gabay sa pagsulat ng pangulong-tudling

6
Gabay sa Pagsulat ng Pangulong-tudling Inihanda ni Leonardo D. Tejano para sa mga mag-aaral ng Kids’ Kollege, Inc., Lungsod ng Laoag 29 Agosto 2015 KATUTURAN Ang Pangulong-tudling o editoryal ay isang artikulo sa pahayagan na naglalaman ng pananaw ng patnugutan hinggil sa isang napapanahong isyu o usapin . Ito ay nagtataglay ng mapanuring pagtatalakay sa mahahalagang saligan ng kuwentong-balita (news story) na makapagpapaalab ng muni, pagkilos at pagbuo ng sariling desisyon. Sa mga salitang nakadiin sa itaas nakasalalay ang kapangyarihan ng isang mabisang pangulong-tudling: 1. Naglalaman ng pananaw ng patnugutan- Taglay ng isang mabisang editoryal ang pag- iisip ng patnugutan ukol sa ano, sino, kalian at paano nakaaapekto ang isang isyu sa kinauukulan bagaman, hindi dapat ito nagtataglay ng takot, pagkiling, galit at opinyong pansarili. Ang pananaw ng isang mabisang editoryal ay nasa obhektibong pagpapahayag kasama ng malinaw na suhestiyon o solusyon. 2. Mapanuring pagtatalakay sa mahahalagang saligan ng kuwentong-balita- Upang masuportahan ang layong magbigay ng pahayag na walang pagkiling, mataman nitong tinatalakay bawat panig na maaaring may kontrol sa kuwentong-balita. 3. Makapagpapaalab ng muni, pagkilos at pagbuo ng sariling desisyon- Ang pinakatampok sa lahat na dapat taglayin ng isang editoryal ay ang kakayahan nitong pakilusin ang mambabasa sa hindi upang umaayon sa posisyong ipinapahayag ng babasahin ngunit ang makabuo ng sarili nitong desisyon o conviction. BAHAGI/KAYARIAN: 1. PAMAGAT Kinakailangang kawili-wili at maiksi. Isulat ang impormasyon ukol sa sumulat 2. NEWS PEG/SALIGANG-BALITA News story/kuwentong balita na magiging batayan ng akda 3. TANONG Makakatulong ito upang mas mapag-isa at mai-focus ang akda sa iisang kaisipan. 4. KATIBAYAN Kapalolooban ng pagtalakay, argumento at atribusyon na kumukontrol sa isyung tinatalakay. Hindi ito nagpapa hayag ng opinyon. Ito ay may anyong diyamante na nagpapahiwatig na mula sa maliit na detalye, palalawa- kin ito hanggang sa madala ito sa iisang tunguhing sasagot o may kaugnayan sa sagot ng katanungan. Hanggang kailan Isinulat ni Leonardo D. Tejano Kids’ Kollege, Inc. Laoag City DSPC,2015 Gabaldon Elem. School Nagdaan na ang labing-anim na pangulo. Labing-anim na pangulong bigong mabura ang kurapsyon sa bayan ni Juan. Bunsod nito, nananatili pa rin ang dati nating kalagayan bilang developing country noong 1986 kung saan naungusan na tayo ng Singapore na halos kasabayan lang natin. Ang tanong : Hanggang kailan kaya tayo maghihintay sa isang pangulong tuluyang mag-aalis ng kurapsyon sa bansa? Ayon sa kalalabas lamang na ulat ng Transparency International (2015), pangwalo ang Pilipinas sa mga bansang corrupt sa buong mundo. Mas mataas ito sa resultang ipinalabas nito noong 2013 kung saan pang-13 ang bansa. Nakaapekto di- umano ang sunod-sunod na isyung kinaharap ng bansa gaya ng tulong-pinansyal para sa mga nasalanta ng Bagyong Yolanda na hindi naihatid at PDAF scam kung saan ilang pinunong-halal ang nasangkot. Sa isa pang ulat mula sa Pulse Asia, bumulusok ang trust rating ni PNoy mula sa +50 noong simula ng kanyang panunungkulan sa -25 ngayong 3 rd quarter. Ayon sa 1200 respondents ng naturang survey, hindi nagampanan ng kasalukuyang administrasyon ang plataporma nitong “Ðaang Matuwid” at propagandang “kung walang kurap, walang mahirap” na naging mabisang panghatak sa mga mamamayang naghahanap ng ginhawa sa buhay.

