filipino - diabetes mellitus - finale

12
“Diabetes Mellitus: Pait ng Matamis na Buhay” Aguirre, Bernadette Mae C. , Andres, Melissa Joy S., Asensi, Trisha C., Capulong, Martin D. at De Guzman Jr., Arnold L. Seksyon I-9 Mula sa UST College of Nursing sa patnubay ni Gng. Zendel Taruc Layunin: Ang mga sumusunod ay ang mga layunin ng mga may-akda patungkol sa kanilang ginawang pananaliksik: Maglahad ng mga impormasyon tungkol sa sakit na Diabetes Mellitus Mabigyang pansin ang sakit na ito dahil sa mabilis na pag-akyat ng statistiko ng mga taong nagkakaroon nito Maipadama at maipaalam sa lahat ng mambabasa ang mga epekto nito Makapagbigay gabay at linaw sa pag-unawa ng mga konsepto at impormasyon tungkol sa Diabetes Mellitus. I. Mga Kaugnay na Babasahin / Literatura Tungkol sa Diabetes Mellitus (Batayang Kaalaman) Ano nga ba ang Diabetes Mellitus? Diabetes is a serious chronic metabolic disease characterized by an increase in blood sugar levels associated with long term damage and failure or organ functions especially the eyes, the kidneys, the nerves, the heart and blood vessels.” - American Diabetes Association Ang diabetes ay isang uri ng sakit kung saan wala o di sapat ang naibibigay na insulin ng pancreas sa pangangailangan ng katawan. - Dr. Roberto C. Mirasol, MD Ito ay nagmumula sa maraming sanhi na maaring ilagay sa grupo ng dalawang kadahilanan. Ano ang mga uri nito? 1. Namana/ TYPE I/ “HereditaryAng una ay maaaring ito ay namana, “hereditary” o mas kilala sa tawag na Type I Diabetes. Ito ay maaring nagmula sa gene ng kamaganak na 1

Upload: arn0ld21

Post on 14-Nov-2014

116 views

Category:

Documents


4 download

TRANSCRIPT

Page 1: Filipino - Diabetes Mellitus - Finale

“Diabetes Mellitus: Pait ng Matamis na Buhay”

Aguirre, Bernadette Mae C. , Andres, Melissa Joy S., Asensi, Trisha C., Capulong, Martin D. at De Guzman Jr., Arnold L.

Seksyon I-9Mula sa UST College of Nursing sa patnubay ni Gng. Zendel Taruc

Layunin:

Ang mga sumusunod ay ang mga layunin ng mga may-akda patungkol sa kanilang ginawang pananaliksik:

Maglahad ng mga impormasyon tungkol sa sakit na Diabetes Mellitus Mabigyang pansin ang sakit na ito dahil sa mabilis na pag-akyat ng statistiko ng mga taong nagkakaroon nito Maipadama at maipaalam sa lahat ng mambabasa ang mga epekto nito Makapagbigay gabay at linaw sa pag-unawa ng mga konsepto at impormasyon tungkol sa Diabetes Mellitus.

I. Mga Kaugnay na Babasahin / Literatura Tungkol sa Diabetes Mellitus (Batayang Kaalaman)

Ano nga ba ang Diabetes Mellitus? “Diabetes is a serious chronic metabolic disease characterized by an increase in blood sugar

levels associated with long term damage and failure or organ functions especially the eyes, the kidneys, the nerves, the heart and blood vessels.” -American Diabetes Association

Ang diabetes ay isang uri ng sakit kung saan wala o di sapat ang naibibigay na insulin ng

pancreas sa pangangailangan ng katawan. - Dr. Roberto C. Mirasol, MD

Ito ay nagmumula sa maraming sanhi na maaring ilagay sa grupo ng dalawang kadahilanan. Ano ang mga uri nito?

1. Namana/ TYPE I/ “Hereditary”Ang una ay maaaring ito ay namana, “hereditary” o mas kilala sa tawag na Type I Diabetes. Ito

ay maaring nagmula sa gene ng kamaganak na noon pa man ay natuklasang mayroon nang diabetes. Ang gene na ito ay maaring mamana nang kapamilya mula sa ikalawang henerasyon dahil sa kundisyong ito ang paraan ng pamamana ay tumatalon ng dalawang henerasyon Ang mga taong napagalamang mayroong ganitong uri ng diabetes ay kinakailangan na nang pagsasaksak o pagiineksyon ng insulin sa katawan dahil sa kumpletong pagtigil ng paggana ng pancreas nito.

