ni Luther, nagising nag nasyonalismo sa maraming bansa sa Europe2.Nagtulungan ang Protestantismo at kapitalismo3.Naglaho ang lubusnag pananlig sa Simbahan at nagkaroon ng kalayaan sa pananampalataya4.Lumaganap at naging tatak ng tao sa makabagong panahon ang pag-aalinlangan sa mga doktrina ng Simbahan 17. 3.Tatlumpung taong Digmaan (1618-1648) itinuturing na pinakamahalagang digmaang panrelihiyon sa kasaysayan. Ang labanang ito na naganap sa pagitan ng mga Katoliko ng Espanya at Pransya, at ng mga Protestante ng Denmark at Sweden ay winakasan sa Kasunduan ng Westphalia na nagtalaga ng pagkakapantay ng dalawang relihiyon.