fil40 reaction papers

6
7/22/2019 Fil40 Reaction Papers http://slidepdf.com/reader/full/fil40-reaction-papers 1/6 SANTOS, Gerald P. Fil40 WFQ1 2012-46151 KRITIKA: KUBRADOR   Nakatala sa kasaysayan ng Pilipinas ang mahabang kultura ng sugal tulad ng sabong,  pagbabaraha at  jueteng na nagmula pa sa panahon ng Kastila at nanatili pa rin na bahagi ng ating lipunan magpahanggang ngayon. Minsan pa ay naging isang pambansang isyu ito na nagsiwalat sa kamalayan ng mga mamamayan ng sistema ng korapsyon at pagkagahaman sa pera ng mga nasa puwesto. Ipinamalas ang paniniwala ukol sa kultura ng kapalarang iniuugnay sa pagsusugal ang nagtatakda sa buhay o kamatayan ng mananaya. Walang pinagkaiba ang paniniwalang ito sa buhay ni Amy. Umiikot ang kanyang daigdig  bilang isang kubrador ng jueteng sa buhay, kapalaran at kamatayan. Araw-araw, sinusuyod niya ang kahabaan at kakiputan ng mga eskinita upang makahingi ng taya mula sa mga iba‟t ibang tao. Kasabay ng kanyang pag-  paparoo‟t parito ay ang pag-iwas sa mga “kalaban- sa mga taong  pipigil sa kanyang iligal na gawain. Pati na rin ang panghihingi ng abuloy ay siya rin niyang  pinasok. Ito ang naging buhay ni Amy. Isang babaeng matibay at may malakas tiwala sa sarili. Mayroong paninindigan. Hindi niya hahayaang may pumigil sa kanya; ang alam niya ay kailangan niyang gawin ang mga bagay na ito. Mula sa walang hanggang paglalakad tungo sa walang hanggang pagtakas. Ito ang kanyang kapalaran. Sa paglalaro ng mga numero, binbigyan niya ng maliit na pag-asa ang kanyang mga mananaya upang matikman ang kahit tikim ng tagumpay. Mapa-piso, limang  piso o sampu, tinitiyak niya na magandang kapalaran ang naghihintay para sa kanya at para sa iba. Ito rin ang siyang pagtakas niya sa kamatayan. Kamatayang bumabagabag sa kanyang gunita. Isang tahimik na pagtawag ng ina sa anak. Gunitang nilalaro ang imahinasyon upang makatakas sa pagkaulila. Pinatunayan sa pelikula ang maliit na hiblang naghihiwalay sa buhay at kamatayan. Si Otep, na di inaasahang nabangga ng sasakyan, ang lalaki sa sementeryo na nabaril dahil sa di  pagkakaunawaan at ang kanyang anak. Ipinapakita na ang mismo ang buhay ay isang sugal.  Nakataya ang buhay sa bingit ng kamatayan. Tila naging mabagal ang takbo ng kuwento at ang tanging malaking pagbabago ay nangyari lamang sa bandang huling bahagi ng pelikula. Kung saan, ang tumamang taya ay hindi naisama at hindi nailista sa numerong nanalo na siyang nagbigay ng sorpresa kung paano ito malalampasan ngunit hindi ito napakita kung naging matagumpay ang pagtakip ni Amy sa kanyang kasalanan.  Naging magandang instrumento ang pelikula upang malinawan at mas maintindihan ng mga Pilipino ang sistemang umiiral sa jueteng (na siyang nakakamangha dahil sa pagiging organisado nito) at kung paano ito umiiral sa mga lugar na pinamumugaran ng ganitong mga gawi. At ang  pagpapakita tunggalian ng buhay laban sa kamatayan; ang araw-araw na pagsusumikap upang mabuhay.