2. Nakuha/ TYPE II/ “Aquired”Ang ikalawang uri naman ng diabetes ay maaaring makuha sa labis na pagkain, kawalan ng

ehersiyo at pagkakaroon ng mga masasamang bisyo na nagbubunsod sa labis na katabaan o “obesity” dahil dito ang pancreas ay nahihirapan na maglabas nang kinakailangang dami ng insulin para sa katawan. Ang mga taong mayroong ganitong uri ng diabetes ay pinapayuhan lamang nang paginom

1

Page 2: Filipino - Diabetes Mellitus - Finale

ng mga gamot para sa prebentasyon ng pagtaas ng asukal sa katawan o kaya naman ay paginom ng mga food supplements na maaaring tumulong para sa maganda at mabisang paggana ng pancreas. Paraan ng Pag-iwas/Remedyo sa Diabetes Mellitus

A. Ukol sa Sakit1. Dyeta

Kailangan ng karagdagang nutrisyon para sa mga diabetiko para makontrol ang lebel ng blood glucose. Maliban doon, makakatulong rin ito na panatiliing normal ang timbang at para makaiwas sa sakit sa puso. Isa sa mga epektibong paraan ng dyeta ay ang pagbilang ng carbohydrates sa bawat pagkain na kinakain. Sa pangaraw-araw, kailangan ang mga sumusunod:

Prutas and Gulay Fiber ay kailangan ay 1.4 oz. kada araw Imbis na tatlong mabibigat na kainan, gawing apat o limang maliliit na kainan. Purong-luto na cereals at iwasang kumain ng carbohydrates dalawang oras bago matulog.[1]

2. Medikasyona. Type-1 Diabetes

Ang karaniwang medikasyon sa mga may type-1 diabetes ay ang pagbigay ng insulin. b. Type-2 Diabetes

Sa mga may type-2 diabetes mainam ang regular na ehersisyo at medikasyon na metformin glucophage upang makontrol ang lebel ng glucose.[2]

3. EhersisyoAng pageehersisyo ay tumutulong na mapababa ang timbang at ang lebel ng

glucose. Tulad ng dyeta, pinapababa rin nito ang posibilidad na pagkakaroon ng sakit sa puso. Ang aerobic exercise ang karaniwang inirerekomenda ng mga doctor. Ang halimbawa ng aerobic exercise ay ang paglalakad, pagjojogging, pagbibisikleta, at aerobic dance.[3]

B. Pag-iwas o Isyung KaugnayAng pag-iwas ay mas mainam kaysa sa paggamot ng diabetes. Ang diabetes ay maiiwasan kung ang tao ay magkakaroon ng tamang dyeta, ehersisyo, at walang masamang bisyo. Ang pagkain ng mga masustansya at balanseng pagkain ay magdudulot ng kalusugan. Ang pageehersisyo ay tumutulong upang hindi maging obese. Ang pagiging obese ay nagtataas ng posibilidad na magkaroon ng diabetes. Ang paninigarilyo at pag-inom ng alak ay dapat itigil dahil ang mga dumi (toxins) nito ay nakaaapekto sa immune system ng tao.[4]

[1]: diabetesinformationhub.com/DiabetesDiet.php[2]:http://www.emedicinehealth.com/script/main/art.asp?articlekey58855&page=7#MedicalTreatment[3]: familydoctor.org/online/famdocen/home/common/diabetes/living/351.html[4]: http://EzineArticles.com/?expert=JeremyParker

2

Page 3: Filipino - Diabetes Mellitus - Finale

Mga Suliranin Kaugnay sa DiabetesAng mga malubhang problema ng mga diabetiko ay sanhi ng mga komplikasyon ng diabetes.

Ang diabetes pag hindi kontrolado ang blood glucose levels ay maaaring magsanhi sa mas marami pang kapansanan na siyang mas nakadadagdagproblema sa tao kaysa sa diabetes mismo.

KOMPLIKASYON DEPINISYON LUNAS1. RETINOPATHY Pagkasira ng retina na

maaring maging sanhi ng pagkabulag

2. KATARATA Panlalabo ng lens ng mata Operasyon sa mata3. DIABETIC NEPHROPATHY

Sakit sa bato Dialysis o Kidney Transplant

4. PROBLEMA SA UGAT(NERVE PROBLEM)

-Pamamanhid ng binti at paa - pagkawala ng pakiramdam at pagbaba ng abilidad ng mga reflex

5. PROBLEMA SA PUSO Pagkakaroon ng atake sa puso at stroke

6. PROBLEMA SA PAA Mabilis na pagkalat ng impeksyon dahil sa sugat

Amputasyon

Mahalagang palagiang bisitahin ang iyong doctor o endocrinologist para maiwasan o maagapan ang mga nasabing konplikasyon. Ang iyong taas at bigat ay maaari ding patunay kung ang iyong diabetes ay kontrolado ba o hindi. Disiplina at kontrol sa iyong sarili ang dapat sanayin ng isang diabetiko. Marapat na alamin ang mga wastong pangangalaga sa iyong diabetes upang matamo ang minimithing layunin, ang normal na lebel ng iyong asukal sa katawan. Ang kahahantungan ay nananatiling sa sariling desisyon.

