girl, boy, bakla, tomboy.pdf

134
By Soju DO NOT PLAGIARIZE! [[TEASER]] JENICA (The Girl) Isang fourth year high school na inlove sa kanyang classmate slash bestfriend na si Nicco. But wait...theres more! Bading, bakla, beki po ang kanyang bestfriend. ENZO (The Boy) Isang 19 years old na netcafe owner. Inlove siya kay Jenica. At karibal niya dito si Thonie-- ang kapatid niyang tomboy. NICCO (The Bakla) Type niya si Enzo. Pero ang type naman nito ay ang bestfriend niyang si Jenica. THONIE (The Tomboy) Love naman niya si Jenica na love din ng kanyang Kuya Enzo. Si GIRL na may gusto kay BAKLA. Si BAKLA naman type si BOY. Si BOY na love si GIRL. Suitor naman ni GIRL si TOMBOY na kapatid ni BOY. Gagamitin ni BOY si BAKLA para mapasakanya si GIRL.

Upload: mizhabelle-tirol

Post on 30-Nov-2015

286 views

Category:

Documents


7 download

DESCRIPTION

kjuksddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddsurkiiiiiiiiiiiiiiiiiie

TRANSCRIPT

By Soju

DO NOT PLAGIARIZE!

[[TEASER]]

JENICA (The Girl)

Isang fourth year high school na inlove sa kanyang classmate slash

bestfriend na si Nicco. But wait...theres more! Bading, bakla, beki po

ang kanyang bestfriend.

ENZO (The Boy)

Isang 19 years old na netcafe owner. Inlove siya kay Jenica. At karibal

niya dito si Thonie-- ang kapatid niyang tomboy.

NICCO (The Bakla)

Type niya si Enzo. Pero ang type naman nito ay ang bestfriend niyang si

Jenica.

THONIE (The Tomboy)

Love naman niya si Jenica na love din ng kanyang Kuya Enzo.

Si GIRL na may gusto kay BAKLA.

Si BAKLA naman type si BOY.

Si BOY na love si GIRL.

Suitor naman ni GIRL si TOMBOY na kapatid ni BOY.

Gagamitin ni BOY si BAKLA para mapasakanya si GIRL.

At gagamitin naman ni GIRL si TOMBOY para makuha si BAKLA.

Sino ang para kanino?

Sino ang magkakaroon?

Sino ang mawawalan?

Sino ang iiyak?

Sino ang hahalakhak?

Isang kwentong papatunayan na sa larangan ng pag-ibig ay--- gender does

not matter.

''GIRL.BOY.BAKLA.TOMBOY''

CHAPTER I

[JENICA'S POV]

''AMINA kasi yung pera mo! Sapak gusto mo?''

''Wag, maawa kayo please...''

Natigilan ako sa pagkagat sa hawak ko na burger. 16-years old na ako at

ako si Jenica Crisostomo. Talagang nabulabog ang curiosity level ko nang

marinig ko ang isang conversation sa likuran ko. Few chairs away from me.

Nasa loob ako ng classroom at recess noon kaya wala halos tao sa room.

Ayaw ko talagang mag-recess sa canteen ng Wellington Academy. Why?

Everybody watch me kasi! Ang pagkagat ko sa pagkain, pagnguya, paglunok

at pag-inom. Well, whose to blame? Ikaw ba naman ang humakot ng awards sa

mga beauty contests na ginaganap sa academy. Oh, di naman ako masyadong

mayabang niyan huh!

Pretty daw ako. Period!

''Akina sabi eh!''

Muling kong nilingon ang pinanggalingan ng mala-bakulaw na boses.

Napailing ako. May binu-bully na naman pala si Bogart. Napadako ang mga

mata ko sa binubully nito at talagang napa-OMG ang lola niyo nang

mapagmasdan ang mukha ng ''victim'' ni Bogurt.

Mestiso ito. Bilugan ang eyes. Red cute lips at ang nose, umaapaw sa

katangusan! Angelic face guy!

Sandali akong natigilan at agad namang naka-recover nang makitang parang

iiyak na ito sa kamay ng bakulaw na si Bogart.

Ang kyut-kyut talaga ng guy na yun! Lalo na ngayon at paiyak na siya...

Umaapaw sa yummyness!

Bigla akong napatayo nang makita ko na itinaas ni Bogart ang kamao niya

to punch my, i mean that cute guy!

''WAG!!! STOP!!!'' wag na may stop pa? Eh sa yun ang naisigaw ko.

Anubeeh...

Very dramatic pa talaga ang pose ko. Nasa dibdib ko yung left hand ko

then my other hand ay naka super stretch. Para akong naka-traffic

enforcer pose.

( =_-)_____\/\/\/

Napatingin sa akin sina Bogart at yung cute guy.

(~.~) (~.~)

''T-tigilan mo nga siya Bogart!'' tentenenen! Jenica to the rescue!

Okey, napahiya na rin ako eh di lulubus-lubusin ko na. (-_-)

Lumapit ako kina Bogart.

''Bakit mo ba siya binubully. Ke aga-aga huh!'' bulyaw ko.

Oo, ako na ang matapang! Eksdie!

Hindi sumagot si Bogart.

''Ano bang hinihingi mo dito kay cute este kay kuya?'' tanong ko pa.

Parang kriminal tuloy si Bogart.

Pasimple kong sinusulyapan si cute boy at parang nakatulala lang siya sa

amin ni Bakulaw Bogart.

''Nanghihingi lang naman ako sa kanya ng limang piso pero ayaw! May

palabunatan kasi ng lobo sa canteen, bubunot ako!'' talsik-laway na sagot

ni Bogart.

Naiinis kong pinahid ng hands ko yung droplets ng laway na tumalsik sa

mukha ko. ''Pwede ba Bogart, nag shower na ako kanina sa bahay kay huwag

mo na akong paliguan ng laway mo!'' mataray kong tugon. Kinuha ko yung

wallet ko sa bulsa sabay abot ng pera kay Bogart. ''Oh bente pesos!

Magsawa ka sa lobo. Wag mo na tong bu-bully'hin si kuya ha!''

''Oo na!'' sabay hablot sa pera ko.

Tapos nun ay um-exit na si Bogart. Ang hinayupak, di man lang

nagpasalamat!

Tumalikod ako kay cute boy kunwari sinusundan ko ng tingin si Bogart.

Kunwari di ko napapansin ang lumeleveling na precense ni cute boy.

''Uh...Uhm...T-thank you...'' uwaaah! Sa wakas nagsalita siya! At ang

boses niya p-parang pang girl!

Feeling ko ay nagkaroon ng rocket ang mga paa ko at super high speed na

lumipad sa outer space!

Back to earth!

Slowly akong humarap. Yung super slow mo. Yung sa sobrang bagal ay

mapapanganga ka and...Tik...tik...tik...At di mo namamalayan na tumutulo

na pala laway mo. Yung ganung factor n__n-

Nagsu-sway pa ang long hair ko sa pagharap sa kanya. Parang may invisible

electric fan infront of me...

''Welcome...By the way, my name is Jenica,'' sabay lahad ko ng kamay ko

to shake hands with him.

Then...

Nakipag-kamay siya sa akin. Ang lambwoot ng kamay niya, infairness!

''I am Nicco...Nicco Sevilla.''

Pati name niya cute rin huh. Pero bakit ganun siya kumilos at magsalita,

parang...Bading?

Ay! Di naman cguro. Baka naman ganun talaga siya kumilos. Besides, sayang

ang ka-kyutan ni Nicco kung vaklush siya huh...

''PASENSIYA ka na kay Bogart ganun talaga yun. Ikaw na lang umiwas sa

kanya,'' kuntodo smile ako kay Nicco. Nasa bench kami noon.

''Thanks. At first natakot talaga ako sa kanya. He's forcing me to give

him money since the first day of school...''

Oo nga pala. Second day pa lang ng school today. Nakakapagsisi tuloy,

dapat pala pumasok ako ng first day para na-spot'an ko kaagad si Nicco.

''Don't worry, Nicco. From now on hindi kana mabu-bully ni Bogart. Akong

bahala!''

''Thank you talaga, Jenica. Malamang nagkaron na ako ng black-eye kung di

ka kaagad dumating...''

''Ano ka ba? Wala yun. Saka, enough na 'yang thank you thank you na iyan.

Your welcome! Your welcome!'' sabay kurot ko sa magkabila niyang pisngi.

I can't help na talaga. Nakakagigil kasi ka-kyutan ni Nicco.

Tawa-tawa lang si Nicco. Even his laughs ay mahinhin. Nagdududa na talaga

ako sa kanya, huh. Wag naman sana...

''Saang school ka nga pala galing?'' nalaman ko kasi sa kanya na transfer

pala siya.

''I'm from Westville High.''

''Huwaaat?! You're from West-- Ibig sabihin super mayaman ka?'' super

gulat talaga ako. Kasi naman very popular ang private school na yun for

rich people ONLY.

''No...My parents are the one who is rich, not me.''

''Ahhh...'' pa-humble pa eh.

Pero may isa akong napapansin. Pag may dumadaan na lalaki sa harap namin

ay sinusundan niya ng tingin. Lalo na kapag cute. Hmm...i smell something

fishy!

---------------------------------

CHAPTER II

JENICA'S POV

Papalabas na kami ni Nicco ng Wellington Academy...

Talagang binabagabag ang senses ko sa feeling ko kay Nicco. He seems gay

to me. Kung saka-sakali pala magkakagusto ako sa isang...

Vaklush!

Wag naman sana! *crossed fingers*

Ano kaya kung tanungin ko siya? Tama! I'll asked him na lang. Pero how

how de carabao?

I mean, pano ko siya tatanungin. Dapat iyong di siya mao-offend. Baka pag

na-offend ko siya ay di na siya makipag-friendship sa akin! Hindi ko

kaya!

Love at first sight na yata nangyari sa akin towards Nicco.

Okey, dapat pag-isipan kong mabuti ang pagtatanong ko.

'Nicco, bakla ka ba?'--- ay masyado namang straight to the point yun.

'Uhm...Nicco...Kung may itinatago ka man hindi masamang umamin. I am your

friend Nicco... Your friend...''---naku, masyado naman yatang pang-fammas

at oscar ang acting na iyon.

Ano kaya kung-----

''Sisteeeeeeer!!!!!!''

O_O

Nagulat ako ng biglang may tumili. Nasa labas na kami ng academy. Grabe

naman yung tumili, parang naipit ang kung ano.

''Sisteeeerr!!!''

Nakinig ko na naman yung tili.

Napanganga ako ng may nakita akong isang beki na papalapit sa amin ni

Nicco. Naka-school uniform pa. Baka sa ibang school nag-aaral.

Lumapit kay Nicco yung beki-student at parang eksena sa MMK na nagyakap

sila.

Talagang na-shock ako sa nasaksihan ko.

Nag beso-beso sila.

A-ang londe ni Nicco.

''I miss you sisterette Nicco!'' tuwang-tuwang sabi nung beki-student.

''Aketch din kayaking!'' malanding sabi ni Nicco.

Napahawak ako sa forehead ko.

Laglagnatin yata ako!

Si Nicco...tuluyan nang bumigay!

CONFIRMED!

THE NEXT DAY, ay nilapitan ako ni Nicco sa library.

''Hi, Jenica.'' he greeted me.

''Hello, Nicco!'' napaka-warm ng pagkaka-smile niya.

Umupo siya sa seat kung saan magkaharap kami.

''Uhm...Jenica.''

''Hmm...?''

''About dun sa nakita mo kahapon?''

''Alin dun?'' kunwari ay di ko alam ang tinutukoy niya.

''Yung papalabas na ako then---''

''Nicco, wala yun sa akin. Friends pa rin kita kahit ano ka pa...'' uy,

sincere pagkakasabi ko nun huh! Walang halong eklavu!

Pero oo na, hurt na ako...Kasi naman kung confirmed na beki nga si Nicco

eh ganun din ka-confirmed na na-inlababu at first sight ako sa kanya.

Hayz, first time mangyari sa akin to! Ang ma-inlove sa isang bakla.

''Thanks Jenica,'' hinawakan pa niya ang hands ko. Kiligness! ''May isa

lang sana akong ipapakiusap sa'yo Jenica...''

''Ano 'yun?''

''Yung natuklasan mo sana sa pagiging gay ko, sana secret na lang natin

yun huh. Baka kasi pag nalaman ng family ko na ganito ako eh itakwil nila

ako. Galit kasi sa bakla ang father ko at mataas ang expectation nila sa

akin. Can you promise na secret lang natin yun?''

''Yun lang ba? Ano ka ba, sige sige. I can keep a secret! My mouth is

shut!''

''Please be quiet!'' matalim ang tingin sa amin ng librarian.

Oops! Masyado na pala akong napaingay. I forgot na nasa library nga pala

kami.

So it only means na closeta o paminta pala itong si Nicco. Sayang talaga

siya, ang cute-cute pa namang beki ni Nicco.

May pag-asa pa kaya siyang magbago. Yung magiging tunay na lalaki siya

talaga. Sa tingin ko kasi sa kanya parang may HD siya sa mga cute boys

dito sa Wellington Academy.

Ano kaya kung iseduce ko siya...?

----=IMAGINATION=----

''Oh Nicco...Pakikamot naman ng cleavage ko..''

----=END OF IMAGINATION=----

Ano kaya kung...

Ano kaya kung gawin ko siyang lalaki?

Plangak!

Papaibigin ko ang baklang ito! Tingnan ko lang kung ma-resist mo ang

alindog ko, Nicco Sevilla!

''NICCO, samahan mo naman ako sa bagong netcafe dun sa may Amethyst

Street. Opening nila today diba? I'm sure may discount promo sila,''

pauwi na kami noon.

''May sundo aker ngayon eh! There oh,'' sabay turo niya sa red car sa may

parking lot ng academy.

I grabbed him sa braso.

''Please Nicco...'' ganito ang pagkaka-pronounce ko sa name niya--

'Nhikow'. Para may landi.

Start na po kasi ng mission ko--- make the beki fall inlove with me!

Ayiieee! Excited na ako na maging true'ng boy si Nicco mylalabs ko.

''Please Nicco...Please,'' inalog-alog ko pa siya while holding his both

hands.

Oh diba! Ang tawag dyan ay S.T.B.K.B. or Simpleng Tsansing sa Bestfriend

kong Bading!

(n___n)v

''Okey...Sige na nga pero sandali lang tayo huh!''

''Thanks Nicco!''

Umalis si Nicco for a while at nagpaalam doon sa driver niya.

Walking distance lang naman yung netshop kaya alay-lakad ang drama naming

dalawa.

''Wow! Ang laki naman ng net cafe na ito!'' malaki talaga yung net cafe

na may name na OpenTime Net Cafe.

Pumasok kami sa loob. Net cafe talaga siya kasi may mga tables sa mga

gustong kumain while surfing. Sosyal na sosyal naman pala ng place na

ito. Mukhang mayaman ang may-ari.

''Hi Miss. Cubicle or table?'' may lumapit sa amin na...Boy? Ay, tomboy

pala. Akala ko lalaki siya kung di ko pa napansin na may boobs siya.

''Table kami---'' sagot ko pero naputol ako sa pagsasalita ng may lumapit

sa amin na lalaki.

Kinausap nung lalaki yung tomboy.

''Ako ng mag-a-assist sa kanila, Thonie,'' sabi nung boy sa tomboy.

''Ano ka ba Kuya Enzo. Trabaho ko to eh! Dun kana sa counter. Sige ka!

Isusumbong kita kay mommy!''

So magkapatid pala ang dalawang ito. Tinawag kasi ni tomboy na 'kuya' si

boy.

Napatingin ako kay Nicco. T-teka, bakit ang lagkit ng tingin ni Nicco kay

boy?!?

Grrrrr....!!!

This can't be!

Gagawin kitang lalaki Nicco mylalabs ko!!!

-----------------------------------------------------

-==CHAPTER III==-

-=THONIE'S POV=-

''KUYA ENZO, ang ganda nung chicks dun sa table number seven, no?'' sabi

ko kay Kuya Enzo nang lumapita ako sa kanya sa counter.

''Bakit type mo?'' tanong naman ni Kuya Enzo.

''Tinatanong pa ba yan, kuya. Of course type ko yung mga ganyang girl!''

Bigla akong sinapok ni Kuya Enzo.

''Aray ko! Bakit ka ba nananakit? Isusumbong kita kay mommy...''

''Sa tingin mo ba pumapatol yun sa tulad mong...Ahem... Tomboy?''

Hinawakan ko yung tapat ng puso ko at nagkunwaring nasaktan.

''Ouch! Ang sakit mo namang magsalita! Straight to the point,'' drama ko

sa kanya.

''Ewan ko sa'yo. Ang kulit-kulit mo talaga!'' sabi ni Kuya Enzo habang

ginugulo ang buhok ko.

Ganyan kami magkulitan ni Kuya Enzo. Super close kami nyan.

Dalawa lang kaming magkapatid. Obviously, siya ang panganay. Lawrenczo

dela Paz, yan ang full name ni kuya pero ang tawag sa kanya ay Enzo, for

short daw. Nineteen na si Kuya Enzo at katatapos lang niya ng college.

Basta about sa business ang course niya kaya siya ang pinag-manage ng

mabait naming mommy ng bago naming business na netcafe.

Ako naman, si Anthonia dela Paz. Pero magkakasundo tayo kung Thonie (tow-

nee) ang itatawag mo sa akin. Ang bantot kasi ng real name ko eh. And

yes, i am a lesbian. I don't know why I become a tomboy basta I woke up

na ganito na ako...Haha...

Ano daw???

Sixteen na ako at katatapos ko pa lang ng fourth year high school. In the

meantime, nag-stop muna ako sa school. Hindi ko pa kasi sure kung ano ang

kukunin kong course kaya heto ako ngayon, helping my brother with our

business.

You're wondering siguro kung bakit di ko nababanggit ang daddy ko. Its

because he's in heaven now... Ayon kay Mommy one year old pa lang ako

when my dad past away. Nakita ko naman siya, sa pictures nga lang...

Well, masaya na naman ako sa family ko. My mom and Kuya Enzo are very

supportive at tanggap nila kung ano ako. Oh diba?

----------------------------------------------

-=JENICA'S POV=-

GRABE naman tong si Nicco! Talagang di mapuknat ang mata niya doon sa

lalaking nasa counter.

Hindi ko naman siya masisisi kung titigan niya iyong boy na nasa counter

na kausap yung kapatid niyang tomboy because gwapo naman iyong boy. Pero

dahil one-man woman ang lola niyo ay talagang kay Nicco mylalabs lang ang

love ko!

Nakakaasar! Mukhang type ni Nicco yung boy na iyon. Bakit kasi naging

bading ka pa Nicco?

''Ang gwapo niya talaga...'' tila wala sa sariling nagsasalita si Nicco.

Magkaharap kami ni Nicco at dahil nasa table kami ay laptop ang gamit

namin. Nag-order na rin kami kanina ng chilled chocolate drink.

''Ang gwapo niya talaga, Jenica...'' tila babaeng kinikilig na sabi sa

akin ni Nicco.

Holy Mama!

Umaandar na naman ang kabaklaan nitong mylalabs ko.

Mukhang mahihirapan yata ako sa misyon ko ah! Pero hindi! Hindi ako

susuko.

''Sino naman?'' walang gana kong tanong. Nakatutok ako sa computer.

''Yung boy dun sa counter oh!''

I stop for a while and tumingin ako kay Nicco.

''Nicco, wag ka sanang mao-offend huh...But do you think normal lang na

ma-attract ka sa lalaki? I mean, bali-baliktarin man natin ang panty ng

matanda, lalaki ka pa rin...''

Nangalumbaba si Nicco.

''I can't control myself Jenica. Isa lamang akong normal na bakla ng

nagkaka-crush sa lalaki. Isang baklang hindi maipakita ang tunay na

pagkatao...'' eto na naman. Hinawakan na naman niya yung hands ko na

nakapatong sa table. ''..And I am lucky to have a friend like you,

Jenica...Atleast sa iyo, I can show the real me...I can show to you how

gay I am.''

Friend? Talaga bang hanggang doon na lang tayo, Nicco...? Hindi ba

pwedeng humirit na maging mag-jowa tayong dalawa?

Teka, ang drama naman ni Nicco. Teary-eyed tuloy ang lolabels niyo!

''Naku, ang drama mo talaga!'' natatawa kong sabi.

Ayun, at nag-concentrate na kami sa pag-cocomputer...

Medyo uneasy nga lang ako kasi feeling ko ay nakatingin sa akin iyong

magkapatid na boy at tomboy!

Then i remember na hindi pa nga pala kami friend ni Nicco sa Facebook.

''Uy Nicco!'' tawag ko.

''Hmm...?''

''Hindi pa nga pala kita friend sa facebook no?''

''Ay oo nga...''

''What's your email nga?'' i asked him.

''blah-blah underscore @ blah-blah.com...'' mabilis na sagot ni Nicco.

Pag ka-add ko sa kanya ay inaccept niya kaagad...

''Thanks Nicco...'' may kasama pang bite sa lips na parang sineseduce ko

siya.

Taray ko talaga! Ahaha!!!

Tapos nun, super laptop na ulet ako. Browse sa mga photos ni Nicco...

Lewls... @__,@

Ang cute niya talaga...!

Talagang super download ko some of his picture at mega save ko sa memory

card ko. At dahil magkaharap kami at nakatalikod sa kanya yung gamit kong

laptop, eh hindi nakikita ni Nicco ang ginagawa kong pag-stole ng

pictures niya.

Ipi-print ko ito ng billboard size pag-uwi ko. May computer naman kami sa

house kaya lang mas trip ko minsan na sa isang netcafe. Kaagaw ko kasi

minsan iyong super kulit kong eight years old sister!

Hindi ko alam na kanina pa pala nakatingin sa akin si Nicco habang para

akong lukaret na bongga smile n________n..

''Hoy Jenica! Naaano ka?'' nagulat ako ng magsalita siya.

''Ay pwet na nilabatiba!'' bigla kong nasabi. Pa-tweetums na hinampas ko

sa braso si Nicco. ''Anubeh... Ginugulat mo naman ako, Nicco weh...'' ako

na ang talandi!

''Eh kasi kanina pa kaya ako may sinasabi sa'yo pero nakatulala ka lang

dyan.''

''Uhm...M-may iniisip lang kasi ako. Wait, ano ba iyong sinasabi mo

ulit?''

''Ang sabi ko, pahiram naman ako ng memory card mo...May isa-save lang

kasi akong files. Nakalimutan ko kasi yung sa'kin.''

''Memory c-card ko?!'' namutla yata ako bigla.

Hindi niya pwedeng hiramin ang memory card ko! Makikita niya ang mga

pictures niya na ni-save ko!

OMO

Anong gagawin ko?!?

o__O

--------------------------------------------------------

CHAPTER IV

JENICA'S POV

''PAHIRAM naman ako ng memory card mo...''