Upload: gerald-p-santos

Post on 10-Feb-2018

274 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Fil40 Reaction Papers

7/22/2019 Fil40 Reaction Papers

http://slidepdf.com/reader/full/fil40-reaction-papers 1/6

SANTOS, Gerald P. Fil40 WFQ1

2012-46151

KRITIKA: “KUBRADOR ” 

 Nakatala sa kasaysayan ng Pilipinas ang mahabang kultura ng sugal tulad ng sabong, pagbabaraha at jueteng na nagmula pa sa panahon ng Kastila at nanatili pa rin na bahagi ng ating

lipunan magpahanggang ngayon. Minsan pa ay naging isang pambansang isyu ito na nagsiwalat

sa kamalayan ng mga mamamayan ng sistema ng korapsyon at pagkagahaman sa pera ng mganasa puwesto. Ipinamalas ang paniniwala ukol sa kultura ng kapalarang iniuugnay sa pagsusugal

ang nagtatakda sa buhay o kamatayan ng mananaya.

Walang pinagkaiba ang paniniwalang ito sa buhay ni Amy. Umiikot ang kanyang daigdig

 bilang isang kubrador ng jueteng sa buhay, kapalaran at kamatayan. Araw-araw, sinusuyod niya

ang kahabaan at kakiputan ng mga eskinita upang makahingi ng taya mula sa mga iba‟t ibang tao.Kasabay ng kanyang pag- paparoo‟t parito ay ang pag-iwas sa mga “kalaban”- sa mga taong

 pipigil sa kanyang iligal na gawain. Pati na rin ang panghihingi ng abuloy ay siya rin niyang

 pinasok.

Ito ang naging buhay ni Amy. Isang babaeng matibay at may malakas tiwala sa sarili.

Mayroong paninindigan. Hindi niya hahayaang may pumigil sa kanya; ang alam niya aykailangan niyang gawin ang mga bagay na ito. Mula sa walang hanggang paglalakad tungo sa

walang hanggang pagtakas.

Ito ang kanyang kapalaran. Sa paglalaro ng mga numero, binbigyan niya ng maliit na pag-asa

ang kanyang mga mananaya upang matikman ang kahit tikim ng tagumpay. Mapa-piso, limang

 piso o sampu, tinitiyak niya na magandang kapalaran ang naghihintay para sa kanya at para sa

iba.

Ito rin ang siyang pagtakas niya sa kamatayan. Kamatayang bumabagabag sa kanyang gunita.

Isang tahimik na pagtawag ng ina sa anak. Gunitang nilalaro ang imahinasyon upang makatakas

sa pagkaulila. Pinatunayan sa pelikula ang maliit na hiblang naghihiwalay sa buhay at kamatayan.Si Otep, na di inaasahang nabangga ng sasakyan, ang lalaki sa sementeryo na nabaril dahil sa di

 pagkakaunawaan at ang kanyang anak. Ipinapakita na ang mismo ang buhay ay isang sugal.

 Nakataya ang buhay sa bingit ng kamatayan.

Tila naging mabagal ang takbo ng kuwento at ang tanging malaking pagbabago ay nangyari

lamang sa bandang huling bahagi ng pelikula. Kung saan, ang tumamang taya ay hindi naisama

at hindi nailista sa numerong nanalo na siyang nagbigay ng sorpresa kung paano itomalalampasan ngunit hindi ito napakita kung naging matagumpay ang pagtakip ni Amy sa

kanyang kasalanan.

 Naging magandang instrumento ang pelikula upang malinawan at mas maintindihan ng mga

Pilipino ang sistemang umiiral sa jueteng (na siyang nakakamangha dahil sa pagiging organisadonito) at kung paano ito umiiral sa mga lugar na pinamumugaran ng ganitong mga gawi. At ang

 pagpapakita tunggalian ng buhay laban sa kamatayan; ang araw-araw na pagsusumikap upang

mabuhay.

