ika-86 taon blg. 14 30 set 2008 philippine...

11
In commemoration of the University of the Philippines' centennial, the Philippine Collegian looks back on one hundred years of history. SUMMING UP Ika-86 taon Blg. 14 30 Set 2008 Opisyal na lingguhang pahayagan ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas - Diliman Philippine Collegian 05 BALITA September 21, 1972 Former Collegian editor-in-chief Oscar Yabes released a controversial extra issue of the Collegian on an exclusive document about Martial Law, "Operation Double Strike," allegedly leaked by a military officer. Soldiers raided UP a few days later, and confiscated copies of the Collegian, ordering that publication be ceased. Only in 1973 would the Collegian be released again. 08 LATHALAIN Utos ng korte sa militar: 'Ilitaw sina Karen, She' Hindi Panaginip ILLUSTRATION AND PAGE DESIGN: IVAN REVERENTE Balita >>> p.2

Upload: phamtram

Post on 22-Mar-2018

271 views

Category:

Documents


2 download

TRANSCRIPT

Page 1: Ika-86 taon Blg. 14 30 Set 2008 Philippine Collegianorig09.deviantart.net/02f4/f/2008/278/2/3/philippine_collegian... · In commemoration of the University of the Philippines' centennial,

In commemorat ion of the Universi ty of the Phil ippines' centennial , the Phil ippine Collegian looks back on one hundred years of his tory.

SUMMING UP

Ika-86 taon • Blg. 14 • 30 Set 2008

O p i s y a l n a l i n g g u h a n g p a h a y a g a n n g m g a m a g - a a r a l n g U n i b e r s i d a d n g P i l i p i n a s - D i l i m a n

Philippine Collegian

05 BALITA

September 21 , 1972Former Collegian editor-in-chief Oscar Yabes released a controversial extra issue

of the Collegian on an exclusive document about Martial Law, "Operation Double Strike," allegedly leaked by a military officer. Soldiers raided UP a few days later, and confiscated copies of the Collegian, ordering that publication be ceased. Only in 1973 would the Collegian be released again.

08 LAThALAIN

Utos ng korte sa militar: 'Ilitaw sina Karen, She'

Hindi Panaginip

ILLUSTRATION ANd pAge deSIgN: IvAN ReveReNTe

Balita >>> p.2

Page 2: Ika-86 taon Blg. 14 30 Set 2008 Philippine Collegianorig09.deviantart.net/02f4/f/2008/278/2/3/philippine_collegian... · In commemoration of the University of the Philippines' centennial,

Philippine Collegian | Martes, 30 Set 200802 Balita

Taunang subsidyo sa SUCs mula 2001, kulang ng halos limang bilyong pisoMahigit 60% ng kakulangan, estudyante ang nagpupuno

Habang tinatayang P23 bilyon ang average na taunang pangangailan-

gan ng lahat ng state universities and colleges (SUCs) mula 2001, aabot lamang sa mahigit P18 bi-lyon ang average na taunang sub-sidyong ipinagkakaloob sa kanila ng pamahalaang Arroyo.

Para sa susunod na taon, baga-man lumaki ng mahigit walong porsyento patungong P30.76 bi-lyon ang tinatayang gastusin ng SUCs, inaasahang P22.57 bilyon lamang ang kabuuang pondong ibibigay ng pamahalaan, batay sa budget of expenditures and sources of financing ng Depart-ment of Budget and Manage-ment (DBM).

Nakatakdang lumikom sa 2009 ang mga pamunuan ng 112 SUCs sa bansa ng karagdagang kitang panloob na P8.19 bilyon upang matustusan ang kanilang pangangailangan. (Sumangguni sa Table 1)

Kabilang sa pinagkukuhanan ng panloob na kita ng SUCs ang matrikula at iba pang bayarin ng mga estudyante, grants at do-nasyon, interes sa revolving fund, at iba pang pinagkakakitaan.

Pondo mula sa estudyante

Nanggagaling sa mga estudyante ang mahigit 60 porsy-entong panloob na kita ng SUCs, ayon sa tala ng DBM. Sa susunod na taon, tinatayang P5.79 bilyon ang malilikom mula sa matri-kula at iba pang bayarin ng mga estudyante, na katumbas ng ma-higit 18 porsyento ng kabuuang pangangailangan ng SUCs para sa pondo. (Sumangguni sa Table 2 para sa taunang panloob ng kita ng SUCs)

Mahigit 10 puntos na ang ini-laki ng ibinabahagi ng mga es-tudyante sa kabuuang panloob na kita ng SUCs mula 55.46 por-syento noong 2001 patungong 65.89 porsyento ngayong taon.

Ayon kay Antonio Tinio, taga-pangulo ng Alliance of Con-cerned Teachers, “mas maraming Pilipino ang mapagkakaitan ng mas mataas na edukasyon” dahil sa mababang subsidyo sa SUCs.

Mas maraming Pilipino, aniya, ang umaasang makapasok sa SUCs dahil sa kahirapan ng bu-hay at sa mataas na halaga ng pag-aral sa mga pribadong esk-welahan.

Batay sa tala ng Commission on Higher Education, nasa SUCs

Toni Tiemsin at Marjohara Tucay

Richard Jacob Dy

Isang Magna Carta para sa mga Mag-aaral ang ipi-nanunukala sa Mababang

Kapulungan ng Kongreso, ngunit hindi umano tunay na maipagta-tanggol ng mga probisyon nito ang karapatan ng mga mag-aaral, ayon sa mga lider-estudyante.

Kasalukuyang dinidinig sa House committee on higher and technical education ang Magna

Carta for Students na magkaka-hiwalay na inihain nina Repre-sentatives Edcel Lagman at Rufus Rodriguez at Risa Hontiveros-Baraquel ng Akbayan.

Ayon sa explanatory note ng panukalang-batas, isasaba-tas umano ng Magna Carta ang pagkilala sa karapatan ng mga mag-aaral sa hayskul at kolehiyo sa pagbuo ng mga konseho, or-ganisasyon, at pahayagan ng mga mag-aaral. Magtatakda rin ito ng mga pamantayan sa pagtataas ng

matrikula.Ngunit ani Airah Cadiogan,

pangalawang tagapangulo ng University Student Council ng UP Diliman, “Sa halip na mas makatutulong sa pagsulong ng demokratikong karapatan ng mga estudyante, [mapanganib] na gamitin ng mga school adminis-trator ang Magna Carta para gaw-ing lIgal ang campus repression at administration intervention.”

Sundan sa P.04

Gastos ng state universities at colleges sa ilalim ng pamahalaang Arroyo(Sa bilyong piso)

TaonSubsidyo ng pamahalaan

gastos mula sa kitang panloob

Kabuuang gastos

porsyento ng kitang panloob sa kabuuang gastos

2001 15.35 2.42 17.7913.71

2002 17.01 2.67 19.6713.53

2003 17.07 3.48 20.5616.93

2004 16.67 3.82 20.518.65

2005 17.51 4.97 22.5122.07

2006 16.67 4.59 21.321.57

2007 19.34 6.53 25.8825.24

2008 20.81 7.54 28.3526.61

2009* 22.57 8.19 30.7626.63

Average 18.11B 4.91B 23.03B20.55%

Sanggunian: Statement of Expenditures ng SUCs mula sa Department of Budget and Management *pagtataya ng DBM para sa 2009

Pinagkukuhanan ng kitang panloob ng state universities at colleges(Sa bilyong piso)

Taon Matrikula

Iba pang kita mula sa mga estudyante

Kita mula sa revolving fund

donasyon at grants

Iba pang pinagkakakitaan Kabuuan

2001 1.17 .332 .192 .142 .871 2.71

2002 1.33 .379 .224 .126 .870 2.93

2003 1.69 .773 .484 .125 .827 3.90

2004 1.84 .812 .487 .103 .751 3.99

2005 2.68 1.08 .669 .072 1.16 5.67

2006 2.97 1.17 .665 .047 1.22 6.07

2007 3.77 1.43 1.03 .194 1.57 7.99

2008 3.89 1.49 1.07 .121 1.60 8.18

2009* 4.19 1.6 1.18 .120 1.78 8.87

Average 2.62B 1.08B .850B .132B 1.18B 5.59BSanggunian: Statement of Receipts ng SUCs mula sa Department of Budget and Management

ang sangkatlo ng kabuuang 2.4 milyong estudyante ng mataas na edukasyon. Naragdagan ng anim na porsyento patungong 819,000 ang bilang ng estudyan-teng pumasok sa SUCs noong 2005, samantalang bumaba ang enrolment rate sa mga priba-dong mataas na paaralan ng ha-los limang porsyento mula 1.66 milyon noong 2000 patungong 1.58 milyon noong 2005.

“Panahon pa ni [ Joseph Es-trada] may recommendations na bawasan nang bawasan ang badyet ng SUCSs upang matu-lak [ang mga pamunuan nito] na magpalitaw ng sarili nilang pon-do through tuition fee increases and other income generating ac-tivity,” ani Tinio.

Nakasaad sa Medium-Term De-velopment Plan for Higher Educa-tion 2005-2010 ng pamahalaang

Arroyo, “For the next six years, ef-forts will be directed to...rational-izing governance and financing higher education in a manner that would unleash institutional cre-ativity and entrepreneurship.”

Maliit na pondo para sa mga gusali at pasilidad

Para sa 2009, lumaki ng 8.45 porsyento mula sa kasalukuyang pondong P20 bilyon patungong

P22.57 bilyon ang panukala ng DBM para sa SUCs, ngunit kasa-bay nito ay bumaba ng halos P2 bilyong ang pondo para sa capital outlay (CO) ng SUCs.

“Kapos talaga ang pondo [ng mga SUC] for basic infrastructure, bukod pa riyan ang mga special-ized infrastructure like libraries, computers, [at] laboratories,” ani Tinio. “Babagsak ang kalidad ng edukasyon dahil kulang ang pasil-idad for learning,” dagdag niya.

Ayon kay Alvin Peters, tagapan-gulo ng National Union of Students in the Philippines,“Itinutulak tuloy ang SUCs na lumikom ng sariling pondo para matustusan ang mga gastusin ng unibersidad partikular ang pagpapaunlad ng facilities.”

Malayo sa pangangailangan

Sa panukalang badyet ng DBM para sa 2009, lumaki ng halos 10 porsyento mula P186.6 bilyon patungong P204.9 bilyon ang kabuuang badyet para sa sektor ng edukasyon, ngunit malayo ito kahit sa pangangailangan pa la-mang na P259 na bilyon ng De-partment of Education.

Nakalaan namang pambayad-utang ang halos kalahati ng ka-buuang P1.415 trilyon badyet ng Pilipinas sa 2009.

Samantala, inaprubahan na ng subcommittee on appropriations ng Kongreso ang panukalang badyet ng SUCs para sa 2009 sa kanilang sesyon noong Setyembre 23. Aaprubahan pa ito ng komite, bago iakyat sa plenaryo ng Maba-bang Kapulungan at sa Senado.

Batay sa badyet na inaprubahan ng subcommittee, makatatang-gap ang UP ng P6.69 na bilyon sa 2009, kulang ng P8.66 na bilyon sa orihinal na P15.35 bilyong imi-nungkahi ng pamunuan ng UP.

Ayon kay CHED Chair Emman-uel Angeles, panahon na upang dagdagan ang badyet na inilalaan sa SUCs. Aniya, “It is very difficult for our SUCs to operate without increasing their budget.”

“Based on my experience, kung tataas man [ang budget alloca-tion], it is mainly because of inser-tions ng mga congressman”, ani UP President Emerlinda Roman.

Duda naman ang marami sa mga pangulo ng SUCs mula sa iba’t ibang rehiyon na dumalo sa sesyon na magkakaroon ng pag-taas ng badyet ng mga paaralan. Anila, taun-taon nilang hinihingi ang pagtaas ng subsidyo sa SUCs, ngunit nasusunod pa rin ang bady-et na ipinapanukala ng DBM. n

MAy ULAT MULA KAy MINI U. SORIANO

Para sa mga lider-estudyante

‘Student Magna Carta, walang pwersa’

Page 3: Ika-86 taon Blg. 14 30 Set 2008 Philippine Collegianorig09.deviantart.net/02f4/f/2008/278/2/3/philippine_collegian... · In commemoration of the University of the Philippines' centennial,

03BalitaPhilippine Collegian | Huwebes, 7 Ago 2008 03BalitaPhilippine Collegian | Martes, 30 Set 2008

Sundan sa P.10

Sundan sa P.04

Mahigit dalawang taon matapos mapaba-litang nawawala ang

dalawang estudyante ng UP na sina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan, ipinag-utos ng Court of Appeals (CA) na kagyat silang ilabas ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon sa 33-pahinang desi-syong isinulat ni Associate Jus-tice Jose Catral Mendoza, pina-totohanan ng mga ebidensyang iniharap sa CA ang pagdukot ng militar sa mga mag-aaral, pati ang kasama nilang magsasaka na si Manuel Merino. "There is now a clear and credible evidence that the three missing persons are being detained in military camps and bases under the 7th Infan-try division (in Fort Magsaysay in Laur, Nueva Ecija).”

Utos ng korte sa militar

‘Ilitaw sina Karen, She’Ipinagkaloob ng korte noong

Setyembre 17 ang petisyon para sa ipinagsamang writ of amparo at habeas corpus at ipinag-utos na ilitaw ng militar ang dalawang estudyante at si Merino.

Dinukot sina Empeño at Cada-pan, na pinaghihinalaan ng mili-tar na mga miyembro ng New People’s Army, sa kasagsagan ng kampanyang counter-insurgency na Oplan Bantay Laya (OBL), noong Hunyo 2006 sa Hagonoy, Bulacan, ayon kay Erlinda Cada-pan, ina ni Sherlyn.

Ibinaba ng korte ang desisyon batay sa testimonya ni Raymond Manalo, isa ring biktima ng pagdukot at pagtortyur ng mili-tar. Nauna nang sinabi ni Manalo na nakita nila ng kanyang kapatid na si Reynald ang mga mag-aaral noong ipiniit sila sa Camp Tecson ng 24th Infantry Batallion sa Li-may, Bataan.

