filibusterismodeciphered -kab11

34
UNCORRECTED PROOF: Kabanata 11 Los Baños Ang kataas-taasang Kapitan Heneral at namamahala sa Kapuluang Pilipinas ay nangaso sa Busubuso . 1 Nguni’t sa dahilang may abay na isang bandang musiko (sapagka’t ang gayong kataas na tao’y hindi dapat mahuli sa mga imaheng kahoy na ipinagpuprusisyon) 2 at sa dahilang ang pagkagiliw sa di matingkalang arte ni Sta. Cecilia 3 ay hindi pa laganap sa ugali ng mga usa at baboyramo sa Busubuso, ay walang nahuli ni isa mang daga, ni ibon ang Heneral na may kasamang banda ng musiko at kaalakbay na mga prayle, mga militar at mga kawani. Inakala na ng mga pangunahing opisyal sa lalawigan na may maaalis sa katungkulan o kaya’y malilipat; ang mga kaawa-awang kapitan sa bayan at mga kabisa ay hindi nangapalagay at hindi nangakatulog sa panganganib na baka maisipan ng maalindog na mangangaso ang ipalit sila sa mga hayop sa gubat na hindi marunong umalinsunod, 4 gaya nang 1 MGA PALIWANAG Isang bulubunduking bahagi ng lalawigan ng Morong at ngayon ay sakop ng Antipolo, Rizal. 2 Sa bahaging ito ay nagawa ni Rizal na pagsamahin ang pang- iinsulto sa dalawang binibigyan ng parangal ng mga banda ng musiko – ang mga kahoy na santo at/o ang mga matataas na opisyal ng kolonyal na gobyerno. 3 Patron ng sining ng musika. 4 Makikita na sa isang burukrasya na walang kasiguraduhan ang panunungkulan sa isang katungkulan ay palaging nanganganib ang kanilang posisyon ayon sa sumpong ng mga nakakataas sa kanila.

Upload: daniel-mendoza-anciano

Post on 28-Nov-2014

1.930 views

Category:

Documents


8 download

DESCRIPTION

Kabanata 11 - Handa ka na bang makipaglaro ng sugal sa Diablo?

TRANSCRIPT

Page 1: FilibusterismoDeciphered -kab11

 UNCORRECTED PROOF:

Kabanata 11Los Baños

              Ang kataas-taasang Kapitan Heneral at namamahala sa Kapuluang Pilipinas ay nangaso sa Busubuso.1  Nguni’t sa dahilang may abay na isang bandang  musiko (sapagka’t ang gayong kataas na tao’y hindi dapat mahuli sa mga imaheng kahoy na ipinagpuprusisyon)2 at sa dahilang ang pagkagiliw sa di matingkalang arte ni Sta. Cecilia3 ay hindi pa laganap sa ugali ng mga usa at baboyramo sa Busubuso, ay walang nahuli ni isa mang daga, ni ibon ang Heneral na may kasamang banda ng musiko at kaalakbay na mga prayle, mga militar at mga kawani.

            Inakala na ng mga pangunahing opisyal sa lalawigan na may maaalis sa katungkulan o kaya’y malilipat; ang mga kaawa-awang kapitan sa bayan at mga kabisa ay hindi nangapalagay at hindi nangakatulog sa panganganib na baka maisipan ng maalindog na mangangaso ang ipalit sila sa mga hayop sa gubat na hindi marunong umalinsunod,4 gaya nang ginawa na ng isang alcalde noong mga nakaraang araw na napapasan sa tao, sa buo niyang paglalakbay, sapagka’t walang mabait na kabayong maaasahang hindi magbabagsak sa kanya.5  May isang bali-balitang kumalat na mayroon

1MGA PALIWANAG

Isang bulubunduking bahagi ng lalawigan ng Morong at ngayon ay sakop ng Antipolo, Rizal.2

Sa bahaging ito ay nagawa ni Rizal na pagsamahin ang pang-iinsulto sa dalawang binibigyan ng parangal ng mga banda ng musiko – ang mga kahoy na santo at/o ang mga matataas na opisyal ng kolonyal na gobyerno.

3 Patron ng sining ng musika.4

Makikita na sa isang burukrasya na walang kasiguraduhan ang panunungkulan sa isang katungkulan ay palaging nanganganib ang kanilang posisyon ayon sa sumpong ng mga nakakataas sa kanila. Ang kawalan ng isang maayos na panahunan ng panunungkulan (tenure) sa pamahalaan ang dahilan upang ang mga nasa gobyerno noon ay gumawa ng pagiging sipsip (sychopant).

5 Isang mataas na anyo ng pagmamalabis sa kapangyarihan – ito ay sa dahilang ginawa niyang hayop ang mga tao na kaniyang nasasakupan. Ang

Page 2: FilibusterismoDeciphered -kab11

gagawin ang Heneral, sapagka’t ang gayong pangyayari umano ay isang simula ng paghihimagsik na dapat sugpuin kaagad; na ang isang pangangasong walang nahuli ay makasisira sa karangalan ng mga Kastila, atbp.,6 at humanap na tuloy ng isang kahabag-habag na taong papagsusuutin ng suot-usa, nang sabihin ng Heneral (sa udyok ng isang pagkahabag na hindi nabigyan ni Ben-Zayb ng sapat na pagpuri) at pinawi ang lahat ng pangamba at sinabi na siya’y naaawang pumatay ng mga hayop sa gubat.

            Kung ipagtatapat ang katotohanan ay sadya ngang nasisiyahang-loob ang Heneral, sa dahilang ano ang nangyari sana kung hindi tumama sa pagtudla sa isang usa na hindi nakababatid ng ugaling dapat ipamalas sa mga gayong kaparaanan?7  Saan masasadlak ang karangalan ng nakapamamahala?  Bakit?  Isa ba namang Kapitan Heneral ang hindi tumama na wari’y bagong nangangaso?   Ano na lamang ang wiwikain ng mga Indiyo, na sa kanila’y karaniwang naman na mga mahuhusay na manudla? Malalagay sa panganib ang tibay ng Inang-Bayan … 8

            Iyon ang dahilan sanhi kung kaya’t ipinag-utos ng Heneral (na nakatawa ng tawang koneho at anyong mangangasong masama ang loob) ang pagbabalik kaagad sa Los Baños,9 at ipinaghambog, sa

pagkamuhi na ito ni Rizal sa pagpapasan ng tao ay nadala niya mismo sa bansang Japan, kung saan sa kabila ng maramuming papuri na kaniyang nasabi sa Japan, ang hindi niya nagustuhan ay ang mga tao ang humihila sa rickshaw.

6 Katawa-tawa ang isang mataas na pinuno na walang maipakitang kahusayan. Pansinin na binibigyan palagi ng ng mga Espanyol ng posibilidad ng masamang bunga nito sa katatagan ng kolonyal na pamahalaan sa Espanya.

7 Isang pang-aasar ni Rizal, ang usa ay hindi marunong sumunod sa etiketang pulitikal. Ang tao ay dapat na sumunod sa mga kagustuhan ng mga nakakataas sa kaniya, samantalang ang usa ay hindi sumunod, kahit na direkta pa itong binabaril ng Kapitan Heneral.

8 Sa bahaging ito ay ipinakikita ni Rizal ang kapantayan o hindi pahuhuli sa kahusayan ng mga Pilipino sa pagtudla. Malalagay sa panganib ang tibay ng Inang-Bayan- Sa nobela ay inilagay ni Rizal sa kaisipan ng Kapitan Heneral ang takot na ito. Subalit waring sinasadya naman ni Rizal na bigyan ng lakas ng loob ang mga Pilipinong mambabasa.9

Los Banos – sa panahon ng Espanyol, ang bayan na ito ay dinarayo ng maraming tao dahilan sa pagkakaroon nito ng maraming maiinit na baliguan (banyo). Ang katanyagan nito bilang bakasyunan ay pagtatayo noong 1879, ng isang bahay bakasyunan para sa Kapitan-heneral ng Pilipinas. Sa panahon ng mga Amerikano, ang popularidad ng Los Banos ay nalipat sa nilikha nilang

Page 3: FilibusterismoDeciphered -kab11

paglalakbay, ang kanyang kagitingan sa pangangaso sa ganito o gayong pangasuhan sa Espanya at waring ibig ipahiwatig ang pag-alipusta niya sa mga pangangaso sa Pilipinas, bagay na inaakalang kapit sabihin dahil sa nangyari. Pse! 10   Ang paligo sa Dampalit (daang paliit), ang sigangan sa baybay ng lawa, ang paglalaro ng tresillo sa palasyo at pagdayo sa gayon at ganitong kalapit na binubulusan ng tubig o sa lawang kinalalagyan ng mga buwaya ay mainam pa kaysa roon at hindi pa manganganib ang karangalan ng Inang-Bayan.11

            Nang isa sa mga huling araw ng buwan ng Disyembre ay nakipaglaro ng tresillo12 ang Kapitan Heneral, samantalang inaantay ang oras ng pananghalian.  Katatapos pa lamang niyang maligo at uminom ng isang basong sabaw at laman ng buko, kaya’t ang mga sandaling iyon ay siyang bagay samantalahin sa paghingi ng mga biyaya.13  Isa pang nakapagpaparagdag sa kanyang katuwaan ang pananalo, sapagka’t pinupunyagi ni Padre Irene at ni Padre Sibyla, na kanyang mga kalaban, ang lihim na pagpapatalo,14 samantala namang si Padre Camorra ay   nangngingitngit sa dahilang kararating pa lamang nang umagang yaon at hindi niya batid ang mga pakanang iyon.15  Sa dahilang pinagbubuti ng paring-artilyero ang

lungsod ng Baguio, kung saan ang Mansion ng Kapitan-Heneral Amerikano ay natayo at sa ngayon ay tinatawag na Summer Residence ng Pangulo ng Pilipinas.10

Mapapansin rito na ang sinisisi ng Kapitan Heneral sa kaniyang kahinaan ay ang Pilipinas at hindi ang kaniyang sarili.

