kabanata 31 at 32 noli me tangere

7

Click here to load reader

Upload: danielle-clarice-reyes

Post on 28-Oct-2014

597 views

Category:

Documents


17 download

DESCRIPTION

Kabanata 31 at 32 Noli Me Tangere: Ang Sermon ni Padre Damaso at Ang PanghugosMaaaring kunin ang dokumento subalit kinakailangang gawing reperensya ang link na ito.

TRANSCRIPT

Page 1: Kabanata 31 at 32 Noli Me Tangere

Group 4Kabanata 31 at 32 : Ang Sermon ni Padre Damaso at Ang PanghugosScene 1

[Nakaupo ang mga dadalo. Nakabukas ang isang pintuan. Si Padre Damaso ay nakatayo sa harapan at may mga papeles o bukas na libro, maaaring may lamesa sa harap.]

Padre Damaso: Nang nagsimula ang mga unang pangkat ng mga Kristiyano, mayroong mga ilan na nakapagpatunay ng kanilang pananampalataya. Matatag nilang ikinwento ang Salita ng Diyos, ipinagsigawan nila ang kanilang mga nalalaman sa pangalan ni Hesukristo. Pinalakas sila ng Espiritu Santo, at dahil diyan, sila’y naging nailigtas.

[Tuloy lang ang sermon ni Padre Damaso. Magmumukhang kabado si Padre Martin dahil mas maganda ang simula ni Padre Damaso. Si Padre Salvi ay titingin sa alkalde at ituturo niya ang altar at ang malaking pintuan. Bubulong ang alkalde sa sakristan para ipasara ang mga pintuan. Isasara ang pintuan. Biglang nagulintang ang alperes, dapat ay tatayo na ngunit umupo uli at mukhang nalilito. Sa dulo ay umupo na lamang siyang kabado sa kanyang upuan.]

Padre Damaso: Ang Salita ng Panginoon ay kailangang nakabaon sa inyong mga puso. Ang inyong mga kaluluwa ay dapat mapuno ng kabutihan; sa kaluluwa niyo’y dapat naninirahan ang Salita ng Diyos. Ipinalaganap ito ng mga guwardiya sibil ng Kalangitan, gamit lamang ng krusipiho, ng krus, ng Salita ng Diyos. [Tuloy lang ang sermon ni Padre Damaso. Titingin siya sa alperes habang nagsasalita. Napakunot ang noo ng alperes.] Hindi nila kinailangan ang mga sandata para ipagtanggol ang kanilang sarili, hindi nila kinailangang pumatay o manakit ng ibang tao para lamang sa kanilang layunin.

Padre Damaso: Sila’y mapayapa na sumulong sa ilalim ng impluwensiya ng Salita ng Diyos, at nagtagumpay. Si Diego de Alcala ay nakatulong sa pagkapanalong ito. Si San Diego ang pinakamataas sa mga santo! Kayong lahat ay dapat na magpasalamat. Isang malaking gantimpala ang maging parte ng isang bayang nakapangalan sa kanyang kagalingan. Kami, ay… nakikita namin, uh, ang kanyang ginawa, mga kontribusyon sa pagiging modelo na santo at ipinapasa namin ito sa iba. Tinutulungan namin ang ibang tao gamit ang mga kaalaman na naipinamahagi ni San Diego. Sa pagbabanggit ko nito, dapat malaman niyo ang kanyang buhay! Dapat pag-aralan niyo ang mga buhay ng mga santo. Alamin ninyo kung ano ang kanilang pinagdaanan upang making mga banal na tao. Idasal ninyo ang Ama Namin!

[Iniisip ni Maria Clara si Ibarra. May maliit na ngiti sa kanyang mukha at hindi siya nakatingin kay Padre Damaso. Maari niyang tignan ang likod ng ulo ni Ibarra o tumingin na lamang siya sa itaas o sa sahig. Inaantok na ang ibang mga tao.]

