julius caesar (group 7)

21
Pangkat 7 VIII-FIBONACCI

Upload: louriel-martinez

Post on 12-Dec-2015

206 views

Category:

Documents


5 download

DESCRIPTION

*Reporting*AP 2nd QuarterVIII-Fibonacci '15-'16

TRANSCRIPT

Page 1: Julius Caesar (Group 7)

Pangkat 7VIII-FIBONACCI

Page 2: Julius Caesar (Group 7)

Si Julius Caesar Bilang Diktador

Sa unang siglo ng B.C.E., matindi ang agawan sa

kapangyarihan ng mga heneral at pinunong militar sa Rome.

Karaniwang nauuwi sa digmaang sibil. Noong 60 B.C.E.,

binuo ni Julius Caesar, Pompey, at Marcus Licinius Crassus

ang First Triumvirate, isang union ng tatlong

makapangyarihang tao na nangasiwa ng pamahalaan.

Hinawakan nila ang kapangyarihang politikal at militar.

Page 3: Julius Caesar (Group 7)

Julius Caesar

Page 4: Julius Caesar (Group 7)

First Triumvirate

Page 5: Julius Caesar (Group 7)

Si Crassus ang pinakamayamang tao sa Rome na nanguna sa pagpapakalma sa isang rebelyon ng mga alipin. Samantala, si Pompey ay kinilala bilang isang bayani dahil sa kanyang tagumpay na masakop ang Spain. Si Caesar ay isang gobernador ng Gaul kung saan matagumpay niyang napalawak ang mga hangganan ng Rome hanggang France at Belgium. Bagama’t nagkasundo silang pamunuan ang Rome, may namagitang inggit at kompetisyon sa bawat isa.

Page 6: Julius Caesar (Group 7)

PompeyCrassus

Page 7: Julius Caesar (Group 7)

Noong 53 B.C.E., napatay sa isang labanan si Crassus. Tanging si Caesar at Pompey na lamang ang naiwang maghahati ng kapangyarihan. Sa pananaw ng mga nasa Senate, higit na may pag-asa silang makitungo kay Pompey kumpara kay Caesar. Hindi lingid sa kanila ang tagumpay at galing ni Caesar. Isang matagumpay na heneral si Caesar. Popular din siya dahil sa mga reporma niya sa mga lalawigan tulad ng pagbaba ng buwis at pagkakaloob ng lupa sa mga beterano ng hukbo.

Page 8: Julius Caesar (Group 7)

Inutusan ng Senate si Caesar na bumalik sa Rome nang hindi kasama ang kaniyang hukbo. Subalit sinalungat ni Caesar ang utos ng Senate at bumalik sa Rome na kasama ang kaniyang hukbo. Sa takot nila sa kapangyarihan ni Caesar, tumakas papuntang Greece ang karamihan sa mga kasapi ng Senate, kabilang si Pompey. Hinabol sila ni Caesar at natalo nito ang puwersa ni Pompey.

Page 9: Julius Caesar (Group 7)

Ginawang diktador si Caesar sa kaniyang pagbalik sa Rome sapagkat kontrolado na niya ang buong kapangyarihan. Bilang diktador, binawasan niya ang kapangyarihan ng Senate ngunit dinagdagan naman niya ang bilang nito, mula 600 naging 900 ang kasapi nito. Binigyan ng Roman citizenship ang lahat ng naninirahan sa Italy. Sa mga lalawigan, ang pagbabayad ng buwis ay inayos habang ang pamahalaan ay pinagbuti.

Page 10: Julius Caesar (Group 7)

Nangamba ang Senate na maaring ideklara ni Caesar ang sarili bilang hari at magwakas ang Republika. Binuo ang isang sabwatan upang patayin si Caesar. Isa sa mga sumali sa sabwatan ay si Marcus Brutus, matalik na kaibigan ni Caesar. Noong March 15, 44 B.C.E., isinakatuparan ang pagpatay kay Caesar. Habang nagpupulong ang Senate, sinaksak si Caesar ng unang grupo ng senador sa pangunguna nina Brutus at Gaius Cassius.