11 Pansinin na ipipanikita ni Rizal ang ugaling lakwatsero at sugarol ang Kapitan Heneral sa nobelang ito. Sa kabila ng ganitong pag-uugali ay hindi niya tintingnan na ito ay banta sa integridad ng kapangyarihan ng Espanya sa Pilipinas.

12 Laro ng baraha na popular noon sa Espanya – nilalaro ito ng tatlong katao, subalit maaring madagdagan ng isa pa. http://www.pagat.com/lhombre/tresillo.html

13 Pansinin na ang pagtupad ng katungkulan ng Kapitan Heneral ay hinihinat ng pa ng mga tao na nasa kondisyon ang isipan (malamig ang ulo). 14

Ang pagpapatalo sa sugal ng dalawang prayle ay upang makalugdan ng Kapitan Heneral. Ang katotohanan, ang tunay na nagsusugal sa lamesang iyon ay ang dalawang prayle. Ang Kapitan Heneral ay siguradong panalo na, subalit sina Padre Sybila at Irene ay mayroong magkasalungat na layunin sa kanilang magiging pagdulog sa Kapitan Heneral.15

Tatlo ang talagang naglalaro ng tresillo at sumingit lamang si Padre Camora – bilang pang-apat. Hindi siya nasabihan sa pakanang kusang pagpapatalo nina Padre Sybila at Irene sa Kapitan Heneral. Ang katotohanan, si Padre

Page 4: FilibusterismoDeciphered -kab11

pakikipaglaro ay  namumula at napapakagat-labi tuwing   malilibang o mamamali sa pagsusugal si Padre Sibyla, nguni’t hindi siya makaimik dahil sa malaki niyang pag-aalang-alang sa Dominiko; datapwa’t si Padre Irene naman ang pinagbubuntunan niya ng galit sapagka’t ipinagpapalagay niyang mapagpusa at sa gitna ng kanyang kabuhalhalan ay di binigyang-halaga.  Hindi man lamang siya tinitingnan ni Padre Sibyla; binabayaan siyang mag-uungol; datapatwa’t si Padre Irene, sa dahilang mapakumbaba, ay humihingi ng tawad, samantalang hinihimas ang tungkil ng mahaba niyang ilong.16  Ang Heneral naman ay nagagalak at sinasamantala ang pagkakamali ng kanyang mga kalaban sapagka’t siya’y mabuting magparaan, alinsunod sa pahiwatig ng kanonigo.17  Hindi batid ni Padre Camorra na ang pinaglalaruan sa ibabaw ng lamesang iyon ay ang ikalulusog ng pag-iisip ng mga Pilipino, ang pagtuturo ng wikang Kastila,18 sapagka’t kung nalalaman niya ay malugod sanang nakihalo sa laruan .19

            Sa nakabukas na balkon ay pumapasok ang malinis at masarap na simoy at natatanaw ang lawa, na ang tubig ay mahinhing bumubulong sa paanan ng bahay, na waring nangangayupapa.  Sa dakong kanan, sa malayo, ay natatanaw ang pulo ng Talim na lubhang bughaw; sa gitna ng lawa at halos katapat lamang ay may isang pulong luntian, ang pulo ng Kalamba, na walang tao at ang ayos ay waring kabiyak na buwan; sa kaliwa, ang magandang pampangin na nahihiyasan ng kakawayanan, isang bunduk-bundukang tanaw ang buong lawa, malalawak na bukirin, sa dako pa roon ay bubong na saga

Irene na kalapit niya at maaring nakakakita ng baraha ni Padre Camorra ay may isang layunin, ang hindi rin papanaluhin si Padre Camorra para matiyak ang panalo ng Kapitan Heneral.

16 Makikita ang husay ni Rizal sa paglalarawan ng body language sa pamamagitan ng kaniyang mga tauhan. Si Padre Irene ay nahingi ng paumanhin samantalang kinukuskos ang ilong na ang nasabing aktwasyon ay nangangahulugan ng kawalan ng sinseridad. Malaman sana na ang kahulugan ng salitang Irene ay payapa o isang tahimik na tao na ayaw ng gulo.17

Binobola nina Padre Sybila at Irene ang Kapitan Heneral at sinasabing mahusay na tactician – samantalang ang katotohanan ay silang dalawa ang tunay na naglalaro sa Kapitan Heneral.

18 Pansinin na sa lamesa ng sugalan nakasalalay ang kapasiyahan ukol sa isang mabigat na usaping pambayan.

19 Si Padre Camorra ay makikilaro rin sana sa usapan ukol sa kapasiyahan ukol sa paaralan at maaring magpatalo sa sugal para magkaroon din ng inpluwensiya sa desisyon ng Kapitan Heneral.

Page 5: FilibusterismoDeciphered -kab11

sa mga pagitan ng kulay na luntiang maitim-itim ng mga dahon, pagkatapos ay ang bayang Kalamba, at sa huling dakong abot ng tanaw ay waring bumababa ang langit sa tubig ng lawa na anyong dagat, na siyang sanhing tawagin siyang “dagat na tabang” ng mga tagaroon.20

            Sa isang dulo ng salas ay naroroon ang kalihim na nakaupo sa harap ng isang mesa na kinalalagyan ng mga dokumento.  Ang Heneral ay masipag at hindi niya ibig mag-aksaya ng panahon, kaya’t pinadadala sa kaniya ang mga dokumento, habang nag-lalaro ng tresilyo o samantalang namimigay ng baraha.21

            Samantala namang naglalaruan ay naghihigab at nabubugnot ang kalihim.22  Ang ginagawa sa umagang iyon, gaya ng dating ginagawa, ay ang pagpapalit-palit ng mga kawani, mga pag-aalis sa katungkulan, pagpapatapon sa malayong lupa, pagbibigay ng biyaya, atbp.,23 nguni’t hindi pa dumarating sa malaking usaping inaantay ng lahat, ang tungkol sa kahilingan ng mga nag-aaral na pahintulutan silang makapagpatayo ng isang akademya ng wikang Kastila.24

            Ang kawaning may mataas na katungkulan, si Don Custodio, at isang prayleng nakatungo at waring may iniisip o may kabigatan ang loob (Padre Fernandez ang kanyang pangalan) ay nagtatalo na mahina ang usapan, samantalang payao’t dito sila sa dalawang dulo ng salas.  Sa isang silid na kalapit ay naririnig ang tunog ng mga bola ng bilyar, tawanan, halakhakan, ang boses ni Simoun; ito’y nakikipagbilyar kay Ben-Zayb.            Si Padre Camorra ay biglang nagtindig.

20 Reminder: Ilagay ang picture ng bahay na ito sa Los Banos upang higit na Makita ng mga mambabasa ang kahusayan ni Rizal sa paglalarawan.

21 Isang anyo ng panunudyo ni Rizal sa Kapitan Heneral na nagdedesisyon o pumipirma ng mga dokumento ng estado samantalang abala sa pagsusugal.

22 Ang paghihikab ng kalihim ay dahilan sa tagal bago siya makapag-pasok ng isang dokuemnto para pasyahan ng Kapitan Heneral.

Angkalihim sa nobelang ito ay isang propesyonal na burukrata, natamo ang kaniyang posisyon dahilan sa sariling kakayahan at hindi basta naitalaga lamang na katulad ng Kapitan Heneral.

23 Ang kalihim ang siyang tunay na nag-aasikaso ng lahat ng opisyal na papel ng pamahalaan.

24 Sa kabila nito ng malaking responsibilidad ng kawani ay wala sa kaniya ang kapangyarihan sa mga mahahalagang isyu.

Page 6: FilibusterismoDeciphered -kab11

            “Maglarong parang Cristo, puñales,” ang pabulalas na sabing

kasabay ang paghahagis ng dalwang barahang natitira sa kanya, sa ulo ni Padre Irene, “puñales, ang taya ay sigurong-siguro na, kung di man ang codillo, at natalo pa dahil sa tawag!  Puñales!  Naglalarong parang Cristo!”25

            At galit na galit na isinasalaysay sa lahat nang naroroon ang

pangyayari, lalung-lalo na sa tatlong naglalakad, na wari’y siyang ibig niyang pahatulin.  Sumusugal ang Heneral, siya ay laban, may tiklop na si Padre Irene; humahatak siya sa espada at puñales , hindi inilaro ng kamoteng si Padre Irene ang kanyang baraha.  Si Cristo na ang makilaro!  Siya’y hindi naparoon upang magpatalo ng salapi at durugin ang kanyang ulo sa walang kapararakan.26

            “Ang akala marahil ng neneng ito,” ang patuloy na namumula,

“ay kinikita ko ang salapi ng papalikwad-likwad lamang.  Ngayon pa namang ang aking mga tao’y nangagsisitawad na!”27

            At umuungol na tumungo sa kinalalagyan ng bilyar, na, hindi na pinakinggan ang mga hinging ipagpaumanhin ni Padre Irene na nagtatangkang mangatwiran sa tulong ng paghaplos ng ilong upang itago ang kaniyang lihim na ngiti .            