Padre Damaso: Nakalimutan na ng mga erehe at ng mga protestante and kahalagahan ng pagdadasal ng Ama Namin. ‘Wag niyo silang tularan, pakinggan ninyo ang aking sinasabi. Iwasan niyo ang mga erehe tulad ng pagiwas sa mga ketongin. Namamatay silang hindi nagsisisi, namamatay silang hindi pinapatawad! Namamatay silang may kasalanan. Pag-iisa sa bilangguan lamang

Page 2: Kabanata 31 at 32 Noli Me Tangere

ang kanilang parusa dito sa lupa. Kailangan nilang mamatay para hindi nila hawaan ang ibang tao gamit ng kanilang mga kasalanan. Tapos na ang unang bahagi ng aking sermon.

[Lilingon-lingon si Ibarra dahil hindi siya mapakali. Tuloy ang takbo ng isip ni Maria Clara. Iinom muna si Padre Damaso ng tubig.]

Padre Damaso: Tayong mga Kristiyano, ay uhm, madaling madala sa mga panunukso at dahil diyan ay tayo’y nagkakasala. Pero ang mga nagkakasala, ay hindi nangungumpisal! Hindi kayo humihingi ng tawad sa Diyos. Bakit niyo ito ginagawa? Humingi kayo ng patawad! Mangumpisal kayo! Ang mga taong tago sa bilangguan ay hindi rin nangungumpisal. Namamatay sila na hindi nagsisisi. Nakikita ng Diyos ang inyong mga kasalanan. At nakikita rin ng Diyos na hindi pa kayo nangungumpisal. Isa pang bagay, hindi kayo dapat maging mayabang. Tayong mga Kristiyano ay dapat maging mapagkumbaba. ‘Wag ninyong ipakita ang mga sarili ninyo bilang mga dakilang tao, magkaroon kayo ng mababang-loob. ‘Wag kayong maghambog. Mga binata at mga pilosopo, itong mga tao na ‘to ang mga nagkakasala ng ganito. ‘Wag niyo silang gayahin. Ang edukasyon ay isang regalo, isang gantimpala. May mga taong nakapagaral sa Maynila. Kahit din sa Europa! Pero tayo’y hindi natutuwa o nagagalak dahil sa kanilang mga ginagawa. Hindi sila marunong rumespeto sa mga prayle. Pinapakita nilang mukhang balewala ang kanilang inaral dahil hindi rin naman nila nirerespeto kaming mga prayle. Nagdadala sila ng kahihiyan sa kanilang lugar ng pinag-aralan at dito rin sa ating bayan.

[Napasandal ang ulo ng isang lalaki sa balikat ni Hermana dahil siya’y nakatulog. Titigil muna ng sandali si Padre Damaso. Pagkatigil niya, simula agad ang linya ni Hermana.]

Hermana Pute: [Sabay tayo.] Ano ba yan! [Magigising ng biglaan ang mamang nakatulog.] Huwag mo ngang gusutin ang damit ko! Nakakainis naman eh. Sumandal ka sa iba!

[Nagtinginan ang mga tao kay Hermana. Nagalit si Padre Damaso. Ititira niya ang kanyang paa sa sahig o kaya’y susuntukin ang lamesa sa galit. Uupo muli si Hermana at yuyuko, ng naka ‘prayer position-hands’.]

Padre Damaso: Sa kinahaba haba ng sermon ko, wala man lang kayong natutunan! Magsimula kayong makinig!

Kailangan nating iwasan ang mga taong excomulgado. Sila ang mga nagpapahiya sa ating komunidad. Sinira nila ang mga panuntunan na initayo natin para sa ating grupo. Maraming mga taong hindi nagsisimba. Ang Linggo ay isang banal na araw. Ito’y dapat na igalang, galing sa mga Utos na ibinigay ng Diyos. Mga ilang oras lang ito galing sa isang daan at anim na pu’t walong oras na mayroon kayo sa isang linggo. Magsimba kayo! Magbigay kayo ng pakundangan sa Banal na Araw.

