kilusan - kpdnorth.weebly.com filesa balangiga na nuon ay saklaw ang mga bayan ngayon ng lawaan,...

48
K ILUSAN Taon 12 Bilang 2 Opisyal na Pahayagan ng Kilusan para sa Pambansang Demokrasya Disyembre 31, 2018 Trade War: US vs. China Trabaho o perwisyo? TRABAHO Bill Timber Sycamore at Syria Train and Equip Higit pa sa Patawan ng Taripa Gera ng US sa Syria

Upload: others

Post on 05-Sep-2019

14 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: KILUSAN - kpdnorth.weebly.com filesa Balangiga na nuon ay saklaw ang mga bayan ngayon ng Lawaan, Giporlos at Quinapundan. Ikinanlong nila ang pagkubkob sa novena at prusisyon. Nagdamit

KILUSANTaon 12 Bilang 2 Opisyal na Pahayagan ng Kilusan para sa Pambansang Demokrasya Disyembre 31, 2018

Trade War: US vs. China

Trabaho o perwisyo?TRABAHO Bill

Timber Sycamore at Syria Train and Equip

Higit pa sa Patawan ng Taripa

Gera ng US sa Syria

Page 2: KILUSAN - kpdnorth.weebly.com filesa Balangiga na nuon ay saklaw ang mga bayan ngayon ng Lawaan, Giporlos at Quinapundan. Ikinanlong nila ang pagkubkob sa novena at prusisyon. Nagdamit

2 KILUSAN Disyembre 31, 2018

Bakas ng Kasaysayan

Ni Rodelio Faustino

Oktubre 1901- Enero 1902

Ligalig sa BalangigaGinawang tropeo ng mananakop na Amerkano ang mga kampana ng Balangiga matapos ang kanilang madugong kampanya ng paglipol sa mamamayan ng Samar, ganti sa pagkatalo nila sa kamay ng mga rebolusyonaryo, Setyembre 28, 1901

Walang saktong bilang ng mga Pilipinong biktima ng mga pagpatay ng mga mananakop na Amerkano sa

Samar. Sa iba’t-ibang mababasang lathalain ukol dito, ang mga pagtaya ay mula 2,500 - 50,000.

Nagkampo sa Balangiga, ang Company C ng 9th US Infantry Regiment, Agosto 11, 1901. Bahagi ng umiigting na panunupil at pananakop ng US, para ipwersa ang kontrol sa Pilipinas makaraan ang Treaty of Paris, sa kabayarang $20 milyon sa mga Espanyol.

Umangat ang tensyon sa pagitan ng mga mananakop at lokal na populasyon nang molestyahin ng dalawang lasing na sundalong Amerkano ang babaing bantay sa tindahan ng tuba, Setyembre 22. Dahilan upang bugbugin sila ng mga lalaking kapatid nito.

Dahil sa insidente, inaresto ng mga Amerkano ang 143 kalalakihan. Siksikan silang ikinulong sa tents. Hindi pinakain. Pwersahang pinaglinis sa plasa. Hinalughog ang mga bahay. Sinamsam ang matatalas gaya ng gulok, karet at itak. Kinumpiska ang bigas sa mga bahay. Sinira ang mga kamalig.

Dahil sa naranasang pang-aapi, nagplano ng pagsalakay sa kampo ng mga Amerkano ang mga residente. Pinamumunuan ito ni Valeriano Abanador, lokal na hepe ng pulis. Katuwang niya ang mga lider-gerilya na sina Capt. Eugenio Daza at Sgt. Pedro Duran Sr., kapwa pamumunuan ni Gen. Vicente Lucban at lumaban na rin sa mananakop na Espanyol. Kasama rin ang lider-kababaihan na si Casiana Nacionales.

Pitong pangkat na binubuo ng 500 katao ang nagplanong sumalakay— Mula sa halos lahat ng pamilya sa Balangiga na nuon ay saklaw ang mga bayan ngayon ng

Lawaan, Giporlos at Quinapundan. Ikinanlong nila ang pagkubkob sa novena at

prusisyon. Nagdamit pambabae ang ilan sa kalalakihan. Madaling-araw ng Setyembre 28, lihim na pinalikas muna nila ang mga babae at bata. At, sa batingaw ng kampana, umalingawngaw ang, “atake, mga Balangigan-on!”

Sa 74 sundalong Amerkano, 48 ang patay, 22 ang malubhang sugatan at 26 ang nakaligtas. Naagaw ng mga maghihimagsik ang 100 riple at 25,000 bala. Subalit nakabawi ng inisyatiba ang mga Amerkano. Nakuha nilang muli ang munisipyo. Nakapagsustini sila ng putok. Nakapatay sila ng 28 at at nakasugat pa ng 22.

Agad na iniutos ni US Pres. Theodore Roosevelt na ilunsad ang “pinakamabangis na pagpayapa sa Samar!” Mula dito’y ipailalim ni Maj. Gen. Adna R. Chaffee, US military governor ng “unpacified” na mga lugar sa Pilipinas, sa “batas ng bayoneta” ang mga Pilipino.

Itinalaga ni Chaffee si Brig. Gen Jacob “Howlin Jake” Smith sa Samar na nag-utos sa kanyang mga tauhang “gawing umuungol na ilang (wilderness)” ang Samar. Ipinagsigawan niyang “hindi ko kailangan ng mga bihag!” at “gusto kong pumatay at manunog kayo; mas marami, mas masisiyahan ako!” Pinapatay niya ang lahat ng 10 taong gulang pataas at may kakayahang mag-armas.

Sa report ni Major Littleton Waller, isa sa mga opisyal ni Smith, 255 bahay na ang kanilang sinunog, 13 kalabaw ang kinatay at 39 tao na ang napatay sa 11 araw na tuluy-tuloy na kampanya ang kanyang yunit. Nagreport din ng katulad na aktibidad ang iba pang opisyal.

Kinumpiska ng mga Amerkano ang tatlong kampana ng Balangiga bilang tropeo ng panunupil. Dalawa dito ay idinispley sa E.E.Warren Air Force Base sa Cheyenne, bahagi ng memorial sa 48 Kano na napatay sa Samar. Inilagak naman sa hedkwarter ng US Army regiment sa South Korea ang ikatlong kampana.

Inamin ng pahayagang Baltimore American, na ang kalupitan ng pananakop ng US sa Pilipinas ay higit kaysa sa ginawa dito ng Spain. Kalupitang nag-ubliga sa US Armed Forces na isalang sa 44 military trials sina Smith at Waller dahil sa war crimes. Nagresulta ito sa court martial convictions ni Smith sa mga sentensyang “lahat ay magaan,” ayon sa New York Journal, Mayo 5,1902.

Matapos ang mahabang kampanya ng mga Pilipino at mga beterano sa Pilipinas at maging sa US na sinimulan nuong 1950s para sa pagbabalik sa mga kampana ng Balangiga sa Pilipinas, ibinalik ang mga ito ng US sa Pilipinas, Disyembre 2018, matapos ang 117 taon.K

Sanggunian: Arnaldo Dumindin, Philippine-American War, 1899-1902 ; Kilusan Taon 6 Bilang 2, Hunyo 30, 2012; Kilusan, Oktubre 30, 2014.

Arnaldo Dumindin

Page 3: KILUSAN - kpdnorth.weebly.com filesa Balangiga na nuon ay saklaw ang mga bayan ngayon ng Lawaan, Giporlos at Quinapundan. Ikinanlong nila ang pagkubkob sa novena at prusisyon. Nagdamit

3 Disyembre 31, 2018 KILUSAN

2 Bakas ng Kasaysayan Oktubre 1901- Enero 1902Ligalig sa Balangiga

4 Editoryal: Ratsadang Cha-cha at Madyik sa Eleksyong 2019

Lathalain6 Trabaho o Perwisyo? Trabaho Bill Ni Rodelio Faustino

14 Trade War: US vs China Ni MMLaurinaria

21 Higit pa sa Patawan ng Taripa Ni MMLaurinaria

Sining at Kultura

26 Maikling Kwento: Padyak sa Pedikab Ni Rodelio Faustino

27 Tula: SONA Ni Badi Papet

28 Tula: Sa Pagitan ng Dalawang Mundo Ni Dadi Papet

28 Paggunita: Ang Mga Akda ni Ka Rene Bornilla Ni Rodelio Faustino

30 Tula: Huy Ni Kelvin Vistan

31 Pahayag: Preno na, Sec. Tugade! Mula sa STOP-WPL33 Mula sa mga Rehiyon: Silakbo sa PUP! Mula sa YND-PUP

34 Balita: Ayaw Pakinggan ng DepEd Ni Bogs Broquil

Internasyunal 36 Gera ng US sa Syria Ni Lutgardo Paras

41 Timber Sycamore at Syria Train and Equip Ni Lutgardo Paras

45 Free and Open Indo-Pacific (FOIP), Bagong Estratehiya ng US sa Asia-Pacific Ni Melissa Gracia Lanuza

Likod: Larawan at Balita Noon at Ngayon: Protesta Laban sa Tiraniya

Taon 12 Blg 2 Disyembre 31, 2018Pabalat: Pagpapababa ng corporate income tax at paglikha ng hanapbuhay ang layunin Trabaho Bill, na kapwa tinututulan ng mga korpo-rasyon at grupo ng mamamayan. Larawan: Makati skyline at mga kabataang naghahanap ng trabaho sa isang job fair. philippine retailers association/rappler.com

Nilalamanch

ina

daily

Nik

olay

Doy

chin

ovni

kola

y, A

FP

Page 4: KILUSAN - kpdnorth.weebly.com filesa Balangiga na nuon ay saklaw ang mga bayan ngayon ng Lawaan, Giporlos at Quinapundan. Ikinanlong nila ang pagkubkob sa novena at prusisyon. Nagdamit

4 KILUSAN Disyembre 31, 2018

Bukas ang Kilusan sa mga artikulo, balita, tula, sanaysay, kwento, artwork, komentaryo, puna, mungkahi atbp; Ipadala ang ambag sa tanggapan at/o sa mga email address na nakasulat sa itaas.

Inilalathala tuwing ikatlong buwan; Subskripsyon: P 200 bawat taon. Makipag-ugnay sa tanggapan ng Kilusan para sa subskripyon, isponsorsip o donasyon. Maaring ideposito ang kabayaran o tulong sa BPI-Family Savings Bank Account # 006176-2130-25

Regular na KontribyutorKelvin Vistan

Dibuho:Alex Navarro UyGraphic Arts consultant: Rolly de JesusLay-out: Rodelio Faustino

Kilusan Editorial BoardFidel FababierAtty. Virgie SuarezL. Balgos DelacruzRodelio FaustinoMelissa Gracia LanuzaBogs BroquilLutgardoParas

Opisyal na Pahayagan ng Kilusan para sa Pambansang Demokrasya (Kilusan)National Office: # 22-A Domingo Guevarra St. Highway Hills, Mandaluyong City, Philippines 1501Email: [email protected], [email protected]: www.kpdpilipinas.comTelefax: (632) 717 3262

Provincial Offices:Baguio-Benguet: # 90 Asin Rd. San Luis Village, Baguio City

Pampanga: #2046 Rivera St. Pulongbulo, Angeles City, PampangaBataan: # 22, San Nicolas St. Brgy. Poblacion, Mariveles, BataanZambales: # 70 Peria Bldg, Soriano St., Brgy Wawandue, Subic, ZambalesCebu and Visayas: # 690-C, D. Jakosalem St., Brgy. Kamagayan, Cebu City 6000Davao: # 6 VIA’s Court Bldg, Pelayo St., Davao City

Editoryal

Ratsadang Cha Cha at Madyik sa Eleksyong 2019

Dalawang taon nang inilalatag ng rehimeng Duterte ang awtokratikong paghahari. Nagkamal na ito ng higit na kapangyarihan sa

nagdaang taon, ng kontrol sa Korte Suprema (KS) at Ombudsman―mga hakbang na pawang pagsalaula sa Konstitusyong 1987 at sagasa sa rule of law at judicial process.

Naging emosyonal ang pagtutol ng anim na mahistrado ng KS sa labag sa Konstitusyon na paggamit ng “quo warranto” kay Chief Justice Ma. Lourdes Serreno makaraang hindi napatibayan ang bintang sa kanya upang ito ay ma-impeach. Mariing kinondena rin ito ng Integrated Bar of the Philippines; ng 135 na dekano at propesor ng Colleges of Law ng iba’t ibang unibersidad; at, ng International Commission of Jurists (ICJ).

Nakontrol ng rehimen ang Ombudsman sa pagretiro ni Conchita Carpio-Morales at pagkahirang kay Samuel Martires na kahihirang lang sa KS bilang kapalit ni Morales. Sa pagtupad ni Martires sa utos ng Malakanyang, napatalsik si Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang. Sa pagsipa

cebu daily news-inquirer.net

Page 5: KILUSAN - kpdnorth.weebly.com filesa Balangiga na nuon ay saklaw ang mga bayan ngayon ng Lawaan, Giporlos at Quinapundan. Ikinanlong nila ang pagkubkob sa novena at prusisyon. Nagdamit

5 Disyembre 31, 2018 KILUSAN

alex uy

kay Carandang, natapos din ang bantang imbestigasyon ng P2 bilyong tagong yaman ni Duterte.

Sa paglagay kay Martires sa Ombudsman at sa “quo warranto” kay Serreno, dalawang posisyon sa KS ang nabakante. Itinalaga na bagong mahistrado ng KS sina Ramon Paul Hernando at Rosmari Carandang. Sa gayon, pitong (7) mahistrado na ng KS ay appointees ni Duterte. Ang 8 pa ay mga hinirang ni GMA at ni Noynoy Aquino. Sa gayon, malaking mayorya na ng mga mahistrado ay Duterte at GMA appointees.

Nagalit, nainis, naaliw ang madlang nakapanuod sa TV sa agaw-eksenang kudeta ni Gloria Macapagal-Arroyo (GMA) kay Pantaleon Alvarez, sa pagka-speaker ng House of Representatives (HoR) nitong nakaraang SONA ni Du30. Inamin ni Sara Duterte at Imee Marcos na sila ang nasa likod ng garapalang pag-agaw ng kapangyarihan sa HoR. Kumpirmasyon ito na pangkating Duterte-Arroyo- Marcos (DAM) ang nasa sentro ng kapangyarihan.

Ilang linggo bago ang filing of certificates of candidacy para sa eleksyong 2019, naglabas ang bagong speaker at mga kasapakat na kongresista ng panukalang bagong Konstitusyon na ipapalit sa Konstitusyong 1987. Maagap na tinuligsa ito ng Senado at ilang organisasyon at personalidad. Gayunman, hindi naglubay sa maniobrang Cha Cha sina GMA at 35 kasapakat sa HoR. Pakana nilang kanselahin ang eleksyong 2019, kundi man, isingit sa eleksyon ang reperendum sa pagbabago ng Konstitusyong 1987.

Buod ng lahat ng aspetong kontra-demokratiko, maka-dinastiyang pulitikal at maka-dayuhan ng apat na naunang panukalang konstitusyon kabilang ang Federal Constitution ng Puno committee, ang Konstitusyong Duterte-Arroyo. Niratsada ito sa plenaryo ng HoR, bilang Resolusyon ng HoR at Senado o Resolution of Both Houses (RBH) No.15. Mabilis na dumaan ito sa una at ikalawang pagbasa. Lalong pinaspasan sa ikatlo at pinal

na pagbasa, Disyembre 11, 2018. Bumoto ng YES ang 224 representante, tutol naman (NO) ang 22, at 3 ang hindi bumoto. Sa madaling sabi, ¾ o tatlong- ‘kapat ng mga representante ang nagpatibay ng Konstitusyong Duterte-Arroyo. Senado na lamang ang kailangang mag-apruba para maisalang na ito sa reperendum-plebisito at maisabay sa eleksyon sa Mayo 2019.

Maagang pumusisyon ng kontra- Cha Cha ang Senado. Sa kabila nito, tinangka ng ganid sa kapangyarihang si GMA na kumbinsihin para dito si Sen. Tito Sotto at iba pang senador. Ngunit malabong patulan ng Senado ang RBH 15 sa pagbukas muli nito at ng HoR sa Enero 14 hanggang Pebrero 8, 2019.

Malayo pa ang kampanya sa eleksyon, todo-todo na sa pangangampanya ang mga kandidato ni Duterte, gamit ang salapi at rekurso ng gubyerno. Nakumpirma ito sa bangayan nina DBM Sec, Benjamin Diokno at House Majority Leader Rolando Andaya, Jr. sa isyu ng “pork barrel”. Bago ang Disyembre 25, nakapaskel na sa mga pader ng munisipyo o city hall at mga lansangan sa buong kapuluan ang mga mukha ng mga kandidato ni Duterte, laluna ng kanyang paboritong si Bong Go.

Sinasabi nito na matindi ang labanan sa eleksyong 2019, laluna sa pagka-Senador. Bukod sa paglarga ng mga rekurso at pondo ng gubyerno para sa mga kandidato ni Duterte, idaraos ang eleksyong 2019 sa kondisyong umiiral ang martial law at suspensiyon ng writ of habeas corpus sa Mindanao. Umiiral sa buong bansa ang state of emergency sa pamamagitan ng hindi binabawing Proclamation no. 55.

Mabigat na hamon ang kinakaharap ng mga pwersang demokratiko at mga nagpapahalaga sa kalayaan at mga karapatan ng mamamayan. Kailangang nagpupukaw at naglilinaw sa paparaming mamamayan ang Ilang kandidato at higit na nakakaraming di-kandidato, na pakitunguhan ang eleksyong 2019 bilang larangan ng labanan sa pagitan ng demokrasya at tiraniya.K

Page 6: KILUSAN - kpdnorth.weebly.com filesa Balangiga na nuon ay saklaw ang mga bayan ngayon ng Lawaan, Giporlos at Quinapundan. Ikinanlong nila ang pagkubkob sa novena at prusisyon. Nagdamit

6 KILUSAN Disyembre 31, 2018

Trabaho o perwisyo?TRABAHO Bill

Naggigirian ang gubyernong Duterte at mga dayuhang korporasyon sa partihan sa tubo at buwis sa ilalim ng Tax Reform for Attracting Better and High-quality Opportunities (TRABAHO) Bill, na kargado rin ng bagong iskema ng pahirap na mga buwis sa mamamayan

Buwis mula sa mga korporasyon (corporate taxes) ang sentro ng panukalang Tax Reform for

Attracting Better and High-quality Opportunities (Trabaho) Bill o House Bill (HB) No. 8083.

Ito ang package 2 ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN 2). Pasado na ito sa pangatlo at huling pagbasa sa Kamara, Setyembre 10, 2018 sa botong 187-14-3, at naghihintay na lamang ng katugon na panukala mula sa Senado.

Kinonsolida sa TRABAHO bill ang mga naunang panukalang Corporate Income Tax Reform and Fiscal Incentives Modernization mula sa Department of Finance at mga panukalang batas para dito sa Kongreso. Kabilang dito ang HB 7458, nina House of Reps. Dakila Carlo E. Cua, Raneo E. Abu at Aurelio D. Gonzales, HB 7214 nina Reps. Horacio Suansing Jr at Estrellita Suansing at HB 7364 nina Reps. Sharon S. Garin at Rodel M. Batocabe.

Integral na bahagi ng limang paketeng

Comprehensive Tax Reform Program (CTRP) ng gubyernong Duterte ang TRAIN 2. Layon nito na makalikom ng dagdag na buwis para takpan ang lumalaking depisit sa badyet ng pamahalaan, pondohan ang programang build, build, build, at mabayaran ang lumalaking utang ng gubyerno na ngayong 2018 ay lumampas na sa P7 trilyon.

Sa briefer ng Department of Finance, Hunyo 2018, itinutulak ng gubyernong Duterte ang TRAIN 2 para ihabol ang Pilipinas sa kumpetitibong katayuan sa pag-akit ng dayuhang puhunan, laluna sa mga bayang Asean. Pilipinas ang may pinakamataas na corporate income tax sa 30 %, kasunod lamang ang Indonesia na 25 %. Pinakamababa ang Singapore na 17 %.

Kasunod nito ay ang mga pagbabago sa mga insentiba. Ayon sa DOF, may 14 na Investment Promotion Agencies (IPAs) na nagkakaluob ng mga insentiba sa mga mamumuhunan ayon sa 123 investment laws at 192 non-investment laws at iba pang mga patakaran sa ecozones (Basahin ang Tax Incentives sa mga Dayuhang Negosyo, pahina 8).

Ni Rodelio Faustino

War Espejo.rappler.com

Page 7: KILUSAN - kpdnorth.weebly.com filesa Balangiga na nuon ay saklaw ang mga bayan ngayon ng Lawaan, Giporlos at Quinapundan. Ikinanlong nila ang pagkubkob sa novena at prusisyon. Nagdamit

7 Disyembre 31, 2018 KILUSAN

Hanggang Hulyo 2018, wala pang isa man sa mga senador ang handang mag-isponsor ng TRAIN 2 dahil sa pangamba sa epekto sa implasyon at sa negatibong publisidad nito sa mga reeleksyunistang senador sa 2019. Si Senate Pres. Tito Sotto na ang nagpa-file ng katapat na panukalang Senate bill 1906 (Corporate Income Tax and Incentives Reform Act) para sa Train 2 sa Senado, Agosto 2018.

Sa naunang Train 1, nagpatupad ng eksempsyon sa personal income tax (PIT) ng mga manggagawa at karaniwang empleyadong Pilipino pero nagpataw naman ng excise taxes sa petrolyo, sasakyan, pagkain at real estate na mabilis na nakaapekto sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Mga Pangunahing Probisyon ng TRABAHO Bill

Pagpapababa ng corporate income tax

Unti-unting pagpapababa ng

corporate income tax (CIT) ng 2% bawat dalawang taon simula sa taong 2021 mula sa kasalukuyang 30% tungong 20% hanggang 2029;

Rasyunalisasyon at pagbabawas ng mga insentiba sa buwis

Nagtakda ang HB 8083 ng pangkalahatang

pamantayan sa insentiba sa buwis. Kabilang sa mga ito ang pagtatanggal sa walang taning na 5% gross income tax (GIE) na ipinatutupad sa mga ecozones.

Para tiyakin ang pantay at episyenteng iskema ng pagbubuwis, lahat ng mga aktibidad at proyektong nakapailalim sa Strategic Investment Priority Plan, ay maaaring pumili ng mga opsyon sa sumusunod na proposals ng DOF at Trabaho Bill:

1. Income Tax Holidays (ITH) ng 3 taon (mula sa dating 4 taon, na maaari pang palawigin ng 8 taon)

2. Matapos ang takdang panahon para sa ITH, maaari nilang pasukin ang opsyon sa insentiba nang di hahaba sa limang (5) taon:

a. 18% mas mababang CITb. Hanggang 50% deduction

para sa increment sa direct labor

c. Hanggang 100% deduction para sa R&D

d. Hanggang 100% deduction sa mga training

e. Deduction para sa reinvestment allowance

f. Depreciation allowance: 10% sa mga buildings, 20% sa mga makinarya at equipment

Gayong nananawagan ang sektor ng negosyo para sa mahabang panahon ng transisyon para sa kasalukuyang pinagkakaluoban ng ITH at GIEs, sinunod ng Trabaho bill ang panukala ng DOF. Maari lamang tamasahin pa ng mga kumpanyang rehistrado sa ITH at GIEs ayon sa sumusunod na iskedyul:

2 taon para sa mga aktibidad na may tax incentives na ng mahigit na 10 taon3 taon para sa mga aktibidad na may tax incentives ng 5- 10 taon5 taon para sa mga aktibidad na may tax incentives na mas mababa sa 5 taon

Maliban pa, pinagtibay sa Trabaho bill na sa koleksyon ng Value Added Tax, mananatiling zero-rated ang eksport, habang ang benta sa lokal na pamilihan ay

papatawan ng regular na tantos ng VAT. Pagpawi ito sa pangamba ng mga eksporter na tatanggalin na rin ang insentaba sa buwis sa mga eksport.

