el fili rosal-3 2011
DESCRIPTION
All Rights Reserved. :D More power Rosal! Good luck sa LT!TRANSCRIPT
El FilibusterismoIsang Presentasyon ng Rosal-3 2014
Kabanata 26 - 30
Kabanata 26Ang Paskin
Talasalitaan:
Pasiyang binaliP _ _ u _ _ _ i
PosterP _ _ _ _ n
KantoS _ _ i _ _ p
PagtataposI _ _ _ _ t _ d _ _ a
HeneralK _ _ o
PasubaliPaskinSalikop
InvesteduraKabo
Mga Tauhan:
BasilioMaaga siyang bumangon
upang dumalaw sa kanyang mga maysakit tutungo sa unibersidad upang pakialaman ang
tungkol sa kanyang pagtatapos at
makikipagkita kay Makaraig dahil sa
guguling lilikhain nitoGinugol ang malaking bahagi ng inimpol sa
pagtubos kay Juli at sa bahay para sa kanyang
ingkongMahihinuhang may
nalalaman si Basilio sa mga pangyayari dahil sa mga linya sa libro tulad ng "pinilit ni basilio na
makapagpigil" nang sinabi ng estudiyante na natuklas ng pamahalaan
at marami ang nasasangkot.
Propesor sa ClinicaKaibigan ni Basilio at
nagpayo sa kanya para sa kaniyang ikabubuti.
Propesor sa PatologiaIsang ginoong mukang sakristan at di mukang
mediko.Hinirang ng vice-rector at inatasang tiktik sa
mga propesor.
Sandoval, Tadeo, Juanito, Isagani, Makaraig
Mapapansing hiwa-hiwalay sila at iba iba ang nararamdaman at
saloobin sa mga pangyayari.
Mahahalagang pangyayari:
Kinausap ng Propesor sa clinica si Basilio at
tinanong kung kasama ba siya piging kagabi.
Mabuti raw at hindi siya nagtungo. at dahil kasapi siya ng kapisanan ng mga estudiyante ay "umuwi na
kayo ngayon din at punitin ang lahat ng
paepl ng maaring magsubo sa inyo sa
panganib“
Si Simoun daw, ayon sa propesor, ay sinugatan ng isang taong di kilala at ngayon ay naihiga.
Ayon sa propesor, nakatagpo ng mga
paskin na masasama ang sinasabi at
mapanghimagsik sa pinto ng unibersidad at
naghihinala na ang samahan ng estudiyante
ang may gawa.
Dumaan ang propesor sa Patologia at pinagusapan
nila basilio at propesor sa clinica si kapitan tiago
at sinabi "dinalaw siya (kap. Tiago) ng mga
uwak at ng mga kwago"
Nagtungo na si Basilio sa unibersidad. Mula sa
kalye Legaspi, naglakad patungo sa kalye Beaterio
at pagdating sa salikop nito at ng Kalye Solana ay
napansin ang mga guardia civil na
nagpapalalis ng mga estudiyante.
Ang mga estudiyante ay nagkukuro-kuro sa mga
pangyayari. ang kanilang mga balita ay nanggaling lamang sa diyanitor na nakibalita sa bataan sa
Sto. Tomas na nakibalita lamang sa isang capista.
Naalala niya ang sinabi ni Simoun; "sa araw na
kayo'y alisin nila..hindi na rin ninyo
maipagpapatuloy ang pag-aaral" at
naghinalang may kinalaman si Simoun sa
nangyari Nakasalubong niya ng hiwa-hiwalay si Sandoval na hindi siya naririnig "gawa ng takot sa katas ng bituka, si Tadeo na
tuwang-tuwa, Juanito Pelaez na nagmamalinis sa kanyang kontribusyon
sa kapisanan na siya mismo ang naguusig na maitayo at Isagani na
natagpuan niyang napapasiya
"Kung ang sinasabi ng mga paskin ay kasang-
ayon ng ating karangalan at mga damdamin, sino
man ang sumulat ay mabuti ang kanyang
ginawa, nararapat nating pasalamatan at agapan nating isama sa kayna ang ating mga kagda”.
Nagpunta na siya bahay ni Makaraig na nakita niyang masasayang nakikipagusap
sa kabo at alguacil. Tinanong ng kabo ang kanyang pangalan at
tumingin sa talaan. si Basilio ay inaresto. Hindi naman
dumalo sa Basilio sa dulang Pranses o dumalo sa piging ngunit naipatala na siya nga
Kap. Heneral sa Kabanata Labing-isa buhat ng
kanyang tatay ay diumano'y namatay sa isang pag-aalsa.
Sa sasakyang patungo sa Pamahalaang Sibil,
kasama si Makaraig, ang kabo at ang alguacil, ay kinuwento ni Basilio kay Makaraig ang kanyang
pagpunta. Sinabi ni Makaraig na "Maasahan mo ako kaibigan, at sa
pista ng ating investedura ay
anyayahan natin ang mga ginoong ito", na
nakatingin sa kabo at alguacil.