O.O

Patay na!

Makikita niya ang evidence ng katarayan at pagnanasa ko sa kanya!

''Ah...Wait lang Nicco!'' ano ba! Natataranta na ako! ''Safely removed k-

ko lang...''

Tumayo si Nicco. ''Ano ka ba, okey lang kahit di na i-safely remove,''

sabay hugot niya sa card reader ko sa laptot na gamit ko.

WaAaaaaAAaahhh!!!!!

#&%+-\/$&*~#

''Akina yan!'' sabay hablot ko sa card reader.

''Bakit ba?'' nagtatakang tanong ni Nicco.

Inakbayan ko siya sabay bulong ko sa kanya. ''M-may... May makikita ka

doong... Di kanais-nais... He-he-he...'' ( ~_~)

''What di kanais-nais?''

''Yep! Si...Daddy kasi nanghiram ng memory card ko at...Nag-save siya

pansamantala ng......,,''

''Ng ano?''

''...Ng scandal...Kaya wag mo ng hiramin itong------''

UwaAAaaaah!!!!

Asan na iyong memory card ko!!!

Pagtingin ko sa card reader ko, wala na yung nakasalpak na memory card ko

dun!

''Y-yung memory card ko...Nawawala Nicco!'' kinakabahang sabi ko.

''Ha?!...'' kinuha sa akin ni Nicco iyong card reader at nakita niyang

wala na nga doon ang memory card ko.

''Asan na iyon?'' teary-eyed na talaga ako. Nandun kaya mga cute photos

ni Nicco mylalabs ko. Hindi pwedeng mawala iyon. Hindi!

Asan na?!

Siguro natanggal iyon ng agawin ko kay Nicco iyong card reader. Tumalsik

siguro ng bongga iyong memory card sa kung saan.

''Tulungan mo ako Nicco to find it! Please!'' maarte kong pakiusap.

''O-okey...Okey.''

Kaya heto kami ni Nicco, mistulang mga pagong na pakapa-kapa sa sahig.

Asan na?

Asan na?

BOINK!!!

Aruy! Nagka-umpugan pa kami ni Nicco.

Sabay kaming tumayo ni Nicco habang hawak ang ulo naming nagka-umpugan.

''Sorry!..'' sabay din naming sabi.

''Okey lang!'' sabay ulit kami.

Tapos nagkatawanan kami.

''I'm sorry, girl huh...Nagka-umpugan pa talaga tayo,'' nag-apologize pa

talaga si Nicco.

''It's ok Nicco.'' I smiled...

-=NICCO'S POV=-

''IS THERE a problem?....''

Sabay kaming napatingin ni Jenica sa pinanggalingan ng boses.

o.o

Gosh!

Si pogi na nasa counter!

Chance ko na itey! Gora!

Lumapit aketch kay pogi, then umakbay ako sa kanya. Normal lang naman sa

mga boys ang mag-akbayan eh. Malamang, dito kay pogi ay walang malisya

ang akbay ko pero sa akin... Meron! Meron na meron!

''Ito kasing kaibigan ko tol, nawawala yung memory card niya...Pano kaya

iyon, tol?'' lalaking-lalaki talaga ang boses ko nung sinabi ko yun.

Baka kasi pag nalaman nito ni pogi na bakla ako ay layuan na niya ako,

diba? Teka, hindi ko pa nga pala alam ang pangalan

niya...Wiieee....Excited much na akong malaman ang name niya...

---------------------------------

-=JENICA'S POV=-

OMG!

Ano itong nakikita ko?

Si Nicco ba talaga ito? Bakit lalaking-lalaki bigla ang drama niya nang

dumating 'tong lalaking to? Samantalang kanina daig pa ang babae sa

kalandian!

Pero infairness...Kaka-inlove ka lalo Nicco!!!

Napaka-manly ng voice niya. Matikas kumilos. Sana ganyan ka lagi Nicco

mylalabs ko! Love it na talaga!

Bigla-bigla ay lumapit sa amin yung tomboy. Hmp! Epal talaga itong

magkapatid na ito.

''May problem ba daw, kuya?'' the tomboy asked.

Maganda sana itong tomboy na ito. Sayang talaga at nagpapaka-trying hard

na magmukhang lalaki.

''Nawawala daw memory card nitong si..............''

''Jenica! Jenica ang name niya,'' biglang sabi ni Nicco. ''At ako naman

si Nicco.''

''Enzo. Enzo pare!'' pagpapakilala nung lalaki. Tapos nag shake hands pa

talaga sila!

Over na si Nicco huh! Obvious na type niya si Enzo. Ka-imbyerna!!!

Biglang sumingit naman iyong tomboy. ''Hi, ako naman si Thonie! Nice

meeting you Nicco and Jenica.''

Todo-smile pa talaga si Thonie habang nakatingin sa akin.

''Ano ba? Magpapakilala na lang ba kayo o hahanapin natin yung memory

card ko?'' nag sungit-sungitan talaga ako.

Panay naman ang pa-cute ng tomboy na si Thonie!

-=ENZO'S POV=-

SUNGIT naman ni Jenica. Kung di lang talaga siya maganda hindi ko na ito

tutulungan sa nawawala nitong memory card eh. Kung tutuusin, wala naman

kaming pakialam sa problema nito dahil ito naman ang mismong nakawala

noon.

Pero, ewan...There is something special kay Jenica.

Teka nga, boyfriend kaya ni Jenica itong si Nicco? Hmmm...Mukhang hindi

naman.

''Okey, we'll help you to find your memory card...'' sa wakas ay nasabi

ko rin.

Agad kaming nag-umpisa sa paghahanap. Ako, si Thonie, Jenica at Nicco.

According kay Jenica ay tumalsik daw kung saan iyong memory card niya.

Saan naman namin hahanapin iyong ganoong kaliit na bagay sa napakalaking

netshop namin?

Hanap. Hanap. Hanap.

Pero inabot na lamang kami ng 7:00 PM ay wala pa rin kaming nakitang

memory card.

''Tara na Nicco, uwi na tayo...'' maya-maya ay sabi ni Jenica.

--------------------------------

''ANG ganda talaga ni Jenica, ano kuya?'' sabi sa akin ni Thonie nang

nasa kotse na kami at nagda-drive pauwi sa bahay namin.

Actually, pwede namang maglakad na lang kami pauwi kaya lang ang sabi ni

mommy, mas safe kung magkokotse kami. Tutal naman ay marunong akong mag-

drive.

''Hoy! Kuya!'' untag sa akin ni Thonie.

''Huh? Bakit?''

''Naku namen Kuya Enzo, kanina pa kaya ako nagsasalita dito pero parang

nakikipag-usap ako sa hangin. May problema ka ba kuya?''

''Problema? Wala ah,'' sagot ko. ''Ano nga ba yung sinasabi mo?''

''Ang sabi ko, starting tomorrow liligawan ko na si Jenica...''

Natigilan ako sandali.

''Goodluck na lang...''

''Para namang hindi ka masaya kuya eh! Type mo rin ba si Jenica?''

''O-of course not!'' mabilis kong sagot. ''Jenica is yours...to be..''

sabi ko na lang.

Pero bakit parang nanghinayang ako bigla ng sabihin ni Thonie na she'll

start courting Jenica?

Tsk!

Mukhang naunahan ako ng kapatid kong tomboy ngayon ah!

------------------------------------------------------

CHAPTER V

[JENICA'S POV]

''MAMA papasok na po ako!'' todo-lakas na sabi ko kay mama. Nasa kusina

kasi siya. Ako naman ay kalalabas pa lang ng room ko.

''Papasok ka na agad? Hindi ka pa nag-aalmusal ah!'' sigaw din ni mama.

Oh diba? Kami na ang mag-inang megaphone!

Nakita ko sa salas si Charm, my cute eight years old sister. Nanonood

siya ng t.v.

''Hoy Charm! Umagang-umaga t.v. ka kaagad huh...''

''So what Ate Jenica. Atleast i'm only watching cartoons...Unlike you,

lagi ka nanood ng cheesy dramas!''

Antaraaay!

Well, mana lang yan sa ate si Charm. (n_n)v

Papalabas na sana ako ng door ng tawagin ako ni Charm.

''Ate Jenica!''

I stopped.

''Ano na naman Charm?''

''Ginamit mo perfume ni mama! I can smell it...''

''Ewan ko sa'yo Charm! Bye!''

Tapos lumabas na ako ng bahay. Walking distance lang naman ang school

kaya keri lang kahit di na mag-commute. Ten minutes or less nasa school

na ako. Hindi naman kasi kami rich noh! Minsan pa nga kinakapos kami. Si

papa lang kasi ang nagtatrabaho sa family namin. Engineer siya sa Qatar.

Marami kaming utang kaya tiis daw muna ayon kay mama.

Saka, keber kung di ako mayaman. Basta maganda ako! Char!

Maaga pa naman at malabong ma-late ako kaya di ako masyadong nagmamadali

sa paglalakad.

Bigla akong napalingon sa likod ko at... Oh my God! Bakit parang kanina

pa ako sinusundan ng kotseng nasa likod ko? I can tell dahil kung gaano

ako ka-slow maglakad ay ganun din ka-slow umandar iyong car eh!

Takot much na ako kaya medyo binilisan ko ang pagrampa ko. Hindi na rin

ako lumingon sa likod ko.

Anubeh??? Baka mamamatay tao ang sakay ng kotse or worst...RAPIST!!!

NO!

Hindi ako dapat magpadala sa takot!

WaAaaaAAah!!!

Muntik na talaga akong madapa nang makita kong sumasabay na sa paglalakad

ko iyong kotse. I need to do something!

Kinuha ko sa dala kong bag ang cellphone ko at nagtext ako kay mama pero

ng isenend ko na... NOT SENT, SAVED TO DRAFT ang lumabas...

What?!!! Bakit naman ngayon pa ako nawalan ng load kung kelan----

''Jenica!''

''Thonie?!'' gulat-much ako dahil si Thonie pala ang sakay nung kotse.

Nakadungaw siya sa window ng car. Haist...Akala ko mamamatay na ako!

Nakaramdam ako ng relief pero napalitan din iyon ng pagka-asar. Eh kasi

naman nakita ko na naman ang Thonie na ito at kasama pa niya ang kapatid

niyang si Enzo na nasa driver seat.

''Hatid ka na namin Jenica!'' di ko pinansin iyong alok ni Thonie.

Deadma lang! Parang walang narinig.

Anubeh! Talagang nakasunod pa rin iyong kotse nila sa akin huh. Teka nga,

sampolan ko kaya ang mga ito ng katarayan ko?

Tumigil ako at hinarap si Thonie.

''Pwede ba, stop following me! Hindi kayo nakakatuwa, promise!''

''Gusto ka lang naman ihatid...''

Muli na akong naglakad. ''Pwes, para sabihin ko sa iyo Thonie hindi ako

nagpapahatid sa mga strangers. Close ba tayo? Ang hirap kasi sa inyong

magkapatid, mga feeling close kayo sa kagandahan ko! Get lost!'' taray ko

ano? Hindi ko talaga sila nililingon habang naglalakad ako.

''Saka pwede ba, wag kayong pa-epal Thonie...Ayokong makipagfriend sa

inyo, okey?!'' todo kumpas pa talaga ako habang nagsasalita.

Teka... Bakit parang pinagtatawanan ako ng mga tao? Paglingon ko sa

likod.....

OMO!!!

Wala na iyong kotse nina Thonie. Kanina pa yata ako nilayasan! (o_o)

It means kanina pa ako nagsasalita mag-isa? Kaya pala ako pinagtitinginan

at pinagtatawanan ng mga tao dahil nagsasalita pala ako mag-isa. Ang

akala siguro nila ay nasisiraan na ako ng bait!

Bwiset na Thonie at Enzo yan nilayasan ako ng walang sabi-sabi! Nagmukha

tuloy akong timang. Humanda kayong dalawa pag nakita ko kayo!

GrRRrr.....!!! ('#_%')

Pagkapasok ko sa school ay si Nicco agad ang hinanap ko.

Asan kaya siya? Pumasok kaya siya? Na-miss niya kaya ako? Nagbago kaya

siya ng hairstyle? Ano kayang color ng brief niya?

Ay, pervert na aketch! >.<

Ahihi! Gora na ako sa room...

Ay! Tama ako, nasa room si Nicco. Pero anong nangyari sa kanya, bakit

nakasubsob siya sa arm chair niya? Baka natutulog...Malapitan na nga!

Pero bago ko siya tawagin ay inamoy-amoy ko muna iyong hair niya pati na

iyong likod niya. Buti na lang walang nakakakita sa ginagawa ko. Busy-

busyhan kasi mga classmates ko.

Mmmm...Bango naman talaga ni Nicco mylalabs...

sniff.sniff

Kakakilig ang scent ng baklang itey. Sayang ka talaga Nicco, di bale...Sa

bisa ng mala-dyosa kong alindog at sa face kong can launch a thousand

sheep...Ah, i mean ship at sa power ng charm ko, i know magiging lalaki

ka rin!

Haaaay! Magising na nga siya baka di ko na mapigilan ang sarili ko at

baka magahasa ko pa si Nicco!

HEADLINE: ISANG BAKLA, GINAHASA!!!

Kalokah!

Okey, gigisingin ko na ito.

''Nicco...Nicco,'' niyugyog ko pa siya ng konti.

Nagising naman siya kaagad at humarap sa akin. ''Oh bakit Jenica?''

Then, nyaaak! (O.o)

''Nicco! Bakit anlaki ng eyebag mo?'' puna ko sa eyebag niya.

''Eto ba? This is a sign of love, friend. I am inlove!!!'' kilig-kiligan

pa siya.

Ano daw? Si Nicco, inlove?!? NO WAY!

''K-kanino ka inlove?''

Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko para bulungan ako. ''Kay

ENZO...''

''Ano?!! Kay Enzo?!!!!'' napalakas na sabi ko.

Kinikilig naman na tumango sa akin si Nicco. ''Yes...Kaya nga ako nagka-

eye bag kasi talagang napuyat ako sa kakaisip kay Enzo. Yung red lips

niya... Yung amoy niya, grabe friend! Kaka-turn on..''

Amp*ta! Papaano ko magagawang lalaki itong si Nicco kung andyan si Enzo.

Ano kaya kung idispatsa ko ang Enzo na yun? Pero paano?

Nakaka-stress naman itech! Mukha na akong naluging ewan!

''Bakit parang di ka masaya friend? Are'nt you happy na inlababez na

aketch?''

''I-i'am happy...'' plastik ko talaga!

------------------------

CHAPTER VI

JENICA'S POV

Yay! Its Saturday!

And this is my favorite day! Sino bang student ang hindi. Ang ganda

talaga pag Saturday. Walang quiz, recitations, at kung anu-ano pang

nakakawindang na school works.

Hi-nug ko ng super higpit iyong giant teddy bear na gift sa akin ni Papa

noong last birthday ko. Trip kong matulog ulit. Bakit ba?

Namumungay nang muling ang mata ko ng...

Tok! Tok! Tok!

Psh!

''Ma, tutulog pa ako,'' katok pa lang ni Mama kilala ko na. Super close

kaya kami niyan.

''Jenica, bumangon ka na. Aba, alas-siete na, bata ka. Saka may kaklase

ka na naghahanap sa iyo, andun sa labas.''

''Pakisabi po tulog pa ako at bukas pa ang gising!'' Sino ba iyong

classmate ko na iyon at agang-aga eh nambubulahaw! Nasisira tuloy beauty

rest ko! Hmp! :\/\/

Hindi na nagsalita si Mama pagkasabi ko noon basta narinig ko na lang

iyong papalayo niyang footsteps.

I look at the kisame. Na-curious naman ako bigla kung sino iyong

classmate ko na iyon. Maybe, its Neekow, i mean Nicco. Umiiral na naman

ang dugong haliparot ko! Pwede ba Jennica, umagang-umaga ha! Pero, hindi

pa alam ni Nicco ang house ko kaya malabong si Nicco iyon.

Okey, para matapos na at matahimik na ako ay sumilip na ako sa window ko

at...

OMG!

Si Nicco nga!

At hindi lang basta si Nicco kasi kasama pa niya ang magkapatid na Enzo

at Thonie. Buddy-buddy na kaagad sila? Ang bilis naman ng happenings...

Gee! Papaalis na sila! Papaalis na si Nicco mylalabs ko!

Dali-dali akong tumakbo palabas ng bahay.

Hintayin mo ako Nicco, andyan na ako! Bwah!

''Nicco, sandali!''

Oh diba, sabay-sabay talaga silang lumingon sa akin silang tatlo. At

talagang si Nicco lang ang tinawag ko. I'm such a bad girl! Ahahahahaha!

(tawa ni Kris Aquino)

Teka, mukhang magba-bike yata sila cause may tig-iisa silang bicycle.

Lumapit silang tatlo sa akin and take note, nakangiti silang tatlo sa

ganda ko.

''Jenica!'' tawag ni Nicco then smile.

Dyosko! Wag mo akong ngitian ng ganyan Nicco! Papanawan ako ng ulirat eh!

''Saan ang punta mo---I mean niyo pala?'' I asked.

''Magba-bike kami sa park...Aakitin sana namin ikaw na sumama,'' si

Thonie ang sumagot.

Hmp! Epal naman ng tomboy na ito, hindi naman tinatanong bigla-bigla na

lang sumasagot. Kaloka!

Teka, magba-bike sila? This is my chance para akitin si Nicco! Kailangan

kong sumama pero gosh! Wala nga pala akong bike at hindi naman ako

marunong mag-bike.

''Wala akong bike eh, saka hindi ako marunong...Pano iyan, gusto ko pa

naman na sumama sa inyo...'' tugon ko. Naglungkut-lungkutan pa talaga ako

:((

''Kailangan sumama ka sa amin, Jenica para makilala natin ang isa't-

isa,'' sabi ni Thonie at hinawakan pa niya ako sa magkabilang balikat ko.

Naiinis na tinanggal ko iyong hands ni Thonie sa shoulder ito. Alam kong

tsinatsansingan niya lang naman ako. Bakit ko alam? Gawain ko kaya yan

kay Nicco. Haha!

''Anubeh...Don't touch me nga!'' mataray kong sabi. ''Okey, okey. Sasama

na ako sa inyo pero alangan naman na maglalakad ako tapos naka-bike kayo,

ano.''

Nag-isip kami. Then si Enzo ang unang nagsalita.

''Eh di umangkas ka na lang sa isa sa amin!''

''What an idea! Talino talaga ni Enzo!'' palatak ni Nicco. Then umakbay

pa ito kay Enzo.

Hmp! Grabe na ito si Nicco ha! Kung maka-akbay baklang-bakla. Pasalamat

siya at parang hindi nakakahalata sa kanya Enzo, huh.

''Okey, payag ako...Pero kanino naman ako aangkas?''

''Sa akin na lang!'' nakataas pa ang kamay na sagot ni Enzo.

Napataas ang kilay namin.

Siniko ni Thonie si Enzo. ''Kuya naman, parang ang awkward kung sa'yo

siya aangkas. Ang mabuti pa sa akin na lang aangkas si Jenica.''

''Wag na. Kay Nicco na lang ako aangkas!'' sabi ko.

''Okey, tara na!'' tugon ni Nicco.

Yay! Kakakilig naman. Buti na lang pumayag si Nicco.

Doon ako sa unahan umangkas para kunwari nakayakap sa akin si Nicco.

Para-paraa lang naman iyan di ba? (n____n-

Papatakbukhin na sana ni Nicco ang bike niya ng biglang...

''Geez! Na-flat 'yung gulong ko...'' sabi ni Nicco.

---====O====---

-NICCO'S POV-

Geez!

Na-flat pa yung gulong ko... :(

''Jenica, baba ka muna...Na-flat eh.''

''Huh, pano na iyan?''

Wait, i have an idea at siguradong magiging fun fun fun itey!

''Ganito na lang, iiwan ko na lang muna itong bike ko sa house niyo

Jenica...Tapos, aangkas na lang ako kay Enzo. Jenica, kay Thonie ka

aangkas.''

Umiling-iling si Jenica. ''Ayaw!''

Hinila ko palayo kina Thonie at Enzo si Jenica.

''Pumayag ka na Jenica. Chance ko na ito eh,'' bulong ko sa kanya.

''Chance saan?''

''Chance para mapalapit kay Enzo, ano ka ba?''

''Eh ayoko nga dun kay Thonie. Obvious na may gusto siya sa akin!''

''Ano ka ba, Jenica. Mabait naman si Thonie, just give her a

chance...Please, pumayag ka na sa suggestion ko...'' hinawakan ko pa

kamay niya.

Biglang sumabat sa usapan namin si Thonie.

''Anong pinag-uusapan niyo?'' anito.

Mabilis akong humarap kina Thonie. ''Payag na si Jenica sa suggestion ko!

Diba, Jenica?'' siniko-siko ko pa siya.

''Oo, payag na ako!'' tila napipilitang sabi niya...

---====o====---

GANUN na nga ang nangyari...Si Jenica nakaangkas sa bike ni Thonie. Grabe

talaga pagkakasimangot ni Jenica. Ako naman ay dito kay Enzo.

Blessing in disguise talaga iyong pagkaka-flat ng gulong ng bike ko!

Bale, may parang upuan sa likod ng bike ni Enzo kaya dun ako naka-pwesto.

Pwede naman na sa upuan mismo ako humawak para di mahulog pero alam niyo

ba kung saan ako nakahawak ngayon?

Sa beywang ni Enzo! Ahihi...Ako na yata ang pinaka malanding baklang di

halata!

Pag dumadaan kami sa mga humps ay pasimple kong pinipisil ang beywang

niya. Kakagigil kasi!

Nang mapansin ko na walang tao sa dinadaan namin ay inamoy-amoy ko ang

likod niya. Nasa unahan naman namin sina Thonie kaya di nila nakikita ang

ginagawa ko.

Hmm..Bango naman ni Enzo kahit pinapawisan!

Nasa ganung ayos ako ng biglang lumingon sa akin si Thonie! Huling-huli

niya ako na inaamoy ko ang likod ng kuya niya.

OH NO!

-=CHAPTER VII=-

----=====O=====----

(THONIE'S POV)

Wow! Ang saya naman sa akin nakaangkas si Jenica. Buti na lang na-flat

iyong bike ni Nicco dahil kung hindi, hindi rin ito mangyayari.

Nauuna kami ng pag ba-bike. Ang bagal naman kasi mag-bike ni kuya. Ano

kaya kung asarin ko sila? So nilingon ko sila at...

o.o

Teka! Ano 'tong nakikita ko? Si Nicco nakapikit at inaamoy ang likod ni

Kuya Enzo! Nang magmulat ito ng mata ay nagkasalubong ang mata namin at

nakita kong nagulat si Nicco.

Itinuon ko muli ang attention ko sa pag ba-bike pero hindi ko inalis sa

isip ang nakita ko kanina.

