filipino

22

Click here to load reader

Upload: norman-serna

Post on 26-Nov-2015

197 views

Category:

Documents


5 download

TRANSCRIPT

BAHAGI I : BALIK-ARAL SA NILALAMAN:MGA BATAYANG KONSEPTO SA PAG-AARAL NG WIKAKasanayan:1.Nagagamit nang wasto ang wikang Filipino 2.Naisasagawa ang efectivong pakikipagtalastasan sa wikang Filipino. 1. Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang Arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.- HENRY GLEASON2.Ang wika ay pag-aari ng tao. Tao ang lumikha at gumamit nito. Nasa kanyang kamay ang lubusang pagkatuto at pagpapa-unlad sa wikang kanyang kinagisnan, Ito ay magiging instrumento sa pagpapahayon ng kanyang saloobin ano mang sitwasyong kanyang kinakaharap na taglay ang kakayahang umunawa. 3.Kaugnay ng nabanggit na kaisipan sa Blg.2 ang pag-aaral ng isang wika tulad ng Filipino ay kinapapalooban ng dalawang kakayahan.Una, ang kakayahang makabuo ng mga pahayag o pangungusap na may wastong kayariang pambararila; tinatawag na kakayahang linggwistika (linguistic competence). Ikalawa, ang kakayahang maunawaan at magamit ang mga pangungusap na may wastong pambalarilang kayarian sa angkop na panlipunang kapaligiran ayon sa hinihingi ng isang sitwasyon. Tinatawag itong kakayahang komunikativo.4.Ang mahusay na ispiker ng wika ay dapat magtaglay ng mga kakayahang nabanggit Sa Blg.3. ang pag-aaral at pagtanda sa mga pattern at mga tuntunin sa pagbuo ng mga pangungusap ay lubhang mahalaga.5.Marapat lang na maunawaan na ang wika ay may grammar at ito'y nahahati sa apat.PONOLOHIYA-Kumbinasyon ng mga tunog sa loob ng isang wika.PONEMA o TUNOG-pinakamaliit ngunit may kahulugang yunit ng tunog sa isang wika.DALAWANG URI NG TUNOG 1.MGA PONEMANG SEGMENTAL-ito ang mga tunog na ginagamitan ng mga katumbas na letra o titik upang mabasa at mabigkas PONEMANG KATINIG-ipinakikita ang mga ponemang ito'y batay sa paraan ng artikulasyon (pamamaraan ng paglalabas ng hangin) at punto ng artikulasyon (bahagi ng bibig na ginagamit para makalusot ang hangin)MGA PONEMANG PATINIG-may limang pangunahing patinig ang wikang Filipino (a,e,i,o,u), mga allophone ang tunog /e/ at /i/, gayundin ang /o/ at /u/, ibig sabihin maaring magkapalitan ang dalawang tunogMGA DIPTONGGOtumutukoy sa pinagsamang tunog ng isang patinig (a,e,i,o,u) at isang malapatinig (w,y)2. MGA PONEMANG SUPRASEGMENTALtumutukoy ito sa mga makahulugang yunit ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat. Sa halip sinisimbolo ito ng mga notasyong phonemicupang matukoy ang paraan ng pagbigkas. DIIN-Ginagamit ang simbolong /./ upang matukoy ang pantig ng salita na may diin.Sa Filipino, karaniwang binibigkas nang may diin ang salitang higit sa isang pantinigHal:/ba.hay/=tirahan/kaibi.gan/=katoto/sim.boloh/=sagisagSamantala, ginagamit ang simbolo /?/ upang kumatawan sa mga ponemang patinig na may impit, at ang /h/ sa walang impit.Sa notasyong phonemic, walang salitang nagsisimula o nagtatapos sa /a,e,i,o,u/. Dahil dito ganito ang notasyon kapag nagsisimula o nagtatapos sa patinig ang salitaHal:/?abalah/= laging may ginagawa- may impit sa unahan wala sa hulihan/?asiwa?/ = alanganing gumawa- kapwa may impit sa unahan at hulihanMahalaga ang diin sapagkat sa pag-iiba ng patinig na binibigyang-diin karaniwang nababago ang kahulugan ng salita/tu.boh/=pipe/tu.bo?/= sprout/tuboh/= sugarcane