Page 2: Fil40 Reaction Papers

7/22/2019 Fil40 Reaction Papers

http://slidepdf.com/reader/full/fil40-reaction-papers 2/6

SANTOS, Gerald P. Fil40 WFQ1

2012-46151

KRITIKA: “Ukol sa Wika at Kulturang Pilipino” ni Zeus Salazar

Mula sa pananaw ni Zeus Salazar bilang ang wika ay “tagapagpahiwatig at imbakan-kuhanan ng kultura” , inilahad niya ang malaking papel na ginagampanan ng wika bilang isang

 paraan ng pagpapalawak at pagpapayaman ng kultura. Idinagdag din niya ang proseso ng

 pagsasakultura na nagdulot upang ang wika ay may pagkakakilanlan at hiwalay sa iba pang

wika. Sa paraang ito, mas magkakaroon ng buo at mas mayamang kultura “bilang kabuuan ngisip, damdamin, ugali at karanasan” na magiging susi upang mabuksan ang realidad ang

 pagkakalilanlan ng lipunan na hindi maiiuugnay sa iba pang mga kultura.

Ang wika ay isang salamin ng kasaysayan ng lipunan. Ipinapakita ng mga bokabularyo ngisang wika ay kapaligirang minsan bumalot o patuloy na umuusbong sa loob ng lipunan. Patuloy

ang ebolusyon ng wika na naaayon sa sabay na pamumuhay ng mga tao habang lumalago at pinagyayaman nito ang gamit at pangangailangan sa ekspresyon. Ang ekspresyon ang

nagpapakilala sa kultura at nagsisilbing anyong-panlabas nito. Nagiging daan din ang ekspresyon

upang makita ang pagkakakilanlan ng wika at pagpapakilala sa uri nito.

Mahalaga rin na ipunto na ang wika,bilang isang ekspresyon para sa anyong-panlabas, aynagsisilbing pundasyon sa pagbuo ng ethnos o bayan na may tanging kultura mula sa proseso ng

 pagkakultura mula sa mga kaganapan sa kasaysayan patungo sa pagbuo ng estado na binubuklod

ng kabuuang pangkultura.

Bilang isang repleksyon ng diwa ng kultura, ang gamit ng wika bilang impukan-kuhanan nglipunan kung saan dito “natitipon ang pag-uugali, isip at damdamin”. Ang impukan-kuhanan ngdamdamin, mga sentimiyento, kaisipan at kaalaman ang siyang nagiging ipunan at hanguan ng

kaisipang “makapagbibigay ng halaga o unawa sa kinauukulang kultura”. Ang wika ay naging

impukan-kuhanan ng nakaraan at kaalamang nauukol sa kultura ng lipunan na nagbibigay

 pahiwatig sa pinagdaanan ng wika at ang relasyon niyo sa iba pang mga wika.

Wika rin ang nagtataglay ng kakayahan upang maging isang daluyan ng kultura. Upangmapaloob ang isang tao sa isang kultura, kailangan matutunan ito upang maging kabahagi ng

kultura ng isang naturang lipunan. Dito mas mauunawan kung paano nahubog ang isip,

damdamin at karanasan ng lipunan. Subalit hindi matutunan lamang ang wika. Isang

napakahalagang elemento sa pakikiisa sa kultura ay ang interaksyon at partisipasyon na siyangnagbibigay ng kaugnayan at kapaligiran ng mga gawi mula sa kultura at sa wikang sumasalamin

dito. Posible na maging isang polyglot ngunit mahirap na mapaloob sa dalawang kultura o higit

 pa at maangkin siya nito dahil sa interperensiyang hindi nagiging isa sa kanyang kalooban. Sakabilang banda, nagiging mahalaga ang mga polyglots upang magpasok ng banyagang kultura o

mula sa mga kapatid na wika nito patungo sa isa pang kultura na nagdudulot upang mas

yumabong pa ang kultura.

Page 3: Fil40 Reaction Papers

7/22/2019 Fil40 Reaction Papers

http://slidepdf.com/reader/full/fil40-reaction-papers 3/6

  Mariing pinapatunayan ni Zeus Salazar na ang sariling wika ang siyang magiging susi upang

 pagyamanin ang sariling kultura. Kung anong wika ay siyang kultura. Ang paggamit ng

 banyagang wika ay pagpapayaman ng kanilang kultura at sa parehong panahon, ay daan upang

magpaangkin sa banyagang kultura at sumubok na umalis sa kulturang pinanggalingan ng isang

tao.

