grade school department ikalawang markahan binasa...

23
Inihanda ni: Gng. Barbara U. Gavile Pasig Catholic College Grade School Department S.Y 2015-2016 FILIPINO 5 Ikalawang Markahan Gawain Blg. ____ Uri ng Gawain: Pagbasa ng Tula Pangalan: ____________________________________________________ Pangkat: _____________________________ Petsa: _________________ Paksang Aralin: Tula: Wikang Filipino: Pambansang Wika ng Pilipinas Inaasahan sa Pagkatuto: Naibibigay ang pangunahing kaisipan ng tulang binasa Natutukoy ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sariling wika. Sanggunian : Kislap 6- Wika at Pagbasa May-akda : Janet B. Eracho Pahina : 225-228 Pangunahing Konsepto : Pinangungunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino ang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong Agosto. Ito ay alinsunod sa Pampanguluhang Proklamasyon Bilang 1042. Mahalaga ba ang wika ng isang bansa? Ipinagdiriwang mo ba ang iyong sariling wika? Ang isang bansa na may sariling wika ay nangangahulugang malaya. Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon. Dahil sa wika nagkakaintindihan ang lahat ng tao. At ang Wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino kung sino, ano, at meron tayo.... ang katauhan natin bilang isang Pilipino. Wika ang nagbubuklod sa mga mamamayan ng isang bansa kaya nararapat lamang na pahalagahan at pagyamanin ito. Ito ay sagisag ng ating pagkakakilanlan. Kaya’t kinapapalooban ng tema sa taong ito ang kapangyarihan ng Wikang Filipino na tumatagos sa lahat ng sector ng lipunan at uri ng pamumuhay.

Upload: hoangdan

Post on 31-Jan-2018

282 views

Category:

Documents


2 download

TRANSCRIPT

Page 1: Grade School Department Ikalawang Markahan binasa …pccgrade5.weebly.com/uploads/3/7/5/6/37562745/filipino_dlas_-_2nd... · ang Wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino

Inihanda  ni:  Gng.  Barbara  U.  Gavile  

Pasig Catholic College Grade School Department

S.Y 2015-2016 FILIPINO 5

Ikalawang Markahan Gawain Blg. ____

Uri ng Gawain: Pagbasa ng Tula Pangalan: ____________________________________________________ Pangkat: _____________________________ Petsa: _________________ Paksang Aralin: Tula: Wikang Filipino: Pambansang Wika ng Pilipinas Inaasahan sa Pagkatuto: Naibibigay ang pangunahing kaisipan ng tulang binasa Natutukoy ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sariling wika. Sanggunian : Kislap 6- Wika at Pagbasa May-akda : Janet B. Eracho Pahina : 225-228 Pangunahing Konsepto :

Pinangungunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino ang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong Agosto. Ito ay alinsunod sa Pampanguluhang Proklamasyon Bilang 1042. Mahalaga ba ang wika ng isang bansa? Ipinagdiriwang mo ba ang iyong sariling wika? Ang isang bansa na may sariling wika ay nangangahulugang malaya. Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon. Dahil sa wika nagkakaintindihan ang lahat ng tao. At ang Wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino kung sino, ano, at meron tayo.... ang katauhan natin bilang isang Pilipino.

Wika ang nagbubuklod sa mga mamamayan ng isang bansa kaya nararapat lamang na pahalagahan at pagyamanin ito. Ito ay sagisag ng ating pagkakakilanlan.

Kaya’t kinapapalooban ng tema sa taong ito ang kapangyarihan ng Wikang Filipino na tumatagos sa lahat ng sector ng lipunan at uri ng pamumuhay.

Page 2: Grade School Department Ikalawang Markahan binasa …pccgrade5.weebly.com/uploads/3/7/5/6/37562745/filipino_dlas_-_2nd... · ang Wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino

Inihanda  ni:  Gng.  Barbara  U.  Gavile  

Pasig Catholic College Grade School Department

S.Y 2015-2016 FILIPINO 5

Ikalawang Markahan Gawain Blg. _____

Uri ng Gawain: Pagbasa ng talambuhay/OP Pangalan: _________________________________________________ Pangkat: __________________________ Petsa: _________________ Paksang Aralin: Talambuhay ni Manuel Luis Quezon Inaasahan sa Pagkatuto: Nailalarawan si Manuel L. Quezon bilang ama ng wika Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang wika. Sanggunian : sipi ng talambuhay ni Manuel Quezon (Internet) May-akda : Pahina : Pangunahing Konsepto : Si Manuel L. Quezon ay tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa.Siya ay nagbuhos ng kanyang oras at panahon upang magkaroon ng isang wikang mapagkakakilanlan n gating bansa.Hindi naman siya nabigo. Matapos ang masusing pag-aaral ng Surian ng Wikang Pambansa ay napagkasunduan ang pagkakaroon ng isang wika na gagamitin ng buong bansa. Napagkasunduan na ang wikang Tagalog ang maging basehan ng Wikang Pambansa.

