ibat ibang pangkat etniko ng pilipinas

4
IBAT IBANG PANGKAT ETNIKO NG PILIPINAS baguhin] Pangkat Etniko sa Luzon Aeta Matatagpuan ang pangkat ng mga aeta sa halos lahat ng dako ng kapuluan. May iba’t iba silang pangalan sa iba’t ibang lugar. Higit silang marami sa Luzon. Aeta o Ayta ang tawag sa kanila sa hilagang Luzon. Tinguian Matatagpuan ang mga Tinguian sa Abra. Nagtatanim sila ng palay sa mga kapatagan at sa mga bai-baitang na palayan. Mahilig sila sa musika, damit at personal na palmuti. Naglalagay sila ng tatu at iniitiman ang ngipin upang akitin ang napupusuan. Mangyan Naninirahan sa mga liblib na pook na Mindoro ang mga Mangyan. Mahiyain ang mga ito. Kayumanggi ang kanilang kulay, itim ang buhok, may maamong mata at katamtaman ang taas. Ifugao Sa gitnang bahagi ng hilagang Luzon ang tirahan ng mga Ifugao. Galing sa salitang ipugo na ang ibig sabihin ay “mula sa mga burol” ang salitang Ifugao. Kalinga Matatagpuan ang mga Kalinga sa pinakahilagang bahagi ng Luzon. Mahilig sila sa makukulay na pananamit at pampaganda. Napakahalaga sa kanila ng mga pampalamuting alahas sa buong katawan. Ang ibinibigay na dote para sa ikakasal ay tinatawag na ballong o kalon. Maaaring magkaroon ng higit sa iang asawa ang isang Kalinga. Itawes Matatagpuan ang mga Itawes sa timog-kanlurang bahagi ng Cagayan. Ang Itawes ay nagmula sa mga salitang I at tawid na nangangahulugang “mga tao sa kabila ng ilog”. Kilala rin sila sa tawag na Itawig, Tawish, Itawi at Itaves. Karaniwang naninirahan

Upload: biendownloader

Post on 11-Dec-2015

468 views

Category:

Documents


26 download

DESCRIPTION

Aral pan

TRANSCRIPT

Page 1: Ibat Ibang Pangkat Etniko Ng Pilipinas

IBAT IBANG PANGKAT ETNIKO NG PILIPINAS

baguhin] Pangkat Etniko sa LuzonAetaMatatagpuan ang pangkat ng mga aeta sa halos lahat ng dako ng kapuluan. May iba’t iba silang pangalan sa iba’t ibang lugar. Higit silang marami sa Luzon. Aeta o Ayta ang tawag sa kanila sa hilagang Luzon.TinguianMatatagpuan ang mga Tinguian sa Abra. Nagtatanim sila ng palay sa mga kapatagan at sa mga bai-baitang na palayan. Mahilig sila sa musika, damit at personal na palmuti. Naglalagay sila ng tatu at iniitiman ang ngipin upang akitin ang napupusuan.MangyanNaninirahan sa mga liblib na pook na Mindoro ang mga Mangyan. Mahiyain ang mga ito. Kayumanggi ang kanilang kulay, itim ang buhok, may maamong mata at katamtaman ang taas.IfugaoSa gitnang bahagi ng hilagang Luzon ang tirahan ng mga Ifugao. Galing sa salitang ipugo na ang ibig sabihin ay “mula sa mga burol” ang salitang Ifugao.KalingaMatatagpuan ang mga Kalinga sa pinakahilagang bahagi ng Luzon. Mahilig sila sa makukulay na pananamit at pampaganda. Napakahalaga sa kanila ng mga pampalamuting alahas sa buong katawan. Ang ibinibigay na dote para sa ikakasal ay tinatawag na ballong o kalon. Maaaring magkaroon ng higit sa iang asawa ang isang Kalinga.ItawesMatatagpuan ang mga Itawes sa timog-kanlurang bahagi ng Cagayan. Ang Itawes ay nagmula sa mga salitang I at tawid na nangangahulugang “mga tao sa kabila ng ilog”. Kilala rin sila sa tawag na Itawig, Tawish, Itawi at Itaves. Karaniwang naninirahan

Page 2: Ibat Ibang Pangkat Etniko Ng Pilipinas

ang mga Itawes sa isang pamayanan kasama ang mga Ibanag kaya Ibanag din ang ginagamit nilang wika.GaddangTinatawag ding Gadam, Gaddanes o Iraya ang mga pangkat-etnikong ito na matatagpuan sa Nueva Vizcaya at Isabela.Tahimik at matulungin ang mga Gaddang bagaman handa silang makipaglaban kung kinakailangan.IsnegKilala rin sa tawag na Apayao o Ina gang mga Isneg na matatagpuan sa Kalinga at Apayao. Karaniwan na sa matatarik na dalisdis at mabababang burol na malapit sa mga ilog nagtatatag ng pamayanan ang mga Isneg.Ivatan Mga mamamayan ng Batanes ang mga Ivatan. Relihiyoso, masisipag, matitiyaga, magagalang at mapagkakatiwalaan ang mga Ivatan. Karaniwan sa kanila ang pagsusuot ng vakul, isang uri ng sombrero na gawa sa nasabing dahon ng voyavoy.