Tumutukoy ang intonasyon sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagsasalita, na maaaring maghudyat ng kahulugan ng pahayag.Tingnan ang mga sumusunod na mga halimbawa, kung saan ipinahihiwatig ang pagtaas at/o pagbaba ng tinigPagsasalaysay/paglalarawanDumating sila ka /ni/ na.Maganda talaga si /Ro/na.Masasagot ng OO o HINDI Toto/o?Sila i/yon, di/ba?Pagpapahayag ng matinding damdamin Na/ku, may su/nog!/Hoy!Alis/ dyan!PagbatiKumusta/ ka?Magandang umaga po.Salamat sa/iyo.Pagsagot sa tanongOo, aalis na a/koHindi. Hindi ito ang gusto /koHINTO Nangangahulugan ito ng pagtigil sa pagsasalita. Maaring huminto nang panandalian habang sinasabi ang isang pangungusap, at maaari ring sa katapusan ng pangungusap ang paghintoNilalagyan ng isang bar (/)ang isang saglit na paghinto at ang dobleng bar (//) ang katapusan ng pahayag. Mapapansing naiiba ang kahulugan ng pangungusap sa pag-iiba ng hinto sa pangungusapTito Juan Anton ang pangalan niya.//(Sinasabi ang buong pangalan ng ipinakikilala)Tito/ Juan Anton ang pangalan niya.//(Kinakausap si Tito, o kayay isang tiyo, at ipinakikilala si Juan Anton)Tito Juan/ Anton ang pangalan niya.//(Kinakausap ang isang tiyo na Juan ang pangalan, at ipinakikilala si Anton)ANG ALPHABETONG FILIPINO-may 28 letra; tulad din ng tawag sa Ingles, maliban sa letrang na bigkas kastila SILABIKASYON-paghahati ng mga pantig sa wikang Filipino.halimbawang patern ng silabikasyon sa wikang ito:P-u-paKP- sa-laPK- is-daKPK- tag-danKKP- pri-toPKK- eks-pertoKKPK- plan-tsaKPKK- narsKKPKK- trans-portasyon KKPKKK- shortsMORPOLOHIYA-tumutukoy sa pagbuo ng mga makahulugang yunit ng salita.MGA ANYO NG MORPEMA MORPEMANG PONEMA-na o at amga halimbawa:O-Maestro- Claudio Bombero- MarioKusinero- PanchoMORPEMANG PONEMA-na o at aA-Maestra- Claudia Bombera- MariaKusinera- PanchaSALITANG-UGATsimpleng salita na walang panlapi o payak na anyo ng salitaHal:Kudeta, fax, pagod, payong, taoPANLAPImorpemang ikinakabit sa salitang ugat-unlapi-gitlapi-hulapiAng panlapi ay maaring makangalan (pangngalan o panawag sa mga kongreto at abstraktong bagay ang nabubuo)MAKADIWA-pandiwa o salitang kilos ang nabubuoMAKAURI-pang-uri o salitang panlarawan ang nabubuo MGA URI NG MORPEMA ayon sa kahuluganMGA MORPEMANG MAY KAHULUGANG LEKSIKAL o pangnilalamanpagkat may kahulugan sa ganang sarili;mga salitang panawag sa mga konkreto at abstraktong bagay o pangngalan,pandiwa,pang-uri, pang- abay at iba pa.MGA MORPEMANG MAY KAHULUGANG PANGKAYARIANIto ang mga morpemang walang kahulugan sa ganang sarili at kailangang makita sa isang kayarian o konteksto upang maging makahulugan.Pang-angkop- na, ngPangatnig- at, o, saka, pati, at iba paPananda- ang, ng, sa, sila, si/ sina, kay/kina, ayPANGKALAHATANG PARAAN NG PAGBUO NG MGA SALITA PAGGAMIT NG PAYAK NA ANYO NG SALITA O SALITANG UGAT LAMANG Hal: sariwa, bango, kristal, bulaklak, kolehiyo,bakasyonPAGLALAPI-paglalagay ng panlapi sa iba't-ibang bahagi ng salitaPAG-UUNLAPI-nasa unahan ng salitang ugat ang panlapi Hal:napaka+ganda=napakaganda mag+luto= magluto um+alis= umalispag+tanod= pagtanod ma+ligaya= maligayamala+kristal= malakristal sing+itim=sing-itim taga+lungsod= taga-lungsodPAGGIGITLAPI-s+in+ariwa= sinariwab+in+agoong= binagoong