“Ibig po ba ninyong umupo, Padre Fernandez?” ang tanong ni Padre Sibyla.

25 Que juegue Cristo- sa tekstong Espanyol, na ang kahulugan ay gumaganap ng pagpapakasakit, kapalit ng kaligtasan ng iba. Samantalang sa bahagi ng ito nagpapaksakit o nagsasakripisyo sina Padre Sybila at Irene para sa sarili nilang kapakanan.

Papaano nalaman ni Padre Camorra na nagpapatalo si Padre Irene?Pagkatapos na manalo ng Kapitan Heneral ay ibinaba ng mga manlalaro ang kanilang natirang mga baraha at doon nakita ni Padre Camorra na higit na maganda ang mga baraha ni Padre Irene.

26 Ang katotohanan ay si Padre Camorra ang tunay na hangal sa larong ito – sumali siya ng hindi niya alam ang tunay na layunin ng kaniyang dalawang kasamang prayle. Kung alam lamang niya ay siguradong magpapatalo rin siya sa sugalan. Ang pagpapatalo nina Padre Sybila at Irene ay isang anyo ng lihim o hindi direktang pagsuhol sa Kapitan Heneral.

27 Nagsisimulang tumutol ang mga parokyano ni Padre Camorra sa mataas na singil sa simbahan.

Page 7: FilibusterismoDeciphered -kab11

            “Masamang manlalaro ako ng tresillo,” ang sagot ng prayle na lumabi pa.28

.            “Kung gayo’y paparituhin si Simoun,” ang sabi ng Heneral, “eh, Simoun, eh, mister, ibig baga ninyong makilahok sa isang laro?”

            “Ano ang ipapasya tungkol sa mga armas de salon?”29 ang tanong ng kalihim na sinamantala ang pagkakahinto.

            Dumungaw si Simoun.           

“Ibig baga ninyong maupo sa puwesto ni Padre Camorra, ginoong Simoun?” ang tanong ni Padre Irene, “ang itaya ninyo’y brilyante at hindi tantos.”30

            “Walang kailangan sa akin ang gayon,” ang sagot ni Simoun na

lumapit at ipinapagpag ang yeso na nasa kanyang kamay, “at kayo, ano ang inyong itataya?”

            “Ano ba ang maitataya namin?” ang tugon ni Padre Sibyla, “ang Heneral ay makatataya nang maiibigang itaya, nguni’t kami, mga prayle, mga pari…”

            “Bah!” ang putol na pakutya ni Simoun,31 “ang ibabayad ninyong dalawa ni Padre Irene ay mga kawanggawa, panalangin, kabaitan, ano?”32

28 Ang pag-aalok ni Padre Sybila kay Padre Fernandez ay isang hindi direktang pagsasabi na kung gusto rin nitong makilaro ito sa Kapitan Heneral. Si Padre Fernandez ay mayroon ding sadya sa nasabing pinuno. Ang pagtutol at paglabi ni Padre Fernandez ay pagpapakita ng kaniyang paniniwala sa tunay na kabutihang loob at kapasiyahan ng Kapitan Heneral.

29 Sa ilang mga nagsalin ng Fili sa wikang Filipino ay ginamit na katapat ng armas de salon ay armas pansalas o inaakala nila na ito ay armas na naka-display sa salas . Subalit sa translation ni Derbyshire ay ginamit niya ang sporting arms o baril na ginagamit sa pangagaso.

30 chips31 Ginawa ni Rizal na pangahas si Simoun sa bahaging ito ng kabanata. Muli kailangang ilarawan ni Rizal si Simoun sa pinakamasamang anyo ng katauhan, upang magamit ni Rizal bilang tagapagsalita ng kaniyang mga nakatagong kaisipan.32 Sa mga bagay na hinihingi ni Simoun ay wari siyang Diablo, na makikipagsugal sa dalawang pari na ang kapalit ng pagkatao ay ang pagbebenta ng mga panatang pangkabanalan ng mga pari. Panatang kanilang sinumpaan sa Diyos at ipinaalam sa mga tao.

Page 8: FilibusterismoDeciphered -kab11

            “Batid ninyong ang mga kabaitang taglay ng isa’t isa,” ang talad na walang halong biro ni Padre Sibyla, “ay hindi kagaya ng mga brilyante na maaaring masalin sa iba’t ibang kamay, ipinagbili na sa isa’t ipinagbibili pa nito…iyon ay dala ng tao, mga kabagayang nakakabit sa nagtataglay…”33

            “Kung gayon ay papayag akong sa salita na lamang ninyo ako bayaran,” ang pakling masaya ni Simoun.34  “Kayo, Padre Sibyla, sa bawa’t limang tantos na ibibigay ninyo sa akin, ay sasabihin na lamang ninyo, sa halimbawa:   lilimutin kong limang araw ang karalitaan, ang kababaang-loob, ang pagkamasunurin… kayo naman Padre Irene:   lilimutin ko ang kalinisang ugali, ang pagkamahabagin, atbp.35 Nakita na ninyo, na napakaliit na bagay, at ibibigay ko’y ang aking mga brilyante.” 36 

            “Napakatanging tao nitong si Simoun, kung anu-ano ang iniisip!” ang sabing tumatawa ni Padre Irene.37

33 Makikita sa pamamagitan ng pananalitang ito ni Padre Sybila ang pagdusta sa malaking kayamanan na taglay ni Simoun. Subalit ang istilo ni Rizal ay pinagsasalita niya ng laban sa kayamanan, ang isang tao na kumakatawan sa pinakamayamang negosyo sa daigdig.

34 Waring isang Diablo si Simoun, na nakangiti, na kahit sa salita lamang ay sapat na siyang bayaran ng dalawang prayle kung matatalo nila ito sa sugalan. (Me contento entonces con que ustedes me paguen de boquilla, replicó alegremente Simoun); Katulad ng tunay na Diablo na nasisiyahan sa lip service ng mga taong simbahan na pumupuri sa pamamagitan ng bibig ukol kabanalan at ang buhay ay labag sa mga panatang kaniyang dapat na isabuhay.

35 Upang maunawaan ang epekto ng kondisyon na hinihingi ni Simoun sa mga prayleng kausap ay basahin ang nakakatuwang katha ni Rizal na Por Telepono, kung saan ginawa niyang katatawanan si Padre Salvador Font sa pamamagitan ng isang insult na tanging mga henyo lamang sa panulat ang makagagawa.

36 Putong Inamoy!!!!!!!!!!!!!!! ITO ANG PINAKAMATINDI, kapag nilimot nila ang mga panatang ito ay makukuha nila ang mga kayamanan. Dahilan sa ang simbahan sa kapanahunang iyon ang pinakamayamang korporasyon, na ang pangunahing produkto ay pangarap na kaligtasan. Paala-ala na kahit ang Cristo ay dumaan sa ganitong tukso ng Diablo.37 Sa pamamagitan ni Padre Irene ay ipinakita at kinukumpirma ni Rizal na ang paglimot (hindi lamang ng limang araw, kundi sa loob ng libong taon) sa mga panata ng kaparian ang nagpayaman sa kanila.

Page 9: FilibusterismoDeciphered -kab11

            “At ito,” ang patuloy ni Simoun na tinangki sa balikat ang Heneral,38 “ang ibabayad nito sa akin, sa bawa’t limang tantos, ay isang vale na katimbang ng limang araw na pagkakabilanggo, sa isang solo ay limang buwan, sa isang codillo ay isang utos na pagpapatapon, na walang nakatalang pangalan, sa isang bola …ay isang utos sa guwardiyia sibil na makabaril sa daan sa taong parurusahan, samantalang inihahatid sa ibang bayan, atbp.”39

            Ang hamon ay napakatangi.  Ang tatlong lalakad-lakad ay nangagsilapit.

            “Nguni’t, ginoong Simoun,” ang tanong ng mataas na kawani, “ano ang mahihita ninyo sa pananalo ng kabaitan sa bunganga, at mga buhay ng tao, mga pagpapatapon at mga madaliang pagpatay?”

            “Malaki!  Bagot na ako sa kadidinig ng mga usapang tungkol sa mga kabaitan at nasa kong maipong lahat, ang lahat ng nakakalat sa mundo, na nakapasok sa isang supot, upang itapon sa dagat kahi’t na kailangang gawing pabigat ang lahat ng brilyante ko.”40

            “Sumpong din iyan!” ang bulalas na tumatawa ni Padre Irene, “at ano naman ang gagawin ninyo sa mga pagpapatapon at pagpapapatay?”

            “Upang linisin ang bayan at pawiin ang lahat ng masasamang binhi.”41

38 Ang aktwasyon na iyon ni Simoun ay nagpapakita na ang papel ni Simoun ay isang Diablo. Tingnang mabuti ang larawan ng mga Tauhan ni Goethe na si Faust at ng diablong si Mephistopheles.