Sa Pilipinas, ang ugnayang pagkakultura at wika ay nagpausbong ng “ pamayanang pambansa”

na bago at malawak, niyayakap ang kabuuang etniko. Bago pa man dumating ang mga Kastila,

may hiwa-hiwalay na ethnos na napagbuklud-buklod lamang dulot ng sentralisadong pamahalaanng mga Kastila. Sa kanilang pamamahala, ang wikang Tagalog ang naging tagpuan ng mga

kultura ngunit may mga umusbong na kontra-kultura o salungat sa kakastilaan at kultura. Ang

 pag-usbong ng mga literaturang Tagalog noong panahon ng Rebolusyon ay isang protesta bilang

isang hudyat ng paghahangad ng isang bansa na ang kultura ay hiwalay sa Kastila.

 Ngunit sa pagpasok ng mga Amerikano, pumasok ang wikang Ingles bilang “isang elemento sa problemang k ultural” sa Pilipinas. Ayon kay Salazar, “ Itong huli’y (Ingles) hindi kailanman

maaaring maging tagapagpahayag ng wika ng nagiging kabuuang kultural na Pilipino. Wala

rito ang karanasang pambansa at kaalamang bayan.” Muli, pinunto ni Salazar ang impukan-kuhanan at daluyan na gamit ng wika upang ilahad ang kasaysayan at iugnay ang damdamin,

kaisipan at kaalaman ng lipunan.

Sa ngayon ang Ingles ay isa lamang wikang tulay patungo sa ibang kultura ngunit ang

kabuuang kultural ng mga Pilipino ay hindi maipapasaloob hangga‟t ang Pilipino ay hindi pa

tuluyang nagiging instrument ng interiorisasyon bilang pagpapasaloob sa Pilipinong kultura natuluyang hiwalay sa Ingles. Ayon pa rin sa artikulo, kailangan ibuhos ang pagpupunyagi sa

 pagpapayabong ng kulturang Pilipino sa pamamagitan ng wikang Pilipino at hindi ang

 pagpapayabong ng wikang Ingles na hindi maiuugnay sa ating kultura.

Sa aking pananaw, ang pagbuo ng isang mayamang kultura, ginamit ng artikulo ang tila tono

ng pagbabakod mula sa iba pang mga impluwensiyang kultural. Idagdag pa ang pagtingin saibang wika bilang banta sa sariling kultura. Ang pagkakahon na ito ay hindi nakatuon sa

 pagpapayaman ng diwa ng kultura bagkus ay pagpigil sa paglago ng kultura. Ang sinkretismo ay

isang natural na penomenon kung saan makikita ang paghahalo ng mga paniniwala tulad Hinduism at Buddhism na may mga Hindu-Buddhist monks at templo. Natural ang ganitong

 pangyayari sapagkat natural din ang kakayahan ng tao upang makibagay sa mga kaganapan lalo

 pa‟t kung ang naturang siklo ng tradisyon at kaisipan at nanatili sa lipunan sa loob ng mahabang

 panahon.

Hindi masama na pagyamanin ang sariling atin ngunit ang pagkulong ang pumipigil sa

 pagpasok ng mga kaalaman na maaring maging malaking tulong sa hinaharap.

Page 4: Fil40 Reaction Papers

7/22/2019 Fil40 Reaction Papers

http://slidepdf.com/reader/full/fil40-reaction-papers 4/6

 

SANTOS, Gerald P. Fil40 WFQ1

2012-46151

KRITIKA: “ Kultura ng Wika” ni Prospero Covar  

Ang kultura ng wika ay tumatalakay sa ebolusyon ng wika mula sa pinakamaliit na yunit nito patungo sa pagbuo ng sistema ng paggamit ng wika o ang balarila. Naging susi ang wika upang

mailarawan ang kapaligirang kinalakhan ng lipunan na siyang tumataya sa ugnayan ng tao sa

kanyang lipunan at ang lawak ng kakayahan ng tao sa kanyang paglikha.