[Natulog ang alkalde at si Maria Clara. Magpapatunog ng kuliling si Padre Salvi. Nainis si Padre Damaso at itinuloy niya pa ang kanyang pagsesermon.]

Page 3: Kabanata 31 at 32 Noli Me Tangere

Padre Damaso: Sinabi sa 2 Timothy 3 na “… ang mga tao ay magiging mapagmahal sa kanilang mga sarili, mamahalin nila ang pera, sila’y magiging mayabang, hindi mapagsunod sa mga magulang, hindi mapagpasalamat, hindi banal, hindi mapagmahal, hindi maipagkasundo sa ibang tao, magkakaroon ng masasamang usapan, kulang ng disiplina sa sarili, mawawala sila ng awa, ikamumuhian nila ang kabutihan, magkakaroon ng pagtataksil, sila’y magiging burot, at mamahalin nila ang katuwaan kaysa sa Diyos. Iwasan niyo ang mga taong ito.” Maghirap kayo na huwag itong mangyari sa atin. Maging mabuti kayong mga tao upang masunod natin ang utos ng Diyos.

[Sa wakas ay napagod si Padre Damaso. Yumuko siya at itinapos niya ang kanyang sermon, “Magsitayo tayong lahat.” Dadasal ang mga tao ng tahimik ng Apostles’ Creed. Lalapit si Elias kay Ibarra, ngunit bubulong siya agad kay Ibarra. Hindi makikita ni Ibarra ang mukha ni Elias hangga’t siya’y hindi natatapos.]

Elias: Sa Paglalagay ng unang bato sa paaralan, tumabi ka lamang sa kura. Iwasan mong bumaba sa hukay at iwasan ang mapalapit sa batong ihuhulog dahil maaari kang mamatay.

[Tinignan ni Ibarra ang mukha ni Elias. Agad agad na umalis si Elias ng nakita na ni Ibarra ang kanyang mukha.]

Scene 2[si Elias at ang taong madilaw lanag ang nandiyan sa simula. Dadaan si Pilosopo Tasyo.]

Pilosopo Tasyo: [padaan lamang] Hindi maglalaon, ang itinatayong ito ay guguho at mahuhukay ang mga mahahalagang dokumento. Maaaring isang dalubhasang guro ang magpaliwanag sa kanyang mag-aaral na ang natuklasang bagay ay nagpapakita na ang mga ninuno nila ay mangmang sapagkat ang mga problemang kinakaharap ng bansa ay kailangan pang isangguni sa iba.

[Aalis si Pilosopo Tasyo. Kinakabahan ang taong madilaw at paulit-ulit na tumitingin sa lubid na humahawak sa bato. Si Elias ay nagtatago sa may likod. Ang mukha niya ay seryoso habang binabantayan ang mamang madilaw.]

[Darating na ang iba pang mga tao. Sila’y nag-usap usap. Malungkot si Padre Salvi ng siya’y dumating. Nag-usap si Ibarra at ang alkalde ukol sa nais ibigay ng huli sa binata. Matapos ng kanilang usapan, kabadong lumapit si Ibarra sa hukay. Lumingon si Ibarra sa direksyon ni Elias at si Elias at kumindat (ng seryoso)]

Padre Salvi: Panginoong Hesukristo, sinabihan niyo ang inyong mga tagasunod na ipagdasal na sa kahit anong bahay na kanilang papasukin, mananaig ang kapayapaan, hinihingi namin ang Inyong basbas para sa gusaling ito na magsisilbing eskwelahan para sa kabataan. Ipagkaloob Ninyo ang Inyong kapayapaan at pagpapala rito ng buong buo, upang maranasan ng mga guro at estudyante nito ang Inyong pagpapalang nagliligtas. Ipabantay Ninyo ang Inyong mga anghel rito upang maialis ang kapangyarihan ng masasamang kalaban. Ipuno Ninyo ang mga guro ng kaalaman, at takot sa Inyo. Bigyan Ninyo ng

Page 4: Kabanata 31 at 32 Noli Me Tangere

bahay ang mga magaaral para sila’y matuto ng husto. Ipinagdarasal namin ito, sa pamamagitan Ninyo, Hesukristo, aming Panginoon. Amen.

