gitnang uring fantasya at materyal na kahirapan sa neoliberalismo by rolando b. tolentino

39

Upload: ust-publishing-house

Post on 28-Jul-2015

2.097 views

Category:

Documents


95 download

DESCRIPTION

Ang lampas-lampasang aspirasyon, libre naman kahit pa matumal ang tsansang makamit, ng gitnang uring fantasya ang epektibo at makapangyarihang ethos at etika ng paggagap sa kolektibong pagdanas sa kasalatan: ang material na kahirapang kinasasadlakan ng nakararami. Epektibong napainternalisa ng estado ang kawalang-kapangyarihan ng mamamayang makadanas sa labas ng gitnang uring fantasya. Wala itong safety net para sa historikal at mayoryang naghihikahos. Ang mga kabanata sa libro ay pumapaimbalot sa paksang material na kahirapan at gitnang uring fantasya sa neoliberalismo. Ang tema ay ang pag-angat sa political na pagsusuri sa kulturang popular. Politikal ang pagsusuri dahil sa depolitisasyon ng kulturang popular sa sensibilidad ng tumatangkilik nito na tanggapin ang matatayog na pangarap kahit pa man salat ang batayang kondisyon.

TRANSCRIPT

Ang lampas-lampasang aspirasyon, libre naman kahit pa matumal ang tsansang makamit, ng gitnang uring fantasya ang epektibo at makapangyarihang ethos at etika ng paggagap sa kolektibong pagdanas sa kasalatan: ang materyal na kahirapang kinasasadlakan ng nakararami. Epektibong napainternalisa ng estado ang kawalang-kapangyarihan ng mamamayang makaranas sa labas ng gitnang uring fantasya. Wala itong safety net para sa historikal at mayoryang naghihikahos.

Ang mga kabanata sa libro ay pumapaimbalot sa paksang materyal na kahirapan at gitnang uring fantasya sa neoliberalismo. Ang tema ay ang pag-angat sa politikal na pagsusuri sa kulturang popular. Politikal ang pagsusuri dahil sa depolitisasyon ng kulturang popular sa sensibilidad ng tumatangkilik nito na tanggapin ang matatayog na pangarap kahit pa man salat ang batayang kondisyon.

Si ay fakulti ng University of the Philippines Film Institute. Siya ay awtor at editor ng mga libro hinggil sa kulturang popular, panitikan at media ng Pilipinas. Katambal nitong libro ang naunang nailathalang Pag-aklas/Pagbaklas/Pagbagtas: Politikal na Kritisismong Pampanitikan (UP Press, 2009). Siya ay tagapangulo ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino at Congress of Teachers and Educators for Nationalism and Democracy (CONTEND-UP). Siya rin ay fellow ng UP Institute of Creative Writing at dekano ng UP College of Mass Communication.

Ang disenyo ng pabalat at imahen sa section breaks ay kay Karl Fredrick M. Castro.

ng hinihikayat ng karanasan sa kulturang popular ay ang pagpapasulyap sa gitnang

uring buhay sa hinaharap. Ang miminsanang pag-ambon—malling, panonood ng libreng TV, ukay-ukay, pana-panahong pag-Jollibee—ay ginagawang normatibo sa pangarap na makamit ang posibilidad sa hinaharap.

University of Santo TomasPublishing HouseEspaña, Manila

Cover.indd 1 9/21/10 1:41:04 PM

Gitnang Uring Fantasyaat Materyal na Kahirapan sa Neoliberalismo:Politikal na Kritisismo ng Kulturang Popular

UST PUBLISHING HOUSEManila, Philippines

2010

Gitnang Uring Fantasya at Materyal na Kahirapan

sa Neoliberalismo:Politikal na Kritisismo ng Kulturang Popular

ROLANDO B. TOLENTINO

�iii

Introduksiyon

N ang magsimula ako sa pagsusuri at pagteteorya ng kulturang popular, inakala kong kinakausap ko ang

mga estudyanteng nalugmok, tulad ko, sa mga karanasan ng kulturang popular. Sa mga konsepto ng etnograpiya, urban culture, subersiyon, identity formation, walking the city (Michel de Certeau), post-modernismo, pluralidad ng identidad, multi- plisidad ng katotohanan, at post-iiiiistrukturalistang pagbasa nag- karoon ng konseptuwal na balangkas para bigyan-label ang karanasan. Parang matching type na exam, o anatomy test na pinagtatagpo ang aktuwal sa konseptuwal. Madalas kong maram- daman sa klase, halimbawa, hinggil sa post-modernismo— eklektisismo, pluralidad ng identidad, anti-metanaratibo, at iba pa—bilang lente ng pagdanas ng kasalukuyan, nagkakaroon ng empowerment ang estudyante dahil biglang may kidlat ng epiphany sa kaniyang dinaranas. Na kahit pa guni-guni ko lamang ito, kay hirap nang batakin ang estudyante lampas sa kaniya nang ginagawa.

Sa akin din naman nanggaling ang metapora na hindi naman puwedeng magdala ng maso’t piko sa Megamall para literal na tibagin ang iistruktura ng kapangyarihan sa pang-araw- araw. O magprotestang may megaphone, streamer at mob sa Megamall, maliban na lamang kung unyon ito, at maging gayon, wala namang lubos na nakapapansin sa kanilang ehersisyo ng

Introduksiyon

ix

sagradong karapatang magwelga, bagkus dini-disperse ng trak ng militar at tinatanggal ang mga lider ng unyon, at nabubuwag ni Henry Sy ang unyon. Ang espasyo ay nagpahihintulot lamang ng subersiyon sa pang-araw-araw: pedestrian malling para gawing tawiran ang aircon na espasyo ng mall tungo sa sasakyan; window shopping na nagpaparagdag ng katawang nag-aagawan sa lamig at hindi naman pala limitless na espasyo ng mall; subkultural na formasyon, tulad ng estudyanteng nagka-cutting classes kaya hindi na naka-uniporme, punkista, emo, ska at iba pa; at subkultural na praktis, tulad ng cruising, sex work, shoplifting, cellphone snatching, kidnapping at adbuction sa kalangitan ng konsumerismo. Namulat ang estudyante sa kalakaran ng malling, kulturang popular at limitadong aktuwal na protesta, at kuntento na sila sa ganitong kamulatan bilang self-reflexive gesture sa susunod nilang pagtungo sa langit, kung sasagi pa itong edukasyonal na kaalaman at kakayahan na magpabababa ng tama sa kasiyahan ng gitnang uring pagdanas.

Hindi rin miminsan na nagsabi ang mga estudyante ko sa pelikula sa pagtatapos ng semestre na hindi na sila maka- papanood ng sine nang lubos sa idioma ng kasiyahan, na ang kanilang nakuha sa klase ay sumasagka na sa dati ay buong- buong maligayang pagdanas ng aktibidad. O isang historian na nagsabi sa kaniyang kolum ukol sa aking papel kay Lino Brocka na kaniyang napakinggan na bakit hindi na lamang mag-enjoy sa sine, bakit kailangan pang iangat ang pagsusuri sa lebel ng di maiintindihang teorya? Sa isang banda, may kapangyarihan din ang pag-alam sa operasyon ng bagay at karanasan sa pang- araw-araw bilang orkestrasyon at governmentalidad ng aktuwal na operasyon ng estado. Sa tuwirang antas, naibabalik ang pasakit at pighati sa diskurso ng karanasang binubura ng puwersa ng estado, na ironic dahil naisasalin nang may hawak ng lehitimong fasismo ang karahasan ng malawakang kahirapan at korupsiyon nito sa pribilehiyadong idioma ng kasiyahan na produktibong lumilikha ng “docile subject” na pagkamamamayan

GitnangUringFantasyaatMateryalnaKahirapansaNeoliberalismo...

x

o ang pagtanggap na lamang sa pinakamarahas na karanasan, kahit normalisado ito, bilang exceptional, at ang manaka- nakang pagdanas ng aktuwal na panlipunang pag-angat, kahit kontraryo sa tunay na lagay, bilang normal at unibersal.

Sa kabilang banda, ang kaalaman ay kalakarang depoliti- sisasyon din dahil hindi naiaangkop sa anuman sa labas nito. Nakapaloob ang kaalaman—pati ang mga hanay ng subersiyon —sa internal na dekonstruksiyon ng karanasan. Wala pang konseptuwal na balangkas para pag-ugnayin ang internal at external na dekonstruksiyon ng karanasan. Lampas sa pag-alam at pagkadismaya, ano pa ang maaaring maging tuntungan para tumumbas sa aktuwal na pagbabalikwas? Kung ang kulturang popular ay dinaranas sa idioma ng gitnang uring kasiyahan, at ang pag-alam ay nakapagbabalikwas sa lebel ng imahinaryo ng gitnang uring fantasya, paano sisimulan ang kontraryong fantasy-production para sa aktuwal na pagbabalikwas? Kung gaya ng tinalakay ng kultural na kritikong Neferti Tadiar, na ang fantasy-production ay ang negosasyon sa aktuwal na kapang- yarihan ng mga naisantabing mamamayan at sektor, paano sisimulang aninagin at paunlarin ang pagsasalin ng fantasya tungo sa politikal na transformasyon? Paano gagawing politikal ang fantasya?

