format tisis

24

Click here to load reader

Upload: chiyobels

Post on 29-Oct-2015

615 views

Category:

Documents


56 download

DESCRIPTION

Filipino Tisis Format

TRANSCRIPT

Page 1: Format Tisis

Pagsulat ngPananaliksik

1

Page 2: Format Tisis

KABANATA 5

1

Page 3: Format Tisis

Pagsulat ngPreliminaryong

Pahina

● Pabalat● Dahon ng Paksa● Dahon ng Pagpapatibay● Dahon ng Pasasalamat● Dahon ng Paghahandog● Talaan ng Nilalaman● Talaan ng Talahanayan● Talaan ng Figyur● Abstrak

1

Page 4: Format Tisis

Mga Preliminaryong Pahina ng Pananaliksik

Sa kabuoan ng sulating pananaliksik, may mga paunang pahina na na binubuo ng sumusunod: pabalat, dahon ng paksa, dahon ng pagpapatibay, dahon ng pasasalamat, paghahandog, talaan ng nilalaman, talaan ng talahanayan, talaan ng figyur at abstrak.

KUMPLETONG PAMAGAT NG TISIS

(nakasulat sa malaking titik at dapat

na nakahugis na baligtad

na piramide)

NI/NINA

PANGALAN NG MGA GUMAWA

O LIDER NG PANGKAT

Kursong kinukuha

Pangalan ng kolehiyo/kagawaran

Pangalan ng Pamantasan

Adres ng Paaralan

Buwan at Taon na isinulat ang pananaliksik

Pabalat ng Pananaliksik. Ito ang pinakabalot sa kabuoan ng sinulat na pananaliksik matapos itong maidepensa at maedit. Karaniwang pinabubukbaynd ito at ganito ang dapat na lamanin:

1

Page 5: Format Tisis

Fly leaf o blangkong papel. Kailangang mayroong blangkong papel o tinatawag na flyleaf matapos ang pabalat ng aklat. Kapag nagpapabukbaynd, inilalagay ito ng gumagawa upang maiwasang marumihan at maproteksyunan ang iba pang bahagi o nilalaman ng pananaliksik.

Dahon ng Paksa. Katulad ng nakatala sa pabalat ay mayroon pang dahon ng paksa na kinapapalooban ng: paksa, saan isinumite ang pananaliksik, at kahingian ng anong kurso o digra, pangalan ng mga mananaliksik at kung kalian naisakatuparan ang pananaliksik.

Dahon ng Pagpapatibay. Dito makikita ang kumpirmasyon ng tagapayo na naipasa sa kanya ang pananaliksik at iminungkahing mailatag sa oral na pagsusulit. Nakatala rin dito ang marka na ibinigay

1

Page 6: Format Tisis

sa oral na pagsusulit, mga pangalan at lagda ng mga lupon. Sa ibabang bahagi naman ay ang pagtanggap at pagpapatibay ng mga may katungkulan sa paaralan.

Dahon ng Pasasalamat. Isinusulat rito ng mga mananaliksik ang mga tao, institusyon at iba pang tuwiran at di-tuwirang nakatulong sa pagsulat at pagkakabuo ng pananaliksik.

Dahon ng Paghahandog (opsyonal). May mga gawang pananaliksik na naglalagay ng pahinang ito samantalang ang iba naman ay wala nito. Malayang naisusulat at naipahahayag ng mananaliksik kung kanino niya/nila ihahandog ang obrang nilikha.

Talaan ng Nilalaman. Sa bahaging ito makikita ang kabuoan ng balangkas ng isang sulating pananaliksik. Nakasulat sag awing kanan ang mga pahina kung saan matatagpuan ang bawat nilalaman ng pananaliksik.

Talaan ng Talahanayan. Ang pamagat ng bawat talahanayang ginamit sa pananaliksik ay sinusulat nang sunud-sunod at sa gawing kanan nito nakasaad kung saang pahina ito matatagpuan.

Talaan ng Figyur. May mga pananaliksik na kinapapalooban ng mga figyur, grapiko o kaya’y larawan. Upang madaling matunghayan ang mga ito ay nilalagayan din ito ng sariling talaan.