Pag-uugnay sa kasalukuyan
Mapapansin ang paghihimagsik laban sa
pamahalaan. Ngayon, iba't ibang sektor ang tumutuligsa sa
pamahalaan. Simbahan para sa pagtutol sa
isinusulong ng RH Bill. Estudiyante para sa
pinangangambahang tuition hike dahil sa budget cut sa edukasyon. at maging mga simpleng mamayan na hindi nakararamdam ng tuwid na
daan. May mga tao rin, nakakalungkot mang
sabihin, na nagmamalinis pagdating ng mga problema
gaya ni Juanito Pelaez. Maikitang siya'y takot na
takot at ginawa pang "saksi" si Basilio ng
kawalan niya ng kinalaman sa kapisanan.
Kabanata 27Ang Prayle at ang Pilipino
Talasalitaan:
TagapaghatidC _ p _ _ _ a
TinakpanI _ _ _ i _ _ d
PagkakaintindiP _ _ _ u _ _ _ o
Manirang ~ puriI _ _ u _ _ _ _ l _ _ n
PensingE _ _ r _ _ a
NakalagayN _ _ _ t _ _ _ p
CapistaIpininid
PaghuhuloInuupasalaan
EskrimaNakatutop
Mga Tauhan:
Isagani isang estudyanteng may paninindigan at magaling magdebate. Naniniwala
siya sa kakahayan ng mga Pilipino at na dapat
bigyan ng edukasyon ang lahat, maliban sa mga
may karunungan lamang.
Padre Fernandez paring dominiko na
natatangi rin sa kanyang mga kapatid sapagkat tinuturi niya na pareho sila ni Isagani. Liberal
siya mag-isip, sapagkat pinapabayaan niyang
magsalita ng malaya ang kanyang mga estudyante.
Mahahalagang Pangyayari
Ipinatawag ni Padre Fernandez si
Isagani sa kanyang
tanggapan
upang kausapin. Pinag-uusapan
nila ang mga bagay
na may kinalaman
sa mga kabataang lumalaban sa
mga frayle. Sa isang
banda ay tilanagtatalo sila. Sinabi ni
Isagani na ang mga prayle ang may
kasalanan kung bakit naging ganoon ang
pakikitungo ng mga ilang estudyante nila:
nakangiti pagnakaharap, nangaalipusta
pagnakatalikod ang mga pari.
Nang tanungin ni Padre Fernandez si Isagani kung ano ang ibig nilang gawin
ng mga estudyanteng Pilipino, ang isinagot ni
Isagani ay ang tuparin nila ang kanilang mga
sinumpaan. Naging napakatalim din ng mga
salita ni Isagani nang sabihin niyang
hinahadlangan ng mga prayle ang pag-aaral ng mga estudyante dahil
hindi nila itinuturo ang nararapat bagkus ay
itinuturo nila ay taliwas sa pagunlad.
Sinabi rin ni Isagani na kaya may mga taong walang karakter at
moralidad ay dahil na rin sa kagagawan nilang mga prayle. Ginamit ni Padre
Fernandez ang ‘pamahalaan’ bilang pananggalang nang kanyang maisip na natatalo na siya sa
usapan. Sinabi niya na ang gobyerno ay
maraming magandang plano para sa bayan
ngunit hindi inaasahang nagkakaroon ng mga kalungkot-lungkot na
resulta. Sinabi ni Isagani na ang mga prayle, pati
ang gobyerno ay linilibak ang mga Indio at pinagkakaitan ng
karapatan dahil sa kamangmangan.
Matapos ang usapan nila ay nagtungo si Isagani sa
gobyerno sibil.
Pag-uugnay sa kasalukuyan
Katulad ng sitwasyon sa aklat, binabalewala rin ng gobyerno ang edukasyon. Maraming pampublikong paaralan ay walang sapat na gamit. Minsan rin nga
siksikan ang mga estudyante dahil masyado
maliit ang silid-aralan. Maraming bata ay
nangailangan ng edukasyon ngunit di ito binibigay ng
gobyerno. Isa pang pag-uugnay ay ang
mga masasamang prayle. Sinisimbolo nila ang mga opisyal sa gobyerno na di ginagawa ng maayos ang
kanilang trabaho. Inaabuso nila ang posisyon nila para
sa sariling kapakanan. Dahil sa kanila ay di umuunlad
ang Pilipinas.