Page 11: Julius Caesar (Group 7)

Marcus Brutus Gaius Cassius Longinus

Page 12: Julius Caesar (Group 7)

Augustus: Unang Roman Emperor

Page 13: Julius Caesar (Group 7)

Bago mamatay si Caesar, ginawa niyang tagapagmana ang kanyang apo sa pamangkin na si Octavian. Noong 43 B.C.E, kasama sina Mark Antony at Marcus Lepidus, binuo ni Octavian ang Second Triumvirate upang ibalik ang kaayusan sa Rome. Ito ay dahil binalot ng kaguluhan ang Rome mula nang mamatay si Caesar. Sa pagkakabuo ng Second Triumvirate, tinalo nila ang hukbo nina Brutus at Cassius.

Page 14: Julius Caesar (Group 7)

Mark Antony Marcus Lepidus

Page 15: Julius Caesar (Group 7)

Sa pagkakabuo ng Second Triumvirate, tinalo nila ang hukbo nina Brutus at Cassius. Sa loob ng sampung taon, naghati sa kapangyrihan sina Octavian at Mark Antony. Pinamunuan ni Octavian ang Rome at ang kanlurang bahagi ng imperyo, samantalang pinamunuan ni Antony ang Egypt at ang mga lugar sa silangan na kinilala bilang lalawigang sakop ng Rome. Si Lepidus ang namahala sa Gaul at Spain.

Page 16: Julius Caesar (Group 7)

Marcus Brutus Gaius Cassius Longinus

Page 17: Julius Caesar (Group 7)

Habang nasa Egypt, napamahal kay Antony si Cleopatra, reyna ng Egypt. Nang dumating sa Rome ang balita na binigyan ni Antony ng lupa si Cleopatra at balak salakayin ang Rome, bumuo ng malaking hukbo at plota si Octavian upang labanan si Antony. Naganap ang malaking labanan sa pagitan ng dalawang puwersa sa Actium noong 31 B.C.E. Matapos matalo sa Actium, iniwan ni Antony ang kanyang hukbo at sinundan si Cleopatra sa Egypt. Nang sumunod na taon, nagpakamatay si Antony dahil sa maling pag-aakala na nagpakamatay si Cleopatra.

Page 18: Julius Caesar (Group 7)

Cleopatra

Page 19: Julius Caesar (Group 7)

Samantala, dahil nagpakamatay na ang

minamahal na si Antony at sa harap ng pagkatalo kay

Octavian, nagpakamatay na rin si Cleopatra. Si

Lepidus ay pinagkaitan ng kapangyarihan. Nawala sa

kanya ang pamamahala sa Gaul at Spain. Noong 36

B.C.E., hinikayat niya ang rebelyon sa Sicily laban kay

Octavian subalit tinalikuran siya ng kaniyang mga

sundalo

Page 20: Julius Caesar (Group 7)

Ipinatapon ni Octavian si Lepidus sa Circeii, Italy. Nang bumalik si Octavian sa Rome, nangako siyang bubuhayin muli ang Republic bagama’t hawak niya ang lahat ng kapangyarihan. Bilang pinuno ng hukbo, si Octavian ay tinawag na imperator. Noong 27 B.C.E., iginawad ng Senate kay Octavian ang titulong Augustus. Ang katagang Augsutus ay karaniwang ginagamit patungkol sa isang banal na lugar o banal na akto. Samakatuwid, ang titulong Augustus ay nagpapahiwatig ng pagiging banal o hindi pangkaran.

Page 21: Julius Caesar (Group 7)

Group 7 JAN MARI DELA VIRGEN

WINNIE BERNADETTE SEBOLLENA

DAISY GRACE MIRANO

RANELA PAYAWAL

DARVID WYCOCO

JERICHO DIAZ