Ang kulturang popular ay ang lingguwistiko at kultural na translasyon ng gitnang uring fantasya o ang panuntunan ng pagkamamamayang nakabatay sa markers at mga muhon ng gitnang uring buhay. Gaya ng tatalakayin sa “Melankolia at Gitnang Uri,” ang istrukturang panlipunan ay may 20 porsiyentong napapabilang sa gitnang uri, gayong 80 porsiyento ay kabilang sa mahihirap at naghihikahos, at isang porsiyento lamang ang kumikita ng lampas-lampasan sa 99 porsiyento ng mamamayan. Ang gitnang uring fantasya ang sityo ng negosasyon sa pagitan ng 99 porsiyentong manaka-nakang napapagkalooban ng entry point at akses sa aktuwal na gitnang uring karanasan, at ng

Introduksiyon

xi

isang porsiyentong aktuwal na may hawak ng pang-ekonomiko at politikal na kapangyarihan. Ang access point ay tradisyonal, tulad ng edukasyon, espesipiko ang nursing at ICT (information, communication technology), kahit ang mga bokasyonal na kursong caregiving, medical transcription at review school ng oral communication sa Ingles; at di tradisyonal, tulad ng kamag- anak na OCW (overseas contract worker), pagnanakaw sa hanay ng lumpen proletaryado, paggamit sa katawan sa enter- tainment at sex work, at iba pang service sector industries para kumita.

Ang hinihikayat ng karanasan sa kulturang popular ay ang pagpapasulyap sa gitnang uring buhay sa hinaharap. Ang pagpupursigi sa kasalukuyan—sa kondisyon ng matinding limitasyon sa oportunidad at aktuwal na akses—ay upang maging di lamang aspirasyon kundi mantra ng kasalukuyang predi- kamento (na lugmok nga sa kolektibo kahit may kaantasang pagdanas sa malawakang kahirapan) ng pagpupursigi, at kung gayon, ang disposisyon ng kasalukuyang buhay bilang paratihang nagpupursigi, at ang pagtanggap sa disposisyong ito bilang normal. Ang pag-ambon ng aktuwal na karanasan sa gitnang uri ay nadadalumat bilang ang normal na kalakaran, at kung gayon, ang gitnang uring fantasya ang epektibo at makapangyarihang ethos at etika ng paggagap sa kolektibong pagdanas sa kasalatan. Pribatisado ito gaya nang matutunghayan sa libro. Epektibong napainternalisa ng estado—sa serialidad ng gobyernong kumukupkop sa dayuhang kapital bilang langis ng bangkarote at mangungurakot na pambansang sistema—ang kawalang-kapangyarihan ng mamamayang makaranas sa labas ng gitnang uring fantasya.

Wala itong safety net para sa historikal at mayoryang naghihikahos. Maging ang aktuwal na gitnang uri ay natali na sa produksiyon ng pagkakakitaan, ang maksimisasyon ng kaniyang intelektuwal at panlipunang kapital, maging ang korporeal na

GitnangUringFantasyaatMateryalnaKahirapansaNeoliberalismo...

xii

kapital, para mamintina ang padaos-daos na pagluwag ng kaniyang pang-ekonomiyang kalagayan. Hinihikayat ng estado ang mga negosyo na patagusin ang gitnang uring panun- tunan pati sa nagdarahop. Nakabibili ng load sa cellphone sa barya-baryang halaga. Nakabibili ng mga butil ng paminta at bawang. Lahat ng popular na produktong kosmetiko—sabon, gel, shampoo, whitener, toner, at iba pa—ay nabibili sa sachet. Kundi man, nakahuhulagbot ng pampormang damit sa sampayan ng iba, ng bagong cellphone mula sa naglalakad na nagkamaling sumagot nito sa mataong lugar, nakapapamakyaw ng cellphone mula sa mga pasaherong tinutukan sa FX, o natitirang alahas mula sa naglakas-loob na maglakad at mamasaheros na may abubot sa katawan. Sa tindi ng soft sell— na maaari nang ituring na hard sell sa panlipunang kondisyon ng bansa—ng multimedia advertising sa media conglomorates, pati ang epektibidad ng niche marketing, araw-araw na nadidiin ang paggamit ng mga bagay na mula sa luho ay naging pang-araw- araw na pangangailangan. Paano nga ba tayo nabuhay sa panahong walang cellphone?

Ang mga kabanata sa libro ay pumapaimbalot sa paksang materyal na kahirapan at gitnang uring fantasya sa neoliberalismo. Sa una pa man ay sinasaad na ang pangunahing psychical disjuncture kung saan ang kondisyon ng posibilidad ng kapangyarihan ng estado—gobyerno at malalaking negosyo—ay nakapapaghari. Ang tema ng libro ay ang pag-angat sa politikal na pagsusuri sa kulturang popular bilang lunsaran ng dalawang bagay: una, ang pagtukoy sa kondisyong sumisikil sa aktuwal na materyal na kondisyon, pagwaksi sa pagiging kulang sa materyal na lagay at marka ng gitnang uring panuntunan, at kung mag- kagayon, ang pribatisadong paghahabol sa panahon na walang sistemikong serbisyo publiko at pagtulong na mahihita sa estado, o ang gitnang uring fantasya bilang otokratikong sistema ng pag-eetsapuwera sa nakararami nang hindi man lamang nila mulat na matutukoy ito; at ikalawa, ang politikal sa pagsusuri

Introduksiyon

xiii

ng kulturang popular sa orkestrasyon ng estado ng pagkuku- mahog ng mamamayang naitsa na lamang mula sa barko, para lumangoy ng sarili nila, habulin ang barko tungo sa ginintuang sunset, at kung magpakaganito man, ang posibilidad ng korelatibong pagsusuri at pagkilos batay sa analitikal na perspektiba ng politikal sa kulturang popular para sa pagmu- mulat, pagpapakilos at pag-oorganisa ng mamamayan para sa rebolusyonaryong adhikain.

1. KaraOKE KOErSIyON: POLITIKaL Na PrOTESTa Sa KULTUraNG POPULar

Ilang beses kong natagpuan ang aking sarili sa open forum matapos ang panayam na nandadaot sa pagmamaniobra ng estadong nagpapahirap sa nakararami kung ano ang maaaring gawin sa nakadidismayang kondisyon ng bansa. Noong una, madalas ay wala akong sagot. Para bang hindi pa sapat na pinagbuhusan ko ng panahon na paglimian ang pagsusuri para maging matalas ang politikal at kultural na komentaryo. Binanggit pa ng isang iskolar na guro, hindi papel ng kritiko na mag-prescribe ng solusyon sa loob ng poder ng estado. May tendensiyang pumurol ang anumang bagay na nais maging solusyon, kayang tapatan ng mas nasa loob ng establisyimento na may valid points ang pagsusuri pero masyadong makitid, kundi man walang halaga, ang preskripsiyon sa pagbabago. O maaari ring maging suntok sa buwan, magiging band-aid lamang dahil paratihang sistemiko ang antas ng kahilingan sa pagbabago.

Sa kalaunan—ngayong mga panahon—ay nag-iisip na rin ako ng korolaryong metapora at trope ng pagbalikwas sa teksto-konteksto ng kulturang popular na maaaring umalingawngaw sa aktuwal na lipunan. Na tulad ng metapora, madulas at hindi lamang iisa ang tinutumbok, na ang rosas ay hindi lamang pagsisinta at pag-ibig, pagdurugo rin at katapangan, kahiwagahan at kaginhawaan. Trope naman ang mga imahen, tulad sa pani-

GitnangUringFantasyaatMateryalnaKahirapansaNeoliberalismo...

xi�

tikan, na maaaring makapagbigay-liwanag at makapagpaliwanag sa mas malaking kahulugan ng mga bagay at aksyon, na ang kayamanan sa loob ng baul na itinapon ni Padre Salvi sa El Filibusterismo, halimbawa, ay ang pagkupkop sa posibilidad ng rebolusyon, ng pagkahinog ng mamamayang yaman ng bansa para sa mas mataas na rebolusyonaryong gawain. Na ang pag- uudlot ng awtor na si Rizal sa rebolusyon ay hindi rin naman pagpanig sa reformismo kundi ang pagkilala ng mas kahandaan at preparasyon para sa rebolusyonaryong gawain. For better or worse, ang mismong buhay ni Rizal bilang exemplar ng kolonialismong Kastila, at higit pa rito, ang kaniyang kamatayan sa kamay ng kaayusang nagbigay-posibilidad sa kaniyang natatanging pagkatao ang naghudyat ng hangganan ng reformismo, at mala-kahandaan ng mamamayan para sa rebolusyon. “Mala-” dahil epektibo ring naipasa ang pamunuan ng rebolusyon mula sa ranggo ng anakpawis tungo sa lokal na elitista, na kung gayon, ang “mala-”kahandaan para sa sariling pagsasabansa ay kay daling inudlot ng pasahan ng namumunong kolonialismo, mula sa Kastila tungo sa mas makapangyarihang Amerikano.

In retrospect at hindsight ang pagsusuri ng metapora at trope sa teksto ng kulturang popular. Parang sa film class, nakapanood na ang mga estudyante bago pa man sila pumasok sa klase. Alam na nila kung paano manood ng sine kahit walang formal na nagturo nito. Ang inilalahok na lamang ng pagsusuri ay ang bokabularyo ng disiplina, maging ang paraan ng pagbasa—formal at kontekstuwal—sa mga pelikula. Na tulad ng pag-angat ng “kulturang popular” bilang mala-formal na disiplina (may mga klase na ukol rito, ginagamit na ang mga paksa para sa formal na papel, maging sa tesis at disertasyon pero walang mga departamento ng kulturang popular) at kahit magpaka- ganito, may interdisiplinaryong paraan ng pagbasa at pagsusuri sa mga teksto (karanasan) sa kulturang popular. Nagmo-malling ang mga estudyante; may mga preferensiya sa tugtog na pina-

Introduksiyon

x�

pakinggan, damit na sinusuot, gupit ng buhok, gimik places, modelo ng cellphones, at iba pa; ito ang henerasyong pinaka- babad sa kulturang popular sa global na diin sa mga industriya ng service sector, tulad ng entertainment, fashion, edukasyon, kalusugan, turismo, at iba pa. Sobrang babad na hindi na nila alam ang pagkulubot ng kanilang balat, pagtubo ng fungi at iba pang blemishes na lumilikha ng di perfektong karanasan, at ng amnesia sa anumang pasintabi sa pasakit at pighati.