Kabanata 28Tatakut
Talasalitaan:
Taong taga-GermanyA _ _ _ _ n
EspadaS _ _ _ e
TimpiinS _ _ i _ _ n
Kulubot
T _ _ l _ _ g
xNamumula ang pisngiK _ _ i
AlemanSable
SupilinTudling
Kimi
Mga Tauhan
Ben-Zayb –Siya ay naging napakasaya dahil
sa nangyari tungkol sa mga paskin dahil ang pangyayaring
ito ay pinatunayan ang mga sinulat niya sa pahayagan na
sinasabi na ang pagpapaaral ay masama. Makikita rin sa
kabanatang ito ang pagkamahabagin ni Ben-Zayb dahil sa kanyang reaksyon sa pagkakita ng bangkay at sa isinulat na pahayag sa huli.
P. Irene –Sa kabanatang ito ay ipinakita na si P. Irene ay may kaunting kaugaliang pinagyayabang ang
sarili. Makikita rin dito na walang tunay na nais si P. Irene
na pangalagaan ang naghihingalong si Kapitan Tiago.
Sa halip na pinapagaling ang sakit nito, ay pinapalala pa nga
sa pamamagitan ng pagsasalaysay ng mga
nakasisindak na pangyayari hangga’t sa mamatay ito sa
takot.
Ang platero –Siya ang may-ari ng bahay na
samantalang tinitirhan ni Placido Penitente habang ito’y nasa
Maynila. May takot ito na baka minamanmanan ang mga pag-uusap niya sa mga kaibiga’t
manggawa niya ngunit may taglay ring katakutang matawag na
duwag kaya’t may kaugalian siya na biglang umuubo nang malakas tuwing gustong putulin ang mga
pag-uusap sa takot na minamanmanan ito. Mayroon din
itong labis na takot na may masasamang mangyayari sa mga
kamag-anak niya.Placido Penitente –
Si Placido ay makikita sa kabanatang ito na may kalaksan ng loob at katapangan sapagkat siya’y
naglakas-loob na lumibot sa siyudad habang ang halos lahat ng tao ay takot na tumatago sa loob
ng mga bahay.Kapitan Tiago –
Malubhang-malubha na ang sakit ni Kapitan Tiago at lumubha pa
ang kondisyon nito nang mabalitaan ang pagdakip kay
Basilio. Mahihinuha mula rito na labis na pinapahalagahan niya ang lahat ng mga pagmamalasakit sa
kanya ni Basilio.
Mahahalagang Pangyayari
Si Isagani ay ipinatawag ni Padre Fernandez na isang
katedratiko. Labis na iginagalang ito ng binata.
Ayon sa Pari, narinig nito si Isagani sa pagtatalumpati ng binata. Itinatanong ng
Kura kung kasama si Isagani sa hapunan. Pinuri
rin ang pagkakaroon ni Isagani ng paninindigan .
Pinaupo ang binata. Nguni’t nanatiling
nakatayo si Isagani. Patuloy na nagsalita ang Pari. May mga dalawang libong estudyante na raw
ang naturuan niya o sinikap niyang turuang mabuti at karamiha’y
pumupula at lumalalos sa mga prayle nguni’t walang
makapagsalita nang tapatan o harapan.
Inisip ni Quiroga na magtungo kay Simoun at isangguni kung panahon
na upang gamitin ang mga baril at pulbura’t bala na ipinatago nito sa kanya.
Ayon sa himatong ni Simoun iyon ay palihim na
ilalagay sa mga bahay-bahay at saka
magpapahalughog ang pamahalaan. Darami ang
madarakip at mabibilanggo. Marami, lalo
sa mayayaman, ang patutulong sa kanila ni
Simoun atiyon ay mangangahulugan ng malaking salapi. Nguni’t di niya nakausap si Simoun. Ipinasabi lamang na huwag galawin ni Quiroga ang anuman sa kinalalagyan.
Dahil dito’y minarapat ng intsik na makipagkita kay
Don Custodio upang itanong kung nararapat
niyang balutihan ang kanyang basar ngunit ni si
Don Custodio ay hindi tumanggap sa kanya
sapagkat kasalukuyan noong pinag-aaralan ang
isang pagtatanggol sakaling siya’y makubkob.
Kay Ben Zayb nagtungo ang intsik. Nang makita niya na nakapatong sa mga papeles
ng manunulat ang dalawang rebolber, kaagad
nagpaalam ang intsik. Umuwi ,nahiga at
nagdahilang maysakit.
Pinaguusapan sa isang pansiteriya ang paglusab sa siyudad. Nabalita parin na
may mga pandigmang sasakyang aleman sa labas
ng look, na tutulong sa kilusan. May mga estudyante
pa aw na nagtungo sa Malakanyang upang
magpahayag ng pagkamaka-Kastila ngunit nahulihan sila ng armas kaya’t nabilanggo. Naligtas ang Heneral dahil
noo’y nakikipanayam sa mga Provincial, sa Vice-Rector at kay P. Irene na sinugo ni P.
Salvi.
