isang pananaliksik ukol sa

14
Isang Pananaliksik Ukol Sa Ganap ng Mga Magulang Ukol Sa Edukasyon Sa Droga at Bawal na Gamot Inihanda nila: Mga Guro Raymond Solar Gng. Salita Alejandro Rey Bb. Vivas Seksyon:

Upload: alejandro-rey

Post on 21-Apr-2015

2.788 views

Category:

Documents


35 download

TRANSCRIPT

Page 1: Isang Pananaliksik Ukol Sa

Isang Pananaliksik Ukol Sa

Ganap ng Mga Magulang Ukol Sa

Edukasyon Sa Droga at Bawal na Gamot

Inihanda nila: Mga Guro

Raymond Solar Gng. Salita

Alejandro Rey Bb. Vivas

Seksyon:

IV – San Danilo

Page 2: Isang Pananaliksik Ukol Sa

I. Panimulang Pahayag

Ang sulating ito ay inihanda upang malaman ng sino mang makababasa lalo na ang mga

magulang, ang kanilang ganap sa pagtuturo sa kanilang mga anak ang tungkol sa droga at bawal

na gamot nang sa gayo’y mabigyan sila ng tamang konsepto tungkol sa nasabing paksa.

Ang isang gamot ay isang kemikal na karaniwang nasa pormang likido, o tabletas. Ito ay

nakakapagpabago sa pakiramdam ng tao. Ang wastong gamit ng isang gamot ay para

makapagpagaling ng sakit na nararamdaman ng isang tao. Kapag hindi nagging wasto ang

paggamit ng isang uri ng gamot ay maaari itong maging sanhi ng hindi ninanais na epekto sa

katawan at maaari ring magdulot ng malaking pagbabago sa pag-iisip ng isang tao. Ang maling

paggamit rin ng gamot ay sanhi ng pagkamatay.

Ang di-wastong paggamit ng droga ng kabataan ay karaniwang nangyayari sa mga pamayanan,

lalo na sa mga paaralang hindi nabibigyang pansin ang pangangailangan ng mga mag-aaral sa

edukasyon tungkol sa droga. Ang di wastong paggamit ng droga ay karaniwang ginagawa ng

mga batang na sae dad na labindalawa hanggang dalawampung taong gulang. Ang kanilang

karaniwang dahilan sa paggawa nito ay para sa panandaliang kasiyahang naidudulot ng droga sa

kanilang pakiramdam. Di lalaon ay magiging bisyo ito at magiging adik sila at tuluyan ng

masasakop ang kanilang kaisipan ng droga at siyang magiging perwisyo sa lipunan.

Ang mga magulang ang itinuturing na unang guro ng kabataan. Sila ang umaantabay at

gumagabay sa kanilang paglaki. Darating ang panahong sila’y magtatanong tungkol sa bawal na

gamot. Kaya dapat sila ay may sapat na kaalaman tungkol sa usaping ito at ipaintindi sa kanila sa

pinaka-epektibong paraan ang mga epekto ng paggamit ng droga, ang tamang paggamit nito at

ang dapat na iwasang maling paggamit ng droga.

Page 3: Isang Pananaliksik Ukol Sa

II. Mga Suliraning Gustong Sagutin Sa Pananaliksik Na Nais

Ang kabataan ang pag-asa ng bayan, kaya dapat lamang na sila’y maalagaan at mahubog sa

tamang paraan. Ang problema tungkol sa pang-aabuso ng droga ay hindi lamang nagaganap s

Pilipinas ngunit pati sa karamihan ng mga bansa. Buti at mayroong mga organisasyong

pandaigdig na patuloy na lumalaban rito.

Maraming suliraning dulot sa lipunan ang pag-abuso sa droga at ang ilan ay ang mga

sumusunod.

1. Paunti unting nababawasan ang mga kabataang dapat ay nasa mga paaralan.

2. Maraming kabataan ang napupunta sa paggawa ng krimen.

3. Marami ang namamatay dahil sa sobrang paggamit ng pinagbabawal na droga.

4. Dumarami ang mga kabataang pakalat-kalat sa lansangan.

5. Dagdag sa prosyento ng mga taong walang trabaho at hindi produktibo ang mga

umaabuso sa droga.

6. Dahil sa epekto ng gamot sa pagiisip ng tao ay nakagagawa sila ng mga maling desisyon

at gawain tulad ng pagnanakaw at pagpatay.

7. Ang pagrerebelde ng mga kabataang nasa impluwensya ng droga ay nagdudulot sa

kanilang magpalaboy-laboy sa kalsada o di naman kaya’y tumira rito.

8. Marami pang mga kabataan ang nahihikayat na mag-droga.

Page 4: Isang Pananaliksik Ukol Sa

III. Artikulo na May Kinalaman sa Pananaliksik

Mga uri ng droga.

1) Pampasigla – ito ay ang mga sustansyang nakakapagpabiis ng gawain ng katawan.