l+um+igaya= lumigaya t+um+takbo= tumakboPAGHUHULAPI o HULIHAN-sariwa+in= sariwain alis+an= alisanlaba+han= labahan takbo+hin= takbuhinPAG-UUNLAPI at PAGHUHULAPI oKABILAAN-ang panlapi sa Salitang Ugatka+lagay+an= kalagayan pa+sigla+hin= pasiglahin PAG-UUNLAPI, PAGGIGITLAPI at PAGHUHULAPI o LAGUHAN-ang panlapi ay nasa unahan, gitna at hulihan ng Salitang Ugatpag+s+um+ikap+an= pagsumikapan PAG-UULIT NG SALITANG- UGAT sa tulong ng reduplikasyon ng salitang ugatPARSYAL o DI-GANAP na pag-uulit-inuulit ang isa o higit pang pantig ng salitang ugatHal:alis> a+alis= aalislipad> li+lipad= lilipad tao> tau+tauhan= tau-tauhan BUO O GANAP NA PAG-UULIT-inuulit ang buong salita nang may pag-angkop o wala.Mga Hal:araw+araw= araw-araw sino+sino= sinu-sinoayaw+na+ayaw= ayaw na ayaw yamot+na+yamot= yamot na yamotPAGTATAMBAL NG SALITANG-UGAT-pagtatambal ng dalawang payak na salita o salitang ugat upang makabuo ng bagong salita. Maaring may linker o pang angkop o wala ang tambalang salita. ang salitang mabubuo ay maaring magkaroon ng bagong kahulugan.Mga Hal:ningas+kugon= ningas-kugon (masigasig lang sa una)balat+sibuyas= balat-sibuyas (sensitibo)tubo+ng+lopez= tubong-Lopez (ipinanganak sa Lopez)naniningala+ng+pugad= naniningalang-pugad (nanliligaw)MGA PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO- 1.ASSIMILASYONpagbabago ng anyo ng morpema dahil naapektuhan ng mga katabing tunog.kasama ang panlaping nagtatapos sa ng katulad ng sing at pang. pwedeng magkaroon ng allomorp sin o sim / pan o pam dahil sa kasunod na ponemang katinig.Ang sing at pang ay nagiging [sin] at [pan] kapag ang kasunod nitong salita ay nagsisimula sa mga tunog na /d, l, r, s, t/ .Nagiging [sim] at [pam] ang [sin] at [pan] sa mga tunog na /p/ at /b/.Mga Hal:sing+ganda= singganda pang+halo= panghalopan+dakot= pandakot pam+bata= pambata pam+punas= pampunasDALAWANG URI NG ASSIMILASYON:1.ASSIMILASYONG PARSYAL O DI GANAPna asimilasyon pagka't bukod sa pagbabagong nagaganap sa pinal na morpemang Ng o ponemang /N/ na nagiging /n/ o /m/ dahil sa sumusunod na tunog, wala nang iba pang pagbabagong nagaganap sa anyo ng salita.Mga Hal:pang+bansa > pam+bansa= pambansapang+ligo > pan+ligo= panligo sing+puti > sim+puti= simputi sing+baho > sim+baho= simbaho2.ASSIMILASYONG GANAP-nangyayari ang assimilasyong ito kapag matapos na maging /n/ at /m/ ang ponemang /N/ o morpemang -NG dahil sa pakikibagay sa kasunod na tunog ay nawawala pa ang sumusunod na unang titik ng Salitang ugat na nagsisimula sa /d, l, r, s, t/ at mananatili na lamang ang tunog sa /n/ at /m/.Mga Hal:mang+salamin > man+salamin= manalaminmang+tahi > man+tahi= manahipang-pukaw > pam+pukaw= pamukawpang+payong > pam+payong= pamayongPAGPAPALIT-nagkakaroon ng pagpapalit ang /o/ at /u/ kung inuulit ang pantig na may tunog na /o/ nagiging /u/ ang unang o at maaring ang pang-angkop o linker ang unang bahagi ng inuulit na salitaMga Hal:sino+sino= sinu-sinogusto+ng+gusto= gustung-gustotalo+ng+talo= talung-taloAng ponemang /e/ at /i/ ay nagkakapalit kapag inuulit ang pantig na may /e/. Nagiging i ang e at kinakabitan ng linker ang unang bahagi ng salitang inuulit.Mga Hal: lalake+ng+lalake/lalaki= lalaking-lalaki babae+ng+babae= babaing-babaeAng ponemang /d/ sa pusisyong