May nagpanukalang magpabaril kaagad ng isang
dosenang pilibusterilyo upang matigil ang gulo. Ang
payo ng isang may mahabaging puso sapat nang palakarin sa mga lansangan
ang mga kawal na kabayuhan at may hilang kanyon at ang lahat ay
magsisipanhik ng bahay upang manahimik. Ang sabi
naman ng isa ay pagpapatayin ang
mayayaman at linisin Dahil sa pagkahuli kay Basilio at
pagkahalughog sa mga papel at aklat, ay lalong naglubha si Kapitan Tiyago. Nanginig
sa takot ang matanda. Nakadilat ang mata na
napakapit sa kura. Nagpilit bumangon. Nguni’t di nakaya. Bumagsak na
sumasago ang laway. Patay na siya. Nasindak ang kura at tumakbo. Nakahawak sa
kanya ang patay na nakaladkad niya hanggang
sa gitna ng silid.ang bayan.
Kinagabihan, dahil sa isang binyagan at pagsasabog ng kuwalta sa may ilang bata, ay nagkaroon ng kaunting
kaguluhan sa pinto ng simbahan. Isang opisyal
ang nagdaan. Nabigla ito sa pag-aakalang gawa iyon ng mgs pilibusterilyo. Hinabol ng sable ang mga batang nagsipasok sa simbahan.
Nagtakbuhan ang mga tao sa pag-aakalang nagsimula
na raw ang himagsikan.
Sa Ermita ay lalaong mahigpit ang nangyari
isang beterano ang napatay dahil pinagkamalan ng
isang kawani na yaon ay estudyante.
Sa Dalumbayan ay napatay ang isang kaawa-awang
matandang bingi na hindi nakarinig sa quien vive ng
bantay.Sa isang tindahan ay si
Tadeo kaagad ang ipinakibalitaan ng may-ari
ng tindahan. Binaril na raw, sagot ng estudyanteng
nakatira sa Parian. Napadaing ang babae.
Malaki raw ang utang ni Tadeo sa kanya. Sabi ng
estudyante sa magtitinda ay wag daw magsalita ng
malakas at baka raw madamay pa kay Tadeo ang
may tindahan. Natahimik ang babae.
Luku-luko raw si Isagani at kusa pa raw nagpadakip sabi
ng estudyante. Walang anuman daw sa magtitinda’t
walang utang sa kanya si Isagani.
-Sa tirahan nina Placido Penitente, hindi naniniwala ang platero sa mga paskil.
Gawa lang daw iyon ni Padre Salvi. Ayon naman sa isa’y si
Quiroga ang may gawa. Hindi raw nakausap ni
Placido ang mga bilanggo.Tatlumpu raw. Ayon sa manggagawa ng pulbura ay magpupugutan ng ulo sa
gabing iyon. Hindi raw mangyayari iyon, anang isa,
dahil si Simoun na siyang madalas magpayo niyon ay
maysakit. Nagkapalitan ng tingin ang dalawang bagong dating.
Nang gabing iyon ay pinalitan ang mga tanod sa pinto ng siyudad. Ipinalit ay
mga artilyerong Kastila. Kinabukasan ay nakatagpo sa Luneta, malapit sa pinto,
ng bangkay ng isang dalagitang kayumanggi.
Halos hubad. Ngunit nakita man iyon ni Ben Zayb ay di
na nabalita.
Pag-uugnay sa kasalukuyan
Isinlaysay sa kabanatang ito ang mga reaksyon ng mga
tao sa isang nakasisindak na pangyayari (ang paghuhuli
sa mga maraming tao at ang paghahalughog sa mga
bahay). Sinalaysay rin ang mga iba’t ibang ginagawa
ng mga tao dahil sa sobrang takot na nararanasan.
Maihahalintulad ang mga ito sa mga nangyayari ngayon kapag ang isang bansa ay inilagay sa kalagayan ng sobrang takot. Sa itong kalagayan ay maraming karapatang pantao ang
malalabag, maraming tao, kahit babae o bata man, ang
masasaktan, at ang malaking kaguluhan lamang ang makikita sa bawat dako.
Kabanata 29Mga huling salita ukol kay Kapitan
Tiyago
Talasalitaan:
NgangaH _ _ _ o
Pinaglalagyan ng Tabako
K _ _ a _ _ _ g
Barong TagalogP _ _ k
SigarilyoA _ _ _ n
Gutom an gutomD _ _ _ k _ _ k
HitsoKuwakong
PrakApyan
Dayukdok
Mga Tauhan
P. IreneAng paring huling nakausap
kay Kapitan Tiago bago ito’y namatay. Siya’y
hinirang ni Kapitan Tiago na gaganap sa mga huling
habilin niya. Siya rin ay ipinagtanggol ang
pagkakaroon ng marangal na paglibing kay Kapitan
Tiago mula sa mga kurang nagsasabing ito’y namatay
na hindi nangumpisal. Ngunit, makikita rin sa
kabanatang ito ang kaunting pagkakuripot ni P.