3. Dagdag pang mga insentibaa. Dagdag na 2 taon sa aliman

sa mga opsyon matapos ang ITH, at ang isang taon para ay para i-avail ang ITH, sa mga proyektong lilipat mula sa Metro Manila at ipang piling erya patungo sa mga Rehiyon III at IV-A;

b. Dagdag din ng 2 taon, gaya ng sa a. para sa mga proyektong nasa mga atrasadong lugar o sa mga bumabangon sa pinsala ng armadong tunggalian o mga kalamidad, at

c. Dagdag din ng 2 taon gaya ng sa a. at b. para sa mga proyektong agribisnes sa labas ng ng Metro Manila at iba pang kabayanan at kalunsuran.

Pagpapasaklaw ng tax base

Para mapunuan ang inaasahang kabawasan

sa buwis sa mga pagbabago sa CIT, itinakda ng Trabaho Bill ang pagpapasaklaw ng tax base sa pamamagitan ng pag-amyenda sa iba’t ibang probisyon ng Tax Code. Kalakhan sa mga pagbabago ay tungo sa istandardisasyon ng imposisyon ng CITs ayon sa gradwal na pagpapababa nito

Pulong ng Congressional Committee na unang nagtalakay sa TRABAHO Bill, Agosto 2018. cebu flash report

Page 8: KILUSAN - kpdnorth.weebly.com filesa Balangiga na nuon ay saklaw ang mga bayan ngayon ng Lawaan, Giporlos at Quinapundan. Ikinanlong nila ang pagkubkob sa novena at prusisyon. Nagdamit

8 KILUSAN Disyembre 31, 2018

Sa datos ng Department of Finance (DOF), may 14 na Investment Promotion Agencies (IPAs) ang

pamahalaan na nagbibigay ng mga insentiba sa mamumuhunan ayon sa salansan ng 123 investment laws at 192 non-investment laws at iba pang mga partikular na patakarang ipinatutupad sa higit 900 ecozones sa buong bayan.

Sentro ng mga insentibang ito ang 4 na taon na Income Tax Holidays (ITH) na may 8 taon pang ekstensyon. Kasunod ay ang 5% Gross Income Earned (GIEs) na limitadong pagbubuwis kapalit ng mga eksempsyon sa income tax, VAT, customs duties sa hilaw na materyal at makinaryang pamproduksyon, at iba pang lokal na buwis. Walang taning ang GIEs kaya habampanahon itong pakikinabangan ng pribilehiyadong mga kumpanya.

Sa 915,000 rehistradong empresang lokal at dayuhan sa Pilipinas, 2,844 kumpanya lamang ang nakinabang sa mga nangungunang insentibang ito, 650 sa mga ito ang tumatanggap na ng incentives sa pinakamababang 15 taon. Nuong 2015, umabot sa P301 bilyong halaga ng bayaring buwis ang naiwasan ng mga kumpanyang nabanggit dahil sa mga insentibang ito.

Mga dayuhang korporasyon at lokal na kumpanyang may malaking sosyong dayuhan ang mayorya sa tumanggap ng mga insentibang ito.

Nagbigay ito sa kanila ng napakalaking bentahe sa kumpetisyon laban sa maliliit na negosyong Pilipino.

Sa kasalukuyang sistema, lahat ng mga empresa na hindi nakakakuha ng mga insentiba ay nagbabayad ng 30% corporate income taxes (CITs), gaya ng buwis na binayaran ng lahat ng lokal na 90,000 small and medium enterprises (SMEs) na bahagi ng kabuuang rehistradong empresang nabanggit sa itaas. Samantala, ang mga kumpanyang nakikinabang sa mga insentiba ay nagbabayad lamang ng 6% hanggang 13% na katumbas ng CITs.

Pero sa kabila ng todo-todong fiscal incentives, napag-iiwanan pa rin sa Asean at hindi lubos na makaakit ng mga dayuhang puhunan ang Pilipinas.

Maraming mga salik na tinutukoy ang mga negosyanteng dayuhan: mataas na gastos sa enerhiya, malaganap ang kurapsyon, atrasado ang impraistruktura, at pababagu-bago ang mga patakaran. Ika-73 ang Pilipinas sa 126 na bayan sa 2018 Global Innovation Index (GII). Iniraranggo ng GII ang mga bayan batay sa kapasidad at tagumpay ng mga ito sa inobasyon sa umiiral na mga institusyon, impraistruktura, negosyo at pamilihan, kaalaman at teknolohiya, lakas paggawa, pananaliksik at creative outputs.

Sa huling pagraranggong ginawa ng World Bank ukol sa Ease of Doing Bussiness sa 190 bayan sa daigdig, bumagsak sa ika-124 ang Pilipinas ngayong 2018 mula 113 nuong 2017. Nasa ika-99 na pwesto ang bansa nuong 2016 at 2015, na nagpapakita ng pagkamasikot ng mga patakaran at pag-iral ng kurapsyon na nagpapabagal sa proseso upang makapagnegosyo sa Pilipinas sa ilalim ng gubyernong Duterte.

Sa panukalang Tax Reform for Attracting Better and High-quality Opportunities (Trabaho)

Tax Incentives para sa Dayuhang NegosyoBilyong piso ang taunang pakinabang ng mga dayuhang kumpanya dahil sa mga insentiba, habang pasan ng maliliit na kumpanyang Pilipino at konsyumer ang patung-patong na buwis

Table 1: Pilipinas ang nagbibigay ng pinaka-generous na special income tax rate sa ASEAN countriesCountry Maximum Years of IncentivesPhilippines 4 +8 + GIE ForeverBrunei Darussalam 20Cambodia 9Indonesia 20Lao PDR 20Malaysia 5+5 extensionMyanmar 5 to 7Singapore 3Thailand 8Vietnam 2 to 4

Table 2: Tinatayang nawalang kita dahil sa tax incentives, 2015Type of Tax Revenue (in billions PHP)Income tax 86.3Customs duties 18.1Import VAT (gross) 159.8Local VAT (gross) 37.0Local Tax TBDLeakage TBDTotal 301.0

Page 9: KILUSAN - kpdnorth.weebly.com filesa Balangiga na nuon ay saklaw ang mga bayan ngayon ng Lawaan, Giporlos at Quinapundan. Ikinanlong nila ang pagkubkob sa novena at prusisyon. Nagdamit

9 Disyembre 31, 2018 KILUSAN

hanggang 20%.

A. Opsyon sa 5% gross income tax (GIT)

Sa kasalukuyang mga tuntunin sa pagbubuwis, maaaring piliin ng isang korporasyon na magbuwis ng 5% gross income tax sa halip ng regular na CIT matapos ang ITH. Ititigil na ito ng TRABAHO Bill mula 2019.

B. 10% buwis ng mga proprietary educational institutions and hospitals

Gradwal na pagtataas ng buwis sa nonprofit educational institutions and hospitals. Sa kasalukuyang mga batas, nagtatamasa ang mga ito ng espesyal na CIT rate na 10%. Nauna nang panukala ng DOF na tanggalin na sa mga ito ang nabanggit na insentiba at patawan na ng regular na buwis. Sa Trabaho Bill, pananatilihin ang insentibang ito sa 10% CIT hanggang pasado ang mga institusyong ito sa established performance criteria ng CHED, DEPED at DOH. Kung mabibigo ang alinman, na makaabot sa itatakdang pamantayan, maaari

na lamang nilang tamasahin ang 10% CIT sa loob ng dalawang taon makaraan ang epektibidad ng batas, magiging 15% na ito sa susunod na tatlong taon at magiging 20% makaraan ito.

C. 10% buwis ng mga Regional Operating Headquarters (RHQs) ng mga koporasyong multinasyunal

Dalawang taon mula sa pagkakabisa ng Trabaho law, hindi na magagamit ng RHQs ang insentibang ito at magbabayad na rin ng istandard na CIT gaya ng iba pang mga korporasyon. Mula ito sa orihinal na panukala ng DOF na kaagad na tanggalin ang insentibang ito sa unang taon ng pagpapatupad ng batas. Inihanay rin ng Trabaho bill ang mga negosyo sa komunikasyon sa listahan ng mga industriya na may 3% francise tax at sa electric, gas at water utilities, na may 2% francise tax.

Mas mahigpit na parusa sa mga paglabag

Dagdag na nilalaman ng Trabaho bill ang

mga panukala sa pagtataas ng parusa at multa sa mga lalabag.

Bill o House Bill (HB) No. 8083 o TRAIN 2, bababaan ang CIT mula 30% tungong 20% at irarasyunalisa ang mga insentiba. Kasabay nito ay ang pagpapasaklaw ng tax base na kasama ang pagtatatanggal din ng insentiba at pagpapataw na ng regular na buwis sa mga pribadong non-profit educational institutions and hospitals.

At habang ang pag-akit sa dayuhang puhunan ang pangunahing solusyon sa paglago ng ekonomya ng pamahalaang Duterte, gaya ng iba pang gubyernong nauna dito, naiiwan at talo sa kumpetisyon ang maliliit na produktibong negosyong Pilipino, pinapatawan ng todong buwis gaya ng VAT at excise tax na nilaman ng Train 1, na ipinapasa naman nila’t tunay na pinapasan ng mga konsyumer at karaniwang mamamayan. KSanggunian:Department of Finance. Package 2:Corporate income tax and fiscal incentives Summary ppt as of 7/26/18 7:46 AMDepartment of Finance. Package 2; COMPREHENSIVE TAX REFORM PROGRAM Cost-benefit analysis of fiscal incentives As of July 24, 2018. House of RepresentativesDepartment of Finance. Proposal Comprehensive Tax Reform Package. Package 2. Corporate income tax reform and fiscal incentives modernization, As of 25 May 2018Ralf Rivas. PH among worst in ease of doing business, education – report. Rappler.com. July 11, 2018Lahat ng ginamit na Tables ay mula sa DOF, Mayo, 2018

Table 3: 14 Investment Promotions Agencies (IPAs) sa Pilipinas1 Philippine Economic Zone Authority

(PEZA)2 Board of Investments (BOI)

3 Clark Development Corporation (CDC)

4 Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA)

5 Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB)

6 Cagayan Economic Zone Authority (CEZA)

7 Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA)

8 Poro Point Management Corporation (PPMC)

9 Zamboanga City Special Economic Zone Authority (ZCSEZA)

10 Bases Conversion and Development Authority (BCDA)

11 Aurora Pacific Ecozone (APECO)

12 Phividec Industrial Authority (PIA)

13 Philippine Retirement Authority (PRA)

14Regional Board of Investments (RBOI), Autonomous Region in Muslim Mindanao

Pabor sa malalaking korporasyon at kontra mahirap ang TRABAHO Bill. Anumang kabawasan sa buwis ng mga korporasyon ay walang katiyakang sasalin sa pagtataas ng sahod at benipisyo ng mga manggagawa.

Mga empleyado ng BPO sa Quezon City. manila bulletin

Page 10: KILUSAN - kpdnorth.weebly.com filesa Balangiga na nuon ay saklaw ang mga bayan ngayon ng Lawaan, Giporlos at Quinapundan. Ikinanlong nila ang pagkubkob sa novena at prusisyon. Nagdamit

10 KILUSAN Disyembre 31, 2018

Hindi pabor ang BPOs

Business Process Outsourcing (BPO)

industries ang sumasalo sa malaking bilang ng mga kabataang propesyunal na bagong pasok sa labor market. Isa rin ang BPOs sa nagpapasok ng foreign exchange, kasunod ng remittances ng OFWs. Sa opinyon sa pahayagan ng isang nagpakilalang maliit na BPO owner (Introspective, Calixto V. Chikiamco, BusinessWorld), nagkamali umano ang TRAIN 2 (ayon sa pag-aaral ng DOF) na ihalo ang BPO Industry sa iba pang negosyong inabuso ang tax incentives gaya ng mga negosyo sa renewable energy, mining companies, at mga kumpanyang nag-oopereyt sa PEZA zones na rehistradong pang-eksport ang produkto pero nagbibenta ng kalakal sa lokal na pamilihan, mga telcos na binigyan ng BOI incentives, mga conglomerates sa housing at iba pa. Ayon pa sa kanya, kahit may tax incentives, wala pang 10% ang kanilang return on equity (ROE). Ang BPOs kasama ng iba pang mga kumpanyang nakikinabang sa insentibang 5% Gross Income Earned (GIEs), ay obligadong mag-shift sa 20% net income system (corporate income tax), at para sa kanya, masama ang epekto nito sa industriya:

Una, kahit may transisyon ng tatlong taon, malaki ang epekto nito dahil masasabay ito sa suliranin sa kakulangan ng skilled work force at kumpetisyon sa Artificial Intelligence (AI). Ikalawa, ang pag-shift sa net income system ay maglalagay sa BPOs sa bulnerableng katayuan laban sa pabagu-bagong interpretasyon ng batas sa pagbubuwis ng Bureau of Internal Revenue (BIR). Tiyak na lalaki ang gastos sa transaksyon at akawnting dahil dito. At ikatlo, dahil nag-oopereyt ito sa internet, pwedeng agad na ilipat ang job orders sa ibang bayang may multinational BPOs. Ayon sa IT and Business Process Association of the Philippines (ITBPAP), magiging less cost competitive ang BPOs sa Pilipinas kumpara sa India kung itutuloy ang TRAIN 2, at pwedeng maging dahilan ng pagtakbo ng mga kustomer mula dito at pagkawala ng libu-libong trabaho.

Tutol ang AmCham Philippines at Japanese Chamber of Commerce in the Philippines

Gayong babawasan ng CIT, nagpahayag pa rin

ng oposisyon dito ang American Chamber of Commerce of the Philippines, Inc. (AmCham) at Japanese Chamber of Commerce in

the Philippines (JCCP). Sa position paper para sa Corporate Income Tax and Incentives Reform Act (Train 2), May 29, 2018, payag ang AmCham sa 20% CIT. Pero tutol itong baguhin pa o irasyunalisa ang mga sistema sa insentiba gaya ng pag-avail ng Income Tax Holidays (ITH) at iba pang mga insentiba. Nagbabala ang AmCham na maaaring lumipat ang mga negosyante sa ibang bayan gaya ng Vietnam kung babawasan ng gubyernong Duterte ang mga insentibang ito. Kanila ding tinunggali ang DOF na talo sa kita ang pamahalaan sa kasalukuyang kaayusan, at nanindigang higit na malaki ang kikitain ng gubyerno at bilang ng malilikhang trabaho sa ecozones kung paiiralin ng pamahalaan ang status quo. Sabi naman ni Nobuo Fujii, vice president ng Japanese Chamber of Commerce in the Philippines, “malulugi at titigil sa operasyon” ang mga kumpanyang Hapones kapag tinanggal ang mga insentiba. Sinabi pa niyang, “unang reaksyon ng mga kasapi ng chamber (sa TRABAHO Bill) ang paghinto ng mga balaking magpasaklaw ng operasyon, kasunod na nito ay ang paglayas na sa Pilipinas.” Kung mangyayari ang tunguhing ito, sa taya ni Phil. Economic Zone Authority (PEZA) director general Charito Plaza, posible ang pagkawala ng 700,000 trabaho sa BPO at manupaktura sa loob ng ecozones sa Pilipinas, kalahati ng bilang ng kabuuang nai-empleyo sa ecozones sa kasalukuyan.

Sa buong daigdig, nagkakarera ang mga atrasado at umuunlad na bayan sa pagpapababa ng CIT at binubusog sa mga benipisyo ang mga kapitalista para hindi lumayas

Isa sa private schools sa Metro Manila. techblade.ph

Mga manggagawa sa electronic semiconductor factory sa ecomic zone sa Luzon. filipinotimes.net

Page 11: KILUSAN - kpdnorth.weebly.com filesa Balangiga na nuon ay saklaw ang mga bayan ngayon ng Lawaan, Giporlos at Quinapundan. Ikinanlong nila ang pagkubkob sa novena at prusisyon. Nagdamit

11 Disyembre 31, 2018 KILUSAN

TRAIN 3 at 4

Pabyahe na rin

Isusumite na ng Department of Finance (DOF) sa Kongreso ang package 3 at 4 ng Comprehensive Tax Reform Program

(CTRP) bago ang pagtatapos ng Hulyo 2018, ayon kay Finance Sec. Carlos Dominguez.

Nakapokus ang package 3 sa paraan ng balwasyon ng real estate property at mga pagbabago sa property-related taxes and fees.

Saklaw naman ng package 4 ang rasyunalisasyon ng buwis sa mga kita sa interes mula sa peso deposits and investments; dollar deposits and investments; at mga dibidendo, equity, fixed income securities, at iba pang investments.

Bahagi ang mga nabanggit na panukala ng limang-paketeng CTRP. Kapag sumalang na sa pagsasabatas, tatawagin ang mga ito na TRAIN 3 at 4.

Pinagtibay na nuong nakaraang Disyembre 2017 ang TRAIN 1, ang package 1 ng CTRP at agad nagkabisa sa pagpasok ng taong 2018.

Pinag-uusapan na sa Kongreso ang package 2 (TRABAHO Bill o HB 8083), batay sa hiling ni Pres. Rodrigo Duterte sa kanyang SONA 2018, at nitong Setyembre 10, 2018 ay nakapasa na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara.

Samantala ang Package 1B na naglalaman ng panukalang tax amnesty program, amyenda sa bank secrecy law, at adjustments sa Motor Vehicle Users Charge, ay pending ngayon sa Kongreso.

Sinabi rin ng DOF na desidido itong itulak ang Package 2 Plus na magdadagdag pa ng buwis sa alcohol, tobacco, mining at casino, at Package 5 na nakapokus sa health, environment at luxury taxation. K

Pinaghalawan:

Mary Grace Padin. Tax reform Package 3, 4 to be submitted this month. The Philippine Star. July 16, 2018

Makausad kaya ang TRABAHO Bill?

Ngayon pa lamang, allergic na sa Train 2 o TRABAHO Bill ang

mamamayan dahil sa malupit na epekto ng naunang Train 1 na nuong Hulyo ay nagresulta na ng 5.7% implasyon at tumaas pa sa 6.7% nitong Setyembre at Oktubre 2018. Sa pagpapalawak pa ng tax base ng pamahalaan, apektado ng dagdag na buwis ang mga paaralan, ospital, komunikasyon, media, at serbisyong hawak at pinatatakbo ng pamahalaan. Sa mahigit 20,000 rehistradong paaralan sa Pilipinas, 10,000 ang pinatatakbo ng mga relihiyosong institusyon at foundations. Mahigit 6,000 ang paaralang pribado. Samantala’y 1,800 naman ang mga ospital sa Pilipinas nuong 2010, kabilang ang 721 (40%) na mga pampublikong pagamutan, 70 ay DOH Hospitals, at higit kalahati ang pribado. Sa sarbey na ginawa ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS), sa mga pribadong ospital sa piling mga syudad at lalawigan sa Pilipinas (Metro Manila, Palawan, Baguio City at Davao City) nuong 2010, isa sa bawat 10 pribadong ospital ay non-profit. Sa huli’y pabor pa rin sa malalaking korporasyon at kontra-mahirap ang TRABAHO Bill. Walang katiyakang sasalin sa pagtataas ng sahod at benipisyo ng mga manggagawa ang anumang kabawasan sa buwis ng mga korporasyon. Kabawasan sa kanilang tubo ang ibubunga ng rasyunalisasyon sa insentiba na tiyak ding magtutulak sa lalong pagbarat sa sahod o pagtaas ng presyo ng kanilang mga produkto. Pwede ring lumipat na lamang ang mga ito sa ibang bayang Asean gaya ng Indonesia at Vietnam kung saan mas mababa ang gastos sa enerhiya, mainam ang impraistruktura at mas matatag ang mga patakaran. Likas sa galaw ng kapital lalo na sa panahong ito ng neoliberalismo, pupunta sila sa lugar kung saan higit silang makikinabang, at hanggang atrasado ang ekonomyang Pilipino, lalaging hindi ito handa sa paglayas ng dayuhang kapital. Sa buong daigdig, nagkakarera ang mga atrasado at umuunlad na bayan sa pagpapababa ng CIT at binubusog sa mga benipisyo ang mga kapitalista para hindi lumayas (na nagreresulta na halos ng zero tax rate na buwis sa ilang bayan) sa kanilang mga bayan para tugunan ang neoliberal na galaw ng kapital at paimbabaw na lutasin ang mga suliranin sa kakapusan sa hanapbuhay (Basahin ang Karera sa Pagpapababa ng Corporate Income Tax ng mga Bayan sa Daigdig, pahina 12).

Page 12: KILUSAN - kpdnorth.weebly.com filesa Balangiga na nuon ay saklaw ang mga bayan ngayon ng Lawaan, Giporlos at Quinapundan. Ikinanlong nila ang pagkubkob sa novena at prusisyon. Nagdamit

12 KILUSAN Disyembre 31, 2018

Sa artikulong A Traditional Corporate Tax Policy Evaluation ni Jessica Kornberg (2007), nabanggit niyang

ang corporate taxation ay naglalayong magpatupad ng regulasyon sa kapangyarihan ng mga korporasyon, iangat ang corporate transparency, at makalikom ng buwis. Kanyang tinukoy ang nangyari sa United States of Amerika kung kailan ang kanilang Kongreso ay nagpataw ng buwis sa kauna-unahang pagkakataon sa mga korporasyon nang hiwalay na entidad sa shareholders ng mga ito nuong 1909. Kalaunan, naging importante nang pinagkukunan ng buwis ang corporate income tax (CIT)1.

Ayon naman kay T.S. Adams (1918), “Tahimik na partner ang pamahalaan sa lahat ng negosyo, kaya karapatan nitong tumanggap ng bahagi sa lahat ng tubo.” Sa gayon, tungkulin ng gubyerno na likhain ang kalagayang kapaki-pakinabang sa negosyo, ayon sa sistema ng mga batas na itinatakda para sa / o bilang suporta para sa maayos na produksyon.

Sa pinakahuling sarbey sa mga bayan sa mundo (2017), nasa 22.96% ang average CIT, na kumakatawan sa 29.31% ng kabuuang GDP sa

daigdig. Sa indibidwal na mga bayan, pinakamataas ang CIT sa United Arab Emirates sa 55 %, pang-apat ang USA sa 38.91%, kasunod lamang ng Comoros, 50% at Puerto Rico, 39%, at panglima ang Suriname, 36%. Mga bayan sa Asia at Europe ang may pinakamababa namang CIT: Uzbekistan, 7.5%, Turkmenistan, 8%, Hungary at Montenegro, kapwa 9%, at Andorra, 10%.

Sa nakalipas na 37 taon sa kasagsagan ng pagpapatupad ng patakarang neoliberal sa daigdig, bumaba ang average CIT ng mahigit 47% mula sa dating 38.68% nuong 1980 tungong 22.96% nitong 2017. Dumadami rin ang nagtatakda na lamang ng CIT nang mas mababa sa 30%, nasa 77% ng mga bayan sa daigdig mula 2000-2010, malayo na sa dating 42% bago ang 2000.

Para sa mga ekonomista ng kapital, layong hikayatin ng karera sa pagpapababa ng CIT ang puhunan sa kanya-kanyang mga bayan at sa gayon ay itaas ang kanilang produktibidad. Ipinakikita ito ng mga indikasyon sa pagtaas ng GDP sa paglikha ng produktibong hanapbuhay at pagpasok ng sariwang kapital. Sa pagbubukas ng napakaraming ecozones, maliban sa mas mababang CIT, nabibigyan pa ang mga negosyo ng katiyakan sa dagdag na mga insentiba sa buwis at kontrol sa pamilihan ng lakas paggawa.