Tinatawag rin itong stimulants

A. Caffeine – ito pinakakaraniwang nagpapasigla ng katawan ng tao. Ito ay

nakakapagpabilis ng tibok ng puso at takbo ng dugo, nakakapagpataas ng

presyon ng dugo at nakapipigil ng antok. Ito ay nakakamamatay kapag labis

ang pagkonsumo.

B. Nikotina – ito ay isang sangkap ng tabako. Maliban sa pagpapabilis ng nervous

system, ito ay nakakapagpasigla rin ng puso. Karamihan sa mga naninigarilyo

ay nagkakaroon ng sakit sa puso at kanser sa baga dahil sa nikotinang

nakukuha sa sigarilyo.

C. Ampetamina – ito ay kilala sa tawag na upper o pep pill. Nabibilang rito ang

mga gamot sa sipon, mga pampawalang gana ng pagkain at pampahaba ng

timbang, at mga gamot sa tamlay, lungkot at antok. Ito ang mga gamot na

nakdaragdag sa kaliksihan, bumabawas sa pagkagutom at nagdudulot ng

pansamatanlang buti ng pakiramdam. Ang mga halimabawa ng gamot na

pamapasigla ay cocaine at Dexedrine.

2) Pampatamlay – kilala rin ang mga ito sa tawag na downer o depressant.

A) Alkohol – ito ay isang sustansyang nagpapabagal ng mga gawain ng utak. Ang

bahagi ng utak na pumipigil sa kasalanan ay naapektuhan ng alkohol. Ang isang

taong umiinom ng alcohol ay nakararanas ng pagbabawas ng pagtugma ng mga

kaalaman at mga kasanayan sa pagkilos.

B) Barbiturate – ito ay ang pangalawang downer na karaniwang ginagamit upang

magpatamlay sa galaw ng katawan at nerbiyos. Ito ay isang gamot na

pampaantok kung kaya’t ginagamit ng mga hindi makatulog, na may mataas na

presyon ng dugo o di maayos na kondisyong padamdamin, at ang may

Page 5: Isang Pananaliksik Ukol Sa

kombulsiyon at sakit na epilepsy. Ang mga halimbawa ng barbiturate ay ang

Phenobarbital, Nembutal at Seconal.

C) C. tranquilizer – ang pangkaraniwang halimbawa nito na inihahatol ng

manggagamot ay Valium at Librium. Ang mga ito’y nakababawas oa nakaaalis

ng pagkanerbiyos at matinding pagkabahala. Makapagpapabilis ito ng tibok ng

puso, at nakapagpapatulog. Ang halimbawa ng lalong matindi at matapang na

tranquilizer ay ang compazine at therazine na panggamot sa mga sakit na

pangkaisipan at pandamdamin .

Page 6: Isang Pananaliksik Ukol Sa

IV. Layunin

Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay upang malaman ng mambabasa ang kahalagahan ng ganap ng mga magulang sa pag pigil sa malawakang pangaabuso ng droga sa pagsimula sa sariling tahanan ng tamang pagturo at pagdiskusyon tungkol dito.

Page 7: Isang Pananaliksik Ukol Sa

V. Mga Makikinabang sa Pananaliksik na ito

Ang pangunahing makikinabang sa sulating ito ay ang mga magulang ng kabataan ng kasalukuyang henerasyon at susunod pa. Nakasaad rito ang kanilang mga responsibilidad at obligasyong dapat tuparin para sa ikabubuti ng pamilya. Makatutulong rin ito sa mga kabataan upang malaman ang kanila naming mga tungkulin upang maiwasan ang di-wastong paggamit ng droga.

VI. Konseptwal na Balangkas.

I. Droga, at ang mga gamit nitoII. Edukasyon sa drogaIII. Ganap ng magulang sa edukasyon ng kabataan tungkol sa drogaIV. Kahalagahan ng ganap ng magulang

VII. Mga pahayag mula sa mga mananaliksik/nagsusuri

Nais naming na sa pamamagitan ng sulating ito ay mabigyan ng karagdagang linaw sa kaisipan ng mambabasa lalo na sa mga magulang at mga anak ang mga masasamang epekto ng di wastong paggamit ng droga. Sana ay mas maging matibay ang relasyon ng magulang at kanilang mga anak sa pamamagitan ng sabay na pagbasa sa sulating ito. At sana, ang kabataan ay matulungang umiwas sa bawal na gamot dahil ito ang syang magpapahamak sa kanilang buhay at ang sisira sa kanilang kinabukasan.

Page 8: Isang Pananaliksik Ukol Sa

VIII. Paglalahad ng Datos.

Ang mga kabataang naturuan ng mga panganib ng bawal na gamot sa bahay ay sinasabing may

42 porsyentong tsansang hindi gumamit nito ayon sa website na www.Antidrug.com.

Nasasabirin sa site na dalawa sa tatlong teenedyer ang naniniwalang mawawala sa kanila ang

tiwala at respeto mula sa magulang kapag sila ay sumubok gumamit ng bawal na gamot. Hindi

na nakapagtataka na ang nasasabing “antidrug” ay ang mga magulang. Matibay ang koneksyon

ng mga magulang na magling makipag usap sa kanilang mga anak tungkol sa masasamang

epekto ng paggamit ng bawal na droga at ang mga anak na umiiwas sa panganib na ito.