Upload: leo-tejano

Post on 12-Apr-2016

486 views

Category:

Documents


15 download

DESCRIPTION

guide in editorial,news and feature writing

TRANSCRIPT

Page 1: Gabay sa pagsulat ng pangulong-tudling

Gabay sa Pagsulat ng Pangulong-tudlingInihanda ni Leonardo D. Tejano para sa mga mag-aaral ng Kids’ Kollege, Inc., Lungsod ng Laoag29 Agosto 2015

KATUTURANAng Pangulong-tudling o editoryal ay isang artikulo sa pahayagan na naglalaman ng pananaw ng patnugutan hinggil sa isang

napapanahong isyu o usapin. Ito ay nagtataglay ng mapanuring pagtatalakay sa mahahalagang saligan ng kuwentong-balita (news story) na makapagpapaalab ng muni, pagkilos at pagbuo ng sariling desisyon.

Sa mga salitang nakadiin sa itaas nakasalalay ang kapangyarihan ng isang mabisang pangulong-tudling:1. Naglalaman ng pananaw ng patnugutan- Taglay ng isang mabisang editoryal ang pag-iisip ng patnugutan ukol sa ano, sino, kalian at

paano nakaaapekto ang isang isyu sa kinauukulan bagaman, hindi dapat ito nagtataglay ng takot, pagkiling, galit at opinyong pansarili. Ang pananaw ng isang mabisang editoryal ay nasa obhektibong pagpapahayag kasama ng malinaw na suhestiyon o solusyon.

2. Mapanuring pagtatalakay sa mahahalagang saligan ng kuwentong-balita- Upang masuportahan ang layong magbigay ng pahayag na walang pagkiling, mataman nitong tinatalakay bawat panig na maaaring may kontrol sa kuwentong-balita.

3. Makapagpapaalab ng muni, pagkilos at pagbuo ng sariling desisyon- Ang pinakatampok sa lahat na dapat taglayin ng isang editoryal ay ang kakayahan nitong pakilusin ang mambabasa sa hindi upang umaayon sa posisyong ipinapahayag ng babasahin ngunit ang makabuo ng sarili nitong desisyon o conviction.

BAHAGI/KAYARIAN:1. PAMAGATKinakailangang kawili-wili at maiksi.

Isulat ang impormasyon ukol sa sumulat

2. NEWS PEG/SALIGANG-BALITANews story/kuwentong balita na magiging batayan ngakda

3. TANONGMakakatulong ito upang mas mapag-isa at mai-focusang akda sa iisang kaisipan.

4. KATIBAYANKapalolooban ng pagtalakay, argumento at atribusyonna kumukontrol sa isyung tinatalakay. Hindi ito nagpapahayag ng opinyon. Ito ay may anyong diyamante nanagpapahiwatig na mula sa maliit na detalye, palalawa-kin ito hanggang sa madala ito sa iisang tunguhing sasagot o may kaugnayan sa sagot ng katanungan.

5. PANGWAKAS O BAHAGING OPINYONKapalolooban ng opinyon, kasagutan, solusyon, suhestiyon ang pangwakas na ideya. Ito lang ang bahaging maaaring maglaman ng opinyon ng patnugot. Dapatna ang mga suhestiyong ipapahayag ay katamo-tamo.

PAALALA:1. Dapat na ang isang editoryal/news peg at pangwakas na bahagi ay nagsisimula sa isang malakas na pandiwa.2. Lahat ng pangungusap ay nasa karaniwang ayos at hindi gumagamit ng ay.3. Hindi gumagamit ng ako o panghalip na tumutukoy lamang sa iisang tao.4. Simulan at tapusin ang pangulong-tudling sa isang kawiwili-wili/nakapanghihikayat na pahayag.5. Isang kaisipan/argumento: isang talata6. # bilang panapos na marka.