Page 3: Grade School Department Ikalawang Markahan binasa …pccgrade5.weebly.com/uploads/3/7/5/6/37562745/filipino_dlas_-_2nd... · ang Wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino

Inihanda  ni:  Gng.  Barbara  U.  Gavile  

Pasig Catholic College Grade School Department

S.Y 2015-2016 FILIPINO 5

Ikalawang Markahan Gawain Blg. ____

Uri ng Gawain: Pagsulat ng Sanaysay tungkol sa Tema ng Buwan ng Wika Pangalan: ____________________________________________________ Pangkat: _____________________________ Petsa: _________________ Paksang Aralin: Sanaysay: Tungkol sa Tema ng Pagdiriwang ng Buwan ng Wika Inaasahan sa Pagkatuto: Naipaliliwanag sa sariling pananaw ang tema para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika Naiuugnay ang mga sariling karanasan sa sanaysay na gagawin tungkol sa tema. Naisusulat nang maayos ang mga salitang binaybay Sanggunian : May-akda : Pahina : Pangunahing Konsepto : Ang tema para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ay nagpapahayag ng pagmamahal sa bayan at sa wika. Ang sanaysay ay isang maikling komposisyon na may tiyak na paksa. Karaniwan itong nagpapahayag ng palagay o interpretasyon tungkol sa paksa. Gawain 1: Pagbasa at pag-unawa sa gabay na tanong

a. Ano ang tema ng Buwan ng Wika sa taong ito? b. Mahalaga ba ang pagkakaroon ng isang wika? Bakit? c. Paano mo maisasabuhay ang tema para sa pagdiriwang ng Buwan ng wika?

Page 4: Grade School Department Ikalawang Markahan binasa …pccgrade5.weebly.com/uploads/3/7/5/6/37562745/filipino_dlas_-_2nd... · ang Wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino

Inihanda  ni:  Gng.  Barbara  U.  Gavile  

Pasig Catholic College Grade School Department

S.Y 2015-2016 FILIPINO 5

Ikalawang Markahan Gawain Blg. ____

Uri ng Gawain: Pagbasa ng tula/Bugtungan/Pagguhit Pangalan: ___________________________________________________ Pangkat: _____________________________ Petsa: _________________ Paksang Aralin: Bugtungan Inaasahan sa Pagkatuto: Natutukoy kung ano ang kahalagahan ng bugtong sa ating kulturang Pilipino. Naibibigay ang mga sagot sa bugtong NaKikilahok nang buong husay sa bugtungan. Sanggunian : Kislap 5 Wika at Pagbasa May-akda : Janet B. Eracho Pahina : 297-298 Pangunahing Konsepto : Ang bugtong ay salamin ng ating kulturang Pilipino.Ito ay isang larong pangkaisipan.Inilalarawan dito ang pagkamasayahin ng mga Pilipino. Kaya ang kulturang Pilipino ay ating pahalagahan at huwag isantabi.

Page 5: Grade School Department Ikalawang Markahan binasa …pccgrade5.weebly.com/uploads/3/7/5/6/37562745/filipino_dlas_-_2nd... · ang Wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino

Inihanda  ni:  Gng.  Barbara  U.  Gavile  

Pasig Catholic College Grade School Department

S.Y 2014-2015 FILIPINO 5

Ikalawang Markahan Gawain Blg. _____

Uri ng Gawain: Pagbibigay kahulugan sa mga salawikain at sawikain Pangalan: ______________________________________________________ Pangkat: ________________________________ Petsa: _________________ Paksang Aralin: Mga Salawikain at Sawikain Inaasahan sa Pagkatuto: - Natutukoy ang kahalagahan ng mga salawikain at sawikain sa buhay ng isang tao. - Nauunawaan ang kahulugan ng mga salawikain at sawikain Sanggunian : May-akda : Pahina : Pangunahing Konsepto:

Ang salawikain ay pahayag na nagtataglay ng matalinghaga o malalim na kahulugan. Malimit ang mga ito’y iniuugnay sa mga karanasan o pang-araw-araw na pangyayari sa buhay ng tao. Ang pangunahing layunin ng mga salawikain ay ang pangangaral o kaya’y ang pagsasabi ng katotohanang hindi mapasusubalian. Hal. – Aanhin ang bahay na bato kung ang nakatira ay kwago, mabuti pa ang kubo na ang nakatira ay tao. Kahulugan: Hindi mahalaga kung malaki o maliit ang tahanan ng isang tao. Ang importante ay ang kalooban ng taong nakatira dito.

Ang sawikain ay mga salita o pagpapahayag na karaniwang ginagamit sa araw-araw. Ang mga pagpapahayag na ito ay nagbibigay ng hindi tiyakan o tuwirang kahulugan ng bawat salita kung hindi ng ibang kahulugan. Hal. - pabalat-bunga - di-mahulugang karayom - anghel ng tahanan

Page 6: Grade School Department Ikalawang Markahan binasa …pccgrade5.weebly.com/uploads/3/7/5/6/37562745/filipino_dlas_-_2nd... · ang Wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino

Inihanda  ni:  Gng.  Barbara  U.  Gavile  

Pasig Catholic College Grade School Department

S.Y 2015-2016 FILIPINO 5

Ikalawang Markahan Gawain Blg. ____

Uri ng Gawain: Pagkilala sa mga Larong Pilipino Pangalan: ______________________________________________________ Pangkat: ________________________________ Petsa: _________________ Paksang Aralin: Mga Larong Pilipino Inaasahan sa Pagkatuto: Nailalarawan ang iba’t ibang larong Pilipino. Nakapagbibigay at nalalaro ang mga larong Pilipino. Sanggunian : Musika, Sining at Edukasyon Pangkatawan 5 May-akda : Violeta E. Hornilla Pahina : 222-228 Pangunahing Konsepto : Napagyayaman ang mga kasanayang panlaro sa pamamagitan ng paglahok sa iba’t ibang laro, lalo na yaong mga katutubo o nagmula sa ating bansa. Ang mga halimbawa nito ay ang kadang, tiyakad, hatakang lubid, at tumbang preso, gayundin ang mga larong may habulan at tagaan. Sa paglalaro, mahalagang sundin ang mga alituntunin sapagkat ito ang pinagbabatayan ng mga tagahatol sa paghuhusga kung sino o anong pangkat ang nagwagi sa labanan. Lagi ring isaisip na sa ano mang labanan ay may nananalo at may natatalo. Ang mahalaga ay marunong kang tumanggap ng resulta ng labanan at ang iyong pinaiiral sa lahat ng pagkakataon ay ang pagkamaginoo.  