39 Pansinin na ang hinihingi ni Simoun sa Kapitan Heneral ay ang higit na pagpapahirap sa bayan. Pansinin sana na ang mga kasulatan ng pagpapahirap hanggang sa pagpapatapon na walang lagda na mapapa sa kaniya. Ang ganitong kapangyarihan at pang-aabuso sa panahon na isinusulat ni Rizal ang nobela ay hindi galling sa Kapitan Heneral na si Weyler, kundi sa mga sulsol ng mga prayle na nakapaligid kay Weyler. Ilan sa mga bikitima ng pagpapatapon ay si Paciano, mga bayaw, at mga kababayan sa Calamba ni Rizal na ang pangalan ay nabanggit na sa Kabanata 10.

40 Sa pamamagitan ng pahayag ni Simoun ay nagawa ni Rizal na ipakita na ang kayamanan ang ugat ng kabulukang panlipunan at ang posibilidad ng kayamanan ang siya ring maging daan sa pagkalinis nito.41

Sa sagot ni Simoun ay nakatago ang pahiwatig ni Rizal ukol sa rebolusyon.

Page 10: FilibusterismoDeciphered -kab11

            “Ah!  Hanggang ngayo’y  may galit pa kayo sa inyong mga

tulisan, gayong mangyayaring hingan sana kayo nang lalong malaking tubos o kinuha sana ang lahat ng inyong alahas.  Huwag naman kayong walang utang na loob!”

            Ipinamarali ni Simoun na siya’y hinarang ng mga tulisan, na pagkatapos siyang mapiging nang isang araw,42 ay pinabayaan siyang magpatuloy ng lakad na walang hi ninging tubos kundi ang dalawa niyang magarang rebolber na Smith at ang dalawang kahang punglo na kanyang dala.43  Idinugtong pa ang maraming ulat na ipinarararting sa kanya sa Kapitan Heneral.

            Dahil doon, at sa dahilang ibinalita ni Simoun na ang mga tulisan ay maraming escopeta,44 riple at rebolber, at sa gayong mga tao’y hindi maaaring makalaban na nag-iisa, kahi’t na may sandata, ay lalagda ng bagong utos ang Kapitan Heneral na ukol sa mga pistolas de salon upang maiwasan na ang tulisan ay magkaroon ng armas.

            “Huwag, huwag!” ang tutol ni Simoun, “sa ganang akin, ang mga tulisan ay siyang mga taong kumikita ng ikabubuhay sa mabuting kaparaanan… Inaakala ba ninyong kung ako’y nahuli sa mga kamay… ninyo, sa halimbawa, ay pakakawalan ba ninyo ako nang hindi kukunin ang kalahati man lamang ng aking mga hiyas?”45

42 Dito ay makikita ang pagiging malupit na mandaraya ni Simoun, sinabing siya ay nakidnap ng mga tulisan, subalit ang katotohanan ay nagkaroon siya ng lihim na pakikipag-ugnayan sa mga ito. Ang katotohanan sa nakalipas na kabanata ay binabalaan na siya ni Kabesang Tales na umiwas sa daan, pinauwi niya ang kaniyang mga tauhan at mag-isang nagtungo sa daan na pinaiiwasan ni Kabesang Tales.

43 Ang kawalan ng tubos ay magpapatunay na hindi siya kinidnap ng mga tulisan. Ang pagbibigay niya ng dalawang rebolber na Smith & Wessons na kasama ang mga bala ay higit na ambag sa armadong pangkat.

Nota: Nagkamali ako sa paglalagay ng Colt sa kabanata 10, higit na ang maaring nasa isip ni Rizal ay ang Schofield Revolver na gawa ng Smith and Wessons.

44 Escopeta – ito ay shotgun o baril de sabog.45 Muli na naming dinagil ni Rizal ang mga prayle sa pamamagitan ni Simoun, malinis lamang ang pagkakasulat subalit ang tunay na kahulugan ay mas masama pa at gahaman ang mga prayle kaysa sa mga tulisan noong

Page 11: FilibusterismoDeciphered -kab11

            Tututol sana si Don Custodio; tunay ngang isang Amerikanong mulato na walang pinag-aralan ang Simoun na iyon, na sinasamantala ang pakikipag-kaibigan niya sa Kapitan Heneral upang alimurahin si Padre Irene.  Tunay nga, kung sa bagay, na kung si Padre Irene ang nakadakip sa kanya ay hindi siya nakawala nang dahil sa gayong kaliit na bagay.46

            “Sa ang kasamaan ay wala sa pagkakaroon ng tulisan sa mga

bundok at kaparangan,” ang patuloy ni Simoun, “ang kasamaan ay nasa mga tulisang-bayan…”           

“Na gaya ninyo,” ang dugtong na tumatawa ng kanonigo.           

“Oo, gaya ko, gaya natin, tayo’y mangagtapat; dito’y walang Indiyo na nakakadinig sa atin,” ang dugtong ng mag-aalahas, “ang kasamaan ay nasa pangyayaring tayong lahat ay hindi mga tulisang hayag; kung ito’y mangyari at manirahan na tayo sa gubat, sa araw na iyan, ay ligtas na ang bayan, sa araw na iya’y sisibol ang isang bagong lipunan, na siya na sila na sarili ang mag-aayos… at sa gayon ay matiwasay nang makapaglalaro ng tresillo ang Kapitan Heneral, na hindi siya kailangang abalahin ng kalihim.”47

            Nang mga sandaling iyon ay naghihigab ang kalihim at nag-iinat na itinataas sa ulo ang mga kamay at iniunat sa ilalim ng mesa ang mga paa niyang nagkakapatong.

            Lahat ay nagtawanan nang siya’y makita…48 Pinutol ng Heneral ang pag-uusap at matapos na bitiwan ang barahang kanyang sinusuksok ay nagwikang:

kapanahunan niya.

46 Kahit na inis si Don Custodio kay Simoun ay hindi nito matutulan ang katotohanan na sinasabi nito laban sa mga prayle.

47 Iba talaga ang istilo ni Rizal, ito ay dahilan sa nagawa niya sa pamamagitan ng kaniyang nobela na maiparating sa sentro ng kapangyarihan ang kaniyang pananaw na sila ay mga tunay tulisan na nagpapahirap sa bayan at ito ay sa pamamagitan ng paglikha niya kay Simoun na kasama sa loob ng sirkulong iyon.

Mapapansin rin na sa pamamagitan ni Rizal ay nagawa niyang iparating ang isang mensahe sa posibilidad ng isang bagong lipunan.48 Nagiging katatawanan ang isang kawani ng pamahalaan na gumaganap ng tapat sa kaniyang tungkulin.

Page 12: FilibusterismoDeciphered -kab11

            “Siya, siya!  Siya na ang biruan at sugalan; gumawa tayo, pagbutihin natin ang gawa, kalahating oras pa ang kulang sa oras ng pagkain.   Marami bagang bagay ang kailangang lutasin?”           

Lahat ay nakinig.  Sa araw na iyon pagtatalunan ang tungkol sa pagtuturo ng wikang Kastila, kaya’t may ilang araw nang naroroon si Padre Sibyla at si Padre Irene.  Batid nang ang una, sa dahilang siya’y vice-rector, ay laban sa panukala, at ang pangalawa ay kumakatig sa kinakatigan naman ng condesa.

            “Ano, ano?” ang tanong na naiinip ng Heneral.            “Hang hungkol ha mahahama ha halon,” anang kalihim na tinimpi ang isang paghihigab.

            “Ipinagbabawal mula ngayon!”49

            “Ipagpatawad po ninyo, aking Heneral,” ang sabi ng mataas na kawani, “ipahintulot po sa akin ng inyong karangalan na sabihing sa alinmang bansa sa sansinukob ay hindi ipinagbabawal ang mga armas de salon.”

            Ikinibit ng Heneral ang kanyang balikat.           

“Hindi tayo nakikigaya sa alinmang bansa sa mundo,” ang matigas na sabi ng Heneral.           

Kailan ma’t nagkakatalo ang Heneral at ang mataas na kawani, ay sukat na ang isang pahiwatig nito upang ang una’y magpatigas sa kanyang balak.           

Humanap ng ibang daan ang mataas na kawani.           

“Ang mga armas de salon ay sa mga daga at inahing manok lamang nakasasakit,” ang wika, “masasabi…”           

“Na tayo’y mga inahing manok?” ang dugtong ng Heneral na kinibit ang balikat.  “At ano sa akin?  Ipinakilala ko nang hindi ako gayon.”           

“Nguni’t may isang bagay,” ang hiwatig ng kalihim, “may apat na buwan lamang nang ipinagbawal ang paggamit ng armas, 49 NAGPAPATAWA SI RIZAL: Pansinin na ang sinasabi ng Kalihim ng pahikab (kahit na tayong bumabasa y hindi maintindihan) ay agad na tinutulan o pinagbawal ng Kapitan Heneral.

Page 13: FilibusterismoDeciphered -kab11

sinigurado natin sa mga dayuhang nag-aangkat na papayagan natin ang mga dayuhan na naninirahan na magkaroon ng armas de salon.”

            Ikinunot ng Heneral ang noo.

            “Datapwa’t may kagamutan ang bagay na iyon,” ani Simoun.            “Papaano?”