Bakit inaamoy ni Nicco ang likod ni Kuya Enzo? Bakla ba siya? Biglang nag

flashback sa utak ko iyong mga paakbay-akbay ni Nicco kay kuya...

Tama! Bakit ba hindi ko nahalata dati pa...

Wait, may naiisip akong idea! Harhar!

----=====o=====----

NAKAUPO kaming apat sa isang bench. Ako, si Jenica, si Kuya Enzo tapos si

Nicco.

Kwentuhan lang. Getting to know each other lang. Napansin ko na parang

hindi na nagsusungit si Jenica sa amin ah...

''Uhm, may gusto sana akong sabihin for Enzo and Thonie,'' Jenica said.

''I want to say sorry sa inyong dalawa kasi naging masungit ako sa

inyo...It's just hindi talaga ako nakikipag-friend sa mga strangers. Pero

ngayong nakilala ko na kayo, i realized na okey naman pala kayo.''

''Eh bakit ako kinaibigan mo agad kahit di pa tayo magkakilala?''

natatawang singit ni Nicco.

Hindi sinagot ni Jenica si Nicco.

Bigla namang nagsalita si kuya.''Okey lang 'yun Jenica...We understand na

'meron' ka noon kaya masungit ka these past few days. Haha!''

At nagkatawanan kami sa joke ni kuya. :D

Hay, mabuti na lang at hindi na mag susungit sa amin si Jenica. Mukhang

mapapadali ang pakikipaglapit ko sa kanya...

''Mabuti let's sealed this friendship sa pamamagitan ng panlilibre ko sa

inyo...'' Nicco exclaimed.

''Wow! Gusto ko yan! May malapit na pizza at ice cream parlor dito, kung

di mo naitatanong.'' pagpaparinig ni Jenica...

Tumayo na si Nicco. ''Tara na!''

''Sandali, its better siguro kung dito tayo kumain sa park...Look, sayang

ang view dito.'' suggest ni Kuya Enzo.

Pumayag kami sa suggestion. Uy, muntik ko ng makalimutan! Iyong plano ko

nga pala...Dapat ko ng isagawa iyon!

''Wait, sinong sasama sa akin pagbili...? Hindi ko kayang dalhin lahat

'yun noh!'' ani Nicco.

''Ako na lang!'' pag piprisinta ni Jenica.

''Wag na Jenica! Ako na lang ang sasama kay Nicco. Maiwan na lang kayo

muna dito ni kuya. Tara na Nicco! Gutom na ako eh.'' tapos hinila ko na

paalis si Nicco.

----=====o=====----

HABANG naglalakad kami ni Nicco papuntang tindahan ay kinausap ko siya.

Yes, sisimulan ko na ang plano ko!

''I saw you kanina...'' sabi ko.

Tiningnan ako ni Nicco. He's wondering...

''W-what are you trying to say, Thonie?''

''Nakita kita kanina noong nag ba-bike tayo...You're sniffing my Kuya

Enzo's back...'' Wish ko lang talaga mag-work ang plano kong ito.

Nakita ko ang pamumutla bigla ni Nicco. Hmm...Mukhang tama nga ako, he is

gay!

''Umamin ka nga sa akin Nicco, are you...gay? Bakla ka ba?'' diretsong

tanong ko sa kanya.

''W-what kind of stupid question is that? Siyempre, hindi...I mean,

lalaki ako. Look, may bakla bang ganitong manamit at kumilos?'' biglang

naging uneasy at pinagpawisan si Nicco.

Kailangang mapaamin ko siya, hindi pwedeng hindi! That's part of my plan!

''Okey, kilos ba ng isang tunay na lalaki ang amuyin ang kapwa niya

lalaki? Sa panahong ito, ruler na lang ang 'straight'. Naglipana na ang

mga paminta...Tsk. Tsk! Teka, alam ba ni Jenica na bakla ka?''

''Of course, alam--- Oopps!!!'' naitakip ni Nicco iyong both hands niya

sa bibig niya. Huli ka Nicco! Tama nga ang kasabihan, sa bibig nahuhuli

ang isda.

''OK. OK, aamin na ako...You're right, bakla nga ako...'' sa wakas,

umamin ka din Nicco.

Buwahahaha! I smell victory!

''Isusumbong kita kay kuya!'' pananakot ko sa kanya.

''Huwag! Huwag mo akong isusumbong kay Enzo!'' pakiusap sa akin ni

Nicco...

''OKEY, hindi kita isusumbong sa kanya sa isang kondisyon.''

''A-anong kondisyon?''

''Ilalakad mo ako kay Jenica! Tutulungan mo akong ligawan siya.''

Biglang tumawa ng malakas si Nicco. Halos mamatay-matay siya sa pagtawa.

''Bakit ka tumatawa? May nakakatawa ba sa sinabi ko?''

''Eh kasi parang sinabi mong paulanin ko ng snow sa Pilipinas! Sa tingin

mo papatol si Jenica sa lesbian? Patawa ka!'' natatawa pa ring sabi ni

Nicco.

''Bakit sa palagay mo papatol si kuya sa baklang tulad mo?'' natameme si

Nicco. ''Don't deny it Nicco, may gusto ka kay Kuya Enzo!''

Biglang parang nalungkot. ''Ang hirap naman ng situation natin. Iyong

taong mahal natin, parang imposibleng mapa-saatin dahil bakla at tomboy

tayo...''

''Teka, teka. Iniiba mo ang usapan eh. Tutulungan mo ba ako kay Jenica o

isusumbong kita kay kuya?!''

''Teka nga lang din! Akala ko ba friends na tayo, eh bakit bina-blackmail

mo ako?! You're such a good friend!'' sarcastic na turan ni Nicco.

Natigilan ako sa sinabi niya. Nakaka-konsensiya naman iyon. Tama si

Nicco, maling i-blackmail ang isang kaibigan. Pero iyon na lang ang

naiisip kong paraan para mapasagot ko si Jenica...Paano kaya ito?

Then...

Ting! I have a new idea! Ang smart ko talaga.

''Sige na nga, hindi na kita iba-blackmail...Pero may naiisip akong

paraan at i know you will like it,'' nakangiti kong sabi.

''Huh? Ano naman iyon?''

''Ganito...Tutulungan mo akong mapalapit kay Jenica tapos ako naman,

tutulungan kitang mapalapit kay Kuya Enzo. What do you think, ayos

diba?''

''Ay! Like ko yan! Sige!!!''

I smiled at Nicco's reaction.

We shake hands to sealed our agreement. From now on, its THONIE and

NICCO's alliance!

----=====O=====----

-=CHAPTER VIII=-

(ENZO'S POV)

''MOMMY, we're here!''

Sigaw ko pagkauwi namin galing sa park.

''Bakit ang tagal niyo yata'' si Mommy, habang bumababa ng stairs.

''Enjoy pong mag-bike sa park eh'' sagot ni Thonie.

Humalik kami ni Thonie sa cheeks niya. Dumiretso na kami sa kanya-kanya

naming room.

Humiga ako sa kama. Kinuha ko iyong cellphone ko at in-open ko iyong

photo viewer...

I smiled habang bina-browse ko ang mga stolen shots ko kay Jenica. Lucky

me, walang nakapansin sa akin kanina sa park na i took pictures of her.

Jenica is a real beauty!

Ano kayang mangyayari kapag nalaman ni Thonie na gusto ko rin si Jenica?

Baka mag-away kami ah =_=

Tulad nung dati...

Na-inlove kami noon ni Thonie sa iisang girl. Her name is Barbie.

Sabay namin na niligawan si Barbie at siyempre ako ang sinagot. Lalaki

ako eh...

I thought okey lang kay Thonie ang lahat, but we're wrong.

Thonie commit suicide...She takes all mom's sleeping pills!

Buti na lang di siya kinuha sa amin ni Lord. Pina-psychiatrist namin si

Thonie hangang sa bumalik na siya sa dati...

After a month na naging kami ni Barbie, she decided to end our

relationship. She broke up with me dahil may nag-offer sa kanya na maging

ramp model sa Paris. Pinagpalit niya ako sa pangarap niya...

Buti na lang madali akong nakapag move on.

At heto na naman, dumating si Jenica na parehas na naman naming gustong

magkapatid.

Nakakainis talaga!

Bakit ba kami laging nai-inlove with the same girl?

Pero, I decided na ipaubaya na lang kay Thonie si Jenica. And I hope,

Jenica will love Thonie. Natatakot akong baka mag-suicide na naman siya

kapag nabigo siya sa love...

Mahal ko ang kapatid ko kaya this time magpapaubaya muna ako...Kahit

masakit.

Ang bait kong kuya, diba? (n__n)

Oh Jenica, hanggang ligaw-tingin na lang talaga ako sa iyo!

I give a one last look sa photos ni Jenica tapos nun ay ipinatong ko na

ang cellphone ko sa side table.

Nakaka-boring naman =_=

Tumayo ako at kinuha sa drawer ko iyong laptop.

Every weekdays lang kami nagbabantay sa shop. Kapag weekends naman, rest

day.

Sinabi sa amin ni mommy na hindi porket may pera kami ay di na kami

magtatrabaho. Dapat daw ay paghirapan namin ang perang nakukuha namin.

Maganda naman iyong result ng ganoong klaseng pagpapalaki sa amin ni

mommy kasi we learned how to use money wisely. At di rin kami naging

spoiled tulad ng ibang mayaman.

I turn on my laptop.

And like every other do, ano pa nga bang website ang first kong

pupuntahan?

Of course, FACEBOOK!!!

Uy daming nag-add! Pero decline ko yung iba, di ko naman kilala.

O.O Waah!

Inadd ako ni Jenica at ni Nicco. Accept 'yan siyempre!

Biglang pumasok sa kwarto ko si Thonie.

''Hi kuya!'' naka-smile na greet ni Thonie. ''Anong ginagawa mo?''

''Wala...Bakit?''

''Eh kuya may surprise kasi ako sa iyo.''

''Surprise? Para san? Katatapos lang ng birthday ko ah...''

''Eeh...Basta! Bakit, ayaw mo ba nito?'' May ipinakitang dalawang malilit

na papel si Thonie.

Ticket?!

Ticket sa Enchanted Kingdom!

''Ticket sa Enchanted?!'' excited na sabi ko.

Excited talaga ako, kasi its been so long nang huli akong pumunta doon.

Parang, two years ago pa yata...

''You are absolutely right kuya! Binigyan kasi ako tickets nung friend ko

na anak ng pinsan ng isa sa owner ng Enchanted...Hehe!''

''So are we going to Enchanted Kingdom? When?''

Thonie bite her lips.

''Actually, dapat bukas dahil iyon yung date na nakalagay dito sa

ticket...At i'm sorry pero I can't go with you kuya.''

''Ha? Bakit naman?''

''Eh kuya, may lakad ako bukas kaya di kita masasamahan.''

''Dalawang iyang ticket diba. Sayang naman yung isa and besides, I will

not go kung mag-isa lang ako.''

Sandaling nag-isip si Thonie. ''Si Nicco! Tama, siya ang isama mo kuya!''

Not bad...

Pero gusto ko sana si Jenica ang isama kaya lang baka mag selos si

Thonie....

(NICCO'S POV)

''Tao po! Tao po!''

MAMAMAOS na ako kakasigaw pero wala pa ring lumalabas sa bahay nina

Jenica.

Nakailang 'tao po!' rin ako bago bumukas iyong pinto at isang maliit at

cute na batang babae ang bumungad sa akin.

''Sino ka?'' naka-crossed arms at nakataas yung kilay nung bata.

Antaray niya huh. Tinalo pa aketch?! hmp!

''Ako si Nicco. Friend ako ni Jenica...Andiyan ba siya?'' i asked.

''She's here pero nasa CR pa siya...Naliligo...'' napansin ko na parang

tinititigan niya face ko. ''Ikaw pala iyong nasa picture na nasa room ni

ate! Pasok ka na.''

Ano daw? Hindi ko na gets kaya di ko na lang pinansin sinabi nung bata.

''Upo ka...I'll get you a snack.'' she said pagkapasok ko.

Umalis na siya at nagpunta yata sa kitchen. Pagkabalik niya ay dala na

siyang tray.

''Kumain muna...Ang sabi ni ate hintayin mo lang siya dito.''

Muntik na akong matawa ng makita ko ang ''snack'' ko na prinepare niya.

Limang piraso ng gummy bears at isang Yakult.

Saktong dumating na si Jenica. Basa pa ang hair niya. Wet look!

''Hoy Charm, dun ka muna sa kwarto,'' sabi ni Jenica.

''Sister mo iyon?'' i asked pagkaalis nung bata.

''Yes, si Charm. Pasensiya kana, makulit talaga iyon...Bakit ka nga pala

andito?''

Inilabas ko iyong dalawang ticket ng Enchanted Kingdom and i gave it to

her.

Sumaya ang mukha ni Jenica. ''Pupunta tayong Enchanted?! Kailan?''

''Bukas sana kaya lang, hindi ako makakasama. May pupuntahan kasi ako..''

''Ganun? Sayang naman 'tong mga tickets...''

''Sayang talaga...Wait, ano kaya kung...Si Thonie na lang isama mo. Para

makabawi ka na talaga sa pagsusungit mo sa kanya.''

Napatawa si Jenica.

''Grabe ka huh! Sige na nga, si Thonie na ang isasama ko! Thank you dito

sa tickets!'' Jenica replied.

YES!

It looks like na mag wo-work talaga ang plano namin ni Thonie!

Bwahahaha!!!

----=====o=====----

-=CHAPTER IX=-

-NICCO'S POV-

''NAPAPAYAG mo na ba si Jenica?'' tanong sa akin ni Thonie.

Nasa living room kami ng bahay ko at we're talking about our plans.

''Yes, pumayag na siya...How 'bout Enzo?''

''Don't worry pumayag na si kuya kaya wala ng problema pa. Apir naman

dyan!'' at nag-apir kaming dalawa.

I just wondering, bakit kaya pumapayag itong si Thonie na may

nagkakagustong bading sa kuya niya? Hmm...Siguro naiintindihan ni Thonie

'yung nararamdaman ko kasi parehas kaming belong sa third sex.

''Teka nga lang Thonie, hindi kaya mabuking tayo nito? Biruin mo, sa

iisang place lang natin ide-date ang mga ''dates'' natin,'' nag quotation

mark sign pa ako.

Kakamot-kamot sa ulo na sumagot siya sa akin. ''Eh, 'yun lang ang binigay

sa akin na ticket ng kakilala ko...Hayaan mo na kasi. Galingan mo na lang

ang strategy para hindi mag-cross ang landas natin sa Enchanted, OK?''

''OK, sabi mo eh.'' pagkikibit-balikat ko.

------======o======------

(JENICA'S POV)

WOW! Second time ko lang makapunta dito sa Enchanted Kingdom. The last

time is noong nag field trip kami nung first year ako. It's been so long

na rin pala!

(n____________n)

Ako na ang abot-tenga ang ngiti =_______=

''San mo gustong unang sumakay?''

Huh?

Naku, muntik ko ng makalimutang may kasama nga pala ako- si Thonie.

Eeeeh...Ang saya-saya ko kaya! Pero super happy ako for sure kung si

Nicco ang kasama ko...

Hayst...

Eenjoy ko na nga lang 'to kahit wala ka Nicco...Madalang pa sa pag

reregla ng matanda ang ganitong chance noh!

''Dun tayo sa carousel!'' naka-smile na sagot ko.

''Wala namang thrill yun eh!''

''Kaya nga...Uunahin muna natin yung mga di nakakatakot then ipanghuhuli

natin iyong mga extreme.''

''May point ka...'' sagot ni Thonie at sumakay na kami sa carousel.

Para akong bata ng umandar na iyong rides... n_n

Panay naman ang picture sa akin ni Thonie. Siyempre panay di ang pose ko!

Pagtingin ko sa unahan ko ay may nakita akong dalawang tao na nakatalikod

sa akin...

Limang kabayo ang layo nung dalawang guy sa amin... Parang kilala ko

talaga ang dalawang iyon ah...

Parang si....

Ay, imposibleng si Nicco iyon...May pupuntahan siya ngayon, diba?

Pagkatapos noon ay nag-Flying Fiesta naman kami then bumili kami ng tig-

isang soft ice cream.

We ate ice cream while walking...

''Buti na lang pumayag ka na sumama sa akin dito, Jenica,'' napatingin

ako kay Thonie sa sinabi niya.

''Huh? Bakit naman hindi, eh bihira lang naman iyong ganitong chance. So

grab lang ako ng grab!''

''I mean...Lesbian ako at....'' mariing pumikit si Thonie at, ''Jenica,

you know i like you!''

Sabi ko na nga ba eh! Type ako ni Thonie. Hindi talaga nagkakamali ang

instinct ko.

''Gusto kitang ligawan Jenica...'' Thonie continue.

Nyah! Agresibong tomboy?! O_O

''Hanggang friends lang ang mai-ooffer ko sa iyo Thonie...'' sagot ko na

lang.

''Bigyan mo naman ako ng chance Jenica...I can prove to you na mahal

talaga kita.''

''Mahal na agad?'' nang-uuyam akong ngumiti sa kanya. ''Kanina like lang

ngayon mahal na...Ang bilis mo Thonie. Tinalo mo pa si Lydia de Vega at

Petrang Kabayo sa bilis!''

Nagulat ako sa sunod na ginawa ni Thonie. Mahigpit niya akong hinawakan

sa braso at iniharap niya ako sa kanya. Mariin niya akong hinalikan sa

labi...

Nanlaki ang mga mata ko O_O

Agad ko naman siyang itinulak palayo.

''Kadiri ka!!! Bakit mo ako hinalikan?!'' galit na sigaw ko.

Grabe! Thonie kissed me in public! Andaming nakakita, nakakahiya talaga.

Buti sana kung lalaki ang kahalikan ko, pero hindi eh. Tomboy siya!

At nakuha niya ang first kiss ko na naka-reserved na kay Nicco!

''Sorry Jenica---''

Nakita kong natigilan si Thonie ng biglang pumatak ang luha ko.

''Kahit kailan hindi kita magugustuhan Thonie! Dahil--''

''Dahil ano? Dahil isa akong tomboy, ganun ba?'' pilit na ngumiti si

Thonie. ''Alam ko naman 'yun eh...Pero nag-try pa rin ako, Jenica!''

Magsasalita pa sana ako ng may biglang tumawag sa pangalan namin ni

Thonie...

-ENZO'S POV-

HABANG naglalakad kami ni Nicco papuntang Anchors Away ay may napansin

akong dalawang taong parang nagtatalo. Nakatalikod sila pero parang

kilala ko sila eh.

Paglapit ko ay hindi nga ako nagkamali...

''Jenica? Thonie?'' halos sabay na lumingon sila sa akin.

Parang umiiyak si Jenica tapos parang shock si Thonie ng makita ako.

''Magkasama kayong dalawa?'' tanong ko pa.

''K-kuya!''

Hinihingal na dumating sa kinaroroonan namin si Nicco. Iniwan ko kasi

siya ng di niya namamalayan.

''Nicco? Magkasama kayo ni Enzo?'' nagtatakang tanong naman ni Jenica.

Bakit parang na-shock din si Nicco at parang natataranta pa? Hinawakan

ako ni Nicco sa balikat.

''Ah-eh...E-enzo, ano let me explain,'' Nicco said.

Nangunot ang noo ko. Explain? Bakit kailangang mag-explain ni Nicco?

Tinanggal ko yung kamay niya sa balikat ko.

''Explain? May dapat kang i-explain? Teka, may inililihim ka ba Nicco?!''

napataas ng konti iyong boses ko. Sa lahat kasi na ayaw ko ay iyong

parang niloloko ako.

Nakita kong nagkatinginan sina Thonie at Nicco. Parang nag-uusap sila

through their eyes. Marahang tumango si Thonie...

''ENZO, I'M GAY!'' Nicco declared.

O_O

What the f_ck!

Bakla si Nicco?!!!

What on Earth is happening?!

Nicco continue.''Planado namin ni T-thonie ang lahat ng ito para

magkasama tayo...''

Napatingin ako kay Thonie at nag-iwas ito ng tingin. Binalingan ko si

Nicco.

''At bakit mo gustong magkasama tayo?''

Lumapit si Jenica kay Nicco. ''Nicco, wag--''

''No Jenica, aamin na ako,'' diretsong tumingin sa mata ko si Nicco at,

''I'M INLOVE WITH YOU ENZO!''

O.O

Huwaaaaat???!!!!

Talagang nalaglag ang panga ko sa mga isiniwalat ni Nicco.

Bakla si Nicco at ang worst, he's inlove with me!

-----======o======-----

(CHAPTER X)

-NICCO'S POV-

''I AM INLOVE WITH YOU, ENZO!''

''You're gay!'' iritadong turan ni Enzo.

Umaatras siya pag lumalapit ako sa kanya. I tried to touch him pero

pinapalis niya iyong kamay ko.

''Enzo...Please understand me...Enzo...'' naiiyak na sabi.

I admit it, wala talaga sa plano ko ang umamin sa tunay kong pagkatao kay

Enzo. Pero dahil nagkaipitan na ay di ko na napigilan ang sarili ko...

''Enzo mahal kita tol...'' i repeat.

Naningkit ang mga mata ni Enzo. ''Mahal? Mangilabot ka nga sa

pinagsasasabi mo Nicco. Parehas tayong lalaki! You fool me! Pinaniwala mo

ako na you are a hundred percent guy...''

''I'm sorry Enzo,'' i try to touch him again pero tinulak lang niya ako

na sanhi upang matumba ako.

Lumakad palayo si Enzo at sinundan naman siya ni Thonie.

Nanatili akong nakaupo habang nakayukong umiiyak. I never thought na

magiging ganun ang reaksyon ni Enzo oras na malaman niya na bakla ako.

Sayang...Kung kailan nagiging close na kami...

Naramdaman ko ang kamay ni Jenica sa likod ko.

''It's okey Nicco...Tara na...Tumayo ka na dyan.''

''Leave me alone Jenica.''

''No. Tumayo ka na dyan. Pinagtitinginan ka na ng mga tao, oh.''

''I don't care! Hindi naman nila ako kilala. Saka umalis ka na nga!''

iritadong sabi ko.

Pilit niya akong binuhat patayo. ''Tara na kasi Nicco...''

''Ano ba?! Leave me alone!!! I don't need you!'' oops! Nabigla ako sa

sinabi ko =_=

''Bakit sino ba ang kailangan mo, si Enzo ba? Eh iniwan ka nga niya nung

malaman niyang bading ka eh.'' then she walked out.

Naku, nagalit yata sa akin si Jenica. Pero di bale, i'll talk to her pag

cool na ang lahat.

I wiped my tears and stand up. Naglakad-lakad ako at I found myself na

nakapila sa rides na Space Shuttle.