 

 

 

 

 

 

Page 7: Grade School Department Ikalawang Markahan binasa …pccgrade5.weebly.com/uploads/3/7/5/6/37562745/filipino_dlas_-_2nd... · ang Wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino

Inihanda  ni:  Gng.  Barbara  U.  Gavile  

Pasig Catholic College Grade School Department

S.Y 2015-2016 FILIPINO 5

Ikalawang Markahan Gawain Blg. ____

Uri ng Gawain: Pagkilala sa mga bahagi ng aklat/pagsulat sa mga bahagi nito/Pagpuno sa tsart

Pangalan: ______________________________________________________ Pangkat: ________________________________ Petsa: _________________ Paksang Aralin: Bahagi ng Aklat Inaasahan sa Pagkatuto: Natutukoy ang kahalagahan ng aklat Naibibigay ang iba’t ibang bahagi ng aklat Natutukoy ang iba’t ibang impormasyong nakapaloob sa bawat bahagi. Sanggunian : Bukal 5 at Pluma 5 May-akda : Liza M. Lemi /Ailene G. Baisa Pahina : 223-224/132 Pangunahing Konsepto :

Ang aklat ay may iba’t ibang bahagi. Mahalagang malaman ang iba’t ibang bahagi ng aklat upang magamit at mapakinabangan nang husto ang bawat babasahin natin. Ang kaalaman sa mga ito ay makatutulong upang higit na maging mabilis ang pagkuha ng mga detalye o impormasyon. Narito ang mga bahagi ng isang aklat:

1. Pabalat – ang bahaging ito ang takip ng aklat. Ito ay yari sa matigas na papel o kardbord upang hindi kaagad na masira. Ito ang pinakaproteksyon ng aklat. Mababasa rito ang pamagat ng aklat at ang may-akda.

2. Pahinang Pamagat- ito ang pahinang kinapapalooban ng buong pamagat ng aklat at ang pangalan ng may-akda. Ito ang karaniwang pinakaunang pahina ng aklat.

3. Pahina ng Karapatang sipi- ito ay pahina sa likod ng pahina ng pamagat. Dito nakasulat ang taon ng pagkakalimbag, ang naglimbag, at ang lugar ng pinaglimbagan ng aklat.

4. Dedikasyon- ito ang pahina na kinapapalooban ng mga pangalan ng taong pinaghahandugan ng may-akda na nagsilbing inspirasyon at katulong niya sa pagbuo ng aklat.

5. Paunang Salita- ito ay pahina na kinapapalooban ng mensahe ng may-akda sa mga mambabasa.

6. Panimula- ito ay pahina na tumatalakay sa munting kasaysayan at dahilan ng paglikha ng aklat.

7. Talaan ng Nilalaman- ito ay ang talaan ng mga paksa o pamagat ng nilalaman at ng pahina. Madaling hanapin ang mga paksa sa talaaang ito.

Page 8: Grade School Department Ikalawang Markahan binasa …pccgrade5.weebly.com/uploads/3/7/5/6/37562745/filipino_dlas_-_2nd... · ang Wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino

Inihanda  ni:  Gng.  Barbara  U.  Gavile  

8. Katawan ng Aklat o Teksto- ito ang kabuuan ng pagtalakay sa mga paksa sa aklat.

9. Bibliyograpi- ito ay pahina na matatagpuan sa huling bahagi ng aklat. Dito

nakapaloob ang talaan ng mga aklat at iba pang kagamitang maaaring gamiting sanggunian sa pagpapalawak ng kaalaman tungkol sa paksang tinatalakay sa aklat.

10. talahulugan o Glosari – ito ay kinapapalooban ng mga talaan ng batayang terminolohiya at mahihirap na katawagan sa aklat na may kasamang katuturan o paliwanag. 11. Indeks – Paalpabetong listahan ng mga pangalan, lugar at paksang karaniwang makikita sa huling bahagi ng aklat.

Page 9: Grade School Department Ikalawang Markahan binasa …pccgrade5.weebly.com/uploads/3/7/5/6/37562745/filipino_dlas_-_2nd... · ang Wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino

Inihanda  ni:  Gng.  Barbara  U.  Gavile  

Pasig Catholic College Grade School Department

S.Y 2015-2016 FILIPINO 5

Ikalawang Markahan Gawain Blg. _____

Uri ng Gawain: Pagtukoy sa bahagi ng pahayagan/pagsagot sa pagsasanay Paksang Aralin: Bahagi ng Pahayagan Inaasahan sa Pagkatuto: Nasasabi ang iba’t ibang bahagi ng pahayagan. Natutukoy ang iba’t ibang impormasyong nakapaloob sa bawat bahagi ng pahayagan. Sanggunian : Bukal 5 May-akda : Liza M. Lemi Pahina : 229-235 Pangunahing Konsepto : Ang pahayagan ay pinagkukunan natin ng mahahalagang impormasyon na nakatutulong sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Mahalagang matutuhan ang mahusay na pagbasa sa nilalaman ng iba’t ibang bahagi ng pahayagan. Ang pahayagan ay hindi katulad ng aklat sa iba’t ibang asignatura, sapagkat napakaraming nilalaman ng pahayagan, ang kinakailangan lamang natin ay ang mabilis na hagod ng mata upang makuha natin ang mahahalagang mensahe ng balita o lathala. Ang pahayagan ay may iba’t ibang bahagi. Kabilang dito ang sumusunod na mga bahagi

1. Pamukhang Pahina/Front Page – Ito ay naglalaman ng pinakamahahalagang balita sa partikular na araw, na maaaring balitang local o pambansa, o balitang pandaigdig, o internasyonal.

