gaano ka katagal puwedeng mabuhay? -...

16
!"#2 AGOSTO 2013 Gaano Ka Katagal Puwedeng Mabuhay?

Upload: duongkhanh

Post on 05-Feb-2018

309 views

Category:

Documents


11 download

TRANSCRIPT

!"#2 AGOSTO 2013

Gaano Ka KatagalPuwedeng Mabuhay?

Gusto mo ba ng higit pang impormasyon olibreng pag-aaral ng Bibliya sa iyong tahanan?

Magpunta sa www.jw.org/tl o ipadala angiyong request sa isa sa mga adres sa ibaba.

JEHOVAH’S WITNESSES: PHILIPPINES: PO Box 2044,1060 Manila. UNITED STATES: 25 Columbia Heights,Brooklyn, NY 11201-2483. Para sa adres sa iba pangmga bansa, tingnan ang www.jw.org/tl/contact.

Hindi ipinagbibili ang publikasyong ito. Inilaan ito bilang bahagi ng pambuong-daigdig na pagtuturo sa Bibliyana tinutustusan ng kusang-loob na mga donasyon. Malibang iba ang ipinakikita, ang mga pagsipi sa Kasulatanay mula sa makabagong-wikang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan.Publishers: Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.� 2013 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania. All rights reserved. Printed in Japan.

!"#2SA ISYUNG ITO

TAM

PO

KN

AP

AK

SA

Gaano Ka KatagalPuwedeng Mabuhay?PAHINA 6-9

3 PAGMAMASID SA DAIGDIG

4 TULONG PARA SA PAMILYAKapag Sinasaktan ng Iyong Anakang Kaniyang Sarili

10 INTERBYUAng Paniniwala ng IsangOrthopedic Surgeon

12 PANINIWALADapat Ka Bang Maniwala sa Trinidad?

14 ANG PANGMALAS NG BIBLIYAAlak

16 MAY NAGDISENYO BA NITO?Ang Matipid-sa-Enerhiyang Paglipadng Wandering Albatross

s TINGNAN ONLINEwww.jw.org /tl

T I N - E D Y E R

TANONG NG MGA KABATAAN . . .BAKIT AKO NAGHIHIWA SA SARILI?

“Sa tuwing maghihiwa ako sa sarili,”ang sabi ng kabataang si Jerrine,“halos wala na akong pakialam samundo, at parang nalilimutan ko angaking mga problema.” Ang pananakitsa sarili ay problema ng maramingkabataan. Bakit? Dahil lang ba sa usoito? Kung ginagawa mo ito, paano kamakahihingi ng tulong?

(Tingnan sa TURO NG BIBLIYA � TIN-EDYER)

M G A B ATA

Basahin ang isinalarawang mgakuwento sa Bibliya. Gamitin angmga activity para tulungan angiyong mga anak na madagdaganang kanilang kaalaman sa mgakarakter at pamantayang moralng Bibliya.

(Tingnan sa TURO NG BIBLIYA � MGA BATA)

Vol. 94, No. 8 / Monthly / TAGALOGLimbag sa Bawat Isyu: 43,524,000 sa 99 na Wika

r

r

P A G M A M A S I D S A D A I G D I G

ESTADOS UNIDOS

Araw-araw, mahigit 20 dating miyembrong hukbong sandatahan ng Estados Uni-dos ang nagpapatiwakal. Buwan-buwan,mga 950 beteranong tumatanggap ngpangangalaga mula sa U.S. Departmentof Veterans Affairs ang nagtatangkangmagpatiwakal.

CHINA

“Halos kalahati ng mga babaing walapang 30 anyos na dumayo para magtraba-ho ang nabubuntis nang di-kasal, kungkaya biglang dumami ang bilang ng mga[Tsinong] dalagang-ina kung ihahambingsa nagdaang henerasyon,” ang ulat ng Chi-

na Daily. Sinasabi rin na ‘mas tanggap nasa lipunan ng mga Tsino ang pagsasamanang di-kasal.’

GREECE

Sa Greece, muling lumitawang malarya, isang sakit nahalos napawi na sa bansangito noong 1974. Isinisisi itosa kahirapan ng buhay at sapagbabawas ng badyet parasa kalusugang pambayan.

INDIA

Ipinakikita ng isang sur-bey na sa kabila ng mala-laking pagbabago sa lipu-nan, 74 na porsiyento ngmga tinanong ang masgusto pa rin ang ipinag-kasundong pag-aasawakaysa sa pagpili ng sari-ling mapapangasawa. At89 na porsiyento namanang mas gustong manira-han kasama ng iba pangkamag-anak sa halip nakasama lang ng mga ma-gulang at kapatid nila.

ITALY

“Mahina na ang [Katolikong]Simbahan, kapuwa sa maya-mang Europa at sa Amerika.Luma na ang ating kultura,malalaki ang ating simbahan,walang-laman ang ating mgakumbento at pumangit angpamamalakad ng Simbahan,ang ating mga ritwal at kasuu-tan ay mapagparangya. . . .Ang Simbahan ay 200 taonnang napag-iwanan ng pana-hon.”—Interbyu sa Katolikongkardinal na si Carlo MariaMartini, inilathala ng Corrieredella Sera pagkamatay ngkardinal.

Soldiers: U.S. Marine Corps photo by Spc. CoryGrogan/Released; cardinal: AP Photo/Luca Bruno

3

ANG DAHILAN

Para lang ba makiuso? Totoo, sinasaktan ng ilang kabata-an ang kanilang sarili dahil nalaman nilang ginagawa itong iba. Pero hindi ganiyan ang dahilan ng karamihan. Ba-kit? Karaniwan nang inililihim at ikinahihiya ng nananakit sasarili ang kaniyang ginagawa. “Ayokong malaman ng iba angginagawa ko,” ang sabi ng 20-anyos na si Celia.� “Itinatagokong mabuti ang mga sugat ko.”Para lang ba makakuha ng atensiyon? Baka nga iyanang dahilan ng iba. Pero ang mga nananakit sa sarili na ti-nutukoy sa artikulong ito ay karaniwan nang gumagawa nitonang patago at hindi nila ginagamit ang kanilang mga hiwao pasa para kumuha ng atensiyon. Gayunman, isang babaena dating nananakit sa sarili ang nagsabi na sana’y may na-kapansin sa kaniyang mga sugat para nalantad ang ginaga-wa niya at natulungan siya agad.Kung gayon, bakit may mga nananakit sa kanilang sarili?Komplikado ang mga dahilan, pero sa likod nito, ang kaba-taan ay kadalasan nang nakadarama ng sakit ng kaloobanna hindi niya masabi. Ayon sa paglalarawan ng eksperto samental health na si Steven Levenkron sa kaniyang aklat naCutting, ang taong nananakit sa sarili ay “isa na nakatuk-las na puwedeng maging lunas sa sakit ng kalooban ang ki-rot sa pisikal.”Paano kung sinisisi mo ang iyong sarili? Sa halip naisiping baka nagkamali ka sa pagpapalaki sa iyong anak,magpokus sa iyong papel bilang magulang para matulungansiyang maka-recover.

