kasaysayan ng wikang pambansa

9
Kasaysayan ng Wikang Pambansa 1937-1959 By: Nikolia Vika Fideles

Upload: vika-fideles

Post on 15-Nov-2014

772 views

Category:

Documents


40 download

DESCRIPTION

presentation about kasaysayan ng wikang pambansa from 1930's to 1950's

TRANSCRIPT

Page 1: Kasaysayan Ng Wikang Pambansa

Kasaysayan ng Wikang Pambansa1937-1959

By: Nikolia Vika Fideles

Page 2: Kasaysayan Ng Wikang Pambansa

Hunyo 18, 1937

Pinagtibay ang batas commonwealth blg. 333, na nasususog sa ilang seksyon ng batas commonwealth bilang 184.

Page 3: Kasaysayan Ng Wikang Pambansa

Nobyembre 9, 1937

Bunga ng ginawang pag-aaral sa commonwealth 184, ang Surian ng Wikang pambansa ay nagpatibay ng isang resolusyon ay siyang halos nakakatugon sa mga hinihingi ng batas ng commonwealth. Kaya, dineklara ng presidente ng pilipinas na iyon na ang wikang pambansa.

Page 4: Kasaysayan Ng Wikang Pambansa

Disyembre 30, 1937

Pormal na inideklara ni pangulong quezon na ang tagalog ay ang wikang pambansa ng pilipinas. Ito ay ayon sa pagalin-sunod sa commonwealth 184.

Page 5: Kasaysayan Ng Wikang Pambansa

Abril 1, 1940

Binigyan pahintulot ang paglilimbag ng isang diksyunaryo at isang gramatika ng wikang pambansa

Tinakdang mula sa Hunyo 19,1940 ay pasisimulang ituro ang wikang pambansa sa lahat ng paaralang bayan at pribado sa bansa.

Page 6: Kasaysayan Ng Wikang Pambansa

Abril 12,1940

Pinalabas ng kalihim Jorge Bocobo ng Pagtuturong pambayanan ang isang kautusang pangkagarawan: ito’y ang sundan ang isang sirkular ng Patnugot ng edukasyon Caledonio Salvador. Ang pagturo ng Wikang pambansa ay sinimulan muna sa mataas at paaralang normal.

Page 7: Kasaysayan Ng Wikang Pambansa

Hunyo 7, 1940

Pinagtibay ng batas ng commonwealth blg. 570, na nagtatadhana, bukod sa iba pa, na ang pambansang wika ay magiging isa na sa mga wikang opisyal ng Pilipinas mula Hulyo 4,1940

Page 8: Kasaysayan Ng Wikang Pambansa

Marso 26, 1954

Nilagdaan ni pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama blg 186. Sa pamamagitan nito’y inililipat ang panahon ng pagdiriwang ng linggo ng wika taun-taon simula sa ika-13 hanggang sa ika-19 ng Agosto.

Page 9: Kasaysayan Ng Wikang Pambansa

Agosto 13, 1959

Pinalabas ni kalihim Jose E. Romero ng kagarawan ng Edukasyon ang kautusang pangkagarawang blg. 7, na nagsasaad na kailanman tutukuyin ang wikang pambansa, ang salitang PILIPINO ang siyang gagamitin.