Irene dahil sa kanyang pagtutol sa pagpapasuot ng mga mamahaling damit kay Kapitan Tiago tuwing libing
nito. Don Primitivo
Isang pilosopo ng lugud na lugod sa pagbanggit ng
mga teologong kuru-kuro. Magaling ito sa pagsasalita
ng wikang latin at napakahusay sa pakikipagtalo.
Martin AristorenasIsang mananabong na lumaki halos sa sabungan. Labis na magkatunggali ang kanyang
mga pananaw sa mga pananaw ni Don Primitivo.
Kap. Tinong – Isang matalik na kaibigan ni
Kapitan Tiago. Hindi niya nadalaw si Kapitan Tiago
habang ito’y may sakit kaya’t nais niyang may mabibigay siya sa kaibigan ngayong
patay na ito.Doña Patrocinio
Ang dating katunggali ni Kaptian Tiago sa
pagkamasambahin. Nagnanais itong mamatay sa
kinabukasan upang magkaroon ng mas magara at
mas malaking libing kaysa kay Tiago. Nais niyang
masabi ng mga tao na mas magaling at mabuti ang libing
nito kaysa sa libing ng katunggali niya.
Mahahalagang Pangyayari
Naging marangal ang libing ni Kapitan Tiago. Hinirang
niya si P. Irene bilang tagaganap sa kanyang mga huling habilin. Paghahati-
hatiin ang kanyang kayamanan sa kumbento sa
Sta. Clara, sa Papa, sa Arsobispo, at sa mga
samahan ng prayle. Dahil sa mungkahi ni P. Irene,
nag-iwan din siya ng dalawampung piso para sa
matrikula ng mga mahihirap na estudyante.
Pinawalang-bisa rin ni Kapitan Tiago ang
dalawampu’t limang pisong pamana kay Basilio.
Kinabukasan ay nagtipon sa bahay ng namatay ang maraming tao at pinag-uusapan ang iba’t ibang bagay tungkol sa kanya. Ayon sa mga mongha ay
nakita nila ang kaluluwa ni Kapitan Tiago at ito raw ay ibig sabihin na iniligtas siya ng Diyos dahil sa kanyang
maraming pamisang nagawa. Inilarawan ang
kaluluwang ito na nakasuot ng prak, may kuwakong panghitit ng apyan, at
kasama ang sasabunging manok. Dahil sa may mga
mananabong doon, may ilan na nagbabanggit ng mga
haka-hakang kung hahamunin kaya ni Kapitan Tiago si San Pedro sa isang
sabong, kung sino ang mananalo, kung ang mga
manok ay walang kamatayan, at iba pa.
Sa isang dako ay nagtatalo sina Don Primitivo kay
Martin Aristorenas. Ayon kay Don Primitivo, sa langit
ay kapwa mananalo ang dalawang sabungerong naglalaban ngunit ayon
naman kay Aristorenas ay dapat lagi may isang
mananalo at isang matatalo o di kaya’y tabla naman.
Sa ibang pulutong naman ay nag-uusap si Kapitan Tinong sa isang mananahi. Nais ni Kapitan Tinong na pasuutin sa namatay ang isang abito ng pransiskano na lumang-luma na binayaran niya ng
tatlumpu’t anim na piso dahil ililigtas daw nito ang bangkay
mula sa impiyerno. Ayon naman sa mananahi ay dapat
pasuutin sa namatay ang isang prak dahil noong buhay
pa ito ay halos laging nakasuot ng prak saanman pumunta. Ngunit si P. Irene ay hindi sang-ayon sa sinabi ng dalawa at sinabing ang lumang trahe ay sapat na
sapagkat ang Diyos ay hindi tumitingin sa mga damit.
Naroon din sa libing si Doña Patrocinio, ang dating
katunggali ni Kapitan Tiago, at nagnanais siyang mamatay upang magkaroon ng lalong
malaking libing.
Pag-uugnay sa Kasalukuyan
Ibinanggit sa kabanatang ito ang tauhang si Doña
Patrocinio na inilalarawan na may pagnanasang mamatay para lamang
magkaroon ng mas malaking libing na
magugustuhang lalo ng mga tao kaysa sa ginawang
libing kay Kapitan Tiago. Makikita pa ngayon ang itong pag-uugali ng mga tao na gagawin ang kahit ano para lamang talunin ang mga katunggali nila. Kung ang Doña sa nobela
ay nais mamatay para lamang talunin ang
kalaban, sa kasalukuyang panahon ay may
mararaming tao na may parehong masamang pag-uugali na handang saktan
di lamang ang sarili, ngunit pati na rin ang ibang
walang sala, upang matalo ang kanilang kaaway.
Binanggit din sa kabanatang ito na nais ni Doña
Patrocinio na magkaroon ng maraga’t malaking libing
para lamang purihin siya ng mga taong makakakita rito.