Gabay sa Pagsulat ng LathalainInihanda ni Leonardo D. Tejano para sa mga mag-aaral ng Kids’ Kollege, Inc., Lungsod ng Laoag29 Agosto 2015

Hanggang kailanIsinulat ni Leonardo D. TejanoKids’ Kollege, Inc. Laoag City

DSPC,2015Gabaldon Elem. School

Nagdaan na ang labing-anim na pangulo. Labing-anim na pangulong bigong mabura ang kurapsyon sa bayan ni Juan. Bunsod nito, nananatili pa rin ang dati nating kalagayan bilang developing country noong 1986 kung saan naungusan na tayo ng Singapore na halos kasabayan lang natin.

Ang tanong : Hanggang kailan kaya tayo maghihintay sa isang pangulong tuluyang mag-aalis ng kurapsyon sa bansa?

Ayon sa kalalabas lamang na ulat ng Transparency International (2015), pangwalo ang Pilipinas sa mga bansang corrupt sa buong mundo. Mas mataas ito sa resultang ipinalabas nito noong 2013 kung saan pang-13 ang bansa. Nakaapekto di-umano ang sunod-sunod na isyung kinaharap ng bansa gaya ng tulong-pinansyal para sa mga nasalanta ng Bagyong Yolanda na hindi naihatid at PDAF scam kung saan ilang pinunong-halal ang nasangkot.

Sa isa pang ulat mula sa Pulse Asia, bumulusok ang trust rating ni PNoy mula sa +50 noong simula ng kanyang panunungkulan sa -25 ngayong 3rd

quarter. Ayon sa 1200 respondents ng naturang survey, hindi nagampanan ng kasalukuyang administrasyon ang plataporma nitong “Ðaang Matuwid” at propagandang “kung walang kurap, walang mahirap” na naging mabisang panghatak sa mga mamamayang naghahanap ng ginhawa sa buhay.

Ipinihayag kahapon ng Commission on Elections o COMELEC ang pagkakaroon ng 30 kandidato na nagnanais lumahok sa pampangluhang halalan—pinakamataas sa kasaysayan ng bansa. Ayon sa komisyon, ipinahihiwatig ng naturang bilang ang mataas na adhikain ng mga Pilipino sa reporma at pagtigil ng kurapsyon.

Maaaring ang sagot ay sa darating na 9 Mayo 2016 kung kailan gaganapin ang ika-17 pampanguluhang halalan. Ngunit wala itong kasiguraduhan.

Ihalal natin ang karapat-dapat na lider sa pamamagitan ng matalinong pagdedesisyon at pagsusuri sa kanilang katauhan. Huwag tayong padadaig sa kasikatan at tingkad ng mga pangakong lagi namang napapako. Tignan natin ang pinunong may napatunayan na at may tatak ng katapatan, integridad at hindi matatawarang pagkamakabansa. Walang makasasagot sa tanong na hanggang kailan kundi tayo rin. Huwag magsawalang-bahala. Nasa ating mga kamay ang kinabukasan ng ating bayan at magsisimula ito sa iyo. #

Page 2: Gabay sa pagsulat ng pangulong-tudling

KATUTURAN:Malalim na pagtalakay hinggil sa kuwentong kakabit ng nilalaman ng balita. Ang opinyon o pananaw na inilalahadng di tuwiran sa

pamamagitan ng emosyon o mga pahiwatig.KATANGIAN:

1. Timeless- May katangiang hindi naluluma. Nagpapahayag ng mga kaisipang kinakailangan sa lahat ng panahon.2. Unity- Nagtataglay ng kaisahan ng ideya. Sa pamamagitan nito, magiging malinaw ang mensaheng ipinahihiwatig.3. Coherence- Lohikal na paggamit at pagkakaugnay-ugnay ng mga elemento ng mabisang pagsulat at pagpapahalaga4. Kawilihan- Nagtataglay ng interes ng sumulat at pinapaalab ang emosyon ng mambabasa.5. KISS-Keep it simple but striking

URI NG PAMAGAT: Dapat CATCHY1. Katanungan- Bata, Bata, Paano ka Ginawa?2. Kataga o salita: Timang3. Parirala- Brusko Pink4. Deskripsiyon- Mahabang, mahabang, mahaba5. Sugnay- Ang Kagilagilalas na Pakikipagsapalaran ni Zsa-Zsa Zaturna6. Simbolismo- Isang Dekada ng Putik7. Inday style- http.www.com.ph

URI NG PANIMULA1. Stakato- Mabilis na pagtibok ng puso, nakakakaba, nakakatorete … Ganyan ko mailalarawan ang pakiramdam ng unang pagtibok ng

puso.2. Awitin-

If I could haveOne final walk

One final DanceOne final chance with you

I play a song that would never ever endHow I love to dance with my father again…

Paulit-ulit na tunog ang naririnig ko mula sa munting stereo na malapit sa kama ko.