inisyal ng salitang nilalapian ay karaniwang napapalitan ng ponemang /r/ kung patinig ang huling ponema ng unlapi.Mga Hal: ma+dapat= marapat lakad+an= lakaranAng ponemang /h/ sa panlaping han ay napapalitan ng /n/.Mga Hal:tawa+han= tawanan talo+han= talunanAng ponemang /l/ sa salitang ugat ay nagiging /g/.Mga Hal: halik+an= halikan= hagkanPAGLILIPAT O METATESIS-ito'y paglilipat ng posisyon ng mga ponema. Kung nagsisimula sa /l/ o /y/ ang salitang ugat at nilalagyan ng gitlaping in, magpaplit ang /i/ at /n/ at nagiging /ni/.Mga hal: y+in+aya= yinaya= niyaya (niyayaya) l+in+uto= linuto= niluto (niluluto)PAGKALTAS-ito ay pagkawala ng isang ponema o morpema sa isang salita. Ang pagkawala ay mangyayari sa unahan o gitna ng salita.Mga Hal: magpa+tahi= magpatahi > patahi bili+han= bilihan > bilhan putol+in= putulin > putlinMaaaring ang salita ay makaltas ang ponema o morpema sa gitna at ito'y mapapalitan ng ponema ang nasa hulihang morpema.Mga Hal:bukas+an= bukasan > buksan > buksitakip+an= takipan > takpan > takpisara+han= sarahan > sarhan > sarhi PAGDARAGDAG-Nangangahulugan ito ng pagsusudlong ng isa pang morpema sa hulihan ng salitang ugat (hulapi). Kahit mayroon nang dating hulapi ang salitang-ugat. Mga Hal:paalala+han= paalalahan+an= paalalahananalala+han= alalahan+in= alalahanin totoo+han= totohan+in= totohanin PAG-AANGKOP-ang dalawang salita ay pinag-sasama upang makabuo ng isang bagong salita. Ginagawa ang pagkakaltas upang higit na napaikli ang anyo ng nabuong salita.Mga Hal:hintay+ka= teka (teyka/tayka) tingnan+mo= tamo hayaan+mo= hamo tayo+na= tenaBahagi parin ng mga paraan ng pagbuo, pati na pagpapalawak ng mga bahagi ng pananalita ng wikang Filipino. Ginagamit sa iba't-ibang pagpapahayag ang mga sumusunod na saklaw ng pambalarilang kayarian (grammatical structure)DALAWANG PANGKALAHATANG URI NG MGA BAHAGI NG PANANALITA MGA PANGNILALAMAN: (Content Words) URI NG PANGNGALAN>Ayon sa konsepto- kongkreto o tahas, abstrakto o basal (diwa, kaisipan, o damdamin)>Ayon sa kayarian- payak , maylapi, inuulit at tambalan>Ayon sa katangian- pambalana; pantangi>Ayon sa kasarian- panlalaki, pambabae, di-tiyak, walang kasarian>Ayon sa kailanan- Una, ginagamitan ng mga pananda o marker, pamilang at panlaping makangalan, Ikalawa, di mabilang sa ganang sarili ginagamitan ng quantifier o panukat upang mabilangPANGHALIP-Katuturan- ito'y salitang inihahalili sa pangngalan. Isinasaalangalang ang mga pananda, kaukulan, kailanan at panauhan ng pangngalan.Kasarian-Panghalip Panao/personalPanghalip Pamatlig/Demonstratibo anyong ang,ng, at saPanghalip Pananong para sa tao, bagay, sa panahon o petsa, sa pook, sa paraan at dahilan at sa dami o kantedad, presyo at pamimili.Kailanan ng Panghalip na panao, isahan dalawahan o maramihan Kailanan ng panghalip pananong sa pamamagitan ng pag-uulit ng salitaPANG-URI-MGA KAANYUAN NG MGA PANG-URI:>Payak-salitang ugat, klas kami sa lahat ng bagay,>Maylapi-unahan, gitna, hulihan o magkabilang tabi>Inuulit-payak na salitang ugat lamang o may unlaping ka, ma, o may >Tambalan-dalawang salitang ugat na may pang-angkop ang isa>Idyoma- pang-uring nasa anyong parirala na may matalinhagang kahulugan >Tayutay-ang patalinhagang pagpapahayag,di tahasan at