Paano malalaman kung ang isang tao ay mayroon ng Diabetes Mellitus?Maraming sintomas ang sakit na diabetes at muli maari itong hatiin sa dalawang uri.

3

Page 4: Filipino - Diabetes Mellitus - Finale

1. Mataas na lebel ng asukal sa katawan o “ hyperglycemia.”

Karaniwan ang lebel ng asukal sa kanyang katawan ay mas mataas sa 200 mg/dL at kadalasang nakakaramdam ito ng:

2. Mababang lebel ng asukal sa katawan o “hypoglycemia” Ito ay nangyayari kapag ang isang tao ay kulang sa pagkain, o nagmula sa

masidhing gawain tulad ng ehersisyo. Marapat na maagap pakainin ang taong nakakaramdam nito dahil ang lebel ng asukal sa kanyang katawan ay maaring mababa sa normal at ito ay maaring 70 mg/dL. pababa. Ang kadalsang nararamdaman ay:

Epekto sa Pamumuhay ng mga taong may Diabetes Mellitus:

Ang sakit na diabetes ay nakaaapekto sa pisikal, sosyal, at emosyonal na aspeto ng indibidwal na nagtataglay nito. Una ay ang pisikal na aspeto na kung saan ito’y nagsasanhi ng mga disabilidad, pangunahin rito ang amputation o ang pagkaputol ng paa. Ito ay nagdudulot ng pagbaba ng kalidad ng pamumuhay na kung saan maaaring magsanhi ito ng pagbaba ng tingin nila sa kanilang sarili at ng mga taong nakapalibot sa kanila. Nagsasanhi rin ito ng emotional stress. Ang ideya ng pagtataglay ng ganitong

karamdaman habang buhay ay maaaring humantong sa sobrang pag-aalala, pagkatakot at depresyon. Bukod rito, kadalasang nakararanas ng matitinding mood swings, na sanhi

4

Page 5: Filipino - Diabetes Mellitus - Finale

ng pagresponde ng katawan sa hormone levels na dulot ng sakit na nakaaapekto sa relasyon nila sa mga taong nakapalibot sa kanila tulad ng kanilang pamilya, mga kaibigan at mga kasamahan sa trabaho. Halimbawa ay ang pagiging padalos-dalos sa mga desisyon dahil sa kanyang emosyon, kaya naman malimit siyang pagkatiwalaan. O kaya naman ay paglalabas ng mga emosyong di kanais-nais na natutuloy sa pag-aaway at pagkasira ng relasyon.

Kaugnay din nito ang mga komplikasyon tulad ng kidney disease, stroke, pagkabulag, at pagkawala ng paa. Nagdudulot ito ng problemang pinansyal sa pamilya. Nakaapekto din naman ito sa ekonomiya ng bansa sa paraang: pagbaba ng human resources ng bansa, pagtaas ng tax sa medical care at pagsuporta sa mga may kapansanan (sa ibang bansa), pagbagsak ng ekonomiya ng family units at ang mga maliit na negosyo, at ang pangkalahatang pagkawala ng kompyansa sa sarili at pag-asa na siyang nagtutulak sa paglago ng isang ekonomiya.

Sanggunian:Rapaport, W., Cohen, T. Riddle M. “Diabetes Through the Life Span: Psychological

Ramifications for Patients and Professionals.” Diabetes Spectrum Volume 13Number 4 (2000): 201-215

II. Paglalahad at Pagsusuri ng Sariling Pag-aaral

A. MetodolohiyaNakuha naming ang aming datos sa pamamagitan ng isang panayam. Ang aming nakapanayaman ay si Ginoong Virgilio Mendoza na isang matagal nang diabetiko.