Sa karaoke, etika ng partisipasyon ang paglahok ng lahat. At least once ay kailangang kumanta dahil hating kapatid naman ang bayad. Kaya whether-you-like-it-or-not, kakanta ka kahit wala kang boses, kahit nga sapilitan kahit pa alam naman ang etikang ito bago pa man pumaloob sa karanasan ng karaoke. Peer pressure gaya ng pagpili sa karaoke bilang bonding mode ng barkada o office mates. Peer pressure na nga na pinili itong lugar, peer pressure pa rin sa loob ng lugar. At ayaw ni Peer na may nagmamaganda, ayaw kumanta. Maaari lamang magmaganda sa tampok na aktibidad sa karaoke, ang pagkanta. O kundi man, hinihikayat ang pagkulot ng mga nota, pagiging song bird na bine-belt ang lahat ng bahagi ng kanta o parang acoustic music, the-mellow-touch.

Koersibo ang karaoke kahit walang nakatutok na baril. Hindi nakapapanghimok ito ng kontraryong pagkilos sa loob ng kuwarto ng karaoke o sa lounge. Kahalintulad ng pag-alinsunod sa kalakaran sa karaoke ang substansiya ng politikal na protesta sa kulturang popular. Hanggang guni-guni lamang ito, at maraming salamat po, doktor. Walang ibang magagawa kundi sumunod sa kalakaran. Ang politikal na protesta ay sa antas ng kamalayan lamang—pagkamulat tungo sa mas malaking konteksto ng partisipasyon at resepsiyon sa karanasan ng kulturang popular. At kahit magpakaganito, ang protesta ay hindi lubos na naga- ganap: wala namang “eksteriorisasyon” ang guni-guni maliban sa pagkibit-balikat, pag-ismid, paglampas lalo sa tono, at iba pa na

GitnangUringFantasyaatMateryalnaKahirapansaNeoliberalismo...

x�i

maaaring masapantaha bilang guni-guni o hindi. Malay at paki! Ang nag-aalumpihit ay ang nasa upuan, at sa utak lamang niya nagaganap ang rali. At tunay na wala ngang natigbak kahit isang bloke sa kingdom nina Sy, Gokongwei at Ayala.

Nagaganap ang pangkamalayang protesta dahil sa antas ng edukasyon hinggil sa pagdanas ng kulturang popular. Sa higit na marami, hindi masisilayan ang pagpula ng silangan dahil nga walang ibang environment na ipinadadama sa mall maliban ang sterile na perfektong pananghaliang panahon sa mala-kahong establisyimentong na nanliligaw ng aktuwal na panahon sa labas ng mall. At sa kamalayang protesta, di lubos ang kasiyahan sa resepsiyon sa mall kahit pa ito rin naman ang sentimiento ng sinumang dumaranas sa kulturang popular. Parating may sabit para muli’t muling tunghayan ang ideal na perfeksiyon sa ritualisasyon ng karanasan. May hibla ang sweater ng karanasan na napapansin pero hindi sapat para hugutin ito dahil baka ito ang hiblang makapapagdekonstrak sa karanasan. Kaya nananatiling lantad na hibla kahit nakakubli ito o sapilitang itinatago. Ano ang hiblang natutunghayan para lamang itago mo? Ano ang pinaniniwalaan mong hiblang bumubuo ng iyong panlipunang relasyon sa kasiyahan ng karanasan?

Sa punto ng industriya ng kultura na humuhubog ng mga produkto at serbisyo ng karanasan, hindi kakatwang ang lahat ay ibinabagay tungo sa higit pang eksplorasyon ng kasiyahan ng gitnang uring karanasang makakapanghimok ng higit pang pagbababad, pagtangkilik at kontraryong kamulatan (tungo sa pinakabagong produkto at serbisyong mabibili para madanas ang gitnang uring panuntunan, at ang kamulatan— literasi sa konsumpsiyon—ay uhay na magpapatindi ng pagna- nasa sa higit pang konsumpsiyon). Na kahit libre ang malling ay hindi pa rin nakatatakas sa kakatwang ritwalisasyon ng konsumpsiyon: nalalaman ang bago para mapasa-konsumer ito bago maluma. Retrospect din ang pagdanas ng mayorya ng

Introduksiyon

x�ii

mamamayan sa konsumerismo at karanasan. Napag-aralan na ng industriya ng kultura na ang kulay pula ay nakapagpapagutom kaya ito ang kulay ng mga higanteng fastfood, o sadyang nililito ang mga disenyo ng mall para makadanas ng pagkaligaw at nang sa gayon ay mas maraming shops ang mapasadahan at mas malakas ang pagkakataong mag-impulse buying, na nasa gitnang seksiyon ng shelf sa groseriya ang pinaka-premium na brands dahil ito ang unang matutunghayan ng mamimili bago matunghayan ang ibang mas murang opsyon sa mas di hayag na bahagi ng shelf. Paano magpoprotesta kung ang bawat saglit at lunan ng karanasan ay napag-aralan na tungo sa higit na konsumerismo ng gitnang uring buhay at produkto?

Ang politikal ay higit pang mataas na rekisito ng protesta —nanghihimok ito ng transformasyon lampas sa sarili ng indibidwal. Na parang oxymoron ang terminong “politikal na protesta sa kulturang popular” dahil paano mo itatransforma ang isang karanasan na ang ahensiya lamang ay sa indibidwal na antas, at magpakaganito, paano mo naman gagawing radikal ang isang bagay na pinuntirya ng industriya ng kultura at ng gobyerno bilang depolitisadong karanasan at pagninilalang— ang pagdanas ng langit ng kasiyahan ng gitnang uring fantasya? Na hindi nga maaaring ipolitisa ang kasiyahang ito dahil ito na ang tripleng negation ng karanasan: una, ang supplanting ng manaka-naka at panandaling kasiyahan para sa mas malaking kalakaran ng wika sa pasakit at pighati sa karanasang kahirapan at elitismo, na ang espasyo ng pagtunghay sa karanasan, tulad ng mall at sine, ay tunay na relief sa historikal at panlipunang realidad; ikalawa, ang pagpapalit ng ahensiya ng indibidwal sa pagdalumat ng karanasan sa estado na tila partnership ang isinasaad gayong wala namang pakialam ang estado kundi ang paglikha ng produktibong docile subject sa mamamayan nito; at ikatlo, ang replacement ng karanasan sa kulturang popular sa utopia at praxis ng pagrerebolusyon.

GitnangUringFantasyaatMateryalnaKahirapansaNeoliberalismo...

x�iii

Na kahit nga magkaroon ng kritikalidad sa karanasan, ang mismong kolektibidad ng indibidwal na dumaranas nito ay mayroon nang self-reflexive na postura sa karanasan: inside out o may kamulatang panlabas sa pagpaloob, at outside in o may kamulatang panloob sa panlabas. Isang paa ay nasa labas ng pinto ng pagdanas gayong ang isa ay nananatiling nasa loob. Sino ang may powers na kayanin ang sukdulang disavowal ng karanasan? Sa bansa, ang mga katutubo at mamamayan na lamang na namumuhay sa sekluded na espasyong di pa rin nababahiran ng karanasan sa modernidad, o ang mga nagre- rebolusyong di nakapasok sa mantra ng gitnang uring fantasya ang pagdanas sa kulturang popular. At kung gayon, may kontraryong kosmopolitanismo na isinasaad ng di pagdanas sa idioma ng karanasan ng pambansang modernidad.

Ang kontraryong kosmopolitanismo ang nagpapatunghay sa kontra-produktibong kalidad ng kosmopolitanismo ng pambansang modernidad. Ang pambansang modernidad ay nakaangkla sa pagpapadanas ng gitnang uring fantasya bilang kalakaran para maitago ang perpetwasyon ng kahirapan at elitismo, kasama ang korupsiyon at siste ng patronahe. Ang kalidad ng kosmopolitanismo ay tungo sa pagkakaroon ng kawing sa aktuwal na may hawak ng kapangyarihang politikal at ekonomiya, at ang pagpapalaganap ng pamamatronahe bilang kalakarang panlipunan. Ang panlipunang kapital (social capital) na nagbibigay-diin sa indibidwal na pag-angat sa pamamagitan ng network ng kakilala ang pangunahing kalakaran para sa pagnanasang kumalas/tumakas sa kasalukuyang mababang predikamento. Maghahanap ng patron na makatutulong ang mayoryang nasa ibaba gayong ang mga idolo at politiko ay nangangako lamang ng posibilidad ng pag-angat, hindi ng aktuwal na pag-angat. At nakasasapat na ang pangako para sa posibilidad para mamintina ang hegemoniya ng kalakarang kosmopolitanismo.

Introduksiyon

xix

Ang masamang balita, kung gayon, ay walang kalakarang politikal na protesta sa kulturang popular. Walang matagumpay na consumer group sa bansa, walang nagtagumpay na boykot ng mga produkto at serbisyo ng mapanupil na korporasyong nagmamay-ari nito. Napatay si Ka Fort, ang lider-unyon sa Nestle, pero hindi naging malawakan ang panawagan para boykotin ang mga produkto ng kompanyang nagpapalaganap ng karahasan sa manggagawa at unyon nito. Nagwelga ang manggagawa ng ShoeMart (SM) at Kowloon Siopao pero hindi napatumba ng panawagang boykot ang mga mapanupil na kalakaran ng mga negosyo. At ito ang napagtagumpayan ng negosyo, ang pagdanas sa produkto at serbisyo bilang materyalisasyon ng gitnang uring fantasya. Paano mo iisipin na mapanupil ang kalakarang sub- contracting at union busting sa SM gayong invisible naman ang operasyonalisasyon nito sa establisyimento? Kaya ba wala tayong nagiging kaibigang dispatsadora, barista, crew, at iba pa? Dahil naliligwak na sila bago pa man tayo magkaroon ng pantaong relasyon sa kanila, o hindi rin naman araw-araw ang pagtangkilik sa negosyong pinagtatrabahuhan nila.

