ikaw! - pinoysophy.files.wordpress.com · ! 266! written!by:!leogin!atienza!nayre!...
TRANSCRIPT
266
WRITTEN BY: LEOGIN ATIENZA NAYRE
FROM THE BOOK “ANO KA BA?” CHAPTER SEVEN
KAPITULO SIETE
IKAW
“Pang-‐anim na katanungan…” ika ni Ugin.
“Hindi ka pa ba tapos sa Diyos? Pagpahingahin mo naman Sya!” pabirong sabi ni April.
“Hindi nagpapahinga ang Dyos.” tugon ni Ugin. “Pang-‐anim na katanungan: Bakit Nya tayo ginawa?”
“Ang gusto mo bang sabihin Ugin e kung ano ang purpose natin sa mundo?”
“Oo at ito naman ang susubukan kong alamin ngayon sa tulong pa rin ng pag-‐uusisa ko sa Diyos. Sa
puntong ito ng ating pag-‐uusap, ipinapakiusap ko sa inyo na ipagpalagay ninyo na nag-‐e-‐exist nga ang
Diyos. Ito ay upang maging maging posible sa atin na mapag-‐aralan ang motibo ng pag-‐create Nya sa
ating mga tao. Okey ba kayo dun Andrew, April?”
“Okey.” magkasabay na sagot ng philosopher at biologist.
“Kung pinapahirapan tayo ng Diyos sa paghahanap sa Kanya, sa tingin ko e hindi naman Nya tayo
mapapagkaitan ng kaunting kaalaman kung bakit Nya tayo nilalang.” panimula ni Ugin. “Sa aking pag-‐a-‐
267
attempt na alamin ang silbi natin sa buhay, kasabay ko ring matatalakay ang mga topic katulad ng the
problem of evil, free will, at evolution of ideas.”
“Wow, antaas ng pangarap mo Ugin…” biro ni April. “Mapapagkonekta mo lahat yun?”
“Subok lang…”
“Game ako dyan… Go!”
“Ang Diyos ang syang lumikha ng lahat ng bagay, kung hindi, hindi sya matuturingan na Diyos. Ang
tinutukoy ko sa lahat ng bagay ay literal na lahat ng matter at non-‐physical things katulad ng forces of
nature, concepts at ideas. Ibig sabihin, ang lahat ng nakikita, nararanasan at iniisip natin ay galing sa
Kanya.”
“Lahat ng iniisip natin?” sabat ni Andrew. “Ibig sabihin, kasama dyan ang lahat ng iniisip natin sa
puntong ito?”
“Oo. At kung ano man ‘itong iniisip natin ngayon -‐-‐-‐ kaalaman, imahinasyon at maging pantasya ay
kasama sa mga nilikha Nya. Kung hindi? Sino ang gumawa ng mga ‘ito?”
“E ‘di tayo.” sagot ni Andrew.
“Pero sino ba ang gumawa sa atin? E ‘di ba ang Diyos din? Ang bawat detalye ng ating pagkatao ay
kasama sa mga disenyo Nya.”
“Yun e kung ipagpapalagay ko na nag-‐e-‐exist nga Sya… Anyway, pagkaminsan may mga iniisip rin ako na
walang kakwenta-‐kwenta.” dagdag ni Andrew. “Ugin, ‘wag mong sabihin na pinagkaabalahan rin itong
gawin ng Diyos?”
268
“Oo pa rin. Ang lahat ng bagay na sa tingin natin ay hindi importante ay kasama rin sa Kanyang creations
at plano at confident kong sasabihin na may silbi itong lahat sa Kanya dahil kung hindi, bakit pa Nya
pahihirapan ang sariling lalangin ang mga ito?”
“Aaminin ko ulit…” pahabol ni Andrew. “May mga iniisip din akong masasamang bagay. ‘Wag mo ring
sabihin sa akin na kaloob din ito ng Diyos!”
Biglang napaisip si April. Ano bang klaseng bagay ang pinag-‐iisip ni Andrew? Walang kakwenta-‐kwenta at
masasama? Ngunit nang isinaalang-‐alang ng dalaga na lalaki si Andrew, mas pinili nyang ‘wag na lang
itong sagutin.
“Katulad ng sinabi ko, ang Diyos ang naglalalang ng lahat…” tugon ni Ugin. “At kasama sa lahat na ito ang
kasamaan. Kung hindi, sino ang gumawa nito? Ang demonyo? E sino ba ang gumawa ng demonyo? Ang
Diyos din ‘di ba?”
“Aba Ugin, itinuturo mo ang posibilidad ng non-‐existence ng Diyos pero certain ka sa prescence ng
demonyo.” kumento ni Christian. “Isa ka ba?”
“Ano ba kayo sir, hindi ako naniniwala dun ano. Pero sa mga taong nagmamalinis, oo. Ano pa nga ba ang
perpektong bintangan ng kasalanan ng mga nagbabanal-‐banalan bukod kay Lucifer?”
“Kung ang Diyos ang syang sanhi ng kasamaan, Sya ang dapat sisihin sa lahat ng pagdurusa sa mundo.”
ika ni Andrew. “Kung kaya Nyang magpasabog ng Big Bang, bakit hindi Nya magawang sagipin ang mga
biktima ng pang-‐abuso at karahasan? Kung kaya Nyang gumawa ng bituin at planeta, bakit hindi Nya
mapakain ang milyong-‐milyong bata na isa-‐isang namamatay sa gutom? At kung alam Nya ang
mangyayari sa hinaharap, bakit Nya hinahayaan ang tao na maghirap?”
269
“Ang mga katwirang ‘yan ang bumubuo sa problem of evil na syang mainit na pinagdedebatehan at
hinahanapan ng solusyon ng mga theologist, scientist at philosopher sa loob ng ilang libong taon
magpasanghanggang ngayon. Isama nyo na ako sa mga yun sapagkat kabilang din sa program ko ang i-‐
solve ang riddle na ito na lubos na ipinagdadamdam ng tao. Ngunit bago ko magawa ito ay kailangan
muna nating i-‐define kung ano ang kahulugan ng evil at paano natin masasabi na masama ang isang
bagay.”
“Ugin, ‘wag mo nang pahirapan ang sarili mo sa pagde-‐define nyan dahil pwede mo namang sabihin na
ang anumang bagay na imoral, nakakasakit at nakamamatay ay otomatikong maituturing na masama.”
suhestyon ni April. “May mga sinaunang philosopher na nagsabi na ang kahulugan ng kasamaan ay ang
absence ng Diyos. Parang ganito ‘yun e; mag-‐isip ka ng isang apoy sa isang napakalamig at napakadilim
na lugar. Kapag malapit ka sa apoy, mararamdaman mo ang ginhawang idinudulot ng init at liwanag
nito. Ngunit kapag lumayo ka sa apoy, unti-‐unting mababawasan ang magandang epekto nito sa ‘yo
hanggang tuluyang kainin ka ng lamig at kadiliman. Ngayon, i-‐replace mo naman ang Diyos sa apoy.