Abstrak. Pinakabuod o synopsis ng tisis ang abstrak. Dito nakatala ang pamagat ng tisis, dulog pananaliksik, pangalan ng mga mananaliksik, programang kurikulum, at ang nagsilbing tagapayo. Kinakailangang matalakay nang maigsi ngunit sapat ang abstrak sa anyong naratibo ang sumusunod:

○ Panimula at suliranin ng pag-aaral○ Balangkas at Batayang Teoretikal○ Pamamaraan at Disenyong Ginamit sa Pananaliksik○ Mga Pangunahing Natuklasan, Konklusyon at

Rekomendasyon

1

Page 7: Format Tisis

(pabalat)

SISTEMA NG PAMAMAHALA NG AGAPAY

SA PAMUMUHAY CREDIT COOPERATIVE

(ASAPCC) TAONG 2009

nina

IRENE S. LIM

MYLYN S.EMPLEO

RODELYN O. NUQUE

MARY CHRISTINE B. LUCAS

BSBA MARKETING MANAGEMENT

1

Page 8: Format Tisis

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas

Kampus ng Lungsod Quezon

Don Fabian, Commonwealth, Lungsod Quezon

Marso, 2009

(gilid ng pabalat ng tisis)

Sa mga pagkakataon na marami ang gumawa ng pananaliksik, ilagay na lamang ang apelyido ng lider kasunod ang et.al.

1

Page 9: Format Tisis

.

PUPQC

TA 2008-2009

1

Page 10: Format Tisis

(Pahina ng Paksa)SISTEMA NG PAMAMAHALA NG AGAPAY

SA PAMUMUHAY CREDIT COOPERATIVE(ASAPCC) TAONG 2009

(Limang espasyo)

_______ (pitong linya o guhit)

(anim na espasyo)

Tisis na Iniharap saKampus ng Lungsod Quezon

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas

(limang espasyo)

Bilang Bahagi ng Kahingian Sa Pagtatamo ng Digring

Batsilyer sa ______________(tukuyin ang kurso)

(limang espasyo)

_______ (pitong linya o guhit)

(anim na espasyo)

ni/nina

Irene S. LimMylyn S. Empleo

Rodelyn O. Nuque

1

Page 11: Format Tisis

Mary Christine B. Lucas

Marso, 2009

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

KAMPUS NG LUNGSOD QUEZON

PAHINA NG PAGPAPATIBAY

Bilang bahagi ng kahingian sa pagtatamo ng Digring Batsilyer ng Agham sa Pamamahalang Pangangalakal - ang tisis na ito na may paksang Sistema Ng Pamamahala Ng Agapay Sa Pamumuhay Credit Cooperative (ASAPCC) Taong 2009 ay naihanda at isinumite ni/nina Irene S. Lim, Mylyn S. Empleo, Rodelyn O. Nuque at Mary Christine B. Lucas ay iminumungkahing maiharap sa Oral na Pagsusulit.

(lagda)

JENNIFOR L. AGUILAR

Tagapayo

LUPON NG TAGAPAGSULIT

Pinagtibay ng mga Lupon sa Oral na Pagsusulit na may markang _____.

PROP. NORBERTO C. CATURAY

Tagapangulo

1

Page 12: Format Tisis

PROP. ELIZABETH B. ELIGIO PROP. EMELINDA C. LAYOS

Kasapi ng Lupon Kasapi ng Lupon

Tinanggap at pinagtibay bilang bahagi ng kahingian sa pagtatamo ng digring Batsilyer ng Agham sa Pamamahalang Pangangalakal.

PROP. DORIS B. GATAN PROP. PASCUALITO B. GATAN

Tagapangulong Pang-akademiko Direktor, PUP-Lungsod Quezon

Marso 18, 2009

PASASALAMAT

Taos-pusong pasasalamat ang ipinahahatid ng mga mananaliksik sa Diyos na buhay na siyang nagbigay ng sapat na kakayanan at Siyang sumubaybay, nag-ingat at gumabay sa mga mananaliksik. Kung hindi sa kanya ay hindi malilikha ang tisis na ito.

Hindi rin malilimutan na pasalamatan ang mga magulang, kamag-anak

1

Page 13: Format Tisis

at ng mga mananaliksik na patuloy na nagbibigay ng pinansyal na suporta upang maisakatuparan ang kanilang pananaliksik.

Pinasasalamatan rin ang ASAPCC na nagpaunlak na maisagawa ang pananaliksik na ito sa kanilang organisasyon.

Pasasalamat rin ang ipinaaabot ng mga mananaliksik sa kaguruan, kawanihan at administrasyon ng PUP Lungsod Quezon sa mga tulong na naibahagi sa kanila.

Magagawa ko ang lahat ng bagay

sa pamamagitan ni Kristo

na nagpapalakas sa akin.