Sa aking childhood memory ng pasalubong na siopao mula sa Kowloon (kahit mas personal kong naging paborito ngayon ang Ma Mon Luk, na iba pa ring nostalgia sa mas matandang edad), o ang manaka-nakang pagmo-malling at ang panonood ng sine at pagpapalipas ng oras sa loob ng mall sa panahong may limang oras na blackout sa bansa, at sa ibang pinalaki ng Disney channel, treat ang panonood ng Disney film o ang pagkain ng kiddie meal na mayroong laruan mula sa pinakabagong pelikula ng Disney, ang pasalubong na mahal na Disney na damit mula sa kamag-anak na nakapagtrabaho sa labas ng bansa—paano magiging exploitative at pang-uring kaaway ang negosyong nagpapadaloy ng gitnang uring fantasya? Ang kontraryong kosmopolitanismo ay di lamang nagpapamulat sa operasyon ng gitnang uring fantasya kundi pinapatid mismo ang fantasyang ito, nagbibigay ng alternatibong direksiyon

GitnangUringFantasyaatMateryalnaKahirapansaNeoliberalismo...

xx

sa produktibong fantasy-ideal na sumasaklaw sa kolektibong pagpupursigi para sa kabutihan ng nakararami. Saan mabibili, este, matatagpuan ito?

Ang politikal na protesta ay matatagpuan sa labas ng karanasan ng kulturang popular. Hindi ito reaksiyon sa operasyonalisasyon ng kulturang popular, pero kabahagi rin ito. Ang kosmopolitanismo ng politikal na protesta ay pagdadala ng agenda (fantasy-ideal) ng organisadong mamamayan para sa pagpapatupad ng hustisya sosyal, ekonomiyang kagalingan, at politikal na empowerment, mga bagay na wala sa pangunahing purview ng estado. Hindi rin ito “asersiyon” (kung matatawag ngang ganito) ng kasalukuyang civil society, ang paggigiit sa estado ng karapatan para sa civil na karapatan na nakabatay sa definisyon at kalakaran pa rin ng gitnang uring fantasya ng pagkamamamayan. Ang politikal na protesta, kung gayon, ay matatagpuan sa lansangan, kanayunan, kabundukan, sa mga pabrika, komunidad at paaralang nagsusulong ng kilusang mamamayan.

Hindi ko iniisip na hardline ang ganitong panuntunan ng politikal na protesta. Kung iisipin, walang ibang makakapatid sa gitnang uring fantasya kundi ang literal sa pangunahin at figuratibo sa pangalawang usapin na gawaing rebolusyon, ang pagtatalaga ng utopia ng hustisya sosyal, ekonomiyang kagalingan at politikal na empowerment para sa mamamayan, across-the- board o para sa lahat. Kung iisipin pa nga, hardline na naporma at nasubstansiya ang produktibong docile subject na mamamayan sa pamamagitan ng gitnang uring fantasya. Na gaya ng aking paliwanag, ito ay hindi maitatatwa ng simpleng pagtatatwa lamang dahil sa pananakop ng karanasan sa lahat ng spero ng modernong buhay. Na ang mismong kamalayan ay nakolonisa na rin, at hindi rin makakaranas ng lunan na hubad sa karanasan, hubad sa kasiyahan.

Introduksiyon

xxi

Sa karaoke, dalawa ang isinasaad ng pagbabago ng kulay ng sinusundang titik—ang kapasidad na sumabay, at ang pag- alinsabay na may lakas o tikas ng paninindigan (tandaan ang karaoke score ay nakabatay din sa lakas ng boses). Maging ang politikal na protesta ay itinalaga na lamang sa praxis ng pang- araw-araw at pagtanggap na nga sa pluralidad ng identidad at subject position. Pinasasabay ang hine-herald na identidad para sa asersiyon ng ahensiya, hindi ng indibidwal kundi ng aspekto ng kaniyang pagiging subject. Ang identity politics ay nakatalaga para bigyang-resonance ang alingawngaw ng sarili na hindi ito lubos na natimpi, kahit pa ang episodikong binibigkas nito ay bahagi na ng script sa pagiging—at hindi kailanman magiging lubos—mamamayan. Nasa domain ng kilusang masa ang imahinaryong makababaklas ng gitnang uring fantasya, nakasalig sa utopia ng pagbibigay-diin sa kontraryong kosmopolitanismong hindi binibigyang-ngalan ng gitnang uring fantasya, ang utopia ng sambayanang nakikibaka para sa tunay na ikakalaya at ikakabuti ng mamamayan nito.

2. MELaNKOLIa NG GITNaNG UrI

Ang melankolia ay isang mental na estado ng pagluluksa (mourning). Ang sintomas ay depression, at mas matindi raw ito tuwing umaga. Nagigising pa nga ang may melankolia dalawang oras bago ang normal na oras ng gising nito. At aarangkada na naman ang depression, magnanais ulit matulog, may tendensiyang maging anorexic, at kinatatampukan ng labis na o maling pag-ako ng guilt.

Sa psychoanalysis, mayroong tanging puwang ang melankolia. Paratihan ang pagluluksa sa love object, at hindi magawang ilibing ito. Ang patay (love object) ay maaaring naunsyaming pag-ibig (na kahit wala na ay iniisip na mayroon pa rin o ang posibilidad nito), aktuwal na namatay na magulang (at kung gayon, hindi maibsan ang guilt kung ano pa ang dapat

GitnangUringFantasyaatMateryalnaKahirapansaNeoliberalismo...

xxii

ginawa bago namatay ito), kamusmusan (childhood), at kung ano pang bagay o pangyayari na hindi pa handang maiwalay sa pagkatao.

Sa politika, ang melankolia ay ang sistematisasyon ng pag-aabang sa nais dumating kahit mas malaki ang posibilidad na hindi ito makakarating. “Waiting for Godot” ang tipo nito, tulad ng dula ni Samuel Beckett ukol sa dalawang tauhang nag-uusap ukol sa inaantay ng isa, at sa katapusan ng dula, hindi dumating ang pinakaaasam. Sa politika, tayo ay nagka- karoon ng substansiya ng pagkamamamayan sa pamamagitan ng paratihang pag-aantay. “All that we are is in the waiting,” wika sa isang pelikula.

Nag-aantay tayo ng tunay na pagbabago. Isang pangulong hindi magiging gahaman, hindi lubos ang pangungurakot, may kapasidad na mag-moderate ng greed. Isang pamahalaang pinahahalagahan ang serbisyo publiko, hindi ang pananaw na ang publiko ang magseserbisyo sa kaniya. Isang pamayanang ligtas sa kapahamakan, maunlad at makatao. Isang lipunang may trabaho, katarungan at nakasasapat na kita para sa lahat.... “Gumising ka, Maruja!”

Kahit si Maruja ay hindi gigising. Paratihan na lamang nag-aantay sa pagbabago ang mamamayan. Manaka-naka, sa charity work ng gobyerno ni Gloria Arroyo, o sa sachet economy ng negosyo, ang underclass ay makakaranas ng pagbubukas ng gate ng gitnang uring buhay. Panandaliang luluhod ang mga tala, at makakabangon at makakaganti ang sistematikong inapi sa kasaysayan. At dahil madalang magbukas ang gate, madalas kaysa minsan, natatagpuan ng mamamayan na nag-aantay at nag-aabang.

Para mapabilang sa gitnang uri, ang taunang kita ay dapat nakapaloob sa ₧251,283 hanggang ₧2,045,280. Sa sosyo-ekonomikong katangian, ang gitnang uring pamilya ay dapat nakapasok sa lahat ng sumusunod na mga requirement: “1) whose

Introduksiyon

xxiii

housing unit is made of strong roof materyals; 2) who owns a house and lot; 3) who owns a refrigerator; and 4) who owns a radio.” Natagpuan ng pag-aaral ng National Statistics Office na ang pangkalahatang populasyon ay gumagasta ng mga sumusunod: 1) pagkain, 46.58 porsiyento; 2) pabahay at pag- kumpuni, 16.8 porsiyento; 3) transportasyon at komunikasyon, 7.52 porsiyento; 4) gasolina, ilaw at tubig, 6.95 porsiyento; at 5) edukasyon, 3.83 porsiyento.

Batay pa rin sa pag-aaral, ang pinakamababang pinagka- kagastusan ay ang mga sumusunod: 1) libangan, 0.38 porsiyento; 2) iba pang bagay, 1.04 porsiyento; 3) tabako, 1.19 porsiyento; 4) kalakaran sa bahay, 1.23 porsiyento; at 5) gamit at kasangkapan sa bahay, 1.76 porsiyento. Maging ang gitnang uri sa bansa ay hindi rin nakapaglulustay nang lampasan. May pagkakahalintulad ang kaniyang paggastos sa nakararami sa populasyon.

Makitid ang gitnang uring populasyon at buhay sa bansa. Ayon sa isang pag-aaral ng National Statistical Coordination Board, may dalawang porsiyentong puntong pagbaba sa populasyon mula noong 2000 hanggang 2003. Bumaba rin ng 4.6 porsiyentong punto ang bilang ng gitnang uring pamilya na may overseas contract worker na miyembro. Nauna nang lumiit ang mataas at gitnang uri sa bansa mula 1997 to 2000. Noong 2003, isa sa isang daang pamilya ay kabilang sa uring may mataas na kita; 20 porsiyento lamang ang gitnang uri, at 80 porsiyento ay kabilang sa mababang uri.