Kapag nasa presensya ka ng Diyos, nasa good side ka kaya well secured ka at nasa kumportableng
kalagayan. Ngunit kapag nalalayo ka sa Kanya, unti-‐unting sasapit sayo ang evil hanggang tuluyang
mapasailalim ka nito. Nangangahulugan lang na kaya nakakaranas ng paghihirap ang tao ay dahil
nalalayo ito sa Diyos. Ngunit sa tingin ko ay may malaking butas sa paniniwalang ito. Paano mo masasabi
na ang isang bagay ay good o evil kung hindi mo mararanasan ang dalawang ito? At kung hindi mo alam
kung ano ang good at evil, paano mo malalaman na nasa sumasa-‐iyo ang Diyos?”
“Paki-‐expand April.” utos ni Christian.
“Sige, mabalik ako sa example ko tungkol sa apoy. Kapag ikaw ay nakapwesto malapit dito, ang init at
liwanag nito ay nagbibigay sa ‘yo ng kaginhawaan kaya maituturing mo na ang ‘init’ at ‘liwanag’ ay good
at ikaw ay nasa side ng Diyos. Kapag malayong-‐malayo ka naman sa apoy o sa absence ng Diyos,
270
maituturing mong ang ‘lamig’ at ‘dilim’ ay evil sapagkat nagsasanhi ito ng discomfort sa ‘yo. Ngunit
paano kung biglang sumikat ang araw at na-‐exposed ka sa teribleng init ng sikat nito? Syempre,
siguradong mababaliktad ang sitwasyon; ang epekto ng apoy ay makakasakit na sa iyo at ang lamig ay
ang sya namang makakapagpaginhawa. Sa isang iglap, ang absence ng Diyos ay naging good. Parang
anlabo ‘di ba?”
“Samakatuwid, nakadepende sa pangangailangan at kagustuhan mo ang depenisyon ng good at evil.”
kumento ni Ugin. “Walang standard na qualification ang tao para masabing masama o mabuti ang isang
bagay; dumidipende lamang ito sa ‘yo. Ang apoy na nakakaluto ng pagkain ay pwede mong ikasunog at
ang tubig na iniinom mo para mabuhay ay pwedeng makalunod sa ‘yo.
“Oo, at hindi mo rin magagawang i-‐define kung ano ang good o evil kapag mo sila ipagkukumpara.
Paano mo malalaman kung ano ang liwanag kung walang dilim? Paano mo masasabing mainit ang isang
bagay kung hindi mo alam ang pakiramdam ng malamig? Paano mo maiintindihan ang konsepto ng
maganda kung hindi mo pa nakikita ang pangit? Paano mo malalasap ang sarap kung hindi mo pa
nararanasan ang hirap? Ang good at evil ay hindi pwedeng mapaghiwalay at ang banggaan ng dalawang
ito ay ang syang bumubuo ng ating pananaw tungkol sa mundo.”
“Dahil dyan, pwede ko ring sabihin na ang evil ay mahalaga dahil sa pangkalahatan ay nagagawa nitong
iparanas at ipakita sa atin kung ano ang good. Sa tingin ko, ito ang dahilan kaya ginawa rin ng Diyos ang
kasamaan” ika ni Ugin. “Ngunit hayaan nyo pa akong palalimin pa ang depenisyon ng evil at bakit ito
kailangang mag-‐exist. Para sa tao, may dalawang kategorya ang kasamaan; ang una ay ang natural evil at
ang sumunod ay ang moral evil. Ang natural evil ay ang evil na idinudulot ng environmental disasters
katulad ng bagyo, lindol, tsunami, epidempya, karamdaman, o mga trahedya kung saan walang kontrol
ang tao. Bakit hinahayaan ng Diyos na sapitin tayo ng mga ganitong klaseng paghihirap na kung kumitil
ay sangkatutak? Ang sagot ay makikita natin sa pag-‐aanalisa sa ebolusyon ng mundo. Sa mga nakaraang
271
pag-‐uusap natin, ating nadiskubre na simula pa lang na nabuo ang earth ay pinuputakti na ito ng
sandamakmak na delubyo; binagsakan ito ng maraming foreign bodies mula sa outer space,
pinasabugan ng malalakas na bulkan at dinaanan ng masusungit na panahon. Isama mo na rin dito ang
global freeze kung saan nabalot ng yelo ang buong planeta. Ngunit napag-‐alaman din natin na ang mga
environmental disasters na ito ay ang eksaktong pwersa na humulma sa kung ano ang mundo natin
ngayon. Kung hindi tayo inulan ng comets, wala tayong ilog, dagat at inuming tubig. Kung walang
volcanic activities, hindi mabubuo ang atmosphere at ang mga continenteng tinitirahan natin. Kung hindi
naging bayolente ang panahon noon, walang paraan ang mga simpleng molecules na ma-‐convert sa
living cell. Kung hindi binagsakan ng higanteng asteroid ang dinosaurs, hindi magkakaroroon ng
pagkakataon ang mga maliliit na mammals na mag-‐evolve sa human. Kung hindi dumanas ng illness at
paghihirap ang mga sinaunang organism, hindi mapapatatag ng ebolusyon ang present species ng
halaman at hayop kabilang na ang tao. At kung hindi sinapit ng ancient ancestors natin sa Africa ang
malawakang tag-‐gutom, hindi magkakaroon ng dahilan ang tao na i-‐explore ang earth na nag-‐lead sa
ating pagdo-‐dominate dito. Dahil sa mga katwirang ito, masasabi natin ng may kasiguruhan na ang
natural evil ay ang tool ng Diyos sa pagke-‐create Nya sa mundo. Ito ang dahilan kung bakit tayo ngayon
ay nandito ngayon. Kumbaga, kailangan mo munang wumasak bago makalikha ng isang mas magandang
bagay. Subjected lang ang bawat isa sa atin sa physical laws of nature kaya ang sinumang madaanan nito
ay natural lang na maapektuhan. Ang mga paghihirap na dinadanas ng tao mula sa natural evil ay maliit
na bagay lang kumpara sa napakalaking tulong na ibinigay nito.”
“Napahanga mo ako sa eksplansyon mo Ugin.” papuri ni Andrew. “Ngunit hindi mo pa rin
naipapaliwanang kung bakit hinahayaan ng Diyos, kung meron man, na mabuhay ang mga bayolente,
mamamatay-‐tao at abusado. Kung kaya Nyang maglalang ng buhay, bakit ang simpleng pagdidispatsa sa
mga ganitong klaseng tao ay ‘di Nya magawa?”
272
“Ang argumentong ‘yan ay bumabagsak naman sa kategorya ng moral evil o ang kasamaang idinudulot
ng tao sa kapwa. Ngunit bago ko ito maipaliwanag ng buo ay kailangan muna nating pagdiskusyunan ang
isa pang philosophical riddle. Ang free will.”