Bigla kong naalala iyong sabi nung old friend ko na kapag nasaktan daw

ang puso mo, sumakay ka lang ng roller coaster at mawawala na ang sakit.

Hmmm...

Masubukan nga kung effective! Why not?

-JENICA'S POV-

KANINA pa ako paikot-ikot sa buong Enchanted Kingdom pero di ko pa rin

makita si Nicco.

Dapat di ko siya iniwan eh! Broken hearted siya at baka kung anong gawin

nun sa sarili. Ang drama ko kasi kanina, may pa-walk-out walk-out pa

akong nalalaman!

Hayst...! Asan na ba siya? Nahihilo na ako kakahanap sa kanya huh @_@

Teka, bakit parang may kaguluhan dun sa may Space Shuttle? Parang

kinakabahan ako ah...Makalapit nga.

''Sir, tama na po.''

''No! Sasakay pa ako.''

''Pero this is your 5th times na sumakay ng sunod-sunod. Makakasama na po

yan sa inyo.''

''Please...Last na lang!''

Yun ang conversation na naririnig ko habang hinahawi ko iyong mga tao.

At sobrang shock ako sa nakita ko O_O

Nicco!

Agad akong lumapit kay Nicco na nakaupo sa front seat ng Space Shuttle at

tila nakikipagtalo pa siya dun sa taong nag-aassist sa mga sumasakay sa

rides.

''Nicco!'' nanlalaki ang mga mata na tawag ko sa kanya. ''Anong ginagawa

mo?!''

''Miss, kakilala mo ba siya?'' tukoy nung taga-assist kay Nicco.

Sunod-sunod akong tumango. ''Friend niya po ako.''

''Ano po bang nangyayari?'' tanong ko.

Nakita ko na parang hilong-hilo si Nicco.

''Concern lang po kami sa friend niyo. Five times na siyang sumakay sa

ride na ito ng sunod-sunod...''

What?!

Five times???

Nanatiling nakayuko si Nicco ng lapitan ko siya.

''Nicco totoo ba ang sinasabi niya? Limang beses na sunod-sunod kang

sumakay dito ng Space Shuttle? Bakit mo ba 'to naisip gawin? Buti di

nadidislocate mga ugat mo sa utak, kaloka ka!''

Tumingin sa akin si Nicco, then smiled. ''May nakapagsabi sa akin noon na

kapag nasasaktan ang puso mo, sumakay ka lang sa roller coaster and the

hurt will gone,'' nasaktan ako ng makita ko ang pagpatak ng luha sa mata

niya. ''Pero bakit ganun Jenica? Limang beses na akong sumasakay dito,

pero bakit ramdam ko pa rin yung sakit dito?!'' sabay turo niya sa tapat

ng kanyang puso...

Talaga nga palang nasaktan ni Enzo ang kaibigan ko. It only means na

mahal niya talaga si Enzo. Sana naging 100 percent na lalaki ka na lang

Nicco...Sana ako na lang ang love mo para walang ganitong eksenang

nangyayari.

Ringgggg!!!

Waah! Aandar na yung Space Shuttle!

Super nataranta ako kaya napasakay ako ng wala sa oras sa Space Shuttle.

Magkatabi kami ni Nicco sa front seat.

Malakas akong napatili ng umusad na kami. Sa lahat naman kasi ng rides

ito ang pinaka-hate ko. Kuntento na ako sa bump car at carousel eh.

Bawat loop at pagbaba ng ride ay parang hinahalukay ang kaloob-looban ng

balun-balunan at baticolon ko. Oh diba, street food ang peg!

Grabe, tili at sigaw ang lola niyo.

Teka, si Nicco nga pala!

Pagtingin ko kay Nicco...Parang nag slow-mo ang lahat. Very dramatic na

nakapikit si Nicco. Parang ninanamnam niya ng bonggang-bongga ang

pagsakay sa Space Shuttle. Over ha, hindi ba siya naje-jetlag like me?

Wait, bakit parang umiiyak pa yata siya? Umiiyak nga siya...

Nicco...

Nasasaktan ako kapag nasasaktan ka Nicco.

-----======O======-----

SAKAY kami ng bus ni Nicco. Walang imikan. Parang iniisip namin lahat ng

nangyayari kanina... Ang daming nangyari na di-inaasahan.

Nagtapat si Thonie na mahal niya ako. Okey lang sana pero she kissed me!

Kaya from now on, galit na ako sa kanya. Wag lang siyang magkakamaling

lapitan pa ako at baka mag ala-Amaya ako sa tapang!

Tapos ito namang si Nicco umamin na kay Enzo na beki siya at inlababu pa

dito kay Enzo.

Hays! Kakaloka ka talaga Nic---

Napa-stop ako sa pag mumuni-muni ng makaramdam ako ng bigat sa kaliwang

balikat.

O_O

Nakahilig pala ang ulo ni Nicco sa balikat ko at tulog pa siya!

Kyaaaah!!!

Kiligness! Napaka-innocent nya pala pag tulog. Kaka-inlove talaga ang

baklang to!

Inihilig ko rin ang ulo ko sa ulo niya at natulog... Moment???!!!

----------------------------------------------

AUTHOR's NOTE:

Yay! After dinosaur years..UPDATED NA SIYA!!!!

read.comment.vote para ganahan,,, ;)

CHAPTER XI

NICCO's POV

"Nicco...Hoy. Nicco. Gising."

Shocks! Nakatulog pala ako sa balikat ni Jenica. Nasa bus kami. Pinahid

ko pa ng pasimple ang gilid ng lips ko. Baka may laway eh :drool:

"What happen? Ang sama ng panaginip ko Jenica. Umamin daw ako kay Enzo

that I am a gay and I love him. Sobrang nagalit daw siya sa akin---"

"Hindi iyon panaginip Nicc." Nakayuko siya.

Umiling ako. "I'm just dreaming! Hindi galit sa akin si Enzo. Tropa pa

rin kami, right? Diba?"

Hindi nagsalita si Jenica. Bumaba na kami ng bus and take a walk pauwi sa

bahay.

Thugs*

Malakas akong binatukan ni Jenica.

"Ouch!" Kakamot-kamot sa ulo na reklamo ko.

"Para malaman mong hindi ka nananaginip." Walang expression ang mukha ni

Jenica.

Tumigil ako sa paglalakad. Natulaley este natulala ako.

Jenica is right.

Hindi panaginip ang lahat. I confessed to Enzo at nagalit siya.

HAAAAYYYSSS!!! ANTANGA KO! Sobra! :(

Sinira ko ang friendship naming dalawa!

Medyo nauuna na sa paglalakad si Jenica ng mapansin niyang wala na siyang

kasabay sa paglalakad. Naiiling na bumalik siya at hinawakan ako sa arms

ko.

"Hoy Nicco. Anong nangyayari sa'yo? Tapos na ang lahat. Sana harapin mo

na lang ang consequences sa ginawa mo kanina..." she mouthed to me.

"Hindi ko yata kaya Jenica..." teary-eyed na ako.

"You have to."

"Hindi ko kaya..." giit ko. :'(

"Kailangan mong kayanin. Wag ka ngang mag-inarte Nicco!" Mataas na sabi

ni Jenica.

Blanko ang mukha ko. "I can't. Nasanay na akong kapag nakikita niya ako

ay ngingiti siya. Yayakap ng walang malisya kahit sa akin eh, meron.

Nasanay na akong nag-uusap kami. Magkasama! Hindi ko kaya Jenica! Can you

understand that. Mamamatay ako kapag di ko siya nakakausap!"

Jenica smirked. "Ganun ba? Pwes. Ihahanda ko na ang all black outfit ko

para sa libing mo. Sa tingin mo kakausapin ka pa ni Enzo after what

happen?"

"Wala kang pakialam!" sigaw ko. "Maswerte ka kasi sa iyo may gusto si

Enzo!"

Napansin ko na medyo natigilan si Jenica sa sinabi ko.

Oh no =_=

JENICA's POV

What?

Did I heard it right?

Pati si Enzo ay may gusto sa akin? Sakit na sa bangs!

Gusto ko si Nicco. Pero si Nicco, gusto naman si Enzo. Si Enzo may gusto

sa akin. At ang kapatid ni Enzo naman ay may gusto rin sa akin!

Hindi ko ma-keri :|

Wait. Analyze ko lang.

Processing....

1%

23%

58%

89%

99%

...

...

...

Processing Failed.

Shocks!

"Jenica? OK ka lang?" Nicco asked me.

Pinilig ko ang ulo ko. Bwah!

"Pati si Enzo may gusto sa akin?" tinuro ko pa sarili ko to make sure.

Tango lang ang sinagot ni Nicco.

"Panu mo nalaman?"

"Halata naman na ikaw ang gusto ni Enzo eh!"

Umiling-iling ako. Hayssss!!! Dagdag sa sakit na naman ito sa ulo kong

maganda! Kaasar na talaga!

Napaatras ako...Very dramatic.

"Jenica, wait may kanal!" sigaw na turan ni Nicco.

Huli na para makaiwas ako. Dahil sa kakaatras ko ay bigla akong nahulog

sa kanal! KABLAG!

Tumama ang ulo ko (ulo kong maganda) sa gilid ng kanal. Eeehhh!!! Blood!

Sa nanlalabo kong paningin ay isang katanungan ang dumidikdik sa aking

isipan: "Bakit? Bakit nagkaroon ng kanal doon? San nanggaling iyon? Ha?

Paki-explain sa one whole intermediate pad..."

*faint

...

...

...

MARAHAN kong iminulat ang aking mga mata. Kinurap-kurap ko. Bakit puro

kulay puti ang nakikita ko?

Bulag na ba ako?!

OMG! I'm blind!

Huhuhu!

"A-asan ako? Bulag na ako. Huhuhu!" Umaatungal na sabi ko.

"Effin! You are not blind ate!" boses ni Charm.

"Charm? Is that you? Hindi ako bulag? Bakit puro kulay puti nakikita ko?"

maluha-luhang sabi ko.

Naku. Kahit naman sobrang makulit ng kapatid kong iyan. Gusto ko pa rin

siyang makita na lumaki...

"Duh! Shunga lang ate? Kisame kaya ng hospital iyang tinititigan mo!

Naka-cast kaya leeg mo kaya you can't move it. And besides pag blind,

black ang nakikita not puti. Another duhh!" Sumampa si Charm sa hospital

bed ko sabay belat sa akin.

Hospital?

Oo nga pala. Nahulog ako dun sa kanal...

Kahit hirapan ay umupo ako at umiyak ng umiyak. "N-nahulog ako sa kanal!

Nahulog ako! Huhuhu..." Todo emote talaga ako.

Pilit na inabot ni Charm ang likod ko at tinapik-tapik iyon. "Sige lang

ate. Iiyak mo lang katangahan mo. Tatawagin ko lang sina Mama."

Bigla akong napasimangot. Thanks Charm. Napakasupportive mo talaga. Eight

years old ka pa lang niyan ha =_=

Lumabas sandali si Charm at pagbalik niya ay kasama na niya sina Mama. At

talagang na-surprise ako ng makita kong kasama pa niya sina Nicco, Enzo

at Thonie.

"Shocks ate. If I were you, mahihiya ako. Gawd! Mukha kang giraffe sa

cast mo sa neck!" Parang wala lang na sabi ni Charm.

Grrrr....Ang cute mo Charm! Really. *fake smile

"OK ka lang ba?" halos sabay-sabay na tanong nila Enzo, Thonie at Nicco

ng makalapit na ang mga ito sa akin.

Gusto ko sanang gayahin ang famous lines ni Anne Curtis sa Babe, I Love

You pero di ko na itinuloy dahil baka pagtawanan lang nila.

Teka...May napapansin ako ha? Bakit parang hindi na galit si Enzo kay

Nicco? Something has happened na di ko alam...

Nagkaayos na agad sila?

Agad-agad?

Samantalang kanina lang eh nahulog ako sa kanal. Tumingin ako sa wall

clock. 10:00 PM.

Oh tamo. Four hours ago lang ng mahulog ako sa kanal at sa loob ng oras

na iyon ay nagkaayos na agad sila. Ow c'mon! -_~

Hahawakan sana ako ni Thonie ng tumalikod ako sa kanila. "Mama, palabasin

mo po muna sila. Gusto kong magpahinga." :|

Sa totoo lang ay tandang-tanda ko pa sa utak ko ang ginawang pag-steal ng

kiss ni Thonie sa akin. Nandidiri ako. Talaga. Bakit niya kasi ginawa

iyon? Iyan tuloy, nasira na ang tiwala ko sa kanya. Ayaw ko na siyang

makita o makausap.

Palabas na sila ng bigla kong maisip na kailangan kong makausap si Nicco.

"Nicco, sandali." Tawag ko. "Balik ka dito. We need to talk."

Nagtatakang lumapit si Nicco at ng kami na lang dalawa sa loob ay

kinausap ko na siya.

"It seems na nagkabati na yata kayo ni Enzo," oo na. Nagseselos ako! Kasi

naman. Bakit kailangan pa nilang magkaayos? Eh di sana wala na akong

kaagaw sa attention ng mylalabs Nicco ko! Imbyerna talaga!

Hay naku. Parang bumabalik na naman ang inis ko sa magkapatid na Enzo at

Thonie.

Nicco sigh. "Hmm. OK na kami. After three days kinausap na rin niya ako

kanina..."

"What do you mean three days? Baka naman three hours. Hmm. Halos kanina

lang ikaw nag-confess sa kanya ah." sabi ko. "Hoy. Pabalat naman ng

ponkan." Pakiusap ko kay Nicco ng makita ko ang prutas sa gilid.

Kumuha siya ng ponkan. "Wala ka bang alam? Eh, halos three days ka na

yatang tulog ah!"

Huwaaaat!!!

Three days na akong tulog?!

Napakalaki nga yata talaga ng damage na nagawa na nilikha ng pagkakahulog

ko sa busheet na kanal na 'yun! Talagang three days akong nakatulog? Kaya

naman pala nagkaayos na sina Enzo at Nicco. Naku, kung gising lang ako

mapipigilan ko ang pagbabating iyan. Kontrabida lang? Choz!

"Hmm. Jenica, i have something to tell you."

Napatigil ako sa pagsipsip sa ponkan at slowly akong napatingin sa mukha

ni Nicco.

"A-anong sasabihin mo?" Kinakabahang turan ko.

Thugs.

Thugs .

Thugs.

T-teka. Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko. Ano ba naman kasi ang

sasabihin ni Nicco. Nakaka-suspense lang.

Hindi kaya sasabihin niyang may taning na ang buhay ko. O kaya siya ang

nagbayad ng bills sa hospital! Ay hindeee...

Uhm. Hindi naman kaya...

Magtatapat na siya ng LOVE sa akin?! Sasabihin niyang lalaki na siya at

mahal na niya ako. Papakasalan niya ako at magsasama kami purebermor!

Hays....

Slow motion. "Jenica..."

DEDICATION:

Dedicated sa kanya kasi siya ang reader ko na laging nagtatanggol sa

akin. Salamat sa iyo...!!!

CHAPTER XII

NICCO's POV

NAKU! Paano ko ba ito sasabihin kay Jenica? Ano kayang magiging reaksiyon

niya kapag sinabi ko ito sa kanya? Siguro naman she'll support me kasi

she is my bestfriend...Hayst! :|

"Jenica..." Ohmieee! Kinakabahan talaga aketch!

"A-ano ba iyon?" Bakit naman pati itong si Jenica ay kinakabahan din.

Nakikisabay lang?

"Jenica...Alam mo bang kami na ni Enzo!" Shoot! Nasabi ko na rin sa

wakas!

...FLASHBACK

"HELLO, Enzo?" Nasa hospital ako noon dahil dinala ko sa hospital ang

babaeng nahulog sa kanal na si Jenica.

Minsan talaga tatanga-tanga ang bestfriend kong iyon. Di buh? Sobrang OA.

May atras-effect pa ng malaman na may gusto sa kanya si Enzo. Feeling

nasa soap opera. Iyan tuloy napala niya.

Hindi ko alam kung sino ang tatawagan ko kanina. I want to call Jenica's

mother pero hindi ko alam phone number nun. =_=

While browsing on my phonebook, nakita ko number ni Enzo. So I decided to

call him. Hindi ko alam ang gagawin sa oras na ideklara ng doktor na may

hemorage sa ulo o nagka-amnesia ang kawawang si Jenica bestie ko, nuh!

"At may lakas ka pa ng loob na tumawag. Bakla!" bungad ni Enzo.

Ouch!

Talagang tumatagos sa aking left ventricles ang huling salita na

binitiwan ni Enzo. Kasing sakit ng first broken heart, ng mapaos sa

silver concert niya si Ate Reg at kasing sakit ng mabitin ka sa extra-

rice mo.

Eh panu. Kailangan ko lang naman talaga ng karamay dito sa hospital.

Para may shoulders to crylalu on ako mamaya kapag dineclare na ng doktor

mamaya sa akin na may hemorage sa ulo o nagka-amnesia na ang kawawang si

Jenica :|

OK. Morbid.

"Enzo. Wag ka naman ganyan...I need your help now," I pleaded.

"Help? No way!" Matigas niyang sagot.

"Put*ngina Enzo! Ganyan ka ba katigas?!" (One More Chance- JL). Joke

lang. Di ko sinabi iyan. Feel ko lang sabihin pero di ko keribels.

Heto talaga. "Enzo andito sa hospital si Jenica. Napatihulog siya sa

kanal!" I declared.

"What?! Sang hospital iyan? Pupunta ako!"

Matapos kong sabihin sa kanya ang hospital ay nagmamadali niyang ibinaba

ang cellphone. Nakaramdam ako ng sudden sadness.

Buti pa si Jenica.

Mahal na siya ni Thonie. Mahal pa siya ng lalaking mahal ko na si Enzo.

Napakaswerte mo naman bestfriend...

...

...

...

NANG makarating na sa hospital si Enzo ay kasama pala nito ang mother ni

Jenica at ang kapatid nito. As usual, plus Thonie.

After an hour na nakita nila si Jenica ay napagdesisyunan nang umuwi ng

magkapatid na Enzo at Thonie. Nagpaiwan naman para magbantay sa wala pa

ring malay na si Jenica ang mother nito at ang kapatid nito.

Naglalakad na ako palabas ng Hospital. Uuwi rin ako saglit para magpalit

ng damit.

"Sabay ka na sa amin," boses ni Enzo! O..O

Nasa likuran ko siya with Thonie.

I stop. "N-no. Thanks. Nakakahiya."

"Talagang may gana ka pang mahiya Nicco? Eh di ka nga nahiyang aminin sa

akin na mahal mo ako eh!" Enzo. Sarcasm.

Namula ang cheeks ko. Parang paulit-ulit akong pinagsasampal! Really.

Umuna na sa paglalakad ang magkapatid pero tumigil sa paglalakad si Enzo

para sabihing: "Hihintayin ka namin sa kotse. Sa parking lot."

Huh?

Seryoso? Gusto akong kasabay ni Enzo? At sa kotse pa niya.

"Sandali! Sabay na ako sa inyo!" Mabilis kong sigaw habang hinahabol

sila.

...

...

...

SA KOTSE...

*cricket sounds

Tahimik kaming lahat eh. Enzo is driving habang nasa tabi niya sa unahan

si Thonie. Well, ako naman ay nakaupo sa backseat.

"Mahal mo ba talaga ako Nicco?" muntik nang mapunit ang brief ko sa

biglang tanong na iyon ni Enzo.

"Huh? Ako ba?" Di ko makapaniwalang tanong.

I just realize na that is a stupid answer to a stupid question. Nicco nga

diba? Eh di ako yun.

Napahawak ako sa sandalan ng upuan ng biglang ipreno ni Enzo ang kotse.

Pakiramdam ko ay naalog ang tubig na nasa tiyan ko na ininom ko kanina

lang.

"Mahal mo ba ako?!" Pasigaw. He look back para makita ako.

My reaction was epic.

"Totoo. Mahal kita Enzo..." Nanginginig na sagot ko.

"Tss." Enzo hissed.

At nagulat ako sa sunod na move ni Enzo...

Dumukwang siya sa akin at hinalikan ako sa lips!

One...Two...Three...Four...Four seconds. Gasp!

I was stunned. Four seconds na nawala ako sa sarili ko. Shocks! Nakita ko

rin ang shock sa mukha ni Thonie.

Alam ko. Kasing-pula na ng sinampal na mukha ni Angeline ni Heidi ang

mukha ko. Nanginginig ang lips ko. Trembling kumbaga.

KYAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!

Ang lambot at tamis ng lips ni Enzo! Its just a smack pero ang

epekto...Gin bulag at Red Horse!!!

Pinaandar na muli ni Enzo ang kotse pero ang senses ko ay di pa rin

gumagana. Wala na. Mamamatay na ako...

I just feel...Abused!

Charot!

"So. Tayo na." Enzo declared.

"Kuya!" Protesta ni Thonie. "Akala ko ba..."

WHAAAATTTT!!!

Panaginip lang ito. Panaginip lang!

"Boyfriend mo na ako Nicco." its Enzo again.

"Kuya?!" Thonie protest again.

Tinignan ko si Thonie. Kuya pa ng kuya. Sabunutan ko 'to eh =_=

END OF FLASHBACK...

NAPATIGIL ako sa pagkukwento ng mapansin kong umiiyak si Jenica.

"Hoy Jenica! Bakit ka umiiyak diyan?"

Kumuha ng tissue si Jenica na nakapatong sa side table. She wipe her

teary eyes at malakas na suminga doon. "Eh kasi. Sobrang happy ako para

sa iyo bestie..."

JENICA's POV

How dare you Nicco para tanungin ako ng ganyan! Bakit ako umiiyak? How

rude!

How insensitive you are Nicco! Toink! Hmm. Sabagay, hindi naman nga pala

niya alam ang nararamdaman ko. Ako naman kasi itong takot sa mga maaaring

mangyari...

Hays, sana may lakas ako ng loob na sabihin sa kanya ang lahat. Tapos

ngayong sila na ni Enzo, susuko na lang ba ako sa mission ko na gawin

siyang tunay na lalaki? Hmm. I don't know.

Ito namang si Enzo. Hindi ko alam kung anong hangin ang nasinghot, or

kung anong kemikal ang tinake at naisipang patulan si Nicco! Masyadong

nakakaloka at napakabilis ng pacing ng mga pangyayari sa ngayon. Hindi ko

alam kung paano ako makakahabol at makakasabay...

Bigla na lamang akong niyakap ni Jenica. "Thanks bestie! Alam kong

maiintindihan mo ako. Hindi ako nagsisisi na sinabi ko sa iyo whats

really happening between Enzo and me. Sobrang saya ko Jenica. Pero sa

ngayon, sana secret lang natin ang lahat ha? Ikaw, ako, si Enzo at Thonie

pa lamang ang nakakaalam ng lahat eh."

Hindi ko na alam kung paanong pagpapahid ng luha ang gagawin ko. Sobrang

sakit lang kasi...