Sa anim na taon mula 1997 hanggang 2003, sa bawat 100 pamilya na nasa gitnang uri, tatlong pamilya ang nalaglag sa mababang uri. Ang penomenon ng “collapsing middle class” ay nagaganap di lamang sa Pilipinas kundi maging sa U.S., bumaba mula 48.2 porsiyento tungo sa 44.3 porsiyento sa nakaraang dalawang dekada. Bakit at paano nag-aastang mayaman si Juan Maralita?

GitnangUringFantasyaatMateryalnaKahirapansaNeoliberalismo...

xxi�

Astang mayaman si Juan at Juana dahil hindi sila aktuwal na mayaman. Ang “asta” ay artifice sa gitna ng malawakan at malalimang kahirapan sa bansa. Ito ay panlabas na posisyon dahil ang panloob ay hindi aktuwal na gitnang uri. Umaasta dahil ang substansasyon ng gitnang uri ay napatagos bilang aura (sabayang pagkalutang sa ere at pataasan ng ihi) ng kontem- poraneong buhay.

Mayroong melankolia ang gitnang uri dahil sa dalawang bagay. Una, intermittent ang gitnang uring buhay, na sa isang aksidente, trahedya, matinding pagkakasakit o sabayang enroll- ment ng mga anak ay hindi na nakakayanang matustusan ng sariling kita, nangungutang na kundi man nakapagsasangla at nakapagbebenta ng mga ari-arian (kaya rin hindi nakapagtataka na ang sobrang kita ng gitnang uri ay nauuwi sa mga bagay na mapreprenda: alahas, magic mike, appliances, I-pod at MP4 player, at iba pa). Serialisadong melankolia dahil panandalian lamang ang posisyon ng gitnang uri. Paratihang nagsisimula na naman sa sikliko ng pagtratrabaho, pagtustos sa malakihang gastos, pangungutang, pagbabayad-utang, at muling pagtatrabaho.

Ikalawa, hindi naman talaga gitnang uri ang “gitnang uri.” Mas tukoy pa ng “gitnang uri” ang substansiya ng formasyon ng mamamayan: oratiko lamang ito kahit pa ito ang lente ng pagdanas ng kasapatan, hindi kasalatan dulot ng paghihikahos. Substansiya ito na siyang bumabalot sa ubod at artifice, na kahit nga mas mababa sa gitnang uri, mas mayorya sa gitnang uri, mas hindi kaysa lubos na gitnang uri, napapaastang gitnang uri ang gusto—lifestyle, kalakaran, operasyonalisasyon, tunguhin at kalidad ng buhay—ng hindi aktuwal na gitnang uri.

Melankolia dahil paratihang ibinabalik ng pagiging di gitnang uri—ang mayoryang underclass—ang gitnang uri. Na kahit saglit at panandalian itong nadaranas, kahit mas matagal ang kinakailangang paggawa para kumita, itinuturing na ito bilang preferensiya ng kalidad ng buhay. Ayaw ilibing dahil sino

Introduksiyon

xx�

ang gustong tumanaw sa sarili sa tumpok ng basura? Ang bundok ng basura ay tinatanaw lamang, mula sa pinakamalapit, sa tarangkahan ng tahanan. Sa loob ng tahanan, maitatatwa pa ang kahirapan.

Ano pa ang kapasidad ng sarili na makapagtatwa ng kahirapan? Sa lente ng buhay ng gitnang uri, ang uring afiliasyon ay nagbabago. Nagkakaroon ng pagtatraydor (betrayal) sa uring pinagmulan (class origin) para ang identifikasyon ay pumanig sa abstraksiyon at materyalisasyon ng gitnang uri. Abstraksiyon ito dahil nga sa mas maraming pagkakataon ay dinaranas lamang ito sa malawakang antas ng fantasya, ng imahinaryong makakamit din ang gitnang uri sa di malayong hinaharap. Materyalisasyon ito dahil nga sa pamamagitan ng sachet economy, charity at casino public service, manaka-nakang napaparating ang pribilehiyadong karanasan ng gitnang uri.

At ito ang kondisyon ng posibilidad para aktuwal na madanas ang gitnang uring fantasya ng mga nagdarahop. Nililikha ang gitnang uri bilang ideal. Na dahil nalikha ito ng fasismo at industriyang pangkultura bilang ideal, kahit hindi ito perfekto at muhon ay napapaniwala ang sarili sa ego-ideal na ito: ito ang panuntunan ng kontemporaryong buhay, ng posibilidad ng kalidad ng buhay ng modernong mamamayan. Maigting ang kolektibong fantasya kaya wala nang nakikitang ibang direksiyon ng buhay sa labas ng imahinaryong ito. Tulad ng imahinaryo, ang gitnang uri ay nililikha bilang abot-kamay, abot-tanaw na panuntunan. Parang kay daling abutin kahit hindi.

May isang bata na nagsabi sa kaniyang magulang, “Sana sa mall na lang tayo nakatira.” Malamang, ang bata ay nasa loob pa lamang ng mall nang sambitin niya ito. At kakatwa na ito. Una, alam niyang temporal lamang ang saglit na kasiyahan, at ito ay wish-fulfillment pa nga dahil sa mas mabigat ang kondisyon ng materyal na kahirapan. At ikalawa, hindi pa nga patay, pinatay na ng bata ang karanasan. Dinaranas pa nga

GitnangUringFantasyaatMateryalnaKahirapansaNeoliberalismo...

xx�i

lamang niya ang kasiyahan ay nagkakaroon na ito ng pagluluksa sa katiyakan ng lahat ng malling, ang pagtatapos nito.

Ang akses man sa kulturang popular ay sa pamamagitan ng gitnang uring panuntunan. Kailangang gumasta—ibig ding sabihin, kailangang tumbasan ng lakas-paggawa—para makaranas ng kulturang popular. Gitnang uring panuntunan ito dahil ito ang kayang abutin ng 80 porsiyento ng populasyon, at willing din bumaba ng makapangyarihang isang porsiyento. Kailangan ding magtrabaho para makapagsine, makakain sa fastfood, makapanood ng laban ni Manny Pacquiao, makapag-yaya ng cartoon at animal channel, magkaroon ng higit pang kultural na kapital sa cable channel na pang-animé at fashion TV, dahil hindi libre ang mga ito.

Pribadong pinararanas ang akses dahil sa naturalisasyon ng gitnang uring panuntunan. Nagtratrabaho (kasama ang pagnanakaw ng lumpen prolet) ang lahat para kumita. Ang kinita ay ginagasta, at tayong nagtatrabaho ay nagbabayad para sa pinakamalawak na libangan—ang pag-alinsabay sa fantasya ng gitnang uri. Para makapag-malling nang libre, kailangang may gitnang uring suot na gagastusan din. Para makapanood ng free channels, o makapakinig sa radyo, kailangang may pambili ng appliances.

Parang libre kahit hindi. Parang magaan lamang ang pagtatrabaho para matustusan ang libangan kahit hindi. Parang magaan kahit mabigat. Parang buhay kahit pamatay. Parang oo kahit hindi. Parang dahil hindi aktuwal. Ang pagpostura ng fantasya ng gitnang uri sa malawakan at maramihang idioma ng kasiyahan ay nagsasaad din ng melankolia. Sa gitnang uri, may sabayang realisasyon ng imahinaryo ng pag-angat at ng aktuwalidad ng mabigat na paghihirap at kahirapan.

Nagpapaalam tayo sa pasakit at pighati para matagpuan ang kasiyahan. Hindi naman kasiya-siya ang pagiging KJ (kill

Introduksiyon

xx�ii

joy) o pabigat sa grupo. Ano ang ligayang nadarama habang kumakain ka sa mamahaling restaurant na alam mong ginagasta mo ang huli mong pera sa wallet? Ano ang ligayang dulot ng pakikipagrelasyon kahit pa alam mo rin namang hindi ito magtatagal? O ang pinangasawa ay dahil lamang kumbinyente at hindi dahil true love? Alam pero dedma na. Dedma na para hindi alam.

May ligaya sa kamangmangan ang umaastang gitnang uri. Kahilingang i-off ang switch ng aktuwalisasyon ng kahirapan para madanas ang ilang saglit na may kuryente sa kuwarto, matanaw ang sarili sa salamin na buo naman at hindi asiwa, matanaw ang bundok ng basura mula sa bintanang maaari namang maisara. Ito pa lamang ay pamumulubi na dahil sa pag- aasta—na malamang ay ito na ang realisasyon ng panuntunan—naririnig pa rin ang kalansing ng pagkahulog ng barya-baryang biyaya ng gitnang uri.

Dahil napakatahimik ng kuwarto, lahat ay nag-aabang sa kalansing kaya hindi naririnig ang kumakalam na sikmura, ang bumibigat na paglunok sa lalamunan, ang sinisikil na paghinga o ang mga ugat sa kamaong tumitigas. Sa bawat saglit ng abang buhay—ang kolektibisasyon ng 80 porsiyentong mababang uri at 20 porsiyentong gitnang uri—napapaindayog sa kumpas ng tugtog ng isang porsiyento. Para walang marinig, walang ibang madaranas kundi ang nakapanghahalinang paghehele ng mga sirena ng gitnang uri.

Patay na ang gitnang uri, mabuhay ang gitnang uri!

3. MATeRYAl NA KAHIRAPAN, GITNANG URING FANTASYA

Ang nostalgia ay isang sakit ng “home sickness” na unang binanggit na umaatake sa mga mandaragat (sailor) na Griyego. Dumaranas ng matinding kalungkutan ang nagno-nostalgia, at ang nasa isip nito ay ang kaniyang tahanan. Ang tahanan ang

GitnangUringFantasyaatMateryalnaKahirapansaNeoliberalismo...

xx�iii

sityo ng alaala, ang inaakalang angkla ng buhay. Pero ang irony nito ay wala namang perfektong tahanan o alaala nito.