“Ang free will ay ang kakayahan ng tao na pumili ng desisyon ng malaya.” ika ni April. “Dahil nga malaya,
tanging sa sarili lang ito nagmumula at hindi apektado ng mekanismo ng katawan at anumang
impluwensya sa paligid.”
“Ngunit hindi nga ba?” tanong ni Ugin. “Upang mapag-‐aralan natin ng masinsinan ang free wil ay muli
tayong bumalik sa Diyos. Kung Sya ang gumawa ng lahat ng bagay, napakaklarong isipin na planado na
Nya ang lahat simula sa umpisa, papunta sa pangkasalukuyang estado, hanggang sa hinaharap at sa
posibleng katapusan nito. May kumpletong kontrol Sya sa universe kaya alam Nya kung ano ang abilidad
at mangyayari sa kada isang bagay na nakapaloob dito. Dahil dito, pwede nating i-‐conclude na sa simula
pa lang ay prinogram na Nya ang Big Bang upang bumubo ng stars, galaxies at planets partikular na
earth. Prinogram na din Nya kung paano tumubo ang kada isang halaman, kung paano gumalaw at mag-‐
behave ang bawat hayop at kung paano gumana ang evolution at physical laws of nature. Kumbaga,
para itong domino effect na kapag pinatumba mo ang unang piyesa ay may kasiguruhan ka na kung ano
ang kahihinatnan ng mga susunod na piyesa.”
“Ang tawag naming mga philosophers dyan ay determinism.” ika ni April.
“Kung tama ang premise mo na prinogram ng Diyos ang lahat ng creation Nya, tama lang din na i-‐
conclude na hindi exempted ang tao sa ‘lahat’ ng yun.” kumento ni Andrew. “Kung ganun, ang lahat ng
ikinikilos, iniisip, sinasabi, at kaugalian natin ay predetermined na ng Dyos. Walang free will…”
“Inuunahan mo naman ako eh… Oo, natural lang isipin na wala tayong free will base sa determism. Kung
ang Diyos ang syang nagdisenyo ng utak natin katulad ng size ng mga parts nito, produksyon ng
273
hormones at kuneksyon ng neurons, ibig sabihin, ginawa Nya ang utak natin upang mag-‐isip kung paano
tayo nag-‐iisip ngayon. Sa ibang salita, ang ating potensyal na mag-‐isip ay dumidepende sa hardware ng
ating utak na syang isinet ng Diyos. Kung binigyan ka Nya ng mas maraming neurons at mas magandang
brain chemistry, mas mataas ang potensyal ng utak mong mag-‐isip. Kumbaga sa CPU, kung ikaw ay
quadcore, mas marami kang maproprosesong data kumpara sa mga mabababang Pentium 4 o sempron.
Ang potensyal namang ito ng utak mo ay hindi pwedeng hindi apektado ng kapaligiran mo katulad ng
society na iyong kinalakihan, kaibigan, edukasyon, media at pamilya na sya ring isinet sa ‘yo ng Diyos.
Halimbawa, ipinanganak ka na may utak na may potensyal pumatay, lumaki sa isang marahas na pamilya
at tumira sa isang malupit na lipunan, confident kong sasabihin na malaki ang kasiguruhan na balang
araw ay magiging murderer ka nga. Sa madaling salita, ayon sa determinism, kaya ang bawat isa sa atin
ay may ganitong behavior at personalidad ngayon ay dahil ito ang isinet sa atin ng Diyos. Kung ano ang
ikinikilos at iniisip natin ay prinogram Nya sa Big Bang pa lamang. Kung makakalkula natin ang potensyal
ng ating utak against sa lahat ng external factors na nakakaapekto nito, magkakaroon tayo ng abilidad na
i-‐predict kung ano ang mga desisyong gagawin natin sa hinaharap.”
“Kung ganun, puppet lang pala tayo ng Diyos.” ika ni Andrew. “At kung Sya nga ang kumokontrol sa atin,
wala tayong responsibilidad sa sariling buhay at sa mga resulta ng ating ginagawa. Kapag pinatay ko ang
maingay kong kapitbahay, ‘wag nyo akong sisihin kundi ang Diyos. Parang anlabo ‘di ba?”
“Talagang malabo nga…” sang-‐ayon ni Ugin. “Kung Sya nga ang nag-‐program sa mga gagawin nating
aksyon, bakit nararamdaman natin na tayo mismo ang gumagawa ng sarili nating desisyon? Kunwari,
kapag inutusan kong gumalaw ang kamay ko, sigurado ako sa sarili ko na ako ang nagpagalaw sa kamay
ko at hindi ang Diyos. Kapag nagmumuni-‐muni ako, sigurado akong hindi boses ng Diyos ang nagpe-‐play
sa utak ko kundi ang sarili kong thoughts. Kapag bumagsak ako sa final exam, hindi ako mananalangin sa
Diyos upang sabihin sa Kanya na kasalanan nya ‘to kundi iuumpog ko ang ulo ko sa pader bilang parusa
274
sa sarili kong kapabayaan. Completely conscious tayo sa mga aksyon at desiyon natin at completely
aware din tayo na tayo ang gumagawa nito. So ngayon, isang kontradiksyon ang lumalabas sa pag-‐aaral
natin ng free will. Kung prinogram tayo ng Diyos, bakit tayo ang may kontrol sa sarili nating buhay?
Posible bang lumuwag lang ang tali sa atin ng Diyos o ilusyon lang natin ang ating kalayaan?”
“Imposibleng mawalan ng kontrol sa atin ang Diyos dahil ayon sa depenisyon Nya ay Sya ang
pinakamapangyarihan sa lahat.” tugon ni April. “Kung na-‐create Nya ang pinakakumplikadong bagay sa
universe na tinatawag na utak, napakadali na para sa Kanya na kontrolin ito.”
“Dahil dyan, babagsak tayo sa pangalawang dahilan. Ilusyon lang natin ang free will.” malamig na sabi ni
Ugin.
“Pero parang malabo din ‘yan sapagkat wala tayong basehan para makumpirma ‘yan.” tugon ulit ni April.
“Parang panananaginip lang din ‘yan e. Ang panaginip ay isa ring ilusyon na nagbibigay sa atin ng
pakiramdam na totoo ang isang bagay. Ngayon, hindi mo malalaman kung nananaginip ka nga o hindi
hangga’t hindi ka nagigising.”
“Sa kaso ng free will, hindi mo alam kung talagang malaya ka nga hangga’t hindi mo malalaman ang
kumpletong potensyal ng pagkatao mo at magkakaroon ng absolute knowledge sa lahat ng bagay na
nakakaimpluwensya sa mga desisyon at ikinikilos mo.” dagdag ni Ugin.
Biglang napa-‐react si Christian. “Pero imposibleng mangyari ‘yan dahil ayon sa uncertainty principle ng
quantum mechanics, hindi kayang ma-‐observe ng magkasabay ang position at velocity ng isang particle
kaya wala tayong kakayahang mag-‐extract ng kumpletong impormasyon tungkol dito. At dahil ang
particle ang syang bumubuo sa physical reality, wala din tayong kakayahan na magkaroon ng absolute
knowledge sa lahat ng bagay.”