lubhang makasining o pagpapahayag sa isang marikit na paraan.Ang mga Uri ng Tayutay1.Simile o Pagtutulad2.Metafora o Pagwawangis3.Personipikasyon o Pagbibigay-katauhan4.Apostrofe o Pagtawag5.Pagtatanong6.Pag-uulit7.Eksiherasyon o Pagmamalabis o Iperbole8.Paghihimig o Onomatopeya9.Pag-uyam o Ironiya10.Pagsusukdol o Klaymakx11.Antiklaymakx12.Pagdaramdam13.Pagtatambis o Oksimoron14.Pagsalungat o Antitesis o Epigram15.Pagpapalit-saklaw o Senekdoke16.Pagpapalit-Tawag o Metonimiya17.Paglilipat-wika o Transferred Epithets18.Pagtanggi o Parelepsis o Litotes19.Pagsasalaysay o Prosopapoeia o Vision20.Pagbibigay-aral(Parabola, Fabula o Alegorya)21.Paglumanay o Eufemismo>Kaantasan/Degree ng Pang-uri- pahambing o komparatibo, Pasukdol>Mga Numero o pamilang bilang Pang-uri- kardinal o patakaran; ordinal/Panuruan;Pamahagi/Fraction; Mga Pamparami o QuantifierPANDIWA o VERB ANYO NG PANDIWA-salitang ugat lamang na ginagamit sa pag-uutos Hal: Lakad, TalonSalitang ugat+panlapi Hal: KumatokMGA ASPEKTO NG PANDIWA> Perpektibo o pangnagdaan> Aspektong perpektibong katatapos > Aspektong imperpektibo o pangkasalukuyan> Aspektong kontemplatibo o panghinaharap MGA POKUS NG PANDIWAPOKUS-paksa ng pangungusap na may panandang ang at si/sinaTAGAGANAP (actor focus) ang paksa ng pangungusap ang gumaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa Hal:Namitas ng mangga sa kanilang puno si Rudy.LAYON (object focus) ang pandiwa ay may pangunahing panlaping in, hin at i o pag- an sa ilang pandiwa. Hudyat ng paksa ang panandang ang.Ang panghalip na pamatlig ay naipopokus sa anyong ang.Mga Hal:Ginawa niya ang kanyang homewok kagabi.Ibigay mo ito sa kanya.DIREKSIYONAL POKUS pinagtutuunan ng pandiwa ang direksiyon o tinutumbok ng kilos. Ang pangunahing panlaping ginagamit sa pokus direksiyonal - an/ -han. Marker na pokus ang ang o mga, panghalip panao pamatlig sa anyong ang.Hal:Pasyalan mo si Jeffrey sa Pamantasan.Tinabihan niya ang dalaga.GANAPAN (locative focus)Ang pokus ng pandiwa ay ang lugar na pinangyayarihan ng kilos; an o han ang pangunahing panlapi ng pandiwang nakapokus sa lugar.Hal:Pinaglutuan niya ang tulyasi.Paghuhugasan ko ito.KAGAMITAN(instrumental focus)bagay na ginamit sa pagganap ng kilos ang pinagtuunan ng pandiwang nasa pokus na ito. Panlaping ginagamit ipang (ipan o ipam)Hal:Ipinamunas ni Reniel sa mesa ang kanyang tuwalya.TAGAGANAP (beneficiary focus) ang pandiwang nasa pokus na tagatanggap ay tumutuon sa tao o bagay na nakikinabang sa resulta ng kilos na isinasaad ng pandiwa. Ito'y maaaring di-tuwirang layon ang pinagtutuunan ng kilos ng pandiwa. Panlaping i/ ipag-ipa / ang pandiwang nasa pokus ng tagatanggap.Hal:Ikinuha ko si Ma. Eloisa ng mainit na tubig.Ipagluluto niya ng embutido ang mga panauhin.SANHI (causative focus)Ang sanhi o kadahilanan ng kilos ang paksa ng pandiwang nasa pokus na sanhi. Ang panlaping ika- ang pangunahing gamit ng pandiwa sa pokus na ito.Hal:Ikatutuwa ko ang pagbabago mo.RESIPROKALAng pokus ay tagaganap pa rin ngunit may kahulugang resiprokal ang pandiwa sapagkat ang kilos ay ginaganap nang tugunan na mga tagaganap.Samakatuwid, laging dalawang pangkat ang pokus ng pandiwa.Gamiting panlapi ang magan,magsipag- - an/ han.Hal.Nagmamahalan sila.Magsusulatan