            “Walang kaliwagan.  Halos lahat ng armas de salon ay may anim na milimetro ang laki ng punglo, tangi lamang kung may ibang laki na ipinagbibili.  Pahintulutang ipagbili ang lahat ng mga walang anim na milimetro.”50

            Pinuri ng lahat ang naisip ni Simoun,51 tangi ang mataas na kawaning bumubulong kay Padre Fernandez na iyon ay hindi tuwid, ni hindi pamamahala.52

            “Ang guro sa Tiyani,” ang patuloy ng kalihim, samantalang binabasa ang ilang papel, “humihinging bigyan siya ng lalong malaking gusali upang…”

            “Ano pang malaking gusali, sa mayroon na siyang sariling isang kamalig?” ang putol ni Padre Camorra, na nalimutan na ang tresilyo at lumapit sa usapan.

            “Sira daw ang bubungan,” ang sagot ng kalihim, “at sa dahilang bumili siya ng mga mapa at cuadro sa sariling gugol ay hindi mapabayaang ulani’t arawin…”           

“Nguni’t wala akong pakialam sa mga bagay na iyan,” ang bulong ng Heneral, “sa namamahala sa pangasiwaan humingi, sa punong-lalawigan, sa Nuncio…”           

“Ang masasabi ko sa inyo,” ang sabi ni Padre Camorra, “ang maestrillong iyan ay isang filibusterillo na masama ang loob; akalain ba ninyong ipinagsasabi ng ereheng iyan na ang inililibing daw nang

50 Ang punglo na 6mm (.24) ay siyang sukat ng bala ng lahat ng sporting guns sa mundo na ginagamit sa pangangaso na rito ang pinakasikat ay ang .243 Winchester at ang 6 mm Remington. Ang magiging legal na implikasyon nito ay ang pagiging legal ng riple na may kalibre .22. 51 Sa katunayan, ang ripleng .22 ang higit na ginagamit ng mga nangangaso sa Pilipinas hanggang sa ngayon.

52 Legal trickey o paglalaro ng batas, Maging ang Batas Rizal ay biktima ng ganitong kapangit na paglalaro ng batas.

Page 14: FilibusterismoDeciphered -kab11

mainam na paglilibing at ang hindi, ay magkaisa rin kung mabulok!  Balang araw ay pagkukukutusan ko iyan, eh!”53

            At inianyong pasuntok ni Padre Camorra ang kanyang kamay.           

“At sadya naman,” ang wika ni Padre Sibyla na waring walang kinakausap kundi si Padre Irene,54 “na ang ibig magturo ay maaaring magturo saanman, kahit walang bubong; si Socrates ay nagturo sa mga liwasang-bayan, si Platon ay sa mga halamanan ng akademya, at si Cristo ay sa mga kabundukan at karagatan.”

“Marami akong natatanggap na karaingan laban sa maestrillong iyan,” ang sabi ng Heneral na nakipagsulyapan kay Simoun, “inaakala kong ang lalong mabuti ay alisin siya.”55

            “Alisin!” ang ulit ng kalihim.

            Ikinalulungkot ng mataas na kawani ang kapalaran ng sawing taong iyon na humihingi ng abuloy at ang nakamit ay ang pagkaalis sa katungkulan, kaya’t tinangkang saklolohan.

          “Ang katotohanan, ay…” ang sabing may panganganib, “na ang pagtuturo ay hindi naaarugang mabuti…”           

“Nagtakda na ako ng maraming halaga na ipamimili ng mga kailangan,” ang sabing mataas ng Heneral na waring ang ibig turan ay:  ‘Gumawa na ako nang higit sa nararapat!’56

            “Nguni’t sa dahilang walang bahay na sadya ay nangasisira ang

mga kasangkapang binibili…”

53 Bakit galit si Padre Camorra sa sinabi ng guro ng Tiyani?Ang sinasabi ng guro ay isang katotohanan, samantalang ang nasisingil ni Padre Camorra ay higit na mas malaki ang halaga kapag marangal ang libing.54

Parang bale-wala sa Dominikanong si Padre Sybila ang eksistensiya ng Pransiskanong si Padre Camorra. Maaring ang pagtaas ng katungkulan ni Padre Sybila ang gumawa ng ganito ere dahilan sa Kabanata 1 ng Noli Me Tangere ay pinakikitunguhan pa niya ng kahit paano ng pakundangan ang Pransiskanong si Padre Damaso.

55 Pansinin ang inpluwensiya ni Simoun sa Kapitan Heneral, tinitingnan ng huli ang reaksiyon ni Simoun. Waring isang Faust na nakikiramdan sa magiging reaksiyon ng kaniyang Mephistopheles.

56 Ibig sabihin ay may budget ang public instruction noon, maaring ito ay hindi sapat o maaring noon ay may mga sindikato na sa Kagawaran ng Edukasyon. Tama ba ako Bro. Armin?

Page 15: FilibusterismoDeciphered -kab11

            “Hindi magagawang sabay-sabay na lahat,” ang biglang putol ng Heneral.  “Hindi mabuti iyang paghingi ng mga guro rito ng mabubuting gusali, gayong ang mga guro sa Espanya ay namamatay sa gutom.  Kalabisan na iyan, ibig pang humigit kaysa mga nasa Inang-Bayan.”           

“Filibusterismo…”           

“Una muna sa lahat ang Inang-Bayan!  Una muna ang ating pagka-Kastila!” ang dugtong ni Ben-Zayb na ang mata’y kumikinang dahil sa puno ng pag-ibig sa tinubuang lupa; at namula nang kaunti dahil sa nakitang siya’y napag-isa.

            “Magmula ngayon,” ang sabi ng Heneral, “ay alisin sa tungkulin ang bawa’t dumaing.”           

“Kung ang panukala ko lamang ay tatanggapin,” ang pasumalang sabi ni Don Custodio, na waring kinakausap ang sarili.           

“Tungkol sa mga bahay paaralan?”          

“Magaan, magagawa at walang gugol, na gaya ng lahat ng aking panukala, anak ng mahabang pagkamalas sa mga bagay-bagay at pagkakilala sa lupaing ito.  Ang mga bayan ay magkakaroon ng paaralan na hindi paggugugulan ng pamahalaan.”           

“Kilala na ang panukalang iyan,” ang pakutyang sabi ng kalihim, “ipag-utos sa mga bayang magtayo ng bahay-paaralan sa tulong ng kanilang sariling gugol.”           

Ang lahat ay nagtawanan.           

“Hindi po, hindi po,” ang sigaw ni Don Custodio na nangumpinyo at namula, “ang mga bahay ay nakatayo na at nag-aantay lamang na gamitin.   Mabuti sa katawan, walang kapintasan at maaliwalas.”           

Ang mga prayle ay may pangambang nagtinginan.   Ipalalagay kaya ni Don Custodio na gawing paaralan ang mga simbahan at mga kumbento o bahay-pari?”57

            “Tingnan natin!” anang Heneral na ikinunot ang noo.

57 Ipinakita ni Rizal sa pamamagitan ng kaniyang mga tauhan ang tipikal na pagkatakot sa repormang panlipunan ay ang pagkawala ng kanilang mga ari-arian at kayamanan.

Page 16: FilibusterismoDeciphered -kab11

            “Napakadali, aking Heneral,” ang tugon ni Don Custodio na

umunat at ginamit ang malaking boses na kagamitan niya sa mga tanging pagpupulong, “ang mga paaralan ay bukas lamang sa mga araw na iginagawa at ang mga sabungan ay sa mga araw lamang ng pista… Gawing paaralan ang mga sabungan kahi’t sa loob man lamang ng sanlinggong araw.”           

“Bah, bah, bah!”           

“Pumuslit na rin!”           

“Nguni’t kung anu-ano ang naiisip ninyo, Don Custodio!”           

“Isang kahalak-halak na panukala!”           

“Ang lahat ay nalulusutan nito!”           

“Nguni’t mga ginoo,” ang sigaw ni Don Custodio nang madinig ang gayong mga pabulalas, “magpakatino nga tayo; alin pa ang bahay na lalong agpang kaysa sabungan?  Malalaki, mabubuti ang pagkakayari, at wala namang kapararakan sa loob ng sanlinggo.  At maging sa dako man ng maayos na ugali tingnan, ang aking panukala ay matatanggap; magiging isang panlinis at pagsisisi sa lingguhan ng sabungan.”           

“Nguni’t maminsan-minsan ay may sabong sa buong sanlinggo,” ang pahiwatig ni Padre Camorra, “at yamang ang may pasabong ay nagbabayad sa pamahalaan, ay hindi nararapat na…”           

“Oh, siya…sa mga araw na iyan ay huwag magpaaral!”

          “Bah, bah!” anang Heneral, “ang ganyang kakila-kilabot na bagay ay hindi mangyayari samantalang ako ang namamahala.  Hindi magpapaaral dahil sa nagsasabong!  Bah, bah, bah!  Magbibitaw na muna ako ng tungkol!”           

At ang Heneral ay lubha nga manding nasusulikasok.

           “Nguni’t aking Heneral, mabuti na ang mawala sa ilang araw kaysa buwanang mawala.”           