Ang kakatwa sa kasalukuyang mobilisasyon ng nostalgia sa kulturang popular ay ipinapaako ang alaalang hindi naman sa indibidwal, o hindi aktuwal na dinanas ng indibidwal. Ang kulturang popular ay may kapasidad na humulma ng ideal na mamamayan at indibidwal. Ipinapaako nito ang menu ng serbisyo at produkto sa indibidwal bilang sa kaniya. At ang indibidwal naman, inaako ito dahil ang mga tinatangkilik niyang kulturang popular—brand ng damit, cellphone model, Facebook page, at iba pa, halimbawa—ay tagni-tagning substan- sasyon kung sino siya, kung ano ang halaga niya, na nakabatay naman sa mga panuntunang itinakda rin mismo ng kulturang popular.

Ang mas kakatwa pa rito, ang kulturang popular, sa klase ng mobilisasyon nito ng nostalgia sa gitnang uring karanasan ng pagkabata, pagbibinata at pagdadalaga, at pagtanda, halimbawa, ay epektibong napapatangkilik—kahit hindi aktuwal na napapabili sa mga serbisyo at produkto, puwede na muna ang literasi lamang sa menu—kahit sa abang uri. Itong “puwede- puwede na muna” ng estado ng indibidwal na abang mahirap ay mahalaga pa ring investment ng industriyang kultural dahil inaako na ng indibidwal ang mga gitnang uring panuntunan kung paano siya maging tao at magkaroon ng modernong pagkatao.

Ang kaniyang materyal na kahirapan ay napapalitan ng imahinaryo ng abot-tanaw (puwede-puwede na muna), at abot- kamay na gitnang uring panuntunan ng buhay. Ang kalitatibong buhay ay nadadalumat naman sa kantitatibong pagtangkilik sa panuntunan ng gitnang uri. Ang imahinaryo ng abang indibidwal, kung gayon, ay naka-project sa hinaharap dahil nga ang kasalukuyang materyalidad ng abang lagay ay hindi akma bilang receptacle ng gitnang uring. Ang pinabibili lang sa kaniya

Introduksiyon

xxix

ay ang reformistang ethos dulot ng paniniwala at pagsasabuhay ng gitnang uring fantasya.

Ito ang mirage at oasis ng materyal na kahirapan, na mayroon pang mas magandang buhay lampas nito. Na mayroon naman, ang hindi isinasaad sa litrato, tulad sa oasis ay kung paano tutungo rito. May gintong yaman nga bang nag-aantay sa dulo ng bahaghari? O kaya bang hindi tulugan ang paghele ng nakapanghahalinang pag-awit ng Ibong Adarna? Ano ang “kalamansi sa sugat,” ang folklorikong tugon ng mabuting prinsipe nang hindi siya ipaghele ng ibon, sa kulturang popular?

Ang nangyari sa edad ng neoliberalismo ay ang pag- tanggal ng welfare na aspekto ng estado, ang pag-alis ng inaasahang tulong ng mga mamamayang nawalan ng kabutihan ng buhay dulot ng masibong ekonomiyang maniobra ng pamahalaan at negosyo. Kung nawala ito, ang direksiyon ay tungo sa kaniya-kaniyang pagsagip ng sarili. Wala nang katiyakan ang bukas, o kundi man, wala nang maasahan sa gobyerno dahil nagsisiste na ito sa sariling papel sa global na buhay— ang buksan ang landas para sa pagpasok ng dayuhang kapital, at ang pagsasabatas ng mga alituntuning kaugnay nito.

At dati nang walang pretensyon ang negosyo na may pakialam pa sila sa kanilang empleyado at mamamayan. Gawad Kalinga mode, o tax shelter sa pamamagitan ng pagtatanim ng puno o suporta sa child abuse na foundation, na pawang beautification na pinangungunahan din naman ng opisina ng mga higanteng korporasyon naghahanap di lamang ng tax shelter kundi ng panlipunang branding, nang higit pa sa kanilang korporatisadong naratibo. “In the service of the Filipino people” kumbaga, na holistikong lapit dahil nga mayroon pa ring kung anong mas egalitaryong adhikain na ipinapatupad. Egalitaryo pero para kanino?

GitnangUringFantasyaatMateryalnaKahirapansaNeoliberalismo...

xxx

Charity case ang tingin ng negosyo sa anumang proyekto sa labas ng kalakarang negosyo. Ipinapatupad bilang bonus lamang, o pagkatapos kumita batay sa tinarget. Kaya walang maasahan ang abang indibidwal kundi lumapat sa kaayusan ng neoliberalismo. Pribatisado na ang gitnang uring fantasya, tulad ng pagsasapribatisado ng ekonomiya ng estado—ipinindeho na ang mga pampublikong serbisyo, tulad ng tubig, kuryente, petroleum, transportasyon, at iba pa—sa kamay ng malalaking negosyo.

Ang rekurso ng abang mamamayan ay manalig na rin sa gitnang uring fantasya—ito o ano pa? Wala nang lampas pa rito. Ito na ang kaniyang light at the end of the tunnel, ang single spark sa panahon ng bagyo, ang biglang lumabas na nakatagong kuwarta nang inakalang wala nang pera. Isinusugal niya ang kaniyang kinabukasan dahil ang materyal na kasalukuyan—kasama ng historikal na uring pinanggalingan— ay hindi nakasasapat. Araw-araw siyang tataya sa jueteng, lingguhan sa lotto, peryodiko sa karera, paminsan-minsan sa casino ng gobyerno.

Nadadale siya sa pyramiding scheme na get-rich-quick na modalidad na pang-ekonomiyang pag-angat. At pati ang mababang gitnang uri, pati nga ang mismong gitnang uri, ay nakasasanayan na rin ito. Intermittent lang ang posisyonalidad ng gitnang uri sa bansa. Hindi ito panghabangbuhay, walang kontratang pinirmahan. Bagkus, mas madali pa ngang bumaba ang gitnang uri sa abang uri dahil sa klase ng panlipunang materyalisasyon ng krisis at disaster, na maging ang domestikong larangan ay naapektuhan.

Nalulugi siya sa negosyong pinasok. Natatalo sa mga isinugal. Nangungutang kapag may nagkakasakit sa pamilya. Nagkakandakumahog kapag may naaksidente. Slide siya mula sa kaniyang tore tungo sa kalakaran ng kalsada o mas liblib pa, at sa poder sa labas ng opisyal na estado. At kahit magpakaganito,

Introduksiyon

xxxi

ang kaniyang loyalty ay sa sinumpaang nakaaangat na uri. Hindi niya kagyat na marerealisa ang estadong nouveau poor. Magkakandakumahog pa rin itong panatilihin ang kaniyang pagiging gitnang uri.

Na kahit ang isinasaad ay sa gitnang uri, sa materyalidad ng kaniyang ekonomiyang lagay, nananatiling fantasya ang ethos ng kanilang kolektibong buhay. Silang gitnang uri ay naniniwala sa imahinaryo ng gitnang uring fantasya. At bahagi ng gitnang uring fantasya ang ilang perks ng civil society: liberal na demokrasya, People Power, citizens’ assembly, pressure politics, civil rights, at iba pa. Dahil sa apropriasyon ng gitnang uri sa civil society, sila ang nagtakda ng substansasyon nito sa pama- magitan ng pagtukoy ng mga aktibidad na magmimitolohiya sa sibilyan na aspekto ng lipunan, na parang may papel nga ito sa pamamalakad ng pamahalaan at kontrol ng kalabisan ng negosyo.

Kinarir nila ang civil society na nawalan na ng politikal na bisa. At ang nangyari ay ang “bourgeoisifikasyon” ng civil society, kundi man, ang middle-classification nito. Magka- kabahay ka, pero huwag kang mag-reproductive health. Magkakabahay ka, babae, pero sa asawa mo ipapangalan ito. Tutulong pero may strings attached. Tutulong dahil may relihiyo-politikal na agendang nagtataguyod ng burgis na interes.

Hindi isinasaad na walang politikal na gitnang uri. Hindi magtatagumpay ang dalawang People Power nang walang masibong suporta ng gitnang uri. Ang una ay dahil sila mismo ay naetsapuwera na sa burukrata kapitalismo ni Marcos na nagbigay-pribilehiyo sa kanilang cronies. Ang ikalawa, ayon sa ilang sosyologo at siyentista ng politika, ay dahil hindi nakayanan ng gitnang uring panuntunan ang labis na pamba- babae, pagsusugal at iba pang bisyo at imoralidad ng “masang” pangulo. At nagtagumpay ito sa patuloy na vigilance ng gitnang uri. Kaya sila mismo ang nakaranas ng “People Power fatigue,” ang inaakalang sakit sa malamyang partisipasyon ng malawakang

GitnangUringFantasyaatMateryalnaKahirapansaNeoliberalismo...

xxxii

hanay ng gitnang uri at kritikal na masa sa pagpapatalsik ng bangkaroteng pagkapangulo ni Arroyo.

Kung gayon, may politikal na gitnang uring fantasya rin. Ang naging swing ng neoliberalismo ng ekonomiya ay neokonser- batismo ng politika, at ang patunay nito ay ang neokonserbatismo ng kultura. Kulturang popular na lamang ang malawakang tinatangkilik, at dito na lamang naghahanap ng subersibong kahulugan at pagbasa na taliwas sa hegemoniya ng naghaharing uri. Akademiko ang treatment, at alam natin na walang nabago ang akademya sa praktika ng pag-iisip at pagkilos ng malawakang mamamayan.

Negosyo ang nagpabuti ng buhay sa pamamagitan ng komersyalisasyon ng mga syentifikong pagtuklas ng akademya. Ang Weberian analysis na binabanggit sa kolum sa diyaryo ay walang katumbas na praktika ng good governance na account- able sa mamamayan. Sa aking palagay, tanging ang panlilimi ng akademya sa nosyon ng imahinaryo ng rebolusyon at sa pagtuturo nito bilang rebolusyonaryong gawain matutumbok ang politikal na gitnang uring fantasya, isang fantasyang nakikiisa sa mas malawakan at makauring pagbabago ng lipunan.