2. Editoryal – ito ang bahaging nagsasaad ng opinyon ng editor tungkol sa ilang mahahalagang isyu.

3. Balitang Lokal – Ang mga balitang nangyayari sa loob ng bansa ay mababasa sa pahinang ito.

4. Balitang Isports – makikita sa bahaging ito ang mga balita tungkol sa palakasan o isports.

5. Pahinang Panlibangan – Tampok dito ang paksang kawili-wili para sa mga mambabasa, balitang artista, lathalain, pahina ng komiks, crossword puzzle, at iba pang katulad nito.

6. Pahinang Pangkalakalan/pangkomersiyo– ito ay nagbabalita ng mga paksa para sa kalakalan, palitan ng piso, paglakas o paghina ng ekonomiya, atbp.

7. Balitang pandaigdig- sa bahaging ito makikita o mababasa ang mga balitang nagaganap sa daigdig o ang mga balita sa labas ng bansa.

8. Obituwaryo – Ipinalalathala dito ang pangalan ng mga namatay para sa kaalaman ng kanilang mga kaanak, o mga kakilala.

9. Anunsyo Klasipikado- isinasaad dito ang mga produkto o serbisyong iniaalok o kinakailangan.

10. Ulat panahon- Ipinahahayag dito ang pang-araw-araw na kalagayan ng panahon sa bansa.

Page 10: Grade School Department Ikalawang Markahan binasa …pccgrade5.weebly.com/uploads/3/7/5/6/37562745/filipino_dlas_-_2nd... · ang Wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino

Inihanda  ni:  Gng.  Barbara  U.  Gavile  

Pasig Catholic College Grade School Department

S.Y 2015-2016 FILIPINO 5

Ikalawang Markahan Gawain Blg._____

Uri ng Gawain: Pagtukoy sa mga batayang aklat Pangalan: ______________________________________________________ Pangkat: ________________________________ Petsa: _________________ Paksang Aralin: Mga Batayang Aklat Inaasahan sa Pagkatuto: Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman sa gamit at nilalaman ng iba’t ibang batayang aklat/babasahin. Sanggunian : Bukal 5 May-akda : Liza M. Lemi Pahina : 338-339 Pangunahing Konsepto :

Ang iba’t ibang batayang aklat ay makatutulong sa paghahanap ng dagdag na mga kaalaman at upang higit na mapalawak pa angating kaisipan. Ang mga batayang aklat ay:

1. Ang Encyclopedia – isang mahalagang sanggunian kung nais nating maghanap ng mas mayamang impormasyon tungkol sa maraming bagay. May mga encyclopedia na binubuo ng higit sa isang aklat na tinatawag na volumes. Ang mga paksa ay nakaayos nang paalpabeto at may panuntunan sa gilid ng aklat na nagsasabi kung ano-anong paksa ang matatagpuan sa bawat volume.

2. Ang Atlas – ay aklat ng mga mapa. Matatagpuan sa isang atlas ang

mahahalagang impormasyon tungkol sa iba’t ibang lugar sa buong daigdig, tulad ng sumusunod:

a. Kontinenteng kinabibilangan nito b. Mapa ng lugar na hinahanap c. Mahahalagang lugar o landmark d. Mga karagatan o kabundukang pumapaligid dito. e. Topograpiya o iba pang katangian ng pook.

3. Ang Almanac- ay aklat na naglalaman ng kalendaryo ng mga araw sa buong taon

na kinatatalaan ng iba’t ibang pangyayari at katotohanan gaya ng mga anibersaryo, pagsikat at paglubog ng araw, pagbabago ng buwan, paglaki at pagkati ng tubig at iba pa. Ito rin ay mahalagang tulong upang malaman kung mataas o mababa ang tubig sa karagatan

Page 11: Grade School Department Ikalawang Markahan binasa …pccgrade5.weebly.com/uploads/3/7/5/6/37562745/filipino_dlas_-_2nd... · ang Wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino

Inihanda  ni:  Gng.  Barbara  U.  Gavile  

4. Ang Diksyunaryo – bukod sa pagbibigay ng mga kahulugan ng salita, ito rin ay nagbibigay ng iba pang mahahalagang impormasyon tulad ng sumusunod.

a. Wastong baybay ng salita b. Bigkas ng salita c. Uri ng pananalitang kinabibilangan ng salita d. Higit sa isang kahulugan e. Gamit ng salita sa pangungusap f. Etimolohiya o pinagmulan ng salita

5. Ang Directory – dito ma tatagpuan ang numero ng mga telepono

Page 12: Grade School Department Ikalawang Markahan binasa …pccgrade5.weebly.com/uploads/3/7/5/6/37562745/filipino_dlas_-_2nd... · ang Wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino

Inihanda  ni:  Gng.  Barbara  U.  Gavile  

Pasig Catholic College Grade School Department

S.Y 2015-2016 FILIPINO 5

Ikalawang Markahan Gawain Blg. ____

Uri ng Gawain: Pagbasa sa isang alamat Pangalan: ______________________________________________________ Pangkat: ________________________________ Petsa: _________________ Paksang Aralin: Alamat: Ang Pinagmulan ng Water Lily Inaasahan sa Pagkatuto : Nakikilala ang mga alamat Natutukoy ang magkaka-ugnay na pangyayari sa kwento Nakasusulat ng isang maikling talata Sanggunian : Bukal 5 May-akda : Liza M. Lemi Pahina : 13-17 Pangunahing Konsepto : Mayaman sa mga alamat ang panitikang Pilipino. Kadalasang may mga kwentong nakapaloob sa pinagmulan ng mga bagay, hayop, pook, o kaya’y mga pangyayari. Sa kwento ay malalaman natin ang kabutihang dulot sa mga taong may mabubuting kalooban. Maaari tayong makagawa ng mga mumunting kabutihan sa ating kapwa sa ating pang-araw-araw na buhay. Gawain 1: Pagtalakay sa Talasalitaan at Pagbasa sa alamat

A. Basahin ang mga salita. Pumili ng isang salita at gamitin ito sa makabuluhang pangungusap.

- Sulo – ilaw na yari sa isang metrong kawayan na may mitsa sa dulo - Kawan – pangkat ng mg isda o ibon - Langkay- nauukol sa grupo ng magkakasamang hayop - Pumpon – bungkos o pinagsama-samang bagay na iisang uri, gaya ng mga bulaklak - Hinalughog- masusing hinanap ang isang bagay na nawawala sa lahat ng lugar na dapat na paghanapan. - Nilait –pinagsalitaan nang masama

Page 13: Grade School Department Ikalawang Markahan binasa …pccgrade5.weebly.com/uploads/3/7/5/6/37562745/filipino_dlas_-_2nd... · ang Wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino

Inihanda  ni:  Gng.  Barbara  U.  Gavile  

Pasig Catholic College Grade School Department

S.Y 2015-2016 FILIPINO 5

Ikalawang Markahan Gawain Blg. _____

Uri ng Gawain: Pagkilala sa Pangngalan Pangalan: ______________________________________________________ Pangkat: ________________________________ Petsa: _________________ Paksang Aralin: Pangngalan at Uri nito Inaasahan sa Pagkatuto: Nasusuri angmga pangngalan ayon sa kategorya at uri nito. Natutukoy ang uri ng pangngalang pambalana Nauuri ang pangngalan ayon sa kalipunan at sa anyo nito. Nagagamit nang wasto sa pagbuo ng pangungusap ang mga pangngalan Sanggunian : Bukal 5 May-akda : Liza M. Lemi Pahina : 9-11/22-27 Pangunahing Konsepto : Ang pangngalan ay bahagi ng pananalita na nagpapakilala ng tao, hayop, bagay, pook o pangyayari. Ang pangngalan ay maaaring uriin ayun sa katiyakan: pantangi o pambalana; ayon sa kalipunan: lansakan o di-lansakan; ayon sa anyo: kongkreto o di-konkreto. Ang pangngalang pantangi ay tumutukoy sa natatanging ngalan ng tao, hayop, bagay, pook o pangyayari. Ito ang nagsisimula sa malaking titik. Hal. Pasig City Pasig Catholic College Pasko Ang pangngalang pambalana ay tumutukoy sa pangkalahatang tawag o pangkaraniwang ngalan ng pangngalan. Hal. lunsod paaralan pagdiriwang Ang pangngalang lansakan ay tumutukoy sa pangngalang kumakatawan sa kabuuan, karamihan ng ngalan ng tao, bagay, hayop o pook. Hal. madla pangkat koro koponan Ang pangngalang di-lansakan ay tumutukoy sa mga pangngalang maaaring isa-isahin.

Page 14: Grade School Department Ikalawang Markahan binasa …pccgrade5.weebly.com/uploads/3/7/5/6/37562745/filipino_dlas_-_2nd... · ang Wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino

Inihanda  ni:  Gng.  Barbara  U.  Gavile  

Hal. Pilipino mag-aaral Ginebra Ang pangngalang tahas o kongkreto ay tumutukoy sa mga pangngalang tiyak at nakikita, naririnig, naaamoy, nahahawakan o nalalasahan. Hal. asin kutsara mapa Filipino 5, p.2 Ang pangngalang basal o di-kongkreto ay tumutukoy sa mga pangngalang nadarama at nailalarawan lamang sa isipan, gaya ng damdamin at katangian. Hal. lungkot saya awa kabaitan kagandahan  

Page 15: Grade School Department Ikalawang Markahan binasa …pccgrade5.weebly.com/uploads/3/7/5/6/37562745/filipino_dlas_-_2nd... · ang Wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino

Inihanda  ni:  Gng.  Barbara  U.  Gavile  

Pasig Catholic College Grade School Department

S.Y 2015-2016 FILIPINO 5

Ikalawang Markahan Gawain Blg. _____

Uri ng Gawain: Pagtukoy sa Kasarian ng Pangngalan/ Pagtukoy sa kayarian ng Pangngalan

Pangalan: ______________________________________________________ Pangkat: ________________________________ Petsa: _________________ Paksang Aralin: Kasarian at Kayarian ng Pangngalan Inaasahan sa Pagkatuto: Nakikilala ang iba’t ibang kasarian ng pangngalan Nakabubuo ng pangngalan ayon sa kayarian nito Nauuri ang pangngalan ayon sa kayarian nito Sanggunian : Bukal 5 May-akda : Liza M. Lemi Pahina : 35-39/67-69 Pangunahing Konsepto : Ang pangngalan ay may apat na kasarian

a. Pambabae – mga pangngalang nauukol lamang para sa mga babae

Hal. ginang tinder inahin

b. Panlalaki- mga pangngalang nauukol lamang sa mga lalaki

Hal. ginoo tinder tandang

c. Di-tiyak – mga pangngalang maaring tumukoy sa babae o sa lalaki

Hal. manggagawa tagasilbi bata

d. Walang kasarian – mga pangngalang walang kasarian, ito ay tumutukoy sa mga bagay na walang buhay.