“Iyan ay laban sa mabuting ugali!” ang dugtong ni Padre Irene na lalo pa manding bugnot kaysa Heneral.58

58 Tandaan ang lupit ng pagtutol ni Padre Irene sa sabungan. Pero ikumpara naman ito sa kaniyang magiging paninindigan isang panibagong isyung

Page 17: FilibusterismoDeciphered -kab11

            “Lalong laban sa mabuting ugali ang pagkakaroon ng maiinam

na gusali ang sugalan at ang paaralan ay wala.59  Magpakatino tayo, mga ginoo, at huwag tayong paakay sa mga udyok ng kalooban.   Sa pulitika ay wala nang hihigit ng sama sa padala sa bugso ng damdamin.60  Samantalang sa paggalang sa katauhan ay ibinabawal natin ang pagtatanim ng apyan sa mga lupang ating nasasakop ay binabayaan naman natin ang paghitit, ang nangyayari’y hindi natin binabaka ang bisyo at namumulubi tayo.”61

            “Nguni’t unawain ninyong iyan ay nagbibigay sa pamahalaan ng

may apat na raa’t limampung libong piso na walang ano mang gawa,” ang tugon ni Padre Irene, na lalo’t lalo pang kumakampi sa pamahalaan…62

            “Siya, siya na, mga ginoo,” ang sabi ng Heneral na pinutol ang pagtatalo, “mayroon akong balak tungkol sa bagay na iyan at higit

moral na tatalakayin din sa kabanatang ito.

59 Isang anyo ng indignasyon ni Rizal sa kalagayan ng edukasyon ng Pilipinas noon.60 Lumilitaw na ang layunin ni Rizal sa bahaging ito ay buhusan ng tubig ang kaniyang mambabasa, lalo na ang mga Espanyol at ang kolonyal na simbahan na higit na tinatamaan ng mga sinusulat niya sa bahaging ito. Ang ganitong istilo ng panawagan ng pagiging mahinahon ay mapapansin sa katapusan ng Kabanata 10.

61 Ipinapakita sa bahaging ito ang ipokritong patakaran ng Espanya ang pagbabawal sa pagtatanim, subalit pinapahintulutan at pinagkakakitahan ang pagbibili ng opyo.

Sa pagtatapos ng pananakop ng Espanya sa Pilipinas ito ay nagkaroon ng daan-daang lisensiyadong hititan ng opyo at ang kumikita ng taon-taon sa kalahating milyong dolyar mula sa bisyo.Basahin ang libro ni Alfred W. McCoy Policing America's empire: the United States, the Philippines, and the Rise of the Surveillance State.

62 Pansinin na ang pinasang-ayon ni Rizal sa pangangailangan na ipagpatuloy ng pamahalaang kolonyal ang pagpapagamit ng opyo ay mismong si Padre Irene. (Kaibang-kaiba na noon at ngayon hi hi hi). Tandaan na mismong si Padre Irene ay inilarawan ni Rizal sa nobelang ito bilang isang drug pusher na nagdadala ng opyo sa noon ay sugapang si Kapitan Tiyago.

Page 18: FilibusterismoDeciphered -kab11

kong iniuukol ang aking pag-iisip sa pagtuturong pangpubliko.63  Mayroon pa bang bagay na pagpapasyahan?”

            Wari’y natatakot na tiningnan ng kalihim si Padre Sibyla at si Padre Irene.  Ang pinakamalaki’y lalabas na.  Ang dalawa’y humanda.

            “Ang kahilingan ng mga nag-aaral na humihinging pahintulot upang magbukas ng isang akademya ng wikang Kastila,” ang sagot ng kalihim.64

            Napuna sa lahat ng nasa salas ang pagkagulo, at matapos silang makapagtinginan ay napatitig sa Heneral upang makilala ang ipapasya nito.  May anim na buwan nang ang kahilingan ay nag-aantay doon ng isang kapasyahan at naging isang wari’y casus belli na tuloy ng ilang lupon.65  Ang Heneral ay nakatungo na wari’y upang huwag makilala ng iba ang kanyang iniisip.

            Bumibigat ang anyo ng pananahimik at ang gayon ay nahalata ng Heneral.

            “Ano ang pasya ninyo?” ang tanong sa mataas na kawani.           

“Ano pa ang ipapasya ko, aking Heneral…!” ang sagot ng tinanong na kinibit ang balikat at ngumiti ng ngiting malungkot, “ano ang ipapasya ko kundi ang kahilingan ay karapat-dapat66 at

63 Mapapansin na iniiwasan ng Kapitan Heneral ang ukol sa isyu ng opyo. Talagang napakatalas ni Rizal dahilan sa nagawa ni Rizal na maisama ang isa sa pinaka-kritikal na patakarang moral ng kolonyal na pamahalaan ng Espanya sa Pilipinas, sa pamamagitan lamang ng hila (o wala sa agenda) ng mga nag-uusap. Pansinin na sa pag-iwas na matalakay ang maruming patakaran ay tumungo siya sa tila may kabuluhan – ang public instruction.

64 Ang katotohanan, ang malaking isyu na tinatalakay sa bahaging ito ukol sa panukala ng akademiya ng wikang Espanyol ay tunay na piktisyoso, subalit bago talakayin ito ay nagawa ni Rizal na talakayin ang mga isyung panlipunan at bigyan ng maanghang na puna mula sa kaniyang mga nilikhang tauhan.

65 Ang usaping pang-wika ukol sa paggamit ng wikang Espanyol ay casus belli (sanhi ng digmaan) o sanhi ng iringan ng mga tao sa pamahalaan na ang iba ay sang-ayon at iba ay tutol.

66 Sinasabing karapat-dapat ang kahilingan ng mga mag-aaral sa pagtatayo ng akademiya na magtuturo sa kanila ng wikang Espanyol, ito ay dahilan sa kasang-ayon ng batas ng Espanya.

Page 19: FilibusterismoDeciphered -kab11

ipinagtataka ko ang pagtatagal ng anim na buwan upang ang bagay na iyan ay mapagpasyahan!”67

            “Hindi’t may napapagitnang mga bagay-bagay,” ang

malamig na tugon ni Padre Sibyla na ipinikit nang kaunti ang mata.68

            Muling ikinibit ng mataas na kawani ang kanyang   balikat na waring hindi niya batid kung ano ang mga bagay-bagay na iyon.69

            “Bukod sa wala sa panahon ang ninanasa,” ang patuloy ng

Dominiko, “bukod sa taglay niyang laban sa aming kapangyarihan.”70

67 Dito ay gumagawa ng pagbubunyag si Rizal – ang katagalan ng patakaran ng Espanya na turuan ang mga Pilipino ng wikang Espanyol at katagalan upang ito ay maipatupad. Ang ginamit ni Rizal ay buwan, subalit ang reyalidad kasaysayan ay nagsasabi na ito ay umabot ng siglo. Ang katunayan, sa pagtatapos ng kolonyalismong Espanyol ay sinasabi sa mga ulat pang-edukasyon ng mga Amerikanong humalili sa kanila na hindi naging unibersal ang pagamit ng Espanyol sa kapuluan. (Nota para sa sarili: Hanapin at isitas ang eksaktong Educational Report ng Public Instruction)

68 Ang sagot ni Padre Sybila ay isang anyo ng pagpapaliwanag sa dahilan ng pagkabalam ng pagpapatupad ng patakarang pang-wika ng pamahalaang kolonyal ng Espanya sa Pilipinas. May mga nakagitnang mga bagay-bagay o konsiderasyon (Es que se atraviesan de por medio consideraciones). Ang pangunahing ayaw na ipatupad o maikalat ang wikang Espanyol sa Pilipinas ay ang mga prayle. Sundan pa ang talakayan sa kabanatang ito.

Bakit nakapikit ang mata ni Padre Sybila habang sinasabi niya ito sa Kapitan Heneral?

Ito ang aktwasyon ng isang taong nagsisinungaling. 69

Ang ipinakitang aktwasyon ng Kalihim ng Kapitan Heneral ay sumisimbolo sa nagging patakaran ng kolonyal na pamahalaan ng Espanya na pagiging walang pakialam o hindi pagigiginng masugid sa pagpapatupad ng pagtuturo ng wikang Espanyol sa Pilipinas.

Sa kabilang dako, ang kawalan na ito ng pagsisikhay ng pamahalaan at ang pagnanais ng mga reaksiyonaryong mga prayle noon na maituro sa buong kapuluan ang wikang Espanyol ay nagligtas sa ating mga wikang pang-rehiyon.

70 Ang pangunahing paniniwala o saloobin ng nakarararaming mga prayle noon, na ang pagkatuto ng mga mamamayan ng Pilipinas ng wikang Espanyol ay isang anyo ng panganib sa kapangyarihan ng Espanya sa Pilipinas. Natutunan nila ang karanasang pangkasaysayan na ito sa mga bansa sa Latin America, kung saan ipinatupad at naging epektibo ang pagtuturo ng wikang Espanyol na sa unang dalawang dekada pa lamang ng ika-19 na siglo, ang mga kolonyang kanilang nasasakupan ay humiwalay at nagpahayag na nang kasarinlan.

Page 20: FilibusterismoDeciphered -kab11

            Hindi nakapagpatuloy si Padre Sibyla at tumingin kay Simoun.71

            “Ang kahilingan ay may anyong dapat paghinalaan,” ang dugtong nitong huli na nakipagtinginan sa Dominiko.72

            Ito’y makalawang pumikit.73 Nang makita ni Padre Irene ang gayon ay nahalata na niyang ang kanyang usap ay talo na halos sapagka’t kalaban si Simoun.