Hindi ito nakasalig sa reformistang pananaw, na mababago pa ang sistema. Kung mababago pa nga ito, nagbago na sana ito sa klase ng pressure politics na isinagawa ng gitna at abang uri. Pero makapangyarihan ang politika ng bansa batay sa makauring katangian ng namumuno nito. Sa imahinaryo ng rebolusyon magbubukas ang alternatibong kondisyon ng posibi- lidad: na mayroong magagawa, may pag-asa kapag nagbuklod ang mamamayan at nilabanan ang sistematikong kaayusang nagpapahirap—at kabahagi at kapanalig ng sistemang ito, ang kulturang popular, bumubulag, nagpapahele, nagpapabingi at nagpapapipi at pilay sa tumatangkilik nitosa mayorya ng bansa.

Kung babawasan ng gitnang uri ang pagmamahal sa kaniyang uri, magkakaroon ito ng pagmamahal sa iba. Kung

Introduksiyon

xxxiii

matitigil ang pagmamahal sa gitnang uring fantasya, magka- karoon ng pagmamahal ang abang indibidwal at kolektibo sa kanilang hanay. At aasa sila, hindi na sa imahen ng salbasyong inaalok ng gitnang uring fantasya, kundi sa kanila nang sarili.

4. KASIYAHAN SA KUlTURAl NA IMPeRYAlISMO

Tinuturing na wala nang reli (relevance) o cache ang “kultural na imperyalismo.” Paano ka naman masasakop ay malaya naman ang mamamayan at bansa? Paano ba manakop ng utak at kamalayan? Wala namang mind snatchers, di tulad sa pelikulang science fiction. Dahil sa pagbagsak ng Berlin Wall na naghudyat diumano ng pagbagsak din ng sosyalismo, wala nang empire at imperyalismo dahil nakapagbabalikwas naman pala ang mamamayan. Pero hindi ito totoo.

Ang mas mabigat at operative term pa rin ay “imper- yalismo,” at descriptive qualifier ang “kultural.” Ang imperyalismo ay ang “pinakamataas na yugto ng kapitalismo” (Lenin) na pumapatungkol sa mas matinding kalakaran tungo sa konsen- trasyon ng kapital sa iilang makapangyarihang bansa; at kung gayon, mas matinding anyo ng panunupil at exploitation. Ang naunang panahon ng imperyalismo ay ang direktang kolonisasyon ng mga “primitibo” at may likas-yaman na mga bansa.

Lalo na sa nakaraang ika-dalawampung siglo, matapos makalawang ulit makipagdigmaan ang mga natitira at umu- usbong na kapitalistang mga bansa, naging matindi ang literal na karahasang dinanas ng sangkatauhan. Milyon-milyon ang namatay. Ang teknolohiyang pinaunlad ay tungo sa higit pang militaristikong kapangyarihang upang maprotektahan ang lumalawak na interes, at pangangailangan sa mas malakihang market.

Sa nakaraang siglo rin may pinakamaraming bilang ng mga bansang naging independiyente. Hindi pa ito, sa pang- kalahatan, dahil sa nagbabagong-anyo ng mundo tungo sa higit

GitnangUringFantasyaatMateryalnaKahirapansaNeoliberalismo...

xxxi�

na egalitarianismo, at paggalang sa karapatang pantao at pambansang soberanya. Ito ay mas pumapatungkol pa sa bagong taktika ng mga imperyalistang bansa na hindi naman pala kailangang pisikal at literal ang pananakop.

Na kayang panatilihin ang imperyal na relasyon kahit wala na ang naunang empire, kahit nasa post-kolonyal na yugto na ang mga dating nasakop at ngayon ay napalaya nang mga bansa. Ang politikal kontrol ay ginagawa, para sa Pilipinas halimbawa, sa Washington, D.C., at ang ekonomiyang kontrol ay mula rin dito, at sa mga bangkong ang headquarters ay nasa New York at Paris.

Hindi naman nawawala ang militaristikong pamamayagpag sa imperyalismo. Ang huling pinakamatingkad na pamama- yagpag ng U.S. ay ang panlulusob nito sa Iraq, isang dating malayang bansa. Sa Pilipinas, parating may paalaala ang U.S. sa sinusuportahan nitong pangulo—mga pinalipad na air fighters nang mag-coup ang RAM kay Cory Aquino, ang pag-endorso ng ambassador ng U.S. kay Gloria Arroyo, at ang pagbabalik at pamamayagpag ng mga U.S. na sundalo sa Visiting Forces Agreement.

Pero ang kakatwa sa kasalukuyang substansiya ng imperyalismo, sa ground level ng mamamayan, ay ang katambal na kasiyahan na nadadanas sa kultural na karanasan. Epektibong naisalin ang marahas at opresibong kalikasan ng imperyalismo sa idioma ng kasiyahan. At nagawa ito sa pamamagitan ng proliferasyon ng mga komoditi ng industriyang pangkultura.

Hollywood ang namamayagpag na cinema sa buong mundo. At isinasalin nito ang pang-araw-araw na karanasan sa pag-ibig, pagkamuhi, pagkamatay, at pagligtas sa mundo at iba pa, sa hegemonikong kamalayan ng U.S. Sinasabing “white Anglo-Saxon middle-class male heterosexual” ang lenteng binibigyang-pribilehiyo sa panonood ng sine, at maging sa pagbabasa ng pop novels. Na visceral tayong nakararanas ng pag-ibig sa

Introduksiyon

xxx�

pamamagitan ng sinisiwalat ng karakter na hindi hiwalay sa substansiya ng pagkatao ng pangkaraniwang dayuhang puti at mayamang bida.

Isipin na lamang ang pagbabago ng panahon at pananaw hinggil sa Hapon. Matapos ang marahas na karanasan na kaugnay nila, sa ikalawang pandaigdigang digmaan—comfort women, pagsampal kapag hindi tumungo ang mga Filipino, sanggol na inihahagis sa ere at sinasalo ng bayoneta, at pagwawala ng mga Hapong sundalo nang makubkob na sila sa Maynila—ay talaga namang galit at kinamumuhian ng mamamayan ang Hapon. Makapapatay sila ng Hapon kapag nakakita sila nito, gaya ng nabanggit ng aking lola.

Flashforward sa nakaraang huling tatlumpung taon. Sa pamamagitan ng ODA (overseas development assistance) ng Japan, naitayo ang maraming infraistruktura ng bansa, kasama ang Philippine-Japanese Friendship Highway, ang kaisa-isang kalsadang bumabaybay mula Luzon hanggang Mindanao; flyover at underpasses; Light Rail Transit; at maging ang isa sa pinaka- malaking dam sa Asia, ang San Roque. Package deal nga lang na sila ang magtatakda ng serbisyo, paraan ng paggawa, Hapong kompanyang gagawa, Hapong consultants—na kahit environmental havoc ang mga dam, halimbawa, ito pa rin ang kanilang preferred upgrade sa supply ng kuryente dahil ito ang espesyalisasyon ng kanilang mga constuction companies.

Sa nakaraang tatlumpung taon din nagkaroon ng ground level flow ng mga babae sa Japan, entertainers na nakapag-uwi ng mga marka ng makabagong teknolohiya at perang malalapad (kaya nga “lapad” ang tawag dito), at mga konsumeristang produkto. Dagdag pa ang introduksiyon ng mga unang animé sa panahon ni Marcos, pinakasikat dito ang Voltes V. Na ang conspiracy theory matapos itong i-ban ni Marcos nang huling bahagi ng 1970 ay nagsipaglakihan na ang henerasyong ito, kaya nang mag-alsa sa EDSA ng 1986 ay masayang sumali itong pinagkaitan ng diktador ng kabuuang pagkabata.

GitnangUringFantasyaatMateryalnaKahirapansaNeoliberalismo...

xxx�i

Sa U.P., may grupong pang-estudyante na Nihonggo- language exchange. Sa weekend, may nag-ko-cosplay o pagbihis (damit, makeup, buhok, at props) na halaw sa animation characters. May peryodikong convention na ginagawa ito sa mall. May animé channel din sa cable. Mabenta rin ang animé sa pirated DVD stalls. Hindi naman lubos naidiin ang naunang trauma sa mga Hapon sa mga librong gamit sa paaralan, kaya walang alaala ang sumunod at kasalukuyang henerasyon hinggil dito.

Tanging ang karanasan sa kultural na imperyalismo ang salin sa antas ng kasiyahan. At sa kasalukuyang henerasyon, tunguhin ng kultural na imperyalismo ang kultural na integrasyon sa bawat yugto ng buhay ng indibidwal (life cycle). Noong bata pa, pinapanood na nila ito, ginagamit na “yaya” ang mga Disney at cartoon channels. Kilala na nila ang mascots ng fastfood outlets bago pa man sila makapagbasa. Marunong na silang mag-play sa computer o pindutin ang DVD player.

Nostalgia ang diin ng konsumpsiyon sa kultural na imperyalismo. Na sa pag-abot nila ng teenager at young adult, kahit alam na nilang karumal-dumal ang kolesterol at junk food quality ng fastfood, hindi pa rin sila titigil. At bakit naman? Sa tuwing kumakain sila, unconsciously ay nasasambit din ang masasayang alaala noong dinadala sila ng magulang at lolo at lola nila sa fastfood at mall.