5

Page 6: Filipino - Diabetes Mellitus - Finale

I. Personal na Impormasyon

Pangalan: Virgilio Salvador MendozaEdad: 61Kaarawan: Nobyembre 27, 1947Kasarian: LalakiTirahan: Bocaue, BulacanPangalan ng asawa: Azenaida Mendoza

Lifestyle, Diet, at ActivitiesNoon: Basketball (Masidhing Ehersisyo)Bisyo: Pag-inom ng alak at paninigarilyo

Pagpupuyat at malakas na pagkain (Varsity Diet)Ngayon: Medikasyon

Tamang bilang at dami ng pagkainDalawang baso ng tubig bawat arawTamang ehersisyo (Physical Therapy)

II. Background

Taas noon: Anim na talampakanBigat ngayon: 50 kg.

FEU Vartsity Player ng Basketball Iskolar Kurso: Education major in P.E. MCAA (Manila College Athletic

Association) 7-up Team (National Team Televised)

-Century Award (ABS-CBN) Kasabayan: Jaworski, Fabiocca Kilala bilang isang 3-point shooter

-Nakapagtrabaho sa Japan ng dalawang taon.

6

Page 7: Filipino - Diabetes Mellitus - Finale

B. Pagsusuri ng DatosIsang diabetiko ang nagpaunlak na makapanayam kung saan ibinahagi nito ang

kanyang mga karanasan. Ang kanyang mga karanasan ay nagbigay aral sa amin na hindi mapupulot sa loob lamang ng apat na sulok ng silid aralan.

Si Ginoong Virgilio Salvador Mendoza ay may uri ng diabetes na masasabing namana. Ngunit ito’y lalo pang na-trigger ng hindi maayos na pamumuhay at pagpapabaya sa sarili. Hindi nila akalaing ang sakit na ito ang siyang babago ng lubusan sa kanilang buhay. Ang kanilang pagsasama ng kanyang asawang si Ginang Azenaida Mendoza, sa kasamaang palad, ay hindi nagbunga ng mga supling. Ito’y marahil sa may edad na rin sila ng sila ay magpakasal na nadagdagan pa ng mababang sperm count ng ginoo gawa ng kanyang sakit. Napagpasyahan nilang mag-ampon na lamang. Handa na ang lahat ng mastroke ang ginoo. Hindi na nila nagawang ampunin ang bata. Nasundan ang stroke ng pagkaputol ng kanyang kanang paa. Hindi nila akalaing ang isang maliit na sugat sa talampakan ang siyang magiging sanhi ng pagkawala ng kanyang paa. Wala ng pakiramdam ang kanyang paa na naging dahilan para hindi malaman ng ginoo na may tumusok na palang thumb tacks sa kanyang talampakan. Ang pagkaputol ng kanyang kanang paa ay nasundan pa ng pagkaputol ng kaliwang paa nito. Ito naman ay nag-ugat lang din sa isang maliit na sugat sa daliri ng kanyang paa. Sa kasamaang palad, hindi gumaling ang sugat ng putulin ang kaliwang paa kayat pinutol ulit ito. Ngunit hindi pa rin ito gumaling kaya naman napagpasyahan ng mga doktor na isagad na ng pagputol sa kanyang paa. Naibahagi ng ginoong may mga pagkakataong nakaramdam siya habang “nilalagari” ang kanyang paa. Ang ginang naman ay lubos na naghihirap ang kalooban sa sinapit ng kanyang minamahal na asawa. “Hindi ko alam ang gagawin ko noon, buti na lang at andiyan siya para palakasin ang loob ko…” sabi ng ginang.

Ang magkabiyak ay nagpakita ng kahanga-hangang katatagan ng loob. Ngunit hindi dito nagtatapos ang lahat. Nagpatuloy ang pakikipagbuno nila sa pangaraw-araw nilang pamumuhay. Simula ng maputulan ng mga paa ang ginoo maraming bagay na ang nagbago, marami ng mga bagay bagay ang hindi na niya magawa mga simpleng gawain ngayon ay hirap na niyang matugunan. Ang kanyang asawa na lamang ang bumubuhay sa kanilang dalawa at pilit tumutugon sa mga pangangailangan ng ginoo tulad ng mga gamot. Ang araw- araw na panalanging na sana ay hindi na madagdagan ang komplikasyon ng sakit tulad ng pagtama nito sa bato ang siyang hiling sa ngayon ng magasawa.

“Huwag na nating isipin ang nakaraan..kahit pa ang bukas. Ang mahalaga ay kung ano ang ngayon.” -Gng. Azenaida Mendoza

Ang pahayag na ito ay nanganghulugan lamang na maging masaya sa kung anumang meron ka ngayon at matutuhan mo itong pagpahalagahan. Sabi ng ginang ay itinuturing niyang biyaya ang bawat oras na kasama niya ang kanyang asawa. At ang nagpapasaya na lamang sa kanya ay ang mga simpleng bagay tulad ng nasa magandang kalagayan o walang sakit ang kanyang pinakamamahal na asawa.