3. LIham- Dear Ate Charo,Tawagin niyo na lang ako sa pangalang Imbeng. Sumulat ako upang ipagbigay alam sa inyo ang aking karanasan sa nagdaang

bagyong Yolanda.4. Salitaan-

Julius: Nakita ko! Naramdaman ko! Totoo sila!

Precious: Ako man! Masasabi kong totoo ang iyong sinasabi. Ngunit, paano natin sila mapapaniwala?5. Quotes: “Love is the best feeling in the world.”

Ito ang pinapaniwalaan ko nung bata pa ako… Ngunit dahil sa aking naging mga karanasan, masasabi kong mali pala… Kaasar, hindi naman totoo.

6. Hugot- Heto na naman tayo, papunta na naman ‘to sa wakas. Bakit ba palagi na lang ganito? Kung kailan umikot na ang mundo ko sa’yo, saka ka mawawala, wala nga talagang forever!

Basahin ang halimbawa ng isang natatanging lathalain.MAYNILA

Nagdurugo ang aking pagkatao. Nangangalit ang aking mga kaluluwa. Nais kumawala ng nag-aamok kong mga bisig sa katampalasang aking nabatid. Sino bang hindi kakanti kung mahal mo na ang sinaktan? Ngunit paano nga ba kita ipaglalaban kung ikaw mismo, walang ginagawa?

Tubong impiyerno, napadpad ako dito sa Ilocos. Impiyerno— ‘yan ang taguri nila sa lupang pinanggalingan ko. Polusyon, dumi, krimen, katiwalian at marami pang ibang bagay na iniuugnay nila sa kabiserang kinalakhan ko.

Nang makatapos ako sa elementarya, lumipat kami rito. Kung anong dahilan—kakatihan. Kakisigan pa noon ng aking ama. Naghanap ng mas mabango. Limang punla na kasi ang naiwan niya sa aking nanay—at ako ang buena mano…kuno.

Kaiba sa lahat, mabilis akong nakaangkop sa pamumuhay ng mga Ilokano na hinangaan nang marami. Ikinukumpara pa nga ako sa ibang tubo o taga-Maynila na maarte at mahina ang sikmura. “ Ilokano a talaga ‘toy barom, Vangie! (Ilokano talaga itong anak mo, Vangie!)” sabi ng iba sa nanay ko. Magtitinginan lang naman kami ni mama sabay tawa.

Ang salimuot ay naranasan ko sa paaralan. Lagi akong nag-iisa. Anggalog sabi nila sa akin. Marami akong naririnig na sinasabi nila patungkol sa akin na ang akala nila hindi ko natatalos. Hindi naman ako nasasaktan dahil dito. Naiintindihan ko sila. Ugaling Pilipino. ‘Pag may bago, may usisero. ‘Pag may bago, mahirap tanggapin.

Sa mga aralin, lagi akong nakikipagsagutan. Lalo kung ang paksa ay ipinupukol sa pinanggalingan ko. Polusyon—Maynila. Krimen—Maynila. Kawalan ng galang –Maynila. Saka sila titingin sa akin. Para bang simbolo ako ng Maynila.

Bagama’t napatutunayan ko naman ang aking sarili at pananaw sa kanila, talo pa rin ako. Ang ebidensiya nila ay lahat ng galing sa telebisyon, radio, diyaryo at iba pa. Habang ang akin, munting karanasan, ideya, kaisipan.