Tulad ng nangyayari sa kasalukuyang panahon, ang mga tao ay nakalilimot sa
mga tunay na kahulugan ng mga seremonyang ito; imbis na paraan ng paggalang sa mga namatay, ay ginawang paraan ng pagpapasikat sa
sarili ang libing.
Kabanata 30Si Juli
Talasalitaan:
KumikiboU _ _ i _ _ k
“Holy Water’A _ _ a B _ _ d _ _ a
ProteksyonK _ _ d _ _ i
Dapit-hapon
T _ _ _ p _ _ _ _ m
Paulit-ulitU _ _ u _ _ l _ _ l
UmiimikAgua Bendita
KandiliTakipsilimUmuukilkil
Mga Tauhan
Hermana BaliSinamahan si Juli magpunta
kay Padre Camorra
JuliKasintahan ni Basilio na
nagpakamatay
Padre CamorraKura ng Tiani na
pinuntahan nila Juli sa pagnarasang mapalaya si
Basilio
Mahahalagang pangyayari
nakarating sa San Diego and balita tungkol sa
pagkamatay ni Kapitan Tiyago at ang
pagkabilanggo ni Basilio. Maraming balita ang
umiikot tulad ng pagbitay ng 3 martir sa Kavite at ang
nalalapit na pagbitay ni Basilio .
Binanggit ni Hermana Penchang: “Makikita naman
talaga! Tuwing papasok siya sa simbahan at
madumi ang agua bendita ay hindi siya magkukurus!
May mga sakit at maliliit na hayop daw! Aba, ang
kabaliktaran nga noon ang katotohanan, eh! Noong
nagkasakit ako, pinahid ko ang agua bendita sa aking
puson at gumaling ako agad!”
Marami ang nagsasabi na dapat lang parusahan si
Basilio dahil sa pagtutulong niya kay Juli na anak ni
Cabesang Tales.
Nahimatay si Juli noong narinig niya ang balita
tungkol kay Basilio.Inisip ni Juli na tulungan si
Basilio at humingi ng tulong kay padre Camorra
ngunit humingi siya ng “pagpapakasakit” mula
kay Juli. Naghanap ng payuhan si
Juli sa tagasulat ng tribunal (clerk) pero wala siyang napala kung ang
pagpayo ng Juli na humingi ng tulong kay Padre
Camorra dahil siya lang ang may kakayahan na ipagtanggol si Basilio.
Ayaw ni Juli pumasok sa kumbento pero kinumbinsi ni Hermana Bali na hindi masama na tumuloy sa Kumbento ayon sa mga
sinabi sa “Tandang Basyong Makunat”
Nagkabangungot si Juli kay Basilio na namamatay na
siya at pinagtawanan lamang ni Kabesang Tales.
Nagkaroon ng balita na may isang estudyante na binaril. Pinagisipan na ni
Juli ang pagpunta sa Kumbento pero natuloy sa
pagpabilan niya. Narinig ni Juli na Ipinatapon raw si Basilio sa Carolinas
pero pinalaya na ang kanyang kasamahan.
Nagbihis siya ng kanyang pinakamaayos at
pinuntahan si Hermana Bali para pumunta sa kumbento.
Nanghinayang si Juli noong palapit na sila sa Kumbento
at, sa pamamagitan ng pagusap ni Hermanang Bali,
tumuloy na rin si Juli. “Sige! Desisyon mo naman
iyan! Ipapatapon na si Basilio! Siya’y papatayin sa
daan dahil daw siya’y nagtangkang tumakas! Sa
kamatayan niya ako’y walang anumang utang na
loob! Hindi niya ako masusumbat!”
Sa pagsapit ng Gabi, nagkaroon ng balita na may
tumalon sa bintana ng kumbento at patay noong
nahanap. Nagkaroon din ng babae na lumabas at
tumakbo mula sa pintuan ng kumbento at sumisigaw.Mayroon rin daw ang isang
lalaki na kumakatok sa pintuan ng kumbento pero nabugbog lang siya ng mga
sacristan. Kinagabihang iyon ay
nagpulong ang mahigit pitong pari na galing sa
iba’t ibang bayan.Sa sumunod na araw,
umalis si Tandang Selo, dala ang gamit ng
pangangaso.
Pag-uugnay sa Kasalukuyan
Hindi patas ang kanilang pagpapatapon sa mga tao sa
bilangguan. May mga insidente na ang mga
ikinukulong ay ang mga walang sala, at kung sino pa
ang malaki ang ginawang kasalanan ay siyang mga nakalalaya kaagad o ang
hindi nakukulong. Katulad na lamang ng ibang opisiyal sa gobyerno. Ang iba sa kanila
ay pinagnakawan na ng sobrang dami ang Pilipinas dahil sa pagiging corrupt,
ngunit wala paring ginagawa sa kanila. Isa rin ang mga
taong hindi nagbabayad ng buwis. Kung sino pa ang hindi sumusunod sa sarili nating batas ay ang mga hindi nakukulong, at ang mga inosente ay siyang
nakukulong.