“His narration and those of the earlier witnesses, taken together, constitute more than substantial evidence warranting an order that the three be released from detention. They may be moving from place to place but still they are considered under detention and custody of the respondents,” ayon sa CA.

‘Limitadong’ desisyonBagaman “nasisiyahan” ang

mga pamilya sa desisyong ibin-aba, maituturing naman umano itong “limitado,” ayon kay Rex Fernandez, abogado ng mga pamilya nina Cadapan at Em-peño.

Ani Erlinda Cadapan, nagtak-da sana umano ang CA ng eksak-tong petsa upang ilitaw ng mili-tar ang dalawang mag-aaral.

Hindi rin nito idinadawit at ipinapaaresto ang mga opisyal ng militar tulad ng hinihiling ng mga magulang nina Karen at Sherlyn, ani Fernandez.

Ayon sa CA, “This (desisyon) is not an indictment of the whole military establishment. This con-cerns merely a few misguided self-righteous people who resort to extrajudicial process of neu-

JM Ragaza

Marie Gerone Ba-ang

UPLB students ratify constitutionslated in February has been dragged for months after the UPLB admin-istration questioned the legality of the 1984 Constitution, citing that the long-governing election code was not approved by the Board of Regents (BOR). Perspective, UPLB’s official student publication, earlier reported that almost 95 percent of the UPLB students in 1983 already ratified the 1984 charter and thus replaced the 1978 charter.

In a meeting with President Emerlinda Roman last August, stu-dents groups in UPLB agreed for a simultaneous holding of a plebi-scite and the student elections. Be-fore the votes for the election would be counted, majority of UPLB stu-dents should first concur with the legality of the 1984 charter.

"Nakita nila (mga mag-aaral) ang kahalagahan sa pagtitibay ng isang autonomous, democratic at truly representative na student council,” Fuentes said. He added that the high turnout only dis-pelled the seeming “culture of apathy” among UPLB students.

Amid the growing campus re-pression, the students realized the need for an autonomous student council, said Fuentes, pointing is-sues in UPLB such as the tambayan phase-out, non-recognition of var-sitarian and religious groups, and

In what many groups consid-ered as a “triumph” over the supposed administration in-

tervention in this year’s student council elections, seven out of 10 students in UP Los Baños (UPLB) ratified the pro-student constitu-tion giving way to the holding of the long-derailed election.

Citing the official results, Leo XL Fuentes, outgoing chair of the University Student Council (USC), said 70 percent of the es-timated 10,000 UPLB students participated in the plebiscite to ratify the 1984 USC Constitution and chose their new officials for the USC and eight college coun-cils.

At least 95.5 percent, or 6,850 of the 7,172 students who participat-ed in the plebiscite, said “yes” to the 1984 charter, effectively repealing the 1978 USC Constitution consid-ered by the UPLB administration as the “legal” charter. Only 117 stu-dents voted against the 1984 char-ter, while 27 abstained.

The regents approved the rati-fied 1984 UPLB Constitution dur-ing its monthly meeting last Sep-tember 29 at UP Diliman.

The student elections earlier

John Alliage Tinio Morales unjustified first semester payment scheme for dormitory rentals.

“Ang pagkaantala ng eleksyon ay isang porma na ng pagtang-gal sa mga mag-aaral sa kanilang karapatan sa pagboto at karapa-tan sa edukasyon,” said Fuentes.

Saying he was “very happy” of the “historic” student participation, UPLB Chancellor Luis Rey Velasco claimed his administration would recognize the outcome of the plebi-scite only if “there are no provisions that are running counter the new UP charter and the UP Code.”

Being the chancellor, Velasco said he “has the authority to approve it (the 1984 charter).” He added that the new UP charter gives him “del-egated” authority to look into poli-cies and laws affecting the students and the UP unit.

During the dialogue between UP President Emerlinda Roman and student leaders led by Stu-dent Regent Shahana Abdulwahid on September 23, UP Vice Presi-dent for Administration Arlene Samaniego said University Sec-retary Lourdes Abadingo has al-ready issued a memorandum not to use the University Code 2005, a compilation of decisions based on the1984 Charter, which is invoked by Velasco. n

WITh A RepORT fROM TONI TIeMSIN

Lady jins take 3rd, men’s at the bottom

The UP Lady Maroons has once again been outclassed and outsparred by the Uni-

versity of Santo Tomas (UST) Ti-gresses.

This time, UP’s lady jins ranked third in the over-all team stand-ing, next to Far Eeastern University (FEU) Lady Tamaraws in second and UST Tigresses in first, in the UAAP taekwondo tournament held on September 13 and 17 at the FEU gym.

UP’s lady jins almost clinched a win from UST during the final stag-es of the tournament after claiming three rounds. But the quick and ag-

gressive Tigresses swept the crown with a 4-3 point advantage.

On the other hand, the Ateneo Lady Eagles weren’t able to score any win from the Lady Maroons after being hit at all their vulner-able points. Headkick after head-kick weakened the Lady Eagles and caused them to land at fourth place with a 2-3 standing.

The first day of the tournament witnessed UP’s lady jins trample the De La Salle University Lady Archers and University of the East Lady Warriors. In the scoreboard of seven matches, they won 5-2 and 6-1 tallies, respectively.

However, the Lady Maroons’

n Up Lady Maroons center fatima Tolentino charges through feU's defense during the battle for the championship crown in the UAAp women's basketball division, where Up experienced a devastating loss at The Arena in San Juan City, September 27. The third quarter proved to be a tough one for the Lady Maroons as they achieved 3 field goals while the feU made 20. Up made a heroic effort in the last quarter, but still lagged behind feU by 6 points, with a final score of 46-52. ChRIS IMpeRIAL.

ngumanap na itim na Santa Claus ang mascot ni gloria Arroyo sa isang kilos-protesta ng mga multi-sektoral na grupo sa Morayta noong Setyembre 22. Sinisimbolo umano ng mga regalong handog nito ang matagalang kawalan ng trabaho, nagtataasang presyo ng mga bilihin, at pagpapanatili ng vAT dala ng mga maka-dayuhang pang-ekonomiyang palisiya ni gMA. TIMOThy MedRANO.

Maagang krisismas

Crushing defeat

Page 4: Ika-86 taon Blg. 14 30 Set 2008 Philippine Collegianorig09.deviantart.net/02f4/f/2008/278/2/3/philippine_collegian... · In commemoration of the University of the Philippines' centennial,

Philippine Collegian | Martes, 30 Set 200804 Balita

Pamantayan sa pagtaas ng matrikula

Ayon sa panukala ni Hon-tiveros, dapat magkaroon ng pag-anunsiyo ng pagtataas ng matrikula isang taon bago ang pagpapatupad nito at konsulta-syon sa mga mag-aaral at kanil-ang mga magulang. Itinatakda rin ng panukalang bigyan ng mga dokumento ukol sa pagtataas ng mga bayarin ang konseho ng mga mag-aaral upang makabuo ito ng posisyon ukol dito.

Ngunit ani Cadiogan, hindi pa-gkakaroon ng konsultasyon ang nararapat na gawing pamantayan bago magtaas ng matrikula kundi ang pagsang-ayon ng mayorya ng mga mag-aaral. Nakita uma-nong patuloy ang pagtaas ng mga matrikula sa kabila ng umii-ral na memo ng Commission on Higher Education (CHEd) ukol sa konsultasyon, ani Cadiogan.

Ayon sa tala ng CHEd, tina-tayang 10 porsiyento ng 1,800 pribadong paaralan at halos 10 porsiyento ng mga pampublikong pamantasan ang nagtaas ng ma-trikula sa bansa ngayong taon.

Malayang pamamahayagMaaari naman umanong

gamitin ng administrasyon ng mga paaralan ang probisyon ng panukalang Magna Carta ukol sa pamamahayag upang isailalim sa censorship ang mga pahayagang pang-mag-aaral, ani Vanessa Faye Bolibol, tagapangulo ng National

Union of Students of the Philip-pines-National Capital Region.

“Ethics in journalism shall be observed by the editorial staff. It shall be the responsibility of the editorial staff to ensure that the student paper is not used for pur-poses contrary to law,” ayon sa panukalang Magna Carta.

Paliwanag ni Bolibol, hindi na-kasaad sa panukala ang magtat-akda ng etika sa pamamahayag, kaya maaaring panghimasukan ito ng administrasyon.

Hindi rin umano mapoprotek-tahan ng Magna Carta ang mga estudyanteng manunulat gaya ng kabiguan ng Campus Journalism Act (CJA) ng 1991 na may probi-syong nagbibigay ng kalayaan sa editorial board ng pahayagan upang magtakda ng mga saril-ing palisiya, saad ni Gerg Anrol Cahiles, kasapi ng national secre-tariat ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP). Aniya, sa kabila ng CJA, tinatayang 300 kaso na ng pagbabanta ng expulsion at karahasan sa mga estudyanteng manunulat ang naitala ng CEGP hanggang sa kasalukuyan.

Dagdag ni Cahiles, dapat ding isama sa Magna Carta ang pagpa-parusa sa mga tagapamahala ng paaralan na lumalabag sa karapa-tan sa malayang pamamahayag ng mga estudyanteng-manunu-lat.

Pagkilala sa mga organisasyon

Pinuna rin ng mga lider-estudyante ang probisyon ng

Magna Carta na magbibigay ng kapangyarihan sa office of stu-dent affairs (OSA) ng mga un-ibersidad na mamuno sa pag-apruba at pagbawi ng pagkilala sa mga organisasyon ng mga mag-aaral.

Ani Cadiogan, mas maigi umano kung ang konseho ang mag-aapruba ng mga organ-isasyon upang maging magaan at demokratiko ang proseso. Wala rin umanong karapatan ang mga OSA na magbawi ng pagkilala sa mga organisasyong hindi na aktibo dahil maaaring kulang lamang sila sa pondo o mga mi-yembro, aniya.

Nakasaad din sa panukalang Magna Carta na hahawakan ng administrasyon ng paaralan ang pondo ng konseho sa loob 15 araw matapos ang enrolment period. Ngunit ayon kay Boli-bol, nararapat ibigay kaagad sa mga konseho ang pondo upang maiwasan ang pagpigil sa pagpa-palabas ng pondo na naranasan kamakailan ng konseho ng La Consolacion College-Manila. n

Tinatayang 200 manggagawa mula sa apat na pribadong kumpanya sa Kamaynilaan

ang nakatigil-paggawa bunga ng wage freeze at maramihang pag-tanggal sa trabaho mula pa noong Hunyo.

Tinanggal ng pamunuan ng ristoranteng Kowloon ang 73 sa mga manggagawa nito noong Setyembre 13, habang nauna nang tinanggal sa trabaho ang 100 manggagawa ng Far Eastern Garments at 26 ng Papertech In-corporated.

Ayon kay Edmund Navarosa, pangulo ng Kowloon Union, “Hin-di kami makatarungang tinanggal ng Kowloon dahil lang sa ipinagla-laban namin ang sweldong nara-rapat naman para sa amin.” Nagl-unsad ng tigil-paggawa noong Agosto ang unyon ng Kowloon sa labas ng oras ng kanilang tra-baho, matapos gawing kalahati ng Kowloon ang dapat na dagdag sa-hod na P62 kada araw, kasama na ang P50 cost of living allowance (COLA).

200 manggagawa, tinanggal sa trabahoMini Soriano Ngunit matapos maibigay ng

Kowloon ang buong dagdag-swel-do alinsunod sa utos ng regional wage board noong Setyembre 13, tinanggal naman nito ang 73 sa mga manggagawa. Nagdaos ng tigil-paggawa ang unyon ng Kow-loon noong Setyembre 19 bilang protesta.

Ani Roger Soluta, pangkalaha-tang-kalihim ng Kilusang Mayo Uno, organisasyong pang-mang-gagawa, “Nakikita natin ang mga malawakang pagtanggal sa mang-gagawa bilang isang epekto ng mga palisiya ni Gloria Arroyo gaya ng pagpataw ng value-added tax na isang manipestasyon ng kasa-lukuyang krisis pang-ekonomiya.”

Nagiging dahilan ng mga prib-adong kumpanya ang krisis pang-ekonomiya upang sabihing lugi na ang mga kumpanya at hindi maibibigay ang dagdag sahod at COLA ng mga manggagawa, ayon kay Soluta.

“Bunga nito, hindi maiwasang maglunsad ng mga tigil-paggawa ang mga manggagawa upang igiit ang kanilang karapatan sa sahod subalit nagiging dahilan ito para matanggal sila sa trabaho,” dagdag

ni Soluta.Ani Soluta, lalong mahalaga

para sa mga mamamayan ang pagkakaroon ng trabaho sa kasalu-kuyan, dala ng tumataas na presyo ng mga bilihin na umabot na ang bilis sa 14.3 porsyento, na pinaka-mataas sa huling siyam na taon.

Ayon pa sa Center for Trade Union and Human Rights (CTU-HR), mayroong 4,000 kumpanya sa bansa ang lumalabag sa batas sa paggawa gaya ng pagbibigay ng sahod na kadalasang umaabot

sa P382, o 34 na porsyento lamang ng P871 na pangangailangan.

Hindi rin umano maaasahan ng mga manggagawa na magwawagi sila kung magsampa sila ng kaso sa National Labor Relations Com-mission (NLRC), ani Navarosa. Da-gdag ni Soluta, tinatayang 30 por-syento lamang ang nareresolbang kaso ng manggagawa sa NLRC sa loob ng isang taon, habang tuma-taggal ng dalawang taon o hindi na nareresolba pa ang kalakhang 70 porsyento.

Ani Soluta, “Nakakaranas pa ng ibayong pandarahas ang mga manggagawa sa loob ng kanilang pinapasukang kumpanya gaya ng pananakot sa mga miyembro at lider ng unyon, illegal dispersal sa ligal na mga tigil-trabaho at pag-paslang sa mga manggagawa.”