Sa pagbaba ng CIT, mga manggagawa at empleyado ang kinukuba ng kumbinasyon ng patuloy na pagbaba ng sahod, kontraktwal na paggawa, pagpapataw ng mapaniil na buwis at pagbabawas ng benipisyo sa paggawa at social

Karera sa Pagpapababa ng Corporate Income Tax ng mga Bayan sa Daigdig

Sa dakong huli, aabot ito sa negosasyon sa pagitan ng pamahalaan, mga mambabatas at samahan ng malalaking kapitalista. May malaking pondo ang mga kapitalistang ito sa lobbying at nakatatakam ang kanilang suportang salapi lalo na sa mga kurap na reeleksyunistang kongresista at senador. Makikita na ang ganitong tunguhin sa ilang mga pagbabago mula sa orihinal na proposal ng DOF at sa Trabaho bill, bagamat, hindi pa katanggap-tanggap ang mga ito sa mga asosasyon ng mga dayuhang negosyante. Tiyak na lulutasin nila ang mga pagkakaiba dito, na kapwa magiging kapaki-pakinabang sa kanilang partihan sa tubo at buwis. Pero ang pwede ring seguruhin, hindi nila kikibuin ang patuloy na mapang-aping kontraktwalisasyon at pambabarat sa Karaniwang sitwasyon sa pampublikong ospital sa Pilipinas. business inquirer

Page 13: KILUSAN - kpdnorth.weebly.com filesa Balangiga na nuon ay saklaw ang mga bayan ngayon ng Lawaan, Giporlos at Quinapundan. Ikinanlong nila ang pagkubkob sa novena at prusisyon. Nagdamit

13 Disyembre 31, 2018 KILUSAN

security benefits.Sa pinakahuling ulat ng International Labor

Organization (ILO, 2016), tinukoy nito na “mabagal ang paglago ng real wage kundiman paatras ito sa mga emerging and developing G20 countries kung saan bumagsak ang real wage mula 6.6% nuong 2012 tungong 2.5% nitong 2015”2. Marami na ring bayan, sa pagpapatupad ng austerity programs, ang nagtaas sa taon ng retirement para makabawas sa gastos sa social security pensions at nagpapaliit ng pondo sa publikong edukasyon at kalusugan— lahat para makatipid at para makalikom ng dagdag na kita at buwis kapalit ng pagpapababa ng CIT.

Samantala, hindi pa nasisiyahan sa mababang buwis at mga patung-patong na insentiba, gumagamit pa ang malalaking kapitalista ng iba’t-ibang paraan ng pandaraya sa buwis gaya ng paglilipat ng personal income tax sa mas mababang corporate income tax, na isa sa mga paraan ng kanilang pag-iwas at pandaraya (tax avoidance and cheating) para sa higit na tubo. Kahit ganito, gamit ang malaking pondo sa lobbying, patuloy pa rin ang kanilang mga kampanya para tuwiran nang i-abolish ang corporate taxation3 sa katwirang malaki ang kanilang papel sa paglikha ng hanapbuhay.

Pinatatalim nito ang kontradiksyon sa pagitan ng pinakamayayamang indibidwal at korporasyon: 1% ng pinakamayayaman sa daigdig ang kumukontrol sa 50.1% ng pandaigdigang yaman nuong 2017, habang sa kabilang dulo, nagpaparte sa 2.7% ng yaman ang 3.5 bilyong mamamayan o 70% ng working age population ng daigdig4. K

(Endnotes)1 Nakabatay ang una hanggang ika-apat na paragraph sa DTSR Taxbits, Volume IX, September-October, 20182 Global Wage report 2016/17. International Labour Office – Geneva: ILO, 20163 www.taxjustice.net4 Ayon sa pag-aaral ng Credit Suisse, inilathala ng theguardian.com, November 14, 2017

sahod ng manggagawa. Wala rin silang pakialam sa pagiging bagong pahirap nito sa mamamayan, sa dagdag na presyo ng bilihin, sa dagdag sa gastos sa pagpapaaral ng mga anak, gastos sa ospital at iba pang serbisyo. Dapat ibasura ang reporma sa pagbubuwis ng gubyernong Duterte at lahat ng pakete ng TRAIN Law. Sa kaayusang panlipunan sa Pilipinas na pinangingibabawan ng interes ng mga bangko at malalaking kapital, kahit ang pagbubuwis sa malalaking korporasyon ay imbudo ng lasong nakatutok sa kumakalam na sikmura ng taumbayan na sa kanila ay unti-unting pumapatay.K

Sanggunian:

HB 8083. House of Representatives, 17th CongressMs. MARVEE ANNE C. FELIPE, SLSO II, Dir. MARIA LUCRECIA R. MIR, PhD, MNSA. If We Cant Race to the Bottom. STSR TaxBits. Volume IX. September- October, 2018Alexis Romero. Palace tells lawmakers seeking re-election: Don't fear TRAIN 2. Philstar.com. July 30, 2018 Edward G. Gialogo.Things you need to know about Trabaho bill. Rappler.com. September 2, 2018Daxim L. Lucas. Power, gas prices have pushed up July inflation to 5.8%, says BSP. Philippine Daily Inquirer. July 31, 2018Roy Stephen C. Canivel.TRAIN 2 stalls in Senate despite Duterte push. Philippine Daily Inquirer. July 28, 2108THE AMERICAN CHAMBER OF COMMERCE OF THE PHILIPPINES, INC. POSITION PAPER. CORPORATE INCOME TAX AND INCENTIVES REFORM ACT (TRAIN 2. May 29, 2018Philippine Department of Finance.

Comprehensive tax reform program. Proposed package 2: Corporate income tax reform and fiscal incentives modernization. Short presentation, as of July 23, 2018Calixto V. Chikiamco. Introspective. My problem with TRAIN 2. Bworldonline. April 15, 2018Rubina P. Bundoc-Aquino. TIMTA: Transparency in tax incentives management and accounting. SUITS THE C-SUITE. Business World (01/25/2016Health Service Delivery Profile Philippines, Compiled in collaboration between WHO and Department of Health, Philippines; 2012Rouselle F. Lavado et al..Profile of Private Hospitals in the Philippines. Philippine Institute for Development Studies, March 2011Jose Cielito Reganit. Senate to Review House Version of TRAIN 2. Pna.gov.ph. September 11, 2018Othel V. Campos. Trabaho bill to displace 700,000 workers. Manila Standard online. Septembrer 26, 2018

business mirror

Page 14: KILUSAN - kpdnorth.weebly.com filesa Balangiga na nuon ay saklaw ang mga bayan ngayon ng Lawaan, Giporlos at Quinapundan. Ikinanlong nila ang pagkubkob sa novena at prusisyon. Nagdamit

14 KILUSAN Disyembre 31, 2018

Inumpisahan na ng US ang panggigera sa China. Isang deklarasyon ng gera ang National

Security Strategy ng US na inilabas, Disyembre 17, 2017 laban sa tinawag ni Pangulong Donald Trump na “mga paglabag, pandaraya o agresyong pang-ekonomya” ng China. Agresyong pang-ekonomya ng China ang itinuturo niyang salarin sa pagkakadehado o sa maliwanag na deficit ng US sa kalakalan sa China.

Pagpapataw ng mataas na taripa sa mga export sa US ang matingkad na porma ng atake nito sa China sa kasalukuyan. Pero nakahanay din sa mga hakbangin ang mga pagpapakipot ng mga larangang pwedeng pagnegosyohan ng China at ang mga sanctions, isang armas sa malawak na arsenal ng US para lumpuhin ang ekonomya ng mga bayang naggigiit ng soberanya o naghahamon sa dominansya ng US.

Inaabangan ng buong daigdig ang maaaring mangyari pa sa labanang ito. Nagdarasal ang marami na sana’y huwag nang lumala pa o humantong sa gerang may putukan.

Unang bugso ang pagpapataw ng matataas na taripa

Unang bugso ng gera nuong Marso 22, 2018, nang ianunsyo ni Trump na pinirmahan na niya ang isang

executive memorandum na nag-uutos sa mga opisyal ng US sa larangan ng kalakalan na ipatupad ang taripa sa isang hanay ng mga produktong Tsino na nagkakahalaga ng mahigit $50 bilyon. Saklaw ng taripang ito ang mga produkto sa 10 sektor na tinukoy ng China na estratehiko ayon sa kanyang “Made in China 2025” o MIC2025. 1

Pamamarusang taripa ito, sabi ni Trump mismo, sa pagnanakaw ng China sa ari-ariang intelektwal ng US. Matagal nang isinisisi ni Trump sa di-patas na pakikipagkalakalan ng China ang papalaking depisit sa kalakalan ng US na umabot na sa $375 billion nuong nakaraang taon (bea). China rin ang sinisisi ni Trump sa pagkauk-ok ng manupakturang US at kawalan ng trabaho ng mga mamamayan nito.

Kasabay ng kautusang magpatupad ng taripa, inutusan

Ni MMLaurinaria

Trade War ng US vs. China

Dahil Takot Maungusan• Bahagi ito ng kabuuang estratehiya ng US para hadlangan ang pagsulong pa ng

ikalawang pinakamalaking ekonomya

• Mapaminsala ito hindi lang sa ekonomya ng karibal kundi maging ng iba pang bayan sa buong daigdig.

Trad

e w

ar b

omb.

the

load

star

Page 15: KILUSAN - kpdnorth.weebly.com filesa Balangiga na nuon ay saklaw ang mga bayan ngayon ng Lawaan, Giporlos at Quinapundan. Ikinanlong nila ang pagkubkob sa novena at prusisyon. Nagdamit

15 Disyembre 31, 2018 KILUSAN

ni Trump ang US Treasury na maghapag ng mga hakbanging makakapagpakipot sa mga pamumuhunang Tsino sa US. Sinabi rin ni Trump na kakasuhan ng US ang China sa World Trade Organization (WTO) laban sa may-diskriminasyong pagbibigay ng lisensya ng China.

Bago pa ang executive memorandum na ito, nuong Marso 8, 2018, ipinataw na ni Trump ang 25% taripa sa bakal at 10% sa aluminyo na ini-eksport tungo sa US. Pero parang putok ng de-sabog ang executive memorandum na ito, hagip maging ang mga bayang kaalyado o kapartner sa kalakalan tulad 27-bayang EU, Russia, Turkey, Argentina, Austria, Brazil, South Korea, Mexico Canada at Japan. Hinabol na nga lang ni Trump ang exemption ng ilang kumpanya at bayan matapos ang mga apila, pagpuna at kontra-banta.

Nauna pa rito ang pagpapataw ng taripa sa ipinapasok sa US na washing machines at solar panels nuong Enero 22. Tinarget nito ang China,

South Korea at Vietnam.Inilutang ni Trump nuong

nangangampanya pa lamang siya sa pagkapresidente na gagawin niya ang mga ito. Sa kanyang pitong-puntong plano na “Make America Great Again,” ipinangako niyang gagamitin ang Section 232 ng Trade Expansion Act of 1962 at ang Section 201 at Section 301 ng Trade Act of 1974 para i-sanction ang mga bayang may surplus sa pakikipagkalakalan sa US na sa kanyang tingin ay hindi patas na pumipiga ng “yaman ng America.”

Pagbubukas at pagpasok sa market economy

Hindi nagtagal matapos maitatag ang People’s

Republic of China sa pangunguna ng Partido Komunista ng China, nagkaruon ng gera sa kalapit bayang Korea at sumangkot ang China rito. Mula nuon, ipinatupad ng US at UN ang economic embargo sa China kaya naging sarado halos sa China ang dayuhang pamumuhunan at kalakalan liban sa mga bayang nagsusulong ng sosyalismo. Bagama’t niluwagan

ang embargo nuong papatapos na ang dekada 50, naging masigla ang pakikipagkalakalan sa China ng mas maraming bayan mula nuong maging kasapi na ang China ng UN (1972) at, laluna, nuong maibalik ang relasyong diplomatiko ng US at China nuong 1973. Gayunpaman, ang tunay na pag-aalis ng tinagurian “tabing na kawayan” (bamboo curtain) ay nangyari mula nuong 1978 sa pakakapatibay ng plano sa “reporma at pagbubukas” sa pagtatatatag ng sosyalismong may Tsinong karakter.

Nuong ibinukas sa mga dayuhan ang pagnenegosyo sa China, hindi pa ganap na nailalatag ang market institutions sa China (worldbank.org) Urong na agrikultural na bayan ang China bagama’t may ilang mga susing industriyang hawak ng estado at may mga manupakturang gumagamit ng mga makinaryang sa kalakha’y lumang modelo at may pailan-ilang modernong binili sa mga imperyalistang bayan. Napakarami ang walang hanapbuhay. Kaya naging sweatshop ng mundo ang mga unang special economic zones na itinayo sa apat na syudad sa tabing dagat sa mga probinsya ng Guangdong at Fujian (1979) at sa 14 pang syudad na itinakdang economic development zones nuong Abril 1984 kabilang ang Dalian, Tianjin, Shanghai at Guangzhou.

Tumubo nang malaki ang mga kumpanyang dayuhan namuhunan sa manupaktura sa China nuong 1980s at 1990s dahil sa napakababang pasahod

Inaabangan ng buong daigdig ang maaaring mangyari pa sa labanang ito. Nagdarasal ang marami na sana’y huwag nang lumala pa o humantong sa gerang may putukan.

chin

a da

ily

Rust Belt Area. Detroit, Michigan, USA. Tumatagos ang rust belt area mula sa central New York tungong Pensyl-vania, West Virginia, Ohio, Indiana at lower peninsula ng Michigan kabilang ang Detroit (larawan). Nagsimula ang pagtumal ng produksyon at de-industriyalisasyon sa dating sentrong industriyal na ito sa US mula 1980s bunga ng krisis sa produksyon at pamilihan at paglilipat ng produksyon sa labas ng US para sa murang lakas paggawa. wikipedia/AP

Page 16: KILUSAN - kpdnorth.weebly.com filesa Balangiga na nuon ay saklaw ang mga bayan ngayon ng Lawaan, Giporlos at Quinapundan. Ikinanlong nila ang pagkubkob sa novena at prusisyon. Nagdamit

16 KILUSAN Disyembre 31, 2018

sa mga manggagawang Tsino. At nang umangat ang buhay ng mga pamilyang Chino dala ng pagsigla ng negosyong lokal at dayuhan, lalo pang kumita ang mga dayuhang kumpanya, sa pagbenta sa maraming kabataang Tsino ng mga produktong (tulad ng electronic gadgets) bunga ng pagod ng mga manggagawang

Tsino mismo. Saka naisabatas ang mga kondisyon sa pagpapasok ng tuwirang pamumuhunang dayuhan (FDI ang daglat sa Ingles).

Binuo ng China ang mga batas kaugnay ng FDI nuong Hunyo 1995. Apat na klase ng pamumuhunang dayuhan ang pinapayagan: joint venture,

cooperative enterprises, at solely foreign-owned enterprises (Long, 02). Ang solely foreign-owned enterprises ay pinapayagan lamang kung abante ang technolohiya at kasangkapang kanilang gagamitin o kung pang-eksport ang mas malaking bahagi ng kanilang produkto.

1. Dapat bawasan ng China ang US-China trade imbalance ng $100 bilyon sa loob ng 12 buwan mula Hunyo 1, 2018 at ng isa pang $100 bilyon sa susunod na 12 buwan mula Hunyo 2019. Ibig sabihin, liliitan dapat ng China ang kanyang export sa US.

2. Dapat kagyat na alisin ng China ang mga “subsidyong nagbabaluktot sa pamilihan,” sa kalakha’y subsidy ito sa research and development o R & D na paborable sa pagpapalaki ng kanyang kapasidad tulad ng sa mga sektor sa ilalim ng Made in China 2025.

3. Dapat palakasin ng China ang pag-aaring intelektwal at tanggalin ang mga rekisito kaugnay ng teknolohiya sa joint ventures. Dagdag pa, dapat sumang-ayon ang China na tigilan ang pag-target sa teknolohiyang [US] at pagmamay-aring intelektwal sa pamamagitan ng mga operasyong cyber, pang-ekonomyang paniniktik, pamemeke at pamimirata.

4. Dapat sumang-ayon ang China na sumunod sa mga batas ng US sa export control.

5. Dapat sumang-ayon ang China na iurong ang kahilingang pakikipagkonsultahan sa World

Trade Organization (WTO) kaugnay ng mga hakbanging pangtaripa tungkol ng pagmamay-aring intelektwal.

6. Dapat na hindi gaganti ang China sa mga aksyon ng US kabilang na ang anumang mga bagong panghihigpit. Kailangang tigilan agad ng China ang mga pinupursigi nang hakbanging pangganti.

7. Dapat na “hindi kukontra ang China, hindi magkukwestyon o gaganti sa pagpapataw ng US ng mga restriksyon sa pamumuhunan ng China sa mga sensitibong sektor ng teknolohiya o mga sektor na kritikal (o mahalaga) sa pambansang seguridad ng US.

8. Dapat na bigyan ang US ng patas, epektibo at walang diskriminasyong akses sa pamilihan ng China kabilang na ang pagtatanggal ng mga restriksyon sa dayuhang pamumuhunan at sa mga rekisito sa pagmamay-ari/ at paghawak ng sapi.

9. Dapat bawasan ng China ang mga taripa sa mga sektor na “hindi kritikal” pagdating ng Hulyo 1, 2020, para maging kapantay o mas mababa kaysa taripa ng US. Dapat ibukas ng China sa pag-akses ng US ang mga serbisyo at produktong agrikultural ayon sa partikular na gusto ng US.

10. Dapat hayaan ang US na i-monitor ang pagpapatupad ng kasunduan sa bawat kwarto ng taon. Kung sa tingin ng US ay hindi tumutupad ang China, maaaring magpataw ito ng taripa o mga restriksyon sa importasyon. At hindi dapat tutulan, hamunin o kontrahin sa anumang porma ng aksyon ng China ang ganuong mga ipinapataw ng US.

11. Dapat iurong ng China ang reklamo nito sa WTO na hindi ito (China) tinatrato bilang ekonomyang nakabatay sa pamilihan (market economy).

Nilalaman ng Draft Framework ng USIniharap at tinanggihan ng delegasyon ng China Mayo, 2018

screen shot the robot report

Page 17: KILUSAN - kpdnorth.weebly.com filesa Balangiga na nuon ay saklaw ang mga bayan ngayon ng Lawaan, Giporlos at Quinapundan. Ikinanlong nila ang pagkubkob sa novena at prusisyon. Nagdamit

17 Disyembre 31, 2018 KILUSAN

Mula manupaktura hanggang pag-abante ng inobasyon ng China

Bagama’t may kasunduan sa pagpasok

sa joint venture, parang pwersado o napipilitan diumano ang mga dayuhang imbestor na ibukas ang trade secrets at patents ng produkto. Ito ang sinasabi ni Trump na pagnanakaw ng kanilang intelektwal na pag-aari (IP). Liban dito, maramihang ninanakaw daw ng China ang kanilang teknolohiya, lalo na ang teknolohiyang militar sa pamamagitan ng cyberhacking o pagpasok sa kanilang mga sistema sa pamamagitan ng computers at internet. Nangyayari ito habang hindi gasinong ibinukas ng China sa mga dayuhang imbestor ang sariling merkado at ang malaki pang bahagi ng kanyang ekonomya.

Inutusan ni Trump nuong Abril 29, 2017 si US Secretary of Commerce Wilbur Ross at US Trade Representative Robert Lighthizer na suriin ang mga alegasyon ng paglabag ng China sa section 302 ng 1974 Trade Act. Matapos diumano ang pitong buwang imbestigasyon, napatunayan daw nilang ginagamit ng China ang mga paghihigpit sa mga dayuhang kumpanya para mapilitan ang mga kumpanyang US na maglipat ng teknolohiya sa mga kumpanyang Tsino. Nagkakahalaga umano mula $225 bilyon hanggang $600 bilyon taun-taon ang nakaw ng China na pag-aaaring intelektwal ng US.

Inaakusahan ng grupo ni Lighthizer na pagnanakaw din ng pag-aaring intelektwal ang layon ng masiglang pamumuhunang Tsino sa mga estratehikong larangan sa US. Sinadya raw ito upang mapadali ang maramihang pagpapadala sa China ng kinopyang teknolohiya ng US. Pagnanakaw din daw ng pag-aaring intelektwal ang layunin ng mga kabataang pinag-aaral sa US o nagtrabaho sa mga kumpanya ng US.

Dinuduro ng US ang China dahil sa matinding paggamit ng cyberattacks sa mga kumpanyang US para malaman ang trade secrets. Mayruon diumano silang ebidensya na sinusuportahan ng estado ng China ang ganitong cyberattacks.

Hindi naman tinatanggihan ng China na nakinabang sila sa technology transfer. Pero, pinawalambisa na nuong 2002 ang mga batas na iyon na sa epekto ay nagpabilis ng paglilipat ng teknolohiya.

Nagpursigi ang China na umayon sa pandaigdigang kalakaran nuong sumapi ito sa WTO nuong Disyembre 11, 2001. Pumasok ito sa Agreement on Trade-Related Intellectual Property Rights (TRIPs). Naghihigpit na ito sa pag-aaring intelektwal. Lalong ibinukas ang kanyang merkado sa dayuhan.

Sa panahong ito, nais na rin ng China na mag-transisyon mula sa pagiging ekonomyang nakabatay sa manupaktura tungo sa pagiging ekonomyang nakabatay sa inobasyon. Pinalarga ang malaking hakbanging ito ng sariling (domestically-owned) IP

(De Jonge). Nakapagpapasigla sa inobasyon ang pagkilala sa pag-aaring intelektwal.

Pinagagalaw ng China ang kanyang mga rekurso para sa mga pinaprayoridad na mga sektor ng teknolohiya at sa research and development. Mas madali niyang nagagawa ito dahil sa kanyang command economy. Nailalaan ng estado ang malalaking subsidyo, may pinag-isang set ng mga regulasyon, at proteksyong ibinibigay sa mga kumpanyang

Factory workers sa China. cnn com

Pinagagalaw ng China ang kanyang mga rekurso para sa mga pinaprayoridad na mga sektor ng teknolohiya at sa research and development. Mas madali niyang nagagawa ito dahil sa kanyang command economy.

foxcon worker sa China.hothardware.com

Page 18: KILUSAN - kpdnorth.weebly.com filesa Balangiga na nuon ay saklaw ang mga bayan ngayon ng Lawaan, Giporlos at Quinapundan. Ikinanlong nila ang pagkubkob sa novena at prusisyon. Nagdamit

18 KILUSAN Disyembre 31, 2018

Tsino at sa mga utak ng inobasyon. Liban pa, napakalawak ng mapagkukunan nila ng mga may talino para sa pagpapaunlad ng teknlohiya.

Ginamit ng estado ang “techno nationalism” bilang motibasyon sa kanilang mga mamamayan, lalo na sa kabataan sa pagpapasulong ng mga inobasyon. Laging ipinaaalaala sa kanila ang “siglo ng panghihiya” o century of humiliation na hindi na dapat mangyaring muli.2 Kaya nga may mga lumitaw na mga kinilalang kumpanya sa buong daigdig na magagaling sa larangan internet tulad ng Tencent at Alibaba, at kinikilala na ang galing ng China sa pagpapaunlad ng supersonic at quantum technologies (Ni).

Nanatiling problema ang pagtalima ng ibang kumpanyang Tsino sa mga tuntunin ng pag-aaring intelektwal. Maliwanag ito sa pagkatalamak ng pamimirata at pamemeke. Gayunman, hindi ang pagnanakaw ng IP ang nagdadala ng mga malalaking pagsulong sa teknolohiya ng China. Ayon kay Professor Paul Goldstein ng

Stanford Law School, iginigiit na ng mga lokal na industriyang may-copyright sa kanilang gubyerno na palakasin ang proseso ng pagpapatupad ng mga batas sa pag-aaring intelektwal sa mga Tsino dahil kinukumpetensya ang mismong produkto nila ng mga mumurahing peke ng mga imported na produkto.

