epekto ng paggamit ng dinamita sa pangingisda

10
PANIMULA Mapapansin nating lahat na unti-unti nang nauubos ang mga isda sa karagatan. Ayon sa mga kwento ng mga matatanda napakasagana pa raw noon sa lamang dagat, subalit ngayon bakit napakahirap nang makahuli sa pamamagitan ng lambat o bingwit? Dahil sa mga katanungang ito, napag-isipan kong manaliksik tungkol dito… ano nga ba ang dahilan? Bakit sa laot na lang nakakahuli ng mga isda? Napakaraming kasagutan sa katanungan kung bakit, nariyan na ang panghuhuli ng isda sa pamamagitan ng cyanide, muro-ami, at marami png iba… Ngunit ang dynamite fishing ang napag-tuunan ng aking pansin kaya ito ang aking ilalahad sa mga susunod na pahina…

Upload: xlitx02

Post on 13-Apr-2015

6.911 views

Category:

Documents


68 download

DESCRIPTION

Cause & Effects of Dynamite Fishing

TRANSCRIPT

Page 1: Epekto Ng Paggamit Ng Dinamita Sa Pangingisda

PANIMULA

Mapapansin nating lahat na unti-unti nang nauubos ang mga isda sa karagatan.

Ayon sa mga kwento ng mga matatanda napakasagana pa raw noon sa lamang dagat,

subalit ngayon bakit napakahirap nang makahuli sa pamamagitan ng lambat o bingwit?

Dahil sa mga katanungang ito, napag-isipan kong manaliksik tungkol dito… ano

nga ba ang dahilan? Bakit sa laot na lang nakakahuli ng mga isda?

Napakaraming kasagutan sa katanungan kung bakit, nariyan na ang panghuhuli ng

isda sa pamamagitan ng cyanide, muro-ami, at marami png iba… Ngunit ang dynamite

fishing ang napag-tuunan ng aking pansin kaya ito ang aking ilalahad sa mga susunod na

pahina…

Page 2: Epekto Ng Paggamit Ng Dinamita Sa Pangingisda

I. Bakit Nauubos na Ang Mga Isda?

Sinisisi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang illegal fishing

sa kung bakit nangongonti ang mga isdang nahuhuli sa mga karagatan at ilog.

Ito ang tinuran ni Asis Perez, director ng BFAR sa pagdalaw nito sa Navotas Fish port

noong Miyerkules ng umaga.

Sinabi ni Perez na ang dynamite fishing at ang lambat na masinsin ang butas, ang

isa sa mga dahilan kung bakit wala ng mahuling isda.

“Imagine kapag gumamit ka ng dinamita kahit maliliit na isda nadadamay sa

pagsabog, kaya wala na halos mahuling isda. Yun namang gumagamit ng lambat na

masinsin ang butas, kahit malit na isda hinuhuli rin,” paliwanag ni Perez.

Maging ang mga ilog tulad na karaniwang pinangingisdaan ay napabayaan na rin at

tinatapunan ng basura.

“Dapat magkaroon tayo ng self sufficiency sa pangingisda nang sa ganun ay hindi

maapektuhan ang mga fishing grounds,” paliwanag ni Perez.

Isa sa ang Navotas fish port sa pinakamalaking pantalan sa bansa. – Orly L. Barcala

II. Ano Ang Dynamite Fishing?

Marami sa ating bansa ang pumapasok sa mga illegal na gawain para lang kumita

ng pera, ang dynamite fishing ang isa sa mga gawaing ito. Ang mga gumagawa nito ay

yong mga taong malapit sa karagatan.

Ang dynamite fishing ay isang paraan ng paghuli sa mga isda. Ito ay gumagamit

ng pampasabog na pumapatay sa mga isda at iba pang lamang dagat. Ito rin ay isang

2

Page 3: Epekto Ng Paggamit Ng Dinamita Sa Pangingisda

illegal na gawain na madalas ginagawa ng mga taong naniniwalang ito ang pinaka-

mainam na paraan ng pangingisda. Ang dynamite fishing ay hindi lang ginagawa sa

Pilipinas ngunit maging sa ibang panig ng daigdig.

III. Epekto ng Dynamite Fishing

A. Epekto Sa Kalikasan

1. Pagkasira ng Coral Reefs – kapag itinapon ng

mangingisda ang dinamita sa dagat malaki ang posibilidad na tamaan nito

ang coral reef. Ang coral reef ay nagsisilbing tirahan at protection ng mga

bata pang isda. Kapag nasira ang mga ito magkakaroon tayo ng

kakulangan sa yamang dagat at ang ibang mga mangingisda ay

mawawalan ng hanapbuhay.

2. Maraming Mawawala nang Lahi ng Isda– Sa mga

nakalipas na taon marami ang mga isda sa dagat ngunit dahil sa mga

illegal na gawaing ito marami ang nawawala ng mga isda. Sapagkat

nauubos na ang mga coral reefs hindi na sila dumarami.