275
“Samakatuwid, sa ngayon ay wala pa tayong paraan para masabi kung dictated o autonomous beings
tayo kaya kung ide-‐define natin ng buo ang free will ay hahantong tayo sa isang malaking ‘hindi-‐ko-‐
alam’. Gayumpaman, may ideya tayo kung ano ang epekto nito sa atin. Ang free will ang nagbibigay sa
atin ng kakayahan na kotrolin ang sariling buhay at maging responsable sa lahat ng ikinikilos. Isa pa,
bilang tao ay may kakayahan rin tayong paghusayin ang ating free will. Kaya nating pataasin ang
potensyal ng ating pagkatao at i-‐manage ang lahat ng mga bagay at pangyayari na nakakaapekto sa atin.
Hindi tayo katulad ng isang buto ng halaman na kapag itinanim sa tuyot na lupa ay hindi magbubunga ng
wasto. Kaya nating lampasan ang ating limitasyon at piliin ang mga nakakaimpluwesya sa atin. The more
na ginagawa natin ito, the more na nagiging malaya tayo.”
“Okay Ugin… Pero anong kuneksyon ng free will sa pag-‐solve sa moral evil?” tanong ni Andrew.
“Saglit, hindi pa ako tapos sa free will…” awat ni Ugin. “Hindi ko pa nasasabi kung paano ito nagwo-‐
work. Sa buhay, lagi nating gustong magkaroon ng magandang desisyon sapagkat ito ang nagdidikta
kung ano ang mangyayari sa atin sa hinaharap. Sino bang tanga ang may gustong magdesisyon ng mali?
Sa proseso ng pagdedesisyon, ginagamit natin ang ating free will sa pag-‐aanalisa ng kada isang factor na
magli-‐lead sa isang magandang desisyon. Kung wala kang free will, walang mag-‐a-‐assess kung tama ba o
mali ang mga components na bubuo sa desisyon mo. Samakatuwid, ang free will ay ang ating
instrumento sa paghihiwalay ng tama mula sa mali, sa pangit at sa maganda. Kung ang mata ang
ginagamit natin sa pagtingin at ang bibig sa pagsasalita, ang free will naman ang syang ginagamit natin
bilang tagapili ng makakabuti sa sarili.”
“At dahil gusto natin na laging maganda ang ating desisyon, laging ang sa tingin nating tama ang syang
pinipili ng ating free will.” ika ni April.
“Tama. At sa ganyang paraan gumagana ang free will. Lagi nitong pinipili ang alam nating tama… Walang
exemptions.” sagot ni Ugin. “Sana ay hindi kayo nahihirapan sa mga pinag-‐uusapan natin dahil
276
nagmumukhang kumplikado ang isang bagay kapag sinusubukang kalkalin ang mas malalim na
kahulugan nito. Upang ‘wag kayong maligaw ay ibabalik ko sa main topic ang subject natin; ano ba ang
dahilan kung bakit ginawa ng Diyos ang tao? Kapag tumingin ka sa ibang creations, madaling makita
kung ano ang silbi sa kanila ng Diyos. Ginawa Nya ang stars upang magpanday ng elements, ginawa Nya
ang solar system para bumuo ng buhay, pinatubo Nya ang mga puno’t halaman bilang pakain sa mga
hayop, at binuhay Nya ang mga hayop para naman kainin natin. E tayo? Anong ginagawa natin para sa
Diyos? Posible bang kaya Nya nilalang ang tao ay para ma-‐intertain Nya ang sarili Nya na parang
nanonood ng pelikula? Upang masagot ito ay kailangan natin alamin kung ano ang nature natin. Parang
ganito ‘yan e; Kung ang nature ng stars ay mag-‐init at sumabog, sasabihin ko ng may katiyakan na ang
ang ginawang purpose dito ng Diyos ay gumawa ng elements na syang gagamitin ng universe na pang-‐
construct ng iba’t-‐ibang matter. Kung ang nature ng halaman ay mangolekta ng enerhiya mula sa araw,
confident kong ike-‐claim na ang ginawang purpose dito ng Diyos ay bilang taga-‐supply ng nutrients sa
food chain. At kung ang nature ng hayop ay magpadami at mag-‐survive, sigurado akong ang purpose
dito ng Diyos ay gawing kapaki-‐pakinabang sa tao. E tayo? Ano ang nature ng tao? April, Andrew, kayo
ang may mas maraming alam tungkol dito.”
“Biologically speaking, ang una sa listahan sa nature ng tao ay mag-‐survive.” tugon ni Andrew. “Kasama
sa ating survival method ang paghahanap ng basic needs katulad ng pagkain, tirahan at sex. Ang bawat
parte ng katawan at aspeto ng ating pagkatao ay sadyang idinisenyo rin ng ebolusyon upang
maipaglaban ang karapatang mabuhay. Maging ang love, emotions at intelligence ay kabilang dito.”
“Nature din ng tao ang maging curious at mag-‐usisa sa kanyang kapaligiran. Lagi nating gustong i-‐satisfy
ang pagkauhaw sa kasagutan.” dagdag ni April. “Sa tingin ko masyadong marami na akong nasabi tungol
dito.”
277
“Ang tanong e bakit natin ginagawa ang mga bagay na ‘yan? Bakit natin pinupwersa ang sarili na
magtrabaho para may makain? Bakit tayo nagtyatyagang maghanap ng pagmamahal at atensyon mula
sa kapwa? Bakit natin hinahanap ang katotohanan? Bakit tayo nagpapakahirap na umunlad? Isa lang
naman ang dahilan ng mga ito e -‐-‐-‐ gusto nating sumaya. Pinaka-‐nature natin ang maghanap ng
ikaliligaya. At ito ang katangian na ibinigay sa atin ng Diyos katulad ng pagbibigay Nya ng katangian sa
halaman na tumubo o sa hayop na mag-‐evolve.”
“Para namang napakasariling dahilan nyan.” gatol ni Christian. “May mga nagsasakripisyo ng buhay at
oras sa pagtulong sa kapwa. Hindi nila iniintindi ang sariling kaligayahan kundi ang ikabubuti ng iba.”
“Sir, ang tanong po e tutulong ba sila sa iba kung hindi sila naliligayahang gawin ito? Ang tinutukoy ko
pong kaligayahan ay hindi lang po physical pleasure kundi pati emotional at intellectual satisfaction din.
Aminin natin, sa tuwing tumutulong tayo, yung bukal sa loob na pagtulong ha, ay hindi tayo nasisiyahan
sa prospect ng pagsasauli sa atin ng pabor kundi dahil alam nating napapasaya natin ang tinutulungan
natin. Pero ginawa pa rin natin ‘yon dahil gusto nating sumaya ‘di ba? Kung hindi tayo nasisiyahang
tumulong, bakit natin gagawin ‘to? Iba’t iba lang ang ikinaliligaya ng bawat isa at may kanya-‐kanya
tayong pamamaraan para makamit ito. Inuulit ko, ang nature ng tao ay maging masaya at ang lahat ng
ikinikilos natin ay naka-‐pattern sa kung paano makakamit ito. Tsaka sino bang tao ang ayaw sumaya?
