katarungang panlipunan2
TRANSCRIPT
KATARUNGANG PANLIPUNAN
Balitaan
Pagsasanay Isulat ang T kung Tama ang inihahayag at M kung Mali sa pagbabago sa populasyon sa pamayanan/bansa sa panahon ng mga Amerikano.
_________________ 1. Nagpatayo ng daan at tulay
_________________ 2. Binomba ng mga gamot ang mga pampublikong lugar_________________ 3. Tinutulungan ang mga magulang na pabayaan ang mga anak_________________ 4. Pagpapatayo ng mga ospital at klinika.
_________________ 5. Itinuturo ang wastong pangangalaga at kalinisan ng paligid ng kanilang
Australia, Brunei, Canada, Chile, China, Hong Kong, Indonesia, Japan, South, Korea, Malaysia, Mexico, New Zealand, Papua New Guinea,Peru, Philippines, Russia, Singapore, Taiwan, Thailand, United States, Vietnam.
Pagganyak
Pagbuo ng Tanong
Anu-ano ang nakapaloob sa katarungang panlipunan na
ipinatupad ni Pangulong Manuel L. Quezon?
Paglalahad
Ang pagkakaroon ng katarungang panlipuanan ang binigyang-diin ng Pamahalaang Komonwelt. Ayon kay Pangulong Manel L. Quezon, malalim ang kahulugan ng “katarungang panlipunan.” Ayon sa kanya, ito ay ang pagiging makatao ng mga batas at pagkakapantay pantay ng lahat ng bumubuo sa lipunan sa pamamagitan ng pagpapanatiling balanse ng kalagayang ekonomiko at panlipunan sa buong lipunan. ****
Pagtalakay
Napakaraming suliraning panlipunan ang dapat bigyang-lunas sa panahong ito. Ilan sa mga ito ay suliranin sa pagmamay-ari ng lupa: suliranin ng mga manggagawa at magsasaka: at iba pang paglbag sa karapatang pantao.
Pagtalakay
Isinasaad ng Saligang Btas ng 1935 na “ang pagtataguyod ng katarungang panlipunan upang matiyak ang kagalingan at pangkabuhayang kaligtasan ng mga mamamayanay tungkulin ng estado”.
Pagtalakay
Itinatadhana rin dito na “dapat magkaloob ang estado ng pangangalaga sa paggawa, lalo na sa kababaihan at kabataan at magsaayos ng pagsasamahan ng mga magsasaka at may-ari ng lupa at ng mga manggagawa at kapitalista”.
Pagtalakay
>Batas sa walong oras na pagtatrabaho at karampatang bayad sa mga oras na lalampas dito, ipinatupad din ang batas sa pinakamababang sahod o minimun wage na nagtatatakda ng 1.00 bilang pinakamababang sahod sa isanag araw.
Layunin nito na mabigyan ang mga manggagawa ng panahon para sa pamamahinga at paglilibang.
Pagtalakay
>Batas na nangangasiwa sa ugnayan sa pagitan ng may-ari ng lupa at kasama at nagtatadhana ng sapilitang pagpapasya sa mga kasong may kinalaman ang dalawang panig.
Ang kasama ay tumutukoy sa mga magsasakang nagsasaka ng lupain ng mga mayayamang hacendero
Pagtalakay
>Paglikha sa Court of Industrial Relations na nagtatadhana sa pangangasiwa sa mga suliranin ng paggawa at pagsasaka
Pagtalakay
>Batas sa lupa para sa kagalingan ng mga magsasakang walang sariling sakahan at nakikisaka lamang sa mayayamang hacendero
Pagtalakay
>Pagtatalaga ng mga lugar pansakahan sa Mindanao.
Pagtalakay
>Pagtatag ng Rural Progress Administration of the Philippines upang mapabuti ang mga kondisyon ng pamumuhay ng mga tao sa mga lalawigan.
Pagtalakay
>Pagtatadhana ng batas sa Public Defense Act na nagbibigay ng libreng serbisyo ng pagtatanggol sa mga ordinaryo at mahihirap na mamamayan.
Pagtalakay
>Pagpapatupad ng ga batas na mangangalaga sa karapatan ng mga kababaihan at kabataan.
Paglalahat
Nagpatupad ang pamahalaang Komonwelt ng Katarungang panlipunan para sa kabutihan ng mga Pilipino
Paglalapat
Pagtataya : Itambal ang Hanay A sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot.
A1.Batas na nagpapatupad ng Katarungang Panlipunan2. Batas na nagpapatupad ng 8 oras na paggawa3. Batas na nagtatakda ng 1.00 bilang pinakamababang sahod4.Layunin nito na mapabilis ang paglutas ng anumang suliranin sa ugnayan ng mga manggagawa at pangasiwaan5. Ipinagawa ito ng pamahalaang Komonwelt upang mapabilis ang pag-unlad sa bahaging Mindanao
B A. Lupang sakahan
B. Hukuman ng Ugnayang Pang Industriya
C. Batas sa pinaka mababang sahod
D. Batas sa Walong oras na paggawa
E. Kalsada at tulay
F. Saligang Batas ng 1935
Takda
Magtanong sa mga sumusunod na kawani ng gobyerno kung magkano ang pinakamababa nilang sahod at ilang oras ang nakalaan para sa kanilang trabaho.
a. gurob.miyembro ng Sangguniang Barangayc. pulis o sundalo