glocafil ver. 3

32
DOON O DITO, GANOON O GANITO: Isang paggalugad sa pananaw ng guro hinggil sa kanyang papel sa pagtuturo ng akademikong wikang Filipino sa antas tersyarya 3 rd International Conference on Filipino as a Global Language August 3-5, 2012 DLSU-CSB, Manila. Amur M. Mayor, Ed D Allan B. de Guzman, PhD University of Santo Tomas

Upload: david-michael-san-juan

Post on 26-Oct-2014

156 views

Category:

Documents


3 download

TRANSCRIPT

Page 1: Glocafil Ver. 3

DOON O DITO, GANOON O GANITO:Isang paggalugad sa pananaw ng guro hinggil sa kanyang papel sa pagtuturo ng akademikong wikang Filipino sa antas tersyarya

3rd International Conference on Filipino as a Global LanguageAugust 3-5, 2012DLSU-CSB, Manila.

Amur M. Mayor, Ed DAllan B. de Guzman, PhD

University of Santo Tomas

Page 2: Glocafil Ver. 3

NILALAMAN NG PAGTALAKAY

Bakit kailangan ng paggalugad?

Ano ang gagalugarin?Paano gagalugarin

ang kailangang galugarin?

Ano ang natuklasan sa paggalugad?

Ano ang ating magagawa?

Page 3: Glocafil Ver. 3

BAKIT KAILANGAN NG PAGGALUGAD?

“...kailangang makalaya na ang Filipino sa limitadong tungkulin nito bilang wika ng nasyonalismo upang magamit ito sa iba pang intelektwal na gawain.”

-Espiritu, 2005

Page 4: Glocafil Ver. 3

BAKIT KAILANGAN NG PAGGALUGAD?

Gonzales, 1998:

“Kailangang maiangat ang lebel ng pagtuturo sa akademikong wika.”

Page 5: Glocafil Ver. 3

“Habang madali ang mga

babasahing ibinibigay sa mga mag-

aaral, mananatili silang mababaw sa wika at lalaki silang may gayong

kababaw at bansot sa kahusayang

intelektwal sa Filipino.”

Page 6: Glocafil Ver. 3

BAKIT KAILANGAN NG PAGGALUGAD?

CHED Memo Order

# 59, 1996

Fil 1- Sining ng Komunikasyon

Fil 2 - Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t ibang Disiplina

Fil 3- Masining na Pagpapahayag

CHED Memo Order

# 30, 2004

Fil 1- Komunikasyon sa Akademikong Filipino

Fil 2- Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

Fil 3- Retorika

Page 7: Glocafil Ver. 3

Mga Dahilan ng Rebisyon

1.overlapping ng mga paksa

2.kawalan ng suporta mula sa mga administrador

3.kakulangan ng kwalipikasyon ng mga guro

Maraming mga guro na hindi naman talaga medyor ng Filipino sa simula pa lamang;

Kulang sa pagsasanay

Page 8: Glocafil Ver. 3

CHED Memo Order #30, 2004

...kailangan ang pag-igpaw sa nakagawian nang kurso sa Filipino na nakapokus lamang sa pagtuturo nito bilang wikang pambansa, wika ng komunikasyon, kurso sa GenEd. Dapat ito ay maituro bilang isang AKADEMIKONG WIKA.

Page 9: Glocafil Ver. 3

Kung gayon, ANO ang dapat GALUGARIN?

Page 10: Glocafil Ver. 3

AKADEMIKONG WIKA

Persepsyon ng guro sa akademikong

wika

=

Itinatakdang kahulugan at

prinsipyo ng mga

Proponent nito

Malinaw na persepsyon ng kanyang papel sa pagtuturo ng akademikong wika

Page 11: Glocafil Ver. 3

ANO ANG AKADEMIKONG WIKA?

Mula kay

Jimm Cummins, 1979

CALPCognitive

AcademicLanguage Proficiency

Pagtatamo ng kahusayan sa wikang may tiyak na konteksto at kadalasang matatagpuan sa mga pasulat na komunikasyon.

Page 12: Glocafil Ver. 3

ANO ANG AKADEMIKONG WIKA?

Basic Interpersonal Communication Skills

vs

CALP

Page 13: Glocafil Ver. 3

CBI at CALLA:mga produkto ng CALP

Sa CALLA,

ang guro ay dapat na may malawak na kaalaman sa mga paksa sa iba’t ibang larangan, maliban pa sa balarila.

Page 14: Glocafil Ver. 3

CBI at CALLA:mga produkto ng CALP

Content-Based Instruction (1993)

Layunin nito na maging independent ang mga mag-aaral sa kanilang pagkatuto.