Aroganteng imperyalistang imposisyon ng US sa ekonomyang pinakamabilis na sumusulong

Hindi ang pagnanakaw ng IP ang tunay na

pinuproblema ni Trump at ng mga haligi ng estado ng US. Sa MIC2025 sila naalarma at sa tinataya nilang geopolitical na implikasyon nito sa daigdig. Nag-aalala silang magiging formidable ang China na dati nang may napakalaking sandatahang lakas, magiging industrial-military powerhouse pa. Kailangang biguin nila ito bago pa mangyari.

Pero hindi karakarakang pwedeng gamitan ng gerang may putukan ang China. Tinatangka muna ng US na gasgasin,

pahinain at patupiin ang China sa matinding gerang pang-ekonomya. Kasabay nito ang pangwawasak sa kredibilidad at respeto sa China ng komunidad ng mga bansa.

Nag-anunsyo uli ang White House ng dagdag na 25 % taripa sa mahabang listahan ng mga produktong Chino nuong Abril 3 na agad namang tinumbasan ng China. May inanunsyo uli si Trump nuong Mayo na tinumbasan din ng China. Tulad nung dati, agad nagbabala si Trump na daragdagan niya kapag gumanti ang China. Mayruon uling tinakdang dagdag na taripa si Trump nuong Hulyo 6, umpisa ng pagkakabisa ng naunang itinakdang taripa. Ipinataw ang 25% taripa sa 818 export ng China sa US na may halagang $34 bilyon sabay ang babalang handa siyang patawan pa ang ibang produkto na nagkakahalagang $ 200 bilyon at gagawin pang $300 bilyon kung may ganting aksyon ang China. Oras lang ang nakalipas at inanunsyo ng China ang kanyang ganti. May karagdagang $16 bilyon ng kalakal ang may taripa epektibo sa katapusan ng Hulyo.

Nag-usap ang mga kinatawan ng US at China sa Beijing nuong unang linggo ng Mayo, ilang linggo bago ang unang takdang pagkakabisa (Hunyo 22) ng executive memorandum ni Trump laban sa

(H)indi karakarakang pwedeng gamitan ng gerang may putukan .... Tinatangka muna ng US na gasgasin, pahinain at patupiin ang China sa matinding gerang pang-ekonomya, kasabay ang pangwawasak sa kredibilidad at respeto sa China ng komunidad ng mga bansa.

Intelligent workshop ng isang sportswear company sa Jinjiang, sa Fujian Province sa southeast China. (XINHUA)

US Trade Representative Robert Lighthizer sa isang pagdinig sa US Senate, July 26, 2018. Reuters

Page 19: KILUSAN - kpdnorth.weebly.com filesa Balangiga na nuon ay saklaw ang mga bayan ngayon ng Lawaan, Giporlos at Quinapundan. Ikinanlong nila ang pagkubkob sa novena at prusisyon. Nagdamit

19 Disyembre 31, 2018 KILUSAN

Marami ang bumabatikos sa US sa paglulunsad nito ng trade war. Maraming negatibong

implikasyon ito hindi lang sa China kundi maging sa ekonomya ng buong mundo, kasama na ang US mismo. Nagbabala ang mismong ang managing director ng International Monetary Fund na si Christine Lagarde na may mga malalang negatibong epekto sa ekonomya ang mga taripang ipinataw.

Umangal maski ang mga kaalyado ng US sa Europe sa pagpapataw ng US ng mga taripa. Labing anim na beses na sinampahan ng kaso ang US ng siyam na trading partners, na kinabibilangan kapwa ng mga kaalyado at hindi, sa ilalim ng sistema ng pag-aayos ng gusot ng WTO. Mas marami sa mga nagreklamo ang matagal nang kaalyado kabilang ang Japan, South Korea, EU, Canada at Norway) at mga hinahabul-habol (sinusuyo) na mga kapartner tulad ng India at Vietnam. Nangunguna ang Canada, ang pinakamalaking exporter ng bakal sa US at ginamitan din ng trade war ni Trump (restriksyon sa lumber export ng Canada) dahil sa mga restriksyon ng Canada sa export na produktong dairy ng US, sa pagsampa ng kaso laban sa US habang ang lahat sa siyam na ito ay nagkanya-kanya sa pagtatakda ng ganting taripa sa mga kalakal ng US na umaabot ng US$ 100 bilyon.

Liban sa mga pagsasampa ng kaso, nagbabala ang relatibong malalaking trading partners ng ganti sa mga taripa ng US at iba pang hakbang para proteksyunan ang sariling ekonomya tulad ng pagkakalas sa dolyar, pagkalas sa pang-ekonomyang komitment, pag-iipon ng ginto atbp.

Tumututol sa trade war maski ang mga prodyuser ng US mismo. Marso pa lang sumulat na ang 45 trade groups kay Trump na kumakatawan sa lahat ng produkto (mula industriyang high tech hanggang sa nagtitinda ng damit at importer ng mga parte ng sasakyan sa nuo’y planong mga taripa sa China. Tinukoy nilang ang imposisyon ng malawakan taripa ay “magpapasimula ng chain reaction ng mga negatibong resulta para sa ekonomya ng US.” Inihapag ni Senator John Thune

(S.D.) nuong Hunyo na “bumababa na ag presyo ng mais, trigo, karneng baka at karneng baboy … dahil sa kasalukuyang mga patakaran sa kalakalan.” Samantalang sinabi naman ni Sen. Charles E. Grassley (Iowa), “minamasdan nating nag-umpisa nang bumagsak ang pamilihan ng soya” dahil sa problema ng trade war (Milbank).

Nag-aalala maging ang mga nasa industriya ng behikulo. Isang halimbawa ang mga opisyal at naninirahan sa Spartanburg City sa South Carolina, kinaruruonan ng pinakamalaking planta ng BMW sa US. Nag-iempleyo ito ng 10,000 manggagawa, nakakagawa ng 370,000 mamahaling sasakyan kada taon at nag-iexport ng 80,000 piraso sa China tauon-taon. Sa batas ni Trump na nag-uutos na dapat gawang US ang gagamiting mga bahagi ng mga sasakyan, namumroblema na sila sa itataas sa presyo ng mga sasakyan nila. Tinataya ring lubhang liliit ang kanilang benta sa China ng mga sasakyan bunga ng trade war at dahil dito, mangangailangang liitan nila ang produksyon at mag-lay-off sila ng mga manggagawa.

Maliwanag na mismong ang unemployment na ayon kay Trump ay target lutasin ng kanyang mga hakbangin ay pinalalala pa ng trade war. Pero desidido ang pamahalaang Trump na ituloy ito sa kabila ng mga negatibong epekto nito sa produksyon, sa kalakalang pandaigdig at sa kakayahan ng mga karaniwang konsumidor. Lalong malinaw na para kay Trump at sa mga haligi ng estado ng US, mas malaking usapin kaysa kalakalan at kabuhayan ng mamamayan ang pananatili ng dominansya ng US.K

Ayaw sa Trade War

BMW Spartanburg Complex, NC. US. automotive news

Page 20: KILUSAN - kpdnorth.weebly.com filesa Balangiga na nuon ay saklaw ang mga bayan ngayon ng Lawaan, Giporlos at Quinapundan. Ikinanlong nila ang pagkubkob sa novena at prusisyon. Nagdamit

20 KILUSAN Disyembre 31, 2018

China. Ihinarap ng panig ng US ang kanilang draft framework.

Malamang na sa taya ng team sa komersyo ni Trump, bibigay ang China dahil mas ito ang masasaktan sa trade war. Bagama’t lumalakas na ang panloob na komersyo, pag-i-eksport pa rin ang pangunahing nagdadala ng ekonomya nito. Halimbawa na lamang, nuong isang taon, nagkakahalaga ng US$ 505 bilyon ang in-import ng US na mga kalakal mula China, samantalang US$ 130 bilyon lamang ang halaga ng kalakal na inimport ng China sa US. Kapag pinatawan na ng US ang $200 bilyon halaga ng kalakal ng China, wala nang gagantihan pa na katumbas na halaga ng taripa ang China.

Pero sobrang taas ng arogansya ng US sa kanyang balangkas. Halos itinakda na ng US ng hangganan ang pagpapaunlad ng China ng kanyang teknolohiya. Parang kolonya ng US ang China sa kanyang pag-uutos na dapat ay wala siyang restriksyon sa akses sa pamumuhunan sa China samantalang maraming mga restriksyon ang US sa China. Panghihiya (humiliation) ang pagtatakdang siya ang magsusuri kung umaalinsunod ang China sa kanilang gusto at sila ang

magpapataw ng parusang taripa at iba pang restriksyon habang pinagbabawalan ang China na dumulog sa WTO at gumanti.

Tulad ng dapat asahan sa isang soberano at malakas at malaking bansa, hindi matatanggap at hindi nga tinanggap ng China ang sobrang panghihiya at panggugulang na ito ni Trump. At anuman ang pakahulugan ng China ngayon sa salitang sosyalista, hindi ito papayag na basta na lamang hahadlangan ang plano nitong maabot ang pinapangarap na “isang modernong bayang sosyalistang maunlad, malakas, demokratiko, abante sa kultura at nagkakasundo” (a modern socialist country that is prosperous, strong, democratic, culturally advanced and harmonious) sa 2049 na inilahad sa mga dokumento ng Partido Komunista ng China at gubyernong Tsino nuong 2015.

Bantayan ang eskalasyon ng gerang ito

Malalim ang dahilan ng trade war na itinulak

ng US pangunahin laban sa China. Hindi nga ito tungkol lang sa pagnanakaw ng IP at cyberspying ng China. Disenyo ng paghawak ng kapangyarihan sa daigdig ang gumagalaw sa National Security Strategy ng US. Inaatake ng US

ang lahat ng bayang humaharang sa pagpapanumbalik ng lakas at kapangyarihan ng US. China ang nangunguna.

Gerang pang-ekonomiya at paghihiwalay (isolation) ang una sa parada. Kapag hindi nadala, isasabak na ang mga missile, tangke, at eroplanong pambomba.K

Sanggunian:www.bea.gov/newsreleases/international/trade/2018/pdf/trad1217.pdfWei, Shang-Jin. Why Made in China 2025 should scare Donald Trump less than those betting on Chinese tech dominance. South China Morning Post. June 27, 2018 https://www.scmp.com/comment/insight-opinion/article/2152674/why-made-china-2025-should-scare-donald-trump-less-thoseGoldstein, Paul. Intellectual property and China: Is China stealing American IP. April 10, 2018 on line https://law.stanford.edu/2018/04/10/intellectual-property-china-china-stealing-american-ip/Long, Guoquiang. China’s Policies on FDI: Review and Evaluation.Pdf De Jonge, Alice. Why China is a leader in intellectual property (and what the US has to do with it). The Conversation Au. March 26, 2018 on linehttp://theconversation.com/why-china-is-a-leader-in-intellectual-property-and-what-the-us-has-to-do-with-it-93950Ni, Adam. China’s quest for techno-military supremacy. The Conversation Au. May 6, 2018. On line. https://theconversation.com/chinas-quest-for-techno-military-supremacy-91840Reuters. Japan, Russia, Turkey response to U.S. tariffs hits $3.5 billion. Asahi Shimbun. May 23, 2018US trade groups warn against higher tariffs. March 19, 2018. DW Made for Minds. On line https://www.dw.com/en/us-trade-groups-warn-against-higher-tariffs/a-43033935Dana Milbank. Trump says trade wars are ‘easy.’ Here come the first American casualties.June 20, 2018. The Washington Post. https://www.washingtonpost.com/opinions/trump-says-trade-wars-are-easy-here-come-the-first-american-casualties/2018/06/20/659c49e2-74cd-11e8-805c-4b67019fcfe4_story.html?noredirect=on&utm_term=.7193edd1279d&wpisrc=nl_most&wpmm=1Endnotes)

1 Ang MIC2025 ay isang 10-taong planong naglalayong paikliin ang agwat ng galing sa hightech ng Kanluran sa China at bawasan ang pag-asa ng China sa teknolohiyang imported. Ang sampung larangang tinukoy na prayoridad ay ang robotics, new generation information technology, aviation and aerospace equipment, maritime equipment and high-tech ships, railway transport, new energy and energy saving vehihicles, energy equipment, agricultural equipment at new materials, biopharma and high-tech medical devices. Isinapubliko ang plano nuong mayo 2015 bilang unang bahagi ng lampas 30 taong programa para maging napakamaunlad na bayan ang China.

2 Ang “Siglo ng Panghihiya” ay ang panahon mula 1839 hanggang 1949. Sa panahong ito, isinagawa ng mga kapangyarihang kanluranin, tulad ng Britain, France at Germany at ng bagong kapangyarihang Japan ang interbensyon at panggigera sa China. Lumaban man ang hukbo ng mga dinastiyang Chino, natalo sila at naisagawa ng mga dayuhang kapangyarihan ang kanilang mga balakin sa China.

Sa pagitan na halos 40 metro na lamang, halos magsalpok na ang Arleigh Burke-class destroyer USS Decatur at ang Type 052C Luyang II-class destroyer Lanzhou ng Chinese People’s Liberation Army sa isang tensyuna-dong maniobra ng mga barkong pangera ng dalawamg bayan sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea, Setyembre 30, 2018. cnn.com

Page 21: KILUSAN - kpdnorth.weebly.com filesa Balangiga na nuon ay saklaw ang mga bayan ngayon ng Lawaan, Giporlos at Quinapundan. Ikinanlong nila ang pagkubkob sa novena at prusisyon. Nagdamit

21 Disyembre 31, 2018 KILUSAN

Malakas ang tulak ng mga negosyante, lalo ng US, na mag-usap ang mga nauukol

na opisyal ng US at China para ayusin ang gusot sa kalakalan, makaraan ang pagbwelo ng Trade War nuong Hulyo, 2018. Walang inabot ang pagtatangkang mag-usap nuong Agosto. Kinansela ng China ang pakikipagharap nuong Setyembre. Mula nuon, nakapako na sa pagkikita nina President Donald trump at President Xi Jin Ping sa G20 Summit sa Buenos Aires ang pag-uusap tungkol sa gerang pangkalakalan. Natuloy ang pag-uusap ng dalawang presidente, Disyembre 1, ikalawang araw ng summit sa Argentina. Nagkasundo

silang magkaruon ng 90 araw na “tigil-putukan.” Ngunit imbes na paghupa ng trade war, may mga hakbangin pang nagpatindi ng di-patitiwalaan.Pinabwelong labanan sa taripa at iba pang porma ng panggigitgit

Dalawang beses pang nagdeklara ng pagpapataw ng taripa si Trump sa mga

produktong iniexport sa US ng China. Ipinataw ng US at China sa isa’t isa nuong Agosto 23 ang mapamarusang 25% taripa sa halagang $16 billion ng produkto ng isa’t isa. Kasabay nito, pormal na naghapag ng reklamo ang China laban sa US tungkol sa mga taripa.

Nag-anunsyo muli si Trump ng taripa sa halagang $200 bilyong produktong Tsino nuong Setyembre 17. Ipinataw ang 10% taripa sa mahigit 1,000 produktong Tsino kabilang na ang mga produktong pangkonsumo tulad ng

Ang Inabot na (Disyembre 2018) ng Trade War ng US Laban China:

Higit pa sa Patawan ng TaripaNi MMLaurinaria

Sina US president Donald Trump at Chinese president Xi Jinping, kasama ang kanilang mga tagapayo sa isang working dinner sa pagtatapos ng G20 leaders’ sum-mit saBuenos Aires, Argentina. Larawan: Kevin Lamarque/Reuters

Page 22: KILUSAN - kpdnorth.weebly.com filesa Balangiga na nuon ay saklaw ang mga bayan ngayon ng Lawaan, Giporlos at Quinapundan. Ikinanlong nila ang pagkubkob sa novena at prusisyon. Nagdamit

22 KILUSAN Disyembre 31, 2018

electronics, bisekleta, gulong at mwebles. Nagkabisa agad ang 10% taripa nuong Setyembre 24 at nakatakdang tumaas sa 25% sa Enero 1, 2019. Nagbanta si Trump na lulubusin niya ang pagpataw ng taripa para saklawin ang halos buong halaga ng exports ng China sa US kapag gumanti ang China. Gumanti nga ang China pero sa $60 bilyon lamang ng produktong US. Hindi nito matapatan ng parehong halaga ang US na maliit lamang ang eksport sa China.

Pinsala sa ekonomya

Ang soybeans, Boeing Airplanes at langis

ang tatlong pinakamahahalagang exports ng US sa China. Kinukonsumo ng China ang 63 milyon tonelada ng soybeans kada taon para sa kanilang langis na panluto, tofu, soya milk, at pampakain sa hayop. Sariling produkto ang 14 milyong tonelada at iniimport ang iba pa sa US, Brazil at Russia. Disyembre nuong 2017, mahigit 6 milyong tonelada ang buwanang importasyon ng China ng soybeans sa US.

Agad na tinamaan ang mga nagtatanim ng soybeans at iba pang nasa agrikultura

sa US ng Trade War. Hunyo pa lamang, nag-anunsyo na si Trump ng $12 bilyong pantulong sa maaapektuhan ng ganting taripa ng China sa soya, mais, trigo at iba pang produktong agrikultural.

Ininda na ng mga magsasaka ang epekto pagpasok ng Hulyo. Bumaba na ang presyo ng beans at karneng baboy. Sa huling linggo ng Hulyo, mahigit 2.5 bilyong libra ng karne at manok na produkto ng mga magsasakang US ang nakatambak sa cold storage warehouses dahil hindi na maibiyahe pa-China. Mula Hulyo hanggang Nobyembre 2018, hindi na sumasampa sa 500,000 tonelada ang iniimport ng China na soybeans mula US (pangunahin mula sa North Dakota, Illinois, Ohio at Nebraska).

Sinuspinde ng Unipec, ang bisig ng Chinese Oil Corporation, ang pag-import ng krudo sa US, ayon sa ulat ng Reuters, Agosto 3. Umangal naman ang mga gumagawa ng sasakyan at mechanical tools dahil sa mas mahal na presyo ng asero at aluminyo na eksport ng China na nagreresuta naman sa mas mataas na presyo ng kanilang produkto.

Nuong ipagpaliban ang paglulunsad ng pagtatransporma ng 11 syudad sa “Greater Bay Area” sa pagiging “Silicon Valley” ng China, Agosto, inamin ng gubyerno na bahagi lang ang trade war sa pagkakaantala.

Pero hindi na matanggihan ang epekto sa ekonomya sa kalahatan mula Oktubre at lalo na nuong Nobyembre. Lumiit nang 92% sa unang siyam na buwan ng 2018 ang pamumuhunan ng China sa US. Bumagsak sa US$2.67 bilyon ang halaga ng Chinese Mergers and Acquisitions (M&A) sa US sa unang tatlong kwarto ng 2018 na umabot ng US$34.4 bilyon sa parehong panahon sa taong 2016.

Sinabi ni Brock Silvers, managing director ng Kaiyuan Capital na nakabase sa Shanghai,

“China’s economy is slowing, its currency weakening, and the trade regime is faltering,” at “This doesn’t indicate a broad foundation for aggressive international expansion. Beijing has also made it difficult to finance offshore deals (He).”

Nagpatibay ang economic figures sa buwan ng Nobyembre sa pangangailangang maglatag ng mas mga epektibong estratehiya kung paano makakapagpalaki sa kabila ng trade war. Tinamaan na ng trade war ang produksyong

Paulit-ulit na inakusahan ng US ang China ng pagnanakaw ng intellectual property lalo na ng teknolohiya

Magsasaka ng soybeans sa US habang inihahanda ang lupa sa pagtatanim. bloomberg.com

MD Anderson Cancer Center, Houston, Texas, USA. Isa sa mga kinikilalang sentro ng pag-aaral sa kanser sa US na may regular na talents exchange sa China. san antonio express news

Page 23: KILUSAN - kpdnorth.weebly.com filesa Balangiga na nuon ay saklaw ang mga bayan ngayon ng Lawaan, Giporlos at Quinapundan. Ikinanlong nila ang pagkubkob sa novena at prusisyon. Nagdamit

23 Disyembre 31, 2018 KILUSAN

industriyal, ang tantos ng paglaki ng export, ang pamumuhunang panlabas, ang panloob na paggastos ng konsyumer at ang bentahan ng sasakyan. Tinatayang hindi ito makakarekober hanggang ikalawang kwarto ng 2019. Ang nais ng Politburo ng Communist Party ng China ay mai-estabilisa ng ekonomya at maitatag ang isang makapangyarihang merkadong panloob sa susunod na taon para mapangibabawan ang mga epekto ng mga panlabas na kawalang katiyakan mula sa trade war.

Non-tariff na paraan ng panggigitgit sa kalaban

Dahil nakatanaw sa long-term gain ng

US, lalong ginigitgit ng US ang China sa iba’t ibang paraan labas sa pagpapataw ng taripa upang madagdagan ang pressure at sumuko ito sa Trade war.

Paulit-ulit na inakusahan ng US ang China ng pagnanakaw ng intellectual property lalo na

ng teknolohiya. Kaugnay nito, mabilis na pinalawak ng US ang mga restriksyon sa US-China scientific, technological and talent exchanges. Halimbawa, sa MD Anderson Cancer Center sa Houston, sinimulan na ang pagtatanggal ng mga iskolar na Tsino mula sa listahan ng Thousand Talents Plan. Sa Texas Tech University naman, umikot ang isang sulat kamakailan lang na nag-aalerto sa staff na dapat iladlad sa nauukol na awtoridad ng unibersidad ng mga kalahok sa ugnayang Tsino, Iranian, o Russian talent programs, kasama na ang Thousand Talents Plan ang kanilang koneksyon dito.

Hindi na lang Russia ngayon ang inaakusahang nakikialam sa eleksyon sa US. Inakusahan ni Vice President Michael Pence ang China nuong Setyembre ng pangangampanya para impluwensyahan ang opinyong publiko lalo na tungkol sa eleksyon sa taong 2018 hanggang eleksyon sa 2020. Sinegundahan ni Trump

nuong huling linggo ng Setyembre na bumili ang China Daily ng advertising supplement ng Des Moines Register, ang pinakamalaking pahayagan sa estadong agrikultural ng Iowa dahil, target diumano ang mga botante, pinatingkad dito ang epekto ng taripa sa mga magsasaka ng soybeans. Buti na lang at mismong ang kalihim ng US Homeland Security, Kirstjen Nielsen, ang naglinaw sa isang pagtitipon tungkol sa cybersecurity nuong Oktubre 1 na walang ebidensyang nagpapatunay na pinapakialaman ng China ang prosesong electoral sa US (Churchill).

Tulad ng karaniwang ginagawa ng US, ginamit nito ang sanctions sa military ng China matapos na bumili ng armas mula sa Russian supplier ang isang contractor ng estado ng China. Agad na gumanti ang China sa pagbawi ng permiso sa isang barko ng US Navy na magdaong sa Hongkong.

Sinabi ni US Commerce Secretary Wilbur Ross nuong Oktubre 5 na maaring ipakita nila ang lakas ng kanilang impluwensya sa iba pang trading partners para i-presyur pa lalo ang China na magbukas ng mga merkado nito. Ipinagmalaki niya ang “poison pill provision” sa kabubong US-Mexico-Canada Agreement (USMCA). Ayon sa kanya, kung mapapipirma ang EU at Japan sa katulad na prubisyon, ganap na makakahanay sila sa Washington sa pagdaragdag ng

Para hamunin ang ambisyon ng China na maging isang technological superpower alinsunod sa programang Made in China 2015, dinagdag ng US Department of Commerce sa export control list ang 44 kumpanya at Institusyong Tsino dahil “signipikanteng banta,” ang mga ito sa pambansang seguridad

Golden Dragon Precise Copper Tube Group factory saWilcox, Alabama., isa sa higit na dumadaming korpora-syong Tsino sa US. Larawan: Ye Xie/Bloomberg

toonpool.com

Page 24: KILUSAN - kpdnorth.weebly.com filesa Balangiga na nuon ay saklaw ang mga bayan ngayon ng Lawaan, Giporlos at Quinapundan. Ikinanlong nila ang pagkubkob sa novena at prusisyon. Nagdamit

24 KILUSAN Disyembre 31, 2018

presyur sa China para sa mga mayor na pagbabago sa mga patakarang pang-ekonomya (Lawder and Freifeld).