� Binago ang mga pangalan sa artikulong ito.

T U L O N G P A R A S A P A M I LY A � P A G P A P A L A K I N G M G A A N A K

KapagSinasaktan ngIyong Anak angKaniyang Sarili

ANG HAMON

Natuklasan mong sinasad-yang saktan ng iyong anakna tin-edyer ang kaniyang sa-rili. Baka isipin mo, ‘Ano’ngibig sabihin nito? Gusto baniyang magpakamatay?’

Malamang na hindi na-man. Pero kung sinasaktanng iyong anak ang kaniyangsarili, kailangan niya ng tu-long. Paano mo siya matutu-lungan? Una, alamin ang po-sibleng dahilan ng kaniyangnakababahalang paggawi.

r Higit pang tulong para sa pamilya ang makikita sa www.jw.org/tl

Ang pananakit sa sarili ay ang di-

mapigilang pamiminsala sa sarili,

ito man ay sa pamamagitan ng pag-

hiwa, pagsugat, paghampas, o iba

pang paraan.

Gumising! Agosto 2013 5

ANG PUWEDE MONG GAWIN

Himukin ang iyong tin-edyer na sabihin sa iyo kung ano angbumabagabag sa kaniya. Makatutulong ang sumusunod namga tip.Aliwin siya. Kapag sinabi sa iyo ng anak mo na sinasak-tan niya ang kaniyang sarili, huwag mong ipahalatang nagu-lat ka o natakot. Sa halip, magsalita ka nang mahinahon atmay pang-aliw.—Simulain sa Bibliya: 1 Tesalonica 5:14.

Huwag maging mapanghusga sa pagtatanong. Halimba-wa, puwede mong sabihin: “Alam kong hindi laging magan-da ang tingin mo sa iyong sarili. Ano ba ang nakapagpapahi-na ng loob mo?” o “Ano ang maitutulong ko kapag hindi kamapalagay o nadedepres?” o “Sa palagay mo, ano ang pi-nakamabuting magagawa ko para maging mas malapıt tayosa isa’t isa?” Pakinggan ang kaniyang mga sagot nang hindisumasabad.—Simulain sa Bibliya: Santiago 1:19.

Tulungan ang iyong anak na makita ang magagandangkatangian niya. Yamang ang mga nananakit sa sarili aykadalasang nagpopokus sa kanilang mga kahinaan, puwe-de mong tulungan ang iyong tin-edyer na makita ang ma-gagandang katangian niya. Maaari mo pa ngang imungkahina magsulat siya ng di-kukulangin sa tatlong bagay na gus-to niya sa kaniyang sarili. “Nakatulong sa akin ang pagsusu-lat ng magagandang katangian ko,” ang sabi ng kabataangsi Briana.�Pasiglahin ang iyong anak na manalangin sa Diyos naJehova. Sinasabi ng Bibliya: “[Ihagis] ninyo sa kaniya ang la-hat ng inyong kabalisahan, sapagkat siya ay nagmamalasa-kit sa inyo.” (1 Pedro 5:7) “Ipinagtatapat ko sa Diyos na Je-hova ang aking nadarama,” ang sabi ni Lorena, 17, “lalo nakapag natutukso akong saktan ang sarili ko. Nakatulongito sa akin para lalo akong magsikap na huminto.”—Simula-in sa Bibliya: 1 Tesalonica 5:17. ˛

� Ang pananakit sa sarili ay kadalasan nang sintomas ng depresyon o ibapang sakit. Baka kailangan nang magpatingin sa doktor. Ang Gumising! ay hin-di nagrerekomenda ng anumang partikular na paraan ng paggamot. Pero da-pat tiyakin ng mga Kristiyano na ang anumang paggamot na pipiliin nila ay hin-di salungat sa mga simulain ng Bibliya.

M G A S U S I N G T E K S T O

“Magsalita nang may pang-aliwsa mga kaluluwang nanlulumo.”—1 Tesalonica 5:14.

“Maging matulin sa pakikinig,mabagal sa pagsasalita.”—Santiago 1:19.

“Manalangin kayo nang walanglubay.”—1 Tesalonica 5:17.

“NAGTAPAT AKO KAY MOMMY”

“Nang maihinto ko ang pananakitsa sarili, nagtapat ako kayMommy. Akala ko magagalit siyasa ’kin, pero inunawa niya ako. Na-lungkot pa nga siya dahil nag-alangan akong magsabi sa kaniyang mga problema ko. Gusto niyangmatiyak na magiging maayos angkalagayan ko. Gumaan ang paki-ramdam ko nang makapagtapatako sa kaniya. Nadama ko angpagmamahal niya, at ’yon lang na-man talaga ang gusto ko.”—Celia.

Ang nananakit sa sarili ay kadalasannang nakadarama ng sakit ngkalooban na hindi niya masabi

Para sa higit pang impormasyon, ting-nan ang artikulong “Tanong ng mgaKabataan—Bakit Ako Naghihiwa saSarili?” Makikita ito sa aming Website na www.jw.org/tl

(Tingnan sa TURO NG BIBLIYA ˛

TIN-EDYER)

NANG mamatay si Harriet noong 2006, siya ay mga 175 taonggulang na. Pero hindi naman tao si Harriet. Isa siyang Galapagos

tortoise, na nasa zoo noon sa Australia. Kung ikukumpara sa atin, na-pakahaba ng buhay ni Harriet. Pero kung ikukumpara sa ibang nila-lang, ordinaryo lang ang haba ng buhay niya. Tingnan natin ang ilanghalimbawa.˙ Ang freshwater pearl mussel, ayon sa mga mananaliksik sa Fin-

land, ay posibleng mabuhay nang 200 taon.˙ Ang burrowing clam (ocean quahog) ay karaniwan nang nabubuhay

nang mahigit 100 taon at iniulat pa nga na may umabot nang ma-higit 400 taon.