Page 3: Gabay sa pagsulat ng pangulong-tudling

Magkagan’on man. Nakakatawa din. Kapag taga-Maynila – mayaman. Mamasyal ka sa Maynila – sosyal. Magtatrabaho sa Maynila— suswertehin. Nilalangit din naman pala nila ito. Kaya nga siguro hamak ang tingin nila sa akin, sa amin. Dating taga-Maynila—mahirap. Isinuka ng siyudad.

Dumating kami sa pagsubok. Pumanaw ang aking ina. May apat akong kapatid at dalawang pamangkin. Lahat sa akin umaasa. Tanong nila, paano koi to nakakaya. Hindi ako sumasagot.

Hindi ko kasi alam kung ano ang isasagot. Sa kanila ako kumukuha ng lakas—marahil. Pero may ibang hindi ko maipaliwanag kung bakit ko ito nakakaya.

Hanggang sa isa pang pagkakataon binisita ko ang impiyernong pinanggalingan ko. Pero sa pagkakataong ito, guro na ako at kasama ko ang ilan kong mag-aaral.

Habang binabagtas namin ang ilang panulukan ay ginising ako ng isa sa gitna ng himbing dahil na rin sa inip dala ng mas tuminding trapiko rito kumpara sa nakagisnan ko.

“Bakit po sila nakahiga sa ilalim ng tulay?” tanong sa akin.

“Diyan sila nakatira.” wika ko.

Ngayon ko napagtanto na ang tibay na dala ko ngayon ay dahil sa impiyernong kinalakhan ko—ang Maynila.

Sa mga eskinita nitong puno ng krimen ko natutunan ang pagiging matalino. Sa gitgitang trapiko nito natutunan ko ang pasensiya. Sa polusyon nito kumapal ang aking balat panlaban sa lahat ng sakit—maging sakit ng loob. Ang katiwalian sa bawat sulok nito ang nagbigay sa akin ng matinding pananalig na sa kabila ng hirap, mayroong pag-asa. Sa Maynila ako naging matibay.

Sa Maynila ako natutong makibagay. Kahit saan ka tumira, basta may matirhan. Kahit sinong kasama, basta masaya.

Sa Maynila ako natuong umunawa- maging sino at ano ka man.

Marami ang nagsasabing maarte at mahina ang sikmura namin. Dito, kahit anong pagkain, basta may makain.

Marahil dahil sa mayayaman at matapobreng galing dito ngunit hindi kinakatawan ng mga aristokratang ito ang Maynila. Sila ang patuloy na sumisira sa Maynila. Mga taong ang nais lamang ay ang magpalaki ng tiyan kahit na makayurak na ng iba. Sila ang dahil ng lahat nang kapangitan ng Maynila.

Nakalulungkot nga lang talagang isiping ang lugar na itong hinahanap-hanap ko dahil ito ang bumuo sa aking pagkatao ay patuloy namang sinisira ang kaniyang sarili.

“Bakit wala kang ginagawa sa mga sumisira sa iyo?

Bakit hinahayaan mo silang lapastanganin ka, babuyin ka at gawin kang impiyernong kaiba sa aking nakagisnan?”

Nagdurugo ang aking pagkatao. Nangangalit ang aking mga kaluluwa. Nais kumawala ng nag-aamok kong mga bisig sa katampalasang aking nabatid. Sino bang hindi kakanti kung mahal mo na ang sinaktan? Ngunit paano nga ba kita ipaglalaban kung ikaw mismo, walang ginagawa?

PAALALA:1. May iba’t ibang uri ng lathalain depende sa paksa tatalakayin. Nakasalalay sa manunulat ang istilo at punto de vistang gagamitin. Ang

lahat ng ito ay nakasalalay sa apat na layunin ng pagsulat: Descriptive, narrative, persuasive o expository.2. Makatutulong ang paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay. Gayunpaman, limitahan ito sa loob ng pangungusap upang maiwasan

ang pagiging OA.3. Makatutulong sa mabisang pagpapahayag ng damdamin ang mga run-on sentences. Gayunpaman, tiyaking hindi ito magiging nakalilito at

nagpapahayag pa rin ng iisang kaisipan.