Bakit tayo gagawa ng isang bagay na ikakasama ng ating loob?”
“Kung ang pinaka-‐nature ng tao ay maging masaya. Anong mapapala ng Diyos dito?” tanong ni April.
“Kagaya ng halimbawa mo kanina, ang nature ng halaman ay tumubo kaya ang purpose nito ay mag-‐
provide ng pagkain sa food chain. Anong namang mapapala Diyos sa kaligayahan natin? Posible bang
nag-‐e-‐enjoy Sya sa tuwing nakikita Nya tayong masaya?”
278
“Kung gusto ng Diyos na sumaya tayo, hindi na dapat Nya ginawa ang evil na syang nakakapagpalungkot
sa atin kaya malabong i-‐conclude na ang purpose natin ay pasayahin lang Sya sa pamamagitan ng
kasiyahan natin.” tugon ni Ugin.
“O e ano ngang silbi ng kaligayahan natin sa Kanya? Bakit Nya tayo prinogram na abutin ito?” tanong ni
Andrew na tila naiinip na kay Ugin dahil hindi nya alam kung saan patutungo ang sinasabi nito.
“Hayaan nyo pa akong pagpaliwanag tungkol sa happiness.” tugon ni Ugin. “Para maging masaya tayo,
ginagawa natin ang alam nating tama. At upang magawa natin ang alam nating tama ay kailangan muna
nating mamili kung ano ang tama para sa atin. At ito ang pangunahing duty ng free will. Kung mas
mataas ang free will ng isang indibidwal, mas makakapamili sya ng mas tamang choices, mas
makakagawa sya ng alam nyang tama at mas magiging masaya sya.”
“Ugin, ‘di kita naiintindihan. Umiikot ang mga salita mo.” reklamo ni Andrew. “Magbigay ka nga ng
example.”
“Sige. Ipagpalagay nyo na totoo akong tao at hindi isang virtual human. Bilang tao, nature ko na ang
maghanap ng ikaliligaya ko. Una, kailangan ko munang i-‐satisfy ang needs ko kagaya ng pagkain, security,
love, acceptance, warmth at sex. Anumang discomfort o pain ay makakahadlang sa pagkakamit ko ng
kaligayahan kaya kailangan kong imintina ang mga pangangailangan ko. Ito ang dahilan kaya ang tao ay
nagpapakahirap na maghanap ng source of income, magandang environment at kapareha. Ngunit
pagkatapos mapunan ang lahat ng needs, ano ang susunod kong gagawin para lumigaya? Ayaw ko
namang tumambay dahil nakakalungkot ang tumambay. Maliban na lang kung masaya ako sa pagiging
tambay. Para maging masaya, kailangan kong mag-‐isip ng mga bagay na maaaring ikaligaya ko, o wants.
Maraming choices sa paligid na pwede kong pagpilian; mag-‐aral ng doctorate, sumali sa charitable
institutions, mag-‐engage sa isang hobby o maging isang tambay. Kailangan kong gamitin ang free will ko
279
para alamin kung ano sa mga ito ang tama para sa akin. Sa kaso ko, pinili kong mag-‐create ng mga
panibagong ideas. Dahil ginagawa ko kung ano ang sa tingin kong tama, masaya ako.”
“Ibig sabihin Ugin, kung ang goal ng tao ay maging masaya, ang lahat ng ginagawa ng bawat isang
indibidwal ay tama para sa kanya. Tama ba?” tanong ni April.
“Syang tunay. No exemptions. Pero may pagkakataon rin na sinasadya nating gumagawa ng mali pero
iyon ay dahil gusto nating makamit ang mas mataas at mas pangmatagalang kaligayahan. Siguro naman
ay naiintidihang nyong ang tinutukoy kong kaligayahan ay hindi panandalian kundi pang-‐permanente?”
“Oo naman. May common sense ‘tong mga kausap mo ano.” bira ni April.
“Ugin, na-‐explain mo na ang free will at happiness pero nakalimutan mo na yata ang moral evil na
sinasabi mo.” ika ni Andrew.
“Darating ako dyan pero bago yun e kailangan rin nating pagdiskusyunan ang tungkol sa topic ng right o
tama. Kanina pa natin ginagamit ang salitang ito pero hindi pa natin nabubusisi ang kahulugan nito.”
“Simple lang naman ‘yan. Ang anumang katanggap-‐tanggap, maganda, hindi nakakasakit at positive ay
tama.” sagot ni Christian na kanina pang nananahimik. “’Wag mong sabihing gagawin mo ring
kumplikado ‘to?”
“Aba syempre po. Paano matututo ang tao kung hindi nya bubungkalin ang mga simpleng bagay na
kalimitang hindi pinapansin?” tugon ni Ugin. “Pero tama kayo sir, ang right ay anumang katanggap-‐
tanggap, maganda, hindi nakakasakit at positive. Ngunit ito ang problema; ano eksakto ang katanggap-‐
tanggap, maganda, hindi nakakasakit at positive? Paano ba natin masasabi na ganito nga ang isang
bagay? Kunwari, ang kaugaliang mabait ay masasabing right. Ngunit kapag pinapatay ka na, masasabi pa
ring bang right ito? Papakitunguhan mo ba ng mabuti ang killer mo habang inuulos ka na ng saksak? Ang
280
pagiging mapagbigay ay isa ring positibong katangian. Ngunit kapag abusado na ang humihingi sa ‘yo,
masasabi pa rin bang tama pa rin ang magbigay? Syempre hindi. Ibig sabihin, nasasabi nating tama ang
isang bagay kapag umaakma ito sa ating sitwasyon. Dumidepende rin ito sa ating pangangailangan,
kagustuhan at pananaw. Masasabi lang nating right o tama ang isang bagay kapag ikinabubuti ito ng
ating sarili at sumaswak sa ating paniniwala. Ang tawag ko dito ay personal right, o ang ‘tama na sa
tingin ko ay tama.’Ang mga susunod kong sasabihin ay nangangailangan ng karagdagang pang-‐intindi
kaya pinakiusapan ko kayo na mag-‐focus ng husto.”
“Ano ang tingin mo sa amin, bobo?” asar ni April.
“Ang bawat isang indibidwal ay may sariling sitwasyon, pangangailangan, kagustuhan at paniniwala na
iba sa iba. Kung dito nagbabase ang personal right, samakatuwid, tayong lahat ay may kanya-‐kanyang
version ng right. Para sa isang liberated na babae, walang mali sa pakikipag-‐sex sa iba’t ibang lalaki dahil
wala namang nawawala sa kanya kapag ginagawa ito ng wasto. Ngunit para sa mga madre, sobrang mali
ito dahil labag ito sa Christian dogma. Para sa isang pobreng anak na may nanay na may karamdaman,
tama lang na magnakaw dahil mas maiging gumawa ng kasalanan kaysa mawalan ng magulang. Pero sa
batas, isa itong krimen na kailangang pagbayaran ng mabigat. Para sa mga naghihikahos na Pilipino,
tama lang na mangibang bansa kaysa maging pulubi sa sariling bayan. Pero sa mga ideyalista, mali ito
sapagkat nauubusan ng work force ang bansa na lalong ikinahihirap nito. Bawat isa sa atin ay may
sariling sukatan ng tama. Hindi ibig sabihin na kapag tama ang isang bagay para sa akin ay tama na rin ito
para sa iba o vice versa.”