˙ Ang mga punungkahoy, gaya ng bristlecone pine, giant sequoia, atilang uri ng cypress at spruce, ay nabubuhay nang libu-libong taon.Pero ang mga tao, na itinuturing na pinakamataas na uri ng buhay,

ay umaabot lang nang 80 o 90 taon—sa kabila ng kung anu-anongpagsisikap natin na mapahaba ang buhay!

Ano sa palagay mo—masisiyahan na ba tayo sa mga walong-deka-dang haba ng buhay? O may posibilidad bang mabuhay tayo nangmas mahaba pa? Marami ang umaasang nasa siyensiya at medikalna teknolohiya ang sagot.

Makatutulong ba ang Siyensiya?

Malaki na ang naitulong ng siyensiya sa kalusugan at medikalna teknolohiya. “Kumakaunti na ang namamatay [sa Estados Unidos]

TAM

PO

KN

AP

AK

SA

Gaano Ka Katagal Puwedeng Mabuhay?

Iba’

tiba

ngpu

nung

kaho

y

Burro

wing

clam

Fres

hwat

erpe

arlm

usse

l

Gala

pago

sto

rtois

e

Tao

Gumising! Agosto 2013 7

mula sa mga nakakahawang sakit o kompli-kasyon ng panganganak,” ang sabi ng maga-sing Scientific American. “Bumaba nang75 porsiyento ang bilang ng namamatay nasanggol mula noong 1960.” Pero hindi pa rinnapapahaba ng siyensiya ang buhay ng tao.“Sa kabila ng maraming dekada ng pagsasa-liksik, misteryo pa rin ang pagtanda,” angsabi ng isa pang edisyon ng Scientific Ameri-can. Pero “ipinahihiwatig ng mga katibayanna maaaring mangyari ang pagtanda kapagnagkadiperensiya ang mga gene na kumo-

kontrol sa mga selula.” Sinabi pa nito: “Kungang pagtanda ay pangunahin nang isangproseso ng genetics, dapat sana’y mahahad-langan ito balang-araw.”

Sa pagsasaliksik ng ilang siyentipiko tung-kol sa mga dahilan ng pagtanda, pati na samga sakit na kaugnay nito, pinag-aaralannila ang bagong pagsulong sa larangan nggenetics na tinatawag na epigenetics. Anoba ito?

Ang mga buhay na selula ay naglalamanng henetikong impormasyon, na kailangansa paggawa ng mga bagong selula. Karami-han sa mga impormasyong ito ay matatagpu-an sa genome, isang terminong tumutukoysa lahat ng DNA na nasa loob ng isang selu-la. Pero kamakailan, sinuri din ng mga siyen-tipiko ang ibang mekanismo sa loob ng se-lula—ang epigenome. Ang epigenetics ay angpag-aaral sa kamangha-manghang grupongito ng mekanismo at sa mga kemikal nareaksiyon nito.

Ibang-iba sa DNA ang hitsura ng mgamolekulang bumubuo sa epigenome. AngDNA ay parang double helix o paikot na hag-dan, samantalang ang epigenome naman ayisang sistema ng kemikal na mga marka, otag, na nakakabit sa DNA. Ano ba ang pa-pel ng epigenome? Gaya ng isang konduktor

ng orkestra, ang epigenome ang kumokon-trol kung paano gagamitin ang henetikongimpormasyong nasa DNA. Ina-activate odine-deactivate ng molekular na mga tag angmga set ng gene depende sa pangangaila-ngan ng selula at sa iba pang bagay na gayang pagkain, stress, at mga toxin. Dahil sa na-tuklasang ito tungkol sa epigenome, nagka-roon ng malaking pagbabago sa biologicalsciences, anupat iniuugnay ang epigeneticssa ilang partikular na sakit at maging sa pag-tanda.

“Iniuugnay [sa epigenetics] ang mga sakit,mula sa schizophrenia hanggang sa rheu-matoid arthritis, at mula sa kanser hang-gang sa di-mawala-walang kirot sa katawan,”ang sabi ng mananaliksik sa epigenetics nasi Nessa Carey. At ito ay “tiyak na may baha-ging ginagampanan sa pagtanda.” Kaya angpananaliksik tungkol sa epigenetics ay posi-bleng umakay sa epektibong mga therapypara mapaganda ang kalusugan, malaba-nan ang sakit—pati na ang kanser—at sa ga-yon ay mapahaba ang buhay. Pero hanggangsa ngayon, wala pa ring natatanaw na pag-asa. “Sinusunod pa rin natin ang dating rutin[para malabanan ang pagtanda],” ang sabini Carey, “maraming gulay” at “madalas napag-eehersisyo.”

Pero bakit gayon na lang ang pagsisikapng mga tao na mapahaba ang buhay nila?Bakit nga ba gustung-gusto nating mabuhaymagpakailanman? Itinanong ng pahayagangThe Times ng Britain: “Bakit kaya gayon nalang ang pagsisikap ng mga tao sa buongmundo na dayain ang kamatayan, ito man aysa pamamagitan ng imortalidad, pagkabu-hay-muli, kabilang-buhay, o reinkarnasyon?”Ang sagot, gaya ng makikita natin, ay nagbi-bigay-liwanag sa tunay na dahilan ng pag-tanda.

Bakit Natin GustongMabuhay Magpakailanman?

Libu-libong taon nang inaalam ng mgatao ang sagot sa tanong na iyan. Mayroonbang makatuwiran at kasiya-siyang paliwa-nag na kaayon ng ating pisikal na kayarianat ng ating likas na pagnanais na mabuhay

“Sa kabila ng maraming dekadang pagsasaliksik, misteryopa rin ang pagtanda”

magpakailanman? Milyun-milyon ang sasa-got ng malakas na oo! Bakit? Dahil natukla-san na nila sa Bibliya ang pinakakasiya-siyang kasagutan tungkol dito.