Higit na magiging malalim ang pagkatuto dahil nahihikayat ang mga mag-aaral na aktibong lumahok sa mga makabuluhan at tematikong gawain.

-Troncale, 2002

Page 15: Glocafil Ver. 3

CBI at CALLA:mga produkto ng CALP

Content-Based Instruction (1993)

Kailangang makapili ang guro ng mga gawaing humahamon sa kakayahan ng mga mag-aaral

Page 16: Glocafil Ver. 3

Kung gayon, ano ang dapat taglayin ng guro ng AKADEMIKONG WIKA?

Mahalagang ang guro ay maging guro ng NILALAMAN (kontent)...mas mahalaga ang LALIM kaysa LAWAK. (Chamot at O’Malley, 1994)

Ngunit di dapat ipilit ang kontent na hindi siya komportable. (Brown, 2004)

Mahalaga ang mga babasahing angkop sa kontent. May paglalapat sa pagsulat. (Robertson, 2006) Bigyang-kalayaang pumili ang guro ng kanyang

pamaraan dahil mas kilala niya ang estudyante. (Cummins)

Page 17: Glocafil Ver. 3

Kung gayon, ano ang dapat taglayin ng guro ng AKADEMIKONG WIKA?

Mahalaga ang mga awtentikong materyal. Kailangang malinaw sa guro kung anong

akademikong wika ang kailangang maituro.

(Ragan, 2005) Kailangang nagagamit ng mag-aaral ang mga dating

kaalaman, nahihikayat ang malalim na pag-unawa sa pamamagitan ng integrasyon ng kaalaman at nagagabayan ang mga mag-aaral sa aktibong pagkontrol sa proseso ng pagkatuto.

(Cummins, 2005)

Page 18: Glocafil Ver. 3

Kung gayon, ano ang dapat taglayin ng guro ng AKADEMIKONG WIKA?

Mahalaga ang suporta ng administrasyon. (Fillmore, 2005)

Ang papel ng guro ay kaakibat ng METODO ng kanyang pagtuturo. (Richardson sa isinulat ni Fortunato, 2007)

Page 19: Glocafil Ver. 3

PAANO GAGALUGARIN ANG KAILANGANG GALUGARIN?

PENOMOLOHIKAL NA PAMARAAN

Ito ay ang pag-aaral ng mga karanasan.

Layunin nitong masaklaw ang “mundo ng kanyang mga kalahok” batay sa kanilang paglalarawan ng kanilang mga pananaw at reaksyon.

Fraenkel at Wallen, 2007

Naisasagawa ito sa pamamagitan ng masinsinang pakikipanayam sa mga kalahok at ang maingat na pagsusuri sa kanilang mga tugon.

Page 20: Glocafil Ver. 3

PAANO GAGALUGARIN ANG KAILANGANG GALUGARIN?

52% ng kabuuang bilang ng fulltime na guro ang nakuhang kapanayamin.

(17 mula sa 33 kabuuan)

PROFAYL NG MGA KALAHOK; 82% (14) ay medyor ng Filipino; 53% (9) ay nakatapos ng MA; Saklaw ng halos kabuuang braket

ang bago at matagal na sa propesyon;

Saklaw ang edad mula 21-60 pataas. Mayorya rin ay nakadalo sa higit sa 9-

10 seminar sa nakaraang 3 taon.

Pumili lamang ng tatlong malalaking kolehiyo at unibersidad sa

Maynila.

Page 21: Glocafil Ver. 3

PAANO GAGALUGARIN ANG KAILANGANG GALUGARIN?

1.Ano ang iyong papel sa pagkatuto ng mag-aaral ng akademikong wika?

Ano-ano ang mga pamamaraang ginagamit mo upang matamo ng mga mag-aaral ang AWF?

Mga tanong sa panayam:

Page 22: Glocafil Ver. 3

ANO ANG NATUKLASAN SA PAGGALUGAD?

Matapos ang proseso ng pagtratranskrayb, balidasyon, pagkukumpol ng mga tugon, kinategorya ang mga ito batay sa 4 na tema:

1. Pragmatiko

2. Idealistiko

3. Sentimental

4. Personal

Page 23: Glocafil Ver. 3

Doon o Dito.docxMakikita sa Talahanayan 3 ang paglalarawan ng mga pananaw ng mga gurong-kalahok. Batay sa mga direktang tugon ng mga kalahok (K) sa sentrong tanong na “ano ang iyong gampaning bilang guro ng akademikong wika?”, makikita na higit na nakararami sa kanila ang naniniwalang sila ay may gampaning idealistiko, sinusundan ito ng gampaning pragmatiko at huli, ang mga naniniwalang sila

ay may gampaning sentimental. Bagamat totoo na lumitaw sa mga pahayag na naniniwala ang mga guro na sila ay may gampaning personal,*** hindi nila ito nakikita bilang kanilang tanging gampanin bagkus ito ay kabilang lang sa kanilang gampaning idealistiko, pragmatiko at sentimental.