“Anong mahirap intindihin dun?” bira ni April. “Kahit musmos maiintindihan ‘yan.”
“Bago natin maintindihan kung bakit may moral evil ay kailangan muna nating i-‐take note ang highlights
ng ating pinag-‐usapan. Una, ang free will ay ang syang naghuhusga at namimili ng kung ano ang sa tingin
nating tama para sa sarili. Pangalawa, ang nature ng tao ay maging masaya at ang lahat ng ating
281
ginagawa ay naka-‐pattern sa kung paano makakamit ito. Pangatlo, sa paghahanap ng kaligayahan ay
kailangan nating gawin kung ano ang sa tingin nating tama. At panghuli, ang standard ng right ay iba-‐iba
sa kada isang indibidwal. May reklamo?”
“Wala, pero kung patatagalin mo pa ang usapan sa pamamagitan ng mapapalabok mong salita e
uupakan na kita.” biro ni April.
“Ngayon, kailangan naman nating kwestyunin kung bakit may mga taong gumagawa ng masama. Simple
lang ang sagot; sinusubukan nilang maging masaya kaya ginagawa nila kung ano ang sa tingin nilang
tama. Nagmumukha lang naman silang masama sa atin dahil sinasagasaan nila ang ating personal right.
Kapag tinanong mo ang isang sundalo ng giyera kung bakit sya kumitil ng ‘di mabilang na buhay,
malamang na malamang na ang isasagot nya sa ‘yo ay ‘pumapatay ako para sa ikabubuti ng bansa ko.’
Kapag tinanong mo ang isang prostitute kung bakit pinili nyang maging imoral, didiretsahin ka nito na ito
lang ang paraan nya para masuportahan ang pamilya. Kapag tinanong mo ang isang holdaper kung bakit
sya nagnanakaw, sasagutin ka nito ng ‘wala akong mapasukang trabaho e. Magnanakaw na lang ako
kaysa mamatay sa gutom.’ Gumagawa ang tao ng kasamaan hindi dahil gusto nilang maging kontrabida
kundi gusto nilang maging masaya sa pamamagitan ng pag-‐i-‐execute ng kanilang personal rights. Ngunit
bakit nila inaabot ang kaligayahan sa nakakasakit na paraan? Simple lang naman din ang sagot; mababa
ang kanilang free will kaya ang kapasidad nilang maghusga ng tama at mali ay mababaw. Limitado sila ng
kanilang kapasidad, kontrolado ng human instinct at diktado ng external factors. Please take note na
hindi ko pinagtatanggol ang mga masasama. Totoong masasama sila at kailangang maparusahan. Kaya
ko lang naman sinasabi ito ay para malaman natin kung ano ang takbo ng isip ng mga makasalanan ng sa
gayon ay mapa-‐realize natin sa kanila ang balikong mentalidad nila.”
“Bigla akong may naisip…” usal ni April. “Base sa eksplanasyon mo Ugin, pwede ko ring sabihin na kaya
nagiging malungkot ang tao ay nakakagawa sya ng mali.”
282
“Bakit ngayon mo lang naisip yan?” biro ni Ugin.
“Okay… medyo convincing ang paliwanag mo tungkol sa pinagmumulan ng moral evil.” papuri ni
Andrew. “Pero hindi mo pa rin nasasagot kung bakit nito kailangang mag-‐exist. Kanina, sinabi mo na ang
natural evil ay ang tool ng Diyos sa pag-‐create Nya ng mundo. E para saan naman ang moral evil?”
“Dyan na ako papunta Andrew.” excited na sabi ni Ugin. “Ang bawat isa sa atin ay may sariling bersyon
ng tama o personal right. Ang tama para sa akin ay hindi nangangahulugang tama para sa sa ‘yo o ang
tama para sa ‘yo ay maaring hindi tama para sa akin. Ngunit ang tao ay sinadyang mabuhay ng
nakikipag-‐interact sa kapwa kaya ang personal right ng bawat isa ay hindi pwedeng hindi magbanggaan.
At ang pagbabanggaang ito ay nakakapag-‐produce ng mga ideya na sya namang nakapagbubuo ng mas
mataas na ‘tama’ o, sa sariling kong term, higher right. Kung may personal right, meron namang higher
right. Ang higher right ay ang right na nag-‐a-‐apply hindi lamang sa iisang tao kundi sa nakararami.
Halimbawa, kunwari para sa akin ay tama ang pagpapakasal dahil sini-‐secure nito ang pagsasama ng
mag-‐asawa at pamilya. Ngunit para sa ’yo, mali ito sapagkat ikininakahon nito ang tao sa iisang tao
lamang. Ika mo ‘paano kung balang araw mawala ang pag-‐ibig ko sa asawa ko, kailangan ko bang
pakisamahan habangbuhay ang taong hindi ko naman mahal?’ Ngayon, kapag nagbanggaan ang pro-‐
marriage ko at anti-‐marriage mo, makikita natin ang advantages at disadvantages ng dalawang
konseptong ito. Dahil nadidiskubre natin ang pasikot-‐sikot ng ating paniniwala, magagawa nating i-‐
eliminate ang mga bad points nito at mapagsama-‐sama ang mga good points na sya namang gagawa ng
isang ideya na tatawaging annulment. Ang annulment na ito ay iko-‐consider ko na higher right sapagkat
maaring applicable ito para sa akin at para sa ‘yo. Pinapayagan nito tayong makuha ang security ng kasal
habang tinatamasa ang karapatang makipaghiwalay sa oras na hindi na matiis ang asawa. Kung hindi
natin pinagsalungat ang alam nating tama, hindi tayo magiging aware na mayroon pa palang ideya na
magiging akma para sa ating dalawa.”
283
“Ang higher right ay pwede pang banggain ng isa pang higher right na syang magke-‐create naman ng
mas higher right at ito ay kalimitang nagte-‐take form bilang batas o norm of society.” pagpapatuloy ni
Ugin. “Ang isang ideya ay kinokontra ng isa pang ideya at ang prosesong ito ang nagpapatakbo sa
ebolusyon ng ideya na sya namang nagpapaunlad sa sangkatauhan.”
“Parang nakukuha ko na ang ipinupunto mo Ugin…” usal ni April. “Parang ganito rin ‘yan e. Sa libro ng
Genesis, pinatay ni Cain si Abel dahil alam nyang ito ang tama na makakapagpaligaya sa kanya. Ngunit
dahil ito ang first murder case, walang ideya ang tao na masama ang pagpatay bago ito maganap.