(Filipos 4:13)

Mga mananaliksik,

Irene S. LimMylyn S. Empleo

Rodelyn O. NuqueMary Christine B. Lucas

1

Page 14: Format Tisis

PAGHAHANDOG

(opsyonal)

Taos-pusong inihahandog ng mga mananaliksik ang tisis na ito na may paksang: Sistema ng Pamamahala ng Agapay Sa Pamumuhay Credit Cooperative (ASAPCC) Taong 2009 sa kanilang mga magulang at sa:

Agapay Sa Pamumuhay Credit Cooperative

1

Page 15: Format Tisis

Mga mananaliksik,

Irene S. LimMylyn S. Empleo

Rodelyn O. NuqueMary Christine B. Lucas

TALAAN NG NILALAMAN

Dahon ng Paksa ………………………………………………………… i

Dahon ng Pagpapatibay………………………………………………… ii

Pasasalamat ………..…………………………………………………… iii

Paghahandog …………………………………………………………… iv

Talaan ng Nilalaman……………………………………………………. v

Talaan ng Talahanayan …………………………….…………………. vi

Talaan ng Figyur ……….………………………………………………. vii

Abstrak ……………………………………………………………………viii

Kabanata Pahina

1 SULIRANIN AT SALIGAN NG PAG-AARAL

1

Page 16: Format Tisis

Panimula

Kaligirang Kasaysayan ng Pag-aaral

Batayang Teoretikal

Balangkas Konseptwal

Paglalahad ng Suliranin

Asampsyon/Hipotesis

Saklaw at Hangganan ng Pag-aaral

Kahalagahan ng Pag-aaral

Katuturan ng mga Katawagan

2 MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Mga LIteraturang Lokal

Mga Literaturang Panlabas

Mga Pag-aaral na Lokal

Mga Pag-aaral na Panlabas

Kaugnayan ng mga Literatura at Pag-aaral sa

Kasalukuyang Pananaliksik

3 DISENYO AT PAMAMARAAN

Disenyo ng Pananaliksik

Pamamaraang Ginamit sa Pananaliksik

1

Page 17: Format Tisis

Ginamit na Teknik sa Pagkuha ng Sampol ng Populasyon

Instrumento sa Pananaliksik

Pamamaraan sa Pangangalap ng Datos

Kompyutasyong Istadistika

4 PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON

NG MGA DATOS

Suliranin Bilang 1

Suliranin Bilang 2

Suliranin Bilang 3

Suliranin Bilang 4

5 LAGOM NG MGA NATUKLASAN, KONKLUSYON

AT REKOMENDASYON

Mga Natuklasan

Konklusyon

Rekomendasyon

BIBLIYOGRAPIYA

MGA APENDISE

1

Page 18: Format Tisis

A Talatanungan

B Gannt Tsart

C Mga Liham

D Kurikulum-Bita

1

Page 19: Format Tisis

TALAAN NG TALAHANAYAN

Talahanayan Pahina

1 Demograpikong Profayl ng mga Tagatugon Batay

Sa Kasarian . . . . . . . 26

2 Demograpikong Profayl ng mga Tagatugon Batay

Sa Katayuang Sibil . . . . . . 27

3 Demograpikong Profayl ng mga Tagatugon Batay

Sa Edad . . . . . . 27

4 Mean at Deskripsyon ng Kalakasan sa Sistema ng

Pamamahala sa Benepisyo ng Agapay sa Pamumuhay

Credit Cooperative (ASAPCC). . . . . 29

5 Mean at Deskripsyon ng Kalakasan sa Sistema ng

Pamamahala sa Pagbibigay ng Loan ng

Agapay sa Pamumuhay Credit Cooperative (ASAPCC).. 31

6 Mean at Deskripsyon ng Kalakasan sa Sistema ng

Pamamahala sa Pamantayan ng Kamay-ari ng

Agapay sa Pamumuhay Credit Cooperative (ASAPCC).. 33

7 Mean at Deskripsyon ng Oportunidad sa Sistema ng

1

Page 20: Format Tisis

Pamamahala sa Benepisyo ng Agapay sa Pamumuhay

Credit Cooperative (ASAPCC). . . . . 35

8 Mean at Deskripsyon ng Oportunidad sa Sistema ng

Pamamahala sa Pagbibigay ng Loan ng

Agapay sa Pamumuhay Credit Cooperative (ASAPCC).. 37

9 Mean at Deskripsyon ng Oportunidad sa Sistema ng

Pamamahala sa Pamantayan ng Kamay-ari ng

Agapay sa Pamumuhay Credit Cooperative (ASAPCC).. 40

10 Mean at Deskripsyon ng Panganib sa Sistema ng

Pamamahala sa Benepisyo ng Agapay sa Pamumuhay