In an instant, gumuho lahat ng pangarap ko. In an instant, nawala na

lahat ng plano ko. Ang sakit-sakit. </3 Pakiramdam ko, pinagsakluban ako

ng panty ng matanda na suot ng one week. Hindi ako makahinga.

Napakahirap. Yung feeling na may binili kang candy tapos ng isusubo mo na

ay biglang inagaw ng iba.

Nicco. Nicco. Bakit ba naman kasi ako nagkagusto sa tulad mong bading?

*cries

...

...

...

"DAHAN-DAHAN sa paglalakad..." inaalalayan ako ni Mama sa aking

paglalakad matapos naming bumaba sa taxi. Kakalabas ko lang sa hospital

that day.

Nakapameywang na nagsalita si Charm. "Mama. Sa ulo po ang injury ni ate

hindi sa paa."

"Magtigil ka nga Charm! Inggit ka lang kasi di ka binebeybi ni Mama,"

sabay belat ko.

Ginantihan niya ako ng belat at nagtatakbo papasok ng bahay. Napakakulit

talaga ng kapatid kong iyan but still, mahal ko siya.

Pagkapasok ko sa bahay ay umupo na ako sa sofa. Nasa sahig at nakaupo si

Charm habang busy'ng busy na nanonood ng cartoons sa TV.

"Anak. May gusto ka bang kainin? Magluluto ako." tanong sa akin ni Mama.

"Wala naman po. Salamat."

Sumabat na naman si Charm. "Ang arte ni ate. Ako kapag may gusto ako,

sinasabi ko." Bumalik muli siya sa panonood ng TV.

Natigilan ako. Napaisip sa sinabi ni Charm. "Kapag may gusto ako,

sinasabi ko."

Hays...Sana nga lang ay ganoon kadali ang lahat. Sana ay kasing-dali lang

ng paghingi kay Mama ng gusto kong pagkain ang pagsasabi ko na gusto ko

si Nicco.

CHAPTER XIII

ENZO's POV

KINUHA ko ang cellphone ko and dialled Nicco's number.

Tss.

Ang akala naman niya ay gusto ko rin siya. Kung alam lang ni Nicco na

galit na galit ako sa kanya!

I trusted him! Itinuring ko siyang tropa, kaibigan at kapatid iyon naman

pala ay may pagnanasa siya sa akin. Akala ko pa naman lalaki talaga siya.

Haist! Nakakaasar talaga ang Nicco na iyon!

Pero siguro iniisip niyo na ginagawa ko ito para gantihan sa panloloko

niya si Nicco-- HINDI. Hindi ko ito ginagawa to have a revenge. Para ito

sa kapatid kong si Thonie...

Dahil isang sikreto ni Jenica ang nadiscover ko...Jenica loves Nicco!

Nadiskubre ko iyon noong isang araw lang. Naisipan ko kasing maglinis sa

computer shop namin at nakakita ako ng isang memory card. Bigla kong

naisip na maaaring iyon 'yung nawala dating memory card ni Jenica.

Itatabi ko na sana ang memory card para isoli iyon pero kinulit ako ni

curiosity...Kinuha ko ang card reader ko at isinalpak doon ang memory

card na napulot ko.

Napangiti pa nga ako ng masigurong kay Jenica iyon sa dami ng pictures

niya roon. Kinopy ko ang ilan sa laptop ko...Nagbrowse pa ako ng konti sa

mga files...

At isang folder ang nakita ko...

"My New Love " ang name ng folder...

At nagulat ako ng makita kong puro pictures ni Nicco ang nakita ko...

Kaya naisipan kong makipag- in relationship kay Nicco kahit napipilitan

lang ako. Ang plano ko ay mawala na ang pagkagusto ni Jenica kay Nicco at

mabaling iyon sa kapatid kong si Thonie. Tanggap ko na naman na wala na

akong pag-asa kay Jenica. Ayaw ko ng makipag-agawan sa kapatid ko...

At ang gagawin ko na lang ay agawin ang oras ni Nicco kay Jenica. Para

pag wala ng time si Nicco kay Jenica ay mapipilitang lumapit si Jenica

kay Thonie.

Hay. I hope my plans will work!

...

...

...

NICCO's POV

"HELLO Nicco?"

Kulang na lang ay tumambling, mag-bunjee jumping tapos mag-suicide ako sa

sobrang kilig ng tawagan ako ni Enzo that day.

Ohmiee! Kiligness ang bekiness. Wuhahaha!

Hmm. Bakit kaya siya tumawag? Aayain niya kaya akong...Makipag-date?

Well, may chance. Bakit ba? Boyfriend ko na kaya si Enzo!

Oh dibuh?

Kahit na naging mabilisan lang na nagkaroon ng "kami" at di na nagawang

magpakipot ng lolabels niyo eh, OK lang. Basta akin na si Enzo. Kahit na

hindi ko alam kung anong drugs ang tinira niya at naisipan niyang pumatol

sa akin e, kiyeme lang. Who cares?! Basta masaya ako! At kung totoong

naka-drugs man si Enzo ay handa akong hanapin at maging permanent

suppliers ng drugs na iyon sa kanya para lalo niya akong magustuhan.

Dibuhhh???

Choz!

"Hello Enzo?" Medyo pacute ang boses ko. Iyong tipong hindi na bumubuka

ang lips ko sa sobrang pa-demure.

"For Christ sake Nicco! Pwede bang ayusin mo pagsasalita mo!" Pagalit na

sabi niya. "Kahit tayo na eh, magpaka-discreet ka pa rin naman sa tunay

mong katauhan!"

Uwaaaaaa!!! Lumeleveling sa kiligness! Ihhh...Sinabi niyang "kami",

dibuhh? Narinig niyo iyon. Wag mag-deny mga readers na magaganda!

Umubo ako. Manly voice. "Hello Enzo. OK na ba iyon?"

"Better!"

"Uhm. Bakit ka nga pala napatawag?" I asked. Humiga pa ako sa kama para

feel na feel.

"May lakad ka ba ngayon?"

Teka? Sounds like...A DATE!

Pero teka. Muntik ko ng makalimutan. Inaya nga pala ako kanina ni Jenica

na pumunta sa mall dahil may sale at naka-oo na ako sa bestie ko. Naku.

Panu ito?! Nai-stress ang bangs ko!

Hmm. Siguro naman ay maiintindihan ni Jenica kung hindi kami matutuloy

ngayon sa lakad namin. Pero...Parang ang sama ko naman kung pipiliin ko

ang boyfie ko over my bestie. It seems na kailangan kong magsinubgaling

kay Jenica...

"Uhm. Sige sasama ako sa iyo Enzo. Anong oras tayo magkikita at saan?"

Agad-agad na tanong ko.

"Huh?" Pakiramdam ko ay nakita ko ang pangungunot ng noo ni Enzo sa

kabilang linya. "Wala pa nga akong sinasabi kung anu-ano na sinasabi mo

Nicco!" Iritado ang voice ni Papa Enzo ko. KO talaga! Coz he is MINE!

"Ay sorry. Excited lang." Medyo napahiya ako doon ah.

"OK. So, free ka nga ngayon?"

"Oo naman. Wala naman akong lakad ngayon. Hindi naman kami pupunta ni

Jenica ng mall ngayon kahit sale ngayon doon." Haysss...Tamaan na ng pink

na kidlat ang sinungaling! :|

"OK. Kita tayo mamaya sa SM Calamba. Eleven o'clock." Pagkasabi niya noon

ay...

Tooot...Tooot...Tooot...

He ended the call.

My hands were shaking ng ilayo ko ang cellphone sa aking tenga...

Sandaling katahimikan then...

UWAAAAAAAAAAHHH!!!

Para akong bulateng sumisid sa isang kilong asin na nagtatarang sa

sobrang kilig! Waaaahhh!!! Inaaya akong mag-date ni Enzo! Our first

date....

Kailangang paghandaan ko ito. Tinignan ko ang orasan. 8:30 pa lang. May

ilang hours pa ako para magprepare.

Tumayo na ako at naligo. Medyo nagbabad ako talaga sa tub na may scented

candles sa gilid. Nang masiguro kong nakapag super-ligo na ako ay lumabas

na ako ng banyo. Blinow-dry ko ang korean styled hair ko.

Nagbibihis na ako ng biglang may nag-message sa aking Facebook. Hmm. Di

ko talaga pinapatay ang laptop ko pag nasa bahay ako. Chineck ko muna

kung sino ang nagmessage.

Hala. Si bestie Jenica pala.

JENICA: Hi Nicco. Tuloy lakad natin mamaya ha

Paktay na! Hay. Masama man sa kalooban ko pero...Sorry po Papa Jesus at

kailangan kong magsinungaling ngayon. Mangungumpisal na lang po ako at

lalakad ng nakaluhod papasok sa simbahan bukas or maybe sa Sunday.

NICCO: Jenica, sorry ha. Di kasi ako pwede ngayon. Masama kasi pakiramdam

ko. Parang magkakalagnat ako

JENICA: Aww. OK lang. Pagaling ka ha. Pahinga na rin.

NICCO: Thanks!

Nag buh-bye na ako sa kanya at ipinagpatuloy ko na ang pag-aayos ko.

"Oh, anak. May lakad ka pala ngayon. Saan punta mo?" tanong ni Mommy ng

makita niyang nakabihis ako habang pababa ng hagdan.

"Sa SM lang momsie." Kumiss na ako sa cheeks niya at nagpaalam na rin.

...

...

...

JENICA's POV

HALA!

Kawawa naman si Nicco. He's sick. At hindi matutuloy ang lakad namin.

Pero OK lang. Ang importante ay gumaling agad siya.

Wait. Ano kaya kung magpakitang gilas ako sa kanya? Tama! Kahit boyfriend

na niya si Enzo ay kailangang mas galingan ko ang "pang-aakit" sa kanya.

Ipapakita kong mas masarap magmahal ang isang tulad kong girlaloo kesa sa

lalaki.

Hmm. Go go go Jenica!

Bumaba na ako sa salas. Andun si Charm.

"Charm, asan si Mama?"

"Nasa Zimbabwe, nagkakape!" Pilosopo! Bakit ba kay Charm pa ako

nagtanong.

Dumiretso na lang ako sa kitchen at tama ang hinala ko. Naandun si

Mama.May niluluto siya.

Lumapit ako sa kanya at tinignan ang niluluto niya. "Mama, pwede mo ba

akong tulungang magluto ng sopas?"

"Sopas? Bakit naman?"

Biglang sumingit sa usapan si Charm. "Hala. Naglilihi si ate sa sopas,

Mama!" Sinabi niya iyon with her eyes widen.

"Charm!" pinandilatan ni Mama si Charm. "Manuod ka na lang ng TV sa

salas."

"OK."

"Eh may sakit po kasi si Nicco. Dadalhan ko sana ng sopas..." sabi ko

pagkaalis ni Charm.

"Ganun ba? O siya. Doon ka na lang sa room mo tapos tatawagin na lang

kita pag luto na ang sopas mo."

Umiling ako. "No Mama. Gusto ko ako po mismo magluluto ng sopas for

Nicco."

Makahulugang tinignan ako ni Mama. Anubayen! Mukhang naaamoy ni Mama ang

pagnanasa ko kay Nicco. Kakahiya huh.

At nagsimula na kaming magluto ni Mama. After na makaluto ay kumuha ako

ng bowl na may takip. Not the inodoro ha. Iyong bowl na sosyal for soup.

Basta iyon na iyon!

The next eksena ay nasa harapan na ako ng bahay nina Nicco. Nag doorbell

ako.

Ding dong!

Napangiti ako ng makita kong ang mommy mismo ni Nicco ang nagbukas ng

gate.

"Hi Tita!" Masigla kong bati.

"Oh Jenica. Anong sadya mo?"

Infairness,pretty pa rin ang mommy ni Nicco kahit na nasa early 40's

siya. "Uhm, dinalhan ko po kasi ng sopas si Nicco para mas mapadali ang

paggaling ng lagnat niya..."

"Lagnat? Si Nicco?" Nagtatakang sabi ng mommy ni Nicco. "Wala siyang

lagnat or kahit na anong sagot. Actually, nasa SM siya ngayon."

Natigilan ako. Parang hindi nagprocess ng ilang seconds ang utak ko. "Po?

Sure po kayo?"

"Yes, Jenica. Kakaalis nga lang niya eh."

"Ah. Sige po. Aalis na po ako." Tatalikod na sana ako ng tawagin ako ng

mommy ni Nicco.

"Jenica sandali. May sasabihin ako sa iyo..."

"A-ano po iyon tita?"

"Pwede bang akin na lang iyang sopas mo. Mukhang masarap eh!" Then she

smiled at me.

"Sure po..."

Paakabigay ko ay naglakad na ako palayo. Malinaw pa sa ZTE Deal at Hello

Garci na nagsinungaling sa akin si Nicco...Pero bakit niya iyon ginawa.

Hmp! Kailangan kong malaman kung bakit. Susundan ko siya sa SM!

Papauwi na ako ng bahay ng makasalubong ko si Thonie.

"J-jenica...Papunta sana ako sa inyo para makipag-ayos kaya lang---"

"Thonie!" putol ko sa sasabihin niya.

"Ha? Ano iyon?"

"Pwede bang samahan mo ako sa SM?!" tanong ko.

CHAPTER XIV

THONIE's POV

What?

Totoo ba ito? Inaaya akong mag-SM ni Jenica? I thought galit siya sa

akin? Kaya nga ako pumunta sa kanila para mag-apologize. Ang balak ko pa

nga sana ay gagawin ko ang lahat magkaayos lamang kami ngayong araw na

ito.

Pero an ito at inaaya pa niya akong mamasyal?

"Ano? Sasamahan mo ba ako sa SM Calamba?" May pagkairitang sabi ni Jenica

ng hindi ako nakapagsalita.

Kumurap-kurap ako. "H-hindi ka na galit sa akin?"

Jenica sigh. "Hay naku. OK. Sa totoo lang may konti pa akong galit sa iyo

pero ano pang magagawa ko? You stole my first kiss! Hayaan mo mapapatawad

pa naman kita basta wag mo ng uulitin pa iyon. Ano, sasamahan mo ba ako

sa mall o hindi?"

"Of course!" Mabilis kong sagot. YES! Mukhang magiging OK na kami ni

Jenica. Ngayon ay dadahan-dahanin ko na ang lahat para makuha si Jenica.

Slowly but surely. Mahuhulog ka din sa akin Jenica.

"Oh, ano? Tara na?" Yakag niya.

"Wait here. Magbibihis lang ako."

"Wag na. OK na iyan." sabi niya.

Sabagay. Di naman ako mukhang dugyot sa suot kong t-shirt plus cardigan

at pants. "Hmm. Sige na nga. Lakas mo sa akin eh!"

Ayun na nga. After a while ay sakay na kami ng jeep papuntang SM Calamba.

Hindi ko kasi pwedeng gamitin iyong car namin dahil ginamit ni Kuya Enzo.

May lakad yata siya eh. Hindi naman sinabi.

Nakakapagtaka pa rin pala. Ano kaya ang gagawin ni Jenica sa mall?

Tinignan ko siya. Nililipad ng hangin ang buhok niya but still

napakaganda pa rin niya. Kaya naman inlove na inlove ako sa kanya. Hehe.

Kahit nga malabo na magkagusto siya sa akin dahil isa akong lesbian...

JENICA's POV

Hmp!

Nakakailang naman itong si Thonie. Nasa jeep na kami pero panay ang

sulyap sa akin. Ang akala niya siguro di ko siya napapansin huh! Pero

deep inside, medyo nawawala na ang galit ko sa kanya. One more thing,

nakakabawas ng tunay na kagandahan kapag may kagalit. Stress. Stress!

Bumaba na kami ng jeep at nagmamadaling pumasok sa mall. Nawala na sa

isip ko na kasama ko nga pala si Thonie. Palinga-linga ako sa paligid.

"Nasaan na kaya siya?" I whispered.

Kakamot-kamot sa ulo na lumapit at nagtanong sa akin si Thonie. "Huh?

Sinong siya?"

Oooppss! Ang havey naman ng pandinig nitong si Thonie. "Siya? Wala ah!"

Maang-maangan pa talaga ako. "Tara sa second floor." Baka andun si Nicco.

Hmm. Ano kaya ang malaking dahilan ni Nicco at hindi siya sumama sa akin

na mag mall ngayon. Sana makita ko na siya.

Tulala akong sumakay sa escalator...Iniisip ko pa rin si Nicco.

Inihakbang ko na pataas ang aking mga paa para mas mabilis. Teka bakit

parang di ako umaalis sa pwesto ko?

"Jenica! Jenica!" Pakaway-kaway na sigaw sa akin ni Thonie. Nandun na

siya sa itaas habang ako ay patuloy sa paghakbang. Nakakahiya naman si

Thonie. Ang daming tao pero sigaw pa ng sigaw!

"Pababa iyang escalator na sinakyan mo!" Sigaw pa niya.

Pababa whuuut??? (what yun)

Dahil sa sinabing iyon ni Thonie ay doon ko lang narealize na tama nga

siya. Sa pababang escalator ako nakasakay! Shocks! Kakahiya! Kaya pala

kahit anong hakbang ko ay hindi ako nakakaalis sa pwesto ko. Sa sobrang

kakaisip ko kay Nicco ay nawawala na ako sa sarili. Baka mamaya eh baliw

na ako nito huh? Knock on wood! Nagmamadali akong bumaba at sumakay sa

pataas na escalator.

Napansin ko na medyo pinagtatawanan ako ng ibang nakakita sa akin. Baka

iniisip nila taga-mountain ako!

Keber! May taga-bundok ba na kasing-pretty at kinis ko?! Wala naman diba?

"Bakit parang wala ka sa sarili mo Jenica?" tanong ni Thonie ng nasa taas

na kami.

"W-wala...Tara. Gala tayo." Gala. Pero ang totoo ay hinahanap ko si

Nicco.

Hay...Sana makita ko na si Nicco dito.

Second floor. Nah! Wala. Hindi ko siya nakita. Alam ko. Nagmumukha ng

tanga si Thonie kakasunod sa akin pero mas importanteng makita ko na si

Nicco!

Nicco! Nicco! Boyfie koooh!!!

Naku. Para na akong si Sisa nito ah! Wag naman. Choz!

At saka "boyfie" talaga? Ambisyosa lang?!

Teka. Isang store na lang ang hindi pa namin napupuntahan. Tama! National

Bookstore. Kulang na lamang ay lumipad ako makapunta lang agad sa

National Bookstore. Pagkapasok namin doon ay hinanap ko agad si Nicco.

Tama nga ako! Hayun siya. Hayuuuunnnn!!! Ang dami niyang bitbit na books

at mukhang hirap na hirap na siya. Wait...Totoo ba itong nakikita ko?

Kasama niya si Enzo?

NICCO's POV

Ouchie!

Kanina pa sumasakit ang braso ko sa kakabuhat ng mga books na pinagbibili

ni Enzo dito sa National Bookstore. Tapos puro mga big books pa talaga

binibili niya. Pero OK lang atleast kasama ko siya.

Seriously. Disappointed talaga ako today. I thought kasi na this would be

a date pero mukhang naging julalaybelya (alalay) lang ako ni Enzo

mychuchu!

"Oh eto pa!" Sabay bagsak niya ng Encyclopedia sa pitong patong ng books

na buhat ko.

Muntik na akong ma-out of balance sa lakas ng pagkakabagsak niya sa book.

"Uhm Enzo, di ka pa ba tapos mamili ng mga aklat?" tanong ko.

"Bakit? Nagrereklamo ka? May angal?" Paangil na sabi niya.

Napayuko ako. Hindi ko kayang tignan ang galit na mukha ni Enzo. Hindi ko

kaya. "W-wala naman akong sinabing nagrereklamo ako. I just a-asked

you...Sorry."

"Iyon naman pala. So shut up!"

Paglingon namin ni Enzo ay sabay kaming nagulat sa dalawang taong aming

nakita. Sina Jenica at Thonie! Parang kanina pa yata sila naririnig at

nanonood sa eksena namin ni Enzo...

"N-nicco..." Nakatulalang tawag sa akin ni Jenica.

Inilapag ko sandali ang mga aklat at nagmamadaling nilapitan ang aking

bestie. "Jenica...M-magpapaliwanag ako." Shocks! Huling-huli niya ako sa

kasinungalingan ko.

"Ang sabi mo may sakit ka. Ang sabi mo hindi tayo tuloy sa lakad natin

dahil lalagnatin ka...Nagsinungaling ka sa akin Nicco. Nagka-boyfriend ka

lang kinalimutan mo na ako!" Himutok ni Jenica. Namumula na rin ang face

niya. "Mas pinili mong makasama ang Enzo na iyan kesa sa akin na kaibigan

mo?!"

"Minimize your voice Jenica...Nakakahiya. Baka may makarinig sa mga

sinasabi mo at malaman pa nilang boyfriend ko si Enzo..." Mahina kong

saway kay Jenica.

Hinawakan ko siya sa balikat pero pinalis niya iyon. "Don't touch me!

Galit ako sa iyo Nicco. Galit ako sa iyo! At isa pa, nandidiri ako sa

inyo ni Enzo! Nakakadiri kayo! Eeeewww! Wag na wag kayong makalapit-lapit

sa akin. Forever!!!" Sabay walk-out si Jenica.

Sinundan siya ni Thonie.

Naiwan kaming walang imik ni Enzo. Nagkatinginan kami. Gusto kong sisihin

sa nangyari si Enzo pero hindi ko magawa dahil mahal ko siya...

CHAPTER XV

JENICA's POV

"TAMA na Jenica. Lasing ka na!" Pinigilan ni Thonie ang pag-inom ko sa

shot glass na iinumin ko na sana.

"Hindi pa ako lasing. Huwag ka ngang mangialam!"

Ako lang yata ang naglalasing sa Tanduay Ice at tinatagay pa. Hik! Eh

kasi naman. Kaasar naman talaga si Nicco. Biruin niyong mas pinili niyang

makasama ang Enzo na iyon kesa sa akin...

"Anong wag mangialam? Lasing ka na kaya!"

"Lasing? Stay-put ka lang diyan, OK. Besides Tanduay Ice lang naman ang

iniinom ko, no."

"Iyon na nga eh. Tanduay Ice lang pero lasing na lasing ka na. Tara na

uuwi na kita sa inyo. Lagot ka sa mama mo pag-uwi mo."

Nyah! Oo nga pala. Lagot ako nito kay Mama pag umuwi akong lungange

mamaya. Bwiset naman kasi ang Nicco at Enzo na iyan. Pahirap sila. Galit

na galit ako sa kanila. Pakiramdam ko ay inagawan ako ng bestfriend ni

Enzo. At ang bruhilda namang si Nicco, nagpaagaw! Kaloka talaga! Ang

sakit sa eyelashes!

Hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako. Panay ang patak ng mga luha

ko. Bakit ba kailangang iyakan pa ang mga ganuong tao? Ha. Bakit?

Nakakaasar na luha ito, oh. Ayaw paawat.

"Jenica...Tama na..." malungkot na sabi ni Thonie with himas sa likod ko.

Napaiyak akong lalo. Todo. Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan na

ako ng mga tao sa 7/11. Basta feel kong umiyak. I just feel betrayed!

Choz!

"Ayokong nakikitang umiiyak ka Jenica. Alam mo iyan." Patuloy ni Thonie.

"Si Nicco. Si Nicco ang makakapagpatahan sa akin! Papuntahin mo siya

dito. Heto ang cellphone ko. Tawagan mo siya!" Sabay abot ko ng

cellphone.

"P-pero...Mas pinili niya-- "

Tinakpan ko ng dalawa kong kamay ang bibig ni Thonie. Alam ko na ang

sasabihin niya. "Wag mo ng ituloy. Please lang Thonie. Wag na wag mong

sasabihin. Mas lalo akong masasaktan. Huhuhu...Tawagan mo na lang si

Nicco. Alam ko, pupunta siya dito." Hay. Hindi ko na rin maintindihan ang

sarili ko. Kanina galit ngayon hindi na.

"OK. Tatawagan ko na. " Nag-dial na si Thonie pero..."Wala ka ng load

Jenica," at ibinalik niya sa akin ang cellphone ko.

What?! Wala na akong load? Lenshak! Kakapaload ko pa lang ng 30 pesos ah!

Haist! Kainis naaah! Kinainan na naman ako ng load ng too-tooot!

Mas lalo akong napahagulhol ng iyak sa katotohanang wala na akong load.

"Huhuhu...Wala na akong load. Wala na. Akong. Load! Kinain na naman!

Huhuhu!" Naghulagpos na ako sa kinauupuan ko.

"Jenica. Tama na. Nakakahiya na sa mga tao. Nakatingin na sila sa atin!"

Sabi sa akin ni Thonie.

Tumayo na ako. "Tara. Uwi na ako." Naglakad na ako palabas ng naturang

convenient store. Nakasunod lang si Thonie.

"Saglit lang Jenica," aniya. "Bibili lang kita ng kape, ha?"

Sandali lang nawala si Thonie at pagbalik niya ay may dala na siyang kape

na nakalagay sa styro na cup. "Heto. Inumin mo ito para mahulasan ka."

Kinuha ko agad tapos ininum pero mainit pa pala. "Aray! Napaso dila ko.

Maineeet!!!" Palahaw ko.

"Malamang. Mainit iyan. Kape eh." Tinignan ko ng masama si Thonie sa

sinabi niya. Ngumiti siya sabay sabi ng sorry. "Hmm. Ubusin mo na iyan

para makauwi na tayo. Siguradong nag-aalala na ang Mama mo. Mag gagabi

na."

Ininum ko ng pakonti-konti ang kape hanggang sa maubos na ito. Medyo

nawala nga ang pagkahilo ko.

"Tara na. Uwi na tayo." Yakag ko.

"Kaya mo na?"

"Oo naman! Uminom na ako ng kape, diba?" sagot ko.

After nun ay sumakay na naman kami ng jeep pauwi. Pagkababa namin ay

naglakad--lakad na lang kami papasok sa subdivision. Almost seven na pala

ng gabi. Medyo nauuna na maglakad sa akin si Thonie.

Mabuti na lamang pala at nandiyan si Thonie. Andiyan siya palagi. Hindi

niya ako iniwan kahit na nagmukha lang siyang aso na nakasunod sa akin

kanina. Wala akong reklamong narinig sa kanya. "Thonie..." Tawag ko sa

kanya. "Thank you..." Isang simpleng salita na nagpalingon sa kanya.

Lumingon at tumingin siya sa akin. Isang nasisiyahang ngiti ang gumuhit

sa manipis niyang labi. Iyong ngiti na parang naiiyak. "Y-you are

welcome...Always."

Uhhh...Natouch naman ako. Sobra. Ewan. Kahit na hindi naging ganun

kaganda ang trato ko sa kanya pero andiyan pa rin siya. Hindi nang-iwan.

Di tulad ni Nicco. Mas pinili niya si Enzo na makasama. Nakakalungkot

lang.

Nagkatitigan kaming dalawa. Matagal. Thirty-seconds yata. Hanggang sa may

tumawag sa pangalan ko. "Jenica?" Paglingon ko ay nakita ko si Nicco.

Kasama niya si Enzo. Nakaramdam na naman ako ng sakit.

"N-nicco!" Pilit ang mga ngiti ko. Smile lang ako para ipakitang hindi

ako affected much. "Kumusta ang malling niyo ng boyfriend mo? Ni Enzo?"

"Jenica, sorry. Sana maintindihan mo na first date namin ito ni E-

enzo..."

Biglang sumabat si Enzo. "Why can't you say kay Jenica na talagang mas

gusto mo akong makasama kesa sa kanya?"

"Kuya!" Gulat na gulat si Thonie sa binulalas ng kapatid niya. Kahit

naman ako ay nagulat din sa sinabing iyon ni Enzo. Hindi ko inexpect na

magiging ganun ka-rude ang kapatid ni Thonie.

"You got it right Enzo." sabi ko sabay tingin kay Nicco. "Just admit it

Nicco. Mas pinili mong makasama ngayon si Enzo kesa sa akin. Don't worry.

I am happy na kayo na ni Enzo."

Bigla akong hinawakan sa kamay ni Nicco. "Ayokong mawala ka Jenica..."

He's sad

Napatawa ako. "Mawawala? Bakit? Mamamatay na ba ako, ha?"

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin. What I mean is, sana maging

magkaibigan pa rin tayo...Please."

Natahimik ako. Masakit para sa akin ang sinabi niya pero kailangan ko pa

rin na itago ang totoo kong nararamdaman para kay Nicco. "OK lang.

Magkaibigan pa rin tayo. Loka ka talaga!"

Magkaibigan. Pa rin. Kami.

Kaibigan. Hanggang doon na nga lang yata talaga kami. Parang hindi ko

kayang tanggapin

ENZO's POV

Pagkauwi namin sa bahay ay agad akong kinompronta ni Thonie. Bigla siyang

pumasok sa kwarto ko. "Kuya Enzo. Hindi ko gusto ang sinabi mo kay Jenica

kanina. Alam mo naman na may gusto siya kay Nicco tapos sasabihin mo pa

iyon. Hindi ko na alam ang tumatakbo sa utak mo kuya. Pati si Nicco,

jinowa mo. Ano bang palabas ito kuya?"

"All of this. Lahat ng ito ay para sa iyo Thonie. Nicco likes me. You

like Jenica pero si Nicco ang gusto niya. There is a possibility na

magkagusto rin si Nicco kay Jenica coz lagi silang magkasama, right?"

paliwanag ko.

Napailing si Thonie. "H-hindi na kita maintindihan kuya..."

Hinawakan ko sa magkabilang balikat ang kapatid ko. "This is all for you.

Kapag napaghiwalay na natin sina Jenica at Nicco, mas mapapadali ang

paglalapit niyo ni Jenica!"

Natahimik siya. Marahil ay nakuha niya ang point ko. Then, "Now,

naiintindihan ko na Kuya Enzo. Salamat!" Sabay yakap niya sa akin.

Naputol lang ang pag-uusap namin ni Thonie ng katukin ni mommy ang kwarto

ko. Pagbukas ko ay agad na nagsalita ang mommy namin. "Thonie, Enzo. May

bisita tayo sa baba. I don't know kung matutuwa kayo or what kaya kayo na

ang umalam kung sino ang unexpected visitor niyo..."

Gusto ko pa sanang magtanong talaga kay mommy kung sino ba ang bisita na

iyon pero naunahan na ako ng curiosity ko. Halos magkasabay kami na

bumaba sa hagdan at may nakita kaming dalawang tao sa living room.

Isang babaeng napaka-payat at isang baklang ubod ng taba?

Sino ang mga ito? Really. I don't recognize them.

Bigla akong nakita nung babaeng payat na parang butiki. Ngumiti siya at

napatayo pa na parang excited na binati ako. "Enzo! It's been so long!"

"S-sino ka?" Rude. Pero iyon agad ang nasagot ko sa kanya.

"You don't recognize me? Its me...BARBIE!" Deklara nung babae.

Oh no!

Ito na ngayon si Barbie? Ang unang babae na pinag-agawan namin ng kapatid

kong si Thonie. Bakit parang may anorexia na siya sa sobrang kapayatan.

Butiki na siya! At sino naman itong matabang bakla na parang baboy sa

laki?

OK. Ako na ang rude. Enzo.

AUTHOR's NOTE:

Talagang gusto ko ng tapusin ang GBBT kasi naman nakakabobo na ang mga

eksena. Namemental-block na ako. Hahah! Joke lang. Hanggang 20 chapters

lang talaga ito. Hayan na...Malapit na talaga ang ending....

CHAPTER XVI

(Last 4 Chapters left...)

ENZO's POV

"B-BARBIE?"

I can't believe it. Si Barbie ba talaga itong babaeng kaharap ko? Itong

babaeng anorexia ay ang dating babae na pinag-agawan namin ni Thonie

noon? Nah.

"I'm back Enzo! Don't you miss me?" Tumakbo papalapit sa akin si Barbie

at she hug me.

"Surprised. I am surprised...Ang laki ng...Ipinayat mo!" Puna ko sa kanya

at inialis ko ang braso niya na nakapulupot sa akin. Tinignan ko siya ng

malapitan. Nawala na ang kasexyhan niya noon.

"Well. Talaga? Ito kasi ang trend sa mga fashion models sa ibang bansa.

You know, the thinner the better." Parang nagmamalaki pa ito na

napakapayat nito. "Don't you miss me? Well, ako...I miss my boyfriend

sooo much!"

Hahalikan sana ako ni Barbie sa lips per agad kong iniharang ang palad ko

sa papalapit niyang nguso. "Wait. Wait. Wait. Pakiulit nga ng sinabi mo?

Boyfriend?"

"Yup. Boyfriend."

"Who?"

"Ikaw!" ^^

"What?!" 0.0

"Yes. You are still my boyfriend!" At nanguyapit muli si Barbie sa aking

leeg.

Inalis ko ulit ang pagkakapulupot niya. Nakakainis. Parang anaconda si

Barbie. Panay ang pulupot! "Barbie. No. You have to understand na wala na

tayo. We're done!"

"Kailan pa?" Naningkit ang mga mata niya.

"Since the day na ipinagpalit mo ako sa pangarap mo. Tapos na tayo.

Matagal na...You can leave now."

Nagulantang kaming parehas ni Thonie ng bigla akong sampalin ni Barbie.

"Brute! Tayo pa! Tayo pa Enzo. Umalis lang ako tapos sasabihin mong wala

na tayo? How dare you?!" Pakiramdam ko ay malapit ng magcollapse si

Barbie sa ginagawa niyang pagwawala. Parang isang ihip lang ng hangin ay

liliparin na ito sa malayong lugar.

"Ikaw ang may gawa kaya wala na tayo..."

Parang baliw lang na biglang umamo ang mukha ni Barbie. "Hindi mo na ba

ako mahal? What I mean is...Wala ka na bang nararamdaman para sa akin?"

"Nararamdaman? Meron naman Barbie. Naaawa ako sa iyo! Kumakain ka pa ba?"

Rude. Again. Enzo.

"Oh God Enzo! You don't know the real meaning of the word SEXY!"

"Sa sarili mo iyan sabihin Barbie. I may sound rude pero, makakaalis na

kayo..." Hala. Napapasobra na yata ang pagiging rude ko this past few

days ah.

Ewan ko ba. Talagang may lakas pa ng loob na magpakita sa akin si Barbie.

First, mas pinili niya ang pagmo-model niya over me. And second, can't

she remember na siya ang naging dahilan noon kaya magpapakamatay sana si

Thonie?! Talaga nga yatang makapal pa rin ang mukha niya.

"Nakakaasar ka! Nakakaasar! Pffffftttt!!!" Nagtalsikan ang laway sa akin

ni Barbie. "You will regret this Enzo! Akin ka pa rin! Grrr!!!" At

tumalikod na si Barbie para umalis. "Lets go now Pettite!" Yaya nito sa

matabang bakla na kasama nito. Maitim iyong bakla at talagang malaki

siya. Lalo pa itong nangitim sa kulay yellow nitong buhok.

Nakakatawa ang hitsura nilang dalawa. Para silang butiki at baboy.

Hahaha!

"Pero lumalafang pa si atashi ng cakekabombella!" Sabi nung matabang

bakla na si Pettite pala ang pangalan.

Nagulat na lang ako ng suntukin ng payatot na si Barbie ang matabang si

Pettie. "Matakaw ka talagang alipin ka! Kaya di ka sumseksi na katulad

ko! Eat. Eat. Eat! Wala kang ibang alam kundi ang pasakan ng kung anu-ano

ang bunganga mo!"

Halos maiyak na si Pettite. Hmm. Maybe Pettite is Barbie's personal

assistant.

Alam ko na umuusok ang ilong ni Barbie ng umalis sila sa bahay namin. No

one can't blame me kung bakit ganun ang naging pakikitungo ko sa kanya.

Hays. Well, that is years ago na at naka-move on na ako.

"Kuya, sa tingin mo. Anong agenda ni Barbie at bumalik pa siya dito?

Halatang inlove na inlove pa rin siya sa iyo ah. I don't know but I have

a feeling na may malaking dahilan kung bakit siya nagpipilit na kayo

pa..." sabi sa akin ni Thonie.

Napabuntung-hininga na lang ako. "Iyon din ang pakiramdam ko. Naku. She's

just wasting her time dahil may mahal na akong iba..."

"Anong sabi mo kuya?!" Gulat na tanong ni Thonie.

Huh?

Teka! A-ano bang nasabi ko?

Haist! Muntik na. Muntik na akong madulas. "Ha? Wala naman akong sinasabi

ah." Tanggi ko na lang.

Nagulo ni Thonie ang sarili niyang buhok. "Haist! May sinabi ka kuya eh.

Sabi mo, may gusto kang babae. Sino iyon? Sino iyon? Ha?"

"Wala ah!"

"Kuya naman! Hala. Di pa kasi sabihin eh. Nadulas ka na nga."

"Wala. Wala. Wala. Sige, liligo na ako. Buh-bye!" Nagmamadaling pumasok

na agad ako sa kwarto ko sabay sara at lock ng pinto. Mabuti na lang at

natakasan ko ang pangungulit ng kapatid kong iyon.

Hangga't maari ay kailangan kong itago ang nararamdaman ko. Hindi dapat

malaman ni Thonie kung sino ang babaeng mahal ko dahil alam

ko...Masasaktan siya at hindi niya iyon matatanggap.

Hay naku. Ang hirap naman ng ganito! Argh!!!

-------------------------------------------

JENICA's POV

Naglalakad ako para bumili ng napkin sa tindahan kasi meron ako ngayon.

Hihi...

"Ate, pabili po. Modess. Lima. Eto po bayad ko. Saka po tatlong Piattos.

Akina sukli." Pagkabili ko ay naglakad na ako pauwi. Sa paglalakad ko ay

nakasalubong ko si Nicco.

He greeted me. "Hello Jenica!"

Hindi ko siya pinansin. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Ganito talaga

ako kapag may regla. Suplada. Moody at masungit! Diba mga girls? We are

uneasy during "red days".

"Hoy bestie! Bakit di ka namamansin?" Tawag pa niya sa akin.

"Bakit ba?" Medyo irritated na sabi ko.

"Kwentuhan naman tayo. Tara sa bahay...Luto na rin tayo ng carbonara!"

Yakag pa ni Nicco sa akin.

"Next time na lang. Wala ako sa mood eh."

"Hay naku naman. Hindi na nga tayo nakakapagkwentuhan eh. Matagal na

diba?"

"Kwentuhan whuuut?"

"About sa...Date namin. Ni Enzo!" Parang kinikilig pa na ngumiti si

Nicco.

Ay shocks! At talagang ang date pa nila ni Enzo ang gusto niyang topic,

ha? Ouch naman. Masaket!

"Uhm. Next time na lang talaga, please. Wala ako sa mood today!"

"Ay, sige na!" Pangungulit pa niya with hila sa braso.

Tinabig ko bigla si Nicco. "Ano ba? Ang kulit mo naman Nicco! Kanina ka

pa. Asar na asar na ako sa iyo! Lalong-lalo na sa inyo ni Enzo!" Ayun na

nga. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. "Manhid ka ba talaga Nicco?

Mahal kita, alam mo ba iyon? Mahal kita kahit bakla ka! Simula pa lang

nung una. Noong pinagtanggol kita kay Bogart, may gusto na ako sa iyo.

Andiyan ako kapag masaya at malungkot ka. Ako ang kasa-kasama mo sa lahat

pero anong ginawa mo? Pinagpalit mo ako kay Enzo! Ang tanga-tanga ko kasi

mahal kita! Nagmahal ako ng bakla!!!" Humihingal ako after. Sa wakas.

Nasabi ko na rin. Naibulalas ko na ang gusto kong sabihin. Ang isang

bagay na kaytagal kong itinago at inilihim. Masarap pala sa

pakiramdam...Nasabi ko na rin kay Nicco na mahal ko siya.

Tulala lang si Nicco pagkatapos kong magsalita. Shock siguro sa mga

narinig niya. Ano kayang magigingreaksiyon niya? Sana matauhan na si

Nicco.

Ngumiti siya.

B-bakit siya ngumiti? OMG!

"Ah Jenica..." aniya.

"Nicco?"

"Pwede bang pakiulit mo ang mga sinabi mo?" ani pa ni Nicco.

OW-EM-GEE!

Bakit niya pinapaulit ang sinabi ko kanina? Mukhang nagustuhan niya ah.

"Bakit kailangan ko pang ulitin?" tanong ko.

"Eh kasi, hindi ko narinig. Naka-earphone kasi ako," pagkasabi niya noon

ay tinanggal niya ang earphone niya.

Waaaahhhh!!! Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Hindi niya

narinig...Sayang. Lang. Effort. Ko...

"Grrrrr!!!" Inis na sabi ko na lang. "Nakakainis ka! Bleeeh!" Sabi ko sa

kanya sabay walk out.

Nakakainis talaga!!!

@#$%^&*%

CHAPTER XVII

JENICA's POV

"MANHID ka ba Nicco? Mahal na mahal kita! Mahal kita! Bakit ikaw pa? Ang

tanga-tanga ko...Yan! Diyan tayo sumasablay eh =_= Sa kaya lang! Laging

may kaya lang. Never naging simpleng mahal kita--"

"Hoy ate!"

O.O

Ay palaka!

Napatigil ako sa pagmo-monologue ko sa harap ng salamin ng biglang

pumasok sa kwarto ko ang kapatid kong si Charm. Pinandilatan ko siya ng

mata. "Charm! Ano ba? Bakit ka ba pumapasok sa kwarto ko ng di ka man

lang kumakatok, ha?"

Nag-crossed arms pa si Charm. "Duh ate! Kanina pa kaya ako kumakatok pero

di mo naman binubuksan. Ginagaya mo pa si Kim Chui. Nakakahiya ka pag may

ibang nakakita sa iyo. Mamaya lokohin pa nila akong may baliw akong ate."

"Tumigil ka nga diyan." Masa madadak pa ang batang ito kesa sa akin.

"Bakit ka ba andito?"

"Ah...Hihiram lang sana ako ate nung crayons na nilalagay mo sa lips mo."

Ano daw? Crayons na nilalagay sa lips? ?_?

Napaisip ako. Sabay, "Ahh..Lipstick ba?"

Diyos ko naman kasi. Nakaka-bobo iyong crayon na nilalagay sa lips!

"Yeah, whatever! Iyon na nga yata iyon ate."

"Teka. At ano naman gagawin mo sa lipstick ha?"

"Siyempre. Gagamitin ko ate."

"Hoy Charm. Bata ka pa. Hindi pwede."

"Eh gusto ko ngang gumamit nun eh. Pupunta kasi kami sa bahay ng

classmate ko. Andun yung kuya niya na crush ko. Papaganda ako." Walang

gatol na sagot ni Charm.

Huwaaat?! Talagang nawindang ako sa sinabing iyon ni Charm. "Crush?! Ang

bata mo pa, alam mo na agad iyan?! Isusumbong kita kay Mama!"

"Isusumbong naman kita kay Kuya Nicco na love mo siya!"

Aba. Aba. Ka-galing naman mam-blackmail ng kapatid kong ito -_o

"Wala kang ebidensiya Charm. Wala." sagot ko.

"Duh ate. Anong wala. Eh ginawa mo ng wallpaper sa room mo mga pictures

ni Kuya Nicco. Ano papahiramin mo ba ako?"

( <-_-)>

Nakuuu!!! Talo na naman ako ng kapatid kooo....!!!

"OK. OK," sabi at kinuha ko ang lipstick at binigay sa kanya. "Ayan.

Lumabas ka na nga!" pagtataboy ko sa kanya.

"Thanks ate. Bye..." Nang-aasar pa na ngumiti si Charm bago umalis. Iyong

ngiti niya talaga parang "talo kita ate. Winner ako!" Tapos may evil

laugh pa sa huli.

Napahiga ako sa kama ko. Charm is right. Punung-puno ng pictures ni Nicco

ang kwarto ko. Biglang nagflashback sa utak ko iyong ginawa kong pag-amin

kay Nicco kanina. Sayang. Naka-earphone pala siya. Hindi niya tuloy

nakinig ang---

Wait! Bumangon ako bigla.

No way! Tama! Hindi maaaring hindi niya narinig ang mga sinabi ko sa

kanya dahil noong kinakausap niya ako noong una ay naririnig pa niya

lahat ng sinasabi ko. Tapos noong umamin na ako biglang hindi na niya

narinig...Ano iyon? Tangahan?

Sinabi lang ni Nicco na di niya ako narinig. Pero anong reason niya?

Hayst! I need to talk to him!

---

ENZO's POV

I WAS ALONE sa net cafe namin ngayon dahil wala si Thonie. May pupuntahan

daw siya eh. Wala naman masyadong customers dahil medyo lunch time na.

Usually, after lunch pa ang dagsa ng mga customers so chillax lang ako

dito.

Engrossed na engrossed ako sa paglalaro ng Garena ng biglang tumunog ang

wind chime na nasa pinto ng shop. Kleng...Kleng...Sign na may taong

pumasok. Tama nga ako.

Papasok si Barbie habang nasa likuran nito si Pettite na may dalang isang

bucket ng fried chicken ng Jollibee. Todo-kain si Pettite. "Hello Enzo!

How are you?"

"What are you doing here?"

Sumimangot si Barbie. "Nakakatampo naman. Ganyan ba ang pag-welcome mo sa

girlfriend mo?" Naka-pout pa siya. Pa-cute.

"You are not my girlfriend anymore. Wag mo nang ipagpilitan iyan."