Sa datos ng CTHUR, may nai-talang 11 kaso ng pananakot, 9 na pananakit, 5 marahas na pagbuwag sa piket, at isang kaso ng pagpatay ngayong taon sa humigit-kumu-lang na 20,458 na manggagawa. n

nStudent leaders of different councils and organizations held a dialogue with Up president emerlinda Roman at the president’s office in Quezon hall last September 23. The participants raised concerns about the recognition and rights of student organizations, and reiterated the need for student representation in the major policymaking bodies of the university. OM NARAyAN A. veLASCO.

'Student mula sa p.02

Lady from p.03

Download the

PhiLiPPine COLLegian

in PDF!http://kule-0809.deviantart.com

battle against the FEU Lady Tama-raws ended in a dismal 3-4. The rounds were neck to neck, but in the end, it was the Lady Tamaraws who conquered using their power-ful kicks.

“We are disappointed. Three years na kaming runner-up... But there’s always a next time, mai-tatama pa namin ang mga mali,” said captain Ehdlie Arellano. They have to work more on their follow-throughs and power, as these are their weaknesses, Arellano added.

But the Lady Maroons managed to keep under their belts remark-able performances in the solos.

Feather weight jin Geneve Cas-tillo, light weight Wynde Legarda and welter master Sheena Perlas bulldozed all jins to sweep first

place, while Arellano ranked sec-ond in the fin weight division and heavy weight Jayden Pedrosa at third.

In the men’s division, the Fight-ing Maroons came at the bottom pit finishing off at fourth rank. The UST men jins nipped the crown from season 70 defending cham-pion FEU Tamaraws.

In the finals bout, the Maroon jins stunned the University of the East Red Warriors and the DLSU Green Archers by scoring a win-loss card of 5-2 and 7-0, respective-ly. But that sterling performance capped by powerful kicks failed to pull off the winless semis of the Maroons.

“We’re ready. We’re 100% sure of winning,” said team captain Cholo Sarmiento, but that wasn’t the case. n

Registering demands

Page 5: Ika-86 taon Blg. 14 30 Set 2008 Philippine Collegianorig09.deviantart.net/02f4/f/2008/278/2/3/philippine_collegian... · In commemoration of the University of the Philippines' centennial,

05LathalainPhilippine Collegian | Martes, 30 Set 2008

Page DesignLarissa Mae Suarez

DibuhoJanno Rae Gonzales

ArticleMarvin E. Lim

Mula sa pagtunggali sa konserbatibong status quo hanggang sa pagpa-

palaganap ng mga radikal at liberal na pananaw, naging instrumental ang mga organisasyong pang-estudyante sa paglunsad ng pagba-bago sa loob at labas ng Unibersi-dad ng Pilipinas.

Noong 1971, nauwi ang isang protesta hinggil sa pagtaas na pre-syo ng langis sa Diliman Com-mune, isang linggong aklasan ng mga estudyante sa UP Diliman. Nang mabaril ng isang propesor ang isa sa mga estudyanteng kasa-ma sa protesta, si Pastor Mesina, sama-samang binarikadahan ng mga mag-aaral ang mga gusali sa loob ng unibersidad, bilang tugon sa sinapit na karahasan. Pinatakbo ng mga estudyante ang UP Press at DZUP, at idineklara ang kabuuan ng kampus bilang isang “Malayang Komunidad.”

Dahil sa kakayahan ng mga estudyante na makapagbuo ng malaki at matagalang protesta, bi-nusalan ni dating Pangulong Fer-dinand Marcos ang tinig ng mga organisasyon ng mag-aaral sa UP sa pamamagitan ng Batas Militar.

Pagsapit ng dilimMatapos ipatupad ang procla-

mation 1081 noong Setyembre 23, 1972, tinugis ng militar ang mga grupong kumakalaban sa pama-mahala ni Marcos, at ipinagbawal ang pagkakaroon at pagbubuo ng mga organisasyon sa pamantasan. Kasabay ng suspensyon ng klase sa

UP at iba pang paaralan, hinuli ng mga sundalo ang

mga estudyanteng kabilang sa pam-

b a n s a n g

demokratikong grupo, tulad ng Kabataang Makabayan (KM) at Samahan ng Demokratikong Ka-bataan (SDK).

Pagsapit ng Nobyembre, binuk-sang muli ang UP at ilang piling paaralan sa ilalim ng mahihigpit na regulasyon. Ipinagbawal ng admin-istrasyon ng UP ang mga protesta sa kalsada ng unibersidad. Tinang-gal rin ang dalawang insititusyon ng mga mag-aaral, ang Philippine Collegian at University Student Council, na parehong kilala bilang kritiko ng pamahalaan.

Kasama rin sa mga inalis ang mga pang-akademiko, kultural, at pang-kapatirang organisasyon, upang maiwasan ang pagkalat ng mga impormasyon laban sa gobyerno. Kinansela ang lisensya ng DU1UP ng Engineering Radio Guild. Sinira ng mga sundalo ang kagamitan ng estasyon ng radyong DZUP. Nilu-sob ng mga sundalo ang opisina ng Tau Gamma Phi sa hinalang may mga “makakaliwang” miyembro ito. Tanging ang UP Student Catholic Action lamang ang hindi ipinag-bawal, dahil nakiusap si Jaime Car-dinal Sin na panatilihin ito.

Silahis ng pag-asaSa kabila ng mga panunupil, hin-

di nagpatinag ang mga institusyon at organisasyon ng mag-aaral sa diktaturyang Marcos.

Sa mga unang araw ng Batas Militar, patagong namahayag ang Collegian, na sumalungat sa mga propaganda ng gobyerno. Naging bahagi ito ng mosquito press, na nagsiwalat sa mga kabalintunaan ng rehimen ni Marcos. Nang mul-ing ibinalik ang pahayagan noong

1973, isinailalim ito sa Mass Media Council (MCC),

ang ahensyang sumusuri sa lahat ng mga nilalaman ng mga pub-likasyon bago ito mailalathala.

Ngunit patuloy pa ring nagla-bas ang Collegian ng kritisismo sa pamamahala ni Marcos at mga ar-tikulong nananawagan para sa pag-babalik ng Student Council. Bukod sa Collegian, patagong lumabas at namahayag laban kay Marcos ang Sinag, pahayagan ng Kolehiyo ng Agham, Panlipunan at Pilosopiya. Nag-iwan rin ang ilang organ-isasyon, tulad ng KM at SDK, ng mga manipesto sa AS steps at Main Library upang manawagan ng pag-alsa ng kabataan laban kay Marcos.

Nagbuo ang mga estudyante ng mga bagong organisasyon na nanawagan ng pagkilos. Halim-bawa, nagsagawa ang Youth for Social Action ng mga lightning rally upang magprotesta. “Sa loob lamang ng ilang minuto, nagpa-pamigay kami ng mga flyers at nagsasalita sa kalsada,” ani Prop. Lourdes Simbulan, dating miyem-bro ng organisasyon.

Nagpakalat ang grupong Liga ng Rebolusyon ng Mag-aaral (LRM) ng mga sulat tungkol sa mga naganap na protesta ng mga estudyante, tulad ng pagsigaw ng “Marcos-Hitler-Diktador-Tuta!” ng mga resi-dente ng Kamia at Yakal Dormitory, at paglunsad ng noise barriage sa mga kantin.

Sa pamamagitan ng mga symposium, nakilahok ang ilang pang-akademikong organisasyon sa pagtuligsa sa Batas Militar. Hal-imbawa, nagdaos ang Lipunang Pangkasaysayan (LIKAS) ng mga forum tungkol sa kasaysayan ng korupsyon, kolonyalismo, at dik-taturya sa bansa. ”Dito rin natata-

lakay ang mga pag-usbong ng mga kalabang organ-isasyon ng gobyerno tulad ng New People’s Army at

Moro National Liberation Front, ” ani Prop. Ricardo Jose, dating mi-yembro ng organisasyon.

Nagsagawa ng mga makatawag-atensyong hakbang ang ilan sa mga grupong pangkapatiran. Noong 1977, isang lalaki ang tumakbo ng hubo't hubad sa loob ng Palma Hall, sa kauna-unahang Oblation Run ng Alpha Phi Omega. Bitbit ang poster ng dulang “Hubad na Bayani,” ipinakita ng APO ang ka-nilang protesta laban sa pagbawal sa satirikong dula tungkol sa pamu-muno ni Marcos.

Marami namang miyembro ng Scintilla Juris Fraternity ang naku-long dahil sa pakikipaglaban nito para sa malayang edukasyon sa UP. Binuo ng ilang samahang pangka-patiran ang Alliance of Concerned Fraternities (ACF) upang manawa-gan para sa paglaya ng mga nadak-ip na lider estudyante at ibalik ng konseho ng mga mag-aaral.

Ngunit may ilan ding mga or-ganisasyon na hindi nakisangkot sa mga kilos protesta. ”Hindi sila gaanong tumatak noon. Tahimik lamang ang mga organisasyong pabor o walang-pakialam sa Martial law,” ani Prop. Dante Ambrosio ng Departamento ng Kasaysayan.

Pagsikat ng liwanagDahil sa pagdagsa ng panawagan

para sa isang konseho ng mag-aaral, inaprubahan noong 1973 ni dating UP President Salvador Lopez ang pagbuo ng Coordinating Commit-tee on Student Affairs (CONCOM-SA). Ang CONCOMSA, na binubuo ng mga pinuno ng organisasyon ng mag-aaral, ang pansamanta-lang pumalit sa Student Coun-cil. Ngunit dahil hindi sa-pat ang CONCOMSA upang tugunan ang

pangangailangan sa isang konseho, itinatag ng mga lider-estudyante ang Task Force Ibalik Ang Sanggunian.

Pagkatapos ng pitong taon, nag-tagumpay ang pinagsama-samang pwersa ng mga organisasyon, at inihayag ng bagong UP President na si Emmanuel Soriano ang pag-babalik ng Student Council.

Napadali ang pakikipag-ug-nayan ng UP at iba’t bang paar-alan, pati na rin sa iba pang sektor ng lipunan, ng magbalik ang Stu-dent Council. “Mayroong kakaya-han ang Student Council noon na pagkaisahin ang mga estudyante ng UP,” ani Jose.

Mula sa campus, lumawak pa ang pakikipaglaban ng mga mag-aaral ng UP, at binuo ang National League of the Philippines (NLFS) katuwang ang iba pang paaralan. Kasama ang NFLS sa mga laban ng iba pang sector, tulad ng mga manggagawa at magsasaka, sa dik-tadurya ni Marcos.

Sa panahon ng Batas Militar, pinatunayan ng mga samahan sa UP na hindi lamang problema ng akademya ang kanilang dapat tugu-nan. Ang tunay na misyon ng isang organisasyon ay ang paglinang sa kaisipan ng kanyang miyembro, at pagmulat sa kanila sa mga tunay na pangyayari sa kanyang lipunang ginagalawan. n

Sanggunian:Jose, Vivencio R. "The Martial Law Years

Cometh—and Goeth.” The University experi-ence: essays on the 82nd anniversary of the University of the Philippines. Quezon City: UP Press, 1991.

Page 6: Ika-86 taon Blg. 14 30 Set 2008 Philippine Collegianorig09.deviantart.net/02f4/f/2008/278/2/3/philippine_collegian... · In commemoration of the University of the Philippines' centennial,

Allue Abad

Illustration and Page DesignIvan Reverente

Philippine Collegian | 06-07 Lathalain Philippine Collegian | Byernes, 30 Set 2008

Lumulusob na mga higanteng tangke sa natutulog na komunidad at pag-ulan ng bala ng baril sa madilim na kalangitan ang mga tipikal na imaheng iginuguhit ng mga bata.

Bagaman hindi pa nila lubusang nauunawaan, nadodrowing ng mga ba-tang naiipit sa digmaan ng militar at ng mga rebeldeng grupo ang duguan nilang mga magulang, kamag-anak o kalaro na napaslang dahil pinaghihina-laang kasapi ng New People’s Army o kaanib ng mga progresibong grupo.

Sa mga drawing session na isinasagawa ng Child Rehabilitation Center, isang NGO na nangangalaga sa mga biktima ng karahasan, nailalahad ang kanilang kamalayan sa lugar ng digmaan at “kultura ng karahasan,” ani Ma-ria Esmeralda Macaspac, executive director ng CRC. Sa halip na gumuhit ng mapayapa at makukulay na tanawin, realidad ng dagundong na digmaan ang napipiling tema na naglalarawan sa saloobin ng batang nanakawan ng kanyang kabataan at karapatan na mabuhay ng mapayapa.

Ani Macaspac, marami sa mga batang biktima ng militarisasyon ang nahihi-rapang magbigay ng tiwala sa mga tao, at dumaranas ng mabagal na pag-unlad ng pag-iisip at matamlay na kalusugan dulot ng kawalan ng ganang kumain.

Hindi ligtas maging ang mga bata sa labanan sapagkat pati sila ay bik-tima ng pulitikal na pamamaslang at pagdukot na kadalasan nagaganap sa komunidad na tinitirhan nila. Kaya naman, aniya, nararanasan ng bata ang direktang epekto ng “state violence.” Sa ulat ng Karapatan, isang grupo na nagtataguyod ng karapatang pantao, 62 na bata ang naging biktima ng pamamaslang, habang apat na bata naman ang biktima ng pagdukot mula Enero 2001 hanggang Hunyo 2008.

“Sa mga lugar na pinaglulugaran ng insurhensiya, (aakusah-ang) kaaway ka, regardless kung bata ka o sibilyan ka,” ani Lovel-la de Castro, pinuno ng documentation committee ng Karapatan. Kung hindi napapaslang, “ginagamit ang bata bilang hostage para lumabas ang

mga magulang nila (na sinasabing NPA),” dagdag ni De Castro. “Nabubuo ang distrust ng bata sa pamahalaan, dahil they are also targets of a political attack.”