Sa simula pa lang, sinasabi na ngBibliya na ang mga tao, bagaman may pag-kakatulad sa ibang nilalang, ay talagang nai-iba. Halimbawa, sa Genesis 1:27, mababasanatin na nilalang ng Diyos ang tao ayon sakaniyang larawan. Sa anong diwa? Binigyanniya tayo ng kakayahang magpakita ng pag-ibig, katarungan, at karunungan. At bilangIsa na nabubuhay magpakailanman, inilagayng Diyos sa atin ang pagnanais na mabuhaymagpakailanman. ‘Inilagay rin niya ang ka-walang-hanggan sa puso at isip ng mga tao,’ang sabi ng Eclesiastes 3:11.—The AmplifiedBible.

Ang isang katibayan na dinisenyo angtao na mabuhay nang mas matagal ay maki-kita sa nagagawa ng utak, lalo na sa kakaya-han nitong matuto. Sinasabi ng The Ency-clopedia of the Brain and Brain Disorders naang kapasidad ng long-term memory ng utakng tao ay “halos walang limitasyon.” Bakitmay ganitong kapasidad ang utak kung hin-di naman ito gagamitin? Oo, nasasalamin samga tao ang orihinal na layunin ng Diyospara sa sangkatauhan. Kung gayon, bakittayo tumatanda, nagdurusa, at namamatay?

Kung Bakit Tayo Tumatandaat Namamatay

Ang unang lalaki at babae ay maysakdal na katawan at kalayaang magpasiya.Nakalulungkot, ginamit nila sa maling para-

Puwede Ka Bang Mabuhay Nang Mas Malusog

at Mas Mahaba Ngayon Pa Lang?

Sa isang mahalagang pag-aaral sa mahigit 1,500 katao na isinilang noong mga ta´ong 1910,

sinasabi ng mga health scientist na sina Howard S. Friedman at Leslie R. Martin na ang pa-giging maingat at pagkakaroon ng maraming kaibigan ay tutulong para humaba ang bu-hay. “Ang maiingat na tao ay mas maraming ginagawa para protektahan ang kalusugan nilaat umiiwas sa mga gawaing mapanganib,” ang sabi nina Friedman at Martin. “Malamang naumiiwas sila sa paninigarilyo, sobrang pag-inom, pag-abuso sa droga, o pagmamaneho nangnapakabilis. Mas malamang na nagsusuot sila ng seat belt at sumusunod sa utos ng mgadoktor. Hindi naman sa tak

´ot silang makipagsapalaran, nag-iingat lang sila.”

Kung tungkol naman sa pakikipagkaibigan, ang mga taong mahahaba ang buhay ay “ma-raming kaibigan at . . . matulungin sa iba.” Ang kasabihang “Maikli ang buhay ng mababait,at mahaba ang buhay ng masasama,” ay walang batayan sa siyensiya, ang sabi ng mga aw-tor. “Karaniwan nang . . . maikli ang buhay ng masasama, at napapabuti ang mababait.”

r Alamin ang sagot sa iba pang mga tanong tungkol sa Bibliya sa www.jw.org/tl

Gumising! Agosto 2013 9

an ang kalayaang iyan nang magrebelde silasa kanilang Maylikha.� (Genesis 2:16, 17; 3:6-11) Dahil sa kanilang pagsuway, o kasala-nan, nakadama sila ng matinding pang-uusigng budhi at kahihiyan. Napinsala rin ang ka-nilang katawan, anupat dahan-dahan at tu-luy-tuloy na humantong sa kamatayan. “Angtibo na nagbubunga ng kamatayan ay kasa-lanan,” ang sabi ng 1 Corinto 15:56.

Kaayon ng pisikal na batas ng pagmama-na, ang lahat ng supling nina Adan at Eva aynahawahan ng di-kasakdalan at ng tendensi-yang magkasala, o gumawa ng mali. Sinasa-bi ng Roma 5:12: “Sa pamamagitan ng isangtao ang kasalanan ay pumasok sa sanlibutanat ang kamatayan sa pamamagitan ng kasa-lanan, at sa gayon ang kamatayan ay lumaga-nap sa lahat ng tao sapagkat silang lahat aynagkasala.”

Kaya ano ang konklusyon natin? Ito: Hin-ding-hindi makikita sa laboratoryo ang se-kreto ng walang-hanggang buhay. Diyos langang makapag-aalis ng pinsalang dulot ng ka-salanan. Pero gagawin ba niya ito? Muli,isang malakas na oo ang sagot ng Bibliya!

“Lalamunin Niya ang KamatayanMagpakailanman”

Nakagawa na ang Diyos ng isang napa-kalaking hakbang para alisin ang kasalananat kamatayan. Isinugo Niya si Jesu-Kristopara ibigay ang buhay niya alang-alang saatin. Paano tayo matutulungan ng kamata-yan ni Jesus? Si Jesus ay isinilang na sakdalat “hindi siya nakagawa ng kasalanan.”(1 Pedro 2:22) Kaya naman may karapatansiya sa walang-hanggan at sakdal na buhaybilang tao. Ano ang ginawa niya sa kaniyangsakdal na buhay? Kusang-loob niya itong ibi-nigay bilang kabayaran sa ating mga kasa-lanan. Oo, ibinigay ni Jesus ang kaniyang bu-hay “bilang pantubos na kapalit ng marami.”(Mateo 20:28) Di-magtatagal, lubusang ika-kapit ang pantubos na iyan alang-alang sa

� Dahil sa pagrerebelde nina Adan at Eva, bumangonang malulubhang isyu sa moral may kaugnayan sa Diyos.Ang mga isyung ito, na dahilan kung bakit pansamantalangpinahihintulutan ng Diyos ang kasamaan, ay tinatalakay saaklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Basahinito online sa www.jw.org/tl.

atin. Ano ang magiging kahulugan niyan parasa iyo? Isaalang-alang ang mga tekstong ito:ˇ “Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos

sa sanlibutan anupat ibinigay niya ang ka-niyang bugtong na Anak, upang ang bawatisa na nananampalataya sa kaniya ay hin-di mapuksa kundi magkaroon ng buhay nawalang hanggan.”—Juan 3:16.

ˇ “Lalamunin niya ang kamatayan magpaka-ilanman, at tiyak na papahirin ng Sobera-nong Panginoong Jehova ang mga luhamula sa lahat ng mukha.”—Isaias 25:8.