Sinasagkaan ng US ang WTO sa pag-aksyon sa apila ng China sa pagtutol nitong punuan ang mga bakanteng pwesto ng appellate judges. Nuong Agosto, nagbanta pa si Trump na aalis ang US sa WTO. Nuong Nobyembre, nagmungkahi naman and isa sa mga pinakamataas na economic advisers ni Trump, Kevin Hasset, na patalsikin sa WTO ang China.

Para hamunin ang ambisyon ng China na maging isang technological superpower alinsunod sa programang Made in China 2015, dinagdag ng US Department of Commerce sa kanilang export control list ang 44 kumpanya at Institusyong Tsino nuong Agosto 1 dahil “signipikanteng banta,” diumano, ang mga ito sa pambansang seguridad o foreign policy interests. Lilimitahan ng US controls ang access ng mga entidad na iyon sa mga produktong sa tingin ng US Commerce Department ay maaaring may silbing militar at sibilyan at ipagkakait sa kanila ang mga susing spare parts tulad ng mga materyal na nukleyar, gamit sa telecom, mga laser at

sensor.Samantala, naobserbahan

naman ng mga nagpapatakbo ng mga planta o pabrikang pag-aari ng US sa China ang pagdalas ng inspection. Ayon sa AmCham, mahigit kalahati ng mga kumpanyang US ang nagsabing naranasan nila ang pagdami ng non-tariff barriers sa China sa mga nakaraang buwan, kabilang na ang pagdami ng mga inspeksyon at mas mabagal na pagbibigay ng clearance sa customs. Nagpapalaki ng gastos o nagbabawas ng benta ang napakahabang pagkakaantala ng proseso ng clearing sa customs

Legal na katusuhang pang-ekonomya

Sa araw ng pag-uusap nina President Trump

at Xi Jinping sa Buenos Aires, isinagawa ng mga pulis ng Canada, ang isa pang non-tariff na pangigitgit sa China. Sa pakiusap ng Kagawaran sa Hustisya ng US, inaresto si Sabrina Meng Wanzhou, chief financial officer ng Huawei at anak ng tagapagpundar ng Huawei na si Ren Zhengfei dahil diumano sa paglabag ni Meng sa sanctions ng US sa Iran.

Inaangat na ang nibel ng labanan. Bihi-bihirang arestuhin

ng US ang mga nakatataas na opisyal ng mga kumpanya sa negosyo para panagutin sa mga inaakusang krimen ng kanilang mga kumpanya. Karaniwang inaaresto ang mga manedyer ng korporasyon dahil sa kanilang mga personal na krimen tulad ng paglulustay, panunuhol o karahasan. Ayon kay Jeffrey Sacks sa sinulat niyang Meng arrest a huge provocation to China, December 11, 2018, maraming mga kumpanya ng US at ng ibang bayan ang lumabag sa sanctions ng US sa Cuba at Iran pero pinatawan sila ng fines, hindi inaresto.1

Inaresto naman, Disyembre 10, ng China si Michael Kovrig, dating vice-consul ng Canada sa China at ngayo’y Northeast Asia senior adviser ng NGO na anti-war at non-profit na International Crisis Group, dahil sa suspetsang sangkot ito sa mga aktibidad na nagsasapanganib ng seguridad ng China. Inaresto ang isa pang negosyanteng Canadian, si Michael Spavor. Hindi man sinasabi ng China na ganting aksyon ang pang-aaresto kina Kovrig at Spavor sa pagkakaaresto kay Meng Wanzhou, marami ang naniniwalang kabilang ito sa “mabibigat na konsekwensya” na binitiwang babala ni Vice-Foreign Minister Le Yucheng sa gubyerno ng Canada sa pang-aaresto sa opisyal ng Huawei.

Napakanipis ng pag-asang ibinunga ang pag-uusap nina Trump at Xi sa Argentina.

Boeing airplanes assembly sa Everett, Washington. Isa ang Boeing airplanes sa mga nangungunang ekxport ng US sa China. the austin company

Meng Wanzhou. Pinayagan nang magpyansa ng isang huwes sa Vancouver si Meng, Huawei chief financial officer na inaresto sa Canada, Disyembre 12, kahit pa itinuturing siyang flight risk. Patuloy na sumasama ang Chinese-Canadian relations dahil sa pagkakaaresto kay Meng. DW.com

Page 25: KILUSAN - kpdnorth.weebly.com filesa Balangiga na nuon ay saklaw ang mga bayan ngayon ng Lawaan, Giporlos at Quinapundan. Ikinanlong nila ang pagkubkob sa novena at prusisyon. Nagdamit

25 Disyembre 31, 2018 KILUSAN

Sa wari, hindi rin kaugnay ng gerang pangkalakalan ng US sa China ang pagkakaaresto kay Meng Wanzhou kundi sa problema ng US-Iran. Pero, matagal-tagal nang pinag-iinitan ng US ang Huawei. Ito ang bumabandilang kumpanya sa IT sa China at pumapangalawa sa Samsung sa bentahan sa daigdig. Madiin si Trump sa pagpigil sa pagbangon ng China bilang isang kapangyarihang teknolohikal at inuugnay ito sa pambansang seguridad.

Pinag-iinitin lalo ng mga ahensya ng intelligence ng US ang Huawei. Nahihirapan sila na i-hack ito at i-intercept ang komunikasyon dahil sa ginagamit nitong naiibang sistema ng pagkokoda (Dinucci). (Kaya nga, Huawei ang ginagamit ng mga gubyerno at secret services para hindi sila matiktikan.) Samantala, pinayuhan ng US ang ilang mga bansa laban sa pakikipagkasundo sa Huawei kaugnay ng pagpapaunlad ng 5G wireless service networks nila at baka nakukuha ng Chinese intelligence ang mga mensahe lalo’t ang nagtatag ng Huawei ay dating engineer sa People’s Liberation Army. Isinara na ng Five Eyes2 ang kanilang mga bayan sa Huawei.

Ang prospek ng mapayapang paglutas

Napakanipis ng pag-asang ibinunga ng

pag-uusap nina Trump at Xi sa Argentina. Sumang-ayon si Trump na isuspinde sa loob ng tatlong buwan ang planong taasan ang taripa ng mga produktong Tsinong nagkakahalaga ng $200 bilyon sa Enero 1, 2019. Sumang-ayon si Xi na bumili ng may kalakihang dami ng produktong agrikultural, enerhiya at industriyal ng US nang mapaliit ang $375 bilyong depisit ng US sa kalakalan sa China.

Agad na binura ang manipis na pag-asang ito ng pag-aangat ng labanan sa pang-aaresto at ng tangka ni Trump na gamitin si Meng Wanzhou na parang ransom sa pagtamo ng tagumpay

ng trade war. Sa kabila ng pag-import

ng China, ikalawang linggo ng Disyembre ng 2 milyong tonelada ng US soybeans at pagbabawas nito ng taripa sa kotseng gawa ng US epektibo sa loob ng tatlong buwan, alinsunod sa diwa ng kasunduan sa “tigil putukan,” malabo pa ring matapos ang trade war na ito.

Hindi basta pagbubukas ng merkado ng China at pagpapairal ng batas ang nais ng US sa China. Hindi ito titigil, trade war man o gerang may putukan, hangga’t banta ang China sa kanyang paghahari sa mundo. K

(Endnotes)

1 Mula sa artikulo ni Jeffrey Sacks: “In 2011, for example, JPMorgan Chase paid US$88.3 million in fines for violating US sanctions against Cuba, Iran and Sudan. Yet chief executive officer Jamie Dimon wasn’t grabbed off a plane and whisked into custody.

“And JPMorgan Chase was hardly alone in violating US sanctions. Since 2010, the following major financial institutions paid fines for violating US sanctions: Banco do Brasil, Bank of America, Bank of Guam, Bank of Moscow, Bank of Tokyo-Mitsubishi, Barclays, BNP Paribas, Clearstream Banking, Commerzbank, Compass, Crédit Agricole, Deutsche Bank, HSBC, ING, Intesa Sanpaolo, JP Morgan Chase, National Bank of Abu Dhabi,

National Bank of Pakistan, PayPal, RBS (ABN Amro), Société Générale, Toronto-Dominion Bank, Trans-Pacific National Bank (now known as Beacon Business Bank), Standard Chartered, and Wells Fargo.”

2 Ang Five Eyes ay isang alyansa sa paniniktik ng mga bayang English ang salita: Australia, Canada, New Zealand the United States, and the United Kingdom. Ayon kay Edward Snowden, ang Five Eyes ay “isang supra-national na organisasyon sa paniniktik na hindi nananagot sa mga kinikilalang batas ng mga sariling bayan.” Nag-umpisa ito nuong WWII, ginamit nang husto nuong Cold War, nagdiin sa paniniktik sa world- wide-web kaugnay ng gera laban sa terorismo mula 2001 at ngayo’y nagmomonito sa bilyun-bilyong pribadong komunikasyon sa buong daigdig. Batay sa mga dokumentong pinalusot ni Snowden nuong 2013, Iniispiyahan ng Five Eyes ang kanilang mga mamamayan citizens at nagpapalitan ang mga ito ng nakolektang impormasyon para sikutan ang mga pagbabawal ng mga regulasyong pangbayan tungkol sa pagsusubaybay sa kanikanilang citizens.

References:

He, Laura. Chinese investments in the US shrink 92 per cent as deals come under greater scrutiny amid trade war. SCMP. October 3, 2018 Churchill, Owen, As US turns up heat on China, trade war moves beyond tariffs to new battlefronts. SCMP October 5, 2018 Lawder, David and Freifeld, Karen. U.S. may push Japan, EU not to strike trade deals with China: Ross. japantoday.com, October 6, 2018 Dinucci Manlio. Behind the US attack on Chinese Smartphones. Voltaire Network. December 5, 2018

Hindi basta pagbubukas ng merkado ng China at pagpapairal ng batas ang nais ng US sa China. Hindi ito titigil, trade war man o gerang may putukan, hangga’t banta ang China sa kanyang paghahari sa mundo.

the economic times

Page 26: KILUSAN - kpdnorth.weebly.com filesa Balangiga na nuon ay saklaw ang mga bayan ngayon ng Lawaan, Giporlos at Quinapundan. Ikinanlong nila ang pagkubkob sa novena at prusisyon. Nagdamit

26 KILUSAN Disyembre 31, 2018

Padyak sa PedikabAnim sa sampung paggawa sa Pilipinas ay nasa sektor ng serbisyo kabilang ang trabahong para-paraan

Sarili ni Mang Efren Patricio, 59 ang ipinapasadang pedikab sa loob at labas ng tinitirhang

Northville 3 Resettlement sa Bayugo, Meycauayan City, Bulacan. Kaya hindi niya kailangang magtabi ng P50- P70 na boundary sa 12 oras bawat araw na pasada (6 am hanggang 6 pm ). Pinakamalaki na niyang arawang kita ang 500. Pero ang karaniwan ay P300. Pagkakasyahin niya ito sa pangangailangan nilang mag-asawa at limang nag-aaral na mga anak.

May araw din naman ng dyakpat ‘eka nga kapag may baha at sumasabay ang ulan sa high tide (malapit sa bunganga ng Manila Bay ang Ilog Meycauayan na umaaapaw hanggang Northville 3), mas marami ang pasahero na dating naglalakad lamang ang papara ng pedikab dahil hindi maaaring lumusong sa baha. Kapag ganito, halos doble ang kita. Pero ang malungkot, lubog din ang kanyang inuupahang bahay sa baha.

ISA LAMANG SI MANG EFREN sa myembro ng PODA (Pedikab Operators and Drivers Association) sa Bayugo. Sa kanilang samahan, regular siyang nagbabayad ng P1,500 taunang membership fee para sa pilahan, maliban pa sa mga bayarin sa permit ng kanyang pedikab mula sa city hall.

Nainterbyu ko si Mang Efren, isang araw na break time niya sa ginagawang bahay bilang katuwang na kantero, para alamin ang epekto ng TRAIN sa katulad niyang pedicab driver.

“Mag sisisenta anyos na ako sa isang taon at pinasok ko na ang lahat ng trabaho mula nang ako ay desisais— pahinante sa grocery, piyon sa construction, hanggang maging opereytor ng prodyektor sa sinehan sa loob ng 23 taon, pero mahirap, o sa pinakamainam ay hanggang

karaniwan lamang ang aking buhay,” sabi ni Meng Efren.

Saka niya inisa-isa ang arawang gastos para sa kanyang pamilyang may 6 na myembro: 100 pisong almusal na tinapay at kape; 130 pisong baon sa eskwela ng limang anak (ikalawang pamilya niya ito mula ng mabyudo sa pagkamatay sa panganganak ng unang asawa); 224 piso para sa bigas at ulam sa tanghalian at hapunan; 75 piso sa meryenda ng mga bata. Maliban pa sa buwanang gastos sa ilaw, tubig, gas na panluto at P1,000 upa sa bahay; gayundin sa lingguhang gastos sa sabon, toothpaste, shampoo, dishwashing liquid at iba

sining at Kultura

Ni Rodelio Faustino

phili

ppin

e st

ar

Page 27: KILUSAN - kpdnorth.weebly.com filesa Balangiga na nuon ay saklaw ang mga bayan ngayon ng Lawaan, Giporlos at Quinapundan. Ikinanlong nila ang pagkubkob sa novena at prusisyon. Nagdamit

27 Disyembre 31, 2018 KILUSAN

pa. Kailangan pa niyang magtabi ng P25 araw-araw bilang pondo sa repair kapag nasisira ang pedikab o kailangang magpalit ng gulong.

“E Mang Efren, paano kakasya ang P300 na kita mo, o kung P500 ika mo kung sinuswerte sa pasada?” tanong ko.

“Katuwang ko si Misis,” sabi niya. “Araw-araw din siyang nagtatrabaho—nagtitinda ng sariwang itlog, namamasukang tagapagluto ng puto-bumbong sa bayan, nagpa-part-time na katulong kung saan-saan, at kung minsan kapag may tanggap ako sa construction, siya ang pumapasada ng pedikab.”

At parusa ang bagong pagbubuwis na ito gaya ng TRAIN sabi niya. “Dati 50 pesos lamang ang gastos namin sa tinapay at kape sa almusal ilang taon pa lang ang nakakaraan, nadoble na ngayon.” Tinutukoy niya dito ang pagtaas ng presyo ng three-in-one coffee, na agad na tinamaan ng buwis at pagliit pa ng laki at timbang ng tig-dalawang pisong pandesal.

Kaya talagang kapos, sabi pa niya. Hindi sila nawawalan ng bayaring utang sa Muslim at Bumbay na ang patubo ay araw-araw na babayaran.

Sabi ni Mang Efren, “Mantakin mo, kaibigan, yung isang utang ko na P2,000, babayaran ko ‘yon ng 40 pesos araw-araw dahil P20 ang tubo araw-araw sa bawat isang libo. Araw-araw kong babayaran ang P40 na tubo hanggang hindi ko naibibigay nang buo ang nautang na dalawang libo. Umabot sa P7,000 ang nabayaran ko, kung hindi rin lamang tinutulungan ako ng mga anak ko sa una na mabayaran ang prinsipal na two thousand,” umiiling na panghihinayang niya.

Konting diskusyon, at maya-maya pa’y nagpaalam na si Mang Efren, tapos na ang breaktime nya. Balik muna siya sa pagiging kantero.

“Puntahan ka na lang namin uli, Mang Efren, kung may kailanganan pa akong alamin,” sabi ko. Tumango lamang siya, nakipagkamay at nagpaalam na.

Isa si Mang Efren sa halos 40.335 milyong lakas-paggawang Pilipino (National Statistics Office, Labor Force Survey 2017). Tinatayang 6 sa bawat 10 sa lakas paggawa sa Pilipinas ay nasa katulad na katayuan ni Mang Efren, nasa impormal na sektor ng serbisyo at maliitang sariling paraan ng hanapbuhay at walang regular na kita.

Pero hindi lang ang mga katulad ni Mang Efren ang namamangka sa baha ng kawalang katiyakan at seguridad sa hanapbuhay. Sa nagpapatuloy na patakaran sa kontraktwalisasyon sa paggawa, maging ang mga skilled na manggagawa at mga nakabababang propesyunal ay biktima ng kawalang katiyakan sa trabaho, walang regular na kita at kung minsan ay nahuhulog din sa mga trabahong para-paraan.

Sa ganitong klase ng para-paraang hanapbuhay nasadlak ang napakamaraming produktibong lakas-paggawang Pilipino dahil sa ekonomyang binansot pang lalo ng mga neoliberal na patakarang ipinatupad ng malalaking bayang kapitalista at bangko sa daigdig sa atrasadong kliyenteng mga bayan, bilang kundisyon sa kanilang mga tulong at pautang. At anumang mga bagong ipinapataw na buwis ng pamahalaan ay lalong pabigat na kanilang papasanin.K

SONA 2018Ni Dadi Papet

Wala nang sakit si GloriaKumakaway pa sa kameraBago ba liderato ng kamaraPapalakpakan din sa SONA

Isa lang ito sa mga pers taymLegal na ang agarang botohanSesyo’y tinapos nang madalianSabay sumpa ng katapatan

Present sa eksena si PolongKultura ang suot na barongMakapal damit na nakasusonAt baka maaninag ang dragon

Sa labas ang daming nagraraliMga pro’y hinakot daw beshiSamantalang ang mga antiDemonyo susunuging effigy

Lampas na sa takdang orasSona ay hindi pa nag-i-istartTalumpating walang isang orasHumihikab nang mambabatas

Ano ba talaga ang kaabang-abangAng pangako o ang kasinungalinganO postura ng mga kagakang-galangTinulugan, ang sakit kasi sa bangs.K

abs-

cbn

new

s

Page 28: KILUSAN - kpdnorth.weebly.com filesa Balangiga na nuon ay saklaw ang mga bayan ngayon ng Lawaan, Giporlos at Quinapundan. Ikinanlong nila ang pagkubkob sa novena at prusisyon. Nagdamit

28 KILUSAN Disyembre 31, 2018

Nakasilay ng unang liwanag si Ka Rene sa Tabaco, Albay nuong Pebrero 28, 1961, at lumaki, nagkaisip at nagkapamilya sa

Balubad, Nangka, Marikina.Hayskul pa lamang nang lumitaw ang kanyang hilig

sa pagsusulat ng kwento at tula. Sabi ng kanyang ina, lagi itong may tula sa anumang bagay at pangyayaring naoobserbahan.

Dahil kapos, hindi nakayanan ng pamilya na papag-aralin siya ng kursong journalism na kanyang gustong kunin sa kolehiyo. Sa halip, hinikayat siya ng kanyang ina na kumuha ng kursong elektroniks, na hindi naman nagtagal ay hindi na rin niya itinuloy.

Nagduda pa ang kanyang ina sa kanyang dahilan na siya’y nakabasag ng ilaw sa paaralan na dahilan ng kanyang pagkasuya sa pagpasok sa paaralan. Bagay na napatunayan ding totoo, at patunay din na ang hilig niya sa pagsusulat ang talagang interes niya.

Napupuri siya sa kanyang pagkalinga sa magulang at kapatid at sa lakas ng loob na harapin ang mga suliraning pampamilya. Panganay siya sa 7 magkakapatid (Namayapa na rin ang nanay ni Ka Rene, ilang araw lamang matapos na siya ay mailibing).

Sa panahon ng kanyang kabataan, naging bahagi na si Ka Rene ng kilusan na naglatag ng binhi ng makabayang paniniwala at panindigan hanggang sa siya ay naging manggagawa makaraang lisanin ang paaralan.

Taong 1995 nang maging presidente siya ng unyon ng manggagawa sa Rapid Movers, isang forwarding company kung saan siya naging dispatser. Pero makaraan ang ilang taon, dahil sa mga pakikibakang inilunsad ng unyon, tinanggal siya sa trabaho, taong 2000, na naging daan na rin upang kumilos siya nang buong panahon bilang organisador ng manggagawa sa Metro Manila.

Kaagad na naging bahagi siya ng isang institusyong pang-manggagawa na naglulunsad ng pananaliksik,

Ang mga Akda ni Ka Rene Bornilla

(1961-2018)Ni Rodelio Faustino

SA PAGITAN NG DALAWANG MUNDONi Dadi Papet

Naiwan ko ang aking tulaIsinulat sa kapirasong kartonNa magaspangAng pagkakapunit magkabilaNakasabit sa dingdingNa namamagitan sa dalawangMagkabilang mundo:Isang mapag-unawaAt isang mapanghusga.

Kung sino man ang makakita,Pakibasa ng malakas.Mahina itong kakatok,At sana’y maulinigSa magkabila o higit pang panigNg dingding na namamagitanSa dalawa pang magkaibang mundo:Ang mapagkumbabaAt ang mapagmataas.

Pakipunit na rin pagkatapos,Salamat. K

Ori

gam

i cra

ne w

ikip

edia

Page 29: KILUSAN - kpdnorth.weebly.com filesa Balangiga na nuon ay saklaw ang mga bayan ngayon ng Lawaan, Giporlos at Quinapundan. Ikinanlong nila ang pagkubkob sa novena at prusisyon. Nagdamit

29 Disyembre 31, 2018 KILUSAN

edukasyon at serbisyong paralegal hindi lamang sa Metro Manila kundi sa iba pang rehiyon. Sa institusyong ito nahasa si Ka Rene hindi lamang sa pag-unawa sa batas paggawa at paggawa ng pleadings para sa mga kaso, kundi maging sa pagsusulat ng mga artikulo at sulating pampanitikan para sa manggagawa.

Hindi nagtagal, naging kasapi siya ng Workers for People’s Liberation (WPL), ang sentro ng kilusang paggawa ng Kilusan para sa Pambansang Demokrasya (Kilusan), kung saan nahalal siyang secretary general nuong 2006. Nagsilbi siyang organisador ng WPL at isa sa iilang maasahang paralegal ng organisasyon.

Halos lahat ng mga akda niya sa panahong ito ay matiyaga niyang isinulat sa kanyang mga notbuk, sayang nga lamang at natabunan ng putik at hindi na narekober sa bahang dala ng bagyong Ondoy sa kanilang

komunidad sa Marikina nuong 2009.Sa kanyang pagiging lider-organisador

ng WPL, inabot ng kanyang gawain hindi lamang ang mga empresa at komunidad sa Metro Manila kundi maging ang mga lugar ng manggagawa sa Gitnang Luzon. Pinakahuli niyang erya ng gawain ang Bataan Special Economic Zone sa Mariveles, Bataan.

Naging pangulo rin siya ng samahang magkakapitbahay sa kanilang komunidad at nanguna sa mahahalagang proyekto ng organisasyon kabilang ang pagtatayo ng dalawang palapag na multipurpose building na nagsisilbing day care center para sa mga bata sa kanilang lugar at evacuation center na rin kapag may kalamidad. Pinangunahan din niya ang pagbubuo ng isang organisasyong pangkomunidad para harapin ang pananalasa ng kalamidad sa pamayanan.