            “Isang payapang pagtakwil, isang pagbabangong ang gamit ay papel selyado,” ang dugtong ni Padre Sibyla.

            “Pagbabangon, pagtakwil?” ang tanong ng mataas na kawani, na napatingin sa madla, na wari’y walang  maantiluhan.74

            “Ang namumuno ay mga binatang kilala sa pagiging repormista at pagiging makabago, kung hindi sila babansagan ng iba pang tawag,”75 ang dugtong ng kalihim sa Dominiko, “ang isa sa kanila’y

71

Pansinin na si Padre Sybila ay tumingin din kay Simoun na siyang Mephistopheles /D iablo sa likuran ng Kapitan Heneral. Waring si Padre Sybila sa kaniyang pagsasabi ng mga sinungaling na kadahilanan ng hindi maayos na pagpapatupad ng pagtuturo ng wikang Espanyol ay nakikiramdam sa pagsang-ayon ng Diablo.72

Ang hitsura rito ni Simoun ay waring Mephistopheles na sumasang-ayon sa kasinungalingan ni Padre Sybila. Ang totoo ay pinasasakay lamang ni Simoun si Padre Sybila.

73 Bakit dalawang beses pumikit si Padre Sybila sa pagsang-ayon ni Simoun?Nararamdaman ni Padre Sybila ang bigat ng kaniyang dindalang pagsisinungaling sa pamamagitan ng pagsang-ayon ni Simoun sa kaniyang sinabi.

74 Ang waring hangal na aktwasyon ng Kalihim ay simbolo na naglalarawan ng pagtatalong isip o hindi maintindihan ng mga liberal na Espanyol noon ang relasyon ng pagtuturo ng wikang Espanyol sa posibilidad ng pag-aalsa ng mga Pilipino.75

Para sa Kalihim na kumakatawan sa mga liberal na Espanyol, ang mga kabataan ay repormista at makabago, subalit nagiging iba ang pagtingin ayon sa pagbabansag tulad ng rebolusyonaryo, aktibista.

Page 21: FilibusterismoDeciphered -kab11

nagngangalang Isagani, 76 ulong hindi matino 77… pamangkin ng isang klerigo…”

            “Isa sa mga tinuturuan ko,” ang sagot ni Padre Fernandez, “at ako’y nasisiyahang-loob sa kanya.”78

            “Puñales, kasiyahan din naman iyan!” ang bulalas ni Padre Camorra, “kamunti na kaming magpanuntukan sa bapor sapagka’t napakawalang-galang.   Itinulak ko siya at itinulak naman ako!”79

            “Mayroon pang isang nagngangalang Makaragi o Makarai…”

            “Makaraig,” ang sagot ni Padre Irene na nakihalo sa usapan, “isang binatang napakaganda ng ugali at nakalulugod.”80

            At bumulong sa Heneral.

            “Iyan ang sinabi ko sa inyo, mayaman… ipinakikiusap ng condesa na inyong tingnan .”81

            “Ah!”

            “Isang nag-aaral sa panggagamot, na nagngangalang Basilio.”

            “Sa Basiliong iyan ay wala akong masasabi,” ang tugon ni Padre Irene na itinaas at ibinuka ang mga kamay na waring nagdo-dominus voviscum, “sa ganang akin, iyan ay tubig na hindi kumikilos.  Kailan ma’y hindi ko naunawa ang ninanasa ni ang iniisip.82  Sayang at hindi natin kaharap ngayon si Padre Salvi upang magpakilala sa atin ng

76 Nota sa pag-aaral na ito: Mapapansin na ang pangalan ng isa sa mga pangunahing tauhan sa Fili ay ISAgani, hindi kaya tayo pinaglalaruan ni RIZAL sa pangalan ng kaniyang tauhan na ito?77

Sa tekstong Espanyol ay poco sentada o little sense.

78 Sa nobelang ito, si Padre Fernandez ang paboritong guro ni Isagani.79

Talagang ginawang katatawanan ni Rizal si Padre Camorra – walang galang daw si Isagani, dahil nang itulak niya ang binata ay tinulak din siya.80

Si Padre Irene ay tagapagtaguyod ni Macaraig na makikilala nating mabuti sa mga susunod na kabanata.81 Ang condesa na tinutukoy ni Padre Irene ay asawa ng Kapitan Heneral (kung sa ngayon ay First Lady)82

Page 22: FilibusterismoDeciphered -kab11

pinagmulan ng binatang iyan!  Naaalala kong aking nadinig na sinasabing noong kanyang kabataan ay may ipinakialam sa kanya ang guwardiya sibil…ang kanyang ama’y napatay sa isang gulo na hindi ko na maalaala…”83

            Si Simoun ay napangiting malumanay, walang kalatis, ipinatanaw lamang ang kanyang ngiping maputi’t mabuti ang pagkakahanay.84

            “Aha, aha!” anang Heneral na tumangtang, “gayon pala!  Itala ninyo ang pangalang iyan!”85

            “Nguni’t aking Heneral,” ang sabi ng mataas na kawani nang makitang masama ang tungo ng salitaan, “hanggang sa ngayon ay wala pang nababatid na bagay na tiyak na laban sa mga binatang iyan; ang kanilang kahilingan ay matuwid at wala tayong karapatang huwag dinggin dahil sa panunulay lamang sa mga haka-haka.  Sa akala ko ay nararapat na sang-ayunan ng pamahalaan ang kahilingan at sa gayon ay magpapamalas ng kanyang pagkakatiwala sa bayan at ng katibayan ng kanyang pagiging matatag; at siya’y may kalayaang bawiing muli ang pahintulot kung makitang dahil sa kanyang mabuting kalooban ay nagmamalabis ang mga pinagbigyan.  Mga sanhi at paraan sa pagbawi ay hindi

Ang totoo ay malimit na nagkikita si Padre Irene at si Basilio. Ito ay dahilan sa nakatira si Basilio sa bahay ni Kapitan Tiago. Tahimik si Basilio na nakikiramdam sa mga ginagawa ni Padre Irene na pagbibigay ng opyo kay Kapitan Tiyago.

83 Mapapansin na si Padre Irene ay nagsasagawa rin ng inbestigasyon upang maunawaan ang katahimikan ni Basilio.84

Sa bahaging ito ay inilalarawan ni Rizal na si simoun ay nakangiting tulad ng Diablo. Ginamit lamang ni Rizal ang salitang pantay na pagkakahay – ito ay para hanapin ng mga matatalinong mambabasa ang pangil na wala sa kaniya.

Bakit nakangiti si Simoun?Pinagtatawanan niya ng lihim si Basilio. Sa kabanata 7 ay tumanggi ang binata na sumang-ayon sa kaniyang kagustuhan at nakikita niya ang pagkakamali nito, dahilan sa kahit ayaw ni Basilio ng gulo ay napapasangkot ito ng wala siyang kamalay-malay.85

Sa totoo lang kung pag-iisipan lamang ang mabilis na desisyon ng Kapitan Heneral ito ay isang katatawanan. Ipinalilista agad si Basilio sa mga pinaghihinalaan, gayong ang ulat ay hindi naman ganap na malinaw. Parang ang ipinalilista mo sa mga listahan ng mga possible rapist ang mga lalaking umiihi sa pader.

Page 23: FilibusterismoDeciphered -kab11

mawawalan, mababantayan natin sila… ano’t pasasamain ang loob ng ilang binata na mangyayaring magdamdam pagkatapos, gayong ang kanilang hinihiling ay nalalagda sa mga utos ng hari?”

            Si Padre Irene, si Don Custodio at si Padre Fernandez ay nagpamalas ng kanilang pagsang-ayon sa pamamagitan ng tango ng ulo.

            “Nguni’t ang mga Indiyo ay hindi nararapat matuto ng wikang Kastila, batid baga ninyo?” ang sigaw ni Padre Camorra, “hindi dapat matuto sapagka’t pagkatapos ay nakikipangatwiranan sa atin, at ang mga Indiyo ay hindi dapat mangatwiran kundi sumunod lamang at magbayad…hindi dapat manghimasok sa pagsuri ng sinasabi ng mga kautusan at ng mga aklat.  Napakamatatalas at mga mapag-usap!  Pagkaalam ng wikang Kastila ay nagiging kalaban ng Diyos at ng Espanya…86 basahin ninyo ang kabuhayang Tandang Basiong Makunat at kung hindi gayon.  Iyan ang aklat!  May mga katotohanang gangganito!”

          At ipinakita ang mabibilog niyang kamay na pasuntok.87

            Hinaplos ni Padre Sibyla ang kanyang anit, bilang tanda ng

pagkainip.

