kasaysayan ng maikling kwento
TRANSCRIPT
KASAYSAYAN NG
MAIKLING KWENTO
REPORTERSShalen BonsatoPrincess OliverosMarianne SamillanoYesa Mel MoralesSheralyn MojilloNoemie EsmayaRutchelle Talaban
Via Mae TapayanZyshen Amor ObiasStephanie BucayanReyshel JacintoStephen Xander DunoMaryvic DellavaMelvin Villarez
PANAHON NG KATUTUBO
Kuwentong bitbit – dito nag-ugat ang maikling kwento, maiikling salaysay na pumapaksa sa mga anito, lamanlupa, malikmata, multo at iba pang mga bunga ng guniguning di kapanipaniwala..
• Karamihan sa mga Panitikan nila’y pasalin-dila gaya ng mga bulong, tugmang bayan, bugtong,epiko, salawikain, at awiting bayan na anyong patula; mga kwentong bayan, alamat, at mito na anyong tuluyan at mga katutubong sayaw at ritwal ng babaylan bilang pinakaunang anyo ng dula sa bansa.
May mga panitikan ding nakasulat sa pirasong kawayan matitibay na kahoy at makikinis na baro ngunit ilan na lamang ang mga natagpuan ng mga arkeologo sapagkat batay sa kasaysayan pinasunog at pinasira ito ng mga prayle nang dumating sila sa bansa sa paniniwala na ang mga ito ay gawa ng demonyo.
PANAHON NG KASTILA
Kakana – sumulpot pagdating ng Espanyol,naglalaman ng mga alamat at engkanto, panlibang sa mga bata
kuwento ay tungkol sa buhay ng mga santo at santa -layunin nila ay mapalaganap ang Kristiyanismo.
Parabula- naglalaman ng mga talinghaga at nagtuturo ng aral.
Hal. Ang Mabuting Samaritano
“Makamisa” ni Dr. Jose Rizal.
Lalo’t lalong sumigla ang mga kilusang pampanitikan sa partikular ay sa kwento. Nang lumabas ang Taliba at Liwayway.
“Bunga ng Kasalanan”ni Cirio Panganiban.
napiling pinakamahusay na kwento sa timpalak-panitik ng Taliba. Ito’y itinuturing na nagsanhi ng unang hakbang sa pagsulat ng mga kwentong may banghay.
Sa gitna ng kasiglahan ng panulat sa loob ng panahon ng “ Ilaw at Panitik” lumitaw ang mga pampanitikang kritiko na kinabibilangan nina Clodualdo del Mundo at Alejandro Abadilla na naglathala ng mga 25 piling maikling kwento mula 1929-1935 na pinamagatang Kwentong Ginto.
PANAHONG POST KOLONYAL
( PANAHON NG AMERIKANO)
Sa larangan ng panitikan, isang malaking ambag ng mga Amerikano ang pagkakaroon ngayon ng Maikling Kwento bilang bahagi ng ating panitikan. Kapansin-pansin ang pagkahilig ng mga mambabasa sa mga akdang madaling basahin ay naimpluwensyahan ng mabilis na galaw ng buhay- kosmopolitan. Ang mga kathang ito ay hindi lamang naisulat sa wikang Pilipino kundi pati narin sa wikang Ingles.
Ang pagdating ng mga Thomasites ang nagbigay-daan sa pagkakaroon ng pampublikong Edukasyon na kung saan ipinasok ang kurikulum ng pagtuturo sa Ingles. Itinatag ang Unibersidad ng Pilipinas noong 1908 at simula noon ay kinilala ito sa mahusay na pagtuturo ng Ingles. Sa pamantasang ito nahasa ang mga manunulat upang linangan ang kanilang kakayahan na sumulat ng mga sanaysay,dula, tula, kwento, at ng lumaon pati na rin ang mga nobela gamit ang wikang ingles.
• Ang maikling kuwentong Tagalog ay naisulat noong mga unang sampung taon ng mga Amerikano. Mga unang anyo nito ay ang dagli at pasingaw.
dagli -maikling- maikling salaysay na gayong nangangaral nang lantaran ay namumuna, nagpapasaring at nanunuligsa.
Hal:“ Sumpain Nawa Ang Mga Ngiping
Ginto” ni Cue Malay
Nagsisulat ng dagli sina Valeriano Hernandez Pena, Inigo Ed Regalado, Patricio Mariano, Pascual Poblete atbp. na inilathala sa pahina ng pahayagang “Muling Pagsilang” noong 1903. Yumabong ang uring ito ng salaysay sa tulong pa rin ng pahayagang Democracia, Ang Mithi, Taliba hanggang 1921.a
Halimbawa ng dagli ni Salvador R. Barros:
"Tungkol sa mga bagay na pumapasok sa pandinig, ang lalaki, babae, at reporter ay may malaking ipinagkakaiba.