"Fine. Well, I am here dahil alam ko gutom ka na kaya i brought you--- Oh

my God! Pettite! Bakit mo kinakain iyang ChickenJoys!" Nagulat talaga si

Barbie nang makita niyang mauubos na ni Pettite ang isang bucket ng fried

chickens. Nakakatawa ang reaksiyon nilang dalawa. "Akina nga iyan!" Sabay

suntok sa mangiyak-ngiyak na alalay.

Humarap ng nakangiti sa akin si Barbie. "Here. I bet you are hungry,

don't you? Wala namang virus si Pettite. So eat na."

"No thanks Barbie. Actually, kumain na ako bago ka pa dumating. Ipakain

mo na lang lahat iyan kay Pettite..." sabi ko lang iyon. Ang totoo kasi

hindi pa talaga ako kumakain.

"You're lying! I still remember na favorite mo ang ChickenJoy dati!"

Histerikal agad si Barbie. She looks like a nagger girlfriend.

Napangisi ako. "Yeah right. Dati. Past na iyon Barbie. Just...Move on.

Dahil ako matagal ng tanggap na hindi talaga tayo ang para sa isa't-isa.

Sana ganun ka rin..."

"No! Ayoko!" Bigla akong niyakap ni Barbie. Shock ako sa ginawa niya.

Parang ibang Barbie na siya. "Love me again Enzo! I am begging you..."

Kleng....Kleng...

Tumunog ulit ang wind chime at nanlaki ang mata ko ng makita kong nasa

pintuan si Nicco at ang naabutan niyang eksena ay ang nakayakap sa akin

si Barbie. "S-siguro babalik na lang ako in some other time. Bye." At

mabilis na lumabas ng shop si Nicco.

"Nicco wait!" Sigaw ko pero nakalabas na siya.

Pilit kong inalis ang pagkakapulupot ng kamay ni Barbie sa akin...

Nang makawala na ako sa kanya ay sumugod na naman siya para yakapin ako

pero itinulak ko siya kay Pettite. Kaya ang nangyari ay nakadagan na

bumagsak si Barbie sa alalay nito. Sinamantala ko na ang pagkakataon.

Nagmamadali akong nagtatakbo palabas para sundan si Nicco.

---

NICCO's POV

GUSTO kong alisin sa utak ko ang nakita ko. Si Enzo habang

nakikipagyakapan sa isang babaeng parang tikling sa kapayatan. Bakit sila

magkayakap? At talagang nakita ko pa! Napaka-unfaithful pala ni Enzo.

Tss...Bakit ba ako nag-iilusyon na mahal talaga ako ni Enzo eh in the

first place alam ko naman na pinaglalaruan niya lang ako. Gumaganti lang

siya sa pagpapanggap ko dati. Ang akala niya siguro nagkunwari akong

tunay na lalaki para kaibiganin niya ako.

Kasalanan ko rin naman eh. Tanga kasi ako dahil pumayag ako sa

relationship na ito!

"Nicco wait!" Paglingon ko ay nakita kong hinahabol pala ako ni Enzo.

Nyah! Para kaming nasa isang romantic movie. Hinahabol ng leading man ang

leading lady niya...Hmm. Kileeeg!!!

Kulang na lang umulan para perfect movie scene na!

Pero hindi! Lalo kung binilisan ang pagtakbo ko at dahil doon hindi ko

napansin ang isang bato. Natapakan ko iyon at nadapa ako. "Nicco!" At

mabilis akong tinulungan ni Enzo sa pagtayo.

Pinagpag ko ang nadumihang damit ko. "Ang sweet niyo kanina ah."

Sarcastic me.

"Nicco wala 'yun. Wala iyon." Napatingin ako sa sinabi ni Enzo. Ang lakas

maka-Gerald Anderson ah.

Maka-Kim Chui nga. "Enzo. Sana hindi mo na lang sinabing maging tayo kung

gaganituhin mo lang ako. Bogs este Enzo walang pumilit sa iyo. May

pumilit ba sa iyo? Sinabi ko lang naman ang nararamdaman ko dahil hindi

ko na kayang itago. Sana lumayo ka na lang...Pero Enzo shinota mo ako

eeehhhh...Shinota mo ang bestfriend moooo..."

Bogsh!

"Aray!" Napatigil ako sa pagsasalita ko ng may biglang sumapak sa akin.

"Gaga! Ako ang bestfriend mo hindi si Enzo!" Paglingon ko ay nakita ko si

Jenica. Siya pala ang sumapak sa akin.

"Bakit mo ako sinapak?" Nagtatako kong tanong.

"Gago ka Nicco!" Umiiyak na sagot sa akin ni Jenica. "Alam kong alam mo

na narinig mo ang pag-amin ko sa iyo! Bakit sinabi mong hindi mo

narinig?!"

Napayuko ako. "J-jenica..."

"Answer me Nicco!" Halos madurog ang puso ko sa nakikita kong mga luha sa

mukha ng bestfriend ko.

Kusa na ring lumaglag ang luha ko. "I am sorry Jenica...Nagkunwari lang

akong walang narinig dahil...Dahil gusto kong manatili tayong ganito.

Magkaibigan. Bestfriends. Ayokong dumating ang araw na hindi na kita

matatawag na bestie dahil sa ang bestfriend ko pala ay iba ang tingin sa

akin..."

Lalong napaiyak si Jenica. "Lahat naman Nicco ginawa ko para sa iyo...Ang

tanga ko. At napakatanga ko for making the biggest mistake of my life---

ang mainlove sa bading kong bestfriend!" Pilit na tumawa si Jenica.

"Well, bakit pa ba ako makikigulo sa inyo ni Enzo? I just want to say to

you Nicco na MAHAL NA MAHAL KITA. Kahit alam kong hindi mo iyon

masuauklian...Mahal pa rin kita..."

Sana hindi na lang ako naging bakla dahil baka sakaling maging kami pa ni

Jenica. "Akala mo lang masaya ako. You're wrong. Dahil alam ko naman na

kahit akin si Enzo...Ikaw pa rin ang mahal niya!"

Bigla akong hinawakan sa braso ni Enzo sa sinabi ko. "Ano bang sinasabi

mo Nicco?!"

Hanggang sa...

"Totoo ba iyon kuya?" Napalingon kaming lahat sa nagsalita. Si Thonie.

"T-thonie!" Kitang-kita ko ang pagkabiglang rumehistro sa mukha ni Enzo.

"Totoo ba ang narinig ko? Gusto mo rin si Jenica?" Namumula na si Thonie.

Parang pinipigilan niya ang kung anumang emotion na gustong kumawala sa

kanya.

Nilapitan ni Enzo ang kanyang kapatid. "Let me explain Thonie."

"Bitiwan mo ako kuya. Ayoko. Ayokong marinig ang explanation mo! Si

Jenica ba ang sinasabi mong babaeng mahal mo?! Sa lahat naman ng tao,

bakit ikaw pa kuya?! Bakit kailangang lahat ng babaeng gusto ko gusto mo

rin?! Galit ako sayo kuya! Galit ako sa iyo!" At tumalikod na si Thonie

at mabilis na tumakbo palayo.

"Shit! Kailangan kong sundan si Thonie baka kung anong gawin niya!" Nag-

aalalang turan ni Enzo.

-------------------------------------------------------------------------

--------

LAST 3 Chapters left...

CHAPTER XVIII

ENZO's POV

NASAAN na ba si Thonie? Pilit ko siyang tinatawagan pero nakapatay ang

cellphone niya. Kinakabahan na talaga ako. Paano kung gawin na naman niya

ang ginawa niya noon ng malaman niyang kami na ni Barbie?

"Hindi rin namin siya macontact..." Sabi sa akin ni Nicco. Natulong na

rin sila.

Nasa park kami noon. Biglang nag-ring ang cellphone ko. Si Mommy.

Tumatawag. "Hello mommy? Andiyan po ba sa bahay si Thonie?"

"Thonie is here. Umuwi ka na. Isama mo rin si Nicco...We need to talk,"

Bakit parang ang seryoso naman ng boses ni mommy? Kinakabahan tuloy ako.

Parang...Argh! Ewan.

"Sige po...Isasama ko po si Nicco. Bye."

"Ow? Sino iyon? Narinig ko pangalan ko ah." Turan ni Nicco.

Tumingin ako sa kanya. "Si mommy. Gusto niya tayong makausap na dalawa."

"Huh? Bakit daw?"

"I don't know...She did not tell me. Hmm. Tara na!"

"Wait! Pasama ako." Si Jenica.

Kaya ang nangyari ay tatlo kaming umuwi sa bahay. Nagulat pa kami ng

makita namin na kausap ni mommy sa salas sina Barbie at Pettite.

"Anong ginagawa ng dalawang iyan dito mommy? Nasan si Thonie?" tanong ko.

"Thonie is upstairs. May sinabi sa akin si Barbie...." Pinaupo kami ni

mommy. "Totoo ba na may relasyon kayo ni Nicco? Bakla ka ba Enzo?"

Straight na tanong ni mommy.

Natahimik ako. Biglang sumabat sa usapan si Barbie. "Don't try to deny it

Enzo! Narinig at nakita ko ang usapan niyo kanina! Kaya siguro ayaw mo na

akong balikan kasi sa bakla ka na napatol! Ewww!" Maarteng sabi ni

Barbie.

"Tita-- Hindi po totoo ang sinasabi ni Barbie..." Nagsalita na rin si

Nicco. "Opo. Totoo pong bakla ako pero wala po kaming relasyon ng anak

niyo..."

"Ha?! So you're trying to look like amalayer?! Ha!? Amalayer?!" Galit na

sigaw ni Barbie.

Senegundahan naman agad ito ni Jenica. "Yes tita. Actually, ako ang

magpapatunay na walang relasyon sina Enzo at Nicco. Kami po ang

magkakasama araw-araw kaya alam ko po iyan..."

Nagkatinginan kaming tatlo. At may pasasalamat na nginitian ko silang

dalawa.

Tumingin si Mommy kay Barbie. "Barbie...You disappoint me. Alam mo naman

noon pa man na ayaw ko sa lahat ay nagsisinungaling."

"But Tita- "

"You need to take a rest iha. Look at you. Ang payat mo na...I think you

have an anorexia disorder..."

"You are wrong Tita...This is just a body of a supermodel..."

"Umuwi ka na Barbie...Now." May diin ang pagkakasabi niya noon.

Masama ang tingin na umalis si Barbie.

"Mommy...Salamat for believing us!" Sabay yakap ko sa kanya.

Ilang sandali pa ay umalis na rin sina Nicco at Jenica.

"Enzo...I can feel it...Kailangan niyong mag-usap ni Thonie. I know what

you really feel right now. Sa lahat...Sa inyong apat, alam kong ikaw ang

pinaka nahihirapan. Go. Talk to her..." sabi ni Mommy.

Niyakap ko siyang muli. "Thanks Mom!"

------------------------------------------------------------

JENICA's POV

WALANG-IMIK kaming dalawa ni Nicco habang naglalakad. Walang nag-aattempt

na magbukas ng conversation. Marahan lang ang aming paghakbang...

Hay. Ang hirap naman ng ganito...

"Jenica..." Sa wakas nagsalita na rin siya.

Pero ako super deadma lang. "Hoy Jenica..." aniya.

"Bakit ba?" kunwari ay iritadong sabi ko.

"Wala lang. Parang ang daming nangyari this day. Alam mo parang natauhan

na ako eh. Ayoko na...Enzo is not for me. Never. Kahit anong gawin ko

he'll never do love me...Tanggap ko na." Then he smiled.

"Oh bakit mo sinasabi iyan sa akin?" Masungit-effect pa talaga ako.

He held my hand. "Jenica...Totoo bang mahal mo ako?"

"Bitiwan mo nga ang kamay ko..." Pero wag ka. Kinilig ang lola niyo.

"Jenica...Kung mahal mo talaga ako. I am giving you a chance para gawin

akong tunay na lalaki..."

"Ha?!" Gulat na sabi ko.

Tunay na lalaki? Gagawin ko siyang tunay na lalaki?!

Posas...

Teka. Anong posas? Bakit iba ang naiisip ko?

Biglang umandar ang imagination ko...

-IMAGINATION-

"Niccow! Poposasan kita sa kama at imamassage ko ang katawan mo gamit ang

makipot kong...Cleavage!"

-END OF IMAGINATION-

"Hoy Jenica!"

"Ay cleavage!" Bigla kong nasabi.

"Anong cleavage?" takang-tanong niya.

"Ah. Eh. Wala. Ano nga palang sinasabi mo?" tanong ko kunwari.

Ngumiti si Nicco. "Ang sabi ko, I am giving you a chance para gawin akong

tunay na lalaki...At pag nagawa mo iyon, I'll be yours forever!"

Natigilan ako sabay tingin sa kanya. "Forever? Ang sarap pakinggan...Ang

sarap paniwalaan pero- "

Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin dahil inilagay ni Nicco ang isa

niyang daliri sa labi ko. "Please lang Jenica...Tama na ang famous movie

line, kay?"

Tumango ako. "Sige...Pero akala ko ba ayaw mong lumampas tayo sa pagiging

magkaibigan..."

"Wala. Naisip ko lang na baka hindi ako magiging masaya kapag itinuloy ko

ito...Itong pagiging bakla ko. Alam mo na..." sabi pa niya. "May tiwala

ako sa iyo Jenica. Almost a year na kitang kasama pero parang magkasama

na tayo like childhood friends..."

"Tinatanggap ko ang hamon mo Nicco!" Buong confident na sabi ko. "Pag

nagawa kitang totoong lalaki, wala nang bawian pero you are

mine...Forever!"

Humalakhak siya. "Oh bakit natawa?" sabi ko.

"Wala lang..Kasi nakakatuwa lang Jenica. Kanina kasi nag-aaway-away

tayong apat tapos ngayon look at us...Magkabati na."

"Bakit anong gusto mo? Mag-away ulit tayo ha?"

"No. Hindi ah...Pero, naiisip ko sina Thonie at Enzo...Nag-aalala ako sa

kanila..."

"Oo nga. Sana magkaayos na sila..." Dasal ko.

-----------------------------------------------------------

ENZO's POV

KUMATOK ako sa pinto ng kwarto ni Thonie. Walang sumagot. Pinihit ko ang

knob. Its lock. No choice ako...

Lumabas ako ng bahay at kinuha ang ladder sa may garrage. Tinapat ko iyon

sa bintana sa room ni Thonie. Umakyat ako at maswerte pa rin ako kasi

hindi nagsasara ng bintana si Thonie. Nandun siya nakahiga. Tulog yata...

Pumasok ako sa kwarto niya sa pamamagitan ng bintana. Umupo ako sa gilid

ng kama niya. Bigla siyang napabalikwas ng bangon ng maramdaman niyang

gumalaw ang higaan niya. "Kuya?! Panu ka nakapasok?!" Galit na sabi niya.

Itinuro ko ang bintana sabay ngiti. "Lumbas ka na! Galit ako sa iyo.

Mang-aagaw ka!"

"I have something to say to you Thonie-- "

Tinakpan ni Thonie ng mga kamay niya ang kanyang tenga at nagsisigaw.

"Wala! Wala! Ayokong makinig sa iyo kuya! Yo betray me! Blah! Blah! Wala

akong naririnig...La la la la la..." Kumanta-kanta pa siya kunwari para

lang di marinig ang mga sinasabi ko.

"Thonie stop! Stop being a kid." sabi ko. Maybe this is the right time

para sabihin ko na sa kanya ang katotohanan. "Hindi si Jenica ang babaeng

mahal ko!" Deklara ko na ikinatigil niya.

"Huh?" takado siya. "No. Niloloko mo na naman ako. Lumabas ka na nga!"

"Hindi si Jenica ang mahal ko-- " Bigla niya akong binato ng unan.

"Aray!" Hinawakan ko siya sa magkabila niyang kamay.

Pumalag siya. "Bitiwan mo ako kuya! Isusumbong kita kay Mommy!"

Sumeryoso na ako. Tinitigan ko siya. "IKAW...Ikaw ang babaeng mahal

ko...Thonie...I love you!"

At kitang-kita ko ang panlalaki ng kanyang mga mata ng halikan ko siya sa

mga labi niya...

---

CHAPTER XIX

THONIE's POV

HINDI ako makapaniwala sa narinig ko mula kay Kuya Enzo. Ako daw ang

babaeng mahal niya. Malakas ko siyang itinulak palayo. Tumayo na rin ako.

"Baliw ka na kuya. H-hindi na kita maintindihan!"

"Thonie...Ako ang hindi mo maintindihan. Mahal kita!"

"Ano bang pinagsasasabi mo kuya? Mahal mo ako? Bilang ano? Ah

kapatid...Tama ako, diba?" Hindi ko alam pero nanginginig ang katawan ko

ng mga oras na ito.

Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi ni Kuya. Pakiramdam ko ay ibang

tao siya ngayon. Bakit niya sinasabing mahal niya ako? Kapatid niya ako.

Magkapatid kami!

"You are wrong...Matagal na kitang mahal Thonie. Noon pa man...Inagaw ko

sa iyo si Barbie dahil ayokong maging tuluyan kang maging tomboy. Pati si

Jenica...Pero hindi ko pala kayang ilayo si Jenica sa iyo dahil mahal na

mahal mo siya. Kaya ang ginawa ko na lang ay magparaya..." Alam ko.

Pinipigil ni Kuya Enzo ang pagpatak ng kanyang mga luha. Ganun din naman

ako. Nagpipigil.

"K-kuya..."

"Wag mo akong tawaging 'kuya' Thonie...Ang totoo niyan ay hindi tayo

magkapatid!" Deklara ni Kuya Enzo.

Bigla akong natigilan. Parang umikot ang buong paligid ko at gusto kong

isuka lahat ng salitang nadinig ko mula kay Kuya Enzo. Hindi daw kami

magkapatid? "Ano ba ito Kuya Enzo? Prank ba ito? If it is then stop!

Hindi na ako natutuwa. Mas lalo lang akong naiinis!"

Bumukas ang pinto ng kwarto ko. Pumasok si Mommy...

Ginamit niya siguro ang duplicate ng susi kaya siya nakapasok. Umiiyak na

nilapitan ako ni Mommy then she hug me. Mahigpit. "I'm so sorry

Thonie...Sorry anak ko..."

Napaiyak na din ako. Ngayon ko lang nakitang umiyak ang mommy ko. And

seeing your mother in tears is so painful pala. Heartbreaking! "Sorry for

what mommy?"

"Sorry Thonie..." Patuloy na turan ni mommy.

"I can't understand whats happening...Help me understand mom...Please..."

"Hindi kita tunay na anak Thonie..." Labis akong nagimbal sa sinabing

iyon ni mommy. Nanlamig ang buo kong katawan. Frozen as ice.

Napakalas ako sa hug niya at napaatras ako. "Tell me, hindi iyan totoo!"

"Thats the truth Thonie...Sorry kung di ko nasabi sa iyo. Iniwan ka lang

ng kung sino sa harapan ng bahay namin noon. Enzo is three years old

then. Inampon ka na namin dahil sa that time ay nawalan na ako ng

kakayanan na magkaanak and I wanted to have a baby girl. Habang lumalaki

ka ay itinuring kitang anak..." Lalo akong napaiyak.

What?!" Hindi ko makapaniwalang sabi. "A-ampon lang ako? Mommy...Bakit

ngayon niyo lang sinabi sa akin? Buong buhay ko pala ay isang malaking

kasinungalingan lang!" Napahagulhol na ako ng tuluyan. Pagkasabi ko noon

ay nagtatakbo na ako palabas.

Pagkalabas ko ay tumigil muna ako saglit. Nakakahiya sa mga makakakita sa

akin. Puro luha na ang mukha ko :'|

-------------------------------------------------------------------------

-----------

ENZO's POV

"THONIE!!!" Sigaw ko ng biglang nagtatakbo palabas ng kwarto niya si

Thonie. My heart is crashing habang tinitignan ko ang pag-iyak niya.

Buong buhay ko, wala akong ibang babae na minahal kundi si Thonie lang.

Malas ko nga lang dahil kapatid ang pagkakakilala niya sa akin. Hindi

imposibleng mahulog ang loob ko sa kanya...Magkasama kami palagi tapos

hindi pa lingid sa aking kaalaman na hindi ko naman talaga siya

kapatid...

Susundan ko sana si Thonie ng pigilan ako ni Mommy. I look at her with so

much sadness in my eyes. "Mommy, susundan ko si Thonie...I want to talk

to her." Pumapatak na ang luha ko.

Umiling si Mommy. "No Enzo. Let her be. Hayaan mong makapag-isip si

Thonie ng siya lang mag-isa. This is not easy for her...Masakit ito para

sa kanya. She needs to be healed all by herself..."

"P-pero...Baka kung anong g-gawin niya..."

"Don't worry," hinaplos ako ni mommy sa buhok ko. "I know wala siyang

gagawin na hindi natin magugustuhan. Hindi man ako ang tunay niyang ina

but kilala ko si Thonie. Right now, just let her be..."

Hindi ko na rin napigilan ang tuluyang pag-iyak. Lalaki ako pero grabe.

Grabe ang pag-iyak ko. Yumakap ako kay mommy. "Mommy...I really love

Thonie...Mahal na mahal ko po siya..." sabi ko.

"I know...I know...." she said.

-------------------------------------------------------------------------

--

THONIE's POV

Fvck!

Nakakaasar! Bakit naman ngayon pa umulan? Tanghaling-tapat pero umuulan!

Nagtatakbo ako sa isang waiting shed. Nakasilong na ako pero nabasa pa

rin ako ng sobra. Napaupo ako at tumitig sa kawalan.

Naalala ko si Kuya Enzo...Mahal pala niya ako. Napangiti ako pero

napalitan agad iyon ng lungkot.

Parang teledrama. Nangyayari rin pala ito sa totoong buhay...Sumubsob ako

sa aking nakatiklop na mga tuhod. Gusto kong bumalik sa bahay at

tanggapin na lamang ang lahat. Patawarin sina Mommy at Enzo sa pagkakait

sa akin ng katotohanan pero sana ganun lang din iyon kadali...Hindi eh

Almost sixteen years akong nabuhay sa lies!

Hmm. Saan nga pala ako pupunta? Hindi ko alam...

Pagtayo ko ay nagulat ako ng may dalawang tao na nakatayo sa harapan ko.

Si Barbie at saka si Pettite. "Hi Thonie! Anong ginagawa mo dito?" Tanong

sa akin ni Barbie.

Tumayo na ako. "Wala kang pakialam!" sabi ko. Tatalikod na sana ako para

umalis pero Barbie stop me.

"They betray you!" she said. "Si Enzo...Nalaman mo na may gusto siya sa

babaeng gusto mo and now look..." Isang picture ang binigay sa akin ni

Barbie at nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Magkayakap sa picture sina

Jenica and Nicco! "Ang babaeng gusto mo, nakikipaglandian sa bading

nitong bestfriend. Ironic!" Tumawa pa si Barbie.