ˇ “Bilang huling kaaway, ang kamatayan aypapawiin.”—1 Corinto 15:26.

ˇ “Ang tolda ng Diyos ay nasa sangkatauhan. . . At papahirin niya ang bawat luha sa ka-nilang mga mata, at hindi na magkakaro-on ng kamatayan.”—Apocalipsis 21:3, 4.Gaano ka katagal puwedeng mabuhay?

Malinaw ang sagot ng Bibliya: Ang mga taoay maaaring magkaroon ng pag-asang ma-buhay magpakailanman—isang pag-asangmatutupad matapos alisin ng Diyos ang la-hat ng kasamaan sa lupa. (Awit 37:28, 29)Nasa isip ni Jesus ang napakagandang pag-asang iyan nang sabihin niya sa lalaking na-kabayubay sa tabi niya: “Makakasama kitasa Paraiso.”—Lucas 23:43.

Oo, likas lang at makatuwirang magha-ngad ang tao na mabuhay magpakailanman.Ganiyan tayo nilalang ng Diyos! At sasapatanniya ang pagnanasang iyan. (Awit 145:16)Pero mayroon tayong dapat gawin. Halimba-wa, kailangan tayong magkaroon ng pana-nampalataya sa Diyos. “Kung walang pana-nampalataya ay imposibleng palugdan [angDiyos] nang lubos, sapagkat siya na lumala-pit sa Diyos ay dapat na maniwala na siyanga ay umiiral at na siya ang nagiging taga-pagbigay-gantimpala doon sa mga may-pananabik na humahanap sa kaniya,” angsabi ng Hebreo 11:6. Ang gayong pananam-palataya ay isang pananalig batay sa tumpakna kaalaman sa Bibliya. (Hebreo 11:1) Kunggusto mong magkaroon ng ganiyang pana-nampalataya, makipag-usap sa mga Saksi niJehova sa inyong lugar o magpunta sa amingWeb site sa www.jw.org/tl. ˛

Paano ka naging interesadosa siyensiya?

Noong bata pa ako, mahiligako sa kalikasan. Lumaki ako saRichterswil, isang magandangnayon sa Switzerland sa bayba-yin ng Lake Zurich. Isinasamaako ng aking mga magulang atnakatatandang kapatid sa pagla-lakad at ipinaliliwanag sa akinang tungkol sa mga halaman atiba pang nilalang na nakikita na-min sa daan.

Bakit ka nag-aral ngorthopedic surgery?

Sandaling panahong nagtrabahosi Itay bilang attendant sa oper-

ating room ng isang ospital sa lu-gar namin. Dahil sa mga nakitaniya, masigla siyang nagkuku-wento tungkol sa pag-oopera. Tu-wang-tuwa ako sa mga ikinuku-wento niya kung kaya nangmaglaon, pinili ko ang surgery bi-lang propesyon. Ipinasiya kongmaging espesyalista sa orthope-dic surgery dahil gusto ko angmekanikal na mga aspekto nito.Ang mga orthopedic surgeon aykailangang mag-isip na gaya nginhinyero para ma-repair nila angmga buto, kalamnan, at litid naginagamit natin sa pagkilos.Higit sa lahat, natutuwa akongmakitang bumubuti ang lagay ngaking mga pasyente. Talagang

gustung-gusto kong magtrabahokasama ng mga tao.

Bakit ka nagdudakung may Diyos?

Nasa kabataan pa ako nangmagsimula ang aking pag-aalin-langan, at dalawang bagay angnakaimpluwensiya sa akin. Una,natuklasan ko na imoral angilang nagtuturo ng relihiyon sasimbahan, at talagang nabaga-bag ako. Pangalawa, ang ilangbiology teacher ko sa paaralanay naniniwala sa ebolusyon—isang turo na tinanggap ko, lalona nang nasa unibersidad naako.

Bakit mo tinanggapang ebolusyon?

Naniwala ako sa mga propesorko. Isa pa, inakala ko na angpagkakatulad sa anatomiya ngilang uri ng hayop ay nagpapahi-watig na iisa lang ang pinagmu-

I N T E R B Y U � I R`E N E H O F L A U R E N C E A U

Ang Paniniwala ng Isang Orthopedic Surgeon

Si Dr. Irene Hof Laurenceau ay espesyalista sa orthopedicsurgery sa Switzerland. Dati, nag-aalinlangan siya kung mayDiyos. Pero pagkaraan ng ilang taon, nakumbinsi siya namay Diyos, na lumikha ng buhay. Ininterbyu siya ngGumising! tungkol sa kaniyang trabaho at pananampalataya.

Gumising! Agosto 2013 11

lan nila, at na sumusuporta itosa ideya na ang mga genetic mu-tation ay nakalilikha ng mga ba-gong uri.

Pero nagbago angisip mo. Bakit?

Inanyayahan ako ng isang kaibi-gan ko sa pulong ng mga Saksi niJehova. Humanga ako dahil pa-lakaibigan ang mga nasa kon-gregasyon at nakapagtuturo angmga pahayag. Nang maglaon,isang mabait na babae mula sakongregasyong iyon ang duma-law sa akin. Tinanong ko siya,“Paano ko matitiyak na totoo angBibliya?”Ipinakita niya sa akin ang mgahula sa Bibliya tungkol sa mgapangyayaring nagaganap na nga-yon. Ang isang halimbawa ay anghula ni Jesus tungkol sa mga hu-ling araw ng daigdig na ito, anu-pat magkakaroon ng mga digma-an, “malalakas na lindol,” atpalasak na “mga salot at mga ka-kapusan sa pagkain.”1 Ipinakitarin niya ang mga hula tungkol samga problema sa lipunan at pag-laganap ng kasakiman at ibapang kasamaang nakikita natinsa ngayon.2 Di-nagtagal, nagingmasigasig ako sa pag-aaral ng Bi-bliya at napatunayan ko na lagingnagkakatotoo ang mga prediksi-yon nito. Sinuri ko ulit ang mgapangmalas ko tungkol sa pinag-mulan ng buhay.

Nakatulong ba ang pagsa-saliksik mo sa medisinapara maunawaan angpinagmulan ng buhay?