Hal. unan silya aklat

Ang pangngalan ay may apat na kayarian:

1. Payak – ito ay binubuo ng salitang-ugat lamang

Page 16: Grade School Department Ikalawang Markahan binasa …pccgrade5.weebly.com/uploads/3/7/5/6/37562745/filipino_dlas_-_2nd... · ang Wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino

Inihanda  ni:  Gng.  Barbara  U.  Gavile  

Hal. anak gawa bintana ulan yaman

2. Maylapi – ito ay mga pangngalang binubuo ng salitang –ugat at panlapi.

Ginagamit ang gitling kapag ang panlaping ginamit ay nagtatapos sa katinig at ang salitang-ugat ay nagsisimula sa patinig.

Hal. ka + sama = kasama han + ani = anihan mag + ina = mag-ina

3. Inuulit – ito ay binubuo sa pamamagitan ng pag-uulit ng unang dalawang pantig

ng salitang-ugat o ng buong salitang-ugat na maaaring mayroon o walang dagdag na panlapi. Tinatawag ang pag-uulit na ganap at di-ganap Hal. (pag-uulit na ganap) (pag-uulit na di-ganap) araw-araw pali-paligid gabi- gabi ama-amahan

• May mga pangngalang binubuo rin n g inuulit na pantig o bahagi ng salitang-ugat.

Hal. manggagamot magsasaka magtataho

• Inuulit ang panlaping ga, sa, at ta sa mga pangngalang inuulit nang di-ganap. 4. Tambalan – ito ay binubuo ng dalawang magkaibang salita. May dalawang uri ng

tambalang salita: a. Tambalang ganap – pagsasama ng dalawang magkaibang salita na

nagkakaroon ng bagong kahulugan ang salitang nabuo. Hindi ginagamitan ng gitling ang tambalang ganap dahil nawawala na ang kahulugan ng mga salitang-ugat na pinagsama at magkakaroon ng bagong kahulugan ito.

Hal. bahag + hari= bahaghari Hampas + lupa = hampaslupa

b. Tambalang di-ganap – nananatili ang kahulugan ng dalawang salitang

pinagsama. Ito ay ginagamitan ng gitling upang katawanin ang mga salitang nawawala sa pagitan ng salitang –ugat. Sa ganito, nananatili ang kahulugan ng mga salitang-ugat na pinagsama.

Hal. bahay – kubo dalagang-bukid silid-tulugan

Page 17: Grade School Department Ikalawang Markahan binasa …pccgrade5.weebly.com/uploads/3/7/5/6/37562745/filipino_dlas_-_2nd... · ang Wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino

Inihanda  ni:  Gng.  Barbara  U.  Gavile  

Pasig Catholic College

Grade School Department S.Y 2015-2016

FILIPINO 5 Ikalawang Markahan Gawain Blg. _____

Uri ng Gawain: Pagtukoy sa Gamit ng Pangngalan Pangalan: ______________________________________________________ Pangkat: ________________________________ Petsa: _________________ Paksang Aralin: Gamit ng Pangngalan Inaasahan sa Pagkatuto: Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng pangngalan sa pangungusap. Nakabubuo ng pangungusap na may iba’t ibang gamit ng pangngalan. Sanggunian : Bukal 5 May-akda : Liza M. Lemi Pahina : 50-54 Pangunahing Konsepto :

Ang pangngalan ay may iba’t ibang gamit sa pangungusap.

1. Simuno o paksa- pangngalang pinag-uusapan sa pangungusap. Ang mga simuno ay kadalasang pinangungunahan ng mga panandang si, sina, ang o ang mga. Hal. Ang nanay ay nag-aalala sa anak. Nakipag-usap si Lito kay Mike.

2. Panaguri o kaganapang pansimuno – ito ay ginagamit bilang panaguri. Ito ang mga pangngalan na nagsasabi tungkol sa simuno o paksa. Ang simuno at ang kaganapang pansimuno ay tumutukoy sa iisang pangngalan lamang. Hal. Si G. Villanueva ay isang guro

3. Layon ng Pandiwa – ito ang pangngalang pumupuno o tumatanggap sa kilos ng

pandiwa. Hindi magiging malinaw ang kilos na isinasaad kung walang layon ng pandiwa. Kadalasan itong pinangungunahan ng panandang ng at sumasagot sa tanong na ano. Hal. Bumili sila ng tinapay sa tindahan. (Bumili ng ano?) tinapay – layon ng pandiwa

Page 18: Grade School Department Ikalawang Markahan binasa …pccgrade5.weebly.com/uploads/3/7/5/6/37562745/filipino_dlas_-_2nd... · ang Wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino

Inihanda  ni:  Gng.  Barbara  U.  Gavile  

4. Layon ng pang-ukol – ito ang pangngalang binabanggit kung para kanino ang kilos na ginagawa. Ito ay mga pangngalang kadalasang kasunod ng mga pang-ukol na sa, sa mga, para sa, para kay, para kina Hal. Para sa maysakit ang biniling gamot. (Para kanino ang biniling gamut? ) sa maysakit

5. Panawag – ito ang pangngalang tumutukoy sa tao/ mga taong kinakausap.

Hal. Anne, hindi naman tama ang ginawa mo. Inay, sasama po ako sa palengke.