Mula 2011,naging regular na kontribyutor na sa seksyon ng sining at kultura ng pahayagang Kilusan si Ka Rene. Sa pamamagitan ng kanyang mga tula, kwento at sanaysay, tinalakay niya sa payak ngunit mabisang lengwaheng pangmanggagawa ang mga isyung pang-araw-araw maging mga isyung pulitikal at pambayan. Isa si Ka Rene sa inaabangang awtor ng mga mambabasa ng Kilusan dahil sa bisa at linaw ng kanyang mensahe sa panulat.

Namatay si Ka Rene, Mayo 12, 2018 dahil sa biglaang karamdaman, malaking kawalan siya para sa kilusang manggagawa at mamamayan.

Ilan sa kanyang mga huling akda ang inilathala ng Kilusan bilang pag-ala-ala sa kanya bilang organisador, manunulat, mabuting ama, asawa, anak, kapatid, at masipag na kasama. Pinamagatan ang kalipunang ito na Pag-asa. Mga Tula, Kwento at Sanaysay ng Pakikibaka, ni Ka Rene Bornilla. Isang pagpupugay at pasasalamat sa kanyang walang pagod na pagbabahagi ng kanyang panulat at panahon para sa kilusan ng manggagawa at mamamayan.K

Maaring umorder ng Pag-asa. Mga Tula, Kwento at Sanaysay ng Pakikibaka, ni Ka Rene Bornilla, phamplet, na inimprenta sa pamamagitan ng desktop printing, sa pahayagang Kilusan. P 100/ kopya.

Page 30: KILUSAN - kpdnorth.weebly.com filesa Balangiga na nuon ay saklaw ang mga bayan ngayon ng Lawaan, Giporlos at Quinapundan. Ikinanlong nila ang pagkubkob sa novena at prusisyon. Nagdamit

30 KILUSAN Disyembre 31, 2018

Huy.NI KELVIN VISTAN·

Dika pa ba nagsasawa na matulog,Di ka pa ba nababaogNa pagkasyahin mong tanghalianAng konting bahaw at hamog?

Dika pa ba nagsasawa na matulogDi ka pa ba nababaogNa mag-abang lang at umasaNa tumama ka sa lotto?

Abay gumising ka kaibigan, sampung sampal ba ang kailanganKung takot kang masaktan ay pwede nating paghatian,basta ba ikaw ay maalimpungatan.

Dika pa ba nagsasawa na matulogHindi ka pa ba nababaogNa makinig at pangakuanTuwing Mayo, taon-taon?

Abay gumising ka kaibigan, sampung sampal ba ang kailanganKung takot kang masaktan ay pwede nating paghatian,Basta ba ikaw ay maalimpungatan.

Dika pa ba nagsasawa na matulogDi ka pa ba nababaogKailan ka kaya magigisingMukhang kailangan mo munang mauntog!

Ayaw mo ang makialam mas gamay mong magreklamo,At manisi ng iba kung bakit alila ka ng amo,Na kung bigwasasn ka sa kanan ibibigay mo pa ang kaliwaDahil sa paniniwala na wala ka namang magagawa,Katulad mong nanahimik ang bangkay sa sementeryoHindi mo pansin ang mga sepulturero na sinasagad ka sa pagod Na kahit na buhay ka pa’y isinisiksik ka na sa nitsoMga kamay mo ang nagpayaman at nagpataba sa kanilaHabang sa dulo ni wala ka man lang naipon na pambayad mo ng lapida.Abay gumising ka kaibigan, sampung sampal ba ang kailanganKung takot kang masaktan ay pwede nating paghatian,Basta mag-umpisa ka lang na maalimpungatan. K

Disyembre 7, 2018

epicalyptic

Page 31: KILUSAN - kpdnorth.weebly.com filesa Balangiga na nuon ay saklaw ang mga bayan ngayon ng Lawaan, Giporlos at Quinapundan. Ikinanlong nila ang pagkubkob sa novena at prusisyon. Nagdamit

31 Disyembre 31, 2018 KILUSAN

Butata na humihirit pa.Gusto pang umarangkada ni DOTr Sec.

Arthur Tugade, matapos kumain ng alikabok sa pagdinig sa Senado ang kanilang programang i-phase out na agad-agad ang sa kanila ay luma nang mga dyipni, Oktubre 10, 2018. Ayon kay Tugade, “We shall continue with the (program). No delays, no postponement; let us get this done.”

Hindi naman siya bingi para hindi marinig sa Senate hearing ang malakas na busina ng nagkakaisang mga pambansang samahan ng tsuper at operators ng dyip na kontra sa phaseout.

Suportado ng mga senador ang pusisyon ng mga tsuper na hindi pa napapanahon ang permanenteng pag-garahe ng mga lumang dyipni. Nagkakaisa ang mga senador na hindi masama na maglabas sa lansangan ng mga bagong modelong dyip basta’t kasabay pang papasada ang mga dati, at nasa publiko na ang pagpili kung saan sasakay.

Gayong nangibabaw sa pagdinig sa Senado na hindi pa handa ang bayan sa nasabing PUV modernization, dapat bantayan na tutungo rin sa

phaseout ng dyip kung magpapasya ang Senado na sa halip na tuwirang ibasura ang programa ay pahahabain na lamang mula tatlo tungong limang taon ang transisyon ng DO2017-2011( Omnibus Franchising Guidelines o OFG)—ang order ng DOTr para sa pekeng modernisasyon—para umano makaangkop pa ang sistema sa mga rekisito ng programa. At pwedeng ganito nga ang gawin ng DOTr kalaunan.

Kabilang sa mga rekisitong ito ang Local Public Transport Route Plan (LPTRP) ng LGUs, fleet management o ang pagtatayo ng kooperatibang pansasakyan o korporasyon at pagsurender dito ng mga indibidwal na prangkisa at, pagpapalit ng kasalukuyang mga modelo ng EU 4 compliant sa napakataas na halagang mahigit na P 1.5 milyon bawat yunit. Malinaw na patibong ang itinutulak ng DOTr na pagtatayo ng kooperatiba bilang kondisyon sa pagbibigay ng prangkisa, na lulusaw sa indibidwal na prangkisa at sa esensya ay papawi na mismo sa indibidwal na tsuper at operator at magpapailalim ng modang ito ng transportasyon sa manobela at kontrol ng malalaking korporasyon at bangkong nagpapautang.

Huwag nang ipilit ang hindi pwede

Preno Na Sec. Tugade!Dapat nang ibasura ang pekeng PUV modernization

Page 32: KILUSAN - kpdnorth.weebly.com filesa Balangiga na nuon ay saklaw ang mga bayan ngayon ng Lawaan, Giporlos at Quinapundan. Ikinanlong nila ang pagkubkob sa novena at prusisyon. Nagdamit

32 KILUSAN Disyembre 31, 2018

Walang matinong sagot ang DOTr sa mga tanong sa senado. Wala pa halos nababalangkas na lokal na LPTRP. Nakalilito ang ilan nang karanasan sa implementasyon. Lumalabas na maging ang DOTr ay nakasakay lamang sa tapalodo ng malabong mga depinisyon ng mga rekisito ng programa.

Ang masama pa, nabigyan na ng prangkisa sa isang ruta ng dyip sa Maynila ang isang malaking kumpanya ng bus gamit ang mga sasakyang Mahindra mula sa India. Ikinabwisit ito ni Sen. Grace Poe, dahil ayon nga naman sa programa, mga lokal na prodyuser ang panggagalingan ng mga bagong sasakyan. Nagbanta nang magsasampa ng kaso si Poe sa mga sangkot sa pagpasok ng Mahindra, na nitong nakaraan ay inireklamo sa pagbebenta ng karag-karag na patrol vehicles sa PNP.

Nakastigo rin si Asec Mark de Leon dahil sa kanyang pahayag na hindi dapat ituring na hanapbuhay ang pagiging tsuper ng dyipi. Pagyayabang

niya, "Sa paghingi ng prangkisa, one of the requirements is that you should be financially capable. Mahirap na sasabihin mo na this is a source of livelihood, kasi nga, … binigyan ka ng estado ng prangkisa to operate a public transport service. It should be treated as a public transport service instead of a livelihood business." Pasilip ito sa paniniwala ng mga bosing sa DOTr na hindi importante sa lipunan ang karaniwang mga tsuper ng dyipni.

Hindi ito nalalayo sa kawalan ng pagpapahalaga ng kanilang punong bosing na si Pres. Rodrigo Duterte na nuong nakaraang taon ay nagbantang kung hindi papayag ang mga drayber at operator sa “modernisasyon” ng PUV: “Wala akong pakialam kung mahirap kayo, guguyurin ko yang mga dyip ninyo pagpasok ng Enero (2018).”

Hindi man nangyari nitong nakaraang Enero ang banta ni Duterte, itutuloy pa rin nila ito, kaya ganuon ang hirit at patutsada ni Tugade.

Anuman ang mga pananakot, panunupil at kinakaharap na panggigipit,

tuloy ang byahe ng dyipni, lalo ngayong lumalakas at lumalawak ang mga organisasyong tutol sa phaseout.

Kaya ang panawagan ng mga tsuper: Magpreno ka na Sec Tugade. Pakambyuhin mo na paatras ang DOTr. Tiyaking nakabiyabo sa estribo maging si Pres. Duterte. Dahil kung patuloy ninyong ibabangga sa mamamayan ang mapaminsalang epekto nito sa kabuhayan at serbisyo-publiko, baka isang araw, magulat kayo na nakadikit na ang katawan ninyo sa aspalto matapos sagasaan ng hindi na nakapagtimping kilusan ng mga tsuper at operator, angkas ang kanilang mga mananakay, na kailanman ay hindi na papayag na pagdusahan ang katulad nitong mga programang kontra-mamamayan.

Samahan ng mga Tsuper at Opereytor na Tutol sa Phaseout- Workers for People’s Liberation (STOP-WPL)Oktubre 15, 2018

(Mga larawan mula sa STOP-WPL public launching, Nobyembre 30, 2017 na nilahukan ng ___ mga tsuper mula sa iba’t-ibang bahagi ng Luzon)

Page 33: KILUSAN - kpdnorth.weebly.com filesa Balangiga na nuon ay saklaw ang mga bayan ngayon ng Lawaan, Giporlos at Quinapundan. Ikinanlong nila ang pagkubkob sa novena at prusisyon. Nagdamit

33 Disyembre 31, 2018 KILUSAN

Inilunsad ng Youth for Nationalism and Democracy (YND) sa pakikipagtulungan sa Commission on Human Rights (CHR) noong ika-26 ng Nobyembre,

2018 sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) ang SILAKBO: Sining Laban sa Kumikitil ng Boses ng Mamamayan.

Ito ay kultural na pagtitipon ng kabataan upang ilantad at labanan ang kulturang ipinalalaganap ng kasalukuyang administrasyong Duterte - isang paghaharing nakabatay sa karahasan, pananakot, paglapastangan sa batas, katiwalian at pangingibabaw ng kultura ng kawalang pakundangan o culture of impunity, lantarang kasinungalingan at paglaganap ng maling impormasyon sa social media, pagbaliktad sa kasaysayan, pagyurak sa karapatang pantao at kababaihan, at pag-atake sa malayang pamamahayag.

Naging daluyan ang SILAKBO para talakayin ang tungkulin ng mga kabataang estudyante sa ilalim ng kamay na bakal ng Rehimeng Duterte na desperadong humahakbang para sa absolutong kapangyarihan kaakibat ang mga anti-demokratiko at anti-mamamayang mga patakaran at kultura.

Pinaksa at nilinaw ni Melchor Cayabyab, tagapagsalita ng CHR ang gampanin at tungkulin ng ahensiya sa pagtataguyod ng karapatang pantao. Tinalakay naman ni Precy Dagooc ng YND, ang sitwasyon ng kabataan sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa, at ang lugar ng pagmumulat at pagkilos ng kabataan bilang mga salinlahi ng lipunan.

Masaklaw na inilarawan ni Tsong Levy Balgos Dela Cruz ng Teatrong Bayan ang papel ng sining na karugtong ng tungkulin ng kabataan para itaguyod ito at ang edukasyon laban sa kamatayan ng karapatang pantao, demokrasya, at kalayaan ng sambayanan sa ekonomiya, pulitika at kultura.

Nagsilbing matalas na armas ang iba’t ibang anyo ng sining tulad ng tula, awit, at dula na ibinahagi ng mga dumalong kabataan laban sa lumalaganap na kultura ng karahasan, pananahimik at takot, pagkitil sa karapatang pantao, pag-abuso sa kapangyarihan ng iilan, at tiranya ni Duterte sa bayan. Patunay ito sa papel ng sining bilang instrumento sa pagmumulat, pagpapakilos at pagbubuklod para sa panlipunang hustisya at pagbabago.

Naipamalas ng iba't ibang kultural at akademikong organisasyon ang sining na pumapaksa sa buhay at interes ng mamamayan. Nagpalabas ang Teatrong Bayan, PUP Sining-Lahi Polyrepertory, Bantayog Initiatives, Mass Communication Students' League mula sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM), Mako, at Lapis, mga mag-aaral mula sa Political Science at International Studies.

Nilaman ng mga pagtatanghal ang magkakatulad na damdamin mula sa mga katha na may iisang adhikain at boses ng sambayanang kumikilos para sa pagkakaisa at kolektibong paglaban para sa panlipunang katarungan. Isa pa lamang ito sa marami pang karanasan para sa mga kabataan upang mamulat, kumilos at itaguyod ang kulturang kontra-agos. Patuloy nilang bubuhayin at palalaganapin ang sining na magsasatinig at kakatawan sa masa, sasalamin sa aspirasyon at damdamin ng sambayanan, at magiging sandata ng taong bayan upang kamtin ang isang tunay na makatao at malayang lipunan. K

Silakbo! sa PUPYND-PUP

Mula sa mga Rehiyon

Si G. Melchor Cayabyab, tagapagsalita ng CHR. Larawan: YND

Si Precy Dagooc ng YND sa pagtalakay sa kalagayan ng kabataan sa kasalukuyang panahon. Larawan: YND

Page 34: KILUSAN - kpdnorth.weebly.com filesa Balangiga na nuon ay saklaw ang mga bayan ngayon ng Lawaan, Giporlos at Quinapundan. Ikinanlong nila ang pagkubkob sa novena at prusisyon. Nagdamit

34 KILUSAN Disyembre 31, 2018

Pinagsarhan ng gate at tinapatan ng dalawang platun ng pulis ang 30 gurong myembro ng Action

and Solidarity for Empowerment of Teachers (ASSERT) na nagtipon, ika-18 ng Disyembre 2018 sa harap ng pambansang tanggapan ng DepEd para makipagdayalogo sa mga opisyal nito. Hinihiling nilang ganap na ipatupad ang Magna Carta of Public School Teachers o RA 4670 at i-upgrade ang base pay sa salary grade 20 upang makaangkop ang kita ng mga guro sa epekto ng inflation.

Sa diwa ng Pasko, sinabayan ng mga guro ng isang caroling ang kanilang pagdulog sa DepEd.

Hunyo 18, 1966 pa ipinasa ang Magna Carta for Public School Teachers. Ipinangangalandakan ng gubyerno na ito’y isang epektibong batas para sa pagsususulong at pagpapabuti ng katayuang panlipunan at pang-ekonomya ng mga guro. Pero sa kabila ng mahigit 52 taon na itong umiiral, maraming probisyon nito ang hindi pa rin naipatutupad. Kaya hangad ng ASSERT na maitulak ang DepEd para lubusang ipatupad ito.

Isa pa, dumanas ang Pilipinas ng napakataas na implasyon nitong nakaraang taon. Apektado ang lahat maging ang mga guro sa patuloy na pagtaas

Caroling/Hinaing ng mga Guro sa Sahod, Magna Carta Atbp, Ayaw Pakinggan ng Kagawaran

ng Edukasyon (DepEd)Ni Bogs Broquil

Page 35: KILUSAN - kpdnorth.weebly.com filesa Balangiga na nuon ay saklaw ang mga bayan ngayon ng Lawaan, Giporlos at Quinapundan. Ikinanlong nila ang pagkubkob sa novena at prusisyon. Nagdamit

35 Disyembre 31, 2018 KILUSAN

ng presyo ng bilihin. Kaya ang hiling ng ASSERT na i-upgrade ang base pay.

Ilang beses nang nagpadala ng liham ang ASSERT sa DepED. Anim na buwang naghintay at nagtyaga ang pamunuan ng ASSERT sa pagpapaloap. Walang tugon ang DepEd kaya nagpasya silang magtipon mismo sa tapat ng DepEd national office at may inihanda uling liham na pinamagatang “Urgent Appeal for a Dialogue” (December 18, 2018). At para maging magaan lang ang dating, kinantahan pa nila ang DepEd ng kanilang komposisyong Ang Bagong Kalabaw na itinono sa Santa Claus is Coming to Town.

Grabe ang pagkasiphayo ng mga myembro ng ASSERT sa pagbabalewala o “pangdededma” sa kanilang kahilingang makipagdayalogo at, lalo na, sa paggamit sa mga pulis para itapat sa kanilang payapang pagtitipon para magharap ng mga lehitimong kahilingan.

Ito ay malinaw nang pagtalikod ng gubyernong Duterte sa legal at lehitimong karaingan ng mga guro sa publikong paaralan. Dagdag ito sa pagpapakita ng kawalang interes ng kasalukuyang gubyernong Duterte na harapin at resolbahin ang mga kinakaharap na problema ng mga kaguruan sa buong Pilipinas.

Naglabas na ng hinanakit ang ilang guro. Anila, isa lamang boladas ang sinabi ni Duterte na darating na ang pagbabago (change is coming). Ang mga gurong nagtuturo ng kaalaman at naghuhubog sa mabubuting asal at ng sulong na kaisipan para ihanda ang mga bata sa kanilang pagharap sa buhay panlipunan upang maging produktibong mamamayan ay hindi pinapahalagahan ng kasalukuyang gubyerno.

“Paano nga naman tayo pahahalagahan ni Duterte, e, hindi itinuturo ng mga guro sa mga bata ang magmura at manlait ng kababaihan,” himutok ng isang guro. Salungat ang ginagawa at inaasal ni Duterte sa karamihan sa mabubuting tinuturo sa mga bata sa paaralan.

“Pero ang mga pulis na sangkot sa pagpatay sa mahigit na 20,000 katao na biktima ng war on drugs ay binibigyan nito ng malaking pabor at proteksyon: karagdagang sahod, mga benepisyo at mga bagong armas at kagamitan,” sabi ng isa pa.

Patuloy ngang nililigawan ni Duterte ang mga matataas na opisyal ng PNP at AFP tulad ng pagbibigay ng maganda at “juicy” positions sa loob ng gubyerno.

Kagulat-gulat din ang hiling ng PNP na P 900M na budget para sa kanilang Oplan Double Barrel o ng kanilang anti-drugs campaign. Kapag ikinumpara ito sa budget sa edukasyon na P 553M, halos doble ito. Kita na agad dito kung ano ang higit na pinahahalagahan ng gubyernong Duterte.

Ayon sa ilang nag-oobserba, dahil sa hangarin nitong maging diktador tulad ng idolo niyang si Marcos, pinakamahalaga para kay Duterte ngayon ang makuha ang loyalty ng mayorya PNP at AFP upang magamit niya ito sa paghahangad ng higit pang kapangyarihan.

Nagtatanungan ang mga gurong kasama sana sa dayalogo, “May makakamit pa ba tayo sa ating mga kahilingan sa ganitong pamahalaan?”

May sagot din ang tumatayong lider ng grupo: “Hanggat supil ang mga batayang karapatan ng mamamayan at may iilan na naghahangad pa ng higit pang kapangyarihan, tiyak na lalong walang matitira pa para sa karapatan at kagalingan ng mamamayan.” K

Si Ka Fidel Fababier, lider ng ASSERT (nasa gitna sa larawan sa itaas sa kaliwa) habang nakikipagnegosasyon sa opisyal ng PNP. Lahat ng larawan ay kuha ng ASSERT.

Page 36: KILUSAN - kpdnorth.weebly.com filesa Balangiga na nuon ay saklaw ang mga bayan ngayon ng Lawaan, Giporlos at Quinapundan. Ikinanlong nila ang pagkubkob sa novena at prusisyon. Nagdamit

36 KILUSAN Disyembre 31, 2018

Pambungad

Kasabwat ang Israel, Saudi Arabia, Britain at France, di-naglulubay ang US sa pagsalakay

sa Syria, gayundin sa Iraq at Yemen at probokasyon laban sa Iran. Samantala, sakop ng suportado-ng-US na Israel mula’t sapul ang Gaza Strip at West Bank (bahagi ng Palestine) at sinusupil ang mga Palestino. Nakikisangkot din ang Turkey sa gera laluna sa hangganan nito sa Syria.

Pagpapanatili ng ehemoniya o dominasyon sa daigdig ang pangkalahatang estratehiya at linya ng US. Sa kasalukuyang America First National Security Strategy (NSS), ipinuwesto ng US Military sa sentro ng estratehiyang ito ang “kumpetisyon ng mga makapangyarihan” (“great power competition”). Russia at China ang tinutukoy na kapanyarihang

“humahamon sa kapangyarihan, impluwensya at interes, nagtatangkang pahinain ang seguridad at kasaganaan ng US.”

Hangad ng US ang Gitnang Silangan na; “hindi ligtas na santwaryo o pinagsisibulan ng mga jihadist terrorists, hindi pinaghaharian ng alinmang kapangyarihang laban sa US, at umaambag para sa istableng pandaigdigang pamilihan ng langis (enerhiya).” Malinaw, Iran ang kapangyarihang laban sa US.

Mahirap at kumplikado para sa mga mamamayang naririto at nagsilikas mula rito ang ganitong latag at galaw o maniobra ng mga pandaigdigang interes at kapangyarihan—US, Russia, at mga pangrehiyong kapangyarihan—Iran, Saudi Arabi, Israel, Britain, France—sa Gitnang Silangan, at partikular sa Syria.

“Para labanan at pawiin ang ISIS, Al Nusra at iba pang teroristang grupo”

Gera ng US sa SyriaNi Lutgardo Paras

Guho sa syudad ng Aleppo, isa sa pina-kanapinsala sa nagpa-patuloy na gera sibil sa Syria. bbc.co.uk

Page 37: KILUSAN - kpdnorth.weebly.com filesa Balangiga na nuon ay saklaw ang mga bayan ngayon ng Lawaan, Giporlos at Quinapundan. Ikinanlong nila ang pagkubkob sa novena at prusisyon. Nagdamit

37 Disyembre 31, 2018 KILUSAN

Walang digmang sibil (civil war) o

rebolusyon sa Syria di-tulad ng sinasabi ng US at mga kasapakat. Ang nagaganap sa Syria mula 2012 ay interbensyon o pananalakay ng US, Israel, Saudi Arabia at mga kasapakat para pabagsakin ang gubyernong al-Assad. Nasa linya ng pakana ng US na “Arab Spring” ang diumanong gera sibil sa Syria. Tulad sa sinapit ng Libya, layon ng US na sakupin at hatiin ang Syria. Isa ang Syria sa pitong (7) bayan na target na digmain ng US mula pa 2001, ayon sa paglalantad ni dating NATO Supreme Commander, retiradong US Gen. Wesley Clark.1

Sing-aga ng Agosto 17, 2011, sa kanyang talumpati, sinabi ng nuon ay US President Barrack Obama, “Para sa kapakanan ng mamamayang Syrian, napapanahon na para tumabi si President Assad.” (For the sake of the Syrian people, the time has come for President Assad to step aside.”) Iyon ay tugon ng US sa diumanong marahas na pagsupil ng gubyernong al-Assad ng Syria sa rali ng mga mamamayan.