Oo. Nang magsimula akong mag-aral ng Bibliya, nagre-researchako noon tungkol sa pag-oopera

sa tuhod. Noong huling bahaging dekada ’60, mas naunawaanng mga siyentipiko ang masali-muot na mekanismo ng tuhod.Natuklasan nila na ang tuhod na-tin ay hindi parang bisagra nanaigagalaw lamang sa iisang di-reksiyon. Sa halip, ito ay gumugu-long at umiikot—isang napaka-gandang kombinasyon kung kayamarami tayong nagagawa, gayang paglalakad, pagsasayaw, pag-i-skate, at marami pang iba.Sa loob ng mga 40 taon, si-nikap ng mga mananaliksik namagdisenyo ng artipisyal na tu-hod. Pero nahirapan silang ko-pyahin ang napakasalimuot natuhod ng tao. Bukod diyan, kungikukumpara sa ating tuhod, angmga artipisyal na produkto ayhindi nagtatagal. Kahit mahuhu-say na materyales ang ginagamitng mga disenyador, masaya nasila kung tatagal nang 20 taonang kanilang produkto. Pero angating tuhod ay binubuo ng buhayna mga selulang patuloy na nag-papalit. Para sa akin, ang tuhoday ebidensiya, hindi ng ebolu-syon, kundi ng karunungan ngDiyos.

Paano naman ang mga muta-tion at ang pagkakatulad saanatomiya ng ilang uri ng or-ganismo?

Ang pagkakatulad na iyan ay pa-totoo na iisa lang ang Disenya-dor nila. Karagdagan pa, hindipinabubuti ng mutation ang di-senyo ng buhay na mga organis-

mo, ni itinataas man ang uri ngmga ito. Sa halip, sinisira ng mu-tation ang mga gene. Siyemprepa, ang isang aksidente ay posi-bleng magdulot ng pakinabang—halimbawa, kapag ang isangtren ay nadiskaril at sumalpoksa isang tulay at winasak ito,anupat naprotektahan ang isanglunsod mula sa pagsalakay ngisang hukbo. Pero hindi pinabuting aksidenteng iyon ang sitwa-syon ng lunsod. Sa katulad naparaan, hindi bumubuti ang di-senyo ng mga organismo dahilsa mutation. At hindi ito kailan-man makalilikha ng isang bagayna napakaganda ng pagkakadi-senyo na gaya ng tuhod ng tao—bukod pa sa ibang bahagi ngating katawan.

Bakit ka nagingSaksi ni Jehova?

Nang ikapit ko ang mga simu-lain ng Bibliya, napabuti nanghusto ang aking buhay. At nangdumalo ako sa isang internasyo-nal na kombensiyon ng mgaSaksi ni Jehova noong 2003,nakita ko ang kakaibang pagka-kaisa. Kahit noon lang sila nag-kita, para silang magkakapamil-ya. Nagpakita sila ng tunay napag-ibig sa isa’t isa, at gustokong mapabilang sa kanila. ˛

1. Lucas 21:10, 11.2. 2 Timoteo 3:1-5.

Ang mga mutation ay hindi kailanman

makalilikha ng isang bagay na napakaganda

ng pagkakadisenyo na gaya ng tuhod ng tao

ANG Bibliya ay nakumpletonoong unang siglo C.E.

Makalipas ang mahigit dala-wang siglo, ang mga turongumakay sa paglitaw ng Trini-dad ay sinimulang buuin no-ong 325 C.E. sa isang konsil-yo sa lunsod ng Nicaea sa AsiaMinor, ngayo’y Iznik, Turkey.Ayon sa New Catholic Encyclo-pedia, ang kredo, o doktrina,na ginawa ng Konsilyo ng Nica-ea ang nagbigay ng unang opi-syal na depinisyon sa mga turong simbahan, pati na sa depini-syon ng Diyos at ng Kristo.Pero bakit pa kinailangang big-yang-kahulugan ang Diyos atang Kristo ilang siglo mataposmakumpleto ang Bibliya? Ma-labo ba ang sinasabi ng Bibliyatungkol sa mahahalagang pak-sang iyan?

SI JESUS BA ANG DIYOS?

Nang maging tagapamahalang Imperyo ng Roma si Cons-tantino, nahati ang mga nag-

aangking Kristiyano tungkol sakaugnayan ng Diyos at ni Kristo.Si Jesus ba ang Diyos, o nilikhalang siya ng Diyos? Para malu-tas ito, ipinatawag ni Constantinoang mga lider ng simbahan saNicaea, hindi dahil gusto niyang

alamin ang katotohanan, kundidahil ayaw niyang mahati ng reli-hiyon ang imperyo.

Hiniling ni Constantino sa mgaobispo, na marahil ay may bilangna ilang daan, na sila’y magkai-sa, pero hindi sila nakinig. Pagka-tapos, iminungkahi naman niyana kilalanin ng konsilyo ang ma-labong konsepto na si Jesus ay“kaisang-sangkap” (homoousios)ng Ama. Ang pilosopikal na termi-nong Griegong ito, na wala sa Bi-bliya, ang naging pundasyon ngdoktrina ng Trinidad na nang

maglaon ay nakasaad sa mgakredo ng simbahan. Sa katuna-yan, sa pagtatapos ng ikaapatna siglo, halos nabuo na angdoktrina ng Trinidad sa anyonggaya ng alam natin sa ngayon,pati na ang tinatawag na ikat-

long bahagi ng tatluhang diyos,ang espiritu santo.

BAKIT DAPAT MOITONG PAG-ISIPAN?

Sinasabi ni Jesus na “sa-sambahin ng mga tunay namananamba ang Ama sa . . .katotohanan.” (Juan 4:23) Angkatotohanang iyan ay nakaulatsa Bibliya. (Juan 17:17) Itinutu-ro ba ng Bibliya na ang Ama,ang Anak, at ang espiritu santoay tatlong persona sa iisangDiyos?

Dapat Ka BangManiwala sa Trinidad?Mahigit dalawang bilyon katao ang nagsasabingKristiyano sila. Ang karamihan ay kabilang sa mgarelihiyong nagtuturo ng Trinidad—ang doktrina naang Ama, ang Anak, at ang espiritu santo (o, banalna espiritu) ay bumubuo ng iisang Diyos. Paanonaging opisyal na doktrina ang Trinidad? At angmas mahalaga, nasa Bibliya ba ang turong ito?