Page 8: Filipino - Diabetes Mellitus - Finale

Tunay na ang pagsisisi ay nasa huli, ngunit sadyang hindi tayo natututo hanggat hindi natin nakikita o nararanasn ang mga epekto. Inamin ng magkabiyak na saka na lamang nila binantayan ang kalusugan ng ginoo ng may nararamdaman na ito. Kung sana nabantayan lamang o pinagbuti ng ginoo ang kanyang pamumuhay at kalusugan noong kabataan niya, ang ganitong mga pangyayari sa kanilang buhay ay maaaring maiwasan at hindi na maganap. Sa huling bahagi ng panayam ibinahagi ng ginang ang ilang mga salitang nagbukas sa aming mga isipan at makapagbigay hinuha na ito nga ay totoo at tunay. “Maging magpasalamat sa kung ano ang meron ka. Magpasalamat sapagkat tayo ay pinagpala at buo pa…”Ang buhay ay biyaya mula sa itaas, nasa atin ang pagpapasya para sa ating sarili, matuto lamang tayong sumakay sa takbo ng buhay kung saan huwag sana maging hadlang ang mga bagay bagay para sa ating kasiyahan at tagumpay. Maging magapasalamat sa Panginoon sa gabay, tibay at lakas ng loob na kanyang binibigay sa bawat problema at pagsubok na darating dahil ang lahat ay may dahilan.III. Kongklusyon / Rekomendasyon

A. Konklusyon “Nasa huli ang pagsisisi kaya't prevention is better than cure”. At pasangayon, pati ang gamot na maaaring makapagpagaling ng lubusan sa naturang sakit ay hindi pa rin natutuklasan. Bukod rito, ito'y nagdudulot pa ng mga kaakibat na karamdaman o mga komplikasyon, at isa nga rito ang amputasyon. Binabaago nito ang buhay ng nagtataglay nito na kung saan, kadalasang sinisira o pinabababa nito ang kalidad ng kanilang mga pamumuhay sa paraang ito'y nakaaapekto sa bawat aspeto ng indibidwal: pisikal, emosyonal, maging sosyal. Kaya naman, ibayong pag-iingat sa ating pangangakatawan ang kinkailangan upang maiwasan ang ganitong karamdaman o kaya nama'y maiwasan ang pag-trigger nito sa pamamagitan ng regular na ehersisyo at tamang pagkain.

B. RekomendasyonAng tamang dyeta, ehersisyo, at regular na pagmomonitor ng blood glucose ay kailangan upang hindi mapalala ang sakit na diabetes. Ito ay ginagampanan ng tagapangalaga ng may-sakit. Ang implantable insulin pumps ay inaadminister ng pasyente sa kanyang sarili sa karagdagang oras at dami ng insulin. Ang insulin pen ay isang konbiniyenteng metodo para sa mga pasyenteng naglalakbay. Ito ay self-administered tulad ng insulin pumps. Hindi kinakailangan tayo pa mismo ang makaranas ng ganitong sakit bago tayo matauhan sa tamang pangangalaga sa ating sarili. Sana'y makapulot tayo ng aral sa mga eksperihensya ng ibang tao.

Mga Sanggunian: CME Source.2008.Sacramento, California http://[email protected] (Amyloidv beta oligomers) http://www.medicinenet.com/ diabetes mellitus/page4.htm (Learn more about D.M.) http://www.medicinenet.com ( The Diabetes Diet by Melissa Conrad Stoppler, MD.)

Page 9: Filipino - Diabetes Mellitus - Finale

http://www.associatedcontent.com/article1475395/two_studies_about _diabetes_and_treatment.html (Real lifestories of Diabetes Success)

http://www.diabetesinfirmationhun.com/Diabetes.php http://www.emedicinehealth.com/script/main/art.asp?

articlekey58855&page=7#MedicalTreatment http://www.familydoctor.org/online/famdocen/home/common/diabetes/living/351.html http://www.Ezinea\Articles.com/?expert=JeremyParker http://yourtotalhealth.ivillage.com/implantable-insulin-pump.html http://yourtotalhealth.ivillage.com/insulin-pen.html Estrada, Sylvia MD., 2006, Diabetes Watch Year XXII. No. 1 Issue, Advice to the Young

Diabetic USA Rapaport, W., Cohen, T. Riddle M. “Diabetes Through the Life Span: Psychological Ramifications for Patients and Professionals.” Diabetes Spectrum Volume 13

Number 4 (2000)