Hindi pa nuon lantad ang lihim na operasyong Timber Sycamore ng US CIA, kasabwat ang Saudi Arabia, Jordan at Israel, para armasan at sanayin ang mga “rebeldeng Syrian” para ibagsak ang rehimeng al-Assad. Bukod dito ang lantad na $500M na programa ng US Special Forces na Syrian Train and Equip Program na pagsasanay ng mga Syrian na nasa Turkey at iba pang bayan “para bumalik sa Syria at labanan ang ISIS”. Ngunit kabaligtaran ng layunin, may matibay na mga batayan na ang dalawang programa o operational plans (Oplan) ay nagbunga sa pagkatatag ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) at paglakas nito gayundin ng al-Nusra at iba pang teroristang grupo. (Basahin sa nakakahon: Timber Sycamore: US-CIA sa pagbubuo at pagsasanay ng ISIS at iba pang teroristang grupo).

Dagdag na layunin, “labanan at pawiin ang Isis”

Ginamit na dahilan ng US ang “paglaban

sa ISIS” para manghimasok sa Syria mula Setyembre 22, 2014 at balikan ang Iraq, Hunyo 15, 2014.

Namamayagpag ang ISIS sa Syria at Iraq sa mga panahong iyon. Naitatag ang “IS Caliphate” na ang sentro ay syudad ng Raqqa sa silangan ng Syria, Nobyembre 2013.

Hindi nagkasya sa pagsasanay, pag-aarmas at pagpupuslit ng mga rebelde sa Syria at pagbomba sa diumano’y mga pwersa ng ISIS at al-Nusra, nagtalaga rin ang US ng mga sundalo sa Syria. Taliwas ito sa naunang 16 na beses na pahayag ni dating US President Obama na, “No boots on the ground in Syria,” nag-deploy ang US ng 50 sundalo ng US Special Forces nuong Oktubre 2015 sa Hilagang Syria. Ito’y para sanayin daw ang Syrian Kurds sa paglaban sa ISIS o IS (Islamic State) at ikoordineyt ang mga pwersang kontra-ISIS sa naturang lugar. Nagdagdag ng 250 tropa, Abril 2016 at muli’t muling nagdagdag. Makaraan ang mahigit dalawang taon, umabot sa 2,200 ang mga tropang Kano na nakasuksok sa Syrian Democratic Forces (SDF).2

Naruon sila diumano para labanan ang ISIS, ayon kay

John Bolton, Security Adviser ni Trump. Ngunit sa huli, sinabi ni Bolton, “hindi aalis ang US sa Syria hanggang naruon ang mga sundalong Iranian”.

Aalis, hindi aalis: mga tropang Kano sa Syria

Prayoridad ng US na pabagsakin ang gubyernong al-Assad, (i)storyang “weapons of mass destruction” (WMD) na ginamit na dahilan sa pagdigma sa Iraq nuong 2003, “chemical bombing” sa sariling mamamayan ang ikinakaso sa gubyerno ng Syria para bombahin ng US.

Bahagi ng pwersang Amerkano sa Syria. Trend.AZ

Nakunan ng larawan ang mga tropa ng SDF (Syrian Democratic Forces), Pebrero 21, 2017 habang paaalis na sa Deir Ezzor para pasukin ang Raqqa, Syria ( AFP/Getty Images )

Page 38: KILUSAN - kpdnorth.weebly.com filesa Balangiga na nuon ay saklaw ang mga bayan ngayon ng Lawaan, Giporlos at Quinapundan. Ikinanlong nila ang pagkubkob sa novena at prusisyon. Nagdamit

38 KILUSAN Disyembre 31, 2018

Disyembre 19, 2018, nag-tweet si Donald

Trump, “Talo na ang ISIS, aalis na ang mga tropa ng US sa Syria.” Ngunit may habol na paglilinaw ang White House, “nagsimula na ang pagkalas (pull out) ng mga tropa sa Syria”. Dagdag pa ni Sarah Sanders, tagapagsalita ng White House, “Ang mga tagumpay laban sa ISIS sa Syria ay hindi senyales na tapos na ang Global Coalition o ang kampanya nito. Sinimulan

natin ang pag-uwi ng mga tropang US habang pumipihit tayo sa sunod na yugto ng kampanya.” (“These victories over ISIS in Syria do not signal the end of the Global Coalition or its campaign. We have started returning United States troops home as we transition to the next phase of this campaign.”)

Gayunman, ayon din sa White House, “Mananatili ang 5,200 tropang Kano sa hangganan ng Syria at Iraq”.

Hindi kailanman hiniling Isa sa mga bata na biktima ng patuloy na kara-hasan.bbc.com

Page 39: KILUSAN - kpdnorth.weebly.com filesa Balangiga na nuon ay saklaw ang mga bayan ngayon ng Lawaan, Giporlos at Quinapundan. Ikinanlong nila ang pagkubkob sa novena at prusisyon. Nagdamit

39 Disyembre 31, 2018 KILUSAN

ng Syria ang suporta ng US sa paglaban sa ISIS, al-Nusra at iba pang terorista na sumakop sa maraming lugar dito, kasama ang syudad ng Raqqa na ginawang kapitolyo ng “ISIS Caliphate”. Katunayan, isinalaksak ng superpower na imperyalistang US ang sarili nito sa Syria. Itinuturing na mananalakay ang US ng gubyernong al-Assad ng Syria.

Totoong layunin ng US sa Syria (at buong Gitnang Silangan)

Dahil sa pampulitika at pang-ekonomyang

interes ng US sa rehiyon kaugnay ng pananatili ng kanyang dominansya sa mundo, deklaradong layon ng koalisyong pinamumunuan nito na pabagsakin ang gubyernong al-Assad ng Syria; suportahan ang iniluklok nilang gubyernong Hadi sa Yemen; at, gitgitin ang Iran. Sa gayon, kwestyonable ang “kontra-teroristang” linya nito.

Prayoridad ng US na pabagsakin ang gubyernong al-Assad. Tulad ng istoryang “weapons of mass destruction” (WMD) na ginamit na dahilan sa pagdigma sa Iraq nuong 2003, “chemical bombing” sa sariling mamamayan ang ikinakaso sa gubyerno ng Syria para bombahin ng US at mga kasabwat ang

mga target sa Syria. Mula Abril 2017- Abril 2018, dalawang ulit nilang binomba ang Syria sa hindi mapatunayang kasong nabanggit sa taas.

Nang walang kumpirmasyon, walang pagsangguni sa US Congress at abiso sa United Nations, Abril 7, 2017, inutos ni US President Trump na bombahin ang Shayrat airbase sa probinsya ng Homs. Duon diumano nagmula ang mga eroplanong nagbagsak ng “chemical bombs’ sa Khan Shaykun sa probinsya ng Idlib, nuong Abril 4, 2017. Pinalipad ang 59 tomahawk cruise missiles mula sa barkong USS Porter at USS Ross, nasa laot ng Mediterranean Sea. Gayunman, ayon sa Syria at sa komand ng mga pwersang Ruso, “23 missile lamang ang tumama sa loob at paligid ng airbase.”

Muling binomba ang Syria, Abril 14, 2018. Nagpakawala ang US, kasabwat ang Britain at France, ng 110 missiles, target ang tatlong (3) planta ng kemikal malapit sa Damascus. Parusa diumano ang pagbomba sa gubyernong Assad sa krimen nitong “chemical attack” sa isang komunidad sa syudad ng Douma, probinsya ng Eastern Ghouta, 10 kilometro lamang ang layo sa Damascus.

Inamin ng mga opisyal

ng US na “wala silang paraan o iba pang impormasyon para maberipika ang ulat ng White Helmets na diumanong “chemical attack” sa Douma. Sa kabila nito, isinagawa ang pagbomba sa naturang mga target. Naunang nambomba ang Israel, Abril 9, sa airbase ng Syria sa Homs, gitnang Syria. Ginagamit din ang airbase na iyon ng mga tropa ng Iranian Revolutionary Guards (IRG) na sumusuporta sa gubyernong al-Assad ng Syria. Hindi ito kinumpirma, hindi ipinagkaila ng Israel ang pambubombang ito.

Bukod sa dalawang kaso sa itaas, mayroong hindi bababa sa sampung (10) insidente ng sadya at “di-sadyang” pagbomba ng US at mga kasabwat sa mga posisyon ng mga sundalo ng SAA, IRG, Russia at Hezbollah na sumasalakay sa mga terorista. Pinakatampok dito ang Deir ez-Zor air raid2, Setyembre 17, 2016, na ikinamay ng mahigit 100 sundalo ng SAA.

Ang mga insidenteng ito ay naganap habang ang SAA katuwang ang mga pwersa ng Russia, IRG at Hezbollah ay nagsasagawa ng mga operasyon para bawiin ang mga lugar na nahawakan ng ISIS, al-Nusra at iba pang teroristang grupo.

Paglaya ng mga Syrian na nasa Sina Russian President Vladimir Putin (Kaliwa) at Syrian President Bashar al-Assad sa kanilang pagbisita sa Hmeymim air base sa Latakia Province, Syria, Disyembre 11, 2017 CREDIT: REUTERS

Inamin ng mga opisyal ng US na “wala silang paraan o iba pang impormasyon para maberipika ang ulat ng White Helmets na diumanong “chemical attack” sa Douma.

Syrian Refugees. Sa pagsisimula pa lamang ng 2018, halos 13 milyong Syrians na ang biktima ng dis-lokasyon sa kanilang pamu muhay. Larawan: Nikolay Doychinovnikolay, AFP

Page 40: KILUSAN - kpdnorth.weebly.com filesa Balangiga na nuon ay saklaw ang mga bayan ngayon ng Lawaan, Giporlos at Quinapundan. Ikinanlong nila ang pagkubkob sa novena at prusisyon. Nagdamit

40 KILUSAN Disyembre 31, 2018

saklaw pa ng mga nalalabing terorista

Sa kabila ng mga pananabotahe ng US

at mga kasabwat sa kampanyang kontra-ISIS at sa patuloy nilang pagsuporta sa mga terorista, lumilitaw sa huling ulat ng Institute for the Study of War (ISW)3, napalaya na sa ISIS, al Nusra at iba pang “rebeldeng” terorista ang 96.5% ng Syria. Gayunman, abot sa 25% ng napalayang lugar ay nasa kontrol at pangangasiwa

ng SDF (Syrian Democratic Force) na suportado ng US at kontra sa gubyernong al-Assad.

Hindi pa napalaya ang probinsya ng Idlib sa Hilagang-kanluran ng Syria malapit sa hangganan ng Turkey. Hawak ito ng magkatunggaling National Liberation Front (NLF) na malapit sa Turkey, kontra sa gubyernong Assad, kontra- Syrian Kurds at mga hardline jihadist at, Tahir al- Sham Hay-rat (al-Nusra) na Islamic jihadist. Narito rin ang ISIS na may kontrol pa sa tatlong bayan. Kakaunti na ang ISIS na madalas na napapalaban sa mga katunggaling terorista. Sa hilaga ng Idlib, ang teritoryong hawak ng Free Syrian Army na itinatag at inaarmasan ng Turkey.

Hindi naglulubay ang operasyon ng SAA, IRG, mga mandirigmang Hezbollah at pwersang militar ng Russia para pawiin ang mga nalalabing terorista sa Idlib at mapalaya ang mga mamamayan sa kuko ng mga terorista.

Subalit kasado rin ang Turkey sa malawakang opensiba laban sa mga Syrian Kurd sa Hilaga ng Syria sa silangang pasigan ng Ilog Euphrates sa Hilagang Syria. Makakakumplika ito sa sitwasyon na maaaring sakyan ng US at mga

kasabwat para muling sumalakay. Kaya, maagang hiningi

ng YPG (People’s Defense Units) ng Kurds at mga sibilyang mamamayan sa gubyerno ng Syria na pasukin ng Syrian Arab Army ang syudad ng Manbij para ipagtanggol ito sa posibleng pagsalakay ng Turkey. Sinabi ng YPG sa tweet nito, “Iniimbitahan namin ang mga pwersa ng gubyerno ng Syria na ipailalim sa kanilang kontrol ang mga lugar na aming nilisan, sa partikular ang Manbij, at pruteksiyunan ang mga ito sa pananalakay ng Turkey”. (We invite the Syrian government forces to assert control over the areas our forces have withdrawn from, particularly Manbij, and to protect these areas against a Turkish invasion.)

Subalit, nagpadala rin ang Free Syria Army ng pwersa sa paligid ng Manbij alinsunod sa operasyon ng Turkey na “Euphrates Shield.”

Mailap na matagalang kapayapaan

Mailap ang kapayaapan laluna sa Syria,

Turkey, Iraq at Iran. Bukod sa mga partikular na layunin at interes ng US at mga kasabwat sa bawat bayan, sinusulsulan ng US ang pangarap ng mga naghaharing uri sa Kurds na magtatag ng hiwalay at nagsasariling bayan at estadong Kurdistan. Sasaklaw ito sa malawak na bahagi ng Turkey, halos kabuuan ng Hilagang Syria, hilagang kanluran ng Iraq at timog-kanluran ng Iran.

Pinaiinit ng US ang mithiing ito ng mga naghaharing uring Kurds sapagkat kailangan ng US ng kontrolado niyang teritoryo o bayan sa rehiyon ng Gitnang Silangan. Ito ang tinatanaw ng US kung kaya sinusuportahan at inaarmasan nito ang SDF. K(Endnotes)

1 Gen. Wesley Clark, “This is a memo that describes how we’re going to take out seven countries in five years, starting with Iraq, and then Syria, Lebanon, Libya, Somalia, Sudan and, finishing off, Iran.” Democracy Now, Interview, March 2, 2007.

2. Ang SDF ay pangunahing binubuo ng Syrian Kurds. Kasama rin dito ang dating Free Syrian Army (FSA) na

suportado ng US.

3. Sangkot ang mga eroplano at drone ng US (4), Britain (di binanggit), Demark (2) at Australia (3)

4. ISW; Syria Situation Report: November 29 – December 12, 2018

Nagdadalamhati ang kapatid ng isa sa mga lalaking namatay dahil sa pambubomba ng mga nagpakilalang ISIS sa bayan ng Tal Tamr, habang inihahatid sa himlayan nito sa Qamishli, timogsilangang probinsya ng Syria, Disyembre 13, 2015. Time Magazine

Mailap ang kapayaapan laluna sa Syria, Turkey, Iraq at Iran. Bukod sa mga partikular na layunin at interes ng US at mga kasabwat sa bawat bansa, sinusulsulan ng US ang pangarap ng mga naghaharing uri sa Kurds na magtatag ng hiwalay at nagsasariling bansa at estadong Kurdistan.

Anti-war protests sa London laban sa patuloy na pambubomba sa Syria. xinhuanet.com

Page 41: KILUSAN - kpdnorth.weebly.com filesa Balangiga na nuon ay saklaw ang mga bayan ngayon ng Lawaan, Giporlos at Quinapundan. Ikinanlong nila ang pagkubkob sa novena at prusisyon. Nagdamit

41 Disyembre 31, 2018 KILUSAN

Timber Sycamore at Syria Train and Equip:

Operasyon ng US-CIA sa pagsasanay at pag-armas ng mga “rebelde” sa Syria

Ni Lutgardo Paras

Si Syrian President Bashar al-Assad (gitna) habang nakikipagpulong sa mga kumander ng paramilitar na grupong National Defense Force (NDF) ng Syria, Disy-embre 2014. offiziere.ch

Inarmasan at sinanay ng tambalang Timber Sycamore at Syria Train and Equip ng Central Intelligence Agency (CIA) at US Defense Department o Pentagon ang mga “rebeldeng” kontra gubyernong al-Assad.

Subok sa Libya, inulit sa Syria

Kagyat na karugtong ito ng inumpisahang lihim na operasyon ng CIA sa pagpasok

ng mga armas sa Libya para sa mga “rebeldeng” kontra rehimeng Muamar Gaddafi, maagang bahagi ng 2011. Bukod sa US, nagpadala rin ng armas ang France, Britain, Saudi Arabia. Sa Qatar at United Arab Emirates idinadaong ang mga armas saka ilululan muli sa barko patungong Libya upang hindi malantad ang US. Sa syudad ng Benghazi1 ang sentrong bagsakan ng mga armas.

Pumihit sa Syria ang tutok ng CIA makaraang bumagsak sa kamay ng US, NATO at mga “rebelde” ang Tripoli, kapitolyo ng Libya,

Page 42: KILUSAN - kpdnorth.weebly.com filesa Balangiga na nuon ay saklaw ang mga bayan ngayon ng Lawaan, Giporlos at Quinapundan. Ikinanlong nila ang pagkubkob sa novena at prusisyon. Nagdamit

42 KILUSAN Disyembre 31, 2018

Agosto 2011. Mula Libya dinala ang mga armas sa Turkey at mula rito ipinupuslit sa Syria.

Inirekomenda, nuong 2012, ng CIA director, dating US General David Petraeus, na iawtorisa ni US President Obama ang lihim na proyekto ng pag-aarmas at pagsasanay ng mga rebelde sa Syria. Pinagdebatehan ito ng mga opisyal ng administrasyong Obama. Nag- argumento sila sa usaping: imposibleng tiyaking hindi mapapasakamay ng mga terorista ang mga armas.

Ipinarating kay Obama ng mga lider ng iba’t-ibang bayan na dapat aktibong sumangkot ang US para “mabilis na matapos ang gulo sa Syria.” Ilan sa kanila sina King Abdullah II ng Jordan at Prime Minister Benjamin Netanyahu ng Israel. Pinirmahan ni Obama ang kautusang nag-awtorisa sa CIA na magsagawa ng lihim na operasyon sa pag-aarmas at pagsasanay ng mga rebelde sa Syria pagsapit ng 2013. Tinawag na “Timber Sycamore, nilaanan ito ng $1B budget ng US. Nag-ambag ang Saudi Arabia

ng bilyung dolyar na halaga ng salapi at armas. Ipinaloob ang sinanay at inarmasang mga rebelde sa Free Syrian Army (FSA) na katunayan ay seksyon ng Muslim Brotherhood sa Syria.

Ngunit mabilis na nalantad ang katangiang Islamist jihadist ng FSA. Sumama ang maraming kumander at mga tauhan sa al-Nusra Front (al-Queda sa Syria) at bandang huli, sa ISIS.2 Matapos nito, nalusaw ang orihinal na FSA nang pumaloob sa Syrian Democratic Forces (SDF)3 ang nalalabing mandirigma.

Sa kabila nito, ipinagpatuloy ang Timber Sycamore (TS) at tinambalan, Setyembre 2014, ng lantad na programang Syria Train and Equip (STE) ng US Special Forces at pinangasiwaan ng Pentagon. Nilaanan ito ng US Congress ng $500M budget. Sa Jordan at Turkey idinaan ang mga armas at dito rin idinaos ang mga pagsasanay ng mga “rebelde.” Sa US Special Forces galing ang mga tagapagsanay.

Nilayon ng programang

STE na magsanay at mag-armas ng 15,000 rebelde sa loob ng tatlong taon. Hindi malinaw kung illan ang target sanayin at armasan ng TS.

Armas ng US napupunta sa al-Nusra, ISIS

Tinuring ng CIA na panukat ng tagumpay

ng TS at STE ang mga opensiba ng SDF at iba pang rebeldeng grupo nuong 2014- 2015 na nagresulta sa paglawak ng teritoryong saklaw ng mga rebelde. Ito ay sa kabila ng katotohang sumabay ang al-Nustra at ISIS sa opensiba at nagkaruon ng kanya-kanyang nasaklaw na teritoryo. Bukod dito, nalantad na armado ang “moderate” at “extremist rebels”ng mabibigat na armas na gawang US, lalo ang TOW anti-tank guided missile.

Gayunman, 2015, sinuspinde ang STE. Inamin ni Gen Lloyd Austin, ng US Central Command (Centcom), na sinalakay ng al-Nusra ang unang 54 na nagtapos sa pagsasanay sa Hilagang Syria, Hulyo 31, 2015. Sunod na araw, nag-post ang al-Nusra sa social media ng mga larawan ng mga armas at kagamitang military na kanilang nasamsam sa naturang grupo. Bukod dito, nalantad na maraming armas, sa ilalim ng TS at STE, ang ninakaw ng ilang opisyal sa paniktik ng Turkey at Jordan. Ibinenta ito sa black market at nabili ng iba’t ibang grupo, kabilang ang al-Nusra at ISIS.

Sa kabila nito, tuloy ang TS, nagdesisyon lamang ang House Intelligence Committee ng US Congress na bawasan ng 20% ang bawat klasipikadong pondo nito. Samantala, pinasimple ang STE sa pagsasara ng mga programa ng pagsasanay ng mga narereklutang “rebelde” sa Jordan, Qatar, Saudi Arabia o UAE. Sa Turkey na lamang itinayo ang maliit na sentrong sanayan ng mga tagapagsanay

Hindi maitatwa ng US na mga Islamist jihadist na sumapi o sadyang kasapi ng al-Nusra at ISIS ang mayorya ng mga sinanay at inarmasan sa ilalim ng TS at STE.

Dating CIA director at US General David Petraeus. new america.org

Page 43: KILUSAN - kpdnorth.weebly.com filesa Balangiga na nuon ay saklaw ang mga bayan ngayon ng Lawaan, Giporlos at Quinapundan. Ikinanlong nila ang pagkubkob sa novena at prusisyon. Nagdamit

43 Disyembre 31, 2018 KILUSAN

(enablers) na mg pinuno ng iba’t-ibang pangkat ng mga rebelde.

Pagwawakas ng Timber Sycamore

Sa kahilingan ng gubyernong al-Assad

ng Syria, sumangkot ang Russia sa pagdigma sa ISIS, al--Nusra at iba pang “rebelde”. Mula Setyembre 2015, sunod-sunod ang tagumpay ng Syrian Arab Armed Forces (SAAF) at Armed Forces contingent ng Russia kasama ang Iran Revolutionary Guards (IRG) at Hezbollah (na mas maagang sumangkot sa digma). Unti-unting nabawi ng Syria ang mga teritoryong naukopa ng mga terorista. Tumindi rin ang mga labanan sa pagitan ng mga “rebeldeng” grupo, laluna sa pagitan ng al-Nusra at ISIS. Humantong din ang ISIS sa pagpatay ng mga mandirigma nitong tumatakas. Marami ang nadakip at sumuko sa SAAF.

Hindi maitatwa ng US na mga Islamist jihadist na sumapi o sadyang kasapi ng al-Nusra

at ISIS ang mayorya ng mga sinanay at inarmasan sa ilalim ng TS at STE. Bukod dito maagang nalantad sa media ang pagbili ng US ng bilyong dolyar na halaga ng mga armas at kagamitan sa Romania, Croatia at iba pang bayan sa Eastern Europe. Katunayan, sumingaw ang TS nang nag-post, Nob. 3, 2015, sa website ng Federal Business Opportunities ng anunsyo sa mga interesadong contractor-arms supplier para mag-deliver ng nakalistang tipo at bilang ng mga armas. Ayon sa plano, hahatiin ang mga armas sa dalawang cargo. Ang isa ay idadaong sa Aqaba, Jordan sa ngalan ng Military Sealift Command ng US Navy; ang pangalawa sa Agalar, military pier, malapit sa bayan ng Tasucu, Turkey.

Lalong umingay ang TS nang tambangan at patayin ng isang sundalong Jordanian ang tatlong tagapagsanay mula sa US Green Beret4, Nob. 2016. Maraming reaksyong lumabas laluna sa independent media. Inihalintulad ang TS sa sampung

taong (1979-1989) Operation Cyclone5 ng CIA sa Afghanistan.

Alinsunod sa rekomendasyon ng nuon ay CIA Director Mike Pompeo, inutos ni US President Donald Trump ang pagwawakas (phase-out) ng Timber Sycamore, Hulyo 2017.