“Sa ganang atin ay iisa lamang ang Diyos,ang Ama.”—1 Corinto 8:6, Magandang Balita Biblia

Gumising! Agosto 2013 13

Una sa lahat, hindi binabang-git ng Bibliya ang salitang “Tri-nidad.” Ikalawa, hindi kailanmaninangkin ni Jesus na kapantaysiya ng Diyos. Sa halip, sumam-ba si Jesus sa Diyos. (Lucas 22:41-44) Ang ikatlo ay tungkol sakaugnayan ni Jesus sa kaniyangmga tagasunod. Kahit binuhayna siyang muli bilang espiritu, ti-nawag pa rin niyang “akingmga kapatid” ang kaniyangmga tagasunod. (Mateo 28:10)Sila ba’y mga kapatid ng Diyosna Makapangyarihan-sa-lahat?Siyempre hindi! Pero dahil nana-nampalataya sila kay Kristo—angpangunahing Anak ng Diyos—sila rin ay naging mga anakng kaniyang Ama. (Galacia 3:26)Ihambing ang karagdagang mgateksto sa sumusunod na pana-nalitang nakasaad sa kredongginawa ng Konsilyo ng Nicaea.

Ang sabi ng Kredo ng Nicaea:

“Kami ay sumasampalataya . . .sa iisang Panginoong Hesu-Kristo . . . na kaisang-sangkap

ng Ama, Diyos ng Diyos, Liwanagng Liwanag, napaka Diyos ng na-paka Diyos.”Ang sabi ng Bibliya:

ˇ “Dakila ang Ama kaysa akin[Jesus].”—Juan 14:28.�ˇ “Aakyat ako [Jesus] sa akingAma at inyong Ama, sa akingDiyos at inyong Diyos.”—Juan20:17.ˇ “Sa ganang atin ay iisa la-mang ang Diyos, ang Ama.”—1 Corinto 8:6.ˇ “Purihin natin ang Diyos atAma ng ating Panginoong Jesu-Cristo.”—1 Pedro 1:3.ˇ “Ito ang sinasabi niya na angpangalan ay Amen [Jesus], ang. . . pinagmulan ng lahat ng nila-lang ng Diyos.”—Pahayag [o, Apo-calipsis] 3:14.� ˛

� Amin ang italiko. Ang lahat ng pagsipi saseksiyong ito ay mula sa Magandang BalitaBiblia.� Nasa aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturong Bibliya? ang dalawang araling ito: “Anoba ang Katotohanan Tungkol sa Diyos?” at“Sino si Jesu-Kristo?” Puwede kang kumuhang isang kopya mula sa mga Saksi ni Jeho-va o basahin ito online sa www.jw.org/tl.

MAIKLING IMPORMASYON:

ˇ “Ang Kredo ng Nicaea ay hindi talaga produkto ng UnangKonsilyo ng Nicaea (325) . . . kundi ng Unang Konsilyo ngConstantinople (381),” ang sabi ng The New Westminster Dic-tionary of Church History.

ˇ “Binigkas ng Konsilyo ng Nicaea noong 325 ang mahala-gang pormula para sa doktrina [ng Trinidad na panghinaharappa] sa kapahayagan nito na ang Anak ay ‘kaisang-sangkap . . .ng Ama.’ ”—Encyclopædia Britannica.

“Ang Bibliyang Kristiyano, ka-sali na ang Bagong Tipan, aywalang mga pangungusap ohaka-haka ng trinitaryo tung-kol sa isang diyos na trini-dad.”—Encyclopædia Britannica.

“Ang doktrina ng trinidad . . .ay hindi produkto ng pinaka-maagang yugto ng panahongKristiyano, at hindi ito naipa-hayag nang malinaw bagoang pagtatapos ng ikalawangsiglo.”—Library of Early Chris-

tianity—Gods and the One God.

“Para maipaliwanag ang dok-trina ng Trinidad, kinailanganng [Katolikong] Simbahan nagumawa ng sarili nitong ter-minolohiya gamit ang ilangideya mula sa pilosopiya.”—Catechism of the Catholic

Church.

Ang unang Konsilyo ng Nicaea na nagbukas ng daan parasa doktrina ng Trinidad (paglalarawan ng isang pintor)

�Su

perS

tock

ANG SINASABI NG MGA TAO Sa maraming tahanan, karaniwan nangmay alak at isinasabay ito sa pagkain. Pero sa ilang tahanan, hindiito katanggap-tanggap. Bakit iba-iba ang pananaw ng mga tao saalak? Dahil naiimpluwensiyahan sila ng mga bagay na tulad ng kultu-ra, kalusugan, at relihiyon.ANG SABI NG BIBLIYA Hinahatulan ng Bibliya ang paglalasing atpagmamalabis sa inuming de-alkohol, pero hindi ang katamtamangpag-inom. (1 Corinto 6:9, 10) Sa katunayan, noon pa man, ang mgalingkod ng Diyos, babae man o lalaki, ay umiinom na ng alak,isang inuming binanggit nang mahigit dalawang daang beses sa Bi-bliya. (Genesis 27:25) “Kainin mo ang iyong pagkain nang may pag-sasaya at inumin mo ang iyong alak nang may mabuting puso,” angsabi sa Eclesiastes 9:7. Dahil ang alak ay nakapagpapasaya, mada-las itong isilbi sa mga okasyong gaya ng kasalan. Panahon din ng ka-salan nang gawin ni Jesu-Kristo ang kaniyang unang himala—ang tu-big ay ginawa niyang “mainam na alak.” (Juan 2:1-11) Ginagamit dinnoon ang alak sa panggagamot.—Lucas 10:34; 1 Timoteo 5:23.

ANG PANGMALAS NG BIBLIYA � ALAK

A L A K

Mali bang uminom ng alak?