Nagkaroon lang ng ideya ang tao na masama ang pagpatay nang nakita nilang hindi kaaya-‐aya ang
ginawa ni Cain. Ngunit kung hindi sya gumawa ng masama, magkakaroon ba tayo ng ideya na mali ang
pagpatay?”
“Samakatuwid, para nyo na ring sinasabi na ang paggawa ng masama ay maganda sapagkat tinuturuan
nito ang tao na kung ano ang mabuti. Tama ba?” usisa ni Andrew.
“Nakuha nyo, April, Andrew!” bulalas ni Ugin. “Kung titingnan nyo ang kasaysayan ng sangkatauhan,
mapapansin nyo na namumutakti ito ng moral evil. Walang habas na giyera, krimen, iskandalo at kung
ano-‐ano pa. Ngunit kung hindi nangyari ang mga ito, magkakaroon ba tayo ng kamalayan kung ano ang
tama at kung ano ang mali? Malalaman ba natin kung ano ang dapat nating baguhin sa ating ugali?
Syempre hindi ‘di ba? Natututo tayo sa ating pagkakamali at mas nagiging mabuting tao sa tulong ng
pagiging aware sa kasamaan. Kung ang natural evil ang instrumento ng Diyos sa paglikha ng mundo, ang
moral evil naman ang ginagamit Nya sa pag-‐achieve ng greater good.”
“Pero hindi ibig sabihin nun na dapat ay intensyonal tayong gumawa ng masama para mas ma-‐achieve
ang greater good na ‘yun.” pagpapatuloy ni Ugin. “Alam naman nating masama, bakit pa natin gagawin?
E ‘di nalungkot tayo kung ganun.”
284
“Parang trial and error lang pala ang ginagawa ng tao.” kumento ni April. “Pabor sa atin ang magkamali
dahil dito tayo natututo. Ang moral evil ay isa ring uri ng pagkakamali at dahil dito, nalalaman ng tao
kung ano ang dapat nyang ayusin sa sarili. Kung iisipin din, mayroong palang kwenta ang buhay ng mga
makasalanan at ng mga taong sa tingin natin ay walang silbi sapagkat kung hindi dahil sa kanila, hindi
tayo ganito kabuti ngayon.”
“Kung ganun, bakit may pariwarang tao pa rin hanggang ngayon?” tanong ni Christian. “Bakit may mga
pulubi pa rin, tambay, salot ng lipunan at kurakot na pulitiko?”
“Nangangahulugan yun na hindi pa tayo natututo ng husto.” sagot ni Ugin. “Nasa proseso pa lang tayo
sa pag-‐abot sa greater good kaya hindi natin maaasahan na perpekto na kaagad tayo. Kaya pa sila
nandyan ay dahil hindi pa natin ginagawa ang sa tingin nating tama; hindi natin sila tinutulungan o
inaalis sa sistema.”
“E Ugin, ano naman ang resulta ng greater good na ‘yan ng Diyos?” tanong ni April. “Kung ang ebolusyon
ng hayop ay humantong sa existence ng tao, saan naman hahatong ang greater good?”
“’Yan ang hindi ko alam sapagkat wala akong kakayahan na alamin ang iniisip ng Diyos. Tanging oras lang
ang makapagsasabi. Ang kaya lang nating alamin ay ang paraan Nya sa paglalang sa mundo. Hindi pa
nagiging obsolete ang evil kaya masasabi kong nasa proseso pa rin tayo ng creation. Posibleng
magbagsak pa Sya ng mga global disaster para mas mag-‐level-‐up pa ang biological features ng tao o
magpadala ng panibagong uri ng kasamaan upang mas tumaas ang awareness natin sa good. Pero isa
lang ang masisiguro ko; ang lahat ng bagay ay paganda ng paganda at pa-‐improve ng pa-‐improve. Hindi
man ito pabor sa isang indibidwal, sa akin o sa ‘yo, pabor naman ito sa pangkalahatan.”
“Paano kung mali ‘yang teorya mong ‘yan?” mapagsuspetsang tanong ni April.
285
“Teorya?! Hindi ko masasabing teorya ang mga sinabi ko dahil ito ang aktwal na nangyayari sa mundo…
ito ang aktwal na nangyayari sa atin. Kina-‐career ko lang ang pagmamatyag sa paligid kaya nakikita ko
ang mas malalim na kahulugan ng mga simpleng bagay na kalimitang hindi pinagtutuunan ng pansin ng
mga nagmamagaling. Kung may magsasabing mali ako, kumpirmasyon lang ito na tama nga ako sapagkat
ginagawa na nila ang proseso ng pag-‐abot sa higher right na itinuro ko.”
“Binibiro lang kita, sineryoso mo naman.” nakatawang sabi ni April. “Pero hanga ako sa mga paliwanag
mo ha. Foolproof.”
“Salamat April…” ika ni Ugin. “Ngayon, hayaan nyo uli akong bumalik sa pinaka-‐ugat ng ating
diskusyunan. Ano ang purpose natin sa buhay? Ayon sa ating napag-‐usapan, ang nature ng tao ay
maging masaya at upang magawa ito ay kailangan nating isagawa ang ating personal rights. Sa
pagbabanggaan ng personal rights ng bawat isa, hindi pwedeng hindi ito makagawa ng pagkakamali at
kasalanan. Ngunit dahil dito, nagkakaroon tayo ng kamalayan kung ano ang mas tama at kung ano ang
mas mabuti kaya naabot natin ang higher right at nai-‐improve ang ating pagkatao. Dahil din sa
pagbababanggan ng personal rights, tumatakbo ang ebolusyon ng ideya at ang sangkatauhan ay
sumusulong sa pag-‐unlad. Sa pangkalahatan, sadyain man natin o hindi, tayong mga tao ang gumagawa
sa greater good -‐-‐-‐ at ito ang purpose ng Diyos sa atin. Anuman ang resulta ng greater good na ito ay
tanging Sya lang ang nakakaalam.”
Isang maikling pause ang dumapo kina April, Christian at Andrew. Sa tindi ng kanilang usapan, hindi nila
namalayan na gabi na pala.
Katulad ng inaasahan, si Ugin ang unang bumasag ng katahimikan. “Ang bawat isang taong may
pakialam ay laging nagtatanong ng ‘ano ba ang magagawa ko para sa ikapagpapabago ng mundo?’
Kung magbabase tayo sa ating mga pinag-‐usapan, madali lang sagot sa tanong na ito: gumawa ka ng
ikasasaya mo para maparolyo mo ang greater good. At kapag mas napapasaya mo ang sarili mo, mas
286
mabilis mo itong mapapasulong. Dahil dito, masasabi kong ang mga mas masasayang tao ang mas
kapakipakinabang sa mata ng Diyos. Kaya kung gusto mong mabago ang mundo, gawin mo ang lahat
para maging masaya ka.”