Sa batas ng militar, silang napaslang ay mga “child warrior,” ani Macaspac

‘Child warrior’Masayang nagtatampisaw noon ang siyam na taong gulang na si Grecil

Buya sa karatig na ilog ng bahay nila sa New Bataan, Compostela Valley isang araw ng Marso noong nakaraang taon. Ngunit, napaslang si Grecil nang maipit sa sagupaan. Natamaan ng bala ng baril ang kanang kamay at ulo ni Grecil.

Ayon sa militar, batang mandirigma si Grecil na nasangkot sa isang lehiti-mong sagupaan ng 67th Infantry Batallion at ng mga rebelde. Nauna umanong bumaril ang bata kaya naman dumepensa ang mga militar. Natagpuan ang du-guang katawan ni Grecil na may M-16 na baril na kasingtangkad niya.

Ngunit, sa bandang huli, inamin din ng militar na si Grecil ay hindi mandirigma kung hindi isang sibilyan.

Upang mapagtakpan umano ang hindi sinasadyang pagkakapatay sa mga batang napapaslang sa kasagsagan ng sagupaan, agad silang itinuturo bilang mga mandirigma ng NPA, ani Macaspac.

Sa huling ulat na inilabas ng United Nations ngayong taon, kinundena nito ang mga rebeldeng grupo tulad ng NPA at Moro Islamic Liberation Front na nagtuturo sa mga bata para maging mandirigma. Ngunit binabahiran ng ganitong pahayag ng “guilt” ang bata, bago pa siya mapatunayang inosente, ani Macaspac.

Pinalalala lamang ng ganitong “red-baiting” sa mga bata ang sugat ng karahasan, at naaalis sa isipan ng karamihan na ang batang pinaghihinal-aang mandirigma ay isa lamang “biktima,” dagdag ni Macaspac.

Pagkamulat ng bataWalang pinipili ang balang umuutas ng buhay, ngunit tanging kasalanan

ng mga batang biktima na nakatira sila sa mga komunidad na militarisado. Kahit hindi naman kasapi ng NPA, dahil sa pagmumulat ng komunidad, napupulitika ang pamumuhay ng bata, na sa tingin ng militar at estado ay isang anyo ng direktang pakikisangkot sa labanan.

Kahit kinikilala ng UN ang karapatan ng bata na makibahagi sa lipunan, hindi naman nito nakikita na isang anyo ng pakikisangkot ang pagiging “politically active” nila, ani De Castro.

Tinuturuan ng karahasan ng militar ang mga bata upang gumawa ng paraan para protektahan ang sarili at, minsan, ipaghiganti ang kanilang mga magulang. Ang iba naman ay namumulat sa panahon kung saan ang mga magulang nilang kumakala-ban sa pamahalaan ay itunuturing na kaaway ng demokrasya, ani Macaspac.

Sa karananasan ng CRC, matapos sumasailalim ang mga batang biktima sa mga psycho-social theraphy, sila na umano ang naghahanap ng paraan upang maiparat-ing ang mga kahilingan nila para sa hustisya at rekomendasyon para sa mas matibay na pagpoprotekta sa karapatan. Patunay umano rito, ani Macaspac, ang pakikipag-usap ng ilang batang biktima kasama ang mga opisyal ng Commission on Human Rights kamakailan. Samantala, sumasama naman ang iba sa mga kilos-protesta.

Maraming dahilan para mapulitika ang pananaw ng bata. Ani Macaspac, naninirahan ang mayorya ng bata sa kahirapan, at kung hindi naman uma-no ipinaliliwanag sa kanilang murang isip, ipinagtitibay lamang ng mas na-katatanda na sila’y “helpless” dahil wala silang magagawa para labanan ito.

Ngunit, hindi magkakaroon ng lugar ng tunggalian kung mayroon san-ang mabuting paaralan upang sila’y mapaunlad o serbisyong pang-kalusug-an upang hindi sila umalma sa kahirapan ng kapaligiran. Hindi makararat-ing sa puntong pati ang mga bata ay napupulitika o nasasangkot sa labanan, kung tunay na nirerespeto ng pamahalaan ang karapantang pantao nila at ng kanilang mga magulang. n

Iba ang nakasanayang kalye ni Cris. Kung habulan, patintero at tum-bang-preso lamang ang alam gawin ng ibang mga bata sa madudum-ing kalye, malimit siya sa daanan ng mga bus at dyipni. Kasama ang

mga manggagawa at ang kanyang “Daddy-lolo,” hinarangan nila ang mga sasakyan at iginiit ang karapatan nila sa mas matataas na sahod.

Apo si Cris ng kilalang lider ng mga unyon at manggagawa na si Crispin Beltran, o Ka Bel.

Sa kabataan ni Ka Bel, nagsilbi siyang mensahero ng mga gerilyang lumalaban sa pananakop ng mga Hapon. Nang dalawampung taong gu-lang na siya, sumali si Ka Bel sa militanteng grupo. Malapit ang damda-Malapit ang damda-min niya sa mga manggagawa dahil mula rin siya sa sektor na ito. Dahil dito, naging representative siya ng grupong Anakpawis sa kongreso, at doon nanatiling nakikipaglaban para sa mga manggagawa hanggang pumanaw sa edad na 75.

Kaya naman hindi nakapagtatakang sa murang edad na pitong taong gulang, dinala na si Cris sa kilos-protesta ng kanyang ina, na siyang anak ni Ka Bel.

Masugid din siyang turuan ng kanyang lolo tungkol sa sama-samang pagkilos. Ang kwento ng Barakuda, isang malaking isda na tinalo ng nagkakaisang maliliit na isda, ang minsang ginamit ni Ka Bel upang ip-aintindi kay Cris na makakamit lamang ang kanilang mga ipinaglalaban kung sama-samang kikilos ang lahat.

Noong bata si Cris, aktibo siya sa mga gawain ng mga organisasyong

gaya ng Salinlahi, na nagtataguyod sa karapatang pantao. Tuwing Sa-bado at Linggo, abala siya sa pag-eensayo kasama ang iba pang mga bata para sa mga kultural na pagtatanghal na minsang ipinalalabas sa mga rali.

Kung sa museo at parke ang field trip ng ibang mga bata, mga pabrika at bukid naman ang pinuntahan nina Cris. Nakapagtanghal sila tungkol sa mga isyung kinakaharap ng mga bata, gaya ng prostitusyon, child labor at urban poverty. Sumasama rin si Cris sa mga art camps na nag-sisilbing workshop ng iba’t ibang sining.

Kahit sa pinakasimpleng bagay gaya ng laro, naipahiwatig sa kanya ang kondisyon ng lipunang mamanahin niya. Naalaala niya nang min-sang maglaro sila ng ‘monopoly’, isang board game kung saan bumibili ng mga gusali ang mga naglalaro — sa bawat tira ng dice, may kaakibat na aral tungkol sa mga gusaling tatapatan ng mga manlalaro. Halim-bawa, kapag tumapat ang manlalaro sa isang bangko, ipaliliwanag na inuutangan ang mga bangko sapagkat mahirap ang karamihan sa mga Pilipino.

Sa kabila ng maagang pagtuturo sa kanya, nahilig din siya sa kartun at TV gaya ng ibang bata. Pero kaiba sa ordinaryong bata, may interes na siyang manood ng balita. Bukod sa maaaring lumabas sa telebisyon ang kanyang lolo, ani Cris, “Nanonood na rin ako ng balita dahil alam kong kailangan kong malaman ang nangyayari (sa paligid ko).”

Ang ganitong kapaligiran ang nagbunsod kay Cris na patuloy pag-

aralan ang kanyang lipunan. Sa high school, aktibo pa rin siyang lu-mahok sa mga kultural na pagtatanghal. Humingi siya ng pera sa mga magulang, hindi para maglaro at mamasyal, kundi para pumunta sa kilos-protesta. Kasabay na niyang magmartsa at magtaas ng kamao ang kanyang ina at lolo.

Gayunpaman, malinaw sa kanya na hindi siya pinilit ng kanyang mga magulang at lolo na makibahagi sa mga rali at iba pang pagkilos. “Lu-malahok ako dahil nakita ko na rin na tama ang sinasabi ng Daddy-lolo ko,” ani Cris. Ang kanyang paglahok diumano ang nagbukas ng mura niyang isipan sa kaya niyang gawin sa kabila ng kanyang kabataan, tulad ng pagtatanggol sa karapatan ng mga batang tampok sa mga kultural na palabas na sinalihan niya.

Pangarap ni Cris noong bata siya na maging isang inhinyero. Ngunit sabi niya, “Nakita kong higit na mahalaga ang paglilingkod sa mama-mayan, na siya namang kinagisnan kong ginagawa ng lolo ko.”

Ani Cris, nagpapasalamat siyang hindi tulad ng ibang pinipigilan ng sariling pamilya sa pakikilahok sa mga kilos-protesta, suportado ng kan-yang pamilya ang pakikilahok niya sa mga usaping panlipunan, anu-mang panahon sa kanyang buhay.

Ganito ang letra ng paboritong kanta ni Cris noong kabataan niya: Bata, bata, tibayan ang loob/ Humakbang nang pasulong/ Kamay ko’y abu-tin/ Mga unos ay kapwa nating harapin. Bagama’t bata pa nang natutu-nan, dinala niya ang mensahe nito hanggang sa kanyang pagtanda. n

Napalalamutian ng mga ngiti ang kaarawan ni Trixie*. Ika-siyam na kaarawan noon ni Trixie. Naubos na ang keyk at

umalis na ang mga bisita niya, ngunit hindi pa rin nagpakita ang kanyang ama. Gayunman, walang bakas ng lungkot sa mukha ni Trixie, ta-liwas sa inaasahan sa mga batang ka-edad niya.

“Sanay na ako. Ever since I was born, lagi na siya umaalis,” ani Trixie, na 11 taong gulang na ngayon. Matagal na umanong ipinaintindi sa kanya ang trabaho ng kanyang ama. “Five years old si [Trixie] when I explained to her the nature of her father’s work,” pagbabahagi ng ina ni Trixie.

“Sabi ni Mom, soldiers protect the country from harm,” ani Trixie. Mahigit 24 taon nang sundalo ang ama ni Trixie. Sundalo rin ang ama

niya. Kasalukuyan siyang kasapi ng mga operasyong kontra-armadong re-belde sa Nueva Ecija. Dalawampung libong piso ang suweldo niya sa isang buwan, hindi pa kasama ang mga benepisyo. Mapalad na kung dalawang beses itong nakakauwi sa isang buwan.

Tuwing uuwi ang kanyang “Dad,” hindi na umano nagtatanong si Trixie ukol sa mga nangyari sa kanya sa mga nakalipas na linggo. Dagdag dito, maagap siyang sumusunod sa anumang iutos ng ama niya. Hindi kinu-westiyon ni Trixie ni minsan ang anumang utos o desisyon ng kanyang ama, ayon sa kanya. “What my Dad does is always right,” ani Trixie.

Sa edad ni Trixie sumisibol ang panahon ng pagtuklas, ayon kay Bene-dicta Lascano, Guidance Specialist mula sa Unibersidad ng Pilipinas (UP). “Nasa transition pa lang ang bata to adolescence. Hindi pa mature ang

thinking niya, kung kaya’t nakasandig pa ito sa mga magulang niya,” ani Lascano. Sa gayon, naghahanap ng “role model” ang bata, na kadalasang ang mga magulang niya, dagdag ni Lascano.

Sa mga pagkakataong isinasama sina Trixie at JP ng kanilang ama sa kampo, dinadala niya sila sa firing range upang turuang gumamit ng baril. Ayon kay Trixie, nasasabik siya sa mga ganitong “firing lessons.” Aniya, “I feel powerful when I hold a gun.” Dagdag pa ni Trixie, “parang ang lakas-lakas” ng ama niya kapag may bitbit itong baril dahil “kaya na niyang la-banan ang mga rebels.”

Naniniwala si Batanga na “bata man o matanda, nakadarama ng ‘sense of power’ sa tuwing nakakagamit ng baril, dahil nasa kamay niya ang desi-syon kung bubuhayin ba ang isang tao o hindi.” Malaki ang pagpapahalaga ng lipunan sa kapangyarihan, dagdag niya.

“Dahil role model ng bata ang tatay niya, may positive meaning na inaattach sa paghawak ng baril,” ani Lascano. Nakikita lamang ni Trixie na may tangang baril ang kanyang ama tuwing bumibisita sila sa kampo. “Laging sinasabi ni Dad na ginagamit ang baril para…ma-defend namin sarili namin,” sabi niya.

Nagtapos noong 1981 sa UP–Los Baños ang mga magulang ni Trixie, ngunit hindi sila sumapi sa kahit anong militanteng organisasyon. Nais din ni Trixie na pumasok sa UP, subalit tutol ang kanyang ama sa paglahok sa kahit anong uri ng pakikitalad. “Ayokong maimpuwensiyahan ang anak ko,” aniya.

Binabatikos din ni Trixie ang mga aktibista at mga armadong grupong nakakasagupa ng militar tulad ng New People’s Army. Ani Trixie, “Siguro

kaya sila ganoon dahil may ginawa ang mga soldiers o kaya ang govern-ment sa kanila. Pero I still believe anything can be achieved through peace-ful means. ” Sa kabila nito, hindi lingid sa kaalaman ni Trixie na gumagamit ng baril ang ama niya upang gampanan ang kanyang tungkulin.

Repleksyon lamang ng uri ng pagpapalaki kay Trixie ang mga paniniwala nito. “One of the the values taught at home and at the school system ay huwag mag-disrupt,” ani Batanga. Kadalasan, hindi natuturuan ang mga bata na maging kri-tikal sa pamamagitan ng “pagkuwestiyon sa homogeneity ng socio-economic and political system o sa nangingibabaw na kapangyarihan,” dagdag niya.

Inaamin ni Trixie na hindi niya alam ang kalagayan ng mga anak ng mga akti-bista lalo na ang mga biktima ng extrajudicial killings at enforced disappearances. “Wala akong alam sa living conditions nila pero siguro kawawa sila,” ani Trixie.

