kabanata 22 - 30

3

Click here to load reader

Upload: christian-javiniar

Post on 02-Apr-2015

4.946 views

Category:

Documents

12 download

TRANSCRIPT

Page 1: Kabanata 22 - 30

Kabanata 22 TULUNGAN ANG KROTONAMabilis na narating nina Florante at Menandro ang Albanya.. pinuntahan ni

Florante ang kanyang amang Duke. Labis nilang ipinagluksa ang pagkamatay ng kanyang ina. Magkayakap ang mag-ama nang dumating ang embahamador ng Krotona na may liham mula sa biyenan ng duke na Hari ng Krotona. Nagpapatulong siyang masugpo ang Morong hukbo ni Heneral Osmalik, sa ilalim ng pamumuno ni Aladin ng Persya.

Sa pagharap kay Haring Linceo, naatasan si Florante na maging heneral ng hukbo ng Albanya. Hangad ng hari ang tagumpay ni Florante sa digmaan.

Kabanata 23 O, LAURANG KARIKTANNaupo sila upang pag-usapan ang mga balak na pagtulong sa Krotona. Nang

isasalaysay na lamang ni Florante ang kanyang pinagdaanan sa Atenas ay siya namang pagdating ng babaeng nagsabog ng kagandahan at liwanag. Siya si Laura, anak ni Haring Linceo.

Ayon kay Florantes, si Laura raw ang ikinabaliw ng kanyang isip, at dahilan ng kanyangg kalungkutan at agam-agam.

Kabanata 24 ANG PAGTUNGO SA KROTONAAyon kay Florante, gulung-gulo at nalulunod ang kanyang puso dahil sa muling

pag-alab ng pag-ibig na nararamdaman niya nang makita niya si Laura. Ngunit sa tatlong araw na kasiyahan na inihandog ng hari, ni hindi niya nakausap si Laura. Noon na lamang araw bago siya lumakad patungong Krotona, saka noya nakausap ang prinsesa.

Ipinahayag ni Florante ang pagmamahal niya kay Laura. Gayong hindi nagbitiw ng “oo” si Laura, lumuha ito sa pag-alis ni Florante.

Masakit man sa loob niya, kailangang lisanin niya ang Albanya, iwan si Laura, upang iligtas ang Krotona mula sa hukbo ni Osmalik.

Kabanata 25 MADUGONG LABANANMatapos bayuhin ng mga makinang pandigma, lumusob si Florante kasama

ang kanyang hukbo upang paligiran ang mga kaaway na may hawak ng Krotona. Walang tigil ang patayan. Maraming namatay sa tabak ni Heneral Osmalik. Nagtama ang paningin nina Florante at Heneral Osmalik. Hinamon ni Osmalik na sila’y magtuos. Matapos ang limang oras na labanan, nalungkot daw ang langit nang mapatay ni Florante si Osmalik. Sa kabilang dako naman, sa pamumuno ni Menandro, nalupig ang kalaban sa Krotona.

Nagdiwang nang tatlong araw ang buong bayan ng Krotona. Tinanghal na bayani si Florante. Ngunit muling nanumbalik ang lungkot sa puso ni Florante sa pagkamatay ng kanyang ina.

Nanatili nang limang buwan sa Krotona sina Florante, Menandro at ang hukbo ng Albanya. Sa panahong yaon, laging sumasagi sa isipan ni Florante ang pag-ibig niyang si Laura.

Page 2: Kabanata 22 - 30

Kabanata 26 ANG PAGLILIGTAS NG ALBANYA

Sanhi ng kutob, nagmadali si Florante na makabalik sa Albanya. Pagdating ng Albanya, laking gulat ni Florante na watawat na ng Persya ang wumawagayway sanhi ng paglusob ni Aladin habang si Florante’y nasa Krotona.

Habang nakahimpil sa bundok, napansin ni Florante ang hukbo ng Moro na may dalang babaeng nakagapos, may takip sa mukha, at pupugutan ng ulo. Kagyat na pumasok sa isip ni Florante si Laura. Dali-daling nilang nilusob ang mga Moro at pinagpapatay; at nailigtas ang babae-si Laura.

Laking gulat ni Florante nang masilayan si Laura. Ipinagtapat ng huli na pinapupugutan siya ng ulo sanhi ng kanyang pagtanggi sa mahalay na tangka ng Emir.

Nilusob ng hukbo ni Florante ang Albanya at pinalaya ang duke, ang hari, at si Konde Adolfo. Labis ang poot ni Adolfo kay Florante at naghangad ng paghihiganti.

Kabanata 27 TUNAY NA MANDIRIGMA

Makailang buwan pa lamang, lumusob naman ang hukbong Turkey. Kasabay ng alinlangan ng Albanya ay ang pangamba ni Laura na baka samaing palad si Florante.

Tinalo ni Florante ang sikat na si Miramolin. Simula noo’y kinatakutan na ng Turkey ang kahariang Albanya. Bukod dito, tinalo ni Florante ang labimpito pang hari na nagnais sumakop sa Albanya.

Sa Etolya, nakatanggap ng liuham mula kay Haring Linceo si Florante. Inatasang umuwi si Florante. Agad iniwan ni Florante ang hukbo kay Menandro at nagtungo sa Albanya.

Kabanata 28 SI ADOLFONG SUKAB

Ayon kay Florante, gabi na nang makarating siya sa Albanya. Di niya inaasahang isang patibong ang kanyang daratnan. May tatlumpong libong sandatahang sundalo ang naghihintay upang siya’y hulihin. Ni hindi na siya nakabunot ng kanyang sandata at agad siyang iginapos at ikinulong.

Nalaman niyang pinatay ni Adolfo sina Haring Linceo at Duke Briseo. Dahil sa pagnanasa ng kapanyariha’t kayamanan, nagtaksil si Adolfo at ipinahamak niya ang buong Albanya.

Nalaman din ni Florante na ikakasal na si Laura kay Adolfo kaya hinangad niyang mamatay.

Makalipas ang labingwalong araw na pagkakakulong, at mainip sa paghihintay ng kamatayan, isang gabi’y dinala si Florante sa gubat. Sinabi ni Florante na nagising na lamang siya sa kandungan ng Morong Gerero.