Alkalde: Ginoong Ibarra, baka gusto ninyong ikaw na ang maglagay ng kaha sa uka? Ibarra: Gustuhin ko man subalit ang eskribano ang dapat gumawa niyan.

[Bumaba sa hukay ang eskribano at inilagay ang kahang kristal sa uka. Nag-sign of the cross si Padre Salvi sa itaas ng uka.]

Alkalde: Ang pagtatayo ng isang eskwelahan ay importante sa isang bayan. Ito ang nagsisilbing daan sa mga estudyante upang maliwanagan ang kanilang mga isip tungkol sa mga bagay sa mundo. Dito nila natututunan kung pano makihalubilo sa ibang tao, dito rin sila magkakaroon ng katalinuhan. Sa eskwelahang ito, tutulungan ng mga guro na maging bihasa ang mga mag-aaral sa kanilang mga aralin. Malalaman nila ang kailangang karakter na makakatulong sa kanila para maabot nila ang kanilang mga pangarap.

[Sinimulan na ng alkalde ang paglalagay ng palitada. Sumunod si Padre Salvi at si Padre Damaso. Hihilahin na sana ng taong madilaw ang batong ihuhulog sa uka, ngunit biglang nagsalita ang si Padre Salvi.]

Padre Salvi: [kay Ibarra] Hindi ba kayo bababa sa hukay upang maglagay ng palitada?

Ibarra: Ayaw kong matulad kay Juan Palomo.

Alkalde: Ngunit hindi maitutuloy ang paghugod kapag hindi ka nakapaglagay ng palitada!

[Kinuha ni Ibarra ang ginagamit sa paglalagay ng palitada galing sa alkalde at bumaba siya sa hukay. Tutok na tutok si Elias sa kanya. Tumitingin ang taong madilaw sa baba ng hukay. Aalis si Padre Salvi sa lugar.]

[Lumipat ang tingin ni Elias sa kamay ng taong madilaw. Biglang nagusap usap ang alkalde at ibang tao. Biglang may narinig na ingay. Dadaan ang dalawang tao upang maghawak ng telang sumisimbolo sa alikabok. Maaaring ipakita na tinulak ni Elias ang taong madilaw ngunit ito’y mailalahad lamang sa susunod na kabanata. Maririnig ang paghulog ng bato sa ilalim ng hukay. Tahimik na nakaupo si Maria Clara at Padre Salvi, ngunit ang katawan nila’y nakalingon sa direksyon ng hukay. Ang taong madilaw ay nasa ilalim ng bato—patay, nakatayo si Ibarra na mukhang gulat at takot.]

Ibarra: Anong nangyari?!

[Hihimatayin si Maria Clara dahil narinig niyang nagsalita si Ibarra. –Sasaluhin na lang siguro ni Padre Salvi. Ilalabas ni Padre Salvi si Maria Clara sa scene.]

Alkalde: Kailangang hulihin ang may kagagawan nitong trahedya!

Page 5: Kabanata 31 at 32 Noli Me Tangere

[Lumabas si Ibarra sa hukay.]

Ibarra: ‘Wag na, ‘wag na. Hindi na maibabalik ang buhay ng nasawi at wala na ring mangyayari dahil wala tayong katiyakan kung sino ang nagkasala.

[Maglalakad si Ibarra patungo sa mga tao kung nasan si Maria C.]Ibarra: Anong nangyari kay Maria Clara?

Eskribano: Dinala siya doon [sabay turo sa pintuan].

[Susunod si Ibarra sa direksyon.]

[dadaan muli si Pilosopo Tasyo] Pilosopo Tasyo: Ang pangyayaring ito ang pangpapahiwatig ng hindi magandang simulain.

[Aalis lahat.]