“Malamang, ang susunod mong itatanong sa akin ay ‘ano ba ang proseso para maging masaya?”
pagpapatuloy ni Ugin. “Katulad ng sinabi ko, una ay ang pagsa-‐satisfy sa physical, emotional at
intellectual pleasures. Anumang pain ay nakapagpapalungkot. Upang mapunan ang mga
pangangailangan ay dapat magkaroon tayo ng stable na status sa buhay. Mas stable, mas masaya.
Ngunit hindi pa dito nagtatapos ang quest for happiness. Pagkatapos ma-‐satisfy ang lahat ng needs ay
kailangan namang i-‐satisfy ang wants. Dapat mong makuha ang mga hilig mo at higit sa lahat, maabot
ang mga pangarap mo. At wala kang excuse para hindi ito magawa. April, ikaw na lang ang
magpaliwanag kung bakit.”
“Sige.” payag ni April. “Ang ating isip ay ang syang gumagawa ng ating pansariling reyalidad.
Pinagkakalooban tayo nito ng kakayahang kontrolin ang lahat ng aspeto ng ating sarili mula sa ugali,
emosyon, hanggang sa lahat ng ating bodily functions. Nagagawa rin ng ating isip na makamit ang lahat
ng ating pinapangarap. Kapag itinutok mo ang isip mo sa anumang naisin mo, at paulit-‐ulit mo itong
inisiip, ang subconscious mind mo ay otomatikong mag-‐uutos sa katawan mo na tuparin ito.”
“Mukhang pampalakas ng loob lang ang claim mo na yan April pero ang totoo ay may back-‐up na
scientific expalanation para dyan.” suporta ni Ugin. “Ayon sa quatum mechanics care of sir Christian, ang
sub-‐atomic particles ay nagma-‐materialize lamang kapag may conscious being na nag-‐observe dito…”
ngunit biglang nag-‐hang si Ugin. Tila nakalimutan kung ano ang sasabihin. “Maigi sigurong isang physicist
ang magpaliwanag nito. Sir Christian, paki-‐refresh nga po kami tungkol sa quantum mechanics.”
“Sige. Ang atoms ay pwedeng ikonsidera bilang wave o particle.” ika ng physicist. “Ang wave ay walang
definite size at mass at naka-‐distribute sa malawak na space. Ang mga halimbawa nito ay liwanag, signal
287
ng TV o cellphone, at sound. Ang particle naman ay ang small grains of matter na bumubuo sa physical
properties ng universe. Ang ating kapaligiran ay punong-‐puno ng wave-‐like atoms. Ngayon, nagiging
particle, o matter, lang ito kapag may conscious being na nag-‐observe dito. Samakatuwid, kaya
nagkakaroon ng mga bagay-‐bagay ay dahil sa consciousness na ina-‐apply natin dito.”
“Kaya ang epekto, kapag iinisip mo ng inisip ang mga gusto mong makamit at pangarap, tumataas ang
consciousness mo sa mga ito na sya namang ikinama-‐materialize nito.” ika ni Ugin. “Ganun lang naman
kasimple. Maaaring hindi sa literal na paraan kundi sa paraan na hindi natin inaasahan. Basta ang
sigurado, matutupad at matutupad ang mga ninanais mo sapagkat iyon ang batas ng reyalidad na ating
ginagalawan. Lahat ng paraan na pwede mong ikaligaya ay abot kamay mo lang basta nananatili kang
positibo.”
“Bukod pala sa napakaastig na struktura ng ating utak ay napakaastig din ng kayang gawin ng
consciousness na gine-‐generate nito.” papuri ng biologist. “Kayang gawing totoo ng consciousness ang
mga nai-‐imagine mo.”
“Sang-‐ayon ako sa ‘yo dyan.” ika ni Ugin. “Ang totoo nga nyan e sa sobrang paghanga ko sa ating
consciousness e nagsisimula na akong maniwala na ito ang direktang ebidensya natin sa Diyos.”
“Ha?! Paano?” bulalas ni April.
“Sa totoong buhay, nauuna munang mag-‐exist ang isang bagay bago pa natin ito ma-‐observe. Ibig
sabihin, dapat ay mayroon nang naunang conscious being na nagpa-‐materialize nito bago pa tayo
dumating. At ito pa ang isang nakakapagtaka; sinasabi ng mga astronomers na 96% percent pa ng
universe ang hindi pa natin nadidiskubre. Kung ganun, paano nag-‐e-‐exist ang 96% na ito kung hindi ito
abot ng ating consciousness? So nangangahulugan lang na may iba pa ring conscious being na nag-‐o-‐
observe sa mga bagay na hindi abot ng ating mata. Requirement sa being na ito ang pagiging
288
omnipotent dahil kailangan nyang pagmasdan ang lawak ng universe upang magkaroon ito ng reyalidad.
Sino pa ba ang pwedeng maging omnipotent bukod sa Diyos?”
“Ha! Bakit ‘di ko naisip ‘yan?!” bulalas ni Christian. Naiinggit ang matanda dahil bilang sya ang may
kaalaman sa quantum mechanics ay dapat sya ang unang nakaisip ng bagong teorya ni Ugin.
“Ngayon ay parang may kaunting clue na tayo kung ano ang ginamit ng Diyos sa paglalang mundo…
Malamang, ito ay ang Kanyang sobrang lakas na consciousness.” usal ni Ugin. “Isipin nyo na lang kung
gaano katindi ang isip Nya. Kung ang kaya lang i-‐materialize ng tao ay sub-‐atomic particles, ang kaya
namang i-‐materialize ng Diyos ay ang universe. At hindi lang universe natin kundi maging ang lahat ng
infinite parallel universes!”
“Matindi nga…” usal ni Christian.
“Ikonsidera natin ito; ang kapangyarihan ng consciousness ang ginamit ng Dyos sa pag-‐create ng
universe. Kung may consciousness din tayo, ibig sabihin, may kapangyarihan din tayo na kagaya ng sa
Kanya at iyon ay ang kakayahang lumikha! Sigurado akong ibinahagi ng Diyos ang katangian Nyang ito sa
tao upang makamit natin ang kaligayahang ating inasam-‐asam. Nasa atin na ang lahat ng kailangan para
maging masaya kaya magpakasaya tayo. Gawin natin ang anumang naisin at abutin ang lahat ng ating
mga pangarap. Sa ganitong paraan natin nagagawa ang ating purpose sa Diyos at nababago ang
mundo.”
“Yun e kung totoo ngang nag-‐e-‐exist ang Diyos…” paalala ni Christian.
“Tama. Yun e kung talagang nag-‐e-‐exist ang Diyos. Kailangan nating tandaan na wala pa rin tayong
kasiguruhan sa Kanya. Ngunit kung sakali man na hindi nga Sya totoo, hindi naman mababalewala ang
lahat ng pinag-‐usapan natin tungkol sa purpose natin sa buhay. Hindi mababago ang fact na patuloy pa
289
rin natin inaabot ang ating kaligayahan at pinaparolyo ang greater good; mapa-‐totoo man ang Diyos o
hindi.”
*******