"Ang pumapasok sa isang tainga ng lalaki ay lumalabas sa kabila.
"Ang pumapasok sa dalawang tainga ng babae ay lumalabas sa bibig.
"At ang pumapasok sa dalawang tainga ng reporter ay lumalabas sa pahayagan." (Sampagita, 8 Nobyembre 1932)
pasingaw-patungkol sa mga paralumang hinahangaan, sinusuyo, nililugawan at kung anu-ano pa.
Sa mga dahon ng pahayagang Kaliwanagan at Ang Kapatid ng Bayan ito kumita ng liwanag. Madalas na ang mga may-akda nito ay gumagamit o nagtatago sa kanilang mga sagisag panulat.
Napatanyag at namalasak ang pagsulat ng dagli at naging katha at sa bandang huli ay tinawag na maikling katha hanggang 1921.
Noong 1910, nagtagumpay ang
“Elias” ni Rosauro Almario sa pahayagang Ang Mithi sa bisa ng 14,478 na boto ng mga mambabasa.
Mga Samahang Pampanitikan
1. Ang “Aklatang Bayan” nagsimula ang maikling katha nang hindi pa ganap ang banghay at nakakahon pa ang karakterisasyon.
2. Ang “ Ilaw at Panitikan” (popularisasyon) Isinilang ang Liwayway na naging tahanan ng mga akdang Filipino.
3. Parolang Ginto ni Del Mundo-katipunan ng mga pinakamahusay na kuwento sa bawat gawain at sa bawat taon. Pumagitna rin sa larangan ng pamumunang pampanitikan si Alejandro Abadilla sa kanyang Talaang Bughaw.
4. Panitikan- sa panahong ito sinunog ng mga kabataang manunulat ang mga akdang pinalagay na hindi panitikan.
5. “Ilaw ng Bayan” Sa panahong ito ay nangibabaw ang bisa ng mga kabataang manunulat sa panitikan sa Wikang Ingles.
Alejandro G. Abadilla
The father of modern Filipino poetry.
Aklat- Katipunan o Antolohiya ng Maikling Kuwento
1.Ang “Kuwentong Ginto” (1925-1935) 20 “ kuwentong ginto.”nina Abadilla at Del Mundo2. Ang “50 Kuwentong Ginto ng 50 Batikang Kuwentista (1939) ni Pedro Reyes. Katipunan ng mga pinakamahusay na katha ni Hernando R. Ocampo at ang mga manunulat sa Ingles na sina NVM Gonzales, Narciso Reyes, Cornelio Reyes at Mariano C. Pascual.
Deogracias A. Rosario Ipinanganak noong 17 Oktubre 1894 sa Tondo, Maynila,
Amang Maiikling Kwentong Tagalog
• Kapansin-pansin ang pagkagiliw ng mga manunulat sa matamis, mabulaklak at maindayog na pananalita. Karaniwang paksa’y pag-ibig na inaaglahi, hinahdlangan o pinapagdurusa, hindi makatotohanan ang mga sitwasyon at pangyayari at waring nangungunyapit pa rin sa tradisyon ng romantisismo hanggang sa pagdating ng 1930.
Panahon ng Hapon
Sa pagpasok ng mga Hapones ay unti-unting nanlamig ang pagsulat ng kahit anong uri ng akda.
Ngkaroon ng kalayaan sa pagsulat ngunit ang lahat na akda any dadaan muna sa “Manila Shimbun-sha”.
Gintong Panahon ng Maikling Kuwento
Pansamantalang napinid ang mga palimbagan sa panahon ng mga Hapones ngunit pagkaraan ng ilang buwan ay muli itong nabuksan. Pinahintulutang makapaglathala ang Liwayway kaya’t biglang nakapasok dito ang mga akda na dati ay hindi tinatanggap ng naturang babasahin.
Dahil dito ang mga manunulat na dating nagsusulat sa Ingles ay nangagtangkang magsulat sa Tagalog.
Nagdaos ng timpalak ang Liwayway at pinili ang mga pangunahing kuwento noon na tinipon sa isang aklat. “Ang 25 Pinakamabubuting Maikling Kathang Pilipino ng 1943.
Nanguna sa timpalak ang sumusunod na apat na kuwento.: Pangunahin- “Lupang Tinubuan” Narciso Reyes Pangalawa –“ Uhaw Ang Tigang na Lupa” Liwayway A. Arceo Pangatlo- “Nayon at Dagat-dagatan” NVM Gonzales Pang-apat- “Suyuan sa Tubigan” Macario Pineda
Liwayway Arceo
E. Panahon ng Kalayaan
Ang Gantimpalang Carlos
Palanca, isang timpalak pantikan ay
nagdulot ng bagong hamon sa mga
manunulat sa Ingles at Pilipino.
Nagsimula ang patimpalak sa
maikling katha noong 1950.