Pinapalagay ni Batanga na “sa konteksto ng pagpapayaman ng karanasan, deprived [si Trixie].” Ang pagiging bahagi ng “state apparatus” ng kanyang ama at ang “economic wealth and higher social status ng pamilya [nito]” ang maaaring mga dahilan kung bakit may kakulangan sa pag-unawa ang bata hinggil sa aktibismo at armadong pagkilos.

Sapagkat lumaki na sundalo ang ama, limitado ang perspektibo niya sa panig ng mga sundalo sa tunggaliang militar laban sa mga rebelde, armado man o hindi. Ani Batanga, “May pag-asa pang mamulat ang bata sa totoong nangyayari sa Pilipinas, hindi man ngayon, siguro pagtanda niya.” Hindi ha-bambuhay na nakakahon si Trixie sa mga haligi ng mapanupil na sistema. n

*hindi tunay na pangalan

John Alliage Tinio Morales

Dianne Marah Sayamanan

Page 7: Ika-86 taon Blg. 14 30 Set 2008 Philippine Collegianorig09.deviantart.net/02f4/f/2008/278/2/3/philippine_collegian... · In commemoration of the University of the Philippines' centennial,

Page DesignAngelo Reyes

LitratoCandice Reyes

ArtikuloVanessa Asma Amante

Review >>> PlayIsang Panaginip na Fili, isang musikalIsinulat at idinerehe ni Floy Quintos

ng orihinal na teksto. Ha-limbawa, ang pagladlad ng kwento sa mga mata ni Tu-nying ay sasagot sa kahalaga-han ng dula sa kasalukuyan. Representasyon si Tunying ng mga kasalukuyang kaba-taan na tila walang pakialam. Katunayan na tangan ng dula ang panawagan ni Rizal na “ang kabataan ang pag-asa ng bayan”.

Subalit sa paggamit ng karakter ni Tunying, lalo na-mang pinapatingkad ng dula ang mga kontradiksiyon ni Rizal bilang pambansang bayani.

Si Pepe bilang Simoun at Basilio

Sa pagpapatingkad ng mga kontradiksiyon ni Rizal, bi-nabasag ng dula ang ilusyon ng matayog na pedestal ng kanyang kabayanihan. Tao rin lamang siya.

Sa akademya, pinag-aaralan ang mga tauhan ng nobela ni Rizal bilang repre-sentasyon ng kanyang mga kontradik-siyon. Binunga nito ang magkasalungat na pagtingin kay Rizal – bilang repormista at rebolusyonaryo.

Hindi naman daw nalampasan ni Rizal ang kamulatan ng kanyang pinanggalin-gang uri, na “social climber” siya kaya’t gusto lamang niyang maging probinsiya ng Espanya ang Pilipinas. Sa kabilang banda, nariyan naman ang pagkilala sa kanya bilang isang tunay na matalinong rebolusyonaryo, hindi padalos-dalos bag-kus nililikha muna ang kondisyon tungo sa tunay na paglaya.

Hanggang sa kasalukuyan masikhay pa rin ang usaping ito, nagiging paulit-ulit na nga dahil bawat estudyante ay walang ta-kas sa Republic Act 1425, ang batas na nag-tatakdang gawing compulsory ang pag-aaral sa buhay ni Rizal sa mga eskwelahan. Kaya dito sa UP, walang nakakapagtapos na hindi kumukuha ng Philippine Insti-tutions 100 o The Life and Works of Rizal.

Minsan nga, nakakapunta pa ang iba sa Bundok Banahaw,

may kakaunti ring tuluy-ang nagiging Rizalista.

Sa pagpapakita ng kai-bahan ng paninidigan ng mga tampok na tauhan – ni Simoun at Basilio – hindi rin nagpapahuli ang dula sa akademikal na polemika ukol kay

Rizal. Direkta at literal itong sinasalamin ng dula.

Nang sinisimulan na ni Pepe ang pag-papanibagong hubog ni Tunying upang maging Simoun, sinuotan niya ito ng asul na salamin — shades, kumbaga. Dahil dito, hindi nakilala si Simoun ng mga tau-han bilang si Crisostomo Ibarra. Si Crisos-tomo Ibarra ang dating pinagbintangang erehe at pilibustero na ipinapatay, subalit nakatakas at nagbalik bilang si Simoun, isang mayamang alahero.

Sinuotan din ni Simoun si Basilio ng parehong asul na sala-min nang himukin niya itong balutin ng galit ang puso. Datapwat sadyang kadalisayan pa ang nan-gingibabaw sa puso ni Basilio.

Higit sa pagtago ng katauhan, metapora ang salamin sa polemika ng dalawang mukha ni Ri-zal. Si Simoun, na kapaitan, kapangitan at kadiliman ang nakikita sa mundo at si Basilio na kabutihan at kaliwanagan ang bumabalot sa puso. Kinakatawan nila si Rizal bilang repormista at Rizal bilang re-bolusyonaryo.

Nang hindi sumabog ang lampara at hindi narinig ang hudyat ng pagsisimula sana ng rebolusyon, nagblack-out ang entablado. Sa muling pagbukas ng ilaw, tatambad ang eksena ni Tunying na ba-lisang-balisang hinahanap si Pepe. Maya-maya pa’y lalabas si Pepe at magsisimula na silang magtalo. Tinatanong ni Tunying bakit hindi niya pinasabog ang lampara. Tila sinasambit ang mga kontempora-ryong tanong ukol sa pakay at tunguhin ni Rizal sa semyotikong pagpigil sa pagsiklab ng madugong rebolusyon.

Hindi nagpanggap ang dula na alam nito ang sagot. Sa kanilang pagtatalo si-Sa kanilang pagtatalo si-nagot na lamang ni Pepe si Tunying ng: “dahil, dahil, Tunying, nobela ko ito!”

Siya nga naman.

Cuidao! Cuidao! Kayo diyan!“Mag-ingat” ang pinakamalapit na salin

sa Filipino ng salitang Espanyol na cuidao. Paulit-uli itong kinakanta ng mga koro sa

dula. Tila sinasabihan din ang mga mano-nood na mag-ingat sa pinapanood.

Sa pagpitik ng kanyang daliri, tila ipi-napaalala ni Pepe sa mga manunuod na sila’y nanunuod lamang ng isang dula. Kung paanong minamanipula ni Simoun si Basilio, Juli, Kabesang Tales, ang Gober-nador Heneral at iba pang tauhan ng dula, ganoon din minamanipula ni Pepe si Tu-nying na maging Simoun. Kapagdaka’y tuluyan na ngang nadadala si Tunying sa karakter na kanyang isinasadula, kaya na-man nakikipag-talo na siya kay Pepe sa

mga susunod na mang-yayari o dapat na mang-yari sa nobela.

Hindi rin ligtas ang mga manonood ng dula sa parehong manipula-syon.

Ang huling awit ni Tunying ay humihiling na nawa’y “managinip muli” si Rizal ng isang

El Filibusterismo “upang tayo’y turuan.” Sa ganda ng tono at salin ng musika, di malayong maniwala at madala ang mga manonood. Dapat mag-ingat sa hiling na ito ng dula.

Ginamit ni Quintos ang karakter ni Tunying upang manawagan sa mga kaba-taan. Ngunit sa kahilingan ng huling arya ni Tunying, tila ang panawagan ay hindi aktibong pagkilos bagkus romantikong pananaginip.

Buti na lamang hindi rito nagtapos ang dula.

Mapupulot kay Rizal ang mahahala-gang aral. Marahil sapat na ang kanyang naituro. Sa kasalukuyan, pagkilos na ang kinakailangan.

Taliwas sa katapusan ng nobela, hindi bitin ang dula. Kung umulan ng mga confetti sa curtain call, mapagkakamalan itong isang song number ng mga diva sa ASAP. Pero higit sa kinang at liwanag na makikita sa entablado, may pagbaba-dya ang dula: na sa pagsasama-sama, ang minsang isang panaginip ng paglaya mula sa kahirapan at pang-aalisputa’y magkaka-roon ng katuparan.

Ayon nga sa dula: “malapit na.” n

Sa pagpapatingkad ng mga kontradiksyon ni Rizal, binabasag ng dula ang ilusyon ng matayog na pedestal ng kanyang kabayanihan

Philippine Collegian | Martes, 30 Set 200808 Kultura

Aakalain mo bang may roommate si Pepe na dumudugo ang ilong?

Magbubukas ang ilaw, papasok si Pepe na balisang-balisa. Aakma siyang magsusulat ngunit makakatulog. At ilang sandali pa’y mananaginip — lalabas ang lahat ng tauhan ng dula — siya’y kinu-kutya, hinahamak o, marahil, hinihimok. Mag-iiba ang ilaw at papasok ang isang binatang magpapakilalang si Tunying.

Ginawa na niya ito nitong kagyat na nakaraan lamang sa Pamantasang Hirang – ang musikal na paghahandog ng kasay-sayan ng Unibersidad para sa ika-isandaan taong selebrasyon nito. Forte ng batikang manunulat at direktor na si Floy Quintos ang pagsasakontempora ng mga makasay-sayang pangyayari. Gamit ang makulay at malikhaing sining ng teyatro, muli niyang binibigyang buhay ang mga karakter bago sila tuluyang mabaon sa limot.

At sa pagkakataon ngang ito, si Tunying Ibañez.

DekonstruksiyonAng karakter ng mamamahayag na si

Ben-zayb sa nobelang El Filibusterismo ang alay ni Jose Rizal kay Tunying Ibañez. Siya nga’t ang pangalang Ben-zayb ay pi-nagbali-baliktad na Ibañez.

Si Tunying Ibañez ay isang ilustradong hindi inabala ang sarili sa mga kaganapan noon sa bansa. Bagkus, namuhay lang siya nang masaya at masagana sa gitna ng mga kamunduhan ng Paris. Sa kabila nito, isa siyang mabuting kaibigan ni Rizal. Inaaabutan at pinapahiraman niya ito ng salapi kung kinakailangan. Kaya bilang pasasalamat kay Tunying, inalay ni Rizal sa kanya ang nakaka-intrigang karakter na si Ben-zayb.

Sa dula, si Tunying ang bida. Hindi bi-lang Ben-zayb kundi bilang siya, bilang Tunying Ibañez. At higit pa.

Magigising si Pepe mula sa kanyang panaginip dahil sa pangungulit ni Tu-nying. Sila’y magtatalo, mag-aasaran at magsusumbatan. Ilang saglit pa’y aarya si Pepe, hudyat na nagsimula na ang pagpapalit anyo ni Tunying Ibañez bilang Simoun.

Bagaman bini-gyang buhay ng dula ang mga ka-banatang pamilyar na, binigyan din nito ng ibang pers-pektiba ang kabuuan

Page 8: Ika-86 taon Blg. 14 30 Set 2008 Philippine Collegianorig09.deviantart.net/02f4/f/2008/278/2/3/philippine_collegian... · In commemoration of the University of the Philippines' centennial,

Hindi ako nabuhay sa panahon ng Batas Militar. Isa lang akong batang mahilig maglaro noong

unang yugto ng dekada 80. Nakilala ko lang si dating Pangulong Mar-

cos sa balita sa TV, sa radyo, at sa TV. Siya ‘yung singkit na nakabarong na nakaupo sa silyang may mataas na sandalan. Madalas ni-yang kausap ang mga nakaunipormeng sun-dalo, mga delegado ng iba’t ibang bansa, at mga reporter. Hindi ko alam na may sakit na pala siya noon kaya lalo pa siyang sumingkit.

Wala akong malay sa gulo ng mga pa-nahong iyon. Mas matingkad sa akin ang panonood sa umaga ng Batibot. Pinano-nood ko rin ang replay nito sa hapon. Kinagigiliwan ko sina Pong Pagong, Kiko Matsing, Ate Siena, at Kuya Bodjie. Pag-katapos, makikipaglaro na ako sa mga kaibigan ko ng taguan at touching rubber. Ganito lang ang buhay ko noon.

At nang mapatalsik siya dahil sa Edsa 1, wala rin akong naiitindihan noon tungkol sa mga ginawa niya. Ang alam ko lang, maraming taong nagpunta sa Edsa dahil galit sila kay Marcos. Hindi ko naman alam kung bakit sila galit.

Dahil ba sa singkit siya? Ewan ko. Sabi ng ilan, pinapatay niya si Ninoy Aquino. Paborito ko ngang isuot noon ang dilaw kong Ninoy shirt na nakuha ng nanay ko nang dumaan sa lugar namin ang mga martsa para kay Ninoy. Kaya nang maging pangulo si Cory, itinanghal si Ninoy bilang bayani at nilagay siya sa pera. Lalo pa siyang nag-ing sikat nang ituro sa eskwelahan ang kanyang pagkamartir. Naibalik ang demokrasya matapos ma-patalsik si Marcos. A, kaya pala. Malagim pala ang Batas Militar.

Kaya nang mapag-usapan sa isang klase namin noong undergrad ko na hindi na-katulong ang Edsa 1, isa ako sa unang tu-mutol sa aming guro. Sabi ko’y malaki ang naging sakripisyo ni Ninoy para mapatal-sik si Marcos. Na may mga pagkakamali nga hanggang ngayon, pero magagawa naman iyong baguhin sa pamamagitan ng mga reporma. Kaya nga may gobyerno para gawin iyon. Isang taon matapos kong sabihin ito, nagkaroon ng Edsa 2 para na-

man mapatalsik si Estrada. Ngayong panahon ng administrasyong

Arroyo, nagpapatuloy ang mga kung anong problema ang naiwan ni Estrada. At dapat ding itakda na mula pa sa panahon ni Marcos ay may mga krisis na. Palala pa nang palala. Na kung iaatras pang lalo ay makapagpapasakit lalo ng ulo. Kaya tila hungkag na selebrasyon na lamang ang nagaganap tuwing Enero at Pebrero para sa dalawang Edsa. Kaya kapag ipinano-nood ko sa aking mga klase ang Orapro-nobis ni Lino Brocka, nagigitla sila sa

mga nabigong pangako ng Edsa 1. Tanong nga nila sa akin, “Ganyan pa rin po ba ngayon?”