Page 24: Glocafil Ver. 3

MGA GURONG PRAGMATIKO

Sa pagtuturong PRAGMATIKO, “ang paggamit ng wika ay batay sa kanyang pangangailangan...

kung kaya’t marapat na pumili ng paraang angkop sa sitwasyon”.

Batay sa mga kalahok: Binibigyang-diin nila

ang tamang paggamit ng WF sa loob at labas ng paaralan;

Ngunit kailangang mabuksan ang kamalayan sa iba pang umiiral sa lipunan...jejemon, Intsik...pero di Ingles.

Page 25: Glocafil Ver. 3

MGA GURONG IDEALISTIKO

Sa IDEALISTIKONG pagtuturo, ang guro ay tagapagdaloy lamang ng kaisipan. Ang mga mag-aaral ay tahimik lamang na tagatanggap.

Batay sa mga kalahok: nakikita nila ang sarili

bilang HUWARAN ng wastong gamit ng wika, tagapagbigay motibasyon, paghihiwalay na gamit ng Fil at Ingles.

Nakikisabay sila sa mga mag-aaral upang mawala ang pagkabagot ng mga ito.

Page 26: Glocafil Ver. 3

GURONG SENTIMENTAL

Naniniwala ang mga sentimental sa mataas na pagpapahalaga sa sariling gawa.

Batay sa mga kalahok: Ang pagtangkilik sa

wika ay isang moral na obligasyon at pagtugon sa tungkulin sa bansa;

Pagkiling sa wikang Filipino at pagsasantabi sa wikang Ingles;

Nakaangkla sa pagtuturo ng Filipino ang pagtuturo ng kagandahang-asal.

Page 27: Glocafil Ver. 3

GURONG PERSONAL ***

“Ang guro ay manggagamot sa loob ng klasrum”.

-Finch, 2002

Batay sa mga kalahok: Sila ay nakikisama at

nakikisayaw sa tugtog ng mag-aaral;

Iwinawasto nila ang kamalian ng mag-aaral, may koneksyon man sa leksyon o personal na buhay.

Page 28: Glocafil Ver. 3

ANG MGA NAGALUGAD: Puspusan ang pagsisikhay ng mga guro na mapabuti ang

sarili Ang pamantayan ng pagiging huwaran ay ang kawastuan

ng paggamit ng wika sa loob at labas ng klasrum; Kaakibat ng kanilang pagiging guro ng Filipino ay ang

paghubog ng kaisipan at kagandahang-asal ng mga mag-aaral;

Mataas na antas ang target subalit hindi tiyak na mailarawan ito batay sa pamantayang ibinigay ng mga eksperto;

Nakakulong pa rin ang pagtuturo ng Filipino bilang malasakit sa bayan;

Page 29: Glocafil Ver. 3

Ang Sinalamin ng nagalugad...

Bagamat ang lahat ng mga persepyon at pamamaraan ay katanggap-tanggap,

hindi nito nasapol ang target na kasanayan sa AKADEMIKONG WIKA batay sa ibinigay ng mga eksperto.

Page 30: Glocafil Ver. 3

ANO ANG ATING MAGAGAWA?

Kailangan ang pagbalikwas (at di pagtalikod sa nakagawian na) upang makita ang higit pang mahalagang dapat pagtuunan ng pansin sa klasrum sa Filipino... na ito ay higit pa sa pagmamahal sa wika, pagiging makabayan.

Hindi ito kabiguan ng kurikulum bagkus ay nilalantad nito ang mga aspektong dapat pang pag-ibayuhin sa mga palihan o maging sa mga programa sa mga nagmemedyor sa Filipino.

Page 31: Glocafil Ver. 3

ANG MASASABI KO LAMANG:

Maliban sa pagiging mabuting tao ay dapat maikintal sa isip ng bawat kabataang

Pilipino na siya ay may malaking tungkuling maging kapakipakinabang na mamamayan ng mundo. At kapag sinabing kapaki-pakinabang...(kailangan bang sa INGLES agad...

Di ba maaring sa FILIPINO muna bago ang lahat?

Page 32: Glocafil Ver. 3

Maraming salamat...

Mabuhay ang mga tagapagtaguyod ng

wikang Filipino!