IbaloyAng mga Ibaloy ay matatagpuan sa mga munisipalidad ng Kabayan, Bokod, Sablan, Tublay, La Trinidad, Itogon at Tuba sa timog-silangan ng Benguet. Kasama sa wika ng mga Ibaloy ang ilang salitang Ilocano at Pangasinense.IsinayMatatagpuan ang mga Isinay sa Aritao, Bayombong at Dupax sa Nueva Vizcaya. Katulad ng mga Ivatan, hawig ang kanilang anyo sa mga Ainu ng Japan at nahahawig ang kanilang wika sa Pangasinense. Nabibilang ito sa mga diyalekto ng Ilocano.visayas

Ilonggo, Cebuano, Waray

Pangkat Etniko sa MindanaoMaranaoAng mga Maranao ay nakatira sa paligid ng Lawa ng Lanao – Lanao del Sur, LAnao del Norte, Lungsod ng Marawi at Lungsod

Page 3: Ibat Ibang Pangkat Etniko Ng Pilipinas

ng Iligan. “Lawa” ang kahulugan ng salitang ranao kung saan hinango ang kanilang pangalan.T ’ boliSa Cotabato matatagpuan ang mga T’boli. Nangangaso sila, nangingisda at nangunguha ng mga prutas sa kagubatan na kanilang ikinabubuhay. Kaingin ang sistema ng kanilang pagsasaka. Gumagawa sila ng tela para sa damit mula sa t’nalak na hinabi mula sa hibla ng abaka.BadjaoSa Sulu matatagpuan ang mga mandaragat na Badjao. Iniuukol nila ang buong buhay sa loob ng kanilang sasakyang-dagat na may disenyong ukit. Madalas silang tinataguriang “hitanang dagat” ng Pilipinas. Namamalagi sila sa kanilang bangkang tahanan upang makaiwas sa ibang matatapang na pangkat. Ang mga Sibutu at Samporma ay ang mga Badjao na nagtatayo ng tahanan sa mababaw na bahagi ng dagat na may mataas na poste.CuyunonAng mga Cuyunon ay naninirahan sa mga pulo ng Busuanga. Agutaya at Cuyo sa gitna ng Dagat Sulu sa silangan ng Palawan at timog-kanluran ng Panay. Ayon kay Padre Luis de Jesus, isa sa mga Español na nakarating sa Cuyo at Busuanga, ang mga Cuyunon ay may dugong Tsino kaya masisipag sila at matatalino sa kalakalan. Pagkakaingin ang kanilang paraan ng pagsasaka. Nagtatanim sila ng palay, mais, kamote, at yam. Pangalawang pinagkukunan ng kanilang ikinabubuhay ang pangingisda.SubanonAng mga Subanon ay matatagpuan sa mga kabundukan ng Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur. Kayumanggi sila at may makapal at maitim na buhok. Naniniwala silang sa iisang ninuno lamang sila nagmula.BagoboMatatagpuan ang mga Bagobo sa mga baybayin ng golpo ng Davao. Maputi sila, may matipunong pangangatawan at malapad na mukha. Kulay-mais ang kanilang buhok na may natural na kulot. Itim ang kanilang mga mata na may bahagyang

Page 4: Ibat Ibang Pangkat Etniko Ng Pilipinas

pagkasingkit. Sadyang inahit nang halos guhit na lamang ang kilay ng mga Bagobo. Makapal ang kanilang labi at bilugan ang baba.YakanMga Muslim ang mga Yakan, ang nakakaraming pangkat sa Basilan na nasa timog ng Zamboanga. May anyong Malay ang mga Yakan. Maliit ang kanilang pangangatawan, kayumanggi at itim ang buhok na nakakahawig sa mga Dyak ng Hilagang Borneo. Yakan ang tawag sa wikang kanilang sinasalita. Dahil malapit sa Borneo ang Basilan, ipinapalagay na sa mga Dyak ng Borneo nagmula ang mga Yakan.TausugKinikilala sa katapangan at kahusayan sa pakikidigma ang mga Tausug. Hindi sila kailanman umuurong sa anumang labanan sapagkat para sa kanila, ang karuwagan ay batik sa karangalan ng pamilya. Likas na mapagbigay at palakaibigan ang mga Tausug. Nalinang ang ugaling ito sa kanilang pakikipag-ugnayan at pakikipagkalakalan sa mga tao sa Timog-silangang Asya.