6. Pamuno – ito ay pangngalang ipinupuno o nagbibigay ng paliwanag o dagdag na impormasyon tungkol sa simuno, kaganapang pansimuno at tuwirang layon. Hal. Si Bea, ang matalik na kaibigan ni Gia, ay nakipag-usap kay Anne.

7. Paari – ito ay pangngalang nagpapahayag din ng pagmamay-ari. Kadalasang

ginagamitsa unahan ng pangngalan ang panandang ng/ng mga o ni/nina. Sumasagot ito sa tanong na kanino o nino.

 

 

 

Page 19: Grade School Department Ikalawang Markahan binasa …pccgrade5.weebly.com/uploads/3/7/5/6/37562745/filipino_dlas_-_2nd... · ang Wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino

Inihanda  ni:  Gng.  Barbara  U.  Gavile  

Pasig Catholic College Grade School Department

S.Y 2015-2016 FILIPINO 5

Ikalawang Markahan Gawain Blg. 17

Uri ng Gawain: Pagbasa sa isang kwento Paksang Aralin: Pagtukoy sa mga salitang magkasalungat/Pagtukoy sa mga pangunahing diwa Inaasahan sa Pagkatuto: Natutukoy sa kwento ang pangunahing diwa nito Nakapagbibigay ng mga salitang magkasalungat Naipaliliwanag ang mensaheng nais ipaabot ng kwento. Sanggunian : Bukal 5 May-akda : Liza M. Lemi Pahina : 41-46 Pangunahing Konsepto :

Ang mga kwento tungkol sa mga hari at reyna, prisipe at prisesa ay kinagigiliwan ng maraming bata. Madalas na nakapaloob sa ganitong mga kwento ang pakikipagsapalaran ng mga pangunahing tauhan, na karaniwang dumaraan sa mga pagsubok.

Ang kasalungat ng salita ay tumutukoy sa kabaligtarang kahulugan nito.

Hal. masama – mabuti matapat –sinungaling

nagalak – nalungkot panlabas - panloob  

Ang pangunahing diwa ng isang teksto gaya ng kwento ay tumutukoy sa pangkalahatang puntong tinutukoy ng nasabing pahayag. Ang diwang ito ay maaaring nakapaloob sa isang talata o magkakaugnay na mga pangungusap. May mga pangunahing diwang tuwirang mababasa sa teksto. Ito ay karaniwang nababasa sa simula o sa hulihan ng talata o pahayag. Minsan ito ay matatagpuan din sa gitnang bahagi. Mayroon namang mga teksto na ang pangunahing diwa ay hindi tuwirang sinasabi, sa halip, ang mambabasa ang hahango nito. Halimbawa: Ang prinsesa ay itinago sa isang kastilyo sa tuktok ng isang bundok. Isang sumpa ng mangkukulam ang nagbantang may mangyayaring masama sa prinsesa kung siya ay mananatili sa palasyong pinamumunuan ng kanyang amang hari at inang reyna. Nanirahan ang prinsesa nang matagal sa kastilyo nang walang ibang taong nakaaalam. Ano ang kaisipang ipinararating ng teksto? Ano ang pangunahing diwa ng talata? Sagot: Ang prisesa ay itinago sa malayong pook upang makaiwas sa isang sumpa.

Page 20: Grade School Department Ikalawang Markahan binasa …pccgrade5.weebly.com/uploads/3/7/5/6/37562745/filipino_dlas_-_2nd... · ang Wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino

Inihanda  ni:  Gng.  Barbara  U.  Gavile  

Pasig Catholic College Grade School Department

S.Y 2015-2016 FILIPINO 5

Ikalawang Markahan Gawain Blg.

Uri ng Gawain: Pagtukoy sa Panghalip Paksang Aralin: Pagtukoy sa Panghalip at Panghalip Panao Inaasahan sa Pagkatuto: Natutukoy kung ano ang panghalip Nakikilala ang gamit ng Panghalip Panao Nakabubuo ng pangungusap gamit ang angkop na panghalip panao Sanggunian : Bukal 5 May-akda : Liza M. Lemi Pahina : 62-66 Pangunahing Konsepto :

Ang panghalip ay mga salitang ginagamit na panghalili sa mga pangngalan. Hal. Ang hari ay may mahigpit na kautusan, siya ay kailangang sundin.

(Ang panghalip panaongsiya ay ipinanghalili sa pangngalang hari)

Ang pangarap ng reyna ay magkaroon ng anak na prinsesa. Natupad ang pangarap niya.

(Ang panghalip panaong niya ay ipinanghalili sa pangngalang reyna)

Ang panghalip panao ay kabilang sa mga uri ng panghalip. Ang mga panghalip panao ay ginagamit na panghalili sa pangngalan ng tao. Ito ay may tatlong kailanan: isahan, dalawahan at maramihan. Tinutukoy ng kailanan ang bilang ng pinapalitang pangngalan ng tao o mga tao. Ito rin ay may tatlong panauhan.