Dumarami rin ang bilang ng mga taong
nagpapakamatay. Ang mga karaniwang sanhi ay dahil sa sobrang daming problema ng isang tao at
hindi na niya masolusyonan, ay
magpapakamatay na lamang siya, gaya ni Juli.
Katapusan ng PresentasyonSana nasiyahan kayo!
Ikatlong Grupo ng Rosal 2014Jayme James Q. Tambaoan
Nicole Elyse B. SaputilJoseph Raymond G. Sanchez
Juan Gabriel C. TamayoJoseph Christian S. Singson
Daniel Ian F. LumandasJaime Joice G. Noche
Ana Beatriz C. ManaloJoaquin Mateo B. Cariño
Katrina Isabela A. Bartolome
Pagkilala Sa KonribyusyonJayme James Tambaoan – Pinuno
Nicole Elyse Saputil – Ikalawang PinunoJuan Gabriel Tamayo – Gumawa ng presentasyon
Joseph Raymund Sanchez – Pinuno ng Pagbuod
Pinuno ng Bawat kabanataJayme James Tambaoan – Kabanata 26
Jayme Joice Noche – Kabanata 27Nicole Elyse Saputil - Kabanata 28
Joseph Raymund Sanchez – Kabanata 29Joseph christian Singson – Kabanata 30
Teka Muna!!!Kumuha ng Ikaapat na piraso
ng papel!
Loading…
|
Nagawa ba ni basilio ang tatlong bagay na dapat niyang gawin noong araw na iyon?
A. Hindi, ang pangatlo lamang ang kaniyangnagawa
B. Hindi, ang unang dalawa lamang ang kaniyang nagawa
C. Hindi, ang huling dalawa lamang ang kaniyang nagawaD. Oo
E. Hindi, ang una lamang ang kaniyang nagawa
Bakit tuwang tuwa si Tadeo?
A. dahil naisip niya na walang klaseB. dahil makakauwi na rin siya sa kaniyang magulang habang nililitis ang mga estudiyanteC. dahil hindi siya hinuhuli ng guardia civil
D. dahil nakahikayat ng pansin ukol sa paghihimagsik nila ang mga paskin
E. dahil mararanasan niyang makulong
Nasaan ang unibersidad nila Isagani?
A. Sa kanto ng kalye Solana at Kalye BeaterioB. sa kanto ng kalye Anloague at Kalye Solana
C. sa kanto ng kalye Anloague at Kalye BeaterioD. sa kanto ng kalye Legaspi at Anloague
E. sa kanto ng kalye Legaspi at Kalye Beaterio
Bakit iniba ng propesor sa clinica ang pinaguusapan nila ni Basilio nang dumating
ang propesor sa patologia?
A. dahil ang propesor sa patologia ay espiya at tiktik sa mga propesor
B. dahil kilalang ang propesor bilang palakwento at madaldal
C. dahil pinarinig ng propersor sa clinica na malubha na ang kalagayn ni kapitan tiago
D. dahil hahaba ang paguusap nila kung marinig pa niya ang tunay na pinaguusapan nila ni basilio
E. dahil alam niyang may koneksyon ang propesor sa mga guardia civil
Nagawa ba ni basilio ang tatlong bagay na dapat niyang gawin noong araw na iyon?
A. Oo, dahil ang tatay niya ay namatay sa paghihimagsik
B. Hindi, dahil wala na siyang ibang nagawang kasalanan
C. Oo, dahil may galit sa kanya ang mga guardia civil kahit noong sa Noli pa
D. Hindi, dahil tanging ang mga kasapi lamang ang pinaghihinalaang may gawa ng mga paskin
E. Oo, dahil naitala na ng Kap. Heneral ang kaniyang pangalan bilang taga-sulong ng Akademya ng
Kastila
Sino ang estudyanteng kinausap ni P. Fernandez?
A. Basilio
B. Isagani
C. Makaraig
D. Sandoval
E. Pecson
Sino ang tumawag sa estudiyanteng iyon?
A. Padre Fernandez
B. Capista
C. Isa pang estudyante
D. Guardiya sibil
E. Basilio
Sa pag-uusap nilang dalawa, anong klase daw pagakain ang ibinibigay ng pamahalaan sa mga bilanggo?
A. Masarap
B. Panis at tira
C. Mabango at malasa
D. Pangit tingnan at mabaho
E. Walang ibinibigay na pagkain
Nagawa ba ni basilio ang tatlong bagay na dapat niyang gawin noong araw na iyon?
A. Sa bahay ni Makaraig
B. Sa Pamahalaang Sibil
C. Sa bilangguan
D. Sa Malacanang
E. Sa kumbento ng Sta. Clara
Saan inihalintulad ang pagtuturo ng mga prayle?