“Alak na nagpapaligaya

sa puso ng tao, langis

na nagpapaningning

sa kanyang mukha,

at tinapay na nagpa-

palakas sa kanyang

puso.”—Awit 104:15,“Ang Biblia—Bagong Salinsa Pilipino.”

r Alamin ang sagot sa iba pang mga tanong tungkol sa Bibliya sa www.jw.org/tl

BAKIT DAPAT ITONG ISAALANG-ALANG? Taun-taon, napakaraming pamil-ya ang nagkakaproblema dahil sa paglalasing ng isa o ng dalawang magu-lang. Ang sobrang pag-inom ay nagiging sanhi rin ng maraming disgrasya,kasama na ang mga aksidente sa daan. At sa bandang huli, puwede itongmakapinsala sa utak, puso, atay, at sikmura.ANG SABI NG BIBLIYA Mahalagang kahilingan ng Diyos na tayo’ymaging katamtaman sa pagkain at pag-inom. (Kawikaan 23:20; 1 Timo-teo 3:2, 3, 8) Hindi niya sinasang-ayunan ang kawalan ng pagpipigil sa sa-rili. Sinasabi ng Bibliya: “Ang alak ay manunuya, ang nakalalangong inuminay magulo, at ang sinumang naliligaw dahil dito ay hindi marunong.”—Kawi-kaan 20:1.Ang isang paraan kung paano naililigaw ng alak ang di-marunong aysa pamamagitan ng pagpapahina sa paninindigan niya na gawin ang tama.Sinasabi sa Oseas 4:11: “Alak at matamis na alak ang siyang nag-aalisng mabuting motibo.” Natutuhan ito ni John sa masaklap na paraan.� Ma-tapos makipagtalo sa asawa niya, pumunta siya sa isang hotel, naglasing,at nakagawa ng imoralidad—na labis niyang pinagsisihan, anupat sumum-pang hinding-hindi na iyon uulitin. Ang sobrang pag-inom ay makapipinsalasa atin sa pisikal, moral, at espirituwal na paraan, at sinasabi ng Bibliyana ang mga lasenggo ay hindi magkakaroon ng buhay na walang hanggan.—1 Corinto 6:9, 10.

� Binago ang pangalan.

BAKIT DAPAT ITONG ISAALANG-ALANG? “Ang alkohol ay isang matapangna droga,” ang sabi ng World Book Encyclopedia. Kaya may mga panahon opagkakataon na hindi dapat uminom ng inuming de-alkohol, kahit pa ka-tamtaman lang.ANG SABI NG BIBLIYA Kadalasan nang “napapahamak” ang mga tao ka-pag umiinom sila sa di-angkop na panahon. “Sa lahat ng bagay ay may tak-dang panahon,” ang sabi ng Bibliya, at kasama diyan ang panahon ng pag-iwas sa alak. (Eclesiastes 3:1) Halimbawa, baka ang isa ay wala pa sa legalna edad para uminom, baka dati siyang alkoholiko na nagsisikap magbago,o baka may iniinom siyang gamot na hindi dapat sabayan ng alak. At parasa marami, ang “takdang panahon” para umiwas sa alak ay bago pumasoksa trabaho at habang nagtatrabaho, lalo na kung humahawak sila ng ma-panganib na makinarya. Tiyak na itinuturing ng marurunong na tao angbuhay at kalusugan bilang mahahalagang kaloob mula sa Diyos. (Awit 36:9)Maipakikita natin ang pagpapahalaga sa mga kaloob na iyan kung gagawinnating gabay ang mga simulain sa Bibliya pagdating sa pangmalas natin saalak. ˛

Sinasabi ba ng Bibliya kung gaano lang karamiang puwedeng inumin?

‘Huwag kayong

magpaalipin sa

maraming alak.’

—Tito 2:3.

Kailan hindi dapat uminom?

“Kung may duma-

rating na panganib,

ang matalino’y nag-

iingat, ngunit di ito

pansin ng mang-

mang kaya siya’y

napapahamak.”—Kawikaan 22:3,“Magandang Balita Biblia.”

Gumising! Agosto 2013 15

g1

3 0

8-T

G1

30

51

7

MAY mga ibon na kayang pumailanlangat manatili sa ere nang walang kahirap-

hirap. Isa rito ang wandering albatross. Angsukat ng mga nakabukang pakpak nito ay3.4 metro. Kahit tumitimbang ito nang halos8.5 kilo, nakalilipad ito nang libu-libong milyagamit lang ang kaunting enerhiya! Ang sekre-to? Ang anatomiya at teknik nito sa pagpapa-ilanlang.

Pag-isipan ito: Dahil sa espesyal na mga li-tid, napananatili ng albatross na nakabukaang kaniyang mga pakpak habang lumilipad,kaya di-gaanong napapagod ang mga kalam-nan niya. May isa pang sekreto ang ibongito kung kaya nagagawa niyang pumailanlangnang maraming oras—kabisado niya ang ha-ngin sa dagat.

Ang mga albatross ay lumilipad nang pata-as, patagilid, at pababa nang tuluy-tuloy at pa-arko, na nakatutulong para hindi sila buma-gal kahit pasalungat sa hangin. Nito langnadiskubre ng mga siyentipiko kung paanoito nagagawa ng mga albatross. Gamit angmga high-resolution tracking device at spe-cial computer software, natuklasan nilang na-kakakuha ng kinakailangang enerhiya angmga albatross kapag nagpapalit ng direksi-yon mula sa pagsalungat sa hangin tungo sapag-ayon sa hangin kapag nasa gawing itaasna ang mga ito. Sinasabi ng mga siyentipikona “walang kahirap-hirap at tuluy-tuloy” angparaang ito ng “pagkuha ng enerhiya” mulasa hangin. Ang resulta? Nakakayanan ng ibonna pumailanlang nang maraming oras kahithindi ipinapagaspas ang mga pakpak nito!

Ang mga impormasyong ito ay maaaringmakatulong sa mga inhinyero sa pagdidisen-yo ng mga sasakyang panghimpapawid namas matipid sa fuel at marahil ay pinaaandarpa nga ng propulsion na hindi ginagamitan ngmakina.

Ano sa palagay mo? Ang matipid-sa-ener-hiyang paglipad ba ng albatross, pati na angespesyal na anatomiya nito, ay resulta ng ebo-lusyon? O may nagdisenyo nito? ˛

M A Y N A G D I S E N Y O B A N I T O ?

Ang Matipid-sa-EnerhiyangPaglipad ngWandering Albatross

�M

indenPictures/SuperStock

sLibreng download ngmagasing ito at ngnakaraang mga isyu

Bibliya onlinesa mga 50 wika

Magpunta sawww.jw.org /tlo i-scan ang code

no

p