Naitatag ang Kapisanang KADIPAN (aklat, diwa at panitikan) na itinatag sa pamamahala nina Ponciano B. Pineda at Tomas Ongoco ng MLQU.Ang Diwa at Panitik (1965) ay nagpalabas ng magasing Sibol na ang nilalaman ay tuntunin sa panitikan, wika at pagtuturo.
Noong Enero 1962, ang magasing Akda ang naging kaakit-akit na babasahing naglalathala ng mga orihinal na akda at salin saTagalog ng mga manunulat sa Ingles
Ang magasing Panitikan ay muling pinalabas ni Alejandro G. Abadilla noong Oktubre, 1964 at tumagal hanggang 1968
• Nagtaguyod ang Pamantasan ng Ateneo ng Urian Lectures na pinamahalaan ni Bienvenido Lumbera.
• Ang Gawad Balagtas ay patimpalak ng pamahalaan noong 1969. nilahukan ng katipunan ng sampung akda. Nagwagi si Wilfredo Virtusio ng unang gantimpala sa kanyang “ Si Ambo at Iba Pang Kuwento”.
Ang huling taon sa dekada 60 ang panahon ng protesta. Ang mga manunulat ay pumaksa sa kaawa-awang kalagayan ng iskuwater, sa mga suliranin ng magbubukid at manggagawa.
F. Panahon ng Bagong Lipunan (Batas Militar)
Sa kadahilanang halos lahat ng kuwentista sa Pilipinas sa panahong Batas Militar ay kasangkot sa kilusang makabayan, tampok sa kanilang mga akda ang mga suliraning tulad ng paghihikahos ng marami sa pagpapasasa ng iilan, kabulukan sa pagpapatakbo ng pamahalaan, kawalan ng katarungan sa mga limot na mamamamayan at pang-aalipin ng negosyanteng dayuhan at ng sabwatan ng mga burgis. Lantad ang poot sa mga akdang ito.
• Sagisag- isang magasing inilathala ng Kagawaran ng Pabatirang Madla upang magkaroon ng mapaglalathalaan ng mga akdang hindi tinatangkilik ng mga popular na babasahin.Nagtaguyod din ito ng Gawad Sagisag at nakatuklas ng mga bagong manunulat.
Ang iba;t ibang kuwentong lumabas at naisulat sa panahong ito ay pawing sumasaling sa ugat ng lipunan.
Nakilala sa panahong ito ang mga kuwentistang sina Alfredo Lobo, Mario Libuan, Augosto Sumilang, Lualhati Bautista, Reynaldo Duque, Benigno Juan, Benjamin Pascual, Domingo Landicho, Edgardo Maranan, Wilfredo Ma. Virtusio at Pedro S. Dandan.
Sa panahong ito, naging palasak ang pagpunta ng mga Pilipino sa bang bansa lalo na sa Estados Unidos, ito ang naging batayan ni Domingo Landicho upang isulat ang kuwentong ”Huwag mong Tangisan Ang Kamatayan ng Isang Pilipino sa Dibdib ng Niyebe” na siyang pinagkalooban ng gantimpalang Palanca noong 1975.
Samantala, noong 1979-1980, isang simple subalit pinakamakahulugang kuwento ang napili ng Palanca upang gawaran ng gantimpalang pinakamahusay para sa taong iyon ang kuwentong “Kandong “ ni Reynaldo Duque.
Maikling Kwento sa Panahong
Kasalukuyan
ANG MAIKLING KWENTOIto ang dahilan kung bakit noon pa
mang unang panahon ay mayroon na tayong maikling kathang nagsasalaysay tulad ng alamat, kuwentong bayan at kuwentong akda, kaya hanggang ngayon , buhay na buhay ang maikling kwento bilang mahalagang bahagi ng panitikang Filipino.
Nakilala bilang mahuhusay na manunulat ng maikling kwento sina Genoveva Edroza Matute, Efren Abueg, Rogelio Sikat, Pelagio Cruz, Benjamin Pascual, Edgardo Reyes, Benigno Juan at iba pa.
Patuloy pa rin sa kasigasigan sa pagsusulat ang ating mga manunulat sa hangaring higit pang mapaunlad at maitaas ang uri ng maikling kwentong Filipino.
Kabilang din sa mahuhusay nating kwentista sina Domingo G. Landicho, Dominador Mirasol, Ricardo Lee, Wilfredo P. Virtusio, Gloria Villaroza Guzman at iba pa. Masipag ang panitik at mayaman ang diwa ng ating mga kwentista kaya’t hindi sila nauubusan ng paksang susulatin. Isa lamang ito sa pagpapatunay ng pagkamalikhain ng mga Pilipino na unti-unti ng nakilala sa buong mundo.
Ang Madilim ang Langit sa Akin ay isa sa kwentong isinulat ni Consolacion P. Sauco na gumamit ng sagisag na Consolacion F. Castro. Ang kwento ay tumatalakay sa kasamaang idinudulot ng bawal na gamot.