Gabay sa Pagsulat ng BalitaInihanda ni Leonardo D. Tejano para sa mga mag-aaral ng Kids’ Kollege, Inc., Lungsod ng Laoag29 Agosto 2015

Page 4: Gabay sa pagsulat ng pangulong-tudling

KATUTURANAng balita ay isang uri ng pagpapahayag ukol sa napapanahon at pangkasalukuyang impormasyon. Kaiba sa iba pang uri ng akda, ito ay

may mas mabisang strukturang nagbibigay ng agarang kaalaman.

KAYARIANNasa anyong baliktad na pyramid, una nitong ipinapahayag ang pinakamahalagang detalye, lilinangin sa pamamagitan ng pansuporta

ngunit may mas mababang kahalagahang detalye patungo sa detalyeng kahit na hindi mabatid ng mambabasa ay magbibigay pa rin diwa rito bagama’t hindi ito dapat kaligtaan sa pagsulat ng balita.

1. Headline o Ulo ng Balita- pamagat2. Byline- sumulat3. Lead o pamatnubay- unang bahagi ng balita na naglalaman ng pangunahin at pinakamahalagang bahagi ng impormasyon ukol sa paksa

ng balita sa pamamagitan ng 5Ws1H datapwat maaaring wala ang isa nito. Hindi ito palaging nanganghulugang unang bahagi ng balita.4. Iba pang bahagi.

Hard News Soft NewsPormal nang/Kinumpirma kahapon ni Gob. Luis “Chavit” Singson ang pagbibitaw ng kanyang anak na si Ronald Singson bilang kinatawan ng Ilocos Sur matapos humarap sa isang paglilitas at mahalutang may sala sa pagtutulak ng droga.

Kinaharap ni Gob. Luis “Chavit” Singson ang isang pagsubok bilang ama matapos kumpirmahin ang pagbibitiw ng kanyang anak, Ronald Singson, bilang kinatawan ng Ilocos Sur kahapon.

Hard news ang gamitin kung ang balita ay napapanahon, kontrobersiyal, at may malaking pitak sa pamumuhay. Nagsisimula ito sa isang summary lead (5Ws1H) na maikli at payak dahil ang buong balita ay iinog sa pagpapaliwanag nito. Ordinaryong porma ng balita

Soft news ang gamitin kung ito at tumatalakay sa karanasan ng isang tao ukol sa isang napapanahong kontrobersiya.

May mga pagkakataong nagsasanib ang dalawang ito na tinatawag na news feature/balitang lathalain (karaniwang mababasa sa mga broadsheet). Mabisa itong gamitin kung ang balita ay tumatalakay sa napapanahon at kumplikadong isyung panlipunan sa pamamagitan ng kuwento ng karanasan.

KATANGIAN1. Napapanahon- Dinatnang patay kahapon ang isang dalagita sa Brgy. Batasan Hills, Quezon City matapos magtamo ng tatlong sasak sa

tagiliran.2. Kalapitan

a. Heograpikal- Inanunsiyo ni PGMA ang pakikiisa ng mga Pilipino sa bagong halal na Papa ng Simbahang Katoliko kahapon sa pamamagitan ng mga programang sumusuporta sa karapatang-pantao.

b. Kawilihan- Pinahanga ng Unang Rehiyon ang ikatlong Kalipunan ng mga Pampahalaang Pamantasan at Kolehiyo sa Luzon o Luzon Association of State and Universities and Colleges (LASUC) Olympics sa Pampamahalaang Pamantasan ng Sentral Luzon, Munoz, Nueve Ecija, 20-24 Pebrero, 2005.

Inuwi ng MMSU ang pinakamaraming bilang ng pagkilala……..3. Epekto sa mambabasa4. Kasikatan5. Drama, kulay at karanasan

Inanunsiyo na ni Sen. Bongbong Marcos ang kandidatura bilang pangalawang pangulo kahapon sa Intramuros, Manila.

Kasama ng kaniyang ina, Kinatawan Imelda Marcos ng pangalawang distrito ng Ilocos Norte, Sen. Juan Ponce Enrile, at Alkalde ng Maynila Joseph Estrada, ipinahayag ng senador ang paglahok nito sa 2016 Pambansang Halalan sa gitna ng kaniyang mga taga-suporta matapos ang ilang ugong-ugong ng pagatakbo bilang pangulo.

Si Sen. Marcos ay tumatakbong idependent.