Ang wika ay nagsimula lamang bilang isang tunog, maraming tunog. Sa pagpili ng mga tunog,

tinupad nito ang pangangailangan ng tao sa pakikipagtalastasan. At dahil sa mga kombinasyonng mga tunog na ito, nagkaroon ng patinig at katinig na mahahalagang elemento sa pagbuo ng

isang pantig, ang siyang pundasyon ng kataga at salita.

 Ngayon ang salita ay kinulayan ng kahulugan tulad ng sining. Naipahayag ng tao ang naisniyang iparating sa isang salita, mula sa katinig at patinig na naging pantig. Ang paglalapat ng

mga kahulugan na ito ang siyang bumuo sa kultura, kung saan sinasalamin ito ng wika.

Sa sinaunang paraan ng pagsulat sa Tagalog, ang Alibata ay nababatay sa pagpapantig.Mahalaga ang pagiging kasapi sa kultura ng lipunan na ito upang maintindihan ang

 pagkakapareho ng e at i , o at u, na sa ibang wika ay makikita ang kanilang pagkakakilanlan.

Babae ay babai; takbu ay takbo dahil kung anong basa ay siyang bigkas at kinakakailangan ng pakikiangkop sa konteksto ginagalawan nito. Kalaunan ay winasak ito ng mga Kastila sapagkat

ito raw ang likha ng demonyo.

 Nauuri ang mga salita bilang pangnilalaman (pangngalan, panghalip, pang-uri, pandiwa,

 pang-abay) na nagtataglay ng kahulgan at pangkayarian (pangatnig, pang-angkop, pang-ukol, pantukoy) na nag-uugnay sa mga salitang pangnilalaman upang makabuo ng parirala o

 pangungusap. Pumapasok dito ang sistema ng paggamit sa wika o balarila.

Makikita ang pagiging mayaman ng wikang Filipino sa pamamagitan ng mga salitang-ugat.

Ang paglalapi, pag-uulit ng pantig at pagtatambal sa iba pang salita ay naghahatid ng iba‟t ibang

kahulugan at pahayag na siyang nag-uugat sa parehong paksa. Halimbawa ay ang salitang ugat

na bahay. Kabahay ay tao habang ang bahay-bahayan ay kilos. Ang kabahayan ay tumutukoy sa pook at ang bahay-kubo ay nauukol sa isang gusali. Samakatuwid ang balanghay ng kahulugan

ng bahay ay maaring tumukoy sa tao, pook, kilos at gusali.

Ang wika ay walang duda, isang kultura pinagbuhusan ng pagtitiyaga at ng pagkamalikhain ngtao. Ang kultura ng wika ay siyang ebolusyon ng wika mula sa pinakamaliit na yunit nito

 patungo sa mas kumplikadong paggamit ng salita. Malinis na nilahad ni Covar ang ebolusyonang pag-uugnay ugnay ng bawat elementong bumubuo sa wika bilang morpolohikal na

 pagbabago sa bawat pantig. Ngunit mas maiintindihan pa ng mga mambabasa kung ito‟y

sasamahan ng mas maraming pag-aaral at paliwanag tulad ng mga halimbawa.

Page 5: Fil40 Reaction Papers

7/22/2019 Fil40 Reaction Papers

http://slidepdf.com/reader/full/fil40-reaction-papers 5/6

SANTOS, Gerald P. Fil40 WFQ1

2012-46151

KRITIKA: „” Philippine history” ni Isagani Cruz

Ang pagrekomenda sa “Readings in Philippine History/ Mga Bababasahin hinggil saKasaysayan ng Pilipinas” ay isang magandang hakbang upang mas sumentro ang pagkatuto

 batay sa kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral. Magandang hakbang din ito upang baguhin ang

sistema ng memorisasyon sa pag-aaral ng Kasaysayan at hindi pagpansin sa mga “bakit” at

“paano” bagkus mas pinapahalagahan ang mga tala kaysa sa kahulugan.  