Credit Cooperative (ASAPCC). . . . . 43

11 Mean at Deskripsyon ng Panganib sa Sistema ng

Pamamahala sa Pagbibigay ng Loan ng

Agapay sa Pamumuhay Credit Cooperative (ASAPCC).. 48

12 Mean at Deskripsyon ng Panganib sa Sistema ng

Pamamahala sa Pamantayan ng Kamay-ari ng

Agapay sa Pamumuhay Credit Cooperative (ASAPCC).. 51

TALAAN NG FIGYUR

Figyur Pahina

1

Page 21: Format Tisis

1 Input, Proseso at Awtput ng Pananaliksik . . . 5

2 Grapikong Representasyon ng Bilang ng Populasyon . 26

3 Grapikong Representasyon ng Kalakasan sa Sistema ng

Pamamahala ng Agapay sa Pamumuhay

Credit Cooperative (ASAPCC). . . . . 62

4 Grapikong Representasyon ng Kahinaan sa Sistema ng

Pamamahala ng Agapay sa Pamumuhay

Credit Cooperative (ASAPCC). . . . . 64

5 Grapikong Representasyon ng Oportunidad sa Sistema ng

Pamamahala ng Agapay sa Pamumuhay

Credit Cooperative (ASAPCC). . . . . 68

6 Grapikong Representasyon ng Panganib sa Sistema ng

Pamamahala ng Agapay sa Pamumuhay

Credit Cooperative (ASAPCC). . . . . 72

1

Page 22: Format Tisis

ABSTRAK

Pamagat ng Tisis: Sistema Ng Pamamahala Ng Agapay Sa Pamumuhay Credit Cooperative (ASAPCC)

Taong 2009

Dulog Pananaliksik: Kwantitatibong Pananaliksik

Mga Mananaliksik: Irene S. Lim, Mylyn S. Empleo, Rodelyn O. Nuque, Mary Christine B. Lucas

Programang Kurikulum: Batsilyer sa Agham ng PamamahalangPangangalakal

Tagapayo: Dr. Jennifor L. Aguilar

Nakasalalay ang pag-unlad at pagbagsak ng negosyo o pangangalakal sa kahusayan at kahinaan ng pamamahala. Napakaraming malalaking kompanya ang nalugi at nagsibagsak noong taong 2008 dahil sa pagkakaroo ng resesyon. Naniniwala ang mga mananaliksik na makatutulong sa daigdig ng pangangalakal ang pag-aaral hinggil sa mga sistema ng pamamahala sa pagtatayo at pagtataguyod ng isang negosyo.

Tinugon ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod na suliranin:

1. Anu-ano ang mga Kalakasan at Kahinaan sa Sistema ng Pamamahala ng Agapay sa Pamumuhay Credit Cooperative

1

Page 23: Format Tisis

batay sa: 1. Benepisyo ng mga Miyembro2. Loan3. Pamantayan ng Kamay-ari at Kooperatiba4. Pension Loan

2. Anu-ano ang mga Oportunidad at Panganib sa Sistema ng

Pamamahala ng Agapay sa Pamumuhay Credit Cooperative batay sa: 1. Benepisyo ng mga Miyembro2. Loan3. Pamantayan ng Kamay-ari at Kooperatiba4. Pension Loan?

3. Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba ang katugunan ng

mga tagapamahala at mga kasapi ng kooperatiba batay sa mga nabanggit na batayan?

4. Anong sistema ng pamamahala ang dapat nararapat sa pagbuo ng mga negosyong kooperatiba batay sa naging pagtataya ng mga tagapamahala at mga kasapi?

Gumamit ang mga mananaliksik ng pamamaraang deskriptibo

at ng instrumentong talatanungan na pinasagutan sa mga respondent ng pag-aaral hinggil sa mga kalakasan, kahinaan, oportunidad at panganib sa pamamahala ng kooperatiba. Sinuri at binigyang deskripsyon ang mga katugunan ng mga respondent na siyang naging batayan ng natuklasan sa pananaliksik na ito.

Natuklasan ang mga kalakasan, kahinaan, oportunidad at panganib na kinakaharap ng isang kooperatiba hinggil sa pamamahala sa iba’t ibang programa nito. Nagkaroon ng mga konklusyon ang mga mananaliksik patungkol sa pamamahala na naging batayan sa paglkiha ng programang pamamahala sa isang kooperatiba.

1

Page 24: Format Tisis

1