Na hindi ko naman kai-langang sagutin. Na sila bilang mga estudyante’y biktima din ng mga prob-lemang panlipunan. Ilan

sa kanila ang kailangang maging working student para may maidagdag sa baon. Ilan sa kanila ang nagkakasya sa kakarampot na student meal. At ilan sa kanila ang de-lay magbayad ng tuition.

Kaya hindi ko na masasabing wala akong alam tungkol sa Batas Militar. Nasa mga pahina ng kasaysayan at gunita ng mamamayan ang malagim na yugtong iyon. Na kapag may nagbalak na maulit, isa na ako sa makakalaban niya. ■ 

Pagmumuni-muni ng hindi nakaranas ng Batas MilitarLouise vincent B. Amante

diana Kaye precioso

Survival of the Fittest

Stolen

Mula pa sa panahon ni Marcos ay ganito na ang nagaganap na krisis. palala pa ng palala

09OpinyonPhilippine Collegian | Martes, 30 Set 2008

My cell phone was snatched the other day.Or perhaps stolen would be a bet-

ter word, I'm not sure. I mean, it wasn't forcibly grabbed from me. I slipped it in my bag as I got off a jeep at Philcoa, then crossed the overpass with some friends. Only when we reached Jollibee, already salivating at the thought of hot food af-ter two miserable hours in a cold exam room, did I realize that my bag's zipper had been pulled wide open.

Even as my friends dolefully pre-dicted that they had done poorly in the exam, which would count for a huge percentage of our final grade, I began panicking and searching my bag, doing a quick inventory. The dilapidated wal-let with my cash and ATM card, present. The mp3 player my family had given me as a high school graduation gift, present. The digital camera I had borrowed from a friend to use for a project, present. Cell phone — I paused, groping around ev-ery possible pocket of my bag. Gone.

My phone was an old model, and I had owned it since high school. Its cas-ing was chipped and faded. It could store maybe around thirty messages, maxi-mum. Its only game was the earliest ver-sion of Snake. My mother had been after me to buy a newer model ever since she realized that my phone's inability to ring aloud meant that I seldom answered any of her calls. In short, my cell phone was no great loss. With the help of Multiply and Friendster, I've even be able to re-build my contacts list without trouble.

Still, the incident depresses me. I sulked through the meal at Jollibee, despite my friends' efforts to cheer me up, and when I got home I dramatically flopped facedown on the couch and announced, my voice muffled by a cushion, that my phone had been snatched/stolen.

Our dog scratched himself indiffer-ently. My sister continued reading the book she had been immersed in when I entered, and muttered, "I warned you about being careless in Philcoa."

When my mother got home, she was more comforting. I told her childishly that I didn't want to spend the money I had saved on a new phone. With a gen-erosity only a mother could possess, she offered to give me her current cell phone, and buy a newer one for herself. I'll prob-ably take her up on it, but I'll also pay for half her phone, so I don't feel too guilty.

In the meantime, I hope my phone will be worth something to whoever has it. My automatic cynicism had me certain that it was taken and pawned off by some bum who used the money from the sale to buy beer. However, my inner optimist — which still sometimes believes what politicians say, in spite of everything — also hopes that a kid stole the phone to pay his mother's hospital bills, or some-thing like that. I know it's irrational, that the cell phone is gone either way, but it still makes me feel a better. n

Isa-isa nang nawawala at nag-aalisan ang mga kasabayan ko noong high school.

St. Raphael, ipanalangin mo po kami.Kakaiba nga raw ang section kong St. Ra-

phael, sabi ng mga naiwan naming guro sa St. Mary’s na miminsang kong nakau-sap. Mula raw kasi sa mga pinakamabenta hanggang sa mga kursong mailap ang tra-baho pagkatapos ng graduation, sinubok at pinasok namin.

Nitong buwan nga lang, naragdagan na naman ang mga professional sa batch namin na graduate ng mga prominente at mama-haling eskwelehan dito sa Maynila. May mga nagtapos ng accountancy, geography, linguistics, aeronautics, medical technology, pharmacy, nursing, business administration, journalism, broadcast communication, film, communication arts, european languages, interior design at sports science.

Mangilan na lamang kaming naiwan at nagbababad pa rin sa kolehiyo para magta-pos ng kani-kaniyang kurso gaya ng culinary arts, engineering, architecture, business eco-nomics, theology, medicine at journalism.

Hindi na magkamayaw ang mga kaibig-an ko sa paghahanap ng pagkakakitaan dahil mas mahirap daw ang tumanga at tumam-bay sa bahay—nag-aabang ng grasya. ‘Yung isa, call center agent na. May TV reporter na rin kami. ‘Yung isa, milyonaryo na dahil sinuwerte sa Singing Bee.

Pero ‘yung marami, naglalakad na ng mga papeles upang mangibang-bansa. Ma-hirap daw humanap ng trabaho at wala raw pag-asenso sa Pilipinas. Gusto raw nila ng magandang buhay. At sa mahal umano ng nagastos nila sa kolehiyo, dapat silang maka-bawi kahit konti.

Nagdadalawang isip na tuloy ako kung

talaga bang magaling ang mga ka-section ko—matatalino at mahilig sa alternatibo, hindi nagpapadala sa agos, hindi lang basta tumatango.

St. Raphael, ipanalangin mo po kami.Isang airport ang Pilipinas, minsang ti-

nuran ng propesor ko sa Journalism 101. Inihahanda lamang umano ang mga tao sa bansang ito upang umalis at mag-abroad. Pero pagtataka niya, kung wala nang opor-tunidad sa bansa, bakit may mga nag-tatagumpay pa rin sa kanilang mga piniling larangan? Ang mga tunay na talunan raw ay iyong mga hindi kayang magtagump-ay sa sarili nilang bansa at naniniwalang wala ng pag-asa sa Pilipinas.

Hindi ko rin naman ma-sisisi ang mga umaalis ng bansa. Ang mga magulang ko man ay dalawang taong nagtrabaho sa New York para kumita ng green bucks (at ayaw na nilang bumalik pa roon kahit mamasyal). Maging isa sa mga matalik kong kaibigan ay nasa California na ngayon, iniwan ang kursong communication research dito sa UP.

Wala akong pangamba sa pangingibang-bansa. Natatakot akong datnan ng pag-kakataong kailangan kong lumisan dala ng paniniwalang wala na ngang pag-asa sa bayan natin.

Dalawang linggo nang nakararaan, nagla-bas ng bagong datos ang National Statistics Office na hanggang noong Hulyo umano ay dalawa lamang sa kada tatlong aktibo sa la-bor force ang may trabaho. Kung hindi man lumalala, ganito rin halos ang sitwasyon noong Grade 2 pa ako. Akala ko ba ay tu-

matag na ang ating ekonomiya?St. Raphael, ipanalangin mo po kami.Hindi ako magugulat kung minsang

pag-uwi ko sa barangay namin sa Bulacan ay pawang mga pamangkin ko na lamang ang madaratnan ko—nag-alisan nang lahat upang manirahan sa Amerika, kung saan raw may “greener pastures,” at disipilinado ang mga tao.

Mahirap na akong mapaniwalang magan-da ang buhay sa ibang bansa, kahit hindi pa man ako nakalalabas ng Luzon.

Hindi na rin ako magigitla kung sa Di-syembre, wala nang sasagot sa mga text kong Merry Christmas sa mga kaibigan ko dahil, una, nalimutan nilang bumili ng Globe Ka-pamilya Simpack na may roaming feature at pangalawa, wala marahil Merry sa Christmas.

Sa mga kaibigan ko sa St. Raphael, na ka-sabay kong nagbitbit ng laru-ang ipinagyabang lamang tu-wing Biyernes noong Kinder 2 at kasama kong tumambay tuwing tanghalian noong high school upang kumain ng sherbet na may lychee, pa-nanabikan ko ang sandaling magkakasama-sama tayong muli upang mangarap, para sa ating mga sarili at para sa

ating bayan. Aalalahanin natin sa ’ting mga hinagap kung bakit tayo naparirito.

Sa ngayon, paalam na muna. Ingat kayo sa inyong paglalakbay. At nawa’y masumpungan ninyo ang kasiyahan sa inyong patutunguhan, habang matiyaga pa ring nagdidildil ng asin ang mga kapwa niyo rito.

St. Raphael, ipanalangin mo po kami.Ipanalangin niyo rin pong nawa’y maba-

yaran ng pamahalaan ang utang nitong kung hahatiin batay sa huling census ay aabot sa P44,753.23 bawat Pilipino, nang matigil na ang kanilang paguudyok sa mga mahal ko sa buhay at ang nalalabi pang 90 milyong Pili-pino na lisanin ang kanilang tahanan. n

st. raphael, ipanalangain mo po kamiToni Tiemsin

Natatakot akong datnan ng pagkaka-taong kailangan kong lumisan dala ng paniniwalang wala na ngang pag-asa sa bayan natin

Page 9: Ika-86 taon Blg. 14 30 Set 2008 Philippine Collegianorig09.deviantart.net/02f4/f/2008/278/2/3/philippine_collegian... · In commemoration of the University of the Philippines' centennial,

Ano AnG MASASABI Mo SA EKonoMIyA nGAyon nG PILIPInAS?

Felng q d n uunlad ang byan ntn 4 d mo-ment…Unless n me kcng talino ni marcos n uupo s pwes2 tpos coopr8 dn mga tao..Puro rally kc 07-19929 bs cS shippou

ekonomiya?! Tinamaan ng lintik! Pbagsak na tau ng pabgsak, kya nga b ngmimigrate na mga tao sa ibng bansa, mga bata d mkp-garal, mga tao gutom, dumadami mhhrap, at kht un png mga ngaaral dna dn mkacon-cntrate sa studies dhl nmromroblema ndn sa salapi! Haay, buhay sa pilipinas-unless corruption is eradicated, we’re all bound to be doomed! 08-32935 bs tour

well, we cant deny d fact d apektado tau ng global crisis, 2lad ng pagbgsak ng ilang investment corps a u.s. Tpos my bombahan p sa Mindanao, ano pang ieexpect natin kundi pagdecline ni2. Inochio 04-30398

Tntn0ng pb yn? Edi bAgsak! bAgsak! Pnu nga bng b2ng0n ang ek0n0miya nten kung gnyan ang pngulo? p2tuloy n nghi2rap ang m3yan hbAng ymyaman ang mga puli-tik0ng dpt sana’y pnagcclbihan ang m3yan. Wel,n0 neEd 2 elaBorate, very self explana-t0ry. 08-62090 bs math

phrap n ng phrap ang ec0n0miya ntn, ang mhl n ng mga bilihin per0 ang mga sweld0 mababa pa rn. Patalsikin c gl0ria! Tuta lng naman xa ng America eh. Grbe pa xa mangurak0t. Di n tlga ata uunlad ang pilipinas. Kya ptl0y ang pagdami ng mga OFW eh. 08-10100

ang ek0n0miya ng bnsa eh ndi mgbbg0 habang ang mga lider eh mga sira ul0. Ke-langan nilang icpin ang mkknuti s bnsa ndi ang pgpapabang0 ng knilang mga imahe. 07-54408 peter bs mat e

Anung mssbi ko s ek0n0miya ng pinas? WALA! Wla nkng msb s khrpn d2! Kht ata mbura n lhat ng tao s mundo mhrap parn ang bnsang to. Anak ng tin0la tlga! 05-17852

Ang economy ntn ay nkdepend heavily s mga ofw remittances. Pitiful. 08-10039

the country’s economy? Well, I suppose.. it’s a well-done scripted mess, sad to say. Ka-hit pinapagalitan kami sa klas ni sermab kasi mukha daw kaming pakialam sa kalagayan ng pilipins.. dir ser, now I will refute you. meron nman po, i just can’t get the point of spending the entire klas period discussing a PDIbroadsheet rather than talking about the day’s klas topic. So i think we better remain silent-our only means of making you feel that somehow, some things do need to be set aside to give other crucial things greater emphasis. hndi ibg sbhing dhl nananahimik kmi ay wla n kming pkialam sa bansa. Mskit. *SOB*[mejo lihis b. hihi] 07-51261

KAnIno KA KAMPI SA UAAP MEn'S BASKETBALL SHowDown, ATEnEo o LA SALLE?

atene0 ako!Hek5. Atenista kc crush ko.. S0ar high.. tma tma 08-14891

ateneo kmi! Mas mdming gwapoeh.ha-haha. 07-00174 bfa

la sale gus2 q mnl0..c0ntrbda kc aq eh.. y0ko nananal0 in d end ung mga lging pnl0..tskank2swa nmn n lgi nlng atene0 pnl0..pra rn mgng mgnda lban db? Tska ms gwap0 c sim0n atknz kesa k chris tiu..haha

peace mga tiunatix! Hehe.. 08-41707sa ADMU ako kampi ksi malpit sila sa

UP. At magaling sila talaga. At dun dapat ako nagaaral. Haha. GO TIU AT REYES! 08-68917

ngek…Nsa finals n nga tau s women’s basktbol arneyow-lasalle p rink au! Hehe…Go 4d gold, lady maroons! Hello s peyboritz q, mika n jed! 05-36294

Wag na ateneo! Lasalle na lang. Anda-mot ng ateneo sa upuan nung CDC. Wla n ngang mga nka blue na dumadating ayaw parin mgpaupo! Prang inangkin ung arane-ta! Amfufu! Kala ko mbait pg kapitbahay. Kung ganun e dpt bwalin na clang sumakay ng jeep sa UP! Joke. Haha! Go lasalle na lang ako! 07-39422

i go 4 atene0! Katipunan sch0ols are the best in the pHilippines!!! GO ATENEO, ONE BIG FIGHT! Bsura dlsu! TSktsk… 06-30900 bsce

syempre sa ateneo. Malapit lang kasi sa atin, kaya I’ll root for them. and it’s been six years since nagging champs sila. ateneo will win kas andun si tiu-perman and it’s his last chance to win championship. one big fight! 06-57876

syempre sa lasalle! mas mraming taon ng champ. admu puro import! Animo dlsu 07-13582 mel

sa DLSU ako kampi!, nomats c tiu kay jv. Panain na ang agila. Go lasalle! haha. 07-78447