Isasailalim ang naturang kurso sa General Education Curriculum bilang isang core course. Itoay kapapalooban ng pagtatatasa sa mga batis pangkasaysayan lalung-lalo na ang mga primaryang

 batis na may pagsusuri at pagtingin sa mga interpretasyon.

Bilang isang mag-aaral ng Kasaysayan, batid ko ang malaking kaibahan ng paraan ng pagturo

nito sa primary at sekundaryang antas. Ito pa nga marahil ang paksa sa paaralan na hindi

masyadong pinagtutuunan ng pansin.

Batay sa aking karanasan, ang pagtuturo ng Kasaysayan ay umiikot sa mga tala o facts. Samga pangalan at mga petsa. Ang kamalian sa pagkiling sa ganitong sistema ay ang kawalan ng pagtatanong, dahil lahat ay binatay na sa aklat at ang kahulugan ng mga talang ito. Maraming

 pangalan ang lumilitaw sa mundo ng Kasaysayan ngunit nawawala ang kahulugan ng paglitaw at

kahalagahan ng mga pangalan na ito.

Magiging mas kaabang-abang ang ganitong pagsasaayos ng klase sapagkat maipapakita angkahalagahan ng bawat ideya ng isang mag-aaral. Sa pagsusuri ng iba‟t ibang mga batis,

mahahasa ang kakayahan ng mga mag-aaral sa kritikal na pag-iisip at pagbuo ng imahe ng

lipunan na iniikutan ng panahon na ibinigay.

Isa pa, hands-on ang magiging interaksyon ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng kasaysayan

dahil makikita nila ang mga pangyayari sa mata mismo ng mga nakakita sa mga kaganapang ito.Magiging buhay ang Kasaysayan sa diwa at isipan ng mga mag-aaral dahil na rin sa pagkakaroon

ng pakiramdam ng pagbalik ng oras; pagtanto na ang mismong dokumentong ito ay ang siyang

naging mahalagang punto sa Kasaysayan ng ating bayan.

 Ngunit hinaharap pa rin nito ang suliranin sa paraan ng pagtuturo. Kahit pa sabihin na ito ay

sesentro sa mga palagay ng mga mag-aaral, kailangan pa rin ng gabay mula sa guro. Dahil samas nasanay sa lumang paraan ng pagtuturo ng Kasaysayan, maaring umabot ng mga ilang

 panahon upang maituro ito nang maayos. Maari ring magbigay ng seminar ang DepEd o CHED

upang isaayos ang sistema at upang maging handa ang mga magtuturo upang ilahad ang

nararapat na imahe ng lipunan na kanilang pinagaaralan.

Page 6: Fil40 Reaction Papers

7/22/2019 Fil40 Reaction Papers

http://slidepdf.com/reader/full/fil40-reaction-papers 6/6

  Napagdaanan ko na ang ganitong set-up ng klase ngayong kolehiyo. Tunay na kaabang-abang

ang bawat sandali at kung paano nakita ng mga nagdaang mga tao ang Pilipinas noon. Naroon

ang pagkabighani sa bawat sandali ng pagbubuo ng mga imahe, naroon ang pagkamangha sa

 pag-aalaala ng mga kaganapang bumago sa Kasaysayan.

Sa pagbibigay ng mga babasahin, nararapat lamang na ibigay ang pinakakinakailangan athuwag bigyan ang mga mag-aaral ng napkaraming trabaho dahil baka mabagot lamang sila at sa

halip na matuto ay kainisan ang kanilang pag-aaral.

Masaya pag-aralan ang Kasaysayan lalo pa‟t kung ito ay magbibigay sa atin ng kakayahan na

tignan ang mga bagay- bagay sa iba‟t-ibang pananaw habang kinikiliti an gating mga isipan at

 binubusog sa kaalaman.