3. Lamang Dagat – Ang mga isda at iba pang lamang dagat

ay lubhang naaapektuhan ng mga kemikal. Ang karamihan sa kanila ay

nababawasan ang abilidad upang makalangoy. Ang iba pang epekto ay

napapadali ang buhay at nahahadlangan ang paglaki.

3

Page 4: Epekto Ng Paggamit Ng Dinamita Sa Pangingisda

B. Epekto Sa Tao

1. Lason sa Katawan ng Tao – ang kemikal na ginagamit sa

paggawa ng dinamita ay hindi maganda sa kalusugan ng tao. Kung kaya’t

hindi pinapahintulutan ng gobyerno ang ganitong uri ng pangingisda.

2. Kawalan ng Hanap-Buhay – Sa paglipas ng panahon

kapag patuloy ang ilegal na gawaing ito mauubos ang mga isda, at kapag

nagkaganun marami ang mawawalan ng hanapbuhay na maaaring

dumagdag p asa suliranin ng ating bansa.

IV. Paano Ititigil ang Dynamite Fishing?

Inusisa ni Jarius Bondoc ang ilang dating dynamite fishers. Sa Nasugbu,

Batangas, huminto na sila dahil takot maputukan. Ilang kamag-anak na nila ay naputulan

ng braso; suwerte pa nga ang mga yon, ang iba ay namatay. Sa Puerto Prinsesa, Palawan,

nakita nilang maganda ang huli dahil walang "bung-bung" o "bigas-bigasan," mga code

sa dinamita. Nilisan nila ang mga kinalakihang baryo sa Bicol at Quezon dahil wala nang

bahurang tirahan ng isda; puting peklat na lang sa ilalim ng dagat ang iniwan ng putok at

cyanide.

Ano ang ginagawa nila ngayon? Balik sa pangangawil dahil yumabong na muli

ang laman-dagat. Karamihan ay volunteer pa man din ng bantay-dagat, mga patrolya ng

maliliit na mangingisda laban sa pagpapasabog o pamamasok ng commercial fishing

vessels sa municipal waters. Yung ibang bantay-dagat, may speedboat pa galing sa

4

Page 5: Epekto Ng Paggamit Ng Dinamita Sa Pangingisda

Bureau of Fisheries and Aquatic Resources. At yung ibang samahan nila, may sideline na

pagpapalaki ng green lapulapu sa fish cage o seaweeds na ine-export bilang carageenan.

Di lang takot maputukan o tuwa sa magandang huli ang sanhi ng pagbabago

Meron din silang mga opisyales na mahigpit magpatupad ng batas. Ayon kasi sa Fisheries

Code, pangunahing tungkulin ng meyor at barangay chairman sa mga baybayin ang

pagsupil sa ilegal na paraan ng pangingisda sa loob ng 15 kilometro mula pampang. At

meron silang mga naasang NGOs (nongovernment organizations) sa komunidad na

nagturo at nagpautang ng puhunan para sa sideline.

Tinataya ng World Fisheries Center na 90% ng lamang-dagat sa Pacific Ocean ay

inani na mula nung World War II. Inuubos pa ng dinamita at lason ang nalalabi. Maaring

maubos ang pagkain ng mga susunod na henerasyon.

May oras pang magbago at baliktarin ang epekto ng mapanirang pangingisda.

Magkaisa lang ang mga mangingisda, local officials at NGOs para ituwid ang lahat at

alagaan ang kalikasan.

5

Page 6: Epekto Ng Paggamit Ng Dinamita Sa Pangingisda

KONKLUSYON

Ang dynamite fishing ay isang paraan ng panghuhuli ng isda gamit ang dynamita,

pinapasabog ito sa karagatan at sa pamamagitan nito mas madaling manguha ng isda

sapagkat nakalutang na ang mga isdang nasabugan ng dinamita. Marami ang masamang

epekto nito sa kalikasan at sa kalusugan.

Ang masamang dulot nito sa kalikasan ay ang pagkasira ng mga coral reefs na

tahanan ng mga isda, kapag nawalan ng tahanan ang mga isda hindi na sila dadami kasi

malalantad sila sa mga predators at mauubos sila. Sa kalusugan ng tao naman, ang mga

isdang nasabugan ng dinamita ay napapasok ng mga lasong kemikal na nanggagaling sa

mga materyales na ginagamit sa paggawa ng dinamita. Maging ang dagat ay nalalason rin

ng mga kemikal na ito at kapag pumasok ito sa katawan ng isda o tao ay maaaring

ikamatay o magkasakit ang mga ito.

Napakalaki ng epekto nang ganitong uri ng pangingisda, yaong mga

mangingisdang gumagamit nito ay kailangang tumigil na sa kanilang masamang gawain

sapagkat tayong lahat ang magkaka-problema pagdating ng panahon.

6

Page 7: Epekto Ng Paggamit Ng Dinamita Sa Pangingisda

BIBLIYOGRAPIYA

Internet:

http://www.balita.net.ph/2012/03/11/bakit-nauubos-na-ang-isda/

http://www.philstar.com/opinyon/212953/paano-ititigil-ang-dynamite-fishing

http://ischoolpjborongan.wordpress.com/effects-of-dynamite-fishing/

7