Kampi ako sa La Salle! Nakakaawa kasi sila e. –Kaine Cordova. Ateneo de Manila University

DLSu ako.. I’ll go for the underdogs.. Df-nse wins gmes tsa lmang sa chmp exp ang dlsu.. Ang corny ng lineup ng ADMU.. Lakas na nga starters, lakaspa ng backers.. (MVP etal..) Laki ng pondo nila sa team.. Mpphi-yatlga sila kpg d xla ngchmpion.. 06-12068

La Salle!! Coz my Magc 89.9junior jock crush is a La Sallian..will gayuma work wth jst a picture of the guy? 06-04355

xmpre sa agilang blue na lumilipad sa katips ‘coz it certainlywill be TIU’s day ü sb nga ng mga fans ni chris: ’we luv 17, don’t TIU?’ ü kng mnalo man ang mga archers, cgrdong TIUmamba lng cla. hahah ü 08-32935 bs tour

kampi aq s berdi! Hndi ung ib0n ah.. ung green! Ü animo la sale! Sna manalo cla para champion ulit tska andun crush qng c maui villanueva!haha kaso parang ang lakas ng ateneo ngaun, twice clang tinalo. Tsktsk gudlak nln s knla. 07-03007 rich, bs psych

Go ATENEO ako ;D! Ang laki ng inimprove ng halos lahat ng team,(even the maro0ns!) at sa tingin ko yung pinaka may hawak ng m0mentum ng mgagame ay yng mga blue eagles. Magaling ksi ung teamw0rk at blend ng players nila, tulungan talaga sila at saka kahit 0ff c0urt ung mga main players nila lyk tiu and rabeh, makikita m0 ba magaling padin ung defense at laro ng mga 0n c0urt players. But i still hope f0r a better maro0ns nxt year ;D! GO UP! 08-25409

i go 4 ateneo kc we both belong 2 d same class in d animal kingdom. D b ung eagle nla at ung parrot<slash>eagle ntn ay pre-hong birds? 08-30046, bs ge

Should we even care abt d DLSU-ADMU rivalry? Whats d big deal anyway? In fact, aren’t interschool rivalries ovrblwn creations

hyped by media 4 d purpose of attracting more viewers? 98-66648

ateneo or la sale? Hmmm UP MA-ROONS pa rin, improving ang per-4mance, hehe… Hyaan n ntin cla magaway s fnals… inochio 04-30398

CoMMEnTSI am sick and tired

of people scream-ing “Gloria resign!,” just as sick i was of people screaming “erap resign.” You want to know what i think? I think people try to fight the “system” because it makes them feel important, and it feels like a cause. Let me tell you: its pathetic. The time you spend screaming at corrupt officials could be much better spent doing something else. Wake up. 06-69110

i thnk d title of d editorial “the problem w/ politics” should be changd to “the problem w/ politicians” since abt sa politicians ng RP ang tinutukoy and not really abt “politics.” 08-40121 Trish BA PolSci

In connection with the article “Copy Cats”, si KC Concepcion pala talaga ang kumanta ng tagalong version ng Umbrella?! WTF?! Que horror!! 04-27786

i am a beDan buT im really an addict of KULE.. lalo n ky buknOy!!bkit wla ung ek-snang peyupS last issue? 08026 AnNa,san beDa college

On ur story “Saskyan ng Educ prof pngp-palo” jus lyk 2 say dt motorists r prohbted frm entrng d bike lane.d prof shud know beter. 00-40983

bakit walang Eksenang Peyups sa issue 13.. Inaabangan pa naman ng karamihan ang EP dahil sa to da highest level na ka-baklaan nun.. saying, benta pa naman lge un. Sana merun nang EP sa Kule14.. ü 08-78483

it’s a given fatcs that many UP stdnts are socialy aware about our country’s nati0nal isues. It is also c0mendable that kule are publishing ths issues.But what is d primary purpose of a “school newspaper” and hu r its target? Lately, I had been n0ticing, d col-legian is fast bc0min a nati0nal tabloid for nati0nal politics whle d ‘engg nwspapr’ is bcmin beter in cntent bcoz it talks abot d stdnt thmselvs. May I ask wats hapenin wit kule? 99-78441

SAGUTAnTo 06-54283: Kng hnd k msaya s pagka-

panalo ng UP pep squad, lmipat k n lng ng ing skul. Keri? Bitter k noh? Bka ngppang-gap k lng tga-UP! 05-16993

To 06-54283: e bakit, sin0 b nagsabi n pak0ntian ng mali ang mananalo?!e hel0, kya nga naimbent0 ang criteria e. lets say lamang ng 3 pts an gust(example lng e2, 4 arguments sake lng) sa execution. E kng lamang nmn ng 4pts s creativity, 3pts s originality,2pts s audience impact at 2 pts s costume ang up, then how cud u say ndi de-serve ng up manal0?f ur implying na kelngn mgng alm0st perfct ung r0utine ng mana-

nal0, e bat pa tinawag na competiti0n ung event?esep esep naman. 06-15131

To 06-54283: Outcast k tlga. Flawless at pngchampion kya ang per4mans ng UP pep squad chirdans. Andaming ngtxt d2 s kule ngaun dat d UP pep squad won fair & square. 06-73856

To 06-54283: ndi aq tutol s cnabi m0ng mrami mali up pep, pro tingin m bkit kya marami mali? I think d answr is in d level of dficulty. Kya n0 way s cnabi m0ng d pang-champ.. Err peace! inochio 04-30398

To 06-54283: ayw mo nun, at least tau ang nanalo! At kung ttgnn mo nmn tlga, yung routine ng up ep tlga nmng kkaiba. they really deserve to win.. at kung d up ang nanamo, cnu dpat? wla n aqung maicp e.. 08-36938

To 06-54283: Qng hndi tau ang dpt mgchamp, cnu ang dpt? D evr fame rider tamaraws wid their ‘TAMS UP’?or d tigers wid deir ‘400<100’? Cla b? Cla? Haha. Na-kakatawa ka. 07-04466 bsmath

To 05-16883: kht miyerkules pa yan o lunes wla pa ring pinagkaiba qng 5 days a wik ang klase mu. Mas bad trip qng 6 days a wik pa. s tingin q naman, enjoy kht papanu ang long weekend. 04-14237

To 05-16883: tma! Ibalik ang free day sa Wednesday! mahirap lalo pag FA, ntatam-bak ang plates! Haha. Ska isa pa, hndi natin ma-enjoy ung walang pas0k na dulot ng holidays dhil wala naman tlga taug psok non. Hmp. 06-19607 bfa viscom

To 05-16883: onga. gsto ko dn sna ung miyerkules na free day ksi saying ung mga intek na holiday ni Gloria. TSk. Though, di ko pa naexperience. XD 08-68917

PAnAwAGAnnaku! Wag na kaung bibili ng turon dun

s stall sa may fc, malapit s landbank, ung blue ung micromatic, ung mgti2nda dn ng mga chi2rya. Bumili ako one time then may nkagat akong sumthing n Matigas. Kala ko lump lng ng sugar, un pla, plastic mesh! Yuck. Wag na kau bumili dun. 08-10039

tan0ng ko lng po:kelan gagawa ang FA ng mural na pang centennial ang level sa knlng wall?dnt get me wrong,ok nmn mural nla ngaun, kso we see that in the collegian.sana ung aestheticaly pleasing nmn,ung pang caliber ng FA. 05-67935 benj

nExT wEEK'S qUESTIonS1) Lumalala na nga ba ang pangungura-

kot sa Pilipinas?2) Ano ang recommended niyong GE

subject na magandang kunin next semes-ter?

Contact us! wRITE To US via snail mail or submit a soft copy to Rm. 401, Vinzons Hall, UP Diliman, Quezon City. ••• EMAIL US [email protected]. Save Word attachments in Rich Text Format, with INBOX, NEWSCAN or CONTRIB in the subject. ••• FAx US 9818500 local 4522. Always include your full name, address and contact details.

••• ConTRIBUTIonS We are open for contributed articles from student writers, subject to the approval of the Editorial Board. All submitted articles should have a maximum length of 900 words.

get free publi city! email us your press releases, invita-tions, etc. dON’T Type IN ALL CApS and, go easy on... the punctuation!? Complete senten-ces only. dnt use txt lnguage pls. please provide a short title. Be concise, 100 words maximum.

PAMBATAnG BUKLATAn nG UP LAKAn

May children story books o color-ing books ka pa ba? Ibigay na lang natin ang mga 'yan sa mga batang mag-aaral ng piling elementary school sa Bulacan. Magbahagi tayo at pasayahin natin sila! Dalhin la-mang ang mga libro sa tambayang Jopson sa likod ng Vinzons' Hall o magtext kay Toni sa 0927.700.6040

TInTA oPEn FoR ConTRIBUTIonS

Tinta, the official literary folio of the Union of Journalists of the Philippines - UP Diliman, is now open for contributions. Fiction and creative non-fiction entries are ac-cepted. For inquiries, text JM at 09156063273.

BISITA SA PIKETInaanyayahan ang mga kabataan

at estudyante na bisitahin ang piket ng mga tinanggal na manggagawa ng Kowloon House sa West Ave-nue. Suportahan ang laban para sa makatarungang pagtaas ng sahod, benepisyo, at karapatan sa kabu-hayan.

Makipag-ugnayan sa Anakbayan sa mga ss. na numero hinggil sa pagbisita : 0917.479.1720 o 0927.400.3319

Maging kasapi rin ng pinaka-komprehensibong organisasyon ng mga kabataan, ang ANAKBAYAN.

CRISIS! Crisis! A Briefing on the US Eco-

nomic Meltdown and the Philip-pine COnsequences, is a forum presented by the Center for Nation-alist Studies. Sept 30, Tuesday, 1-4 PM at RM 210, CAL New Bldg. Fea-turing Paul Quintos of EILER and Arnold Padilla of Bagong Alyansang Makabayan.

Join the Center for Nation-alist Studies. Contact us at 0915.390.5512.

Philippine Collegian | Martes, 30 Set 200810 Opinyon

Send in your opinions and feedback via SMS! Type: KULe <space> yOUR MeS-SAge <space> STUdeNT NUMBeR (re-quired), NAMe and COURSe (optional) and send to:

0927.419.2853Non-Up students must indicate any school, organizational or sectoral affiliation.

backTxT

NOTICe: Messages without the correspond-ing student number (or school/organization for non-Up students) will not be published. greetings, love notes, and the like will also not be entertained.

NEWSCAN

2008 is the Centennial Year of the University of the Philippines. Since January, the entire University System has been celebrating. In fact, in UP Ba-guio, one of the culminating activities is a Grand Alumni Homecoming on December 5, 2008.

But Alas! The preparations to turn this activity into a memorable, major celebration are theatened. One of the University of the Philippines Baguio's harvests of intelligent minds, of true Iskolars ng Bayan who take to task gen-uine service to the people, is missing.

JAMES BALAO graduated in1981 with the degree BS Psychology. As a student, he served as editor-in-chief of the official student paper, Outcrop. After graduation, James involved himself into research and writing projects for both academic and non-government organizations. One of his major research outputs has to do with "The Land Problem of the Cordillera Na-

tional Minorities."No one could just disappear into

thin air. James could not disappear vol-untarily without informing his family and frIends. James loves life. In fact he has been an advocate of the defense of life and land of the Cordillera Peoples, for the protection of his people from oppression and exploitation.

James could have only disappeared involuntarily, forcibly.

The UP community appeals to the highest authorities of the Philippines to find the whereabouts of James and send clear signs of the Government's adherence to justice by surfacing him immediately. If any state agency sus-pects him of any violations of the laws of the Philippines, James must be al-lowed to defend himself. The law en-forcers must adhere to due process.

We also appeal to all concerned indi-viduals and organizations to sign the on

Surface James Balao now! line petition at http://www.ipetitions.com/petition/CPAjamesbalao/. You may also forward letters of solidarity to the Balao family through and through the CORDIL-LERA HUMAN RIGHTS ASSOCIATION email address ([email protected])

All UP Academic Employees Union -Baguio Chapter supported by AUPWU-National

DETAILS OF JAMES BALAO'S DISAPPEARANCE

The family of JAMES BALAO, a member of the Cordillera Peoples Al-liance (CPA), has reported that he has been missing since 17 September 2008. He left his residence in Fairview, Ba-guio City at around 7:00 AM on the said date and since then, has not been in contact with his friends and family; nor can they contact him. This is very unlikely for Balao, who his friends and family know to be conscientious as to in-forming them of his whereabouts.

James is of medium-built, 5'7"-5'9" tall, is chinky-eyed and was last seen wearing

a black jacket, brown pants, visor, black hiking boots and eyeglasses. He was car-rying a yellow and blue backpack and red travelling bag.

He was going to spend the following days in the family residence in La Trini-dad.

His absence is very alarming, as he has reported regular surveillance to his family starting first week of June 2008 and has increasingly heightened until his disap-pearance. He has even observed white and blue vans that regularly tail him from his residence to his daily chores.

We are urgently calling on the authori-ties, particularly the Philippine National Police, and the public who know him (former classmates, friends), to aggres-sively assist the Balao family and us in our search for James.

Any information in relation to James may be forwarded to the Balao family at 09175069404; the offices of the Cordillera Peoples Alliance (442-2115); and the Cor-dillera Human Rights Alliance (445-2586 and 09189199007).

tralizing those who disagree with the country’s democratic system of government.”

Sa mga ulat, iginiit naman noong Setyembre 19 ng pamu-nuan ng AFP na wala sa kusto-diya nito ang mga mag-aaaral batay sa isinagawa umano ni-tong inspeksyon at imbesti-gasyon.