ang magkaibigang Alex at Emerson na hindi nagkita sa loob ng ilang buwan.PANG-ABAY o ADVERB KATUTURAN-tradisyonal na pagpapakahulugan ito ang nagbibigay -buhay sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay. Estruktural na pagbibigay katuturan, makikilala dahil kasama ito ng pandiwa, pang-uri o isa pang pang-abay na bumubuo sa parirala.MGA URI NG PANG-ABAY> Mga Enclitic o kataga sa Filipino na karaniwang makikita pagkatapos ng unang salita sa pangungusap.Mga Halimbawa ng kataga:daw/raw, din/rin, ho/lamang, lang, pa, po, nga sana, yata, pala, naman, muna.> Mga Pang-abay na naililipat ang posisyon. Ito ang mga pang-abay na walang tiyak na posisyon at nakikita sa iba-ibang bahagi ng pangungusap. >PANG-ABAY NA PAMANAHON NA MAY Hal:PANANDA.Nagsimula silang mangampanya noong Martes.Noong Martes, nagsimula silang mangampanya.(Yaong, buhat, hanggang, kapag, umpisa, nang, mula, na/-ng)PANG-ABAY NA WALANG PANANDAHal.Kahapon lang ay nandito siya.Palagi rito si Emil.Dumating sila kagabi.Araw-araw kami rito.>PANG-ABAY NA PANLUNAN-tinatawag na pariralang sa, kumakatawan kung saan ginagawa ang kilos.Hal:*sa+walang panandang pangngalanHal:Dyanitor siya sa aming pamantasan.*anyong sa ng panghalip pamatligHal: Doon siya dyanitor.> PANG-ABAY NA PAMARAAN-sinasabi kung paano isinasagawa ang kilos *nang +pang-abayHal:Sumasayaw nang mabilis ang dalaga.MGA SALITANG PANGKAYARIAN (Functional Words)Mga Pang UgnayPangatnig - hal. nang, at, Pang angkop - hal. ng , naPang ukol hal. Ukol kay, tungkol sa hinggil saMga panandaPantukoyPangawingSintaks pagbuo at pagpapahaba ng mga pangungusap.Batayang pangungusap at mga bahagi nitoPanaguri (Predicate) iniuugnay sa paksaPaksa o Simuno ( Topic) Sentro o pokus ng usapan sa pangungusap.Semantika may kinalaman sa interpretasyon ng mga kahulugan ng mga salita at pangungusap.( Pag aaral ng kahulugan ng wika )denotasyonkonotasyonsinonimantonimpolisemihomofonParapreys-mga magkakaparehong kahulugan ng mga pangungusapKung kahulugang komunikatibo ang susuriin sa isang pahayag, tiyak na iuugnay ito sa tungkulin ng komunikasyon at ang kaugnay na gawi ng pagsasalita tulad ng pagpapakita ng sumusunod na tsart ni Gordon Wells. Tungkulin ng Komunikasyon (Functions of Communication)Gawi ng Pagsasalita (Speech or Communication Acts)A. Pagkontrol sa kilos o gawing iba ( Controlling Function)Pakikiusap, pag-utos, pagmumungkahi, pagpupunyagi, pagtanggi, pagbibigay babala.B. Pagbabahaging damdamin ( Sharing feelings)Pakikiramay, pagpuri, pagsang-ayon, pahayag, paglibak, paninisi, pagsalungat.C. Pagbibigay o pagkuha ng Impormasyon (Getting factual information)Pag-uulat, pagpapaliwanag,pagtukoy, pagtatanong, pagsagotD.Pagpapanatili sa pakikipag-kapuwa at pagkakaroon ng interaksyon sa kapuwa (Ritualizing Function)E.Pangangarapat paglikha ( Imagining / Creating Function)Pagbati, pagpapakilala, pagbibiro, pasasalamat, paghingi ng paumanhin.Pagkukuwento, pagsasadula, pagsasatao, pagluhaWASTONG GAMIT NG SALITAWastong amit ng mga Salita Nang at NgNapakasal at NagpakasalKung at KongSila at Sina, Kina at KilaMay at MayroonSubukin at SubukanPahirin at PahiranAng Din at Rin, Daw at RawOperahin at OperahanSumakayat MagsakayNamatayat Napatay Bumangon at Magbangon