Minsan ay tinanong ko sa klase kung ano ang kanilang “soul food” o pagkaing nagpapa-relax sa kanila. Di iisa ang sumagot na french fries, na mayroon pang childlike variety ang pagkain nito—isinasawsaw sa catsup at ice cream, ang iba ay mayonnaise, ang iba ay inuulam. Na sa pagtanda nila at pagiging sariling magulang, ire-reproduce nila ang cycle ng pagnanasa at konsumpsiyon. Dadalhin nila ang kanilang mga musmos sa fastfood para madanas ang kasiyahang nadanas

Introduksiyon

xxx�ii

nila noong sila ay minsang naging bata.

Nanonood tayo ng sine dahil may personalisadong nostalgia itong nahihimok kahit pa maramihan tayong nano- nood. Nakikinig tayo ng musika at may naaalaala at nararamdaman tayo. Nagsusuot tayo ng retro na damit, o naninigarilyo at ginugunita ang karanasang naidulot ng seduksiyon sa advertising. Hip ang sigarilyo, counter-authority, at rebelyon sa diin ng sterile na pangangalaga sa katawan. Minsan ka lang mabuhay!

At kahit ang mga bagay na ipinagkait sa indibidwal sa kaniyang kamusmusan o kabataan, tulad ng laruan, damit, trip to the zoo, at iba pa ay isinasaalang-alang din ng industriyang pangkultura. Ayon sa designer ng Sanrio, ang deprivation ng mga batang walang pambili ng produkto ng Hello Kitty ang siyang batayan kung bakit mabenta pa rin ang kanilang produkto sa matatanda. Napagkaitan ang indibidwal sa isang panahon, at sa panahong may kakayahan na itong bumili, bibili ito with a vengeance.

Kung kasiyahan ang itinatampok, ang alaala ng karanasan sa mas mabigat at malawak na sakop ng pasakit at pighati ang binubura. Hindi hip ang pagiging party pooper o KJ. Na kahit na nakaw ang cellphone, baka pa nga may namatay sa pagsanla nito sa stall sa Greenhills, ay may cellphone pa rin na magagamit bilang lunduyan ng kasiyahan, hindi ng anumang alaala ng pasakit at pighati—kung bakit nagpapalit ka ng cellphone, dahil lumang modelo ba ito, nanakaw o naiwala ito?

Ang soft selling ay nangyayari dahil mas nakakukumbinsi ito ng preferensiya at pagpili ng indibidwal. Hindi rin ito hiwalay sa mga ekonomiko at politikal na polisiya mula sa mga gobyerno at malalaking negosyo. Ang imperyalistang globalisasyon ang kalakarang nagpapabiyaya sa maraming malls na itinatayo, itina- tampok ang mga produkto at serbisyong matatagpuan sa ibang

GitnangUringFantasyaatMateryalnaKahirapansaNeoliberalismo...

xxx�iii

bansa sa isang banda; at ang dahilan kung bakit sampung porsiyento ng populasyon ng bansa ay nagtratrabaho sa labas ng bansa, na dahilan pa rin para sa higit na konsumpsiyon.

Kaya ang paglaban sa kultural na imperyalismo ay hindi lang sa antas ng pang-araw-araw at kamalayan: pedestrian malling at window shopping na hindi pinapakita ang mall developer, wala pang successful na boycott ng mga produkto at serbisyo sa bansa, wala pang nabalikwas na kalakarang pang- estado ang pinakaradikal na term paper na isinumite sa klase.

Politikal na pagkilos ang katugunan—sa antas ng indibidwal, ang pagtaas ng kamulatan, at pag-ugnay nitong mataas na kamulatan sa kilusang masa tungo sa mobilisasyon at organisasyon. Ang ginawa ng pagtampok sa kasiyahan sa kultural na imperyalismo ay gawing pang-araw-araw na lamang ang kalidad ng pagbabalikwas gayong wala namang sistemikong nababago sa sistemang kalakaran.

Ang binubura ng kontemporaneong kultural na pagsusuri ay ang panlipunang politika (social politics) para paboran ang politika ng pang-araw-araw (politics of everyday life). Sa mga pagsusuri ng kulturang popular, lalo na ang urban na kultura, ang diin ay sa mga kalakaran ng pang-araw-araw na pagba- balikwas. Paano maituturing na pagbabalikwas ang mga pagkilos at kaisipan kung ito ay adaptasyon lamang ng namamayaning hegemoniya, tulad sa krisis ng politika at ekonomiya?

Ang pangangailangan sa panlipunang politika ay magtitiyak sa pang-uring pagsusuri sa kultural na imperyalismo at ang galamay nito sa kulturang popular. Bago maimapa ang antas ng pagbabalikwas, kailangan munang imapa ang kapangyarihan. At sa pagmapa ng kapangyarihan matutunghayan ang talab at purol ng mga pagbabalikwas sa pang-araw-araw na politika.

Introduksiyon

xxxix

Sa bigat ng papasanin ng kultural na imperyalismo—kahit pa ang imahen ay ang maligayang tagabuhat at kargador—ay hindi nakasasapat ang pagplantsa ng subersiyon sa pang-araw- araw. Kinakailangan ng mas masaklaw na politikal na pagsusuri bilang tunay na kahandaan sa politikal na transformasyon— ang pag-imagine at pagkilos tungo sa mundo sa labas ng imperyalismo.

Tungo sa isang kultura na naninilbihan sa interes ng sambayanan. q

xli

Pasasalamat

A ng paggawa ng anumang libro ay kolektibong pro- duksiyon. Nais kong pasalamatan ang mga sumusunod sa

pagbibigay ng oportunidad na mapag-isipan ko ang mga paksa, at mapag-ugnay sa mas malaking temang inaako ng libro: sina Janet Tauro at John Toralba ng Departamento ng Filipino ng De La Salle University; Vim Nadera, Elay Nadera, at Philippine Psychiatric Association; Rosario Torres Yu at Eugene Evasco ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas ng Unibersidad ng Pilipinas; Matanglawin at Kagawaran ng Filipino ng Ateneo de Manila University; Fidel Nemenzo at ang Science, Technology and Society Program ng College of Science, U.P.; Caloy Piocos, Reagan Maiquez, at ng Departamento ng Humanidades ng U.P. Los Baños; Lourdes Portus, Mae-Anne Pernia, Ricky Francisco at ng Lopez Museum; Bong Antonio at ng Development Academy of the Philippines; Fanny Garcia, Rhod Nuncio at Rowena Festin; RC Asa, Kenneth Guda at Soliman Santos ng Pinoyweekly.org; Benji Oliveros at Bulatlat.com; Jennifer Padilla, Luchi Perez, Paul Manzanilla, at ng Amado V. Hernandez Resource Center; Ramon Guillermo, Bienvenido Lumbera, Arnold Alamon, Sarah Raymundo, Rommel Rodriguez, Jasmine Icasiano, Jonnabelle Asis, at Judy Taguiwalo ng Congress of Teachers and Educators for Nationalism and Democracy (CONTEND-U.P.); Iji Rodriguez, Karen Flores at Tutok Karapatan; at Lady Ann Salem, at Jewel Maranan at ng Tudla

GitnangUringFantasyaatMateryalnaKahirapansaNeoliberalismo...

xlii

Productions. Nais ko ring pasalamatan sina Karl Castro para sa disenyo ng pabalat at section breakers, Arceline Galang para sa disenyo ng loob ng libro, John Jack Wigley at Tots Aguila ng UST Publishing House, at Linda Bulong sa copy-editing ng manuskrito.

Hindi mabubuo ang librong ito kung wala ang aking mga kinabibilangang komunidad ng aktibista at intelektuwal: kina Mykel Andrada, Kat Macapagal, Lanie Abad, at Grace Concepcion ng All U.P. Academic Union; Noli Anoos, Buboy Cabrera, at Felix Parinas, Jr. ng All U.P. Workers Union; Tonchi Tinio at France Castro ng Alliance of Concerned Teachers; at Carol Araullo, Bibeth Orteza, Fr. Joe Dizon, Mother Mary John Mananzan at iba pang mabubuting mamamayan ng Pagbabago: People’s Movement for Change. Sa mga estudyante, mam- babasa, mamamayan at aktibistang nagbibigay ng feedback para masustina ang proyekto, taus-pusong pasasalamat.

Ang ilan sa mga sanaysay ay unang nalathala sa Culture and Governance (Development Academy of the Philippines, 2004), Malay (DLSU, 2008), Mula Tore Patungong Palengke: Neoliberalismo (Ibon Publishing, 2007), pinoyweekly.org, at bulatlat.com.

�0

Kulturang Popular at Pakiwaring Gitnang Úri

I bang uri ang edukasyon mula sa kulturang popular. Ito ay informal na kaalaman dulot ng media (telebisyon, radyo,

sine, DVD, cellphone, Internet, videoke, cable at iba pa) o kasangkapang pangmedia (mall, coffee shops, shawarma, sago drinks, gin pomelo, gimik na lugar, droga, prom nights, at iba pa). Sa katunayan, may shelf life ang anumang artifact ng kulturang popular, sikat lamang ito sa kasalukuyang pagdanas ng fad kahit pa may paratihang media at genre na nagsisiwalat nito. Pero hindi mauubusan ng bagong uso, at sa pagtangkilik ng bago, minamarkahan na rin ang pagkaluma at pagiging obsolete ng mga komoditi ng kulturang popular. Si Martin Nievera at Ariel Rivera ng malayong noon, si Sam Milby ngayon—mga Filipino Amerikanong naging phenomenal ang pagkatanyag pero minarkahan din ng fans ng taning ang career. Hanggang dito na lamang at maraming salamat. Hindi nauubusan ng hot pandesal ang 24/7 na Pugon de Manila o ang ating friendly neighborhood panaderya.

Magpakagayunman, ang kulturang popular ay nilalahukan na may kaakibat na paninindigan sa katotohanang sinisiwalat nito. Hindi man natin mapagpag ang ating nakaraan, lalo na ang mga ginawa sa ngalan ng pagtangkilik ng mga komoditi