Sa panahong umabot ang mga bata sa kanilang pagiging binata at dalaga, sila siguradong naka

engkwentro na ng maraming usapin at mga material na may nasasabi tungkol sa droga at alkohol.

Ayon naman sa site na www.talkingwithkids.org na ang pop culture ay punong puno ng mga

bagay na may kinalaman sa masamang bisyo, paggamit ng bawal na gamot at paginom ng

alkohol. Ngunit ang kanilang representasyon ay kadalasaang mali. Kadalasang ipinapakita sa

mga palabas sa t.v., pelikula, mga bidyogeyms na ang paggamit ng mga ito ay magandaat

maganda nang hindi ipinapakita ang mga masasamang epekto tulad ng maging lulong sa droga,

at ang mga kasamaang pisikal at mental.

At siguradong ang mga depiksyong ganito ay nakadadagdag sa maling persepyong nakukuha ng

mga kabataan tungkol sa bawal na gamot. Dahil sa mga ito, ay dapat na maging mas

mapagmatyag ang mga magulang tungkol sa kung ano ang pinapanood ng kanilang mga anak.

Ang pagpili ng mga mteryal na dapat sa kanila ay isang karapatan ng isang magulang. Sa kabila

ng mga paraang ito ay hindi maiiwasan na makakuha sila ng impormasyon na kadalasan ay mali

mula sa ibang mga material at tao. Kaya maganda na magkaroon muna sila ng sapat na kaalaman

tungkol rito mula sa kanilang tahanan mismo. Upang sa mga pagkakataong sila ay malagay sa

sitwasyong sila’y nanganganib na maimpluwensyahan ng droga, sila ay mayroon ng tamang pag-

iisip upang iwasan ito

Page 9: Isang Pananaliksik Ukol Sa

IX. Konklusyon

Hindi natin maiiwasnag hindi gumamit ng gamot, pero kung tama lamang ang paggamit rito ay makukuha natin ang pinakamagandang epekto nito. Kung ito naman ay gagamitin sa masama, datapawat may mga epekto itong nakakapagpabuti ng pakiramdam ay makasisira naman sa ating kalusugan.

Ang mga magulang ang siyang dapat na maging gabay ng kabataan upang sila ay magkaroon ng mabuting kaalaman tungkol sa wastong paggamit ng gamot. Sila ang dapat magturo ng mga masasamang epekto ng paggamit na pinagbabawal na gamot. Hindi man maiiwasan ang magkaroon ng kaalaman ang kabataan tungkol sa mga epekto nitong nakapagpapabuti ng pakiramdam, kung mayroon naman silang sapat na kaalaman tungkol sa masasamang epekto nito, siguradong hindi na nila susubukan pang gumamit nito.

Kaya dapat magsimula ang laban kontra sa paggamit ng bawal na droga sa tahanan. Sapagkat ang koneksyon ng magulang sa anak ay isang koneksyong mahirap putulin at matibay. Ang pagmamahal ng isang magulang sa kanyang anak, at ang respeto naman ng anak sa kanyang magulang ang nagbibigay lakas sa koneksong ito at dapat gamitin ito ng magulang upang mapabuti ang kinabukasan ng anak at hindi mapunta sa maling landas.

Page 10: Isang Pananaliksik Ukol Sa

X. Rekomendasyon

Dahil sa natural na panahon ng pagrerebelde ng mga kabataan, dapat na ipaliwanag ng mabuti ng mga magulang ang tungkol sa masasamang epekto ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Kailangan matutukan sila ng mabuti at ipaliwanag ito sa paraang tugma sa kanilang edad.. ang mga magulang ay pinapayuhan na kumuha ng mga seminar upang mas maintindihan ang gagawing “approach” sa mga anak para makuha nila ang kanilang atensyon.

Dapat ay gumamit ang mga magulang ng mga katotohanan, hindi upang manakot kundi upang paalalahanan sila.

Dapat ay isulong kasabay ng budget sa edukasyon ang pagdagdag sa budget upang labanan ang bisyon ito.

Dapat makiisa ang mga magulang sa mga programang ginagawa ng mga LGU sa kanilang komunidad laban sa drug abuse

Hikayatin ang kabataan na mag sports na lamang imbes na magdroga sa pamamagitan ng programang katulad ng mga pa liga o sports fest sa baranggay.

Page 11: Isang Pananaliksik Ukol Sa

XI. Pagpapasalamat/sanggunian

Nais pasalamatan ng mga may akda ang mga taong tumulong sa kanila sa paggawa ng pananaliksik na ito. Maraming salamat sa mga guro na sila Gng. Salita at Bb. Vivas.

Mga Online references

www.antidrug.com www.talkingwithkids.org www.teen-drug-abuse.org/read-more.htm