Nakuyumos ko ang picture na hawak ko. "Bakit? Bakit pakiramdam ko

pinagkakaisahan nila ako?!" Hindi ko na napigilan ang pagsabog ng aking

emotions.

"Yes my dear. Totoo iyan...They are all against you!" sang-ayon ni

Barbie.

"Then kanina nalaman ko na ampon lang ako!" I really don't know kung

bakit ko iyon sinabi kina Barbie. Siguro kailangan ko lang ng

mapaghihingahan ng aking sama ng loob.

"What a shocking revelation!" Rumehistro ng gulat kay Barbie. "Don't

worry Thonie. I am your new ally. Kakampi mo ako...I am here to help

you."

Napatingin ako sa kanya. "Help? How?"

Barbie smiled.

-------------------------------------------------------------------------

--

BARBIE's POV

"HELP? How?"

Gotcha! Nahulog na rin sa ginagawa kong patibong si Thonie. Akala naman

ng Thonie na ito ay naaawa ako sa kanya. Its just a part of my plan para

makuha ko ulit si Enzo. I really love Enzo at gagawin ko ang lahat just

to have him back!

"Its so easy...Tatanggalin natin sa landas si Nicco. We'll kidnapped him

at tatakutin natin siya na layuan si Jenica!" sabi ko.

-------------------------------------------------------------------------

----------

THONIE's POV

TALAGANG nagulat ako sa sinabing iyon ni Barbie. We'll kidnapped Nicco?

"Wait Barbie...Are you serious?"

"Yes, oo naman! Mukha ba akong nagbibiro? This is for you and I am doing

this because I pity you. We have to get rid of that gay boyfriend ni

Enzo! Kaasar diba? Dapat lahat ng bakla tinatapon sa dagat!" Gigil na

sabi ni Barbie.

Nakangusong sumabat si Pettite. "Pati ba ako itatapon?"

"No exeption Pettite! Bakla!" Sabi dito ni Barbie. Kinausap ulit niya

ako. "Are you with us Thonie? Tandaan mo na sinaktan at niloko ka nilang

lahat! Pinagkaisahan!"

"P-pero paano natin gagawin ang pagkidnap kay Nicco?" tanong ko.

Pumalakpak ng tatlong beses si Barbie. "Goons! Come out. Come out!"

Biglang nagsulputan sa kung saan ang tatlong lalaki na mukha goons. "Sila

ang tutulong sa atin Thonie..." at malakas na tumawa si Barbie.

Bahala na...Bahala na ngang talaga.

-------------------------------------------------------------------------

--------

JENICA's POV

ANG sarap talagang mamasyal dito sa park lalo na at kasama ko si Nicco

mylabs ko.

May dala-dala akong bike kasi nagtuto akong magbike kanina. Siyempre si

Nicco ang tutor ko. Kilig nga eh...Mukhang nakikipag-cooperate naman siya

sa mission ko na gawin siyang lalaki at mukhang malapit ko ng sabihin ang

"Mission accomplished!"

Hay...Nakakatuwa naman.

"Jenica, pikit ka." sabi ni Nicco.

"Ha? Bakit?" Pa-tweetums na sabi ko.

"Basta, pikit ka. Bilis. May surprise ako sa'yo..." He smiled.

"Surprise whuuut?"

"Basta..."

"Baka kung ano iyan ha? Oh eto na..." Sabay pumikit ako.

Nagulat na lang ako ng gawaran niya ako ng isang mabilis na kiss sa labi.

Nagmulat ako ng mata. "Nicco?! Para saan iyon?"

Shocks! That was my first kiss with a boy. Una si Thonie pero di naman

siya boy diba?

"I just want to say thank you. Sa effort mo. And alam mo ba na iyon ang

first kiss ko sa isang babae?" aniya.

KYAAAAAAAAAHHHH!!!!

Gusto kong mamilipit sa sobrang kilig.

"A-ako din Nicco. First ko iyon sa isang lalaki. Kainis ka, dapat

memorable ang first kiss!" Reklamo ko.

"Hayaan mo Jenica...Our second kiss would be our most memorable kiss

ever. Kapag may kaharap na tayong pari!" aniya.

UWAAAAAHHH!

Mamamatay na talaga ako sa kileeeg! Sampalin niyo nga ako dahil mukhang

nagiging lalaki na si Nicco ko!

Walang anu-ano ay may isang kulay puting van na tumigil sa harapan ko.

Bumukas ang pinto ng van at may isang lalaki na lumabas. Malaki ang

katawan nito. Sinakluban nito ng isang sako sa ulo si Nicco at binuhat.

Sa sobrang shock ko ay hindi na ako nakagalaw ng isakay na ng lalaki sa

loob ng van si Nicco.

Si Nicco...Kinidnap!!!

Diyos ko! Anong gagawin ko?!

Tinignan ko ang hawak kong bike. Hindi pa naman gaanong nakakalayo iyong

van. Mahahabol ko pa.

HELP ME LORD!

AUTHOR's NOTE:

Heto po ang first part ng last chapter.

Please comment naman po kayo. Salamat!

CHAPTER XX- (ENDING) Part One

JENICA's POV

"NICCO!"

Malakas kong sigaw habang hinahabol ko gamit ang bike iyong van na

sinakyan ng mga lalaking kumidnap kay Nicco. Hindi ako masyadong marunong

mag-bike pero that time pakiramdam ko ay ang galing-galing ko. Grabe.

Harurot kung harurot!

Wala na akong pakialam basta ang goal ko ay mailigtas si Nicco. Hindi ako

papayag...Hinding-hindi ako papayag na mawala si Nicco lalo na ngayon at

nagiging lalaki na siya because of my luscious alindog! Kalokah ever

talaga ang plot!

"Hoy! Ibalik niyo sa akin si Nicco ko!!!"

Wag kang mag-alala Nicco. Ililigtas kita sa mga panget na mga goons na

iyan!

Nagulat na lamang ako ng biglang tumigil ang van. Biglang lumabas iyong

isang goons at hinuli ako. Hinuli talaga? Isda lang ang peg? Sinakluban

na lang niya ako ng sako sa ulo at isinakay na rin sa van...

---

NAKAKATAKOT naman. Talagang may kidnap scene pa? Soap opera lang ang peg?

Bakit ba ako kinidnap? Papasakitin pa yata ng mga goons na ito ang ulo ng

mommy ko sa laki ng halaga ng ransom money na hihingin nila mamaya.

"Jenica?" sa akin ni Nicco ng maipasok na ako sa van.

"Nicco?!"

"Jenica?!"

"Nicco?!!!"

OK. Mukha na kaming tanga.

"Sino ba kayo? At bakit ang cheap niyo? Sako pa talaga dapat ang ginamit

niyo para hindi kami makakita. Pwede namang scarf!" tanong ni ko sa mga

kumidnap sa amin.

"Wala kang pakialam! Tumigil ka!" Sinigawan ako nung isang goons.

Nagsumiksik ako kay Nicco. Ayiieee...Tsansing na naman aketch! Hay ano

ba! Kinikidnap na nga kami, pangtsa-tsansing pa rin iniisip ko. Psh.

Sumiksik pa talaga ako sa kanya. "Natatakot ako Nicco...Tinatakot nila

ako ng mga goons..." May konting himas pa sa kanyang dibdib.

Oh diba?!

"Hoy babae, hindi ako si Nicco!" Nyah! Hindi pala si Nicco iyong

hinihimas ko kundi isa dun sa mga goons.

Bigla akong lumayo. Nubeyen! Fail na naman ako na maka-score

"Ano bang kailangan niyo sa amin?" tanong ko ulit.

Sumagot iyong goons. "Sa'yo wala pero sa kasama mong lalaki meron!"

"Anong gagawin niyo sa amin ha?! Papatayin niyo ba kami?" tanong ko pa.

"Huwag kang makulit na babae ka ha! Sabing dito lang sa kasama mo kami

may kailangan! Pahabol-habol ka kasi kaya isinama ka na rin namin! Peste

ka!" Bulyaw sa akin nung goons.

Ganun? So sabit lang pala talaga ako dito.

Hanggang sa naramdaman ko nang tumigil iyong van at ibinaba na ako.

Tinawag ko agad si Nicco. I have to make sure na magkasama pa rin kami.

"Nicco?"

"Jenica...I'm still here..." sagot niya.

Tinanggal ng mga goons ang sako sa aming mga ulo at piniringan na lang

kami gamit ang panyo. Nakita ko na nasa isang abandoned building kami.

Parang kidnapped scene talaga sa mga Pinoy movies! Charr! "Ambaho naman

ng panyo niyo!" Maarte kong reklamo.

"Dami mo satsat na babae ka ha. Hala, lakad!" Utos ng goons sabay tulak

sa akin.

"Ay ano ba?!" Muntik na kasi akong sumubsob.

God help us!

Naglakad-lakad pa kami then we stop.

"Andito na po ang mga pina-kidnap niyo..." sabi nung isang goons.

Hanggang sa isang pamilyar na boses ang biglang nagsalita..."Bakit kasama

si Jenica?! Wala sa usapan na kasama siya!"

Isang boses na sobrang kilala ko...

"T-thonie?!" Bulalas ko. "Thonie! I know its you! Pakawalan mo kami!"

Nagwawala na ako. "Paano mo nagawa sa amin ito?!"

"Jenica...H-hindi mo kasi naiintindihan...Hindi ka-- "

"Hindi naiintindihan? Hindi ako tanga! Anong naisip mo at pinakidnap mo

kami?!" Sigaw ko pa.

---

THONIE's POV

I WAS really shock ng malaman at makita ko na hindi lang si Nicco ang

kinidnap nila kundi isinama pa nila si Jenica. Hindi ko na napigilan ang

mag-react at agad din na nakilala ni Jenica ang boses ko.

Ang plano kasi ay si Nicco lamang ang kikidnapin at tatakutin lang ito na

layuan si Jenica para mapadali ang pagiging malapit namin ni Jenica.

Biglang sumingit sa usapan si Barbie. "Bakit niyo pa kasi sinama ang

babaeng iyan?" tanong nito sa mga goons.

"Eh kasi po Miss Barbie ang kulit niyan. Kaya isinama na rin namin!"

"How could you do this to us Thonie?!" Sigaw pa sa akin ni Jenica.

"Jenica hin--"

"Hay naku!" Putol ni Barbie sa sasabihin ko. "Huwag ka ng magpaliwanag sa

kanya Thonie. Okey mga goons, itali na ang dalawang iyan doon sa second

floor. Higpitan niyo ng hindi makawala! Baka sumabit kami diyan kayo ang

pagbabarilin ko. Hala. Kilos na!"

Nagwawala sina Jenica at Nicco. Awang-awa akosa kanila parang

pinagsisisihan ko na tuloy lahat ng ito...Kung may magagawa lang sana

ako. Kanina, I want to explain all to Jenica pero mauunawaan niya kaya

ako kung sasabihin kong ginagawa ko lang naman ito para mahalin niya ako?

Naiwan kami nina Barbie at Pettite sa first floor. Kumuha siya ng

sigarilyo at sinindihan iyon. I talked to her. Isang bagay ang matagal ko

ng gustong itanong sa kanya. "Barbie, bakit ka bumalik pa dito sa

Pilipinas?"

She looked at me and hissed. "Well, I just realized na I want Enzo

back...After all my failed relationship in States, I realized one

thing..."

She smiled bitterly and continue. "I realized na kapag nagmahal pala tayo

ng totoo, may mga bagay tayo na magagawa natin na pagsisisihan

natin...But thats the essense of loving. Its about fighting. Battle! You

have to be aggressive to get what you want Thonie."

Biglang naluluhang pumalakpak si Pettite. "Ang galing-galing niyo po Miss

Barbie. Idol! Wuhuuu!!!"

"I know right!" At iniwan na nila ako.

Nag-isip ako when I left alone.

At some point, Barbie is right. I have to fight to get what I want...

That day ay umuwi ako sa bahay to get some clothes. Papalabas na ako ng

harangin ako ni Enzo. Nagkatinginan kami. "Thonie...Alam mo bang kanina

pa nawawala sina Jenica at Nicco?" aniya.

"I don't care..." Mahina kong sabi sabay tabig sa kanya.

"Lets talk please." Sabay hawak niya sa kamay ko.

Pumiksi ako. "Let me go!" At lumabas na ako ng bahay.

---

ENZO's POV

NAIHILAMOS ko ang palad ko sa mukha ko ng umalis na lang bigla si Thonie.

Kailangan kong sundan si Thonie...I need to know kung saan siya tumutuloy

ngayon. Sinundan ko siya gamit ang aking kotse. Sumakay siya sa isang

taxi at tumigil sa isang abandoned building sa labas ng subdivision

namin. Napakunot-noo ako. Sa isang abandoned building nakatira si Thonie?

For real?

Bumaba na siya at pumasok sa loob. Hindi ko alam pero kinakabahan ako.

Nang makapasok na siya ay bumaba na ako ng kotse. Naglakad ako papasok sa

loob ng abandoned building. Medyo madilim sa loob dahil pagabi na. I call

her name. "Thonie?" Walang sumagot.

Ihahakbang ko na sana ang aking mga paa ng may maramdaman akong malamig

na bagay sa bandang sentido ko. Pagtingin ko sa aking tabi ay isang

nakangising lalaking mukhang goons ang naroon. Nakatutok sa aking sentido

ang hawak niyang baril. Papalag pa sana ako ng malakas niya akong hatawin

sa batok ng kanyang baril.

Lumugmok ako sa sahig habang unti-unting nagkakaroon ng ulap ang aking

paningin...Hanggang sa wala na akong matandaan.

-----------------

"JENICA! Nicco!" Iyon agad ang naibulalas ko nang magkamalay na ako.

Tulad ko ay nakatali rin sila sa isang bangko. Kaharap ko lang sila.

"Enzo!" naiiyak na sabi ni Jenica. "Sina Barbie at Thonie. Sila ang may

pakana nito!"

Huh?

"Tama si Jenica, Enzo. Ang kapatid mo ang may gawa..." Segunda ni Nicco.

Napayuko ako. "You have to heard this. Hindi kami magkapatid ni Thonie.

Kasalanan ko ito because I confess to Thonie that I love her hindi bilang

isang kapatid kundi bilang isang babae..."

Kapawa rumehistro ang gulat sa mukha nilang dalawa. Ipinaliwanag ko pa sa

kanila ng maayos hanggang sa maunawaan na nila ang lahat.

"Iyan po Miss Barbie. Nakita ko ang lalaking iyan na pumasok dito." Boses

ng isang lalaki. Papalapit sa amin sina Barbie at Thonie. Nasa likod ng

mga ito sina Pettite at dalawang lalaki na mukhang goons.

"Oh my God! Thats Enzo! Bakit niyo-- Oh! Nevermind. Its better na andito

si Enzo..." Lumapit sa akin si Barbie and kissed me.

Dumura ako pagkatapos. "Pwe!"

"Kung makadura ka naman Enzo parang hindi ka nabaliw noon sa akin..." The

she laughed.

"Noon iyon Barbie! But now, hindi na kita kilala. Hindi na ikaw iyong

Barbie na minahal ko dati!"

"Its because of you Enzo. Noong umalis ako, you promised to me na ako

lang ang mamahalin mo. But what now? You broke that promise! I came back

here Enzo for you...Pero wala na pala akong babalikan!"

Natahimik ako.

"I will never love you again Barbie!" Sabi ko matapos.

"Nooo!!!" Sigaw niya. "Papakawalan ko kayo Enzo but say that you will

love me again!"

"No way!"

Biglang inagaw ni Barbie ang baril sa kalapit nitong goons sabay tutok sa

akin. "Say it or i'll shoot you!" Kitang-kita ko ang galit sa mga mata ni

Barbie...

CHAPTER XX (ENDING) Last Part

ENZO's POV

"SAY it or I'll shoot you!"

Nanlaki ang mga mata ko ng itutok sa akin ni Barbie ang hawak nitong

baril pero hindi ko ipinahalata sa kanya na natatakot ako.

I can see fears sa mga mukha nina Nicco at Jenica.

"You can't do it Barbie..." Mahinahon kong sabi sa kanya. "Pakawalan mo

na kami."

"I am damn serious Enzo! Mabuti pang mamatay ka na lang kesa sa iba ka pa

mapunta!" Gigil na sigaw ni Barbie.

Doon na talaga ako kinabahan. Mukhang wala na sa kanyang sarili si

Barbie...

Sumabat si Thonie. "Barbie, wala ito sa plano. Ang plan-- "

"Shut uppp!!! This is just MY plan! All of this! Grrr!!!" At malakas na

nagpaputok ng baril sa itaas si Barbie.

Epic. Dahil pagbaril ni Barbie sa taas ay tinamaan niya ang isang kahoy

na puro may anay yata kaya ang nangyari ay naglaglagan ang mga anay sa

ulo ni Barbie. Inis na pinagpag niya iyon.

"Oh loka!" Sabay tawa pa si Jenica.

"Shut up bitch!" At si Jenica naman ang tinutukan nito ng baril.

"S-sorry..." Pilit ang ngiti na turan ni Jenica.

That time ay gusto kong bumunghalit ng tawa...

Ilang sandali pa ay tinutukan ulit ako ng baril ni Barbie. "Sabihin mong

mahal mo ako then we're done!"

"No way!"

"Say it!"

"Ayoko!

"I SAID SAY IT ENZO!"

"No! Si Thonie lang ang mamahalin ko...Habang-buhay!" I shouted.

Pinapawisan na ako.

Nakita ko ang lalong galit sa mukha ni Barbie. Nanginig ng bahagya ang

pagkakahawak niya sa baril. "FFFFFuck you!!!" Namumula na rin ang kanyang

mga mata sa sobrang galit at inis. I know, anytime ay ipuputok na niya

ang baril. "You can't say it? Then I'll shoot you brute!"

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko. Narinig ko ang pag-iyak nina Jenica

at Nicco habang tinatawag ang pangalan ko...Hinihintay ko na lamang ang

pagputok ng baril at ang pagbaon ng bullet sa aking katawan...

Then...

BANG!

---------------------------------------------------

ONE WEEK LATER...

Wedding bells...

Nasa labas ako ng pintuan ng malaking simbahan. Yes it is...Wedding day

ko ngayon at ikakasal ako sa babaeng sobrang mahal ko. I am sure na

kilala niyo na kung sino ang tinutukoy ko diba?

"Nervous?" Napalingon ako ng may magsalita sa may bandang likuran ko.

Its Jenica. I smiled warmly. "No...No. Alam kong darating siya."

Jenica hugged me. "Enzo, gusto ko lang sabihin na sorry. Marami akong

naging kasalanan sa iyo."

"Nah. Don't say that!"

Napangiti ako ng makita kong papalapit sa kinaroroonan namin si Nicco.

Nakasuot siya ng suit at mukhang talagang nagpapakalalaki na siya. Good

for him at maswerte siya at may Jenica sa tabi niya.

Oo nga pala...Si Barbie and the rest of the gang. What happen to them?

Right now, ay naghihimas na sila ng malamig na steel of bars. Teehee! Ang

hindi kasi nila alam ay lihim na tumawag ng pulis si Thonie habang gigil

na gigil siyang barilin ako noon.

"OK lang ba ang suit ko?" Hindi mapakaling tanong ni Nicco sa amin.

Nagkalas kami sa pagkakayakap ni Jenica at hinarap ang aligagang si

Nicco. Daig pa nito ang ikakasal.

Kinurot ni Jenica ito sa pisngi. "Ikaw ang pinakagwapong lalaki dito!"

"Talaga? Gwapo ako?"

"Oo naman. Bakit anong gusto mo maganda?" sabay irap ni Jenica.

"Wui, hindi ah!" Natatawang turan ni Nicco.

"Aba dapat lang...Ayoko yatang magkaroon ng boyfriend na alanganin..."

Lumawak ang ngiti ko sa narinig mula kay Jenica. "Wait...Mukhang may

kailangan kayong aminin na dalawa sa akin. Tama?"

Kinikilig na sumagot si Jenica. "Actually, KAMI na ni Nicco..."

"Really? Congratulations! Kailan pa?"

"Kanina lang...Sinagot na ako ni Nicco eh..."

Nakakatuwa naman. Talagang si Jenica pa ang nanligaw kay Nicco. Hmm. Sa

ngayon naman hindi na importante kung sino ang nanliligaw, kung babae ba

o iyong lalaki. Ang importante ay maipakita at maiparamdam mo sa isang

tao kung gaano mo siya kamahal.

Hanggang sa matanaw na naming lahat ang paparating na bridal car.

"Wui, pumunta na kayo sa mga pwesto niyo!" Nagmamadaling utos ni Jenica

na siyang nagsilbing wedding coordinator. Hehe...

Oo nga pala, si Jenica ang bridesmaid at si Nicco syempre ang bestman.

Ayos diba?

Bumaba na si Thonie kasama si Mommy sa bridal car. Si Mommy ang

maghahatid kay Thonie sa akin...

Nasa unahan ako ng aisle. Nang tumugtog na ang wedding march ay nag-

umpisa nang maglakad ng marahan papalapit sa akin si Mommy kasama si

Thonie. Arrgh! Nakakaasar! Bakit ganito? Naiiyak na naman ako. Papromise-

promise pa kanina sa bahay na hindi ako iiyak pero heto na

nga...Nagpapatakan na ang luha ko. Nakita ko rin na naiiyak na rin sina

Jenica at Nicco. Lahat halos ng nasa loob ng simbahan ay malungkot...

Sa wakas...Nasa harapan ko na si Thonie...

Ngumiti si Mommy at malungkot na nagsalita. "Here, kunin mo na anak si

Thonie..." At maingat kong kinuha sa kanya ang urn na kinalalagyan ng abo

ni Thonie.

Hindi ko na kaya...Napahagulhol na ako ng tuluyan. Umiiyak ako na niyakap

ni Mommy. Pakiramdam ko ay anytime ay mawawalan ako ng malay...Yes,

Thonie is now in God's heaven. Nang babarilin na ako ni Barbie noon ay

iniharang ni Thonie ang sarili niya para hindi ako ang mabaril ni Barbie.

Thonie saves me...

Dinala agad namin siya sa hospital but its too late

At bago mamatay si Thonie she told me with smile on her face na: "Kung

mas nalaman ko sana ng mas maaga Kuya Enzo na hindi pala kita

kapatid...B-baka minahal din kita..."

Kinuha ko ang panyo sa aking bulsa at pinunasan ang luha sa aking mga

mata. Ngumiti ako...Humarap ako sa pari na yakap-yakap ang urn ni Thonie.

"I love you..."

---------------------------------------------------------------

THE END...

GIRL, BOY, BAKLA, TOMBOY

written by Soju

All Rights Reserved.

Do not plagiarize.

Maraming salamat po.

God bless us all.