web viewmakikita na ang mag-aaral ang pinakasentro ng dayagram o konseptuwal na balangkas ng k12 na...

3

Upload: duongdan

Post on 30-Jan-2018

331 views

Category:

Documents


11 download

TRANSCRIPT

Page 1: Web viewMakikita na ang mag-aaral ang pinakasentro ng dayagram o konseptuwal na balangkas ng K12 na kurikulum. Nangangahulugan itong ang mag-aaral ang pinakapuso ng proseso
Page 2: Web viewMakikita na ang mag-aaral ang pinakasentro ng dayagram o konseptuwal na balangkas ng K12 na kurikulum. Nangangahulugan itong ang mag-aaral ang pinakapuso ng proseso

Makikita na ang mag-aaral ang pinakasentro ng dayagram o konseptuwal na balangkas ng K12 na kurikulum. Nangangahulugan itong ang mag-aaral ang pinakapuso ng proseso ng pagtuturo at pagkatuto kaya naman kinakailangang malinang sa kanya ang limang makrong kasanayan: pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat at panonood. Idinagdag ang kasanayan sa panonood sa kadahilanang tayo ay nasa panahon na ng teknolohiya at upang gabayan ang ating mag-aaral ay kinakailangan nating malinang sa kanya ang kasanayan sa panonood. Kapag ang mga makrong kasanayan ay nalinang nang mahusay sa ating mag-aaral malilinang din sa kanya ang: Kakayahang komunikatibo, mapanuri/replektibong pag-iisip, at pagpapahalagang pampanitikan tungo sa pagkakaroon ng kultural na literasi (pagtatamo ng kaalaman at paggalang sa iba’t ibang kultura), pambansang pagkakakilanlan upang magamit sa patuloy na pagkatuto sa tulong ng teknolohiya. Ang mga kasanayang natamo ay makatutulong sa mga mag-aaaral na makaagapay sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig. Sa pagsasakatuparin nito kinakailangan ang kolaboratibong pagtutulungan ng tahanan, pamahalaan, at lipunan (pribado, pampubliko at midya) bilang pagsuporta sa kurikulum, guro, kagamitang pampagtuturo. Ang matagumpay na pagkakamit ng isang mithiin ay kinakailangang dumaan sa masusing proseso na may pinagabatayan gaya ng: pilosopikal, legal at teoryang pang-edukasyon at wika (Developmental Stages of Learning, Cooperative Learning, Discovery Learning, Hierarchical learning , interactive/intergrated Learning, Basic Interpersonal Communication Skills – BICS at Cognitive Academic Language Proficiency Skills – CALPS); teoryang pampanitikan (romantisismo, feminismo, marksismo at iba pang ismo ng panitikan), dulog sa pagtuturo ng mga teksto palahad at panitikan (Komunikatibong Pagtuturo ng Wika – KPW, Pagtutturong Batay sa NIlalaman – PBN at Pagsasanib ng Gramatika at Retorika sa Tulong ig iba’t ibang teksto – PGRT); at Kalikasan at pangangailangan ng mag-aaral at pangangailangan panlipunan at global. Kung ang lahat ng binanggit ay maisasagawa ng maayos walang dudang makakamit ng K12 na kurikulum ang mithiin nito makalikha ng mamamayang buo at ganap na Pilipino na may kapaki-pakinabang na literasi.