A. Sa mga paring nagsesermon sa mga taongwalang relihiyon
B. Sa isang eskultor na walang nayaringmaayos sa kanyang putik
C. sa isang magsasakang nagtatanim satigang na lupa
D. sa isang karpinterong nagtatayo ng bahayna walang kasangkapan
E. sa isang ina na iniiwan ang mga ana
Sino sa mga sumusunod ang unang pinuntahan ni Quiroga?
A. Pari Irene
B. Don Custodio
C. Simoun
D. Ben-Zayb
E. Kapitan Heneral
Ano ang Pangalan ng pahayagan ni Ben-Zayb?
A. La Prensa Filipina
B. Quien Vive
C. El Grito
D. Pirotecnia
E. Sobre Alguna
Sino ang kusang nagpadakip sa mga Guardia sibil?
A. Placido Penitente
B. Simoun
C. Isagani
D. Makaraig
E. Juanito Pelaez
Ano ang panukala ng Kapitan Heneral para matigil ang gulo?
A. Palakarin sa lansangan na may hilang kanyon
B. Patayin ang mayayaman
C. Magpapatay ng isang dosenang pilibustero
D. Kunin lahat ng armas
E. Maghayag ng rebolusyon
Sino ang dating katunggali ni Kapitan Tiago?
A. Dona Patrocio
B. Dona Patriocinio
C. Dona Patrocino
D. Dona Patrocinio
E. Dona Patriocio
Bakit iniligtas ng Diyos si Kapitan Tiago, ayon sa mga mongha?
A. Marangal siyang tao at mabuti ang kaloobanB.Madalas siyang nangungumpisal
C. Araw-araw ay nagdarasal at laging pumupunta sa mga misa
D. Marami itong nagawang pamisa at may pamanang iniwan para sa banal na bagay
E. Maraming pera ang binigay sa mga mahihirap na tao
Ayon kay P. Irene, ano ang dapat pasuutin sa namatay?
A. Barong Tagalog
B. Isang magarang prak
C. Abito ng pransiskano
D. Mga lumang trahe
E. Damit ng insik
Pinawalang-bisa ni Kapitan Tiago ang perang mamanahin sana ni Basilio ngunit ibinigay ang karamihan sa kayamanan niya sa iba’t ibang bahagi ng simbahan. Bakit kaya ito ang mga
naging huling utos niya?
A. Inaakala niya na pupunta siya sa langit kapag binigay ang kayamanan sa simbahan
B. Nais niyang gantihan ang simbahan sa lahat ng tulong na ibinigay nito sa kanya
C. Sa paghihina ng kanyang isip dulot ng lala ng kanyang sakit ay nakalimutan ang lahat ng pag-aalaga na ginawa ni Basilio sa
kanyaD. Gawa-gawa lamang ang mga naging huling utos niya, hindi
niya tunay na ipinagawa ang mga iyonE. Hindi na siya dinadalaw ni Basilio sa mga huling araw niya kaya nagalit sa binata at pinawalang-bisa ang pamana nito
Magkano ang dapat ipamana sana ni Kapitan Tiago kay Basilio?
A. 20 Piso
B. 36 Piso
C. 32 Piso
D. 25 Piso
E. 30 Piso
Ano ang isa pang balitang kumalat sa San Diego maliban sa pagkabilanggo ni Basilio?
A. Ang pagkagalit ni Kapitan Heneral
B. Ang pagkamatay ni Maria Clara
C. Ang pagkahuli ni Padre Salvi
D. Ang pagbabalik ni Crisostomo Ibarra
E. Ang pagkamatay ni Kapitan Tiyago
Sino ang tinutukoy sa katagang ito? "Tuwing papasok siya sa simbahan at madumi ang agua
bendita ay hindi siya magkukurus! May mga sakit at maliliit na hayop daw!"
A. Juli
B. Padre Camorra
C. Hermana Penchang
D. Hermana Bali
E. Basilio
Bakit sa tingin ng iba ay dapat lang parusahan si Basilio?
A. Dahil iyon ang parusa sa kanya ng DiyosB. Dahil sa kanyang pagtulong sa pagpapasa sa
Akademya ng Wikang Kastila C. Dahil siya ay isang pilibustero
D. Dahil sa hindi niya pagrespeto sa mga prayleE. Dahil sa paghihiganti ng mga prayle sa pagtulong
niya sa pagtubos sa pagkaalila ni Juli
Sino ang kasama ni Juli papuntang kumbento?
A. Kabesang Tales
B. Tandang Selo
C. Hermana Penchang
D. Siya ay mag-isang pumunta sa kumbento
E. Hermana Bali
Ilang pari ang nagpulong matapos ang pagkamatay ni Juli?
A. 2
B. 3-5
C. 6
D. 7
E. Mahigit 7
Answer Key
1. A2. A3. A4. A5. A
6. B7. B8. B9. B 10. B
21. E22. E23. E24. E25. E
11. C12. C13. C14. C15. C
16. D17. D18. D19. D20. D