1. Unang panauhan – panghalip panao na ginagamit na panghalili sa pangngalan ng tao o mga taong nagsasalita.

2. Ikalawang panauhan – mga panghalip panao na ginagamit na panghalili sa pangngalan ng tao o mga taong kinakausap.

3. Ikatlong panauhan – ginagamit na panghalili sa pangngalan ng tao o mga taong

pinag-uusapan

Page 21: Grade School Department Ikalawang Markahan binasa …pccgrade5.weebly.com/uploads/3/7/5/6/37562745/filipino_dlas_-_2nd... · ang Wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino

Inihanda  ni:  Gng.  Barbara  U.  Gavile  

Pasig Catholic College Grade School Department

S.Y 2015-2016 FILIPINO 5

Ikalawang Markahan Gawain Blg. 19

Uri ng Gawain: Pagkilala sa iba pang uri ng Panghalip Pangalan: ______________________________________________________ Pangkat: ________________________________ Petsa: _________________ Paksang Aralin: Uri ng Panghalip Inaasahan sa Pagkatuto: Nakikilala ang iba pang uri ng panghalip Nagagamit ang akmang panghalip sa pangungusap. Sanggunian : Bukal 5 May-akda : Liza M. Lemi Pahina : 77, 91, 104 Pangunahing Konsepto : May iba’t ibang uri ng panghalip:

1. Panghalip Panao na Paari – ito ang panghalip na humahalili sa pangngalan ng taong nagmamay-ari sa isang bagay. Mayroon itong dalawang anyo. Ang panghalip na ginagamit sa unahan ng bagay na inaangkin, at ang panghalip na ginagamit sa hulihan ng bagay na inaangkin. Hal. Malapit sa palengke ang aming bahay. Maliit lamang ang bahay namin.

2. Panghalip na Pamatlig – ginagamit sa pagtukoy o pagtuturo sa lugar o

kinaroroonan ng tao, hayop, bagay, lugar at pangyayari. Mayroon itong tatlong panauhan na nagsasaad kung gaano kalayo ang tao, bagay, at iba pang itinuturo.

A. Unang panauhan – ang tao, bagay at iba pang itinuturo ay malapit sa nagsasalita. Hal. Ito ang gusto ko. Dito tayo maupo.

B. Ikalawang panauhan – ang tao, bagay, at iba pang itinuturo ay malapit sa

kausap. Hal. Iyan ang gamitin natin. Diyan mo itago ang sabon.

Page 22: Grade School Department Ikalawang Markahan binasa …pccgrade5.weebly.com/uploads/3/7/5/6/37562745/filipino_dlas_-_2nd... · ang Wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino

Inihanda  ni:  Gng.  Barbara  U.  Gavile  

C. Ikatlong Panauhan – ang tao, bagay, at iba pang itinuturo ay kapwa malayo sa nagsasalita at sa kausap nito. Hal. Iyon ang gusto kong bilhin.

3. Panghalip pamatlig na patulad – ginagamit sa pagtutulad o kumakatawan sa

ngalan o hugis ng mga bagay o pangyayaring pinagtutularan. Ang mga ito ay pinaikling salita lamang. Hal. gaya + nito = ganito Ganito ang gusto ko. Gaya + niyan = ganiyan, ganyan, gaya niyan Ganyan ang bagay sa iyo.

4. Panghalip na Panaklaw– panghalip na sumasaklaw sa kaisahan, dami o

kalahatan ng pangngalan. Gumagamit ng mga salitang bawat isa, sinuman, lahat, balana, madla. Hal. Ang bawat lolo at lola ay nagmamahal sa kanilang mga apo. Panay kabutihan ang nasa isip nila. Ang lahat ng mga bata ay gumagawa ng kard maliban sa isa. (Ang panghalip na isa ay sumasaklaw sa bata) Ang isang bata ay hindi gumawa ng kard. (ang salitang isa sa pangungusap ay hindi ginamit na panaklaw kundi isang pang-uri na nagsasabi ng bilang ng ngalan ng tao) * Mayroon ding mga panghalip panaklaw na di-tiyak. Ang mga ito ay nagtatapos sa katagang man na nangangahulugan ng kahit. Hal. anuman alinman sinuman saanman kailanman Kaninuman magkanuman gaanuman ilanman ninuman

5. Panghalip Pananong – ginagamit sa pagtatanong tungkol sa mga

pangngalan. Hal. sino - sino-sino nino – nino-nino alin –alin-alin Kanino - kani-kanino ano - ano-ano saan - saan-saan

Page 23: Grade School Department Ikalawang Markahan binasa …pccgrade5.weebly.com/uploads/3/7/5/6/37562745/filipino_dlas_-_2nd... · ang Wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino

Inihanda  ni:  Gng.  Barbara  U.  Gavile  

 

Pasig Catholic College Grade School Department

S.Y 2015-2016 FILIPINO 5

Ikalawang Markahan Gawain Blg.

Uri ng Gawain: Pagtatala ng Konsepto/Pagsasanay

Pangalan: ______________________________________________________ Pangkat: ________________________________ Petsa: _________________ Paksang Aralin: Piksyon- Di-Piksyon Inaasahang sa Pagkatuto: Nasusuri ang pagkakaiba ng mga seleksyong piksyon at di-diksyon Nakapagbibigay ng mga halimbawa ng mga seleksyong piksyon at di-piksyon Sanggunian : Bukal 5/ Hiyas ng Lahi 5 May-akda : Liza M. Lemi Pahina : 301/156 Pangunahing Konsepto : Ang isang akdang pampanitikan ay maaaring uriin bilang piksyon o di-piksyon. Tinatawag itong piksyonkung ito ay hindi totoo o likha lamang ng imahinasyon ng manunulat. Di-piksyon naman ang akdang hango sa mga tunay na tauhan, tagpuan, at pangyayari. Hal. Piksyon- Nobela, Maikling kwento Di- Piksyon: Librong mga pansanay Talambuhay Kasaysayan