            “Isang salita!” anya, na umanyo ng anyong lalong mapayapa sa gitna ng kanyang pagngingitngit, “hindi ang pagtuturo lamang ng wikang Kastila ang pinag-uusapan dito, dito’y may isang piping pagtutunggali ng mga nag-aaral at ng Unibersidad ng Sto. Tomas; kung masusunod ng mga nag-aaral ang kanilang hangad ay manghihina ang pananalig sa amin, sasabihing kami’y dinaig at mangagmamataas at wala na ang paniniwala, wala na ang lahat!  Pagkaguho ng unang sagka, sino pa ang makahahadlang sa kabataang iyan?  Sa aming paglagpak ay wala kaming gagawin kundi ang ipakilala naman ang paglagpak ninyo.  Matapos kami, ang pamahalaan naman.”88

86 Pansinin sana ang pinakamalupit na insulto na ginawa ni Rizal sa kapraylehan na tutol sa pagtuturo ng wikang Espanyol. Ang ginamit ni Rizal na tagapagsalita ay isang prayleng hangal at immoral – si Padre Camorra. 87

Napakarikit na insult ni Rizal sa librong pinagbatayan ni Padre Camorra na Basiong Macunat gasuntok lamang ang laman. Ito ay dahilan sa ang aklat na Basiong Macunat ay librong pinagtampuhan ng scholarship.88 Sa pangangatwiran ni Padre Sybila ay tinatakot niya ang pamahalaan upang huwag ipatupad ang layunin ng mga kabataang Pilipino ukol sa akademiya. Mapapansin na ang ginamit na paraan na ginamit sa pagpapaliwanag ay may diplomasya at waring may kabuluhan, kumpara sa

Page 24: FilibusterismoDeciphered -kab11

            “Iyan ang hindi mangyayari, puñales!” ang sigaw ni Padre Camorra, “tingnan muna natin kung sino ang may malakas na pansuntok!”

            Sa gayon ay nagsalita si Padre Fernandez, na sa buong pagtatalo ay nanatili lamang sa kangingiti.  Lahat ay nakimatyag sapagka’t kilalang siya’y may mabuting ulo.            “Huwag sumama ang loob ninyo sa akin, Padre Sibyla, kung hindi ninyo ako kaisa sa paghuhulo tungkol sa bagay na ito; nguni’t napakatanging kapalaran ang sa akin, na kailan man halos ay kasalungat ako ng aking mga kapatid.  Ang sabi ko nga’y hindi tayo dapat mabakla.  Ang pagtuturo ng wikang Kastila ay mangyayaring pahintulutan ng walang anumang kapanganiban, at upang huwag lumabas na isang pagdaig sa unibersidad ay nararapat na tayong mga Dominiko ay magpauna sa pagkagalak nang dahil sa bagay na iyan; iyan ang politica.  Bakit tayo makikipaglabanan tuwina sa bayan, sa tayo ay kakaunti at sila ay marami, gayong kailangan natin sila at tayo’y hindi nila kailangan?  Hintay muna kayo, Padre Camorra, hintay muna kayo!  Payagan na nating ngayon ay mahina ang bayan at walang maraming nalalaman, ako man ay gayon din ang akala ko, nguni’t bukas ay hindi na gayon, ni sa makalawa.  Bukas makalawa ay sila ang magiging malakas, mababatid ang kanilang mga kailangan at hindi natin mapipigil, gaya rin naman ng hindi mangyayaring mapigil, na pagdating ng bata sa ilang gulang ay makaalam ng maraming bagay… Ang sinasabi ko nga ay bakit hindi natin samantalahin ang kalagayang ito sa kamangmangan upang magpalit ng paraan sa pamamalakad at itatag sa matibay na batayan, na hindi mapapawi, sa batayang katwiran, sa halimbawa, at huwag sa batayang kamangmangan?  Sapagka’t wala nang kagaya ng maging makatwiran, gaya ng sinabi ko tuwi-tuwina sa aking mga kapatid, nguni’t ayaw akong dinggin.  Ang Indiyo, gaya rin ng alinmang bayang bata pa, ay mapag-usig ng katwiran; humihingi ng parusa kung nagkasala, gaya ng siya’y namumuhi kapag siya’y pinarurusahan kahit hindi nagkukulang.  Marapat ang hinihingi?  Ipagkaloob, ibigay natin sa kanila ang lahat ng paaralang kailangan, mapapagod din sila.  Ang kabataan ay bulakbol na talaga, ang nag-uudyok lamang sa kanila sa pag-uusig ay ang ating pagsalungat.  Ang ating panilong karangalan ay luma na, Padre Sibyla; gumawa tayo ng iba.  Ang panilong pagkilala ng utang na loob, sa halimbawa.  Huwag tayong magsamangmang, gayahin natin ang mga Heswita…”89

magaspang na paraan ng paglalahad ng pangangatwiran ni Padre Camorra.89 Sa mga paglalahad ng mga palagay, ang pinakamahusay ay ang inilahad ni Padre Fernandez. Subalit nilagyan ni Rizal ng napakalaking insulto – ito ay sa pagpapakilala na ang liberal na kaisipan na ito ay hindi sa Dominicano, kundi

Page 25: FilibusterismoDeciphered -kab11

            “Oh, oh, Padre Fernandez!”

            Hinding-hindi maipauubaya ni Padre Sibyla ang lahat liban na lamang ang pagayahan sa kanya ang mga Heswita.  Namumutla’t nanginginig na nagbubusa ng mga matalas na wika.

            “Magpransiskano na muna… Kahit ano, huwag lamang Heswita!” ang sabing walang patumangga.90

            “Oh, oh!”91

            “Eh, eh!  Padre P…!”92

            Ang sumunod ay isang pagtatalong panabay ng lahat, na nalimot na ang Heneral; nagsasalitang sabay-sabay, nagsisigawan, hindi mangagkalinaw, nangagtatalo; si Ben-Zayb ay kaharap ni Padre Camorra at nag-uumangan ng suntok, binabanggit ng isa ang mga gansa at ang isa’y ang mga manghihitit ng tinta, tinutukoy ni Padre   Sibyla ang kapitulo, at si Padre Fernandez naman ay ang sa Summa ni Sto. Tomas,93 atbp.; hanggang sa pumasok ang kura sa Los Baños at sinabing nakahanda na ang pananghalian.

            Tumindig ang Kapitan Heneral, at sa gayo’y naputol ang pagtatalo.

sa mga Jesuita. 90

Para sa mga Domicano ay napakababa ng tingin nila sa mga Jesuita. Pansinin na higit na gugustuhin pa ni Padre Sybila ang maging Pransiskano kaysa sa maging Jesuita. Sa NMT ay binanggit ni Rizal na para sa isang Papa ng simbahan, ang mga kautusan ng Pransiskano ay higit na angkop sa baboy.

91 Napakaikli subalit sapat na para tumawa – ito ay dahilan sa pinag-iingat ng isa sa mga naroon si Padre Sybila, dahilan sa may kaharap sila na Pransiskano na si Padre Camorra.

92 Ang sumunod ay isang malutong na pagmumura ang nabitawan ni Padre Camorra laban kay Padre Sybila. Ang higit na nakakatawa rito ay sa umpisa ng kabanata, napakalaki ng paggalang ni Padre Camorra kay Padre Sybila, kaya ang lagi niyang sinasabihan ng punales ay si Padre Irene. Sa pagkakataong ito ay ginawang patas ni Rizal ang pag-alimura sa dalawang Dominicano.93

Ito ang dahilan ng hindi magkapareho ng opinion nina Padre Sybila at Padre Fernandez. Si Padre Sybila ay nanghahawak sa mga kapasiyahan ng Kapitulo o lupon ng mga Dominicano at si Padre Fernandez ay sa pilosopiya ni St. Thomas Aquinas.

Page 26: FilibusterismoDeciphered -kab11

            “Siya, mga ginoo!” ang sabi, “ngayo’y marami tayong nagawa, gayong tayo’y nasa kapanahunan ng pagpapahinga!  May nagsabing ang mga bagay na maselan ay dapat pag-usapan sa pagtatapos ng pagkain.  Ako’y lubos na sang-ayon sa sabing iyon.”

            “Baka masira ang tiyan natin,” ang sabi ng kalihim, na ang tinukoy ay ang init ng salitaan.

            “Kung gayon ay ipagpabukas na natin.”

            Nagtindigang lahat.

            “Aking Heneral,” ang sabing marahan ng mataas na kawani, “ang anak na babae ni Kabesang Tales ay nagbalik na muli’t hinihingi ang paglaya ng kanyang nunong may sakit, na hinuli bilang kapalit ng ama…”           

Tiningnan siyang masama ang loob ng Heneral, na hinaplos ang malapad na noo.           

“Putris yatang hindi na babayaang ang tao’y makapananghaling mapayapa!”           

“Ikatlong araw na nang kanyang pagyayao’t dito; isang kaawa-awang dalaga…”           

“Ah, demonyo!” ang bulalas ni Padre Camorra, “sinasabi ko na ngang mayroon akong bagay na sasabihin sa Heneral; kung kaya nga ako naparito ay…upang katigan ang kahilingan ng binibining iyan!”94

            Kinamot ng Heneral ang kanyang tainga.

            “Siya,” ang sabi, “padalhan ng sulat ng kalihim ang tenyente ng guwardiya sibil upang pakawalan.  Hindi masasabing hindi ako maawain at mahabagin!”           

At tumingin kay Ben-Zayb.  Ikinisap ng mamamahayag ang kanyang mata.95

94 Dahilan sa sugalan ay nalimot ni Padre Camorra ang dahilan ng kaniyang pagpunta sa Los Banos. Ang lakarin ang pagpapalaya kay Tandang Selo. Ito ay upang kalugdan siya ni Juli. Subalit ang tunay na nakapagdulog nito sa Kapitan Heneral ay ang Kalihim na noon lamang niya naalala-ala. 95

Tiningnan ng Kapitan Heneral si Ben Zayb para maghanda ng Praise Release.

Page 27: FilibusterismoDeciphered -kab11