Ani Marie Hilao-Enriquez, secretary-general ng Kara-patan, hindi umano absuwelto ang pamunuan ng AFP dahil nasa kapangyarihan ito upang ilabas ang mga nawawalang estudyante. “Ang pagdakip kina Karen at Sherlyn ay bahagi ng

Ilitaw mula sa p.03

Sundan sa P.11

Page 10: Ika-86 taon Blg. 14 30 Set 2008 Philippine Collegianorig09.deviantart.net/02f4/f/2008/278/2/3/philippine_collegian... · In commemoration of the University of the Philippines' centennial,

11GrapiksPhilippine Collegian | Martes, 30 Set 2008

SIPAT Pasakalye - Aileen Tablac

Ilitaw mula sa p.10

tralizing those who disagree with the country’s democratic system of government.”

Sa mga ulat, iginiit naman noong Setyembre 19 ng pamu-nuan ng AFP na wala sa kustodiya ng militar ang mga mag-aaaral batay sa isinagawa umano nitong inspeksyon at imbestigasyon.

Ani Marie Hilao-Enriquez, secretary-general ng Karapatan, hindi umano absuwelto ang pa-munuan ng AFP dahil nasa ka-pangyarihan ito upang ilabas ang mga nawawalang estudyante. “Ang pagdakip kina Karen at Sherlyn ay bahagi ng isang kam-panyang (OBL) inilunsad mismo ng mga nakatataas [sa militar] na layuning patahimikin ang mga kritiko ng pamahalaan,” aniya.

Pahayag ng Karapatan, ”We are convinced that the AFP con-tinues to coddle terrorists (mga nandukot) and have concealed such criminal goings-on in its camps.” Dagdag ni Fernandez, “It seems that the court is treating the military with velvet gloves. It is afraid because the military is above the law.”

Kung naging kumpleto la-mang umano ang desisyon, ani Enriquez, makatutulong umano ito bilang “precedent [para] sa iba pang kaso ng sapilitang pagkawa-la.” Saad ni Enriquez, “Maaari sana itong makapagbigay ng pag-asa sa iba pang mga kaanak ng mga nawawala na mailalabas sila ng mga perpetrator.”

Bukod dito, hindi rin pinag-bigyan ng korte ang mga kaanak na suyurin ang mga kampo ng AFP upang personal na hanapin sina Empeño at Cadapan. Ayon sa CA, hindi rin makatatanggap ang mga pamilya ng kanilang hinihinging anim na milyong pisong danyos mula sa AFP.

Susunod na hakbangDahil sa umano’y limitadong

remediyang ito ng CA, maaari umanong magpasa ng petition for review sa Korte Suprema ang mga kaanak nina Empeño at Cadapan ngayong linggo, ani Fernandez.

Hihilingin rin nila sa mataas na korte na utusan ang militar na ilabas ang lahat ng doku-mentong may kinalaman sa pag-kakadakip sa mga mag-aaaral.

Tumanggi namang magbigay ng komento si Assistant Solici-tor General Amparo Cabotaje-Tang sa Collegian hinggil sa de-sisyon at sa susunod na gagawin ng mga respondent ng kaso.

Samantala, inatasan din ng CA ang Philippine National Po-lice (PNP) na imbestigahan ang pagdukot, matapos umanong hindi makipagtulungan ang mga pamilya ng mga mag-aaaral sa isinagawa noong imbestigasyon ng PNP.

Ngunit ani Enriquez, “Kadu-da-dudang magkaroon pa ng magandang resulta kung PNP ang mag-iimbestiga. Sa tinigin namin, takot ang pulis sa mili-tar kaya hindi magkakaroon ng imbestigasyon na maayos.”

Dagdag niya, maaaring um-igting pa ang pagdakip sa mga aktibista dahil hindi umano naging matalim ang parusa ng korte sa militar, bagaman isi-naad nitong mga elemento nga ng AFP ang dumakip sa mga estudyante.

Ilan sa 11 respondent sa pe-tisyon ay sina Pangulong Gloria Arroyo, dating AFP Chief of Staff Gen. Hermogenes Esperon Jr., dating Maj. Gen. Jovito Palparan (pinuno ng 7th Infantry Divi-sion), dating Army chief Maj. Gen. Romeo Tolentino at PNP Director General Avelino Razon.

Nakapagretiro na ang mga nabanggit na opisyal ng militar habang tinanggal naman sa lis-tahan si Arroyo. Bilang punong ehekutibo, hindi maaaring ka-suhan ang pangulo liban ng im-peachment.

Ang writ of amparo ay isang remedyo na ibinibigay sa sinu-mang nalabag ang karapatan sa buhay at seguridad. Sakop nito ang extrajudicial killings at sap-ilitang pagkawala.

Panlabindalawang petisyon na para sa writ of amparo ang huling ipinagkaloob kina Cada-pan at Empeño ng CA, na nagd-ismiss naman kamaikailan ng ilang petisyon kabilang ang para sa nawawalang aktibistang si Jo-nas Burgos. n

Eksenang

peyups

De Fart-y Edition

CLASSROOM: Prof: (after asking a potentially lethal question) So wala talagang makakasagot

ng tanong ko?(Whole class utterly silent…then, somebody from the class farts)Prof: I was not asking for violent reactions yet!

STALKER:Nakaspot akez ng oh! so yummy papable sa may Sunken, so I make follow-

follow him, pero chempre undercover akez, mga 3 feet a-fart para di halata. Gosh! He’s oh! so perfect lang talaga. Ang posture…ooooh! Ang complexion…ahhhh! Ang boses…awww!

(Hunk suddenly lets out a very loud fart kaya napatingin lang lahat ng tao sa kanya)

Even yung utot nya, eye-catching! Bet sya talaga!

“Sometimes it’s a blessing that you ain’t got a nose”--Aaah! Real Monsters

Page 11: Ika-86 taon Blg. 14 30 Set 2008 Philippine Collegianorig09.deviantart.net/02f4/f/2008/278/2/3/philippine_collegian... · In commemoration of the University of the Philippines' centennial,

Editoryal

opisyal na lingguhang pahayagan ng mga mag-aaral ng unibersidad ng pilipinas - diliman

Punong Patnugot Larissa Mae R. Suarez

Mga Kapatnugot Jerrie M. AbellaMelane A. Manalo

Tagapamahalang Patnugot Frank Lloyd B. Tiongson

Patnugot sa Balita John Alliage T. Morales

Patnugot sa Lathalain Alaysa Tagumpay E. Escandor

Mga Patnugot sa Grapiks Piya C. ConstantinoIvan Bryan G. ReverenteCandice Anne L. Reyes

Tagapamahala ng Pinansiya Ma. Rosa Cer M. dela Cruz

Mga Kawani Louise Vincent B. AmanteGlenn L. DiazJanno Rae T. GonzalesTimothy MedranoArchie A. OclosJan Marcel V. RagazaAntonio D. Tiemsin Jr.Om Narayan E. Velasco Mixkaela Z. Villalon

Pinansiya Amelyn J. Daga

Tagapamahala sa SirkulasyonPaul John Alix

Sirkulasyon Gary GabalesRicky IcawatAmelito JaenaGlenario Omamalin

Mga Katuwang na Kawani Trinidad BasilanGina Villas

Pamuhatan Silid 401 Bulwagang Vinzons, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lungsod Quezon

Telefax 9818500 lokal 4522

Email [email protected]

website http://philippinecollegian.tkhttp://kule-0809.deviantart.com

Kasapi Solidaridad - UP System-wide Alliance of Student Publications and Writers’ OrganizationsCollege Editors Guild of the Philippines

Philippine Collegian

Archie Oclos

12 OpinyonMartes, 30 Set 2008

Muling binibigo ng pagbagsak kamakailan ng napakahahala-gang kasangka-

pan ng pangangapital at ng mga napipintong hakbang ng pamaha-laan ng Estados Unidos (EU) ang kabuuan ng sistemang nagluwal at nagpapanatili sa kanila.

Nang may mga laking maitutu-lad sa Great Depression noong 1929 ayon sa mga nagsusuri, tu-luyang sumadsad sa pagkalugi ang bangkong pamuhunan na Lehman Brothers at napilitang sumapi ang Merrill Lynch sa Bank of America. Higit pa, nagpasalba sa pamahalaang Amerikano ang mga pangunahing nagpapautang sa pabahay na Fannie Mae at Fred-die Mac, at pinautang ng EU ang American International Group, ang pinakamalaking kumpanya ng insurance sa buong mundo at may sangay sa 130 bansa, kapalit ng 80 porsyento ng pag-aari rito ng pamahalaan. Agad namang tiniyak ng Bangko Sentral ng Pilipinas na hindi matatangay ang sistema ng pinansiya sa Pilipinas sa pagdausdos sa EU na nagsim-ula noon pang 2007, sa kabila ng $386 na milyong pautang ng mga lokal na bangko sa mga sangay ng Lehman.

Sa ngalan ng agresibong pag-papalawak na likas sa pangangapi-tal, mabilis na iniiwan ng pagsu-long sa ekonomiya ng salapi ang paggalaw ng tunay na ekonomiya. Sa ekonomiyang pinansiyal, na nagpapadulas sa mga pagkilos sa tunay na ekonomiya, nagaganap ang kalakalan hindi na sa pagitan ng kongkretong produksyon ng mga kalakal at serbisyo, pagkon-sumo at pagbibigay ng trabaho,

kung hindi sa pagpapalitan ng mga kasangkapang pinansiyal na iba-iba lamang namang anyo ng pag-uutangan.

Sa EU, humantong nitong na-karaang linggo sa itinuturing nilang trahedya ng credit crunch, o ang kakulangan sa salapi at kakayahan ng mga bangko na magpautang, ang matagal nang panghi-hikayat ng e k o n o m i -yang pinan-siyal ng EU sa mga ma-mamayan at institusyon nito na ma-muhunan sa pabahay at sa merkado ng stock sa pamamagi-tan ng pan-gungutang. Masasabing l u m i k h a ito ng ilusyon ng pag-ahon ng lugmok na ekonomiya ng US da-hil sumigla man ang inilakong pamumuhunan, sumandig ito sa kawalan ng tiyak na kakayahang magbayad ng mga tao, o pagiging subprime ng mga utang nila.

Dito, naabot ng pangangapital ang limitasyon nito, ang kakaya-han ng mga taong nasa tunay na ekonomiya na kayanin ang bilis at laki ng kalakalan ng kapital sa pagitan nilang mga institusyong pinansiyal. Lumilikha ng dagdag na salapi ang sistema ng pagba-bangko nang walang bungang yamang mapakikinabangan: nagdedeposito ang mga tao, na ipauutang naman sa iba pa, kaya

sabay na matatawag na may salapi ang nagdeposito at ang nang-utang.

At sa pagpalya ng inaasahang madulas na pag-ikot ng salapi, ki-nailangang humingi sa pamaha-laan ng saklolo at magpasailalim dito ang mga institusyong luklu-kan ng konsentrasyon ng kapital

at inanak ng ideya ng pagpa-paubaya sa mga pu-wersa ng m e r k a d o . Isa itong hakbang na hindi na-tin masa-saks ihang g a g a w i n nila kung hindi nan-g a n g a n i b ang patuloy nilang pan-g u n g u n a , at mas ma-

halaga pa rito, pag-iral.Habang itinatakwil ng pa-

nuntunan ng pangangapital ang panghihimasok ng mga pamaha-laan, itinuturing na nila ngayong malaking bahagi ng sanhi ng ka-nilang pagbagsak ang kawalan ng sapat na pagmamatyag at kontrol ng pamahalaan sa kapangahasan ng mga institusyong pinansi-yal na pumasok sa mga walang-katiyakang pagpapautang at pa-mumuhunan, sa pag-asa sa higit na malaking tubong makukuha mula sa mga ito. Sa pangambang magdulot ang krisis sa pinansiya sa tunay na resesyon, $85 bilyon ang ipinautang ng pamahalaan ng EU sa AIG, tig-$100 bilyon

ang inaasahang hihingin ng reha-bilitasyon ng dalawang bangkong kaugnay ng pabahay, at $700 bily-on ang nilalakad ni George Bush na maipasang pag-ako ng kanil-ang pamahalaan sa kalahatan ng pautang na hindi na masingil.

Sa harap ng palalang lagay ng di-pagkakapantay ng mga tao sa lipunan ng EU, at maging sa buong mundo, ang mga ordinaryong ma-mamayan pa rin, na gumagapang para sa arawang pamumuhay, ang babata sa pagpapasasa at pagkalu-gi ng mga nangangapital. Katum-bas ang pagsalba ng pamahalaang Bush ng $2,300 na handog mula sa bawat mamamayan ng EU para sa mayayamang nauna na at malaon nang nakikinabang sa tu-bong bunga ng pagsisikap ng mga manggagawa.

Ngunit muli man nitong buhay-in ang pagkakamal ng tubo, dala ng mataas na interes na hihingin ng mga bangko sa pagpapautang habang mababa ang interes ng pautang sa kanila ng pamahalaan, hindi maglalaon at muling ma-lulubog ang sistema sa agiw ng kontradiksyong pinag-uugatan nito. Ipinakita ng ginampanan ng mga pamahalaan noong resesyon ng EU noong dekada 1930 at ng katatapos na krisis pinansiyal ng Asya bago ang 2000 na sadyang hindi mapababayaan ang takbo ng ekonomiya, sa pinansiyal o tu-nay man nitong anyo, sa kamay ng mga nanamantalang nangangapi-tal, dahil sila man ay bibiguin ng kanilang mga sinampalatayanan.

Sa huli, napatutunayang hindi sa tagumpay ng mga dikta ng pamilihan natatapos ang kasay-sayan. n

Pagguho ng toreng ginto

Habang itinatakwil ng panuntunan ng pangangapital ang panghihimasok ng mga pamahalaan, itinuturing na nila ngayong malaking bahagi ng sanhi ng kanilang pagbagsak ang kawalan ng sapat na pagmamatyag at kontrol ng pamahalaan