Bagong disenyong Train and Equip sa pagpasok ng mga tropang US sa Syria

Nagbagong porma ang train and equip

nang pumasok sa Hilagang Syria, Oktubre 2015, ang unang 50 sundalo ng US Special Forces na sumuksok (embed) sa SDF. Misyon nila--“sanayin, payuhan at tulungan” (“train, advise and assist”) ang mga mandirigma at kumander ng SDF. Tungkulin din nilang ikoordineyt ang iba’t-ibang grupong kontra-ISIS sa Hilagang Syria. Sunod na pumasok ang 250 tropa ng US Special Forces, April 2016. Misyon nilang magrekluta at magsanay ng Syrian Arabs na isasanib sa SDF, alinsunod sa programang “train, advise and assist.”

Kinumpirma, Set. 2016, ni US Air Force Col. John Dorrian, tagapagsalita ng Combined Task Force- Operation Inherent Resolve6 na, “ang SDF ay kasama sa mga

Ang pagsasanay at pag-aarmas ng US ng mga “lokal na rebelde” ay alinsunod sa pakana nito ng paghahasik, pagsustine at pagpapalawig ng digma sa Syria upang may dahilan sa tuwirang panghihimasok ng mga pwersang militar ng US.

Suot ang kanyang full military regalia, binisita ni King Abdullah II ng Jordan ang kampo ng mga pwer-sang militar ng Jordan. getty images

Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu, the independent

Page 44: KILUSAN - kpdnorth.weebly.com filesa Balangiga na nuon ay saklaw ang mga bayan ngayon ng Lawaan, Giporlos at Quinapundan. Ikinanlong nila ang pagkubkob sa novena at prusisyon. Nagdamit

44 KILUSAN Disyembre 31, 2018

isasailalim sa programang Train and Equip. Makalipas ang 3 buwan, Enero 2017, ipinahayag ni Dorrian na tumanggap ang SDF ng kung ilang bilang ng armored personnel carrier (APC). Pagsapit ng Hulyo 2017, inulat na tinanggap ng SDF, na binubuo na ng 40,000 tauhan, ang 400 na APC at iba pang kagamitang pandigma. Inulat din na abot sa 8,500 tauhan ng SDF ang nabigyan ng pagsasanay.

Napag-alaman ng media na 2,000 na ang tropang US sa Syria nuong Disyembre 2017. Walang anunsyo kung kalian pumasok ang karagdagang 1,500 sundalo na may misyong “train, advice, assist”. Nagtatayo rin sila ng mga base-militar ng US sa Syria gaya ng sa al-Tanf sa probinsya ng Homs, Timog-Silangang Syria, sa hangganan nito sa Iraq. Mayruong 17 base militar ng US sa Syria na lihim at illegal na itinayo ng mga tropang militar ng US. Bukod sa pagiging base ng kanilang operasyon, nagsisilbi ang halos lahat ng mga base-militar bilang lugar-sanayan ng mga SDF at iba pang grupo.

Ang pagsasanay at pag-aarmas ng US ng mga “lokal na rebelde” ay alinsunod sa pakana nito ng paghahasik, pagsustine

at pagpapalawig ng digma sa Syria upang may dahilan sa tuwirang panghihimasok ng mga pwersang militar ng US. Hitik sa ganitong pakana ang rekord ng US-CIA sa iba’t-ibang bayan sa mundo.K

Pinagsanggunian:

1. Word in War; Timber Sycamore: The CIA’s Syrian Regime Change Operation, July 20, 2017

2. Jeremy Binnie, London & Neil Gibson, US arms shipment to Syrian rebels, detailed; -- IHS Jane’s Defence Weekly, London, April 8, 2016

3. Ian Black, Middle East editor: US axes $500M scheme to train Syrian rebels, says NYT, The Guardian, Oct. 9, 2015

4. Mark Mazzetti, Adam Goldman and Michael S. Schimidt; Behind the sudden death of a $1B Secret CIA war in Syria; New York Times, Aug. 2, 2017

5. Scott Ritter: Say Goodbye to Regime Change in Syria. Phasing-out of CIA “Train and Equip” in Support of “Moderate” Rebels?; Global Research, July 28, 2017

6. Tyler Durden; Seismic shift in Syria: Trump ends covert Obama-era CIA Program which sent arms to Jihadists, Zero Hedge, July 19, 2017

7. Richard H. Black and Rama Qaddour; US established 17 illegal military bases in Syria—State (Virginia) Sen. Richard H. Black, Global Research, Nov. 22, 2018

(Endnotes)1 Benghazi- pangalawang pinakamalking syudad ng Libya sunod sa Tripoli. Sa diumanong consulate ng US dito napatay, Setyembre 11, 2012, ang ambassador ng US sa Libya, John Christopher Stevens, dalawang staff at dalawang dating US Navy Seals na CIA contractors, nang sumalakay ang pinaniniwalaang mga mandirigma ng Anzar al-Sharia in Libya (ASL). Ayon sa ilang ulat, naruon si Stevens para ikoordineyt ang paglilipat ng mga armas sa Turkey tungo sa Syria.

2 ISIS/IS: Nabuo mula sa dating Islamic State of Iraq (ISI) o al Queda ng Iraq na pinamumunuan ni Abu Bhakar al-Bhagdadi. Nang mapasok ng ISI ang Syria,

2013, saka binago ang pangalan sa ISIL/ISIS (Islamic State of Iraq and Levant/Syria). Iginiit ni al-Bhagdadi na pumailalim sa ISIS ang al-Nusra ngunit pumalag ang lider nito, Abu Mohammad al-Julani. Nag-apila si al-Julani sa emir ng al-Queda, Ayman al-Zuwahiri. Nag-isyu ng pahayag si al-Zuwahiri na nag-utos sa grupo ni al-Bhagdadi (ISIS) na ilimita sa Iraq ang operasyon. Binalewala ni al-Bhagdadi ang utos, sa halip ay sinulot nito ang 80% ng dayuhang mandirigma ng al-Nusra at pinalayas ang mga naiwan sa syudad ng Raqqa, Enero 2014. Ideneklara ng al-Nusra na wala na itong kaugnayan sa ISIS, Peb. 2014.

3 SDF: Itinatag, Oktubre 2015, sa pamumuno ng YPG (People’s Protection Unit). Malaking mayorya ng mga mandirigma nito ay Syrian Kurds. May ugnayan ito sa US. May tuwirang papel ang US Special Forces na nakasuksok (embedded) dito sa pagsasanay at pag-aarmas ng SDF.

4 Tatlong sundalo ng Green Beret: Staff Sgt. Matthew C. Lewellen, 27, ng Kirksville, Missouri; Staff Sgt. Kevin J. McEnroe, 30, ng Tucson, Arizona; at, Staff Sgt. James F. Moriarty, 27, ng Kerrville, Texas. Sila ay nakatalaga sa 5th Special Forces Group ng US Army. Ang sundalong Jordanian ay si Marik al-Tuwayha.

5 Operation Cyclone: 1979-1989 (pinalawig hanggang 1992)—Lihim na proyekto ng CIA sa pagsasanay, pag-aarmas at pagpondo (financing) sa mga mujahidin sa Afghanistan na lumaban sa pwesrang militar ng dating Unyong Sobyet (USSR) at ng gubyerno ng Afghanistan na suportado ng USSR. Ang mga mujahidin, na karamihan ay Afghan, Pakistan, sunod ay mga taga Middle East, laluna mula sa Saudi Arabia, sa pamumuno ni Osama Bin Laden at iba pang bayan na may mga populasyong Muslim, tulad ng Indonesia at Pilipinas, ay sa Pakistan sinanay, inarmasan, pinondihan at inorganisa. Tumatawid sila sa Afghanistan para maglunsad ng mga operasyong militar. Sa hanay ng marami, iba-ibang nasyunalidad na mujahidin na sinanay at inarmasan nagmula ang Taliban, al-Queda at, ang Abu Sayyaf na itanag 1991 ng mga Pilipinong mujahidin pagbalik sa Mindanao.

6 Combined Task Force- Operation Inherent Resolve: Itinatag ng US, October 2014, sa pangangasiwa ng Central Command. Binubuo diumano ng 30 bayan na kasali sa kontra-ISIS na internasyunal na koalisyong pinamumunuan ng US. (US-led international coalition against ISIS) Mga pwersa ng Syrian Defense Forces habang nagpapatrulya sa kanilang okupadong teritoryo sa Syria.

US Defense Department photo.

Tropang Amerkano sa Syria.PressTv

Page 45: KILUSAN - kpdnorth.weebly.com filesa Balangiga na nuon ay saklaw ang mga bayan ngayon ng Lawaan, Giporlos at Quinapundan. Ikinanlong nila ang pagkubkob sa novena at prusisyon. Nagdamit

45 Disyembre 31, 2018 KILUSAN

Ni Melissa Gracia Lanuza

Subaybay sa mga Patakaran at Galaw ng US sa Asia-Pacific

Bagong Estratehiya ng US sa Asia-PacificFree and Open Indo-Pacific

(FOIP)

Higit sa alinmang pangyayari, ang summit sa pagitan nina US Presi-dent Donald Trump at North

Korean Prime Minister Kim Jong-Un nuong Hunyo ang solong pangyayar-ing nakatawag ng atensyon ng media sa unang bahagi ng taon. Pero dahil ideneklara na sa National Security Strategy (Disyembre 2017) at National Defense Strategy (Enero 2018) ng US na pangunahing pinagkakaabalahan na nito ngayon ang kumpetisyon sa pagi-tan mga estado— at China at Russia ang kanyang pangunahing mga katung-gali, ang mga pagbabago sa estratehiya ng US sa Asia-Pacific at kanyang mga

maniobra laban sa China ang inoobser-bahan ng mga sumusubaybay sa laran-gan ng depensa. 1. Free and Open Indo-Pacific o FOIP Strategy kapalit ng Pivot to Asia-Pacific

Dinibelop ang konseptong ito ng Japan. Tinalakay na ito ni Prime Minister Shinzo Abe nuong 2007. Samantala, sinimulan naman ng Aus-tralia ang Indo-Pacific vision nuong 2003. Tinala-kay ni Trump sa Danang (Vietnam) ang balangkas nito nuong Nobyembre 10, 2017 sa APEC SEC Summit bilang estratehiya sa pananaw ng US. Ipi-nahiwatig nitong Nobyembre ni John Bolton, U.S. national security advisor, na “this is a strategy that is still being shaped and the level of diplomatic activity has picked up.”

Abril 2, 2018, nagdaos ng press briefing ang US State Department sa pamamagitan ni Alex N. Wong, Deputy Assistant Secretary, Bureau of East

US President Donald Trump at Indian Prime Minister Narendra Modi. india com

Page 46: KILUSAN - kpdnorth.weebly.com filesa Balangiga na nuon ay saklaw ang mga bayan ngayon ng Lawaan, Giporlos at Quinapundan. Ikinanlong nila ang pagkubkob sa novena at prusisyon. Nagdamit

46 KILUSAN Disyembre 31, 2018

Asian and Pacific Affairs para ipaliwanag ang “open and free Indo-Pacific” bilang estratehiya. Pormal na pinalitan ng US Department of Defense ang Pacific Command o USPACOM bilang US Indo-Pacific Command, Mayo 30, 2018.

Kapwa sa press briefing at sa pagbibinyag muli sa Pacific Command, pareho, sa batayan, ang FOIP sa Pivot ni Obama liban sa hindi na segundaryo ang pa-pel ng India sa estratehiya ng US sa Pacific. Nais ng US na magkaruon ang India—na may alitan sa China sa agawan ng teritoryo— ng napakahalagang papel sa pagnyutralisa sa China kundi man sa pagpigil sa paglakas nito. Alinsunod dito, lalaki ang kahalaga-han at papel ng Diego Garcia Naval Base. Nauna nang tinalikuran ni Trump ang pang-ekonomyang sangkap ng Pivot, ang Trans-Pacific Partnership.

Ipinaliwanag ni Mr. Wong sa briefing ang sumusunod:

a. Sa salitang free, nais ng US na ang mga bansa sa rehiyong Indo-Pacific ay “malaya sa pami-milit, na makasusulong sa paraang soberano sa lan-das na pinili nila sa rehiyon, magiging mas maunlad, malaya sa paggugubyerno, pundamental na mga karapatan, bukas (transparent) at kontra-korupsyon.”

b. Sa salitang open, nais ng US ang bukas na mga linya ng komunikasyon sa karagatan at air space, mas bukas na lohistika—impraistruktura (“Nais nitong tulungan ang rehiyon sa paggawa ng impraistruktura sa tamang paraan, na tunay na nagsusulong ng integrasyon at nag-aangat ng GDPs ng bumubuong mga ekonomya”); higit na bukas sa pamumuhunan. at higit na malaya, patas at nag-kakatugunang kalakalan.

c. Hindi nalalayo ang estratehiyang ito sa mga nauna na, pero naiiba ito sa dalawang punto: Una, habang lumalaki ang populasyon at pang-ekonomyang importansya ng Indo-Pacific, “kailan-gang katumbas na lumaki kasabay nito” ang diin at mga pagsisiskap ng US sa rehiyon. Pangalawa, ang gamit ng salitang “Indo-Pacific,” dahil sa “istorikal” at kasalukuyang reyalidad na gumaganap ang India ng susing papel sa Pacific, sa East Asia at Southeast

Asia, at ayon sa interes ng US ang pagganap ng India ng higit na papabigat na papel sa rehiyon.

2. Quadrilateral Security Dialogue (Quad) 2.0

Tulad kay President Obama, nananawagan din si Trump sa mga alyadong estado na

trumabaho at gumastos nang higit “para sa kanilang sariling seguridad.” Para isakatuparan ang FOIP, in-aasahan ng US ang mga “demokratikong” kaalyado na may malakas na kakayahang pang-ekonomya at pangmilitar (lalo na, kakayahang nabal). Hinikayat ng US ang India at Australia, kasama ang Japan at ang US na buhayin ang Quadrilateral Security Dia-logue or Quad 2.0. (Unang nabuo, 2007 pero naghi-wa-hiwalay, 2008 nang umurong si dating PM Kevin Rudd ng Australia). May pangamba ang apat na bayang ito sa Belt and Road Initiative (BRI) ng China at sa lumalawak na estratehiyang pangmaritima ng China at papalakas na paggigiit nito sa reklamasyon at pag-aari ng teritoryo.

Tinalakay sa unang miting, Nobyembre 2017 ang mga susing usapin tulad ng kalayaan sa paglalayag, seguridad pangmaritima at paggalang sa internasyunal na batas pero maliwanag sa mga bi-nasang pinagkaisahan, na magkakaiba ang kanilang intindi sa “estratehikong heograpiya, pandama sa panganib at dynamics” kaugnay ng China (Andrew Shearer and Jessie Barker. The Quadrilateral Security Dialogue and the Maritime Silkroad Initiative. The AMTI Update. CSIS website, April 4, 2018). Tatlong beses na itong nagmiting, pinakahuli ay sa Singapore sa pana-hon ng ika-13 East Asian Summit, Nobyembre 2018.

Habang naitulak ng Quad ang India na maki-pagtulungan sa tatlong malalaking kapangyarihan sa paghugis sa kaayusang Indo-Pacific, ipinahayag nito ang sariling pananaw tungkol sa mga problema sa rehiyon na naiiba sa pagtingin ng Japan o US. Ayaw nitong palalain ang problema nito sa China tungkol sa pag-aangkin sa Doklam laluna’t nakikita nitong mas malaki ang problema nito sa isa pang kalapit-bayan, ang Pakistan.

Plinantsa ng China at India ang ilang gusot sa kanilang relasyon sa India-China Summit sa Wuhan, Abril 27–28 at Hunyo 1, 2018. Ipinahayag ni Prime Minister Nahendra Modi na dapat maging inklusibo

Japanese PM Shinzo Abe.AP

Ang MSDF Akizuki-class destroyer Fuyuzuki (kanan) habang nag-mamaniobra sa pormasyon kasama ang Arleigh Burke-class guided-mis-sile destroyer USS Curtis Wilbur ng US habang nagsasanay sa Philippine Sea on Feb. 28, 2018. | U.S. NAVY

Page 47: KILUSAN - kpdnorth.weebly.com filesa Balangiga na nuon ay saklaw ang mga bayan ngayon ng Lawaan, Giporlos at Quinapundan. Ikinanlong nila ang pagkubkob sa novena at prusisyon. Nagdamit

47 Disyembre 31, 2018 KILUSAN

ang Indo-Pacific strategy, nagpapahiwatig na hindi dapat na inilalabas nito ang China at idinidiin ang pagiging sentro ng ASEAN sa pananaw ng India sa Indo-Pacific.

Gayong lumaki nang 550% ang importasyon ng India ng armas mula sa US nuong 2013–2017 kumpara sa mga nakaraang taon, tumanggi ito (Hulyo 2018) na yumukod sa harap ng banta ng US sa posibleng sanctions kung itutuloy nito ang kasun-duan sa Russia tungkol sa pagbili ng India ng limang S-400 na nagkakahalaga ng 39,000 crore ($5.7 billion).

Aktibo sa pagdaragdag ang Australia ng mga aktibidad militar mula nuong umpisa ng Pivot ni Obama: punong-abala sa mga bilateral at multilateral na military exerices; kumupkop sa US marines na nasa “rotational deployment” na ngayo’y aabot na sa 2,500; nagpapatrulya at fly-over operations sa mga “isla” sa SCS upang hamunin ang pag-angkin dito ng China; nagtatag ng military partnerships tulad ng sa Vietnam at Pilipinas; gumastos ng higit $5 billion sa long-range surveillance drones para palakasin ang kanyang seguridad maritima sa SCS; ina-upgrade, kasama ng US ang Lombrum Naval Base sa Manus Island sa Papua New Guinea; at higit na naging aktibo kaysa nakaraan sa diplomasyang militar sa mga estadong isla sa Pacific

Pero bumabalanse ito ngayon. Ilang buwan mula nuong pumalit si Prime Minister Scott Mor-rison, sa una niyang talumpati ukol sa patakarang panlabas, Nobyembre 1, 2018, diniinan niyang napa-kahalaga ng relasyon ng Australia sa China habang nagbigay-diin din siya sa halaga ng malakas na presensya ng US sa rehiyon. Nobyembre 12, sinabi niyang hindi gugustuhin ng Australia na mawala ang Beijing at Washington dahil ang una ay pinaka-malaking partner nito sa kalakalan habang ang huli ay pangunahing kaalyado sa depensa (John Power. Australia to bury hatchet with China—in Fence between Beijing and Washington. November 17, 2018).

Mas maaga nang kaunti, sa mga komento sa News Corporation, tinanggihan ni Julie Bishop, Foreign Minister ng Australia ang mga panawagan ng isang matagal nang US Representative na mag-sagawa ang Australia ng kanyang sariling ehersisyo para hamunin ang China sa kanyang “pang-aagaw ng lupa.” Sabi niya, magiging “napakapambihirang hakbangin” para sa Australia ang magsagawa ng FonOps sa SCS dahil hindi pa ito ginagawa ng Aus-tralia saan man sa mundo.

3. Mas madalas na Freedom of Navigation Opera-tions (FonOps)

Lalong uminit ang away sa SCS tungkol sa pag-angkin ng China sa mahigit 80% ng SCS. Higit na militarisado ngayon ang mga artipisyal na isla. Nagsagawa ang US at mga alyado nito ng mas agresibo at mas madalas na FonOps liban pa sa mga pag-eensayong militar malapit sa pinagtutungga-liang mga lugar.

a. Limang FonOps ang isinagawa (na napub-liko) ng US Navy sa SCS ngayong 2018 (9 FonOps mula nang maging presidente si Trump). Muntik nang magsalpukan ang US Destroyer Decatur at

Chinese Destroyer Luyang nuong ang una ay mag- FonOps sa Gaven at Johnson Reefs, Setyembre 26, 2018; 45 metro na lamang and distansya ng Decatur sa Luyang. Tinawag ng Washington ang aksyon ng Chinese destroyer na “unsafe and unprofessional” habang inakusahan ng Beijing ang US ng pagbabanta sa kaligtasan at soberanya nito.

Nangyari ito hindi pa nagtatagal na lumipad ang tatlong US-B-52 bombers sa ibabaw ng East China Sea nuong Setyembre 23 at 25 at isa pang nakadug-tong sa mga sundalong Japanese na pag-iensayo sa itaas ng East China Sea nuong Setyembre 26. Sa na-karaang buwan ng Agosto, apat na beses na lumipad sa itaas ng South at East China Sea ang B-52 bombers.

b. Gayong magkasama ang ministro sa de-pensa ng France na si Florence Parly at ang ministro sa depensa ng UK na si Gavin Williamson sa pag-aanunsyo sa Shangri La Dialogue 2018 nuong June 2018 na sasama ang mga barko ng navies ng France at UK sa mga barko ng US Navy sa paghahamon sa pag-aangkin ng China sa mga teritoryo sa pinag-aagawang mga rehiyon ng SCS, ang UK lamang ang umaming nagsagawa ito ng FonOps.

b1. Naglayag malapit sa Paracel Islands ang HMS Albion, isang 18,000-toneladang amphibious British warship na may sakay na Royal Marines, Agosto 31. Binuntutan ito ng isang barkong pan-digma ng China sa distansyang 200 metro habang lumipad ang Chinese jets sa ibabaw ng barko ng UK hanggang makalabas sila sa pinag-aagawang teri-toryo. Tatlong barko ang dineploy ng UK sa Asya ngayong taon: HMSs Albion, Argyll at Sutherland.

b2. Naglayag ang French frigate Vendémi-aire sa mga “isla” ng Spratly nuong Marso, 2018. Naglayag din ang French assault ship na Dixmude at isang frigate sa mga bahurang ginawang isla nuong Mayo. Isinagawa ng French Air Force ang pinaka-malaking ensayong militar nito sa Southeast Asia. Tatlong Rafale jets, isang A400M troop transporter at isang C135 refueling tanker ang lumipad mula Aus-tralia tungong India. Idinideploy ng France ang kan-yang mga barkong panggera sa Asia apat na beses sa isang taon. K

Pulong ng ASEAN foreign ministers para magbuo ng pusisyon ukol sa 'Free and Open Indo-Pacific' strategy ng US, sa Singapore, Agosto 1, 2018. nikkei asian review

Page 48: KILUSAN - kpdnorth.weebly.com filesa Balangiga na nuon ay saklaw ang mga bayan ngayon ng Lawaan, Giporlos at Quinapundan. Ikinanlong nila ang pagkubkob sa novena at prusisyon. Nagdamit

Noon at Ngayon: Protesta Laban sa Tiraniya

Pinangunahan ng Youth for Nationalism and Democracy (YND) ang pangkulturang pagtitipon sa temang Noon at Ngayon, sa pakikipagkaisa sa Commission on Human Rights (CHR) at Focus on the Global South, Setyembre

13, 2018. Pagsasanib ito ng mga aktibista noong panahon ng Martial Law at kabataang artista,

manunulat, makata at mang-aawit na nagbahagi ng kanilang sining—tula, awit, kwento at pag-arte bilang instrumento ng paglaban sa marahas na pagyurak sa karapatang pantao, impyunidad at pagkitil ng buhay sa dalawang magkaibang panahon ngunit iisang mukha ng tiranya ni Duterte at Diktadura ni Marcos.

Maliban sa YND, nakibahagi ang iba’t ibang organisasayong pangkultura at kabataan gaya ng Teatrong Bayan, Silay Mata, Bantayog Initiative, Lapis, Viva Voce-PUP, FEU Journalism Students, CSWCD Student Council- UP Diliman, Young Human Rights Defenders, UP Ugnayan ng mga Manunulat , MAPUA SHS Social Science Club at UP Student Catholic Action.

Nagsilbi ito upang gunitain, paghalawan ng aral at inspirasyon ang karanasan ng pakikibaka noong panahon ng Martial Law. Nagbigay pugay din ito sa mga martir ng malagim na diktadura ni Ferdinand Marcos. Pinagbuklod nito ang mga kalahok sa isang panatang kailanman ay hinding-hindi papapayag na makapanaig ang mga tiraniko’t diktador sa bayan (Mula sa ulat ni R, Villegas/YND).K